Q: Sec. Harry magandang umaga po.
SEC. ROQUE: Magandang umaga Jorge and Willie. Nakaharap na naman ako sa salamin.
Q: Dapat kasi nag-zoom ka.
Q: Para tatlo tayong kitang-kita.
SEC. ROQUE: Ikaw naman Jorge and Willie, hubad-hubad pa ako. Baka mamaya maging triple x na iyang programa kapag ako ay nag-zoom.
Q: Baka makita nakakansonsiryo ka pa. [laughs]
Q: Iyon ang susunod na istorya bukas. [laughs]
SEC. ROQUE: [laughs] Hindi iyong ating mga balitaktakan. Naging bold star si Presidential Spokesperson sa programa ni Jorge at Willie.
Q: Secretary, kumusta ka na ba at kumusta ba ang mga bakuna natin, pinag-uusapan namin dito iyong bakuna eh; ano ba ang inclination ng Pangulo, puwede ba niyang gawing mandatory ang pagpapabakuna?
SEC. ROQUE: Hindi pa po tayo dumarating sa puntong iyon, kasi hindi naman sapat ang ating bakuna, bakit tayo mag-i-isip na gawing mandatory. Eh sa ngayon sapat-sapat lang iyong ating bakuna para doon sa mga gustong magpabakuna.
Pero ako naniniwala na ang sabi nga noong isang nagkakaroon na ngayon ng vaccination envy, kung dati nagkakaroon sila ng apprehension, ngayon eh marami na ang naiinggit, kasi nga hindi sapat-sapat iyong ating bakuna.
Pero huwag po kayo mag-aalala, tapos na po halos ang buwan ng Abril at talagang nahirapan lang tayo dito sa Abril, nagkaroon po tayo ng shortfall ng inaasahan nating delivery; pero babawi naman po tayo pagdating ng Mayo.
Q: Sa tingin mo lulusot kaya iyong sinusunod na pag-amyenda ni Cong Pidi [Barzaga] sa Kongreso, iyong mandatory vaccination?
SEC. ROQUE: Well, talagang dapat pong pag-isipan na iyan, pero kapag marami na tayong bakuna. Baka naman eh magkakaroon tayo ng mandatory, hindi naman sapat ang bakuna.
Pero sa ngayon po hindi sapat, pero inaasahan po natin na sa simula sa Mayo eh talagang dadami po iyong supply by leaps and bounds ‘no. Kung ngayon po mga 2,160,000 lang iyong ating bakuna dahil biglang may humabol daw po—pasensiya na po kayo ha, kasi kaming mga COVID survivor minsan umuuubo-ubo pa rin ‘no.
May humabol na 118,000, so nadagdagan. 2,160,000 iyong ating makukuha ngayon nitong buwan na ito. Pero kung hindi po ako nagkakamali – hindi ko lang memoryado – pero sisipa po ata sa 4 to 6 million ang ating makukuha ngayong Mayo at pagdating po ng July eh talagang lahat na po ng supply eh makukuha natin. So—siguro pagdating po doon, kapag mayroon na tayong 20 million a month na bakuna ay pupuwede na nating pag-usapan iyong mandatory.
Kasi sa totoo lang naman, Jorge and Willie, dito lang naman sa Metro Manila talaga ang problema. Kapag pumunta kayo doon mga lugar na mababa ang COVID, doon po siguro tayo nagkakaroon ng vaccine hesitancy, kasi iniisip nila bakit ako magpapabakuna, wala naman kaming problema rito.
Pero ang punto nga ano, ang anyo po ng vaccine [virus] ay wala pong kinikilalang boundaries iyan; at para nga po makabalik tayo sa normal kinakailangan magkaroon ng herd Immunity, hindi lang dito sa Metro Manila kung hindi sa buong Pilipinas.
Q: Kanina, Secretary. bago ka naming tawagan, pinag-uusapan namin dito ni partners Jorge na kapag dumating daw doon sa puntong lahat ay nabakakuhan na, hindi kaya umabot naman sa punto na may mga bansa naman na mamimili noong mga papasok sa kanila sa kung sa anong klaseng bakuna ang itinurok doon sa mga Pilipino halimbawa?
SEC. ROQUE: Well, sa tingin ko naman, importanteng mabakunahan at alam naman nila na hindi sapat-sapat ang ating supply sa buong daigdig ‘no. Iyong mga Amerikanong vaccine ay sinolo ng mga Amerikano at mga Europeans, so ano ang magagawa natin ‘no; so karamihan sa atin ngayon ay umaasa doon sa bakuna ng Tsina at bakuna ng Russia at ng India ‘no.
Pero ang tingin ko naman, dahil naman nitong mga bakunang ito ay naa-approve ng iba’t ibang FDA sa buong daigdig eh wala naman pong magiging kuwestiyon pagdating doon sa kanilang safety at saka efficacy, iyong epektibo at ligtas.
Q: Kasi baka iyan ang mga target ng mga multinational pharma na kapag natapos na ang lahat ng ito, ire-require naman nila sa mga bansang madalas puntahan ng mga turista iyong kanilang bakuna para sa mga turista at hindi iyong bakunang—di ba?
SEC. ROQUE: Mahirap po iyan, kasi ngayon eh talagang ang pinakamalaking grupo ng mga turista ngayon ay ang mga Tsino at mga South Koreans. So mag-i-insist sila ng partikular brands sa mga Tsino, naku bilyun-bilyon po iyong mga Tsino at sila ngayon ang bumibiyahe. Marami ang mawawala sa kanila.
Q: Sec. Harry, konokonsider pa ba natin ang bakuna galing India, eh samantalang doon nga ang daming kaso, hindi nila ma-trial doon?
SEC. ROQUE: Well, inaasahan pa rin po natin, kasi nga po noong nagpunta doon si Secretary Galvez ang nakuha niya iyung commitment na talaga iyong 40 million Novavax ay darating, pero inaasahan sana natin na makakakuha pa ng karagdagan. Eh hindi na nga tayo nakakuha ng karagdagan bagama’t iyong private sector po ay sinusubukan na kumuha noong tinatawag na Bharat.
Pero tayo naman siguro South-South naman po iyan, kapag kapwa developing country natin ay maiintindihan kung bakit kailangan natin iyan. Pero ganoon pa man ay gumagawa po tayo ng iba pang hakbang by way of contingency, kasi talaga namang ang dating ata ng Novavax at magsisimula pa lang ng July ‘no at ang maganda naman, Jorge and Willie, na pagdating ng July tapos ng magbakuna ng Amerika. Kasi iyon ang gusto nilang mangyari, pagdating ng July po mayroon na silang independence from coronavirus. Di inaasahan natin na luluwag na ang supply, kapag matapos ng mabakunahan ang mga Amerikano.
Q: Kasi iyon iyong tingin ng mundo ngayon eh, doon nagkakamatayan sa India. Samantalang, bakit nila pagaganahin iyong bakuna nila sa ibang mga bansa, kung sa kanilang bansa ay hindi gumagana, parang ganoon.
SEC. ROQUE: Wala pa naman po tayong definite statement na hindi na makukuha iyong ating inorder, kasi iyan naman po ay napirmahan na at alam naman po ninyo iyan mayroon na tayong kontrata na sana po ay mapapatupad.
Q: Secretary, kumusta po ang Pangulo ngayon?
SEC. ROQUE: Okay naman po. Eh mamaya po siya magto-Talk to the People at talaga pong nag-iingat lang po tayo dahil mataas po ang COVID kaya limitado iyong kanyang pagbibiyahe, pati nga po iyong pag uwi niya sa Davao ay hindi nga po siya nakauwi, kasi kapag umuwi, maraming PSG, madaming movement. So iniiwasan po natin ang kumbaga posibilidad na maapektuhan ang Presidente, kaya diyan na po siya steady lang po siya sa kanyang residence.
Q: Live ba iyan mamaya, Secretary?
SEC. ROQUE: Taped po iyon as usual, kasi doon lang naman kami nakakapag-usap-usap, ng maraming bagay na dapat hindi naman dapat for public consumption dahil covered ng executive privilege.
Q: Doon ba niya ihahayag kung papayagan niya iyong rekomendasyon ni Secretary Duque na two weeks MECQ pa rin at iyong sa OCTA at least one week sa NCR Plus?
SEC. ROQUE: Well, mayroon pong rekomendasyon ang IATF, pero dahil nga po ito din iyong pagkakataon na puwedeng silang mag-anunsyo, unang-una, siya po ang magdedesisyon; Pangalawa, dahil mayroon namang Talk to the People, siya na po siguro ang mag-a-anunsyo mamaya.
Q: Maiba tayo, kahapon naging topic namin dito sa palatuntunan iyong usapin ng West Philippine Sea. Ang Estados Unidos, Secretary, nagpaparamdam na sila sa Pilipinas eh, kalabitin lang ninyo kami at pakikialamanan namin iyong problema ninyo diyan sa West Philippine Sea. Ano bang stand ng Malacañang dito?
SEC. ROQUE: Ang problema po kasi diyan eh, dalawang beses na tayong nawalan ng isla eh hindi naman gumalaw ang Estados Unidos. Ano ang naging mga pronouncement ng Amerika, hindi sila naghihimasok sa pinag-aagawang teritoryo.
So hindi mo maintindihan kung maaasahan mo ang Amerika. Dalawa na iyong nawalang isla, Mischief Reef at saka iyong Panatag or Scarborough Shoal eh hindi naman sila sumaklolo noong mga panahon na iyon.
Kung maalala mo iyong Panatag sa panahon ni Presidente Aquino na talagang maka Amerikano ng husto si Albert del Rosario na Kalihim ng Foreign Affairs, eh wala namang ginawa ng Amerikano, nagkaroon nga tayo ng standoff, eh ang sabi pa ng Amerika umalis na kayo diyan para walang gulo; umalis tayo at hindi naman umalis ang Tsina.
Q: Eh baka dahil doon sa nilalaman ng ating Mutual Defense Treaty na aakto lamang sila kapag mayroon nang actual na gulo, parang ganoon?
SEC. ROQUE: Well, nagkaroon na ng actual na gulo doon sa Scarborough, hindi naman sila gumalaw at ang naging pronouncement nga, hindi sila nanghihimasok sa mga pinag-aagawang teritoryo. Ang gusto lang nila freedom of navigation doon sa West Philippine Sea. So, hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi nila, kasi dalawang beses nang may okasyon na mayroon silang obligasyon na resbakan tayo, hindi naman tayo naresbakan.
Q: Pero, okay kay Pangulo, sanction niya iyong ginagawang drill at exercises ng Coast Guard doon sa West Philippine Sea kung saan eh itinataboy din ng mga Chinese Naval Ships iyong ating mga opisyal ng Coast Guard doon?
SEC. ROQUE: Well, hindi naman po tayo nagpapabaya, patuloy po tayong nagpapatrolya doon sa karagatan na kabahagi na ating Economic Zone at walang kahit sinong dayuhan ang magpapatigil sa atin.
Q: Ano nga pala iyong ipinayl mong petisyon sa Supreme Court dati, iyong 2009, ano ba iyon, iyong baseline law?
SEC. ROQUE: Sinusog po kasi ni Dean Merlin Magallona iyong baseline Law. Kung saan kasi binalewala iyong ating mga karagatan, iyong internal waters na tinatawag, dahil hindi pupuwedeng maglayag ang mga dayuhan na walang pagpayag natin. Iyong territorial sea sa labas po ng archipelagic baseline pero nasa loob ng Treaty of Paris. At ang ginawa ng Kongreso noon, kinakailangan daw kasi, maging alinsunod sa UNCLOS ang ating archipelagic baseline. Eh kinuwestyun po iyan ni Dean Merlin Magallona na aking teacher sa UP College of Law, dahil ang sabi niya malinaw sa Article I ng ating Saligang Batas na iyong mga karagatan na nakapaligid sa ating mga isla, iyan po ay internal water.
Ulitin ko po internal waters, walang right of innocent passage, hindi pupuwedeng maglayag ang mga dayuhan nang hindi tayo pumapayag. Pero malinaw na ang nangyari, sa UNCLOS kasi, hindi nila tinanggap iyong konsepto ng internal waters na ating proposal at ng Indonesia, noong prinopose natin iyong archipelagic waters. Ang tinanggap nila, para siyang territorial sea lang na mayroong innocent passage at mayroon tayong baseline.
So unang-una doon pa lang po eh paano naman ma-amyendahan ng isang tratado, ng isang batas ang Saligang Batas. At pangalawa, dahil nga ginamit natin iyong UNCLOS baseline and base point, napakalaki ang nawala nang tuluyan sa ating internal waters, nawala ang napakalaking territorial sea natin at noong kinuwestyon nga sa Supreme Court ang sabi ni Justice Antonio Carpio, okay lang iyan, dahil napalitan naman tayo ng 200 nautical miles.
Yes, pero ang katotohanan, mayroon na tayong EEZ dahil mayroon ng PD si Marcos na nagtalaga noong ating EEZ na 200 nautical miles. At ang katotohanan, hindi naman natin makukuha iyong 200 nautical miles, kasi lahat noong mga karatig nating mga bansa, mayroong ding 200 nautical miles. Ang gagawin natin diyan hahatiin natin sa gitna iyan, hindi 200 nautical miles, hindi katumbas noong nawalang territorial sea. At uulitin ko ang pagkakaiba kasi ng territorial sea at ng economic zone ay mayroong soberenya, mayroong hurisdiksiyon ang Pilipinas sa territorial sea. Kabahagi talaga iyan ng teritoryo, samantalang sa Exclusive Economic Zone, ito po ay sovereign rights lamang, karapatan na mangalap ng tanging yaman.
Q: Eh ano iyong factor na from 200,000 ba iyon na na-miles na nauwi sa 30,000 lang something?
SEC. ROQUE: Opo, ganoon po iyon, kasi ang territorial sea natin lahat ng karagatan doon sa labas ng straight baselines natin pero nasa loob ng kuwadrado ng Treaty of Paris, iyan po ay nasa Saligang Batas. Eh dahil nga po tinanggal na natin iyong Treaty of Paris nagkaroon lang tayo ng 12 nautical miles sa territorial sea based doon sa straight baselines natin. Ang isang punto naman, bagama’t nandiyan po ang UN convention on the Law of the Sea, ang archipelago po kasi, ang depinisyon niyan karagatan at mga isla na iisa lamang, kaya nga po unique ang archipelago, hindi mo pupuwedeng ihiwalay ang karagatan doon sa land territory niya.
At ang ating boundaries naman, may prinsipyo sa international law na uti possidetis na kasi kung hindi mo talagang gagawing conclusive ang colonial boundaries eh palaging mag-aaway ang mga bansa kung nasaan iyong mga boundaries na iyan after ng colonialism. Kaya nakaukit po talaga sa international law hindi pupuwedeng galawin ang colonial boundaries at iyong Treaty of Paris po ang colonial boundaries natin na ginalaw at sinang-ayunan nga po ni Justice Carpio.
Ang punto lang po natin, huwag po sanang nagtuturo na mayroong namimigay ng teritoryo, dahil si Presidente po nadatnan na po niya lahat iyan, nawala na po lahat iyan sa Pilipinas. Wala siyang ni isang one inch of territory na pinamigay, na hindi naman pupuwedeng masabi ng mga kagaya ni Antonio Carpio kasi nga po ngayon, ini-explain ko sa lahat kung ano ang nangyari doon sa decision niya sa archipelagic baselines law sa kaso ng Magallona versus Executive Secretary.
Q: Siya iyong pomonente doon eh, di ba?
SEC. ROQUE: Siya po iyong pomonente doon.
Q: Bagama’t collegial body naman ang Supreme Court.
SEC. ROQUE: Collegial body pero siya pa rin ang ponente roon.
Q: At siya ang one of the senior, di ba?
SEC. ROQUE: Opo, talaga pong call niya iyon eh.
Q: Baka nakikita niya ngayong may error kaya ngayon siya.
SEC. ROQUE: Kaya nga po ngayon sa ilang mga columns niya, eh para bagang kumakampi siya sa amin dahil kami po ay naghain ng kaso ng Magaloona. Eh bakit siya kumakampi ngayon sa mga columns niya, eh doon sa kaso hindi naman siya kumampi?
Q: Teka seryoso ba ang Pangulo kasi, kung hindi ako nagkakamali, last week yata naringgan na doon sa kaniyang statement na mahirap ‘ikang gumalaw doon sa mga lugar na hindi naman atin. Ano ang ibig niyang sabihin doon?
SEC. ROQUE: Napakalawak po kasi niyang kini-claim natin. Pero sa katotohanan po for instance itong Julian Felipe, mayroon tayong claim diyan kasi kabahagi po iyan noong PD na ginawa ni dating Presidente Marcos. Pero parang Sabah po iyan, may claim tayo pero hindi po natin hinawakan. Ang may hawak po diyan sa area na iyan talaga Tsina at saka ang Vietnam. So, in fact bagama’t sinasabi natin ang Vietnam ay kasama rin at mayroon din silang claim at iyong mga iba pang nagki-claim diyan, sa iba’t ibang lugar naman tayo nagki-claim.
In fact, wala tayong overlapped na claim sa Vietnam, ang palagi lang nating kaagawan ng teritoryo kumbaga, iyang bansang Tsina. Mayroon pala tayo, Mischief Shoal, sinakop ng Vietnam iyon matapos tayong umalis. Nakipaglaro iyong ating mga sundalo tapos pinalayas na sila, pero iyon napunta po iyon sa Vietnam. Pero ngayon nasa Tsina na rin iyon ‘no. so sila ang naggirian. So ganiyan po kalaki iyan eh, tapos dito naman sa borough na hindi naman talaga kabahagi ng Kalayaan Group of Island, diyan lang po relevant iyong pangingisda kasi sila lang diyan ang maraming isda, pero doon sa rest ng West Philippine Sea ay hindi naman po kilala iyon sa pangingisda dahil iyan po ay dangerous ground, mabato at pati iyong mga fishing boats ay puwede mabahura diyan.
Q: May lumalabas din sa mga pahayagan sa China, base doon sa lumalabas sa twitter, Sec, na bakit daw, ang sinasabi daw ng Chinese Foreign Ministry, eh bakit daw kinukulit natin sila eh samantalang mas marami daw inaangkin ang Vietnam, bakit daw hindi tayo patas na maghain ng kaso laban sa Vietnam?
SEC. ROQUE: Sa atin naman po kasi wala tayong pinag-aagawan na teritoryo sa bahagi ng Pilipinas.
Q: Tama.
SEC. ROQUE: Sila marami silang, kasi nga lima tayong claimants eh. Eh kumbaga lahat tayo, mayroon tayong claims against China, dahil nga napakalaki noong inaangkin ng Tsina, pero lahat tayo nagbenepisyo rin sa desisyon na at least walang ligal na basehan iyang claims sa historic waters. Pero pinag-aagawan kasi isla, so wala pa ring resolusyon dahil diyan sa desisyon ng ITLOS, kasi nga ang ITLOS (International Tribunal on the Law of the Sea) iyan po ay karagatan lang. At uulitin ko po iba iyong mga rules na nag-a-apply kapag ang pinag-aagawan ay isla at ang prinsipyo ay iyong karagatan, iyong maritime territory ay iyan po ay mini-measure reckon from land territory. So it is the land the generates the sea at hindi po kabaligtaran.
Q: So technically hindi naman pupuwedeng sasabihing basta-basta na walang ginagawa ang Duterte administration sa problema ng West Philippines Sea?
SEC. ROQUE: Wala po, kasi unang-una, lahat na ng teritoryo eh na-occupy na ng mga claimants natin bago pa siya dumating ang solution nga ng Presidente kung gusto ninyong bawiin iyan, di makipag-giyera, eh paano naman tayo makikipag-giyera hindi naman tayo makakalaban.
Q: Eh hindi naman daw lahat.
SEC. ROQUE: Mayroon nga tayong mga barko ngayon eh iilan-ilan lang naman iyan, mga bagong dating galing sa South Korea.
Q: Pero ako partner iyong mga nagsasabi na hindi naman daw giyera, eh ano ba nga nag solusyon ninyo.
SEC. ROQUE: Wala na nga pong ibang solusyon.
Q: Kaya nga iyan iyong ultimate na ano eh.
Q: Kasi ayaw pakinggan iyong ating mga ano di ba. Marami na tayong.
SEC. ROQUE: Sinasabi nga namin o ano pang solusyon ninyo, ano pa ang gustong gawin ninyo. Pupunta daw sa UN, eh ano ang magagawa ng UN general Assembly. Kinakailangan UN Security Council, eh may veto vote naman doon ang China.
Q: Iyong ating diplomatic protest tatlong kilong typewriting na yata ang ating naipasa sa China.
Q: Araw-araw eh.
Q: Halos araw-araw di ba.
Q: Kasi mayroon pang labing-apat yata na militia doon sa Julian Felipe.
Q: Nag-o-over budget daw sa typewriting sa pagpapadala ng diplomatic protest.
SEC. ROQUE: Uulitin ko po ha bagama’t tayo ay may claim diyan sa Julian Felipe, parang claim iyan sa Sabah na hindi naman natin ever na-occupy ang talagang naggigirian po diyan ay ang China at Vietnam, problema po ng Vietnam iyon.
Q: Malapit lang sa pangisdaan natin kaya natin kino-call iyong attention nila.
SEC. ROQUE: Hindi po sa totoo lang napakalayo.
Q: Ah hindi rin? Di ang paalisin na diyan iyong Coast Guard.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center