USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas; ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio ng PCOO.
Inanunsiyo na nga po kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine classifications ng bansa sa susunod na buwan.
Extended ang Modified Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus hanggang sa ika-14 ng Mayo, habang MECQ rin ang Santiago City, Quirino at Abra hanggang May 31.
GCQ naman sa buong buwan ng Mayo ang:
- Apayao,
- Baguio City,
- Benguet,
- Ifugao,
- Kalinga,
- Mountain Province,
- Cagayan,
- Isabela,
- Nueva Vizcaya,
- Batangas,
- Quezon,
- Tacloban City,
- Iligan City,
- Davao City
- at Lanao Del Sur.
Habang ang nalalabing lalawigan sa bansa ay nasa Modified GCQ.
At iyan nga po ang maiinit na balitang hatid namin ngayong araw ng Huwebes dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya po ay makakasama rin natin sa talakayan sina Department of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo at Employees Compensation Commission Executive Director Stella Zipagan-Banawis.
Kung mayroon naman po kayong katanungan, mag-comment po lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.
Humingi po ng paumanhin at pang-unawa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kababayan natin sa NCR Plus hinggil sa pagpapalawig pa ng Modified Enhanced Community Quarantine ng dalawang linggo pa. Ayon sa Pangulo, mahalaga po ang paghihigpit na ito para patuloy na mapigilan ang mabilis na transmission ng virus. Panawagan naman niya sa ating mga kababayan, makipagtulungan sa paglaban sa virus sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards. Narito ang report ni Mela Lesmoras:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Dapat ay buo pa ring matatanggap ng health care workers ng quarantine ang kanilang hazard pay, ito po ang iginiit ng Department of Health kasunod ng mga ulat na nabawasan umano ang nakuhang benepisyo ng ilang health workers.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario-Vergeire, nakasaad sa joint memorandum ng DOH at Department of Budget and Management na dapat ibigay ng mga ospital ang nararapat na benepisyo ng health care workers na kinakailangang ma-quarantine matapos po na ma-expose sa COVID-19. Dagdag pa ni Usec. Vergeire, kinokonsidera rin bilang paid time for work ang quarantine ng mga ito lalo’t nakakapag-trabaho pa rin ang ilan sa kanila kahit naka-isolate.
[VIDEO CLIP]
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Mga proctors at examiners at iba pang staff ng Philippine Regulations Commission kasama na rin po sa A4 priority list na mababakunahan ng pamahalaan, ito po ay upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa nalalapit na mga licensure exams sa susunod na buwan. Inaasahan naman ang pagdating pa ng mga karagdagang supply ng bakuna sa bansa. Narito ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Extended nga po ang umiiral na MECQ sa NCR Plus at upang linawin kung may magiging pagbabago ba sa mga establisyementong pinapayagang magbukas, makakausap natin si DTI Undersecretary Ruth Castelo. Welcome back po Usec.
DTI USEC. CASTELO: Hi, Usec. Rocky, good morning. Magandang umaga po sa lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ang tanong po ngayon eh may mga aasahan po bang pagbabago pagdating po sa mga establishment o industriya na papayagang pong mag-operate dito sa extended MECQ, hindi po kasi ito nabanggit sa public address ng Pangulo kagabi?
DTI USEC. CASTELO: Oo Usec. Ang DTI, si Sec. Lopez is making a very strong recommendation sa IATF, pero siyempre kasi ang IATF ang magde-decide nito pero ang recommendation kasi ni Secretary Lopez is to ease up a little bit, iyong magdagdag tayo ng mga negosyo na lalo na iyong mga labor intensive talaga na puwede namang sundin iyong mandatory health protocols natin habang tinutuloy nila iyong mga negosyo na ito para madagdagan iyong labor force na nakabalik na sa employment nila, Usec., o sa mga trabaho.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero bakit hindi pa po nadesisyunan ng Pangulo iyong rekomendasyon na magpatupad ng tinatawag na flexible o hybrid MECQ?
DTI USEC. CASTELO: Iyong mga details kasi Usec., ng opening, it’s going to be siyempre, with the IATF. Pag-uusapan pa nila iyan and then of course because it’s a proposal by DTI Secretary Lopez, siya iyong mag-i-explain sa IATF. So itong mga ganitong detalye, baka hindi na po nakarating kay Presidente o hindi pa niya alam dahil ngayon lang po magmi-meeting ang IATF.
But of course kung ano po ang magiging resolution ng IATF will be also supported by the President. Kaya sana nga talaga Usec., ma-open na because actually, we have an existing memorandum circular, nakalagay doon iyong negative list ng mga negosyo – ito iyong mga businesses na hindi pa puwedeng mag-open. It was issued April 23 pero baka naman puwede nating ma-suspend iyon para maka-open tayo nang kaunti kahit nasa MECQ na.
Idagdag ko lang Usec. Rocky, iyong mga nawala sa ating business noong nag-ECQ tayo ulit kamakailan, nawalan tayo ng labor employment na around 1.5 million dito sa NCR Plus bubble. Nandito lang iyon concentrated, imagine iyong 1.5 million workers na na-displace. So noong nag-MECQ from ECQ, nag-transition tayo into MECQ, nakabalik ang around 500,000 na empleyado. So unti-unti kailangan natin pa silang dagdagan, itong 500,000 na ito para bumaba iyong 1 million na employees natin that are displaced.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kung sakali nga pong naaprubahan itong flexible o hybrid MECQ sa NCR Plus, anu-ano po ba iyong mga economic industries o activities na maaaring payagan? At ang mga salon, pagupitan puwede na po bang magbalik operasyon?
DTI USEC. CASTELO: Oo Usec., personal care services pa lang actually talagang pinu-push iyan ni Secretary Lopez. We have around 400,000 workers dito sa industry na ito – iyan pa lang iyang salons and barber shops, hindi pa kasama iyong mga spa, iyong mga nail spa or mga massage. Iyon pa lang pinag-uusapan natin na paggupit or iyong hair care muna, 400,000 na iyong madadagdag natin doon sa makakabalik sa employment nila, Usec. And then the restaurants also, recommendation rin ni Secretary Lopez na i-allow iyong dine-in pero at a small percentage lang dahil siyempre iba rin iyong effect ng indoor dahil mas mataas iyong risk natin kapag nasa loob tayo ng air-conditioned room na walang hangin or wala masyadong ventilation.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyon nga po Usec., mukhang nahihirapan rin po mag-comply itong mga restaurants sa al fresco dining lalo po iyong mga nasa loob ng malls ano po, kung saan na lang po nagpupuwesto ng kanilang mga mesa. Hindi ba parang magiging mas risky ito kung nasa mga daan lang ang kanilang outdoor dining?
DTI USEC. CASTELO: Actually Usec, kung mas malaki or mas malawak iyong space na ginagalawan nila, mas mababa ang risk compared to an enclosed place na naka-air-condition na kaunti nga lang sila, konti lang ang tao sa loob pero dahil enclosed hindi masyadong nagsi-circulate iyong hangin. So actually mas safe pa rin kung nasa labas sila ng restaurants nila even inside the malls kasi mas malaki iyong space.
So kung sakali na i-approve ng IATF iyong recommendation ni Sec. Mon to include na iyong indoor dining at a small percentage, kailangan pa rin talagang sundin natin iyong mga health protocols na pinapasunod ng DOH. Pero Usec., pag-open natin nito, siyempre iyong indoor dining, ang restaurants will of course have to fully comply pa rin doon sa mga requirements natin kahit na small percentage iyan, ibalik natin doon sa original na when we were in MECQ na in-open na iyong dine-in.
Kailangan iyong kanilang diagonal seating and then iyong one meter physical distance, iyong one seat to another, pati iyong mga pag-provide nila ng sanitation devices – whether alcohol or alcogel or ganiyan – and then the distance also ng mga servers nila, food service and of course iyong pagsuot ng face mask at face shield, talagang pinakaimportante iyan. And we have been monitoring this in the DTI, iyong mga business establishments na allowed to operate, we call the attention naman of the restaurants, iyong mga food businesses na hindi nakakasunod, baka nawawala lang sa attention nila para maibalik nila iyong pagsunod sa mandatory health protocols.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., gaano kalaking epekto itong two-week MECQ extension sa mga negosyo sa NCR Plus? So, ano po ang projection ninyo sa bilang ng mga establishment na posibleng tuluyan—naku huwag naman ano, nakakalungkot – magsara dahil dito?
DTI USEC. CASTELO: Oo, Usec. According to the NEDA, doon sa last two weeks na nag-ECQ tayo, nawalan ng 120 billion pesos na umikot sa economy. And then ang suweldo siyempre may computation din iyan, iyong lost income ng mga workers natin, according to NEDA is around 30 billion pesos a day. Kaya ganoon kalaki iyong impact so we are pushing talaga na maka-open para hindi tuluyang magsara.
We do not have an exact count of businesses na magsasara, pero in terms of labor, iyong kanilang manpower, 1 million pa iyong hindi nakakabalik dito sa NCR Plus bubble pa lang. Kaya kung matutuloy na maka-open, sakaling i-approve ng IATF nga iyong sa personal care services and indoor dining, we will have 400,000 doon sa personal care and then another… siguro a 100,000 doon sa restaurants na madadagdag doon sa dine-in. So maybe mga 500,000 – it’s just an approximation – sana Usec., para iyong 1 million natin na natitirang nawala or displaced workers makabalik na, kahit kalahati lang noon.
USEC. IGNACIO: Opo, tama po. Usec., nagkaisa na rin po iyong Metro Manila Mayors ano po na paikliin iyong oras ng curfew na mula 10 P.M. hanggang 4 A.M. sa May 1st. So ibig sabihin po ba papayagan na rin ang mga establishment kagaya po ng malalaking malls na magbukas hanggang alas diyes ng gabi?
DTI USEC. CASTELO: Oo. In all likelihood Usec., papayagan na kasi LGUs rin naman ang nagsi-set ng curfew in their own localities. So kung iakyat nila ng 10 P.M., malamang pati malls natin 10 P.M. rin. Pero siyempre depende rin iyon sa lugar kasi mayroong mga local government units rin that can control or that can impose stricter measures hindi ba kung nakikita nila na may violations ang mga tao or nagkukumpul-kumpol doon sa mall, they can of course set a stricter regulation on this. Pero to answer your question, malamang po iu-open na rin ang malls until the curfew hours – kung 10 P.M. siya, hanggang 10 P.M. rin po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa usapin naman po ng liquor ban, kasama pa rin po ba ito sa ipatutupad hanggang May 14?
DTI USEC. CASTELO: Usec. Rocky, local government units po ang nagsi-set ng liquor ban, hindi po IATF, so depende na po sa LGUs kung ia-allow nila. Right now mayroon tayong mga 2 or 3 local government units in the NCR, National Capital Region na walang liquor ban. So bahala po ang mga local government units kung isi-set nila iyan sa kani-kanilang lugar or kung itutuloy pa nila or ili-lift na nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. may pahabol lang si Joseph Morong ng GMA News: So, ilang percent po iyong indoor dining at personal care lang na ipapa-open ng DTI?
DTI USEC. CASTELO: According to Secretary Lopez for indoor dining, siguro kahit mga 10%, kahit po maliit lang, basta po bahala sila sa IATF, pero ang recommendation ng DTI is 10% for indoor dining. And then for salons and barbershops, kahit po mag-50% and we’re also recommending iyong outdoor services ng personal care. Puwede po ang mga barbershops maglagay sila ng outdoor space nila pati ang salons, doon sila maggugupit sa labas ng salon basta mayroon silang space para po sa ventilation rin. And of course para rin ma-convince natin ang IATF na 50% i-allow ito, kailangan po rin gawin ng mga may-ari or ng operators ng salons and barber shops.
USEC. IGNACIO: Sa ibang issue naman po, Usec. Last year po ay na-convert ang ilang garment manufacturers, ang kanilang factory para po makapag-produce ng locally made PPE. Pero imbes daw po na sila ang maging priority, sa China daw po – totoo ba ito – na kumukuha ng supply ng PPE ang gobyerno dahil mas mura ‘di umano ito kahit na ang iba po ay ‘di umano ay substandard. So ano po ang ginagawa ng DTI dito lalo na’t nag-invest na sila ng ilang milyong dolyar matapos obligahin daw ‘di umano ng gobyerno noon?
DTI USEC. CASTELO: Oo. Totoo, Usec.. Actually, it was the DTI, project natin iyan last year. Through Secretary Lopez kinonvince natin nga sila na mag-repurpose. Repurpose iyong term ng Board of Investments natin. Iyong gumagawa dati ng mga aerospace outfit o kung anu-anong produkto, nag-convert into producing face masks, face shields, iyan iyong mga personal protective equipment at that time during the emergency and we’re happy na ngayon nakaka-produce na tayo ng sarili natin.
Kaya lang ang hindrance diyan sa bidding naman, iyong bidding process, Usec., we have the Republic Act 9184, hindi ba ito iyong Procurement Law natin, it does not specify na preference natin iyong domestic production. Sana lang—
Actually, Secretary Lopez also made a recommendation on this na i-prioritize natin ang domestic purchase lalo na, Usec, that we are also in the DTI pushing the “Go Local Buy Local.” Project din natin iyan in DTI na sana rin magkaroon ng Procurement Law o ma-amend ang Procurement Law na always to prefer muna ang local production or local products over the imported products.
Kasama po dito sa recommendation natin, ni Secretary Lopez, iyong sa PPEs nga, iyong pag-purchase sana kasi basta makapasok tayo sa specifications ang susunod na – kung pantay-pantay na, assuming all things are equal sa specs ng produkto – iyong presyo naman ang pag-uusapan. Kung medyo mas mataas iyong locally produced PPEs halimbawa, ipasok natin doon sa specifications na baka naman mas mataas ang specifications baka puwedeng ma-consider na rin ng DBM.
USEC. IGNACIO: Kasi bakit daw po hindi muna siniguro ng pamahalaan na makakalusot sila sa mga polisiya at bidding requirements para hindi naman daw po sila nalugi ngayon, Usec.?
DTI USEC. CASTELO: Last year kasi Usec., hindi ba mayroon tayong mga emergency purchases na hindi na dumaan sa bidding kasi kailangan talaga, mga urgent needs natin iyon last year specially for the medical frontliners.
Hindi naman sa hindi natin kinonsider sila kung hindi siyempre because of the law that we have, sana na nai-push natin iyong sila mismo makalaban doon sa mga specifications ng imported products na pantay sila or sana mas lampas pa iyong specs ng locally produced.
Remember Usec., hindi ba si Presidente mismo ang nagsasabi na kung mas mataas naman ang quality hindi ba, kahit mas mataas ang presyo hindi naman problema iyon or it’s not supposed to be a hindrance doon sa procurement natin.
USEC. IGNACIO: Usec., bigyan-daan ko lang iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media. Mula po kay Cleizl Pardilla ng PTV: Magdadalawang buwan na pong nasa priority list ang A1, A3 category. Did it ever cross in DTI’s mind to propose re-strategizing the vaccination rollout?
DTI USEC. CASTELO: Si Secretary Lopez po, siyempre he is also one of the Cabinet members na mag-push na madagdagan iyong A4 category natin kaya nga gusto natin sana na maka-move agad iyong A1 to A3 para sa nasa A4 na tayo. We understand na marami talagang frontliners.
In fact, even the DTI nag-recommend ang Consumer Protection Group, nag-request kami ng certification from our Management Services Group para ma-categorize iyong frontliners natin sa consumer protection as A4 para makapasok na sila doon sa rollout.
Pero doon sa matapos muna iyong A1 to A3, we will have to check of course with the Department of Health dahil sila ang gumagawa ng categories or ng prioritizations, baka puwede na nga kung ayaw ng mga—baka mayroon tayong mga seniors under A2 na ayaw naman magpabakuna, baka puwede nang i-move nga ng local government units to A4. Usec., we will have to discuss that with the Department of Health muna
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: If these categories daw po in some places want to be vaccinated they must come forward. Now, if they are less proactive why not give it to the A4 category – katulad ng nabanggit ninyo nga po – the working category to fast track the rollout and open up the economy?
DTI USEC. CASTELO: Yes, Usec., mas maganda nga sana na mabilis. Kung ayaw—kasi baka marami tayong A1 to A3 na ayaw naman magpabakuna, so kung may available pa i-akyat na natin sa A4 iyong mga kino-conduct na vaccination ngayon. But it will have to be the Department of Health, Usec., and maybe the IATF na mag-a-adjust ng prioritization natin or kung puwede nang i-move sa A4.
USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol lang din po ni Cleizl Pardilla: Ano daw po ang comment ninyo sa proposal ni Marikina Mayor Teodoro na regardless daw of category if more supplies will arrive, iturok na ang vaccine lalo na kung working economy para mabilis daw pong ma-achieve ang herd immunity?
DTI USEC. CASTELO: Mas okay po iyon, Usec., kasi mas maraming nababakunahan mas gusto natin, hindi ba? Kaya lang sana iyong mga—kaya tayo may classification, kaya tayo may prioritization dahil sila talaga iyong mga prone to getting infected. So, sana magpabakuna na sila para umandar nang mabilis or kung hindi sana sila magpapabakuna, if they refuse that, sana mag-signify na lang sila ng refusal para makaandar din ang local government units. Gusto natin iyon, Usec., mas madaming ma-vaccinate mas okay para sa ating lahat.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Undersecretary Ruth Castelo ng DTI.
DTI USEC. CASTELO: Kahit anong oras po, Usec. Rocky. Magandang umaga po! Salamat.
USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy po ang paglapit ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga kababayan para magbigyan ng COVID-19 vaccine. Kabilang diyan ang Marikina City na nagsimula na rin pong magbakuna sa kanilang mga residenteng bedridden na. Ang detalye mula kay Cleizl Pardilla:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Cleizl Pardilla, Ingat, Cleizl ha.
Samantala, umabot na sa mahigit apat na milyong doses ang supply ng Pilipinas ng COVID-19 vaccine matapos pong dumating sa bansa kaninang umaga ang 500,000 doses ng bakuna na binili ng gobyerno mula sa kumpanyang Sinovac. Ang detalye mula kay Louisa Erispe:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Kamakailan po ay inaprubahan ni Pangulong Duterte ang P20,000 one-time cash assistance para sa mga Employees’ Compensation Pensioners, ito po ay para makaagapay din sa epekto ng pandemya. Ang tanong po sinu-sino ang mabibigyan nito, paano at kailan po ito makukuha? Alamin natin ang detalye. Kasama po natin ang Executive Director ng Employees’ Compensation Commission na si Ma’am Stella Zipagan-Banawis. Magandang araw po, Director?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Magandang araw din po, Usec. Rocky. Ikukuwento ko po kung paano mari-release iyong ating EC pension ano po. Ang coverage po ng EC Financial Assistance for Pensioners natin ay lahat po ng EC pensioner na naka-receive ng minimum of one pension from January 2020 hanggang May 2021. So, sa prescribed period po na iyan, kung ang pensioner natin ay nandiyan pa rin, existing pa rin siyang pensioner o natapos na po iyong pension niya, basta nakatanggap po siya ng minimum na isang pension lang ay makakatanggap po siya noong P20,000 na financial assistance from EC po.
USEC. IGNACIO: So Ma’am, papaano po ito dapat ma-avail, ia-apply ba nila ito sa SSS o GSIS o magiging automatic na po ito na may darating sa kanilang cash assistance?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Ang EC financial assistance po na ito ay hindi kailangang i-apply ng ating mga pensioners. Ito po ay ipa-process at iri-release in the same manner na pino-process at niri-release po ang kanilang pension. So, hintayin na lang po nila doon sa kanilang mga disbursement accounts o kung tseke nila nari-receive iyon ay mari-receive po nila iyong kanilang financial assistance.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, paano naman po nila malalaman kung pumasok na po sa kanilang account – ito palagian po itong tinatanong ano po – iyong one-time cash assistance, may magno-notify po ba sa kanila?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Mag-uumpisa po kasi ito na mari-release ngayong Mayo. Mayroon naman pong schedule ang ating mga pensioners halimbawa sa private sector kung kailan nila mari-receive iyong pension nila. So kapag na-receive po nila iyong pension nila, kasama na po iyong P20,000 doon. So hindi na po nila kailangang itanong pa sa SSS o kaya sa amin kung nandiyan na ba o hindi, dahil makikita na lang po nila doon sa kanilang nari-receive po na regular na pension po nila.
USEC. IGNACIO: Okay. Nasa ilang miyembro po ba mula sa public at private sector iyong makikinabang sa ayudang ito?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Sa private sector po ay at least 20,000 po ang makikinabang nito, Usec., at sa government naman po ay mga at least 12,000 po ang makikinabang.
USEC. IGNACIO: Director, may update po ba kayo kung kailan po sisimulang mag-distribute ng financial assistance na ito, gaano katagal po iyong target distribution ninyo?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Based on the guidelines po ay mag-uumpisa po ito, Usec., ngayong next month na po, Mayo 2021. Sa pakikipag-ugnayan po namin sa SSS ay hindi naman ito matagal na ma-release, siguro in two to three months ay tapos na po ang pag-release nitong pension.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito po ay hindi maiiwasan ano, Director: Sakali pong magkaroon ng hindi makatatanggap kahit po qualified naman sila, saan daw po sila puwedeng umapila?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Puwede naman pong tumawag lang sa ECC, sa aming number po, 8899-4251 hanggang 52 po para kung hindi po kayo nakatanggap ay puwede po naming i-facilitate po iyon sa SSS o kaya sa GSIS.
USEC. IGNACIO: Kinikilala na rin po ng ECC iyong sinasabi nating work related disease, itong COVID. Paano ba makakalapit sa ECC iyong ating mga kababayan na tinamaan po ng COVID-19 at talaga naman pong nangangailangan ng tulong? So, ano rin po iyong mga klaseng assistance ang kanilang aasahan na maibibigay po ng ECC sa kanila.
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Lahat po ng natamaan ng COVID-19, Usec, ay puwedeng mag-apply ng EC benefits sa SSS kung sila po ay private sector worker o kaya sa GSIS kapag sila naman po ay government worker. At ang mga benefits na makukuha po dito ay iyong tinatawag nating sickness benefit, so daily allowance po iyon at ang maximum po nito ay 480 pesos per day. Kapag nagkaroon naman po sila ng hospitalization at puwede rin pong ma-reimburse iyong out of pocket na nagastos nila sa kanilang hospitalization o iyong kanilang hospitalization expenses net of PhilHealth po. Kapag sa kasamaang-palad po ay namatay iyong empleyado ay mayroon din pong death benefit at saka funeral benefit na na-apply din po sa aming implementing agencies, iyong SSS kapag private sector o sa GSIS po kapag government sector. Kapag naman approved iyong kanilang mga EC benefits ay mayroon pong 10,000 na cash assistance na ina-apply naman po sa ECC.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am balikan ko lang po kung puwede ano, puwede po ba nating medyo linawin pa rin kung sino po at ano po iyong uri ng pension na maaaring makakuha?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Doon po sa P20,000 financial assistance, ito po ay ibibigay sa lahat ng mga EC pensioners for permanent, partial disability. Ibig sabihin po iyong pension nila, dahil permanent partial po ito isang function lang ng body ang na-disable ay mayroon pong number of months na nagpi-pension sila, hindi po lifetime. Kasama rin po sa coverage ang lahat ng EC pensioners na ang pension naman po ay permanent total disability. So ito namang permanent total disability, iyong full body function, halimbawa iyong paglakad o paggamit ng both hands ay na disable na po ay nagkakaroon po sila ng EC pension na lifetime naman po iyon.
At lahat din po ng mga EC pensioners na tinatawag nating survivorship pensioner or death pensioner iyon pong beneficiary noong namatay na EC pensioner, dahil doon sa work related contingency kung saan naging EC pensioner po siya. Related iyong pagkamatay niya doon sa kaniyang naging approval ng kaniyang pension. So lahat po iyong tatlong pensioners na iyon, PPD or Permanent Partial Disability Pensioner, Permanent Total Disability Pensioner at saka survivorship or death pensioner po ang mabibigyan po nitong EC one-time financial assistance po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, bigyan-daan ko lang po iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media ano.
Mula po kay Cedric Castillo ng GMA News: Iyon daw po ng last two condition po for compensation due to COVID transmission occurred in workplace, transmission occurred while commuting to and from hindi po ba daw ito ay gray area kasi how do you determine daw po kung saan nanggaling ang transmission lalo na kung nagku-commute po ang isang empleyado?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Kailangan lang po ng certification sa employer na siya ay nagtatrabaho during that time na nakakuha siya ng COVID kaya na-transmit siya doon sa opisina na mayroon ding mga COVID na positive na mga empleyado.
Tapos iyon naman pong pagku-commute, alam naman po natin na airborne iyong COVID-19 virus so dahil ito ay nasa listahan na ng ECC list of occupational and work-related diseases ay idi-determine na lang po ng mga doktor at a very minimal documentary requirements.
Kasi isa pong polisiya na ng ECC na matagal na po, iyong tinatawag nating going to and coming from work. So ibig sabihin kapag may nangyari sa empleyado papunta o pauwi sa trabaho, basta po iyong kaniyang ruta ng pag-uwi o pagpasok sa opisina ay iyong regular route niya, hindi iyong dumaan pa siya kung saan o napunta pa siya sa ibang opisina o ibang place bago siya nakauwi o bago pumunta sa office ay covered na po iyon under the Employees Compensation Program po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ma’am, kapag ito po ay—applicable lang kapag po nagpa-public—gumagamit ng public transportation? Pero kapag po nagpu-provide ang isang kumpanya ng vehicle, ng service para sa kanilang empleyado, ito po ba ay ganoon pa rin ang magiging sakop noon?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Yes po, Usec. Covered na covered po kapag nasa shuttle service po ng opisina.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, sa dami po ng mga tinatamaan ng COVID-19, kakayanin po ba ng pondo daw ng ECC na mabigyan lahat ng assistance o magkakaroon ba kayo ng exemption lang po pagdating sa mga maaaring lumapit?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Iyon pong mga binibigay na benepisyo po ng ECC ay nagkakaroon po ng actuarial study bago po naglalabas ng polisiya. So lahat naman po ito ay inaaral mabuti at iyong ating SSS at GSIS na partners ay ina-assure naman po nila ang ECC, ang Commission dahil sila po iyong nagha-handle o nagma-manage noong ating state insurance fund na ngayon ay malaki na po para po pambayad sa lahat ng mga claims for COVID or other work-related diseases po. Hindi lang po sa COVID illness kundi pati po sa other work-related diseases and injuries po.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol po na tanong iyong aming kasamahan na si Johnna Giolagon ng Manila Asahi: Papaano daw po ang pag-process ng pag-claim from ECC?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Iyon pong EC benefits na ina-apply sa SSS at saka sa GSIS, ina-apply po sa opisina ng SSS and GSIS kahit saang branch po iyon. At ang system po nila ngayon dahil po sa nangyayari sa ating paligid, because of the pandemic ay drop boxes po ang sistema ng pag-a-apply.
USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol naman po ni Kenneth Paciente ng PTV: Hindi po ba sakop nito ang mga naka-work-from-home that may be contracted the virus at kailan po target na maipatupad? Oo nga ma’am, papaano iyong nasa bahay/work-from-home tapos nagkaroon ng COVID, sakop pa rin po ba ito?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Thank you po Usec. sa tanong ano po. Naglabas po ng bagong board resolution din ang ECC very recently na iyong mga injuries na nangyari sa bahay dahil sa work-from-home na sistema ng trabaho ngayon ay covered po ng Employees Compensation Program. Pero iyong mga diseases po or illness katulad ng COVID ay hindi pa po naglalabas ang ECC ng polisiya tungkol diyan dahil hanggang ngayon po ay inaaral pa po natin kung dapat kasama iyong diseases. So injuries lang po at the moment, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. So ang susunod pong tanong ni Kenneth Paciente ng PTV: Ano daw po ang sanction sa mga kumpanyang hindi susunod dito?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Hindi susunod sa pag-a-apply ng—sa pagtulong sa pag-apply? Sa pag-a-apply ng COVID-19?
USEC. IGNACIO: Pagbibigay po ng—dito sa mga nagkaroon ng COVID.
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Ah. Ang responsibilidad po ng employer para sa EC program ay tulungan po iyong empleyado na i-apply po iyong kaniyang EC benefit sa SSS o kaya sa GSIS. So aside from siya iyong nagbabayad ng contribution para sa EC program, dahil iyong workers po ay walang binabayad na contribution para maging miyembro po ng Employees Compensation, ang employer lang po ang nagbabayad ng contribution dito. So iyon po ‘yung mga responsibilidad ng employers para sa Employees Compensation Program po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sandali lang po ha, mukhang mayroon pang nagpapahabol ng tanong. Mula po kay Tuesday Niu ng DZBB: Hindi naman daw po employer ang magbabayad kundi SSS o GSIS.
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Yes po. Ang employer po ang nagbabayad noong contribution sa EC program. Lahat po ng contribution ng employer ay napupunta sa tinatawag nating state insurance fund na mina-manage po ng SSS and GSIS para sa Employees Compensation Commission.
Iyong state insurance fund, iyan po iyong ginagamit na pambayad doon sa mga claims ng mga empleyado sa government at saka sa private sector kapag nag-claim sila ng EC benefit katulad noong iki-claim nila po na EC benefit dahil na-COVID sila o ito pong pensioner financial assistance natin, galing din po doon sa state insurance fund po.
USEC. IGNACIO: Okay. Executive Director, baka may gusto pa po kayong linawin tungkol dito sa isang lumabas na artikulo kaugnay po ‘di umano sa pagbibigay ng ECC ng emergency subsidy allowances sa inyong mga empleyado. Ano daw po ang detalye nito?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Maraming-maraming salamat Usec. Rocky for asking that question ano.
Gusto lang po naming ipaalam sa lahat na hindi po kami naka-receive at all ng audit observation memo from the Commission on Audit tungkol dito sa sinasabing nagbigay po kami ng P20,000 para sa mga empleyado. Hindi po kami iyong tinutukoy doon sa artikulo ng Inquirer at nakipag-ugnayan na po ang ECC sa Inquirer dahil dito sa article na ‘to at dinelete na po nila ang article na ‘to dahil hindi naman po siya totoo.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am sorry po ha, talagang—may patanong pa rin po si Johnna Villaviray Giolagon ng Manila Asahi: Paano pala kung hindi daw po nakakapagbayad ang isang employer ng contribution, can the employees still claim?
ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Yes po. Ang Employees Compensation po ay covered ang worker from the first day of work. So ibig sabihin kung may nangyari po sa kaniya, sa first day ng work niya at hindi pa siya nakapagbayad ng—hindi pa siya minember [member] ng kaniyang employer sa SSS o kaya sa GSIS na automatic member ka na ng EC kapag miniyembro po kayo ng employer ninyo doon sa dalawang agencies na ‘to ay hindi ibig sabihin ay hindi na kayo makakakuha ng EC benefit.
Kung hindi naman po nakabayad ang employer ninyo kahit na matagal na kayong empleyado doon, it will not prejudice your EC benefits po. Ang hahabulin po ng ating implementing agencies, SSS o GSIS, particularly SSS ay iyong employer po. So, ibibigay pa rin po iyong benefit doon sa empleyado at hahabulin iyong employer dahil kailangan niyang bayaran iyon sa SSS para ibalik po iyong fund na naibigay doon sa worker doon sa state insurance fund para magamit pa po sa ibang claims. So, it will not prejudice the claim of the worker dahil hindi naman po niya kasalanan kung bakit hindi siya nabayaran ng kaniyang employer para sa EC program po.
USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong ibinahaging impormasyon, ECC Director Executive Director Stella Zipagan-Banawis. Ingat po kayo, salamat po.
DIR. BANAWIS: Maraming salamat din po Usec. Rocky at ingat po tayong lahat. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Salamat
Samantala, hindi napapagod ang pamahalaan na magpaabot ng tulong sa ating mga kababayan, kamakailan mga residente naman po ng Sta. Praxedes, Cagayan na kabilang sa vulnerable sector, ang mga biktima ng malagim na aksidente sa Tabuk City, Kalinga ang muling pinuntahan ng DSWD at outreach team ni Sen Bong Go upang umalalay sa kanilang pangangailangan. Narito po ang report.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, pinakahuling sitwasyon sa Cordillera Region hatid naman sa atin ni Eddie Carta.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Eddie Carta.
Para naman po makibalita sa pagpapatupad ng travel restrictions sa Davao City, may report si Regine Lanuza. Regine?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza.
Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base sa report ng Department of Health kahapon, April 28, 2021 umabot na sa 1,020,495 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 6,895 ng mga bagong kaso; 115 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na po ito sa 17, 031 ang total COVID-19 deaths.
Ang mga kababayan naman natin naka-recover na sa sakit ay nasa 935,695 matapos po makapagtala ng 10,739 new recoveries kahapon. Tuluy-tuloy din po na nababawasan ang total active cases na sa kasalukuyan ay nasa 67,769 na lamang.
Patuloy rin ang isinasagawang simultaneous vaccination rollout sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Sa datos po ng Department of Health, April 27, 2021, umabot na sa 1,809,801 doses ang mga nabigyan na po ng bakuna. Nakakasabay tayo sa nangyayaring vaccine rollout sa ASEAN region.
Samantala, sa gitna naman po ng maigting na pagpapatupad ng mga health protocols at pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan upang maiwasan ang COVID-19, base naman sa datos ng Johns Hopkins University as of April 29, 2021, nasa ika-dalampung puwesto ang Pilipinas pagdating sa mga bansang may pinakamaraming recoveries sa buong mundo. Sinundan iyan ng Iraq at Israel.
Ikalawa naman po tayo sa ASEAN countries na may pinakamaraming recovered cases kasunod sa Indonesia. Patunay lamang na ang kooperasyon ng bawat isa ay may malaking naitutulong upang tuluyan malabanan ang COVID-19 sa bansa.
At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap.
Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Tandaan: Mag-mask, hugas, iwas. Panatilihin malakas ang resistensiya lagi rin po tayong sumunod sa mga minimum health protocols.
Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center