Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location Cebu City

SEC. ROQUE: [COVERAGE STARTS] Now dahil nandito po tayo sa Cebu City ‘no, kabilang po ang Cebu City sa mga top 5 noong mga bagong kaso, ito po at least iyong datos bago po magdesisyon na manatili ang MGCQ dito sa Cebu City.

Kaya naman po hindi itinaas ang quarantine classification ng Cebu, bagama’t tumaas po ang mga aktibong kaso eh sapat naman po iyong ating tinatawag na healthcare utilization rate.

Mabuti po ang paghanda ng Cebu, pinaghandaan po ng Cebu City, ng Cebu Province iyong posibleng pagkakasakit kaya nanatili po ng MGCQ. Pero mayroon pong mga rekomendasyon ang inyong IATF kung anong dapat magawa dito sa Cebu at Cebu Province ‘no. Mamaya po ay iisa-isahin natin iyang mga rekomendasyon na iyan.

Samantala sa ngayon po, pumunta muna tayo sa—ngayon po dito sa Region VII, iyong ating healthcare utilization rate, mayroon tayong 2,119 COVID-19 dedicated beds – ito po ay sa buong rehiyon ng Region VII. Pagdating po sa weekly cases by date of onset of illness dito rin po sa inyong lugar ay mayroon po talagang nakitang pagtaas ‘no. Iyong pagtaas nga po dito sa Cebu as of the time na nagkaroon tayo ng classification ay halos katumbas po noong peak of cases noong July of 2020 ‘no.

At mayroon pong mga bagong mga variants na nakita po dito sa Cebu Province, Cebu City, Lapu-Lapu, Mandaue City at pati na po sa Negros Oriental. Pero gaya ng aking sinabi, one good news going for Region VII and Cebu is sapat-sapat po ang ating healthcare utilization rate. At siyempre po narito na ang bakuna, ang pauna po natin ay sa mga healthworkers nga.

Sa isolation capacity po, ito po iyong ating makikitang slide natin, nasa screen ninyo po iyan at ang mga rekomendasyon—pumunta na lang po tayo sa rekomendasyon ng IATF ‘no. kinakailangan po dito po ay as Region VII lalung-lalo na sa Cebu City and Cebu Province, kinakailangan ma-increase ang surveillance capacity ng mga LGUs, ma-ensure na lahat ng close contacts ay ma-trace and isolated within 24 hours, mag-continue ng third generation contact tracing for cases positive for mutations with potential clinical significance.

So iyong mga na-trace na pong mga new variants, kinakailangan hanggang third generation contact tracing ang gagawin natin. Increased close contacts being traced, increased isolation capacity for Cebu Province, Cebu City and Lapu-Lapu City, increase utilization of TTMF, iyong mga temporary facilities po natin and reduce cases and close contacts under home quarantine, implement lockdowns in community and close settings as needed to limit mobility as well as enable immediate implementation of response activities, secure representative number of positive samples from all areas to be sent for whole genome sequencing, monitor and submit progress report on contact tracing, surveillance, isolation and MPH adherence ‘no.

Nagkaroon din po kami ng pag-uusap ni Governor Gwen Garcia at ang sinabi naman po niya, nilinaw niya na sumusunod po ang Probinsya ng Cebu sa lahat ng IATF resolutions ‘no. At sang-ayon naman po siya sa naging desisyon ng IATF na nagkaroon na po tayo ng uniformed rules for domestic travel at kasama na rin po iyan na puwedeng wala nang PCR requirement kung hindi po niri-require ng tatanggap na local government unit ‘no. At ito nga po ay alinsunod doon sa naging polisiya ng Cebu Province na hindi na sila magri-require ng PCR.

So maraming salamat sa paglilinaw, pero ang paglilinaw po ni Governor Gwen Garcia, she is always in full compliance with IATF resolution, recognizing that the IATF represents an entire government approach, the whole-of-government approach in the exercise of police power in order to protect the public health. Maraming salamat po sa inyong suporta, Governor Gwen Garcia.

Okay, dito po nagtatapos ang ating press briefing ‘no. At ngayon naman po unahin na po natin, kasama ko po ngayon si Dr. Gerry Aquino, siya po ang unang-unang Cebuano at Visayan na matuturukan ng bakuna laban sa COVID-19. Doc, anong pakiramdam ninyo na magiging kabahagi kayo ng kasaysayan, ang pinakauna sa buong Visayas na matuturukan ng bakuna laban sa COVID-19?

DR. AQUINO: Magandang hapon sa inyong lahat, magandang hapon.

First of all, siyempre excited na mabakunahan because I think we have been waiting for this event na mabakunahan and I know being the medical center chief, sa aking mga staff and my employees, ma-convince ko sila na itong bakuna really is important.

SEC. ROQUE: Doc, ilan po ang nagpalista na magpapaturok, percentage-wise, ano po iyong percentage niyan ng buong medical and allied personnel ng Vicente Sotto?

DR. AQUINO: As of kagabi sir, there are 1,245 na nag-consent na magpabakuna ng Sinovac. Initially, on the first few days medyo 500, paakyat nang paakyat noong nakita nila iyong other health care workers sa Manila na nagpabakuna na. And then siguro after this day na kami naman, na ako being the chief of hospital and the rest of the top officials ng Vicente Sotto mabakunahan, we’re projecting na tataas pa rin ang number of our employees na magpapabakuna.

SEC. ROQUE: Doc, ano pong payo ninyo doon sa mga medical frontliners na nag-aatubili pa na magpabakuna at naghihintay pa ng ibang mga bakuna na darating?

DR. AQUINO: Kaya nga po ako na mismo ang unang magpabakuna para ipakita sa kanila na wala silang dapat katakutan, wala silang dapat, kumbaga the fear ‘no na kung ano man ang side effect it’s because vaccine as a doctor, as a medical doctor, we know vaccine is very important in the prevention of this pandemic kaya nga kami mismo ang top officials ng Vicente Sotto ay nangunguna para talaga ipakita sa kanila na wala silang dapat katakutan.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Dr. Aquino. Kasama rin po natin si Mai Ann Del Monte. Siya po ay isang Nurse III sa COVID ICU ng Philippine General Hospital.

Mai Ann, are you in the house?

PGH NURSE DEL MONTE: [off mic] Spokesperson Harry Roque, good afternoon po!

SEC. ROQUE: Naku, Mai Ann! Naku! Ikaw pala ay COVID ICU Nurse III sa sa PGH ‘no. Sabihin mo nga sa amin, bakit ka nagdesisyon na magpaturok ng Sinovac vaccine ng mga unang araw na ni-rollout ang ating vaccination program diyan sa PGH.

PGH NURSE DEL MONTE: Bilang COVID ICU nurse po, araw-araw kong nakikita na nahihirapan at namamatay ang mga pasyente na nagkakaroon lalo na ng severe coronavirus disease. Noong nalaman ko po na mayroon ng available na bakuna, hindi na po ako nag-hesitate pa na kumuha nito dahil alam ko po na poprotektahan ako nito laban sa sakit na ito.

At saka bilang isang public health advocate din po, alam ko po na malaking tulong na ang bawat isa sa atin ay pumayag na magpabakuna para ma-achieve natin iyong herd immunity o lahat tayo ay mapoprotektahan.

SEC. ROQUE: Well, diyan sa PGH talagang sumobra-sobra iyong nagpabakuna diyan kaysa doon sa unang nagpalista. Parang 1,200 lang ang unang nagpalista pero ngayon humihingi pa ng 3,000 na bakuna ang PGH ‘no. Anong sabi ng mga kasama mo diyan sa PGH bakit mukhang mas marami nang nagpaturok at anong mensahe mo sa mga kasama mong medical frontliners pagdating sa issue ng maghihintay pa ba ng gusto nilang brand or magpapaturok na?

PGH NURSE DEL MONTE: Sa tingin ko po, mas marami pong nagpaturok sa PGH dahil nakita po nila na ang bakuna po ay safe at wala pong panganib dahil unang-una, ito po ay napag-aralan na ng DOH at ng ating gobyerno kaya ang payo ko po sa lahat po ng ating mga health workers, kung ano po ang available na bakuna, i-grab po natin ito dahil iyon po ang chance natin na maprotektahan po ang sarili natin, ang pamilya natin, at ang buong community natin. Iyon po.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Mai Ann Del Monte, Nurse III PGH COVID ICU. Please stay on the line kasi baka may tanong sa inyo ang ating mga kasama dito sa Malacañang Press Corps.

Simulan na po natin ang ating open forum. Humihingi po kami ng abiso at late ang ating naging press briefing kasi late pong dumating ang aming eroplano dito sa Cebu pero noong nalaman ko po na magro-rollout ng vaccination dito sa Cebu, hindi pupuwede na hindi ko ma-witness-an iyan.

I love Cebu po, dito po ako nagpakasal, dito ako nagbabakasyon noong ako ay bata, at sa makasaysayang araw na ito sabi ko hindi pupuwedeng hindi ako kasama ng aking mga kapuwa Cebuano.

So, USec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Question from Kris Jose of Remate/Remate Online: Reaksiyon po sa sinabi ni Vice President Leni Robredo na sobrang pikon ng Pangulo. Hindi sanay ang Pangulo na napupuna. Hindi sanay ang Pangulo na may sumasalungat dahil kapag may pumuna o may sumalungat kay Pangulong Duterte ay umiinit ang ulo nito. At kapag may sinasabi naman laban kay VP Leni ay sabi ng Bise Presidente na parang hindi Pangulo ang nagsasalita.

SEC. ROQUE: Well iyan po’y reaksiyon ng Pangulo sa tao na laging mali. Ang konteksto po ng sinasabi ni Presidente na mali na naman si Vice President Robredo, iyong sinasabi niya na dapat mag-antay ang mga medical frontliners ng HTAC, iyong Health Technical Assessment Committee recommendation para magpaturok. Eh hindi po kinakailangan iyan dahil pinasa na nga po ng Pangulo ang batas, recommendatory lang po ang HTAC. Ako nga po ang awtor ng batas na iyan, kung ayaw niya maniwala sa akin, hindi ko na po alam kung kanino siya maniniwala ‘no.

Pero iyong letter and spirit of the law po, recommendatory talaga ang HTAC at siyempre po ang importante mabigyan ng proteksiyon sa lalong mabilis na panahon ang ating mga medical frontliners. Kaya nga po ang ating vaccination program, number one ang mga medical frontliners kahit ano pang brand ng bakuna ang dumating. So iyon po ‘yung konteksto ng mga pinarating na mensahe ng Presidente dahil hindi po dapat ipagsapalaran ang buhay ng ating mga medical frontliners sa panahon ng pandemya.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question, mula po kay Tuesday Niu ng DZBB: Saan po dadalhin ang AstraZeneca vaccines mamaya pagkarating sa Villamor o sa NAIA po yata, sa Marikina MetroPac din ba or sa RITM?

SEC. ROQUE: Okay. Para alam ninyo kung ano magiging movement ‘no. Lulan kasi ng commercial flight ng KLM iyong bakuna ng AstraZeneca, ang expected landing po niya 7:30 pero aabot po ng 30 to 40 minutes para pababain ng eroplano at ibaba iyong ibang cargo na laman ng KLM flight na iyan. Pagkatapos itu-tow siya sa Villamor, mga 10 minutes ‘no at doon natin ibababa ang bakuna.

It would take around 30 minutes, parang apat na crates daw po ang pinaglalagyan noong mahigit-kumulang 500,000 na AstraZeneca vaccines. At matapos po iyan ay dadalhin po siya doon po sa kapareho ng lugar kung saan dinala ang Sinovac ‘no, sa MetroPac diyan po sa Marikina. Kumpirmado po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Question mula naman po kay Cedric Castillo ng GMA News: Any comment from the Palace tungkol sa kapapasa lamang na House Bill 7814 kung saan kasama sa mga [garbled] dangerous drugs law ay presumption of guilt, pushers, importers, coddlers, etcetera. Hindi ba labag ito sa karapatang pantao?

SEC. ROQUE: Hindi pa naman po iyan batas ‘no, iyan ay panukalang batas pa rin hanggang hindi mapasa ang bersiyon sa Senado ‘no. Sa batas po may presumption na alam ng mga mambabatas ang kanilang ginagawa pero habang hindi pa po iyan batas, napakahirap naman pong magkomento ang ating Presidente ‘no.

Bilang tagapagpatupad po ng Saligang Batas naman at lahat ng batas natin, sisiguraduhin ng ating Pangulo na lahat noong batas na nag-aantay ng kaniyang lagda ay hindi po salungat sa ating Saligang Batas.

So ‘antayin po natin kung ano magiging pinal na bersiyon nitong panukalang batas. At samantala po, we respect the prerogative of our legislators to enact laws dahil iyan po ang kanilang trabaho.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay. Punta muna tayo kay Joseph Morong bago tayo tumawag ng local media.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. Good afternoon, Secretary Roque. Good afternoon, Dr. Aquino. Sir, my question is for you and this is with regard to AstraZeneca rollout. Sir, sabay ba na iru-rollout iyong Sinovac at AstraZeneca o uubusin muna natin iyong Sinovac?

SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam kung ano ang magiging desisyon ng NITAG ‘no. Ang alam ko lang po, lahat po iyan ay ilalaan muna natin para sa mga medical frontliners. So if we are to follow the protocols established for Sinovac, eh binigay muna po sa mga COVID referral hospitals bago binigay sa other DOH hospitals tapos sa the other public hospitals, tapos po sa mga private hospitals.

Kumbaga, dahil ang inaprubahan po ng IATF ay tanging medical frontliners lamang ang pupuwede pong pumili ng bakuna in the sense na kapag umayaw sila sa Sinovac ay pupuwede pa rin silang magpabakuna ng ibang brand without losing their priority, it will be the same protocol ‘no kasi kinakailangan ibigay pa rin doon sa order ng priorities for specific brands at saka ang siguradong-sigurado po, medical frontliners pa rin ang makakagamit nitong 500,000—more or less 500,000 AstraZeneca.

Pero in terms of iyong actual protocol na how to distribute the 500,000 aaprubahan pa po iyan ng NITAG. But I don’t see them deviating from the protocol that they established for Sinovac and definitely masusunod po iyong ating National Vaccination Plan providing for the different priorities.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, short question first. Are we expecting any more arrivals from AstraZeneca ‘cause this is just 487,000 and you said before that we are expecting something like 3.2 million from AstraZeneca?

SEC. ROQUE: Okay. Wala pa pong balita kung kailan darating iyong iba pang COVAX supplied na AstraZeneca vaccines ‘no. Please understand na talagang herculean task as far as logistics is concerned ‘no, iyong ginagawa ngayon ng COVAX Facility na sinusubukan nila sa lalong mabilis na panahon, bigyan ang lahat ng mga mahihirap at saka medium income countries ng bakuna sa kabila ng katotohanan ‘no na talagang halos lahat, otsenta porsiyento napunta lang sa sampung bansa iyong mga western na mga bakuna.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, kailan po tayo puwedeng magsimula na magbakuna ng mga senior citizens na nasa number 2 doon sa NITAG na priority list as far as general vaccines are concerned?

SEC. ROQUE: Well we cannot say right now ‘no kasi nga po it’s a logistical challenge ‘no. Ang nangyari po kasi, when we give the health frontliners the option to say no to Sinovac without losing their order of priority, iyong logistic steps na ginawa natin when we rolled out Sinovac, we have to do the same thing for AstraZeneca.

Kasi that’s our commitment na hindi mawawalan ng priority iyong mga hindi nagpaturok ng Sinovac. And that is why you can imagine mas magtatagal ang proseso. Hindi gaya ng when it comes to the general population na hindi pupuwedeng pumili, turok lang tayo nang turok.

So ngayon kung ano iyong ginawa natin sa Sinovac, gagawin natin sa AstraZeneca para lahat po noong mga medical frontliners sa COVID referral center, sa DOH hospitals, sa other public hospitals and private hospitals can also have their allocation of the AstraZeneca vaccine.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir short na lang and medyo [garbled] ito so dadahan-dahanin ko sir but guide me sir sa computation also if my computation is correct. So right now, ang mayroon po tayo is Sinovac that is 600,000; AstraZeneca 487,200 – that will give us roughly 1,087,000 doses.

And if we are going to factor in the 1 million Sinovac pa rin, we will have a total of 2.087 million. We have a requirement of 3.4 million doses only for healthcare workers. So if we’re factoring in the arrival of the additional 1 million, we are short for our healthcare workers, correct?

And therefore iyon pong number 2 sa AstraZeneca, iyong mga seniors po medyo malayo—matagal pa ‘no. Tama po ba, sir? Number one, are we short pa rin; and number two, what’s going to happen to the schedule of the senior citizens who are next in line?

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po, actually ang alam ko 3.7 ang allotted for the medical frontliners, mahina lang ako sa addition, division and subtraction, pero that is divided by two. That’s the total number of medical frontliners that we have.

Now, tama po kayo, ang darating sa buong month ng Mayo ay hindi pa po sapat para sa lahat na 3.7 na ating medical frontliners. Kaya nga po uulitin ko ang sinasabi ni Dr. Fauci, kung ikaw po ay medical frontliner at exposed ka dito sa coronavirus na ito, the best vaccine is the vaccine that is available. Ganoon pa man, umaasa po tayo na pagdating po ng Abril, Mayo dire-diretso na po iyong supply ng Sinovac sa atin. Ang initial po ay 1 million, inaasahan po natin na dito sa second quarter, may 1 million pa rin ang Sinovac. Pero madodoble po iyan eventually, if I am not mistaken, sometimes also in the second quarter magiging 2 million a month.

So, hindi po matitigil ang ating vaccination program. Sapat-sapat po ngayon ang mga dumating para i-rollout, observing the protocols kung paano idi-distribute iyan sa ating mga medical frontliners at naniniwala po kami na sapat naman po iyong mga darating pa in the near future para mapagpatuloy ang ating vaccine rollout. Pero kagaya nga po ng sinabi ni Secretary Galvez, talagang sisipa po ang ating supply sa second quarter and third quarter of 2021. Kaya nga po sa second and third quarter inaasahan natin masisimulan na ang mga lolo at lola. Ang ating mga kapulisan, ang ating mga economic frontliner at siguro masisimulan na rin ang bakuna ng lahat ng Pilipino sometime in the third quarter.

SEC. ROQUE: Okay pumunta naman tayo kay Jessa of PIA. Siya po ang ating moderator para sa mga local questions from the Cebu-based journalists.

MODERATOR: Maayong hapon sa tanan, my name is Jessa from PBS-Radyo Pilipinas Cebu and I will be moderating as mentioned by Secretary, for the local media. May we first call on Sir Allan Domingo of GMA 7-Cebu.

DOMINGO-GMA7-CEBU: Good afternoon, Secretary. There were private hospitals in Metro Manila that were given Sinovac. Dito sa Cebu, mayroon din po bang mga private hospitals na mabibigyan at kung mayroon man, may we know what hospital, sir?

SEC. ROQUE: Doon po sa ating protocol, lahat po ng ating mga medical frontliners ay bibigyan at libre po ang lahat ng bakuna. Walang bayad! So sa ating protocol mayroong order of priority lang at ang order of priority talaga ay iyong mga COVID referral hospital kagaya rin po ng Vicente Sotto. Pero darating din po ang alokasyon ng mga pribadong hospital dito sa Cebu at sa buong Visayas at sa buong Pilipinas.

DOMINGO-GMA7-CEBU: Just a follow up. Iyong St. Luke’s nag-request sila na bigyan ng Sinovac. Dito sa Cebu may nag-request na po ba and if mag-request sila bibigyan din po ba sila ng bakuna, Secretary?

SEC. ROQUE: Sa katunayan hindi na kinakailangang mag-request, talagang lahat po ng hospital magkakaroon po ng alokasyon. Hindi po sapat sa lahat ng kanilang frontliners pero nakikita naman natin na hindi naman din lahat ng frontliners gustong mabakunahan at the same time. So, tama lang po na kumbaga eh iyong gusto binibigyan na at wala naman pong may gusto na hindi mabibigyan.

USEC. IGNACIO: Secretary, question from Maricel Halili of TV 5: Malacañang has been consistent in saying that health workers are on top of priority list when it comes to vaccine. But there are some non-medical frontliners who also received jabs like Usec. Malaya of DILG and MMDA Chief of Staff Michael Salalima. Are they included on the list approved by the President? Do they have the same influence as Vaccine Czar Carlito Galvez in boosting public confidence on vaccines? How will you respond to this?

SEC. ROQUE: Ang pagkakalam ko lang po, iyong insidente kay Usec [Malaya] at kay Salalima ay dahil they were prompted by the officials of the Pasay General Hospital to be vaccinated as well. In fact, sila iyong tinanong, “Ano Usec. Malaya, Usec. Salamima gusto ba ninyong magpabakuna na rin para mapataas iyong kumpiyansa ng taumbayan.” Now, the two naman, in good faith, thought that they were doing the nation a service by having themselves vaccinated kasi nga mataas pa iyong tinatawag nating distrust sa bakuna. So upon being prodded and being offered and guided by their own desire to increase public confidence in the vaccine ay nagpabakuna po sila.

In fact, sa aking pagkakausap kay Usec. Malaya, hindi talaga niya alam na hindi na-approve iyong gusto namin na mga taong gobyerno ang magpapaturok para nga ma-increase po ang vaccine confidence. Kasi nga po iyong desisyon naman ng NITAG na huwag nang bakunahan ang iba pang mga tao beyond Secretary Galvez, Secretary Vince Dizon and Chairman Abalos was not really disseminated properly. So, ang buong akala nila, they were doing the country a service by having themselves vaccinated. Iyon po iyon, talagang in good faith, hindi daw po alam ni Usec. Malaya na ipinagbawal na ng NITAG.

Actually, ako po muntik na rin ako sa PGH kung hindi naubusan sa PGH, kasi I was also being prodded by the hospital administration to increase vaccine confidence. Eh mabuti na nga lang po noong nandoon ako naubusan na ng bakuna ano. Pero ngayon po malinaw, it was not until the second day or at the end of the first day that a NITAG decision na huwag munang gumamit ng mga influencers kumbaga, was widely disseminated.

USEC. IGNACIO: Question from Rida Reyes of GMA News: Prices po of galunggong have again skyrocketed to an average of 480 pesos per kilo. Fisher folk groups are calling on the government to seriously consider the implementation of a price ceiling. Are we in favor of this and may know what steps are being taken by the government to remedy this?

SEC. ROQUE: Well, ngayon naman po galunggong at isda ang tumataas, kasi nga po, talagang kapag taglamig ay kakaunti po ang huli ng ating mga mangingisda. Pero inaasahan naman po natin na dadami na ang huli ng ating mga mangingisda habang papasok na po ang tag-init at kung kinakailangan po, hindi po tayo mag-aatubili na mag-angkat din ng galunggong na ginawa na natin noong minsan para lang magkaroon ng sapat na supply at hindi masyadong tumaas ang presyo ng galunggong. Trish Terada are you in the house?

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Good afternoon, Spox. Sir, doon lang po muna sa AstraZeneca. So, it’s arriving tonight. How will the rollout be, ibig ko pong sabihin, tomorrow po ba kagaya ng Sinovac, the following day simulan na rin po ng pamimigay ng AstraZeneca? I understand kanina po may meeting iyong NITAG na-relay na po ba iyong decision kung paano po iyong distribution nitong AstraZeneca?

SEC. ROQUE: As I said, the only thing I can be sure of is that uunahin ang medical frontliners, but the NITAG would have to come up with that protocol ‘no. But I suppose they will follow the same protocol, priority doon uli sa mga COVID referral centers, sa mga DOH hospitals, other public hospitals and then private hospitals. So uulitin, kasi binigyan nga natin ng option ang mga medical frontliners na pupuwede silang pumili.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Pero sir hindi pa po sure kung tomorrow agad iyong rollout?

SEC. ROQUE: Hindi pa po, kasi ang problema po kung nag-meeting ang NITAG ngayon, aaprubahan pa po iyan ng IATF kasi it’s IATF that approves it, recommendatory po ang NITAG ‘no. So, antayin na lang po natin kung ano iyong rekomendasyon but as I said, chances are the protocol will follow the same protocol as Sinovac because of iyong guarantee na ibinigay natin sa medical frontliners na kapag tumanggi sila hindi sila mawawalan ng priority.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, further clarification lang po for the policy ng allocation and roll-out of vaccines, in relation to the question of Maricel earlier. Kasi aside from Usec. Malaya po, and iyong sa MMDA po, nabalitaan po namin na nagkaroon ng bakuna si Representative Helen Tan but she was saying that she got it because there’s an allocation for the family members. For example po in her case, iyong anak po niya nagtatrabaho sa Veterans and may allocation for family members. Part na po ba ng protocols ito natin ngayon, sir, in terms of distribution na may hospitals na puwede nang mag-allocate sa family members or does this contradict iyong policy na supposedly for health care workers lang po muna lahat ng bakuna?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano iyong sinabi ni Congresswoman Tan, but let me pinpoint the fact that Congresswoman Tan is a medical doctor herself. So, lahat naman po ng frontliners are included in the order of priority whether be it public or private doctors.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Pero sir, as a matter of policy, allowed na po ba na magkaroon ng allocations for family members of health care workers?

SEC. ROQUE: Ang alam ko, hindi pa po. But as I said, Congresswoman is a doctor herself.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Sir, lastly, nabalitaan na po ba ng Pangulo or nabanggit na po ba sa Pangulo iyong about sa South Africa variant? What was his impression about it and how will this affect or how are we going to step up our measures para po ma-contain itong variant na ito dahil sinasabi po ng experts na makakaapekto po iyong pag-contain natin sa South African variant doon sa pag-roll-out din po ng AstraZeneca?

SEC. ROQUE: Well, may mga ilang mga estado na nagsabi na may duda sila pagdating sa pagiging epektibo ng AstraZeneca pagdating sa South African variant. Unang-una, I do not know enough as a lay person to make any conclusion ‘no.

Ang sa akin po, babalik ako doon sa sinasabi ni Dra. Bravo, ni Dr. Solante, at ni Dr. Domingo, na the best vaccine is the available vaccine. So, sa akin po, unang-una: hindi naman po malawak ang presensya ng South African COVID dito sa ating bayan so far ‘no, so I don’t think it is something that should be a basis para mag-atubili na naman sa AstraZeneca ano.

Itong AstraZeneca po ay equally as popular as Pfizer at kung gaano karaming FDA ang nag-issue ng EUA sa Pfizer, ganoon din pong kadami ang nag-issue sa AstraZeneca. It is also included in the EUA issued by the WHO.

So, at this point all I can say is that trust the experts; if no less than the WHO has also given EUA to AstraZeneca, then it must be safe and that is must be effective.

Punta tayo kay Jessa ng PIA.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Pero sir in terms of measures that we’re going to implement, magkakaroon po ba ng changes given of the presence of the South Africa variant?

SEC. ROQUE: Well, alam mo, kilala na natin itong sakit na COVID-19, Trish, ‘no, kahit ano pa siyang variant. Paano tayo makakaiwas? Mask, Hugas, Iwas, at ngayon Bakuna.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Salamat po, Spox.

SEC. ROQUE: Wala po talaga tayong iba pang tried and tested na sandata laban sa sakit na ito kung hindi itong apat na ito. At dahil nga po iyong pang-apat ay bago – bakuna, kung bibigyan po kayo kunin ninyo na po ang bakuna.

Okay. Maraming salamat, Trish! Let’s go to Jessa please. Jessa of Radyo Pilipinas.

JESSA / RADYO PILIPINAS: Let’s have Annie Perez from ABS-CBN Cebu.

ANNIE PEREZ/ABS-CBN CEBU: Good afternoon po, Sec! Annie Perez ng ABS-CBN. Tanong lang—

SEC. ROQUE: Paki improve ang volume ng mic mo, hindi ka naririnig.

ANNIE PEREZ/ABS-CBN CEBU: Iyan po. Annie Perez po, stringer for Cebu. Tanong lang po, iyong AstraZeneca na darating tonight, mayroon po ba for Central Visayas or for Cebu?

SEC. ROQUE: Mayroon po iyan, sigurado po iyan. Ang lahat po ng ating—bagamat mayroon tayong geographical at mayroon tayong sectoral. Ang sectoral buong Pilipinas po iyan before we move on to the other sector. At dahil geographical, priority rin ang Cebu dahil this is also a priority area in terms of number of cases, kasama po talaga sa allocation ang Cebu.

ANNIE PEREZ/ABS-CBN CEBU: Follow-up lang, Sec., May estimate po kung ilan for Cebu sa Astra?

SEC. ROQUE: Ay, wala po akong hawka na datos ngayon kasi nga po nagme-meeting this morning iyong NITAG na magdedesisyon kung magkano talaga iyong allocation. Magiging iba po ang allocation kasi it’s less than what Sinovac delivered. So, its 487,200, so it should be a little less compared to Sinovac.

ANNIE PEREZ/ABS-CBN CEBU: Thank you, Sec.

JESSA / RADYO PILIPINAS: Thank you, Ms. Annie.

SEC. ROQUE: Back to Usec. Rocky, please. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Question from Sam Medenilla of Business Mirror, ang tanong po niya: kung na-finalize na po kaya ng government iyon daw pong purchase order for the one million doses of Sinovac vaccines which is expected to be delivered this month? If yes, kailan po kaya ang date ng arrival nito at magkano po ang nasabing shipment ng vaccine?

SEC. ROQUE: I can only quote Sec. Galvez that as of last Sunday, he was ready to sign and I will inquire if he has signed ‘no. The delivery is it is expected within March – within the month of March.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay. Punta na tayo kay… sino ang susunod? Si Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary! And greetings to you in Cebu. Will there be changes in the vaccine roll-out with the arrival of AstraZeneca vaccines tonight?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po gaya ng sinasabi ko, NITAG po iyong nagdedesisyon diyan pero dahil nga po doon sa inaprubahan ng IATF na medical frontliners can opt that to have Sinovac and still not lose their priority, babalik po tayo doon sa mga tumanggi ‘no to ask them gusto ninyo na ba itong AstraZeneca ‘no. So, ganoon po talaga iyong pagkilala natin sa importansiya ng mga medical frontliners as our soldiers in the fight against this pandemic.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: I see. Dr. Rabindra Abeyasinghe of the WHO in the Philippines was quoted saying that the COVAX Facility could be jeopardized if the country fails to follow the prioritization list. What guarantees have we that the list will be adhered to?

SEC. ROQUE: Well, gaya ng aking sinasabi, may mga—mabibilang mo naman sa isang kamay iyong mga exceptions so far ‘no and I think as we proceed with our vaccination program, malinaw na talagang medical frontliners lang ang ating prayoridad and I think that’s very clear now to everyone both those in government and outside of government.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: [garbled] human rights lawyer that you are, I came across a statement from the IBP signed by Domingo Egon Cayosa about the attempt to kill Atty. Angelo Karlo Guillen in Iloilo last night. Would you have anything to say about this?

SEC. ROQUE: Well, we condemn that attack in the same manner that we condemn any attack that seeks to violate the right to life and we consider na itong pag-atake po sa isang abogado ay mas karumal-dumal dahil inaatake din nila iyong ating tinatawag na rule of law.

Kaya nga po inaatasan natin ang lahat po ng ating kapulisan, ang ating NBI na imbestigahan ang kasong ito at parusahan iyong mga tao na nasa likod sa attempt na patayin itong ating kapwa abogado, ang ating kapatid sa hanapbuhay.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Maraming salamat po. Thank you.

SEC. ROQUE: We support, in other words, the resolution of the IBP.

Back to Jessa of Radyo Pilipinas.

MODERATOR: Salamat, Sec. Let’s call on Philippine News Agency Bureau Chief John Rey Saavedra.

JOHN REY SAAVEDRA/PNA: Mr. Secretary, good afternoon po. Considering that coming na po iyong AstraZeneca, iyon pong mga medical frontliners na ayaw pong magpaturok ng CoronaVac, iyon pong AstraZeneca will become available for them right away?

SEC. ROQUE: Opo. Kung gusto po nila ‘no, pero hindi ko nga po masabi kung kailan siya idi-deploy. Unang-una kinakailangan po iyong approval ng NITAG at ng IATF para sa kaniyang deployment protocol. So sa akin po araw-araw, everyday na walang proteksiyon ang medical frontliners, eh isang araw din na may tsansa na mahawa ang isang medical frontliner ng COVID. Kaya sa akin ke matagal, ke malapit na darating ang ibang brand, kapag naririyan na ang bakuna, kunin na nang magkaroon na ng proteksiyon kaagad kaysa naman mahawa pa.

JOHN REY SAAVEDRA/PNA: One more question po. How about those medical frontliners from the rural health units, kailan po ang schedule po nila if mayroon po?

SEC. ROQUE: Lahat po sila ay nasa first order of priority. Kaya lang within the first order of priority, mayroon din itong hierarchy at iyon nga po – iyong mga COVID referral centers, government hospital. Pero pati po down to the barangay health workers considered as medical frontliners po sila.

MODERATOR: Thank you, Sir John Rey.

SEC. ROQUE: Mai Anne, puwede bang magsalita ka doon o sumagot ka doon sa tanong na dapat bang hintayin pa iyong paparating pa lang na AstraZeneca? Ano ang karanasan mo bilang isang COVID ICU nurse?

PGH NURSE DEL MONTE: Sa tingin ko po, lalo na iyong mga nagtatrabaho sa hospital ‘no na lagi pong may exposure, sa tingin ko po kung mayroon nang available, kahit anong brand po kunin na po natin dahil ito po ay magbibigay sa atin ng proteksiyon. Hindi man kasing efficacious, dapat po hindi natin iyon isipin kasi hindi naman tayo sure na hindi rin tayo magkakaroon ng COVID kung nabakunahan na tayo ng ibang brand ng vaccine. Ang sabi nga nila, kahit po nabakunahan ka na, mag-iingat ka pa rin. Pini-prevent po kasi kahit po iyong Sinovac na brand ng vaccine na hindi po tayo magkakaroon ng severe na COVID. Iyon po iyong pinakaayaw natin na mangyari sa atin. So grab natin iyong chance na kahit anong bakuna ay mapuprotektahan po tayo.

SEC. ROQUE: Doc Gerry, ngayon pong hapon, in a few minutes ‘no magsisimula na tayo dito sa Vicente Sotto ng rollout. Anong sasabihin ninyo sa inyong staff na nagsasabing puwede bang hintayin ko na lang iyong darating mamayang gabi na AstraZeneca?

  1. AQUINO: Actually, as always said, as we said ‘no, the best vaccine is the available vaccine. And in fact pasalamat nga kami na na-prioritize ang Vicente Sotto na nabigyan nitong vaccine. At una para din sa aking mga empleyado ‘no, nandito na iyong vaccine natin even for our second dose so bakit pa natin hihintayin eh in fact nakita naman natin sa ating mga kasamahan na health workers sa Manila, okay naman iyong vaccine.

Pangalawa, although nandiyan nga iyong other brand coming in as mentioned by Secretary Roque ‘no, na depende pa iyan kung kailan darating. Every day as a health worker, we come to the hospital, we are also at risk and exposed so bakit pa natin hintayin. In fact after this, Sir, nandiyan na nga iyong ating kuwan, na magpa-vaccinate na tayo and marami na rin kaming mga staff na naghihintay na mabakunahan na after this po.

SEC. ROQUE: Okay. Pumunta tayo kay Usec. Rocky muli.

USEC. IGNACIO: Secretary, ang question mula kay Llanesca Panti of GMA News: What is the Palace comment daw po on the video showing police officials violently attacking PDEA agents during the Commonwealth shootout?

SEC. ROQUE: Iyan po ay iniimbestigahan ng NBI, ipaubaya na po natin iyan sa NBI sa puntong ito. Iyan po ay iniimbestigahan na ng NBI, hayaan na po nating mag-imbestiga ang NBI.

USEC. IGNACIO: Salamat po, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay. Jessa of Radyo Pilipinas.

MODERATOR: Thank you, Sec. Let’s call on Ms. Carmel Matus from Radyo Pilipinas-Cebu for our last local media question.

CARMEL MATUS/RADYO PILIPINAS CEBU: Magandang hapon po, Sec. You just mentioned earlier, Sir, about the recommendations for Cebu City and Cebu Province. Do we also have any recommendations for the rest of Central Visayas like the provinces of Negros Oriental, Bohol and Siquijor? Was this discussed also during our latest IATF meeting?

SEC. ROQUE: Well, iyong recommendations po also involved the entire Region VII. Constructive naman po iyong mga recommendations at sana nga po eh mapatupad. Ang problema po natin, hindi lang iyong talagang spike at hindi naman natin madi-deny ‘di ba ho Doc, na talagang nag-spike tayo. Ang problema rin natin iyong mga bagong mga variant na alam nating mas nakakahawa. So kinakailangan paigtingin iyong mask, hugas, iwas at doon sa mga pupuwede nang makabakuna, tanggapin na ang bakuna.

CARMEL MATUS/RADYO PILIPINAS CEBU: Sir, one follow up. We just like to ask your reaction about the LGUs who do not have any uniform protocols especially about the RT-PCR. Cebu City is requiring returning LSIs and tourists to secure RT-PCR, while the adjacent Cebu Province doesn’t require RT-PCR?

SEC. ROQUE: Wala pong problema iyon. Ibig sabihin lang iyong mga walang RT-PCR hindi makakapasok ng Cebu City. And I understand naman ang road network naman ng Cebu ngayon is built in such a way na puwede kang pumunta ng iba’t ibang parte ng Cebu from the airport without having to pass Cebu City.

CARMEL MATUS/RADYO PILIPINAS CEBU: Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Pia Rañada of Rappler, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, may we know the policy for the President’s vaccination? Will he be getting whatever vaccine is available once it’s the turn of senior citizens to get a vaccine or will he get, for example, AstraZeneca if it’s proven to be good for senior citizens?

SEC. ROQUE: His latest pronouncement is he prefers a Chinese brand that is not yet available in the Philippines as it is still awaiting an EUA from the FDA. However, I will ask if he will consider AstraZeneca because in other countries ‘no, wala namang limitation on the use of AstraZeneca. But let us wait po ‘no, let us wait for the actual arrival of AstraZeneca because right now everything is speculative.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, why does the President get to choose when he isn’t a medical frontliner?

SEC. ROQUE: Well you know, I think the President is the president and because he is over 70 years old ‘no.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And kasi sir, even naman the over 70-year old have to accept whatever vaccine will come when it’s their turn, right? So, it’s not really the age that will determine.

SEC. ROQUE: Well, alam mo kung masusunod talaga, hindi talaga dapat magpabakuna pa si Presidente dahil hindi pa tapos ang mga medical frontliners. So your question really is moot and academic for now ‘no kasi hindi pa turn ng mga seniors. Maybe we should answer that question kapag turn na ng mga seniors.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, you mentioned sir that there are non-medical frontliners getting CoronaVac and then sabi mo nga that information was likely not disseminated properly. We have an example of a lawmaker getting a vaccine by virtue of her son being a health worker. So Sir, just to show that the vaccination rollout is not as tightly coordinated as it should be, does the government have to change anything and how it controls the vaccinations on the ground kasi these decisions are being made on the ground eh. Like you said, the Pasig General Hospital was the one that decided, “Oh, let’s offer it to Usec. Malaya.” So sir, what should we change to make the rollout tighter?

SEC. ROQUE: Well, courtesy of these three incidents, everyone should now know na talagang itong mga naunang dumating na bakuna ay para sa mga medical frontliners lamang. As I said hindi talaga malinaw, kasi iyong desisyon na ni-reject iyong mga government officials acting as influencers to boost public confidence was not really publicly disseminated ‘no.

So if some hospital administrators were left guessing kung dapat nga bang bigyan iyong mga government officials witnessing the symbolic vaccination. Pero ngayon, tingin ko malinaw na iyan.

Okay, hindi po tayo perfect sa pagpapatupad nitong protocol, nagkaroon tayo ng kakaunting breaches pero we have learned from the breaches and not everyone knows medical frontliners muna.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Last follow up, sir. But this kind of decision will be issued every time a new vaccine allotment comes, may bagong NITAG decision. But so sir, how then will we insure that whatever NITAG decides will be disseminated first properly before anyone can administering the shots, sir?

SEC. ROQUE: Well, unang-una let me clear this. The vaccination plan exists, pati ako I have problem with NITAG indeed.

What is the National Vaccination Plan? The National Vaccination Plan is the order of priority on the basis of sectors and on the basis of geographical area, hindi po iyan magbabago. Ang ina-approve lang ng NITAG is the protocol on the arrival of limited quantities of vaccine; pero in the manner by which they implement the protocol, una pa rin po ang mga frontliner and the rest under the National Vaccination Plan. So sa ngayon po, I don’t think there is a need to tell anyone else now na talagang medical frontliners muna ang ating bibigyan ng bakuna, kahit ano pang protocol ng gawin ng NITAG. Hanggang hindi nababakunahan iyong mga medical frontliners, hindi po magbabago, medical frontliners muna tayo.

Thank you very much, Pia. We go back to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, may dalawa pong tanong si Ryan Macasero of Rappler: According to local DOH only 768 of 2,900 hospital staff at Vicente Sotto decided to get Sinovac. Does that signify trust issues with the vaccine; why was this vaccine prioritized instead of brand health workers preferred?

SEC. ROQUE: Because brand that health workers preferred was not available initially, iyon lang po iyon.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: In 2020 the IATF was adamant upon about putting Cebu City under ECQ again during the first surge, which helped flatten the curve the first time. Cebu City has been on top of the list of cities with the most number of new cases daily for the past months. Why did the IATF keep the city under MGCQ this item around?

SEC. ROQUE: Because of hospital utilization. Iyong unang panahon kasi, noong July na nag-peak, ang problema dito sa Cebu, iyong mga pribadong hospital either ayaw tumanggap ng COVID cases or were not following the prescribed 15% na bed capacity reserved for COVID. Pero ngayon po dahil tinatanggap na iyan at pinapatupad na ng mga pribadong ospital iyan, hindi po nauubusan ng healthcare capacity and Cebu City and Cebu province. Kaya po MGCQ pa rin, kasi talaga po pala ang tinitingnan niyan iyong average attack rate, iyong two week attack rate at saka iyong healthcare utilization rate.

USEC. IGNACIO: Okay, thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay punta naman tayo kay Pia Gutierrez please.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir good afternoon. Sir as I understand, there are no ongoing negotiations between the government and Sinopharm for the procurement of vaccines. But now that they have applied for EUA, may I know if the government plans to start talks with them soon. Otherwise how can the President have access to Sinopharm other than the compassionate use license given to the PSG? That is if Sinopharm iyong tinutukoy ni Pangulo na bakuan na hinihintay niya.

SEC. ROQUE: Alam mo all negotiations pagdating sa bakuna are handled on a government to government basis. So, we will negotiate with the same Chinese state that we negotiated with in procuring Sinovac for Sinopharm.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So may balita, sir, if that will start anytime soon?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo approval muna ng EUA ang importante eh, because nakita natin doon sa Sinovac maski tapos na ang kasunduan, nire-require din ng estado ng Tsina na bago maparating ang kanilang bakuna aprubado na rin ng EUA.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Okay, sir. Sir on another topic, economists are saying that the President is setting a low bar when he said that the Philippines may return to normal on 2023. They are saying that the statement was scary because it will put a chill on consumption, it will put a chill on lending, it will put a chill on investments. Other are saying that he is undermining in a way the vaccine program of the government. Your comment on that, sir?

SEC. ROQUE: Hello, paulit lang ang tanong nawalan ako ng audio.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, iyong mga reaksiyon po kasi ng mga economists, they are saying that the President is setting a low bar when he said that—when the President said that the Philippines may return to normal in 2023. They are saying that it may put a chill on consumption on lending, on investments and it is undermining the vaccine program of the government. What is your reaction on that, sir?

SEC. ROQUE: Well, alam naman po ninyo iyon going back to normalcy is anyone’s guess. Ang sabi ng mga dalubhasa, pagkatapos tayong magpabakuna ng sapat para magkaroon ng herd immunity, isang taon pa raw ang aantayin natin para malaman kung talagang nagkaroon ng ng herd immunity. At kung matatapos nga talaga tayo ng 2021, ang ibig sabihin, within 2022 malalaman nga talaga natin kung talagang may herd immunity na at makakabalik tayo sa normal sa 2023.

Pero I don’t think there is a chilling effect on consumption. Bakit? Kasi sabi nga ni Presidente magsimula lang itong bakuna, magkaroon lang ng mas maraming taong nabakunahan na, bubuksan ko na ang lahat. Dahil alam nga po niya importante na magkaroon ng hanapbuhay ang lahat at kinakailangang mabuhay tayo sa kabila ng virus at ang importante pag-ingatan ang ating mga buhay para tayo po ay makapaghanapbuhay.

Last question kasi we are about to go to the start of the vaccination program in the Visayas.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, last question na lang on the scraping of the three holiday. It just means that the workers will not be entitled to the additional 30%–

SEC. ROQUE: Opo, pero ang kapalit naman po niyan iyong mga no work, no pay na mga kababayan natin ay pupuwedeng magtrabaho doon sa mga araw na normally hindi sila nakakapagtrabaho. So binabalanse po natin palagi iyan. Uulitin po, kaya lang naman nagkaroon tayo ng special working gays, dahil importante po na bigyan natin ng mas maraming pagkakataon na maghanapbuhay iyong ating mga kababayan na nais maghanapbuhay sa mga araw na ito. Kung wala po, no pay din po.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: But my question is, hindi ba parang mas pinahirap lang ito o mas pahirap lang ito sa mga manggagawa, dahil pinaliit lang nila iyon suweldo nila doon sa mga araw na iyon. And how do we answer suspicions na ito ay para makaiwas lang ang mga employers sa pagbigay ng holiday premiums sa mga manggagawa.

SEC. ROQUE: I think that is speculative po. Sinabi na po ng economic team kung ano ang dahilan, bigyan ng pagkakataon na magtrabaho iyong nais magtrabaho matapos sila hindi nakapagtrabaho ng halos isang taon dahil nga sa pandemya. Otherwise, I cannot answer your question.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Okay, sir maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Salamat po. Okay last question siguro galing sa ating local media. Ah wala na ‘no.

MODERATOR: We would like to thank our local media, because if you have question later on, there is another briefing together with Secretary Roque and the IATF officials after our ceremonial vaccination. With that we would like to thank everyone for your participation and presence. Back to Secretary Roque.

SEC. ROQUE: So, since wala na pong tanong, tutuloy na po tayo sa pagbabakuna. Ang makasaysayang pagbabakuna kauna-unahang pagbabakuna sa Visayas, si Dr. Jerry Aquino. Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Duterte, maraming salamat kay May-Ann Belmonte, kay Dr. Aquino, sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps, kay Usec. Rocky. At Pilipinas naririto tayo sa Cebu para ipagpatuloy ang pagbabakuna, narito na ang bakuna, narito na po ang pag-asa na makakabalik-buhay na tayo dahil sa bakuna. Pabakuna po tayo! Magandang hapon po, Pilipinas!

##


News and Information Bureau-Data Processing Center