Speech

Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (Covid-19)


Location Malacañang Golf (MALAGO) Clubhouse, Malacañang Park, Manila

PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE: There’s much — not much about really the vaccine because it is here. But maybe Secretary Galvez can give us the long and winding odyssey of how it finally came to the shores of the Philippines. Your time, sir.

NTF COVID-19 CHIEF IMPLEMENTER AND VACCINE CZAR CARLITO GALVEZ JR.: [Can we have the slide?] Mr. President; Senator Bong Go; my fellow Cabinet members; magandang gabi po sa inyong lahat.

For this afternoon — evening, I will discuss to you iyong ano po ‘yong nangyari po kahapon at saka po iyong sa mga rollout po na ginawa po natin.

But before that, bibigyan ko lang po kayo ng global update dahil para makita rin po natin kung ano ang nangyayari po sa ibang bansa at makita rin po ninyo ‘yong tinatawag nating mga trending.

So kung makikita po natin sa vaccination po worldwide, mayroon na po tayong 221 million doses to date. Still at a daily pace of around 5 million. Pagka 5 million lang po ang ating pace, aabot po tayo ng three — three years globally. Mahihirapan po tayo na magkaroon ng total global immunity pagka po ganito na 5 million. Kailangan po ang nakita po namin at least nasa 10 million po ‘yan para at least two years po ang ano po natin.

Nakikita po natin nag-slow down po ‘yong EU due to rising vaccine hesitancy. Nakikita natin hindi lang po sa atin, global din po ang problema po natin sa mga hesitancy. At the same time, ‘yong recent result sa ruling sa AstraZeneca.

In the regions of Australia, New Zealand, Thailand, Hong Kong and Vietnam, nag-start na rin po ng vaccination effort. So ito po ‘yong mga bagong ano na kasabay po natin itong Australia, New Zealand, Thailand, Hong Kong at saka po Vietnam.

Ghana become first country to receive COVAX shipment of 600,000 AstraZeneca doses. So ang Ghana po ang nauna po.

Then, iyong USFDA already grant an EUA to Johnson & Johnson. Mayroon po tayong nakuha na — ano po mayroon po tayong ongoing na negotiation sa Johnson & Johnson po. And then also, USFDA approves the new handling protocol for Pfizer to be stored at -25 to -15 centigrade. Ibig sabihin po ‘yong frozen undiluted vaccine vials can be held at a standard pharmacy freezer temperature of -25 to -15 for up to two weeks after they arrive at the vaccination site.

And then it only needs to be held at ultra- cold temperature if vaccines are held for more than two weeks. So ito po iyong bagong USFDA ano po handling ng Pfizer.

Then, nakita po natin katulad po ng nangyari sa atin, ang Chinese vaccines are gaining momentum in many developing countries. But talagang ano po nakikita po natin na there is still mistrust, still high on the Chinese vaccine.

But nakikita po natin Hong Kong kicks off the vaccination with Sinovac jab, and also Hungary received 5 million doses of Sinopharm becoming the first EU country to roll out the vaccine.

Indonesia looking to secure Sinopharm also. So nakita po natin iyong Sinopharm talagang medyo most ano rin po ‘yong ano iyong kanyang vaccine — talagang in demand din po lalo na po sa ibang Muslim countries.

And then also there are many ano many countries who are also asking for Chinese vaccine kasi hindi na po talaga available ang Western vaccine. Kasama po ang Pakistan, Egypt, Senegal, Cambodia, Bolivia and many more received the first doses of the Chinese vaccines.

So ngayon po iyong global vaccine inequality is becoming a larger issue. So there is an increased pressure for rich country to donate surplus supply as part of global effort to combat COVID-19.

Ito nga po ang talagang katotohanan na 10 countries account for 75 percent of all vaccination. EU and US called to commit three to five percent of vaccine supply to developing countries and even Israel has committed on giving surplus to Palestine and Honduras.

[overlapping voices] [Kasama po diyan iyong ano Amai Pakpak na sa Marawi, sir.]

Eksakto lang po iyong date pagka sinabi nilang itong date na ito na magde-deliver, talagang ide-deliver po nila iyon. Kaya nakita po natin kahapon na sinabi nila na 28, after five days or five days after ng ano iyong EUA ay bigla po nilang talagang ini-schedule na 28. At 28 po talaga dumating.

So iyon po ang ano po natin sa first quarter. Ang ating objective po sa first quarter matapos po natin lahat ang ating healthcare workers. Iyon po ang ating pinaka-objective.

And then sa second quarter po ay titingnan po natin kung makakakuha po tayo ng mga 20 million dahil mayroon na po tayong darating sa COVAX ulit and also we might be having sa Novavax at saka iyong 2.6 million na ipinangako po ng AstraZeneca, ito po binili po ng mga private sector. So more or less mga 20 million po iyan.

Sa third quarter po, diyan po lalabas lahat ang ating mga — lahat ng mga vaccines natin na bibilhin. So more or less mayroon po tayong — sa ano po sa third quarter, mayroon po tayong 68 million at doon po sa fourth quarter, mayroon po tayong 69. All in all po, Mr. President, Mr. Mayor, ay mayroon po tayong 161 million doses kasama na po iyong 44 million na COVAX.

[Next slide po.] 

 Ito po ang magandang balita talaga kahapon hanggang ngayon ang ganda po ng trending, Mayor, talagang tuwang-tuwa po ang ating mga kababayan dahil dumating na po ang 600,000 Sinovac vaccine.

At nakita na po natin talagang iyong mga iba nakikita natin sa social media, talagang ano many people are very excited. Even sa mga LGUs po, sir, talagang nagte-text po sa akin talagang, “Sir, huwag niyo kaming kalimutan sa pagdi-distribute ng ano ng vaccine.”

[So next slide, please.]

 Sir, ito po nagkaroon po tayo ng tinatawag na simultaneous mini rollout. Ito po ang ginawa po natin kaninang umaga, nagkaroon po tayo ng mini rollout dito po sa UP-Philippine General Hospital.

At mayroon din po tayo sa Lung Center of the Philippines, nandoon po si ano si Secretary DOH. At ako naman po ay pumunta sa UP General Hospital kasama po si Secretary Roque at saka po iyong ating mga LGU kasama po natin si DG Eric at nagpaturok din po sila.

So makikita po natin nandoon naman po sa — si Secretary Vince Dizon doon po sa Tala. And then also sa Veteran’s Memorial, nandoon po ang ating si Secretary Del Lorenzana po.

So nagturok din po tayo sa Philippine National Police General Hospital at mayroon din po tayo na mini rollout sa V. Luna Medical Center. At bukas po marami po tayong pupuntahan din po.

Ito po bukas magkakaroon din po tayo ng mini rollout sa Pasig City General Hospital, Amang Rodriguez, Pasay City, sa Taguig, Sta. Ana, sa Philippine Air Force, sa Manila Naval Hospital sa Navy, sa Army General at saka sa Camp General Emilio Aguinaldo Hospital.

Then mayroon tayo, sir, na ano nakikita po natin, sir, nabigla po kami. Sir, ang St. Luke’s humingi po ng 5,000 para sa 5,000 nilang tao ng Sinovac. Na nakita natin iyong ano iyong St. Luke’s nakita natin ang gusto niyan Pfizer at saka ano po pero nakita po natin, nag-text po sa akin si ano si Dr. Peña and magkakaroon po kami ng mini rollout sa dalawang St. Luke’s Medical Center sa Global at saka sa Quezon City para magkaroon po ng mataas na uptake.

PRESIDENT DUTERTE: We appreciate every — any and every cooperation offered to us at this time. Kung sasali iyong St. Luke’s then nagpapasalamat tayo.

So they can also help spread really the vaccine as soon as — as fast as it can be accommodated by the time and motion of a human being. Ikaw ho.

SEC. GALVEZ: Yes, sir, sa ano po sa March 3, magdadala na rin po tayo ng mga vaccines sa Cebu, and then March 4 doon po sa Davao.

So kami po na mga secretary, iyong Cabinet member, magpupunta po kami sa ano po sa March 4 sa Vicente Sotto doon sa Cebu, and then pupunta din po kami sa March 5 sa Southern Philippines Medical Center.

So pati po iyong ano ‘yong Davao Medical Center mabibigyan na rin po. Iyon po ang inano naman ni Ma’am Inday na mabigyan iyong ibang mga hospital at nagpangako naman po si Secretary Duque na dadagdagan po natin ang mga vaccine po doon sa kanila.

PRESIDENT DUTERTE: Yes. Iyong sa Davao po, just to make it clear to the people, ‘yong Da — ‘yong… It used to be known as the Davao Medical Center. Tapos iniba po ginawang Southern Philippines Medical Center. It’s a long story but maybe some other time when we have the space really to discuss about it.

Go ahead, please.

SEC. GALVEZ: Sir, iyong guidance niyo po na i-distribute po nationwide iyong vaccine, sir, ginawa po, sir, ng ating mahal na secretary at saka ni Usec. Cabotaje. So iyong distribution po natin ipakikita ko po sa inyo na parang equitable po ‘yong distribution na gagawin po natin.

So nakita po natin sa NCR considering na iyong NCR mayroon tayong 17 highly urbanized na cities, mayroon po tayo na 130,000. And then sa Region IV-A, dahil dalawa po ‘yong ano iyong DOH hospital doon, Batangas Medical Center and Southern Tagalog Regional Hospital, mayroon po tayong 1,115 pero dadagdagan po natin ‘yan kasi ‘yan po ang ano eh ‘yan po ang request po nila.

Ang ginawa po ni ano ni Usec. Cabotaje nagkaroon po sila ng tinatawag na “hospital town hall meeting.” At kinuha niya po ‘yong may mga gusto. Pero nakita ko po ‘to, sir, Mr. President, tataas po iyong iba dito dahil kasi ito po noong kinuha na nila iyon, tumatawag na ang iba na gustong nagpapa — nagpapa-ano po kasi iyong sa mga hospital po, sir, kasi ‘yong taker lang sa ano Sinovac 13 percent to 28 percent.

PRESIDENT DUTERTE: As humanly possible, we would like to, I said, distribute it among the Filipino people across the nation.

SEC. GALVEZ: Yes, sir.

PRESIDENT DUTERTE: Iyan ho ang target and that is the — I think that is the basis of your division ‘yong ito. Okay ho.

SEC. GALVEZ: Yes, sir.

PRESIDENT DUTERTE: I have no qualms at this point.

SEC. GALVEZ: Sir, ito po lahat po, sir, ang tuturukan po natin itong mga healthcare workers ng mga hospital. So iyong mga hospital po niyan, iyong mga trabahante po ng hospital pati iyong mga drivers ng ambulance, lahat po ‘yan.

PRESIDENT DUTERTE: Rightly so.

SEC. GALVEZ: Opo.

PRESIDENT DUTERTE: And by the way, even the doctors, some are not quite keen sa Sinovac but that is their right. They want maybe the US. It could be AstraZeneca or it could be Johnson & Johnson — Johnson & Johnson is US talaga ‘yan — or it could be Moderna.

So I said wala tayong ano diyan except… No, no wala kaming objections diyan kung ayaw ninyo. Maghintay na lang ho kayo ‘pag magdating iyong mga bakuna na of your choice and not the ones that are being applied now to the people. We respect your decision on the matter.

SEC. GALVEZ:  Sir, ito po ‘yong ano, iyong from NCR; Region IV-A; Region III; CAR; then — [Next slide, please.] — nandito naman po ‘yong Region I, mayroon tayong 7,000; Region II; Region IV-B; Region V; — [Next slide, please.] — then Region VI; Region VII. Iyong Region VII, sir, padadagdagan po natin dahil kasi tumataas po ang ano ang kanilang kaso po doon at may mga variants na po doon so padadagdagan po natin.

And then Region VIII — [Next slide] —  then Region IX nandiyan na rin po; Region X; Region XI. Sir, iyong Region XI, sir, padadagdagan po namin ng mga 15,[000] to 20,000. So ‘yong Region XI kasi ito lang po ‘yong ano eh ito lang po ‘yong kanilang request kasi alam po namin ang ginawa po nila iyon lang na may gusto.

Pero nakita namin, sir, ngayon tumaas po ‘yong ano, ‘yong — noong nakita nilang nagpabakuna tayo lahat ng ano ng mga prominent na mga doctors na nandoon si Dr. Gap, Dr. Edsel Salvana, tumaas po ‘yong ano, tumaas po ‘yong level ng tinatawag nating uptake at saka demand.

So nandiyan po ang Region XII. Ang Region XII po kasama po ‘yan noong ano iyong sa BARMM na Cotabato Sanitarium. Iyong sa Region X kasama po diyan ‘yong ano Amai Pakpak sa Marawi, sir, kaya medyo mataas siya.

So nakikita po natin iyong Sinovac po isa po ‘to na nakita natin na vaccine na halal. So ‘yong mga Muslim ano natin, Muslim BARMM ano natin, sir, doon po namin ibibigay ‘yong karamihan din po sa kanila kasi ‘yan po ang sinabi po ng Indonesia na ito ‘yong halal na ano po na ano po natin vaccine.

PRESIDENT DUTERTE: Let me just talk about Region XI. Eh kasi nandoon ako. Lest that we be, well, accused of giving a priority to the Davao Region. Davao province noon was really very, very big. As a matter of fact, when some time when my father died pinaghati-hati ito.

Now, itong Davao Regional Medical Center it caters to Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, Davao Occidental, then the ComVal Valley which is known now as the  — I think they changed it to a gold city something — ah Davao Oro, Oro is gold.

So… And it caters to some people from itong boundary ng Cotabato na mas malayo ang Cotabato City to Davao City so dito na sila. And sa Bukidnon, nagbababaan ‘yan, sa likod lang ng Davao ‘yan, also sa Davao Medical Center pati ‘yong sa Agusan. Iyong Agusan na malapit sa Davao City, malayo doon sa capital ano nila, capital city, at where the regional hospitals are really hard to go to because of sa kalayuan at maybe the expense ‘yong that will have to be incurred.

Iyon ho ang ano sa Davao. Malaki ho ang Davao, talagang… It used to be the biggest province — biggest city. Until now, Davao City is the biggest city in the world, I think, and hanggang ngayon. And the population is — it’s a melting pot of Region XI.

Nandoon lahat ‘yong anyone seeking the pot of gold, diyan sila sa… For the education, we have so many universities. One, two, three, four, five at saka… Iyon, ‘yon dahil diyan — dahil diyan inilagay iyong regional hospital.

So iyan ho ang ano kasi baka sabihin nila bakit malaki ang Davao. It’s not really — the Davao Region is not only Davao City. But Davao City is as big as a province, that’s why it’s called the biggest city in the world. If you go to the south side, you will not be able to go to the north side by sunset. That’s how big it is to travel from one place to the other.

Thank you. Please proceed.

SEC. GALVEZ: [Sir, next slide po, sir.] Sir, ito po ‘yong ano iyong allocation po natin na kung makikita po natin iyong NCR, Metro NCR, kasama ‘yong Region III at saka Region IV-A at saka ‘yong Baguio City, mayroon po tayong allocation na 146,000. Iyong Region I, II, III, IV-B, at saka ‘yong Region V mayroong 70,000 and then iyong greater ano, sir, iyong Visayas 26,000 at saka iyong buong Mindanao 26 thou — 24,000.

So mayroon pa po tayong natitira na flexibility na more or less 70,000 doses or good for 35 people. Ito pong 250 na ‘yan po ito po iyong tinatawag nating tao po ‘yan, two doses na po ‘yan para ‘yong ating target is 250,000 people. So mayroon pa po tayong 35,000 na puwede po nating i-reallocate kung just in case tumaas po iyong uptake.

And then inaasahan din po natin na darating ngayong month ‘yong ano iyong COVAX. Mayroon tayong inaasahan sa COVAX at mayroon din po tayo ngayong month na ipo-procure na po natin iyong 1 million na Sinovac na kasunod po iyon.

Ang ano po namin is pagka patapos na po  ‘yong ano iyong AstraZeneca at saka iyong first tranche ng Sinovac, darating na po iyong 1 million. Gagawin po namin, Mr. President, iyong inyong ano inyong utos na magkaroon po tayo ng at least mayroon tayong naka-standby na reserve or stockpile na 2 million to 5 million para at least makapag-open up na po tayo ng ano ng ating economy.

Pagka po nagawa po namin na ‘yong aming ano stable na po ‘yong aming supply, we will inform you, sir, na puwede na po tayong ano talaga, we will recommend na puwede na tayong — puwede na po tayong mag-open just in case na nakuha na po natin more or less makuha po natin iyong talagang mga vulnerable people makuha na rin po natin.

PRESIDENT DUTERTE: Thank you.

SEC. GALVEZ: Sir, iyong ibang ano po iyong ibang update po na kay ano po na kay SOH kasi siya po talaga ang umikot ng mga ibang hospital. Sir, ang alam ko tatlong hospital yata ang inikot ni ano ni SOH po kanina sa pagbabakuna. Ginanahan po siya magbakuna po.

PRESIDENT DUTERTE: Secretary Duque has something to say. Go ahead, sir.

DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III: Maraming salamat po. Magandang gabi po, Mr. President, Senator Bong Go, fellow members of the Cabinet.

Kung puwede lang laktaw na lang tayo, medyo mahaba po. Ang gusto ko lang pong ipakita ‘yong activities doon sa… [Can we have the slide number 20?] Iyan po.

Ito po, Mr. President, sa pagdating ng unang mga crates ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa bansa ay mas magpapalakas ang ating kilos upang tuluyang sugpuin ang COVID-19.

Ngayon pong araw ay nasimulan na natin ang paghahatid ng dagdag na proteksyon ng bakuna sa atin pong mga frontline healthcare workers. Inumpisahan po natin sa UP-PGH na kung saan po ay si Director General Eric Domingo po ang isa sa mga nagpabakuna. So maganda naman po ang naging epekto sa Philippine General Hospital.

Today mga 120… Yes?

PRESIDENT DUTERTE: May I cut you doon sa mga — the priority. Kasi ang haka-haka ng mga tao, lalo na itong si Mareng Leni, sabi niya na mauna ako.

You know, in the protocol, ako, ang edad namin na — ang — the preferential right is given to 16 o 18 above, tapos 59. Ako ho Mareng Leni, 70 na, 70 — ah hindi pala, 67 lang pala. [laughter]

Eh masyado kang apurado. Sa protocol nga, we are not even considered as those needing or occupy a priority in the application of COVID. Mahirap kasi ‘yang ano mo, you are baiting me. Alam mo kung bakit? Nagdududa ka kasi na nagpabakuna na ako kasama ng mga sundalo. Kaya panay ang tikoy, tikoy, tikoy ‘yang… Ginaganoon mo, sige magsalita ka.

Iyon ang talaga ang ano mo. You have a very — you seem to have an angel face but a devilish mind. Marunong kang mag-ano. Iyang pagduda mo kasi tapos na ako kaya you want me to go into a trap of saying things which are not appropriate.

Iyan ang mahirap sa iyo and every day you have a narrative. Noong una, sabi mo na kulang dito, ganoon then kailangan… Was it yesterday you said, “Our frontline workers deserves the best.” Wala akong problema ‘yan. Mas magsakit ang ulo ko kung wala siya.

Kayo, ikaw, sige ka lang salita diyan, wala ka namang ginagawa, sige ka issue-issue ng statement. Do you know what? Because you want to be relevant here. Gusto mong sumali sa laro na para mapakinggan ka rin.

Eh bakit hindi mo sinabi noon ‘yan? Tapos ngayon sabihin mo dadaang propeso. Anong propeso? Proseso, rather. Anong proseso ang gusto mo na tapos naman ‘yan lahat? Gusto mong dagdagan. Eh bakit hindi mo sinabi noon na — that ito lahat kailangan. Ngayon nga may proseso na bago.

Ganito na lang, sabihin ko sa iyo ulit kung marunong kang makinig: walang bakuna ngayon available, either hingiin mo, nakawin mo o bayaran mo. Not only the Philippines, as stated by earlier — binigyan tayo ng worldwide situation ng vaccine. Hirap rin sila. Ang Amerika mayroon pero inuuna nila.

Ito alam mo unahan ito. Ako muna bago kayo kasi amin ito. As correctly stated by Secretary Galvez, it is only China who has come up with its commitment to so many nations.

I don’t know how many but I’m sure China will honor on time kasi wala man silang — alam nila mas gastos tayo kung tayo ang magkuha. We have to send our cargo planes and marami ‘yon, hindi magkasya ng isa, we have to send about two. China mina — minabuti niya na dalhin na lang dito sa Pilipinas using their own air assets. Kaya ganoon.

Ngayon, kung gusto mo talaga para mahinto ka, kunin mo ‘yong basket mo, mamalengke ka doon sa labas ng bakuna. Bigyan kita pera para kung may mabili ka, bilhin mo na kaagad at umuwi ka dito sa Pilipinas, ibigay mo doon sa mga doktor.

Iyan ang mahirap sa iyo eh, you want to be relevant. And you — you know, sometimes you make an idiotic stance. Iyong mga ganoong “they deserve the best.” Anak ka ng… Bakit ako? I would give them the worst? Mamatay ka na. Hindi — hindi ko iwanan ‘yong mga frontliners and you do not need to really be redundant about it.

Ako ‘yong ano, napika ako sa iyo pero because ilang beses na tayong nag-engkwentro sa sagutan. Alam ko you’re — you’re… May nagsabi, a devil has said something, udyukin mo, magsabi, tanungin mo.

Ngayon ipakita ko. Ngayon gusto ko ‘pag mag-injection ako nandiyan ka, dito sa Malacañan kay sabihin ko matanda naman ako, kalahati lang ang akin. Ipastada mo ‘yong pu — doon iturok sa iyo to add protection to your good health.

Secretary Duque, you can go ahead.

SEC. DUQUE: Salamat po, Ginoong Pangulo. Susugan ko lang po kaunti ‘yong sinabi ninyo. Iyon pong sa pagbibigay bakuna ng gobyerno ng China ay 53 nations po ang kanilang nabigyan ng mga bakuna at lahat po ‘yang mga ‘yan sila halos ang sumundo ng kanilang bakuna mula sa China. Hindi po katulad ng ginawa — nangyari kahapon, sila po mismo ang nagpadala, Mr. President, ng bakuna sa atin.

Kaya ang halaga po nitong bakunang ito ay mga 403 million pesos ‘yong 600,000 doses ang — Mr. President, ang halaga po 403 million pesos, sa halagang 14 dollars per dose.

So ituloy ko lang po na nasimulan po natin ang pagbibigay nang dagdag na proteksyon ng bakuna sa mga frontline healthcare workers: sa PGH; sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium; ‘yong Lung Center of the Philippines; ang Veterans Memorial Medical Center na pinangunahan po ni Secretary Delfin Lorenzana, kasama ko po siya sa V. Luna Medical Center; at ganoon din po sa PNP General Hospital.

Simula pa lamang po ito ng ating pambansang pagbabakuna laban po sa COVID-19. Nawa’y magkaisa tayo sa kilos, sa puso at sa diwa dahil abot-kamay na natin ang susi, sa wakas, laban sa pandemya at ang katiyakan ng ligtas at tuloy-tuloy nating pagbangon tungo po sa mas produktibo at mapaglikhang kinabukasan ng sambayanang Pilipino.

So ito lang po ang ibig kong iparating sa amin pong updates. Tomorrow ay tuloy-tuloy na po ang pagbabakuna sa lahat ng mga ospital ng gobyerno, public and private, at local and national government hospitals, at hanggang masakupan po ang mga barangay health workers sa kanayunan.

At ibig ko rin pong ipagpaalam sa inyo, Mr. President, na ang Pasay City ngayon ay rumaragasa ang kanilang COVID cases. May spikes po sila at ipinapaalam ko po na doon magpapadala din po tayo kaagaran ng mga bakuna para po maprotektahan na ang kanila pong mga healthcare workers hanggang po sa kanilang mga barangay health workers na bumubuo ng barangay health emergency response teams. At ito po ay karagdagan hakbang para po mapababa natin ang rumaragasang COVID-19 cases sa Pasay City.

So ito lang po as of now my updates, Mr. President.

PRESIDENT DUTERTE: Sige, go ahead.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON HARRY ROQUE: Sir, iyong sinasabi po kasi ni Madame Vice President, dapat daw po…

PRESIDENT DUTERTE: Ano kayang mabuti kung tanggalin mo ‘yong — ?

SEC. ROQUE: Opo, opo.

PRESIDENT DUTERTE: Nagba-bounce kasi ‘yong ano kaya…

SEC. ROQUE: Opo.

PRESIDENT DUTERTE: It’s not really very clear. Nagba-bounce ang boses mo sa —

SEC. ROQUE: Sa shield po.

PRESIDENT DUTERTE: Pati ‘yong mask para —

SEC. ROQUE: Opo. Ang sinasabi po ni Madame Leni ay dapat daw dumaan sa health technology assessment sang-ayon po sa Universal Health Care. Eh nagkataon naman po tayo’y nagsulong ng Universal Health Care noong 17th Congress sa mababang kapulungan.

So just for the information of VP Leni, babasahin ko na po ‘yong probisyon ng batos — batas Section 34 of the Universal Health Care ‘no: “The health technology assessment shall be

institutionalized as a fair and transparent priority setting mechanism that shall be recommendatory to the DOH and PhilHealth.”

So hindi po totoo na ang sinasabi niya na requirement po ng Universal Health Care na mandatory daw —

PRESIDENT DUTERTE: Yeah.

SEC. ROQUE: — ang HTAC review. Hindi po.

PRESIDENT DUTERTE: The way she said it —

SEC. ROQUE: Recommendatory.

PRESIDENT DUTERTE: — the way she said it, it would appear that it is mandatory.

SEC. ROQUE: Hindi po. Mali po talaga. It is —

PRESIDENT DUTERTE: Kaya sabi ko —

SEC. ROQUE: The letter of the word says, “it is recommendatory to the DOH”. At tandang-tanda ko po ito kasi noong tinatalakay namin ito sa Kongreso, ang tanong nga: “Bakit kailangan pa ng ganito, eh mayroon ng FDA?”

So nilinaw po natin at ang aking mga advisers po noon si Dr. Ernesto Domingo na Magsaysay Awardee, si Dr. Butching Paterno, doon po ang tawag po sa kanila: UP-PGH Study Group on Universal Health Care, ito’y paniguro lang na iyong babayaran ng gobyerno ay essential medical services at mga gamot at hindi po cosmetic ‘no para hindi masayang ang pondo. But it is always recommendatory. It is still the decision of the Department of Health and the PhilHealth kung ano po ang popondohan.

Kaya po siya na-confuse, mayroon pong mayroong criteria kasi. “The following criteria must be observed in the conduct of the HTA and among others…” Nakasulat po dito iyong “safety and effectiveness; each intervention must have undergone Phase IV clinical trial.”

Pero hindi po ito applicable sa panahon ngayon because nasa EUA lang po tayo. Wala pa pong Phase IV na clinical trial ang kahit anong bakuna. So kung sasabihin po niyang mandatory ito, wala tayong mabibiling kahit anong bakuna.

But the letter of the law is very clear po, recommendatory and the spirit of the law, as the primary author of the law, was never to duplicate the function of the FDA dahil ang safety at saka efficacy po iyan na po iyong function ng FDA. Maraming salamat po.

PRESIDENT DUTERTE: At saka ‘yong e — iyong emergency use, we are in an emergency situation, the world is in a dire situation. Kaya nga gitawag “emergency authority” eh — Emergency Use Authority. Hindi nga niya nakuha ‘yan eh.

Walang — wala ngayong may panahon na to go subject it into a lengthy examination. The world cannot afford it now.

Kaya sabi ko nga kanina, nabasa ko nga rin, pinabasa sa akin, kaya nga sabi ko, “What are you doing?” Every time you open your mouth, it seems to be idiotic eh. Hindi ka ma… Recommendatory nga.

Sabi dito, if the — if a… The word recommendatory is made — mag-interface ka ng emergency, then what the hell is the recommendation for when you are facing an emergency, ma’am?

Kaya kung gusto ka mag-ulit magtanong kung mayroong wala namang bakuna, kyakkyak ka nang kyakkyak, magdala ka ng basket, bigyan nga kitang pera, mamalengke ka ng bakuna at dalhin mo dito sa atin. That is how I… Ano — we…

Ako naman, ‘pag nagkamali ako talaga, ‘yong klarong mali, nagsasabi ako na, well, everybody has the right to commit a mistake. It could be in a very sarcastic way. Wala naman siguro…

Let me thank again. Mayroon — mayroong binulong sa akin si Ambassador Huang Xilian. Ayaw ko lang sabihin. Pero before we shook hands, before we left the stage, may sinabi siya eh. He said something to me na very encouraging and I said thank you. Alam na ninyo kung ano iyan but I would not want to preempt. I want the benefactor to announce that ginusto nila ‘yan.

So pasalamat tayo and I said we — itong bilhin natin we are — maybe we are really the tail-ender of this purchasing power of ours. It could be that we are in the last 10, 20, maybe 30, because wala nag — ang World Health Organization which demanded that every country, rich country, country where the vaccines are manufactured, must contribute. Nag-commit na nga. So naudyok kahapon. So that…

I really wanted to know what was the reason because I have — I cannot — hindi ako puwedeng magsinungaling bobolahin kayo eh. Ang sinabi, naudyok kasi sa supply. So wala talagang supply.

I’d like to say it in — my dear countrymen, ginusto ko man, sabi ko, buy, steal, or borrow, wala akong makuha.

I’d like to thank the President Xi Jinping. You know, I do not want to grab the credit. The credit is the Filipino people, inspired us to crank our grey matter between the ears how really can we master a good plan.

‘Di ba sinabi ko sa iyo noong pag-constitute ko ng — nitong Task Force, ‘di ba sinabi ko sa inyo tinawagan ko si Xi Jinping. I made a personal call. I told the nation about it. It’s not my credit. It’s the credit of the people who inspired me to really do something.

So sabi ko, “Mr. President, my country does not have the technology. We do not have the know-how. I hope that you will not forget us if things go afoul.” O nakita mo iyan nagkukulang-kulang nga. Iyan ‘yan — ‘yan ‘yong tinawag ko.

At President Xi Jinping is listening now. So, President, from the bottom of my heart and with immense gratitude, I thank you, the Chinese people and government, for being so generous. Maybe someday I can repay you if I would still have enough time in this planet.

Now, tapos na man siguro ito, I’ll just… Again, gusto man talaga ng tao na ka… Walang ginawa — walang ginawa ang — graft and corruption. O ito. Then, a List of Government Personnel Suspended and Dismissed From Service. The name is:

Noel Reyes – position: Administrative Officer [III], Department of Trade and Industry. The nature of the case is serious dishonesty, grave misconduct, gross neglect of duty, falsification of public documents, and conduct prejudicial to the best interest of the government. For falsifying official receipt entries issued in triplicate resulting in an unreported amount of P1.69 million that DTI is rightfully entitled to.

Mr. Reyes resigned but the law does not allow you to resign. You are — maybe his case was final. But still, he’s facing a criminal charge. And this is maybe with the Supreme Court. If the case is still with the Department of Trade and Industry, kindly expedite. There’s not much — it’s a paperwork, all you have to do is to look at the figures.

Then we have Ramiro M. Cruz – District Engineer, Bulacan 2nd District Engineering Office, Department of Public Works and Highways. Serious dishonesty, gross misconduct — of duty, and grave misconduct, gross neglect and grave misconduct. Ito, gross neglect is an omission. Ito, with malice for their omissions.

Ito, I’d like to… I’d like to issue a warning. Hindi pa tayo — ako tapos sa DPWH. Hindi pa ako tapos sa inyo, kayong mga matagal na sa district engineer. Some of you are even — are friends of mine.

Ito si Ramiro Cruz, District Engineer 2nd District. Serious dishonesty, gross neglect of duty, and grave misconduct for their omissions — kasali pala itong lahat eh.

Alfredo Hernandez – Chief Construction Section, Bulacan District Engineer’s Office DPWH; Armando Juan – Project Engineer, Bulacan 2nd District.

Ganito pala itong mga kasalanan ng mga… Kayong mga… Prove to me na kayong mga engineer, pumasa kayo sa board baka p***** i**, pineke ninyo.

Tingnan mo itong charges: For their omissions, poor performance of functions, and non-compliance of the issuances of Department — maybe permit — thus causing serious delay in the construction of the bridge in San Miguel, Bulacan; and for concealing these facts to make it appear that the project was completed per schedule. Anak ka ng p***** i** ninyo. Umalis kayo sa gobyerno.

Preventive suspension. I’d like to — DPWH, paalisin ninyo ‘yan in the fastest possible time. I do not need government workers na ganoon. Kung wala ka palang alam, bakit ka pumasa sa board? L**** ka.

So mga kababayan ko, pagpatawarin na ninyo ako sa mga mura ko at iyong mga pa-slide ko sa mga kapwa ko tao, kapwa ko sa gobyerno. Kasi minsan napipika na ako na ginagawa mo na ang lahat, mayroon pang masabi na hindi naman totoo.

You know, kagaya ng iyong “sa tamang proseso.” So making it appear that again government committed a serious omission na hindi ninyo pinadaan sa proseso. P***** i**, gaano ba — ilang proseso ba pala dadaan?

I have told the government ito ngayon to simplify matters, and if need be, go to Congress and ask for a revised law or regulation limiting the number of pap — offices where the documents or papers must pass through. Kasi ‘pag hindi ‘yan…

Iyan ang naka-ano sa Pilipinas eh delay. At maraming dinadaanan na opisyal kaya kada isang mesa, per table, uupuan ng p***** i**, maghingi ng lagay. Kaya the long road to China, ika nga, that’s an idiom, walang nangyayari.

Ngayon, kayong mga ano, you know, madali na lang ako. I’m… I’m… Less than a year, wala na ako. But ‘pag nagkamali kayo maski kaunti ngayon, iwasan ninyo magkamali. If you value your work, if you want to stay in government, iwasan ninyo.

Kasi iyong sulat, mail lang mismo, ipapatawag talaga kita. And I will investigate immediately, and then file the case before the Ombudsman para diretso na. And maybe, the Ombudsman will be the one to issue the suspension order.

Pero ako, I want you out. Out as in out of government service. Kaya kayong mga… Kaunti na lang panahon naman naiwan sa akin eh. Wala namang ano diyan. Kaya it would be best na huwag ka munang magkapera ngayon.

Hintayin na lang ninyo for better times. Maghintay kayo kung sinong presidente na kaya ninyo. Kasi ako dito, hindi lang ako… Kasi marami na eh and — to a fault, to a fault, talagang nanghihiya ako ng tao. Pagdating mo dito, sasampalin kita diyan, diyan sa kuwarto.

Kapag sinabi ko sa secretary, “Umalis muna kayo.” Iyan, may tama ka diyan. I humiliate people, especially those who steal money from government. I have a…

Sorry, iyong ambassador doon sa Brazil who maltreated a household helper, ito repeatedly inflicted physical harm doon sa tao. The recommendation was — and I am — I signed the… When was it? The other day or last night?

I signed the document affirming the decision. The decision metes out the penalty of dismissal from the service with the accessory penalties of cancellation of eligibility, forfeiture of retirement benefits, perpetual disqualification from holding public office and bar from taking Civil Service examination. Iyan ho ang… [What’s Tagalog for penalty?] [Officials: Parusa.] Iyon ang ano — iyan ang parusa niya.

So… That’s how it is. I said there are rules to be followed. Kung ayaw mong sundin, you take the risk. If something goes wrong, it’s gonna hit you.

Maraming salamat po. [applause]

 

 

— END —

 

SOURCE: PCOO-PND (Presidential News Desk)