USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Paghahanda sa pagdating ng bakuna at iba pang mainit na usapin sa bansa ang muli nating pag-uusapan ngayong araw ng Sabado, Pebrero a-beinte siyete. Kasama pa rin natin ang mga panauhin mula po sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang direktang sagutin at bigyang-linaw ang mga tanong ng taumbayan. Ako po si Rocky Ignacio at sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, mula pa rin sa PCOO – at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina NCRPO Chief Police Brigadier General Vicente Danao, Jr.; MMDA Chairman Benhur Abalos, Jr.; Dr. Guido David ng OCTA Research Team; at DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Samantala, kung mayroon po kayong katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.
Sa ating unang balita: Pangulong Rodrigo Duterte pinirmahan na po ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021. Sa pamamagitan ng batas na ito, mas mapapabilis na po ang pagbili ng mga bakuna lalo na ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor. Kasama rin sa mga probisyon nito ang indemnification fund na hinahanap ng ilang manufacturers ng COVID-19 vaccines upang tuluyan na nilang mai-deliver ang bakuna sa bansa.
Kagabi rin ay nagpulong sina Pangulong Duterte at PNP Chief General Debold Sinas at PDEA Director General Wilkins Villanueva kasama ang NBI at iba pang opisyal sa Gabinete upang pag-usapan ang nangyaring engkuwentro noong Miyerkules sa Commonwealth Avenue sa Quezon City. Nauna namang inanunsiyo ng Palasyo na ang NBI na po ang mag-iimbestiga sa kaso.
Samantala, naniniwala naman si Senator Christopher ‘Bong’ Go na dapat mas paigtingin ang koordinasyon ng ating mga law enforcement agencies sa isa’t isang upang hindi na maulit ang naging madugong operasyon sa pagitan ng PNP at PDEA. Para sa detalye, panoorin po natin ito:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sa ikalawang taong anibersaryo ng Malasakit Center sa Region I Medical Center sa Dagupan City, Pangasinan, bumalik dito si Senator Bong Go upang kumustahin ang lagay ng ating mga medical workers at mamahagi rin ng tulong sa mga frontliners at pasyente ng ospital. Narito ang ulat:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, isa rin po ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga punong abala para sa pagdating nga bakuna bukas dito sa bansa, kumustahin po natin ang paghahanda ng ahensiya kasama si MMDA Chairman Benhur Abalos, Jr. Magandang araw po.
MMDA CHAIR ABALOS: Magandang araw po sa inyo at sa lahat po ng nanunood/nakikinig. Magandang araw po.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, kasado na po ba iyong route plan ng paghahatid ng bakuna mula po sa Villamor Airbase sa Pasay hanggang dito daw po sa DOH facility sa Marikina. Ang tanong po: Magsasara po ba kayo ng mga daan?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, actually may mga options tayo ‘no. Puwede nating gamitin ang bus carousel at kung hindi naman ay iyong katabi mismo ng bus carousel. Actually mga anim na 40-foot container van po ito pero nandiyan naman ang CHPG, ang mga pulis at nandiyan po ang mga motorsiklo po ng MMDA, at gayun pa rin sa mga certain key areas, nandiyan po ang mga ground personnel namin. At hindi lamang iyon, nakahanda rin po ang mga towing at emergency vehicles kung saka-sakali ‘no. Kasado na po ito, handang-handa po ang mga kapulisan at ang MMDA po.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow up lang po ‘no. Iyong sa inyo pong kalkulasyon, gaano po kabilis iyong magiging biyahe papunta po sa Marikina City?
MMDA CHAIR ABALOS: Well I don’t have the actual numbers right now ‘no, pero nagkaroon naman ng simulation at dinouble check po ito, mukhang maganda naman. Kasi from Marikina, ito ay dadalhin pa rin sa Veterans Memorial Medical Center eh ‘no so ganoon po ang mangyayari po rito. Kung kaya’t iyong mga distribution nito, lahat po ng gagawin ay nakaplantsa na po. At hindi lamang po itong initial, itong ngayong Linggo, dahil siyempre ‘andiyan na ho ang bakuna natin. Of course galing po diyan sa mga susunod na araw eh magbabakuna na ho ang Kalakhang Maynila ‘no, pati po iyon kasado na rin po lahat po iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Papaano naman po iyong magiging paalala ninyo sa mga motorista na tatahakin po iyong mga nabanggit na ruta especially tomorrow po? May paalala po ba kayo sa ating publiko?
MMDA CHAIR ABALOS: Salamat po sa pagtanong ‘no. Sa mga nakikinig po ngayon, kung makita ninyo naman po itong mga 40-foot container vans na may mga kasamang mga escort, ang kapulisan, tayo na ho ang kusang tumabi. Ito ho, ito na ang hinihintay nating bakuna. Ito ay para sa ating lahat, para seamless at napakabilis naman po ng pagbiyahe po nito. Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, bumili na rin po ang MMDA ng AstraZeneca vaccine, tama po ba ito, para sa 8,000 na empleyado ng ahensiya? Kailan po inaasahan na darating ito? At bakit po kayo, talagang masasabi nating nagsariling sikap na, bumili po ng sarili ninyong bakuna?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Ito po ay noong panahon pa ho ni Chairman Danny Lim ‘no, noong dating chairman, at pinirmahan ko na lang po ngayon noong kailan lamang. Ito naman ay bilang tulong na ho sa ating national government. At hindi lang naman ang MMDA, ito po ay halos … siguro lahat din ng alkalde hindi lang ng Kalakhang Maynila kung hindi ng buong Pilipinas na sariling pondo nila ay sila mismo ay um-order din ng bakuna ‘no. Dahil nga, sabi nga, sa oras ng krisis at pandemya, importante ang pagtutulungan ng bawat isa.
Minabuti po namin ito dahil alam ninyo naman ang frontliners namin, ito iyong nasa clearing, ito iyong mga nakikita ninyo sa kalye, mga traffic enforcers po, ito po ay para sa proteksiyon na rin nila dahil parati po silang exposed; at hindi lang sa kanila, iyong mga taong makakahalubilo nila, iyong mga motorists na nakakausap po nila. So it provides for more protection for themselves and also the public.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Chairman, nabago na po ba iyong porsiyento? Kasi dati po 50% lamang po ng mga empleyado ang sang-ayon o payag na magpabakuna. So ano po iyong hakbang na ginagawa ng MMDA para naman po makumbinsi pa rin iyong iba?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, actually, lahat po naman ng data ay nasa BFAD. Iyong nababasa ko ngang sinasabing 52% ng Sinovac ‘no, ito po, ewan ko kung tama ako o mali, pero ito po ay narinig ko sa news at nasa record naman ito, iyon pong sinasabi na efficacy rate ‘no. Iyong sinasabing 48 na medyo tinamaan, ang linaw, 100% wala naman pong namatay at wala naman pong ganoong ka-serious. Halos karamihan yata nito ay asymptomatic. The records will speak for themselves.
At noong during sa interview po ni Secretary Harry Roque, sinabi yata ni Helen Yang, iyon pong sa Sinovac, na sila lang yata ang nagsagawa ‘no dito po sa mga frontliners. Iyong ibang mga western medicine, wala yatang ganoon – just correct me if I’m wrong. Iyon po ang pagkakarinig ko, at least the records will stand out.
Kung kaya’t maski ako po, on record po ngayon, kausap ko na po ang aking maybahay, kung talagang may kuwestiyon po tungkol dito, handa po kaming unang magpabakuna just to show that kami po ay naniniwala sa produktong ito. Pero ganoon pa man, we could be the first or we could be the last, depende ho, baka sabihin naman ng iba ay nauuna ka eh nakaupo ka. Ako naman for the purpose lamang na magkaroon tayo ng confidence po dito po sa bakunang ito.
Ngayon po kung, sabi ko, nag-agawan naman, wala hong problema maski mahuli po tayo. Okay lang po iyon.
USEC. IGNACIO: Pero sa mga empleyado po ng MMDA, marami na po ba iyong bukas o gusto nang magpabakuna?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Marami na po, marami na po. At saka ang maganda naman, maski naman sa ibang bansa, makikita mo iyong trend eh. Sa simula talagang may duda, nag-aalangan sila, pero habang tumatagal ‘no, I mean, you could see this throughout the world, nag-aagawan pa eh; ang haba po ng pila eh. Kaya nga nakita naman natin na ang mga bakuna ngayon ay halos nagkakaubusan sa buong mundo.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, nagkaroon ba ulit kayo ng meeting ng Metro Manila Council? Kasi po simula noong magdesisyon ang Pangulo na ipagpaliban nga ang MGCQ status ng NCR, kanina nga po inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang National Capital Region po ay mananatili sa GCQ ngayong buwan ng Marso. Ano po ang sentimiyento ng mga mayors, lalo na iyong mga bumoto po sana na pabor na sa MGCQ?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, tanggap naman po ng lahat kung anuman ang desisyon po ng Presidente. Sabi nga nila, we defer to the wisdom and judgment of our President, and we will exert all efforts in combating, with the President, this COVID-19 pandemic. Nakikiisa po ang lahat.
Mamayang gabi po ay may pagpupulong po kami ng lahat ng alkalde, kasama na po sila Secretary Charlie Galvez po, si Secretary Vince, tungkol po sa bakuna.
Doon naman sa usapin ng MGCQ, malinaw naman po na ang gagawa ng implementing rules at guidelines, ang kasama po rito ay ang mga mayors. Kaya nga pinag-uusapan nga po rito, papaano iyong naipasa ng IATF na mga activities kamukha po ng simbahan na 50% — ito ba ay magbabago na? Paano iyong edad ‘no? Kinaklaro po naming maigi iyan eh.
Ang sabi po sa pagpupulong ay iyon daw 50% ng simbahan parang tuloy daw. At iyong mga ibang activities, ang gagawa po ay …may rekomendasyon siguro po ang DOT, pero at the end of the day, ang masusunod po rito ay ang mga alkalde. Puwedeng hindi nila ituloy, puwedeng ituloy po nila ito dahil sila po ang gagawa ng implementing rules, at higit sa lahat, sila ang oversight head. Depende sa lugar nila kung nakikita nilang, let’s say, sinehan, puwede nilang sabihing hindi puwede dahil mataas sa amin ngayon. Ganoon po ang mangyayari po dito.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairperson Abalos, may ilan pong katanungan din iyong ating kasamahan sa media, ano po. May tanong si Red Mendoza ng Manila Times: Handa na po ba daw ang MMDA sa gagawing arrival ng mga bakuna lalo na sa ruta na tatahakin?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, yes. Hindi ko lang maipakita, pero hawak ko na ho iyong ruta ngayon eh. Pina[unclear] ho sa akin. Ito lang ho ‘no. Pero hindi ko puwedeng i-describe kung papaano. Basta importante lang, from Villamor, diretso po kami ng Marikina and then diretso po ng Veterans.
Maganda po ang pagkakatanong ninyo, sa mga nakikinig po, kung makita ninyo po ang convoy, please tumabi na lang po tayo at magbigay-daan po tayo sa convoy na ito. Mga 40-foot container trucks po ito, malalaki po ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kay Red Mendoza: Sabi po ng OCTA Research na lumobo ang kaso sa Metro Manila nitong nakaraang linggo lalo na po sa Pasay City. So sa tingin ninyo po ba na tama lang na huwag munang i-shift sa MGCQ ang Metro Manila dahil sa pagtaas na ito?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, yes. Iyong desisyon nga ho, we defer to sound judgment of the President. Kaya nga ho nagtutulungan na rin. Actually, binuksan na po iyong tinatawag nating Oplan Kalinga. Ito po iyong mga quarantine centers na mga hotel. Nagbigay serbisyo po tayo sa Pasay at ibang LGUs na humihingi ng tulong ukol dito dahil importante po talaga rito ay maihiwalay eh, contact tracing eh. At nakita naman natin sa Pasay, may iilan, paisa-isa sa ibang barangay, pero may nagkukumpul-kumpol sa ibang barangay po.
But one thing, ang parang sinabi nilang nagpataas sa Pasay – kasi iyong pupunta at aalis ng bansa po, iyong aalis ng bansa, kung minsan may requirement – hindi ko na sasabihin kung anong klaseng trabaho po ‘no – may requirement of parang iti-test sila, isa-swab – so once na mag-positive po iyong mga paalis ng bansa, kina-count po iyon hindi sa lugar nila; kina-count sa Pasay ‘no. Kaya siguro it might be, it might be one of the factors kung bakit dumami rin po ang sa Pasay.
Pero be it as it
may, I commend Mayor Calixto for acting swiftly ‘no, napakabilis po ng aksyon nila. At lahat po ng mga barangay captains, nagkatulungan kaagad, trinace [traced] at ni-lockdown ang dapat pong i-lockdown.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: The Department of Transportation and Department of Public Works and Highways have been supportive daw po sa bike lane sa EDSA to accommodate riders left by insufficient public transport where health protocols limited capacity, 50% of typical usage since June. In fact, a transport department-led plan to transform daw po EDSA last year included bike lanes but was disapproved by the MMDA. So what is the main reason for the MMDA’s reluctance to establish bike lanes on EDSA?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, hindi po totoo ang statement na iyan. Kaklaruhin ko po: Hindi po kami reluctant. Number one, it is the project of DOTr, at nagpapasalamat nga pala kami rin sa napakagaling na Secretary Tugade ha, ang nagbigay sa atin ng subway at nagbigay sa amin ng 100 million for our elevated bus ramp. Siya rin po ang nag-isip nitong proyektong ito na dinownload po niya sa Department of Public Works.
On record, gusto ko lang sabihin sa mga—nalaman ko lang ito two weeks ago ‘no, it was presented to me, to us on detailed just two weeks ago kung saan dadaan. Kaya nga ang sabi ko sa kanila rito, ito lang ang concern ko: Number one, safety of the bikers; and number two, meaning it should adhere to international standards. Kasi kung dadalhin mo iyan kamukha ng EDSA, hindi natin mapipigilan may mga mabibilis na sasakyan. Hindi siguro puwedeng pintu-pintura lang tayo diyan ‘no. Anong gagawin mong panghiwalay diyan ‘no.
At hindi lang iyon, iyong mga in-identify po nila kamukha ng Commonwealth, iyong mga ibang lugar, mayroon pa akong nakitang mga C-5, mga Circumferential Road.
Kami po ay hindi para mag-approve na project, inuulit ko, this is not our project. Kami ay puwede lamang mag-suggest sa nangyayaring ito. Kung kaya’t ang sabi ko, by all means ako’y nagbibisikleta, I am with it, nakikiisa ako sa layuning ito. Gusto kong magkaroon ng bike lanes provided number one, ang safety po natin at number two sabi ko nga, dahil nga sayang kung hindi magagawa ito, sayang naman at iyong pondo ay hindi na magagamit for this.
Ito na ang malaking oportunidad para magkaroon tayo ng bike lanes sa Kalakhang Maynila. Kung kaya’t ang sabi ko, pupuwede ba kung gagawin ninyo na iyong barrier na gagawin ninyo ay let’s say flexible. Kung talagang—let’s say ilalagay natin sa EDSA, at talaga namang lumala ang traffic sa EDSA ‘no at kinakailangan—let’s say lang kinakailangan i-adjust or even tanggalin, sayang naman ang proyekto. Pupuwede bang flexible ito? Puwede ba nating malipat?
Ang sabi po sa aking ng Department of Public Works, “Chairman, puwede po.” So walang sayang ‘no. So ang sa akin lang, this is an opportunity, puwede po nating subukan kasi hangga’t hindi natin sinusubukan, hindi natin alam kung anong mangyayari. Kung kaya’t ito pong Miyerkules ako mismo, kasama ko po DPWH and DOTr at inimbita ko na po iyong NGOs ‘no, iyong We Move as One na grupo at sila Dr. Tony Dans ng Good Doctors Riders. Gusto kong maging transparent po lahat. Pumunta po kami sa Monumento, sa Caloocan, babaybayin namin ang buong EDSA.
At ito lang po ang sinabi ko sa grupo, baka pupuwede po naman DPWH and DOTr, hindi lamang iyong mga main highway, tingnan ninyo na iyong bike routes na binigay mismo ng mayor, nakahanda na po iyan, this could be alternative options to EDSA rin, pagandahin po natin ito.
So iyong ating panaginip na magkaroon ng bike lane ay ito na po at inuulit ko, never po ako nag-oppose o nag-object dito. I only came to know of this two weeks ago, dinetalye po sa akin ang plano and immediately sabi ko aprubahan na iyan provided may safety plan ‘no, international safety standards; and of course may colatilla tayo, in the event circumstances will call for it, baka puwedeng i-reduce or even tanggalin lalo na sa mga malalaking lugar. Iyon lang po.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, MMDA Chairperson Benhur Abalos, Jr. Salamat po.
MMDA CHAIR ABALOS: Salamat po.
USEC. IGNACIO: Huwag po kayong aalis, magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL]
USEC. IGNACIO: Sa pinakahuling datos naman ng COVID-19 cases sa buong bansa, base sa report ng DOH kahapon, February 26, 2021, umabot na po sa 571,327 ang total number of confirmed cases matapos pong makapagtala ng 2,651 na mga bagong kaso kahapon. 46 na katao naman po ang bagong mga nasawi kaya umabot na sa 12,247 ang ating COVID-19 death tally. Dumarami naman po ang mga kababayan nating nakaka-recover sa sakit na ngayon po ay nasa 524,582 matapos pong makapagtala ng 561 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman po natin ngayon ay nasa 34,498.
Samantala, kaugnay po ng pagtaas ng COVID-19 cases, makakausap po natin si Dr. Guido David. Magandang araw po.
DR. DAVID: Yes. Magandang umaga, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ang bilang po ng bagong kaso kahapon ang sinasabi daw po na pinakamalaki o pinakamataas mula po noong Oktubre ng nakaraang taon. At ayon po sa OCTA Research Team, may upward trend ang mga kasong naitatala na sa Metro Manila. At upang ipaliwanag po sa atin ang sitwasyon, kausap nga po natin si Dr. Guido. Doc., ano pong nakikita ninyo, iyon po bang sinasabi nating ito ay talagang nakikita ninyo na iyong—may kinalaman po iyong nakaraang holiday season?
DR. DAVID: Well, Usec., hindi iyong Christmas holiday. Actually kahit rin iyong Valentine hindi natin i-attribute iyan sa Valentine kasi one-day event lang naman iyong Valentine. Pero ito medyo sustained event po so hindi rin natin ‘to ina-attribute sa Chinese New Year or sa other holiday. It’s a genuine increase and iyong rate of increase niya, iyong trajectory similar doon sa increase na nakita natin sa Cebu City and sa Mountain Province and sa Benguet. So this is actually very concerning, for the past two days we’ve been getting 900 cases per day sa Metro Manila. And the last time we were getting 900 cases per day sa Metro Manila, October pa rin, so back in October. So definitely tumaas na iyong average number of cases natin. Iyong reproduction number sa Metro Manila is 1.4… at least 1.43 so pataas talaga iyong bilang noong kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Sabi ninyo nga po, ano po iyong—para malinaw lang po ano, iyong kasalukuyang galaw daw po ng reproduction rate ng COVID-19 dito sa Metro Manila, sabi ninyo kasi po dati may short term, upward trend sa rehiyon. So ano po daw ang ibig sabihin nito?
DR. DAVID: Well ang ibig sabihin nito iyon nga, iyong reproduction number basically it indicates kung how many transmission per infected. So kunwari sabihin natin mga approximately 1.5 so it means kung dalawang tao, tatlo iyong nahahawa nila. And it means ano, this is concerning kasi kung hindi natin mapigilan itong pagtaas ng kaso, iyong ginawa naming projections a week or two ago, puwedeng masunod iyong projections na iyon. It could mean na we will have mga 2,500 or more cases sa Metro Manila before the end of March.
Ibig sabihin niyan kung magpatuloy na ganoon ang pagtaas ng bilang ng kaso, we will have mga 2,500 or more cases and that is concerning kasi ito iyong levels na nakita noong August, noong August na pinakamataas iyong bilang ng kaso natin sa Metro Manila, around 2,500 din, mga 2,400 to 2,500 per day [garbled]. So what that would mean is at that level potentially mau-overwhelm na iyong healthcare system natin. So that’s why it’s important na mag-curb natin ito agad. So hindi naman ito prediction.
It’s actually a forecast, ang sinasabi natin, kailangan natin mag-ingat lalo para mapababa natin iyong cases para hindi natin abutin iyong 2,400. Ganiyan din iyong messaging natin noong December. Kasi noong December, before the holidays, nagsisimulang tumaas na iyong cases and sabi natin, ‘Okay, mag-ingat tayo. Iwas muna tayo sa mga social gatherings and bawasan natin ang mga activities natin para hindi tumaas.’ And sure enough, hindi tumaas iyong cases noong holiday, noong December because sumunod iyong mga tao. But [unclear] that was different time; ngayon, medyo mas ano na, mas complacent na yata iyong mga tao kaya nagku-contribute iyan sa pagtaas ng bilang ng kaso.
USEC. IGNACIO: So, sir, iyon po iyong isa sa mga nakikita ninyong dahilan kung bakit po patuloy na tumataas ang kaso, iyong nagiging parang pabaya, nagiging parang relax na ang ating mga kababayan lalo na iyong sinasabi na dapat mashi-shift na ang Metro Manila sa MGCQ?
DR. DAVID: Yes, Usec. Iyon ang isa sa mga dahilan. Pero may isa pang dahilan or possibility na iyong UK variant or some other variants, iyong South African and mayroon na ring mga US variant – may California variant, may New York variant. Marami na ngang variant. May possibility na may variant na nagsi-spread dito. Bakit natin nasabi? Because iyong rate of spread ay masyadong mabilis eh. In fact, this is faster than iyong rate of spread, ng pagkalat noong July; this is similar sa rate of infection na nakita natin sa Cebu City and sa Mountain Province.
So hindi natin sinasabing simula na tayong may variant dito. In fact, iyong scientific evidence, kung may variant ay manggagaling sa genome sequencing. So hindi pa natin masasabi right now, pero sinasabi lang natin, may possibility na may variant na nag-i-spread kaya ang bilis ng pagkalat niya.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito nga pong lockdown na ginawa sa Pasay City, naging epektibo po ba ito sa tingin ninyo, sir?
DR. DAVID: Well, it’s effective, and we commend the local government for their swift response at agad silang nakapag-lockdown. Pero it’s effective up to a point kasi—yes, actually, tumataas pa rin sa Pasay ngayon. Pero hindi lang sa Pasay na iyong pagtaas, we’re also seeing it now in other LGUs na sumusunod na rin, kasama na rito iyong some of the bigger LGUs. Although, iyong rate of increase sa Manila and sa Quezon City ay hindi kasing bilis ng sa Pasay. Pero may kaunting pagtaas na rin na nakikita tayo sa Manila and Quezon City and sa Makati – some of the bigger LGUs. So minu-monitor pa natin ito kung patuloy silang tumataas.
So we think na maybe, you know, it’s more spread out na sa Metro Manila, and hopefully ay ma-curb natin ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, iyong Cebu po, wala nang pa-swab test sa mga pupunta sa kanilang lugar tapos MGCQ pa rin po ang status nila sa Marso, tama po ba iyon?
DR. DAVID: Yes, iyong sa Cebu, I mean, if choice naman nila kung MGCQ sila, kung magpapasok sila ng tourists, pero at the same time, we should be concerned. Kunwari, mayroon tayong mga tourists from NCR na pupunta sa Cebu tapos we already know na may variant na kumakalat doon, we should be vigilant about our residents na pupunta doon. Kasi puwedeng mabalik dito from Cebu iyong variant or iyong virus. I mean, I know, kumakalat na dito pero we can also think about other regions na okay naman ngayon like Bacolod and Iloilo. They are doing very well right now, ang baba na ng bilang ng kaso nila. Almost in the low-risk category sila. Ayaw naman nating biglang tumaas ulit iyong kaso nila in case na may tourist sila, mag-travel, magpunta ng Cebu, and maiuwi nila iyong virus. So sana naman i-consider nila iyong other regions.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero may bagong nakikita ba kayong areas of concern nitong sa mga nagdaang linggo? May mga bago po ba?
- DR. DAVID: Actually, Usec., mostly ano lang talaga, sa Cebu area. I mean, Cebu City, Mandaue, Lapu-Lapu and ngayon sa Metro Manila. Iyong iba, hindi ganoon kataas or much [unclear] or much tempered. So kunwari sa Kalinga, may kaunti pa ring pagtaas sa Tabuk, pero naku-control naman nila iyon.
So mostly iyong areas of concern talaga natin ay nasa Cebu area and sa NCR right now. Pero if we are not careful, iyong sa NCR, mabilis iyan kakalat sa surrounding regions, sa CALABARZON and Central Luzon especially Bulacan and Rizal since katabi lang ng NCR talaga iyon. So that’s why we have to curb the spread of the pandemic, of the virus.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, bigyan-daan lang natin iyong tanong ng ating kasamahan sa media. May tanong po si Rida Reyes ng GMA News: Reaksiyon po ng OCTA sa ipinatupad ng IATF na uniform travel protocols para sa lahat ng land, air and sea travels kung saan hindi na required na mag-undergo ng COVID testing at quarantine kung wala naman daw pong symptoms maliban na lang kung iri-require po ng LGU?
DR. DAVID: Well, you know, that is a bit concerning kasi siyempre, I mean, some areas are doing well pero some areas are not doing well. And ang ayaw natin mangyari is, iyong areas na doing well—kunwari ngayon, CALABARZON is doing well, Central Luzon is doing well, mababa naman ang cases doon, for example Bicol or Ilocos Region, Pangasinan, pero iyon nga, we have to be careful about iyong mga border controls natin. Kasi karamihan, kaya tayo minsan nagkakaroon ng second wave or nagkakaroon tayo ng another increase is because hindi tayo masyadong strict sa border controls. And sana naman they would evaluate iyong mga measures.
I mean, hindi naman masama mag-travel pero let’s just be strict about iyong controls natin para hindi natin ikalat sa buong Pilipinas iyong virus. I mean, may mga lugar na okay na, like I said iyong Bacolod and the Iloilo, pero ayaw naman nating madagdagan iyong bilang ng kaso nila. At least kung nasa certain areas lang, doon lang tayo magpu-focus.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Rida Reyes: Reaksiyon po o pabor po ba kayo, ang OCTA Research sa desisyon ni Pangulong Duterte na manatiling GCQ ang Metro Manila, Baguio City, Davao City at iba pa pong lalawigan ngayon hanggang Marso po?
DR. DAVID: Well, iyong original recommendation naman ng OCTA is ano, hindi naman kami oppose sa MGCQ pero we prefer a more gradual relaxation. Actually, doon sa mga ibang lugar na iyon, we even would recommend MGCQ sa ibang mga lugar na nasabi ninyo.
Pero right now, we think na in hindsight at least, na it’s a good decision na hindi pa tayo nag-MGCQ sa Metro Manila because of the surge, the increase in cases in some Metro Manila; and kung nag-MGCQ tayo, mas mahirapan nating i-curb ito. We can still implement localized lockdowns pero iyong coordination would be harder and we think na, iyon nga, being in GCQ will help us curb this increase better.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Guido David ng OCTA Research Team.
DR. DAVID: Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Dumako na po tayo sa pinakahuling ulat mula naman sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Aaron Bayato mula sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo Aaron Bayato mula sa Philippine Broadcasting Service.
Upang alamin ang latest updates sa mangyayaring vaccine rollout sa mga susunod na linggo, makakausap po nating muli sa programa si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Good morning po, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Alam ko po na kayo’y abalang-abala ano po. Inaprubahan na nga po ng IATF iyong recommendation ng National Immunization Technical Advisory Group at Department of Health Technical Advisory Group na gamitin po ang Sinovac para sa mga healthcare workers. Pero ‘di ba po taliwas ito sa unang rekomendasyon daw po ng FDA? So para lang po mabigyang-linaw ito, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Unang-una, kailangan po nating klaruhin, hindi naman po ito talagang taliwas doon sa sinabi ng Food and Drug Administration doon po sa na-issue na Emergency Use Authority. Ang nakalagay po doon, that the FDA has been flagging or has flagged the government na ito pong bakuna ng Sinovac ay hindi po nasubukan ano or nasubukan po doon sa healthcare workers pero mababa po iyong efficacy rate among the healthcare workers that were included in the trial in Brazil.
Pero noong sinuri naman po ng ating National Immunization Technical Advisory Group at saka ng TAG members natin iyong mga datos, nakita naman po nila na maari naman pong ibigay. Kaya tayo ay nakipag-usap sa FDA para to confer with them and according to FDA nga po, ang sabi nga ni Usec. Eric Domingo, ito ay rekomendasyon lang galing sa Food and Drug Administration at maari naman pong mapag-usapan ‘no at mabago base sa mga nakikita pang ibang datos.
USEC. IGNACIO: Opo. Bigyang-daan ko na po, Usec., iyong mga tanong ng ating kasamahan sa media ano po. Mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Kahapon po tumaas na sa 2,600 plus ang cases ng COVID sa bansa. Pinakamataas ito sa loob ng apat na buwan. So, ano daw po iyong dahilan ng pagtaas na ito at makakaapekto po ba ito sa ating response, possible response?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So nakikita natin na medyo may pagtaas sa mga kaso these past days at nakikita po natin na napu-focus itong pagtaas ng kaso sa mga piling lugar dito sa ating bansa. Nakikita rin ho natin na may mga iba’t ibang factors that might have caused this increase in the number of cases. Unang-una na rin po, iyon pong mga easing natin of restrictions at nakikita po natin na medyo hindi po nasusunod iyong mga pag-comply natin sa minimum public health standards.
Kaya po tayo ay nagpapaalala pa rin sa ating mga kababayan na kailangan po ay maging istrikto pa rin tayo sa pagpapatupad nitong minimum public health standards.
Ang isa pong nakikita pa rin ho nating factor ‘no would be the response of our local governments. Kailangan lang po nating pag-igtingin pa na mas mabuti ang ating response lalung-lalo na po iyong mga ating ginagawang quarantine and isolation protocols na marami pa rin ho tayong nakikita na ang mga kababayan natin ay naka-home quarantine. And this might be a cause of a—or a factor dito po sa mga pagtaas ng kaso natin dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po mula kay Red Mendoza: Sabi daw po ni former Finance Secretary Lito Camacho sa economic forum ng Manila Times, na nagkulang ‘di umano tayo sa tracing, treatment at ngayon sa bakuna kaya daw po nahuhuli tayo ngayon sa ASEAN. Ano daw po ang reaksiyon ng DOH dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Marami na pong lumalabas na mga ganiyang bali-balita, Usec. Rocky. Basta po kami sa gobyerno, sa Department of Health tuluy-tuloy pa rin po iyong mga sinasagawa natin dahil nakikita naman po natin na dito po sa mga isinagawa natin ‘no simula noong nag-respond tayo, nakita natin that we were able to improve our health system capacity. Napababa natin at nami-maintain natin ang mga—kaunti lang ang namamatay dito sa ating bansa. Iyong mga active cases po natin ay hindi naman ganoon kataas, we are just averaging about 5 to 7 percent of all these cases na aktibo sa ngayon at nama-manage po natin. And most importantly, hindi po nau-overwhelm ang ating health system.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pa po ni Red Mendoza: Ito po ba daw pagtaas ng kaso na minarka ng OCTA Research tulad ng sa Pasay ay patunay na masyado na tayong nagiging kampante lalo na sa pagdating ng bakuna?
DOH USEC. VERGEIRE: Iyan ay kailangang pag-aralan para masabi natin na talagang valid iyang mga sinasabi nating mga assumptions na iyan. Pero nakikita nga natin katulad ng sabi ko kanina, may mga lapses tayo dito sa ginagawa nating minimum health protocols and it might be, yes, there is a probability na medyo nagiging complacent tayo. Maaring ito ay dahil doon sa tinatawag nating quarantine fatigue. Maari iyong kasabikan ng mga tao na makalabas na dahil ang tagal na nating naka-lockdown. Maari rin na nakapag-ease ng restrictions ang iba’t ibang bahagi ng ating bansa kaya mayroong ganitong mga pagtaas ng kaso.
So ang atin lang pinapaalala, both for the public and of course the local government, is kailangan lang po natin na mas mapaigting pa itong mga minimum health protocols. This is the only way for us to prevent the further rise in cases.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Doon daw po sa recent press briefing, you said members of the IATF nga po approved the recommendation na nga po ng experts from the National Immunization Technical Advisory Group and Department of Health Technical Advisory Group who recommended the use nga po ng Sinovac for healthcare workers. By what measures are those experts deem—who are they and what are their credentials? This need to be asked considering that healthcare workers are at the forefront of the fight against COVID and should these experts be wrong, we would lose our medical frontliners.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. We had been very transparent with all of these experts that we have asked to join us in this evaluation ‘no. So mayroon po tayong iba’t ibang grupo ng eksperto, atin na pong nailathala at nai-publish kung sinu-sino sila at ano po ang kanilang mga credentials. They’re coming from the different fields of medicine and science kaya po tayo ay nagkaroon ng initiative para kunin sila dito.
Ang atin pong mga eksperto, although of course they are already expert in their own field ‘no, mayroon ho tayong ginagamit na mga datos at saka ebidensiya para po sila ay makapagdesisyon. So this would be the parameter on why and how we are deciding on these recommendations. Hindi po basta pinag-uusapan, gumagamit po ng pag-aaral ng mga ebidensiya para po makapagbigay nang appropriate at saka rationale recommendations.
So whatever recommendations our experts would give, this would be based on science and this would be based on evidence. And if we find ‘no from the department, kasi recommendatory naman po ito so ang Department of Health would also weigh in at tinitingnan din natin ang mga rekomendasyon na ‘to kung talagang ito ay magiging rationale at tayo ay magiging ligtas dito sa mga rekomendasyon na ‘to.
So amin pong ginagarantiyahan na ito pong ating mga eksperto, sila po ay talagang aral sila sa mga ganitong bagay at pinag-aaralan po ay ebidensiya at saka siyensya para makapagbigay ng rekomendasyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Sheila Crisostomo ng Philippine Star: How many health workers are now in the master list and how many backup vaccines do we have? Are these all in PGH, Lung Center, Dr. Jose Rodriguez and East Avenue Medical Center?
USEC. VERGEIRE: Well, iyong pong master listing meron na ho kaming talaan, kasi po supposedly sa Pfizer di ba dadating dapat, nagka indicative date tayo. So, they were able to complete their master list.
Pero sa ngayon nga po dahil itong Sinovac vaccine should be more than the Pfizer vaccine that will initially where expecting kaya po nadadagdagan ang ating master list. We already have that and that quick substitution list also is already in place.
So, ito po iyong quick substitution list, eto po iyong mga ipapalit natin doon sa mga health care workers na magri-refuse for now, na hindi sila tatanggap ng bakuna at ito po ay base na rin sa prioritization base framework. Ibig sabihin mga hospital pa rin and I ideally mga hospital na malapit doon sa kanilang initial hospital or the source hospital na paggagawan ng bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano daw po iyong shelf life ng Sinovac vaccines, how and when will they be distributed to the four target hospitals, do they all have cold chain storage facilities?
USEC. VERGEIRE: Katulad po ng napag-usapan kahapon sa IATF no, it’s only Sec. Galvez and Sec. Duque who is authorized to talk about the operational details of these incoming vaccine.
Pero ang masasabi ko lang Usec Rocky, ito pong Sinovac vaccine only requires 2 to 8 degrees na storage na freezers. So, ito ay meron lahat halos lahat ng aming mga hospitals na ganitong klaseng refrigeration system. So, hindi po iyan magiging problema para sa ating sistema.
USEC. IGNACIO: Tanong po ni Julie Aurelio ng Inquirer: Please explain daw po in brief terms of NITAG, FDA, HTAC or on vaccine approval and who should we follow regarding vaccine use?
USEC. VERGEIRE: Kapag ho tayo ay mayroong parating na bakuna, kung ito po ay papasok sa ating bansa, it has go through our Food and Drug Administration first and foremost. Dito po sa Food and Drug Administration natin, meron po tayong set of expert also na tumutulong sa FDA para makapagsagawa ng evaluation to issue out the EUA or not to issue the EUA.
Pag lumabas na po ang EUA kung sakali ang bakuna ay donasyon lamang hindi po kailangan dumaan ng Health Technology Assessment Council. Kapagka labas po nitong EUA for donation idiretso na po sa NITAG ang evaluation para malaman natin kanino natin siya ibibigay, paano natin siya ibibigay at paano natin sila babantayan kapag naibigay na ang bakuna.
So, ang NITAG po ang nagpoproseso niyan ini-evaluate, nagbibigay ng rekomendasyon para mas maging rational po ang ginagawa natin dito sa ating gobyerno.
Kapag naman ang bakuna ay bibilhin or to be procured, pagkatapos po ng FDA process at nakapaglabas na ng Emergency Use Authority kailangan pong dumaan sa Health Technology Assessment Council.
The Health Technology Assessment Council will then be evaluating based on cost effectiveness, risk benefit analysis and other implication like ethical, social, economic lahat po iyan ay titingnan nila. Pagkatapos po kung kapag nagbigay sila ng positive recommendation, katulad doon sa Pfizer at AstraZeneca nakapagbigay na sila, ito po ay didiretso uli sa NITAG para naman po malaman kung kanino ibibigay, paano ibibigay at papaano babantayan ang mga nabigyan ng bakunang ito.
USEC. IGNACIO: Opo, mula naman kay Rida Reyes ng GMA News: Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin confirm that the first of the 20 million doses of Moderna vaccines will arrive daw po in the country. May timeline na po ba tayo dito?
USEC. VERGEIRE: Si Secretary Galvez po ang nagbibigay ng mga ganitong mga time line Usec. Rocky but based on the statement of Secretary Galvez ‘no in the past na maaari makita natin by the third or the fourth quarter ang mga bakunang ito.
USEC. IGNACIO: Opo, tanong pa rin po ni Rida Reyes: Reaksyon po ng DOH sa desisyon ni Pangulong Duterte na manatiling GCQ Metro Manila, Baguio City, Davao City at iba pang lalawigan ngayong Marso?
USEC. VERGEIRE: Tayo po ay sumusuporta ‘no, kung ano po ang sasabihin ng ating Presidente iyan po ay susundin natin. Base po sa pag-aaral ng Department of Health sa ating mga datos mukhang ito naman talaga muna dapat ang maging estado natin dahil nakikita natin ang mga pagtaas ng kaso sa iba’t ibang lugar dito po sa ating bansa. So, mas maganda po na mabantayan pa rin natin …. medyo GCQ status ito pong ating mga lugar para po makasiguro na hindi pa further tumaas ang mga kaso.
USEC. IGNACIO: Opo, reaction pa rin po ng DOH sa ipinatupad ng IATF na uniformed travel protocols kasi hindi na daw po kailangang … in sea travels at land kung saan hindi na required mag-undergo ng COVID testing at quarantine?
VERGEIRE: Suportado po namin iyan ano and that has been recommended already by our experts even before na ito pong pagti-test natin dito po sa mga borders ay minsan ay nagiging irrational na kasi minsan ang ginagamit po ay hindi appropriate na test, minsan naman po iti-test pero wala pa doon sa sinasabi natin peak of viral load, kung sakali wala pa sa ika-limang araw pagdating kasi iti-test na. And sometimes we miss the opportunity to detect really the virus.
So, parang nagiging inefficient din po. So, ang pinaka rekomendasyon ng ating eksperto so that government will be efficient, will go symptoms screening and monitor these travelers na lang within the local government. So that we can be efficient and at the same time we can ensure na itong mga travelers natin ay hindi makakapanghawa doon sa kanilang pupuntahang mga local government.
USEC. IGNACIO: Opo, follow up po ni Sheila Crisostomo: Handa na ba ang Department of Health to receive 600,000 Sinovac vaccine bukas? Pabigyan ng overview ang mga gagawin natin mula sa pagdating sa airport.
USEC. VERGEIRE: Lahat naman po ay sinasagawa na para makapag-prepare. Actually we have been prepared for weeks already because we were expecting the Pfizer vaccine before and sa ngayon inuulit na lang po natin at nirirepaso kung anuman po iyong mga ating isinagawa noon. Nag-simulation activities po kahapon at tiningnan kung paano iyong pag-receive, pagtanggap nito, pag-distribute pag-transport. Lahat po ay sinisiguro na wala tayong… as much as possible na magka-gap dahil napaka-importante po ng bawat dose ng mga bakunang ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Nagpahayag naman daw po ang ilang sector ng health care workers gaya ng mga medical technologies sa sinasabing double standard sa pagbibigay daw po ng Sinovac vaccine.
Nasabi po kasi ng isang eksperto sa Department of Health dahil mababa daw po iyong efficacy ng nasabing bakuna for health care workers, ibibigay na lang ito sa mga frontliners na nasa laboratoryo at hindi daw po direktang nangangalaga ng mga pasyente. Katulad daw po ng sentiments po sila ng BPO workers noong nabalita na essential workers lang ibibigay ang Sinovac. So, ano daw po ang reaction ng Department of Health dito?
USEC. VERGEIRE: Gusto ko lang hong klaruhin sa ating mga kababayan hindi po walang kuwentang bakuna itong Sinovac para sabihin natin kasi hindi puwede sa health care workers ibibigay na lang natin sa iba.
Maaari po itong eksperto ng Department of Health noong nagsalita siya tinutukoy niya po kasi iyong nakalagay po doon sa EUA ng FDA na sinasabi na pina-flag nga iyong gobyerno na maaring hindi siya appropriate sa health care workers na directly exposed to COVID-19 dahil nga po doon sa pag-aaral na ginawa sa Brazil, mababa iyong efficacy rate. Kaya po nasabi niya siguro kung hindi naman puwede sa mga health care workers na directly caring for patient, maaari natin ibigay doon sa mga hindi directly caring like the laboratory personnel.
We consider all health care workers essential importante and we value them. Kaya wala po tayong sinasabing na mas mababang klaseng bakuna ang ibibigay.
Ito pong parating na bakuna ng Sinovac kapag tiningnan po natin sa kabuuan these can lessen your chances of having severe infection by as much as 75% and it can lessen your chances by as much as 100%, Usec. Rocky, and will lessen your chances of being hospitalized and dying at sa tingin ko iyong pa lang po na factor na iyon dito sa Sinovac ay napakalaking tulong na po sa health care workers .
So wala po tayong sinisino, lahat po pantay-pantay. Even the BPO industry, kasama naman po lahat sa scope na sinabi ng ating Presidente. Meron lang po tayong pina-prioritize na mga population ngayon who are at most risk para mabigyan muna nitong mga bakuna and pagkatapos the rest of the population can receive their vaccine.
USEC. IGNACIO: Ok. Maraming salamat po sa inyong paliwanag Department of Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.
USEC. IGNACIO: Sa nalalapit na pagdating ng bakuna dito sa bansa, binigyang-diin ni Senator Bong Go na ang pagkakaisa at pagtutulungan ang susi para sa tagumpay, ikakatagumpay ng Covid-19 vaccination program ng pamahalaan. Narito po ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, hindi po muna natin makakasama sa programa si NCRPO Chief Police Brigadier General Vicente Danao, Jr. dahil sa biglaang importanteng trabaho.
Bukas po pagpatak ng alas kuwatro y medya ng hapon, isang bayan nating tunghayan ang pagdating ng unang COVID 19 vaccine sa bansa, pangungunahan po mismo ito ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Mapapanood ninyo po ang buong pangyayari exclusive dito lamang po PTV.
At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw.
Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID 19.
Asahan ninyo ang aming patuloy na paghahatid ng impormasyon na mahalagang malaman ng bawat Pilipino. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio. Magsama-sama po muli tayo sa Lunes dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center