TULFO: Magandang umaga po, Secretary Harry, sir.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pareng Erwin. At magandang umaga, Pilipinas.
TULFO: Sir, how are you? Kumusta ho kayo? How are you feeling? May fever pa ho ba kayo? Everything is okay? Diyan lang ho kayo sa bahay?
SEC. ROQUE: Wala po, asymptomatic po ako, bagamat ako po ngayon ay nasa isang isolation facility. Isang hotel po dito sa San Juan.
TULFO: Ah, okay.
SEC. ROQUE: At marami na po akong naipasok kagabi ‘no. May isa po tayong kasamang broadcaster sa PTV 4, may isa po akong direktor sa aking opisina at mayroon doong isang Usec. ng isa pang departamento na pumasok din po dito kagabi.
TULFO: Hay, salamat naman! Salamat naman, Secretary. Ang amin pong panalangin, Sir, is for your speedy recovery. Kailangan ho kayo ng ating bayan para mag-esplika lalo na at kayo din po ay tagapagsalita ng IATF, Secretary Harry.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po! Salamat po sa inyong mga panalangin.
TULFO: Sir, ito lang po – I don’t know kung ito po ay napag-uusapan na ng NTF, ng IATF – kasi po ang PCCCI (Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry) ganoon din po si Deputy House Speaker Rufus Rodriguez at maging ang Employers Confederation of the Philippines ay nagri-request po sa pamahalaan na payagan na po ang private sector, ang mga malalaking kumpanya, business organizations, na makapag-angkat ng sarili nilang gamot para kahit papaano, Sir, ay makatulong po ito mapaluwag, mapapabilis pati ang pagpapabakuna rather than we all wait dito po sa hinihintay ng gobyerno. Ito po ba ay pinag-uusapan na ngayon ng IATF kung papayagan po itong mga private sector, Secretary?
SEC. ROQUE: Pareng Erwin, talagang pinapayagan po natin ang private sector pero ito po ay sa pamamagitan ng tripartite agreement. At ang dahilan po ay hindi naman po sila makakabili sa open market ng mga bakuna dahil wala pa pong bakuna na for general use approval, for commercial distribution.
So, lahat po iyan bibilhin sa pamamagitan po ng emergency use authorization at kaya po kinakailangan na kabahagi ang gobyerno sa pamimili dahil doon po sa kanilang pipirmahang dokumento ay nagsasabi rin din doon na ang pananagutan sa paggamit po ng bakuna ay dapat sagutin din ng gobyerno.
So, uulitin ko po, pinapayagan po natin ang pribadong sector na bumili pero dahil hindi pa po approved for commercial use ang mga bakunang ito, kinakailangan dumaan pa rin po sa tripartite agreement nang sa ganoon gobyerno po ang mananagot sa mga side effects.
TULFO: Kung saka-sakali, Sir, eh ‘di sa tripartite magiging tax-free po ba ito para sa mga for example, a big corporation who will go with the government doon sa tripartite, libre po ba iyong tax nito, Secretary?
SEC. ROQUE: Libreng-libre na po, dahil inaprubahan na po natin iyong panukalang batas na nagsasabi na libre po siya sa taxation, sa kahit anong import duties.
TULFO: Panghuli na lamang, Secretary. Would you happen to know kung may mga malalaking business organizations na po ang nakapag-order na at napadalhan na ng mga bakuna, Secretary, or purely sa government pa lang po natin ang dumarating?
SEC. ROQUE: Wala pa po ano. Iyong mga nakipagpirmahan na po ng tripartite agreement, ang una pong binili nila ay AstraZeneca, naghihintay pa rin po sila at inaasahan po natin na darating po iyan either second or third quarter ng taon na ito.
TULFO: All right. Secretary Harry, Sir, get well soon ano po! Kailangan po namin kayo at, we kind of miss you.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Pareng Erwin! Maraming salamat talaga sa inyong good wishes and magandang araw po sa inyong lahat.
TULFO: Thank you po at good morning.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center