USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Mga usaping bakuna laban sa COVID-19, new normal sa sports at mga programa kontra korapsiyon ang tatalakayin natin ngayong araw ng Miyerkules, May 12, 2021. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Nakakaalarmang balita po iyong inanunsiyo kahapon ng Department of Health, ang tinaguriang variant of concern iyong B1617 na unang naitala sa India nakarating na dito sa Pilipinas. Dalawang kaso ng tinaguriang double mutant COVID variant ang natagpuan sa dalawang magkahiwalay na returning overseas Filipinos na umuwi sa bansa noong Abril – ang isa po ay nagmula sa bansang Oman, habang ang isa naman ay galing sa United Arab Emirates. Wala po silang history ng pagbiyahe sa India. Nilinaw naman ng Department of Health na agad din namang naka-recover ang dalawang returning Overseas Filipinos at nagnegatibo na po sa COVID-19 matapos muling sumailalim sa swab test.
Kaugnay niyan hinimok naman po ni Senate Committee Chair on Health and Demography Senator Bong Go ang taumbayan na huwag mag-panic at manatiling sumusunod sa health and safety protocols na ipinaiiral po ng pamahalaan para hindi na kumalat pa sa bansa ang naturang variant of concern. Ang kaniyang pahayag, sa report na ito:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sa nagdaang linggo po ay higit tatlong milyong doses ng mga bakuna kontra COVID-19 ang muling dumating sa bansa. Ito ay ang karagdagang bakuna mula sa Sinovac at AstraZeneca at ang initial shipment ng mga bakuna mula sa Pfizer-BioNTech. Ngayong sunud-sunod na po na nadaragdagan ang ating supply, makikibalita po tayo dito sa takbo ng vaccination program ng pamahalaan, makakausap po nating muli ang Chairperson ng National Vaccination Operation Center ng Department of Health, Usec. Myrna Cabotaje. Good morning po, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga Usec. Rocky at sa lahat ng nakikinig dito sa ating programa.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., unahin ko na po itong tanong ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN News ano po: Sa ngayon, ilan na daw po sa higit 2 million doses ng AstraZeneca vaccine at sa higit 1 million doses ng Pfizer ang na-deploy na po sa LGUs at kailan daw po inaasahang maidi-deploy lahat ito?
DOH USEC. CABOTAJE: Iyong sa AstraZeneca, mayroon na tayong 82% na na-deploy so 1.6 million out of the 2 million have already been deployed. So may mga 361 lang na naghihintay lang ng flights. Tapos iyong sa Pfizer, na-deploy na natin iyong 84,000 out of 193,050 so itutuloy pa rin ibigay ito sa cities ng NCR, iyong hindi pa nabigyan kahapon at naibigay nga sa Cebu and Davao.
USEC. IGNACIO: Opo. From Carolyn Bonquin naman po ng CNN Philippines at kay Sweeden Velado ng PTV: Ilan daw po ang inaasahan na average vaccinees per day this May because of the new batch of vaccine deliveries at ano daw po ang target number para sa second quarter?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang tinitingnan natin na—we are working from 30,000 last time so we are now reaching 60,000 to 70,000. We hope we can reach 70,000 or higher. Nagkaroon po tayo ng isang—one time noong nag-issue tayo na all first doses iyong AstraZeneca, naka-100,000. So we would like to reach at least more than 70,000 per day for the next month. So next quarter po, we will have more, we will have to have 100 to 200 thousand more per day.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Sweeden Velado ng PTV News: In terms daw po ng vaccine rollout, what plans do we have in place now that presence of Indian COVID variants in the country are confirmed? Are we expecting activation of more vaccine hub to expedite our vaccination?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, because marami na tayong vaccines so kailangan para ma-meet iyong ating target jabs per day, we need to expand the existing number of vaccination sites. Kung sabihin natin—currently we have 1,000 na nagri-report. If they have 100 per day, nakaka-100,000 tayo but it depends on the number of vaccines that they had. So they will really look by area, ano ba iyong mga population nila, ano ba iyong kailangan nilang ibakuna na number and we will be able to get to the numbers that we have targeted.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Pitong milyon na ang doses ng mga bakuna na dumarating sa bansa, 2 million pa lang po ang nababakunahan. Ano po ang nakikita ninyo daw problema dito at ano po ang gagawing solusyon para mas lalong mapabilis ang rollout?
DOH USEC. CABOTAJE: Unang-una, tingnan natin na iyong Sinovac two doses iyan. Lahat ng mga bakuna two doses so nagri-reserve tayo ng pangalawang dose. Ang Sinovac ay 28 days apart, ang Pfizer are 21 days apart, tapos iyong AstraZeneca ngayon ay nagiging 12 weeks apart. So ang gagawin natin, kinuha na nga po natin iyong commitment ng ating mga regional health office tapos titingnan talaga nila iyong mga probinsiya at saka mga municipality para iyong mga naka-allocate na second dose for the first dose of the AstraZeneca na 500 ay maibigay na lahat this month or hanggang next month. And then iyong remaining doses na 1.5 million ay gagawin lahat first doses so mabilisan iyan.
Tapos magbibigay na rin iyong mga second dose ng mga Sinovac; kasi first dose lang halos ang naiturok given the total quantities that have been delivered. But of the 300,000 of the—kasi iyong unang batch natin ng Sinovac is 600,000 – naiturok na natin iyong 300,000 tapos may second dose na a little less than 300,000 – may mga 20,000 tayong naka-dropout. So we have accounted for the first 600,000 ng Sinovac. So iyong mga dumating pa na Sinovac eh titingnan natin iyong one month interval.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times, although nabanggit ninyo po iyong mga specific area na bibigyan po ng Pfizer: Paano daw po iyong management ng bakunang ito tulad ng side effects sa monitoring?
USEC. CABOTAJE: Pareho pa rin iyong monitoring. Kung paano tayo mag-monitor ng ibang bakuna, ganoon din, nagta-tagging sila. Ang importante lang dito sa Pfizer, special handling iyan tapos napabalita sa abroad na mas marami siyang side effects ‘no. Nandoon pa rin, naka-standby pa rin iyong ating mga first aid kits, iyong ating mga first aid personnel. Tapos kailangan may referral hospital kung saan dadalhin iyong mga magkakaroon ng side effect. Kung pagkauwi naman sa bahay doon sila nagkaroon ng side effect, bibigyan sila ng number kung sino iyong iku-contact at saan sila pupunta.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., dahil marami na raw pong brand ang pumapasok sa bansa, puwede po ba talagang mamimili ang ating mga kababayan na ituturok sa kanila?
USEC. CABOTAJE: Dapat po hindi. Ang COVAX, iyong AstraZeneca at saka iyong Pfizer ay nakalaan lang po sa A1, A2 and A3. Kapag ano po iyong available na vaccine sa area, iyon po ang dapat ibigay. Ini-schedule naman po ng LGU iyan kung ano na iyong ibibigay na vaccine. Kung anong available, iyon ang dapat ibigay sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol naman po sa AstraZeneca doses na mag-i-expire na by June and July, may tanong po si Lei Alviz ng GMA News: Super slow daw po ang deployment ng national government ng bakuna. According to Manila Mayor Isko Moreno, at kahit daw po major city ang Maynila, kaunti lang ang nakukuha nilang supply.
Ayon naman daw po kay Dr. Tony Leachon, nasa forty to sixty thousand vaccination per day lang po ang nagagawa. Paano raw po mauubos ang 1.5 million doses ng AstraZeneca na mag-i-expire sa June? Sa three million doses naman daw po ng Sinovac, kalahati pa lang daw po ang naibabakuna. Ano po ang masasabi ng DOH dito? Ganiyan din po, parehong tanong ni Aiko Miguel ng UNTV.
USEC. CABOTAJE: Iyong three million, nasabi ko na ‘no. Unang-una, 1.5 million iyong first dose, tapos another 1.5 million for the second dose. So naglalaan talaga tayo pang second dose.
But then, because we have now vaccines that are arriving, depende na iyan sa LGU at saka iyong sa regional kung ilan na iyong darating na mga bakuna, they can administer all their vaccines as first doses para after 28 days, iyong susunod na stock nila ay magiging second dose.
Sa AstraZeneca, based on our experience from the past, noong pinayagan natin na lahat ito ay maging first dose, we were able to target, we were able to have an accomplishment one time highest – 90,000 per day. So kaya natin kung may 1,000 tayong mga vaccination sites ngayon at sabihin nating mga 100 vaccinees per day times one thousand sites, so we can produce the numbers. Maidya-jab natin iyong 1.5 million hanggang end of June for the second dose ng AstraZeneca at saka iyong first dose na remaining, and then may July tayo na 500,000.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., mayroon daw po kayong nais i-present, go ahead po.
USEC. CABOTAJE: Anyway, nasabi na ito, iyong tinanong mo na. Just maybe the first slide to show kung nasaan na tayo. If it can be presented, so nandiyan na tayo sa 2.5 million na nabakunahan; 1.1 million sa ating mga priority A1, iyong ating workers in frontline services; tapos mayroon na tayong senior citizen, individuals with comorbidity. Tapos ito iyong binabanggit ko sa atin, iyong second dose nandoon pa lang tayo sa 355,000 sa priority group 1. And summing up with priority A2 and A3, may 514,000.
So pagdating nang pagbigay na ng AstraZeneca second dose sa 500, tataas na iyan. So this would also tell you that we have 1,047 active sites that have reported. Itong binabanggit ko kanina, kung magkaroon lang sila ng 100 vaccinees per day, aabot tayo sa ating mga targets.
And then the next slide, nasabi na rin natin ito na we have about 7,764,050 na na-receive na natin and five million ang Sinovac, so it will be about 2.5 million for the first dose and 2.5 million for the second dose. So ganiyan ang kalakaran ng ating mga bakuna.
Sa Gamaleya, first dose pa lang ang binigay, iyong first component. Naibigay na halos lahat, wala na tayong dose na naiiwan except that the report is not yet complete. Mga 14,400 pa lang ang nairi-report, but wala ng mga doses. Tapos iyong Pfizer ay nai-distribute na natin – 84,000 ang na-deliver; almost one-half ang idi-deliver pa.
And then the next slide will tell us, sinu-sino iyong mga bibigyan natin ng Pfizer na dumating. So karamihan nito, 128,700 sa NCR, lahat po ng siyudad at munisipiyo ng NCR ay bibigyan. Tapos sa Cebu and Davao, magbibigay rin po tayo.
I think that’s the last slide. So napag-usapan nga natin na, Usec. Rocky, iyong mga contents dito sa presentation. Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Opo. May follow up lang po si Aiko Miguel ng UNTV. Dapat din po ba na i-open na sa A4 sector iyong pagbabakuna kaysa masayang daw po iyong vaccine na may expiring date ng June at July? Ano raw po ang masasabi ninyo dito?
USEC. CABOTAJE: Gusto nating sabihin na ang AstraZeneca ay galing sa COVAX Facility. Ang priority po ng COVAX ay A1, A2 and A3. So hindi po natin puwedeng ibigay sa ibang areas. Kung iri-review natin iyong ating accomplishment, sa A1, mayroon pa tayong mga 24% na hindi nababakunahan; sa A2, six percent pa lang po ang nabakunahan natin. So marami pa tayong kailangan na bakunahang A2 lalo na po iyong A3.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Vivienne Gulla ng ABS0-CBN News: Sa kasalukuyang rate daw po ng pagbabakuna, kaya ba raw maubos ang lahat ng AstraZeneca doses bago ang expiry ng 1.5 million doses? At kung may adjustment ba sa vaccine rollout na ipatutupad o strategy para raw po pabilisin ang pagbabakuna?
USEC. CABOTAJE: Kumuha na tayo ng commitment ng ating mga regional offices. Kinuha na rin nila iyong commitment ng kanilang lokal na pamahalaan, kinausap talaga na ito iyong available na vaccine na puwede na nilang i- jab.
Ang problema noon was there was no vaccine that was available so medyo hesitant silang mag-start at maging agresibo. Now that we have enough vaccine, I’m sure they will be happy to receive it especially in areas na matataas kagaya ng Iloilo City, Cagayan de Oro, the mayor was asking for more vaccines, even Zamboanga has increased in cases. So they are needing more vaccines, and I’m sure they will adjust their strategies para maibigay iyong kaukulang number of jabs within a shorter period. Nasabi mo nga na mas maaga, Usec. Rocky, na we want to vaccinate as fast as we can.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may follow-up lang si Lei Alviz. Ano raw po iyong comment o sagot ng DOH doon sa naging comment naman po daw ni Mayor Isko Moreno na super slow iyong vaccine deployment ng national government?
USEC. CABOTAJE: Ang sinasabi niyang super slow, is it the allocation o iyong pagkuha ng vaccine, because we know that the vaccine arrived in tranches, and we cannot give everybody at the same time. Nagpa-priority tayo ng NCR, about 50 to 70 percent ang nakalaan sa NCR Plus, pero kailangan din nating bigyan iyong ibang region.
Siguro sa feeling niya, hindi niya ready na siya. In fairness kay Mayor Isko, mabilis siya. Kapag binigyan mo ng vaccine, naidya-jab niya lahat. So gusto niya mayroon pa siyang additional doses.
But we also have to take care of the other parts of NCR and the other parts of the country. But I think with more vaccines, mabibigyan na natin ng kaukulang numbers para kapag ready na siyang mag-jab nang mag-jab maibibigay niya iyong kaukulang doses na nakalaan para sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Sofia Tomacruz ng Rappler: Were LGUs given daw po ng deadline of May 18 to administer AstraZeneca doses; if, so, why this date?
USEC. CABOTAJE: Iyong initial na May 18, because we were trying to address na by July 31 naibigay na iyong first at second dose. But during the meeting yesterday with WHO, Sec. Duque, Sec. Galvez, and Sec. Dizon together with the experts, ang napag-agree-han po sa two million, iyong 500 ay magiging second dose ng ibinigay natin noong March tapos iyong 1.5 ay gagawin lahat first doses.
So, hindi na po inaalintana iyong May 18 na deadline basta ang preferred na interval po ay 10-12 weeks kasi mas maganda po ang efficacy kapag ang interval between doses ay longer than six weeks.
Ginawa nating May 18 kasi iyong first batch may May 31 na expiring, so we wanted to make sure na kung mayroon man silang naiwan na vaccine from the May 31 ay magamit na nila kasi may mga kaunting hindi pa nagsauli, nag-iwan ng—We had about 13,920 doses received in March expiring May 31 na hindi pa ho naja-jab. But with the adjustment na all first doses na iyong remaining 1.5 million na wala na po iyong May 18 na deadline for most of the vaccines ng AstraZeneca
USEC. IGNACIO: Okay. May follow-up lang po si Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Ilan exactly daw po ang hindi pa nababakunahan at ilan po ang nabakunahan sa A1, A2 at A3?
USEC. CABOTAJE: Ang latest report po natin sa A1, may 1.1 million na nabakunahan out of the 1.5 na target. So, iyong sabi ko kanina 74% ang nabakunahan at may 23% pa ang hindi nabakunahan. Many of these are from the other regions kasi nag-prioritize po tayo sa NCR, some of the regions did not get enough doses kaya ngayon lang sila nagbabakuna.
Sa A2 naman, ang total natin ay 7.7 na naka-masterlist na A2, ang nabakunahan lang po ay 466,000, iyon iyong first slide natin. So, mga 6% lang po ang nabakunahan sa A2. At kung makikita sa report, karamihan po ng A2, A3, dito lang po sa NCR, CALABARZON, at saka Region III kasi sila po ang binuhusan natin ng mga bakuna.
Kaunting-kaunti lang po iyong sa ibang regions, so halos kaunti lang din iyong kanilang nababakunahan pa sa A2 and A3. Hindi pa nga kumpleto para sa kanila ang A1 but with the AstraZeneca and with the continued Sinovac doses, makukumpleto na po natin iyong ating mga A1 tapos para makumpleto na rin po natin iyong A2.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Einjhel Ronquillo ng DZXL-RMN: Sa Makati daw po mas marami ang bakuna kaysa sa mga babakunahan. So, paano po kaya mahihikayat ang mga kababayan natin na magpabakuna na?
USEC. CABOTAJE: Unang-una, kailangan nating i-address iyong tawag nating vaccine hesitancy sa pamamagitan ng promotion, mga patalastas, mga adbokasiya, tapos dapat mag-schedule—nag-ii-schedule kasi ang Makati kung sino ang pupunta, wala silang walk-in. Nag-ii-schedule sila ng ilan ang pupunta sa kanilang mga vaccination sites but we will have to look into together with the LGU kung talagang hindi sumisipot iyong mga kailangang bakunahan for that day.
They should have alternates, iyong tinatawag nating quick substitution. Kung sakaling 100 ang naka-schedule for that’s day at hindi sumipot, dapat may naka-ready na silang listahan, hahakutin ng barangay sa mga areas para dalhin sa mga vaccination center. Kailangan magtulong-tulungan po ang ating officials sa barangay at saka sa city para maabot iyong mga targets for the day.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Patrick de Jesus ng PTV: Iyon daw pong additional 15,000 na darating mamaya is for second dose ng naunang dumating noong May 1st?
USEC. CABOTAJE: Tama ka, Usec. Rocky, kasi iyong 15,000 ubos na iyan, component 1 lang iyan ng Gamaleya, ang component 2 ngayon dadating. Tapos hindi kagaya sa ibang vaccine ang Gamaleya, magkaiba po iyong component 1 at saka component 2. So, hindi po natin puwedeng gamitin—iyong component one pang-first dose lang; iyong component 2, pang-second dose lang. Hindi kagaya sa ibang vaccine na iyong ni-reserve mong second dose kung may inaasahan ka naman in the next two or three weeks na dadating na the same vaccine puwede mo nang i-jab na first dose para isi-second dose mo iyong dadating.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Is the government daw po considering starting A4 vaccination this month instead of June so that expiring AstraZeneca vaccine will not go to waste?
USEC. CABOTAJE: Sinabi naman na po natin na hindi natin puwedeng ibigay sa A4 iyong AstraZeneca na donated ng COVAX kasi hindi siya allotted for A4 iyan – A1, A2, A3. Ang gagawin na lang titingnan nila kung ano iyong mga dadating pa at the end of the month. Baka puwede na iyong ibang vaccine, iyong Sinovac at saka iyong Gamaleya kapag dadating na pang-A4. Tapos dadating naman iyong sa pang-private sector baka puwedeng mag-simultaneous. But for the AstraZeneca COVAX definitely A1, A2 and A3 lang po.
USEC. IGNACIO: Okay. Iyon pong tanong ni Maricel Halili ay nasagot ninyo na about doon sa comment ni Mayor Isko pero may tanong po siya: Kakayanin ba po daw na mag-GCQ ang NCR after May 14 – sa tingin ninyo – dahil po may ginagawa namang pagbabakuna na?
USEC. CABOTAJE: Aside from the pagbabakuna, alam naman natin bumaba iyong mga cases tapos marami naman pong efforts para i-improve iyong mga isolation beds, iyong mga quarantine, tapos iyong prevention, iyong ating mga track and trace, tapos iyong ating mga ibang measure, hindi ba nagkaroon tayo ng strict enforcement noong ating Bida Solusyon, iyong ating social distancing, iyong wearing mask.
So makakatulong lahat iyan para hopefully maka-declare ng GCQ but the final verdict will come after they present the data this Friday.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng update, Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health. Mabuhay po kayo, Usec.!
USEC. CABOTAJE: Maraming salamat!
USEC. IGNACIO: Samantala, inaprubahan na po ng Food and Administration ng Amerika ang pagbabakuna ng Pfizer vaccine sa mga edad dose hanggang kinse anyos. Ngayong may Pfizer na rin pong dumating sa bansa, ikukonsidera rin kaya ito ng ating Vaccine Experts Panel dito sa Pilipinas, alamin natin iyan mula mismo sa pinuno ng VEP na si Dr. Nina Gloriani.
Good morning po, doc!
BGLORIANI: Good morning, Usec. Rocky and everyone! Naririnig ninyo po ako, ma’am?
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, unahin na po natin iyong tungkol sa Pfizer vaccines ano po, na kadarating lang sa bansa mula sa Amerika po ay aamyendahan na ng kanilang FDA iyong ibinigay na EUA sa Pfizer para maibakuna na rin po sa edad na 12 to 15. Pinag-aaralan na rin po ba ng Pfizer na maiturok ang bakuna nila sa 2 to 11 years-old, ito po ba ay iku-consider rin natin dito sa Pilipinas.
DR. GLORIANI: Ah, yes. Yes po, Usec. Rocky ‘no. Ang mga pag-aaral ng Pfizer ay napakabilis ‘no for these younger children; so iyong sa 12 to 15 ay aprubado na nga sabi ninyo sa Amerika, hintayin na lang po natin na mag-apply sila ng EUA sa atin. Actually, this is an amendment to the EUA that we already have.
So we actually look forward to that kasi ma-address niya po iyong pagbabakuna doon sa isang age group na hindi natin makakaya with the other vaccines ‘no. Well, we were really looking forward to that and in fact it’s not just Pfizer that’s doing the studies on children, pati po iyong Moderna at Janssen, iyong Johnson and Johnson so pero mauuna po talaga iyong Pfizer.
USEC. IGNACIO: Pero Doc, nakita ninyo po ba iyong bagong ginagawang pag-aaral ng Pfizer para po makita kung gaano siya kaepektibo sa nasabing age group?
DR. GLORIANI: Okay. Sa ngayon siyempre iyong mga press releases pa lang po, iyong technical data ay wala. Pero maganda po ang kanilang immunogenicity – meaning iyong immune response dito sa age group na 12 to 15 ay kasing galing noong immune response noong kinumparahan nila, iyong 16 above up to about 25.
So maganda po iyong immune response doon at iyong tinatawag na efficacy, tiningnan nila sino magkakaroon ng COVID doon sa grupo na ito versus doon sa nabigyan ng placebo. At maganda rin po, walang nagkaroon ng COVID doon sa binigyan ng bakuna, out of 1,000 halos na nabigyan ‘no, so zero cases two weeks after noong second dose. And then doon sa hindi nabakunahan, nabigyan ng placebo, nagkaroon ng 16 cases ng COVID. So kaya zero doon sa kabila na nabakunahan, 100% po iyong efficacy niya.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong main reason, Doc, kung bakit po 80 years old and above lang ang binabakunahan sa ngayon? May resistance po ba iyong younger population sa virus?
DR. GLORIANI: Hindi naman, Usec. Rocky. Nagkataon na ang mga bakuna na pumasok sa atin, ang kanilang clinical trials ay talagang 18 years and above. So we cannot give the vaccine doon sa younger kasi iyon po ‘yung EUA nila. So actually, ang Pfizer lang ang mayroong 16 years and above. So given that, dahil mayroon naman na silang EUA, puwede naman iyon ibigay sa atin pero ang isinasaalang-alang dito, ang sabi ng DOH ay kailangan ng consent ng mga magulang dahil 16 pa lang ito.
Ang sinasabi ko, dahil iyong Pfizer po ay galing sa COVAX Facility na puwede lang sa A1, 2 and 3 so I do not think baka iyong 16 hindi rin maabot, iyong ganiyang age group. Bihira naman po ang comorbidity at bihira ang health care worker na 16 so hindi pa rin po mabibigyan iyan I think, given the circumstances. But who knows?
USEC. IGNACIO: Opo. Doc bukod po sa Pfizer, ano pa pong mga bakuna iyong pinag-aaralan na maiturok na iyong kanilang mga vaccine sa mas bata, sa mga bata po?
DR. GLORIANI: Yes, po. Ang Moderna ang pumapangalawa sa Pfizer so malapit na rin po siyang mag-apply for EUA for iyong 12 to—kanila 17 kasi 18 iyong una nilang application. Iyong amendment to their EUA malapit na rin po, I think they’re targeting around September this year. And then, actually pareho po sila, mayroon nang pag-aaral doon sa 6 months up to 11 years old na mga children kaya lang this is ongoing. This is a bigger study, siguro mga 6,000 to 7,000 ang kailangang participants hindi kagaya nitong 12 to 17 or 12 to 15 na hanggang 3,000 lang iyong naging participants po. That is based kasi doon sa attack rate sa kanilang mga age groups. So padating na rin po iyon.
Ang Janssen ay—actually ang sabi ng Moderna ay baka end of the year or early next year ay mapapasok na iyong para sa children ano po, magkaka-EUA na. So hihintayin po natin lahat ng iyan na mag-apply sa atin para magamit din natin. Ang isa pa po ay ang Janssen na ganoon din po iyong mga pag-aaral pero kulang pa po iyong mga pini-press release nila, hindi pa po masyadong madetalye.
USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol naman daw po sa AstraZeneca, Doc, sinabi po ng Department of Health na kailangan daw pong pabilisan ang pagbabakuna nito dahil sa expiration date. Pero ang sabi po ni Dr. Lulu Bravo mas mahabang interval, mas epektibo ang bakuna. Ito po bang gagawin ngayon ng DOH ay hindi ba makakaapekto sa efficacy ng bakuna?
DR. GLORIANI: Okay. Kahapon po ay nag-meeting nga po, kagaya ng sabi ni Usec. Cabotaje, nag-meeting kahapon ang ating mga secretaries with the World Health Organization at with the experts ‘no. So pinag-usapan po na ang—kasi po ang rekomendasyon ng WHO ay at least 2 months after so 8 weeks and then up to 12 weeks. Kasi nga po iyong datos na binigay ay mas mataas ang antibody levels doon sa mas mahaba ang interval.
Pero para siguro ko po ring i-explain na kung mas mabawasan nang kaunti o maging earlier but we do not want it earlier than 4 weeks po ‘no – importante na at least 4 weeks. Para lang po siguro ma-assure iyong mga ibang tao na iyong level po ng 4 weeks, may 5 weeks, 6 weeks after ng antibodies ay mataas na rin po. Kahit hindi mo hihintayin iyong 12 weeks, mataas na rin po and we feel na sufficient na po kasi iyong datos na nakita namin, mataas na po eh – siyempre mas mataas talaga iyong mas mahaba.
Pero given that, puwede na rin po para sa aking palagay kasi po binabalanse din natin iyong ating supplies. So kailangan pong magamit dahil ‘ayan malapit na ngang mag-expire so okay na rin po iyon, mataas din po – nasa 20,000 mahigit eh. Kung iyong kabila 40/50 thousand, okay lang po iyon, mataas pa rin po iyong 20,000. And we do not know kasi bawat isang tao maski sabihin ninyong 4 weeks, 6 weeks, 8 weeks iba-iba rin po response natin eh, inaano lang nila iyan, average. So we do not know, baka ang ating mga Pilipino ay maganda rin ang response. Iba-iba po kasi.
Siguro i-add ko ‘no. Iyon pong pag-aaral sa Scotland naman na 1 dose, 1 dose pa lang, after 21 days or so nang pagbabakuna after the first dose – 88% po ang efficacy na so 4 weeks apart po iyon. So may mga iba pong datos bukod doon sa nakita namin sa WHO. Ano pa ba iyong iba? Sa US po, 4 weeks apart ang pagbibigay ng bakuna. Ang kanilang tinitingnan—actually hindi pa sila nagbibigay pero iyong naging trial ay 4 weeks apart po. So mataas din po ang efficacy noon, nasa 80/85 percent. So, okay naman po iyon.
USEC. IGNACIO: Doc, basahin ko lang po itong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: May mga ‘real world’ studies na po na nagpapatunay sa efficacy ng iba’t ibang bakuna. May balak po bang gumawa ng isang ‘real world’ study dito sa Pilipinas ng mga iba’t ibang bakuna?
DR. GLORIANI: Siguro po iyang real world study naman ay nakabase sa iyong mga kaso ‘no. So ikukumpara po iyong nabakunahan na at kung bumababa ang ating kaso. Ganoon po iyong real world ‘no, hindi naman po lahat iyan ay tini-test for antibody, hindi na po. Ang tinitingnan lang diyan ay nabakunahan na ba ang 100% or 50% ng population and noong nagawa iyon, let us say 2 months after noong naka-second dose, bumaba po ba so trending iyan. Titingnan lang po iyan, magagawa po iyan, trending iyong kaso – bumababa ba, ibig sabihin kapag bumababa po ‘di maganda iyong nagiging response natin.
But there has to be enough vaccinees, so iyon po, para ma-achieve iyong pagbaba. Siguro malalaman natin kapag kunwari nasa 20% lang tayo, hindi pa bumababa, we expect that. Ganoon po talaga, so hintayin natin. Kaya po nananawagan tayo sa lahat na magpabakuna para po mas marami ang mabakunahan at nakikita natin talaga kung magda-downward trend iyan. So iyon po, puwedeng-puwede po.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow up po ni Red Mendoza: Kapag ito po ay naging available, puwede bang tumanggap ng booster shot na iba ang vaccine platform ang isang taong nabakunahan ng ibang platform? Halimbawa booster shot ng mRNA sa isang binakunahan ng inactivated virus?
DR. GLORIANI: Yes po Usec. Rocky at everyone ‘no. Iyan po talaga ang pinag-aaralan namin ngayon. So mayroon pong gagawing pag-aaral ang DOST with the Department of Health para pag-aralan kung kailangan ang booster shot or pag-aralan din po iyong tinatawag na interchangeability. So nasa drawing board na po iyan, ipapa-approve na lang po. Hopefully soon magagawa na makakapag-announce po ang ating DOST at ang DOH tungkol diyan. Ginagawa na po namin iyong protocol.
USEC. IGNACIO: Base po sa ginagawang vaccine mixing na rin sa ibang bansa, ano po ang mga bakunang may pare-parehong component at puwedeng paghaluin?
DR. NINA GLORIANI: Okay. Ang mga pare-pareho po ay iyong inactivated iyong Sinovac, Sinopharm at iyong Bharat BioTech ‘no. Iyon po iyong buong virus inactivated or killed. Ngayon, ang pare-pareho po iyong may vector, iyong Adeno virus – although iba-iba, may Chimpanzee Adeno, mayroong Adeno 26 at Adeno 5 – ito po iyong AstraZeneca; iyong Sputnik V o iyong Gamaleya; at iyong Janssen. So iyon tatlo pong iyon ay vector-base. And then iyong messenger RNA, dalawa lang po ang mayroon, iyong Pfizer at iyong Moderna. Sila po iyong magkakapareho.
So kung imi-mix and match, hindi po necessarily messenger RNA-messenger RNA, but puwede po iyong ibang platform. Iyon po iyong actually titingnan. Ayusin lang po iyong parang research design para maliwanag po kapag nag-analyze ng data.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may impormasyon din po ba tayo kung effective ang mga bakunang hawak na natin laban dito sa double variant na B1617?
DR. NINA GLORIANI: Iyong sa B1617 po ay kulang ang datos pa po doon. Ang mayroong data sa [unclear] ay doon sa UK, iyong 117; iyong 1351 ng South Africa, iyon ang medyo pinaka parang problematic. Pero hindi naman po masyadong mababa rin like sa ibang pag-aaral, nasa 50 percent iyong ibinaba pero doon sa iba ay hindi naman ganoon.
So ang ating sinasabi ay epektibo pa rin itong mga vaccines na first generation, itong what we have against the variants. Nabawasan po nang kaunti, that is true. Doon sa Indian variant ay kulang pa po ang pag-aaral. Pero noong isang araw po ay nasa isa kaming meeting kung saan tinackle [tackled] namin iyan. Ang sabi naman nung eksperto doon ay hindi naman nila nakikita na magiging malaki ang pagbabago. Para siyang magiging iyong Brazil variant, hindi naman ganoon kababa iyong magiging reduction sa efficacy.
Pero pag-aaralan pa po nang mabuti kasi nga variant of concern na siya sa ngayon. So apat na siya, apat na po ang variants of concern.
USEC. IGNACIO: Tanong po ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Would you recommend daw po giving flu and pneumonia vaccines for COVID-19 vaccine individual to boost their protection against COVID-19? What are the dos and don’ts po para sa individuals na nabigyan po ng first dose of COVID-19 and those who are already fully vaccinated?
DR. NINA GLORIANI: Okay. Iyon pong mga flu at pneumonia vaccines ay puwede naman pong ibigay doon sa mga—kasi may mga risk groups din po tayong na binibigyan niyan ‘no. Pero at least two weeks apart sana po; hindi isasabay sa COVID-19. Kasi wala naman dapat problema na isabay sila pero po ayaw nating ma-confuse iyong saan natin ia-attribute iyong side effects, kaya at least two weeks apart.
So kunwari, mayroon na kayong schedule for COVID ‘no, gusto ninyong unahin iyon but you have to wait for two weeks to get the flu or the pneumonia shot. At hindi rin puwede pong sabay iyong dalawa ‘no. So mai-schedule naman po iyan.
So ano ba iyong dos and don’ts, siguro po sa ngayon, lahat ng mga nabakunahan, kahit nabakunahan na kayo ng second dose, mag-iingat pa rin po tayo ‘no. Hindi pa tayo off the hook kasi iyan nga po, may dumating pang bagong variant, may dalawang cases. Although ang sabi po ng DOH ay na-contain naman pero we still do not know baka may mag-i-emerge pa po sa iba ‘no. Hindi pa po natin alam kung tayo na nabakunahan ay nakapag-produce na ng enough protection kaya importante pa rin po iyong ating minimum public health standards or precautions.
So, ano iyong susunod po? Nawala na ako. Nasagot na po ba iyong mga tanong?
USEC. IGNACIO: Opo, nasagot po. Ito, tanong naman po ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN: Gaano raw po katagal mula sa second dose vaccination mararamdaman ang full effect ng COVID vaccine? Gaano naman daw po katagal bago mag-wane ang epekto ng COVID vaccine; at kapag nakumpleto na raw po ang second dose ng COVID-19, puwede na po bang hindi mag-face mask kapag lalabas? Puwede na bang lumabas ang senior citizens kapag fully vaccinated against COVID-19?
DR. NINA GLORIANI: Okay, iyon pong proteksiyon base sa mga pag-aaral and of course we expect doon sa ating immunologic principles, mga two weeks after the second dose po ay medyo talagang maganda na iyong protection. But we wait another two weeks, siguro one month, iyon iyong magandang proteksiyon.
We do not want to really be lax after the first dose. Not that we will be lax after the second dose ‘no, iyon nga ang tanong. Ang sagot, nasagot ko na iyon kanina: Kahit po tayo ay nabakunahan, dahil marami pa po ang kaso, hindi pa po natin naa-achieve ang ating herd immunity ay hindi po tayo puwedeng magpaka-relax diyan ‘no, mamamasyal, lalo po iyong mga matatanda.
Ang sinasabi ko po diyan, kung gusto ng mga nabakunahan – mababait naman po sila at nagpabakuna ‘no iyong ating mga elderly – kung gusto ninyo talaga pong mamasyal, doon po kayo sa walang masyadong tao, kunwari sa park, iyong mga ganoon but still in full protection.
Iyon pong pag-wane ng antibody response, sa natural infection po ay nasa four to five months iyong bababa na iyan. Ito pong sa ating mga nabakunahan, ang data po, ang may pinakamahaba ay nine months. Ang mayroon talaga, six to seven months. Noon ko pa sinasabi kasi iyong six, siguro seven months, eight months na po ngayon. Iyong mga naunang nabakunahan abroad, mayroon pa pong mga antibody iyong mga naunang nabakunahan.
So ibig sabihin, ang duration ng immunity that we can safely say now is about six months, six to seven months. Pero ito lang po din ang masasabi ko na doon sa mga nabakunahan na iyon, hindi po rin lahat ay mayroon pa ring antibody after six or seven months. Iyong iba po, like due to immunosenescence na tinatawag natin, iyong mga may edad po talagang medyo mababa ang mga antibodies nila, bumaba na rin po iyon, baka mas maaga. Kaya baka importante po na mapag-aralan kung sila ay kakailanganing bigyan ng booster pero pag-aaralan pa po iyon sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Last na lang po, ma’am. May pahabol lang po si Cresilyn Catarong ng SMNI: Reaksiyon po ninyo na hinihikayat daw po ni Senator Win Gatchalian ang gobyerno na maging maagap at pag-aralan ang posibilidad na magkaroon ang bansa ng sariling bakuna laban sa COVID-19. Ayon sa Senador, dapat nang pag-isipan ng mga pangunahing ahensiya tulad ng DOST at DTI ang pagbibigay ng insentibo sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan na gustong magtayo ng planta dito sa bansa at gumawa ng sarili nating bakuna. Ano po ang masasabi ninyo dito, Doc?
DR. NINA GLORIANI: Tama po iyan. Actually, proactive po ang ating DOST. Simula po last year, noong bago kaming na-assign dito sa expert panel, pinag-uusapan na po with the DTI, with NDC, lahat po ng ibang grupo ang—well, of course, ang short term natin noon ay tungkol sa pag-respond lang, sa pagbibigay ng bakuna, procurement and deployment. Mayroon pong medium-term na actually na i-announce na rin po iyan ng ating DOST Secretary at Undersecretary ‘no, iyong medium term, iyong magkakaroon po ng fill and finish facilities dito sa atin. At iyong long-term po, iyong talagang magkakaroon na ng manufacturing ng bakuna.
Well, of course, hindi ko po masasagot iyong kung sino iyan, ang DOST lang po at iyong DTI at NDC ang makakapagsabi. Pero as far as I know po, mayroong mga apat hanggang anim na interesadong mga local producers makipag-tie up po sa… iyong mga foreign vaccine companies po para magawa ito; so proactive po ang ating gobyerno, one year ago pa. But this is not, of course, easy. Hindi po madaling gawin ito kasi malaki po ang investment dito, pero mayroon pong roadmap na tinatawag, vaccine roadmap for the Philippines, mayroon po.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Dr. Nina Gloriani ng Vaccine Expert Panel. Mabuhay po kayo, Doc.
DR. NINA GLORIANI: Thank you, Usec. Rocky and everyone. Magandang umaga pa rin ba o hapon na po? Sige po.
USEC. IGNACIO: Umaga pa rin po. Salamat po.
Samantala, sa pinakahuling tala ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan ng 4,734 cases ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa na sa kabuuan po ay nasa 1,113,547 na. Nananatili namang mas mataas ang mga gumaling mula sa sakit – 7,837 new recoveries ang naitala kahapon o katumbas na ng 1,038,175 total recoveries; 18,620 naman ang lahat ng mga nasawi sa virus dahil nadagdagan muli ito ng limampu’t siyam. Sa kabuuan, nasa 56,752 na po ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, pinayagan nang muli ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF ang ilang professional sports league na magbalik na po sa training at paglalaro sa mga GCQ at MGCQ areas. Kaugnay niyan makakausap po natin si Games and Amusement Board Chairperson Abraham Mitra. Good morning po, Chair Mitra.
CHAIR MITRA: Hi, Ma’am. Magandang umaga po sa inyo at magandang umaga rin po sa lahat ng nanunood at nakikinig. Good morning.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, tungkol nga po dito sa pagpayag ng IATF na mag-resume na po iyong training ng PBA at maging ng Philippines Football League. Ano po ang napag-usapan ninyo ng mga sports association tungkol sa safety protocol naman na ipatutupad nila during the training?
CHAIR MITRA: Actually Ma’am, alam natin lahat na medyo mahirap ngayon at mataas iyong mga cases and wala pang masyadong maraming bakuna. Pero napayagan po ng IATF na mag-resume ang professional sports kasi nga po hanapbuhay nila ito ano and medyo mas mahigpit nga lang po. Ang naging problema po ay nahinto ulit kasi nga po nagkaroon ng NCR Bubble, tumaas iyong cases. So sa ngayon po pinayagan na po ng IATF mag-resume iyong practice ng Philippine Basketball Association, ang PBA, kaso nga lang eh sa labas po ng NCR Bubble.
So hinihintay natin na kung saka-sakali bumaba iyong quarantine restrictions, maaari na silang mag-practice mula sa NCR or sa NCR Bubble. Well, katatapos lang noong Visayas-Mindanao League na ginanap po sa Cebu City at baka sakali before the end of the month ay mag-umpisa na rin po sa Lanao ‘no. So areas na mababa ang cases, maaari na pong payagan ang laro. Well, iyong Philippine Football League ganoon din po eh, doon sila sa Carmona naglalaro. Eh kasama siya ng NCR Bubble kaya suspended na rin muna. Kung gusto nilang mag-practice, doon sila sa mas mababang quarantine levels or gusto nilang mag-tournament sa mababang quarantine level sila po.
USEC. IGNACIO: Opo. May mga paghihigpit po bang gagawin ngayon kumpara po sa protocols na ipinatupad during last year’s PBA Bubble? Pareho lang ba po ang maitu-tweak ngayong rules?
CHAIR MITRA: Well, sa ngayon po kasi nandiyan na po iyong mga safety protocols, proven na po sila. Nagawa na, wala naman pong kumalat na disease so maaaring maayos na iyon. At saka ang difference ngayon, mas aware na po iyong mga atleta na, “Naku delikado, kahit malakas ang katawan natin, asymptomatic tayo pero puwede tayong mahawa at puwede tayong makapanghawa.”
Medyo nagkaroon lang po ng pagkakaiba kasi po pinayagan ng IATF, bubble – ang ibig sabihin ng bubble, hindi ka puwedeng lumabas doon sa lugar na iyon, hindi ka puwedeng umuwi. Ngayon po medyo mas maluwag-luwag lang ng kaunti kasi ang gusto kasi nila and ang pinayagan ng IATF ay bumiyahe mula sa Kamaynilaan papunta sa Batangas at Batangas pauwi, araw-araw. So parang nandoon ka pa rin po sa NCR Bubble pagka ganoon ano.
Medyo mahal kasi Ma’am iyong naka-confine silang lahat, iyong bubble at saka mayroong konting epekto sa mental. Eh kahit kayo po, Usec., after one week or two weeks na hindi ninyo kasama ninyo iyong pamilya ninyo medyo nahihilu-hilo na kayo eh. So intindihin na lang po natin iyong mental health nila. At doon po sa bus na iyan, siyempre hindi naman puwedeng puno iyan at doon pa lang ay mayroong mga foot bath and mga alcohol and distancing din po iyan.
So instead of the bubble, parang close circuit and then diretso po sila sa mga bahay nila at mayroon pong ano, mayroong nakalagay na app na mati-trace sila kapag lumabas sila. Let’s say bago sila umuwi punta muna sila ng 7-11 o punta muna sila ng grocery – hindi puwede iyon. Kailangan umuwi sa bahay and they are made aware that if they’re exposed, puwede nilang mahawa iyong mga anak at asawa at mga magulang nila. So they themselves will also follow the regulations.
USEC. IGNACIO: Opo. Ngayong hinihintay pa po natin, Sir, kung ie-extend pa ang MECQ sa Metro Manila at NCR Plus, for the meantime daw po ay saan-saang mga GCQ at MGCQ areas muna gaganapin iyong training session ng mga atleta?
CHAIR MITRA: Sa ngayon po Usec., ang PBA po ay nagpu-propose sa Batangas City. Eh iyan naman po, mababa po ang cases diyan and accepted na rin sila ng LGU and maganda po ang pakikipagtulungan sa kanila. Ngayon iyong ibang liga, mukhang hindi pa yata pupuwede kasi hinihintay natin kung saka-sakaling mawala na iyong NCR Bubble sa May 15, baka maaari na silang maglaro doon sa Carmona. Pero sa ngayon po hindi pa tayo makagawa ng proper announcement. Kung magpa-practice sila kailangan sa labas sila ng NCR bubble.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Sir, paano daw po iyong magiging arrangement naman sa accommodation, transportation and training session ng mga atleta during this time?
CHAIR MITRA: Opo. Na-mention ko po iyan kanina, they will be traveling by bus ‘no and gym-to-home, home-to-gym. Wala na pong ibang puwedeng daanan and mayroon po silang tracker, mayroon silang locator that kung saka-sakali lumabas sila ng bahay or lumabas sila ng gym, mag-a-alarm at i-inform po ang mga awtoridad kung may violation sila. And so may bus po, by bus, kanina to answer your question.
USEC. IGNACIO: Opo. Pinapayagan ninyo rin po bang mag-resume ang Pilipinas VisMin Super Cup at bukod sa mga health protocols na dapat sinusunod ng basketball league na ito, kung naayos na rin daw po iyong kontrobersiya sa sinasabing ‘di umano ay game fixing?
CHAIR MITRA: Opo. Nagkaroon po kami nang conditional approval doon po sa Visayas-Mindanao Cup. Usec ano, the Philippines is not just Luzon, it’s not just Manila and ganoon din ang basketball at ang athletes ‘no, marami po tayong mga atleta na magagaling mula sa Visayas and Mindanao and some of them have already moved to Manila pero hindi lahat. So the league aims to give opportunities for people outside of Metro Manila to play, tutal mababa naman iyong COVID level doon sa area nila.
And to answer your question on the alleged game fixing, the investigation is still ongoing. But mayroon pong isang team doon na pinatanggalan na ng ano, hindi na po pinayagan maglaro ulit and the GAB is inclined to withdraw or tanggalin namin iyong lisensya nila para ma-ban na talaga sila to teach them a lesson ano so that all these things will not happen again. And the other team naman, fines were also given.
Ang sa ngayon po it’s a conditional approval ha, provided that they submit all the requirements, then they will proceed. The deadline is May 25 and ongoing pa rin po iyong investigation namin. So sa ngayon po ay conditional approval ang ibinigay po ng Games and Amusements Board sa VisMin Cup sa Mindanao and it’s going to be held in Lanao del Norte, May 30.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, pabor po ba daw kayo na isama sa priority sector ng mga babakunahan ang ating mga atleta?
CHAIR MITRA: Well it is the sector that I am representing but even if GAB is going after the—well iyong mandate namin is for the welfare of the athletes ‘no. We understand the national situation, how big the problem of the President is, I think that the frontliners should be given priority over athletes.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Chairperson Abraham Mitra ng Games and Amusement Board. Mag-ingat po kayo at siyempre good luck po sa ating mga atleta, Sir.
CHAIR MITRA: Thank you very much, Usec. Rocky, tagahanga ninyo po ako. Maraming salamat. Magandang-magandang umaga po sa inyong lahat. Mabuhay. Stay safe.
USEC. IGNACIO: Thank you po.
Samantala, ilang lalawigan naman sa Luzon ang inikutan ng outreach team ni Senator Bong Go kabilang ang mga representative ng ilang ahensiya ng pamahalaan para mamahagi ng ayuda sa higit tatlong libong benepisyaryo na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya at mga kalamidad. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sa ibang usapin, tuluy-tuloy naman po ang ginagawang pagbabantay at paglilinis sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa anumang uri ng kurapsyon. Katunayan niyan sunod-sunod din po ang mga kasong isinasampa ng Presidential Anti-Corruption Commission sa mga napapatunayang nagkasala sa batas. Kaugnay niyan ay makakausap po nating muli si PACC Chairperson Greco Belgica.
Sir, magandang araw po!
PACC CHAIRPERSON BELGICA: Magandang araw, Ma’am Rocky at saka sa lahat po ng nakikinig sa atin at kasama po natin sa buong bansa. Magandang araw po sa inyo!
USEC. IGNACIO: Opo. Bigyan ninyo po kami ng updates sa inyong mga isinasagawang pagkilos laban sa mga tiwaling opisyal.
PACC CHAIRPERSON BELGICA: Opo. Yesterday, we filed online again a case against a high-ranking government official, undersecretary rank po. Ito po ay sa kaso ng paggamit ng pera ng gobyerno para ho gastusin sa kampanya.
Ang NEA or National Electrification Administration ay isang ahensya ng gobyerno na nilikha alinsunod sa PD No. 269 na inatasan para makamit ang isandaang porsyentong electrification sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng electric cooperatives or ECs. Ang NEA ay nangangasiwa at namamahala sa mga ECs. Ang PHILRECA ay ang umbrella organization ng isandaan at dalawampu’t isang ECs sa buong Pilipinas.
Noong 2018, nag-submit ang PHILRECA ng application upang magparehistro bilang isang Party-list sa halalang pambansa para sa taong 2019. Ang application po ng PHILRECA ay inaprubahan ng Comelec.
Sa magkakaibang petsa, ang mga ECs or electric cooperatives ay naglabas ng mga board resolution na nag-aambag o nagku-contribute ng pondo upang maitulong sa kampanya ng PHILRECA Party-list sa Kongreso.
Ang administrasyon po ng NEA or ang Administrator po ng NEA na si Mr. Edgardo Masongsong, Administrator Masongsong with the rank of Undersecretary ay ni minsan hindi tumutol sa probisyon ng nasabing board resolution ang ending po ay contribution ng mga electric cooperatives sa iba’t-ibang party-list kagaya ng PHILRECA.
Sa amin pong pagsisiyasat, si Administrator Masongsong ay lumabag sa batas kabilang na ang RA 3019 at ng Omnibus Election Code dahil ipinagbabawal po ng batas na mag-ambag o mag-contribute ng pondo para sa kampanya ng isang kandidato or party-list ang isang public utility or gamitin ang government funds para sa ganitong kapamaraanan.
Ito po ay naisampa na namin kahapon online at by next week hopefully when the Ombudsman already opens we will submit the hard copy of the case and the evidence. Sa amin pong pagsisiyasat at imbestigasyon ay napatunayan namin that there is probable cause na puwedeng tingnan ng Ombudsman at litisin at sa ganitong pamamaraan, sila na po ang bahala kung ano ang kanilang pagdidesisyunan sa amin pong inilatag na kaso.
Ito Ma’am Rocky, ay pagpapatunay na hindi ho titigil ang ating kampanya laban sa kurapsyon na ipinatutupad po natin sa utos ng ating Pangulo. So, sa atin pong mga kababayan, huwag po kayong mawawalan ng pag-asa, huwag ho kayong magsasawa na kung matatagalan or mahaba ang proseso ng imbestigasyon sa mga kasong inyong isinasampa sa amin dahil ayaw po namin ng basta-basta lang na kaso na isinasampa sa korte tapos dahil naman hindi sapat ang pag-aaral at paglilitis at pag-iimbestiga, itatapon lang po ng Ombudsman. We want it airtight para po makamit talaga natin ang katarungan. So, patuloy lang po kayong mag-report sa 8888 o sa amin pong hotline at makipagtulungan po sa amin.
Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairperson, noong nakaraang linggo naman po ay nag-file nga kayo ng kaso sa ilang opisyal ng DPWH at DENR. May progress na po ba iyong isinampa ninyong kaso na sangkot ang isang assistant secretary?
PACC CHAIRPERSON BELGICA: Isang assistant secretary, isang regional director at saka isa hong director. Ito po ay nasa Ombudsman na, so inaabangan namin at binabantayan po namin subalit hindi pa rin ho sila nakakapagbukas ngayon dahil sa extended lockdown ng kanila pong opisina. So, by next week we are expecting na masimulan na po nila ang pagkuha, pagtanggap ng mga hard copies at ma-evaluate na po ang ating mga isinumite sa kanila, if they open next week po.
USEC. IGNACIO: Opo. Bilang panghuli po, ulitin natin, saan po puwedeng tumawag at magsumbong sa PACC ang ating mga kababayan na [garbled] o may nalalamang nangyayaring kurapsyon o maling gawain po sa kanilang mga opisyal at maging sa lokal na pamahalaan?
PACC CHAIRPERSON BELGICA: Puwede ho kayong tumawag sa amin or mag-text sa aming hotline – 0906- 692-7324; Puwede po kayong tumawag sa 8888; Puwede rin ho kayong mag-email sa amin sa complaint@pacc.gov.ph. You can also use the same number to reach us through Viber, Telegram or you can also go through our Facebook, at amin din po kayong babalikan ng tawag.
Yes ma’am Rocky, maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa panahon, PACC Chairperson Greco Belgica. Sir, maraming salamat po at saludo po kami sa ginagawa ninyong paglaban sa kurapsyon. Salamat po.
PACC CHAIRPERSON BELGICA: Salamat po. God bless, ma’am! Thank you very much.
USEC. IGNACIO: Samantala, ika-isandaan at siyam na Malasakit Center sa bansa, binuksan sa Cotabato Sanitarium sa Sultan Kudarat. Ito na po iyong pang-anim na Malasakit Center sa buong rehiyon ng BARMM at ikalawa naman po sa lalawigan ng Maguindanao. Ang detalye sa report ni Clodet Loreto ng PTV Davao:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t-ibang lalawigan. ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
Dumako naman tayo sa Kabisayaan. May report si John Aroa mula sa Cebu. John maayong buntag.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa.
Alamin naman natin ang pinakahuling balita mula sa Cordillera Region. May ulat si Florence Paytocan.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Florence Paytocan.
Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
At dito po nagtatapos ang ating programa. Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtutok sa amin.
Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magkita-kita po tayong muli bukas dito sa Public Briefing #Laging Handa PH
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)