USEC. IGNACIO: Magandang araw po sa lahat ng Pilipino saanmang panig ng mundo. Muli po tayong maghahatid ng napapanahong mga balita’t impormasyon ngayong araw ng Lunes, ikalabimpito ng Mayo, taong 2021. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Una po sa ating mga balita: Muling umapela si Senate Committee on Health and Demography Senator Christopher “Bong” Go na pabilisin pa ang pagbabakuna sa bansa para maabot ang target na 50 milyong Pilipino na mabakunahan sa Setyembre. Ang detalye sa report na ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Mula po sa MECQ, ibinaba nga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang quarantine classification dito sa NCR Plus sa General Community Quarantine pero nananatili ang ilang mahihigpit na restrictions. Ano nga ba ang mga pagbabagong ipinatutupad sa mga negosyo sa NCR Plus? Pag-uusapan po natin iyan kasama ang Tagapagsalita ng Department of Trade and Industry, Undersecretary Ireneo Vizmonte. Magandang umaga po, Usec.
DTI USEC. VIZMONTE: Magandang umaga naman po, Usec. Rocky, at sa inyong mga tagapakinig sa PTV-4.
USEC. IGNACIO: Salamat po. Usec., noong nakaraang nag-MECQ tayo dito sa NCR Plus ay tinatayang halos nasa isang milyon na manggagawa daw po ang nawalan ng trabaho. Pero ngayong bumalik na po tayo sa GCQ, ilan po sa kanila ang inaasahang nakabalik na sa kanilang mga trabaho?
DTI USEC. VIZMONTE: Ang palagay po ng DTI at nasabi na rin ni Secretary Lopez ay mga 200 to 300 thousand po na mga empleyado ang muling nakabalik dahil dito sa declaration ng heightened restriction under GCQ.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kung nasa 300,000 po iyong estimated count na makakabalik nga po sa trabaho, so paano po kaya iyong natitira pang 700,000 na nananatili pong wala talagang pinagkakakitaan?
DTI USEC. VIZMONTE: Eh talaga pong dahil dito po sa ating pag-iingat, ito po kasing mga naiwan, ito po iyong mga masasabi nating mga high-risk pa ‘no. At inaasahan po natin na ‘pag nagluwag na po itong General Community Quarantine para po doon sa regular na GCQ ay marami pong muling makakabalik na sa trabaho.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ipabatid lang natin sa ating mga kababayan ano po, saan daw pong mga negosyo manggagaling iyong bulk ng mga nagbalik trabaho?
DTI USEC. VIZMONTE: Kasi nga po, number one, tinaas po natin iyong mga on-site capacity ng dine-in mula 10 to 20 percent at nadagdagan din po iyong mga businesses na pinapayagan under personal care services. At mayroon pong mga iba pang mga napayagan na po dahil nga po technically speaking, tayo po ay nag-move na from MECQ to GCQ. So mayroon lang pong mga dinagdag po tayo sa listahan na mayroong heightened restriction. So ano na po ‘to, para na po tayong nasa GCQ pero mayroon pong limitasyon iyong iba pong mga high-risk establishments.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero generally, Usec., ay pinapayagan ang anumang retail establishment na mag-operate under GCQ except po sa ilang indoor leisure activities gaya nga po ng mga sinehan, tama po ba ito? At puwede po ba natin isa-isahin lang ulit iyong mga pinapayagan bilang paglilinaw pa rin po sa ating mga kababayan?
DTI USEC. VIZMONTE: Tama po iyan ano. Ang talaga pong—lahat po ng ating mga retail establishments, lahat po ‘no pinapayagan po natin whether it’s hardware or non-essential, sila po ay mga bukas na ‘no. Ang hindi po natin pinapayagan pa ngayon at malinaw po sa issuance natin ay iyon pong mga venues for meetings, incentives, conferences and exhibitions – iyan po ay mananatiling mga nakasara. At tulad din po noong mga nabanggit na sa una, iyon pong mga entertainment centers, iyon pong mga bars na offering lang talaga po ng mga alcoholic drinks at saka iyon pong mga may live performance, mga cinema po – sila po ay mananatiling nakasara. Kasama na rin po iyong mga casino at mga iba pa pong mga gambling na venue, sila po ay mananatiling nakasara.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano daw po iyong restriction na nadagdag o ipinagkaiba ng GCQ with heightened restriction natin ngayon dito po sa dati nang ipinatupad nating GCQ noon dito sa NCR Plus?
DTI USEC. VIZMONTE: Ang number one po diyan ano, kung matatandaan po natin, iyon pong mga indoor dining po dati … in the past, under GCQ po tayo ay mataas na po iyong percentage ano, 50% on-site for indoor. Pero ngayon po dahil nag-iingat po tayo because of the mas contagious na variant, dito po sa recent issuance natin, ang indoor dining lang po ay pinapayagan natin at 20% at ang outdoor dining ay maaaring mag-operate up to 50%, so iyan po ‘yung basic difference.
Kasi alam ninyo po itong dine-in, ito po iyong … sa mga negosyo, ito po iyong talagang may pagkakataon kasi na tinatanggal iyong mga mask so medyo high-risk po talaga siya. So iyon pong personal care services at 30% po ito ngayon. Noon pong dating tayo ay under GCQ ay pinapayagan na po siya 50%, dahil nga po heightened GCQ tayo, ito po ay nasa 30% lamang at hindi lahat po ng personal care services ay pinapayagan ano. Iyon pong mga services na katulad ng paglagay ng makeup o iyong facial massage o requiring removal of face mask, hindi po iyan pinapayagan under heightened GCQ.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pero sa ngayon po ba ay hindi pa rin mandatory iyong pagkakaroon ng sinasabi nating safety seal certification ng mga business establishment ngayon pong muling dinadagdagan ang allowed capacity ng mga ito?
DTI USEC. VIZMONTE: Ang safety seal po ay hindi po naman mandatory pero iniengganyo po natin ang mga establishment na kumuha nito dahil ito po, ang safety seal ay nagpapahiwatig po at maganda pong mensahe sa publiko na iyong establishment nila ay nakita ng gobyerno na sumusunod sa alituntunin ng minimum health protocol na ipinapatupad ng DOH at ng iba pa pong mga ahensiya ng gobyerno. So ito po ay atin pong voluntary na ini-implement at nagsimula na nga po itong pagbisita at pag-check ng compliance sa mga establishments in relation to safety seal certification.
At kung saka-sakali nga po, kung sila ay mayroong safety seal ay pinag-aaralan na po ng Technical Working Group on Safety Seal kung gaano kataas ang puwedeng ibigay na additional operating capacity for those enterprises that have secured or obtained the safety seal certification.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., iyong mga gyms ay hindi pa rin po ba allowed dito sa ating NCR Plus? Ito kasi iyong nais din kasing klaruhin ng Games and Amusement Board dahil nauna na nga pong pinayagan ng IATF na mag-resume ng practice ang PBA teams sa mga GCQ at MGCQ areas. So, papayagan na po ba silang gawin ito dito sa NCR Plus?
DTI USEC. VIZMONTE: Dito po sa atin kasi ang sinasabi po natin iyong indoor po na non-contact ay puwede na pong mag-operate pero alam po natin na mayroong mga LGUs na hindi po ito ipinatutupad at nananatili pong nakasara iyong iba pong mga indoor sports venues for non-contact sports.
So, definitely po iyong mga contact sports ay hindi pa po sila pinapayagan.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tungkol naman po sa vaccine pass na iminungkahi ni Secretary Joy Concepcion, ano po, puwede po bang i-elaborate kung bakit sa palagay ni Secretary Lopez ay hindi pa napapanahon ang pagkakaroon ng vaccine pass sa mga business establishments sa ngayon?
DTI USEC. VIZMONTE: Ang unang-una po siguro ay iyon pong dahil na rin po sa sinabi po ng DOH na hindi naman po talaga may kasiguraduhan na iyon pong vaccine ay talaga pong hindi pa puwedeng mag-contaminate ng kapwa, ‘no. So, malinaw po iyan sa sinabi ng DOH.
Pangalawa po, baka po mahirapan din tayo sa pag-implement kung ito po ay magiging mandatory. So, ang palagay po ng DTI ay ito po ay puwedeng ipalabas kung halimbawa kung ang magiging polisiya ng isang restaurant, ano. Pero hindi pupuwedeng polisiya – iyon po ang pananaw ng DTI – hindi puwedeng maging polisiya as of now.
Kasi ang pananaw po natin parang magkakaroon ng iba-ibang treatments sa bawat publiko, at second, mahirap po talagang ma-implement kasi ibig sabihin po niyan lahat ng tao ay hahanapan po natin ng mga vaccine proof na they are already vaccinated.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ikinukonsidera ninyo naman daw po ba itong proposal ng business groups na pagbibigay ng perks and privileges sa mga customers na nakapagpabakuna na? So, ano na po iyong mga naihain sa inyong proposals na uri ng benepisyo sa mga consumers, kung mayroon man po?
DTI USEC. VIZMONTE: Tama po iyan at itong huli pong meeting ay napag-usapan nga po na itong private sector ay hinikayat po sila na mag-submit ng kanilang proposal na patungkol dito po sa incentives sa technical working group po ng IATF para mapag-aralan po talaga kung ano po iyong magiging value ng incentive-giving for the establishment na mayroong ganitong sistema.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., basahin ko lang po iyong tanong ng ating kasama sa media. Mula po kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Ito po ang tanong niya: You recently said that the Procurement Law must be amended to state that the government must prioritize local items over imported products. Has anyone from the legislative department taken up initiative to file such a bill?
DTI USEC. VIZMONTE: Alam ko po mayroong ganiyang bill na eh pero hindi ko lang po mapiho [sure] kung ano iyong number, ano, na giving preference to our domestic produce specially for the government use.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at inyong mga paglilinaw, Usec. Boy Vizmonte ng DTI. Mabuhay po kayo, Usec.!
DTI USEC. VIZMONTE: Mabuhay din po kayo at magandang umaga po sa inyo, Usec. Rocky at sa inyo pong mga tagapanood at mga tagapakinig!
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, sa pinakahuling bilang ng COVID-19 cases sa bansa, nasa 5,790 ang nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon. Dahil diyan, nasa 1,143,963 na ang lahat ng mga nahawaan ng virus sa bansa.
Nananatiling mas mataas naman ang mga dagdag na gumaling na nasa 7,541; sa kabuuan, 1,069,868 na po ang total recoveries. 140 ang mga nadagdag na nasawi dahil sa sakit; sumatotal po, mayroon na po tayong 19,191 deaths.
54,904 naman po ang mga nananatiling aktibong kaso ngCOVID-19 sa bansa.
As of May 15, 2021 naman ay nasa 2,921,196 na po na mga doses ng COVID-19 vaccine ang naipamahagi sa buong bansa; 1,630,103 dito ang naiturok na sa mga health frontliners habang 1,163,103 naman ang nailaan sa Metro Manila. Sa kabuuan, nasa ikatlong puwesto ang Pilipinas sa may pinakamaraming bakunang naiturok sa buong ASEAN Region.
Sa kasalukuyan po ay GCQ with heightened restrictions ang umiiral sa buong NCR Plus pero ang paalala po namin ay manatiling sumusunod sa minimum health protocol na ipinapatupad ng pamahalaan at magparehistro na po sa inyong mga local government units para magpabakuna.
Nakakabahala po ang kasalukuyang sitwasyon sa bansang Israel. Nagpapatuloy po ang alitan sa pagitan ng Israeli Government at ng mga Palestinian militants na ngayon po ay nagdulot na ng daan-daang casualty kabilang po ang ilang mga bata.
Kumustahin po natin ang rescue effort na ginagawa ng ating pamahalaan para sa mga kababayan nating naninirahan po malapit sa Gaza Strip. Makikibalita tayo sa Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration, Atty. Hans Leo Cacdac.
Good morning po, Sir. Attorney?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Magandang umaga, Usec. Rocky! Congratulations po sa inyo [inaudible].
USEC. IGNACIO: Salamat po. Para sa bayan po iyon. Unahin ko na po itong tanong ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror sa inyo, Atty. Hans: A total of 29,473 Filipinos are currently working and residing in Israel. Are there any OWWA safety protocols in place to safeguard the lives and welfare of Filipinos who may be affected by the ongoing strife between Israel and Hamas?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes po. Kasalukuyang nakikipag-coordinate po tayo sa DOLE POLO, sa Tel Aviv at siyempre iyong embahada sa Tel Aviv, patungkol sa mga scenarios of assistance natin sa ating mga mahal na OFWs. Ang immediately affected areas po ay Gaza Strip and then iyong dalawang malaking siyudad sa gitna ng Gaza at saka Tele Aviv which are Ashkelon and Ashdod.
Sa kasalukuyan po ay nagsasagawa tayo ng assistance ng mga OFWs na kailangan ng tulong in terms of in-country evacuation – evacuation po within Israel especially within the areas that I mentioned.
Sa Israel po, maraming mga bomb shelters, mga gusali, however, may mga gusali na walang bomb shelters, so, ang mga Pilipino na nakapaloob sa sitwasyon na ganoon ay tinutulungan po ng ating POLO, ng ating embahada, na mailikas sila sa safer ground, sa mga bomb shelters.
And then mayroon din hong identified na dalawang parokya doon sa area kung saan puwede rin hong sumaklolo ang ating mga OFWs but in general, well of course, walang napabalitang nasaktan o nasawi and in general, safe and sound po ang mga OFWs natin sa Israel.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Tristan Nodalo ng CNN Philippines: Ilan na daw pong mga OFW ang inilikas nga at kung mayroon po?
OWWA ADMNISTRATOR CACDAC: Well, sa ngayon ay mayroong mga humihingi ng assistance. Hindi sila ganoon karami ‘no kasi in general, OFWs are advised to stay indoors. And our OFWs are safe indoors with their employer households. Karamihan kasi ng OFW sa Israel ay caregivers living in their employer households.
Ngayon, iyong mga humihingi ng tulong ay hindi naman ganoon karami kasi, iyon nga, they are advised to stay indoors, staying with their respective employer households. So, ang sinasagawa lang natin is to make sure na iyong mga nangangamba o kailangan ng bomb shelter na pupuntahan or shelter na pupuntahan ay natutulungan natin. So, in general, hindi ho widespread ang evacuation, but ang sinasabi ko lang po ay handa po ang POLO, OWWA, ang embahada para mag-conduct po ng in country evacuation bago pa man dumating sa mass repatriation. Iyong mass repatriation po, hindi pa po natin isinasagawa kasi iyan po ay pinaghahandaan natin in case lumala po ang sitwasyon. Sa kasalukuyan, sarado ho kasi rin ang international airport.
USEC. IGNACIO: Opo. So, Attorney, marami po bang mga naiwang OFW doon sa Ashkelon at Ashdod hanggang ngayon?
OWWA ADMNISTRATOR CACDAC: Yes, karamihan po sa kanila na nandoon sa Ashkelon at Ashdod ay nandudoon pa rin kasi they are indoor, safe with their respective employers. And as I said, most buildings, most structures in Israel have bomb shelters. So they are advised to stay put, stay where they are, unless of course walang bomb shelter sa kinalalagyan at ito na po iyong tinutulungan natin. Pero hindi po sila ganoon karami because, in general, our OFWs in Israel are safe and sound at least at this stage.
USEC. IGNACIO: Estimate lang po, Attorney, mga ilan po iyong nandoon na kababayan natin?
OWWA ADMNISTRATOR CACDAC: Thirty thousand (30,000) na OFWs sa kabuuan sa Israel. Pero doon sa affected areas, Ashkelon and Ashdod, ang estima po na directly affected OFWs, around 300; and then around 100 sa Gaza Strip. Sa Gaza Strip, marami din pong non-OFWs kasi maraming mga Pilipino na may asawa na Palestino, Palestina. So iyon po ang dalawang areas. So humigit-kumulang, mga 400 doon directly affected areas.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kumusta naman daw po iyong sitwasyon sa evacuation center ng mga ilang mga sumama para lumikas? At ano po daw na tulong ang ipinadala o ipapadala sa kanila for the meantime?
OWWA ADMNISTRATOR CACDAC: Sa ngayon, the priority is security, iyong ating OFWs free from physical harm. So tinutulungan nga silang madala sa mga shelter, iyong nangangailangan ng tulong. At wala pa ho tayo—siyempre mayroon ding ayuda doon in terms of food assistance and other forms of basic needs. Pero wala pa po tayo sa stage ng pagbibigay ng malawakang benefits, financial benefits. But these are definitely in store once humupa na po ang sitwasyon, kasama na diyan iyong posibleng pagpapauwi doon sa mga ninais nang umuwi.
USEC. IGNACIO: Opo. Marami na raw po tayong mga kababayan ngayon, Attorney, na talagang na-trauma dahil nga sa malalakas na pagsabog. So kumusta naman po sila ngayon? Magkakaroon po ba tayo ng debriefing or psychological support na ibibigay sa kanila?
OWWA ADMNISTRATOR CACDAC: Yes, magandang tanong iyan, USec. Rocky. Kasama po diyan ang physical and mental wellness ng mga OFWs na assistance that we will provide. Sa ngayon, mayroon ng mga help lines, may mga hotlines ang POLO at OWWA at assistance to national section ng embassy kung sana puwedeng tumawag. Puwede pong makipag-usap, puwedeng magdulog doon ng hinaing o nararamdaman, karamdaman o saloobin ng ating mga OFWs, may makakausap po sila.
And then iyong ating malawakang physical and mental wellness assistance, can be further enhanced and developed as the days go by. Pero sa ngayon kasi as I mentioned, ang top of mind natin ngayon is the physical safety na everyone is out of harm’s way, habang lumilipad ang mga rockets, although ang sabi ay humuhupa na last 24 hours at iyong ground troops ng Israeli Defense Forces ay naglayag na po o napaigting na po ang kanilang operation sa Gaza Strip.
USEC. IGNACIO: Attorney, ano po iyong sitwasyon ang magbubunsod sa atin para po i-repatriate na ang mga Pilipino doon sakali lang po?
OWWA ADMNISTRATOR CACDAC: Opo, ipinagdarasal natin na hindi mag-escalate o lumala ang sitwasyon. If and when the situation deteriorates or escalates into further conflict or, God forbid, bloodshed ay nandidiyan na ang usapin ng mass repatriation. And, of course, nananalig naman tayo, may kumpiyansa na tayo na katulad ng mga nakaraang sitwasyon sa Lebanon, sa Israel, sa Libya ay ang nagtutunggaling mga partido ay pinapayagan naman for humanitarian reasons ang mass repatriation ng mga OFWs na mga civilians na inosente dito sa hidwaan na ito.
Kaya’t ang ating pananalig ay mag-improve ang situation, na hindi na humantong sa mass repatriation. But rest assured, we stand ready together with the DOLE, the DFA to conduct mass repatriation efforts.
USEC. IGNACIO: Attorney, medyo maiba naman tayo ngayon ano po. Dumarami daw po ang OFW na umuuwi ngayon dito sa Pilipinas. So far po ay ilang returning Filipinos ang in quarantine sa ngayon?
OWWA ADMNISTRATOR CACDAC: Okay, sa ngayon, at the beginning of today, a total of 545,000 OFWs have been transported to their home regions courtesy of the DOLE, OWWA and the interagency effort mandated by the President – DOTR, DFA and DILG, DND and DOH.
Ngayon, mayroon tayong mga 9,300 in 160 hotels, sa ating mga quarantine hotels. Medyo mataas-taas ngayon ang volume, it was 6,500 three weeks ago. Medyo mataas ang volume ngayon kasi nga napaigting ng IATF iyong quarantine, hotel quarantine stay from seven to nine days at ngayon 10 days bunsod nitong pagpasok ng mga new COVID variants – UK variant, Brazil, South Africa and, ang pinakabago, Indian variant na sinasabing mas matindi ang kaniyang pagka-contagious o mapanghawa na epekto.
USEC. IGNACIO: Attorney, dahil nga po variant of concern mula sa India ano po, ginawang mandatory na 10 days ang quarantine ng mga incoming passengers sa bansa. Pero kung OWWA po ang tatanungin, kayo po ba ay pabor sa itinakdang quarantine days lalo na at magastos po ito para sa ahensiya?
OWWA ADMNISTRATOR CACDAC: Yes, of course, kami rin, we join the Secretary, Secretary Bello, sa pagsasangguni ng mga katanungan at clarification patungkol dito sa seven to nine to 10 days kasi alam naman natin na ang ating OFWs should rather spend time with their families. Pero nalinawan din naman po tayo ng siyensiya at gagabayan po tayo ng siyensiya, ng medical expertise mula sa DOH, sa IATF, kaya sumasang-ayon na rin po tayo dito sa quarantine hotel stay extended up to 10 days, swab testing at the 7th day, then release on the 10th day.
And then, of course, iyong positive assurances from the DBM, sumangguni rin po tayo, sumaklolo tayo sa DBM dahil noong deflation ng food, transport, accommodation funds. At naanunsiyo na rin ni CabSec Karlo Nograles iyong forthcoming na 5.2 billion initial tranche mula sa DBM. So laking pasalamat po natin kay Sec. Wendel and the DBM family, and of course sa ating mahal na Pangulo sa suporta.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, sa ngayon ba masasabi natin na kinakaya pa ang budget ninyo iyong pagsagot sa quarantine ng ating mga retuning OFWs?
OWWA ADMNISTRATOR CACDAC: Sa ngayon, kinakaya naman, USec., dahil nga sa itong panibagong tranche na inaasahan natin mula sa DBM. Nalinawan na rin po naman ang IATF, iyong technical working group, iyong medical experts na may price tag sa karagdagang kuwarantina ng OFWs bukod sa kumbaga iyong epekto nito sa emotional and mental, physical health ng ating OFWs dahil hindi nila makakapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. But nevertheless, naipamalas naman ng DOH, ng medical experts na matindi ang pangangailangan na extended quarantine bunsod nga sa pagpasok ng COVID variant. So these are all for the sake of the general interest, public health and safety kaya’t naunawaan natin ito. Basta mayroon lamang supplemental funding or suporta ay kakayanin po natin ito.
USEC. IGNACIO: Attorney, ano naman daw po ang reaksiyon ninyo sa bagong ordinansa sa Cebu na agad isasailalim sa RT-PCR test ang mga returning Overseas Filipinos bago po isailalim sa quarantine?
OWWA ADMNISTRATOR CACDAC: Well, of course, bilang panguna ay aming pasasalamat kay Governor Gwen Garcia at sa liderato ng lalawigan ng Cebu dahil sa pagkakaunawa namin, isang konsiderasyon dito ay iyong stay sa hotel quarantine facility sa Cebu na mukhang limited din iyong mga bilang ng available rooms plus iyong gastos. Pasalamat tayo doon.
Also, we should also be mindful na tayo ay napapabilang sa IATF, at ang sabi ko nga ay umaayon din tayo sa patakaran na ipinapasa ng IATF. At alam po natin ngayon na mayroong efforts underway between the IATF, the National Task Force and the provincial government of Cebu para magkaroon ng further understanding dito sa national government protocol, iyong ten days quarantine, para po magkaroon ng uniformity sa quarantine period.
So basta ang mahalaga dito ay bukas sa pakikipag-usap at pakikinig ang both sides mula sa IATF na kinabibilangan natin at sa provincial government of Cebu para maisaayos po natin and quarantine protocols.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, tanong po ni Jam Punzalan ng ABS-CBN Online: A source said some OFWs in UAE were affected by the two-week travel ban. Their visas daw po are already cancelled and they are reportedly paying fines for extending their stay. Has the OWWA received reports like this and what are we doing about it?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, we have received reports. We stand ready to support the OFWs affected by the travel ban. However dito sa aspeto ng penalties, we are seeking the assistance of the embassy and the consulate in the Abu Dhabi and Dubai. Kasi kailangan din sigurong kausapin ang UAE government para hindi po mag-skyrocket o kumbaga ay lumubha ang sitwasyon in terms of iyong penalties na pinapataw sa ating OFWs. So papasok tayo, we’re willing to discuss and help our OFWs. However, kailangan muna natin masiguro na mayroon din tayong pag-reach out, pakikipag-usap sa UAE government para maibsan ang problema ng immigration penalties.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac. Mabuhay po kayo, sir.
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Salamat, Usec. Rocky [garbled] at ipagdasal po natin po natin [garbled].
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Kahapon po, madaling araw ay isang sunog po ang sumiklab sa ikatlong palapag ng Philippine General Hospital na umano’y nanggaling sa linen room ng ospital. Mabuti na lang po at agad nailikas ang ilang mga pasyente na naka-confine po, kabilang na ang ilang mga bagong panganak na sanggol at COVID patients. Makikibalita po tayo diyan mula kay PGH Director, Dr. Gerardo ‘Gap’ Legaspi. Good morning po, Doc.
PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Good morning. Good morning, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Hi, Doc. Opo. Doc, kumustahin po muna namin iyong nasa 500 patients na kinailangan ninyong ilikas dahil sa sunog Doc ano. Nakabalik na po ba ang karamihan sa kanila sa mga ward nila?
PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Yes. Yesterday morning natapos iyong paglipat ng almost 500 patients at around 2 A.M. ‘no sa mga kaniya-kaniyang designated areas based on our fire drills. And at around 7 A.M., we started bringing them back to the wards dahil nabigyan na kami ng clearance ng BFP at saka ng aming engineering office na safe na iyong mga lugar. So by around 10 o’clock, almost 90%t were already in their designated areas at except for iyong mga napadala namin na mga bagong panganak sa Sta. Ana Hospital dahil iyong area nila hindi pa kaagad na-clear ‘no, may mga amoy usok pa, ayaw namin silang ma-compromise doon. At thankfully ang ating mga kasama sa Sta. Ana Hospital accepted the 12 babies eventually na nalipat sa kanila. So for today 100% na lahat ng pasyente back to their original designation, sa wards ‘no.
USEC. IGNACIO: Opo. So wala na tayong nakikitang dahilan, Doc, na iyong iba po ay baka kailanganing ilipat pa ng ibang ospital Doc? Para lang po malinaw, lahat po okay na po?
PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Okay. Mayroon din tayong pangangailangang ilipat ang mga ibang pasyente na nasa emergency room po. So pansamantala naming isinara ang emergency room dahil naapektuhan din ito ng sunog at humihingi ako ng mga isa o dalawang araw pa para maayos namin ang emergency room at magbalik iyong dating operations niya.
So ang One Hospital Command ay tinulungan po kaming mailipat ang labing pitong pasyente sa iba’t ibang DOH hospitals. We really appreciate that. So sa ngayon po, sarado muna ang emergency room kaya kung mayroon pong darating na pasyente dito baka ilipat muna namin to the efforts of the One Hospital Command. Pero iyong mga nasa ward po, wala na po kaming ililipat muna ngayon dahil nag-uumpisa na ho kaming magplano ng serbisyo sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, ano naman daw po iyong naging protocol ng PGH sa paglikas ng mga may COVID-19 pasyente at paano po nasiguro na contained iyong sakit at wala pong nahawa?
PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Dapat imagine-in ninyo ‘no, 500 patients is not easy ‘no. Ang plano po doon, may designated areas sa iba-ibang open spaces ng PGH. Iyon pong mga COVID patients, basta magkakasya pa po sa aming COVID ward, nalagay po sila doon sa ibang designated COVID wards na hindi namin in-evacuate. Iyong mga hindi na po magkasya doon, nilagay namin sa open area. Of course may mga non-COVID din sa open areas na iyon and that the spacing was ensured para hindi magkahawaan at of course ang health protocol were ensured by the personnel who handled them in those areas ‘no.
Basta naman po naka-mask, naka-face shield ang ating mga personnel and the patients, our Hospital Infection Control Unit deemed it low risk ‘no. Noon pong naayos namin iyong ibang lugar, iyong mga COVID patients na maaaring nasa same area but distanced significantly from the non-COVID patients, nilipat po namin sa mga lugar na iyon, I think by around 5 o’clock in the morning.
USEC. IGNACIO: Opo. Para lang po sa kabatiran ng ating publiko ano po. Doc, sa ngayon po ay anu-ano raw pong rooms at facilities ang hindi operational dahil sa sunog? Hindi ba daw po ito makakaapekto ng malaki sa mga pasyente at operasyon ng PGH lalo na’t COVID-19 referral hospital po ito?
PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Okay. Humingi lang po ako ng isang araw na hindi muna kami mag-a-admit ng COVID patients. Pero simula bukas po, mag-umpisa na ulit kami nang pagtanggap ng mga COVID patients dahil nga sabi ko na-stabilize na iyong mga designation ng areas na ito ‘no.
Ang malaki pong naapektuhan, iyong aming mga operasyon na kung inyong titingnan ho, ang PGH siguro ang isa sa mga kaunting hospital na patuloy ang pagbigay ng serbisyo sa mga operasyong kritikal – neurosurgery, heart surgery, mga advanced surgeries na hindi maaaring magawa sa ibang ospital at napagpatuloy po namin ito kahit na COVID referral center kami.
Ngayon po dahil dito sa nangyari, titigil muna ho namin ito completely for – maybe 1 or 2 days ‘no. So iyon po iyong malaking naapektuhan sa amin, iyong aming kakayahang magbigay ng mga serbisyo sa pag-oopera. Pero handa naman ho kaming mag-umpisa sa lalong madaling panahon para maituloy po ito. Maaaring hindi kasing dami noong dati but slowly maghahanap po kami ng paraan para maabot ulit iyong kakayanan na kaya namin dati po.
Ang emergency room po ay bubuksan na ho by today at titingnan namin po kung anong mga klaseng pasyente na ang maaari naming matanggap doon.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Gap, kailan po kaya daw muling magagamit itong mga facilities na nasunog, sa tantiya ninyo po?
PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Para ho maintindihan ng publiko, ang talagang nasunog ho itong tinatawag na operating room supply and autoclave room – ito po iyong aming sterilization area. Wala pong operating room na directly na involved but all the support, all the support systems na kailangang patakbuhin ang operating room, nanggagaling po dito. Dito po nililinis ang mga instrumento pang-opera, dito sila inu-autoclave, dito rin po nakaimbak ang mga supplies para mag-opera, iyong mga gowns, mga drapes ‘no.
So sunog na sunog po ito, lima pong sterilization unit ang nasira. Although mayroon pa ang ospital ng iba sa ibang lugar but this will severely affect us ‘no. Plus iyong sunog, maaaring naka-cause ng structural damage din. So, darating mamayang hapon si Secretary Villar para i-check ito and he will give us assistance with DPWH ‘no. Ang tantiya po namin, mababalik ang normal na operasyon ng ORSA siguro mga tatlo o apat na buwan po, with the construction considered. Pero hindi po namin hihintayin iyon para makapag-opera ulit. Mayroon na hong mga collaborations na ginagawa – with other hospitals and of course within the PGH system – adjustments para maumpisahan iyong pag-oopera on a regular basis po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Gap, may lumabas na ba sa imbestigasyon kung ano po daw iyong posibleng nagdulot ng sunog sa may linen room ninyo sa third floor at may estimate cost na po ba daw ng damage iyong sunog?
PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Wala pa pong official report ang Bureau of Fire at ang Arson Division. Pero po, base sa mga account ng aming mga staff na nandoon, posible pong electrical ang pinanggalingan dahil sa kisame ho nanggaling eh, sa kisame ‘no. At dahil ho ang mga linen at ang mga drapes na disposable ay highly flammable, so nagkaroon po ng tuluy-tuloy na combustion, na pagsunog ‘no.
Ang estimate po ay hindi pa rin ho maeksakto kasi ang autoclave area po, diyan po nakalagay ang highly specialized instruments ‘no ng mga pag-oopera na maaaring ang isang set ay mag-cost ng 1 million o 3 million, ganoon po. So hindi pa ho namin nasusumatutal.
Mayroon ding mga nasirang ibang [garbled] facilities like the offices at saka iyong auditorium. Madali hong mag-estimate, siguro just by equipment alone, iyong mga nasirang autoclave at sterilization units, mga 50 million upwards po ang estimated damage po ang aming initial estimate po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may panawagan po ba kayo kung ano iyong mga assistance na kailangan ninyo sa ospital sa ngayon? At ano po iyong masasabi ninyo kasi may mga gusto pong magpaabot ng tulong in-kind, gusto pong magpadala ng alcohol, ng diapers, ng face masks, saan daw po nila puwedeng dalhin iyon, Doc?
PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Unang-una po, gusto kong magpasalamat sa mga napauna nang tumulong sa amin during our greatest time of need. Alam ninyo kung nasara iyong ospital, wala pong supply room, walang dietary, walang pharmacy, walang oxygen at that point kaya marami pong humihingi ng items na iyon. And we are so honored by the response of the public na tumulong, at ang gobyerno rin nagpadala ng tulong.
At sa ngayon po, we are establishing normal operations already. If ever po mayroon mang tulong na kailangan ng pagkain sa mga ilang araw, siguro isa o dalawang araw na lang po ang kakailanganin at normal ang dietary functions. At ang mga alcohol eh nabuksan na po iyong aming mga supply rooms and I think we are okay with that. Ang talagang malaking pangangailangan is rebuilding what has been burnt and I think that will require some funding in the long term.
So malaking pasalamat po namin sa lahat ng nagpadala ng tulong. Mayroon pong mga numero po kaming binigay sa aming mga advisories kung saan pupuwedeng i-forward ang cash donations and donations in-kind, at isi-share ko na lang po siguro sa PTV 4 kung papaano po iyon.
USEC. IGNACIO: Yes, opo, aantayin po naming iyan, Doc, at tutulong po kami para mai-share po iyan sa ating mga kababayan para sa mga nagnanais pong magpaabot ng tulong sa PGH. Kami po ay nagpapasalamat sa pagpapaunlak ninyo, Dr. Gerardo “Gap” Legaspi ng PGH. Mabuhay po kayo! Saludo po kami sa inyo, Doc.
PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Maraming salamat po. Maraming salamat and good morning to everyone.
USEC. IGNACIO: Samantala, dalawang bayan naman po sa Negros Occidental ang inikot ng outreach team ni Senator Bong Go, kasama po ang ilang ahensiya ng pamahalaan para magbigay ng ayuda na nasa higit 5,000 residente ng Sagay City at Cadiz City sa lalawigan, panoorin po natin ito.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang lalawigan. Ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. Samantala, magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH matapos po ang ilang paalala.
[COMMERICAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Samantala, sinimulan na rin po kaninang umaga ang symbolic vaccination rollout ng Pfizer vaccines sa Southern Philippine Medical Center, at ilan sa mga naunang nabigyan ng bakuna ay mga senior citizens sa Davao City. May report si Regine Lanuza ng PTV-Davao.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza ng PTV Davao.
Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Maraming salamat po sa walang sawa ninyong pagtutok sa amin. Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magkita-kita po tayong muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)