Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo – Tutok Erwin Tulfo, Radyo Pilipinas


ERWIN TULFO: Magandang umaga po Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

SEC. ROQUE: Magandang umaga Pareng Erwin, Magandang umaga Pilipinas. Nandito po tayo ngayon sa SM Mall of Asia kung saan binuksan po natin ang kauna-unahang Giga Vaccination Facility, hindi lang po ito Mega, Ito po’y Giga.

Ibig sabihin gigantic at ito ay kaya po nilang magbakuna ng 2,000 tao kada isang araw at tunay po na talagang matatapos na ang ating problema dito sa COVID-19 at ang mabuting balita kasamang Erwin kanina po ay dumating na naman iyong 1.5 million na Sinovac at bukas po darating 2 milyon AstraZeneca na galing po sa COVAX Facility.

Inaasahan po natin na itong buwan ng Mayo tapos na po iyong kakulangan natin sa bakuna dahil pitong milyon pong bakuna ang darating sa buwan po ng Mayo.

ERWIN TULFO: Ang tanong po natin diyan sir: Masusunod po ba iyong kahilingan ng ilang eksperto—

SEC. ROQUE: Hello. [signal cut]

ERWIN TULFO: Sir, can you hear me? System Interrupted.

SEC. ROQUE: Kailangan ma-improve ang ating telecom.

ERWIN TULFO: Anyway sir, iyong sinasabi ninyo na 1.5 na dumating kanina na Sinovac at AstraZeneca bukas. Sir, ito ba ay idi-distribute sa Metro Manila? Kasi sabi ng ilang eksperto mas maganda kung unahin na ang NCR Bubble Plus para kahit papaano ay malumanay na lang ang pagkalat sa mga lalawigan, Secretary.

SEC. ROQUE: Tama po iyan, matagal ng napagdesisyunan ng IATF na bilang istratehiya, unahin natin ang Metro Manila at iyong mga karatig na mga probinsiya, itong Metro Manila Plus na tinatawag at kasama na rin diyan ang Metro Cebu at saka Metro Davao.

Kasi kung titingnan ninyo naman ang bulto ng mga kaso nandito sa Metro plus at kapag nagkaroon tayo ng herd immunity dito Metro Manila plus ay halos wala na tayong problema sa COVID dahil iyong ibang parte naman ng Pilipinas ay talagang mababa naman po ang COVID. Siguro iyan pong sa Cordillera ay isasama na rin natin dahil mataas din diyan ano; pero generally po Metro Manila ang problema.

ERWIN TULFO: Kailan po iru-rollout itong mga dumating kanina at saka darating bukas, kailan po ito ipapadala sa iba’t-ibang mga lungsod, Secretary?

SEC. ROQUE: Mabilis lang po iyan, sa [garbled] mayroon lang pong tinatawag na certificate of analysis para masigurado na kapareho ng kalidad iyong mga dumarating. Pero mabilis po iyan at kanina nga po kasama ko rin si GM Jojo, sabi naman niya basta meron namang supply eh kaya nila na halos 20,000 hanggang 150,000 a day ang mababakunahan dito po sa Metro Manila.

ERWIN TULFO: Wow. So iyan po iyong Giga Vaccine Center, in preparation para doon sa Metro Manila sa NCR, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, hindi lang po preparation kasi actually ngayon pong araw na ito mahigit 500 na rin ang babakunahan na mga seniors na nanggagaling po dito sa Pasay. So hindi lang po siya inauguration kung hindi diretso gamit na po talaga itong Giga Vaccine Facility na ito.

ERWIN TULFO: Pero, mga taga-Pasay lang iyan o kahit sa iba’t ibang mga lugar Secretary puwede po pa rin diyan?

SEC. ROQUE: Kasi po iyong allocation natin sa bakuna kailangan dumaan sa lokal na pamahalaan, so iyong mga babakunahan po kinakailangan na magpakita ng ID na sila po mga taga-Pasay.

ERWIN TULFO: Alright. Secretary, pahabol ko lamang meron pa rin po akong tatlong question. Iyong napag-usapan po natin kahapon, ito po ba ay nairekomenda na sa IATF, iyong mga Balikbayan, mga OFW natin na nabakunahan na sa abroad na sila po ba ay ganoon, ilalagay sa walong araw na quarantine despite the fact na meron silang bakuna na natanggap na sa ibayong dagat, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, nasangguni ko na po iyan pero pinadala na po iyan sa technical working group para mabigyan po ng recommendation ng IATF. Pero, maya-maya lang po sa aking… hindi po press briefing pero meron tayong special announcement ng bandang ala-una kasama na rin po riyan iyong napagkasunduang protocol para sa mga OFW kung magkakaroon ng bago pero meron po tayong importanteng anunsiyo mamayang ala-una.

ERWIN TULFO: Ay naku aabangan ko po iyan Secretary Roque. Moving forward Sec., iyong debate raw kinol po ni Justice Carpio at itong Philippine Bar Association ay nag-volunteer na sila ang magiging moderator po diyan o referee. Ano po ang masasabi ninyo dito Sec.?

SEC. ROQUE: Kasama po iyan sa anunsiyo ko mamayang ala-una.

ERWIN TULFO: Okay. Panghuli na lamang Secretary, iyong utos daw ng Pangulo na pagpapakulong sa mga walang face mask inalmahan po ng CHR at ibang progressive group dahil daw po mukhang… baka maabuso raw. Pangalawa, baka mapuno ang mga kulungan eh magsisiksikan ang mga tao baka lalong kumalat lang ang COVID, Secretary?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po talagang matindi po itong kalaban natin na COVID at lalung-lalo na may mga new variants. Matindi na nga itong variant na galing sa South Africa, galing sa UK. Itong South African variant, iyan na ngayon ang free dominant variant dito sa Pilipinas.

Mantakin ninyo, dati-rati Hong Kong ‘no pero ito talaga kaya nakita natin mas nakakahawa kaya lumobo ang numero natin, eh nandiyan pa po iyong Indian variant na double mutant. Lahat po ginagawa natin para maiwasan ang pagpasok niyan pero importante po talaga na ang sandata natin iyong minimum health standard at kaya nga po talagang ipinapatupad na nga ni Presidente ngayon dahil kung hindi po baka mamaya talagang mala-India na tayo kung hindi natin ipapatupad ang pagsuot ng mga mask na ito.

So konting intindi lang sa parte ng buong sambayanan, ito po ay para sa kabutihan ng lahat at dahil habang hindi pa natin nababakunahan ang lahat kinakailangan po talaga gamitin ang sandata, ito po ang Mask, Hugas, Iwas at bakuna.

ERWIN TULFO: Secretary, maraming salamat po. Abangan po namin ang inyong announcement mamayang ala-una, ingat po kayo Sec., Good morning.

SEC. ROQUE: Maraming salamat at magandang umaga po.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center