Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa buong mundo. Ngayon po ay araw ng Martes, a-27 ng Abril, sama-sama po mulinating alamin ang mga umaatikabong balita at impormasyon tungkol sa mga napapanahong usapin sa bansa. Ako po si Usec. RockyIgnacio ng PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Niri-review na po ng Food and Drug Administration ang application ng kumpanyang Moderna para sa Emergency Use Authorization.

Ayon kay Vaccine Czar at NDF Chief Implementer Carlito Galvez Jr., kahapon ay isinumite na ng Moderna sa FDA ang kanilang hiling para mabigyan ng EUA na kailangan para magamit sa Pilipinas ang kanilang COVID-19 vaccine.

Sa ngayon, anim na kumpanya na ang may EUA sa bansa para sa kanilang mga bakuna. Ito ay ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac, Gamaleya, Johnson and Johnson at Bharat Biotech. Sa hiwalay na pahayag, nagbigay ng update si Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa mga bagong batch ng bakuna na darating sa bansa.

[VIDEO CLIP]

USEC. IGNACIO: Isinasapinal na ng pamahalaan ang magiging laman ng Home Care Kits na layong ipamahagi para sa asymptomatic at mild cases sa COVID-19 na nagpapagaling sa kani-kanilang tahanan. Maliban sa mga gamot, may laman din itong gabay kung paano imo-monitor ang kondisyon ng pasyente at kung dapat na ba itong dalhin sa Hospital. Ang detalye mula kay Mark Fetalco:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, ipinanawagan ni Senate Committee on Health and Demography Chairman Christopher Bong Go na isama na sa babakunahang frontliner at essential workers ang mga proctor at watcher sa mga board exams upang magpatuloy-tuloy ang serbisyo sa Professional Regulation Commission. Narito ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, sinuklian ng tanggapan ni Senator Bong Go ng biyaya ang tapat na serbisyo at sakripisyo ng mga sundalo sa Camp General Manuel T Yan Sr., Mawab, Davao de Oro; maging ang mga residenteng nasunugan sa Cebu City at Pasay City ay hinatiran ng tulong ng kanyang outreach team. Narito po ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa iba’t ibang dako nga ng bansa, buhay na buhay ang bayanihan para sa mga nangangailangan nating kapwa sa pamamagitan ng community pantries. At isa po sa na-inspire na maglatag din ng ilang makakaing produkto para sa kanilang sitio ay ang beinte singko anyos na kabataan mula sa Naga, Camarines Sur. Muli po nating makakasama sa programa ang organizer ng Cararayan Community Pantry na si Marvin Klint Del Valle. Good morning muli sa iyo, Marvin.

MARVIN DEL VALLE: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Oo. Dapat kahapon pa kita nakausap Marvin, paumanhin sa iyo ‘no. Pero Marvin bakit mo naisipang magbuo nang sarili ninyong community pantry sa Barangay Cararayan sa Naga at kumusta ba ang lagay ng mga kababayan natin diyan?

MARVIN DEL VALLE: Lahat naman po kasi ng community pantries na nagsulputan sa Pilipinas ay na-inspire doon sa Maginhawa Community Pantry na pinasimulan po ni Ms. Ana Patricia Non. So in the same way kami din po dito sa Cararayan naisip namin, [kasi] nakikita namin araw-araw na may mga kababayan kami dito na nangangailangan ng tulong, na halos araw-araw ngayong nagsimula nga iyong pandemya noong last year pa. Nakita namin ang pangangailangan ng tulong, mga tulong esensiyal tulad ng pagkain, ng mga sanitary kits ‘no. Kaya nagsimula din po kami dito sa may Cararayan sa mga iba’t ibang sitio ng aming community pantry.

USEC. IGNACIO: Alam mo Marvin, sinasabi natin talagang ang bayanihan buhay na buhay sa atin at ang palagian din nating sinasabi, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. So, isa ka doon sa maituturing na ganoon, ano. So ikuwento mo naman sa amin, anu-ano iyong mga goods at supply ang mayroon sa Cararayan Community Pantry? Marami bang mga nagpaabot ng tulong?

MARVIN DEL VALLE: Iyong mga tulong na palagi naming natatanggap ay iyong mga gulay tulad ng talong, sayote, sitaw tapos mga canned goods, instant noodle pack tapos mga trays ng egg po at siyempre po mga bigas din po. Sa kabila po niyan, humingi din po tayo ng cash donations tapos kami na rin po iyong bumibili ng ibang goods na puwede nating ipamahagi sa kanila. And luckily po may mga kapitbahay din kami na kapag nakikita nila na ongoing iyong ating community pantry ay nagbabahagi rin sila ng tulong mula sa kanilang mga front yard na mga gulay tulad nga kamatis at iyong iba pang mga gulay na ready to harvest na sa kanilang mga backyard or front yard.

USEC. IGNACIO: Oo. Marami bang mga kumukuha ng kanilang pangangailangan at papaano ninyo nasisiguro na iyong pinakamahalaga, Marvin, na nasusunod iyong minimum health standard?

MARVIN DEL VALLE: Kami po, may mga nakalatag po kaming mga materials na kung saan pinapaalalahanan natin ang ating mga kababayan na magsuot ng face mask bago kumuha ng goods at gumamit ng alcohol na naka-display sa ating mesa. At unti-unti rin po natin niri-remind na mag-social distancing kasi noong naglalagay na po kami ng community pantry, kapag nababalitaan nila na mayroon kami doon sa lugar nila, dagsaan iyong tao. At para makakuha po lahat ng mga kababayan natin, sinisiguro po namin na at least isang representative mula sa kada pamilya ang kukuha kasi niri-remind namin sila na maraming nangangailangan nang tulong. So as much as possible po kung ano lang iyong kailangan nila for that day, iyon lang po iyong kanilang dapat kunin.

USEC. IGNACIO: Oo. Marvin diyan sa pantry na nilunsad mo, kasama mo ba ang mga kaibigan mo at ilan kayo diyan?

MARVIN DEL VALLE: Nag-start po kasi kami as five people po, mga kaibigan ko dito sa may subdivision namin, tapos iyong isa ko pong dating colleague sa Ateneo na isa ding student leader na si Angelo Espenosilla(?). Kami po iyong nagtaguyod na mabuo itong community pantry at halos po, mostly mga kabataan lang din po ang kasama namin. At ang pinakabata po naming kasama ay isang Grade 7 student na si Justin. So iyan po, doon po nagsimula ang aming community pantry dito sa Cararayan.

USEC. IGNACIO: Oo. Kami ay natutuwa sa iyo Marvin at sa iyong mga kaibigan na kahit sa gitna ng pandemic talagang naisipan ninyo na gawin iyong inyong role sa ating bansa. So plano ninyo raw na ilipat-lipat din itong community pantry sa iba’t ibang lugar o sitio diyan sa Naga. So, paano ninyo ito gagawin?

MARVIN DEL VALLE: Physically po napakalaki po kasi ng barangay namin, ang Barangay Cararayan po ay composed of maraming mga sitio. Tapos doon sa mga sitio na iyon, marami pang mga liblib na komunidad na minsan po hindi naabutan ng tulong. Kaya iyon po iyong goal ng community pantry namin, na maging mobile community pantry siya – hindi lang siya sa isang lugar naka-designate kundi kami po iyong pupunta, iyong mismong pantry iyong pupunta sa kanila para mas accessible po at mas marami pa iyong matulungan na mga mamamayan dito sa barangay ng Cararayan.

USEC. IGNACIO: Oo. So Marvin, paano ninyo ito pinaghandaan at kayo ba ay, iyong mahalagang gagawin ano, nakikipag-coordinate kayo sa mga barangay bago kayo mag-setup nitong community pantry?

MARVIN DEL VALLE: Before naman po kami nag-start, nakipag-connect na po kami sa Naga City Youth Officials, iyong official youth legislative branch ng city na kung saan sumusuporta sila sa mga ganitong adhikain. And luckily po napahintulutan tayo at natulungan tayong i-promote ang Cararayan Community Pantry sa pamamagitan nila. Doon naman po sa aming barangay, hindi muna po kami nakapagpaalam kasi temporarily naka-lockdown po sila ngayon. Wala pa po kaming nasasabihan dito sa barangay kundi po word of mouth na lang po iyong pag-spread ng news na we are starting up a community pantry dito sa Cararayan. Pero the city supports it naman po through the Naga City Youth Official.

USEC. IGNACIO: Oo. O sige… Marvin may suggestion na gawin na lang house-to-house itong community pantry ano para daw makaiwas doon sa hawahan ng virus. So, payag ka ba dito? Kakayanin ninyo ba ito? Palagay mo feasible na gawin ninyo ito?

MARVIN DEL VALLE: Sa amin naman po, it’s feasible but with the help of more people kaya nga po kailangan din po namin ng dagdag na volunteers kasi in case na it will be house-to-house, willing naman din po kami. Kasi nga iyong goal naman ng aming pantry is to reach people na hindi naaabutan nang tulong or kumbaga wala na silang time para pumunta sa mga pantries na ganito. Kasi po kapag tumatayo kami or kapag naglalagay kami ng pantry, iyong iba nahuhuli daw sila kasi ang layo pa ng bahay nila; iyong iba may trabaho pa. So kung hindi man sila maabutan nang tulong, malaking tulong na rin po itong pag-house-to-house and para rin po lahat tayo maging safe and less contact sa tao.

USEC. IGNACIO: Oo. Marvin, kami ay sumasaludo rin sa inyo ano dahil sa inyong kabataan ay talagang ginagawa ninyo iyong mga hakbangin na kaya ninyong gawin para at least kahit papaano makatulong din kayo sa pamahalaan ano. So, ikaw ba ay may mensahe o panawagan para sa ating mga kababayan mo diyan sa Naga?

MARVIN DEL VALLE: Sa lahat ng magsisimula pa lang ng mga community pantries, huwag tayong titigil kasi alam natin na maraming nangangailangan ng tulong. At ang silbi talaga ng mga pantries na ito ay para maitaguyod iyong serbisyo na to bridge the gap na mga services na hindi napupunan ng ilan sa ating mga nasa serbisyo tulad ng pagbigay ng tulong sa pamamagitan ng pagkain, mga sanitary kits, ganiyan. Huwag tayong titigil sa pagtulong kasi alam natin na itong maliit na hakbangin na ito ay malaki ang tatahakin nito para sa ikabubuti ng lahat.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong pagiging mapagkawanggawa Marvin, kasama rin ng iyong mga kasamahan ay ipaabot mo iyong pasasalamat namin sa kanila ha. Si Marvin Klint Del Valle, ang community pantry organizer mula sa Naga. Mabuhay kayo at siyempre, stay safe Marvin.

MARVIN DEL VALLE: Maraming salamat po Usec. Rocky at ingat din po tayong lahat.

USEC. IGNACIO: Dito naman po sa Pilipinas, pumalo na sa isang milyon ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 8,929 cases kahapon base po sa inilabas na datos ng Department of Health. 11,333 naman po ang mga nadagdag na gumaling at 70 po ang nasawi. Sa kasalukuyan 914,952 na ang total recoveries at 16,853 naman ang total death tally. Patuloy naman pong bumababa ang mga aktibong kaso na ngayon ay nasa 74,623 na lamang.

Isa po ang India sa mga bansang nakararanas ngayon ng matinding surge ng COVID-19 infections. Nakakapagrehistro sila ng higit 300,000 bagong kaso sa loob lamang po ng isang araw at sa ngayon po ay nagkakaroon din ng mass cremations dahil sa dami ng pumanaw sa sakit.

Sa gitna ng krisis na ito, kumusta kaya ang kalagayan ng ating mga kababayan doon, makikibalita po tayo kay Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing Jr. Good morning po, Ambassador!

AMBASSADOR BAGATSING JR.: Good morning, Usec. Rocky at magandang umaga sa ating mga kababayan!

USEC. IGNACIO: Ambassador, tanong din ng ating kasama sa media na si Llanesca Panti ng GMA News Online: Kumusta po daw ang kalagayan ng mga kababayan natin ngayon diyan sa India? Nakikita kasi namin sa balita ang kalunus-lunos pong sitwasyon ngayon diyan.

AMBASSADOR BAGATSING JR.: Well, Rocky, we only have about 2,000 Filipinos here ano and 80% of them are housewives. So, about less than 70 are OFWs but these OFWs are in the managerial level and a few seafarers.

Unfortunately, this last 48 hours nakakuha kami ng balita na dalawa sa ating mga OFW, as I’ve said these are managerial level people, have passed away. So, it’s really bad here. But aside from this unfortunate circumstance, more or less ay karamihan naman sa kanila ay nasa ayos at nagtutulungan naman ang mga Pilipino dito. Iyon lang nga nawalan tayo ng dalawa and we’re doing everything we can to help out with the remains and to help bring it there.

But by large under the circumstances na napakahirap, ibang klase itong pandemic na ito, napakalungkot, okay naman at nagtutulungan ang ating mga kababayan dito.

USEC. IGNACIO: Ambassador, so ano po ang ginagawa daw ng ating embahada para maprotektahan at suportahan po iyong ating mga Pilipino na naninirahan diyan at nagtatrabaho na rin po?

AMBASSADOR BAGATSING JR.: Well, we have very constant communication with FilCom leaders here ‘no because India is big and scattered all over. In India we have so many big cities here – Kolkata, Mumbai, Delhi, Chennai, Hyderabad, and Bangalore – at karamihan ng mga Pilipino nandiyan sa mga malaking centers na iyan and we are in constant communication with them.

Dito sa Delhi we have given them the numbers of all the hospitals if in case there is an emergency although talagang nagkakahirapan dito, talagang punong-puno ang mga ospital at ang mga ibang pasyente nga nasa labas na.

And then we have ‘ika nga ay lines na kung kinakailangan nila ng mga oxygen tanks, gamot, well we have a support group helping each other out. That’s the first line of support sa ating mga Filipino community dito and tulungan, basically bayanihan effort.

Iyon nga lang as I said, malungkot na mayroon tayong dalawa na nawala. Otherwise, everything is okay.

USEC. IGNACIO: Ambassador, bukod po sa tayo po ay nalulungkot sa pagpanaw ng dalawang Filipino diyan ano po, pero mayroon pa po ba kayong bilang o datos ng Filipino na ngayon po ay tinamaan ng COVID?

AMBASSADOR BAGATSING JR.: Yes, we have data on that. So far naman… may mga ilan, I would say about 20 na tinamaan na nakarehistro dito sa atin sa Embassy and regular naman ang communication namin sa kanila at kung anong tulong ang kinakailangan nila. Dahil lockdown din dito ngayon, hindi rin makakalabas.

So, iyong mga basic necessities na pangangailangan pati mga gamot we are working out that we can supply them of all these basic requirements ‘no kaya—maingat din kami dahil lockdown dito hindi naman puwedeng basta-basta lumabas at napaka-virulent, napakalakas, nakakahawa itong tinatawag na double mutant strain kaya ingat na ingat din kaming umikot at hanggang maaari karamihan sinasabi namin sa kanila mag-online purchases at order na lang and we’ll just find a way to provide them the funds.

So, we are in constant communication with them and we do whatever we can under the circumstances to provide support and assistance.

USEC. IGNACIO: Ambassador, itong dalawampu pong ito, kumusta po ang kanilang sitwasyon? Sila po ba ay nagpapagaling? Papaano po—kumusta po sila?

AMBASSADOR BAGATSING JR.: Well, lahat sila confined, isolated. After the test, it turned out to be positive, they’re isolated and we communicate through social media or cellphones and then they just tell us what they need and then we find a way to bring it to their doorsteps ‘no, dahil dapat walang face-to-face hangga’t maaari. So, ang sistema dito ay iiwan lang sa labas ng pintuan iyong mga pangangailangan, iyong mga gamot, etc. and then that’s what usually is happening right now.

This is Delhi, in other parts of India so far wala namang problema. Itong dalawang nasawi, napakabilis eh; 23 lang nabalitaan namin 26 wala na. So, it’s really very, very fast and parang traydor talaga itong virus na ito. And not only with that, other embassies and other—ang buong India ay naghihirap dahil dito sa pangyayari na ito.

USEC. IGNACIO: Ambassador, kasi mayroon din po kasing report na pinag-aaralan din po ng Pilipinas kung magkakaroon p0 ba ng travel ban papunta diyan sa India. Sinasabi naman po na wala naman po tayong direct flight. Ano po ang komento ninyo dito?

AMBASSADOR BAGATSING JR.: Well, totoo iyon wala namang direct fight since about nine years ago. And even if we don’t announced a travel ban, all flights na papuntang Pilipinas dadaan ng Middle East iyan eh sa ngayon ang flights to the Middle East ipinagbabawal ang Indian passengers or passengers coming from India. So hindi rin makakaalis ang mga kababayan natin or even other people to go to the Philippines dahil banned nga sila bumiyahe via UAE.

So, if in case itutuloy iyan, we leave it up to the wisdom of our scientists and our health officials there in Manila if they would have a temporary ban because other countries have already allows the temporary ban of Indians going to their country. So, if in case that happens well I’ll leave it up to the experts in Manila to do so but we just give our reports to Manila that it’s very, very serious here.

We cannot underestimate this virus ‘no and definitely if other countries are stopping the travel of Indians to their countries, that is something that our government should seriously consider also.

USEC. IGNACIO: May pahabol lang pong tanong si Joseph Morong kaugnay po doon sa nai-report ninyo na dalawa po nating kababayan na nasawi. Ang tanong po niya: Kailan daw po nasawi itong dalawa at iyong mga pamilya po ba nila ay na-inform na? Papaano po ba, uuwi po ba dito iyong labi nila?

AMBASSADOR BAGATSING JR.: Well, nalaman namin ito kahapon lang, they passed away 26 ‘no so that’s yesterday morning. We found out only early yesterday morning about this incident, their employers reported it to us. We have provided the information required, the documents required for proper arrangements with the funeral parlor. And the family I presumed they have been notified already because they are in communication with the employers.

Now, as to the handling of the remains, that is something that we have to figure out because as I said no flights coming from India. All flights via Middle East are suspended right now, so that is something that we have to work on. Ang importante muna is ayusin natin ang mga labi nitong nasawi na ito based on the instructions of the families and then we will see how we can make arrangements with the airlines for their transport back to the Philippines.

So, it’s really very difficult ‘no, these are unusual times and there’s a lot of pause or stop to movements here in India and movements in and out of India. So that’s another challenge that we have to face.

USEC. IGNACIO: Ambassador, kumusta naman po ang ating embahada diyan, papaano po ang operasyon ninyo?

AMB. BAGATSING: Well, we have to close it since last week pa. We have to close the embassy. Because primarily there is a lockdown and the local government here, the New Delhi government ordered a lockdown. So, there is no movement and because of the surge, ang tawag nga ni Prime Minister Modi, this sudden storm surge happening here and 25,000 cases a day dito sa Delhi. About 400-500 deaths.

As you said one million cases in the last three days or 350,000 a day and about almost 200,000 deaths all over India. So because of that order of lockdown, we have to close the embassy since last week and my order is that we remain close until May 17. So pasensiya na lang muna iyong ating mga kababayan at mga Indiano na nangangailangan ng visa, etcetera that we have to remain close, for their safety and for the safety of our people here also. Besides, they can’t travel because of all the travel bans.

USEC. IGNACIO: Paumanhin, Ambassador, may tanong lang po si Joseph, ito pong dalawang Pilipino na nasawi ay dahil po sa COVID?

AMB. BAGATSING: Yes, sorry if I didn’t say that. Yes, COVID. Definitely the cause of the death was COVID.

USEC. IGNACIO: Ambassador, kumusta naman po iyong vaccination program ng gobyerno ng India, isinasama rin po ba nila ang ating mga migrant Filipinos sa puwedeng mabakunahan, kagaya po ng ginagawa sa ibang bansa?

AMB. BAGATSING: Yes, nag-umpisa silang magpabakuna ng libre sa government hospitals. At kapag private hospitals may bayad ng kaunti lang, this is government subsidized. So they rolled Covaxin, iyon ang brand ng bakuna, Covaxin at saka Covishield, which is AstraZeneca. As earliest the last week of March, inuna nila iyong mga 45 year-old pataas and then starting May 1, they will open it up to everybody over 18 years old. So, so far nakakabakuna na sila ng about 155 million and this is open, so pati ang mga diplomats, non-Indians they can take the vaccines.

Iyong mga kababayan nating mga Filipino dito na gustong magpabakuna, puwede, puwede. So, they are encouraged to go to the nearest vaccination centers either hospitals, private clinics or they can go to their employers. May mga complex dito, mga residential complex, iyan pinupuntahan iyan. So open po ito at marami sa ating mga kababayan ang nagpabakuna na.

USEC. IGNACIO: Kami rin ay nagpaalala sa sitwasyon ninyo Ambassador, pasensiya na sa itatanong ko, kayo po ba ay nagpabakuna na rin?

AMB. BAGATSING: Yes. Fortunately, I was able to have a vaccine noong April 2. Alam mo, parang perfect storm ito, because napakainit dito ngayon and then of course they say that India is one of the most polluted cities and the COVID hits the respiratory system, so it’s a combination of factors that really undertakes the situation if in case they have COVID. And considering further that dahil, ang tawag nga nila dito double mutant strain – sa ibang bansa sinasabi UK strain, South Africa strain, etcetera. Here in India what they are saying is because of this surge, because of the virulence of this virus and how contagious it is and how it is easily transmitted from one person to another, this double mutant strain is really, really very dangerous.

They are always saying, don’t underestimate it, even if you are asymptomatic take the necessary medicines, take the medical kit. So we really have to be very careful and that is why we encouraged everybody and the government encourages everybody here to take the vaccine.

USEC. IGNACIO: Ambassador, tanong lang po ni Celerina Monte ng Manila Shimbun: Ano po ang specific work noong dalawang namatay nating Pilipino?

AMB. BAGATSING: Both are in the managerial level. They are not seafarers, they are not on a manual labor type of work – they are managerial levels, but I do not want divulge too much information out of respect to their families. So I can just say that they are on managerial level of work.

USEC. IGNACIO: Ambassador, ano na daw po ang estado ng ating COVID-19 vaccine deal sa Bharat Biotech at kailan po expected na dumating sa Pilipinas iyong una pong batch ng doses mula sa kumpanyang ito?

AMB. BAGATSING: I was informed that as we speak right now, they are having their Town Hall meeting, because there was an order. This is first of all a tripartite arrangement, ibig sabihin niyan is between the supplier and manufacturer of the Bharat Biotech manufacturer, the Covaxin brand and the local government units that have ordered and private sector under Go Negosyo of Joey Concepcion.

So the national government really has no participation here, but most important for the national government is to give the approval, IATF should give the approval for the export of these vaccines to the Philippines.

I was informed further that the order is for 8 million doses, as I said, to be distributed between LGUs and the private sector. And they have also informed me that hopefully the delivery will be last week of May. Nagpapasalamat tayo sa FDA na as you said earlier, it was one of the six that was given the EUA, so they can distribute it. But I think another hurdle that they have to face is the approval from the DOF on the pricing scheme.

Alam mo, this was ordered before pa all these problems we have now in India ‘no. So napakamurang nakuha iyan. And then, with these cases here, nag-alala ang India baka kulangin sila because they were one of the first countries that donated vaccines all over the world. I think they donated about 50 million plus. And because of that, in-order ng Indian government to double the production of Bharat Biotech and Serum Institute. So kung dati ang Bharat nagma-manufacture ng 5 million, ngayon 10 million na a month. Ang Serum Institute, up to 17 million a month.

So iyong 8 million na darating diyan, hopefully by the end of the month, committed na iyan. Sa ngayon, because of the demand, pinayagan na ng India na pumasok ang Sputnik, and they had given a price suggestion sa mga vaccines ‘no, like for example ang Bharat can only sell from 15 to 20 dollars for export per dose. I think the distributers there was able to buy at a cheaper than 15 dollars. So, it is affordable, it is adequate and available. So, I hope that we can go through all the regulatory approvals so that it can be rolled out, it can be shipped and it can be there by the end of the month.

Iyong sa Serum Institute, pumunta dito si Galvez last month, March 9 to 12 and we talked with Serum Institute of India, which is one of the largest manufacturers of vaccine throughout the world. And they were able to arrange the sale of about 30 million doses of Novavax. This Novavax is a company based in the US, they gave the manufacturing rights to Serum Institute and I think the brand will be called Covavax.

So if everything goes well, 30 million iyan that the Philippine government is buying, and hopefully by September this year dadating iyan. So that’s 30 million and possibly a few other millions for the private sector.

So in summary, we will have 8 million by the end of next month, iyan ang Covaxin, private sector-LGU supported. And then by September we will have Covavax, that’s the brand – Covavax that was purchased by the national government with Serum Institute of India. And after that we can order some more if there is a need for it.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Philippine Ambassador to India, Ramon Bagatsing. Ingat po kayo, Ambassador.

AMB. BAGATSING: Salamat Rocky, and of course personally, I would like to extend my condolences and prayers to the demise of my friend Wency Andanar. Please extend my condolences to Secretary Andanar. And huwag po kayo mag-alala, si Presidente Duterte po ay nakahanda nang sumulat kay Prime Minister Modi nakikiisa, a letter of support and solidarity with the government of India and the people of India on what is happening here.

And we are doing our best really to make sure that every Filipino that has a problem will be assisted by your Philippine embassy at the best that we can. Ang order sa amin ni Secretary Locsin is 24/7 ang aming trabaho. Although lockdown dito at saka sarado ang embassy, we have to provide the service to our kababayans here.

So maraming salamat, Rocky, sa pagkakataon na ito at mag-ingat din po kayo diyan.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po Ambassador Ramon Bagatsing, Jr.

Para po mas marami pang maabot ng tulong at matiyak na maipatutupad ang health protocol, simula ngayong araw po ay magsisilbi na lamang drop off center ng mga donasyon ang Maginhawa Community Pantry ayon po sa anunsiyo ng organizers nito. Ipapadala ang mga donasyon sa iba’t ibang mga barangay at pantry sa Quezon City. Ang detalye mula kay Cleizl:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas.

Mahigpit po na pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ngayon ang kampanya kontra korapsiyon at red tape. Matapos ilunsad ng Presidential Anti-Corruption Commission ang PROJECT KASANGGA, ilang ahensiya na po ang pamahalaan ang nagpakita ng kanilang pakikiisa sa krusada ng malinis na gobyerno. Para alamin ang bagong updates tungkol dito, makakausap po natin si PACC Chairman Greco Belgica. Magandang umaga po, Chairman.

PACC CHAIRMAN BELGICA: Magandang umaga. Usec. Rocky at sa lahat po ng nakikinig sa atin sa buong Pilipinas at sa ating mga kaibigan sa media. Thank you for having us here and for supporting the campaign of the President against corruption.

For update po, Ma’am, magbigay lang ako ng kaunting update:

  • Last week, we’ve signed up with ARTA para po magtulungan ng kampanya laban sa korapsiyon at red tape. Dahil every time there is a red tape, there is a corruption at iyan po ang pinagtutuunan ng Pangulo sa nalalabi niyang panahon sa opisina, kagaya ng sinabi niya he will be concentrating on corruption and bureaucratic red tape. So ang ARTA at PACC po nagpirmahan na magtutulungan sa imbestigasyon, sa pagpa-file ng kaso at magsa-submit ng mga recommendations at reports sa ating Pangulo.
  • Number two po, last week we also signed up and launched the KASANGGA: Tokhang Laban sa Korapsyon with an anti-corruption manifesto signing po sa BIR that was led by Commissioner Cesar Dulay, kasama po lahat ng pinakamatataas na opisyal ng BIR at ng RDOs at ilang Examiners. There are around 500 participants who signed and pledged to help stop, fight corruption and if they will get into corruption they voluntarily be resign.

These are all part of the intensified campaign of the President against graft and corruption and bureaucratic red tape. We are putting the fight against corruption in all fronts by putting in the command groups and command centers para po mabilis na maaksiyunan, marespondehan ang mga reports on corruption.

We are putting the fight against corruption in all fronts, by putting in the command groups and command centers para po mabilis na maaksiyunan, marespondehan ang mga reports on corruption.

That’s why the PACC will also be tapping the law enforcement offices as it is part of its authority para po mag-imbestiga at mag-validate ng mga information. Number two, we have organized or we are organizing the Task Force Lifestyle Check.

Ito po ay isang authority ng PACC na gagamitin namin ngayon against officials na, iyon bang laging sinusumbong, ang dami-daming sinusumbong pero ang hirap prodyusan ng mga ebidensiya dahil ganiyan po ang corruption talagang tagung-tago iyan.

However, by looking at their bank accounts, their properties, their SALN, kagaya ngayon po mayroon kaming mga matataas na opisyal na tinitingnan na laging nairi-report sa amin na iyong kanilang gastos, iyong kanilang ari-arian ay hindi commensurate sa kanilang mga kinikita bilang official o lalung-lalo sa declared nila sa SALN, sila po ay puwedeng kasuhan ng unexplained wealth.

So, lastly, inaabangan lang po namin ang muling pagbabalik or pagbubukas ng Ombudsman, dahil nag-lockdown po ang Ombudsman dahil marami po yatang tinamaan ng COVID doon. Kami po ay nakahanda ng magsampa ng kaso laban sa mga matataas na official ng gobyerno, may presidential appointee.

Mayroon ditong kaso na isasampa namin, hopefully next week kapag open po ng Ombudsman ay involves hundreds of millions of pesos, it’s a billion dollar industry actually na because of corruption, you know taxes are lost sa ating pamahalaan na puwede sanang ibigay for COVID response, ayuda, pero because of greed at iyong mga official pa na gustong pumarte and kinu-control at hinaharang iyong mga aplikante, you know, we were losing it and you know sa gitna ng pandemya ngayon ang daming naghihirap ang mga tao ngayon, you know these should not be happening.

So, we will be filing that case by next week. So, it is assistant secretary that is involved and regional officers for next week. Inaabangan lang po namin ang pagbubukas ng Ombudsman and we will be filing the cases po.

USEC. IGNACIO: Opo, nabanggit ninyo, isa po ba undersecretary at mga regional directors, Sir?

CHAIRMAN BELGICA: I think it’s an assistant secretary at saka isa pong Regional Director. Assistant secretary, hindi pa siya Usec., so assistant secretary tapos mayroong mga several undersecretaries na right now is undergoing lifestyle check.

Again, Ma’am Rocky, this is the result of the intensified campaign of the President against corruption na amin pong ipinatutupad. We have already finished, by this week, we will be finished with the big-4 most notorious agencies. The three, natapos po iyong tatlo, iyong Bureau of Customs, DPWH at BIR last week.

Tomorrow, the DOTR po, nagpapasalamat ako kay Sec. Tugade dahil noong nabalitaan niya itong programa, agad-agad nag-volunteer siya so nandoon po ang LTO, LTFRB na maraming mga complaints diyan. Ang kaniyang office ay nag-volunteer to join the program kaagad. Tapos hopefully by Friday ang DOH and with its attached agency kasama na ang FDA at PhilHealth will be signing up and launching this campaign doon sa kanila pong lugar.

Again, because of these efforts na ginagawa po ng ating pamahalaan ngayon, dumadami po ang mga magagandang kaso, na report na dumadating sa atin. Kaya ito nga po, sinasabi ko na mayroong mga reports na, you know ang hirap kunan mga dokumento and evidence.

So, kaya po namin napagpasyahan na buuin iyong Task Force on Lifestyle Check para doon po natin sila madadale, if they have monies and properties with beyond their SALN, whether they have declared in their SALN and way beyond their means they can be held liable for unexplained wealth.

USEC. IGNACIO: Sir, doon po sa Lifestyle Check Task Force, bago po ito ano, Sir?

CHAIRMAN BELGICA: Opo, bago po ito, in-organize namin sa PACC para mapabilis at mapalakas ang kampanya natin sa corruption through lifestyle check. So, in-organize po namin iyan and we’ll be calling in the offices na kailangan natin diyan, katulong na natin naman.

Pero, para mas mabilis, we will organize this task force, nandiyan po ang LTO, ang LRA, AMLA, of course nandiyan po and SEC and other government agencies na mayroong mga public records ng mga, tayo mga official ng gobyerno or trabahante ng gobyerno na dapat idini-declare ng maayos ang ating mga ari-arian para, iyon talaga ang trabaho natin, we live in an hour glass.

So, violations of this, living beyond your means na hindi mo ma-explain. Wala ka namang negosyong publiko na malaki and yet you are expending like a millionaire, a billionaire that is highly questionable.

So, if by evidence we can get or by public records we will able to get na sobra-sobra ang kotse mo, sabi mo isa lang o dalawa lang iyong pala dito sa garahe mo ang dami-dami or bumibili ka hindi mo idini-declare, mayroon kang mga deposito sa bangko na ginagawa na kataka-taka sa laki or sobrang laki sa suweldo mo. So, kailangan mong ipaliwanag lahat iyon. Kapag hindi mo naipaliwanag iyon, unexplained wealth po iyon which is a violation of corruption.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, panghuli na lang po, sa kasalukuyan ilan pong mga government officials na ang iniimbestigahan na at kinasuhan ng PACC patungkol pa rin po sa usapin ng corruption?

CHAIRMAN BELGICA: I don’t have the exact number right now, I am sorry, pero medyo madami na po pati iyong mga nakasuhan. Maybe next week I’ll give the exact number pati iyong mga napatanggal na ating ni-report sa Pangulo.

But now in the last phase of the campaign against corruption of the President we will be concentrating on high value target, ibig sabihin ito iyong matataas na presidential appointees na hanggang ngayon ayaw pa rin tumigil sa corruption.

Kaya nga po sinabi ko, pagbukas na pagbubukas ng Ombudsman, we will start filing cases dahil marami na po kaming naka-bangko, stocked up na po sa office and every week we are planning to file cases and discuss to you in details kapag ito po ay public record na.

USEC. IGNACIO: Okay. Asahan po namin iyan Chairperson Greco. Kahit next week o ano, sabihin ninyo lang po sa amin para po malagay natin dito sa Laging Handa.

Maraming salamat po.

SEC. BELGICA: Nag-aabang lang po talaga kami sa pagbukas ng Ombudsman Ma’am, pero ready na lahat ng mga papeles namin.

USEC. IGNACIO: Okay. Asahan po namin iyan. Maraming salamat po sa inyong panahon PACC Chairman Greco Belgica. Mabuhay po kayo chairman.

SEC. BELGICA: Salamat po Ma’am Rocky sa inyong patuloy na suporta. God Bless Philippines.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

At dito po nagtatapos ang ating programa. Ako pong muli si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center