USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Samahan ninyo kaming muli sa loob ng isang oras na talakayan kaugnay sa mga issue ng bayan. Makakasama rin natin ang puwersa ng PCOO mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa para sa updates tungkol sa patuloy nating pakikipaglaban sa COVID-19.
At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina Bohol Governor Arthur Yap; Assistant Secretary Ma. Teresita Cucueco ng Department of Labor and Employment; at si Doktora Anna Ong-Lim mula po sa DOH Technical Advisory Group.
Samantala, kung mayroon po kayong katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.
Una sa ating mga balita: Wala pong nakakatiyak kung kailan matatapos ang COVID-19 o kung may susulpot muling bagong sakit kaya para kay Senator Bong Go panahon na para palakasin pa ang kapasidad ng bansa sa usapin ng medical research and development sa pamamagitan ng paglaan nang sapat na budget para dito. Samantala, naniniwala naman si Senator Go na hindi pa dapat ilagay sa mas mahigpit na quarantine status ang Metro Manila dahil sa naitatalang mataas na kaso sa rehiyon. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Hindi na nga po mandatory ang swab test result bilang travel requirement kung uuwi ng mga probinsya. Kaniya-kaniyang diskresyon na raw po ngayon ang mga LGU kung ipapatupad ito pero may hirit ang mga governor na testing muna bago pumasok ng mga lalawigan ang biyahero. Ang tanong, pagbigyan naman kaya ito ng IATF? Iyan po ang updates sa vaccination rollout ng Bohol Province at ang ating pag-uusapan kasama si Governor Arthur Yap. Magandang araw po, Governor!
GOVERNOR YAP: Usec. Rocky good morning at saka sa lahat po ng kasama natin ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Governor, kumustahin ko na po muna iyong vaccination rollout sa mga ospital diyan sa inyong probinsya. Ilan na po ba iyong mga nabakunahan?
GOVERNOR YAP: Inumpisahan na namin two weeks ago. So right now kinukumpleto nila iyong number ng dosages para sa frontliners muna sa Gallares Medical Center because iyong Gallares Hospital, iyong ‘yung DOH hospital natin. So iyong nasa picture si Dr. Tirol, siya iyong unang Boholanon na nabakunahan. So we’re still completing the hospital right now, iyong Gallares COVID Hospital muna ang tinatapos namin.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kumusta po iyong pagtanggap ng mga Boholanos dito sa vaccines?
GOVERNOR YAP: Siyempre may agam-agam so maraming nagtatanong pa rin. So siyempre unang tanong is, “Ikaw Gov., magpapa-vaccine ka ba? Kailan at saka anong brand?” So pinapaliwanag ko pa sa kanila na, ako, wala naman akong problema na magpabakuna pero siyempre una iyong mga frontliners ‘no, iyon naman kasi ang napagkasunduan natin. Kung anong brand naman, kung ano iyong nandiyan susuriin na lang natin, makikipag-consultation ako sa doctor ko. But kung ano iyong nandiyan, ano iyong available, we are ready naman to take the vaccine ‘no.
So in terms of acceptability, ang problema Rocky is ano ngayon, parang naghihintayan ang lahat. Pero sa nakita ko, like iyong sa experience sa Gallares, una parang may mga ayaw pero noong nag-umpisa na eh ‘ayun na, parang lahat okay na at saka iyong majority—more than the majority willing na sila magpabakuna.
USEC. IGNACIO: That’s good news po ‘no. Ngayon dumako tayo, Governor, dito sa unified travel requirements na ipinatutupad po ng DILG recently. Kayo po dito sa League of Provinces, sang-ayon po ba kayo dito?
GOVERNOR YAP: I will not speak for the League ‘no, I will just speak for Bohol ‘no. Kami originally may policy kami na puwedeng testing upon arrival. Pero noong nagpalabas iyong IATF ng Resolution 101 na sinasabi nila na hindi ka na puwedeng magpa-quarantine but RT-PCR testing is allowed, iyon na lang sinunod namin. So hindi ka makakabisita ng Bohol kung wala kang RT-PCR testing pero kung may RT-PCR 72-hour test ka, okay ka, tatanggapin ka namin. Iyon na lang because we want to harmonize with IATF rules.
But sa palagay ko, speaking for Bohol, hindi kami magiging komportable kung papapasukin na lang namin ang kahit sino na walang testing especially ngayong panahon na umaakyat, nakikita nating umaakyat pa iyong mga figures for mga infections.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Governor sabi nga po nasa poder naman daw ng mga LGUs, katulad ng sinabi ninyo, kung ipapatupad iyong COVID-19 testing as a requirement sa mga biyahero. Bakit umaapela po kayo sa IATF ngayon na kung puwedeng magkaroon ng testing sa point of entries, parang ibig sabihin ninyo gusto ninyo ulit talagang maging mandatory ito sa lahat ng lalawigan?
GOVERNOR YAP: As I said, I’m only speaking for Bohol. Para sa amin, originally dalawa iyong mode namin: puwede kang magpa-test, 72-hour negative test before you come into Bohol or number two, pagdating mo sa Bohol, doon ka na lang magpa-test. Pero nga dahil doon sa pinalabas ng IATF Resolution 101 na wala nang quarantine, hindi na namin puwedeng i-hold iyong mga tao. So ‘pag dumating sila sa Bohol, kung wala silang test ibig sabihin ba Rocky na magti-test sila tapos papakawalan namin sila? Eh hindi pupuwede iyon.
So with the rule na wala nang quarantine at holding din, wala nang isolation, hindi na kami puwedeng mag-allow, na hindi na namin puwedeng payagan na darating ng Bohol na walang testing. And nag-request na rin iyong mga Bohol College of Physicians at saka iyong medical frontliners na mas mabuti, at least mayroong first line of defense. Kung sila nga ang gusto nila may quarantine pa at may second test eh pero just to harmonize with the national IATF, tinanggal na namin iyong quarantine at saka iyong second test.
So basta may RT-PCR… negative 72-hour PCR test ka pagdating mo ng Bohol, tatanggapin ka at wala nang quarantine ngayon. At saka kailangan hindi na rin nag-i-exhibit ng mga sintomas. So iyon ang rule ngayon, wala naman kaming hinihinging additional testing ngayon upon arrival.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, ano daw po iyong difference kung gagawin ang test na prior to travel at itong test sa point of entry ng mga probinsya katulad po ng Bohol?
GOVERNOR YAP: Well, may diperensiya kasi at least ‘pag may clearance ka bago ka pumasok, mas safe ang feeling. Lagi ngang sinasabi ko sa mga tao, ang pagbabalik ng domestic tourism, kailangan balansehin natin ang dalawang interest – ang interes ng safety ng gustong mag-tour sa Bohol, iyong mga naglalakbay, we want to make sure na lahat ng bisita namin safe sila pagdating nila sa Bohol.
But iyong second interest na kailangan nating balansehin, iyong interes din ng mga nakatira dito sa Bohol. So kailangan iyong mga local residents must also feel safe sa pagtanggap nila sa mga bisita at saka sa mga returning residents. So iyong two interests na iyon ang critical na kailangan nating balansehin.
Kaya kailangan bago dumating, we can balance those two interests. Kapag lahat ng sumasakay ng eroplano alam nila na lahat ng magkakatabi ay tested, so silang lahat, we are giving them the assurance na sila, kulob sila doon sa eroplano or sa barko pero kapag dumating sila dito, maaliwalas dahil lahat sila ay nagpa-test at negative sila at wala silang sintomas.
Number two interest pagdating naman dito, lahat ng tatanggap sa kanila at least they will feel safe na lahat ng dumarating ay tested na rin. Kung hindi po kasi natin gagawin iyon at pababayaan lang natin silang dumating, we are endangering the people who are coming to Bohol na possibly isa sa kanila ay infected at sila po ay puwede po silang ma-infect doon sa flight or doon sa barko na iyon. At pagdating naman dito, mawawala rin iyong kasiguruhan sa mga tumatanggap sa kanila, iyong transport sector, iyong mga tour guides/tour groups ‘no. We cannot tell them confidently as well na huwag kang mag-aalala dahil tested lahat iyan. So pagdating dito, magpapa-test pa tapos burden din sa amin iyon kasi kapag dumating, kailangan magpa-test, ika-quarantine pa namin, ia-isolate pa namin. That is an additional financial, medical, manpower burden sa mga LGU na tatanggap sa mga residents at sa mga turista.
So mabuti pa, one uniform platform testing na lang. Kaya ang niri-require namin ngayon is 72-hour test bago sila dumating.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, pagdating naman sa contact tracing ano po, gusto kasi ng Palasyo na ipatutupad iyong paggamit ng StaySafe app sa buong bansa. Kayo po ba diyan sa Bohol, ano po iyong ginagawa ninyo para po makasunod dito?
BOHOL GOVERNOR YAP: We are strengthening our emergency operation center, at itong EOC, siyempre kasama iyon. Pero kami sa Bohol kasi mayroon na kaming sarili contact tracing cards at saka mayroon na ho siyang QR Code. So we have our own system in Bohol, so additional na lang iyong isang app na iyon.
So the issue here right now is, at least, mayroon tayong contact tracing system na sinusunod.
USEC. IGNACIO: Governor, being one of the top tourists spot po sa bansa, sa observation ninyo, kumusta na po iyong takbo ng inyong turismo? Nakakabawi-bawi naman na po ba kayo?
BOHOL GOVERNOR YAP: Usec., malayo pa tayo sa usaping bawi. Talagang ngayon ay ang mga bumibisita lang sa mga resorts sa Bohol ay iyong mga local residents lang ‘no; kami lang ang customers ‘no. Pero umaakyat na rin pero napakalayo kasi bago iyong COVID-19, before we got hit with COVID-19, mga 30,000 ang in and out ng mga tao sa Bohol. Pero sa ngayon, buwanan ang mga one thousand, one thousand five hundred visitors, ganoon lang iyong traffic ngayon. So kulang na kulang pa rin.
At we really think na ang deal maker dito ay iyong vaccine. Kung talang mag-rollout nang maayos iyong vaccination program natin sa bansa at mapabakunahan natin ang 70 to 80 million people, then I think may fighting chance tayo na mas babalik tayo sa normalcy in terms of tourism, business, investments. That will be the time na magkaroon tayo ng fighting chance.
USEC. IGNACIO: Bagama’t hindi naman po ganoon kataas ang kaso sa inyong probinsiya, Governor, pero ikukonsidera rin po ba ninyo iyong pagpapatupad nang mas mahigpit na curfew hours upang mapigilan iyong pagkalat ng virus sa inyong probinsiya lalo na’t nakapasok na sa ating bansa iyong bagong variants? At manghuhuli rin ba kayo ng mga sabihin nating lalabag sa health protocols?
BOHOL GOVERNOR YAP: Sa punto ho ng curfew, we are still where we are ‘no, because wala naman kaming over 250 cases; at saka daily, hindi naman ganoon kataas iyong pag-akyat ng kaso namin. Iyong total cases namin, total as of today is no more than 250, two hundred fifty cases. And we have maintained those figures since one year ago, noong nag-lockdown kami noong March 16. So this coming March 16, one year na kami under the pandemic kasi nag-lockdown kami ng March 16, 2020. And iyon lang iyong figures namin.
At ang nakikita namin, nahihila kami ng Manila, ng National Capital Region at saka ng Cebu. Whenever sumisipa iyong infection rates sa Cebu at saka sa NCR, doon namin nadi-detect na sumisipa, nahihila rin kami. Kaya nga kritikal para sa amin iyong testing dahil sa tingin namin kapag iyong testing na iyan ay implemented all over the province, makikita natin bababa na iyong mga local rates dito sa loob. Umakyat lang iyan, Rocky, in the last two weeks. Two weeks ago, nasa below one hundred cases kami tapos biglang sumipa ng two hundred to two hundred twenty cases ngayon dahil sa nai-experience natin sa Manila, sa NRC at saka sa Cebu. Pagkatapos, in the last two weeks, we were still allowing testing in Bohol. Pero ang feeling namin na kapag tinigil na namin ngayon, we will give it another two to three weeks, we feel magno-normalize, mag-i-stabilize na iyong numbers namin.
So, yes, sa tanong mo na kung susugpuin natin, together with the mayors, we are instructing the mayors to be very strict sa implementation ng minimum health standards. And we actually have a situation in Bohol right now where we are convincing a mayor, we are enjoining a mayor to be very strict in the enforcement. And in the event na hindi naman mag-i-enforce iyong mayor na iyon, then siyempre isasangguni na natin sa DILG kung ano iyong next doon. But siyempre, iyong provincial government, aaksiyon din tayo dahil siyempre iyong operational control ng kapulisan sa lalawigan ay nasa sa provincial government din. So we will not hesitate to use that power of the provincial government to enforce the minimum health standards.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, Bohol Governor Arthur Yap. Stay safe po, Governor.
BOHOL GOVERNOR YAP: Thank you, Usec. Rocky. Stay safe po.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, sa iba pang balita: Nito pong Huwebes ay nagtungo ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at team ni Senator Bong Go sa Dumaguete City upang mamahagi ng tulong sa mga kababayan nating pilit na bumabangon sa epekto ng COVID-19 pandemic. Nasa isanlibo at tatlong daang individuals po ang naabutan nila ng tulong. Bukod po sa mga residente doon, binisita rin ni Senador Bong Go ang Negros Oriental Provincial Hospital para bigyang pugay ang ating medical workers. Sa iba pang detalye, narito po:
[VTR]
USEC. IGNACIO: At para tulungan ang mga lugar na pagawaan na maging mas ligtas laban sa COVID-19, nagpalabas po ang DOLE ng isang department order hinggil sa pagkakaroon nang angkop na at ligtas na daluyan ng hangin o bentilasyon sa loob ng mga pagawaan at pampublikong transportasyon, kaugnay po niyan makakausap po natin si Assistant Secretary Ma. Teresita Cucueco, Regional Operations Labor Standards and Special Concerns Cluster ng Department of Labor and Employment. Magandang araw po, Asec.!
DOLE ASEC. CUCUECO: Magandang araw din po, Ms. Rocky. Sa lahat ho ng mga kasama natin ngayon sa Laging Handa, magandang umaga po sa ating lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec. maari ninyo bang idetalye sa amin iyong mga mahahalagang probisyon nitong nakapaloob sa nasabing department order at sinu-sino po ba ang saklaw nito o covered nito?
DOLE ASEC. CUCUECO: Ang DOLE Department Order 224 ay ito iyong nagbibigay ng guidelines sa ventilation in all workplaces and the public transport. Ang hindi lang namin naisama dito dahil mas strict ang kailangan na bentilasyon ay iyong healthcare sector otherwise lahat po ay kasama, pati public sector kasama din po dito. At ang tinitingnan ho dito ay ang istratehiya na ang isang lugar na enclosed whether air-conditioned or non-air-conditioned ay maaaring may isang taong may COVID positive doon na asymptomatic at kung hindi siya—or tinanggal ang mask, may mga pagkakataong na iyong mga secretions ay lumabas, iyong ventilation po ay mahalaga dahil kung maganda ang daloy ng hangin, kung anuman iyong nasa loob ng lugar na iyon ay mailalabas, mapi-filter out at mailabas.
Ngayon iyon ho, kaya nandoon ang mga istratehiya para sa air-conditions, non-air-conditioned at sa mga lugar na may kailangan na iyong tinatawag na local exhaust ventilation, iyong sa mga restaurants may mga hole sa kitchen nila, kasama din po iyon, including iyong mga restrooms ng establishment and also of course the public transport. So all of the—iyong daloy ng hangin doon po, nandoon ang istratehiya para sinasabi natin maayos, maganda ang daloy ng hangin na papasok at mailalabas ang anumang contaminated air na talagang hindi pupunta sa mga ibang kasamahan doon sa loob ng paggawa or it is already diluted na iyong concentration will not cause any more infection.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec. sinabi ninyo kasama dito iyong public sector. Masasaklaw na rin po ba nito iyong mga government offices na palagian din na pinupuntahan ng publiko kapag mayroon silang transaksiyon at kailangan?
DOLE ASEC. CUCUECO: Yes po. Noong ginagawa po ito kasama ho namin ang Civil Service at sumang-ayon naman po sila na ito rin ang gagamitin nilang guidelines para maipatupad ang proper ventilation in all government offices as well. So yes po, even for the public offices, ito na rin po ang guidelines.
USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay po rin dito sa nasabing department order ano po, mayroon din bang probisyon na nagtatakda sa mga pagawaan na magsasagawa naman po ng assessment hinggil sa kanilang pagtalima sa nasabing department order?
DOLE ASEC. CUCUECO: Alam ninyo iyong mga strategy na ‘to, sabi ko nga maganda dapat—ano ba ‘tong mga strategies na ‘to? At nandoon na rin ho iyong sinasabing assessment. Sinama na ho namin ang checklist para ma-guide ang business owners o kung sinuman ang nagmamay-ari ng isang lugar na paggawa. Maski sa gobyerno kasi iba’t iba naman itong mga opisina, may air-conditioned, may non-air-conditioned – ano ang mga titingnan. So nandoon iyong checklist – kung may bintana ba, puwede iyan buksan para maganda ang daloy ng hangin at iyong bintana/pinto, iyan na rin ang magiging pamamaraan para iyong pagpasok ng hangin, doon na rin lalabas.
Kung hindi naman puwedeng mabuksan itong mga bintana o walang bintana kasi may mga paggawa na talagang wala namang bintana, iyan na ho iyong tinatawag nating air-conditioning system. Pero kung ganoon ho iyan, ano ho iyong mga pamamaraan din para clean at may air change na tinatawag natin na maganda ang pasok ng hangin, hindi contaminated at tuluy-tuloy pa rin ang paglabas ng contaminated air outside of these enclosed spaces.
So nandoon po lahat iyan, iyong assessment checklist na kasama na rin po na magiging guide to the business owners.
And para maasistehan na rin, iyan din ho ang gagamitin ng mga inspector na titingin sa itong mga lugar para ma-assess properly, the same checklist para hindi ho kayo maninibago na ba’t iba iyong—iyan pa rin ho ang titingnan din ng mga inspectors.
USEC. IGNACIO: Opo. Aside from ventilation, iyon pong temperatura noong mga ginagamit sa mga air-conditioning, kasama rin po ba ito? Mayroon po bang specific na figure kung anong hanggang taas lang ng temperatura o lamig ang kailangan sa isang building or office?
DOLE ASEC. CUCUECO: Ang thermal comfort po, iyan ang ating magiging batayan. So depende ho sa ano ba ang—‘pag pinag-uusapan natin ano iyong activity inside the workspace, mayroon naman ho tayong range. So iyong usual office spaces, it can range from maybe 21 to 25 degrees centigrade. But for those that would have iyong mga tinatawag nilang products where it would need cooler type of temperature, medyo kailangan din ho mas mababa doon. So lahat ho iyan and thermal comfort and indoor air quality kasama pero iyong aspeto na iyan, sinabi namin na dapat kumonsulta o usually ‘pag ganoon naman ho, alam na ng mga engineers na nag-design ng building o ‘di kaya na-contact na ng mga may-ari itong tinatawag na thermal comfort range.
USEC. IGNACIO: Opo. So ano naman daw po iyong assistance ang maaaring ibigay ng DOLE para naman po tulungang makasunod itong mga pagawaan sa nasabing offices sa nasabing department order?
DOLE ASEC. CUCUECO: [Garbled] pero let me ano—Usec. Rocky, gusto ko lang ma-emphasize, ang ventilation ay isang strategy lang. Hindi ho namin tinatanggal ang compliance to the minimum public health protocols. Dapat sinusundan pa rin po ang paggamit ng face mask and face shield. Whether you’re inside any work area, face mask. Iyong face shield naman ho, puwedeng tanggalin iyan ng isang worker kung magiging sagabal sa gawa niyang trabaho. Pero ang face mask dapat suot-suot niya except lang ho siyempre kung kakain and that goes to like when in restaurants. Kaya sinasabi natin sa restaurants, puwede bang ‘pag tinanggal ang mask kasi kakain, okay na po iyan kasi kakain kayo.
Pero kung magtsi-chikahan na, puwede bang ibalik ninyo na po ang face mask kasi doon na ho iyong mga… the secretions are out, lumalabas na itong mga droplets at puwede na hong ano—kung may isang asymptomatic doon na COVID ay alam na ho natin kung anong puwedeng mangyari dahil iyan iyong mga iniiwasan natin. Kaya iyong ventilation gusto rin ho natin na kung na-contaminate na iyong air, mailabas.
So nandoon pa rin iyong mask, face shield, the physical distancing – hindi ho namin tinatanggal iyan. Hindi porke’t maganda po ang bentilasyon ay tabi-tabi na except the public transport na sinabi… kasi ginamit rin ho namin iyong guidelines ng DOTr na may plastic barrier in between. But otherwise in all other workplaces, talagang may physical distancing that should be complied with and the frequent disinfection. So nandoon ho, ang ventilation is just another strategy but the minimum public health standards should always be there.
Now, ano iyong mga asiste? Nakasulat din ho doon na ang DOLE, ang DTI, ang DOH, ang DPWH, DILG, DOTr, pati Tourism and the private sector dahil itong mga mechanical engineers, the ventilation/air-conditioning specialist, the engineers there kasama ho namin iyong ginagawa ito, and they have committed themselves to assist any company na mag-a-approach, or just tell us and we will help you get in touch with those who can [LINE CUT]
USEC. IGNACIO: Okay, Asec? Nawala po kayo sa linya ng ating komunikasyon. Asec., babalikan po namin kayo.
Samantala, sa iba pang balita: Higit dalawandaang pamilya po ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa Pablo Ocampo St. sa Maynila, kaya naman agad na tumungo roon si Senator Bong Go at mga ahensiya ng pamahalaan para po magbigay ng relief assistance sa mga apektadong residente. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, balikan po natin si Asec. Tess ng DOLE. Asec.?
DOLE ASEC. CUCUECO: Good morning po ulit. Pasensiya na, naputol yata tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay naman daw po ng usaping bakuna sa mga manggagawa, mayroon na po ba tayong hinahandang guidelines para dito [garbled]
DOLE ASEC. CUCUECO: Naglabas po ang DOLE ng Labor Advisory 3 on vaccination in workplaces na non-mandatory. Naglabas na po. Now, sinasabi rin doon na private employers may avail, on the vaccination program, the vaccines, because mayroon naman pong procurement program na po ito together with government. Pero in terms of vaccination, non-mandatory at ang sinasabi, i-encourage na mapabakunahan ang mga empleyado. Pero kung hindi po talaga sila papayag, hindi ho ito magiging basehan ng terminasyon, non-promotion or mga iba pa nga hindi papapasukin sa loob ng kumpaniya. Discriminatory na po iyan, hindi iyan sang-ayon po sa mga issuances ng DOLE. Naglabas na po ang DOLE kahapon ng advisory.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., may pahabol pong tanong ang ating kasama sa media. Ito po ay galing kay Michael Delizo ng ABS-CBN: Isang taong matapos tumama ang COVID-19 sa bansa, kumusta po ang epekto ng pandemya sa labor sector?
DOLE ASEC. CUCUECO: Marami hong naapektuhan, nakikita ho natin iyan. At aside from iyong mga naapektuhan na workers, marami rin pong kumpaniya na nagsara dahil sa epekto po nito sa ekonomiya din ng kumpaniya. Maraming workers ang na-dismiss na pumapasok na rin po at nagkakaroon na ng employment that is happening now. Pero naapektuhan talaga ang a big majority of the workplaces, the private workplaces.
USEC. IGNACIO: Dagdag pa rin ni Michael Delizo: Mas tumaas ba ang bilang ng mga walang trabaho o may mga nakabalik na sa pagtatrabaho? At ano po iyong mga tulong na ibinigay ng DOLE sa mga hindi pa rin po makabalik sa kanilang mga hanapbuhay ngayon?
DOLE ASEC. CUCUECO: Sa ngayon po ay nandoon pa rin naman po tayo sa ating programa, iyong mga unemployment insurance, iyong CAMP, iyong assistance sa mga nagsarang kumpaniya o pati iyong mga naging part-time workers, mayroon din ho kasing nag-i-end iyong livelihood. Iyong livelihood, tuloy pa rin po iyan. Ngayon iyong CAMP, tinitingnan ho namin sa Bayanihan III kung makakapagbigay pa rin ang DOLE doon. Even to the OFWs, tuloy pa rin naman ho ang pagbibigay tulong sa ating mga OFWs na na-repatriate.
So nandiyan pa rin po. But then iyong sa ibang pag-aasiste, natigil na dahil tapos na po iyong Bayanihan II. Mayroon pa rin naman po kaming tinitingnan sa Bayanihan III. Iyong livelihood, tuloy naman po iyan.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa amin, Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco ng DOLE.
DOLE ASEC. CUCUECO: [AUDIO OUT] Usec. Rocky, pasensiya na putul-putol po ang signal.
USEC. IGNACIO: Opo, salamat po.
Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa base po sa tala ng Department of Health kahapon, March 12, 2021: Umabot na sa 611,618 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 4,578 na mga bagong kaso mula sa report ng iba’t ibang laboratoryo. Pinakamataas po iyan matapos po ang anim na buwan. Eighty-seven na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 12,694 ang total COVID-19 deaths. Ang mga kababayan nating naka-recover naman po sa sakit, 546,912 na, matapos pong makapagtala ng 272 new recoveries kahapon. Dahil diyan, umakyat ang total active cases sa 52,012.
Update naman po tayo sa vaccination rollout at tugon ng pamahalaan sa lumulobong kaso ng COVID-19 ang ating pag-uusapan sa puntong ito, kasama po si DOH Technical Advisory Group Member at Pediatric Infectious Disease Expert Dr. Anna Ong-Lim. Good morning po, Doc.
- ONG-LIM: Good morning, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Doc., unahin ko na po itong tanong, Doc., kumusta, nakapasok daw po sa bansa ang Brazilian variant? Totoo po ba ito?
- ONG-LIM: I think we need to clarify, Usec. Rocky, na iyong tinutukoy nating Brazilian variant na medyo napabalitang mayroong mas mataas na tsansa na makapanghawa, higher transmissibility, is not the same as iyong tinatawag na Brazilian lineage which is the one that we identified. So they are not exactly the same; magkatunog po iyong pangalan pero hindi po sila magkatulad. What we have is isolates in the Brazilian lineage but not the Brazilian variant.
USEC. IGNACIO: Okay. May tanong po si—unahin ko na po iyong mga tanong ng ating mga kasamahan sa media ano po. Tanong ni Red Mendoza ng Manila Times, ganito rin po ang tanong ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines at ni Crissy Dimatulac ng CNN Philippines din: Kagabi po inanunsiyo ng Japan Health Ministry na isang pasahero po mula sa Pilipinas ang positibo sa isang variant ng COVID [garbled]. [Garbled] kaiba raw ito sa mga variants na nakita [garbled] gaya po ng Brazil at South African variants. Kinu-confirm po ba ng DOH na we have our own variant na ng sakit, ito po ba iyong sinasabi na P-3?
- ONG-LIM: Okay. Tama po iyong ano ‘no, kinu-quote nilang reports that was really announced by Japan and kung matatandaan natin noong nakaraang linggo, si Philippine Genome Center actually shared some data tungkol doon sa binabantayan nating 85 cases na mayroong dalawang klaseng variant—or rather mutations na nakapaloob doon sa kanilang na-isolate ‘no. So noong natuklasan natin itong information na ito, sinubmit natin doon sa isang global reporting system and we were waiting for them to let us know kung ito nga ba ay unique to the Philippines or natuklasan na sa ibang bansa.
They’ve come back to us and told us na ito nga ay bagong variant and they are assigning it the P-3 lineage—or the designation of P-3 ‘no, iyon po ‘yung ating tawag doon. Kasi iyon nga eh, medyo ayaw na natin iyong practice na ginagamit iyong pangalan ng isang lugar to assign the name of the virus or the variant kasi nga medyo nakaka-cause ng discrimination doon sa mga nanggagaling sa bansang iyon when in fact puwede naman siyang nakikita rin sa ibang lugar.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Carolyn Bonquin: Can you tell us daw po more about the significance of the new Philippine variant at ano po raw ang impact nito sa transmissibility and reaction to vaccine; saan lugar po ito nakita so far?
- ONG-LIM: Okay. So maybe siguro I’d like to establish ‘no the proper way to call this is the P-3 variant. We want to do away nga with referring this as the PHL variant of the Philippine variant kasi nga hindi acceptable practice iyong ganoon na we assign place names, we’re trying to veer from that.
And then with respect to characterization, sa ngayon wala pa tayong sapat na datos para sabihin kung mas nakakahawa ba siya, mas nakaka-cause ba ng lubhang sakit or mayroon bang association with higher mortality rates. We are still observing ‘no the impact of this characteristics on the particular variant na na-identify natin. Saan ba siya nakikita? Actually medyo may pangilan-ngilang lugar kung saan siya na-isolate.
USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Lim kung may sariling variant na po daw tayo ng COVID-19, does it mean na may mga environmental or health factors sa bansa kung bakit daw po nag-mutate ang virus sa atin?
- ONG-LIM: Ang critical feature talaga ng pagdi-develop ng variant eh iyong patuloy na pagkalat ng virus sa community ‘no. Isipin na lang siguro natin, let’s say isang pamilya ‘no kunwari marami siyang anak at marami ding anak or marami ding apo na nanggaling din sa mga anak na iyon eh talagang mas mabilis silang magpakalat noong kanilang lahi, ‘di ba? So parang ganito ‘tong mga virus na ‘to, habang nagpapakarami sila dahil kumakalat at kumakalat sa iba’t ibang tao eh nagkakaroon ng opportunity na magkaroon siya ng variation ‘no, ng pagbabago na eventually siya ring naipapasa doon sa kaniyang mga kalahi.
Now whether iyong pagbabagong iyon ay makakatulong sa virus, makakasama sa virus at makaka-cause ng kaniyang mabilisang pagkamatay in the environment, mahirap ngang sabihin. Kaya itong mga pagbabagong ito or these variants are being observed continuously para malaman natin kung sila ba ay magkakaroon ng any impact on disease and its spread.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po ang ating kasamahan na si [garbled] mula sa PTV: May napaulat po na iba’t ibang klase daw po ng variant ng COVID-19 na naitala sa magkakamag-anak na nakatira lamang sa isang bahay sa Quezon City. May information na po ba tayo dito? Is it possible po ba at paano ito nangyayari?
- ONG-LIM: Siguro from the theoretical standpoint, that’s possible ‘no kasi lalo na the way many households live in our country, in a multigenerational ang tawag po natin doon. Mayroon pong nuclear family kasama iyong mga kamag-anak, mayroon pang mga matatanda, may mga bata pa na hindi naman po sila iisa lang ang pinapasukan sa trabaho or ginagalawang mga community. So maaari na kahit sila ay magkakapamilya, iba-iba iyong pinagkahawaan nila at dinadala nila sa loob ng kanilang pamamahay.
So I don’t find this as a very unusual occurrence and really iyong isang unique siguro sa atin sa Pilipinas is, iyon nga eh, multigenerational families kaya mabilis ding kumalat dahil napakaraming tao sa isang pamamahay.
USEC. IGNACIO: Opo. Kahapon po, Doc, nakapagtala po tayong muli ng higit apatnalibong kaso, mismong si Secretary Duque po ay nagpahayag na naaalarma na sa dami ng naitatala araw-araw. Pero sabi po ng ilang sektor, huwag daw pong isisi lang sa pagiging relaxed ng mga tao ang paglobo naman ng kaso. Nandiyan din daw po iyong tila magkaka[garbled] o mga magkakasama na mga patakarang umiiral. So ano po iyong masasabi ninyo dito?
- ONG-LIM: Siguro mahalaga, Usec. Rocky, na tingnan natin iyong role ng bawat sektor dito sa pagsagot sa problemang ‘to. I will have to agree with Sec. Duque ‘no, talagang nakakaalarma kasi matagal na tayong hindi ganito karami ang kaso. In fact bumababa na nga tayo doon sa mga low one thousands eh tapos bigla na namang sumipa pataas and of course that is a source for concern.
I think what we need to do is lahat ng mga participants dito sa problemang ito, lahat tayo ‘no whether this is individuals or local government units or the national government should reassess – ano pa ba ang puwede nating gawin? So from the individual, I think very obvious naman ‘no, marami tayo talagang nakikitang mga tao na hindi na nagsusuot ng kanilang face mask at face shield nang maayos, medyo nakakampante ‘no doon sa kanilang mga pagkikilos and maaring hindi na napapansin nang maayos iyong physical distancing and time of interaction.
Pero hindi rin ibig sabihin na wala pang puwedeng ikaganda iyong ginagawa ng local government and national government para mas mabigyan nang kapasidad ang bawat tao na masunod itong mga recommendations na ito. Siyempre kung papansinin natin iyong public transportation system natin na talaga namang may—talagang nagsisiksikan ‘no, baka may puwede pa tayong gawin doon. Puwede ba nating isipin na mag-stagger ng work hours, hindi sabay-sabay ang pagpasok sa trabaho.
Puwede ba nating isipin na magkaroon nang mas mabilisang contact tracing para hindi na tumatagal iyong mga may sakit doon sa kanilang mga pamamahay kung hindi nabibigyan na silang opportunity na mag-isolate ‘no. So lahat ng mga puwede pang improvements na ito, definitely makakatulong sa pagbaba ng numbers ng cases na ating iniri-report.
USEC. IGNACIO: Opo. May kaugnayan po iyan doon sa isang tanong ni Michael Delizo ng ABS-CBN: Ano naman daw po ang assessment din ng DOH sa lebel ng pagpapatupad ng mga enforcer ng health and safety protocols?
- ONG-LIM: Siguro iyong isang magandang i-highlight ngayon, Usec. Rocky, kung dati maaaring ang mindset natin is sige kung may narinig akong report, aking iimbestigahan tapos hahanapin ko iyong mga kasama nito. Ngayon baka hindi na ganoon dapat ang approach natin, dapat mas aktibo tayo kasi alam nga natin ang bilis ng pagtaas ng numbers ng cases. So I think we need to shift to what is called active surveillance para atin ngang hanapin iyong mga may sakit para kung hindi man nila alam na kailangan silang mag-isolate at iyong mga kasama nila ay mag-quarantine ay masabihan na sila kaagad sa lalong madaling panahon.
Ang gusto actually natin ‘no, masakop lahat ito within a 24-hour period para hindi na tumatagal iyong kanilang pagkalat ng sakit in the communities. At sa ganoong paraan, mas mabilis nating mapababa iyong numbers of cases.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Crissy Dimatulac ng CNN Philippines: Where is the surge of COVID-19 cases happening? What prompted the surge and reaction daw po sa OCTA’s research projection na 4,000 daily new cases in NCR alone by the end of this month?
- ONG-LIM: So, nakikita naman natin doon sa datos na shinare kahapon, iyong listing ng numbers of leading cases. Nandudoon pa rin iyong ating usual – Quezon City, Manila, Pasay, Cebu. Halos iyon naman din since the past week or so. I don’t think nagbago iyong reporting cities na pinakamarami ang kaso.
Reaction tungkol doon sa sinasabi ng OCTA Research, well, unfortunately mukhang iyong kanilang modeling ay nagkakatotoo kasi nga nakikita natin eh. Actually mula pa noong February 15, pataas na ng pataas iyong mga kaso and if you will go back to the reports and the press briefings noon pang mga panahon na iyon mapapansin mo sinasabi na or nag-aalarma na ang health sector, sinasabi na mag-ingat na tayo, dumadami na ulit ang mga kaso, huwag na tayong magpabaya kasi parami na nga iyan, and unfortunately nagkatotoo na nga.
USEC. IGNACIO: Pinahihinto po ng ilang mga bansa sa Europa iyong pamamahagi ng AstraZeneca Vaccine dahil sa naiulat na blood clot sa mga nabakunahan. Pero ayon po sa DOH hindi po ito ipatitigil dito sa bansa. Ano po ang nangyari sa mga nabakunahan doon sa Europa at paano po natin masisiguro na hindi daw ito magdudulot ng masamang epekto ang mga ito sa ating mga kababayan?
- ONG-LIM: So, magandang tanong Usec. Rocky hindi lang tungkol sa usapin ng blood clots, kung hindi kung ano pa ang mapapadali pa na nangyayari matapos mapabakunahan? Kailangan maintindihan ng mga tao hindi lahat ng nangyayari matapos mabakunahan ay kasalanan ng bakuna. So, puwedeng nagkakataon lang o iyong tinatawag na coincidence, puwede rin naman tukoy na laging sa bakuna o may causality.
So, tinitingnan particularly dito sa usapin ng blood clots na ito iyong weight kung gaano ba kadalas iyan mai-report bago nagsimula ang bakunahan and kinu-compare doon sa dami ng kaso na iniri-report matapos nagsimula ang bakunahan.
Ang sinasabi ng European medicines agency o iyong kanilang katumbas ng FDA sa kanilang region na wala silang nakikitang pagbabago between the rates before and the rates after the vaccination program happened. Therefore, hindi nila sasabihin na dahil iyan sa bakuna kaya nagkaroon ng mga ganiyang events.
So, ganoon din ang prosesong sinusunod natin sa Pilipinas, tinitingnan natin kung may mga reports, ating inaalam ng maigi kung ano ba ang association niya with the vaccination and kung kailanganin aabisuhan naman natin na magkaroon ng revision in the program roll-out. Pero sa ngayon wala pa tayong nakikitang definite na association or puwedeng sabihin na direktang matutukoy na ang bakuna ang pinagmulan ng problema.
USEC. IGNACIO: May tanong po si Sam Medenilla ng Business Mirror: Kung may update na po ang DOH sa number of vaccine recipients na may complaint ng adverse effect after getting COVID-19 vaccine? If yes, ano po kaya ang breakdown ng complaint case sa vaccine na nakuha nila?
- ONG-LIM: So, let me refer to the document no, ang sinasabi kasi is about .06%, napakababa ang rates na ni-report and mayroon kasi tayong sistema na nagku-collate o nagku-compile ng mga reports na ito para ating masubaybayan at makita kung saan ba sila nanggagaling? Ano ba iyong characteristics noong mga pasyente, and so on.
So, so far right now, mababa ang rates, let me quote the exact number. So, 0.06% na classified as severe as of March 10, and this is 8 out of 12,788 vaccines. So, I think ano naman quite acceptable na mababang mababa itong numerong ito kumpara doon sa dami ng nakatanggap na ng vaccine.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Red Mendoza ng Manila Times: May mga negosyante na nag-aalala sa mataas na kaso ng COVID sa Pilipinas na halos pakiramdam nila daw po ay hopeless na or wala ng pag-asa na bumaba pa ang mga kaso dahil sa samu’t saring factor. Ano po ang reaction ng DOH dito? Pagkatapos ba ng isang taon dapat ay mawalan na ba ng pag-asa na matatapos ang COVID?
- ONG-LIM: Alam mo, madaling magsabi na hindi dapat mawalan ng pag-asa eh ‘di ba? Pero I think, we have to be very objective para tingnan kung ano ba talaga iyong nagawa na natin? Ano ba iyong naabot natin at ano pa iyong kailangang gawin?
I have to say na mula noong sumiklab iyong pandemic, marami din naman tayong natutunan? Nandudoon na iyong mas efficient na paraan para gamutin iyong mga nagkaroon ng sakit and mas naiintindihan na rin natin kung papaano kumakalat itong sakit na ito at kung papaano natin siya sasanggahin.
I think ang kalaban natin ngayon is, unang-una talagang a sense of complacency. Hindi natin maalis sa mga tao iyong pagod no na ito na lang ng ito iyong ginagawa natin kasi hindi talaga ito iyong ating nakagisnan, hindi ito ang ating normal. Pero recognizing that behavior play sa significant role, eh di, punta naman tayo doon sa non-behavioral factors na puwede natin ma-modify para tuluyan pa rin nating mabigyan ng magandang intervention iyong pagkalat ng sakit.
So, nabanggit kanina ni Red na Business sector itong nagri-raise nang kanilang concerns, maybe iyong unang, iyong sini-share kanina galing sa DOLE na ventilation guideline is something can be started and implement it well para makatulong din sa pagbawas ng rates ng sakit.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin mula kay Red Mendoza: Isang taon mula ipatupad ang lockdown, masasabi po ba ng DOH na naging tama ang desisyon na ipatupad ito noong unang buwan at payag po ba kayo na gawin ulit ito kapag nagkaroon ulit ng pagtaas ng kaso?
- ONG-LIM: Siguro kung ang health response ang titingnan, talagang natural instinct ng health professions iyong imposition of movement restrictions kapag infectious disease ang pinag-uusapan and I think at that time noong base on our level of knowledge and also with the SOPs that were being done by other countries, iyon din naman ang ginagawa. Mag-quarantine and mag-restrict ng movement ng mga tao, pero siguro ang kaibahan ng situation ngayon kahit sabihin natin o dati maraming kaso, ngayon maraming kaso bakit hindi lockdown na naman ang ating isipin?
Siguro iyong perspective diyan is naka-isang taon na tayo, hindi pa ba tayo natuto, iyong pa lang din ba ang kaya nating response? Mayroon naman tayong naiintindihan na karagdagan tungkol sa sakit na ito and of course malaking konsiderasyon iyong ating kabuhayan, in the same way na interesado tayo or pinapahalagahan natin ang buhay.
Kailangan din nating pahalagahan ang kabuhayan and dapat nandoon na tayo sa mode na kaya na natin pagsabayin ang mga konsiderasyon nitong dalawang ito. Kaya if we can find equally effective ways of containing this disease, other than a lockdown, I think we should be actively exploring this.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Michael Delizo ng ABS-CBN: Ano daw po latest figure ngayong araw sa mga kaso ng COVID-19 variants?
- ONG-LIM: Ok so, again let me refer to the numbers that were shared no, iyong P3 variant we have a number for that, that’s 98 cases in total for all the reports. The others, I am sorry I don’t have an update on that.
USEC. IGNACIO: Opo, May na-register daw po ang DOH na wasted vaccine since nag-start po ang vaccination program ng government this month, doc?
- ONG-LIM: Maybe I can share what I know from our institution, because I also do work with the Philippine General Hospital and I would think that our SOPs is pretty much the same as the other hospitals.
Ingat na ingat ang mga institutions doon sa konsepto ng vaccination stage, kasi siyempre alam natin kung ang bakuna ang mga bakuna. Ang kagandahan is that for Sinovac, it’s a single dose so walang isyu na hindi siya mauubos, iyong isang vial. Tapos iyong, sorry, Astra Zeneca naman is a multi-dose vials na nag-training naman iyong mga health care workers na nag-a-administer nitong mga bakunang ito. So, we minimize the number of doses na hindi mabubuo o matitira doon sa vial.
So maybe I can share what I know from our institution ‘no because I also do work with the Philippine General Hospital, and I would think that our SOPs are pretty much the same as the other hospitals.
Ingat na ingat ang mga institutions doon sa konsepto ng vaccine wastage kasi siyempre alam natin kulang na kulang ‘no ang mga bakuna.
Ang kagandahan is that for Sinovac, it’s a single dose so walang issue na hindi siya mauubos ‘no iyong isang vial. Tapos iyong AstraZeneca naman is a multi-dose vial na nag-training naman iyong mga healthcare workers na nag-a-administer nitong mga bakunang ito, so we minimize the number of doses na hindi mabubuo or matitira doon sa vial.
Actually, alam ninyo karaniwan, magagaling actually mag-aspirate iyong mga nurses natin kasi sanay na sanay tayo na simutin iyong gamot eh dahil alam ninyo naman, our healthcare system is really resource-challenged. And I would think that we probably get more doses out of each vial than is regularly obtained.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Rida Reyes ng GMA News: PNP Chief Sinas tested positive for COVID-19 last Thursday after his Mindoro Oriental visit. Iimbestigahan daw po ba ng DOH ang claim ng Oriental Mindoro LGU na hindi raw po diumano sumunod sa COVID-19 protocol si General Sinas nang pumunta sa kanilang probinsiya?
- ONG-LIM: I don’t think I am the appropriate person to ask about that because it is a DOH question and I just turn to DOH.
But maybe to comment na lang ‘no, I think tayo naman ay may kaniya-kaniyang awareness of what needs to be done, lalo na ngayon na dumadami ang kaso. And I think, lahat naman tayo being responsible adults, we really need to be able to comply with public health standards so that we protect ourselves and protect others.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Rida Reyes ng GMA News: New reports claim severe kidney problems have been associated with COVID-19, and second vaccine dose should not be delayed for cancer [garbled]. May we get [garbled] ng DOH daw po rito?
- ONG-LIM: So I think iyong question ni Rida is directed towards comorbidities na angkop bang makatanggap ng bakuna o hindi. In general ‘no, dahil ang mga bakunang ginagamit natin ngayon globally ay inactivated, hindi sila buhay na mikrobiyo, puwede siyang gamitin sa karamihan ng mga kundisyon mapuwera na lang siguro iyong nakaratay na critically ill or nasa ospital na may kasalukuyang malulubhang sakit.
Iyong tinatawag na stable medical conditions are qualified to receive the vaccine.
And in fact, even those patients with immunocompromising conditions o medyo may kahinaan ang immune system, we also encourage them to consult with their doctors para malaman kung sila ay dapat tumanggap kasi sila nga itong grupo na madaling kapitan ng sakit at lalong malubha ang nakukuhang severity ng sakit ‘no.
So may mga kundisyon na on surface value or on the outset ay iisipin natin, ‘Naku, sandali lang, puwede ba iyan?’ Pero dahil hindi naman buhay iyong mikrobiyo for the most part, kapag na-assess sila ng doctors nila, they will be given the go ahead to receive the vaccine.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong muling pagsama sa amin, Dr. Anna Ong-Lim mula po sa DOH Technical Advisory Group. Mabuhay po kayo, Doc!
- ONG-LIM: Thank you. Thank you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, puntahan naman natin ang iba pang balita sa mga lalawigan mula sa Philippine Broadcasting Service. May hatid na ulat ang ating kasamang si Aaron Bayato:
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa’yo, Aaron Bayato ng Philippine Broadcasting Service.
Samantala, magtungo naman tayo sa Davao. Hatid ni Clodet Loreto ang pinakahuling balita doon. Clodet?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Clodet Loreto.
At iyan nga po ang balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
Nagpapasalamat din po ako sa Philippine Broadcasting Service-Radyo Pilipinas kung saan po ay dito ako ngayon nagla-live.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita muli tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center