Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Lunes na naman at siyempre simulan po natin sa pagkilala sa ating mga kababaihan.

Ngayong araw, ikawalo ng Marso, ay ating ginugunita ang International Women’s Day. Gaya nang sinabi ng mensahe ni Presidente, itaas ang mga kababaihan sa nararapat nilang lugar as lipunan sa pagbibigay lakas sa bawat Filipina – “women empowerment” – para mabasag ang mga hadlang na matagal nang pumipigil para marating nila ang kanilang full potential at para mabasag din ang makalumang pag-iisip, ang backward mindset na nagpapatindi ng kultura ng gender oppression at hindi pagkapantay-pantay.

Ilan sa mga batas na kaniyang pinirmahan na nagsusulong ng karapatan ng kababaihan ay ang Republic Act # 11210 or Expanded Maternity Leave Act; Republic Act # 1148 or Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act.

At siyempre po huwag nating kalimutan na nang siya pa ay Mayor ‘no, talaga naman pong pinatupad niya ang ating mga patakaran kaugnay po doon sa mga family planning na importante rin para itaguyod ang karapatan ng mga kababaihan at siyempre po iyong proteksiyon sa mga kababaihan na nagiging biktima ng domestic violence.

At sa ilalim ng administrasyong Duterte, ang Pilipinas ang naging Most Gender Equal Nation in Asia, ayon po iyan sa World Economic Forum Global Gender Gap Report 2020.

So iyong mga nagsasabing hindi raw po talaga tinataguyod ng Presidente ang karapatan ng ating kababaihan, eh sino ba hong presidente na nagbigay ng ganiyang distinction sa Pilipinas. Number one po tayo sa buong Asya ha, hindi lang po sa Southeast Asia. Number 16 po tayo sa buong mundo in closing the gender gap – ang Pilipinas lang ang nag-iisang bansa sa Asya na nasa Top 20, ang sumunod na ay ang bansang Laos na nasa Number 43.

Happy Women’s Day po sa ating mga super women!

Natanggap kagabi ng Pilipinas ang 38,400 karagdagang doses ng AstraZeneca vaccines na parte pa rin ng unang batch na galing sa COVAX Facility. Kung inyong matatandaan, may unang shipment ng 487,200 doses of AstraZeneca na dumating noong Huwebes, sumatotal ay mayroon na tayong 525,600 na AstraZeneca vaccines sa bansa.

Ngayong may bakuna na, hindi po ibig sabihin ay kampante na ‘no lalo na at mayroong COVID-19 spike gawa ng mga coronavirus variants ‘no. Nasa mahigit 3,000 mga aktibong kaso ang naitala sa magkasunod na nakalipas na tatlong araw: Noong March 7 – 3,276; iyong March 6 – 3,439; at iyong March 5 – 3,045.

Makikita natin sa confirmed COVID-19 cases by adjusted date onset as of March 7 ang pagtaas ng NCR, ito iyong kulay asul. Makikita ninyo po talaga na bumaba at ngayon po talaga ay nagkakaroon ng spike. Hindi pa po natin kumpirmado kung talagang mga new variants ang dahilan diyan. Pero siyempre po, alam na natin ang anyo ng ating kalaban na COVID-19, ang ating sandata ay mask, hugas, iwas. At ngayong nandiyan na po ang bakuna, mga frontliners, huwag na pong mag-atubili, huwag nang mag-antay, magpabakuna na po dahil kayo ang aming mga sundalo laban dito sa coronavirus na ito.

Now, makikita naman po natin ngayon ang ating report ng mga nabakunahan na. Mayroon na tayong halos 30,000 or 29,266 na medical frontliners na nabakunahan. Now, as of last night po ‘no, iyong araw lang, noong araw na iyon ay 4,128. Ang total accumulative vaccinated natin ay 29,266; ang total vaccines deployed ay 383,960 – ito po ay 329,480 na Sinovac at 54,500 na AstraZeneca. And total vaccine sites operating po ngayon ay 186.

So iyong first dose deployment po ng Sinovac, tapos na po. Na-deploy na po lahat iyong first dose ng Sinovac.

Samantala, kumalat noong weekend na puno na raw po ang mga ospital natin. Well, siguro po ay nagkaroon talaga ng spike o pagtaas ng numero sa ilang mga ospital, pero tinanggi po ito ng isang sikat na pribadong ospital bagama’t totoo na maraming pasyente na may COVID-19 ang dinadala sa mga pagamutan.

Ang tanong: Puno na ba ang mga ospital natin? Okay, habang hindi pa tayo nababakunahan talagang nandiyan pa po si COVID-19; at talagang si COVID-19 po ay nakakahawa. Kahit ano pang variant iyan, nakakahawa. Pero ang ating sagot: Mask, hugas, iwas at bakuna.

At iyong desisyon noong Marso noong isang taon na tayo ay magsarado sa pamamagitan ng ECQ, ito po ay para mabigyan ng panahon na magkaroon tayo ng kahandaan na gamutin iyong mga seryosong magkakasakit. Mabuti na lang, salamat po sa Panginoon, kakaunti lang talagang naman ang mga seryosong magkakasakit; karamihan po talaga ay mild at asymptomatic.

Dapat bang mag-panic? Hindi po! Bakit? Dahil nga po noong tayo po ay nagsarado para i-improve ang ating kakayahan na gamutin ang mga seryosong magkakasakit, na-improve po natin iyong tinatawag na health care capacity natin.

Puno na ba ho ang mga ospital natin? Hindi pa po! Sa katunayan, tingnan ninyo po, mayroon pa po tayong 60% available na ICU beds; mayroon pa po tayong 65% available na isolation beds; mayroon pa po tayong 75% available na ward beds; at 77% available pa po ang ating mga ventilators.

Ang ibig sabihin po nito, talaga naman po na siguro nga po dahil may mga bagong variant, mas nakakahawa pero hindi po nagbabago iyong trend na karamihan mild at asymptomatic. Ang importante, iyong mga seryosong magkakasakit ay mayroon po tayong kakayahan na alagaan sila whether be it sa ICU beds, isolation beds or sa ward beds.

So sa ngayon po, kinakailangan talagang paigtingin ang mask, hugas, iwas at bakuna. Ang mga lokal na pamahalaan, kinakailangan po talagang ipatupad ang ating mga protocols; dapat po ay dalhin sa mga isolation facilities ang mga nagpupositibo; kinakailangang paigtingin po natin ang contact tracing; at kinakailangan po ‘no na ipatupad talaga natin ang minimum health protocols. Siguro po sa mga level ng barangay, iyong mga tanod natin, talagang umikot tayo at siguraduhin natin na wala pong nagkukumpul-kumpulan at lahat po ay sumusunod sa social distancing.

Pero sa tingin ko po, kakayanin po nating matalo si COVID-19 maski hindi pa tayo nababakunahan lahat. Sumunod lang po tayo sa alam na nating mga sandata sa COVID-19: Mask, hugas, iwas at ngayon po ay bakuna.

Now, pumunta naman po tayo sa ibang usapin at ito po ay tungkol doon sa Motor Vehicle Inspection Center or iyong mga Private Motor Vehicle Inspection Center. Bakit ba ho mahalaga ito? Ayon sa 2018 report ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System, mayroong 394 na namatay na po dahilan sa aksidente sa daan sa Metro Manila lamang po iyan; samantalang patuloy ang pagtaas ng car accidents, mula 63,072 noong 2017, dumoble ito noong 2018 at naging 116,906. Isa sa nakikitang dahilan nito ay dahil obsolete po ang ating motor vehicle inspection system – visual lamang at testing sa buga ng usok ang naisasagawang inspeksiyon. Hindi nababantayan iyong tinatawag na roadworthiness kaya kahit iyong mga hindi na dapat marehistro ay narirehistro pa.

Siguro po may mga nakakaalala pa sa inyo noong ako po ay kongresista pa at ako po ay tumindig para sa mga asosasyon ng mga nagmamay-ari ng mga school bus operators noong mga panahon ay bina-ban iyong mga lumang school bus. Ang sabi namin, hindi dapat ang basehan ay kung gaano katanda ang sasakyan; kinakailangang ipatupad iyong obligasyon ng estado na magkaroon ng inspeksiyon para nga po masiguro na roadworthy ang sasakyan dahil hindi po edad ng sasakyan ang nagiging dahilan ng mga aksidente kung hindi iyong isyu kung ang sasakyan ay hindi roadworthy.

Now, itong lumang sistema nating ito ay isinasaayos ng DOTr at LTO ngayon. Para sa kaalaman ng marami, sumulat po kay Presidente ang Vehicle Inspection Owners Operators Association of the Philippines kung saan umapela sila sa Pangulo at nagbigay ng suhestiyon para sa isa isang revised PMVIC. Ang kanilang proposal ay: Una, magkaroon ng passing marks sa emission test na naaayon sa standards na nai-set ng DOTr at LTO; Pangalawa, MVS inspection report mula sa isang accredited PMVIC regardless of the result.

Ayon sa grupo, itong pangalawang requirement ay puwedeng mai-waive ng LTO sa mga lugar na wala pang accredited or authorized PMVIC. Bilang tugon, hiniling ng Palasyo sa DOTr at LTO na magpadala ng rekomendasyon tungkol sa apelang ito.

Now, tungkol naman po sa Senado, mayroon po tayong isang senadora na nag-utos na ipasara ang ibang program ng Ehekutibo. Well, nakakalimutan po yata ng ating ilang mga mambabatas na mayroon po tayong tinatawag na separation of powers between the Executive, Legislative and the Judiciary branch.

Ang Ehekutibo po nagpapatupad ng batas at gumagawa ng hakbang para po maprotektahan ang buhay ng mga mamamayan. Ito po ay tinatawag na exercise of police power. Ang mga mambabatas, gumagawa po ng polisiya. Mayroon po tayong batas ngayon na nagsasabi na kinakailangan mayroong sistema para masiguro po ang road worthiness ng mga sasakyan at iyan naman po ang ipinatutupad ng ating DOTr at ng LTO.

Now, kung mayroon po talagang mga issue diyan eh siguro po dalhin natin sa hukuman dahil sang-ayon naman sa separation of powers talaga hukuman naman po ang magdedesisyon kapag nagkaroon ng bang interpretasyon ang iba’t-ibang sangay ng gobyerno. So, ang akin lang po, sa Palasyo po, respetuhan po tayo ng ating hurisdiksiyon.

Kung mayroon po kayong suhestiyon, tatanggapin po iyan pero lilinawin ko po, hindi po magbabago o nagbago ang sinabi ni Presidente na sa panahon ng pandemya, hindi pupuwedeng maningil nang mas mataas sa P600 ang mga Private Motor Vehicle Inspection Centers. Hanggang P600 lang po iyan dahil ganiyan naman po ang sinisingil ng mga Emission Testing Centers.

At isa pang issue, last na last na lang po ito ‘no, eh lahat naman tayo may sasakyan. Eh bakit ba pinapayagan kasi iyong no show na emission testing na magbabayad din ng P1,200. Heto po tayo nagrireklamo na P1,200 ang bayad sa Private Motor Vehicle Inspection na kasama na ang lahat ng inspeksiyon hindi lamang po emission centers pero iyong mga existing emission centers P600 ang singil kung mayroon sasakyan na dadalhin at ipapa-test pero nakakakuha rin po sila ng certificate na dapat marehistro kung magbabayad nang doble na P1,200 na hindi naman talaga pina-test ang sasakyan. Siguro po, iyan iyong dapat maitigil dahil iyan po ay korapsiyon. Kaya nga po natin ini-require ang emission para masigurado na mapoprotektahan ang ating kalikasan laban po sa mga mauusok na sasakyan.

Okay, dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama po natin ngayon, dating Secretary of Health. Dr. Manuel Dayrit at UP-PGH Director Gerardo “Gap” Legaspi, at saka kasama rin po natin si Dr. Hermogenes Saludes, isang cardiologist sa Philippine Heart Center na nabakunahan na po ng Sinovac.

Unahin po muna natin siguro si Dr. Manuel Dayrit, former Secretary of Health. Sir, ang tanong, tumataas po ang mga bilang ng mga COVID cases. Ang sabi po nila iyong 3,000 per day ay parang kapareho ng pinakamataas na bilang ng COVID noong buwan ng Hulyo. So, panahon na ba ho para bumalik sa ECQ? Ano po ang inyong pananaw, Dr. Manuel Dayrit? Kinakailangan na bang mag-ECQ dahil may mga ilang nagsasabi na dapat daw isarado nating muli ang ating ekonomiya. The floor is yours, Dr. Manuel Dayrit.

DR. DAYRIT: Salamat, Secretary Roque. Alam mo itong surge a ito na sinasabi nila, siguro kailangan nating suriin kung bakit, bago natin sabihin na mag-ECQ tayo. Batay sa mga statements ng OCTA-Research at saka batay na rin sa mga datos na napag-aralan namin, ito iyong mga conclusions ko.

Unang-una, iyong faster, naglabas sila ng model in December and siguro na-explain sa inyo iyong model na iyon. But doon sa model nila nakita nila na:

One, kung ang going out rate – ibig sabihin lumalabas ang mga tao – ay 75% or above at kung ang compliance to minimum health standards is also dropped, dropped iyong compliance by 75% – 95%, ang kanilang projection actually are the levels that we’re seeing now. So, ang tingin ko, the surge is actually due to a drop in compliance which we can fix and also an increase in the mobility.

Diyan natin kailangan i-balanse kasi we want to open-up the economy. And therefore, if you want to do an ECQ we have to see ano iyong impact niyan because ang policy natin ngayon is to open up the economy. So, policy-wise, we have to make sure that anybody who goes out strictly speaking, the minimum health standards are complied with. Kasi iyan ang immediate response natin. That will have an immediate impact because it will stop transmission. As far as an immediate ECQ – I don’t want to say we should do it, okay – kasi drastic iyan and we know it has an economic impact eh. So, we shouldn’t just say close everything again.

Number two, compared to last year, mayroon tayong vaccine ngayon, therefore minimum health standards plus accelerated vaccination, I think it’s the way to go. If we were able to immunize our health workers very quickly and the figures are saying 30,000 have been immunized ano abut if you look at the denominator, DOH gives a figure of 1.7 million health workers nationwide, so we have only immunized about a little bit of 2% of our population. So, kailangan natin paspasan iyan.

But there’s good news. We already have one million vaccines that are arriving in the country and another one million as I understand it from Sinovac, arriving on March 21st. So, for me, what we need to do is make sure na i-enforce ang minimum health standards; get our population to make sure they’re doing it kasi I think impressionistically, sinasabi nila nagiging lax ang mga tao eh. They’re not doing, they’re not complying with minimum health standards.

So, those are my answers. I wouldn’t say close it down immediately given the other priorities that we have in mind, particularly in opening up the economy slowly and safely.

Thank you.

SEC. ROQUE:   Maraming salamat, Dr. Manuel Dayrit.

Siguro po, uulitin ko lang sa ating mga kababayan. Noong mga panahon na nagsarado po tayo na nagkaroon ng ECQ, ito po ay para paghandaan, palakasin ang ating health sector para mabigyan ng medical attention iyong ating mga kababayan na magkakasakit ng seryoso.

Handa po tayo ngayon. 60% po ang ating ICU availability, mahigit pa 6o%; 65% ang ating isolation bed facilities; 75% ang available sa ward beds. Pero ang sinasabi po ni Dr. Dayrit, itong pagtaas ng mga numero sa pang-araw-araw, hindi na po natin iisipin iyong surge, pero ang sinasabi niya, na baka po nagiging pabaya na tayo doon sa pagsunod sa ‘Mask, Hugas, Iwas at Bakuna.’

At kapag po tayo po ay nagpatuloy na maging pabaya, ang ibig sabihin po niyan baka itong mga available beds mapupuno at kapag napuno po iyan, diyan na naman tayo magsasarado ng ekonomiya, wala na naman tayong hanapbuhay, wala na naman tayong kita. So, anong solusyon kung gusto nating magpatuloy magtrabaho? Kinakailangan po paigtingin natin ang

‘Mask, Hugas, Iwas’ at panawagan sa mga frontliners, magpabakuna na po dahil kayo pa lang naman po ang puwedeng magpabakuna.

Kasama rin po natin si Dr. Gap Legaspi, Director ng UP-PGH.

Sir, nabalita noong weekend na napakadami na raw kaso diumano ng COVID-19 sa PGH at wala na raw po kayong espasyo para tumanggap pa ng mga karagdagang pasyente ng COVID-19 at ito po ay nagbubunga ng takot sa parte ng ating mga kababayan na baka nga napakadami nang kaso, na hindi na natin kayang gamutin ang mga nagkakasakit.

Dr. Gap Legaspi, pakilinaw naman po, ano ba ho talaga ang nangyayari diyan sa PGH? Talaga bang nauubusan na kayo ng kama dahil napakadami ng COVID-19 patients o mayroon pong ibang dahilan? The floor is yours, Dr. Gap Legaspi.

DR. LEGASPI:  Thank you very much, Sec. Gusto ko lang pong balikan ng kaunti ang mga pangyayari sa COVID. Tayo po ay nagsara noong March of last year at dahan-dahan pong binubuksan ang hospital bandang mga Hunyo at July because of the demands of the non-COVID patients. Actually, po may mga araw na 100 ang pasyente sa emergency room, tatlo lang ang COVID doon, karamihan po non-COVID na. So, napilitan po kaming buksan ang maraming beds ng PGH sa non-COVID.

Dahil matagal po na mababa ang COVID patients natin, ang pinakamababa po naming na-experience ay 58; remember we prepared around 200 beds at the height of the pandemic. So noong dahan-dahan pong tumataas umabot ng 108 – siyempre po natuto na tayo sa mga dating leksiyon natin – we started opening up more beds, not that we have more patients than the worst situation but we have more patients with less COVID beds that are available to them because of the demands of mga non-COVID. So ang sa amin pong napupuno, eh napupuno po iyong mga available na COVID beds.

Pero sa ngayon po nagbukas na kami ng mga bagong wards at babalik kami sa aming mga sitwasyon noong mga nakaraang buwan na halos 150 beds ang magiging available.

Currently, our census is about 108, tama po kayo, may leeway po kami for ICU. Ang isang na-observe po namin, marami nga iyong numero, pero ang mga nalalagay sa ICU ngayon and the severe cases are hindi po kasing dami noong dati.

So, it’s not true that we are being overrun by COVID patients. Is that we are overrun by… na-overrun po kami ng non-COVID patients nitong nakaraang buwan, kaya ngayon mag-a-adjust din po kami ulit.

Nagkaroon din po ng mga sitwasyon na nagkaroon ng mga positive cases sa aming mga residente, mga doctors and some of the personnel. Agree po ako kay Dr. Dayrit na maaaring bumababa na naman ang ating vigilance na nati-trace po ito sa kumakain sila ng sama-sama na siyempre mangangailangan magtanggal ng mask, karamihan po naman sa kagandahang palad ay asymptomatic or mild.

So, it’s true that we have an increasing of health personnel na maaaring COVID positive but the… only maybe one or two that I can recall now, required admission, dahil po may mild symptoms sila at may comorbids. So iyon pong sitwasyon ngayon, hindi po talaga ito overwhelmed kailangang lang pong mag-reshuffle ng mga kama at mabalik iyong dating kapasidad na makatanggap ng COVID patients at nagpapasalamat po ako kay Usec. Bong Vega at sa One Hospital Command, dahil nakipag-coordinate na po kami para mailipat po iyong mga non-COVID patients na kaya naman sa ibang hospital.

SEC. ROQUE:  So maraming salamat, Dr. Gap Legaspi. So lilinawin ko lang po: Fake news na dahil sa dami ng COVID patients na pumapasok sa PGH ay naubusan na po kayo ng kama, fake news po ito; ang madami po ay non-COVID patients. Tama po ba ito?

DR. LEGASPI:  Oho.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat po kasi po talagang nag-cause po iyan ng concern, kung hindi panic sa isipan ng ating maraming mga kababayan.

Puntahan naman po natin ang isang doktor na nakakuha na po ng Sinovac. Siya po ay isang cardiologist, Dr. Hermogenes Saludes, at siya po ay doktor sa Philippine Heart Center.

Sir, unang tanong: Eh bakit ba kayo nagpaturok kaagad ng Sinovac at ano po ang inyong suhestiyon doon sa ibang mga doktor na nag-aantay pa ng mga ibang brands ng bakuna at ayaw pang magpabakuna? The floor is yours, Dr. Saludes.

DR. SALUDES:  Hello! Good afternoon po, Spokesperson; ako po si Dr. Saludes.

Unang-una, sa tanong ninyo na kung bakit ako nagpabakuna. Isang taon na po akong nanggagamot, tuluy-tuloy akong nanggagamot, gumagawa ng operasyon sa puso na natatakot ako. So after ng isang taon na tuluy-tuloy tayong nanggagamot na may takot, nandito na iyong vaccine. Hindi ko rin po masisigurado kung may maibibigay sa akin, maski anong brand pa iyan – Sinovac, Astra o Pfizer. I don’t feel that I am in a privileged position para mamili pa. The protection needs to be here and now! Kailangan nating maprotektahan iyong mga sarili natin, iyong mga pasyente natin at lalung-lalo na iyong mga inuuwian nating pamilya.

Sa akin bilang private practitioner, I would say 75, 80 hanggang 90% nga po ng mga doktor na ka-edad na nasa 40 to 50 years old na age group ay willing naman talaga magpabakuna, kahit ano pang brand iyan. Kailangan lang nating maprotektahan. Iyon lang po talaga—

SEC. ROQUE:   Nawala? Okay nag-hang po. Tuloy lang po.

SALUDES:  Sila iyong naghihintay pa ngayon, iyong mga senior citizen doctors natin, pero mayroon din po kaming mga senior doctors na nagbo-volunteer to receive Sinovac din po.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Dr. Saludes. Dr. Dayrit, nakarating na po ba sa hospital ninyo ang Sinovac at nagpabakuna na po ba kayo, Dr. Dayrit?

DR. DAYRIT: No, Spokesperson, hindi ako medical frontliner eh. The hospital na pinakamalapit sa akin which is Cardinal, I think nagbabakuna sila doon. Tapos mayroon akong kamag-anak na naoperahan recently ang alam ko, based sa sinabi niya, kausap nila doon sa doktor niya nababakunahan na rin iyong doktor niya. So, nag-umpisa na sila sa vaccination dito sa Cardinal.

SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat po. I hope you can all join us for our open forum. Simulan na po natin, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque at sa atin pong mga bisita. Tanong mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: Nine activists were killed in police and military operations over the weekend. Is this related to the President’s order to kill all rebels as some group alleged? Does the government make no distinction between activists and insurgents?

SEC. ROQUE: Misleading question ‘no. Unang-una po, lilinawin ko, mayroon pong batas na umiiral ‘pag mayroong labanan, at ito po ang batas na umiiral sa labanan sa panig ng gobyerno at ng CPP-NPA. Dahil mayroon pong digmaang nangyayari, hindi po talaga bawal pumatay. Ang ating batayan ay kung mayroon talagang military necessity sa pagpatay. Ibig sabihin, number one, kung necessary; number two, kung proportionate; at number three, if it will achieve iyong objective po ‘no which is the complete subjugation of the enemy, iyong pagkatalo ng kalaban.

So sa batas na umiiral under International Humanitarian Law, kapag mayroon kang sandata at ikaw ay kabahagi sa labanan, pupuwede kang pumatay at pupuwede ka ring mapatay. Kaya nga po ginagawa ang lahat ng gobyerno para matigil na itong labanan nang sa ganoon wala nang Pilipino na napapatay ng kapwa Pilipino.

Ano ba ho ang mga datos na iyon ha? Naku nakakalungkot po, itong mga datos na ito ay January 2018 to January 2021 lamang. Ang mga napatay po—dapat ang mga sibilyan binibigyan ng proteksiyon – ang mga napatay singkuwenta. Sa panig ng gobyerno, ang mga napatay 143 at sa panig po ng mga terorista 343. Nakakalungkot po iyan dahil Pilipino pumapatay ng kapwa Pilipino.

Pero kapag mayroon po talagang digmaang, sang-ayon sa International Humanitarian Law eh pupuwede talagang magkaroon ng labanan at mayroon talagang mamamatay lalung-lalo na doon sa mga kasapi po sa labanan. So under IHL po, tama iyong order ng Presidente – kill, kill, kill kasi nga po kapag mayroong labanan, kapag ang labanan mo may baril na puwede kang patayin, alangan naman ikaw ang mag-antay na ikaw ang mabaril at mapatay.

Hindi po paglabag ng batas, International Humanitarian Law, kapag nagpaputok ang sundalo sa isang armadong NPA fighter at mapatay ang NPA fighter.

Pero ang tanong mo, mayroon bang distinction between doon sa mga aktibista at mga rebelde. Siyempre po mayroon, isa po iyan sa cardinal principle ng IHL. One of the basic limitations po ng means and method is always distinguished – kinakailangan ta-target-in mo lang iyong mga kabahagi sa labanan at huwag mong ta-target-in iyong mga hindi kabahagi gaya ng sibilyan. Kaya ang sagot ko po doon sa mga napatay na mga aktibista, ang obligasyon ng estado po iimbestigahan at kung makita nila na mayroon talagang dapat parusahan, ang obligasyon ay lilitisin at paparusahan ang mga pumatay.

So iyong mga siyam po na napatay, iimbestigahan po natin iyan kasi hindi po sila sakop ng International Humanitarian Law dahil noong sila ay napatay, wala naman silang hawak na baril. Pero iyong order ng Presidente na ‘kill, kill, kill’ legal po iyan dahil ang kaniyang sinabing ‘kill, kill, kill’ eh iyong mga rebelde na mayroon pong hawak na armas. Sana po naging malinaw ang ating eksplanasyon.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: How does the administration explain the violence in the police and military operations against activists?

SEC. ROQUE: Well, hindi ko po alam kung ano iyang sinasabi niya ‘no pero gaya ng sinabi ko, itong latest incident na ito, iimbestigahan po natin iyan. At pati po si Secretary Meynard Guevarra ‘no eh talagang nagsabi na bumuo na nga siya ng inter-agency task force para imbestigahan ang mga bagay-bagay na ito. At I am confident po at siguro po maimbitahan natin si Secretary Meynard Guevarra bukas po, eh I am absolutely certain na kasama po ito sa mga kasong iimbestigahan dahil obligasyon po iyan ng estado na mag-imbestiga at lumitis sa mga gumagawa ng ordinaryong krimen na murder.

USEC. IGNACIO: Ang third question po ni Leila Salaverria: The President said in his message daw po for Women’s Month that we should empower Filipinas to break the barriers that hinder them from reaching their full potential and the backward mindset that fuels gender oppression and inequality. But in January he said, the presidency was no job for a woman. What kind of support can women expect from the President that has this view?

SEC. ROQUE: Leila, napakalaking suporta ang binibigay ng Presidente sa kababaihan. Ang patunay nito ay number one nga po tayo ‘no sa buong Asya, ito po’y according sa World Economic Forum. We are number one in closing the gender gap. So iyong mga kritiko siguro ano lang talaga ‘yan, sanay na silang pumula nang pumula kay Presidente. Pero ano ang datos? Kinikilala po tayo sa buong mundo, tayo po ang pinakamagaling sa Asya pagdating po doon sa mga hakbang na ginagawa para maging pantay-pantay ang kababaihan sa mga kalalakihan.

Hindi po natin pupuwedeng ipagkait po iyan dahil hindi naman iyan institusyon sa Pilipinas ‘no. So ihiwalay po natin iyong pula ng mga taong walang ginagawa kung hindi pumula nang pumula sa katotohanan. At ito pong report ng World Economic Forum patunay po, tinataguyod natin ang karapatan ng kababaihan at pinakamagaling po tayo sa Asya pagdating dito.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you. Punta po tayo kay Mela Lesmoras.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque. My first question po ay tungkol dito sa rising COVID-19 cases. Sa Malacañang side po, Secretary Roque, ano iyong mga nakikita nating immediate solutions? And iyon nga, nabanggit na rin natin kanina, pero ngayon po ba is declaring MECQ or ECQ is completely out of the picture na po muna?

SEC. ROQUE: For the month of March, I don’t think it is called for. Bakit po? Kasi talagang datos po ang ating pinagbabasehan. Sabihin na nating dumami ang kaso pero nakikita naman natin, handa tayong gamutin iyong mga seryosong magkakasakit, na 2 to 3 percent ng mga magkakasakit. So 60% available ICU beds; 65% available isolation beds; at 75% available ward beds.

Pero inaatasan na po natin ang lahat kasama na po ang ating mga lokal na pamahalaan na hindi lang paigtingin ang ating minimum health standards, ipatupad na po natin iyong ating institutional isolation ng mga nagkakasakit. Kinakailangan paigtingin na natin iyong ating tracing at kinakailangan i-isolate din natin iyong mga tao na nagkaroon na ng close contact at bigyan ng PCR test iyong mga taong nagkaroon na ng close contact.

At sa ganitong mga pamamaraan eh kahit ano pang variant iyan, mababantayan naman po natin ang pagkalat ng sakit. At nananawagan din po kami sa mga lokal na pamahalaan – may kapangyarihan po kayo na magdeklara ng mga localized lockdown. Hindi ko naman po sinasabi na buong barangay eh i-lockdown ninyo kung wala namang kaso sa buong barangay. Iyong kalye, iyong bahay, iyong compound na mayroong mga maraming sakit, i-lockdown ninyo na po iyan dahil iyan po talaga ang ating istratehiya ngayon.

Dahil sa totoo lang po, hindi na po natin kaya na mag-lockdown ng ating ekonomiya. Napakadami na pong nagugutom. So ang ating panawagan: Pangalagaan po natin ang ating mga sarili para tayo po ay makapaghanapbuhay. Ingat buhay para sa hanapbuhay.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And Secretary Roque, my second question po. Nabanggit ninyo na rin kanina, mag-iisang taon na matapos maideklara iyong community quarantine sa Pilipinas. Looking back, how would we assess our actions po? Satisfied po ba tayo sa mga ginawa rin natin sa nakalipas na isang taon? And ano po iyong mga learnings natin na puwedeng magamit especially now na nagkakaroon nga ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 ulit?

SEC. ROQUE: We were excellent. Na-control po natin ang pagkalat ng sakit lalung-lalo na kung ikukumpara tayo sa mas mayayaman at mga bansa na mas mararami at mas moderno ang mga ospital. Hindi po tayo nasa top 5, hindi po tayo nasa 10, hindi po tayo nasa top 15, hindi tayo nasa top 20, hindi tayo nasa top 25. Ngayon po tumaas tayo ng isa, dati 31 o 32 tayo, ngayon number 30.

So we did a very good job given na as author of the Universal Healthcare, talagang kulang na kulang po talaga ang ating health facilities at kulang iyong pondo na binubuhos natin para sa health sector.

At siyempre nandiyan pa rin po ang katotohanan na in terms of active cases, dati po 41, ngayon tumaas nga tayo – unfortunately number 36. Pero ang cases per 1 million population 135 pa rin po tayo. Ang case fatality rate natin po ay nasa number 65 pa rin tayo ng daigdig.

Lesson learned: May mga area na talagang dapat paigtingin pa natin at ginagawa naman po natin lalung-lalo na iyong sa tracing. Pero ang pinakamaganda po nating nagawa, napadami po natin ang ating mga TTMFs, iyong mga isolation facilities na kung saan natin ilalagay iyong mga taong na-trace na natin na nagkaroon ng close contact o iyong mga positibo. At saka lalung-lalo na po diyan sa ating mga hospital ‘no, alam na po natin kung paano gagamutin ang mga nagkakasakit.

Dr. Gap Legaspi, can you share with us po, mayroon kayong ginagawa sa mga pasyente ng COVID-19 na parang naging epektibo na para hindi na gamitan ng ventilators iyong ating mga nagkakasakit? Ano po iyong ginagawa po ninyo?

DR. LEGASPI:  Hindi naman po unique iyon sa PGH, pero early on, aming napatunayan na iyong maagang paglalagay ng pasyente sa respirator or intubation which oftentimes leads to mortality ay maaaring maiwasan kapag agresibo ang paggamit ng tinatawag na high flow nasal cannula. Ito po ay isang non-invasive way na ma-deliver ang oxygen sa katawan ng mas mataas na porsiyento na hindi kaya ng mga dating pamamaraan but with the introduction of high flow nasal cannula, na nakaka-deliver po ng oxygen na hindi kailangang lagyan ng tubo o ilagay sa respirator ang pasyente. And we believed, our experts believed that this has saved a lot of people from critical conditions.

SEC. ROQUE:  Pagdating naman po sa mga gamot na binibigay natin sa mga pasyente. Ano iyong mga gamot na binibigay natin ngayon na alam nating nakakatulong na hindi natin alam noong buwan ng Marso kung saan karamihan ng mga kababayan natin ay namatay dahil nga po sa COVID-19?

DR. LEGASPI:  Siguro po ang pinaka-consistent na findings ngayon po is dexamethasone as a steroids na pinakanakakatulong. Pero iyong mga una po nating ginamit na Tocilizumab, Remdesivir at pati convalescent plasma ay hindi pa rin po tiyak ang kanilang gamit sa COVID-19. Pero may mga reports po na maganda ang resulta. Kaya hanggang ngayon, itong tatlong mga pamamaraan na ito ay nakalagay pa rin sa compassionate use. At may mga pasyente pa rin pong nag-i-improve, kaya nandoon po rin sila sa hanay ng mga puwedeng ibigay sa pasyente kapag talagang wala nang ibang maibigay para pagandahin ang kaniyang kundisyon.

I think right now, it’s dexamethasone na hindi natin alam noong una at ito po iyong mga anti-clotting medication, iyong para po lumabnaw ng kaunti iyong dugo, kasi marami po ang nadidisgrasya sa ating mga pasyente na nagkakaroon ng malaking clotting problem, namumuo ang dugo at bumabara ang mga arteries papunta sa baga o pati sa utak at nagkakaroon ng mga embolisms na tinatawag po. So, iyong dexamethasone at iyon pong anti-clotting medications ang mas regular pong nabibigay ngayon na hindi nabibigay noong unang nag-umpisa tayo.

SEC. ROQUE: So, sir, tama po ang aking conclusion, bagama’t ako ay hindi doktor, na kahit papaano, mas alam na po natin, kung paano bibigyan ng tulong or alam na natin kung paano gamutin o kung hindi gamutin, alam na natin iyong better medical attention doon sa mga seryosong magkakasakit po?

DR. LEGASPI: Tama po at isa pa pong malaking bagay ay mas maaga na pong nagpapatingin ang mga pasyente, dahil dati naghihintay sila ng last minute na hirap na hirap na silang huminga bago pumunta sa hospital, because there is an increase awareness that kapag maagang nagamot, maaaring naiiwasan iyong pagkamalubha. Kaya maaari pong dumami ang pasyente sa hospital, dahil maaga silang nagkukonsulta. That could be one reason why hospitals are filling up because kapag may sintomas ng COVID, kahit mild nagpapa-admit na po ang mga pasyente, panigurado lang.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dr. Gap LegaspiYes, next question please.

MELA LESMORAS/PTV 4:  Okay last question na lang po Secretary Roque. May public address po ba si Pangulong Duterte mamaya at dahil nga sa tumataas na cases are we eying to limit his public events?

SEC. ROQUE:  Well, mayroon po, mayroon po tayong event mamaya. Pangalawa, hindi ko pa po alam kung mali-limit ang kaniyang public events. Kung napapansin ninyo talagang umiikot ang ating Presidente sa ngayon. Pero I will leave that judgment to the PSG.

MELA LESMORAS/PTV 4:  Okay. Thank you so much, Secretary Roque.

SEC. ROQUE:  Thank you, Mela. Punta lang tayo ulit kay Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO:  Yes. Thank you, Secretary Roque. From Haydee Sampang of DZAS FEBC: Dahil sa alarming surge ng COVID-19 cases nitong mga nagdaang araw sa NCR, may rekomendasyon daw po ang OCTA Research at dating kongresista na unahin munang bakunahan ang entire Metro Manila including the non-medical frontliners, considering na nandito daw talaga iyong pandemic. Mas strategic at urgent daw na sugpuin ang pinakaulo ng problema like NCR and Cebu at saka na lang isunod ang pagbabakuna sa lugar na hindi kataasan ng COVID-19 kapag mas marami nang bakunang available para mas targeted ang vaccine deployment strategy ng gobyerno.

SEC. ROQUE:  Alam po ninyo iyong suhestiyon na iyan, kabahagi na iyan ng ating vaccination plan. Hindi lang naman tayo nagbibigay ng importansiya doon sa tinatawag na sectoral, iyong mga medical frontliners, mayroon din po tayong geographical. Talagang uunahin po natin iyong mga lugar kung saan alam natin na iyan po ang mga epicenter ng COViD-19, kasama ang Metro Manila, ang Cebu at ang Davao. Pero sa ngayon po, we have 1,100 dosage, hindi po sapat ang ating bakuna even if we wanted to vaccinate the whole of Metro Manila.

So uunahin po muna natin lahat ng medical frontliners, pagkatapos po pupunta tayo sa senior citizen. Siguro diyan po papasok iyong geographical, kasi nga po hindi pa siguro magiging sapat para sa lahat ng senior citizen, uunahin iyong senior citizen na nasa Metro Manila, Cebu at Davao at ganoon din po doon sa mga subsequent na mga populasyon.

Kung hindi po sapat ang ating Avigan [vaccine] para sa mga economic frontliners, baka mauna po iyong economic frontliners sa Metro Manila, sa Cebu at sa Davao. So, kabahagi na po iyan ng ating vaccination plan. Bagama’t nagpapasalamat po kami doon sa mga magbibigay ng suhestiyon, pero implemented na po iyan.

USEC. IGNACIO:  Question naman mula kay Kris Jose ng Remate/Remate online: Ayon daw po sa bagong pag-aaral may relasyon sa antas ng obesity ng isang bansa sa mga nasasawi sa COVID-19, lately natuklasan po na 2.2 deaths sa kabuuang 2.5 million na nasawi sa COVID ay mula po sa mga bansang may mataas na antas ng obesity. Ikukonsidera ba ng Pilipinas ang mga obese na makasama sa priority list na mabakunahan versus COVID-19.

SEC. ROQUE: Eh kung tatanungin ninyo ako, dahil ako ay obese, oo. Pero hindi po ako ang nagbibigay ng sagot diyan. Pero ipinaglaban ko po talaga noong kami ay nagpulong sa IATF na magkakaroon ng prayoridad ang mayroong mga comorbidities at ngayon po, in-adopt po iyan. So matapos po ang medical frontliners, indigent senior, all other seniors, papasok po iyong mga may comorbidities bago po ang kasundaluhan at saka economic frontliners. Ngayon hindi naman po sapat pa ang ating bakuna, so hayaan po nating ang NITAG na maglista kung ano ang mga sakit para mag-qualify as comorbidities nang sa ganoon ay malaman natin kung sino iyong magkakaroon ng prayoridad. I’m sure they will also consider obesity ‘no. But technically speaking ang obesity po ay hindi isang sakit. Kaya ko po ipinaglaban iyan, ako po ay mayroong interes diyan dahil ako ay diabetic, ako ay mayroong cardio-vascular disease, at iyan po iyong mga traditional na comorbidities na napatunayan na mas matindi ang epekto ng COVID sa mga taong kagaya ko na may ganitong mga sakit.

USEC. IGNACIO:  Opo, question mula Llanesca Panti GMA News online: Of the 72.5 billion daw po ng government set aside of buying COVID-19 vaccines, how much of this has been paid to vaccine manufacturers at this point? If so, can you identify daw po these vaccines makers who already received such payment?

SEC. ROQUE:  Hindi ko pa po nakakausap si Secretary Galvez tungkol dito. Inanyayahan ko po sana siya ngayon para maging panauhin, pero abala po siya para sa report niya kay Presidente mamayang gabi at bukas po kasi aalis din po siya for India para naman ma-negotiate iyong 40 million na bibilhin natin sa Serum Institute of India. So hayaan po ninyo mamayang gabi kapag kami nagkita, tatanungin ko po itong tanong na ito dahil dapat nga mayroon tayong kasagutan diyan.

USEC. IGNACIO:  Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:  Okay. Punta naman tayo kay Triciah Terada, please.

TRICIAH TERRADA/CNN PHILS:  Hi! Good afternoon, Spox and to our guests today. Sir, iyong OCTA Research is projecting 6,000 cases per day by the end of month. I understand, sir, sabi po ninyo kanina, we have enough healthcare capacity. But, sir, if we reach at this point, for example 5,000 to 6,000 cases per day, will we still be able to accommodate these cases?

SEC. ROQUE:  Mino-monitor naman po natin iyan dahil daily po ang updating ng ating health care utilization rate; at pangalawa, kampante po ako dahil sa mga apela na ginagawa natin sa ating mga kababayan na mas paigtingin ang mask, hugas, iwas at bakuna, tingin ko po ay hindi naman aabot sa ganoon kalala. So ngayon po nakikiusap kami, sinabi na po ni Dr. Dayrit, kinakailangan talaga tayo po ay mag-implement ng minimum health policy. Otherwise po baka nga magsarado tayo ng ekonomiya muli, lalo tayong mahihirapan sa pang-araw-araw na buhay. Mask, hugas, iwas at bakuna!

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, sa IATF po napag-usapan na ba in terms of where do you attribute this sudden rise of cases? Kasi po kagaya po ng nabanggit ng experts natin, for example si Dr. Dayrit, he’s saying na probably it’s in the lax … pagiging lax in terms of compliance. Do you share the same view? And mayroon po bang, kumbaga, what did we do wrong kung bakit po tayo tumaas, iyong cases natin?

SEC. ROQUE: Well, alam mo kasi iyong latest studies na mayroon tayo, 92% naman po ang ating compliance ‘no. Nagsalita na rin si Usec. Vergeire noong minsan na baka napapagod na iyong tao ‘no dahil isang taon na silang nagma-mask, hugas, iwas. Pero ang aking pakiusap, huwag po kayong mapagod kasi ngayon ay nandito na ang bakuna, narito na iyong simula ng katapusan ng ating problema; at kinakailangan abutan natin iyong bakuna. At nandiyan din iyong possibility talaga ‘no nandiyan iyong new strain. At kung nandiyan na talaga at mayroon ng community ang new strain, eh talagang iyan po will also explain why.

Pero sa ngayon po, ang ating panawagan, mas paigtingin pa natin ang ating minimum health standards; panawagan sa mga lokal na opisyales, paigtingin ang ating contact tracing; at saka siguraduhin po natin ang positibo ay magkaroon ng institutional isolation.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, is there a way to speed up the purchase and delivery of vaccines? Or at this point, option po ba na mag-communicate tayo or humingi na ng tulong sa mga… kumbaga, sa 10% or iyong mga mayayaman na bansa na may surplus or extra supply of vaccines?

SEC. ROQUE: Kaya nga po lilipad na si Secretary Galvez sa India. At hindi lang po si Secretary Galvez iyan ha, kasama na niya pati iyong mga ilang miyembro ng expert panel group para makita na nila iyong manufacturing facility na gumagawa ng Novavax, AstraZeneca at iyong Bharat ‘no doon mismo sa India. Kasi kung dito sa Pilipinas iri-review iyan, mga dokumento lang iyan, kung ano iyong manufacturing process na sinusunod nila. Pero kapag nakita nila iyan eh di mas mapapadali pa iyong proseso.

So iyan po ang ginagawa natin ‘no. Lilipad na nga papunta ng India hindi lang si Secretary Galvez kung hindi kasama na rin ang ilang mga miyembro ng expert panel group at iyong mga nakaupo pa sa iba’t ibang mga technical groups na binubuo po ng mga doktor.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, clarify ko lang po iyong kanina, sa tanong ni Mela: Tama po ba, may address si Pangulo mamaya?

SEC. ROQUE: Mayroon pong address si Pangulo from Davao, and that is why we need to cut short our press briefing dahil kung hindi po, baka lumangoy ako to Davao dahil ang eroplanong sasakyan namin ay paalis po ng alas dos.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  All right. Thank you so much, Spox.

SEC. ROQUE: Thank you very much po. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Question from Jam Punzalan of ABS-CBN: Human rights groups are calling for an investigation [on] what they said was the use of lethal force during police raids on Sunday that left at least nine activists dead. Is the government going to investigate these raids? How soon can we expect initial probe findings?

SEC. ROQUE: Okay. Siguradong-sigurado po ako iimbestigahan natin iyan at kung mayroon talagang nagkamali, lilitisin at paparusahan. Bukas po, susubukan kong kunin si Secretary Menardo Guevarra para maging panauhin at pag-usapan po natin iyang mga raids na nangyari noong Linggo.

USEC. IGNACIO: Ang second question po ni Jam ay nasagot ninyo na po at natanong na rin ni Mela Lesmoras. Iyon pong ikatlong tanong niya: The government aims to vaccinate 70 million people this year. We started the vaccination on March 1st, we have 306 days until December 31st. Seventy million people divided 306 days means that we need to vaccinate 228,000 people per day. Is our 70 million targets still achievable given that one person would need to be vaccinated twice?

SEC. ROQUE: Una, ang ating target 50 t0 70 – huwag mo namang i-compute iyong high-end. I-compute na lang natin iyong pinakamababa na 50. At tama po kayo ‘no na napakadami na dapat mabakunahan sa isang araw. Pero kakayanin po iyan kung nariyan na po ang ating mga bakuna. Kaya nga importante na si Secretary Galvez ay humanap na nang mas marami pang mga bakuna.

Ano na ba ho ang mga bagong bakuna ‘no? Well, napaulat na po, mayroon tayong 13 million darating sa second quarter – Moderna. Napaulat na rin na matapos itong Marso, may one million na Sinovac; mayroon pa rin po tayong one million hanggang sa susunod na buwan; pero sa susunod na buwan ay magiging two million na iyan henceforth, hanggang 25 million ‘no. At bukod pa diyan, inaasahan nga natin iyong 40 million na bibilhin natin galing sa Serum Institute ‘no.

So kampante po tayo na dumating lang ang mga bakuna ay makakamit natin ang target. Bakit po? Well, kaya lang naman po tayo mabagal ngayon kasi binigyan nga natin ng pagkakataon na tumanggi ang mga health workers. So ang nangyayari po, iyong ating rollout ay parang naulit. Matapos i-rollout sa lahat ng referral hospitals, sa lahat ng DOH hospitals hanggang private hospitals ang Sinovac, balik na naman tayo sa AstraZeneca dahil iyon iyong nakalagay sa EUA – not recommended for medical frontliners.

Pero ang ating mass rollout naman po, hindi po iyan dadalhin ang bakuna sa mga kada ospital; iyan po ay dadalhin natin sa mga LGUs at ang LGUs na ang magbabakuna sa designated vaccination centers kaya inaasahan natin mas mabilis po iyan.

Noong inimbita po natin ang mga mayor dito at sinabi nila ang mga vaccine plans nila ay kaya po nilang gawin sa buong mga constituents nila within three to four months lamang.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Joseph Morong, please. Thank you, Usec.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir! Good afternoon. Sir, first, a little bit lang doon sa CALABARZON na incident. You’ve discussed na parang under the regime of a war between the CPP-NPA and the government na iyong pagpatay is justified. But how do we classify iyong mga involved doon sa CALABARZON especially the nine activists that were killed?

SEC. ROQUE: [OFF MIC] … need to investigate. Pero ang [garbled] na sinabi ko kanina, where IHL is applicable and you’re dealing with soldiers and armed NPA fighters, talaga namang ang patayan ay kabahagi ng isang digmaan. Pero kung hindi po sila armado, eh ang umiiral po ay ang ating batas, ang ating Revised Penal Code at ang human rights law. So hindi po sila pupuwedeng patayan unless there is necessity and proportionality, at iyan po ang iimbestigahan ‘no kung mayroon nga bang necessity and proportionality na napatay ang siyam na biktimang iyan. Dahil kung wala po, that is the crime of murder.

JOSEPH MORONG/GMA7: What’s that again, sorry?

SEC. ROQUE: Kung wala pong necessity and proportionality that will be the crime of murder.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Okay, sir, sa COVID. The President, when we received iyong Sinovac and then later on AstraZeneca, he’s saying that puwede na niyang pakawalan, tanggalin or even i-relax or even tanggalin iyong mga community quarantines. But that was before all the spikes ‘no. Right now, as we speak, do you think that is at all possible, iyong gusto ni Presidente na i-lift iyong mga community quarantines natin given the spikes? And do you think that kind of statement, sir, kind of contributed to the psyche of the public na parang, ‘Ah, andiyan na ang bakuna so might as well just may be relax or something.’

SEC. ROQUE: Well, unang-una, napaka-speculative iyang tanong natin ‘no. I will not speculate. Ang ating pakiusap, mayroong totoong spike the past three days at kinakailangang paigtingin natin ang pamamaraan para mabawasan ang mga bagong kaso; pangalawa, nakadepende naman iyong instruction ni Presidente sa dami ng taong nabakunahan na rin. So kung the next month ay talagang dumami iyong mga nabakunahan, then we will have the confidence to further open up the economy.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, when do we begin—right now, the priorities are the healthcare workers and even up to uniformed personnel. But when do we begin vaccinating iyong communities natin; and do you think that will help in maybe controlling the spread the disease, the virus?

SEC. ROQUE: I’m restating what Secretary Galvez said: Matatapos natin ang health frontliners by May and we can begin with the economic frontliners by April. And I think the reason is obvious, kasi nga iyong Sinovac kung hindi tatanggapin ng medical frontliners, magkakaroon tayo ng sobra. And since we cannot give it to the senior citizens, then we can give it to the economic frontliners.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, are we revisiting iyong mga recent IATF resolution such as iyong allowing the cinema, allowing tourist spots, allowing provincial buses in light of these spikes?

SEC. ROQUE: Hindi ko po masasabi because IATF is a collegial body ‘no. I cannot decide for them; antayin po natin ang desisyon ng IATF.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong NITAG, I talked to one of the members there and she said that they have submitted iyong resolution nila noong Friday as far as the AstraZeneca rollout is concerned. Will you be able to share with us the resolution NITAG level?

SEC. ROQUE: Well, Reso 5 has just been approved by the Department of Health. So kaka-approve lang po niyan. Ang pagkakaiba lang po niyan, AstraZeneca can be given to senior medical frontliners. Pero pareho pa rin po ang rollout.

JOSEPH MORONG/GMA7: And mayroon ba siya, sir, sa stipulation na kapag may sobra, we go down the line? Meaning, we proceed to the next priority group.

SEC. ROQUE: Well, wala pa naman pong sobra. Saka na natin pag-usapan iyan. One-one pa lang po tayo and there’s 1.7 million health frontliners. Joseph, antayin muna natin dumating ang mas marami pang bakuna before we talk about sobra.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Thank you for your time, sir, and have a safe trip.

SEC. ROQUE: Thank you very much po. Balik po tayo kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:   Opo. Iyong first question po ni Maricel Halili ng TV5, nasagot ninyo na po, Secretary, about iyong kung responsible si Presidente sa killing of activist yesterday. Ang second question po niya: Bayan Muna Representative Carlos Zarate said this is a systematic crackdown of the left wing. He said this is a dangerous policy daw po kasi it will not only destroy one’s reputation but will lead to extrajudicial killings. Your thoughts on this, is this now a part of the government’s policy?

SEC. ROQUE:   Alam ninyo, lilinawin ko, the government does not guarantee that crimes will not be committed. The obligation of the state is kapag mayroong krimen, iimbestigahan at paparusahan. Okay?

Now, nalilito kasi si Congressman Zarate kasi hindi natin sigurado kung sino talaga ang pinaninindigan niya. Pero ang sabi ni Presidente, hindi lang po siya aktibista, kabahagi siya ng mga rebelde na mayroong mga armas.

Ang panawagan natin, kung kayo talaga ay nagmamahal sa kapuwa Filipinos, ibaba ninyo na po ang armas at lahat naman po ay ginagawa natin para maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan na dahilan kung bakit sila ay nagrerebelde.

Doon po sa Cagayan de Oro, in-order ng ating Presidente ang ating Department of Agrarian Reform na mag-distribute ng 400,000 hectares doon sa mga magsasaka na walang lupa dahil alam natin na iyong kawalan ng lupa at kawalan ng hanapbuhay ang dahilan kung bakit nagrerebelde.

At iyong buong ELCAC po, iyong pondong ibinibigay natin na twenty million per barangay, iyan po ay para magkaroon ng hanapbuhay ang lahat at maiwasan na ang pagrerebelde. Ang hamon ko doon sa mga mayroon pang mga armas at sumusuporta doon sa mga may armas, nasaan po ang pagmamahal sa bayan na hinahayaan natin ang Filipino pumapatay ng kapuwa Filipino?

Magaling naman po kayong mangampanya sa eleksiyon, napakadami ninyo ng Party-list, bakit hindi na lang tayo purely parliamentarian struggle? Laos na po iyang mga armed struggle na iyan.

USEC. IGNACIO:  Thank you.

SEC. ROQUE:   Thank you. Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER:   Hello, sir! Can you hear me?

SEC. ROQUE:   Yes, I can hear you. Go ahead.

PIA RAÑADA/RAPPLER:    Sir, there have been a lot of killings of people who have been red-tagged under the Duterte Government and there have been no convictions so far, no justice. Sir, why doesn’t the President create a task force on this since he’s so quick to create task force for other things like typhoons, communism? I mean, isn’t this a priority of the President given the growing numbers?

SEC. ROQUE:   Because Secretary Meynard Guevarra already created that inter-agency committee.

PIA RAÑADA/RAPPLER:   But, sir, how come there have been no convictions yet? There are no results yet of any investigation into people who died and were red-tagged before dying?

SEC. ROQUE:   Because that’s how the wheel of justice operate ‘no. It’s not instant justice, ala Kangaroo Court ng NPA, it takes time. But we are taking steps even with the support and the cooperation of the judicial branch of government to expedite the hearing of these cases.

PIA RAÑADA/RAPPLER:   Kasi a lot of these killings have actually taken place even in the first year of the Duterte Government, so is there a deadline? Can we have a set of targets to when at least that inter-agency task force can publicize what it has found so far? What progress it has made in investigating these killings of red-tagged individuals.

SEC. ROQUE:   I will not pretend na wala tayong problema sa ating sistema ng katarungan. Maguindanao massacre, the worst killing ever in peace time in Philippine history took more than ten years to finish. Starting from the Administration of President Gloria Macapagal- Arroyo and the judgement was handed down in the Administration of President Duterte.

So, hindi po talaga katanggap-tanggap na mabagal ang usad ng mga kasong kriminal sa Pilipinas but that’s something that all branches of government will have to deal with, not just the Executive.

PIA RAÑADA/RAPPLER:   Sir, to build confidence in these investigations. Will the Palace at least ask the PNP, the AFP, to cooperate with the Commission on Human Rights on this? It’s maybe a way to build confidence given that the CHR is supposed to be independent whereas some critics see the DOJ is just another branch of the Duterte Government. So, parang they’re hoping for a more impartial investigation. Will Malacañang at least ask the police and the military to cooperate with the CHR if they investigate these killings?

SEC. ROQUE:   Alam ninyo po, ang CHR is independent. If they want to cooperate in the investigation, they can. Hindi po sila pupuwedeng pagbawalan pero ang sinasabi ko lang po, the obligation is for the police and if we don’t trust the impartiality of the police, then we can call in the NBI.

And alam mo, sa ating karanasan naman sa CHR eh talaga namang kinakailangan din itaas ang antas ng mga kakayahan na mag-imbestiga ng ating mga imbestigador sa CHR. Pero sa akin, siguro po kung magtulung-tulong sila eh ‘di mas mapapabilis ang ating imbestigasyon.

PIA RAÑADA/RAPPLER:   Sir, kasi daw po the police and military, they haven’t been giving all the documents. For example, sa drug war documents, hindi nila binibigyan iyong CHR, so sinasabi ng CHR how can we carry on our probes if they won’t even give us information. So, at least for this case of the red-tagged activists who died, will the PNP and AFP now cooperate? Will Malacañang compel them to cooperate, give the documents?

SEC. ROQUE:   No need because the police, the NBI know how to conduct the investigation. Hintayin na lang nila ang resulta and they can validate on the basis of their own investigation dahil mayroon pong Constitutional mandate din ang CHR, they can conduct their own investigation.

Okay? Maraming salamat, Pia. We go back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO:   Secretary, question mula kay Hannah Sancho of SMNI: Ano daw po ang reaksiyon ng Palasyo sa pahayag ni Senator Panfilo Lacson na failure drug war ng Duterte Administration?

SEC. ROQUE:   Well, ang posisyon po natin diyan, mahigit kalahati na po ng ating mga barangays ay drug-free, so sa akin po hindi po iyan failure. Iyan ay malaking tagumpay. Of course, ang ninanais natin 100% drug-free pero mayroon pa naman tayong isang taon at ilan pang buwan para makamit iyang ganiyang objective.

USEC. IGNACIO:   Okay. Question from Sam Medenilla ng Business Mirror: Earlier, na-announce na po ni Secretary Galvez na mayroon na daw pong supply agreement ang government with Moderna. Magkano po ang gagastusin ng government for the purchase of thirteen million doses of Moderna Vaccines at kailan po ito expected na maidi-deliver?

SEC. ROQUE:   Aalamin ko po iyan mamayang gabi. Expected po iyan nang second or third quarter of the year pero kaka-announce nga lang po iyan ng supply agreement involving thirteen million doses of Moderna.

USEC. IGNACIO:   Opo. Second question po niya: Nai-submit na po kaya sa Office of the President iyon pong proposal of the Committee on Tariff and related matters for the reduction of pork tariff? If yes, nakita na po kaya ito ni President Duterte at may aksiyon na po kaya siya sa nasabing proposal?

SEC. ROQUE:   Hindi pa po. Wala pa pong nasa-submit sa Malacañang. Pero kapag na-submit na po iyan sa Malacañang, pipirmahan at ibabato natin muli sa Kongreso for their concurrence. So, kinakailangan in session po ang Kongreso so that the Congress can give its concurrence.

USEC. IGNACIO:   Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:   Okay. Punta po tayo kay Melo Acuña. I’m running out of time, baka ako iwan ni Secretary Lorenzana sa kaniyang eroplano. So, how many more questions do we have?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Good afternoon, Secretary!

SEC. ROQUE:   Yes, go ahead.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Pasensiya na. For Dr. Dayrit lang sana if he’s still aboard. Secretary Dayrit, good afternoon!

DR. DAYRIT: Yes, Melo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Good afternoon! Nice seeing you, sir! There are reports expressing concern on a possible increase of COVID-19 cases. As a former Health Secretary, would you say that the preventive measures in the community level is not that effective?

DR. DAYRIT: You know, that’s a general statement eh, it depends on the community. It depends on the LGUs. I think there are some communities that held their act together and then there are quite the number of communities that don’t.

So really, it’s the people that are working in the communities and DOH that are supervising them that actually have to give a detailed accounting of that so that we will have a comprehensive assessment of how well these communities are doing. Otherwise, that statement might be misleading, so I don’t want to make a general statement on that the moment.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Yeah. Thank you. Dr. Dayrit. For Secretary Roque, just two minor points. How many medical frontliners are there with the LGUs because there have services been devolved to the LGUs? Will the National Government be able to address the requirements to strictly adhere to the priorities set by IATF, Secretary Harry?

SEC. ROQUE:   Kasama na po sila doon sa figure na 1.7 million medical frontliners. Kasama nga po diyan iyong mga barangay health workers ‘no, hindi lang iyong mga hospital-based na frontliners. So, we can address this number po with more vaccines coming in.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Okay. One last point for you before you enjoy your trip to Davao. How do you gauge the performance of the task forces created for specific incidence like the most recent killing? Don’t you think creating task forces is an admission that existing set-up doesn’t work?

SEC. ROQUE:   Well, hindi naman po admission kung hindi it’s a guarantee that we are in further compliance with our state obligation to investigate and prosecute violations of the right to life. Anyway, sa assessment, I’m not in a position to assess po pero bukas po as I said, we will try to invite Secretary Meynard Guevarra.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Yeah. I was told an ILO international team will visit the Philippines. So, are we prepared for that?

SEC. ROQUE:   Well, they are welcome to visit if they could. I don’t know about this ILO visit. But ILO, I am aware can also be utilized as a human rights mechanism, so I don’t know anything about this visit, so I really cannot comment.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Thank you very much, Secretary, have a nice trip! Nice day!

SEC. ROQUE:   Thank you. Usec. Rocky, last questions na dahil baka hindi na ako aabot sa aking flight.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, dalawang tanong na lang po ito. For Dr. Legaspi, tanong po ni Aileen Taliping ng Abante Tonite: Tumatanggap pa po ba kayo ng pasyente na non-COVID? Dahil kahapon po ay may isang indigent na dinala sa PGH ER, tinanggihan po at pinayuhang dalhin sa ibang hospital dahil COVID lang ang tinatanggap muna.

DR. LEGASPI: Tumatanggap pa po kami ng ibang pasyente na non-COVID pero naglabas po kami ng public advisory na ang emergency room sa ngayon po habang naghahanap ng mga kama para sa COVID ang tatanggapin po namin eh iyong mga limb and life-threatening conditions, iyong mga naaksidente, trauma at iyong manganganak na hindi na mapigil ‘no, those imminent deliveries.

So iyon po ang aming pinakikiusap sa publiko na kung maaari iyong mga kaya naman sa ibang ospital na hindi nasa kategoryang nasabi ko ay dalhin muna sa mga ibang lokal na hospital. Just for now, na kami’y naghahanda na magbukas ng mga iba pang beds for COVID patients.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Dr. Legaspi. For Secretary Roque, tanong po ni Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: How can you say the government was excellent in addressing the COVID outbreak when the pandemic left over 12,000 dead, drove the country into recession and cause unemployment and hunger among Filipinos? Will the government revise or fine-tune its strategy to prevent more loss of life and livelihood to spur economic growth?

SEC. ROQUE: Alam mo, Genalyn, we were excellent in managing it. Unfortunately, habang wala ang bakuna, talagang maraming mahahawa at mayroon pa ring mamamatay. But we have limited deaths to around 12,000 – ikumpara mo naman iyan sa Estados Unidos ‘no. Hindi lang ako nag-rundown ngayon kasi parang feeling ko hindi na kinakailangan pero you’re talking of hundreds of thousands of deaths in countries which are richer and iyong iba ‘no—iyong last figure natin can we show, hundreds of thousands of deaths in countries that are more economically wealthy and with more developed health sectors.

Tingnan natin ngayon ang figures doon sa fatalities nga sa United States, sa United Kingdom… Ito, hindi ‘to updated kasi hindi ko na nga pinasama for today’s briefing ‘no. Pero iyong last briefing natin, ano bang figure diyan ‘no. Ano ba ang figure diyan? So we have been—I think I will maintain that it has been excellent management. We regret that people died but this is a pandemic and we all know now how to prevent these deaths because we know who are particularly vulnerable ‘no to COVID-19 – the seniors, kaya nga ginawa natin sila ang mga homeliners kasama na iyong mga with co-morbidities ‘no.

Pero ang hinahanap ko lang, Jovan, eh iyong mga figures ng top 5. Huwag kang mag-panic, okay. Iyong last figures natin last Thursday dahil si Genalyn Kabiling is making an issue about we were not excellent in handling the crisis. Can you imagine, America is number one in terms of cases and in terms of death? Eh wala naman sa kalingkingan nila ang ating level of spending for health at saka iyong ating technology sa ating mga hospital wala rin sa kalingkingan nila ‘no. But we managed very well, that is what I meant ‘no. Huwag na naman natin baligtarin ‘yan ‘no.

But it was, I think still, excellent way of managing. We declared ECQ just in time na dahilan na hindi tayo napagaya ngayon sa rest of the world na ngayon lang sila nagla-lockdown and of course, napalaki natin iyong kapasidad na magbigay ng medical attention doon sa magkakasakit, reason why we have 60% ICU availability.

O tingnan mo ‘to. Is this today? O today, ang ating global cases ay naku 116 million na, 830,052 (116,830,052). Paki-flash nga sa screen. Ang US oh, cases 28,998,833; ang India 11,210,799; Brazil 11,019,344. Pero ang importante tingnan iyong death rate… nasaan na iyong death rates? Oh, tingnan natin iyong death rates dahil iyon nga po iyong importante ‘no, kung ilan ang namamatay.

O tingnan ninyo naman ito sa Amerika 525,031 deaths. The world’s richest economy had half a million deaths followed by Brazil—nagpa-panic lang po si Jovan. Si Jovan mo, mayroon po iyang sideline in case you’re interested you can contact us. But anyway [laughs]… ‘yan nagpa-panic siya. But anyway, iyon po iyong aking ibig sabihin, malinaw po tayo ha at itong ating deaths na 2.11% is obviously katiting naman ng deaths na nangyayari doon sa mga bansa na mas mayaman at mas developed sa atin ‘no. So I hope that is clear. Let’s give credit where it is due.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat. Thank you very much. And, Dr. Saludes, siguro your last word of advice to medical professionals na ayaw pang magpa-Sinovac.

DR. SALUDES: Ang maa-advise ko lang po is lahat tayo, let’s avail of any vaccine available sa atin. Let’s protect ourselves, our family and only through a successful mass vaccination program can we put this pandemic to an end po. Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: So, okay. Maraming salamat po. Maraming salamat kay dating Health Secretary Manuel Dayrit. Maraming salamat kay UP-PGH Director, Dr. Gap Legaspi. Maraming salamat, Dr. Saludes. Thank you, Usec. Rocky. Maraming salamat sa mga kasama natin sa Malacañang Press Corps.

At sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque’ng nagsasabi – Pilipinas, patapos na po ang ating hinagpis. Mayroon na pong bakuna, mayroon na pong bagong pag-asa.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)