USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa lahat po ng ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Good morning, Aljo.
BENDIJO: Maayong buntag, Usec. [DIALECT] Ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Sa kasalukuyan ay tinatayang humigit-kumulang na 44,000 doses na ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok na sa ating mga medical frontliner mula sa Luzon, Visayas at Mindanao at araw-araw po ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga iyan ayon na rin kay Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, Jr.
BENDIJO: At ayon pa kay Secretary Galvez ay inaasahang 1.5 million doses ng mga bakunang nakaplanong dumating sa bansa kada buwan. Positibo ang pamahalaan na hindi po tayo mahuhuli sa ibang mga bansa sa paglaban sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Usapang vaccine po tayo ngayong umaga dito sa Special Edition ng Public Briefing #LagingHandaPH, ang COVID-19 Vaccines Explained.
Una muna sa ating mga balita: Ngayong araw po ay pagdideklara bilang cacao and chocolate capital of the Philippines sa Lungsod ng Davao pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
BENDIJO: Magkahiwalay naman na aid distribution ang ginawa ng pamahalaan at ng outreach team ni Senator Bong Go para sa mga dating mga rebelde sa bayan ng Bukidnon gayun din sa mga market vendors sa Leyte. Panoorin natin ito:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Kaugnay niyan ay nabigyan din ng ayuda ang mga residente ng ilang liblib na bayan sa Sorsogon [garbled] naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad sa bansa. Higit isanlibong residente ang tumanggap ng tulong mula sa pamahalaan at kay Senator Bong Go. Narito po ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Habang lumalawig ang National Vaccination Program sa iba’t ibang bayan at lalawigan sa bansa ay tuluy-tuloy rin ang negosasyong ginagawa ng pamahalaan para makabili ng dagdag na COVID-19 vaccines. Biyaheng India ngayon ang ating Vaccine Czar na si Secretary Carlito Galvez, Jr. para po pumirma ng panibagong kasunduan.
At para magbigay sa atin ng updates, makakasama po natin si National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Secretary Vince Dizon. Good morning, Secretary Vince.
SEC. DIZON: Good morning, Usec. Rocky. Good morning po sa lahat ng ating tagapanood.
USEC. IGNACIO: Opo. As per Secretary Galvez po, Secretary Vince, by March 21st darating na iyong dagdag na 1.4 million Coronavac vaccine dito – 1 million na binili at 400,000 na dinonate ulit ng Sinovac. Are we expecting this additional donation of China or natuwa po ba sila sa naging rollout natin noong mga nakaraang araw kaya may pasunod silang doses, Secretary Vince?
SEC. DIZON: Opo. Kami po, nagpapasalamat po tayo nang taos-puso sa gobyerno ng Tsina sa kanilang donation ng Sinovac Vaccines. Nagsimula nang 600,000 na dumating halos two weeks ago na, at mayroon ngang parating pang 400,000 na dagdag.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Vince? Secretary Vince, naririnig ninyo na kami?
SEC. DIZON: Opo, naririnig ko po kayo. Nagpapasalamat po tayo sa gobyerno ng Tsina. Opo, magiging one million na po ang total na dinonate sa atin ng gobyerno ng Tsina, at mayroong dagdag na one million na bibilhin naman ng national government.
USEC. IGNACIO: Opo. By that time po ba ay inaasahan na na-deploy na ang lahat ng bakuna na mayroon tayo currently, bago po dumating iyong panibagong batch na ito?
SEC. DIZON: Sigurado po iyon, Usec. Rocky. In fact, ngayon po ay doon po sa 1.1 million doses na sa kasalukuyan na dumating sa ating bansa eh mahigit kalahati na o mga 60% na ang nadi-distribute at nadi-deploy. At sa mga susunod na araw, madi-deploy na rin iyong natitirang mga bakuna natin. Kaya napakalaking bagay po nito lalo na para sa ating mga healthcare workers sa iba’t ibang ospital sa buong bansa.
USEC. IGNACIO: Aside from Coronavac po ay may darating bang other brands ng vaccine bago po matapos ang buwan na ito? As per Secretary Nograles po ay two million in total daw po ang expected na darating by end of March. Is this true, Secretary Vince?
SEC. DIZON: Opo, nangako po ang World Health Organization na darating din po ang susunod na mga tranches ng AstraZeneca na manggagaling sa COVAX Facility. Kaya umaasa po tayo na mas marami doon sa 1.4 million na Sinovac ang matatanggap natin ngayong buwan ng Marso. Hopefully po, umabot tayo nang mahigit two million ngayong March.
USEC. IGNACIO: May update na rin ba sa bakuna naman po from Pfizer kung kailan ito darating sa Pilipinas via COVAX Facility?
SEC. DIZON: Nag-commit na po ang WHO na darating po iyong 117,000 doses ng Pfizer ngayong Abril, sa susunod na buwan. Kaya malaking bagay din po ito lalung-lalo na para sa ating mga healthcare workers na priority nating matapos hanggang sa buwan ng Abril at Mayo.
USEC. IGNACIO: Since kailangan pa raw ng around 3.4 million doses para po matapos iyong bakunahan sa medical frontliners. So aabot po kaya sa kanila ang pagdating ng Pfizer Vaccines?
SEC. DIZON: Tingin ko po. Ngayon po kasi 1.1 million ang ating doses sa bansa, 3.4 million po ang kailangan natin para sa ating mga health workers. So [garbled] iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Vince, medyo naputol kayo doon sa sinabi ninyo. Pakiulit lang po, Secretary Vince.
SEC. DIZON: Opo. Aabot po ang Pfizer. Kung darating po ito ng Abril, base sa pangako ng WHO, aabot po ito para sa ating mga healthcare workers.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming tanong ang media sa inyo, Secretary Vince, ano po, pero maya-maya babasahin ko. Secretary Vince, by mid-2021 naman daw po darating ang Moderna vaccine mula po sa Estados Unidos. Base nga sa tantiya ninyo, by that time ay sino na sa priority list natin ang makakatanggap ng bakunang ito?
SEC. DIZON: Opo. Ang objective po natin ay by mid-year ay natapos na po natin ang ating mga healthcare workers pati na rin ang ating mga senior citizens. So tama po sana pagdating ng Moderna at ng iba pang mga bakuna, eh malapit na po tayo o magsisimula na tayo sa ating general population.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Vince, unahin ko na iyong tanong ng ating mga kasamahang media, ano po. Tanong po ni Maricel Halili ng TV5: The Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines is asking where is the scientific data about Sinovac? Is it published? Dr. Tamesis said, they only see press releases not scientific data that can show what’s happening as we rollout the vaccine. Are you going to make this available especially for medical experts?
SEC. DIZON: Ang scientific data po ay nasa ating FDA, sa ating regulator, kaya po iyon ang naging basehan sa pagbigay ng Emergency Use Authority sa Sinovac. Ito po ay nasa kamay din po ng ating Health Technology Assessment Council. Ito po iyong council na batay sa ating batas, sa ating Universal Health Care Law ang nagri-review at nagdi-determine ng cost-effectiveness ng mga iba’t ibang gamot at kasama na rin ang mga bakuna na bibilhin ng ating gobyerno. So ito po ay available ‘no. At sa akin pong pagkakaalam, made available naman po ito.
USEC. IGNACIO: May tanong po si Racquel Bayan ng Radyo Pilipinas, for clarification po: Do vaccination sites or DOH hospitals administer COVID-19 vaccine on weekends?
SEC. DIZON: Sa pagkakaalam ko po, pati po weekends hindi po tayo humihinto; tuluy-tuloy po ang pagbabakuna natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: How about weekdays, until what time do hospitals administer vaccines or do they have a target number of vaccines per day?
SEC. DIZON: Iba-iba po ang schedule ng ating mga hospital ‘no at iniiwan natin iyan sa pagma-manage ng ating hospital chiefs. Pero ang objective po is, pagkatanggap po ng bakuna, kahit ano pong brand iyan, ay ibakuna po agad-agad sa ating mga healthcare workers as fast as we can.
USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: Once more vaccines arrive in the country, like more AstraZeneca, Sinovac, Moderna and Pfizer, is there a chance that 24/7 vaccination will be implemented to fast-track the vaccination efforts or that’s unlikely to happen?
SEC. DIZON: Pag-aaralan po natin iyan. Siyempre kailangan naman is ima-manage din po natin iyong sitwasyon ng mga vaccinators natin. Pero puwede po tayong mag-two to three shifts per day para po pagdating sa pagbabakuna ng general population natin ay mas marami at mas mabilis.
USEC. IGNACIO: Opo. From Tina Panganiban Perez ng GMA News: May priority list na po ba sa vaccination for economic frontliners? Sinu-sino ang mga uunahin at kailan sila mababakunahan?
SEC. DIZON: Kagaya po ng nasabi ko kanina, ang una po ay healthcare workers, senior citizens, those with comorbidities, iyon pong ating non-medical frontliners tulad ng mga kapulisan natin, kasama na rin po diyan iyong economic frontliners natin tulad ng mga jeepney drivers, tricycle drivers, bus drivers, mga market vendors na madalas pong nakakahalubilo ng ating mga kababayan. Iyan po ang mga uunahin natin lalung-lalo na po iyong ating mga indigent population.
So tuluy-tuloy po tayo, ang hinihintay lang po natin talaga ay iyong pagpasok nang mas maraming supply para matapos na po natin ang priority sectors natin at makapunta na po tayo sa general population.
USEC. IGNACIO: Tanong po ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN: What has been accomplished in Secretary Galvez’s India trip so far? Has the supply agreement with Novavax for 30 million vaccine doses been signed and when are they scheduled to arrive? How about the AstraZeneca doses which Secretary Galvez hopes to negotiate for an earlier arrival?
SEC. DIZON: Hintayin po natin ang magiging announcement ng ating Vaccine Czar na si Secretary Galvez. Kampante po tayo na maganda po ang kaniyang magiging balita sa atin sa mga susunod na araw.
USEC. IGNACIO: Opo, ang second question po niya: How much budget has been released so far for the government’s procurement of COVID vaccines and for which vaccine brands?
SEC. DIZON: Sa akin pong pagkakaalam wala pa pong nari-release. Ang mga natanggap nating mga bakuna ay mga donasyon galing sa gobyerno at Tsina at sa COVAX Facility. Pero kapag itong mga susunod na buwan po eh papasok na po iyong mga vaccine na ating inorder tulad ng Sinovac, tulad ng Novavax, ng AstraZeneca, ng Moderna at ng iba pa.
USEC. IGNACIO: Ang third question po ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN: At the rate we are going, do you think it is still possible to achieve the government’s goal of inoculating 50 to 70 million Filipinos this year?
SEC. DIZON: Tingin ko po, okay po tayo. Ang importante lang naman ay dumating ang significant amount ng supply, iyon po ang pinakaimportante ngayon at iyong tinatrabaho ni Secretary Galvez at ng ating team na nasa India ngayon. Masigurado na dumating ang supply natin para po abutin natin iyong target nating mga 50 million Filipino by the end of 2021.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Kailan po maipapadala lahat ng first dose? Saan pong lugar magdadala ng vaccine dose? At ano po ang challenges bakit hindi pa naipapadala lahat ng first dose?
SEC. DIZON: Lahat po ng (garbled) na first dose ay napadala na, iyong mga AstraZeneca, tingin ko po as of today parang halos kalahati po o mahigit kalahati na.
USEC. IGNACIO: Nawala sa linya ng ating komunikasyon si Secretary Vince, okay na po narinig na po ninyo kami?
SEC. DIZON: Napakadami na pong napadalang first doses, lahat po ng Sinovac ay napadala na at sa aking estimate po dito, base sa numbers na nakikita natin, mahigit kalahati na rin po noong AstraZeneca iyong napadala na at makakarating na sa mga hospitals all over the country.
USEC. IGNACIO: Tanong ni Joseph Morong ng GMA News: Ano daw po ang status ng ating quarantine facilities? How many do we have? And what is their occupancy as of now? Kasi OCTA Research at Dr. Michael Tee says that we may not be isolating positive cases in quarantine facilities as much as we should. What do you think can we say that the South African and UK variant are spreading based on our testing?
SEC. DIZON: Mabilis po ang pag-i-isolate natin, in fact ang mga LGUs ay tuluy-tuloy po ang detection at isolation natin. Mabilis po ngayon lalung-lalo na nasanay na po ang ating mga LGU nitong nakaraang mga buwan, kaya mabilis po ‘no. Ang akin pong pagkakaalam ay nasa above 50% or almost 60% ang ating occupancy. Pero ang kinagandahan naman diyan ay marami na tayong nagawa at marami tayong mga facilities na puwede nating gamitin just in case iyong mga ginawa nating quarantine facility ay magkulang. So, we have enough, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Mark Fetalco ng PTV: Ano po ang strategy ng pamahalaan para maabot iyong 300,000 a day na target ng mabakunahan and iyon po bang turnout so far ng nabakunahan eh reflection ng indecision or conviction ng mga health workers sa pagpapabakuna?
SEC. DIZON: Usec. Rocky, ang target natin ay 250,000 to 300,000 pero ito ay depende sa supply na makukuha natin. So, ngayon nag-uumpisa pa lang tayo. Pero confident po tayo na pagdating po ng supply, sa tulong ng ating mga LGUs, ng ating mga pribadong kumpanya, pagdating natin sa punto na nagba-vaccinate na tayo ng general population, aabot po tayo sa ganitong numero. Supply po talaga ang kailangan natin.
USEC. IGNACIO: Secretary, may pahabol po si Joseph Morong ng GMA News: Can we say that the South African and UK variant are spreading base daw po sa ating testing?
SEC. DIZON: Nakita na po natin na nandito na po ang South African variant at UK variant. Pero ang importante dito na sinasabi ng ating mga eksperto, ang ating mga interventions sa kahit anong variant ng COVID-19 ay pareho lang, kailangang susundin natin ang minimum health standards – magsusuot tayo ng mask, maghuhugas tayo ng kamay at magdidistansiya tayo.
At kung mayroon mang nahawa, hindi natin hinihintay na malaman natin kung anong variant iyan. Immediately kapag positive sila, ay ina-isolate at kino-contact trace kaagad-agad iyong kanilang mga contact. So pinaigting lang natin iyong ating mga protocols at pati na rin ang ating mga LGUs gumagawa na rin sila ng mga localized lockdown para ma-prevent and further spread ng mga cases ngayon lalo na sa Metro Manila at sa iba pang lugar.
USEC. IGNACIO: Salamat po sa inyong pagpapaunlak sa amin Secretary Vince Dizon, ang Deputy Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19. Mabuhay po kayo, Secretary Vince!
SEC. DIZON: Salamat po, Usec. Rocky. Thank you.
BENDIJO: Samantala, tiniyak po ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force Against COVID-19 Co-Chairman Karlo Nograles na mababakunahan kontra COVID-19 ang mga nasa work force sector ngayong taon at ayon sa Kalihim target ng pamahalaan na ito ay magawa sa ikatlong bahagi ng taon kasabay ng pagdating ng mas marami pang COVID-19 vaccines na binili ng national government, local government units at pribadong sektor. Sa ngayon ay inuuna aniya na mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga healthcare workers, susunod diyan ang mga senior citizens na kapwa nasa Sub Group A ng priority list, habang ang mga manggagawa naman ay nasa Sub-Group B.
(NEWS CLIP)
USEC. IGNACIO: Muling nagpaalala ang Department of Transportation sa mga pasahero at mga driver na sundin ang seven commandments kontra COVID-19 tuwing bibiyahe, kabilang diyan ang tamang pagsusuot ng face mask at face shield. Samantala, pinaalalahanan naman ang mga pampasaherong bus na dapat i-disinfect ang kanilang unit kada biyahe. Ang detalye mula kay Karen Belanda:
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Araw-araw, parami na nang parami ang mga medical frontliners na binabakunahan sa ating bansa hudyat ng tumataas ding vaccine confidence hindi lang sa mga health care workers kung hindi maging sa mga mamamayang Filipino. Kaugnay niyan ay makakasama natin sina Dr. Anna Ong-Lim, DOH Technical Advisory Group member expert at Dr. John Wong na bahagi naman ng IATC Technical Working Group on Data Analytics.
Magandang umaga po, Dr. Lim and Dr. Wong!
DR. WONG: Good morning.
DR. ONG-LIM: Good morning!
BENDIJO: Opo. Good morning din. Na-overcome na ba talaga ang vaccine hesitancy sa hanay ng ating mga frontliners o marami pa rin ang naghihintay ng iba pang brand ng bakuna? Si Dr. Ong siguro ang sasagot. Doc?
DR. ONG-LIM: Sa ngayon, nakikita naman natin sa mga ospital na marami na ang tumatanggap ng bakuna na inaalok sa kanila. We have both Sinovac and AstraZeneca available, and many health care workers are receiving these vaccines.
BENDIJO: Opo. Thank you, Dr. Ong-Lim. Samantala, si Dr. Wong ang sasagot. Doc, sa inaasahan namang pagdating ng ibang brands ng bakuna sa bansa ngayong taon ay paano natin masisiguro na well-equipped ang mga vaccinator natin sa pag-handle ng mga bakunang ito?
DR. WONG: Well, iyong mga hospitals, they’ve been preparing since last year. They’ve been running simulations, and we are developing information systems to connect the data, so, I think the hospitals are ready for the additional vaccines.
BENDIJO: Opo. Dr. Lim, which is better kung efficacy ang pag-uusapan, Doc, itong mga two-dose vaccine o iyong single dose lang ang ibabakuna katulad ng Johnson & Johnsons?
DR. ONG-LIM: May mga datos kasi, Aljo, na ginagamit natin para sabihin kung bagay ang isang bakuna for a single or a two-dose schedule. So, hindi natin actually discretion iyong mag-decide kung ibibigay as a single dose kung nakatakda siyang two doses.
So, basically, we just follow what the recommendations are base doon sa manufacturer’s instructions, kung sinabing puwedeng single dose, sinusunod natin. Pero karamihan sa mga doses ngayon ay two-dose.
BENDIJO: Okay. Dr. Lim and Dr. Wong, mayroon po tayong mga tanong mula sa ating mga kasamahan sa media. Tanong ni Aiko Miguel ng UNTV: Ikinababahala rin itong naganap nga pong family clustering na hindi lang pala rito sa Pilipinas na-observe kung hindi maging sa Estados Unidos at ang sinabi nga ng US Centers for Diseases Control and Prevention, tanging physical distancing lang ang sagot sa problemang ito. Ano po ang payo ng Department of Health sa mga kababayan natin lalung-lalo na ang may mga vulnerable family members na kasama sa bahay upang maiwasan ang hawaan. Dr. Lim?
DR. ONG-LIM: Mahirap kasi talagang mapigilan ang pagkalat ng sakit kapag nakapasok na sa pamamahay. Siyempre, ang atin namang behavior is pagdating natin sa bahay hindi na tayo nagma-mask at siyempre malapitan ang ating interactions. So, ang tanging solusyon diyan is dapat hindi tayo mahawaan sa labas ng bahay para ligtas pa rin iyong mga taong kasama natin.
So, siguro ang example niyan ay iyong mga health care workers ‘no. Lahat naman ng mga health care workers pagdating sa kanilang mga lugar ng pagtatrabaho eh maingat na maingat sa exposure kaya sa karamihan when they go home, they’re able to remove their masks and engage in normal home activities without a lot of concern that they’re actually transmitting ‘no.
So, I guess the point is ang pag-iingat dapat ini-impose natin nang husto doon sa labas para pagpasok sa loob ng bahay we can engage in our normal behaviors. On the other hand, kung mayroon na rin namang may sakit sa loob ng ating pamamahay, maaga dapat tayo nagpapakonsulta at nagpapa-check para rin hindi naman mailabas itong mga sakit na ito sa ating mga katrabaho.
BENDIJO: Opo. Puwede po kayong sumagot dito, Dr. Lim din and Dr. Wong. Naglilitawan na ngayon ang presensiya ng South African variant. Ito po iyong virus doon po sa south Africa variant at UK variant sa mga lungsod dito sa Metro Manila. Now, masasabi ba natin na ang nangyayaring surge sa mga kaso ng COVID-19 lalo na dito sa NCR ay dahil sa mga bagong variants na iyan ng virus? Dr. Wong muna siguro then after that si Dr. Lim. Go ahead.
DR. WONG: Iba iyong effect ng UK at saka South African variant. Iyong South African variant makes the virus more resistant to the vaccine but does not increase transmissibility. Iyong UK variant increases transmissibility, so, maybe part of the surge that we’re experiencing now is due to the UK variant.
BENDIJO: Opo. Dr. Lim, marami pa rin ang nagtatanong, ito bang mga bakunang available ngayon – Sinovac, mayroon pang paparating itong Novavax, mayroon tayong AstraZeneca – ito ba ay effective sa mga bagong variant na nakitaan sa Pilipinas? UK and South African?
DR. ONG-LIM: Sinusubaybayan pa natin iyong impact noong mga variants sa iba’t-ibang klaseng bakuna. And puwede nating gamitin iyong information na nanggagaling sa ibang bansa para ma-gauge kung ano ba ang change doon sa efficacy na tinatawag. Pero having said that, dapat din tandaan na sa ngayon kasi kung hindi ka pa nababakunahan, siyempre wala kang proteksiyon, zero ang iyong level of protection. So, kahit ano pang bakuna ang matanggap mo kahit sabihin pa natin na medyo bumaba ang bisa niyan, mayroon pa rin kaysa sa zero kung hindi ka nagpabakuna.
BENDIJO: Mayroon daw variant sa Pilipinas, sa Cebu actually, may update po ba kayo sa sinasabing home grown variant na iyan sa Cebu, Dr. Lim?
DR. ONG-LIM: Sinusubaybayan pa rin ito ng ating Philippine Genome Center. Ito ay na-characterize na, so, ini-report na natin doon sa WHO actually, isang grupo within WHO para tingnan din ng grupong iyon kung ito ba ay masasabing kakaiba or unique lang sa atin or natuklasan na rin sa ibang bansa.
Siguro ang importante lang, kahit ano pang variant iyan dapat maging vigilant pa rin tayo sa pag-iingat para hindi tayo mahawaan at hindi makapanghawa.
BENDIJO: Opo. Dr. Wong, sinasabi ng US Centers for Diseases Control and Prevention na hindi na raw delikadong magkumpulan indoors ang mga taong fully vaccinated against COVID-19. Ito ba ay totoo?
DR. WONG: Actually, ang sinabi nila is only if everyone is fully vaccinated then you can stay inside together. Pero kung may kasamang unvaccinated, iyong unvaccinated have to wear a mask.
BENDIJO: How about you, Dr. Lim, ano po ang inyong opinyon sa isyung iyan?
DR. ONG-LIM: Sa ngayon siguro walang mawawala kung magdoble-ingat tayo, lalo na sa ating settings sa ngayon na kakaunti pa lang ang nabakunahan. Masyado pa sigurong maaga para mai-apply iyan sa ating setting and I would think that mas safe pa rin kung tayo ay magmi-maintain ng ating mga intensified public health standards para maipagpatuloy iyong proteksiyon.
BENDIJO: Opo. May tanong yata si Usec. Rocky, Dr. Wong and Dr. Lim. Go ahead, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Good morning po, Doc. Ong and Dr. Wong. Tanong po ni Aiko Miguel ng UNTV: Do we recommend issuing vaccine passports for Filipinos or vaccine cards will do as a proof daw po that an individual is vaccinated versus COVID-19 and what is the difference between a vaccine passport and a vaccine card? Kunin ko po muna [ang opinion] ni Dr. Ong.
DR. ONG-LIM: Usec. Rocky, siguro iyong ganoong klaseng tanong, ang premise niyan is kapag nakapagbigay ka ng proof na nabakunahan ka na eh hindi ka na manghahawa or hindi ka mahahawaan. In fact, wala pa tayong ganoong klaseng information, so, at the most iyong proof ng vaccination will be similar to iyong mga ginagamit ng seaman, iyong mga seaman’s pass, iyong mga yellow card nila dati na nagpapatunay na mayroon silang yellow fever vaccination at saka iyong mga iba pang hinahanap para doon sa mga partikular na bansa na pinupuntahan nila. Record lang siya pero hindi ibig sabihin na totally hindi na siya mahahawaan o manghahawa pa.
USEC. IGNACIO: Opo. Can we have, Dr. Wong, please?
DR. WONG: Yes, Usec. Rocky. So, iyong vaccination passports will be required mostly by businesses, airline companies, or business establishments before they allow people inside. Pero it will take a while ‘no before the Philippines reaches that stage ‘no where we’ll be able to say na somebody with the vaccination passport ‘no will not be able to transmit to other people, na it will be safe to use those facilities.
USEC. IGNACIO: Opo. Question mula po kay Mela Lesmoras ng PTV para po kay Dr. Ong: A latest OCTA survey says while majority of adult Filipinos always wear face masks and wash hands, less are able to observe social distancing. Ano po ang masasabi ninyo dito at gaano daw po kahalaga ang social distancing against COVID-19 bukod pa sa face mask at face shield kapag may kasamang ibang tao?
DR. ONG-LIM: Magandang observation ‘no and in fact isa sa mga puwede sigurong pagtuunan ng pansin ng mga LGU iyong enabling ang ating … providing ‘no an opportunity for our citizens na masunod ang recommendation for physical distancing kasi nga kasama ito doon sa mga recommendation. Alam natin na iyong droplets na nagdadala noong mikrobyo, kailangan nito nang malapitan na distance para maging effective ang paglipat niya. So the longer the distance between people, the lesser the chances na makapanghawa. So kailangang-kailangan talaga natin ito idagdag doon sa ating mga ginagawang protective measures para mas maging mabisa or epektibo iyong ating pagkontra sa sakit.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Kristine Sabillo of ABS-CBN for DR. ONG-LIM: Are doctors and HTAC satisfied with the rollout of vaccines in hospitals? And marami daw pong health workers ang nahihikayat na magpabakuna ngayong may dagdag na brand na pagpipilian. Totoo po ba ito?
DR. ONG-LIM: Nakikita naman natin na maganda ang response in general in the facilities ‘no. Hindi naman—I think nakakatulong ‘no na may options and this is also coming from some of the data that we were able to secure about Sinovac because mayroon ngang parang recommendation na… iyong efficacy niya for mild disease is a little low ‘no. So dahil nagkaroon na ng ibang options, ‘di siyempre mas marami ding nagkaroon ng encouragement na magpabakuna.
But I think ang punto lang naman is, dahil nandito na itong bakunang ‘to, dapat sulitin na natin ke ano pang brand ‘yan ‘no for as long as nagpi-fit tayo doon sa criteria kung saan siya dapat gamitin. Magpabakuna na tayo kasi dagdag proteksiyon talaga ‘to.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya, para pa rin sa’yo, DR. ONG-LIM: Sapat na po kaya ang vaccine rollout ngayon para maproteksiyunan ang health workers sa kabila ng banta ng variants? Mapipigilan na ba po daw ang pagkalat ng COVID sa mga ospital dahil bagaman puwede pa ring mahawa ang nabakunahan, wala naman silang masyadong sintomas?
DR. ONG-LIM: Ang pagbibigay ng bakuna is expected to be helpful whether this is for the variant or for iyong ating dating variety ng COVID-19 virus. Ngayon kahit na nabakunahan na ang mga healthcare workers, pinag-iingat pa rin ang lahat kasi iyon ngang paglipat ng sakit whether mahawaan or manghahawa ay hindi kasama doon sa datos na hawak natin sa ngayon. So although iyong impact ng inaasahan natin will be to decrease iyong severity noong disease; iyong transmission mahirap pang sabihin. So at the same time na may proteksiyon, hindi pa rin tayo dapat mawala doon sa mindset na we need to continue wearing our face mask and other protective equipment that we have in the hospital setting.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya para sa iyo po, DR. ONG-LIM: Bagama’t malayo pa tayo sa herd immunity, ano pa ang benepisyong dulot ng pagsisimula ng pagpapabakuna ng health workers para sa kanilang mga komunidad at sa mga ospital?
DR. ONG-LIM: So maganda iyong concept na nabanggit ni Kristine ‘no, iyong herd immunity inaabot talaga natin iyan and kailangan talaga magsimula tayo somewhere ‘no. So dahil kinikilala natin na ang healthcare workers ang siyang pinakamataas ang risk for exposure and disease, sila ang ating tinutukan. So ang additional benefit niyan is siyempre kapag sila ay protektado, iyon ding risk na sila ay magkaroon nang matinding sakit ay mababawasan. And siyempre gusto rin natin iyon dahil sila ang ating inaasahan para tumulong sa mga communities na umasikaso noong mga nagkakasakit lalo na’t ngayon dumadami na naman ang mga kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Kristine Sabillo ng ABS-CBN para po kay Dr. John Wong. DR. WONG: Ano daw po ang projection ngayon para sa pagdami ng kaso ng COVID lalo na sa Metro Manila? Totoo po bang maaaring umabot daw ito ng 6,000 kada araw kung hindi magbabago ang trend tulad ng sabi po ng OCTA?
DR. WONG: Yeah. So iyong certain cities in NCR we’ll see na if the UK variant becomes the dominant strain ‘no, meaning it infects more than 50% of the cases, we can have 9 times ‘no more cases after a month. So we have to take precautions ‘no to avoid this.
USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Wong, tanong pa rin po ni Kristine Sabillo: Kung may projection ba tayo kung kailan daw po babagal iyong pagkalat ng COVID dahil sa vaccination? Halimbawa, kailan natin makikita daw po na wala nang masyadong nagkakasakit ng COVID sa mga health workers?
DR. WONG: The vaccines take effect usually mga two weeks after the second dose ‘no. So initially we’ll only see the effect among health workers ‘no. Pero sa general population we won’t be able to see it until maybe 70% ‘no to 90% of the population are vaccinated.
USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Wong, tanong naman mula kay Mark Fetalco ng PTV: Kumusta na po ang 24/7 na una na pong sinabi ng Department of Health na plano for vaccination and may vaccinator po ba tayo? Kumusta po daw iyong recruitment so far?
DR. WONG: I’m sorry, I don’t have information on that.
USEC. IGNACIO: Okay. Dr. Ong-Lim, opo, mayroon pong information kayo Dr. Ong-Lim tungkol doon sa tanong ni Mark Fetalco?
DR. ONG-LIM: Usec. Rocky, that’s an operations question eh so I’m sorry we’re not aware. Hindi namin na-cover ‘no sa discussions ng NITAG.
USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Ong-Lim, tanong naman mula kay Maricel Halili ng TV-5: Dr. Leachon posted that three cases of COVID-19 with the UK variant have been detected in Malabon City – a 3-year-old boy and two senior citizens. Will you confirm this? May we have more details daw po about the cases?
DR. ONG-LIM: So that’s something that might have been reported in the Epidemiology Bureau reports, iyong details. Other than the age and the location, iyon lang din ang nakuha naming information doon sa mga briefings.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman po si Rafael Busano ng ABS-CBN para po kay Dr. Anna Ong-Lim: Ano po ang projection ng health expert kung patuloy na magtutuluy-tuloy itong ganitong trend ng cases? Sa tingin po ba nila kakailanganing pag-isipan iyong possibility na naunang nang hakbang ng health workers na humingi ng timeout lalo’t may mga ospital na tumataas na ang kaso ng occupancy?
DR. ONG-LIM: Medyo mahirap sagutin ‘no, Usec. Rocky, kasi from the health perspective siyempre kung mayroong pagkalat ng sakit, ang unang instinct talaga is magkaroon ng pagtigil ng pagkilos ng tao. And isa ito sa mga kilalang interventions ‘no sa health field lalo na kung contained iyong area, let’s say na hospital or in a community. Pero kinikilala din natin iyong pangangailangan na ipagpatuloy iyong economic activities kaya ang ating ginagawa ngayon eh iyong granular lockdowns para iyon lang mga lugar na talagang apektado ang siyang babantayan para hindi na kumalat ang kaso.
So sana ‘no maging effective ito kasi ayaw naman natin dumating pa sa panahon na kailanganin na namang hilingin or i-consider iyong posibilidad na mas maging malawakan iyong lockdowns para eventually makontrol iyong sakit. We don’t want to get to that point and we hope everybody will comply.
USEC. IGNACIO: Opo. Question mula po kay Joseph Morong ng GMA News para po kay DR. WONG: Dr. Wong, can we say that the South African and UK variant are spreading base daw po sa mga testing?
DR. WONG: Iyong Philippine Genome Center has detected several cases of both UK and South African variant, there’s probably more UK Variant than South African variant. Pero we are continuing to collect samples from cases, so that we can tell how widespread it is in NCR and in the country.
USEC. IGNACIO: Ang second question po niya for DR. WONG: Why do you think our cases are rising and if economy is not a concern? Do you think we need a stricter quarantine?
DR. WONG: The increasing cases is primarily due to several factors. One is the variant, second probably also compliance with the masking. Iyong third factor is delay in going to the doctor or getting tested when you have symptoms. So, if we are able adjust these three factors now, we can control the surge.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Joseph Morong para kay DR. WONG: Base po ba sa mga data, would you say ang infection ngayon ay bahay-bahay na?
DR. WONG: We have not done these testing to say that. We will probably need to wait for more samples to be tested. Pero, I think they wishes us, the WHO, for help to determine whether community transmission is really occurring for the variance.
USEC. IGNACIO: OK, may tanong po si Red Mendoza ng Manila Times para po kay Dr. Lim: Ano daw po ang masasabi ninyo sa survey ng OCTA na mataas ang compliance ng tao sa face mask at shield pero mababa po naman sa Physical distancing.
DR. ONG-LIM: Red, I think this is something we are observing ourselves in the communities no, kung lumalabas din naman tayo ng bahay nakikita natin na maraming taong gumagala and because of that, siyempre ang paggamit natin ng public facilities, iyong public spaces iyong transport, talagang medyo nagkukumpulan ang mga tao.
So, siguro iyong isang puwede natin isipin kung tayo, bilang mga individuals na kinakailangang lumabas, maybe we need to plan how we move around in the communities no, piliin natin iyong mga lugar kung saan hindi masyadong nagsisiksikan.
Pumili tayo ng oras kung kailan tayo kailangan lumabas para hindi tayo nakikipag-agawan doon sa transportation na ginagamit natin and in that way, puwede natin siguro makontrol iyong physical distancing together with the other factors that we can also implement.
USEC. IGNACIO: Ok, maraming salamat po sa inyong panahon Dr. Anna Ong-Lim ng DOH Technical Advisory group and ganoon din po si Dr. Wong, maraming salamat sa inyong panahon.
DR. WONG: Thank you.
USEC. IGNACIO: Dahil sa pagtaas po ng bilang ng COVID-19 cases, ilang barangay sa Maynila ang isasailalim sa lockdown simula mamayang hatinggabi na magtatagal ng apat na araw. Maliban diyan may mga hotel din po na pansamantalang isasara dahil sa mga naitalang kaso ng COVID-19. Ang update, alamin natin kay Louisa Erispe. Louisa?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Ok. Maraming salamat sa iyong report, Louisa Erispe.
ALJO BENDIJO: Nagpapatupad muli ng color-coded quarantine pass system ang lokal na pamahalaan ng Caloocan dahil pa rin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod. Para sa mga may Orange Quarantine pass maaari lamang kayong makapunta sa palengke/pamilihan simula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Mula alas-5:00 naman ng umaga hanggang ala-1:30 ng hapon tuwing Linggo.
Sa mga may green quarantine pass, ang nakatakdang schedule ay Martes, Huwebes at Sabado at ala-1:31 hanggang alas-8:00 ng gabi tuwing Linggo. Maaari namang mamalengke ang mga may white quarantine pass alinsunod sa oras ng kanilang trabaho.
Maliban sa quarantine pass, ipinag-utos din ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang pagbalik ang mas maaga at mas mahabang curfew hours mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga. Paglilinaw ng Alkalde, hindi kasali sa curfew ang mga emergency situation at mga pupunta o pauwi sa trabaho.
USEC. IGNACIO: Magpapatupad ng three strike policy ang Navotas City sa lahat ng kanilang barangay pagdating sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocols. Kabilang ito sa hakbang ng Navotas City LGU para po mapigilan ang COVID-19 transmission sa lungsod.
Sa ilalim ng kautusang ito, posibleng maharap sa reklamong neglect of duty o kapabayaan sa tungkulin ang isang opisyal ng barangay kung tatlong beses na mauulit ang mas maraming mahuhuling lumalabag sa city protocols ang task force disiplina o ang mga miyembro ng Philippine National Police kontra sa mga tauhan ng barangay.
Ayon kasi kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, sa kabila ng mga ipinatutupad na hakbang para mabawasan ang kanilang COVID cases, marami pa rin nagsusumbong sa kanila tungkol sa mga lumalabag sa health protocols. Kabilang na dito ang hindi wastong pagsusuot ng face mask at 24 hours na curfew sa mga menor de edad.
Samantala, Aljo, kumustahin naman natin ang dalawang medical frontliners mula sa Cardinal Santos Medical Center na ilang araw pa lang po ang lumipas nang mabakunahan ng unang dose ng COVID-19 vaccine. Makakausap po natin si Radiologic Technologist na si Ronald Cancino at ang oncology nurse educator na si Jem Meivelyn Gacias. Ronald and Jem, welcome po sa Public Briefing.
MS. GACIAS: Good afternoon po, Ma’am.
USEC. IGNACIO: Opo, magkaibang brand po ba ng bakuna ang tinanggap ninyo Ronald and Jem, and kumusta naman po ang pakiramdam ninyo ngayon? Unahin ko po si Jem.
MS. GACIAS: Magkaiba po kami ni Sir Ron ng bakuna po na natanggap. Tumanggap po ako ng Sinovac Vaccine. Sa ngayon po, wala na po iyong sakit doon sa o iyong arm po na nabakunahan. So, naaakyat ko na siya? Mabilis naman pong nawala, mga 24 hours po, ma’am, wala na po iyong pain doon sa site. Okay po ako ngayon, maganda ang aking pakiramdam mula noong matanggap ko iyong bakuna.
USEC. IGNACIO: Okay, para naman kay Ronald. Ronald, kumusta ka na?
MR. CANCINO: Okay naman po, ma’am. Kababakuna ko lang po kahapon, bale nagkaroon lang po ng slight fever and body pain din po. Pero as of now po, lahat po ng ano is okay naman po. Mabigat lang po talaga iyong braso which is talagang expected din po siya.
USEC. IGNACIO: Alam ninyo naman po na hindi na mawawala iyong sinasabi nating pag-aalinlangan ano po ‘no dahil first time nga itong mangyayari. Pero what made you decide po na magpabakuna at hindi na po maghintay ng ibang brand ng bakuna? Unahin natin si Ms. Jem.
MS. GACIAS: Noong una po, ma’am, hindi po talaga Sinovac iyong first na choice ko ng vaccine. So sabi nga kanina ni ano, may mga preference po tayo. Pero noong I did my research na po bago pa dumating iyong bakuna sa aming ospital, at gaya po ng sinabi ni Doktora kanina – nanood po kami ng interview nila kanina ano – kung ano po iyong available na vaccine, matagal po natin itong inantay, mag-iisang taon na po na nasa pandemic tayo, so naisip ko po opportunity na po ito para protektahan po ang aking sarili, iyong mga pasyente po na inaalagaan namin at iyong mga taong nasa paligid.
Kaya noong first dose po ng vaccine ng Sinovac dumating po sa Cardinal, nagpa-schedule na po ako agad para matanggap ko po iyong bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Ronald?
MR. CANCINO: Yes, ma’am. Okay naman po lahat, bale kailangan po talaga isa sa key factor po para maging essential healthcare worker po tayo, personally ‘no, we need to deliver excellence po sa mga pasyente as well to get their trust. Kasi iyong pagbabakuna po natin is really boost, significantly boast po iyong ating pag-build po ng patient rapport, as well as iyong trust po nila sa atin is talagang tataas po kasi I want them to trust us po para makapag-deliver po and maka-achieve ng optimal customer satisfaction, as well as patient care po na deserve po nilang lahat.
USEC. IGNACIO: Oo. Jem, Ronald, may tanong ang ilang kasama natin sa media ‘no, si Red Mendoza ng Manila Times may tanong sa inyong dalawa: Sa tingin ninyo ngayong nagpabakuna na kayo, ngayon handa na kayo sa mga surge na kaso ng COVID lalo na sa inyong ospital? Ms. Jem?
MS. GACIAS:Thank you, ma’am. Handa na po kami ‘no, dati pa, ma’am. Pero ngayon na mayroon na kaming bakuna, nakapag-first dose na kami ni Sir Ron, nadagdagan po iyong confidence namin at iyong readiness para humarap po sa mga pasyente kung sakali man na magkaroon po tayo ng surge sa ospital. Masasabi po namin, ma’am, na mas handa na po kami ngayon.
USEC. IGNACIO: Ronald?
MR. CANCINO: Yes, as I’ve said po kanina, talagang na-boost po iyong aming confidence po to deliver healthcare service po sa ating pasyente. So iyong surge po na sinasabi is hindi po kami ganoon natatakot sa surge kasi, iyon po, is nabakunahan po kami. And I think it’s really a big step po para doon sa ating main goal na to beat the COVID-19 pandemic po.
USEC. IGNACIO: Sa inyong dalawa, can you walk us through the process noong araw po mismo ng pagbabakuna? Ano po iyong mga tsinek bago kayo na-clear na puwede [garbled] ng vaccine?
MS. GACIAS: Ako, ma’am, tumanggap ako ng vaccine noong March 6, so ang schedule ko po ay mga alas nuebe ng umaga. Pagdating po sa entrance, so itsi-check po ng guard ang temperature tapos mayroon po kaming health tracker so kailangan po in good condition. Then after po noon, mayroon pong ibibigay, iyong tinatawag po naming kit. Ang laman po noon ay informed consent at saka isa pong survey. So isusulat po namin doon ang pangalan namin, birthday, iyong mga information tapos after po noon, kapag tapos na po iyong papel ‘no, papapuntahin na po kami sa doktor para po sa first assessment bago po bakunahan.
Pagkatapos po noon, tatanungin po kami ng doktor kung may hypertension kami at iba pang sakit o may iniinom na gamot sa kasalukuyan, kapag na-clear po tayo doon, may mga usherette pong magsasabi kung saan po iyong next na step. After that, ma’am, sa registration na. So ila-log ng staff iyong pangalan mo sa system, and then after noon, papapuntahin na po tayo sa area kung saan may mga nurses na magtsi-check ng blood pressure and temperature at vital signs.
After noon, ma’am, kapag na-assess na kayo ng nurse, may isang doktor ulit na nag-aantay sa’yo, tatanungin ka rin ng ibang questions kunwari kung nagdadalang-tao ba or buntis, or kung may nararamdaman, tapos iki-clear niya po kayo. Itsi-check lang niya po iyong isang papel doon kung qualified po ako para maka-receive ng bakuna.
After noon, ma’am, kapag na-clear na po ng doktor, pupunta na po doon sa nurse kung saan po ibibigay niya iyong bakuna. Smooth naman po iyong process, ma’am.
USEC. IGNACIO: Ronald, I’m sure, ganiyan din ang prosesong dinaanan mo. Pero ikaw ba ay nakaramdam ng kaba noong magpapabakuna ka na?
MR. CANCINO: Yes, ma’am, opo. Talagang kinabahan din po kasi first time nga po natin mababakunahan, pero at the same time, iyong hope po natin is na-boost din talaga. So iyong kaba po na na-feel ko is na-overpower po ng possible na makuha ko pong benefit, at the same time talagang magawa po natin iyong ating role as radiologic technologist po sa ating ospital.
USEC. IGNACIO: Okay. Jem, Ronald, may tanong sa inyo si Aljo. Aljo?
ALJO BENDIJO: Opo, Usec. Kumusta ang naging inyong pakiramdam ilang minuto pagkatapos mabakunahan, mayroon ba kayong naramdaman na side effect? Kung mayroong naramdaman, paano ninyo na-manage ang mga sintomas na iyan?
MS. GACIAS: Iyong sa akin po, sir, iyong sa Sinovac vaccine ‘no, ang una ko lang naramdaman ay iyong bigat sa arm kung saan nilagay iyong vaccine. Tapos mayroon siyang … may konting pain pero very tolerable. So kagaya lang po ng iba nating bakuna, gaya po ng flu vaccine ‘no kapag kalalagay lang po ng bakuna, may nararamdaman tayong bigat. So iyon lang po ang aking naramdaman.
Mayroon din pong point na hindi ko siya ma-stretch ‘no. Pero after six to eight hours po, nawala po iyon pain tapos na-stretch ko na po iyong arm eventually. Sabi po nila sa akin, sabi po ng doktor, puwede po akong magka-fever pero hanggang ngayon naman po ay wala po akong fever naramdaman, wala ring chills, wala rin kahit na anumang reaksiyon. Iyon po. At okay na po iyong kamay ko ngayon, sir.
ALJO BENDIJO: Okay. Si Ronald, ganoon din?
MR. CANCINO: Sir, same po, sir. Ang pinagkaiba lang po, sa akin po feel po akong fever last night ‘no after po ng vaccination. Pero one thing na promising po kasi is talagang hindi kami pinabayaan po ng hospital, talagang minonitor din po nila kami – after 15 minutes, after 30 minutes, after few hours. And then habang naka-out po kami sa hospital, talagang kinukumusta rin po nila kami, kung kumusta po or any other adverse effects na unexpected.
So, so far, okay naman na po, wala pong lagnat. Iyon lang po, talagang mabigat po iyong braso.
ALJO BENDIJO: Wala ka bang pag-aalinlangan, Ronald, before ka mabakunahan at ang bakunang ituturok sa’yo, hindi ka natakot?
MR. CANCINO: Natakot din po, sir. Pero iyon nga po, kagaya nang nasabi ko kanina, talagang na-overpower po ng possible benefit ang makukuha natin kasi hindi lang siya nagbu-boost ng self-confidence mo kung hindi pati iyong role po na gagampanan mo sa hospital is talagang… you can deliver really the summit and excellent service na puwede mong maibigay sa pasyente po.
ALJO BENDIJO: Okay. Jem, pagkatapos kang mabakunahan, nakabalik ka na ng trabaho kaagad?
MR. CANCINO: Yes, sir, opo. Fortunately, okay naman po siya. Talagang needed din po kasing pumasok. Kasi kagaya po nang sabi kanina, may surge po ng mga pasyente po so kailangan po talagang pumasok po agad.
ALJO BENDIJO: Iyong pakiramdam na mayroon na kayong bakuna kontra-COVID-19, sa tingin ninyo you made the right choice na magbakuna? Si Jem muna, then Ronald. Jem?
MS. GACIAS: Yes, sir. Sabi ko nga po kanina, matagal po nating pinagdasal na magkaroon po ng bakuna kontra-COVID-19. So ito na po iyong opportunity natin para i-grab iyong matagal na nating inaantay. Iyon po, hindi po ako nagsisisi at buo po iyong aking desisyon noong tinanggap ko po iyong bakuna, Sinovac. Hindi rin po ako natakot, kasi alam ko po na dagdag proteksiyon ito. At iyong vaccine po is na important tool kit po natin para makalabas po tayo sa pandemic po na ito.
MR. CANCINO: Iyong feeling po talaga, talagang nakaka-overwhelm and I think I made the right decision po, firm po tayo doon, kasi isa po iyon sa responsibility natin as a healthcare worker. Personally po, kagaya po noong sinabi ko kanina, confidence, excellence at the same time, patient care po na maibibigay sa pasyente is talagang significantly boosted po. So, iyon po at the same time, we feel protected po every time bibiyahe ka papuntang hospital. So talagang nakaka-overwhelm po siya.
USEC. IGNACIO: Okay, thank you, Aljo. Lastly, ano na lang iyong words of advice ninyo Jem at Ronald na puwede ninyong ibigay sa mga kapwa ninyong frontliners na until now, hindi pa rin makapag-decide kung magpapabakuna. Unahin natin si Jem?
MS. GACIAS: Okay, sa mga health care workers na katulad po namin na until now nag-iisip pa po kung tatanggapin po ninyo iyong vaccine or hindi, sasagutin po namin ni sir Ron iyon, yes po, magpa-vaccine na po tayo. Unang-una proteksiyon sa sarili, pangalawa proteksiyon sa mga inaalagaan nating pasyente, pangatlo proteksiyon po sa lahat po ng taong nasa paligid natin. Huwag po tayong matakot sa vaccine, matakot po tayo sa COVID-19, iyon lang po, Ma’am.
USEC. IGNACIO: Okay, Ronald?
MR. CANCINO: Yes. Sa mga healthcare workers po na nanunood, if you have the chance, grab ito po, kasi itong vaccine na ito ay talagang hinihintay po natin, more than a year po tayong nagdududa sa COVID-19 pandemic, and wala tayong makapitan, dahil nga wala pang vaccine na available that time. So, since mayroon na pong available, whatever vaccine po na available I personally suggest na you should grab it. Kasi we need to take our responsibility rin po sa ating pasyente as well sa hospital na pinagtatrabahuhan natin, not just to ourselves, but also doon po sa pagbibigay ng excellent healthcare service po na puwede.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa pagsama ninyo sa amin ngayong umaga, sa iyo Ronald at kay Jem. Salamat din sa pagtaas ng manggas upang mabakunahan at more power po sa inyo lalo na sa pagganap ninyo sa tungkulin bilang medical frontliners. Kami po ay sumasaludo sa inyo. Mabuhay kayo!
MS. GACIAS: Thank you, ma’am. Thank you po.
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa pinakahuling COVID-19 tally ng Department of Health. Lumampas na po sa 600,00o ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa. Samantala, bumaba naman sa 2,668 ang mga bagong naitalang kaso, matapos ang apat na araw na sunud-sunod na higit 3,000 ang daily recorded cases. 171 naman ang mga gumaling mula sa sakit habang pito ang nasawi. Kaya 546,078 na ang total recovery sa bansa, habang 12, 528 naman ang total deaths, 41,822 naman ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19.
Samantala, puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, ihahatid iyan ni John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
BENDIJO: Makibalita tayo sa vaccination program na ginagawa ngayon sa Cordillera Region, magbabalita si Florence Paytocan live. Florence?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Samantala, sakay ng isang commercial flight ay dumating na sa Davao City kaninang umaga ang nasa 20,000 doses ng AstraZeneca vaccine na kayang magbakuna ng nasa sampung libong medical frontliners sa buong rehiyon. Ang detalye hatid ni Jay Lagang live.
[NEWS REPORTING]
BENDIJO: Daghang salamat, Jay Lagang mula sa PTV-Davao.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat pong muli sa pagtutok ninyo sa COVID-19 Vaccines Explained na hatid sa inyo ng PCOO, PTV at Philippine Information Agency. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio ng PCOO.
BENDIJO: Daghang salamat din sa ating mga kasamahan sa media sa pagiging katuwang natin sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa ating mga kababayan. Ako po si Aljo Bendijo. Usec, thank you.
USEC. IGNACIO: Thank you, Aljo. Bukas po ay makibahagi tayo sa first quarter nationwide simultaneous earthquake drill. Sama-sama tayong mag-duck, cover and hold pagpatak po ng alas-dos ng hapon dahil ligtas ang Laging Handa.
At iyan po ang hatid naming makabuluhang talakayan at balitaan ngayong araw. Tumutok po kayo muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center