Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Mga isyung kinakaharap ng bansa tungkol sa kalusugan, presyo ng bilihin at trabaho ang hihimayin natin ngayong araw ng Biyernes, siyempre kasama pa rin ang mga panauhin na handang tumugon sa tanong ng taumbayan

BENDIJO: Ihatid din namin sa inyo ang pinakahuling balita tungkol sa nationwide vaccination rollout at iba pang mga balita na dapat ninyong malaman, ako po si Aljo Bendijo. Good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina Department of Agriculture Secretary William Dar at Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

BENDIJO: Samantala, kung mayroon po kayong mga katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.

USEC. IGNACIO: Sa ating unang balita: Para po makabawi sa epekto ng COVID-19 pandemic, pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa mga susunod na linggo. Pero sabi ng Pangulo, may pag-aalinlangan pa rin siya lalo’t problema pa rin ang social distancing partikular sa urban areas. Kaya ang panawagan niya sa publiko, makipagtulungan at sumunod sa health protocols. Ang detalye, mula kay Mela Lesmoras:

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Nagbanta si Senador Bong Go sa sinumang gagawa ng katiwalian sa isinasagawang vaccine rollout ng pamahalaan kontra COVID-19. Siniguro din niya sa publiko na dumadaan sa evaluation process ang bawat bakunang binibili ng bansa. Mayroon tayong inihandang report tungkol dito:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Kaugnay niyan ay [garbled] din ng ayuda ang mga residente ng ilang liblib na bayan sa Sorsogon [garbled] naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad sa bansa. Higit isanlibong residente ang tumanggap ng tulong mula sa pamahalaan at kay Senator Bong Go. Narito po ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Simula po sa Lunes ay magpapatupad na ng iisang curfew hours ang mga lungsod sa Metro Manila bilang bahagi ng mga hakbang para mapigilan ang mabilis na transmission ng COVID-19 sa National Capital Region. Ang naturang unified curfew hours ay magtatagal nang dalawang linggo. Ang detalye mula kay Patrick De Jesus:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At kaugnay pa rin po ng naging pulong kagabi ng mga alkalde sa National Capital Region, makakausap po natin ngayon si Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez. Magandang araw po, Mayor.

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Magandang araw sa iyo Usec. Rocky at pati kay Aljo, pati kay Secretary Dar. A pleasant morning to all!

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor naging unanimous decision po ba iyong boto ng ating mga mayors sa pagpapatupad ng unified curfew hours [garbled] at paano ninyo po ito ipatutupad? Magpapasa po ba ulit ng mga bagong ordinansa iyong bawat lungsod kahit dalawang linggo lang po ito mangyayari, Mayor?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Tama, Usec. Rocky. Kahapon sa pagpupulong namin sa Metro Manila Council ay pinagkasunduan po at consensus po ng lahat, hindi po majority kundi lahat po na iyon pong ating curfew ay ia-adjust po natin from 10 o’clock ng gabi hanggang 5 o’clock in the morning. At ito po’y ipatutupad po natin starting Monday at magkakaroon po tayo ng 2 weeks na implementation po rito.

Kaya nga po may oras po tayo, itong araw na ito hanggang Sabado’t Linggo para po sa ating executive order na ibibigay.

Katulad po sa Parañaque, binigyan na po ako ng authority ng City Council po natin na makapag-adjust po ng curfew as needed arises itong during ng pandemic. Kaya iyong lahat po ng documentation pati announcement po ito, mayroon po tayong 3 days for the proper implementation sa Monday.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, bakit hindi ninyo daw po palawigin beyond 2 weeks itong unified curfew?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Okay. So magkakaroon pa ho tayo ng data analysis/assessment itong two weeks na ito. Katulad po nang binigay po na pahayag ng ating mahal na Presidente na kailangan na rin magbukas po ng ekonomiya. So in two weeks’ time, malalaman po natin kung iyong data po natin at kung mayroon pa tayong pagtaas dito po sa ating Metro Manila. Kaya nga po itong curfew na ito, magkakaroon po tayo ng full implementation po dito at katulong po natin ang ating kapulisan, ang ating mga barangay official, pati iyong mga task force na ating binuo sa bawat lungsod para po maiwasan po natin iyong mga nagtatambay sa mga kalsada.

USEC. IGNACIO: Opo. Tingin ninyo ba, Mayor, ay malaki iyong impact ng curfew na ito para po ma-curb iyong rising cases sa Metro Manila ng COVID?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Tama iyan, Usec., iyan po ang aming pinag-usapan po doon, kasi we have to remind iyon pong discipline sa tao. Kasi alam po natin, Usec, naka-one year na po tayo eh, kaya parang nagkaroon na po ng fatigue ang mga tao doon po sa ating pong pinai-implement. So ito, ibig sabihin rito, sa curfew na atin pong ibinigay sa Metro Manila, ibig sabihin seryoso po ang ating pamahalaan para po sa proper implementation ng ating guidelines at proper implementation rin po hindi lang po ng curfew pati po iyong ating minimum protocol – iyong pagsusuot ng facemask, face shield at iyong mga gathering ay iiwasan.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, bigyan-daan ko lang po iyong ilang tanong ng ating kasamahan sa media. Mula kay Patrick de Jesus ng PTV, at kapareho rin po ang naging tanong ni Einjhel Ronquillo ng DZXL/RMN: Maliban daw po sa curfew hours, napag-usapan po ba sa Metro Manila Council meeting iyong pagbabalik ng quarantine pass at border control points?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Actually po, doon sa quarantine pass, hindi po iyan pinag-usapan. Kasi alam naman po natin iyong quarantine pass, noong atin pong pina-implement po iyan noon pong mid-last year ng August noong tayo ay ECQ, talaga pong naapektuhan po iyong ating economy, na iyong isa lang po iyong mayroon pong quarantine pass per household ang lalabas po ng bahay. So hindi po namin pinag-usapan po iyan. Pero iyong ating border, iyan po iyong pinag-usapan po natin, kung paanong sistema ng magiging border po natin, iyong border jurisdiction check, na doon po sa aming pinag-uusapan, iyon pong atin pong granular lockdown. Kasi binigyan po ng authority ang atin pong LGU na magkaroon po tayo ng isolated lockdown or granular lockdown specific na sitio, specific na street, specific na building, na hindi po isang barangay.

Katulad po sa Parañaque, napakalaki po ng ating barangay po dito. Isang barangay po namin mayroong one hundred thousand population. So specific lang po siya, iyong atin pong ila-lockdown po doon kapag mayroon pong clustering at magku-coordinate po tayo doon po sa karatig po natin na boundary na kabilang siyudad para po sa ating proper coordination doon po sa mga lockdown at mga boundary check.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag na tanong po mula kay Patrick de Jesus ng PTV: Ano po ang ginagawang effort ng Metro Manila Council para daw po magkaroon ng inter-operability ang iba’t ibang contact tracing apps ng mga LGUs sa NCR gayong ang official platform daw po is the staysafe.ph app?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Opo. Ang bawat isang city po natin ay mayroon na pong sariling application at ito po ay naka-link po sa DOH. Iyon po ay tuluy-tuloy po nating ginagawa. At kami po ay nagpapasalamat sa DILG, pati po sa MMDA kasi sila po ay magbibigay pa ng mga additional contact tracer para po atin pong mapaigting iyong atin pong first gen, second gen na mga iku-contact trace po natin doon po sa mga nag-positive para iyong probable and suspect pa lang ay ma-isolate na po natin doon po sa ating pong community. Kaya napakalaking bagay po ito, itong ating contact tracing. At patuloy po iyong testing na ginagawa at isolation sa lahat po ng atin pong mga positive patients.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Ivan Mayrina ng GMA News: Please describe daw po iyong scenario sa implementation ng curfew? Magkakaroon ba nang mas maraming checkpoints? Magkakahulihan ba ng violators? Sila ba po raw ay aarestuhin? Paano po sila ipuproseso?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Yes, ito po ay magkakaroon po tayo ng strict implementation ng ating curfew. Kaya po kasama po natin ang ating pulis dito, magkakaroon po ng border check. At ang bawat isa pong siyudad ay mayroon pong ordinansa po iyan at mayroon pong penalty, may penalty po ng fine po iyan, at mayroon po siyang detention. At iyan po ay based doon po sa ordinansa na inaprubahan ng bawat LGU, at iyon po ang susundin po ng atin pong mga kapulisan pati ang ating barangay.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up lang po ni Joseph Morong ng GMA News: So magdi-deploy po ng police at militar?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Totoo po iyan. Iyan po ay nakipag-coordinate na po kami sa atin pong kapulisan, to our COP, para po hindi lang po iyong ating mga barangay tanod ang magma-man; mayroon tayong pulis na mismong will make it a point na ito pong curfew na ito ay ma-implement dito po sa ating region, sa National Capital Region.

USEC. IGNACIO: Opo, Mayor, sinisisi po na ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay iyong hindi po talaga pagsunod sa quarantine protocols. Masasabi rin po ba nating may bahagi din dito iyong LGUs na naging kampante daw po at hindi po naghigpit sa pagpapatupad o paghuli sa mga lumalabag, Mayor?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Yeah, katulad ng nabanggit ko, Usec., kanina na parang nagkaroon na po ng fatigue eh, isang taon na po iyan. Pero isa lang po iyan sa magiging cause kung bakit tumaas po ito dahil alam naman po natin doon po sa binigay pong messaging ng ating DOH, mayroon kasing bagong variant na pumasok po sa atin sa Metro Manila – hindi lang sa Metro Manila kung hindi sa bansa. Ito iyong South African variant at saka UK variant na mas contagious po ito, mas nakakahawa.

So kaya nga po atin pong pinari-revisit ulit ang proper implementation kasi sabi nga natin, prevention is the medicine kaya po dapat po iyong ating protocol ay ipatutupad po ito. At we will make the point na itong curfew, minimum protocol ay ma-implement sa labing-anim na siyudad at isang munisipiyo sa National Capital Region.

USEC. IGNACIO: Mayor, bukod po sa pag-unify ng curfew hours, sang-ayon din daw po ba ang Metro Manila mayors doon sa pag-unify naman nung tinatawag nating penalties para po sa mga quarantine violators?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Iyan po ay pinag-uusapan pa namin po iyan. Pero until now, ang ating pai-implement ay kung ano po iyong ating city ordinance sa bawat local government unit.

USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol naman sa contact tracing, ayon po sa DILG ay 4 out of 17 sa Metro Manila ay kailangan pong humanap ng contact tracer, Mayor?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Opo, opo. Iyan po iyong binanggit ko po kanina na iyon pong pagha-hire natin ng additional contact tracer po natin, aside doon sa ating Barangay Health Emergency Response Team ay atin pong pinag-iigting po iyong ating contact tracing at iyong paggamit po ng ating application sa bawat isang local government unit na naka-link po iyan doon sa StaySafe ng DOH.

USEC. IGNACIO: Opo. Sakali raw pong magpatuloy itong surge ng COVID-19, kakayanin po ba ito ng Metro Manila?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Kaya iyan. Nalampasan na po natin noong August eh. Noong August po natin, iyan po iyong ating ECQ, at sa pagtutulungan po ng atin pong national government, ng local government unit pati ng ating barangay, nalampasan po natin iyan. At palagay ko ito pong ating surge na ito, itong spike na ito, ito po ay ating malalampasan ng atin pong region sa pamamagitan po ng pagtutulungan po ng bawat isa po rito. Ang kailangan lang po rito ay cooperation ng ating private sector. Iyon po ang aming hinihiling na we have to impart discipline, sumunod po tayo sa protocol, lalung-lalo na po ngayon na nag-umpisa na tayo ng rollout ng ating vaccine. At iyon pong ating mga health worker frontliner, halos matatapos na po tayo doon po sa inoculation po sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, may pahabol na tanong lang si Einjhel Ronquillo ng DZXL/RMN: Ang tanong po niya, magkakaroon po ba daw ng liquor ban? Magpapatupad po ba ang Metro Manila mayors?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Ngayon po ay wala po kaming pinag-uusapan. Pero sa Parañaque po sa amin, ang ginawa po namin po rito, until 8 o’ clock lang po ng gabi ang selling at iyong pagsi-serve ng liquor sa buong Parañaque.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez. Ingat po kayo, Mayor.

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Thank you very much, Usec. Rocky. Magandang, magandang tanghali po sa kanila.

ALJO BENDIJO: Samantala, pinaaaresto ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga namimeke ng COVID-19 test results. Sa kaniyang talumpati kahapon, binigyan-diin ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng RT-PCR test na gold standard sa COVID-19 testing. Ayon kay Pangulong Duterte, ito ay bahagi ng pagtukoy sa sakit ganoon din sa pag-control sa krisis kaya’t malaking problema kung pinipeke ito. Kaya naman nagbababala ang Punong Ehekutibo laban sa mga pasaway na testing centers ganoon din sa mga nagbibenta ng mga pekeng bakuna kontra-COVID-19.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Hindi ihihinto ng pamahalaan ang roll out ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca sa ating bansa ito ang iginiit ng Department of Health at Food and Drug Administration matapos itigil ng ilang bansa sa Europa ang pagbibigay ng AstraZeneca vaccines. May lumabas kasing ulat na nakaranas umano ng blood clot ang ilang nabakunahan ng AstraZeneca sa ilang European countries gaya ng Denmark at Norway. Ayon sa DOH patuloy ang imbestigasyon kung may kaugnayan ang pagbabakuna sa nasabing adverse event.

Sa pahayag naman ng European Medicine Agency, mas matimbang pa rin ang mga benepisyo ng AstraZeneca COVID-19 vaccines kumpara sa panganib na maaari nitong idulot sa tao.

BENDIJO: Mga nasunugang residente ng Barangay Governor Vicente Duterte sa Gatbayan sa Davao City ang nabigyan po ng ayuda at suporta ng mga ahensiya ng pamahalaan at grupo ni Senador Bong Go. Narito ang report:

(NEWS REPORTING)

BENDIJO: Samantala, ang tugon ng pamahalaan sa estado ng African Swine Fever sa bansa, presyo ng mga bilihin at supply ng mga pangunahing pagkain ang atin pong pag-uusapan kasama muli si Department of Agriculture Secretary William Dar. Good morning, magandang araw po, Secretary.

DA SEC. DAR: Good morning Aljo at good morning Usec. Rocky. Magandang umaga po sa ating lahat.

BENDIJO: Opo. Nirirekomenda po ng ilang mga mambabatas kay Pangulong Duterte, Sec., na magpatupad na ng state of emergency dulot ng African Swine Fever. Eh panahon na nga ba para magdeklara tayo ng state of emergency para at least matulungan po ang mga apektadong mga magbababoy, hog raisers?

DA SEC. DAR: We are finalizing our recommendation base doon sa rekomendasyon na galing po sa Senado. So anytime this week, we will be sending our position and recommendation to the Palace.

BENDIJO: Opo. Hindi ba sapat ang tulong pinansiyal na binibigay ngayon ng Agriculture Department sa mga nag-aalaga po ng baboy, Sec?

DA SEC. DAR: Well, let me mention that the budget that we have this year, for example in the livestock and poultry program, we only have 1.5 billion. Now, for the repopulation program, this year we are using that level of about 1.1 billion to do repopulation. And let me highlight ano iyong components nitong 1.1 billion na mayroon na tayong pera doon – P400 million will be used to establish breeder farms, para mas marami tayong mga fatteners na naibigay later; another P200 million will be used to repopulate iyong ASF-affected areas with sentinel approach.

Ano po ang ibig sabihin nito, after 90 days na wala ng incidents ng African Swine Fever sa isang lugar ay maglalagay tayo ng mga live piglets to try once more itong areas na ito, so iyon ang sentinel approach. So, we are spending in ASF earlier affected areas, P200 million. And once these are not there already, I mean the ASF virus ay we will consider bigger repopulation program; now, on top of that, Aljo, we have P500 million for loans to backyard hog raisers, zero interest payable in five years. So, ito iyong P1.1 billion.

Now, mayroon rin tayong budget na 1.5 billion para sa ‘Bantay African Swine Fever sa Barangay.’ So, if you add itong repopulation program P1.1 plus iyong P1.5 billion for ASF Control and Containment ay P2.6 billion available money. So we have realigned some of the money that we have this year for this fight against the African Swine Fever and repopulating the hog industry.

Now, gusto ko ring idagdag, Aljo, na we have secured from Landbank P15 billion, P12 billion from DBP to a total of P27 billion as loan program to reinvigorate the hog industry at concessional rate, so mababa iyong interest rates, not like that commercial rates that we have before. So these are the initial support that government will do.

And let me add that the government is also going to fund 22% of the insurance premium for the hog raisers particularly the commercial hog raisers. So, ganoon po ang aming mga tulong at mayroon—of course, kung tatanungin mo, is this enough? Of course this is not enough.

BENDIJO: Opo. Secretary, sa pagdinig po ng Senado ay inakusahan ng mga taga-industriya ng hog raising ang Agriculture Department na nagdudoktor daw ng mga numero para ma-justify ang importation ng karne sa ibang bansa at gusto rin nilang ipatigil ang pagbaba ng taripa para sa mga imported na karne. Ano po ang tugon ninyo diyan?

DA SEC. DAR: We took exception to that call or that accusation by hog raisers. That is not true, we are not. Our data are transparently displayed or can be shown anytime and we have basis for submitting and recommending the increase of MAV, the Minimum Access Volume. So, I have told during that hearing that the DA is not in that business in doctoring data. And in regard to the tariff—in general, let me mention, because there is this deficiency cost P400,000.

You know, we need to increase the MAV, that’s one strategy. Meanwhile, these are temporary actions like the lowering of tariffs. So, jointly with increasing the Minimum Access Volume and the lowering of tariff, these will discourage smuggling of pork and this will encourage more pork that will be imported to really be sold openly in the markets.

BENDIJO: Sec., dahil po sa ASF nagpatupad si Pangulong Duterte ng price cap sa mga karneng baboy. So far ay masasabi ba nating epektibo ito na palawigin pa, i-extend natin hanggang month of April?

DA SEC. DAR: That’s the total of sixty days, Aljo, so the price cap is being monitored. We have monitored 33 markets in Metro Manila all selling pork. There’s not any market that is not selling pork. So, mobilize average of 4,500 hogs a day so there is enough of this and the price cap is holding.

BENDIJO: Hindi ba kayo nangangamba, Sec., na samantalahin ng mga traders na ito pong malawakang pork pati na ang manok – chicken holiday – sa mga palengke?

DA SEC. DAR: Wala namang holiday. We have enough pork. As I’ve said, in 33 markets that we monitor, mayroong available. Lahat sila mayroong tinitinda na karneng baboy.

BENDIJO: Nagpaabot po kayo ng suporta sa mga apektadong market vendors? Ilan na po sa kanila ang nakapag-loan at papaano po ito nakatulong para maiwasan po itong problema natin sa pork holiday?

DA SEC. DAR: The ACPC which is an agency of the DA has extended loans to market vendors association at the rate of P5 million each para sa ganoon may puhunan ang mga market vendors.

Now, on top of that, Aljo, we are also offering the market vendors wanting to buy chillers for frozen pork, this is part of the regulation in regard to imported items. Dapat nandiyan sa mga freezers or chillers para we always ensure food safety of the consuming public.

BENDIJO: Opo. Sec., may tanong lang ating mga kasamahan sa media. Babasahin ko po from Rose Novenario ng Hataw: Ano po daw ang partisipasyon ng Department of Agriculture sa DV Boer Farm Inc. ni Dexter Villamin at umano ay inendorso ito noong 2018 bilang partner ng DA ayon umano kay Usec. Ranibai Dilangalen? Ngayon ay nahaharap po ang DV Boer sa umano’y multi-bilyong pisong syndicated estafa na ang mga biktima po karamihan ay OFWs?

DA SEC. DAR: Wala kaming kaugnayan diyan. Nadatnan ko na iyan na problema, so we disassociated ourselves with him.

BENDIJO: Follow-up po. Ano ang maitutulong ng DA sa mga umano ay naging biktima po ni Ginoong Villamin, ‘di umano?

DA SEC. DAR: They just have to bring him to court.

BENDIJO: Court, opo. Mula naman kay Shyla Francisco ng TV5: Ang ilang mga importers at mga processors warned that the recent UK poultry ban along with the current ban in The Netherlands and in Germany may raise prices of processed meat products. Ano po ang gagawin natin para masigurong hindi po ito mangyayari?

DA SEC. DAR: Pinag-aaralan po natin, Aljo. Mayroon iyong prinsipyo na sa isang bansa na hindi naman lahat, the whole country is not affected by a certain virus or disease ay doon sa mga source or areas na regions na hindi apektado, we are looking at the possibility of giving permits, basta makita po namin na walang incidence dito sa mga areas na ito.

BENDIJO: Mensahe na lang po, Secretary William Dar, sa atin pong mga tagapakinig at nanunood po ngayon.

DA SEC. DAR: Una, Aljo, let me give you this one. Ito iyong number of ASF positive incidence report given by our Bantay ASF sa Barangay. If you look at during the third quarter of 2020, ang very high number of incidence, August for one is 1,773 then it was going down in October, 597, pababa na iyan hanggang December, 360 incidence then itong taon na ito January ay 358. Itong Marso as of this date ay 62 incidence.

So, I would like to believe na this is a sign, this is an indication that the created quarantine and surveillance strategies that we have put in place are really working and we will continue to do so and much more with working with the local government units and the added PPEs that we have in order to enhance monitoring and surveillance of those areas potentials for ASF incursion.

So, this is such a good indication. We will continue this fight and the last point is again, to encourage both the backyard hog raisers and commercial hog raisers to be a part of the solution para lahat po ng incidence na nandiyan sa kanayunan ay dapat isangguni agad sa mga kawani ng Bureau of Animal Industry ng mga Regional Field Offices at sa mga provincial local government units, municipal and city.

So, laban tayo sa ASF. This is the time really to unite and be one and see to it that we will succeed in this fight against African swine fever.

Lastly, in order for all of us to have higher level of food during this pandemic, we have to advocate for this Plant, Plant, Plant Program where—[line cut]

BENDIJO: Sec.? Naku! Naputol si Secretary Dar. Well, anyway, thank you so much sa inyong panahon DA (Department of Agriculture) Secretary William Dar.

Samantala, malapit na po ang eleksiyon 2022. Muli, iginiit po ni Senador Bong Go na wala siyang balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na eleksiyon. Aniya, ang pagtutulungan ng bawat ng isa sa gitna ng pandemya ang mas dapat na pagtuunan ng pansin ngayon.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng DOH kahapon, March 11, 2021, umabot na sa 607,048 ang total number of confirmed [garbled] cases matapos makapagtala ng 3,749 na mga bagong kaso; 63 katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 12,608 ang total COVID-19 deaths.

Ang mga kababayan nating naka-recover naman sa sakit ngayon ay nasa 546,671 na matapos makapagtala ng 406 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman ay 47,769.

At iyan nga po ang aming mga balitang nakalap ngayong araw, ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

BENDIJO: Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, muli ako po si Aljo Bendijo. Thank You Usec.

USEC. IGNACIO: Thank you Aljo. At ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center