Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Mike Enriquez – Saksi sa Dobol B, DZBB


SEC. ROQUE: Naku Sir Mike, magandang umaga po.

ENRIQUEZ: Secretary, good morning po. Bakit kayo nandiyan? Magpapaturok ba kayo ulit? [Laughs]

SEC. ROQUE: Hindi po. Eh alam ninyo po eh lahat ng aking PCR dito ako nagpupunta sa NKTI at noong ako po ay inimbitahan ni Dra. Liquete na pumunta para dito sa rollout nila ng vaccination, sabi ko dapat lang naman po ‘no dahil napakarami na po ng serbisyong nakuha ko dito sa NKTI at tama lang po na samahan ko sila habang sila ay nagpapabakuna.

ENRIQUEZ: Opo. Secretary, ganito po ang tanong, buti nandiyan kayo, inabutan namin kayo. Kasi po ang isa po sa inaalala namin, baka maubos na itong unang dating na ito ng bakuna – ke Sinovac man iyan, ke Pfizer iyan, ke AstraZeneca iyan, kung anuman ‘yan. Baka matigil iyong bakunahan, sayang nag-umpisa na eh. Tuluy-tuloy na ho ba ang dating ng supply na ngayon dito sa ating bansa ng kahit anumang bakuna iyan para tuluy-tuloy na po ang turukan, Secretary?

SEC. ROQUE: Tuluy-tuloy na po iyan dahil may inaasahan po tayong isang milyon galing po sa Sinovac, ito na po iyong bibilhin natin. Ang ginagamit natin ay iyong donated lamang ‘no. Pero kung matatandaan ninyo, February, talagang magdi-deliver sila ng 50,000 at pagdating po ng Marso magdi-deliver sila ng 950.

ENRIQUEZ: Tapos sa isang linggo ba iyon o kung kailan, dadating din iyong AstraZeneca na padala ng World Health Organization ba iyon o United Nations?

SEC. ROQUE: Opo, iyong COVAX Facility ay inaasahan po natin na mayroon pa tayong 500,000 plus so sigurado po iyan darating ng Marso. So sa tingin ko po hindi na maaantala ito at pagdating po ng Abril eh diyan naman po sisipa iyong marami rin nating nabili rin ‘no. At kaya nga po kampante po ang gobyerno na tuluy-tuloy na po ito at sa lalong mabilis na panahon sana matapos po natin ang mga health workers, 3.4 million po iyan. Pagkatapos po sana ay mayroon na tayong makuha para sa mga seniors dahil iyon na po ang ating susunod na target ng ating vaccination.

ENRIQUEZ: O sige po. Maraming salamat, Secretary. Good luck. Mag-ingat kayo, ingat kayo…

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. ingat din po tayo, pareho tayong may co-morbidity at pareho tayong may priority, pinaglaban ko po talaga ‘yan. [Laughs]

ENRIQUEZ: Opo. Salamat, salamat Secretary.

SEC. ROQUE: Sige po.

###

News and Information Bureau-Data Processing Center