SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Narito po tayo ngayon sa Parañaque, kasama ang ating NTF Chief Implementer at Vaccine Czar, Carlito Galvez, at ilang opisyal ng Lungsod ng Parañaque sa pangunguna ni Mayor at Congressman Olivarez para saksihan po ang rollout ng Russian vaccine na Sputnik V.
Mamaya po para sa detalye sa nagaganap na pagbabakuna ngayon ng Sputnik V ay narito po si Mayor Olivarez at si Secretary Galvez.
Samantala, humarap po kagabi ang inyong Presidente, Rodrigo Roa Duterte, sa taumbayan para sa kaniyang regular Talk to the People Address. Isa po sa kaniyang binanggit ang isyu tungkol sa West Philippine Sea. Kaugnay po nito ay kahapon po sinabi ko na ang binitawang maanghang na salita ni Secretary Locsin kabahagi ng kaniyang karapatan ng malayang pananalita. Well, tama po iyon kasi ang sinabi po ni Secretary Locsin ay kaniyang personal na pananaw.
Nililinaw ko po upon express orders of the President na hindi po ito ang polisiya ng Pilipinas – klinaro po ito mismo ng ating Presidente. Anumang pagkakaiba natin po sa bansang Tsina sa usapin ng West Philippine Sea, hindi ito magdi-define ng ating bilateral relations at hindi rin ito magiging hadlang sa ating pakikipagkaibigan sa Tsina at malalim na kooperasyon sa pandemic response, vaccine cooperation at post-pandemic [off mic] recovery.
[OFF MIC] ang ating kooperasyon sa pandemic response na makaapekto sa ating resolve na ipagtanggol ang ating principled position.
Patuloy na ina-assert ng administrasyong Duterte ang sovereignty at sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng bilateral diplomacy sa bansang Tsina at multilateral engagements sa ASEAN, strategic partners, UN at international community.
Kasabay nito ang tuluy-tuloy na modernisasyon ng ating defense program at enhancement ng ating mga maritime assets. Para isipin ang paggamit ng mapayapa at diplomatikong pamamaraan para i-assert ang ating mga karapatan at na-resolve ang mga hindi pagkakaunawaan o disputes bilang appeasement ay isang kabiguan na maintindihan ang basic thrust ng ating indipendyenteng polisiyang panlabas na naaayon sa ating Saligang Batas.
Masasabi rin ito ay profound distortion of the historical lessons mula sa Second World War at iba pang conflicts. Ang diplomasya ay hindi appeasement; in a sense, ang diplomasya ay isang form warfare na walang dugong dumadanak. Hindi rin maituturing na isang form of subjugation ang mapayapang paraan para maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan. Ito ay dignified approach para ipagtanggol ang ating pambansang interes at i-uphold ang international law.
Habang ginagamit natin ang productive diplomacy at effective deterrence sa pagtanggol ng ating sovereignty at sovereign rights at i-secure ang ating maritime security, hindi natin papayagan ang ating territorial at maritime disputes sa Tsina na maging sagabal sa ating bilateral cooperation sa urgent issue sa laban natin sa COVID-19, partikular ang pangangailangan natin sa bakuna.
Anyway, bago po tayo mag-press briefing, kami po ay nagkausap ni Secretary Locsin, at pinaalam po niya sa akin na personal siyang nag-apologize po sa Chinese ambassador at ang mga nabanggit naman po niyang salita ay dahil lang sa mga bagay-bagay na naging dahilan para uminit ang kaniyang ulo.
So inuulit po natin, ang mensahe ng Presidente sa larangan ng diplomasya: Wala pong lugar ang pagmumura. At ang sabi po ng mensahe ng Presidente sa lahat ng miyembro ng kaniyang Gabinete, ang Presidente lang ang pupuwedeng magmura, wala pong pupuwedeng gumaya sa kaniya.
Pag-usapan naman po natin ang bunga ng ating pagkakaibigan po sa Tsina ‘no. Tingnan po natin ang halimbawa ng ilang mga Chinese-assisted official development assistant project. As of April 15, itong ilang mga imprastraktura po mula sa datos ng DPWH: Well, unang-una po nakikita ninyo po sa screen ang proyektong tulay na sa Binondo-Intramuros Bridge ‘no. Pagkatapos po, narito po sa screen natin ang Estrella-Pantaleon Bridge sa Makati-Mandaluyong. Nariyan din po ang Davao City Coastal Road, ang Panglao-Tagbilaran City Off-shore Connector Bridge, at Dupinga Bridge and approaches. Ang Pasig-Marikina River and Manggahan Floodway Bridges Construction Project; ang Mindanao River Basin; ang Samal Island-Davao City Connector Project.
Maaasahan din po ang Tsina sa panahon ng kalamidad tulad ng lindol, bagyo, pagputok ng bulkan at sa liberasyon ng Marawi. Makikita naman po ngayon sa ating infographics ang tulong na naibigay ng Tsina ayon po sa datos ng Department of Finance.
Ang total po na naibigay po nila ay 10.89 million para po sa mga iba’t ibang mga aberya na nangyari noong taon na ito.
Pagdating naman po sa ating COVID-19 response, nagbigay ng isang milyong doses of Sinovac vaccines ang Tsina. I stand corrected: it’s one million and one thousand, kasama na po iyong one thousand na Sinopharm kung saan isa doon sa dose na iyon ay ginamit po kagabi ng Presidente dahil siya po ay nagpabakuna ng Sinopharm kagabi. Nagbigay din po sila ng mga testing kits, mask, PPEs, ventilators and face shields.
Mayroon din po silang pinadalang mga medical expert team sa kasagsagan po ng COVID. Nasa 77.38 million dollars agreement on economic and technical cooperation po ang pinirmahan din ng Pilipinas sa Tsina noong January 2021 ang pupuwedeng gamitin sa COVID-19 response.
Samantala, sa Talk to the People kagabi, nagpaalala ang Pangulo tungkol sa pagtitipun-tipon o tulad ng kaniyang sinabi, convergence ng tao na magiging sanhi ng pagkalat ng virus. Kaugnay nito, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na mahigpit nilang ipatutupad ang pagbabawal sa mass gathering sa mga local government units.
Ini-report din po ni Secretary Año na halos pitumpu’t limang porsiyento or 74.35 na po ang mga benepisyaryo sa NCR Plus ay nakatanggap ng 1,000 medical assistance, financial assistance po mula sa pamahalaan. Ito ay 17,037,122 mula sa total na 22,915,422 beneficiaries.
Dalawang milyon naman po ang target nating mabakunahan ngayong buwan ng Mayo mula sa one million monthly average mula nang nag-umpisa ang ating vaccination program. Sa Talk to the People, tiniyak ni Secretary Galvez na mangyayari ito dahil nasa apat na milyong doses ng bakuna ang inaasahan nating darating sa bansa ngayong buwan ng Mayo. Mamaya ay pag-uusapan po natin kasama si Secretary Galvez ang ilan pang mga bagay.
Speaking of vaccination, nagpabakuna nga po ang Presidente kagabi. Ang tinurok kay Presidente ay first dose ng Sinopharm na kasama sa compassionate use permit na inisyu ng FDA sa PSG Hospital, at ito nga po ay kabahagi sa 1,000 additional donation na binigay ng Tsina sa ating bansa.
Dito po nagtatapos ang ating briefing. At bago po tayo tumuloy kay Secretary Carlito Galvez at kay Mayor Edwin Olivarez ay hahayaan ko muna pong magbigay ng maikling welcoming remarks si Mariana Zobel de Ayala. Ma’am, thank you very much for hosting not only the press briefing but more importantly for hosting the vaccination dahil this is one of the rare instance po na ginagamit natin ang malls para maging mega vaccination facility. The floor is yours, Ma’am Mariana.
MS. MARIANA ZOBEL DE AYALA: Thank you, Sec. Thank you to all, especially to our Sec. Galvez and Mayor Olivarez and Cong. Olivarez of Parañaque. We are really so honored to be able to partner with the government and the LGU on this very important initiative. As you know, Ayala attempted to be at the forefront of partnership with the government against COVID-19, and this is an important milestone for us today, to be able to partner with you all using Ayala Malls as a location for one of the first vaccination sites for Sputnik V.
So thank you very much for giving us this opportunity. Truly, we feel privileged to be able to partner with you all against COVID-19. Thank you very much.
SEC. ROQUE: Bago ko po ibigay ang floor kay Secretary Galvez, kinikilala ko lang po ang mga kasama natin ngayon. Dindo Fernandez po, vice president ng Ayala Land; Christopher Maglanoc, Ayala Malls; si Vice Mayor Rico Golez; tapos kasama po natin dito si Olivia Limpe-Aw, siya po ang local representative ng Sputnik, at ang kaniyang mga kasama; at ang mga kasama po natin, si Dr. Ted Herbosa at si Dra. Corrales, ang pinakamaganda pong doktora sa balat ng lupa.
Sir Galvez, ilan po iyong inaasahan nating delivery ng Sputnik V itong buwan ng Mayo at ilan po iyong total na aasahan po natin na galing po sa Sputnik V at ano pa po iyong mga ibang balita pa sa pagdating ng mga iba’t-iba pang mga bakuna sa ating bayan? Maraming salamat po and the floor is yours.
SEC. GALVEZ: Unang-una po sa lahat, nagpapasalamat po ako sa ating butihing mayor, Mayor Edwin Olivarez, sa pagtanggap po sa ating pilot test ng ating Sputnik V. At kami po ay nagpapasalamat din po sa Ayala Land, Ayala Malls – Manila Bay sa pamumuno po ngayon ni Ms. Mariana Zobel de Ayala. Maraming, maraming salamat at naging maganda po ang reception ng Sputnik V. We never expected na ganito kalaki ang inaasahan nating numero na tatanggap ng Sputnik V.
At kami po ay natutuwa sa initial na 15,000 na iru-rollout natin ngayon, nagsimula ngayon sa limang city, ay madadagdagan pa ho iyan. Ang ating kontrata po ay good for 20 million doses. Initially, nagkaroon tayo ng 10 million payment ng 15% and we are expecting na in four months iyong ten million po na doses na iyon ay maibibigay po sa atin. And we are expecting na sana, Ma’am – nandito po si ma’am Olivia Limpe-Aw. Thank you very much, Ma’am, for your patience – and siya po ang aming kinukulit para magkaroon po ng tinatawag na kaganapan na mayroon tayong more or less na two million each month na magiging kasama po natin na idi-deliver nating mga vaccines sa susunod na buwan.
Ang ating po inano, Sec. Harry ay magkaroon po talaga tayo ng 10-15 million a month para magawa po natin talaga na maabot po natin iyong 50 million to 70 million na herd immunity target. At ito po ay natutuwa po kami dahil kasi po malaki po ang maitutulong ng sputnik V na magkaroon tayo, madagdagan tayo ng 20 million sa 148 million na target natin na mabibili ngayong taon.
Iyon lang po, Sec. Roque, and maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Sec. Galvez. Puntahan naman po natin si Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque.
Sir, unang-una, napansin namin na napakadaming nagdagsaan dito at napaka-orderly naman po, may social distancing ‘no.
Dito ba ho sa Parañaque may problema ba ho kayo sa vaccine hesitation? Pero sa nakita ko po ngayon para talagang excited ang mga taga-Parañaque na magpabakuna at excited sila na magpabakuna ng Sputnik V. The floor is yours, Mayor Olivarez.
MAYOR OLIVAREZ: Maraming salamat, Secretary Harry. Una sa lahat, magandang tanghali po sa ating lahat!
Secretary Harry, gusto ko pong ipaalam sa lahat po ng ating sumusubaybay na nakikinig po sa atin na ang ating pong Lungsod ng Parañaque ay nagsimula po ng rollout ng ating vaccine noong buwan ng March. Until now, nasa 35,000 na po iyong atin na pong nabakunahan at iyon pong acceptance po sa Parañaque, lumalaki po iyong acceptance.
Noon pong kami ay nag-introduce nito noong buwan ng January may mga hesitation po siya. Pero noong nag-launch po tayo ng ating Sinovac at saka iyong AstraZeneca po noong March, gumanda po iyong kumpiyansa ng mga tao dito at nakita po nila iyong ating mga health professional po natin ang una pong nagkaroon ng vaccine.
As of today po, halos 100% na po sa Parañaque iyon pong ating mga health worker. Iyon pong ating mga sa A2, iyong ating senior citizen, nasa almost 15,000 na po ang ating nabakunahan. Iyon pong ating A3, nasa 10,000 na po iyong ating mga person with comorbidities.
Kaya tuluy-tuloy po iyong ating vaccination po rito. At ang maganda po rito, ito pong ating vaccination site, gusto ko pong ipaalam sa ating pamahalaan na hindi po ito iyong first day ng Ayala na kanila pong ipinagamit itong atin pong vaccination center na ito. Isang buwan na po naming ginagamit po ito at gusto ko pong kuhanin ang pagkakataon na ito na magpasalamat po kay Ma’am Mariana, sa buong Ayala Group of Companies, sa walang sawa na suporta na inyo pong ibinibigay.
At uulitin ko po, Secretary, gumanda na po ang kumpiyansa sa vaccination sa Lungsod ng Parañaque.
SEC ROQUE: Magandang balita po iyan, Mayor.
At siyempre, kasama rin po natin, walang iba kung hindi ang aking classmate sa 17th Congress, walang iba po kung hindi si Congressman Eric Olivarez. Pero si Eric ayaw na niyang magsalita, si kuya na lang daw, si mayor.
So, tumuloy na po tayo sa ating open forum. Kasama po natin ang PIO ng Parañaque para maging moderator dahil tayo po ay wala sa Malacañang. As usual, we will be alternating between Usec. Rocky and Mr. Mar Jimenez, PIO of Parañaque for the open forum.
Pero with the kind indulgence of PIO Jimenez, Usec. Rocky, can you please ask the first set of questions from the Malacañang Press Corps please?
USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary. Good afternoon po sa inyong lahat at sa ating mga bisita.
Unang tanong from Alexis Romero ng Philippine Star: The President daw po assure the public once things to be clear, he would lift the quarantine immediately without delay. What did he mean by things becoming clear? What condition will require it?
SEC. ROQUE: Well maraming beses na po nabanggit ni Presidente na ang solusyon sa pandemya ay itong bakuna ‘no. So pinapadami lang po natin iyong hanay ng mga nabakunahan na at tinitingnan din natin iyong tinatawag na attack rate habang nag-i-improve pa po tayo ng ating healthcare capacity.
So ang ibig sabihin po ni Presidente, ‘pag marami-rami na ang nabakunahan at ‘pag napadami na natin iyong ating mga ICU beds lalung-lalo na at napakita natin na napababa na natin iyong pagkalat ng virus ay pupuwede na po talaga tayong magbukas muli ng ating ekonomiya.
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, ang susunod pong tanong para po kay Secretary Galvez, mula kay MJ Mondejar ng SMNI News: Ano daw po ang criteria sa pamimigay ng Sputnik V vaccine among LGUs? Mayor Marcy Teodoro is asking bakit hindi raw sila nasama eh nasa Marikina ang storage facility ng Sputnik V and they provided technical assistance para sa nasabing bakuna.
SEC. GALVEZ: Iyong nakikita po natin iyong capacity po ng LGU at the same time iyong training po na binigay po ng ating National Vaccine Operation Center. Huwag na pong mag-alala si Mayor Marcy, sa susunod po na delivery mas marami po ang makukuha niya. Sa ngayon po kasi very limited lang po iyong ating pilot test natin, 15,000. But do not worry, kinu-compensate naman natin iyong number ng mga vaccine natin sa lahat ng mga dinadalhan natin ng vaccine. Katulad ng Sinovac at saka iyong Gamaleya, sabay naman pong dumating iyan so we compensated kung wala po silang Gamaleya, mas mataas po iyong makukuha nila doon sa Sinovac. So don’t worry Mayor, we will make sure that in the next delivery ng Gamaleya, dadagsa po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary. Triciah Terrada…
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, iyong sa statement lang po ni Pangulo last night, that he said he never made a promise to retake the West Philippine Sea from China. But there are at least three occasions when we reviewed the transcripts, the statements of President where he did state specific actions should China insist on staying in our territory. What do we make of these statements now, sir?
SEC. ROQUE: I think the President should be construed literally. Hindi niya pinangako na maibabalik niya iyong mga teritoryong nawala sa atin dahil sa kagagawan ng ibang tao at ibang administrasyon ‘no. Pero ang mga sinasabi niya, he will ask China ‘no to honor sovereignty and our sovereign rights na ginagawa naman po niya. Pero I think the President was clear, hindi niya ipinangako na mababawi iyong mga teritoryo na nawala na sa atin ‘no. Even the jet ski ang sabi lang naman niya, sasabihan niya ang China na umalis ‘no pero hindi niya ipinangako na iyong nawalang Scarborough Shoal eh mapapaalis niya ang mga Tsino roon.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir but some time in 2016, February 21 to be exact, the President said he will tell China to stop its expansions in the Philippine territory if nothing happens in his second year of presidency. What happened to this, sir? Is the President sort of taking a softer stance compared to iyong medyo hard line stance ni sir noong kampanya?
SEC. ROQUE: On the contrary Trish, nagtagumpay po ang Presidente kasi sa kaniyang administrasyon wala pong bagong reclamation ginawa ang China, wala pong bagong mga refurbishment na ginawa sa mga artificial islands ng China. Ito po iyong isa sa mga major na kasunduan na nakamit ng Presidente at hindi po iyan mabubura ng ating mga kritiko.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Uhum. Sir still in line with this, on Monday si Senator Manny Pacquiao said that he is not satisfied with President Duterte’s stand on the West Philippine Sea issue. He also cited iyong popular nga po na jet ski statement noong 2016 which he said gave encouragement to Filipinos that time. Pero just last week daw po si Pangulo sinabi that the Philippines is citing as ‘utang na loob’ with China because of the COVID-19 vaccines that we procured and we all know that si Senator Pacquiao and si President Duterte belonged to PDP Laban. What does Malacañang think of this? Some are actually wondering if this could be a sign of falling out habang papalapit na po iyong eleksiyon considering that they belong to the same political party?
SEC. ROQUE: I don’t think there is a falling out. Hanggang ngayon po nananatiling napakalaking fan ni Senator Pacquiao ang ating Presidente sa larangan ng palakasan lalo na sa larangan ng boxing. Hanggang doon na lang po tayo.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Uhum. Sir just a bit on, iyong sa pagbabakuna po ni Pangulo. What is it sir with the Sinopharm vaccine that it’s been the choice of the President’s doctors? We’re interested to know if the President had any medical condition or parang anything that’s related to his current medical condition that makes other vaccine brands unfit for him; and sa safety lang din sir, kasi ‘di ba po hindi siya registered and FDA is saying na hindi pa nari-review ng experts iyan. What gives the President’s team the confidence na safe po ito for the President? Do we have or does the President—his team of physician, do they have experts from the vaccine panel na nag-review po ng Sinopharm?
SEC. ROQUE: Unfortunately po I was not privy doon sa mga conversation ng Presidente sa kaniyang mga doktor ‘no. But I understand na ang choice ni Presidente was guided also by his doctors and I can only surmise na it’s the platform ‘no, platform na inactivated vaccine because this has been in use for the past 140 years at least.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Uhum. Sir, just last question on the vaccination. Iyong pagpapabakuna ni Pangulo, is that a sign that ito na po iyong magpi-pave ng way for the negotiations or for us to procure vaccines from Sinopharm? And with that move sir, what message does that signal to those who want to get vaccinated na hindi pa registered iyong bakuna officially?
SEC. ROQUE: Well alam ninyo po, it’s covered by compassionate use. So as far as the President is concerned, he did not violate any laws because precisely it was administered by the PSG Hospital although physically administered by the Health Secretary himself ‘no. So covered po iyan ng compassionate use permit so wala pong nalabag ang ating Presidente at iyong supply naman po ay nanggaling nga doon sa additional 1,000 donation ng Chinese government to the Philippine government. So I think the message that the President sent yesterday is magpabakuna na ang lahat habang may makukuhang bakuna.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Spox Harry. Salamat po.
SEC. ROQUE: Thank you. I will turnover now the floor to our moderator, Mar Jimenez, PIO of Parañaque.
PIO MAR JIMENEZ: Thank you, Mr. Secretary. We would like to call Mela Lesmoras of PTV-4, please.
MELA LESMORAS/PTV4: Hi. Good afternoon Secretary Roque and to our guests. Sir unahin lang po natin iyong Sputnik V vaccination dito sa Parañaque City. Ano po iyong expectation natin ngayon dito sa ating programa dito at paano ito makatutulong sa ibayo pang pagpaparami noong mga nabakunahan pa sa Pilipinas?
SEC. ROQUE: Well sa akin po ‘no, unang-una ang pinakamabuting balita ay mayroon na naman po tayong additional brand ng vaccine na nagagamit at ito nga po ay kabahagi ng trial order kasi ito po iyong kauna-unahang pagkakataon na we had to deal with a vaccine na mayroong -18 na handling requirement. So kanina po nagtanong si Mayor Marcy, trial lang po ito, hindi pa po ito official rollout dahil dapat nga makita natin kung paano dadalhin sa vaccination center iyong -18 na requirement galing po sa warehouse ng Marikina ‘no.
At pangalawa po sa mainit na reception ng mga taga-Parañaque eh tingin ko naman po tama rin iyong naunang survey ng SWS na kinakailangan lamang na magsimula magpabakuna at karamihan ng ating mga mamamayan ay magpapabakuna. Perhaps si Secretary Galvez would like to add.
SEC. GALVEZ: Nakita po natin na napakadami po talagang nakapila. We never expect na iyong reception ng Gamaleya ay napakataas and we are very happy na iyong ating second vaccine na ina-administer natin na galing sa procurement natin ay talagang well-accepted by the Filipino people. Iyon na nga ang sinasabi namin na talagang iyong lahat ng ating portfolio na kinuha sa vaccine, talagang inaano po natin na magkaroon po ng safe at effective ang kaniyang requirements and we are very happy that Gamaleya will add for the steady supply na gagawin natin this coming months, especially this coming May, June and July.
Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: I stand corrected, Mela, it’s the third vaccine brand pala that we have utilized, it’s a third.
MELA LESMORAS/PTV 4: And second question lang, Secretary Roque. Kasama kasi kayo mismo rin kagabi ni Pangulong Duterte, puwede po ba ninyong pakikuwento. Kumusta po si Pangulong Duterte? Paano tinanggap ng kaniyang katawan itong Sinopharm vaccine, kailan po iyong second dose?
SEC. ROQUE: Wala naman pong problema ano, kasi ang nangyari kahapon, nagkaroon kami ng bagong pagpupulong kasama si Secretary Lorenzana mahigit kumulang isang oras iyon, pagkatapos noon nagpabakuna siya at matapos ang pagbakuna niya saka siya pumunta doon sa meeting with some members of the IATF na tumagal ng almost two hours. In terms of adverse reaction, wala po akong nakitang adverse reaction kasi matapos niyang magpabakuna eh pumunta siya kaagad doon sa pagpupulong namin.
MELA LESMORAS/PTV 4: Opo, kailan kaya iyong second dose po?
SEC. ROQUE: I think, it’s the same as Sinovac, one month after.
MELA LESMORAS/PTV 4: And Sir, panghuling tanong na lang po from Sweeden Velado-Ramirez, my colleague. Ano po iyong update sa procurement ng Sinopharm vaccines at hindi po ba magkakaroon ng vaccine hesitancy ang ating mga kababayan sa ating existing vaccines given that the President opted for another brand na wala pa pong EUA?
SEC. ROQUE: Unang-una po, it’s covered by compassionate use, paulit-ulit ko po iyan, because that’s the legal basis na ginamit ng Presidente iyan. I don’t think it has any effect on vaccine confidence kasi nakikita naman ng taumbayan na basta the best bakuna is the one that is available at wala naman po kasing bakuna na aaprubahan ng ating Food and Drug Administration kung ito po ay hindi napatunayan ng ating expert panel group na ito po ay epektibo at ligtas.
Secretary Galvez will add.
SEC. GALVEZ: Iyong vaccine expert panel noong nagkaroon po ng tinatawag nating presentation sa amin, talaga pong halos co-equal po iyong Sinovac at saka iyong Sinopharm, in terms of iyong tinatawag nating safety, kasi nakita natin na in-activated siya. And at the same time, iyong Sinopharm, ito iyong ginagamit ng mga leaders sa China at saka ito iyong tinatawag natin, kaya noong nakita natin mahal iyan at iyon din po ang ginamit ng mga leaders dito sa area ng Middle East.
So with that nakita ng recommendation ng kaniyang doktor na talaga iyong iyong Sinopharm ang mas ano sa kaniya. Ang nakikita natin dito, ang lahat ng mga vaccine, ang safety ang efficacy halos pareho iyan. Nakikita natin, sinasabi nga nina Dr. Edsel na iyong pinaka-effective na ano niyan is it prevent iyong tinatawag nating from severe and hospitalization and death, so iyon ang pinakaimportante.
At nakita naman natin considering na same inactivated virus platform siya, wala naman sigurong makikitang ano na pagkakahalang-halang sa confidence considering Sinopharm is also being widely used by other countries. Actually iyong Sinovac is number 5 iyan sa world usage at ang Sinopharm po ay halos sumusunod po sa Sinovac.
MELA LESMORAS/PTV 4: Okay, thank you, so much po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat Mela, balik tayo kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary. Tanong mula kay Jayson Gutierrez ng New York Times: May we know why the President used a vaccine not yet okayed by the FDA? The same one earlier used by the PSG which was fond for using smuggled vaccine and how would this affect the public’s confidence on Sinovac?
SEC. ROQUE: Hindi po illegal ang paggamit ng Presidente, dahil may compassionate use na inisyu para sa PSG hospital at hindi po smuggled ang ginamit ni Presidente, dahil ito po ay donated ng Chinese government.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong po ni Cresilyn Catarong ng SMNI News about kay Senator Pacquiao ay nasagot na ninyo, Secretary, thank you po.
SEC. ROQUE: Punta tayo ulit kay PIO Jimenez.
PIO JIMENEZ: Thank you, Mr. Secretary. Can I call on, Ian Cruz of GMA 7.
IAN CRUZ/GMA7: Hi Secretary.
SEC. ROQUE: Yes, good afternoon.
IAN CRUZ/GMA7: Pinapatanong lang, mayroon daw po bang ibang mga Cabinet Secretary na gagamit naman ng Sputnik?
SEC. ROQUE: Wala po. Si Presidente lang po ang nabakunahan kagabi.
IAN CRUZ/GMA7: I mean iyong Sputnik, iyong Sputnik V po.
SEC. ROQUE: Sa Sputnik, ang alam ko po wala rin. Dito sa Parañaque wala po ano? Wala pa pong Secretary na nabakunahan dito sa Parañaque. Wala pa sa ibang lugar din.
Si Sec. Galvez?
SEC. GALVEZ: Kasi sa Sputnik, ang ano pa rin natin, ang ginagamit pa rin natin iyong A1 at saka iyong A2 at A3 na priority list. In fact dito nga, mayroon tayo dito A1 at saka A3 and then A2 doon sa baba. So, iyong parang target ng ano natin dito sa pilot run natin is iyong health-care workers, seniors at saka people with comorbidities.
IAN CRUZ/GMA7: Okay. Natanong ko po, Sir, kasi mayroong pinadalang larawan sa akin si Secretary Panelo nagpapabakuna, ano po iyong ginamit sa kaniya?
SEC. ROQUE: Wala po kaming alam diyan. Anyway, Secretary Panelo is a senior citizen, so kasama po siya sa A2, dahil ang binabakunahan natin ngayon A1, A2 and A3. Kasama iyong mga may comorbidities. So he is not there as a Secretary, he is there perhaps as a senior citizen.
IAN CRUZ/GMA7: Okay, lastly, Secretary Galvez. Doable po ba this month, kaya po natin ng 2 million vaccinees na maa-administer?
SEC. GALVEZ: Iyon ang tinitingnan po natin, dahil kasi kung titingnan natin ang ating rollout kailangan po talaga umangat ang ating rollout na more or less 4 million a month, iyon po ang pinakamaganda. And then ang isa po na tinitingnan po natin kung bakit nagkaroon tayo ng parang slippage in terms of iyong ating target sa ating rollout is because of the lack of the supply.
So ngayon inaangat na natin na mayroon tayong 4 million ngayong May, most likely iyon ang target namin na i-angat namin ng 2 million and then later, this coming June, ang target namin ay magkaroon kami ng more or less mayroon kaming one million per week or more or less 4 million a month. So, ganoon po ang gagawin po natin, i-scale up natin until such time na we can achieve iyong 500,000 a day or 3 million a week.
SEC. ROQUE: Via zoom, Pia Rañada please, Rappler?
PIA RAÑADA/RAPPLER: Earlier you said about Foreign Secretary Locsin’s remarks. Sir, is it right to say that the President was displeased with Foreign Secretary Locsin’s remarks on China? And was this displeasure, what lead Secretary Locsin to apologize to the Chinese Ambassador?
SEC. ROQUE: Well, I think what was clear from the President’s instruction to me last night after our private meeting with Secretary Lorenzana is that he does not approved of the use of profanities particularly in the field of diplomacy. Kaya nga sabihin mo, sabihin mo nga sa ibang mga cabinet, ako lang ang puwedeng magmura, wala ng ibang magmumura lalo na pagdating sa diplomacy. And what I did today was to state for the record, our existing Philippine-Chinese policy that we have agree to disagree on the West Philippine Sea, but we will move forward on areas that we can in fact move forward on.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Because earlier Sir, you said that there is no room for cursing in diplomacy yet, “only the President can curse”. How can you reconcile this?
SEC. ROQUE: Well, because the President naman is the principal and all the Cabinet members are alter egos. So, I guess the guidance being given by the President now is you have no authority to use profanities particularly in the sensitive field of diplomacy.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Just going to the Sinopharm vaccination of the President. Sir, the 1,000 donated Sinopharm vaccines, is this apart from the 10 K PSG vaccines or did the two deliveries come together? We just want to know, ano iyong relations between those two batches?
SEC. ROQUE: I supposed the 1,00o forms part of the 10,000 compassionate use permit issued by the FDA. But the 1,000 is a further donation from the government of China.
PIA RAÑADA/RAPPLER: But, Sir the 10,000 of the PSG, that’s purchased by the PSG, by the national government?
SEC. ROQUE: Alam po ninyo ngayon, hindi pa po dumarating iyong 10,000 ng PSG. So, kung hindi po nag-donate ang Chinese government, hindi rin po makakapagbakuna ang PSG. Hindi ko po alam kung bakit hindi dumarating iyong 10,000 na puwede naman pong bayaran ng PSG, pero I can only surmise na mas kinakailangan talagang magkaroon talaga ng agent ang Sinopharm here for the purpose of applying for the EUA.
PIA RAÑADA/RAPPLER: And then, Sir, you also said before that, you said in March that the President decided to just wait for the FDA to issue an EUA for Sinopharm before getting vaccinated. Because around that time you were saying that Palace lawyers were studying the possibility of compassionate use license to be used as legal basis for the President’s vaccination. So, how come he suddenly decided, I won’t wait for the EUA I will just get vaccinated today?
SEC. ROQUE: What changed is the fact that the EUA has been grossly delayed, and that’s why the President, when the Chinese government donated, opted to have his vaccination.
PIA RAÑADA/RAPPLER: And, sir, just a quick follow up lang. Sir, can you just clarify, was the President’s displeasure about Secretary Locsin what led to the Secretary to apologize or are they two separate events?
SEC. ROQUE: Two separate events na po iyan. I was told by Secretary Locsin that he has personally apologized to the Chinese ambassador in my telephone conversation with him this morning.
PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Pia. Back tayo kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary. Tanong po mula kay Jhoanna Ballaran ng Jiji Press: Why was the President inoculated only now if he is covered by the special permit approved for the PSG in February? That’s almost three months.
SEC. ROQUE: Wala po kasing supply na dumating at ngayon lang po dumating iyong 1,000 na additional donation ng Chinese government.
USEC. IGNACIO: From MJ Blancaflor of Daily Tribune: DICT Secretary Gringo Honasan asked the United Nations Development Program to return the funds earmarked for the fee WiFi program. Secretary Honasan said, the department is capable to finish the project on its own. Is it why [garbled] to terminate the agreement [garbled] between the DICT and the UNDP on the grounds that the performance of its foreign contractor was unsatisfactory?
SEC. ROQUE: Well, again ‘no, as one of the primary authors of the free WiFi law, bago pa po ako pumunta ng Malacañang ay kinakalampag na namin ang DICT dahil ang expectation namin ay mabilis po mapapatupad itong batas na ito. Pero ikalimang taon na po, ten thousand pa lang po out of 120,000 ang naitatayo. At doon sa 10,000 na naitayo, this year alone, 500% more na WiFi sites ang naitayo ng DICT mismo kung ikukumpara doon sa mga naitayo ng foreign contractor.
So I think it is very clear na since the right to connectivity, the right to internet is a human right, hindi po katanggap-tanggap iyong delay na nangyayari pagdating sa pagpapatupad ng isang batas.
USEC. IGNACIO: Ang second question niya: How will this move in the middle of the project affect the implementation of the free WiFi law? Does the Palace remain confident that the DICT can meet its target even without the foreign contractor?
SEC. ROQUE: Wala pong epekto iyan. Baka siguro po mapapabilis pa. Uulitin ko po: 120,000 spots na WiFi, libreng WiFi ang target, sampung libo pa lang po ang naitatayo. At sa sampung libo na iyon, 500% this year ang tinayo ng DICT compared kung sa mga naitayo na o naikabit na ng foreign contractor.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Okay. Via Zoom, Joseph Morong please.
JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir. Good afternoon po. Sir, I’ll do away with iyong question na pinakisuyo ni Ate Rocky kasi hindi na raw humabol sa cut off [garbled] from Leila ‘no. Kanina, sir, si Mayor Magalong was in Laging Handa, and he mentioned something about the contact tracing. Now, Leila’s question is: Contact Tracing Czar Magalong said the DOH rejected the StaySafe app because it still has to be studied thoroughly. StaySafe has also not submitted all of the necessary documentations, that the government can’t say categorically that it is highly reliable. Question: What happens now to the government’s contact tracing efforts which Magalong says is still the weakest link? How can we expect an improvement in the COVID response [garbled]? That’s Leila’s question, charge to Leila.
SEC. ROQUE: Lahat po ng kontrobersiya tungkol dito sa app na ito ay natapos na. Lahat po ng kinakailangang i-donate ay na-donate na po sa Philippine government. At ito po ay ginagamit na po at pinapatupad na po ng ating DILG. At ang technical assistance po is being provided by DICT.
So iyong usapin po na marami pang deliverables, tapos na po lahat iyan and we have decided to go full speed ahead with Safety.PH ‘no. So ano na po iyan, all systems—StaySafe.PH. All systems go na po tayo.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, I’ll go now to my question, but can I go first to Secretary Galvez.
SEC. ROQUE: Go ahead, please.
JOSEPH MORONG/GMA7: Secretary Galvez, good afternoon, sir. Sir, last night po kay Presidente ‘no you reported that our strategy now is to target not 110 million Filipinos but something like 83 million in the COVID-hardest hit areas in the country para magkaroon at least in those areas a herd immunity ‘no kasi 70% lang naman ng population iyong kailangan doon sa areas.
Now, my question, sir: When do we intend to finish vaccinating these target areas?
SEC. GALVEZ: Ang target natin ay talagang kunin iyong 70 million na herd immunity. Pero nakikita natin ngayon, with the constrictions of the global market lalo na iyong nangyayari sa India na nandoon iyong 30 million natin na mga vaccine na kinuha so there is a possibility talaga na magkaroon ng delay.
So in case na magkaroon tayo ng delay and we were not able to substitute iyong mga vaccine na makukuha natin sa mga lugar na nakita natin na nagkakaroon ng constriction, ang ginagawa natin, we will have a realistic target of having arranged of 50 to 70 million. So in order to really get the same effect, the same effect, kunin natin iyong mga strategic areas wherein doon magkaroon ng tinatawag nating affectation, at the same time, it has the highest economic and social impact.
So iyon ang ginagawa natin strategy kasi kung nakikita natin na realistically, we will have a shortfall of supply, we need to strategize that we will get the same effect.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, kailan po iyong target natin na makuha lahat ng percentage doon sa highly affected areas?
SEC. GALVEZ: Ang target namin, nagkaroon kami ng simulation, ang tawag namin doon ay [unclear] Model. Si Mr. Pepot is siya iyong pinaka-logistic officer ng Jollibee. He is one of our supply chain na expert. Ang ano natin is we can have the herd immunity sa NCR and the plus six provinces around NCR by November; iyon ang tinitingnan namin, 180 days.
But ang target natin sa iba is we will scale up to 213 days with more or less, with the same tinatawag nating productivity of having more or less iyong target natin is sa NCR 120,000 a day; but in our national target, 500,000 jabs a day.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, thank you. Sir, I don’t know if it’s covered by CDA, but can you give us a ballpark figure of how much the Sinopharm vaccine would cost if we buy it?
SEC. GALVEZ: Sa ngayon, wala pa namang ano tayo sa Sinopharm considering that wala pa itong EUA so we cannot access the vaccine until such time na it will have an EUA. Pero ang nakikita natin, initially, iyong ating mga vaccines na binabayaran ngayon ay nagiging public domain na iyong information about the price. Yes, because considering that we transfer money through the banks and it will become transparent already.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, Sinopharm, no cost, ballpark?
SEC. GALVEZ: Ang Sinopharm ballpark nung inisyalan natin is ang nakikita natin dati, that it has the initial ano of more or less 76 dollars. But apparently, it went down to 40 dollars. Kaya medyo may kamahalan pa rin siya. But we believe na just in case, just in case na maging available ang Sinopharm, it doesn’t matter iyong price kasi nakita natin iyong strategy ng Israel and they bought the vaccine twice the price so that they can have the access and steady supply of vaccine.
So iyon ang pinakatalagang importante, Joseph. We need to have a steady supply of vaccine, at least 15 million a month.
JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. Thank you for your time, sir. Secretary Roque, can I go to you, please.
SEC. ROQUE: Go ahead please.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, my question is on the prominence of the vaccine that was used by the President. You keep talking about 1,000 doses of Sinopharm. When did this arrive?
SEC. ROQUE: I have no information. I was just informed that this forms part of a thousand additional donation from China. I don’t know if Secretary Galvez knows.
SEC. GALVEZ: I believe iyong 1,000 na iyon is the same flight ata, the same flight that we have iyong 500,000 na donation.
JOSEPH MORONG/GMA7: Ah isinabay, sir, doon sa Sinovac. Sir, okay. Secretary Roque, what is the edge of Sinopharm vaccines over all the other vaccines that we have in our portfolio? Would you say now, sir, that since the President took it, this is the safest vaccine? And if this is the safest vaccine for the President, why are we not using it for the ordinary Filipinos?
SEC. ROQUE: The President officially said that he opted for this brand upon advice of his doctor, and I will leave it at that.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, kay Secretary Locsin, just one last topic, Sir. When did Secretary Locsin apologized to the Chinese ambassador here?
SEC. ROQUE: I’m not sure when but he told me about it in my telephone conversation with him this morning.
JOSEPH MORONG/GMA 7: What the President was referring to when he said that rude and disrespectful language is not allowed. He was referring to Secretary Locsin’s tweet when he used expletive to address the Chinese Government? Is that correct, Sir? Is that what he’s referring to?
SEC. ROQUE: I believed so.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Was he made to apologize or he apologized voluntarily?
SEC. ROQUE: The President did not asked him to apologize but Secretary Locsin did it on his own.
JOSEPH MORONG/GMA 7: All right, Sir. Thank you for your time. Secretary Galvez, thank you.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Joseph. Balik tayo kay Mar Jimenez, PIO ng Parañaque.
PQUE PIO JIMENEZ: Thank you, Mr. Secretary. Can I call now on Jacob Lazaro of One News PH please?
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: Good afternoon.
SEC. ROQUE: Good afternoon.
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: I have three questions. First is: Was the pilot rollout a success enough that we can adequately manage such delicate vaccines such us sputnik and Pfizer?
SEC. ROQUE: I defer to Secretary Galvez.
SEC. GALVEZ: Iyong nakita natin, iyong Sputnik at saka iyong Pfizer, kailangan talaga ng very specialize handling. We can say that this is very successful: One, kung walang wastage; second is iyong uptake mataas. Nakita natin na we are very happy that the uptake of Sputnik is so high na iyong supposed to be 1,000 lang iyong idi-deliver natin ngayon, we need to have an emergency storage ng another batches kasi nakita natin talagang overwhelming iyong reception ng taga-Parañaque. Nagpapasalamat po kami kay Parañaque Mayor. And third na tinatawag nating success is at least iyong adverse effect at saka iyong tinatawag nating possible clinical effect is naging favorable. Ibig sabihin, it’s safe and effective and I believe si Madame, isa sa mga ano natin sa mga doktor.
Q: Magandang umaga po. Tama po ang ating mahal na Secretary Galvez. And we are even surprised na napakadami ng dumating ngayon na ating mga interested group of vaccinees na who would like to avail of the vaccines.
So, this is the longest line so far ever since we started our vaccination in the City of Paranaque. And we were not expecting this much kasi nag-prepare lang kami ng mga na-text namin but apparently marami pong dumating as walk-in.
SEC. ROQUE: Si Mayor Olivarez, ano pong assessment ninyo so far dito sa rollout ng Sputnik V dito sa inyong siyudad?
MAYOR OLIVAREZ: Secretary, maganda iyong kumpiyansa dito sa Sputnik V. Makikita po natin na aside doon sa atin pong mga pinapunta po rito. Kasi iyong atin pong mga beneficiary based po ito sa online registered doon po sa date registered, pero nag-accept po tayo ng walk-in as quick substitution list kasi hindi po dapat masayang po ang iyong ating vaccine kasi iyong pag-handle po ito may specific minute lang para ma-implement po natin. At makikita po natin ang city po natin through our CHO (city health office), mayroon tayong mga bio-ref rito para ma-control po natin iyong temperature noong ating vaccine.
SEC. ROQUE: Thank you. Next—
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: Quick question lang po doon: Facility-wise po, are we prepared to handle the storage and transportation ng Pfizer or Sputnik?
MAYOR OLIVAREZ: In terms of Parañaque, yes. Kami po ay nagkaroon ng memorandum agreement doon po sa Zuellig Pharmaceutical Company na isa pong professional na nagha-handle ng logistics. Sila po iyong in-charge na kumukuha from the airport or from other storage tapos from their storage dito po sa Parañaque sa Zuellig to our vaccination center tapos iyon pong ating mga bio-ref available po sa ating mga vaccination center.
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: Kay Secretary Galvez po—
SEC. ROQUE: Secretary Galvez will add.
SEC. GALVEZ: Bali iyong tinatawag nating Pfizer, Moderna, at saka iyong Sputnik, ito iyong tinatawag nating specialized vaccine na mayroon talagang subzero na storage. Ang ginawa natin para at least talagang wala tayong wastage, we contracted already a third party. So, kasama sa kontrata sa World Bank iyong kontrata ng for example Moderna, nakalagay doon iyong Zuellig ang magha-handle.
So with that, alam naman natin na iyong talagang mga high-end na pharma third party provider, kapag once na nalaman ng Pfizer at saka ng Moderna and also with the Zuellig na kayang-kaya natin i-handle, they will bring more.
So, iyon ang nakikita natin kaya nga nakita natin selected lang sa mga LGUs ang binibigyan natin. For example, ang ano natin talaga dito sa Pfizer kailangan talaga dito lang sa mga centers na may mga cold storage facility tayo.
So, huwag kayong mabahala, kayang-kaya natin iyong Pfizer at saka iyong Moderna and also iyong Sputnik in terms of handling kasi iyong ating mga doktor at saka iyong ating mga tinatawag nating mga local health officer ay alam na alam na po iyan sa kanilang pagha-handle kasi nagkaroon na po sila ng training ever since na mayroon tayong supposed to be na Pfizer na darating last February 15.
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: Sir, question lang on that. Kasi hindi ba iyong five cities na napili ngayon based sa capability nila for the ultra-cold storage. Kapag dumating na iyong mga more doses ng Sputnik, magbibigay po ba tayo sa mga outlying provinces and how do we make sure that they have enough facilities for the storage and transportation?
SEC. GALVEZ: Actually, mayroon tayong evaluation na ginagawa ang National Vaccination Operation Center natin under Usec. Cabotaje at saka nandito rin si RD, si Dra. Paz, na talagang ini-inspect at ini-evaluate nila iyong mga storage facility.
And iyong mga nakikita namin iyong mga LGUs na talagang very responsive at they have invested so much and they even bought itong mga ultra cold chain facility ay iyon po ang binibigyan namin.
And then we also pilot test. For example, ito pinilot test namin iyong Parañaque and we are satisfied, bibigyan namin siya ng malaking volume at the same time iyong ibang mga other 12 cities ng Metro Manila, bibigyan din natin in trickles kapag nakita natin na kayang-kaya nilang i-handle, puwede natin silang muling buhusan ng mga doses including iyong Cebu, iyong Davao and even iyong sa Region IV-A and Region III.
Pero ang ginagawa natin in order to prevent iyong risk of spoilage, doon lang sa mga selected areas that we have iyong tinatawag natin na mga areas na nandoon iyong tinatawag nating third party provider po natin.
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: Sir, I guess last na lang ‘no, quick lang. Ano po iyong breakdown at saka brands ng vaccines na makukuha natin this month? Iyong quantity po? [last question na iyon]
SEC. ROQUE: Iyon pong sa buong 2021 or?
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: Hindi, this month lang po.
SEC. GALVEZ: Sa this month, makukuha po natin two million po ng Sinovac and we are negotiating kay Ma’am Olivia na sana magkaroon tayo ng at least one or two million this month sa Sputnik.
And may maganda tayong balita na most likely baka may darating po na either iyong Moderna or Pfizer coming from COVAX.
So, mayroon naman po tayong in-order sa Moderna na supposed to be this May iyon darating iyong 194,000 but because of the constriction of some supply dito sa US ay na-delay po, naging June.
So, sa ngayon po ang inaasahan po natin is iyong sa Sputnik na more or less one to two million; then sa Sinovac na two million; and then most likely kung matuloy po iyong Pfizer na mayroon pong maibibigay po na 193,000, iyon po ang hinihintay po natin.
JACOB LAZARO/ONE NEWS PH: That’s all. Thank you.
SEC. ROQUE: Go ahead Usec. Rocky please.
USEC. IGNACIO: Yes, thank you. Secretary, unahin ko na po iyong tanong naman ni Haydee Sampang ng DZAS: Ano daw po ang reaksiyon ng Palasyo na kinansela na ni Carrie Lam ang no vaccine no visa policy for OFW pero swab test is mandatory? Carrie Lam has asked Labor Secretary to review scheme and hold discussion with consulates from countries that provide most domestic workers.
SEC. ROQUE: Well, we appreciate po the gesture of Madame Lam and of course we welcome also the mandatory testing ‘no. In fact, we are also ramping up our own testing here in the Philippines because talaga naman pong kapag hindi mo tinest hindi mo alam kung nasaan ang ating kalaban.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Leila Salaverria: The President disown the tweets of DFA Secretary. What effect if any will this have on the DFA’s diplomatic protest versus China’s incursions in the West Philippine Sea? Won’t this weaken our diplomatic protest?
SEC. ROQUE: Wala pong epekto iyan dahil ito naman pong mensahe ng ating Presidente eh wala pong lugar ang pagmumura pagdating po lalung-lalo na sa sensitibong larangan ng diplomasya.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: Why did the President say he never promised to retake the West Philippine Sea or pressure China when he claimed during the campaign that he would ride a jet ski to the West Philippine Sea and plant the Philippine flag? What are Filipinos supposed to make of this seeming turnaround from the President? Same question with Jam Punzalan of ABS-CBN Online.
SEC. ROQUE: Wala pong turnaround iyan kasi ang sabi ni Presidente hindi niya pinangako na mababawi niya iyong mga nawalang teritoryo.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. By Zoom, Melo Acuña please.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Good afternoon, Secretary. Magandang tanghali po. Nagkausap po kayo ni Secretary Locsin sa telepono?
SEC. ROQUE: Opo.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Opo. How did he take the instructions of the President?
SEC. ROQUE: Inunahan na po niya ako na nag-apologize na siya kay Ambassador.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Opo. Wala po siyang binanggit na he’s considering resignation as an option?
SEC. ROQUE: Wala pong binanggit na ganoon.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Ah, okay. Maraming salamat po. Para po kay Secretary Galvez ang tanong ko. Secretary Galvez, baka po puwedeng bigyan ninyo kami ng imbentaryo ng mga bakuna na hawak natin ngayon at iru-rollout? Sapagkat sa isang panayam kay Secretary Karl Kendrick Chua sa isang telebisyon, nabanggit niya na iyong recovery ay nakasalalay sa successful vaccine rollout. If we don’t have the vaccines, what is there to consider para sa ating rollout? Thank you very much.
SEC. GALVEZ: Sa ngayon mayroon na po tayong 4,040,600 na nasa inventory po natin at sa inventory pong ito, mayroon na po tayong almost 2 million na na-administer. At ngayong May 7 mayroon po tayong darating na another 1.5 million from Sinovac and most likely mayroon din po na another million from Sputnik. So nakikita po natin na this coming June, mas tataas ang ating inventory na magkakaroon tayo ng 10.3 million coming from 4 to 5 new vaccine orders that we had. And nakikita natin this coming July, tataas na po iyon nang 15 to 20 million po.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Yeah. Would you have any idea kung paano nakakarating iyong mga sinasabing palsipikado o counterfeit na mga bakuna at gamot na may kinalaman sa COVID sa bansa natin?
SEC. GALVEZ: Nakikita natin maganda iyong safety net natin kasi ang ginagawa po natin, direct po tayo, ang ating negotiation with the government, iyong G-to-G at the same time bilateral po. Wala po tayong tinatawag na negotiation na hindi po alam noong mga manufacturer doon sa abroad. So ang maganda po sa atin, direct negotiation po tayo sa manufacturer.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: So everything that is being sold in the country through the internet is fake?
SEC. GALVEZ: Mayroon na po tayong pinapaimbestigahan kaya nga sinasabihan po natin ang ating mga LGUs at ang ating mga mamamayan na huwag po kayong bibili na wala pong tripartite agreement. Dapat po dumaan po sa amin kasi po kami po ang nakakaalam kung iyon pong tinatawag nating dealer na iyon ay fake at saka po legitimate.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Opo. Please update us later kung sinu-sino na iyong naimbestigahan. Thank you very much, Secretary. Thank you, Secretary Harry. Salamat po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Melo. We go back to Mr. Mar Jimenez, please.
PIO MAR JIMENEZ: Yes. Thank you, Mr. Secretary. Can I call on Sheena Torno of SMNI, please.
SHEENA TORNO/SMNI: Good afternoon po, sir. Good afternoon po sa ating lahat. So question ko po for Mayor Olivarez. So Mayor aside from Ayala Malls, so ilan at ano pong malls sa Parañaque po iyong nag-commit sa pamahalaan na ipagamit ang kanilang pasilidad na gawing vaccination site?
PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Aside po sa Ayala, ginagamit na rin natin for the past one month iyon pong mga SM mall. So ginamit na po natin iyong ating SM Sucat pati po ang SM BF. In fact bukas mayroon tayo sa SM Sucat, iyong atin pong mga second dose noong ating Sinovac. So I would like to take this opportunity na magpasalamat sa private sector.
SHEENA TORNO/SMNI: So ito po iyong second question, Mayor: Ilan po ang inaasahang mababakunahan gamit ang Sputnik V vaccine ngayong araw?
PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Minimum of 1,500 – iyan po ang target po natin. Ang pinadala po sa Parañaque is 3,000 so hindi po matatapos po ito ngayong araw na ito. May schedule pa ho tayo ng vaccination sa Ayala para sa Sputnik V.
SHEENA TORNO/SMNI: So last na lang po talaga, for Secretary Galvez. So sir aside from SM mall, may schedule din po ba kayo na mag-ocular visit sa iba pang mall na possible na gawing vaccination site?
SEC. GALVEZ: Ayon sa report ng ating private sector, lahat po ng malls lalo na po iyong Robinsons, Ayala and also SM and to include iyong ating Megaworld areas ay nagbigay po ng intensiyon na gamitin po iyon. Kasi po nakikita po natin sa darating na panahon na mayroon bagyo at saka mayroon pong tinatawag nating kalamidad, ito pong mga malls ang very sturdy at saka magagamit po natin. At ang nakikita po natin na napakaganda po ng tinatawag nating vaccination site considering na iyong ating mga vaccinee puwede pong umikot muna habang naghihintay po ng kanilang queuing. So iyon po, nagpapasalamat po kami sa private sector considering na itong mga mega vaccination site na ‘to malaking tulong po sa amin.
SHEENA TORNO/SMNI: Thank you po, sir.
SEC. ROQUE: Okay. Balik kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Tanong ni Maricel Halili ng TV5: Private cameras have already been distributed to PNP but they are still finalizing the protocols. Ang isa raw sa mga issue sa paggamit nito ay ang privacy. Puwede bang magamit ang videos mula rito bilang ebidensiya sa korte? If not body cams, what are the other options of law enforcers to prove that they are not abusing their powers during drug operation?
SEC. ROQUE: Well alam ninyo po ang mga cameras, kasama po iyan sa tinatawag natin na physical evidence and physical evidence of course when being appreciated by the court is a lot more believable than testimonial kasi hindi po iyan pupuwedeng matakot, hindi po iyan pupuwedeng magsinungaling ‘no. Wala naman pong issue sa pagtanggap ng body cam as evidence dahil ginagamit na po ito sa napakadaming bansa sa daigdig ‘no. So this is physical evidence at ang iri-require lang po siguro is ma-qualify nga kung ano iyong camera at kung sino nagsuot noong camera na iyon at sino nag-turn on ng camera na iyon. But I don’t think there should be any concerns about privacy kasi iaanunsiyo naman po natin, ng gobyerno iyan na lahat po ng pulis na pupunta sa operations ay may suot nang body cam.
USEC. IGNACIO: Iyong second question po niya ay nasagot ninyo na, Secretary, iyong kung ano naramdaman ng Pangulo after noong first dose ng Sinopharm at iyong second dose niya. Same po sila ng tanong ni Einjhel Ronquillo ng DZXL. And then ang tanong naman po ni Vanz Fernandez, iyong ikalawa niyang tanong ay nasagot ninyo na. Pero iyong follow up niya: Wouldn’t that mean China taking even more advantage of the Philippines’ attempt of being friendly with China and China in turn using that friendship as a leverage to force our silence on the West Philippine Sea dispute?
SEC. ROQUE: Alam mo lilinawin ko po ‘no, kung gugustuhin ng Tsina, wala pong makakapigil sa kaniya kung talagang gagawin niya muli iyong ginawa niya sa panahon ng nakalipas na administrasyon. Pero sa ngayon po, nagkaroon ng kasunduan na si Presidente at si Presidente Xi na wala pong bagong mga reclamation na gagawin, wala pong bagong isla na tatanggalin sa ating posisyon, status quo kumbaga at tumutupad naman po sa usapan ang China. So hindi ko po maintindihan kung ano iyong premise ng tanong na mayroong pagsasamantala na puwedeng gawin ang Tsina. Hindi po! Tumutupad naman po sa ngayon sa kasunduan na status quo muna.
USEC. IGNACIO: From Jam Punzalan of ABS-CBN online: You previously said that the President supports the community pantries. Why did he say that people should wait for government aid instead? Wouldn’t that encourage people to rely on government dole-outs instead of encouraging Bayanihan?
SEC. ROQUE: Hindi naman po sinasabi ni Presidente na itigil ang community pantry, ang worry lang po niya, eh iyong mga nababalita na nga po na nagiging super-spreaders po itong mga community pantries. So ang pakiusap lang po natin eh makipag-ugnayan po a lokal na pamahalaan at siguraduhin na may social distancing at tumutupad sa iba pang mga minimum health standards ang mga community pantries.
USEC. IGNACIO: From Einjhel Ronquillo of DZXL, for Secretary Galvez: Kung si Presidente lang daw po ba ang binakunahan kagabi o maging sina Senator Bong Go at ilang Cabinet members?
SEC. ROQUE: Already answered na po. Presidente lang po kagabi.
USEC. IGNACIO: Ano daw po ang update sa EUA application ng Sinopharm?
SEC. ROQUE: Wala pa pong movement. May dalawang nag-apply pero wala naman pong maka-produce ng dokumento na they are authorized by Sinopharm kaya hindi po umuusad. Dahil iyong mga datos rin ay wala rin pong nagpiprisenta sa FDA.
USEC. IGNACIO: From TeleRadyo News Desk: Reaksiyon lang po sa sinabi ni Professor Clarita Carlos sa interview sa TeleRadyo na kaya napakabait ng pagtrato ni Pangulong Duterte sa China eh dahil nagpapagamot diumano siya roon at iyong isang college daw po doon ay ipinangalan sa kaniyang ina?
SEC. ROQUE: Ang alam ko lang po, may isang college na pinangalan sa kaniyang ina, pero malinaw po iyong polisiya natin, hindi tayo mabait. Ang ginagawa lang po natin praktikal: Isinasantabi natin ang hindi mapagkasunduan at isinusulong iyong mga bagay-bagay na pupuwede nating isulong kagaya ng kalakalan at iyong mga pamumuhunan.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Celerina Monte ng Manila Shimbun. Follow up daw po sa opening statement ni Secretary Roque: Why is there a need to tell China’s assistance amidst our territorial dispute with Beijing? Just to compare China’s assistance with other countries, which is based on the latest 2019 official development assistance portfolio review by NEDA: Japan’s total ODA both grant and loans is 8.5 billion dollars, Korea 633 million dollars, China 590 million dollars. When it comes to grant alone – US, 577 million dollars, compared with China’s 97 million dollars?
SEC. ROQUE: Wala po tayong kinukumpara, ang binasa ko lang po is a statement of fact, ito po ang mga proyekto na napondohan na ng mga Tsina at iyong mga halagang natanggap na natin sa Tsina. Statement of fact lang po iyon.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary, iyan lang po iyong mga nakuha nating tanong.
SEC. ROQUE: Okay, wala na po pala tayong mga tanong.
Maraming salamat po sa lahat po ng ating nakasama ngayon. Unang-una sa ating panauhin, si Secretary Carlito Galvez, si Mayor Olivares.
Bago po tayo magtapos ‘no, ang aking classmate sa 17th Congress si Congressman Eric Olivarez. Cong, anong payo ninyo doon sa mga nag-aatubili pa na magpabakuna na ngayon.
CONG. OLIVARES: Ako po ay nag-aapela sa ating mga kababayan na magpa-register at magpabakuna laban sa COVID-19. Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: At siguro kay Vice Mayor Golez. Vice, ano bang kailangan ng mga taga-Parañaque para mabakunahan, mayroon ba silang pupuntahang internet site para sila ay magrehistro, ano po?
VM GOLEZ: Yes, mayroon silang QR code na pupuntahan, iaano lang nila iyong cellphone nila doon at magri-register na sila. Upon registration po ay may system na po ang City Government para po sila ay tawagan at masabihan ng kanilang schedule.
SEC. ROQUE: So muli po maraming salamat, Secretary Galvez, Mayor Olivares. Lahat po ng ating naging panauhin. Maraming salamat Usec. Rocky. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps at sa lahat po ng media na dumalo ngayon dito sa Ayala Malls and Ma’am Mariana thank you po for graciously hosting us in your Ayala Malls by the Bay.
Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque ang nagsasabing Pilipinas malapit ng matapos ang problema sa COVID at heto na nga po ang bakuna. Pangatlong brand na po ito, huwag po kayong mag-aalala babalik po tayo sa normal. Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)