SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Lumalakas na naman po ang ingay sa pulitika, may ilan na nananawagan pa na dapat daw po buwagin ang Inter-Agency Task Force on COVID-19, ito’y sa gitna ng tumataas na kaso ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang lahat po ng desisyon ng IATF ay nakabase po sa sensiya. Well, si Dr. Edsel Salvaña na po at si Usec. Vergeire ang nagsabi, isa sa napakadaling dahilan sa pagtaas ng mga kaso ay dahil dito sa mga bagong variant. Tanggapin natin o hindi, nag-mutate po ang mga virus at hindi naman po siguro kasalanan ng IATF na nag-mutate itong mga virus sa pamamaraan na mas nakakahawa sila.
Hindi lang po Pilipinas ang nagkakaroon ng ganitong spike ng mga kaso ‘no. Ang new variants din po ang naging dahilan kung bakit nag-lockdown din po sa France at sa Poland; mahigpit din po sa Hungary, Bulgaria, Bosnia; samantalang pinag-iisipan po ng Alemanya ang paghihigpit muli. Dahil dito, direktang hinarap ng inyong IATF ang new variants sa pamamagitan ng pagpapatupad ng additional restrictions simula po kahapon. Mararamdaman po natin ang epekto hindi po ngayon, hindi po bukas, kung hindi matapos po ang incubation period ng virus sa dalawang linggo.
Now, kilala naman po natin na ang anyo ng ating kalaban na COVID-19, may higit isang taon na tayo na naririyan po ang virus na iyan. Kaya nga pinaigting po natin ang ating testing para malaman kung sino ang mayroong coronavirus o wala. Mula isang lab noong February 21, naging 229 labs na po as of March 19, 2021. Mula 3,000 daily test noong Abril 2020 ay naging 50,294 tests na ang naisagawa natin kada araw ngayong Marso. Hindi po iyan incompetence!
Alam na natin kung paano kumakalat ang kalaban na si COVID-19, kaya nga pinaigting naman po natin ang ating isolation para maihiwalay ang tinamaan at protektahan ang walang sakit. Dito sa Metro Manila, ang ating quarantine facilities ay may bed capacity na mahigit anim na libo or 6,595 – sa Metro Manila lang po iyan – samantalang nasa 83 ang ating temporary treatment and monitoring facilities. Ang mga numerong ito po na nakikita ninyo sa ating screen ay as of March 17, 2021. Nasa 76,915 ngayon ang nasa isolation facilities, ayon po sa report ng Oplan Kalinga.
Alam na rin po natin kung paano gamutin ang mga pasyente laban sa kalaban nating COVID-19. Patuloy nga po ang pagbaba ng ating case fatality rate, ayon sa DOH case bulletin kahapon, March 22, nasa 1.93 or two percent ang ating case fatality rate. Makikita ninyo po sa case fatality rate ‘no na ang Pilipinas po ay 1.3 – mataas po iyong mga ibang bansa ‘no gaya po ng Brazil, gaya po ng Russia, gaya po ng France.
Huwag naman po nating balewalain iyong hirap ng mga frontline workers natin at iyong mga nagtatrabaho sa iba’t ibang mga sangay at ahensiya ng gobyerno na working together po under the IATF.
Tignan din po natin ang ranking ng Pilipinas bago ang spike at pagkatapos ng spike. Okay, makikita ninyo po na sa total cases, nananatili pa rin po tayong 30 sa buong daigdig. Before March 20, 2021 na nangyari po iyong spike, nasa Number 31 po tayo. Sa active cases, talaga pong tumaas tayo dahil dumami po ang ating active cases. Bago po nag-spike tayo po ay 41 worldwide; ngayon po tayo ay 26. Iyong cases per one million population po, nananatili po tayong 135 in the world. At ang ating case fatality rate po ay bumaba pa po tayo – dati-rati po ay Number 65, ngayon po ay Number 70. Patunay po ito na we are doing the right thing.
Now, ito po ay patunay na nagagawa ng IATF ang kaniyang misyon gamit ang ating mga sandata. Ang siyensiya ng mask, hugas, iwas, isolation, treatment at unti-unting pagbubukas ng ekonomiya, tulong at ayuda, epektibong fiscal management, coordination sa mga lokal na pamahalaan ang dahilan kung bakit nasa halos nobenta porsiyento o 86% ang bilang ng mga gumagaling. Huwag naman po natin sanang maliitin ang sakripisyo ng mga doktor, eksperto at government workers na bumubuo ng IATF.
Ang IATF, kung inyong matatandaan, ay whole of government approach. Bawat ahensiya at departamento, kasama ang ating mga lokal pamahalaan ay may kinalaman sa mga naging desisyon at aksyon nito. Maging patas at objective po tayo.
Nagbigay ng kaniyang regular Monday Talk to the People Address kagabi si Presidente Rodrigo Roa Duterte kung saan ang inyong lingkod ay um-attend via Zoom. Ito ang ilan ng mga highlights ng kaniyang sinabi:
- Ipinaliwanag po ng Pangulo na bagaman mabilis ang pagtaas ng mga kaso ng COVID 19 sa bansa, hindi pupuwedeng muling ipasara ng pamahalaan ang ekonomiya.
Kasama po natin ngayon si NEDA Chief Karl Chua para iprisenta po iyong cost-benefit analysis, kung ano po ang mangyayari kung magsasarado tayong muli ng ating ekonomiya. Kinakailangan pong ibalanse ang kaligtasan ng mamamayan at ang hanapbuhay ng ating mga mamamayan.
- Binigyan-diin kagabi ng Presidente na wala sa pamahalaan ang COVID funds o iyong mga inutang na pera pambili po ng bakuna. Walang hawak na cold cash ang gobyerno. Ang pondong inutang ng pamahalaan ay nananatili po sa poder ng mga nagpapautang bangko. Kung mayroon po tayong babayaran, diretsong ibabayad po ng mga bangkong ito doon po sa mga vaccine manufacturers.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, nasa 82.5 billion ang perang inilaan para sa COVID-19 vaccination program, kasama na rito ang bakuna, logistics, iba pang supplies pati waste disposal.
Now, kung saan po napunta iyong mga inutang pa nating ibang mga pera, well, 250 billion po ang ginastos natin sa Social Amelioration Program o SAP. Gumastos po tayo ng 3.8 trillion hanggang nasa 4.23 trillion naman ang ginamit para sa ating mga health workers at iba pang programa na nakatutok po sa COVID-19.
- Inutos din ng Pangulo na tugunan ang napapabalitang tatlong araw na delay sa pag-release ng swab test results ng returning Overseas Filipino Workers. Ipinaliwanag po ni Defense Secretary Lorenzana who is also NTF Chairperson na ang delay ay dahil sa naantalang processing sa Philippine Red Cross na sa ngayon po ay natugunan na.
- Ini-report naman po naman po ng National Task Force Chief Implementer at ang ating Vaccine Czar Carlito Galvez na inaasahang nasa kalahating milyon hanggang isang milyon kada linggo ang mababakunahan simula sa susunod na buwan na Abril dahil sa pagdating ng marami pang bakuna at pagsisimula ng bakuna sa ibang sektor na nasa priority list.
Kasama rin po natin maya-maya lamang si Secretary Galvez para magbigay-detalye rito.
Napag-usapan din kagabi ni Presidente ang Republic Act # 11525 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 kung saan nabanggit ang indemnity. Lilinawin ko lang po ‘no, mayroon na pong batas na nagsasabi, gobyerno ang magbabayad sa mga side effects ng mga bakuna. At ito po ang dahilan kung bakit, bagama’t pinapayagan natin ngayon ang mga pribadong sektor na bumili ng bakuna, kinakailangang dumaan pa rin po sa tripartite agreement. Bakit po? Wala pong commercial sale ang mga bakuna, lahat po iyan ay wala pang certificate of product registration; mayroon lang pong Emergency Use Authorization. At dahil dito, talagang hindi ho pupuwedeng pumunta sa kahit anong manufacturer ang private sector para bumili ng bakuna na hindi po involved ang gobyerno. Kaya po involved ang gobyerno, mayroon nga tayong batas, itong COVID-19 Vaccination Program na nagsasabi na gobyerno na ang magbabayad sa mga side effects sa mga bakuna na covered lamang ng EUA.
Now, kahapon, dalawang beses o dalawang konteksto nagamit ang indemnity. Unang-una, si Secretary Dominguez ginamit iyong salitang indemnity kasi lahat din ng mga vaccine manufacturers kung ang bibili ang pribadong sektor ay humihingi ng indemnity doon sa bayad din at indemnity doon sa pananagutan in case of side effects. Kaya nga po kinakailangan, pumirma pa rin ang gobyerno.
At kahapon din, iyong sinabi naman po ni Presidente na hindi naman pupuwede na walang pananagutan ang pribadong sektor, ito po ay dahil nakasaad nga po sa batas natin na bagama’t gobyerno ang magbabayad ng side effects ay may dalawang exceptions po dito: Kung nagkaroon po ng tinatawag na willful neglect o iyong tinatawag na gross negligence. Ito po iyong kapabayaan na wika nga ni Ms. International, eh major-major na kapabayaan ‘no – gross negligence. Sana po nalagay na natin sa tamang konteksto ang sinabi ni Presidente dahil mayroon pong mga parang hindi po tamang interpretasyon na na-publish na sa ilang mga peryodiko.
Okay, punta naman po tayo sa COVID-19 updates. Mayroong nai-report kahapon na 8,019 na mga bagong kaso ayon sa March 22, bulletin po ng Department of Health. Now, nananatiling mataas po ang gumagaling nasa 577,850. Samantalang mayroon na po tayong 12,972 or 1.93 case fatality rate, nakikiramay po kami sa mga pamilya ng nabawian ng buhay.
Pumunta naman po tayo sa confirmed COVID-19 cases by adjusted date on onset ‘no. Makikita po ninyo talaga na sa simula noong Marso ay talaga pong sumipa pataas ang mga kaso. Pero huwag naman nating balewalain iyong mga nangyari bago mag-Marso tumaas po iyan at napababa po natin. Tumaas nga po iyan among others, dahil nga po sa bagong variant. Unless sasabihin ng mga kritiko ng gobyerno na IATF ang nag-imbento ng mga mutant variants. Eh unfair po na sabihin na itong pagtaas na ito ay dahil sa incompetence. Wala po tayong magagawa, talaga pong anyo ng mga viruses na nagmu-mutate. Pero ang tanong po, dito po sa graph na ito makikita rin po ninyo na nalampasan na natin iyong peak na nakita natin noong Agosto na karamihan ng kaso ay nasa Metro Manila at Region IV-A.
Ito naman po ang Regional Healthcare Utilization Rate or HCUR. Makikita po ninyo na mayroon talagang dalawang rehiyon na malapit na po sa moderate, ito po ang NCR at ang CAR. At papalapit na rin po sa moderate ang Region III at saka ang region IV-A, kaya nga po tayo po ay nag-bubble po. Pero ito po ay papalapit pa lamang sa moderate risk, iyong yellow risk.
Okay, bago po tayo pumunta sa ating mga bisita, isang mahalagang anunsiyo po. Ang DTI po kahapon ay nagsabi na bagama’t hindi po kasama sa mga ipinagbabawal na negosyo ang gyms, spas at internet cafes. Mayroon pong colatilla sila, [inaudible]. Sarado po sa susunod na dalawang linggo ang mga gyms, spas at internet cafes. Uulitin ko po alinsunod sa guidelines inisyu ng DTI na mayroon kapangyarihan ang mga LGUs na isara ang gyms, spas and internet café. Nagbotohan na po ang mga Metro Manila mayors at sarado po sa susunod na dalawang linggo ang gyms, spas at internet café.
Mahalagang anunsiyo. Well, ito po ay may kinalaman sa bulletin or advisory mula sa St. Luke’s BGC and Quezon City, PGH, Makati Med, Asian General and Medical City. Kahapon po ang sinabi natin na iniengganyo natin iyong mga pribadong ospital na itaas hanggang 30% iyong kanilang mga COVID bed allocations. 30% sa pribadong sektor at 50 porsiyento sa gobyernong mga hospital. Iyong mga anunsiyo po na napuno na, na inisyu ng mga pribadong hospital, puno na po iyong COVID bed allocations nila, hindi naman po ibig sabihin na ang hospital mismo ang napuno na. Mayroon pa po silang espasyo para sa mga non-COVID cases.
Okay. Dito po nagtatapos ang ating presentasyon.
Unahin ko na po, with the kind indulgence of Sec. Galvez and Sec. Dizon, si NEDA Acting Chief Secretary Karl Chua dahil importante po iyong cost-benefit analysis na iprinisinta ni Secretary Chua noong nag-uusap-usap po ang IATF kung ano ang hakbang na gagawin dahil nga po dito sa tumataas na kaso ng mga COVID-19. Ang pinagpipilian po noon ay pagbabalik sa pagsarado ng ekonomiya sa pamamagitan ng ECQ or MECQ or iyong pinapatupad natin ngayon na travel bubble, stay at home ang mga comorbidities at mga seniors at siyempre po iyong pakiusap, wala munang kapitbahayan, wala munang pagbibisita, pagsusuot ng mask pati sa bahay lalung-lalo na kung mayroong kasamang elderly at mga vulne4rables.
Secretary Karl Chua, the floor is yours for the cost-benefit analysis that you presented to the IATF.
NEDA SEC. CHUA: Magandang hapon po, Spox Harry at sa mga nakikinig sa atin. Ang ipapaliwanag ko po ngayon sa taumbayan ay iyong cost-benefit analysis of quarantines and the need to manage risk. Mayroon po kasing nagsasabi na iyong desisyon ng IATF ay hindi base sa siyensiya at sa mga datos, hindi po iyan totoo. Lahat po ng recommendation po ng IATF lalo na po iyong galing sa NEDA, ang basehan po dito ay iyong data at nang nagrekomenda po kami na buksan iyong ekonomiya last October, tapos iyong last February, all of these are based on the data.
So simulan ko muna iyong aking presentation by highlighting the key messages. Una po, we need to continue managing risk as COVID cases rise. We do this by focusing on localized quarantine and addressing the sources of highest risk so that jobs and livelihood of the far majority will not be affected.
Pangalawa, when we open the economy, last October 12, 2020, cases did not spike nor did cases spike during the yearend holiday and the first two months of 2021. Iyong cases nga, it was on a generally downward trend, this was due to our strict compliance with the health standards and our gradual and careful approach to the reopening of the economy.
Number three, the issue we face now is not about economy versus health, it is the total health of the people whether from COVID, non-COVID sickness or hunger.
Number four. We have been in lockdown or quarantine for a year at as a result 3.2 million people or 23% of NCR people are hungry according to the SWS survey. There are also 506,000 jobless in NCR according to the Philippine Statistics Authority survey. And every day that we are still in GCQ, it causes the NCR people and the adjacent provinces – Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite – P700 million in wages per day, so ito iyong nawawalang suweldo, kasi hindi po ganap at bukas iyong ekonomiya.
Number five. We also have much higher deaths due to non-COVID because many people cannot afford treatment kasi nawalan ng trabaho. High burden disease claim in PhilHealth is 75% down. So in summary, we also have to look after their welfare. So ngayon since nabanggit ko po iyong key messages tingnan po natin iyong data.
Una po, we have been experiencing one of the longest lockdown or quarantine. Exactly one year ago, we started with the ECQ sa NCR iyong red, tapos iyong gitna ng May pumunta po tayo sa MECQ, iyong pink tapos, tapos GCQ, tapos bumalik tayo sa MECQ, tapos for the next 6 or 7 months tuluy-tuloy po iyong GCQ. Iyong NCR accounts for 32% of the economy – 1/3, so ibig sabihin kung hindi ganap na bukas iyong ekonomiya ng NCR, hirap po iyong ekonomiya natin.
Ngayon, Regions III and IV-A ito iyong karatig na regions, 26% of the economy ang representation nila. Pero katulad po ng NCR maraming lugar tulad ng Batangas ay tuluy-tuloy pa rin iyong GCQ. The rest of the regions, sa Northern Luzon, Visayas at Mindanao and Bicol, they comprise 42% of the economy, mas maluwag iyong kanilang quarantine status – MGCQ. So iyan iyong una pong basic fact.
Pangalawa po, ayon po sa datos ng Philippine Statistic Authority iyong buong taon na nasa quarantine po tayo, P1.04 trillion iyong nawala in terms of income and wages and salaries to the people. So the average is P2.8 billion per day or per person, ang average na nawala for the entire year is P23,000. Pero itong average, hindi po siya ganiyan kagandang figure, kasi may iba kasi nawalan talaga ng trabaho at hit much harder specially in some sectors that have been closed, kasi hindi po sila essential sectors.
Ngayon, when we open the economy last October, cases did not spike for five months. Ito po iyong datos para sa NCR, ang source nito ay Department of Health, ito po iyong daily cases. Pansin po ninyo nag-peak po tayo last year around July and August at around 2,500 per day. At iyan iyong dahilan kung bakit nag timeout tayo at bumalik tayo sa MECQ, pero maganda po iyong pag-enforce natin ng health standards. Kaya kapag nakita ninyo after August pagbalik natin sa GCQ hindi naman umakyat iyong cases, pababa nang pababa nang pababa iyong cases.
Tapos iyong nakita po ng NEDA na pababa iyong cases habang nasa GCQ tayo, nagmungkahi ang NEDA at ang economic team na further i-open iyong economy. Marami pong nag-complain, marami pong nagsabi na baka mag-spike iyong cases pero ito iyong datos pababa at pababa at pababa iyong cases even when we decided to open the economy last October 12. Hindi pa siya full opening pero bumalik pa iyong public transport, iyong age restrictions we relaxed it a bit, iyong restaurants nag-open, nag-increase ng capacity and so on ‘no.
Ngayon may nagsabi rin na iyong Christmas season aakyat iyong case pero hindi rin po natin nakita na umakyat iyong case kasi tuloy po iyong pag-comply ng taumbayan sa health standards. Pagdating sa January at February hindi pa rin natin nakita na umakyat iyong case, tuluy-tuloy po. So after five months of partial opening, hindi po natin nakita na umakyat iyong case. So I do not think it is the main reason or a reason na bakit umakyat iyong case starting March ‘no. So iyon po ‘yung unang mensahe ko, tingnan po natin iyong datos.
Iyong next po, dahil sa GCQ almost a quarter of NCR people are hungry. This is very concerning kasi 3.2 million ang gutom ngayon sa NCR dahil sa GCQ. Iyong areas outside NCR have far less hungry people at simple lang iyong dahilan – mas relaxed po iyong quarantine, MGCQ. So iyong red ito iyong NCR hunger 23.3%, iyong blue areas outside NCR 14.9% in the fourth quarter.
Pero saan po sila galing? Galing po sila sa 34% when they were in GCQ. Iyong nag-relax po tayo ng quarantine, ang laki ng bagsak ng mga nagugutom outside NCR, 18 million people said they were no longer hungry when we shifted from GCQ outside NCR to MGCQ in the last few months of 2020.
Ngayon iyong unemployment rate sa NCR nag-improve naman in the fourth quarter pero mataas pa rin, 12.4% as of the fourth quarter last year. Pero tingnan po natin iyong unemployment rate, iyong blue, outside NCR – mataas po siya in the second quarter, 18.6% pero dahil nag-relax po iyong quarantine outside NCR, bumaba ito to 7.7 – mas marami iyong may trabaho outside NCR pero iyong NCR 400,000 iyong walang trabaho dahil sa GCQ. At lahat po ng datos nito ay pinag-isipan nang mabuti bago nagrekomenda iyong IATF kung anong gagawin natin this week and next week.
Ngayon dapat concerned din tayo na 95% of deaths in the Philippines are from other factors. Ito po iyong latest data for the full year galing sa Philippine Statistics Authority. ‘Pag may namamatay kasi nagsa-submit ng death certificate at ito ay iniipon at kinu-compile ng PSA pag-submit ng Local Civil Registrar. Nakikita po natin na according to the death certificate, iyong COVID suspect 20,000 deaths for the full year. Iyong COVID confirmed 8,404 tapos iyong pneumonia 32,789 – ito po ay nakakalungkot pero dapat tingnan po natin iyong buong picture.
Iyong heart disease, iyong mga namatay sa heart attack ay 100,000 plus ang namatay; iyong cancer – 62,000; iyong stroke – 60,000; diabetes – 37,000; iyong parasitic diseases, iyong may intestinal worms – 30,000; hypertension – 29,000; abnormal clinical or laboratory findings, ito iyong pinagsama-sama na iyong lahat iyong mga iba’t ibang sakit – 24,000; liver disease – 23,000; kidney failure – 20,000; bronchitis – 19,000. So nakita po namin iyong datos at sabi namin kailangan din natin tulungan iyong mga mas nakakarami na namamatay dahil walang suweldo, walang trabaho at hindi makapunta sa hospital for treatment.
At iyong totoo nga, according to a study by Center for Global Development na gumamit ng PhilHealth data, iyong claims for high burden diseases, iyong mga talagang hindi ka makakapagtrabaho nang maayos tulad ng cancer, diabetes, hypertension – it dropped by 75% during the pandemic. Ang ibig sabihin nito, hindi naman biglang gumaling lahat sila. Ang ibig sabihin nito majority of the people are deferring health treatment due to the lack of resources for healthcare, mobility restrictions and the fear of getting infected in the hospital.
So ganiyan karami iyong cases na pag-file sa PhilHealth na bumagsak at sila ay naghihirap din sa bahay at hindi po makakuha ng treatment. At natatakot kami na baka this year or next year, iyong kanilang sakit ay lumala at hindi na po makakapagpagaling. Ang breakdown nito if you look at the gastroenteritis, asthma, cancer, kidney disease and so on ‘no, dengue, diabetes, hypertension, heart disease, pneumonia, stroke, tuberculosis lahat bagsak.
Ibig sabihin hindi po sila nagki-claim sa PhilHealth dahil hindi po sila nakakapunta sa hospital at kulang po iyong kanilang suweldo at kanilang mga kita or salary para matugunan iyong kanilang ibang sakit. At sila ay concern din ng gobyerno kaya iniingatan po natin iyong bawat recommendation natin na holistic iyong approach whether you are suffering from COVID or non-COVID or even hunger.
Last slide na po, Secretary. Kaya ang ginawa namin sa IATF, binalanse po namin. Ano ang cost-benefit in case we go to MECQ or its equivalent. So in terms of COVID, we will prevent 266,000 plus cases and 4,000 plus deaths and 11,000 plus severe and critical case so maganda po iyon. Pero kung bumalik po tayo sa MECQ, ito iyong mangyayari sa NCR – mayroon na po tayong 3.2 million hungry people, madadagdagan pa ito ng 58,000. Iyong unemployed na 506,000 na kasalukuyan na walang trabaho madadagdagan pa ito ng 128,000. Iyong income loss 2.1 billion in NCR and adjacent area ‘pag nag-MECQ tayo. Iyong mga mamamatay sa non-COVID 78,000 at iyong mga forgone treatment 75,000.
So lahat po iyan binalanse natin kaya iyong final decision po ng IATF, iyong in-announce po ni Spox Harry: iyong localized lockdown, continue public transport, continue curfew except for workers, essential travel only outside the mega Manila bubble or iyong NCR Plus, iyong office reduced capacity at work-from-home pero iyong iba regular pa rin, iyong mga factories, supermarket; wala muna indoor dining; puwede outdoor, takeout or delivery; no gatherings, wear mask at home, no visitors.
So iyan po iyong proseso na ginawa po ng IATF, always based on the data and the recommendation based on science. So iyan po, maraming salamat Spox Harry.
SEC. ROQUE: Well, maraming salamat Sec. Chua ‘no. Mahaba po iyong explanation ni Sec. Chua pero kinakailangan po talagang ipresenta iyan dahil may mga ilang nagsasabi na incompetente daw po ang IATF. Mayroon ding ibang nagsasabi na parang mas magaling sila magbigay ng recommendation. Pero sa katotohanan lang po ang IATF hindi po iisang tao, hindi iisang ahensiya – lahat po ng ahensiya ng gobyerno pinagsama-sama. Napakadami pong mga matatalinong Pilipino ang nagsama-sama para nga po humanap ng solusyon at ito’y nagpapakita po kung paano gumagawa ng mga desisyon ang IATF.
At gusto ko po iyong sinabi ninyo, hindi po natin binabalanse ang ekonomiya at ang kalusugan. Ang ginagawa po natin iyong total health ng ating mga kababayan kasama na iyong mga nagugutom, nawawalan ng trabaho at namamatay sa ibang mga dahilan dahil sa COVID-19.
Now mayroon din pong pumupula, bakit kasi sundalo ang ina-appoint dito sa IATF. Well, wala naman pong na-appoint sa IATF outside of iyong mga secretaries at mga namumuno ng opisina. Totoo po maraming mga military pero isang dahilan po kung bakit nagtitiwala ang ating Presidente eh dahil magaling po sa logistics ang ating mga military.
Now kung ang pinag-uusapan ay hindi naman iyong papaano magma-manufacture ng bakuna, kung hindi paano makakarating ang bakuna sa lalong mabilis na panahon, sa panahon na ang mga mayayaman ay na-corner na iyong otsenta porsiyento ng mga bakuna na ginagawa ng mga western countries, siyempre po sa tingin ng Presidente at sa tingin ko naman tama ang Presidente – ang pinakamagaling na italaga diyan ay isang dating militar, dating Chief of Staff, dating hero ng Marawi ‘no – si Secretary Carlito Galvez.
Sir, ano na po ang latest sa ating pag-aangkat ng mga bakuna at kailan natin inaasahan na talagang magiging malawakan na ang ating bakuna at maa-achieve pa ba natin iyong tina-target natin na 50 to 70 million vaccination sa taong ito? The floor is yours, Secretary Charlie Galvez.
SEC. GALVEZ: Magandang tanghali po sa lahat ng nanunood at nakikinig po sa ating programa. Sa ngayong tanghali po ay akin pong iri-report sa inyo ang status ng ating vaccine rollout, deliveries at ang partnership po natin, ng gobyerno at ng pribado to achieve iyong whole-of-nation na approach.
Sa status po ng rollout, tayo po ay nakapagtala na po ng 408,995 na health care workers na po na ating nabakunahan. Ito po ay mayroong tinatawag na 53.3%, over targeted iyong first dose natin. At 36.36% naman over the total vaccinated deployed. Ang ating deployed na vaccines sa ngayon ay almost one hundred percent na 1,105,500. At ito po ay kumakatawan din po, iyong 408,000 ay kumakatawan din po sa 24% over the total health care workers nationwide, iyong 1.7 po na total healthcare workers.
Ang remaining na vaccine delivery po nga natin ngayon ay aabot po sa dalawang milyon three hundred seventy-nine thousand two hundred doses. Ito po ay magmumula sa March 24 na delivery na 400,000 sa Sinovac; at mayroon po tayong inaasahan galing sa COVAX, iyong 979,200 na maaari pong i-deliver ngayong March 22 to 26. At ngayong March 29, magkakaroon po tayo ng first delivery sa ating procured na vaccine from Sinovac that is one million. So ito po ang ating matatanggap pa po sa first quarter.
Ang ating mga vaccination sites ay more or less 4,500 pero iyong vaccination sites natin na nagagamit ngayon ay 1,523. Ang coverage po niyan ay 771 cities and municipalities.
Sa second quarter naman po ay mayroon po tayong inaasahan sa April na 5,500 doses. Ang dini-declare po namin ngayon ay monthly na para at least ay magkaroon po tayo nang tinatawag nating strategy na magkaroon po tayo ng steady supply kada buwan.
So sa May naman po, mayroon tayong inaasahan na 8,974,000 dahil magkakaroon na po tayo ng first delivery sa AstraZeneca. Ito po iyong binili ng mga private sector na 2.6 million.
And also, mayroon din po tayong aasahan na mga more or less 200,000 sa early delivery ng Moderna. At iyong ating regular na delivery from Sinovac, Gamaleya at saka sa AstraZeneca.
Ngayong June delivery naman po, magkakaroon po tayo ng, more or less, 12 million doses. Ito po ay bubuo po iyong second quarter na, more or less, magkakaroon po tayo nang second quarter na, more or less, mayroon po tayo na 22 million sa total na ano po natin.
And then sa third quarter po ay magkakaroon po tayo ng scaling up dahil majority ng ating procurement ay darating po sa third quarter. At ito po ay magkakaroon po tayo ng regular early deliveries sa Novavax, sa Johnson & Johnson, and also from Moderna and also AstraZeneca. At ito po ay dadagdagan po sa coming August ng major deliveries na hihigit po sa more or less 20 million doses.
Ganoon din po sa September deliveries, at iyong fourth quarter deliver natin ay magiging steady na po na hindi po siya bababa ng 20 million doses.
So with these, ang total po na mari-receive po natin ay, more or less, 140.5 million doses. This is excluding po iyong COVAX Facility.
And then iyong target vaccination po natin this coming April and May ay hihigit po tayo sa 500,000 to one million per week. And then mag-i-scale up po tayo kapag nagkaroon na po tayo ng experience curve at ma-simulate natin mabuti, maging simulado, ay aakyat po tayo sa June and July, na more or less one million to two million per week.
And then ito po iyong tinatawag nating graphical representation na iyong 140 million doses na magkakaroon po tayo ng mga steady supply, more or less, this coming May hanggang December. Ang ano po natin ito, magkakaroon po tayo ng scale up procurement this coming second quarter which Sinovac, Sputnik V, AstraZeneca, Moderna and Novavax. Ang target po nating mabakunahan ay 70 million, at sinabi ko na nga po na pataas po nang pataas ang ating target sa daily vaccination rollout po natin.
At ito po ang status ng COVID-19 vaccine procurement: Iyong may star po, ito na po iyong tapos na po iyong supply agreement. So tapos na po ang supply agreement ng Sinovac [technical difficulties] …Sinovac po mayroon tayong ongoing payments and deliveries by month po ito; steady po iyong supply niya. And then AstraZeneca, mayroon po tayong 17 million doses from LGUs and private sector. Labing-isang milyon po sa LGU at anim po sa private sector.
Sa Moderna po, last week, nagkapirmahan po kami ng supply agreement. May 13 million doses po ang government procurement, iyan na po. Kasi may mga ibang news ano po na sinasabi po nila na iyong 13 million ay binili rin po ng private sector. Lilinawin ko po na mayroon po tayong dalawang agreement sa Moderna: 13 million ang government bilateral procurement with Moderna, at mayroon po tayong seven million doses sa private sector. Sa Novavax po tayo, mayroon po tayong13 million doses government procurement, at mayroon po tayong nini-negotiate na 15 million doses for private sector and LGU through Unilab and Faberco. Sa Johnson & Johnson po, may five million doses po tayo at ang supply agreement po ay amin pong tinitiyak na magkaroon po kami ng signing this coming next week before the weekend.
And then Gamaleya, mamaya po ay mayroon po kaming 2:30 na negotiation and we are negotiating for three million for this month. At nangako naman po ang Russia na magbibigay siya ng Gamaleya – Sputnik V, in the middle of April.
And then iyong Pfizer, ongoing pa rin po ang negotiation kasi hindi pa po natin natatapos ang indemnification requirement. At the same, alam naman natin iyong Pfizer, AstraZeneca, Moderna at saka iyong ibang produkto like Johnson & Johnson, na-capture na po ito ng European Union, ng Europe at saka po ng US. So karamihan po ng mga supply po ng Pfizer ay magiging available by late of third quarter and fourth quarter.
So ito po iyong ating ways forward. Ang sinasabi po natin na marami pong mga countries na they start vaccinating iyong health care workers. Pero nakikita po natin iyong proseso na tinatawag nating sequential at saka po iyong serial, talaga pong mahihirapan po tayo dahil kasi ang nangyari po, habang nagbabakuna po tayo ng health care workers, nakatengga po ang private sector, ang LGU at saka national government. Meaning, kapag pinul [pooled] po iyong tinatawag nating ating mga resources, magkakaroon po tayo ng simultaneous vaccination.
Noong una po, nakita po natin ang US ay napakabagal ng two months. Kasi po ang ginawa po nila, talagang sinentro po muna nila sa health care workers. Ganoon din iyong ibang countries like Indonesia at saka Malaysia. Pero ngayon natuto po ang kanilang procedures, ginawa po nila iyong tinatawag na gun chart na mayroon pong simultaneous na rollout lalo na po doon sa priority A1 hanggang A4.
So ito pong ginawa ng US na at the middle po of the vaccination of the health care workers, nag-vaccinate na po sila ng essential workers na 75 years old and up, and then sumunod na po iyong all 65 years old to 74 years old, and next is from 16 years old to 64 years old. Ganoon din po iyong Israel na ang kanilang binakunahan ay ang health care workers at sinabay nila po iyong 60 plus at saka iyong at risk, meaning iyong may burden of disease; pinagsama na po nila ang health workers, ang seniors at saka po iyong may comorbidities. And then sinunod po nila iyong 55 years old, 40 years old, 35 years old and 16 years old.
Ganoon din po ang Indonesia. Ang ginawa po ng Indonesia ay habang half-way po iyong health care workers, nag-concentrate din po siya sa elderly. So nagkaroon po siya ng early deployment noong January, at ngayon po ay tumaas po ang kaniyang level ng vaccination to 340,000 dahil po hinayaan niya rin po ang private sector na magkaroon po nang tinatawag na vaccination at saka bumili rin po sila ng Moderna at Sinopharm. Parang gumaya po sa atin.
Iyon po ang ano natin, and then ito po ang ginawa po namin na simulation na tinulungan po kami ng private sector at saka ng Boston Consulting Group. Ito po ay ginawa po natin na magkaroon po ng kaniya-kaniyang prayoridad ang national government, ang local government at saka iyong private sector.
Kung makikita po natin sa draft dito na halos simultaneous po natin sa May na kung magkakaroon na po tayo ng supply coming from the private sector, puwede na po silang magsimula sa May, magkakaroon na po tayo ng simultaneous na rollout. At ang private sector ay kanilang bubunuin po iyong, more or less, twenty million na kanilang supply; at tayo naman, ang bubunuin po natin ay iyong 122 million. Kasi po kung ang LGU lang po at saka iyong ating national government, ang matatapos lang po natin ay mga 50 to 60 million people. So ang maganda po, iyong ten million people ay ibigay po natin sa private sector which is basically iyon ang mga essential workers po nila.
Iyon lang po, Spox, at maraming pong salamat. At mabuhay po tayong lahat!
SEC. ROQUE: Sa kaalaman ng lahat, alam po namin na you are the hero of Marawi, alam naming naging Chief of Staff kayo at kayo ay graduate po ng PMA. Pero hindi po alam ng ating mga kababayan na nag-schooling din po kayo, mayroon kayong advanced degree on Management sa Australia. Ano nga po iyong degree ninyo?
SEC. GALVEZ: Ang degree po namin ay sa ano po, sa Project Management Major on System Modeling at saka sa tinatawag nating Project Scheduling, iyon po ang Project Management.
SEC. ROQUE: So ibig sabihin po talagang sapul na sapul ng inyong pinag-aralan—sa Australia po ito ‘no?
SEC. GALVEZ: Opo. Bale po iyan almost 18 months po iyan. Ang in-specialize ko po is sa leadership at saka po iyong system modeling, iyong modeling po ginagawa natin mga simulation, paano kukuha ng empirical data at saka iyong tinatawag nating, kino-compute po natin, iyong tinatawag na difference, iyong tinatawag nating how we will maximize iyong resources and minimize the time over output; iyon po ang pina-specialize po namin, systematic.
SEC. ROQUE: Importante pong malaman ng taumbayan iyan dahil hindi din nila alam na kaya kayo itilaga ng Presidente hindi lang dahil kayo ay war hero, kung hindi mayroon po talaga kayong advanced training doon sa isang field na kinakailangan pagdating sa logistics, pag-aangkat ng ating mga bakuna.
Okay. So pumunta naman po tayo kay Secretary Vince Dizon. Sir, alam ninyo kapag sinasabi nilang incompetent eh ang palagi kong sinasabi, naku we had the best testing in the whole ASEAN and one of the best in the whole world ‘no. So sa mga nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan paki-refresh nga po kung ano ang na-achieve natin sa larangan ng testing.
SEC. DIZON: Salamat Spox. Alam po ninyo napakahirap po talaga nitong dinadanas natin at napakalaking hamon ito, nakikita natin ito hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Ang pinipilit po nating gawin, simula noong nakaraang taon hanggang sa ngayon ay pataasin natin ang kapasidad natin na mag-test at mag-detect ng COVID-19.
Siguro kailangang ipaalala lang po natin sa lahat na talagang noong una po tayong tinamaan nitong COVID-19 eh halos zero po ang capability nating mag-test, iisa lang po ang ating laboratoryo. Noong nakaraan taon po eh, noong umpisa ay nagpapadala pa tayo ng mga specimen natin hanggang Australia para lang ma-test sila at talagang sinikap po natin sa tulong ng pribadong sektor at ng ating mga LGU na pataasin ang kapasidad natin. Kaya po mula sa isang laboratoryo lang noong nakaraang taon noong Marso ay nasa 229 at ngayon ay talagang nakakapag-test na tayo ng marami at kung ano ang kinakailangan nating i-test kaya nating i-test iyan.
At ang isa pa diyan, Spox, ang importante din kung maalala natin, noong nakaraang taon eh iyong paglabas ng test result ay minsan umaabot hanggang tatlong linggo, iyon ang napakahirap kasi hindi natin malaman kung mayroon bang sakit ang mga kababayan natin hangga’t hindi lumalabas nag resulta ng dalawa hanggang tatlong linggo. Pero ngayon po less than 24 hours lumalabas na.
Pero kahit na ganoon pa man ang ating naabot na ngayon hindi pa rin tayo titigil Spox. Alam natin na hindi pa tapos ang laban na ito, mabigat pa rin, kaya nga kailangang paigtingin pa natin lalo ito sa tulong ng pribadong sektor at sa tulong din ng mga LGUs. Kaya tayo ay walang hinto pong nagsisikap na talagang pataasin pa po ng pataasin ang ating testing capacity kahit na ngayong Marso ay talagang mahigit 50,000 na po ang ating tine-test kada araw, kailangan pa rin po lalo na sa mga areas na matataas ang kaso eh paigtingin pa natin lalo ang ating detection, ang ating tracing at iyong isolation natin.
Importante din po Spox, doon sa ating isolation. Napakaimportante po na malaman natin na noong nakaraang taon din, napakakaunti po ng ating mga isolation facilities, kaya kung maalala natin noong nakaraang taon, marami pong naka-home quarantine, mahigit 50% po noong mga active cases natin last year eh nasa home quarantine.
Ngayon po, doon sa datos na ipinakita po ninyo Spox kanina ang mga naka-isolate natin ay 70,000 plus out of the 80,000. So mahigit 80% po ng ating mga active cases ay naka-isolate. Ibig sabihin po noon, hindi po sila nakakahawa, dahil sila po ay naka-isolate. At maliit na lang pong porsiyento ang nasa home quarantine, pero again hindi pa rin po tayo tumitigil. Si Secretary Villar po ay nag-commit pa na damihan pa ang ating isolation facilities para nga masigurado natin na mai-isolate natin at hindi makakahawa ang ating mga kababayan na magpopositibo. Maraming salamat po Spox.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Sec. Dizon. Sa ating mga kababayan malapit na po kasi ang eleksiyon. So may ilan sa atin dahil ninanais nilang manalo sa susunod na eleksiyon, eh talaga pong walang tigil ang pagsabi na puro palpak daw ang gobyerno. Eh mapapababa ba naman natin ang numero ng COVID, naalagaan ba naman natin ang mga nagkakasakit ng COVID kung palpak po ang gobyerno. Totoo po tumataas ngayon pero ang pagtaas po among others, dahil po iyan sa mga bagong variants unless sasabihin na naman nila na dapat iyong gumawa ng paraan ang IATF para pigilin ang mutation ng mga variants. Imposible po iyon, dahil iyan po talaga nag anyo ng mga variants.
Tumuloy na po tayo sa open forum, Usec. Rocky please.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque, Secretary Vince, Karl Chua and Secretary Galvez.
Question from Jinky Baticados ng IBC-13 for Secretary Roque: Take ng Palace sa sinasabi ng iba na pinapalaki lamang ang mga datos na lumalabas about COVID na nagdudulot lamang ng takot sa taumbayan. Also, ginagamit lang din ang COVID ng mga pulitiko dahil nalalapit na ang halalan.
SEC. ROQUE: Well, I agree with the second proposition pero ang totoo po, talagang hindi naman po natin maku-control itong anyo ng bagong variant na talagang mas nakakahawa. Kanina nga po pinakita ni NEDA Chief Karl Chua na noong tayo po’y nagbukas ng ekonomiya, pababa po nang pababa pa nga ang mga kaso dahil nga po gumagana iyong ating testing, isolation, contact tracing and treatment initiatives ‘no.
So mayroon po tayong mga bagong pagsubok ngayon, ang sagot natin mas maigting pang testing, isolation, treatment and contact tracing. So ganoon po iyon at nakikiusap nga po ako sa lahat ‘no kung talagang nagmamahal kayo sa Pilipinas, huwag naman pong pagsamantalahan itong trahedyang nangyayari ngayon para lang sa pulitika. Wala pong may gustong mangyari nito at lahat po tayo’y ginawa natin ang hakbang para ma-manage po natin ang pagkalat ng COVID-19 and we were very successful until dumating po ang mga bagong variants.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: Ang paggamit daw po ng face mask at face shield, maging ang swab test sa Pilipinas ay mistulang negosyo na. Sa ibang bansa po katulad ng Amerika, hindi nila ipinapatupad ang swab test sa inter-states or domestic travel nila unless symptomatic ang biyahero. Ano po ang reaksiyon natin dito? Bakit po sa bawat kibot dito kailangan may swab test yet lumulobo pa rin naman ang sinasabing datos ng kaso ng COVID-19?
SEC. ROQUE: Well, dito po sa Pilipinas, hindi gaya sa Amerika, kung ikaw po ay economic frontliner at ikaw ay naging exposure, libre po. Iyong mga nagbabayad po talaga dahil tumatawid ng boundaries ay niri-require po iyang PCR lalung-lalo na kung non-essential or tourist purposes naman po iyan. So iyon po ang konteksto, kapag may exposure at kapag economic frontliner libre po iyan kaya hindi po iyan nagiging negosyo. Pero kung ang purpose po naman ay talagang for tourism, karamihan naman po talaga na pumapasok sa Boracay ay for tourism, eh hindi naman po pangnegosyo iyan kundi para protektahan din iyong mga ibang bisita at iyong isla mismo.
USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: Galit po ba daw ang Pangulo sa kaniyang mga kritiko lalo na sa ilang mga senador na kinukuwestiyon kung nasaan ang bakuna despite daw po sa malaking halaga na nautang ng gobyerno?
SEC. ROQUE: Hindi naman po galit. Pero dahil matagal nang politiko ang Presidente alam niya na dahil panahon na ng eleksiyon eh talagang magkakaroon ng mas malakas na ingay. Kaya nga po ang aming trabaho at ang marching order, ipaintindi at ipakita sa taumbayan kung ano talaga ang nagawa na ng gobyerno at anong patuloy na gagawin ng gobyerno.
Aming pakiusap lang sa taumbayan, huwag ninyong kakalimutan kasi maraming gustong mahalal at pinagsasamantalahan ang lahat. So dapat po maging mas kritikal tayo sa pagtanggap ng mga impormasyon. Ngayon lang po talaga tumaas muli ang mga numero, noong buwan ng Marso. Bago po Marso, we had the situation very much under control.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Ang susunod na magtatanong si Mela Lesmoras ng PTV.
SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.
MELA LESMORAS/PTV4: Good afternoon, Secretary Roque. At good afternoon din po sa iba nating Kalihim na kasama. Unang question ko lang po Secretary Roque, kahapon nga iyong naging first day ng NCR Plus bubble. Ano po ang masasabi ninyo sa naging implementation nito? Tayo po ba ay satisfied at masaya dito sa nating implementasyon ng bagong patakaran na ito?
SEC. ROQUE: Well, may mga datos po ako, hindi ko na ginamit ngayon kasi mahaba na iyong ating press briefing ‘no pero siguro iri-release ko rin. Well, nagagalak naman po tayo na unang-una po ‘no mukhang napakarami sa ating mga kababayan ang nagbigay ng kooperasyon nila ‘no. Bagama’t mayroon po tayong mga apprehensions relative to the total population ng Metro Manila Plus eh kakaunti lang po ito ‘no. So nagpapasalamat po kami sa kooperasyon ng ating mga taumbayan at ito naman po ay para sa kabutihan ng lahat.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Secretary Roque, iyong mga nasa labas po ng NCR Plus bubble, kailan po daw kaya nila inaasahang magkakaroon ng bagong announcement on quarantine classifications sa mga lugar nga sa ibang probinsya, sa ibang lungsod starting April 1 kasi I understand ang NCR Plus bubble ay until April 4 nga po?
SEC. ROQUE: Opo. Well, iyan po ay pagpupulungan pa rin ng IATF ‘no. Pero mayroon naman pong susunod na pagpupulong ang IATF sa linggong ito. Normally, it is about this time of the month na binibigay iyong preliminary data at it will be in the last week of the month na magkakaroon ng desisyon.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. And, Secretary Roque, follow up lang po doon nga sa inyong opening statement at nabanggit ninyo nga din sa mga susunod ninyo pang pahayag, regarding dito sa mga ibang nagsasabi na dapat buwagin na ang IATF. I understand ilang senador po kasi ang nagsasabi nito. Are we eyeing private meeting po kaya, IATF and senators, para ma-sort out iyong mga ganitong issue, maiwasan na iyong mga kontrahan hinggil nga sa COVID-19 response ng pamahalaan?
SEC. ROQUE: Ay, hindi po kami nangungontra. Nilalabas lang po namin ang katotohanan. At nandiyan po talaga ang datos, we are science-driven, we are data-driven. At naintindihan naman namin sa panahon ng eleksiyon, talagang mag-iingay ang maraming pulitiko. It comes with the turf kumbaga ‘no. So lalabanan po natin ang kanilang mga deklarasyon sa pamamagitan ng katotohanan na nakabase sa siyensya at sa datos.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. One last question lang po, Secretary Roque for Secretary Galvez. Okay lang po ba?
SEC. ROQUE: Okay, please.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Secretary Galvez, I understand tomorrow darating nga iyong panibagong donasyon ng China mula nga sa Sinovac. Can you just give us a picture, ano po iyong mangyayari sa turnover ceremony? At I understand, naka-quarantine pa po ba tayo? Sinu-sino po kaya iyong mga opisyal na sasalubong dito? At para kanino po ito idi-dedicate itong 400,000 doses ng panibago ngang vaccine supply?
SEC. GALVEZ: Sagutin ko muna iyong huli. Magkakaroon po kami ng pulong ng NITAG this coming Wednesday evening at titingnan po namin, determine po namin kung saan po namin ibibigay iyong priority nitong 400,000. But basically, ang napag-usapan namin sa IATF ay talagang iku-concentrate natin muna doon sa mga high incidence areas especially NCR, Cebu at saka itong Davao. ‘Ayun po, pagpupulungan po namin.
Iyon naman pong sa programa, sa ngayon po naka-quarantine po ako at ikukumpleto ko po iyong 14-day quarantine. So sa ano po, ang gagawin lang po natin na ceremonies po doon sa 400,000 ay very simple ceremony and we will finalize it this evening.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po Secretary Galvez, Secretary Roque and salamat po sa iba pa nating Kalihim.
SEC. ROQUE: Thank you, Mela. Usec. Rocky for the next questions.
USEC. IGNACIO: Question from Haydee Sampang of DZAS: Kung hindi po bumaba iyong daily surge makalipas ang dalawang linggo, sa April po ba posibleng ma-extend ang stricter GCQ and NCR Plus bubble?
SEC. ROQUE: Tingnan po muna natin dahil kami naman po’y umaasa na ang ating mga kababayan ay magbibigay ng full cooperation nila ‘no. Ang mensahe po bagama’t hindi na natin pinagbabawalan ang paglabas ng bahay, inaasahan po natin ang kooperasyon ng lahat dahil alam naman natin na ang pinakamagaling na sandata ay manatili sa mga tahanan kung hindi naman kinakailangan lumabas, mask, hugas, iwas at bakuna.
USEC. IGNACIO: Ang tanong po ni Isa Umali ng DZBB ay natanong na ni Mela, para sa pagdating ng vaccine. Pero ang follow up po niya dito: Kung sasalubungin po ba ito ng Pangulong Duterte gaya noong unang batch? At sino pa po ba iyong mangunguna sa arrival?
SEC. ROQUE: Well, sasagutin ko po iyong sa Presidente, hindi po sasalubong si Presidente sa 24 pero nasa kalendaryo po ng Presidente iyong pagsalubong doon sa 1 million na binili natin sa Sinovac ‘no on the 29th. Sec. Galvez, hindi ko na po alam kung sino iyong sasalubong because we’re both in isolation. [laughs] Sino po kaya iyong sasalubong?
SEC. GALVEZ: Ang pinag-ano po namin si Sec. Vince at saka po iyong higher officials na secretary na ano po siya doon sa Terminal No. 2.
SEC. DIZON: Spox Harry, I will be there for tomorrow to supervise the arrival of the 400,000 Sinovac vaccines.
SEC. ROQUE: Okay.
USEC. IGNACIO: Thank you po. From Krissy Aguilar ng Inqurer.net for Secretary Roque and Secretary Galvez: Can we get clarification po on the President’s statement last night na hindi daw po dapat government ang liable if ever may adverse effects from vaccines procured by private sector? Will this affect po iyong current deals ng national government with private sector AstraZeneca and Moderna?
SEC. ROQUE: Na-explain ko na po iyan kanina sa aking opening statement. Ang konteksto po noon ay kaya nga po hindi pupuwedeng wala ang gobyerno sa pag-angkat ay dahil doon sa indemnity. And despite the fact na sinagot na natin ang side effects, hindi naman lahat ng side effects sasagutin natin. Iyong mga side effects dahil nagkaroon ng willful neglect at saka gross negligence hindi pa rin po natin sasagutin, sang-ayon po sa batas.
USEC. IGNACIO: Secretary, ang susunod pong magtatanong si Triciah Terada ng CNN Philippines.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Good afternoon, Secretary, and to our guests today. Sir, first question doon lang po sa calls for abolishing the IATF. You mentioned, tama po na while it’s true that it’s not the IATF’s fault that there are new variants, but I think what people are pointing out is that the IATF failed to manage the situation; its policies failed to prevent the situation that we are in now. So the question is, what’s keeping the government from trying out iyong suggestion, sir, to change leaderships or try out a different composition? And, sir, since nabanggit na rin ninyo na you feel that this is politically motivated, how does the government distinguish a political agenda or attack versus what could be a well-meaning and a valid suggestion or a constructive criticism?
SEC. ROQUE: We know that because human experience. Kapag panahon na talaga ng eleksiyon, lahat ginagawan ng isyu – hindi natin made-deny iyan. Now, unang-una, ano ba ang IATF, eh hindi naman po ito artificial na body. Ito po ang miyembro niya eh lahat din ng mga Kalihim at lahat ng hepe ng mga ahensiya ng gobyerno. Ang ginawa lang natin, pinagtipun-tipon natin sila para one nation, one government approach ang kasagutan natin sa IATF. Ito ang dahilan kaya hindi lang natin tinitingnan ang datos ng pagdami ng COVID kung hindi ano ang magiging epekto nito kung tayo ay magkakaroon ng lockout doon naman sa kalusugan, sa pagkagutom ng ating mga kababayan.
Kaya nga po maraming mga grupo na nagbibigay suhestiyon, ang sinasabi ko, we welcome all suggestions, pero intindihin naman ninyo walang makakapantay pagdating sa human capital ng IATF. Dahil buong bureaucracy ng gobyerno ay nagsama-sama po para sa ating response sa COVID-19. At iyong ranking natin sa buong mundo shows na contrary sa mga sinasabi nila na palpak ang IATF – nagtagumpay po tayo at magtatagumpay pa rin.
Itong pagtaas po ng kaso dahil nga sa new variants, pagsubok po iyan, pero malalampasan po natin iyan because we are using the best talents and minds that we have in the entire government machinery para labanan nga po itong COVID-19.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, just to set the record straight.
SEC. ROQUE: Dagdagan ko lang ha, iyong isang pumupula sa IATF, eh di ba gusto ngang mag-Secretary of Health so hindi iyon titigil na talagang palpak ang IATF hangga’t hindi siya maging Secretary of Health, that’s the nature. Oh, isa naman pulitiko, dalawang pulitiko, natural eleksiyon na! Lalo na iyong isang pulitiko, talunan iyong kaniyang partido so pagkakataon niya itong butasan ang gobyerno.
Pero iyon nga po, uulitin ko, hindi naman po isang taon na ganito karami ang kaso natin; itong buwan lang ng Marso tumaas iyan. Na-manage po natin iyan, napababa po natin iyan at nabuksan natin ang ekonomiya na comparative to the rest of the world, we have done very well po at hanggang ngayon po, dahil nga itong na-experience natin na spike ay hindi lang sa Pilipinas, nananatili po tayo na number 30 worldwide in terms of total cases.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: But, sir, if we brand everything as a political motive, couldn’t we be missing important suggestion, constructive suggestions? And just to set the records straight, the IATF is here to stay, wala pong mabubuwag, is that what are you saying?
SEC. ROQUE: Wala pong mabubuwag because kapag binuwag mo ang IATF, it is as if you are, bubuwagin mo iyong buong gobyerno kasi wala naman pong ibang buhay ang IATF kung hindi iyong gobyerno mismo.
Now, kung mayroon naman silang constructive criticism, ano ba iyong mga constructive criticism nila? We don’t think the abolition of IATF is constructive kasi ang IATF ay pinagsama-sama lang pong talino at galing ng buong gobyerno. At pagdating naman po sa burukrasya natin, eh hindi naman po mga pulitiko iyang nasa DOH, nasa NEDA, nasa DOF – lahat po iyan ay mga civil service passers, the best talents that we have. So hindi po iyan constructive criticism. But if they have constructive criticisms, we welcome them. Kaya lang sa kaso naman ni Vice President, every time she has constructive criticism, iyong kaniyang criticism ay nai-implement na ng IATF bago pa niya sabihin.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Just a further clarification, doon naman po sa usapin ng indemnification law, doon po sa nabanggit ng Pangulo kagabi. Ibig sabihin po ba ng Pangulo, the private sector should also share with the cost, for example sa adverse effect, if there is anything happen?
SEC. ROQUE: Hindi po! Ang sabi ng Presidente, hindi totoo na ipinagbabawal namin kasi ang reklamo sa kaniya, ipinagbabawal daw ni Sec. Galvez iyong pagbili ng bakuna. Hindi po totoo iyan! Sa katunayan iniengganyo pa nga natin ang private sector na bumili. Kaya lang ang riyalidad, hindi sila makakabili without government kasi nga po Emergency Use Authorization, wala pong commercial registration pa ang kahit anong bakuna.
Pangalawa, hindi rin talaga magbebenta ang mga kumpanya sa pribado ng walang indemnity na galing sa gobyerno na hindi sila pasasagutin doon sa mga side effects dahil nga emergency use pa lang ito, hindi pa natatapos ang fourth clinical trial. So, talagang involved din ang gobyerno. Now, ang tanging instances na hindi naman sasagutin ng gobyerno ang side effect ay kapag mayroong willful neglect at saka gross negligence na nakasaad po sa ating batas.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, final question maybe to you or to Secretary Galvez. Iyong simultaneous rollout, when do you intend to begin and na-approve na po ba ito ng NITAG?
SEC. ROQUE: Secretary Galvez, please.
SEC. GALVEZ: Iyon po ang ipi-present po natin this coming Wednesday evening, 8:00 o’clock doon po sa NITAG. Kasi nakita po natin sa experience po ng US, Europe, China and also India and recently Indonesia, talagang medyo ano, kung magkakaroon tayo ng tinatawag nating sequential system mahihirapan po tayo dahil kasi mayroong mga resources, for example iyong resources ng LGU at saka resources ng national government saka private sector, hindi mayu-utilize at a time. Kasi po sa assistive engineering, kailangan po talaga mayroon simultaneous actions, iyong parang tinatawag natin sa PERT-CPM, iyong critical path method na kailangan po na puwede nating pagsabayin ang dalawang activities at saka ang dalawang target o tatlong target, so that we can save time and maximize output.
Ang nakikita po natin iyong strategy po, na mga lessons learned na nangyayari po sa Israel, napakaganda po iyon, kasi talagang concrete iyong evidence noong kanilang simulation and also excuse and exercises. At nakikita natin doon na kapag once na ang ginawa natin, tinarget natin at the same time, iyong health care workers at saka iyong above 60, nandoon iyong may burden of death at saka may burden of disease, wala tayong naba-violate na WHO SAGE doon, kasi ang ano ng WHO SAGE is that we need to give priority to those people who has the burden of disease and the burden of death.
Basically, iyong makikita mo iyong A1 to A3, ang kanilang exposure is almost the same as the health care workers, kaya lang ang ginagawa natin talaga, na iyong ibang mga ano, ang gagawin natin is talagang magiging concrete iyong tinatawag nating rules. So that hindi puwedeng laktawan ng ibang priority iyong health care workers at saka iyong may burden of disease. So iyon ang maganda doon nakikita natin na kapag nagkaroon tayo simultaneous whole of government vaccination, mamo-mobilize natin ang buong 52 or 55,000 vaccinators.
Sa ngayon ang na-ano lang natin, kasi ang ginagawa natin is health care workers lang at saka mga ospital ang ginagamit natin, nagagamit lang natin is ¼ pa lang ng ating capacity. At saka iyong ating nagagamit is only iyong DOH capability. So wala pa iyong LGU na mga vaccination site na more or less 20 or 30 vaccination site ng mga LGU, at nakikita natin na talagang medyo magkakaroon tayo ng roll down in terms of desired output.
So iyon, napakakongkreto ng mga examples ng mga country na iyon. Ngayon ang Indonesia, nag-a-average na daw sila ng 300. Ngayon ang India, noong in-allow nila iyong private sector, from 300,000 nag 2 million sila noong last week. So nakita natin maganda iyong effect noon and the private sector are also willing to put in the resources para magkaroon po tayo ng massive vaccination kasi para maprotektahan po nila iyong economic frontliners also.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, Sec. Charlie. Thank you Spox, thank you to all our guest.
USEC. IGNACIO: Ang susunod pong magtatanong ay si Kris Jose ng Remate. Ang tanong po niya ay dapat kay Secretary Galvez pero palagay ko po para po ito kay Secretary Vince Dizon: How many people are we testing a day or the rolling seven-day average? How does it compare with the rate in August or the peak last year?
SEC. DIZON: Ngayon po, ang pinakamataas nating nagawa ngayong Marso ay fifty plus thousand ‘no, mga halos 51,000; on average po ay nakaka-45,000 tayo. Malayo po ito doon sa nakaraang taon noong peak noong August, dahil noong August po ay nasa 20 to 25,000 lang po tayo na average so halos tayo po ay dumoble o mahigit sa doble pa ang ating average testing ngayon, ngayon ang seven-day rolling average.
USEC. IGNACIO: Okay. Second question po niya para daw po kay Secretary Galvez: The same with contact tracing, how many do we contact trace today compared to the peak last year?
SEC. GALVEZ: Sa nakita natin ngayon, ang evaluation ng ating contact Tracing Czar, talagang medyo bumaba po tayo. Pero ngayon, ginagawa po natin ay mina-maximize po natin iyong resources ng DILG at nag-o-augment ang DILG ng kanilang mga resources in order to augment iyong ating mga municipalities and cities.
And I believe, Secretary Vince has an update on this. Sec. Vince?
SEC. DIZON: Opo ‘no. Salamat, Secretary Galvez. Ang DILG ay nagpapadala na po ng mga dagdag na contact tracers para sa ating mga LGUs. Pero para po punuan ito ng ating mga LGUs, ang ginagawa po ngayon ng ating mga mayors ay kapag mayroon po isang kaso sa isang lugar ay tini-test na ho niya practically iyong buong bloke or iyong buong street para po masigurado na ma-capture na natin iyong mga potential na may sakit. At ang ginagawa rin po diyan ay very active po ngayon ang surveillance ng may mga sintomas. Ang ibig sabihin po niyan, kapag mayroon pong mga may sipon, lagnat, ubo, kahit na po iyan ay hindi pa naku-contact trace or hindi pa nati-test, iyan po ay ina-isolate na at tini-test na po natin in isolation para po sa masigurado natin na hindi kakalat nang mabilis itong mga bagong variant natin. Dahil napansin nga natin na mabilis kumalat itong mga bagong variant kung ikukumpara natin doon sa nangyari sa atin noong July and August last year.
USEC. IGNACIO: Okay. Iyon pong third question niya ay nasagot na po ni Secretary Galvez kanina sa kaniyang presentation.
Susunod pong magtatanong, si Maricel Halili ng TV5.
MARICEL HALILI/TV5: Hi, Secretary Roque! Magandang hapon po. Good afternoon po to all our guests.
Secretary Roque, sa inyo po muna. Isa po doon sa mga rekumendasyon particularly ni Senator Recto na, well, not to abolish IATF pero dapat daw ay may kasamang representative ng private sector as permanent member, iyon daw may mahusay na managerial skills. Sa components po ba ng IATF, mayroon pong representative ng private sector?
SEC. ROQUE: Alam mo, hindi siguro tinatawag na representative but we’re always close coordination with the private sector. Nagkaroon talaga ng collaboration nga ‘no pagdating sa testing with the private sector, collaboration pagdating sa vaccination ‘no, and then collaboration pagdating doon sa mga desisyon nga pagdating sa ekonomiya.
So ang problema lang po talaga, napakahahaba na ng mga meetings ng IATF. Can you imagine that our meetings last anywhere from four to eight, to ten, to twelve hours a day ‘no. Eh kung dadagdagan pa po natin iyong composition eh hindi na talaga matatapos iyong ating mga pagpupulong. Pero hindi po kami nagkukulang sa pagkonsulta sa pribadong sektor. At siyempre po ang DTI at saka ang economic team are in very close contact and always in consultations with the private sector.
SEC. GALVEZ: Sir, puwede akong magdagdag?
SEC. ROQUE: Yes, sir.
SEC. GALVEZ: Sa kaalaman ng lahat, mayroon po kaming meeting ng T3 at saka ng business group every Monday, 8 o’ clock. Actually po, iyong representation po ng ating business sector ay napakataas. Unang-una, noong nagsimula po ang pandemya, talagang nagkaroon po tayo ng collaborations with different private sector – binuo po iyan ni Sir Paul Dominguez – at the same time, iyong mga different big companies ng Ayala, Concepcion and other groups na kay Tessie Joson. So iyon every Monday, 8 o’ clock, mayroon po tayong consultancy meeting at iyong lahat po ng tinatawag po na mga presentation—iyong presentation ko po ngayon, kalahati po noon ay galing po doon sa private sector po iyon. Meaning, iyong mga tinatawag nating mga lessons learned from different countries, sa kanila po iyon. At saka po iyong logistics ano, logistics presentation, nandiyan po sila ano po, iyong Unilab lagi po naming kausap, sila Dave at saka sila Sir Joey at saka kasama rin po namin ang Zuellig, si Rey Azurin at saka si Ms. Jacosalem. And then lahat ng mga logistics expert natin from Aboitiz and other ano, kadalasan po ay kasama po namin during the weekly meeting ng 8 o’clock; at the same time, mayroon kaming monthly meeting ang T3.
Iyon po ang consortium ng lahat ng mga business sector na kadalasan po kapag nami-meeting po kami, umaabot po kami ng 700 participants po.
MARICEL HALILI/TV5: Okay po. Secretary Roque, last question po before I go to Secretary Galvez. Reaksiyon ninyo lang po doon sa sinabi ni former Vice President Binay na sabi niya, “The so-called bubble is in reality a lockdown. But government won’t call it a lockdown because it will be an admission of their failure and neglect.”
SEC. ROQUE: Hindi po, bukas po ang ekonomiya. When we talk of lockdown sa MECQ at saka sa ECQ, sinarado po talaga natin ang ekonomiya para lahat ng tao ay manatili sa kanilang mga tahanan. Iyon po talaga ang lockdown. Pero dahil nga po doon sa cost-benefit na binigay ni Sec. Chua ay wala pong lockdown. It’s a limitation on mobility na nagdadahilan para tumaas ang kaso ng COVID pero bukas po ang ating ekonomiya.
MARICEL HALILI/TV5: Okay. Sir, for Secretary Galvez po. You mentioned po earlier na pinag-uusapan pa iyong magiging indemnity agreement ng Pfizer. Kasama po ba doon sa conditions ng Pfizer iyong blanket immunity na tinatanggihan ni President Duterte?
SEC. ROQUE: May tinatawag tayo na mga differences kasi may mga tinatawag tayong legal views ng Pfizer group at saka iyong ating legal; so ngayon, pinaplantsa po iyon. Pero previous days, tumawag po ang Pfizer and they’re still committed, sabi nila iyong commitment namin sa inyo na we will provide 25 million doses ay nandoon pa rin po. Same ano, same na tinatawag nating delivery date sa Q3 and Q4.
Sa ngayon nakikita namin most likely kaya po isa sa mga dahilan ng indemnification clause na ginagawa nilang dahilan ay talagang nakikita po natin na talagang hirap din po sila sa ating tinatawag na supply and demand na inaano po natin. Para malaman po natin na ang US, in-invoke niya po iyong tinatawag na Defense Procurement Act. Iyong Defense Procurement Act po, iyong Moderna, iyong Pfizer at saka iyong J&J ay talaga iyon po ang primary na ginagamit niya na parang vaccine at hindi po siya puwedeng mag-export even raw materials ng different manufacturing vaccine. Kaya ang nangyari po is magkakaroon po ng easing out most likely ang Pfizer at saka iyong ibang US and western companies ng by July or August. Kasi ang ano po nila, magkaroon po sila ng independence from COVID by July 4.
Ganoon din po ang EU, ang ginagamit po nila ay AstraZeneca, Moderna, Pfizer at saka po itong J&J. So ito pong mga western [garbled] na ito, talagang very acute ang shortage ng mga tinatawag nating mga supply nila. At saka nakita natin, most likely, kaya po hindi pa pina-finalize—it’s not only the indemnification that really bothers iyong ating supply agreement but also iyong tinatawag talaga, ang primary concern talaga is the availability of global supply.
MARICEL HALILI/TV5: So not because of the blanket immunity, sir?
SEC. GALVEZ: Most likely ang nakita namin is only one way of, more or less, parang nakikita natin unintentionally parang delaying iyong supply agreement. Kasi kapag napirmahan na po ang supply agreement, they will be committed. And based doon sa World Bank presentation na dinaluhan ni Usec. Mark, nakita na lang talaga na only Sinovac ang isang company na hindi overloaded sa production. Meaning, ibig sabihin, hindi mataas ang kaniyang demand kaysa doon sa production ano niya.
So meaning, ang lahat ng karamihan ng mga vaccine manufacturers, mayroon silang tinatawag na over order or mayroong tinatawag na marami silang nakuha na supply agreement but their manufacturing capacity is lower than that.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, last na lang po. Iyon pong private sectors, are they required na mag-donate ng 50% of the vaccine that they will purchase even after iyong tripartite na napirmahan sa AstraZeneca? Kahit ibang brand, required po sila na mag-donate?
SEC. GALVEZ: Madam, para po malaman po ng ating mga mamamayan at mga nakikinig at nanunood, iyong AstraZeneca po ang nag-demand ng tinatawag nating 50% na ano po, na mayroon po sa government. Kasi mayroon po silang provision sa kanilang tinatawag na corporate principle na equitable access at saka non-privilege access. Meaning, iyong parang ang purpose ng private sector ay para ma-balance na iyong 50% na bibilhin ng private sector, ibibigay po iyan sa mga marginalize targeted population ng public sector.
So sila po ang nag-demand, hindi po ang national government. Wala po tayong ano po sa Moderna, wala po tayong agreement sa Novavax at wala po tayong agreement sa Sinovac or other companies na kailangan po nilang mag-donate ng 50%. Only AstraZeneca demanded the 50%.
MARICEL HALILI/TV5: All right. Salamat po, Secretary Galvez, Spox and to our other Secretaries. Thank you.
SEC. ROQUE: Okay. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Yes. Question from Pia Gutierrez of ABS-CBN for Secretary Roque: The PCOO tweeted a photo of Tacloban Mayor Alfred Romualdez getting vaccinated against COVID-19 even though he is not a medical frontliner. Does this mean nagsimula na ang pagbabakuna ng mga local chief executives who have been reclassified by the IATF as a priority for vaccination? Hindi ba dapat patapusin muna ang pagbabakuna ng lahat ng health workers? What are we doing about this?
SEC. ROQUE: Usec. Rocky, hindi pa po, hindi pa nababago po ang ating prayoridad – dapat medical frontliners pa lang po sa ngayon. So again po uulitin natin, hindi po pupuwede magpabakuna muna ang mga hindi medical frontliners dahil kung susuway po tayo dito sa order of priority na ito, maaapektuhan po iyong ating future deliveries galing po sa COVAX Facility. And of course, we regret this incident but I will refer the matter to the DILG for proper action dahil kinakailangan po talagang imbestigahan ito.
USEC. IGNACIO: From Jam Punzalan ng ABS-CBN for Secretary Galvez: Required po ba talaga ang private companies na i-donate sa pamahalaan ang 50% na mabibili nilang COVID-19 vaccines? Kung oo, hindi ba magiging doble pasakit ito sa mga kumpanya? Sagot na nila ang bakuna ng kanilang mga empleyado, kailangan pa nilang magbigay ng bakuna sa gobyerno.
SEC. ROQUE: Asked and answered, Usec. Asked and answered.
USEC. IGNACIO: Iyong second question po niya ay about ex-VP Binay, nasagot na po. Tanong po ni Llanesca Panti of GMA News: Why is the President questioning the COVID-19 vaccination law provision mandating the national government to subsidize indemnification for severe side effects when he signed the law himself? Was he not informed of the law’s provision?
SEC. ROQUE: Asked and answered na po iyan. Ang ayaw ni Presidente iyong indemnity even for willful neglect and gross negligence.
USEC. IGNACIO: Ang susunod pong magtatanong si Joseph Morong ng GMA News.
SEC. ROQUE: Go ahead please, Joseph.
JOSEPH MORONG/GMA7: Secretary Chua, can I go to Director General Chua please? Sir, ito pong two weeks natin na naka-NCR Plus bubble siya—parang nawala yata si sir.
SEC. ROQUE: Sec. Chua, are you here? So your next question please and then I’ll ask our office to contact Sec. Chua, baka naputol lang.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Kay Secretary Galvez, please. Sir, good afternoon po. Sir, iyon pong kagabi ninyo ‘no na mga figures na 20 million na dadating every month from August to November, ano po itong brand ng bakuna ito sir?
SEC. GALVEZ: Dito na po iyong ano [unclear] kasi tataas po iyong ating tinatawag na supply, magtataas po tayo ng more or less 4 to 5 million every—sa Sinovac.
JOSEPH MORONG/GMA7: Ah, Sinovac.
SEC. GALVEZ: Opo, Sinovac. So ngayon dadating din po iyong AstraZeneca and then also iyong majority ng Novavax. Ang ano po ng Novavax, ang ano po sa atin just in case [unclear] po sila this coming third quarter, malaki ang volume nila kasi 30 million iyon at the same time kung matutuloy po iyong 10 to 15 million na volume, more or less 45 million po iyon. Kung titingnan po natin, they can provide more or less 7 to 10 million more or less every month.
And then iyong ano po, darating na rin po iyong Johnson and Johnson and at the same time kung matuloy po iyong Pfizer malaki po iyon kasi they can increase iyong ating volume to 25 to 40 million. So iyon po iyong ating mga portfolio na pito pong vaccine ang darating po. Hindi pa po kasama iyong tinatawag nating, iyong 44 million ng COVAX Facility.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, kagabi rin you said that your strategy now, because we have to vaccinate because of the increasing number of cases ‘no, is that you want to do a simultaneous vaccination by the national government – national will deal with A1 to 3, and then the LGUs and the private sector will deal with the A4. So sa May po ganiyan na po iyong gagawin natin? Elaboration lang, sir, papaano po iyon but we will have to follow the priority list because we’re seeing may mga nagdya-jump, sir, na kanina may cinite (cite) na example, we shouldn’t be seeing those kinds of things, sir ‘no?
SEC. GALVEZ: Yes. Ang ano natin, kaya natin sinabi na talagang magkaroon tayo ng simultaneous kasi darating ng end of second quarter iyong mga deliveries ng ating private sector and LGUs. So majority of them will be coming May/June and July and August. So doon mag-start iyong ano natin, tinatawag na simultaneous. So most likely iyong ating frontliners, matatapos natin iyan by mid of April meaning pupuwede na tayong magsimula sa A2 and A3.
JOSEPH MORONG/GMA7: Seniors and comorb.
SEC. GALVEZ: Opo, puwede na tayong magsimula doon kasi kumbaga sa ano—kung titingnan natin sa provision ng WHO SAGE (Strategic Advisory Group of Experts on Immunization) these two sections, iyong A1 and A2 also have—somewhat ito po iyong kanilang tinatawag nating burden of death at saka burden of disease. So basically, iyong dalawang sektor na iyon na nakita natin sa Israel, pinagsama na nila.
Kasi ang ginagawa namin sa DOH, kay Usec. Myrna, na normally kapag nilabas natin iyong volume, iyong doses doon sa warehouse kailangan hindi na po natin ibalik iyon kasi magkakaroon po tayo ng double handling at iniiwasan po natin ang wastage.
Meaning iyong experience sa US na kapag once na inilabas doon sa cold storage, in order na ma-enhance ang safety at saka iyong efficacy ng ano, ibig sabihin hindi magkaroon ng alteration ay kailangan i-dispose mo lahat iyon. So ganoon ang gagawin natin at saka iyong ating requirement sa ating simultaneous rollout between the national government, the LGU at saka sa private sector is if the doses are already steady and fully available.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, ano kaya pong vaccine iyong gagamitin natin sa May? Kung LGU iyan, AstraZeneca ‘no? But from the national?
SEC. GALVEZ: Iyong dadating sa AstraZeneca is iyong 2.6 million ng private sector. Iyong LGU darating na more or less June or July, August.
JOSEPH MORONG/GMA7: So, sir, ang gamit natin sa May doon sa simultaneous na gusto po natin will be Astra and maybe Sinovac din?
SEC. GALVEZ: Sinovac, Gamaleya at saka Moderna.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. So, medyo apat, sir ‘no? Sir, ano bang violation noong nagdya-jump ng line?
SEC. GALVEZ: I believe ang nakita natin, dapat talaga there is a moral obligation for those people especially those in the national government at saka local government, they should not deprive iyong privilege and rights ng ating mga health care workers. Kasi we have to consider iyong kanilang burden for the disease and also iyong burden nila na sila iyong talagang lumalaban para sa atin eh. Iyong sinasabi nga ni Sec. Duque, for every health workers deprived, is leaving them at risk especially ngayon na tumataas iyong rise in cases natin. I believe dapat makita natin iyan and then dapat ang tao ang maghuhusga sa mga taong ganito na talagang gustong mauna sa linya.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, thank you for your time. Secretary Roque, while we’re waiting for Secretary Chua, can I go a little bit to you?
SEC. ROQUE: Yes, please.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, you mentioned na iyong mga criticisms about how the IATF is doing its job is coming from politicians that have ambitions. Would you be able to name particular people?
SEC. ROQUE: Alam na po nila kung sino sila. Hindi na po kinakailangan pasikatin kung sino pa sila.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, can I get your reaction lang, sir, doon po sa sinabi ni Senator Imee Marcos tungkol sa IATF and this is the quote, quote niya ‘to yesterday. Sabi niya: “Surrender na ako sa IATF. Pinabubuwag ko na iyan eh. Ano ba talaga, hilung-hilo na tayo sa kanila, sobra ang kanilang utak-lockdowns, sobra ang arrest, kulang sa medical, sa science, sa testing at ‘asan ang bakuna? I think higit sa lahat dapat mga doktor at mga public health experts ang nakakaintindi nito and the implementation paghahati-hatian, ikonsulta sa mga LGU.” And then, I’m trying to look for another one that she said today. Regarding the term NCR bubble, she said that: “You know it will be comical if it weren’t so tragic.” Your comment, Sir?
SEC. ROQUE: Well, I don’t really need to say anything else. I have commented in my prepared text that the IATF actually represents the best minds and talents of government and that we have successfully managed the COVID-19 pandemic and we will continue to manage it despite the recent challenge na mayroon nga pong mga bagong variants na nagpapataas ng numero. So we are also guided by doctors, naging household names na po si Dr. Salvaña, si Dr. Wong at saka iyong iba-ibang mga doktor po ng Department of Health.
So although it is an entire government approach, the chairman is still DOH. So ang ating primary consultants po ay mga doktor, pero kinakailangan ding makita natin kung ano ang epekto ng mga polisiya sa ibang aspeto ng ating lipunan kaya nandiyan din po ang ating economic team na pinangungunahan po ng NEDA at ng Department of Finance.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, once and for all, iyon pong mga checkpoints. We said yesterday that unimpeded dapat iyong transportation between or among cities that are in the bubble. But we are seeing checkpoints even between areas that are in the bubbles. So once and for all, ano ba dapat iyon sir dapat ba may checkpoint na iyan or dapat tanggalin iyan?
SEC. ROQUE: Hindi po prohibited kasi even without the pandemic, puwede naman tayong mag-checkpoints talaga. It is actually a form of police mobility to discourage nga not just mobility but also the commission of crimes. So hindi naman po ibig sabihin na palibhasa bubble ay ititigil na ng ating kapulisan iyong ginagawa nila na even without a pandemic.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Wala pa rin po si Secretary Chua. But can maybe try to ask this question to you. I am not sure if puwede. Sir, iyon pong—now that we are under two weeks na NCR bubble, can we estimate the loss in income for example if we shut down or we have limited some of the industries. And then second question is that, sir if we are avoiding a lockdown is that because we can no longer provide iyong Special Amelioration Program. Well, ibig sabihin hindi na natin kayang magbigay ng ayuda kaya huwag na lang natin itong tawaging lockdown, parang ganoon.
SEC. ROQUE: Well, we have attempted to minimize the economic loss although we continue to be under GCQ at mayroon na pong computation talaga na ipinakita kanina si Sec. Chua kung magkano iyong cost of everyday of GCQ. So the same cost we continue to incur, pero hindi nga po natin hinigpitan, so hindi na madadagdagan iyong economic loss natin from the current loss that we are experiencing.
Number two, pagdating po sa ayuda. Alam po ninyo kasi ang katotohanan niyan government can always provide for ayuda and in fact local governments are providing ayudas for those na subject to localized lockdown. Naiintindihan po natin iyon kung talagang hindi natin sila pagtatrabahuhin ay kinakailangan magbigay talaga ng ayuda. Pero kaya nga po binubuksan natin ang ekonomiya, dahil ang ninanais natin ay hindi na lang nagtatanggap ng ayuda ang ating mga kababayan kung hindi magkaroon ng pagkakataon na makapaghanapbuhay dahil karapatan po nila iyan.
JOSEPH MORONG/GMA 7: So therefore, sir, if push comes to shove na hindi natin ma-achieve iyong target of lowering the cases by 25% and we shift to MECQ, we will have the money to provide our people, iyong ayuda?
SEC. ROQUE: Government can always find the money, pero ang usapin po ayuda will never be enough, hindi po iyan magiging substitute doon sa pagtatrabaho ng ating mga mamamayan para makita nila o kitain iyong mga pangangailangan nila. It’s only a stop gap measure.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, may question sana kay Secretary Vince but you answered it regarding the testing and the isolation. So, regards na lang kay Secretary Dizon and if si Secretary Chua will come back probably if we have time. But for the meantime, thank you, sir.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Joseph. Back to Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Question from Aileen Taliping of Abante: Paano iyong protocol doon sa mga taga-probinsya na may appointment sa US Embassy this week, makakapasok po ba sila sa Metro Manila?
SEC. ROQUE: ipakita lang po nila iyong kanilang appointment slip and I think that can be considered as essential travel.
USEC. IGNACIO: Tanong po Tom Perdigon ng GMA News Desk, nasagot na po ninyo, Secretary about statement of Senator Imee Marcos (coverage cut). Ang susunod pong magtatanong ay si Melo Acuña ng Asia Pacific Daily.
SEC. ROQUE: Go ahead, Melo.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon. Ano po kaya, Secretary, iyong progress doon sa request ko kahapon? Mayroon na po kaya tayong datos?
SEC. ROQUE: Ano nga ba iyon, kahapon?
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Iyong tungkol doon sa performance ng Landbank of the Philippines, ng DBP at ng Small Business Corporation sa kanilang mga naitulong sa Micro small and Medium Enterprises.
SEC. ROQUE: I think I need more time, kasi we relayed it pero wala pa akong nakukuhang input ‘no. We will follow up. I am assigning si—Director Ting, can we follow up with the three entities please? Go ahead please.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Secretary, I received copy of the pastoral instructions of the Archbishop of Manila, the Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo. At ang sabi niya they will open the churches from March 24 to 10% capacity, lalo pa sa Holy Week. Mayroong strict measures pero they will open the church at magkakaroon din ng mga online services. May I have your comments about this?
SEC. ROQUE: That will be contrary po to the decision of the IATF and we ask Bishop Pabillo not to encourage, iyong disregard of IATF rules. Ito naman po ay para sa kabutihan ng lahat. So we understand po that this is Holy Week, but a Christian myself, as a practicing Christian, I have a relationship with God. At kasama din po sa obligasyon ng estado ay sumunod din doon sa mga talaga ng Panginoon na mamuno. So, I hope the Bishop will not encourage noncompliance po with this IATF decision.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Without necessary putting the cart before the horse, if they so insist in doing what is contained in the apostolic or the pastoral instruction. What will the government do?
SEC. ROQUE: Ang defiance po ng IATF resolution is not covered by separation of church and state. What is covered is the freedom to believe and the freedom not to endorse a religion. Pero in the exercise of police powers, we can order the churches closed, huwag sana pong dumating doon, Bishop Pabillo. Wala po tayong makakamit na kahit anong objective if you will defy and you will force the state to close the doors of the Church, wala pong paglabag sa separation between church and state if we that because that goes beyond freedom to believe and the prohibition to endorse a religion. That will be an enforcement of police powers po to protect the public good.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Secretary, will the Philippines still consider sending athletes to the Tokyo Olympics slated in July 2021?
SEC. ROQUE: Tuloy naman po iyan, we are confident that the organizers in Japan know also the nature of the disease and we will take all the necessary precautions. Sec. Vince although, hindi talaga kami taga-POC, ang alam ko lang po, tuluy-tuloy pa rin iyong paghahanda ng ating mga atleta.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Siguro po para kay Secretary Karl Kendrick Chua, i-request ko na lang po dahil may meeting daw siya with the Finnish Ambassador. If we can look into the data doon sa mga suspected deaths due to COVID-19 and find more details of the suspected fatalities as to their age and their work and their vocation so that it will further enc0urage people to know kung ano talaga iyong mga tinamaan ng COVID-19. Thank you very much, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Melo.
USEC. IGNACIO: Secretary Roque, tanong po mula kay Vivienne Gulla ng ABS-CBN for Secretary Galvez daw po ang Secretary Dizon: Will the government prioritize Metro Manila for the COVID-19 vaccines expected to arrive this month? And the next OCTA Research proposal is to inoculate not just Metro Manila’s health workers, but even other sectors including economic frontliners in order to help control the surging COVID cases.
SEC. ROQUE: Usec., asked and answered. NITAG will meet on this particular proposal.
USEC. IGNACIO: Second question po niya, may we get a breakdown daw po noong planned deployment for the 2.4 million COVID vaccines expected this month and the 5.5 to 6 million vaccines expected next month?
SEC. ROQUE: Sec. Galvez, please?
SEC. GALVEZ: Kasama po yang pag-usapan po natin ng NITAG.
USEC. IGNACIO: [Technical difficulties] Mayor Alfred ay nasagot na po. Tanong po ni Rose Novenario of Hataw for Secretary Dizon: Sabi po ng WHO Representative to the Philippines ay makakatulong para mapababa ang COVID-19 cases sa bansa ang pagpapalakas ng rapid testing, contact tracing at pagtukoy sa pinagmumulan ng transmission. One year na po ang pandemic, ngunit bakit wala pa ring maayos na mass testing at sistematikong contact tracing? Saan po napunta ang malaking pondo para dito?
SEC. DIZON: Unang-una po, tama po ang WHO, kailangan tuluy-tuloy ang ating detection efforts ng testing at ng tracing lalo na ngayon na tumataas ang mga kaso.
Para po doon sa ikalawang komento, kagaya nang nasabi po ni Secretary Roque, nasabi na rin natin na napakalaki na ng tinaas at dinami ng ating capacity para mag-test simula noong nakaraang taon. Uulitin ko po, mula isang laboratoryo, ngayon ay 229 na. Mula po wala pang isang libo na tini-test kada araw noong bandang mga Pebrero at Marso, ngayon ay nasa mahigit singkuwenta mil na kada araw ang actual na tini-test natin, at may capacity tayo na itaas pa iyan at iyon po ang gagawin natin. So tuluy-tuloy lang po tayo.
Sa contact tracing po, kagaya nang sinabi ni Mayor Benjie Magalong at Secretary Galvez, kailangan paigtingin natin ito. Wala pa tayo kung saan tayo dapat sa dami nang nati-trace pero kailangan magtrabaho pa tayo nang mas maigi para maabot natin ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Susunod na magtatanong si Sam Medenilla ng Business Mirror para sana kay Secretary Chua. For Secretary Dizon, ilan pong isolation centers and treatments and monitoring facilities ang target ma-construct po ng government in NCR Plus to help decongest hospitals in the said area?
SEC. DIZON: Opo. Right now po ‘no, nasa mga bandang halos isandaang libo ang ating beds ngayon na isolation, combined na iyan ng national LGU at pati na rin ng pribadong sektor.
Ngayon po ay mataas po ang occupancy, nasa mahigit 70% ang ating isolation occupancy ngayon pero magtatayo po tayo nang mas madami pa. ang pinakamalaki na itatayo natin na target matapos ngayong end of March ‘no, sa susunod na linggo, ay ang isang mega quarantine facilities sa Subic, sa Manila Times Colleges. Iyan po ay aabot ng limandaang bed capacity, at iyan po ay pipilitin nating mabuksan by the end of March or bago mag-Holy Week.
USEC. IGNACIO: Opo. Susunod na magtatanong si Kyle Atienza ng BusinessWorld: When will President Duterte sign the draft proclamation seeking to declare a climate emergency due to ASF? May update na po ba sa pondong ilalaan dito?
SEC. ROQUE: Wala pong ganoon ‘no. Wala pong order na climate emergency due to ASF. Mayroon pong state of emergency due to ASF ‘no, at iyan naman po ay pinag-aaralan na po ng ating Presidente dahil natanggap na nga po iyong rekomendasyon ng DA na mag-isyu ng ganiyang proklamasyon.
USEC. IGNACIO: Iyong second question po niya about possible abolition ng IATF, nasagot ninyo na po. And then iyong tanong ni Ace Romero, nasagot ninyo na rin po.
Susunod na magtatanong po si Pia Rañada ng Rappler.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, doon lang sa comment ninyo when you said that it’s not the fault of IATF na nagkakaroon ng virus variants. Sir, but not all countries naman with the variants are experiencing surges. And even if they are, the surges aren’t reaching 8,000 a day. So, sir, it sounds that the government is not taking any responsibility for transmission caused by virus variants? Isn’t it the government’s job to stop virus variants from spreading?
SEC. ROQUE: Well, it’s not within the capacity of government to completely order the mutations of the viruses. It happens because that’s the nature of viruses. Hindi po tayo naghuhugas ng kamay. Nandiyan po iyong pagsubok na tumataas ang kaso kaya nga po nagdesisyon tayo na ilagay sa dalawang linggo sa isang bubble ang Metro Manila at nakikiusap na kung pupuwede nga po, manatili sa mga tahanan.
Pero iyong sinasabi ninyo po, hindi ko po alam ang numero ‘no. Pero alam ko po, tumaas talaga ang numero doon sa mga pinagmulan ng mga variants na iyan – sa Inglatera, sa South Africa. At talaga pong tumataas ngayon ang mga numero sa iba’t ibang parte ng daigdig.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Pero, sir, earlier you said that because we’re not naman closing down businesses during this NCR Plus bubble, wala namang need to provide aid. But iyon nga, the Metro Manila mayors just ordered the two-week closure of gyms and spas and other establishments. Sir, does it mean that they should be providing aid to these establishments?
SEC. ROQUE: Wala pa pong directive na ganiyan ang IATF. Pero ito naman pong mga businesses na ito, ito po iyong mga napapatunayan na sila po iyong mga super spreader events or activities. So for the next two weeks lang naman po ito.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Pero, Sir, mayroon po bang any form of aid for them? Because nga the impact on their livelihood is great given this new decision of the Metro Manila mayors.
SEC. ROQUE: We will consider that. Sayang umalis na si Secretary Karl Chua. But I will communicate with the IATF about the possibility of this. Pero as I said before, two weeks lang po ito at limitado po itong mga negosyong ito.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, lastly, for Sec. Roque before going on to Secretary Galvez sana po. Sir, yesterday, did the President have to be reminded that we have a law providing an indemnity fund and, you know, allowing the government to assume indemnity for these adverse effects of vaccines?
SEC. ROQUE: Hindi po, alam niya iyon. Ang sabi nga lang niya, hindi siya papayag na walang pananagutan ang pribadong sektor kung mayroong gross negligence at saka willful neglect ‘no. At secondly, eh kaya nga po hindi makabili nang diretso ang mga private sector ng bakuna na hindi dumadaan sa tripartite agreement dahil hindi naman nila maibibigay iyong indemnity na hinihingi rin ng mga manufacturers.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, kung may liability pala, Sir, iyong private sector, what are we guarding against? Will you file cases against these private companies who are providing/donating already vaccines to the government? What are we doing to prevent this willful negligence? And will this not scare the private sector from in fact participating in the vaccination campaign?
SEC. ROQUE: Hindi naman po kasi marami na pong mga western companies din na nagsu-supply sa atin ng bakuna ‘no. In fact, halos lahat naman po nang nag-commit na mag-supply sa atin, will deliver as promised.
In law kasi, we have a very clear meaning of what is willful neglect and gross negligence. It is really unforgivable neglect, unforgiveable negligence.
PIA RAÑADA/RAPPLER: And then, Sir, my last question is for Secretary Galvez. Sir, since you mentioned na, Sir, that you’re wanting simultaneous po na vaccinations, Sir, will this make our target date for re-opening the economy sooner since you said that it will fast-track iyong coverage of the population? And if sooner, anong timeline po natin, like anong month na po kaya puwedeng mag-propose ng re-opening of the economy?
SEC. GALVEZ: Ang nakikita natin kasi, nagkaroon tayo nang tinatawag na consultation with the private sector at saka sa mga logistics experts natin especially doon sa ibang country Boston Consulting group. Nakita nila na iyong scenario po ng ano, nang ginagawa po natin na sequential at saka iyong serial method, matatagalan po iyon. It will take three years kung magbabakuna po tayo ng more or less 70 people with the two doses. So ni-recommend po nila na sa ngayon, start na ngayon, nagkakaroon lang tayo ng ano eh 30,000 per day. Ang ano natin, para ma-maximize natin na makuha natin iyong 70 million, kailangan magkaroon tayo ng 50 million (500,000) per day or tinatawag na three million per week.
So iyong 500,000 dapat per day iyon. Eh kinumpyut namin iyon with 4,500 vaccination sites, kung gagawa po tayo ng 100 per vaccination sites, magkakaroon po tayo ng 450,000 a day. Sa ngayon po because of ang ginagawa natin serial na inuuna po natin ang health workers, ang namu-mobilize lang po natin is only one-fourth of our capacity. So in order to fully capacitate iyong lahat ng ating mga assets both national, sa local at saka sa private sector, kailangan magkaroon tayo ng simultaneous target. Kasi mayroon pong mga ospital, kung saan po na ospital, sabihin natin iyong sa Manila, itong [garbled] tapos na po siya ng lahat ng kaniyang health workers tapos na po siya.
So ang gagawin niya po ngayon, iyong ibang mga nandoon sa A1—kasi iyong A1, tinatawag nating A1 to A7, mayroon tayong mga priorities ‘yan eh, iyong A1 mayroon tayong division hanggang [garbled] priorities. So pagkatapos ng health workers, puwede na doon siya sa other priorities. Kasi ang ginagawa natin kapag na-deploy na natin iyong doses sa warehouse ng PGH, hindi na po natin puwedeng ibalik po iyon kasi nahihirapan po tayo sa tinatawag nating possible ano ng wastage because of iyong double handling.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, iyong question ko lang naman po is kailan po mabubuksan iyong economy given na kung matuloy po iyong simultaneous vaccinations? Kasi dati sabi ninyo May…
SEC. GALVEZ: Ang nakita natin iyong ano natin, iyong opening of the economy is kapag magkaroon tayo ng tinatawag natin—iyong frontliners natin kaya nga gusto natin iyong frontliners makasama sa ating simultaneous eh. So kapag once na natapos natin po iyong mga frontliners ano natin with the simultaneous vaccination, most likely we can open up the economy… most likely siguro ang ano natin before the end of the year. Kasi hindi pa natin alam eh, sa ngayon wala pa tayong conclusive data kung kailan tayo magkakaroon ng economic recovery because we have not vaccinated yet iyong ating mga intended population.
But ngayon nakikita natin sa experience ng Israel, they are already starting to open up when they have the 50% ng kanilang vaccination. So most likely ganoon din ang US, they will open up this coming July 4 when they have already more than 50% of their vaccination. That’s why ang nakita natin kung ma-vaccinate natin ang ating mga population as early as possible at 4th quarter, we can open up maybe during December. So inaano po namin na ang target po namin we will have a better Christmas this year.
PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, sir.
USEC. IGNACIO: Secretary Roque, may dalawa na lang pong tanong dito na natitira. Una, tanong ni Dreo Calonzo ng Bloomberg for Secretary Dizon and Secretary Roque: How long did our testing go after holidays and why did this happen? Didn’t this affect our case count making the post-holiday decrease artificial?
SEC. ROQUE: Hindi ko po maintindihan kung ano iyong tanong niya.
SEC. DIZON: Opo. Spox, if I may ‘no. Tingin ko po ‘no, iyong nakita naman natin ang pagtaas ng kaso ay nangyari noong bandang Marso pagkatapos ng mukhang nakapasok, nakapasok ang mga iba’t ibang variant galing sa ibang bansa. Ito ay hindi unique para sa Pilipinas, ganito rin ang nangyari sa Japan at sa South Korea noong January at February – pumalo din po ng 5,000 o mahigit sa 5,000 ang mga cases sa South Korea at sa Japan noong panahong ito. Na-trace po nila ito sa pagpasok ng mga iba’t ibang variant tulad ng UK at South African variant.
So tingin ko po walang kinalaman iyong pagsipa ngayon dahil doon sa testing natin noong Disyembre. Pero ngayon ang importante, uulitin ko po, is napakataas po ngayon ng ating pagti-testing kung ikukumpara natin lalo na sa level of testing natin noong unang bugso ng surge natin noong July and August.
USEC. IGNACIO: Opo. Last question na po, Secretary Roque. Tanong po ni Celerina Monte ng Manila Shimbun: Regarding the presence of Chinese vessels in West Philippines Sea, China claimed there are fishing vessels without Chinese militia. It said that any speculation in such helps nothing but causes unnecessary irritation. Do you believe China? How do you view China’s latest statements?
SEC. ROQUE: Well, uulitin ko lang po ang sinabi kahapon ni Presidente, kakausapin niya ang Chinese Ambassador tungkol sa isyung ito. At ang sabi naman niya, wala namang hindi napag-uusapan sa panig ng mga magkakaibigan.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat po ‘no. At dahil wala na pong mga tanong, we’d like to thank our guests, pinangungunahan po ni Secretary Galvez, Secretary Dizon, Secretary Chua. Maraming salamat, Usec. Rocky. At maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.
Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyo pong Spox Harry Roque nagsasabi: Pilipinas, naku po, maingay po ngayon pero kinakailangan magmasid, mag-isip at tingnan kung ano na talaga ang narating ng buong Pilipinas hindi lang po dahil sa IATF. Alam po nating tumataas ang kaso, ito po’y bagong pagsubok at hinaharap po natin ngayon. We will heal as one.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center