USEC. IGNACIO: Magandang umaga po sa lahat ng nakatutok sa ating programa, ngayon po ay April 21, araw ng Miyerkules. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Mula po sa pinagsamang puwersa ng PTV at Philippine Information Agency, muli po nating tatalakayin ang mga pinakamaiinit na issue sa bansa dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Nagpahayag po nang matibay na suporta si Pangulong Rodrigo Duterte para sa panawagan na tuluyan nang buwagin ang kafala system na umiiral sa ilang estado sa Middle East. Ayon sa Pangulo, hindi makatao ang naturang sistema lalo pa’t nauuwi ito sa pang-aabuso sa karapatang pantao ng migrant workers. Narito ang report ni Mela Lesmoras:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Pinuri naman ni Senator Bong Go ang mga inisyatibang ginagawa ng taumbayan para magpakita ng bayanihan sa gitna ng pandemya. Aniya, malinaw na hindi lang ito laban ng pamahalaan kaya naman mahalaga ang pakikiisa at pagtutulungan ng bawat Pilipino para sa ikabubuti ng lahat. Panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Kasabay po nang pagpapalawak ng National Vaccination Program ng pamahalaan ay ang mga pagbabagong ginagawa para matiyak ang mas mabilis at mas episyenteng proseso ng pagbabakuna at isa po sa nangungunang kagawaran dito ay ang Department of Information and Communication Technology. Para makibalita sa mga inilunsad na tracking and data-based management tools ng DICT, makakausap po natin si Undersecretary Manny Caintic. Good morning, Usec.
DICT USEC. CAINTIC: Good morning, ma’am. Good morning, Usec. Rocky. Salamat sa pagpapaunlak sa amin ngayon.
USEC. IGNACIO: Mayroon na raw po tayong Vaccine Information Management System at Vaccine Dashboard kung saan real time na makikita po iyong isinasagawang pagbabakuna ng pamahalaan sa buong bansa. So, puwede ninyo po ba ibahagi sa amin ang detalye nito para po sa kaalaman ng ating mga kababayan?
DICT USEC. CAINTIC: Okay. Salamat, Usec. Rocky. Actually may presentation akong maiksi, puwedeng i-show para ma-guide?
So magandang umaga sa inyong lahat. Habang patuloy iyong paglaban natin sa COVID-19, the Philippine government has started the development of its vaccination program where we target to inoculate as many Filipinas as we can, as soon as we can with the least wastage as possible.
So ibig sabihin, gusto nating mapalaganap ang pagbabakuna sa pinakamadaling panahon, sa pinakamaraming tao na walang masasayang, walang masisira, as this can be done through the Department of Information Communications Technology’s Vaccine Information Management System or VIMS.
The VIMS shall not only serve as the information system holding vital LGU health facility and citizen data for the vaccination rollout but it shall also be able to track the supply and distribution of the vaccines nationwide.
Sa madaling salita, ito pong VIMS ay magiging single source of truth para sa lahat ng impormasyon patungkol sa pagbabakuna kontra COVID-19. Maaari rin po itong gamitin ng ating mga health professionals upang maisaayos ang aktuwal na pagbabakuna sa bakuna centers at maging ang mga LGUs upang magkaroon nang mas maayos na aksiyon at polisiya ang mga ito sa kanilang mga vaccination progress.
The DICT shall also ensure the security of the VIMS as it allows information and data exchange with other systems. In this note, we are working on its inter-operability with existing vaccines systems of the LGUs which will have the ability to upload their existing data to VIMS.
Aside from the data on citizen information, the VIMS is also able to show the standard reporting on the number of administered vaccines by regional level, ito iyong sinasabi ninyo kanina, Usec. Rocky. It also showcases a comparative report of the Philippines’ vaccination effort versus our peers in Southeast Asia. We are also working on having more granular level of reporting to come up with data-driven decisions at both national and local levels. Ito pong mga dashboard na ito ay araw-araw nating ina-update at maaari ninyong makita sa Laging Handa website ng ating gobyerno.
Sa pamamagitan po ng VIMS, mata-track rin po natin ang pagdating ng supply ng bakuna papasok sa ating bansa hanggang sa maidala ito sa mga bakuna centers sa ating mga probinsiya. Kasabay nito ang pagpapatibay sa iba pang mga aspeto ng VIMS tulad ng registration, administration, and reporting. Sa ganitong paraan, makakagawa po tayo ng data-driven decision making at masolusyunan agad-agad ang mga problemang kinakaharap ng ating Vaccine Operations Command.
We are also learning from our friends and neighbors globally as we improve VIMS to deliver quality outputs for the Filipino people. We are working with private sector, organizations, and individuals to be able to utilize the VIMS to its maximum capacity. We aim for VIMS to help our leaders, those involved directly with the vaccine efforts to make decisions by leveraging on the data collected.
Nais ko rin pong ibahagi ang aming pakikipag-ugnayan sa San Juan LGU upang maipatupad ang vaccine system sa kanilang lokalidad. Sa atin pong pagtulong, nagawa na po nating paikliin ang proseso ng pagbabakuna ng mga sampung minuto dulot ng paggamit noong Vaccine Administration System. Dahil dito, mas makakapagbigay-pansin ang ating lokal na pamahalaan sa iba pang aspetong tugon kontra COVID-19.
Ang pag-implement natin sa San Juan ay na-feature na po natin sa Facebook page at mga various media outlets. It shows the positive feedback to the project received during its pilot implementation. What more we can do once we rollout to all the cities and provinces, and regions. So, iru-rollout pa natin ito even more.
This is panimula pa lang ng ating journey towards completely realizing our goal towards fully transitioning to new normal. Tuluy-tuloy po tayo dito sa DICT, tumutulong sa ating National Vaccine Operations Command nang maiayos ang ating pagtakbo ng vaccine.
Salamat, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Usec., paano po ito makakatulong para pabilisin iyong rollout ng bakuna sa bansa?
DICT USEC. CAINTIC: Thank you, Usec. Rocky. Kung mapapansin ninyo, kung hindi maayos, kung walang information system, umaabot ng mga 20-25 minutes, may mga iba pa nga umaabot ng 30-40 minutes ang waiting time mo mula noong pagdating mo sa bakuna hanggang maturukan ka tapos maghihintay ka pa sa post-vaccination area. Hindi po iyon acceptable because dagsa po ang bakunang dadating, we need to be able to vaccinate in less than five minutes.
So, with the information system, hindi magtatagal from registration – consent – screening – vaccination. Nag-time-in-motion tayo ‘no. Sa San Juan, ten minutes iyon all the way including iyong waiting mo between queues. Pero through the information system kung wala lang pila lampas higit-kumulang 4.5 – 4.7 minutes ang aming na-clock.
So, inano namin iyan, time-in-motion namin iyan. Iyon po ang ating objective, sa limang minuto marami tayong mababakunahan, milyun-milyon, pagdating ng dagsa ng ating mga bakuna na inaabangan natin in the coming months.
USEC. IGNACIO: Usec., ano naman po ang ipinagkaiba ng VIMS immunization registry sa administration system? Magkaiba ba sila ng nilalaman, Usec.?
DICT USEC. CAINTIC: Actually, isa lang ecosystem ang VIMS ‘no. Iyong IR ang tinawag namin doon sa pagsumite ng mga master list. Actually, registry sila lahat, so dalawa lang. Magsusumite ang mga LGU noong kanilang mga master list, iyong mga kandidatong babakunahan nang sa ganoon ma-fill-out na doon sa VIMS base para pagdating mo doon sa bakuna center nandoon na ang datos mo, hahanapin na lang, iki-click, lusot ka na sa dulo. Iyon po ang ating target, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Pero Usec., kumusta naman po iyong compliance ng LGU sa pagsusumite po ng listahan para sa DICT para sa mabilis nga po na proseso?
DICT USEC. CAINTIC: Salamat sa tanong ninyo, Usec. Rocky. Tuluy-tuloy pa rin po, we are sending compliance reports. I will not name any particular LGU pero tuluy-tuloy po ang pangungulit namin kasi importante pong mapadala nila lahat agad ang kanilang master list kasi importante sa amin iyon para sa demand planning, sa distribution and allocation.
So, dumadating naman po although naghahanap na rin po kami ng mga ibang paraan. We’re talking with other sources of data like Comelec, PhilHealth. We’re trying to start from a big list if ever pero important po kasi iyong galing sa LGU kasi iyon talaga iyong datos na galing sa kanilang mga nakalap from their constituents.
USEC. IGNACIO: Usec., bakit natawa ka noong tinanong ko? Mayroon ba kayong nakitang medyo naging problema sa pagsusumite ng LGUs ng listahan?
DICT USEC. CAINTIC: Parang may nag-feed sa iyo ng question, Usec. Rocky. Tumutulong ho ang DILG po sa pangungulit. So, paging all LGUs to submit accordingly.
USEC. IGNACIO: Paglilinaw po: Ang laman ba ng listahan ay mga eligible na babakunahan o lahat po ng mamamayan ng lokalidad?
DICT USEC. CAINTIC: Lahat po mababakunahan, lahat. Hindi ninyo kailangan mag-alala na hindi kayo mababakunahan. Ang importante lang sa amin ngayon is iyong order of things. Inu-observe natin iyong priority group kasi gusto nating ma-achieve ang pinakamabilis at mabisa.
Importante na mabakunahan muna natin iyong ating mga manggagawa sa health sector kasi sila iyong ating frontline eh, so, we’re managing the flow of the vaccine. So, ibakuna muna natin sa karapat-dapat mabakunahan.
Pero halimbawa dumagsa na ang lahat, hindi na iyan siya problem eh. So right now, we need the data coming in para maayos ang order of things. Pero dumadating naman po ang mga listahan.
USEC. IGNACIO: Ito, Usec., papaano naman daw po iyong mga walang access sa internet o iyong sabihin na natin hindi marunong gumamit ng system?
DICT USEC. CAINTIC: Very good question, Usec. Rocky. Very, very good question. Huwag kayong mag-alala kung ang inyong LGU ay walang online pre-registration system. Kaya nga importante nilang ipadala ang kanilang mga listahan. Ang mga LGU may mga listahan iyan, mayroon iyan silang panimulang datos.
Hindi mo kailangan mag-register, iyong registration mapapabilis lang iyong pagtulong sa LGU sa pag-classify. Huwag kayong matakot kasi may mga indigent list iyang mga LGUs, may mga senior citizen list iyan sila, so doon manggagaling ang kanilang mga datos. But eventually, lahat po tayo babakunahan kung masugid ang inyong mga barangay at mga LGUS. Kaya natin nga sila kinukulit. Lahat mababakunahan.
USEC. IGNACIO: Pero wala po bang dapat ikabahala ang ating mga kababayan tungkol sa tinatawag nating data privacy?
DICT USEC. CAINTIC: Hindi po, wala po. Ito pong datos na ito solely for the sole use of the Department of Health, kami lang po ang nag-administer, sila po ang may custodial rights to the data base po of this.
USEC. IGNACIO: Kailan naman daw po ang magiging rollout ng system na ito sa iba pang lugar sa bansa?
DICT USEC. CAINTIC: Kasalukuyan po ang binigay po sa aking deadline nila Sec. Charlie Galvez is bago matapos ang Abril lahat ng mga LGUs ng NCR dapat na rollout na sa maraming LGUs.
Doon sa mga gustong gumamit, may mga LGUs tayo na may kayang bumili ng sarili nilang vaccine system at pinalaganap po nila iyon ganoon po. Pero marami po kami ngayon sa kasalukuyan nag-training kanina sa Pasay, may Makati, tuluy-tuloy po ngayong NCR and then the rest of the 1,700 LGUs will be for May.
Madali lang po siya minsan ituturo, kasi mayroon po tayong tinatawag na dream team regional, may mga regional, provincial na magtutulong mag-rollout. So minu-multiply natin iyong sarili natin through the help of the dream team composite ng DOST, DICT, DILG, DOH at marami pang ibang mga organizations po na tumutulong mag-rollout. We are also trying to tap right now, iyong national ICT councils para puwede silang tumulong mag-train sa mga vaccination centers.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Usec. Manny Caintic at more power sa proyekto ng DICT. Lagi po namin kayong iimbitahin dito sa Public Briefing, Usec.
DICT USEC. CAINTIC: Thank you po, Ma’am.
USEC. IGNACIO: Samantala, muling nakapagtala ng mataas na recovery ang Department of Health kahapon.
- Umabot sa 21,664 ang mga bagong gumaling mula sa COVID-19 kaya nasa 809,959 ang kabuuang bilang nito.
- 7,379 naman ang mga bagong nahawaan ng sakit kaya naging 953,106 ang total cases.
- Nasa 16,141 naman po ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos itong madagdagan ng 93.
- Dahil sa mataas na bilang ng recovery bumabang muli ang mga aktibong kaso sa bansa na ngayon po ay nasa 127,006.
Bagama’t mas marami ang gumagaling sa sakit kaysa po sa mga bagong nahahawaan, hindi pa rin po tayo dapat na magpakampante, manatiling sumunod sa minimum health standards dahil ito pa rin ang pinaka-mabisang paraan para maiwasan ang virus.
At kung kayo po ay may nararamdamang sintomas, agad pong makipag-ugnayan sa inyong mga Barangay Health Emergency Response Team para agad itong maagapan.
Muli po ang aming paalala: Maging BIDA Solusyon sa COVID-19!
Samantala, magkakahiwalay na tulong naman po ang ipinaabot ni Senator Bong Go sa pamamagitan ng kaniyang outreach team sa mga residenteng nasunugan sa iba’t ibang mga barangay sa bansa, kasama rin po ang DSWD at ang National Housing Authority para magpaabot ng dagdag na ayuda sa mga nasunugan. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala patuloy din po ang ginagawang pagbabakuna kontra COVID-19 ng Lungsod ng Maynila para sa mga residente nitong bed ridden at kabilang sa A1 hanggang A3 na priority list. Ang detalye ihahatid ni Cleizl Pardilla:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa iyo Cleizl Pardilla, mag-ingat kayo, Cleizl ha.
Samantala, sa gitna naman ng mainit na usapin tungkol umano’y paglapit ng mga pulis sa ilang organizers ng mga community pantry na nagsulputan sa bansa, sinabi mismo ni PNP General Debold Sinas na wala siyang ibinabang utos para magsagawa ng profiling. Pero sa kabila ng mga paglilinaw, marami pa rin po ang hindi kampante. Kaugnay nito makakausap po natin ang bagong tagapagsalita ng Philippine National Police na si Brigadier General Rolando Olay. Magandang umaga po sa inyo, General.
PNP SPOX BGEN. OLAY: Magandang umaga Usec. Rocky at saka sa iyong mga tagapakinig at tagapanood.
USEC. IGNACIO: Opo. Welcome po sa ating programa. Sir, diretsahan na pong tanong ano po. Totoo po ba o hindi na sa kasalukuyan nagpu-profiling ang pulis sa mga nag-organize po ng community pantries sa iba’t ibang lugar sa bansa?
PNP SPOX BGEN. OLAY: Usec. Rocky ‘no, walang utos si Chief PNP Police General Sinas na magkaroon ng profiling o red tagging sa mga personalidad na na-involve dito sa mga community pantry. Expression ito ng bayanihan spirit ng mga Pilipino eh ‘no. Ang intensiyon ng mga kapulisan doon ay to serve the best interest of the public. Ang tinitingnan kasi namin doon ay from the point of view of public safety ‘no. Pumunta sila doon to ensure compliance sa minimum public health standards ayon na rin sa kautusan ng IATF ‘no.
Panatilihin ang kaayusan ng linya at walang unahan kasi alam naman natin na kapag nag-uunahan ay diyan na po magkakagulo. Kapag may gulo ay siyempre ay concern na iyan ng Philippine National Police at siyempre katuwang natin dito ang Barangay at Police Action Teams ‘no BPATs namin, mga tanods, local government units.
USEC. IGNACIO: Opo. General, basahin ko lang iyong ilang tanong ng ating media partners para sa inyo po. Ito po ay galing kay Gerg Cahiles ng CNN Philippines: PNP Chief Sinas says there is no order to profile community pantry organizers but NTF-ELCAC Spokesperson General Parlade says they are doing a background check on community pantry organizers. The PNP Chief is a member of NTF-ELCAC. Can you clarify this?
PNP SPOX BGEN. OLAY: Yeah. I can only speak for the Philippine National Police ‘no, kung anuman iyong activities ng ELCAC ay wala akong concern doon. Basta ito iyong kautusan ng ating mahal na hepe ay no profiling, no red tagging at pinag-utos na rin niya kanina, nag-usap kami kanina na imbestigahan ng CIDG at mga PROs, Police Regional Offices, iyong mga alleged na mga red-tagging na iyan, imbestigahan nila iyong sarili nilang mga tauhan at ang ating [Anti] Cybercrime Group ay imbestigahan din ang mga pagkakalat ng mga malisyosong mga text na ito at saka iyong sa social media.
USEC. IGNACIO: Opo. May follow up lang po si Joseph Morong ng GMA News ano: If there are no PNP orders, what should NTF-ELCAC do when they admitted that they are profiling?
PNP SPOX BGEN. OLAY: Sabi ko nga kanina ay concern kasi ng NTF-ELCAC iyon, kaya I cannot speak for the NTF-ELCAC.
USEC. IGNACIO: General, pero ano po kaya iyong dahilan noong paglapit ng ilang pulis sa organizers ng mga community pantry na ito na umano’y nanghihingi ng mga impormasyon kagaya daw po ng pangalan at cellphone number at nagpapasagot pa raw po ng form. Totoo po ba ito at para saan daw po ito, General?
PNP SPOX BGEN. OLAY: Ang sabi ng District Director kahapon ay kinukuha nila iyong mga detalye na ganiyan para sa susunod na mga aktibidades ng kapulisan ay maaari namin silang isama ‘no. Mayroon na kaming organization, alam namin kung sino iyong mga katuwang namin sa mga ganiyang bagay. There is no harm actually sa presence ng mga kapulisan doon, sabi ko nga kanina ay to ensure compliance to minimum public health standards such as wearing ng face mask, face shield at physical distancing.
USEC. IGNACIO: Opo. May mga Facebook accounts po ang iba’t ibang PNP Police District daw po na nagshi-share din ng mga post na tila nagbibigay-bahid sa intensiyon ng mga community pantry na ito. So, ano po ang reaksiyon ninyo dito? Kayo po ba ay nakikipag-ugnayan sa kanila?
PNP SPOX BGEN. OLAY: Tama iyan, Usec. Rocky ‘no. At kasama iyan sa paiimbestigahan ni Chief PNP General Sinas, kaya niya inatasan ang Anti-Cybercrime Group.
USEC. IGNACIO: Opo. General, isa pa pong tanong ni Gerg Cahiles. Ito po tanong niya: What will the PNP do to policemen who will go to community pantries and will ask for personal details and affiliation of organizers and volunteers?
PNP SPOX BGEN. OLAY: Iimbestigahan sila, kung wala naman silang masamang intensiyon sabi ko nga kanina ay inutusan sila doon ng kanilang mga commanders on the ground para panatilihin ang kapayapaan/kaayusan sa pila, walang mag-unahan. Doon naman sa sinasabi ni Gerg na pagkukuha ng mga detalye tungkol sa mga organizers ay iyan ang gustong paimbestigahan ni Chief PNP, inatasan niya ang CIDG at saka ang Anti-Cybercrime Group ‘no.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Bea Bernardo ng PTV: May community pantry po sa Project 3 sa Quezon City ang umano’y namimigay ng pamphlet na tumutuligsa sa gobyerno. Bago rin po sila bigyan ng ayuda, may pinapipirmahan umano sa kanila. May paglabag po bang nakikita ang PNP sa ginagawa ng mga organizer na ito?
PNP SPOX BGEN. OLAY: Iyan ay binabato namin sa mga commanders on the ground namin kaya iyon tinitingnan namin na huwag naman itong abusuhin o sakyan ng mga ibang mga grupo ‘no. Sa amin ay kung in the spirit of bayanihan ay talagang nagbibigay sila ng ayuda at walang ibang kulay ay wala pong masama doon. Walang masama dahil pagtulong ito, in the name of bayanihan spirit.
Pero kapag sinakyan na ito ng ibang mga organisasyon na may ibang pakay ay doon na magkakaroon ng ibang interpretasyon ng kanilang mga gawain at ayaw nating mangyari iyong ganiyan dahil magkakaroon ng mga ibang mga kulay, mga innuendos, ayaw naming magkaroon ng mga ibang kulay. Sa ganiyang pagbibigay ng tulong, puwede namang magbigay ng tulong.
Ang importante lang diyan ay i-coordinate nila sa mga LGUs ‘no, sa mga barangay para alam din ng barangay. Hindi naman kukuha ng permit kundi ipaalam lang na mayroon kaming ganito para makatulong naman ang barangay, ang kanilang barangay tanods para magbigay ng assistance para panatilihin ang pila at kaayusan sa lugar kung saan man sila nagbibigay ng ayuda.
USEC. IGNACIO: Opo. And General, kasi iyong iba yata, iyong mismong mga residente rin po iyong nagri-report sa awtoridad ano po ng mga kaganapan sa kani-kanilang barangay.
PNP SPOX BGEN. OLAY: Tama iyon. Iyong mga impormasyon na iyon ay galing na rin sa mga people on the ground ‘no, sa ating mga katuwang, sa mga kasamahan natin na ganito ang nangyayari., kaya ang mga kapulisan ay ayaw nating maging super spreader events iyan. Puwedeng maging super spreader events iyan eh dahil walang pila, nag-uunahan. Puwedeng maging simula iyan ng impeksiyon sa mga kababayan natin. Iyon ang ayaw natin at iyon ang intensiyon lang ng kapulisan ninyo. Ayaw nating maging super spreader events ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Ella Dionisio ng Daily Manila Shimbun: Is it true that the PNP sent a letter to DOLE proposing that a national police clearance be one of the requirements daw po for various transactions? If yes, what kind of labor transactions should require a national police clearance and ano po daw ang difference nito from current police clearance?
PNP SPOX BGEN. OLAY: I will have to consult first with the office of primary responsibility ‘no. Hindi ko kayang sagutin ngayon iyan. Ngayon kasi ang police clearance na ibinibigay, iyong mga local police clearance ay kaniya-kaniya – kaniya-kaniyang munisipyo, city at hindi nag-uusap-usap. Halimbawa iyong isang taong wanted na mayroong warrant of arrest dito sa isang probinsiya, kukuha siya sa kabilang probinsiya ay maaari siyang bigyan sa kabilang probinsiya kasi ang kaniyang record ay nandito sa kaniyang resident province ‘no.
Iyon ang ginawa ng national police clearance, pinag-usap-usap iyong lahat noong mga probinsiya na ito, lahat up to the municipal level para i-integrate iyong police clearance ng kapulisan – iyon nga iyong national police clearance system. Para kung kukuha siya dito sa kabilang bayan ay mamu-monitor na mayroon pala siyang warrant at doon pa lang ay puwede na siyang arestuhin.
At marami nang mga nangyaring ganiyan na – kasi nasa pilot testing pa lang iyong national police clearance at niru-rollout na actually – marami nang nahuling mga wanted na mayroon palang mga warrant of arrest sa kabilang bayan ay dito sa kabilang bayan sila kumukuha ng police clearance.
USEC. IGNACIO: May follow-up question po si Joseph Morong: But would you say ELCAC’s background check is wrong and how do we protect community pantry organizers from red-tagging?
PNP SPOX BGEN. OLAY: Sabi ko nga, babalik na naman ako sa original statement ni General Sinas ‘no. Wala naman siyang inutos na pag-profiling, pagri-red-tagging, that’s an NTF-ELCAC matter. Kung anuman iyong ginagawa ng ELCAC ay internal sa kanila iyon.
USEC. IGNACIO: Okay. General, nagpapasalamat po kami sa inyong panahon para po bigyang-linaw ang mga isyu; at congratulations din po sa pagiging bagong PNP Spokesperson, Brigadier General Rolando Olay. Ingat po kayo, sir!
PNP SPOX BGEN. OLAY: Maraming salamat din. Sa mga kababayan natin, kung wala naman silang masamang intensyon ay huwag nating masamain iyong presensya ng kapulisan natin, ang kapulisan natin ay nandoon lamang para panatilihin ang kapayapaan, wala ng iba.
Maraming salamat din.
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po.
Maging po sa Guagua, Pampanga ay umabot na rin po pagbabayanihan ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga community pantry. Kaya naman po makakausap mismo natin ang kanilang alkalde, si Mayor Dante Torres para po kumustahin ang suporta ng lokal na pamahalaan dito. Magandang umaga po, Mayor!
GUAGUA MAYOR TORRES: Good morning po, Usec.!
USEC. IGNACIO: Mayor, sa pagkakaalam ninyo po ilang community pantry na po iyong itinayo sa inyong lugar at ano po iyong opinyon ninyo o take ninyo dito? Sumusuporta po ba kayo sa inisyatibong ito?
GUAGUA MAYOR TORRES: Well actually, dito po sa amin ‘no, dito sa Plaza dalawa na iyang nakatayo ‘no and then pinag-uusapan nga namin iyong kapulisan mismo nagtayo sila sa harapan ng pulisya—alam mo naman iyong PNP natin palaging tumutulong din sa mga mahihirap nating kababayan ‘no, so nagtayo rin ang kapulisan ng sarili nila
So far naman maganda naman iyong feedback dahil talagang iyong mga nagtayo ang intensyon lang naman talaga is iyong spirit of bayanihan at saka tulungan iyong talagang walang-walang kababayan natin. So, so far naman okay naman.
And then marami ring lumalapit sa atin—Hello?
USEC. IGNACIO: Go ahead po, Mayor.
GUAGUA MAYOR TORRES: Marami ding lumalapit sa akin dahil dati akong taga-simbahan. Mga taga-youth ng simbahan nagtatanong kung puwede silang magtayo din, kung puwede ko silang tulungan. Ang sabi ko, why not kung maganda naman sa ating mga—tingnan ninyo iyong mga talagang nangangailangan ang ika ko ang magiging customer ninyo.
Maganda naman—
USEC. IGNACIO: So, Mayor itong—
GUAGUA MAYOR TORRES: —pati pulitika, walang halong pulitika ito. Tulong sa mga kababayan namin.
USEC. IGNACIO: So Mayor, may koordinasyon po ang LGU sa mga grupong nag-o-organize ano po. Mangangailangan po ba sila dapat ng koordinasyon sa barangay o munisipyo muna bago po makapagtayo?
GUAGUA MAYOR TORRES: Well, actually inaano ko lang sila sa barangay para alam naman ng barangay na mayroon pa lang ganiyan. Nakakahiya naman, iyong respect naman sa barangay captain natin. Eh, kahit ano namang gagawin mo kailangan kung nasa barangay ka, kahit na magpaalam ka lang sa barangay captain mo para alam nila kung ano iyong pinagkakaguluhan kung saka-sakali o kaya kung ano iyong mga naka-display na pagkain doon o mga goods.
So, kailangan naman talaga makipag-ugnayan sila sa mga government officials.
USEC. IGNACIO: Mayor, may mga nagsasabi na kaya daw po nagsulputan ano po iyong ganitong uri ng kawang-gawa ay dahil sa di-umano’y kulang ang naibabahaging tulong ng pamahalaan sa kaniyang mga nasasakupan. So, kayo po ba ay sumasang-ayon dito?
GUAGUA MAYOR TORRES: Well, alam mo naman kasi ang gobyerno natin napakalaki ng pangangailangan dahil sa pandemyang ito. Hindi naman natin puwedeng masabing nagkukulang ano, siguro parang—in the case of our municipality, ma’am ‘no, dito sa aming municipality wala namang nagutom especially during the pandemic ‘no.
Eh, marami namang mga mayayaman dito na talagang gusto nilang tumulong para mabigyan ng kaunting ayuda especially po iyong mga nawalan ng trabaho ‘no; pero hindi naman siguro iyong nagkukulang iyong gobyerno on our part ‘no. Dahil aside sa national government po na ibinibigay na ayuda, marami ding tumutulong.
Kamukha ni Senator Bong, ang daming naitutulong dito. Eh, kaya naman namin sigurong tulungan iyong mga ano—even iyong sa ayuda, iyong mga hindi nakatanggap ng SAP ang ating munisipyo nagbigay ng rice sa mga hindi nakatanggap kaya I don’t see any reason—talagang ganiyan siguro ang mga Pilipino gusto nila talagang tumulong sa ating mga mamamayan.
USEC. IGNACIO: Mayor, mapunta naman tayo dito tungkol dito sa ating paghahanda sa COVID ano po. Noong first week of April lang po ay ipinasara ninyo temporarily ang munisipyo at saka itong pamilihang bayan dahil sa pagdami po ng kaso ng COVID-19. So, kumusta naman po ang mga empleyado ng inyong munisipyo sa ngayon at paano po ang work arrangement nila ngayon, tuloy-tuloy pa rin po ba iyong services ng inyong municipal hall sa mga tao?
GUAGUA MAYOR TORRES: Ganito po ang nangyari, ma’am ‘no, nagkaroon po kami ng—iyong isang departamento rito, iyong MDR, ang daming tinamaan ng COVID – 13 ang nag-positive. Eh, normally iyon pong MDR natin iyon po ang mga tagahatid ng mga COVID positive sa ospital, sa mga isolation facilities.
So incidentally, doon maraming tinamaan. So, may tinamaan din sa mga ibang department so I decided na i-closedown muna iyong munisipyo pero iyong different department lang. Nagsara kami siguro one week lang, iyong munisipyo just to disinfect it ‘no.
Ngayon, nagbigay ako ng memorandum sa mga empleyado na lahat sila ay COVID suspect, so ang ibig sabihin niyan ‘ka ko ay hindi kayo puwedeng lumabas, mag-quarantine kayo sa kaniya-kaniyang mga bahay ninyo.
And then iyong assignment ang ginawa ko on my part sa Office of the Mayor, mayroon akong naiwan na staff dito at ako nag-oopisina sa isang garden ng munisipyo. So continuous pa rin ang operation ng munisipyo kahit naka-close kasi hindi naman natin puwedeng mapabayaan ang munisipyo ma’am.
Kaya kami nag split sa Office of the Mayor para kung saka-sakali matamaan ako, ma’am, at least iyong opisina umaandar pa rin. Kasi marami tayo talagang siniserbisyuhan, hindi lang naman COVID ‘no, iyong ordinary day activity natin kailangan mapalakad ang gobyerno natin.
Ngayon on the part of the public market naman: Ang public market namin napakalaki ma’am, ito kasi ang pinaka-commercial center ng Second District of Pampanga. Ang Second District of Pampanga is composed of six municipalities, dito lahat namamalengke halos iyong mga mamamayan.
So, para rin hindi masyadong kumalat iyong COVID since ang palengke kasi is isang powder keg na kung saka-sakali diyan babagsak o kaya diyan lolobo iyong COVID-19, ang ginawa ko ma’am, ipinasara ko every Monday, parang market holiday. Ang intensyon namin diyan is to disinfect the whole public market so ipina-stop muna namin ang transaksiyon; so every Monday, ma’am, sarado iyong palengke namin for disinfection purposes.
So far naman nakita mo wala naman masyadong—wala pa, sana wala. Wala pa namang tinamaan sa aking public market o kaya reported na tinamaan nanggaling doon sa public market. So, maganda at least ang nagagawa natin sa kasalukuyan.
USEC. IGNACIO: Mayor, kumusta naman po iyong vaccination program sa inyong lugar? Sa ngayon po ilan na iyong nasa priority list ang nabakunahan? May sapat po bang bakuna ang nasa inyo na po?
GUAGUA MAYOR TORRES: Well, ang bakuna po Ma’am, iyong mga frontliners natin ‘no, mga ospital at saka iyong ating mga local health RHUs at saka iyong mga BHERTs natin, nabakunahan na iyan. Ngayon ang kasunod naman iyong ating aged 19 hanggang 59 with comorbidity. So, last Monday nag-start kami, binigay ng aming mahal na gobernador, nabigyan po kami ng 434 shots. So, so far up to kahapon po ang nabakunahan lang is 174, siguro tatanungin ninyo bakit ‘no. Alam ninyo maraming umatras takot sila kaya sabi ko sa kanila, ito ho ang prebelihiyo ninyo, sayang! Mamimili lang kayo, ano ang gusto ninyo, bakuna o COVID. So, ngayon medyo, na-ano ng mga tagarito, bakit hindi tayo magbakuna, so ngayon tinuloy namin ngayon, half day lang ngayon para maubos iyong 434 na vaccine, iyon po ang na-allocate sa amin galing ng probinsiya.
USEC. IGNACIO: Mayor, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Ingat po kayo, Guagua, Pampanga Mayor Dante Torres. Stay safe po lagi.
Samantala, patuloy pa rin po na nadadagdagan ang mga nagpupositibo sa COVID-19 sa bansa bawat araw. Ang katanungan, kaya pa ba ng ating mga ospital na tugunan ang mga pangangailangan ng mga pasyenteng may COVID-19? Alamin po natin ang sitwasyon sa Philippine general Hospital, kasama po ang kanilang Spokesperson na si Dr. Jonas Del Rosario. Good morning po, Doc.
DR. DEL ROSARIO: Magandang tanghali po sa inyo at sa inyong tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, unahin ko na iyong tanong ng ating kasamahan sa media ano, ito po ay naisumite na nila dati, hindi ko po alam kung ito po ay nabigyang-tugon na ninyo. Pero itatanong ko na rin po ulit ano po. Mula kay Tristan Nodalo ng CNN Philippines: Ano na raw po ang status ng PGH COVID wards and ICU, ito raw po ba ay puno pa rin?
DR. DEL ROSARIO: Well, ang amin po ngayong census as of today ay mayroon po kaming 220 na admitted patients po out of the 250 beds po na mayroon ang PGH. At doon po sa mga naka-admit, puno po ang aming ICU which has been the case for quite sometimes po. Lagi pong puno iyong ICU, about 30 beds. Iyong amin pong emergency room ay puno din po dahil nagwu-walk in po iyong mga ibang pasyente, so iyon pong aming 25 beds na para sa COVID sa emergency room ay lagi pong puno at mostly po sila ay severe to critical iyong napupunta po sa ER. Kaya po minsan ay hindi kaagad maipasok, dahil po iyong ICU sa loob ng PGH ay puno din, so we have to wait for some of them to recover or to be transferred or to feel better, to improve bago po minsan maipasok iyong ibang nasa emergency room. Ganoon din po iyong mga ibang gustong lumipat sa PGH, iyong iba pong ospital that they are trying to coordinate their transfers. Nakukuha naman po namin, once na nagkaroon po ng opening. So, 220 out of 250, that is almost close to mga 90% of our bed occupancy ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo, tanong pa rin ni Tristan Nodalo: What is the mortality rate daw po among COVID patients. You said 5 patients die every day due to COVID?
DR. DEL ROSARIO: Doon po ngayon sa amin sa PGH po, tama po nakikita ko po sa aming census everyday po nagta-tally kami kung ilan ang namamatay, mga at least 5 patients po a day for the last two weeks po. Mayroon pong times na mas mataas doon, mga 7 to 10, pero more or less po mga 5 patients ang namamatay na dumadating or naka-admit na. Kasi iyong iba po sa PGH po, sa emergency room minsan po pagdating ay talagang halos dead or arrival na or very critical. Iyong iba naman po ay nasa ICU at talagang malubha rin po talaga sila, hindi sila makaahon sa COVID, namamatay din po. So, tama po mga 5 patients a day po ngayon ang nakikita namin for the past three weeks po.
USEC. IGNACIO: Opo, nakakalungkot po iyan ano. Tanong pa rin po mula kay Tristan: Kumusta naman daw po iyong healthcare works natin, ilan na po iyong na infect ng COVID and how are they coping?
DR. DEL ROSARIO: Well, buti na lang po, kasi po there was time po, sometime in the middle of March up to the first week of April eh marami po kaming mga healthcare workers na nagka-COVID, most of them got it from their communities, some got it in the workplace po, pero majority po ay nahawa sila sa community at na-expose nila iyong iba. So far po ngayon ay marami na po ang naka-recover doon at iyong iba pong na-quarantine ay it turn out wala namang COVID.
So, mas marami na po kaming healthcare workers ulit na nagtatrabaho, pero pailan-ilan po, minsan mga, kasi we do testing on our healthcare workers kapag mayroon silang naramdaman o kaya talagang nagkaroon sila ng significant exposure, they just go to our health service and they will be tested. At least po in a day, sometimes mga 2 to 5 healthcare workers will turned out to be positive. But medyo nakaka-cope up naman po kami ngayon, dahil naghigpit po kami ng mga protocols at malaking bagay po iyong ini-institute naming changes na halos mababa na po iyong infection rate po ng healthcare workers namin ngayon, which is a big help po sa aming situation.
USEC. IGNACIO: Opo, last question po from Tristan: Did the situation daw po get any better after the two-week ECQ and now MECQ?
DR. DEL ROSARIO: Well, at least if we based it po sa numbers, medyo nakatulong po ng bahagya, dahil before the two week ECQ ang amin pong numero na pasyente po ay nasa mga 240 na po, pumapalo po ng 240, umabot nga po kami ng close to 250, eh ang amin pong bed capacity ay 25o, so halos na reach na po iyong full capacity. Ito pong nakaraang two weeks medyo slowly bumaba, so ngayon po nasa 220 ang aming average.
So, hopefully magtuluy-tuloy pa po. So there is a little bit of improvement, but I would say it’s not yet that significant in a way kasi po before noong March, ang amin pong numero ay less than 100 patients na lang po in a day ang naka-admit sa PGH. Kaya ngayon po ay we are still operating na 220 patients na naka-admit ay double pa rin po noong mababang-mababa na po iyong numero. But hopefully, if trend will continue and we are praying na mas mabawasan po ang mga nagpapa-admit sa ospital.
USEC. IGNACIO: May follow up lang Doc, si Joseph Morong ng GMA News: From the current condition ng PGH, do you think we need an extension of the MECQ if hindi pa rin po napapaluwagan ang critical care facilities natin?
DR. DEL ROSARIO: I believe po kung the numbers will show na halos walang dent na nagagawa at patuloy po na iyong numero sa amin po, at least based sa census namin kung ang PGH po at least ang aming number ay mga 200 patients pa rin ang naka-admit per day. Extension of the MECQ to us will probably help in further decreasing the transmission hopefully and then less people will get hospitalize. So, I guess, ang sagot ko po doon ay makakatulong po, kung sa datos po ay nakikita na halos wala pong pagbabago.
USEC. IGNACIO: Patungkol naman po sa bakuna kontra-COVID-19 Doc, nabakunahan na po ba lahat ng ating mga medical frontliner ng PGH, ilang porsiyento pa po ang hindi pa at ano po iyong kanilang rason?
DR. DEL ROSARIO: Iyong first run po ng vaccination which included Sinovac at saka po Astra, almost 80% po ng healthcare workers natin ay nabakunahan na ano. So ngayon po iyong may second run na po iyong Sinovac, iyong second dose po ay mga healthcare workers po na nagpa-Sinovac ay nabibigyan na rin. Iyong AstraZeneca po ay siyempre, alam naman po natin na ang interval po ay longer – three months, so it will take sa May pa iyan, late May, first week of June, diyan pa kami ulit magba-vaccinate ng Astra.
But the vaccination for Sinovac is ongoing. So, itong total vaccinees po na nakatanggap sa PGH is almost 6,000 po. So, mataas-taas na po iyan. There are only a few na hindi nabakunahan. Ang reason po, iyong iba po ay nagkasakit, ibig sabihin bago pa sila magpabakuna ay nagka-COVID; iyong iba naman po ay na-expose sa COVID so naka-quarantine.
Maliit lang po ang porsiyento na ayaw pang magpabakuna for personal reasons. Napakaliit na lang po noon, wala pa po yatang 1% ‘no.
So most of them did not get vaccinated because of the circumstances dahil nagkasakit sila na unfortunately bago sila mabakunahan nagka-COVID. Iyong iba nga po after the first dose, may ilan din po, ilan lang naman na nagka-COVID dahil not enough time for them to develop full immunity dahil unang-una first dose pa lang so iyon po, may konting delay.
But with the new directive of DOH that we don’t have to wait for 90 days – dati po kasi kapag nagka-COVID ka 90 iyong next time mong ma-vaccinate. Binago na po nila, sabi basta fully recovered puwede na uli magpa-vaccinate so it shouldn’t be a problem anymore. We should be able to vaccinate all of our healthcare workers who had COVID, developed COVID or was exposed to COVID in due time po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pinapatanong naman po ni Rose Novenario ng Hataw: Kailan daw po maibibigay ang mga benepisyo ng health workers sa PGH?
DR. DEL ROSARIO: Ah naku, iyon po ay siyempre susundin po natin iyong kung ano iyong sa batas, kung ano iyong directive po ng ating government, kung ano iyong dapat ibigay ay ibibigay po natin ‘no. Minsan po administrative lang po ang issue – iyong listahan, iyong mga pag-file. Minsan po ‘pag niri-review na namin iyong ibang kaso, more of ano lang, hindi kumpleto iyong requirements. But usually po ‘pag nandiyan lahat at dumating na po iyong pondo na binibigay sa PGH na para ibigay sa mga healthcare workers ay ibibigay naman po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Patrick De Jesus ng PTV: Paano po ninyo pinaghahandaan iyong clinical trial for Ivermectin? Nabanggit po kasi ni DOST Secretary de la Peña na si Dr. Aileen Wang po from UP Manila ang mangunguna dito at gagawin po ito sa quarantine centers na malapit po sa PGH.
DR. DEL ROSARIO: Opo. Well nakausap ko po si Dr. Aileen Wang kahapon because I want to get some details. Ang sabi po niya ay inaaral pa nila iyong protocol, so hindi pa po tapos iyong protocol but definitely she said she is forming a team, a team of researchers who will be with her. Siya nga po ang isa sa mga principal investigator at kapag tapos na po iyong protocol mayroon po talagang sistema sa UP Manila, dadaan po iyan doon sa reviewer, may ethics board po kami for research, Research Ethics Board at ‘pag na-approve na po iyon eh ‘di magkakaroon na po ng recruitment of patients. At sabi nga po niya sa akin na their target are mga mild COVID patients na nandoon po sa mga quarantine facilities near PGH.
USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko muna po iyong tanong ni Meg Adonis bago po itong kay Sweeden Velado ano. Mula po kay Meg Adonis ng Inquirer: You mentioned daw po earlier that there were changes in protocols that help in lowering the infection rate among healthcare workers in PGH? What were these changes?
DR. DEL ROSARIO: Well for one po, talagang naghigpit po kami sa mga tao. Naglagay po kami ng mga safety officers sa mga offices, sa departments to check on healthcare workers who might be forgetting the proper minimal health standards. For example po bawal po iyong kumakain, minsan po maaring they might be inside the room at nakakalimutan nila iyong… masyado silang crowded doon, that’s one. Second po, mas nag-ano po kami kasi lalo na po noong lumabas na maraming variants, in-extend po namin iyong quarantine ng aming mga healthcare workers kapag po—
Una, kapag na-expose, kapag na-expose sila sigurado mayroong test, tapos po 14 days po iyong quarantine. At pagbalik po nila ay gumagawa pa po kami ng test ulit, mayroon pa silang RT-PCR test just to be sure na wala silang virus, so that’s one thing. Medyo hindi po dati ganoon ang protocol, ang protocol lang po basta mag-quarantine ka at kung ikaw naman ay asymptomatic tapos na after 14—actually hindi nga ho 14 days, mga 10 days lang po kasi po kailangan namin.
Doon naman po sa mga nagkasakit ng COVID, talagang sinisigurado po namin na talagang fully recovered na sila at mayroon silang repeat RT-PCR test pagbalik nila. And then we really have told them na—ah sa PGH po, ang ginawa po namin mandatory, there was a time we were just using surgical mask ‘pag nandoon ka sa PGH. Medyo in-upgrade po namin, lahat po ng taong nasa PGH ay naka-KN95 po at dapat naka-face shield during the time na mataas talaga. Iyon po at talagang naging mahigpit kami, anybody na mayroong nararamdaman kahit konting sipon, they are not allowed to go to PGH. Huwag po silang mag-iisip pang pumasok dahil baka makahawa po sila.
So ganoon po, we really stressed to our healthcare workers na puwede mo talagang madala iyong virus sa PGH kung hindi ka mag-ingat. At maganda po ang naging resulta noong nag-implement po kami, after 2 weeks po malaki po ang binaba ng positivity rate ng healthcare workers sa PGH.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Sweeden Velado po ng PTV pa rin: We’ve already started our vaccination program in the country but a lot of our kababayans are still hesitant or even scared to take their shots. How will this affect the herd immunity target po natin and what are the simple ways that can be done to encourage Filipinos to get vaccinated?
DR. DEL ROSARIO: Well talaga pong ating issue iyan. Iyong vaccine hesitancy ay dapat i-address, may isa pong survey na 1 out of 2 Filipinos, 1 out of 2 will not go for vaccination so eh ‘di ba po habol natin eh 70 to 80 percent. So talagang issue po iyan na kailangan nating ma-boost up ang confidence. Ang una pong solusyon diyan ay talagang tutukan natin, tukuyin ano ba ang kanilang pangamba ‘no kasi iba-ibang rason eh. Kailangan talagang masusing pag-aralan ito, upuan, kausapin ang mga taong may ganoong paniniwala ‘no, that’s one.
Pangalawa po, siyempre malaking bagay po kung makakuha tayo noong mga tao na makakapagsalita tungkol sa pagbabakuna at itong mga tao pong ito ay pinagkakatiwalaan ng ating sambayanan ‘no. Iyong mga talagang iyong credibility ay mataas so we have to look for these people. Ito pong mga taong ito, iyong magaling ding makipag-communicate, nakakausap nila in a simple way down to the level of the masses kung kailangan po. So iyon po, in a way parang trying to look for influencers na maganda po ang perception ng masa na ‘pag itong taong ‘to nagsalita ay may credibility.
Pangatlo po, siguro malaking bagay na rin kung iyong ating mga leaders ay makita nila na mayroon silang confidence sa vaccine ‘no at iyon po. Kaya po I think there’s no problem kung minsan po may mga ilang mga leaders sa community that they will take the first shot just to be able to encourage others to also undergo vaccination po, to receive the inoculation na kailangan po natin.
So iyon po mga ano, talagang kailangan po upuan at pagtulung-tulungan na i-address ang concerns. Malaking tulong po minsan ay naririnig ko po may mga webinars, may mga—kumukuha kami ng mga experts na talagang maayos silang magpaliwanag, naa-address nila iyong mga concerns. Kasi talagang minsan—hindi lang naman kasi nila alam, narinig lang nila ‘no sa social media, sa kapitbahay, sa ano… kailangan pong i-correct ito at i-address at wala naman pong dapat itagong mga information ‘no.
Iyong vaccine po ay hindi perpekto pero ito po ang pinaka—sa ngayon po, pinaka-effective para malabanan natin itong COVID-19 na mabawasan ang pagkakahawa-hawa ‘no. Kung titingnan ninyo po iyong Israel, ito pong bansang ito ay halos ang laki na po ng—dahil halos bakunado na sila, iyong kanilang bansa, wala na halos COVID-19 at in fact pinapayagan na po nila iyong kanilang mga tao na huwag nang magsuot ng mask except kung pupunta sa mga crowded places. Ganoon po dahil halos vaccinated na po sa Israel. It’s a model country na talagang nagwu-work po ang vaccination sa kanila.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario. Mabuhay po kayo and stay safe po.
DR. DEL ROSARIO: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin po ang pinakahuling balita mula sa Mindanao. Magbabalita si Julius Pacot ng PTV Davao:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot ng PTV Davao.
At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Muli po ang aming paalala na mag-MASK, HUGAS, IWAS para po maiwasan ang hawahan ng sakit. Magpabakuna na rin po ang mga pinapayagan na para mabilis nating matalo ang COVID-19.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center