Interview

Cabinet Report – The New Normal hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar


SEC. ANDANAR: Pilipinas, ang buong bansa natin ngayon ay abala sa pandemya at sa ating recovery mula dito. Sa kabila ng mga problema nating may kinalaman sa COVID, dapat ‘di rin natin kalimutan ang pagpapahalaga at pangangalaga sa ating kapaligiran at ang pagtugon sa mga problemang sanhi ng pagpapabaya nito.

Sa episode po na ito, gusto nating bigyang-pugay ang kuwento ni Bureau of Customs District Collector for Region X John Simon na pinarangalan kamakailan para sa kaniyang ginagawa para sa kapaligiran. Matatanong ninyo marahil, Customs at kapaligiran – oo, may kinalaman iyan at aalamin natin kung bakit ngayong gabi sa pakikipagpanayam natin kay John Simon mismo.

The government worker as pro-environment warrior ang kuwento ni John Simon tampok ngayong gabi.

Ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar; welcome to the Cabinet Report.

Welcome back to the Cabinet Report. Bago tayo magpatuloy, pakinggan muna natin ang ulat na ito tungkol sa usapin ng pagbabakuna:

[VTR]

Alam po ninyo, patuloy ang kampanya ng ating pamahalaan upang makumbinsi ang ating mga kababayan na magpabakuna kontra COVID-19. Kamakailan lang napabalita na maging ang mga Obispo ng Simbahang Katolika ay nagsalita na rin tungkol sa usapin ng pagbabakuna. Pakinggan natin ang report na ito:

DAVAO ABP. ROMULO VALLES, DD: Sinabi ng Obispo, CBCP that we would gladly lend/allow the use of church facilities for the actual vaccination campaign. I was pointedly asked, “Would you have yourself vaccinated?” And I said ‘yes, we are really guided by the Vatican.’ The present Pope and the Pope Emeritus both had themselves vaccinated and already I heard tapos na ang second jab nila, iyong second jab ng vaccines.

So in my personal estimation, they have also examined with all considerations the effectivity of these vaccines. I’m sure of that, they have consulted the physicians.

The Pope also made a remark to be vaccinated is an ethical thing to do. It is to protect your life, life is precious, life is endangered because of this virus but also you protect your lolo, your lola, your children, your family. So it is not only protecting yourself but also protecting those around you. In short, it is an ethical thing to do because it is loving others, caring for others and caring for the gift of life that you have.

VOICE OVER: Nagpahayag na si Davao Archbishop Romulo Valles, Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na ang pakikiisa ng CBCP sa programang pagbabakuna ng pamahalaan sa pamamagitan ng pag-alok ng mga paaralan at iba pang mga pasilidad sa kani-kanilang mga parokya at dioceses bilang venue ng paturukan. Suportado rin daw ito ng mga religious orders at ng mga pribadong paaralan ng mga ito.

DAVAO ABP. ROMULO VALLES, DD: Three examples: I made a carefully worded texts and forwarded it to all parish priests in the Archdiocese of Davao, parish priests and saying to the effect that if needed, please let us open our church facilities, gyms, pastoral centers for the vaccination program of the government, so that’s one.

And then secondly, I texted our City Mayor about this para alam niya that parish priests have already been notified about this basic offer natin and the Mayor was very grateful.

I also emailed to the Executive Director of the Davao Association of Catholic Schools. Here in this association are many schools which are not directly under the dioceses. I can quickly give three examples – a big university run by the RVM Sisters, UIC – University of the Immaculate Concepcion; a huge university run by the Jesuits, Ateneo de Davao; and then third, a very well-known school for nursing and other related subjects run by the Dominican Sisters of the Holy Trinity running the huge San Pedro Hospital and San Pedro College.

The response is great, very encouraging and I’m sure by now there are other schools – again, not directly under the Bishop but related to the Bishop, they are in the jurisdiction of each diocese. The number must have increased. Now that is here in Davao Region but surprisingly I got a call from up north, the Bishop from the Ilocos Region. I won’t mention which diocese and the Bishop just said, “Archbishop Buloy, are we go now? When can they go, offering our facilities, the schools for the vaccination campaign?” Yes okay, that is the consensus of the Bishop, that we will offer our facilities. Why? Yes, because we are doing that. I’m just comparing notes with you.

So really on this particular matter ha, I presume I have not heard of any contrary notice that they are… like not open to this help. A little, simple help that we can offer to this huge, very [unclear] campaign of vaccinating our people.

VOICE OVER: Mag-iisang taon na mula noong magsimula ang ating mga quarantine at pagpapatupad ng mga health protocols. Ano ang pagninilay ng Arsobispo sa panahong ito ng pandemya?

DAVAO ABP. ROMULO VALLES, DD: One single big meeting that I attended with Secretary Duque online na there was one category he have been mentioned in the areas of concern – how to build up inner strength for people, strength in their spirit, strength in their hearts to be strong in this time of pandemic. Two items: our deep sense of God allowed to be manifested even on online worship services or limited services but to be connected with God was such a wonderful source of strength.

But also, we have been consistent that in this time of distress when you are truly connected with God in your faith, automatic sana, it is always you begin and you continue to look out for others, to care for others.

SEC. ANDANAR: Sa ating pagbabalik, ang ating interview kay Bureau of Customs District Collector for Region X John Simon – government worker, pro-environment warrior. Tutok lang dito sa Cabinet Report.

[COMMERCIAL]

SEC. ANDANAR: Welcome back to the Cabinet Report. Kasama natin ngayong gabi si Bureau of Customs District Collector for Region X John Simon. Welcome to the Cabinet Report, John. Magandang gabi sa’yo.

DISTRICT COLLECTOR JOHN SIMON: Magandang gabi sa iyo Secretary at maraming salamat sa pagkakataong binigay mo sa akin upang maihayag kung ano ang mga nangyayari sa ating pamahalaan at sa ating kapaligiran. Mabuhay ka. Salamat po.

SEC. ANDANAR: Congratulations po at kayo ay napili ng United Nations Environment Program Asia and the Pacific Office bilang isa sa mga winners ng Asia Environmental Enforcement Awards. Itong award na ito ay naglalayong bigyang-pugay ang outstanding achievements by public organizations and individuals in Asia to combat transboundary environmental crime.

At ito ang sinabi ng United Nations Environment Program sa press release nila: “Braving threats to his life, John Simon, a District Customs Collector of the Philippine Bureau of Customs, upended a multimillion-dollar smuggling operation, seizing 10,000 tons of illegal waste being smuggled into the Philippines. After the seizure, Simon pursued legal avenues to have the waste repatriated to the country of origin in accordance with the Basel Convention on the Control of Transboundary Movements of Hazardous Wastes and their Disposal. Collaborating with other agencies and advocacy groups, he helped to initiate court proceedings against three foreign suspects implicated in the smuggling operation and to propose new legislation on the illegal importation of waste. Simon also spearheaded the cleaning and restoration of an imported waste dumping site.”

Pakikuwento po sa amin ang background nitong award po ninyo, Director.

DISTRICT COLLECTOR JOHN SIMON: Maraming salamat po. Ito po’y nagsimula noong ako po ay—in 2018, na ako’y bagung-bagong kolektor dito sa Northern Mindanao. Ang akala ko ay simple lang ang aking magiging buhay dito, iyon pala haharapin ko ang pinakamalaking basura na nakapasok sa kasaysayan ng ating bansa. Malaki pa ito doon sa basura ng Canada sapagkat pagsama-samahin mo na ang basura ng South Korea, ang basura ng Hong Kong, ang basura ng Australia – ito na nga ay masasabi nating pinaka na sa nangyari sa kasaysayan natin.

Ngunit tayo ay hindi nagpatinag sa mga puwersa ng kadiliman na nais na magpasok ng basura dito sa atin. Lahat iyan ay nilabanan natin, lahat iyan ay ginawan natin nang mabilis na aksiyon para sila ay hindi lamang hulihin, hindi lamang kasuhan kung hindi ipatapon pabalik sa bansa kung saan sila nanggaling. Kaya iyan ang pinakamalaking naging achievement natin kaya naman ang United Nations na nagmu-monitor ng ganitong klaseng mga aksiyon ay hindi nagdalawang-isip na isama tayo sa walong mga pro-environment na mga indibidwal at organisasyon sa buong Asya para sa taon upang bigyan ng pagkilala na ang Pilipino ay hindi patitinag, ang Pilipino ay hindi papayag na maging tambakan ng basura ang kaniyang bansa.

Pagmamahal sa bayan, iyan ang naging ating inspiration at ang ating Pangulo na nagsasabi at nagpapaalala sa atin na huwag nating pababayaan ang ating trabaho dito sa ating pamahalaan.

Nagkaisa tayo, nagsumikap tayo at ngayon isa na itong napakalaking kasaysayan sa ating bansa na nagawa natin na tayo ay naging matagumpay sa ating trabaho laban sa mga puwersa na gustong magwasak sa ating bansa.

SEC. ANDANAR: Collector John, malaking problema ho ba sa mundo itong pag-i-export ng basura?

DISTRICT COLLECTOR JOHN SIMON: Napakalaking problema sapagkat napakalaking negosyo. Marami ang nakikinabang na mga tao na all they have to do is i-facilitate ang isang importasyon na kunwari eh naka-disguise as recycling o ‘di kaya eh naka-disguise na makatutulong daw sa bansa natin at marami namang bansang naloko lalung-lalo na dito sa ASEAN ‘no. Nakapasok, ang batas naman natin eh medyo maluwag; ang ilang mga opisyales ng gobyerno ay maluwag din, nagpaloko kaya nakapasok.

Pero tayo, winasak natin ang kanilang negosyo; a multi-billion dollars ang nawasak dito sa Pilipinas na negosyo. Bagama’t sa ibang bansa hanggang ngayon sila’y nakikiusap pa rin para ibalik sa countries of origin ang mga basurang nakapasok. Dito hindi, nanindigan tayo, nagmatigas tayo kaya napatapon iyan sa labas ng bansa natin at nandoon na ngayon sa kanilang mga countries of origin.

SEC. ANDANAR: Salamat at nasabat po ninyo ang basura na ito at nabalik ninyo na ito sa bansang pinanggalingan. At kung sakaling nakalusot po ito, ano po sana ang mangyayari doon sa basura? Saan sana ito dadalhin?

MR. JOHN SIMON: Nakakalungkot ang plano nila ‘no. Nakita na namin naghuhukay sila eh, ang daming hukay all over Northern Mindanao, ang lalaking hukay at doon pala unang paglalagyan. Ngayon, sa sobrang dami, hindi rin kakayanin ng hukay kaya iyan ay itatapon na lamang doon sa Claveria (Misamis Oriental) kung saan nandoon ang pinakamataas at pinakamalalim na area na puwede nilang (tapunan), na kapag pinasok mo’t kapag tinapon mo doon, hinding-hindi mo na makikita ‘no. Kaya kumbaga, iyong pangyayaring iyon, napigilan natin iyon dahil ang laking kasiraan sa ating kalikasan ang mangyari kung sakali man kung siya ay nakalusot nang tuluyan dito sa ating bansa.

SEC. ANDANAR: We will have more of our discussion with Region X Customs Collector John Simon after this break. Please don’t go away, stay here sa Cabinet Report.

[COMMERCIAL BREAK]

SEC. ANDANAR: Nakatutok pa rin kayo sa Cabinet Report, at kausap pa rin natin si Region X Customs Collector John Simon.

Malaking negosyo po ba itong iligal na pagtatapon ng basura sa mga bansa tulad ng Pilipinas?

MR. JOHN SIMON: Napakalaking negosyo sapagka’t kagaya nga noong nagdala ng Korean waste ‘no, napag-alaman namin through the Interpol that siya ay kumita ng napakalaki. Nag-launder ng pera sa iba’t ibang mga bansa, galing sa iba’t ibang bansa na kung ilang milyon na pinagkikitaan naman niya sa mga pagtatapon ng basura doon sa mga bansa na iyon.

Ngayon, dahil may warrant of arrest na siya doon sa ibang bansa na iyon, dito naman siya nakakita ng mga maloloko, at ang dami namang nagpaloko. Iyon, kumita na siya doon at unfortunately, in hiding siya at itinatago pa rin siya ng mga taong kaniyang binibigyan ng pera para siya ay magamit niya sa susunod.

At hangga’t naman ako ay nandirito, hindi siya makakaporma. Pero ang tanong, kung sakali man, halimbawa, na ako ay ma-assign sa iba eh baka tumira na naman siya ‘no dahil hindi titigil iyang mga walang hiya hangga’t hindi iyan nahuhuli.

SEC. ANDANAR: At dahil nga sa kalakihan ng iligal na negosyong ito, pinagbantaan din daw ang inyong buhay. Pakikuwento ito po sa amin, Customs Collector John.

MR. JOHN SIMON: Lahat ng klaseng katarantaduhan at lahat ng klaseng panggigipit ‘no, pangwawasak ay ginawa na sa akin. Pero ako naman ay nananalig na mayroon tayong Diyos sa taas at ako ay nananalig din sa kakayahan ng ating Sandatahang Lakas upang ako ay protektahan at naging kaisa nila ‘no sa paglaban dito sa ating mga puwersa na ito. Talaga namang hindi sila magdadalawang-isip para manggulo at mangwasak. Pero ang sa akin, kailangan manatili tayong vigilant and we would be able to outwit the enemy ‘no lalo na sa ganitong mga pagkakataon. Kailangan you should be ahead sa mga kalaban natin para hindi tayo mabiktima ng mga puwersa na ito.

SEC. ANDANAR: Alam ninyo po, madalas na naiisip ng tao kapag pinag-uusapan ang smuggled goods, ito ay tungkol lamang sa droga, mga kotse at mga kagamitan. Bukod po sa basura, ano pa po ang ibang mga kasama sa illicit trade?

MR. JOHN SIMON: Tayo ay naghihigpit ngayon, una na diyan ang droga; pangalawa ang armas, lalo na ngayon mag-i-eleksiyon, maraming magpipilit magpasok niyan – illicit din ‘no. Ngayon, may nagpapasok ay mga sigarilyo, agricultural products like sibuyas, like iyong mga nakakawasak ng mga industriya natin.

In fact, sa ating pagkampaniya, tayo ay talagang nakaka-receive ng malaking banta. Ang aking isang deputy district collector ay pinagbabaril at sa ngayon ay nag-aagaw-buhay sa isang ospital ngayon dito dahil sa paghihigpit natin sa napakaraming bagay. Kaya iyan ang napakalaki namin na hamon – kung papaano natin maipapanatili ang kaayusan ng ating bayan, ang pagbabantay sa mga puwedeng magsipasok at the same time, papaano naman namin pag-iingatan ang aming mga sarili.

Ngunit sabi nga sa ating pambansang awit, “Ang mamatay nang dahil sa iyo,” lahat ay haharapin namin para sa bayan.

SEC. ANDANAR: Bukod sa United Nations Environment Program Asia – Environmental Enforcement awards, nakatanggap din po kayo kamakailan ng environmental justice award. Please tell us about this.

MR. JOHN SIMON: Ito iyong kauna-unahan na parangal na ibinigay ng grupong Eco-waste Coalition. Iyon ay pinagsanib ng napakaraming mga grupo na nagbabantay sa kalikasan, kasama na diyan ang Green Peace International at ito iyong umbrella organization nila. Napagkasunduan nila na ibigay ang kauna-unahan (award) at ako iyong number one na binigyan ng award na iyon last January 17 sa pagsimula ng bagong taon, bumulaga sa akin ang parangal ng sarili nating mga kababayan. Sabi nila, “Kailangan pa bang mauna ang international? Kailangan mauna ang mga sarili mong kababayan na magparangal sa iyo sa nagawa mo para sa ating bansa.”

SEC. ANDANAR: You have called the United Nations award the apex of your career as a public servant. Kahit sino naman siguro ay tatawaging napakataas na parangal and perhaps the apex of anyone’s career. At ang inyong lingkod ay nabigyan din ng pagkakataon na magsalita sa United Nations, eh di sabi ko as a public speaker, “Okay na ako, boundary na ako.” Ano po ang naramdaman ninyo, John, noong natanggap ninyo itong United Nations award? How did you feel for yourself, for your family and for the entire Bureau of Customs?

  1. MR. JOHN SIMON: Well, napakarami ko na ring parangal na nanggagaling sa iba’t ibang (organization) …iyong lokal ‘no – national, regional, lokal – pero kakaiba kapag pandaigdigang parangal ang ibinigay sa iyo lalung-lalo na United Nations. Kasi ito iyong platform natin para ipahayag sa buong mundo na ipakita natin ang Pilipinas ay hindi basurahan. Ang Pilipinas ay isang bansang makapangyarihan na pinagtatauhan ng mga taong matino at mga taong hindi dapat tapunan ng ganiyang klaseng basura. Nakita nila na ang Pilipino pala ay kayang lumaban, kayang ipagtanggol ang bansa niya. Hindi ang Pilipino ay tinatanggap lang kung anuman iyan, kahit basura iyan. Hinding-hindi natin gagawin iyon! At sa pamamagitan ng karangalan ng United Nations, nagkaroon tayo ng platform para sabihin iyan right during the very hour na ako ay pinaparangalan, sinabihan ko silang lahat: “Salamat sa pagkakataon na ipakita na ang Pilipinas ay hindi basurahan. Kami ay Pilipino na makapangyarihan sa bansa namin. Kaya naming ipatapon pabalik ang basurang ibinigay ninyo sa amin.”

So iyon iyong akin. Kaya naging apex of my career kasi for the first time ay napatunayan natin kaya pala natin gawin iyon bilang Pilipino. At masasabi ko, alay ko sa ating bansa, it’s a legacy, hinding-hindi ko na makakalimutan sa buhay ko. And ito iyong [garbled] na sinasabi natin… kung sinasabi nating mahal natin ang bansa natin, ito iyong aking puwedeng masasabi [garbled] ng iba’t ibang henerasyon na darating sa ating bayan.

SEC. ANDANAR: Thank you very much, John Simon. Thank you for inspiring me, for inspiring so many public servants who saw the award, who witness the award, who read the news and who are watching our program right now. Ano ang mensahe mo hindi na lang sa mga kababayan natin, pero ano ang mensahe mo sa mga nakababatang mga public servants, mga nakakabatang government workers? What is your message of inspiration to them?

MR. JOHN SIMON: Well, para sa mga forthcoming generation natin, lalo na nanggagaling sa atin na masasabi ko na who’s already in the sunset of his career, isa lang ang dapat ninyong isipin, huwag ninyong isipin na porke ordinaryo lang kayo na tao, ikaw ay isang hamak na empleyado lamang ay wala kang magagawa. Ordinary people can do extraordinary things. At ang aking ginawa ay pagpapatunay na ang maliliit na tao, kahit maliit ka lang, puwede kang maging isang langgam na kakagat sa isang malaking elepante. At ang elepanteng iyan kahit na pinakamalaki siya, kaya mo siyang pabagsakin sapagka’t nasa sa iyo ang kagat ng katotohanan; nasa sa iyo ang puwersa na katotohanan at kabutihin, kaya mong ibagsak ang puwersa ng kadiliman.

Kaya huwag tayong manliliit dahil maliit lang tayo, kaya nating gawin iyan at napatunayan na natin iyan sa pagkakataong ito.

SEC. ANDANAR: Thank you so much for what you do. Thank you for the dedication and thank you for the inspiration, Bureau of Customs District Collector for Region X John Simon. Congratulations, sir!

MR. JOHN SIMON: Maraming salamat. Mabuhay kayong lahat. Mabuhay ang bansang Pilipinas. Mabuhay tayong lahat!

SEC. ANDANAR: Pilipinas, nakakapikon talagang isipin na may mga tao, mga banyaga at kasabwat nilang kapuwa Pilipino natin na nagnanais na gawin tayong tapunan ng basura, nguni’t sa kasamaang-palad, ito ay nangyayari. Mabuti na lang at mayroon tayong mga public servant tulad ni John Simon na hindi papayagan itong pagwawalanghiya sa ating pagkatao at sa ating kapaligiran.

Hindi po natin sukat maisip na pati ang pagbabantay laban sa pinalulusot na imported na basura ay kasama sa mga gawain ng isang Customs collector. But this only serves to underscore this point, tayong lahat, anuman ang ating pang-araw-araw na gawain at katayuan sa buhay ay mayroong responsibilidad na pangalagaan ang ating kapaligiran.

Hindi po biro ang mga problema natin ngayon na dala ng environmental degradation. Kaya ako po ay nakikiusap, tularan po natin si John Simon. Lahat po tayo ngayon ay kinakailangang mag-double duty para sa kapaligiran. Si John – government worker na, pro-environment warrior pa. Tayo naman, ano ang puwede nating gawin para sa ating kapaligiran? Pag-isipan po natin ito dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan. Kung tutuusin, tama, mas malala ang banta ng pagkasira ng ating kapaligiran; mas matindi ang banta ng climate change kaysa pandemya. Ang pandemya kahit papaano ay may solusyon na tayong natatanaw at ito ay makakamit sa pagsunod sa health protocols at sa pagbabakuna. Kaya lang, ang pagkasira ng kapaligiran ay hindi ganoon kadaling lutasing problema.

Kaya ngayon pa lang, ang hamon sa atin ay makialam at makiisa sa laban upang pangalagaan ang ating kapaligiran.

Ito po si Communication Secretary Martin Andanar para sa Cabinet Report. Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pilipino!

##


News and Information Bureau-Data Processing Center