GATUS: Magandang hapon po sa inyo, Secretary Harry Roque.
SEC. ROQUE: Magandang gabi, Allan. At magandang gabi sa lahat ng nakikinig sa atin ngayon.
GATUS: Opo. Ngayon hong dumating na itong bakuna, inaasahan po ba natin na tuluy-tuloy na iyong pagdating pa ng iba pang mga bakuna sa Pilipinas, Secretary?
SEC. ROQUE: Alam mo sabi nga nila, ang pinakamahirap ay iyong panimula ‘no. At dahil nandito na ang ating panimula, inaasahan natin na sunud-sunod na po ito hindi lang po gamit ang Sinovac kung hindi gamit iyong iba’t iba pang mga bakuna galing sa iba’t iba pang mga bansa.
GATUS: Kanina ‘no, nakita natin kung gaano kasaya ang Pangulong Duterte, at gayun na rin ay nagpahayag siya ng kaniyang labis na katuwaan dito kay Ambassador Huang Xilian at ganoon na rin sa Pangulo ng China. Ito ho ba ay inaasahan natin na talagang ganito ang mangyayari na talagang makakahabol tayo sa huling araw ng Pebrero, Secretary Roque?
SEC. ROQUE: Inaasahan po natin na kapag darating na po iyong mga ibang bakuna ay mabibigyan din natin ng ganitong importansiya dahil talaga naman ang bakuna ang tanging pag-asa natin para matapos na itong pandemyang ito. At siyempre po, nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga bansa na nagpapadala sa atin ng bakuna dahil alam naman natin na wala tayong kakayahan na gumawa ng ating sariling bakuna.
Ang mensahe lang natin, talagang itong nangyari ngayon ay mensahe ng pag-asa; kahit gaanong kadilim ang ating naging karanasan sa gitna ng pandemya ay mayroon ding pagtatapos iyang ganiyang kadiliman. Mayroon na pong ilaw, liwanag sa kadiliman at ito po ay dahil nga rin po sa malapit na pagkakaibigan ng bansang Tsina at Pilipinas.
GATUS: Secretary, may binabanggit po si Secretary Francisco Duque na hindi raw po tuloy bukas ang pagdating ng mga bakuna ng AstraZeneca?
SEC. ROQUE: Hindi ko pa po makumpirma ‘no pero tatanungin ko po kay Secretary Duque ‘no iyong tungkol sa pagdating ng AstraZeneca ‘no.
GATUS: Pero magkagayun pa man, nakahanda pa rin ho tayo kung darating o hindi man bukas iyong—
SEC. ROQUE: Oo, sandali lang ha, sandali lang.
GATUS: Opo, sige po. Malamang ay nilalapitan—
SEC. ROQUE: Okay, okay. Nabigyan na ng kumpirmasyon ngayon ni Secretary Duque na hindi nga po darating bukas ang AstraZeneca. So binibigyan na natin po ng kumpirmasyon po iyan.
GATUS: May nabanggit na rin po ba kung ano ang dahilan, Secretary?
SEC. ROQUE: Alam mo naman doon sa notice ng COVAX Facility ay talagang hindi magarantiya [garbled] napakadaming supply [garbled] lang po ‘no. Nandiyan po iyong ating, kumbaga, iyong nakalaan sa atin ay naririyan pero dahil po sa logistical challenges ay hindi pa po makakarating.
GATUS: Pero ano ho ito, itinuturing lang ho ba natin na minor setback lang ho ito, iyong inaasahan na pagdating dapat bukas ng bakuna ng AstraZeneca pero mukhang hindi matutuloy at mairi-reschedule ito sa ibang pagkakataon?
SEC. ROQUE: Sa tingin ko naman po ay panandaliang delay lang ito, at lahat naman ay nadi-delay lately dahil nga sa kakulangan ng supply. Pero umaasa tayo na dahil ito naman ay kabahagi ng isang kasunduan ng COVAX Facility ay darating at darating din po.
GATUS: May panawagan po kanina ang Pangulo ‘no sa mga kababayan po natin na magtiwala sa bakuna na dumating gaya nito, iyong dumating na Sinovac. Ganoon pa rin ho ba iyong paghimok natin sa mga kababayan natin na lahat nitong mga bakuna na ito ay dumaan sa mga eksperto, sa mga Filipino experts po natin na dapat nilang pagtiwalaan na magpaturok dito sa bakuna na ito, Secretary?
SEC. ROQUE: Tama po iyan ‘no. Lahat po ng mga bakuna ay dumadaan sa proseso ng expert panel review at dumaan po iyan sa napakamasusing pag-aaral ‘no. At nagkaroon po ng konklusyon na ito po ay epektibo at ligtas. Iyong 50% efficacy po ng Sinovac ay iyan naman po ay base doon sa isang clinical study na ang sumapi lang ay iyong mga health workers diyan sa Brazil. Ang ibig sabihin lang po noon, lahat ng mga medical frontliners na palaging nai-expose sa COVID-19, iyong kalahati pupuwedeng magkasakit ay mild at asymptomatic lamang at wala pong kinakailangang maospital. So iyan po ay mabuting proteksiyon pa rin.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center