SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Inaprubahan po ng ating Presidente kahapon, April 28, ang rekomendasyon ng inyong IATF na i-extend ang Modified Enhanced Community Quarantine or MECQ classification sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite ng dalawang linggo, simula a-uno hanggang katorse ng Mayo.
Samantala, ang Siyudad ng Santiago sa Isabela at probinsiya ng Quirino sa Region II at Abra sa Cordillera Administrative Region ay mapapasailalim po sa MECQ sa buong buwan ng Mayo.
Makikita naman sa inyong screen ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine or GCQ sa buong buwan ng Mayo, ito ang:
- Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province sa CAR,
- Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Region II,
- Batangas at Quezon sa Region IV-A,
- Tacloban City sa Region VIII,
- Iligan City sa Region X,
- Davao City sa Region XI.
- At Lanao Del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang mga lugar na hindi po nabanggit ay mapapasailalim po sa Modified General Community Quarantine or MGCQ sa buong buwan ng Mayo.
Siguro po uulitin ko lang po, ang MECQ limitado lang po sa sampu ang mass gathering; ang simba hanggang 10% lang po; wala pa pong dine-in, puro al fresco dining lang po.
Nagkasundo rin po ang mga Mayor ng Metro Manila para sa uniformed curfew hours sa NCR na magsisimula sa Mayo 1, mula 10 P.M. hanggang 4:00 A.M. So sa Metro Manila po, 10 to 4 ang ating curfew. Mamaya ay mag-uusap silang muli para pag-usapan ang iba pang mga bagay na may kinalaman sa MECQ.
At mamaya rin po ay magkakaroon po ng pagpupulong ang inyong IATF para nga po isapinal kung ano iyong mga karagdagang mga negosyo na pupuwedeng buksan, bagama’t tayo po ay nasa MECQ.
Well, sa kanyang regular na Talk to the People Address po kagabi, inutos ng Pangulo sa mga local chief executives na ipatupad ang mga batas doon po sa mga lalabag sa mga health protocols. Kasabay nito inatasan ni Presidente ang DILG na gawing accountable ang mga Mayor at mga Barangay Captains sa mga events na nangyari sa kanilang lugar, partikular na binanggit ng Pangulo ang fiesta gathering.
Samantala, bawal ang ‘epal’ sa community pantry, ito ang mensahe ng pamahalaan sa Talk to the People kagabi sa mga taong magsasagawa ng community pantry na maglalagay ng signage, billboard, posters, mga larawan at mga pangalan.
At siyempre po bagama’t tama po ang pagtulong natin sa panahon ng pandemya, huwag naman po nating gawing super-spreader events ang mga community pantries. Kinakailangan po talaga makipag-coordinate sa lokal na pamahalaan para mapatupad po natin ang minimum health standards lalung-lalo na po iyong social distancing.
Inanunsiyo naman po ni NTF Chief Implementer at Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez ang pagdating ng 500,000 doses ng Sinovac vaccine kaninang umaga po, ngayon Abril 29. At sa May 7 po, may darating pang isa’t kalahating milyong doses ng Sinovac. Mamaya makakasama po natin ang ating Vaccine Czar para magbigay detalye sa bagay na ito.
Tungkol naman po sa issue ng West Philippine Sea, nagsalita na po ng Presidente, malinaw ang kanyang sinabi: ‘there are things which are not really subject to a compromise. I have the interest of my country to protect.’ At binanggit ni Presidente ang claim of sovereignty.
Ngayong araw, April 29, magsisimula po ang pagbabawal ng pagpasok ng lahat ng pasahero na manggagaling mula India o may travel history sa India ng nakaraang 14 na araw bago dumating ng Pilipinas, magtatagal ito hanggang Mayo 14 ng taong ito.
Samantala, ang mga pasahero na nasa transit na nanggaling mula India at lahat ng nanggaling doon 14 na araw bago dumating ng Pilipinas bago ang araw na ito, April 29 ay hindi kasama sa ganitong restriction. Pero kinakailangan silang sumailalim sa mas mahigpit ng quarantine and testing protocols, kasama na po ang absolute facility based 14-day quarantine period kahit na nag-negatibo po sila sa PCR swab test.
Mabuting balita naman po, nasa limang libong minimum wage workers, Overseas Filipino Workers sa ilalim ng priority group A4 ang mababakunahan ng first dose sa Sabado, a-uno ng Mayo, Araw po ng mga Manggagawa. Magkakaroon ng symbolic inoculation ceremony sa Sabado, ito po ay pagkilala natin sa mahalagang papel ng mga manggagawa at obrero sa araw ng paggawa.
COVID-19 updates naman po tayo. Tingnan natin ang infographics sa daily new confirmed COVID-19 cases per 1 million people. Ikumpara po natin ang Pilipinas sa ibang bansa simula a-uno ng Marso hanggang April 27, 2021. Makikita po ninyo na nasa ibaba po ng graph ang Philippines, pangatlo po dito sa graph na ito. At makikita po ninyo kung mas—bagama’t ang kaso po sa Pilipinas, ito po iyong ‘pink’ ay tumaas at ngayon po ay bumababa – puwede bang ipakita natin through a… hindi natin puwedeng itutok, ‘no – ito po ay—naku naman po hamak na mas mababa kung ikukumpara sa Estados Unidos, Espanya, Italya, Alemania, France, Turkey at Brazil.
Ito po ang ranking ng Pilipinas sa mundo, sang-ayon po sa Johns Hopkins:
- Number 26 pa rin po tayo sa total cases,
- number 27 po tayo from 28 sa active cases.
- Ang cases per 100,000 po natin ngayon ay 924.99. Ika-134 po tayo sa mundo.
- At ang case fatality rate po natin ay 1.7 pa rin, number 90 po tayo sa buong daigdig.
Mayroon po tayong 6,895 na mga bagong kaso ayon sa April 28, 2021 datos ng DOH. Ito po ay patuloy na nagpapakita na bumababa po ang ating mga bagong kaso pang-araw-araw noong mga nakalipas na araw. Patuloy ang pagtaas ng mga gumagaling po, nasa 10,739 ang nai-report na gumaling kahapon. Sa kabuuan ay mayroon na po tayong 935,695 ang bilang ng mga naka-recover. Samantalang malungkot po naming ibinabalita na nasa 7,031 na po ang binawian ng buhay dahil a coronavirus, nakikiramay po kami. 1.67 to be more accurate po ang ating fatality rate.
Ito naman po ang COVID-19 cases by adjusted date on onset Philippines as of April 28, 2021, makikita po ninyo na nag-peak po tayo sa unang linggo ng Abril na kung saan ang top contributors ay ang NCR, Region III at Region VI-A; makikita rin natin ang pagbaba ng mga kaso.
Tingnan naman natin ang infographics sa Temporary Treatment and Monitoring Facility utilization rate as of April 25. Makikita po na bumababa ang mga kaso sa buong bansa at sa NCR pero ang average daily attack rate ay nanatiling above high risk threshold at 19 up to 55 cases per 100,000 per day. Isa pang makikita natin ay nag-improved at healthcare at ICU utilization rate above 70% risk threshold ng maraming lungsod, habang ang HCUR sa CAR at Region II ay above 70% threshold. Bigyan po natin ng pagkakataon na makasunod ang ating infographics.
Okay, ano po ang ating key messaging para sa COVID-19 situationer: Unang-una, bumababa po ang mga kaso sa buong bansa at sa NCR. Pero iyong average daily attack rate po ay nasa high risk threshold pa rin, dahil ito po ay nasa 19 to 55 new cases per 100,00 per day. Ang healthcare utilizations ang ICU utilization sa NCR po ay nag-improve, pero ito po ay above 70% pa rin high risk threshold in most cities at iyong healthcare utilization rate po sa CAR at Region II ay above the 70% threshold.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon, makakasama po natin ngayon, ang ating suki ang NTF Chief Implementer at Vaccine Czar, Secretary Galvez at kasama rin po natin ang ating NTF Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon.
Secretary Galvez, dumating po ang 500,000 na naman muling Sinovac at sa May 7 ay darating pa rin ang 1.5 million. So itong buwan po ng Abril ay nagkaroon po tayo ng 1.5 million na Sinovac deliveries, ilan pa po ang ating aasahan sa buwan naman po Mayo. The floor is yours, Secretary Carlito Galvez.
SEC. GALVEZ: Sa ngalan po ng lahat ng bumubuo ng National Task Force Against COVID-19 at ang Vaccine Cluster, isang magandang tanghali po sa ating mga tagapanood at tagapakinig.
Ngayon pong May maganda po dahil mayroon po tayong darating sa May 1, darating na po iyong 15,000 na inaasahan natin na Sputnik V. At mayroon po tayong – sinabi na nga po ni Sir Spox kanina – na in one tranche darating po iyong 1.5 million na Sinovac. And then mayroon din po tayong 500 na Sinovac na darating din po ng May, more or less two million po iyon at sana po mayroon po tayong maaasahan na possible deliveries from COVAX lalo na po iyong Pfizer at saka iyong AstraZeneca at most especially iyong Gamaleya at saka Sputnik magkakaroon na tayo ng steady supply this coming May. More or less baka four million po ang matatanggap po natin.
At sa ngayon po, Sir Spox, ang atin pong natanggap ay talagang ano na tayo, mayroon na po tayong kabuuan na four million dahil natanggap na natin kanina iyong another 500,000 and ito nga, sa darating na mga bakuna ay inaasahan po natin na bubugso po, tama po iyong report natin noon na June mayroon po tayong nine to ten million doses.
Darating po iyong apat na binili po natin. Unang-una iyong Moderna – 194,000; Pangalawa, madagdagan ang Sinovac volume natin, magkakaroon tayo ng 4.5 million, kasama na dito iyong inorder ng private sector, iyong ating Filipino-Chinese Chamber of Commerce, darating po ang another two million; at saka iyong 1,300,000 na AstraZeneca na galing sa private sector.
Ito po ang isang magandang balita. Binigyan po tayo ng isang letter ng COVAX at GAVI na mayroon daw po tayong matatanggap na 2,355,210 na COVAX Pfizer and hopefully magkakaroon po tayo ng mga sunud-sunod na mga development at mga deliveries this coming July and August.
At ito po iyong mga deliveries natin sa third quarter, makikita natin na talagang bubugso po ang ating mga deliveries starting June – more or less ten million and then dito sa third quarter tataas din po iyong ang doses natin na 13 million. And then also sa August, mayroon po tayong 15 – 20 million and also the same sa September.
Ito po, magkakaroon po tayo ng steady supply na 140 million doses and also we are targeting na magkaroon tayo ng tinatawag natin na daily jabs na 500,000 and then later on we will be targeting two million to three million per week.
Ang nakikita po natin, sa ngayon pong Mach nag-start po tayo ng simultaneous vaccination, iyong A1, A2, A3. Ito po iyong ating mga health-care workers, seniors at saka people with comorbidities. Sa ngayon po, mayroon na po tayong nababakunahan na mahigit isang milyon na health-care workers at 240,000 na seniors and also sa ating mga may comorbidities, mayroon po tayong 256. At ang total po natin na na-administer is 1.8 million at Sir Spox, talaga pong pipilitin natin na iyong two million marker ay matapos po natin ngayong buwan.
Ngayon pong May 1, Labor Day, mayroon tayong symbolic vaccination at kasama po sa 5,000 ang ating mga regions ay nag-o-offer po ng at least ten doses per region na symbolic vaccination ng ating mga workers at saka iyong tinatawag nating mga OFW at saka iyong sa A4.
Then by June baka mag-start na po tayo na iyong A4 at saka A5 ay masimulan na at saka iyong ating tinatawag na other targeted adult population o iyong general populace ay baka mag-start na po tayo sa August or September.
Ang nakikita po natin talaga kasama ng ating mga private sector, sinasabi po talaga na talagang we have to prepare for a long haul o iyong tinatawag na three-year plan. Ang containment ngayong 2021 na kailangan talaga na ma-enable natin ang pandemic response at saka i-build natin iyong mga resilient ano natin.
Mamaya ay sasabihin po ni Sec. Vince ang ating mga ginagawa to build our resiliency in terms of building iyong tinatawag nating mga ICUs at saka iyong mga beds. Ang amin pong ipa-ano sa LGU na i-intensify po natin iyong barangay COVID response. And also, ang gagawin po natin talaga ay magkakaroon tayo ng economic resilience in terms of bigyan natin ng magandang minimum health standard, ang mga polisiya dito sa mga establishment na binubuksan po natin.
So, 2022 ang ano po natin ay elimination ng COVID-19 at saka mayroon na po tayong mga access para sa mga boosters and also ang ano po natin talaga magkaroon din po tayo ng tinatawag na social healing program to negate the stigma of COVID-19.
So, iyon lang po, Spox, at maraming salamat po at mabuhay po tayong lahat.
SEC. ROQUE: Maramig salamat, Secretary Carlito Galvez.
Kasama naman po natin ngayon ang NTF deputy chief implementer at testing Czar Vince Dizon. Secretary Dizon, congratulations at umabot na sa 66,000 iyong mga nati-test naitn kada isang araw. Ano pa po ang mga hakbang na gagawin natin para lalo pang tataas iyong ating testing? The floor is yours, Secretary Vince Dizon.
SEC. DIZON: Magandang hapon, Spox. Magandang hapon, Sec. Charlie.
Maikling update lang po. Unang-una, kagaya po ng nasabi ninyo, Spox Harry, ang ating peak ng testing natin ay actually umabot ng mahigit 67,000 sa isang araw at dahil doon po makikita natin, sinama ko lang itong graph natin ng positivity rate. Ito po iyong dami ng mga nagpopositibo sa ating mga tini-test kada araw.
At makikita po natin na noong Abril, April 2, nag-peak po ang ating national positivity rate ng 25.22%. Pero dahil nga po sa lahat ng ginawa ng ating pamahalaan katulong ng ating mga LGUs at ng ating mga kababayan eh napababa na po natin nang malaki, nang mahigit 10% or almost 10% ang positivity rate na ngayon po ay 16.7% na lang po ‘no. At makikita po natin diyan, sinabayan po niyan ang ating pagra-ramp-up ng ating mga tini-test pero importante rin po maintindihan ng ating mga kababayan, hindi lang po ang testing ang kailangan nating gawin.
Ang pinaka-importante, sa tulong ng kooperasyon ng mga kababayan natin eh iyong pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay, pagdidistansiya at iyong mabilis na pag-a-isolate ay talagang napakalaki po ng naitulong kasama na rin ng pagpapaigting ng ating lockdown sa NCR Plus. So dahan-dahan na po itong bumababa at sana po ay tuluy-tuloy na pong bumaba itong ating positivity rate.
Spox, sa NCR naman, maganda ring malaman na napakalaki po ng ibinaba, mahigit 10%. Umabot po ng halos 30% ang naging positivity rate sa NCR noong early part ng Abril, ngayon po ito ay nasa 17% na lamang. Kagaya po ng ini-report ng ating Secretary of Health kahapon, ito po ang mga nagawa ng ating gobyerno noong kapanahunan ng ECQ at MECQ.
Napakadami pong itinayong mga health facilities. Mahigit 20,000 COVID beds ang naidagdag. Nag-procure po tayo at nag-deploy po tayo ng karagdagang antigen kits, at tinulungan din natin ang ating mga ospital at health facilities para magkaroon ng dagdag na health-care personnel.
At hindi lang po gobyerno ang gumawa nito, Spox Harry ‘no – ito talaga ay ayon sa panawagan ng ating Pangulo na tayo ay magtulung-tulong at magbayanihan – ang iba’t-iba pong mga private sector groups at pati ang mga civic organizations tulad ng Philippine Red Cross ay napakalaki po ng itinulong.
Kahapon po in-inaugurate natin o binuksan natin ang isang 146-bed field hospital sa Lung Center of the Philippines. Makikita po natin ito ‘no, napakaganda po ng facility na ito. Ito, makikita po natin ganiyan po ang hitsura sa loob. Air-conditioned po iyan, napakaganda po ng mga kama, bawat kama po ay may oxygen tank, kumpleto po ng mga gamot.
Makikita po natin dito ini-inspect po ni Chairman Richard Gordon ang ECG machine na nandiyan sa field hospital na iyan at napakalaki po ng maitutulong nito hindi lamang sa Lung Center kung hindi sa iba’t-ibang mga ospital sa area ng Quezon City. Kaya po napakalaki po talaga ng pasasalamat ng ating pamahalaan sa Philippine Red Cross, sa volunteers, at siyempre po sa kanilang chairman na si Senator Richard Gordon.
Apart from the Lung Center po, mayroon din pong itinayo na isolation facility ang Philippine Red Cr0ss sa Ateneo de Manila University. Nagpapasalamat po tayo sa Ateneo de Manila sa pagpayag nila sa paggamit ng kanilang Loyola Campus Junior High School buildings para po isolation facility sa Ateneo.
Mayroon din pong itinayo sa UP-Diliman at kasama rin ang Red Cross sa Kamia Residence Hall. Mayroon din pong itinayo sa City of Manila sa De La Salle College of Saint Benilde. Napakalaki po ng maitutulong ng mga beds na ito para sa ating mga magkakasakit at nagpapasalamat tayo sa mga private educational institutions ng Ateneo at La Salle at siyempre po sa ating University of the Philippines.
Mayroon din po pala, pasensiya na po, mayroon din po pala sa Adamson University at kagaya na rin po ng ini-report ni Secretary Duque, iyon pong 110-beds sa Quezon Institute nagawa na rin po. At noong nakaraang linggo din po, sa partnership ng Department of Tourism and the City of Manila, magtatayo po ng 336 beds na Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta, sa Rizal Park. Ito po, napakaganda po ng magiging ospital na iyan at makikita po natin sinimulan na ang pagtatayo nito at siguro po maitatayo na po ito sa loob daw po ng apat o anim na linggo.
Iyon lang po, Spox Harry. Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Sec. Vince. Simulan na po natin ang ating open forum, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon Secretary Roque, Secretary Galvez, Secretary Vince.
Question from Rose Novenario of Hataw: Totoo ba na nabakunahan na po ang lahat ng OP employees?
SEC. ROQUE: Hindi po. Sa aming opisina, mahigit kalahati na po ang na-COVID kaya kapag tanghalian po sama-sama iyong mga nagpositibo, iyong mga negatibo nasa labas po ‘no. So hindi pa po totoo iyan, A4 pa rin po ang mga government frontliners.
USEC. IGNACIO: Second question po ni Rose Novenario: Totoo ba na may nasawing miyembro ng PSG noong nakaraang linggo dahil sa COVID-19 mahigit anim na buwan matapos mabakunahan? Gaano katagal ang epekto ng COVID-19 vaccine sa isang taong nabakunahan nito.
SEC. ROQUE: Wala pong katotohanan iyan, wala pong namatay na miyembro ng PSG dahil po sa COVID. Ito po ay kinumpirma sa akin ni General Jess Durante, ang hepe po ng PSG.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Oo. Punta naman tayo kay Mela Lesmoras, please.
MELA LESMORAS/PTV4: Hi. Good afternoon Secretary Roque, kay Secretary Galvez at kay Secretary Dizon.
My first question po Secretary Roque para po sa inyo, about lang po sa bagong quarantine classifications. May I ask bakit two weeks lang po iyong bagong quarantine classification sa NCR Plus at puwede ninyo po bang pakipaliwanag kung mayroon bang magiging pagbabago sa mga patakaran kasi may mga nababanggit din ang MMDA na MECQ flex?
SEC. ROQUE: Well kaya po 2 weeks iyan ay dahil nakita naman natin na bumababa talaga ang kaso dito po sa NCR at ibig sabihin iyong attack rate ay nagdadahan-dahan, iyong ating R0 na tinatawag ay bumaba na to under one pero kinakailangan pa rin nating palakasin lalung-lalo na iyong ating mga ICU beds ‘no. So gumagawa po ng hakbang ngayon ang DOH para maparamihan pa iyong ating ICU beds at hanggang hindi po natin napaparami iyong ICU beds natin eh baka masayang iyong gains ng isang linggo ng travel bubble, dalawang linggo ng ECQ at dalawang linggo ng MECQ kaya po ito ay hanggang May 14 pa lamang.
Mamaya pong hapon magkakaroon po ng pagpupulong ang IATF para isapinal nga po iyong listahan ng mga karagdagang mga negosyo at mga establisyimento na pupuwedeng buksan po bagama’t MECQ. Ito po ay sang-ayon doon sa ating goal ‘no na i-promote po ang total health ng mga mamamayan, mabawasan ang mga kaso ng COVID at itaguyod po ang hanapbuhay ng mga mamamayan nang hindi naman sila magutom.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Thank you, Secretary Roque. May I go to Secretary Galvez po?
SEC. ROQUE: Go ahead, please.
MELA LESMORAS/PTV4: Secretary Galvez, about lang po doon sa Labor Day symbolic vaccination. Puwede po ba nating mas ma-elaborate saan po manggagaling iyong bakuna; sinu-sino specifically iyong qualified at isasama po dito at saan-saang lugar po?
SEC. GALVEZ: Iyong ano po natin na dito sa Metro Manila, mayroon pong in-organize si Secretary Bello na 38,000 na OFWs at saka 2,000 na low-earning workers po natin bale ito po iyong… iyon po kasama po iyong mga tinatawag nating mga security guard, iyong mga pedicab drivers, iyong mga tindera, iyong mga cashiers, halo-halo po iyon. Kasi ang sa ating A4 na mga workers, kasama po ang government at saka iyong ating mga private sector workers.
Ang talagang tinarget natin na nakikita natin na [unclear] ay iyong OFW at saka mga seafarers at the same time iyong mga talagang nakita natin na exposed na face-to-face, sa mga tinatawag na face-to-face engagement during their working hours dito sa Metro Manila at saka sa ibang area. At ang inano rin po namin, kasama rin po ang mga regions, magkakaroon din po sila ng symbolic vaccination. Iyong mga first 10/15 doses ay ibibigay po muna sa mga workers.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. So nationwide po ito sir sa Sabado?
SEC. GALVEZ: Yes. Ang inaano po namin, kasi ito parang pagsimbolo natin, pagmamahal natin sa ating mga workers and laborers kasi talagang taun-taon binibigyan natin sila ng tinatawag nating pagkilala. Ito po ang isang pagkilala natin sa kanilang mga kadakilaan lalo na iyong mga OFWs.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And Secretary Galvez, one question lang po from Sweeden Velado-Ramirez: In terms of vaccine procurement, what benefits are we receiving from good governance po?
SEC. GALVEZ: Nakikita po natin na iyong sa good governance kapag nakita natin maganda iyong mga leader—nakita natin talaga dito sa COVID-19 fight, napakaimportante ng leadership. And nakikita natin na iyong mga mayor natin at saka mga governors natin na talagang maganda ang governance system, ay talagang iyong sistema nila napakaganda. At nakikita natin kung sino iyong mga tinatawag natin na talagang magagaling na mga mayors at saka even barangay captains ay nakikita natin iyong response nila talagang mas out of the box thinking. At saka napakaganda ng kanilang mga responses, talagang proactive at iyong tinatawag na foresight, na tinatawag nating may foresight sila at saka may tinatawag na anticipation.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po Secretary Galvez, Secretary Roque at kay Secretary Dizon.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mela. Back to Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Question from Maricel Halili of TV-5: Totoo ba na ang Pfizer ay nanghihingi nang unreasonable demand sa third world countries para sa Pfizer vaccine? Sa story ng London-based Bureau of Investigative Journalism, hinihingi ng Pfizer na isama ng Argentina ang sovereign assets nito including embassies, bank assets and military bases as collateral for an indemnity fund. A separate report states that South Africa had the same complain. Is Pfizer asking for anything similar from the Philippines?
SEC. ROQUE: Sec. Galvez…
SEC. GALVEZ: Sa atin, sa nakita natin napaka-cordial po ng ano, napakabait nga po ng Pfizer considering na nakita natin na kahit na mayroong tinatawag tayong mga challenges, legal challenges ay talagang hindi nila binago iyong kanilang tinatawag na offer sa atin. Even though may mga delays tayo, iyong tinatawag na delivery time hindi nila binago. Ang kanilang offer na 25 million, tinaasan pa nila ng 40 million doses. At sa totoo lang po isa po sa pinakamababa na presyo ang Pfizer sumunod doon sa AstraZeneca. Ang ganda ng presyo niya sa atin, kumbaga sa presyo na binigay sa atin, hindi niya po tinaas.
Nakikita po namin sa ngayon, sana tuluy-tuloy na po iyong magandang negosasyon dahil kasi ang hinihingi lang naman po iyong tinatawag natin sa indemnity clause at saka po iyong sa tinatawag na immunity clause. So iyon lang po at nagkaroon na po ng tinatawag na clarification from our DOJ so naibigay na po namin iyong dalawang DOJ opinion at sa ngayon nakita natin na positive ang naging result, na nagkaroon na po ng communication sa atin ang COVAX na magdi-deliver na po sila ng 2.3 million doses.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: Anu-ano ang demands ng Pfizer; bakit hindi pa rin po sealed ang agreement with them?
SEC. GALVEZ: Nakikita po natin kasi ang Pfizer siyempre ang ano po, nakikita niya iyong ano—special kasi ang Pilipinas kasi mayroon tayong tinatawag na nagkaroon ng kaso ng tinatawag nating iyong sa Dengvaxia. And considering also na nakita natin na marami silang mga nakitang mga challenges, ang ginawa nila talaga, talagang nagkaroon sila ng tinatawag na lengthy negotiation so that we can have iyong tinatawag na—iyong understanding between gross negligence at saka po iyong tinatawag na willful neglect. Iyon lang po ang nakikita namin na legal impediments na ngayon nakikita natin na iyong language has been completely [unclear].
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Galvez.
SEC. ROQUE: Punta naman tayo kay Melo Acuña, please.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Good afternoon, Secretary Harry. Nice to see you again. Napag-usapan po ba sa IATF iyong aftercare program para sa COVID-19 survivors?
SEC. ROQUE: Hindi pa po naa-agenda ‘no. Hayaan ninyo po, ipagbibigay-alam ko po iyan sa IATF dahil you brought that to my attention. Oo, kabahagi po iyan sa reintegration natin eh ‘no.
SEC. GALVEZ: [Overlapping voices] sa isang plano po namin sa National Action Plan, iyong aftercare po ng COVID-19 kasi nakita po natin talaga iyong stigma, nakita natin sa COVID-19 napakataas. Maraming tumatawag po sa atin, pami-pamilya nagbi-breakdown and also there are many cases also na may mga suicide cases and with this—this is a very serious problem after that we have undertaken or eliminated the disease.
Ang nakita namin talaga sa National Action Plan, we will have an elaborate ano po, sa social healing at saka iyong tinatawag nating mental care para magkaroon po ng tinatawag nating reconstruction at saka reconstitution ng ating mental care in terms doon sa stigma na iyong binitawan po ng COVID-19. Nakita po namin talaga po, talagang maraming mga pamilya ang nagbi-breakdown dahil kasi nakikita natin hindi nila alam ang gagawin. And with that we have talked to the experts so that we can explore iyong tinatawag nating further mental care and social healing after this pandemic.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Yeah. Thank you for the assurance, Secretary Galvez. Now my question for you is this: I saw a report about Brazil na pinatitigil iyong pagpapadala roon ng Gamaleya, ng Sputnik V sapagkat may problema raw po. Ipasusuri po ba ninyo iyong Gamaleya vaccines na darating sa Pilipinas?
SEC. GALVEZ: Sa ngayon po naghihintay lang po kami ng ano po ng FDA and then I believe may more than 20 countries na gumagamit na po ng Gamaleya. As of this moment, wala po kaming narinig na ano po. At saka sa ngayon po ang ano rin po namin ay talagang kailangan po namin iyong official report. Kung sa news lang po natatanggap iyong mga comment ay ang FDA po natin at saka ang atin pong Vaccine Expert Panel, they are relying more on cleared journal po.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: I see. Maraming salamat po. Secretary Harry, para po sa atin itong tanong na ito. Sapagkat matagal ng kaibigan ng Pilipinas ang India, nagkaroon ng diplomatic relations noong 1949. Problemado ang India ngayon. Is there a way that the Philippines could help India the best we could as a country and as a people, because a friend in need is a friend indeed?
SEC. ROQUE: Well, I’m sure po pinag-iisipan na iyan ng ating Department of Foreign Affairs kung paano rin tayo makakatulong sa India. Bagama’t ang India po ngayon ang biggest supplier of vaccines at iyan po talaga ngayon ang nakikitang solusyon para sa COVID-19. Pero tatanungin ko po kung ano ang ipapadala nating tulong kung mayroon man galing po sa ating Department of Foreign Affairs.
Pero iyong tanong mo kanina about iyong sa Gamaleya ano, well dumaan naman po iyan sa proseso ng ating FDA at iyong ating expert panel group ay nagsabi na iyong paggamit outweighs all the possible disadvantages. At kung makikita mo uli, ipapakita ko uli sa inyo iyong graph ng mga kaso worldwide, makikita ninyo na bagama’t napakataas iyong kaso dati sa Russia, eh ngayon eh mas mababa na po ang kaso ng Russia at ito po ay dahil nga sa vaccination drive din po ng Russia. So, marami na rin pong nabakunahan sa Russia at mukha naman pong wala naman pong adverse effect na nai-report dahil dito sa Gamaleya Sputnik V.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you very much, Secretary Harry. Pahabol ko lang, baka puwede ito sa Lunes. Inilabas kasi ng Asian Development Bank iyong kanilang pagsusuri tungkol sa epekto ng pagsasara ng eskuwelahan sa maaaring employability ng mga kabataan. Baka po sakaling mapag-usapan din ito sa susunod na edisyon ng ating briefing, Sec. Harry?
SEC. ROQUE: Opo. Ang sabi naman po ni Presidente, dahil matagal nang nirekomenda pong Department of Education iyong pilot ng pagbubukas ng ating mga paaralan, eh kapag dumami na po ang nabakunahan eh wala naman pong objection iyong ating Pangulo. So, hintayin lang po natin, dahil sabi nga po ni Secretary Galvez, sa Hunyo sisipa na talaga iyong maraming supply natin at pagdating nga po ng July ay napakarami ng supply na iyan. So, dahil ang opening naman po natin ay na-move na to August tingnan po natin baka by August ay pupuwede na, at least iyong pilot or iyong pilot can come earlier para mas marami na. Tingnan po natin, dahil lahat po iyan ay nakadepende doon sa pagbabakuna natin.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you very much Secretary Harry.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Thank you, Melo. Balik tayo kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, thank you. From Kris Jose of Remate/Remate online. Sinabi poo ni Pangulong Duterte sa talk to the people na we don’t want war with China kahit tila inaabuso na ang pang-aangkin sa West Philippine Sea, dahil mayroong utang na loob ang Pilipinas sa China lalo sa usapin ng bakuna laban sa COVID-19. Hindi ba daw nababahala ang pamahalaan na posibleng gamitin ng China ang sinasabi ng Pangulo na utang na loob para angkinin ang West Philippines Sea?
SEC. ROQUE: Hindi po ‘no, iyong punto na hindi tayo pupuwedeng magsimula ng giyera iyan po ay nakaulit na sa international law, krimen nga po iyan kapag tayo ay gumamit ng dahas, iyan po iyong crime ng aggression. Pagdating po sa utang na loob, alam mo naman tayong mga Pilipino, hindi po tayo bulag sa mga tulong na natatanggap natin at huwag po nating kalimutan na hindi lang po nagbigay ng isang milyong libreng bakuna ang Tsina pero hanggang ngayon po ang pinakamaraming bakuna na natatanggap natin ay galing po sa Tsina. Bagama’t marami din pong mga bansa na talaga pong pilit na kumukuha rin ng maraming supply galing sa Tsina. Alam po ninyo, anyo lang naman ng Pilipino iyan, tumatanaw po tayo ng utang na loob.
USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Hindi ba ito isang uri ng pagtiklop ng Pangulo sa China o strategy para hindi itigil ng China ang pagtulong sa Pilipinas?
SEC. ROQUE: Well, hindi naman po, dahil sinabi rin ni Presidente kagabi na talagang hinding-hindi niya pupuwedeng i-compromise ang soberenya ng bansa. At ang sabi nga po niya bagama’t wala siyang magawa at nadatnan niya ang problemang ito ay tinitingnan din niya kung ano ang mga susunod na hakbang ng Tsina at ang utos niya sa ating mga kasundaluhan at sa Coast Guard: ‘Huwag kayong aalis diyan.’ Basta huwag kayong aalis diyan at ang pangako nga niya sa kaniyang administrasyon, hindi mangyayari iyong nangyari sa administrasyon ni Presidente Aquino na nawalan tayo ng teritoryo sa Tsina.
USEC. IGNACIO: For Secretary Galvez po: Gaano kayo kakumpiyansa na sa buwan ng Agosto ay magsisimula na ang pagbakuna sa general population, wala na po bang nakikitang aberya?
SEC. GALVEZ: Nakikita po natin sa Agosto po na medyo dadagsa na po iyong ating supply at nakikita po namin may dalawang buwan pa naman tayo, sa June or July, more or less mga 20, 20 to 25 million na vaccines po ang darating sa atin. Sa bilang na iyon ay nakuha na po natin halos iyong tinatawag nating mga priority sectors.
So by August nakikita po natin, kapag dumagsa na po iyong ating mga bakuna, mahihirapan po tayo na magbakuna kung ating ili-limit by segments ang ating mga target, kasi nakita po natin iyan sa mga experience ng ibang bansa. Sinasabi nga ng Israel at saka ng US na kailangan ilagay na natin ito sa general public, para at least hindi po mahihirapan ang ating LGU para kumuha po ng mga magpapabakuna. So iyon po ang ano namin, very confident po kami na makukuha po natin by August, magkakaroon po tayo ng general public vaccination.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Galvez, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Maraming salamat. Pia Rañada please ng Rappler.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, you mentioned nga na later magkaka-meeting to discuss possible opening of more business. So, Sir, can we describe this MECQ as a hybrid MECQ because of this plan?
SEC. ROQUE: Well, ayaw po ng Presidente na maraming mga pangalan. Tama na po iyong MECQ. Pero nagkasundo nga po na in order to promote the total health of iyong ating mga kababayan ay bigyan natin ng mas maraming mga hanapbuhay, bagama’t tayo po ay nasa MECQ. At siyempre ito naman po ay sang-ayon din sa siyensiya, iyong mga negosyo at mga istablisiyemento na pupuwedeng magbukas na hindi magiging super spreaders.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Ano pong mga businesses ito, what kind of businesses are we considering?
SEC. ROQUE: Well, isasapinal pa lang po iyan. So hinntayin na po natin at siguro po hindi ko na antayin ang Biyernes matapos po mapagkasunduan, iaanunsiyo na po natin iyan.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. May I go to Secretary Galvez?
SEC. ROQUE: Go ahead, please.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just to clarify, iyong 2.3 million Pfizer doses coming from COVAX kailan po ito darating sa Pilipinas, iyong expected date?
SEC. GALVEZ: Based po doon sa sulat na galing po sa COVAX at saka sa GAVI, not later than June.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Not later than June, okay. Sir, iba pa ito doon 117,000 or is it the same thing, lumaki lang iyong delivery?
SEC. GALVEZ: Yes, mas lumaki lang iyong delivery and most likely mayroon tayong darating this coming May pero hindi na muna namin ia-announce, kasi wala pang definite date.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Ang then, Sir, malaking balita ngayon iyong nangyayari sa India, because of the virus variants there. Sir, what are the chances na the Philippines will develop a similar situation and aside from the travel ban na mentioned earlier, what steps are taking to prepare and prevent this from happening?
SEC. GALVEZ: Iyon ang ginagawa po natin na talagang doble ingat po tayo na dapat iyong mass gathering. Nakita kasi natin ito kasama po sa eleksiyon eh, nagkakaroon sila ng mass gatherings at saka religious gatherings, iyon po ang dapat nating tutulan. Lalo na po ngayong May marami po tayong mga fiesta po ngayon talagang dapat maghigpit po tayo at the same time nakita natin coming na rin iyong election natin this coming 2022, kailangan doble higpit po tayo at magkaroon po tayo ng tinatawag na guidelines from Comelec.
So nakita natin iyong experience ng US noong nagkaroon sila ng election at the same time ngayon ongoing iyong campaigning ng India, nakita natin nag-doble ang kanilang mutations and with that I think, we have to prepare for that.
SEC. ROQUE: Naku, nag-hang! So anyway, babalikan po natin si Pia. Bago po tayo magpatuloy, eh bukas po magkakaroon po tayo ng inagurasyon ng isa na namang modular hospital facility, ito po ay sa Batangas Medical Center. Mayroon po tayong sampung additional ICU units at mayroon po tayong 43 na additional rooms at iyong 21 po ay pupuwedeng ma-convert to ICU units. So tataas po talaga iyong ating health-care capacity dahil ito po ay 53 additional bed capacity, sampu po ay ICU.
So, Usec. Rocky habang wala pa po si Pia. Go ahead, Pia nandiyan ka na ba?
PIA RAÑADA/RAPPLER: Last question, Sir. Kasi iyong AstraZeneca doses, di ba may second dose na hinihintay po iyong ibang medical front-liners. So Sir, what is the alternative if we can’t get those doses on time, is there an option for example that they be given another vaccine?
SEC. GALVEZ: Mayroon po tayong tinatawag na layers of contingencies, pero nakausap po namin ang GAVI, may assurance naman po sila na baka darating this coming May.
PIA RAÑADA/RAPPLER: So in May. Pero, Sir, ano iyong options natin kung hindi na mangyayari iyon?
SEC. GALVEZ: Marami tayong option, una puwedeng manggaling iyon sa Israel, mayroon na tayong letter of intent sa Israel, kasi mayroon silang extra doon. Second iyong letter of intent also sa US na 3 million dahil mayroon din silang extra doon. And most like baka favorable.
We also have written UK and asked another three million AstraZeneca and we are waiting for their response. Pero palagay ko, Pia, don’t worry talagang nakita namin may assurance talaga na darating iyon.
Rest assured, kasi kami ang nakakuha niyan ni Sec. Vince at saka nila Sec. Duque kay Presidente, na we will produce iyong talagang commensurate na iyong 525,000 na iyon. We will produce that, so rest assured na iyong mga nagkaroon ng first dose ay magkakaroon kayo ng second dose.
PIA RANADA/RAPPLER: All right. Thank you, sir.
SEC. ROQUE: Maraming salamat Pia. Balik tayo kay Usec. Rocky please.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Raymund Antonio of Manila Bulletin for Secretary Galvez: There was an interview daw po done by DOH Director Valencia about the new storage facility of the vaccine. With the arrival of the Sputnik vaccine, it needs about -18 degree celsius temperature. The Pfizer vaccines would also need a different storage temperature. Do we have the capability to store different needs of room temperature? I guess it means our vaccine logistics is of world standard.
SEC. GALVEZ: Alam ninyo po, iyong lahat ng in-inspect namin na mga cold storage natin, supply chain, world standard po talaga iyan at saka natin natin na talagang prepared na prepared na po tayo na either Moderna, Sputnik or Pfizer. Iyong -80, -70, -18, -20, marami po tayo na available po na storage.
At saka po para malaman po ng lahat, mayroon po tayong tinatawag na end-to-end contract. Iyong supply agreement po natin sa Moderna, naka-kontrata po iyan sa Zuellig. Sila po ang magbibigay ng end-to-end hanggang doon sa vaccination site. Ganoon din po iyong Pfizer, ang ano din po natin diyan ilalagay din po diyan Zuellig at iyong Novavax naman po ang nakalagay naman po iyong Unilab.
At iyong ating DOH nagkontrata po sila ng third party provider na mayroon pong capability ng -70, -80,-20, -18, at saka iyong 2 to 8. So, kayang-kaya po natin iyan, huwag kayong mabahala, well-prepared ang atin pong supply chain under kay Carol Taiño.
USEC. IGNACIO: Iyong second question po niya: Is it possible to have a site visit?
SEC. GALVEZ: Nakapag-site visit na kami noong February pa. Actually, nakita na namin ang Zuellig, talagang state-of-the art iyong kanilang ano mayroon pa silang mga tinatawag na mga eZVax at saka they can handle more than 100 million na 2 to 8; 64 million na -20 at more than 6 million na -80.
USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: How much is the government is spending on storage facilities? What happens to spoilage? Who will be held responsible?
SEC. GALVEZ: Iyon po ang ano po sa mga kontrata natin sa supply agreement na nandoon po iyong mga responsibility. In terms of—hanggang iyong ano, from the time that it will be picked-up from the manufacturers up to the time that it will be given and administered to the vaccinee. So, nandoon po sa po namin niyan na iyong third party provider will be responsible for that.
And nakikita po natin maganda po iyong ating nagiging record ngayon, wala po tayong nare-report na mga spoilage at karamihan pa nga po mayroon pa ngang mga additional dosage because some vials have also some additional doses.
USEC. IGNACIO: Thank you. From Sam Medenilla of Business Mirror for Secretary Galvez po: Magkano po ang budget allocated ng government for the procurement of Sputnik V vaccine at pang-ilang doses po?
SEC. GALVEZ: Ang sa ano natin sa Sputnik V, ang ano natin 20 million more or less kasi mayroon tayong—may pinirmahan kaming CDA pero for the purpose of transparency hindi po bababa, hindi po tataas ng 200 million—iyong 20 million na ano po.
USEC. IGNACIO: Iyong second question po niya: May commitment na kaya from the COVAX Facility when it could ship the second batch of AstaZeneca vaccine? If no, ano po ang contingency plan ng government para sa mga naturukan ng first dose ng vaccine?
SEC. GALVEZ: May assurance po ang COVAX at saka iyong WHO na mayroon po tayong second dose and just in case na talagang walang second dose, mayroon tayong ongoing procurement with Israel and also diplomatic arrangement with US.
USEC. IGNACIO: For Secretary Roque, nasagot ninyo na po iyong pangatlong tanong ni Sam Medenilla about hybrid MECQ pero ang follow-up question po niya: Ano po kaya ang possible impact sa economy ng bansa nitong sinasabing hybrid MECQ na prinopose ng Metro Manila Mayors?
SEC. ROQUE: Well, napakalaki po ng impact ng isang linggo na travel bubble, dalawang linggo na ECQ at dalawang linggo na MECQ at itong karagdagang dalawang linggo pa ng MECQ.
Sabihin na lang natin na itong mga additional na negosyong bubuksan ay para nga po maibsan iyong pagbaba ng ating ekonomiya at inaasahan natin na matapos itong two-week MECQ sana po tuloy-tuloy na iyong pagbubukas ng ekonomiya nang sa ganoon makamit naman natin iyong ating target na 6% growth; bagamat dahil nga po sa continuing lockdowns natin, eh ang ADB mismo ay ibinaba na iyong kanilang growth projection to 4.5% from 6. So, malaki po siyempre ang epekto ng pagsasarado ng ekonomiya.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Maraming salamat. Punta naman tayo kay Joseph Morong, please.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Hi, sir! Good afternoon! Sir, can I go first to Secretary Galvez?
SEC. ROQUE: Go ahead please.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Hi, sir! Good afternoon po! Sir, with regard to our vaccination program, can you tell us iyon pong mga bakuna that are going to be donated?
SEC. GALVEZ: Sa ngayon, wala po kaming ano sa mga donations kasi karamihan po ng ano natin, iyong 148 million are procured by the government and the private sector. Ang naging donation lang natin is iyong one million na Sinovac and then also I believe iyong UAE, they have the intention also of donating iyong 500,000 na Sinopharm.
JOSEPH MORONG/GMA 7: UAE, sir, Sinopharm – 500,000. Sir, iyong bang sa COVAX, are those donations or we cannot consider those donations because we contributed to the COVAX fund. Iyong AstraZeneca, sir, na 525,600, those are donated? Can we say those are donated?
SEC. GALVEZ: Yes, those are donated. Sa COVAX natin, mayroon tayong 44 million – ang 33 million is donated, iyong 11 million iyon ang binili natin ng $100,000.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, sorry ha, clarify ko lang. 44 million we are going to get from COVAX and 33 million of those will be donated?
SEC. GALVEZ: Yes, and also iyong 11 million iyon ang binayaran natin ng $100,000.
JOSEPH MORONG/GMA 7: $100,000. What kind of vaccine po ito, sir?
SEC. GALVEZ: Halo-halo kasi iyan. Ang nakita natin sa COVAX mayroon tayong tinatawag na emergency use list. Sa ngayon, mayroon tayong tatlong available – iyong Pfizer, AstraZeneca at saka J&J and later ang Sinovac yata magkakaroon na siya ng EUL.
USEC. IGNACIO: Sir, iyon pong—you mentioned last night doon sa US and Israel, we’re asking for iyong AstraZeneca na hindi nila ginagamit. We are offering to buy those?
SEC. GALVEZ: Yes. Ang nakita natin doon sa US, ang ginawa nila nagkaroon sila ng lease, parang arrangement with Canada and also Mexico. Iyon din ang inaano natin. We will have some meeting with the US Embassy para i-finalize na namin kung just in case kung available iyon. Ang sinabi naman nila they wanted that—they will make sure that iyong AstraZeneca is safe. I believe ang gagawin nila titingan muna nila sa US FDA if it can be given to us kasi mayroong mga kontrata kasi na talagang bawal iyong diversion sa mga kontrata kaya nakita natin hindi natin sila masisisi kaya hindi nila maibigay.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Just the amount, sir? Just the number of doses?
SEC. GALVEZ: Ang nire-request natin na doses is more or less one million to three million doon sa US. And also we are exploring sa Israel just in case kasi mayroon kaming tinatanong kung Israel can be allowed to supply us kasi dito sa supply agreements, mayroong mga manufacturers lang ang authorized na mag-supply sa Pilipinas at iyong mga iba doon lang sa iba silang lugar o region na puwede mag-supply.
Ngayon, tinatanong namin ngayon sa AstraZeneca kung puwede, considering this is a humanitarian reason for our health care workers kung puwedeng i-allow na iyong Israeli manufacturer na nakakuha po ng more or less ten million na puwedeng mag-deliver po sa atin.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, iyong mga Chinese vaccine, iyong Sinovac. Sir, sa vaccination program natin, ilan po iyong total number of doses that we are getting from Sinovac and are we paying for this?
SEC. GALVEZ: Yes. Actually, sa Sinovac ang ano natin is 25 million. Iyong ating 25 million, sa ngayon ang donation na naibigay sa atin is one million and also we already received 2.5 million na binili po natin iyon.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Bili, sir?
SEC. GALVEZ: Iyung 2.5 million nabili na natin iyon and then iyong two million na darating this May nabayaran na rin po natin iyon.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, iyon pong 25 minus 1, so, 24 million we are paying ‘no? You said kagabi, sir, P700 ba iyon, tama po?
SEC. GALVEZ: Iyong ano natin, iyong isang milyon, binayaran natin iyon more or less 700 million. And then iyong ano, iko-correct ko lang na iyong ating in-order is 25 million plus iyong one million na donation.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, thank you for your time. Kay Secretary Roque po.
SEC. ROQUE: Yes, go ahead please.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sorry. Kagabi, can I go back to what the President said yesterday and ask for clarification? Sabi niya po kagabi towards the end of the address ‘no, “So china must understand that if need be, we will. I don’t know what will happen next but tapos na tayo sa legal, nandito na naman sila Carpio. Ikaw Carpio, maligo na kayo doon, kayong dalawa ni Albert sa beach doon sa harap ng Spratlys.” And then he said, “Ito panahon na. Ikaw, ito na iyon, ito na iyon. Ito na iyong hinahanap natin na may gawain ako. O sige, tingnan natin.” What action is he referring to, sir?
SEC. ROQUE: I can only surmise that it is in connection doon sa pangako niya na walang teritoryong mawawala sa atin habang siya po ay presidente.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon pong sinabi niya kagabi na he’s not interested ‘no. He will not go to war with China because marami tayong utang na loob, including our vaccine. Hindi ba siya Sir, blank check for China to do everything that it wants because we owe China a debt of gratitude?
SEC. ROQUE: Hindi po dahil iyong prohibition po sa pandirigma eh iyan po ay nakaukit sa international law, iyan po ay krimen, the crime of aggression. At iyong pagtatanaw po ng utang na loob eh kasi hanggang ngayon naman po ang naaasahan lang natin Sinovac, aaminin po natin iyan ‘no. Ilang buwan na tayong nagsimula eh Sinovac ang naaasahan talaga natin. So tama lang po na tumanaw ng utang na loob.
JOSEPH MORONG/GMA7: Pero Sir for perspective, mayroon po tayong 33 million na donated from COVAX versus China’s 1 million. So if there’s anyone that we owe a debt of gratitude that will be maybe COVAX and not China because it’s just 1 million versus the 33 million that we’re going to get from COVAX.
SEC. ROQUE: Hindi naman natin sinasabi na wala rin tayong utang na loob doon sa mga bansa na nag-contribute sa COVAX Facility. Pinasalamatan nga rin po sila ni Presidente noong personal niyang tinanggap iyong 515,000 na nauna nang shipment ng COVAX Facility at tumatanaw din po tayo ng utang na loob sa kanila.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, last one question. Can China do everything that it wants in the WPS? I’m talking about our territory. Can it do whatever it wants because they gave us the vaccines?
SEC. ROQUE: Hindi po. Malinaw po ang sinabi ni Presidente, may hangganan ang kaniyang pagnanais na pagkakaibigan sa Tsina. Siguro iyong pangingisda pupuwedeng mangyari pero kapag langis na ang pinag-uusapan, paninindigan na niya at hinding-hindi mawawalan ng teritoryo ang Pilipinas habang siya ay presidente dahil nga po kabahagi ito ng kaniyang polisiya na isulong ang pupuwedeng maisulong habang isantabi ang hindi pupuwedeng mapagkasunduan sa ngayon.
JOSEPH MORONG/GMA7: All right, Sir. Thank you for time. Secretary Galvez, thank you for your time. Regard po, Secretary Vince.
SEC. ROQUE: Oo. Siyempre po ‘no, iku-qualify ko lang iyong fishing, hindi lang po iyan depende sa pagkakasundo kasi iyan po ay nasa desisyon din ng arbitral tribunal, ng Hague tribunal na kinakailangan kilalanin iyong traditional fishing rights at kaya nga po sa borough, lahat po ng mangingisda na galing Vietnam, Tsina at Pilipinas ay pupuwedeng mangisda pero kinakailangan po traditional fishing lamang.
So ito nga po iyong quote doon sa arbitral tribunal, Paragraph 808 of the PCA award. So nakasulat po diyan: “Traditional fishing rights constitute a vested right and the tribunal considers the rules of international law on the treatment of the vested rights of foreign nationals to fall squarely within the other rules of international law.” So lilinawin ko lang po, tribunal po ang nagsabi niyan na pupuwedeng mangisda ang lahat sa Borough.
Okay. Usec. Rocky…
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Tanong po ni Llanesca Panti of GMA News Online on the President saying marami tayong utang na loob sa China: Is he saying na utang na loob din natin sa China ang 25 million doses ng Sinovac na in-order natin kahit nagbayad ang Pilipinas?
SEC. ROQUE: Hindi po. Iyong dinonate nila at iyong katotohanan na sa hanggang ngayon po eh ang talagang nakukuhanan natin ng bakuna ay Tsina. Sana po magbago na ito sa mga susunod na panahon pero iyong utang na loob natin sa Tsina, hindi naman ibig sabihin sa Tsina lang. Tumatanaw din po tayo ng utang na loob doon sa mga bansa na nag-contribute para sa COVAX Facility.
USEC. IGNACIO: From Vivienne Gulla of ABS-CBN para po kay Secretary Galvez: Secretary Galvez, 500,000 doses of Sputnik V were initially scheduled to arrive in the Philippines this April, but due to delays, you mentioned that the first 15,000 doses will arrive on May 1st. When are we expecting the 485,000 doses to arrive? On top of that, 2 million doses of Sputnik V are scheduled to be delivered this May, will it push through as scheduled considering the logistical challenges?
SEC. GALVEZ: Iyong logistical challenges na sinabi nga natin last time is iyong talagang iyong flight restriction na nakita natin na nagkakaroon tayo ng limitation sa flight. At nakita natin ang gusto kasi nila na hindi bulto, magkaroon muna ng pilot run kasi considering that very critical iyong temperature niya at the same time in vials at saka in ampule siya eh. So ang ano natin, na talagang gusto nila muna, makita muna iyong pilot run ng 15,000.
After the pilot run, puwede na pong magkaroon tayo nang regular deliveries at doon na po makikita natin kung ano po iyong definite deliveries niya this coming May. Ang kanila pong pangako na 500,000 po na iyon sa April ay dadagdag po natin iyon sa May. At ang nini-negotiate po namin ay iyong 10 million na negotiate po namin, it will be in tranches of 4 months. So ang recommendation namin is this coming May, mayroon tayong 2 million plus iyong 485,000 na remaining.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary tanong pa rin po niya, ni Vivienne Gulla: Given the supply and logistical issues, how many total vaccine doses are the Philippines realistically expecting this year? Are the supplies for our vaccine orders lock-in?
SEC. GALVEZ: Naka-lock-in na iyong ano, karamihan noong mga ano na po natin. Ang inaano lang natin ngayon is iyong sa Pfizer at saka itong sa J and J. Iyong apat po na vaccine manufacturer na kinontrata po ng gobyerno ay naka-lock-in na po iyon at saka iyong AstraZeneca naka-lock-in na rin po iyong orders ng LGU at saka ng mga private sector. So iyon po more or less ang nakita natin, kung bababa man because of some global demand at saka iyong supply, most likely ang makukuha natin is 140 [million]. Kung makikita natin na medyo ano, iyong tinatawag natin ay best case scenario kasama ang COVAX, makakaya nating makakuha ng 180 million by the end of the year.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Secretary sa Johnson and Johnson daw po, kailan na makapag-sign ng deal?
SEC. GALVEZ: Sa ngayon pini-finish lang namin iyong financial statements and also iyong financial undertaking considering na multilateral ito. So iyong pina-finalize lang namin either sa ADB or sa World Bank namin itsa-charge iyong procurement natin sa doses.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Kylie Atienza of Business World, Secretary Roque sa inyo po siguro ito: The Philippines has only received about 3.5 million doses of coronavirus vaccine. As of April 27, only about 1.8 million doses had been administered. Can the government still reach its target of vaccinating 70 million Filipinos this year? Will adjustment be made? What are the major bottlenecks in the country’s vaccination plan? I think Secretary Galvez po ito.
SEC. GALVEZ: Nakikita po natin, sinabi po namin sa presentation na bubuhos po ang ating vaccines this coming June, more or less 9 to 10 million. And then also, lahat ng mga orders po natin ay darating po ng July/August hanggang sa huling buwan. Nakikita po namin na kapag nagkaroon po tayo ng full vaccination program, iyong 5,000 po natin na mga vaccination sites with 100 each, makaka-vaccinate po tayo ng 500,000 a day. And tataas pa rin po iyon dahil kasi magpapagawa rin po tayo ng mga mega vaccination sites na kayang-kayang mag-vaccinate ng 1,000 to 2,000 a day.
So nakikita po namin sa aming simulation na ginawa po ng private sector at saka ng LGUs, kayang-kaya po ng NCR ang 120,000 a day. At the same time nakikita po namin na kapag mayroon tayong steady supply, kayang-kaya po natin i-expand ang ating vaccination capacity. Ang nakikita natin talagang challenges po dito is basically iyong supply and demand ng global vaccine market. Kasi kapag once na nakita natin talagang nagkaroon na ng acceleration ng vaccination ng ibang countries, ang demand tumataas – at iyon po ang pinaka-challenge po natin.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Galvez. For Secretary Roque: Will the President reject China’s call to stop Philippine maritime exercises in the West Philippine Sea?
SEC. ROQUE: Nagsalita na po si Secretary Lorenzana, alam ninyo naman po alter ego si Secretary Lorenzana. And pursuant to the doctrine of qualified political agency, iyan po ay pananalita na rin ng ating Presidente.
USEC. IGNACIO: Opo. From Ina Reformina of ABS-CBN for Secretary Vince: Update po sa pagtatayo ng modular hospital, how many beds total mga iyon? When po sila maku-complete? Kailan daw po sila maku-complete?
SEC. DIZON: Ang target po ni Undersecretary Bong Vega at ng team natin ay makapagdagdag ng at least mga 3,000 beds para sa ating mga ospital, ito ay makakapag-treat ng moderate at kahit iyong severe na COVID. So right now, on track naman tayo and tingin natin within the month of May matatapos na lahat iyon.
Pero importante din na napakita natin kanina hindi lang gobyerno ang gumagawa into, katulong din natin ang private sector, katulong natin ang mga organizations tulad ng Philippine Red Cross at nakita naman natin na kapag nagsasama-sama lahat, eh talagang maraming nagagawa. Napakalaking bagay nitong mga ospital para addressin natin iyong pagdami ng mga kaso ngayon at para maging handa din tayo kung magkakaroon man ng isa pang surge sa mga darating na buwan.
USEC. IGNACIO: Secretary Vince, second question po niya. Iyong status daw po ng critical care capacity ang concrete plans daw po on how to augment current critical care capacity?
SEC. DIZON: Unang-una, nasa 70% tayo bumaba na ito mula sa 82% noong nakaraang linggo. Senyales ito na kumukonti ang mga kaso pero ito rin ay dahilan dahil sa nagdagdag ng mga critical care beds ang ating mga ospital both private and public, so tuluy-tuloy nating gagawin iyon.
Again, dahil nga sa direktiba ng ating Pangulo sa PhilHealth na magbayad ng malalaking mga amount sa kanilang sa utang sa mga ospital ito po ay naging dahilan kung bakit nakapagdagdag ang ating mga private and public hospitals ng dagdag na critical care beds at tuluy-tuloy nating gagawin iyan sa tulong ng private and public hospitals.
USEC. IGNACIO: Secretary Vince and third question niya: Are we still building quarantine facilities or focused more on modular hospitals na lang?
SEC. DIZON: Ang importante ngayon, ang priority ay ang pagdadagdag ng critical care beds. Dahil nga sa nakita natin na nangyari nitong nakaraang buwan, talagang iyon ating pangangailangan lalo na sa pagkakataon na dumadami ng mabilis ang mga kaso, iyon ang priority natin ngayon; pero nagdadagdag pa rin tayo ng mga isolation facilities, tulad ng mga ipinakita natin kanina at ng mga ipinakita natin nitong mga nakaraang linggo.
USEC. IGNACIO: Secretary Vince, ang ika-apat niyang tanong: Where did we fail to foresee this situation we are in now and why did we not prepare for this last year?
SEC. DIZON: Last year po sampung libong kama ang ating Itinayo. Sampung libong beds for isolation at pati na rin mga dagdag na kama sa ating mga hospital. Pero gaya ng nakikita natin sa buong mundo, very unpredictable at napakahirap i-predict ng COVID-19, nakikita natin iyan lalung-lalo ngayon sa India, nakakaawa and experience ng ating kapit bansa. Pero ang importante nakita natin na kailangan tayong maghanda pa lalo kahit na napakadami nating Itinayo at iyon ang ginagawa natin.
USEC. IGNACIO: For Secretary Galvez, mula po kay Celerina Monte ng Manila Shimbun: Are foreign workers, expats included in the general populace to be vaccinated also or under what priority group these foreigners belong?
SEC. GALVEZ: Ginagawa po natin na kung saan po sila nakalagay na category, mayroon nga po tayo na mga expats at saka mga foreign nationals na nasa A3 at saka A2 nabakunahan po natin.
Kasi kailangan bigyan po natin sila ng equal protection, kasi sila rin po ang nagco-compete sa atin doon sa ospital. At iyon po ang ginagawa din natin, reciprocity, dahil kasi nga iyong ating mga OFW at saka iyong tinatawag natin na mga foreign ano natin na nandoon sa ibang bansa na mga kababayan natin ay binabakunahan din po nila. So mayroon po tayong ano na nailagay na po natin iyan sa ating priorities na iyong other foreign nationals will be included.
USEC. IGNACIO: Opo. From Triciah Terrada of CNN Philippines for Secretary Roque. Secretary Roque, what did the President mean when he said “pag mag-linya lang sila not so much, then sabihin lang, you are next, ganoon sana, walang isip iyong mga… what they just do, is just to show to the people that they care, but they do not really care because of their ignorance, ang problema hindi na kaya, hindi maano kasi, ignorante.” Was he referring to community pantry organizers; if he is, how do we reconcile this with the Palace saying that it welcomes community pantry initiatives?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung an iyong konteksto ng binasa. Hindi po malinaw eh kung community pantry iyan, babasahin ko po iyong transcript.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary, iyon lang po ang nakuha nating mga tanong.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po sa inyong lahat, sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat kay Secretary Galvez, sir; maraming salamat kay Secretary Vince Dizon at maraming salamat sa iyo, Usec. Rocky.
Natapos na naman po ang ating Presidential Briefing ngayong araw ng Huwebes. At sa ngalan po ng inyong Presidente, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagpapasalamat sa inyong pagtangkilik ng ating press briefing at nagsasabi, ‘naku, huwag po kayong mag atubili, huwag po kayong matakot, malalampasan din po natin itong pandemyang ito.’ At malapit na po iyan, dahil gaya nga po ng sinabi ni Secretary Galvez, kahit anong mangyari kampante pa rin tayo na mababakunahan ang 50 to 70 million itong taong ito.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center