Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Jorge Bandola – Straight to the Point, RMN


BANDOLA: Ang Tagapagsalita po ng Pangulo, si Secretary Harry Roque. Magandang umaga po, Sec. Harry!

SEC. ROQUE: Magandang umaga Jorge at magandang umaga Pilipinas.

BANDOLA: ‘Yan, kita mo naman ha. Bakit po kayo hindi nagpabakuna, aber? [Laughs]

SEC. ROQUE: Ayaw po akong bigyan pa [laughs] dahil inuuna muna po iyong mga medical frontliners. Sa akin, okay lang naman po.

BANDOLA: Oo. Kasi natawa ako doon sa pahayag mo noong una eh, “Dahil kayo ang medical frontliner, kayo ang dapat mauna.” [Laughs] Kaya sabi ko, bakit hindi nagpabakuna si Sec. Harry. Anyway—

SEC. ROQUE: Hindi po talaga. Malaking issue po iyan kasi halos lahat ng mayor gusto nang magpabakuna rin ‘no, pati ako ‘no, kaya lang nagdesisyon sila dahil 3.4 million ang medical frontliners natin, talagang kinakailangan unahin iyong mga frontliners. So sa akin, okay lang naman po. Tayo na ang maghintay dahil ako po ay may co-morbidity, so nasa priority din po ako, unahin lang muna iyong mga medical frontliners.

BANDOLA: Pero iyon pong pakiusap po ninyo na mabakunahan sana ang mga influencer, iyon ang mahalaga eh para maibalik po ang tiwala sa bakuna. Pinagbigyan po ba?

SEC. ROQUE: Hindi rin po eh, kaya nga po hindi rin kami napasama doon sa mga pupuwede kasi we would qualify as influencers. Ako, araw-araw akong nasa TV dahil sa Tagapagsalita tayo ni Presidente. Pero ako, I agree naman with the decision, hindi na tayo umaalma at naghihintay na lang tayo ng ating turn kumbaga.

BANDOLA: Uhum. Sino po ba sana sa mga influencer ang pababakunahan ninyo? Artista po ba iyan?

SEC. ROQUE: Well, hindi naman po malinaw kung sino iyon ‘no pero humingi po sana kami ng singkuwenta, hindi pa naman alam kung sino iyon. Para lang iyong mga personalidad na sa tingin namin kapag nabakunahan ay makakatulong sa pagtaas ng kumpiyansa ‘no. Pero sa ngayon po, siguro kasi 600,000 pa lang ang dumarating eh hindi pa po pinayagan. Pero tingnan po natin baka naman kapag dumating na ang mas maraming supply eh baka matuloy pa rin po iyong ating proposal.

BANDOLA: Ano po iyong susunod na darating, Sec. Harry? Iyong 1 million na Sinovac o iyong AstraZeneca na?

SEC. ROQUE: Well, as if kasi itong COVAX wala tayong control dahil iyan po ay WHO ‘no. Bagama’t sila nga iyong nagsabi na dapat darating na ng March 1, siguro naman eh within the month darating din sila ‘no, mga 500,000 na dosage na AstraZeneca. At least po ang sigurado na rin ay iyong bibilhin na natin sa Tsina na isang milyon ‘no, darating po iyan ng Marso at pagkatapos po niyan parang Marso, Abril, Mayo tag-iisang milyon din tapos aakyat po ang supply ng tig-2 million.

BANDOLA: Uhum. Iyon pong mga unang bumabatikos sa gobyerno medyo natameme na ngayon ha, Sec. Harry.

SEC. ROQUE: Eh totoo po kasi hindi nila akalaing magkakaroon talaga tayo ng rollout ‘no. Pero sinigurado talaga ni Presidente na matuloy nga itong rollout na ito ‘no. At nais ko lang i-highlight na hindi lang naman tayo nag-rollout na ang gamit ay Sinovac – Tunisia, ang Egypt, ang Turkey ‘no; pati iyong mga Latin American countries, ang Chile, ang Argentina ‘no. So tapos pati doon sa mga ilang lugar sa Africa ay sinimulan na rin po nila na ang gamit Sinovac. Ibig sabihin po, hindi makapagsisimula ng kanilang pagbabakuna iyong mga hindi mayayamang bansa kundi po nagkaroon tayo ng Sinovac.

BANDOLA: Uhum. Eh iyon nga rin po binabasa ko mga listahan pero mukhang sa mga western countries ayaw nila ng Sinovac ano?

SEC. ROQUE: Well, kasi po sila ang bumili ng 75% supply ng lahat noong mga western… at sasampung bansa lang po ang naka-order ng 75% ng supply ng lahat ng mga western brands.

BANDOLA: Oho. Pero mangyayari po ba talaga na lilipad talaga ang Pangulo papuntang China to personally thank Xi Jinping?

SEC. ROQUE: Ay, iyan po ang gusto niyang mangyari. Anyway alam naman ng Presidente na patapos na rin ang kaniyang termino at napakabuti ng naging samahan nila ni President Xi at [garbled] sa Tsina. Siyempre, bago siya magpaalam sa government service eh nais din nga niyang makarating ng Tsina for [garbled] iyong time as President para magpasalamat po kay President Xi.

BANDOLA: Kailan po kaya mangyayari iyan?

SEC. ROQUE: [Laughs] Hindi po natin alam pero siguro po bago matapos ang termino sa 2022.

BANDOLA: Ano po ang target pala, Sec. Harry, kailan matatapos ang pag-a-administer ng 600,000 Sinovac?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung kailan matatapos ang 600,000. Pero ang ating target eh iyong 50 million eh magawa natin within 2021 ‘no. Pero nagsisikap po ‘no, ngayon po ay Wednesday, every Wednesday nailalabas iyong figures, ilan ang naturukan. Pero bibigyan ko lang kayo ng comparison – noong unang araw sa PGH ay parang 126 yata ‘no, tapos kahapon umabot ng 480-something ang nabakunahan ‘no.

BANDOLA: Aba, tumaas na.

SEC. ROQUE: Samantalang 10% lang ang inaasahan nilang magpapaturok, 500 out of 5,000 employees. Eh ngayon po sumobra na sila at hindi nga nila inaasahan na ganoon karami ang magpapaturok. Pero malalaman ko po maya-maya lang kung ano talaga iyong running figure na nationwide. Pero bigla pong sumipa kahapon ‘no dahil nga po ang Pilipino talaga, kapag nakita nilang nagsimula na iyong iba, susunod na rin.

BANDOLA: Tama. Ang Pangulo po, Sinopharm yata ang hinihintay. Baka puwedeng doon na rin tayo ‘no? Puwede ba maisama ako? [Laughs]

SEC. ROQUE: Well nag-a-apply pa lang po ng EUA ang Sinopharm ‘no at tingnan po natin kasi normally kung western brand iyan, 21 days ‘no. So ang alam ko po mga 2 days ago pa lang sila nag-file.

BANDOLA: Oo. Pero iyon nga po, hinahanap pa raw ng FDA kung sino iyong nag-apply eh [laughs]. Wala pa iyong papel daw.

SEC. ROQUE: Ah hindi po, in-acknowledge na po nila na nag-apply talaga.

BANDOLA: Ah, oo. Kasi maganda daw yata ang epekto noong Sinopharm ‘no, Sec. Harry?

SEC. ROQUE: [Garbled]

BANDOLA: Naku, pawala-wala na…

SEC. ROQUE: [Garbled]

BANDOLA: Naku. O ‘di bale. Sec. Harry medyo putul-putol na ha. Maraming salamat, Sec. Harry ha.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat.

BANDOLA: Thank you, thank you Sec. Harry.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center