Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Samahan ninyo kami ngayong unang linggo ng Mayo para po ibalita ang mga hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.

Nagpapatuloy po ang mga isinasagawang clinical trials para alamin kung epektibo nga ba talaga ang antiparasitic drug na Ivermectin bilang lunas sa COVID-19. At kasabay naman ng pagbabakuna sa buong mundo panlaban sa virus, ilang mga pekeng bakuna na rin daw po ang naglipana sa merkado. Iyan po ang tatalakayin natin dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Mas marami na pong mapagsiserbisyuhan ang Malasakit Center sa mga taga-Leyte Province. Nitong nagdaang Biyernes, binuksan ang dalawa pang Malasakit Centers sa magkaibang ospital sa Palo, Leyte. Samantala, mga biktima ng pagbaha sa naturang bayan ang personal na binisita ni Senator Bong Go para magbigay ayuda sa kanila. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kasunod po ng utos ni Pangulong Duterte na magsagawa ng isang clinical trial para sa Ivermectin dito sa Pilipinas, posibleng sa katapusan na ng Mayo o sa unang linggo po ng Hunyo ito simulan ng DOST. Alamin po natin ang iba pang detalye tungkol dito, kasama po natin si DOST-Philippine Council for Health, Research and Development Executive Director Jaime Montoya. Good morning po, Director.

DR. JAIME MONTOYA: Yes, magandang umaga po, Usec. Rocky at sa inyong mga tagapakinig at tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Welcome back po sa Public Briefing.

Director, ngayong tumuntong na po tayo sa buwan ng Mayo, ano po iyong mga paghahanda na ginagawa na ng DOST para po masimulan iyong clinical trial para sa Ivermectin?

DR. JAIME MONTOYA:Nagpupulong na po ang research team na binuo na po na isasagawa o pangungunahan ng University of the Philippines-Manila sa pamumuno ni Dr. Aileen Wang, so iyong research team po ay nabuo na.

At ginagawa na po iyong research protocol, ito po iyong disenyo kung paano po gagawin iyong pag-aaral at magsasabi kung saan po ito gagawin at kung gaano katagal at kung ano ang mga populasyon ang isasama sa pag-aaral na isusumite po sa atin at sa FDA para mabigyan po ng permiso na gawin po ang clinical trial.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, anong form po ng Ivermectin – para malinaw lang po ‘no – ang gagamitin sa clinical trial at saan po itong manggagaling? Ito po ba raw ay iaangkat sa ibang bansa o gagamitin po iyong available na nandito sa Pilipinas?

DR. JAIME MONTOYA:Well, katulad po ng karamihan, hindi naman po lahat ng mga nagawang clinical trials sa Ivermectin, tabletas po ang gagamitin. At mas maganda po sana na dalawang option po ang ating tinitingnan o posibilidad kung saan natin makukuha iyong gamot. Una, kung maaprubahan na po iyong ating local manufacturer ng Ivermectin na puwedeng gamitin ng tao dito sa Pilipinas at maaprubahan po ng FDA, doon po natin kukunin sa local manufacturer na ito. Pero kung hindi po ito maaprubahan pa kapag nagsimula po ang ating trial ay puwede naman nating angkatin ito sa ibang bansa kung saan ito po ay available na.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, nasabi na nga po na magmumula po sa iba’t ibang quarantine facility, tama po ba, dito sa Metro Manila iyong mga COVID patients na kukuhanin para sa clinical trial. Ibig po bang sabihin ay magba-vary lamang ito dito sa tinatawag nating mild to moderate cases ang kukunin; at bakit hindi po pupuwedeng isali iyong nasa severe to critical cases?

DR. JAIME MONTOYA:Tama po kayo, ang isasama po sa ating pag-aaral ay iyon pong tinatawag na ‘non-severe.’ So, ito po iyong mga mild to moderate cases, symptomatic cases at pati po iyong asymptomatic – iyong wala pong nararamdaman – na karaniwan pong nakikita sa mga quarantine facility.

Ito po ay isasagawa dahil base po sa pag-aaral ng PSMID at mga eksperto natin – tiningnan po ang mga naisagawa nang clinical trial – ito po ang may kakulangan pong ebidensiya, iyong para po sa mga non-severe o iyong tinatawag na mild to moderate cases at saka asymptomatic para makagawa po tayo ng ebidensiya kung ito po ay talagang makatutulong sa populasyong ito.

Ang isa pa pong dahilan ay alam naman po natin na karamihan po sa mga COVID-19 cases ay kabilang sa kategoryang ito. Ito po iyong tinatawag nating non-severe o mild to moderate cases. Kaya nakikita po natin na ito po talaga ang bagay na gawan natin ng pag-aaral sa ngayon para kung saka-sakaling may benepisyo po ang Ivermectin, mas malaki ang makikinabang po na populasyon sa resulta ng pag-aaral na ito.

USEC. IGNACIO:   Opo. Director, papaano po ito, kung pupuwede bang sumali iyong mga mild cases na naka-home isolation?

DR. JAIME MONTOYA: Well, opo. Pero ito po kasi imo-monitor sila araw-araw, kailangan po eh nasa quarantine facility sila. Dahil hindi po natin makakayanan kung nasa bahay lang po sila eh pupuntahan po sila isa-isa ng ating mga researcher eh hindi po natin kaya iyon. Kaya ang kasama po na populasyon ay iyon lang pong naka-confine sa mga quarantine facility para araw-araw po ay mapa-follow-up po natin sila.

USEC. IGNACIO:   Opo. Director, kung by end of May or first week of June pa po magsisimula itong clinical trial, expected po ba na magkakaroon agad ito ng resulta bago po matapos ang taon?

DR. JAIME MONTOYA: Maaari po iyong clinical trial ay matapos bago matapos ang taon pero pag-aaralan pa po siyempre ang mga datos at iyong resulta ng naturang pag-aaral. So, nakikita po namin ay ito po malamang – kasama na po iyong resulta at analysis po – ay lalabas po ng first quarter of next year, mga January. Pero po kung marami pong mga volunteers ang ating makukuha, maaari pong mapaikli iyong ating tagal ng pag-aaral, so sa halip na six months recruitment baka po maging four months or five months. So, depende po iyan sa bilis ng pagbo-volunteer po ng mga lalahok sa pag-aaral na ito.

USEC. IGNACIO:   Opo. Director, ano po iyong, aside from that – doon sa dami po ng mga lalahok o volunteers – ano pa po iyong nakikita ninyong factors na puwede pong magpatagal sa clinical trial ng DOST?

DR. JAIME MONTOYA: Well, wala naman po tayong nakikitang problema bukod doon sa bilis ng pagri-recruit ng mga lalahok kasi po kapag ang protocol po ay naaprubahan na ng Food and Drug Administration at iyan po ay isasakatuparan na ay wala naman po kaming nakikitang problema dahil na-identify na iyong mga quarantine facilities at siguro puwede kong banggitin na ang tinitingnan na po natin ngayon ay iyong mga quarantine facilities ng Philippine National Red Cross. So, kasama po natin sila sa pag-aaral na isasagawa. So, basta ang importante dito ay mapaliwanagan lahat ng mga gustong sumali doon sa mga quarantine facility at sila po ay magbigay ng informed consent dahil ito po ay boluntaryo po, hindi po ito puwersahan, para po maisagawa nang mahusay ang ating pag-aaral na ito.

USEC. IGNACIO:   Director, kapag po ongoing naman iyong cilinicl trial, okay lang po ba daw na may patuloy na gumamit ng Ivermectin under compassionate special permit o di kaya po ay iyong irereseta ito sa mga bara-barangay?

DR. JAIME MONTOYA: Well, tungkol po doon sa compassionate use po, ano naman po iyan, allowed naman po iyan basta nabigyan po ng approval ng ating Food and Drug Administration iyong ospital at iyong mga doktor na puwede pong gumamit nito under compassionate use.

Alam naman po natin ang compassionate use ay ibinibigay lang ng FDA habang itong produkto po ay wala pang registration sa ating bansa – maaaring sa ibang bansa [ay may registration] pero sa atin po ay wala. Pero kung ito po ay mabibigyan na ng registration sa ating bansa, eh hindi na po kailangan ng compassionate use. So, iyon po ay puwede nang gamitin ng ating mga doktor basta lisensiyado ang doktor na magrereseta para po ma-monitor nang mabuti itong mga pasyenteng bibigyan ng Ivermetin.

USEC. IGNACIO:   Opo. May balita po ba kayo kung may resulta na itong mga clinical trial abroad para sa Ivermectin? Kasi po, may pahabol ding tanong si Joseph Morong sa inyo: Why a particular emphasis on Ivermectin? Baka ang itinatanong po dito ni Joseph iyong pagsasagawa po ng clinical trial. And how long will this study take?

JAIME MONTOYA: Well, regarding po doon sa mga studies abroad, hindi pa po natatapos iyong mga trials na ito at katunayan ito po ay ating mino-monitor pati po ng WHO, ng World health Organization at sila nga ang nagsasabi na as of today, sa kasalukuyan eh wala pa pong ebidensiya para sabihin na ang Ivermectin po ay talagang makatutulong sa may COVID-19. Kaya po hinihikayat nila ang mga bansa na magsagawa ng clinical trial para madagdagan po ang impormasyon natin tungkol sa paggamit ng Ivermectin.

Bukod pa po dito, maganda po magkaroon tayo ng karanasan, tayong mga Pilipino para makita po natin na tayo ba ay paano mag-respond sa gamot na ito, mayroon ba tayong mga side effect na maaaring hindi nakita sa ibang bansa dahil mga Pilipino po tayo. So, maganda po iyon na impormasyon na puwedeng maging resulta ng pag-aaral na ito.

USEC. IGNACIO:   Opo. Director, ang clinical trials naman po na kumustahin namin ay itong sa ginagawa po ng DOST na herbal medicine na isinasagawa nating panlaban naman po sa COVID-19 ay hindi pa rin po ba tapos at hindi pa po ba maipa-publish ang effectiveness ng Tawa-Tawa, Lagundi, at maging ng VCO sa COVID-19 treatment?

DR. JAIME MONTOYA: Opo. Salamat po sa tanong. Ikakabit ko lang po iyong katanungan kanina kasi hindi ko nasagot nang buong-buo. Hindi naman po natin itinutuon lang sa Ivermectin ang mga trials na ito. Marami po tayong ginagawa na trials sa kasalukuyan katulad po ng Lagundi, Tawa-Tawa, nandiyan po ang Avigan at melatonin, tapos nandiyan din po iyong VCO (virgin coconut oil).

So, ito po lahat, itong Lagundi, Tawa-Tawa, at VCO sana po ay matapos na at ang target po natin ay mga katapusan po ng Hunyo. Pero po marami pong mga pag-aaral na sisimulan rin na bago, na iba-ibang indikasyon ang tinitingnan, so maaaring mag-overlap po iyan. Pero po sa pangkalahatan, nakikita po namin na basta wala pong problema at ma-achieve po iyong target na sample size po sa mga pag-aaral na ito, sana po ay matapos ito ng around June.

Although sa virgin coconut oil po may mga natapos na pero kailangan pa po natin ng more studies to be done sa iba pang populasyon para matingnan pa po ang ibang aspeto para mas malakas po ang katibayan o ebidensiya na ito po ay maaaring karagdagang gamot para sa mga mayroong COVID-19.

USEC. IGNACIO:   Opo. Director, maiba naman po ako ‘no. Tungkol naman po dito sa bagong version ng nutribun na recently po ay ini-launch po ninyo. So, ano iyong next step para dito? Isasama pa rin po ba ito sa supplemental feeding program ng gobyerno para po sa mga bata?

DR. JAIME MONTOYA: Well, kasama po iyan sa ating istratehiya dahil alam naman po natin na ito ay public good. So, ito po ay dinevelop ng ating Food and Research Institute para po talagang makatulong sa ating campaign against hunger at saka iyong [campaign] against malnutrition po ng ating pamahalaan. So, kasama po iyan sa ating gagawin na i-adopt po ito lalung-lalo na ng mga local governments, sa ating mga programa para masagot ang ating problema sa malnutrisyon.

USEC. IGNACIO:   Opo. Director, magkakaroon din po ba ng parang community pantry-style na pamimigay ng nutribun dito sa ating mga kababayan?

DR. JAIME MONTOYA: Sa tingin ko naman po, Ma’am, posible pong mangyari iyan dahil gusto nating makinabang talaga ang ating mga kababayan at iyong mga adopters natin ay willing naman pong magsagawa ng ganito pong pamimigay din sa ating mga kabayayan ng nutribun.

Pero gusto natin sustainable po ito kaya hindi lang po sa pantry kung hindi talagang papalaganapin pa natin itong teknolohiya na ito para ito ay ma-adopt talaga ng ating mga local governments at ating mga pribadong manufacturer din para ito po ay mapalaganap at maging available po sa lahat.

USEC. IGNACIO:   So, ibig pong sabihin nito, tama po ba, itong technology o recipe na ito ay libre po para sa mga bakeries at kompanya na gustong gumawa nito at ini-encourage ninyo po ba silang pagkakitaan ito para po makatulong rin sa kanilang kabuhayan?

DR. JAIME MONTOYA: Oo naman po. Tayo naman sa DOST at saka iyong ating Food and Nutrition Research Institute, iyan naman po talaga ang ating pakay at goal na talagang mapalaganap po ang mga teknolohiyang nadi-develop po ng ating Food ang Nutrition Institute at ng DOST. So, kung iyan po ang pamamaraan para mas marami pong makinabang ay tama po kayo, iyan po ang dapat nating gawin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero dapat maingat din Director ano, kasi talagang dapat kung ano iyong recipe na dapat ay gagawin nila, susundin para po hindi masira iyong ating Nutribun ano po.

DR. JAIME MONTOYA: Opo, kasama po diyan ang quality control. Tama po kayo.

USEC. IGNACIO: Pero Director, punta po tayo sa tanong ng ating mga kasamahan sa media. May tanong po si MJ Mondejar ng SMNI News: Ano daw po ang reaksiyon ng DOST na pinatitigil iyong paggamit ng Ivermectin ng Philippine College of Physicians dahil sa kulang pa raw po ang ebidensiya para sa nasabing gamot?

DR. JAIME MONTOYA: Well, tingin ko po iyong issue naman diyan ay hindi lang po iyong issue na hindi pa po sapat iyong ebidensiya kung hindi mayroon na bang rehistradong produkto sa ating bansa. So iyan po ay ayon sa ating Food and Drug Administration.

Pero kung halimbawa ang mga doktor po ay mayroong produkto na ipi-prescribe at iyan po ay galing halimbawa sa labas ng bansa, according sa Food and Drug Administration po ay kung ito po ay kanilang isu-supervise at ito po ay—sila po ang accountable po just in case po may mangyari sa ating mga kababayan dahil hindi pa po ito rehistrado ay sila po ang responsable po diyan. So lookout na po iyan ng mga doktor.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa aming programa, DOST-PCHRD Executive Director Jaime Montoya. Mabuhay po kayo!

DR. JAIME MONTOYA: Maraming salamat po at [garbled] muli sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, silipin naman po natin ang pinakahuling tala ng COVID-19 sa bansa. Umabot na po sa 1,054,983 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos itong madagdagan ng 8,346 sa mga bagong infection. Nananatili namang mas mataas din ang mga bagong gumaling na nasa 9,072 o katumbas ng 966,080 total recoveries. Pitumpu’t pito naman po ang dagdag sa mga nasawi – 17,431 ang bilang ng mga namatay sa buong bansa dahil sa COVID-19; 71,472 naman po ang nananatiling active cases.

Sa kabila po nang pagbabakuna at mga pag-aaral para sa treatment ng COVID-19, pinakamabisa pa rin po ang pagsunod sa minimum health standards para po hindi mahawahan nito. Ugaliin pa rin po ang pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng distansiya mula sa iba.

Para naman po sa mga kabilang sa sektor na pinapayagan nang magpabakuna, magparehistro po kayo sa inyong mga lokal na pamahalaan.

Samantala, sa gitna nang nagpapatuloy na issue tungkol sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, sinisiguro ni Senator Bong Go na binabalanse ni Pangulong Duterte ang kaligtasan ng bansa at kapakanan ng bawat Pilipino. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang lalawigan. Ihahatid po iyan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Mga pamilya pong biktima ng sunog sa Quezon City ang hinatiran din ng tulong kamakailan ng outreach team ni Senator Bong Go. Ilang mga benepisyaryo nakatanggap din ng bisikleta at tablet at tulong mula sa iba’t ibang programa ng mga ahensiya ng pamahalaan. Panoorin po natin ito:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO:  Samantala, magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Dumako naman tayo sa mga kaganapan sa Rehiyon XI mula sa PTV-Davao, magbabalita si Regine Lanuza, live.

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza.

Kamakailan po ay nagbabala ang World Health Organization laban sa mga pekeng Pfizer vaccine na naiulat sa mga bansang Mexico at Poland.  Kaya naman ang DILG ay inutusan na ang PNP at mga lokal na pamahalaan para maging mapagmatyag laban po sa anumang pekeng bakuna na maaaring makapasok sa bansa. Iyan at iba pang balita tatalakayin natin kasama si DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya. Good morning po, Usec.

DILG USEC. MALAYA:  Yes, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Opo. Unahin ko na itong nakakabahalang balita na mayroon na raw pong mga nabibiling pekeng bakuna sa merkado, specifically na gawa ng Pfizer [fake Pfizer vaccine]. May nabalitaan na po ba tayong nakaabot dito iyan sa Pilipinas?

Sige babalikan po natin si Usec. Malaya.

Alamin naman po natin ang pinakahuling balita mula sa Cordillera Region, may ulat si Eddie Carta, live.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo Eddie Carta. Dumako naman tayo sa Kabisayaan, may report si John Aroa:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo, John Aroa. Samantala, balikan na po natin si Undersecretary Jonathan Malaya. Good morning po, Usec.

DILG USEC. MALAYA:  Yes. Good morning, Usec. Rocky. How are you?

USEC. IGNACIO:  Mabuti naman po. Usec. may napabalita na mayroon na daw pong mga nabibiling pekeng bakuan sa merkado na specifically gawa ng Pfizer. May nabalitaan na po ba tayong nakaabot iyan dito sa Pilipinas?   

DILG USEC. MALAYA:  Opo, mayroon na po kasing ipinalabas na global media alert ang World Health Organization kung saan mayroon ngang mga pekeng bakuna na diumano ay Pfizer na bakuna na nagbebenta sa mga bansang Mexico and Poland. Ngunit dito po sa ating bansa ay hanggang sa ngayon ay wala pa naman tayong namo-monitor na nagbebenta nito. But tayo po ay nakikipag-ugnayan na sa ating Bureau of Customs and sa Food and Drug Administration, para masiguro po natin na hindi po makakapasok sa ating bansa itong mga bakunang ito.

USEC. IGNACIO:  Opo. Pero paano ninyo masisiguro naman po iyong vigilance sa hanay naman po ng ating LGU at kapulisan para po siguraduhin na hindi nga po ito makakaabot sa ating mga komunidad at maging iyong ibang gamot na hindi rin po pinapahintulutan ng FDA, Usec?

DILG USEC. MALAYA:  Opo. Dito po kailangan po natin ng tulong ng ating mga kababayan, kasi nga po posible na may mag-angkat niyan at ipasok sa ating bansa. Alam naman po natin na hindi lang naman dumadaan sa official channels ang mga produktong nasa Pilipinas, marami rin pong illegal na smuggling dito sa ating bansa.

So nananawagan po ang DILG kasama po ang ating Vaccine Czar, si General Galvez sa ating mga kababayan na kung mayroon po kayong makitang pekeng bakuna ay i-report po ninyo kaagad sa mga kinauukulan.

Madali lang naman pong malaman ang mga pekeng bakuna dahil hindi po ito iyong anyo at hugis ng Pfizer vaccine at kung ito po ay makukuha ninyo sa labas ng ospital o labas ng mga vaccination centers ay mas probable po na ito po ay peke. Binebenta po ito kadalasan sa   social media o kaya naman sa mga pekeng websites, kaya tayo po ay kailangang tumungo lamang sa mga official vaccination centers para doon po tayo makakakuha ng hindi pekeng bakuna… tunay na bakuna!

USEC. IGNACIO: Usec. may ilang LGU na umano’y nagpapapirma ng waiver sa mga magpapabakuna na nagsasabing walang liability ang LGU  kung sakaling makaranas sila ng adverse effect matapos mabakunahan ano po, nagdudulot daw po ito ng takot at pag-aalinlangan sa mga tao.  Ito po ba ay tamang practice, wala po ba talagang liability ang LGU sa anumang epekto ng bakuna; at mayroon po bang nakakarating sa inyong report na may ganito?   

DILG USEC. MALAYA:  Opo. Usec., ang tawag po diyan ay hindi waiver, ang tawag po diyan  ay informed consent at nakasaad po diyan sa DOH Memorandum 21-0123.

Ano po ang informed consent? Sa mga nabakunahan na po alam po nila ito. Ibig pong sabihin na ipinaliwanag sa inyo na ito ay Emergency Use Authorization lamang na kayo ay dumaan sa tamang screening: kung kayo ay may allergy, kailangan na i-disclose ninyo at ipinaliwanag sa inyo ang mga benefits at mga risks ng vaccination. At ipinaliwanag din po sa inyo iyong risk of adverse effect at kung may adverse effect man ay kayo po ay dadalhin kaagad sa ospital. Ngunit maliwanag naman po na sa dami na ng nabakunahan sa atin na dalawang milyon na ay mababa po talaga ang adverse effect naman. And also na mayroon kayong karapatan doon sa tinatawag na COVAX compensation fund in case magkaroon po kayo ng serious adverse effect at mayroon kayong health package na puwedeng gamitin mula sa PhilHealth. Iyan po ang pinapipirma natin sa lahat ng magbabakuna, hindi po ito waiver, kundi informed consent lamang.

USEC. IGNACIO:  Usec. noong Sabado nga po ay pumirma ang DILG sa isang kasunduan with DOLE and MMDA tungkol naman po sa pagha-hire ng more than 5,700 na additional contact tracers dito sa Metro Manila for three months. Kailan po tinitingnang posibleng magsimula ang mga ito at bakit daw po tatlong buwan lamang, ang usual daw po kasi anim na buwan iyong contract, Usec?       

DILG USEC. MALAYA:  Opo, tama po kayo nagpirmahan na nga po at doon sa 5,754 na ide-deploy natin dito sa National Capital Region ay 2,696 na p0 ang na-assess natin at more than 10,000 po iyong nag-apply.

So we expect siguro by this week, Usec., ay mayroon nang mga magsisimula na magtrabaho sa contact tracers around 1,000 ay makakatapos na noong kanilang training na isasagawa ng DILG at ng Local Government Academy. Ang pondo po nito ay galing sa DOLE sa kanilang TUPAD program. Around 280 million po ang ibinigay ng DOLE dito para po sa pansuweldo.

Ngayon ‘pag natapos po, Usec., iyong tatlong buwan nilang kontrata, posible naman pong ma-renew sila at kakausapin po namin ang DOLE na kung kakailanganin pa sila beyond the 3 months ay ma-renew itong mga contact tracers natin. Ito pong 5,754 na ito ay karagdagan lamang doon sa dineploy na ng DILG na 2,381 na contact tracers dito sa Metro Manila noong January and an additional 802 naman noong Marso mula sa ating PNP at sa Bureau of Fire.

USEC. IGNACIO: Usec., dugtong ko na po itong tanong ni Patrick De Jesus ng PTV: With the partnership between DILG, DOLE and MMDA, paano po iyong magiging process sa hiring ng additional 5,754 na contact tracers? Saan po daw – nabanggit ninyo na nga po – manggagaling iyong ibang pondo para dito.

DILG USEC MALAYA: Opo. Iyong pag-apply po nito, Usec., iyon ang tanong niya ‘no. So saan, mag-a-apply? Tama po ba?

USEC. IGNACIO: Opo. Yes, iyong process daw po ng pag-a-apply.

DILG USEC MALAYA: Opo. Iyong proseso po ng pag-apply ay sa mga Public Employment and Services Office or PESO na ang mga opisina po nito ay nasa mga city hall ng iba’t ibang LGU sa buong National Capital Region. So sa mga gusto pong mag-apply, punta lang po kayo sa PESO at pumunta rin po kayo sa DILG website at sa DOLE website para naman po sa mga requirements. But it has to be submitted, ang sabi ko nga po, doon sa PESO office sa mga city hall or municipal hall sa National Capital Region.

USEC. IGNACIO:  Ang susunod po niyang tanong: May bagong qualification po ba para sa iha-hire na contact tracers?

DILG USEC MALAYA: Hindi po masyadong mataas ang qualifications, Usec., dahil ito po ay pasok lamang sa TUPAD program. Hindi po kagaya noong dati noong ang DILG ay nag-hiring, ang hinanap po natin doon ay mga college graduate. Para po dito high school, puwede na rin po, mas mababa po ang qualification for the DOLE contact tracing.

USEC. IGNACIO: Usec., tungkol naman sa community pantry. Noong nakaraang linggo nga po ay inanunsiyo na mismo ni Secretary Año iyong guidelines na dapat sundin ng mga organizers. So, paano natin exactly madi-define o malalaman kung pinu-politicize ng isang grupo o ng isang pulitiko ang isang community pantry? Halimbawa i-deny daw po ng politiko na may alam siya sa pag-display ng poster niya sa community pantry, sino daw po ang puwedeng patawan ng sanction sa ganitong pagkakataon?

DILG USEC MALAYA: Yes. Pinagbabawal po ng DILG doon sa advisory na ipinalabas ni Secretary Eduardo Año ang mga imahen, picture, pangalan o initials ng mga politiko sa mga community pantry. So ito po ay minu-monitor ng ating mga barangay at ng ating Philippine National Police para po masiguro na hindi po ito maisasantabi or maba-violate. Ngayon kung mayroon pong mga pangalan o mga tarpaulin ng mga politiko, ang una pong mananagot diyan ay ang organizer ng community pantry dahil ito naman po ay private at voluntary initiative ‘no, so ang may control po sa paglagay ng mga tarpaulin na iyan ay ang ating mga community pantry organizers.

So nakikiusap po kami sa mga community pantry organizers na huwag na po ninyong lagyan ng mga ganito. Ngayon kung mayroon naman pong mga donations na manggagaling sa mga politiko o sa mga gustong tumakbo sa darating na halalan, alalahanin po natin na wala pong ‘epal’ policy ang DILG sa mga community pantry therefore tumulong na lang po tayo na walang attribution. Ibig pong sabihin, huwag na po nating kailangan ipaalam sa tao na tayo ay tumulong, ibigay na lang po natin ang mga tulong na ito sa ating mga kababayan ng bukas sa ating kalooban, na hindi na natin ina-advertise pa man or ginagamit bilang propaganda. Dahil nga po ito pong panahon ng pandemya ay hindi panahon para sa pulitika, ito po ay panahon para tumulong sa ating mga kababayang nangangailangan ng tulong sa panahong ito.

USEC. IGNACIO: Oo. Usec., kailan naman daw po expected na makakapagdesisyon si Pangulong Duterte kung sino daw po iyong papalit kay General Sinas as PNP Chief? Kasi may kaugnay pong tanong diyan si Cresilyn Catarong po ng SMNI: Regarding daw po sa naisumiteng rekomendasyon ng DILG kay Pangulong Duterte na papalit kay General Sinas. Ano daw po iyong nakikita ninyong qualifications na napipisil niyang magiging susunod na PNP Chief? Tanong po iyan ng SMNI News Desk.

DILG USEC MALAYA: Opo. Last week nga po ay naisumite na ni Secretary Eduardo Año in his capacity sa chair of the National Police Commission, iyong pangalan ng rekomendasyon niya bilang papalit na susunod na Chief ng Philippine National Police dahil nga po sa May 8 ay magriretiro na po si General Sinas as chief of the Philippine National Police. So we expect, Usec. Rocky, na within the next few days bago matapos ang linggong ito ay magkakaroon ng anunsiyo ang ating Pangulo kung sino ang kaniyang pipiliin dahil may karapatan po ang ating Pangulo na pumili from any of the star rank of the Philippine National Police.

I would expect, Usec., that the President would choose the next Philippine National Police on the basis of seniority, on the basis of merit and on the basis of experience as a police officer, as a police general dahil doon lang po manggagaling sa rank of police general or police brigadier general up, ang susunod na magiging pinuno ng ating Philippine National Police.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Cresilyn Catarong ng SMNI News: May panibagong update po ba patungkol sa distribution ng ECQ ayuda sa NCR Plus at sa Metro Manila alone?

DILG USEC MALAYA: Yes. Napakaganda po ng pamimigay ng ating ayuda, wala na nga po sa balita Usec, iyong mga kumpul-kumpulan – ang nasa balita na lang ay ang mga community pantry – because naging very systematic po at organisado na in the past week ang ating pamimigay ng ayuda sa NCR Plus area. Dito po sa NCR, nasa 75% na po tayo na nakatanggap ng ayuda so 8.4 billion na po ang naipamigay nating ayuda sa ating mga kababayan which means 8,410,659 ang mga benepisyaryong nakatanggap na ng ayuda.

At ang nangunguna po sa mga LGUs sa pamimigay ng ayuda ay ang lungsod ng Caloocan which is 96.31%. Ibig pong sabihin, sila po ay nakapag-distribute na ng 1.29 billion. Kasama rin po sa mga matataas ang distribution ay Quezon City at 94.96%; Mandaluyong with 92.51%; Navotas with 90.68%; Manila at 88.39%; Pateros at 87.69%; and City of San Juan at 80.40%. Kami po ay very confident na bago matapos ang aming deadline which is on May 15, ay tapos na ho ang pamimigay ng ayuda sa lahat ng benepisyaryo sa NCR Plus bubble.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., isang mabilis na lang po ‘no at wala na po tayong oras. May pahabol na tanong si Joseph Morong: May panawagan daw po kasi na payagan ang mga senior citizen na lumabas na rin dahil nabakunahan na sila. Ano daw po ang reaksiyon ninyo dito?

DILG USEC MALAYA: Ah, ang tanong pong iyan is better answered by the Department of Health dahil kami po sa DILG ay sumusunod lamang sa rekomendasyon ng Department of Health dito. So kung sasabihin po ng Department of Health sa amin na panahon na para palabasin ang mga senior citizens natin at ito naman ay aprubado ng IATF, handa naman pong i-implement ito ng DILG.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, Usec. Jonathan Malaya ng DILG. Mabuhay po kayo, Usec.

DILG USEC MALAYA: Maraming salamat din po at mabuhay din po kayo.

USEC. IGNACIO: At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)