USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Huwebes, ika-20 ng Mayo, samahan ninyo kami pag-usapan ang iba’t ibang isyu ng bayan kasama na ang tugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa ang mga undersecretaries ng Department of Education; Dr. Jaime Montoya, ang Executive Director ng DOST Philippine Council of Health, Research and Development; at DTI Secretary Ramon Lopez.
Sa ating unang balita: Dumating na po sa bansa ang karagdagang 500,000 doses ng CoronaVac mula sa China. Sakay po ito ng Flight 5J671 na lumapag sa NAIA Terminal II bandang alas siete y media kaninang umaga. Personal itong sinalubong ni Health Secretary Francisco Duque III, ito na po ang ikalawang batch ng bakuna na gawa ng Sinovac na dumating sa bansa ngayong buwan. Inaasahang darating pa ang dagdag na supply ng Sinovac vaccine sa Hunyo.
Ngayong pinaiigting ang vaccination rollout sa bansa, tiniyak ni Senator Bong Go na kabilang ang mga food delivery riders sa prayoridad na mabakunahan sa ilalim ng A4 priority list. Ito ay bilang pagkilala sa sakripisyo at kahalagahan ng kanilang trabaho ngayong panahon ng pandemya. Nanawagan din si Senator Go na gumawa ng hakbang upang maiwasan ang mga fake bookings. Narito ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa: Base sa report ng Department of Heath kahapon, May 19, 2021, umabot na sa 1,159,071 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 4,700 na mga bagong kaso; 136 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 19,507 ang total COVID-19 deaths. Ang mga kababayan naman nating gumaling na sa sakit ay nasa 1,089,613 matapos makapagtala ng 6,986 new recoveries kahapon. Ang total active cases sa kasalukuyan ay bahagyang bumaba sa 49,951.
Mahalaga pong may alam tayo sa mga impormasyon tungkol sa gamot at bakunang tatanggapin natin panlaban sa COVID-19 dahil ito po ang magiging sandata para makabalik tayo sa normal na pamumuhay. Iyan po ang sentro ng ating talakayan dito sa Check the Facts.
Para po masigurong epektibo at ligtas ang mga medisina kontra-COVID-19, dumadaan po ito sa matinding pagsusuri. Ngayong araw ay makibalita tayo sa takbo ng mga isinasagawang pagsasaliksik ng World Health Organization, makakausap po natin si DOST PCHRD Executive Director Dr. Jaime Montoya tungkol dito. Welcome back po, sir.
DR. JAIME MONTOYA: Yes. Magandang umaga/tanghali, Usec. Rocky, at sa inyong mga tagasubaybay/tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ano po iyong kasalukuyang pinag-aaralan sa WHO Solidarity Trials?
DR. JAIME MONTOYA: Well, sa ngayon po ay hindi pa nagsisimula iyong WHO Solidarity Vaccine Trial pero tayo po ay kumbaga nasa last mile na sa paghahanda. Iyon pong mga gamit na kailangan para sa pagsasagawa ng [garbled] ay pina-finalize na po. Nakikipag-meet na po tayo sa headquarters ng WHO sa Geneva para po doon sa pagdadala dito ng mga kagamitan at iyong training na isasagawa para po sa ating mga health care workers na kasama po sa pagsasagawa ng trial na ito. Pati po iyong pagri-recruit ng mga personnel na kalahok po at sasama dito sa ating Solidarity Vaccine Trial ay isinasagawa na rin po ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Montoya, ano po iyong pinagkaiba raw ng WHO Solidarity Trial sa tinatawag nating clinical trials?
DR. JAIME MONTOYA: Magandang tanong po iyan. Para po mapag-iba, iisa-isahin ko po ‘no. Unang-una, kung ikukumpara natin iyan sa tinatawag nating independent clinical trials, ito pong WHO Solidarity Vaccine Trial, ang titingnan pong mga bakuna ay mahigit sa isa, so at least dalawa or higit pa ang titingnan na bakuna. Samantalang sa independent clinical trial po, paisa-isa lang po; kung ano po iyong bakuna na sponsor ng vaccine developer, iyon lang po ang titingnan.
Ikalawa po, sa recruitment o paghahanap ng lalahok sa clinical trial, sa Solidarity Vaccine Trial po, ito po ay community-based. Ibig sabihin po, base po sa datos na ibibigay ng Epidemiology Bureau, ng DOH, aalamin po natin kung saan pong mga barangay maraming kaso at doon po pupunta ang ating trial team. Samantalang dito po sa independent clinical trials, fixed po ang mga sites. In other words, ito po ay galing sa ospital, pupunta po sila … doon po pupunta ang mga kalahok para po tingnan at magpa-work up at kung saka-sakali ay mabakunahan.
Ikatlo po, iyong mga sites na pipiliin po, prayoridad po ang WHO Solidarity Vaccine Trial, ito ay ayon po sa resolusyon na ipinasa ng IATF. So sila po ang prayoridad at hindi po sila kamukha ng gagawin po na mga sites na gagamitin ng ating independent sites at even ang mass vaccination program. Iyong independent trial sites po ay ito po ay ia-assign din sila ng trial sites na hindi katulad noong sa ating Solidarity Vaccine Trial.
At sa monitoring naman po, dahil po ang Solidarity Vaccine Trial ng WHO, ang pamahalaan po ang gagastos dito. Tayo po ang magsasagawa ng monitoring at magki-create ng tinatawag na data safety monitoring committee na imu-monitor po iyong kaligtasan ng mga bakunang isasama sa pag-aaral sa Solidarity Vaccine Trial samantalang sa independent clinical trials po, ang pagmu-monitor ay isasagawa ng vaccine developer. Sila po ang gagawa ng data safety monitoring committee at sila din po ang gagastos para dito.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc Montoya, ano daw po iyong benepisyo at epekto nito para sa ating mga kababayan?
DR. JAIME MONTOYA: Malaki po ang benepisyo nito. Unang-una po, dahil po ang mga clinical trials na ito ay gagawin sa ating bansa, magkakaroon po tayo ng tinatawag na local data o karanasan ng mga Pilipino at iyon po ang magiging basehan para malaman natin kung alin po ang pinaka-epektibo at pinakaligtas na bakuna na naaangkop o nababagay sa mga Pilipino.
Bukod pa dito, makikita po natin ang mga long term effects o iyong pangmatagalang epekto ng bakuna, gaano katagal po iyong mga antibodies na ma-stimulate nila at pati na rin po iyong safety data at iyong posibleng mga side effects na pangmatagalan dahil po hindi tayo kasama doon sa ibang mga naunang clinical trials na isinagawa sa ibang bansa,
So, aalamin din po natin base sa mga clinical trials na gagawin dito kung ano po ang magiging listahan ng mga bakuna na puwede talaga nating bilhin sa susunod na taon dahil lahat po ng mga bakunang ginagamit ngayon ay base lang po sa tinatawag na Emergency Use Authorization.
So, iyong mga datos na makukuha natin sa mga local clinical trials dito ay makatutulong para hindi lang po iyong mga nabigyan lang ng EUA but pati rin po iyong mga bagong bakuna ay makakuha ng kumpletong datos para po maging basehan kapag nag-apply sila ng certificate of product registration at sa ganoon ay maipagbili na sa merkado.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano daw po iyong nakitang resulta sa mga pag-aaral tungkol sa Remdesivir, Hydroxychloroquine, Lopinavir-Ritonavir and Interferon?
DR. JAIME MONTOYA: Opo. Iyan pong mga nabanggit ninyo, iyan po iyong mga tinatawag na repurpose drugs o mga gamot na available na po pero hindi po para sa COVID-19, para sa ibang sakit. So, ito po iyong nabanggit ninyo, Hydroxychloroquine, Lopinavir-Ritonavir – kombinasyon po iyan, tapos nandiyan po iyong Remdesivir at Interferon.
Natapos na po iyong ating partisipasyon sa WHO Solidarity Treatment Trial na tiningnan po itong apat na repurpose drugs kung sila ay makatutulong sa mga pasyenteng may COVID-19. Kaya lang po base po sa datos at sa analysis ng WHO, doon sa mga datos na nakuha from the Philippines at sa iba pong bansa ay mukhang wala po sa apat na repurpose drugs na ito ang makatutulong.
Bagama’t iyong Remdesivir po ay natingnan na baka makatutulong sa isang partikular na grupo ng mga pasyente at iyon po ay tinitingnan pa lalo ng WHO pero po iyong tatlong gamot ay napatunayan po na walang benepisyong maibibigay base po sa malakihang clinical trial na ito. Ito po ang Ritonavir-Lopinavir, Interferon at Hydroxychloroquine.
Remdesivir lang po ang tinitingnan pa iyong datos baka makatulong po sa isang partikular na grupo ng pasyente at aalamin po natin kung ano iyong final na rekomendasyon na manggagaling sa WHO.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, ano po daw iyong epekto ng WHO Solidarity Trials sa mga bakuna naman na dumarating dito sa ating bansa?
DR. JAIME MONTOYA: Ano po, wala naman pong epekto in the sense na magpapatuloy pa po iyong mga bakuna na nasa EUA at magpapatuloy pa rin po ang mga trials na kanilang ginagawa dahil alam na po natin na iyong EUA po ay na-issue kahit hindi pa po tapos iyong kanilang Phase 3 clinical trials.
At katunayan, makatutulong pa nga ito dahil ito ay karagdagang datos at makakakuha sila ng pangmatagalang datos po. Ito po iyong long term follow-up ng mga nabigyan po ng bakuna para malaman po kung sila ay talagang ligtas, wala pong side effect na lalabas na pangmatagalan after one year at makikita po natin kung iyon pong kanilang mga antibodies na kanilang mapu-produce o maii-stimulate ay matataas po at magtatagal nang beyond one year.
So, itong mga datos po na ito ay magagamit pa nila para po sa kanilang pag-a-apply for what we call a certificate of product registration na mas permanenteng rehistrasyon para sila ay maibenta na sa merkado.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, inyong impormasyon, Dr. Jaime Montoya ng DOST. Ingat po.
DR. JAIME MONTOYA: Maraming salamat po at magandang tanghali po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy sa pamamahagi ng tulong ang tanggapan ni Senator Bong Go sa mga mahihirap na kababayan natin sa iba’t-ibang bahagi ng bansa lalo na po ang tinamaan ng iba’t-ibang kalamidad. Narito ang report.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Samantala, upang pag-usapan ang inilabas na pahayag ng DepEd kaugnay sa ‘di umano ay pabagsak na kalidad na edukasyon sa bansa, makakasama po natin sa programa sina DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla; Usec. Diosdado San Antonio.
Good morning po sa inyo!
DEPED USEC. SAN ANTONIO: Good morning po!
DEPED USEC. SEVILLA: Magandang umaga po, Usec. Rocky!
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Antonio muna. Taong 2018 po nang makilahok tayo sa Program for International Student Assessment (PISA), pero 2000 pa po ito naumpisahan ano po. So, ano po iyong nagtulak sa pamahalaan na sumali sa educational assessment na ito?
DEPED USEC. SAN ANTONIO: Tayo po ay mayroong sariling National Achievement Test, Usec. Rocky, at nakikita naman po natin sa resulta ng ating mga NAT, iyong NAT na ito na hindi nga masyadong mataas iyong mga score ng ating mga mag-aaral.
Nang panahon po ni Secretary Liling, pinagdesisyunan na kailangang magkaroon tayo ng benchmark sa mga international large scale assessments para makumpirma kung ano iyong mga nakikita natin sa National Achievement Test results. Iyon nga pong pagdesisyon natin na maging bahagi ng PISA ay isang bagay/paraan upang makasiguro tayo na ang mga standards natin ay sang-ayon sa international benchmarks.
USEC. IGNACIO: Opo. Since 2018 nga po iyong kauna-unahan nating pagsali sa PISA ano po. Pero base po sa naging resulta, isa po tayo sa kapansin-pansin daw pong nahuhuling bansa pagdating sa rankings. So, paano ninyo po ginagamit iyong datos na ito para po ma-improve pa iyong ating basic education at anu-ano daw pong adjustments na ginagawa ng DepEd pagdating sa learning approach?
DEPED USEC. SAN ANTONIO: Opo. Totoo po iyon, ginagamit po natin iyong mga resulta dito sa PISA, inaral natin nang mas malalim at inunawa kung ano iyong mga factors na nagiging sanhi nang pagiging mababang performance ng ating mga mag-aaral. Isa pong istratehiya ay ang pagsisiguro na ang mga tanong po natin na binibigay sa sarili nating mga classroom assessments at sa national assessments ay nakaano rin po, similar dito sa PISA questions.
Kasi ako po personally naniniwala na hindi naman siguro ganoon kahina ang ating mga mag-aaral pero kasama po sa nagiging, iyon nga, dahilan nang mababang score ay ang kung hindi ka masyadong pamilyar sa paraan ng mga pagtatanong ay mabibigla ka at hindi mo makukuha kaagad iyong mga tamang kasagutan. So inaayos po natin, magbibigay tayo ng tulong sa mga kasamang guro na sisiguruhin na ang pagtatanong nila sa mga assessments din sa loob ng silid-aralan ay naka-align sa PISA results.
At siyempre po bago pa lumabas ang PISA, alam na po ng kagawaran na talagang kailangang iangat ang ating kalidad ng edukasyon kaya naman po iyong Sulong EduKalidad ay talagang ginagawa, nagkaroon po tayo ng curriculum review at ngayon po ay nasa kalagitnaan kami ng pagsasagawa ng mga enhancements sa gagawin nating bagong curriculum na hindi naman po siya overhaul pero i-enhance lang po natin.
Kasi sang-ayon po sa aming mga napag-alaman sa pag-aaral ay maayos naman ang ating performance and content standards ‘pag inihambing mo po siya sa mga standards ng ibang bansa ay maayos. Ang medyo nakita po namin ay medyo congested po talaga ang curriculum natin, ang daming kailangang ituro na kung minsan nagiging sanhi na wala tuloy natututunan iyong mga bata.
Kaya po isa sa sinisimulan natin ngayon ay pagsiguro na ang competencies na ituturo ay iyon lamang pong napakaimportante, mga foundational competencies para po mabigyan ng pansin at mapalakas ang mga ito. Naniniwala po kami na ‘pag marunong na marunong ang mga bata sa pagbabasa, sa pagsusulat, sa mathematics at iyon pong socio-emotional skills – iyon pong ibang mga bagay na gusto nating ipatuto sa mga bata ay madali nang matututunan basta masu-sustain iyong kanilang interes sa pag-aaral.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. bagama’t first time natin sumali sa PISA, masasabi ninyo po ba natin na nagkaroon nang pagbaba sa learning development ng mga estudyante noong 2018 sa isinagawa ninyong test at may pinagbasehan po ba tayong ibang performance evaluation before?
DEPED USEC. SAN ANTONIO: Ang sinasabi po natin, parang na-confirm nito iyong mga resulta rin ng ating National Achievement Test at hindi po naman natin masasabi na bumaba ang performance kasi po maraming mga kailangang i-consider sa pagpapaangat ng kalidad ng edukasyon. At isa rin pong factor dito iyong language ng test, nakita po doon na siyempre tayo, hindi naman lahat English speaker iyong mga bata pero po ang test po natin ay English ibinigay. Iyon din po ang nangyari sa ibang mga test, consider rin po natin na isang factor.
Pangalawa po, may magagaling na mga paaralan na mas mataas ang mga score sa mga matataas na bansa po ang score sa PISA kaya po tinitingnan din natin kung paano papalawakin o papalaganapin iyong mga instructional practices at mga sistema na isinasagawa sa mga paaralan na mataas po ang mga score ng mga estudyante nila.
So ang nakikita po natin consistent iyong result na iyon pong mga bata sa mga rural areas ay medyo po napag-iiwanan, iyon pong mga babae mas matataas iyong score at iyon pong mga estudyante sa private school mas mataas din po ang score. Kaya po tinitingnan din po natin ang mga puwede pang gawin upang itong mga tinatawag nating disadvantaged learners sa ating education system ay mabigyan nang dagdag na suporta at atensiyon upang iyong pagpapaangat sa kalidad ng edukasyon ay tuluy-tuloy nating maisagawa.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec. San Antonio, totoo po ba na plummeting o pabagsak iyong education quality sa Pilipinas?
DEPED USEC. SAN ANTONIO: Ang perception ko ay depende sa mga tao, may nagsusulat na ganiyan. Pero ako po bilang isang beteranong taga-DepEd, going 36 years na po ako ngayong taon, naniniwala po ako na hindi naman ganoon iyong riyalidad sa mga nangyayari. Nakita ko po kung ano ang ginagawa ng pamahalaan ngayon para i-modernize ang ating mga school facilities, bigyang-pansin iyong mga dagdag na gagawin para iyon pong education technology ay ma-integrate sa ating mga ginagawa. At siyempre po sa pamumuno ni Secretary Liling, nakita rin po natin na hindi lang iyong kasalukuyan iyong tinitingnan – tinitingnan din ang future. Mayroon po tayong Futures and Education Unit na tumitingin po kung paano natin mas mapapaigting.
So naniniwala po ako na kung iyon naman po ang perception ng iba, nirirespeto natin. Pero ako rin po ay bilang taga-DepEd po siyempre at naranasan ko iyong mga hirap o mga hamon nang pagiging teacher noong mga unang panahon ay para pong tingin ko mas maayos naman iyong mga nagagawa natin ngayon at naiu-offer sa ating mga mag-aaral.
USEC. IGNACIO: Opo. Puntahan ko naman po si Usec. Sevilla. Usec., hindi ba nabibigyang-pansin ng sektor ng edukasyon ng kasalukuyang administrasyon in terms of financial assistance?
DEPED USEC. SEVILLA: Usec. Rocky, sasagutin ko iyong tanong sa dalawang bahagi. Ang una iyong ating share sa budget, sa national budget. Tayo po ang may pinakamalaki na share—[CUT]
USEC. IGNACIO: Okay. Babalikan po natin si Usec. Sevilla. Nagkaroon po ng problema sa kaniyang linya. Pero puntahan ko po muna si Usec. San Antonio. Usec., paano pa po natin maisusulong iyong kalidad ng edukasyon sa ating bansa?
Usec. San Antonio? Okay, parehong nawala. Babalikan po natin si Usec. Sevilla at si Usec. San Antonio. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[AD]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Balikan po natin sina DepEd Undersecretary San Antonio at Usec. Sevilla.
Usec. Sevilla iyong kanina pong tanong, ulitin ko na lang po ano. Hindi ba daw nabibigyang pansin ang sektor ng edukasyon ng kasalukuyang administrasyon in terms of financial assistance?
DEPED USEC. SEVILLA: Thank you. Usec. Rocky. Sasagutin ko iyong tanong sa dalawang bahagi. Ang una ay iyong pagbibigay ng suporta ng ating current administration sa ating Department of Education. Alam po ninyo na ang edukasyon ang may pinakamalaking share sa ating budget, ito po ay napuprotektahan ng ating Konstitusyon. Right now, almost 600 billion ang ating budget for the Department of Education, tayo rin ang may pinakamaraming personnel in terms of the government bureaucracy, about 1 million.
Iyong isang bahagi naman po ay iyong financial assistance. So during the COVID time, tayo po, the President through the Bayanihan Law 2 has provided 4.3 billion pesos, ito po iyong nakapaloob doon sa 4.3 billion na nakalagay po sa ating Bayanihan Law 2: 2.4 billion po ang provision ng laptop para sa 68,500 na personnel kasama ang mga teachers. Kasalukuyan po itong binibili under the DBM Procurement Service; 1.2 billion naman po para sa ating mobile or internet load, ito po ay under procurement din sa ating Department of Education and we are looking forward by June. Ito po ay mabibigay natin, isang data internet load para sa ating mga guro at mga personnel sa DepEd.
200 million naman po ang ating inilaan para sa ating DepEd TV, 50 million para sa ating DepEd radio at 150 million para sa ating mga self-learning modules. Mayroon din po tayong 300 million na subsidies and allowances para sa mga estudyante na nagkaroon po ng problema lalo na po iyong mga galing sa private schools na nagkaroon ng mga balanse sa kanilang mga tuition fee. Lahat po ito, Usec. Rocky ay ongoing at tayo rin po ay naghihintay ng susunod pa sa Bayanihan Law 3 ng mga iba pang financial assistance.
USEC. IGNACIO: Opo. Bibigyang-daan ko lang po iyong katanungan ng ating kasamahan sa media, kung sino po ang maaaring sumagot sa inyo, advise lang po ninyo ako. Mula po kay Meg Adonis: How is the DepEd preparing for the next school year? Has the school calendar been finalized? Sino po ang maaaring sumagot sa inyo, Usec. Sevilla or Usec. San Antonio?
DEPED USEC. SEVILLA: If Usec. Dads Antonio is around, siya po ang ating curriculum and development structure. Pero kung wala pa po, mayroon tayong technical difficulty. Right now, ang atin pong Department of Education has prepared a proposal that we will submit to the President and to the Cabinet level.
Kahapon lang po nag-management committee meeting ang ating Secretary Liling Briones sa lahat ng ating mga Regional Directors, Bureau and Service directors at mayroon po kaming mga options and proposal na within the law. Kung ano po iyong binibigay sa batas, so ang una pong option natin ay ang unang lumabas, iyong August 23 at mayroon pa rin po kaming iba pang mga dates na ipi-present po ni Secretary sa ating Presidente.
Hindi po tayo magbabalik sa face-to-face na educational learning delivery system kung hindi poi to papayagan ng ating IATF, ng ating protocol for DOH and of course the President. Pero magtutuloy po ang pag-aaral, dahil nagawa na po natin ito ng isang school year, ito po iyong blended delivery approach. At kung hindi man tayo magpi- face-to-face, diri-diretso pa rin tayo. Itutuloy natin iyong tinatawag natin na self-learning modules, online through the DepEd TV, DepEd Radio at iba pa pong mga approaches on delivery. But I hope Usec. San Antonio is around dahil ang atin pong curriculum and development is under his part.
USEC. IGNACIO: Opo. Mukhang wala pa rin po sa ating linya si Usec. San Antonio. Pero tanong pa rin po ni Meg Adonis: Did the IATF confirmed when the vaccination of education frontliners begin since they are part of the A4 priority group?
DEPED USEC. SEVILLA: Yes, we do confirm, Usec. Rocky that the teachers, all government frontliners na employees natin ay ngayon nasa A4 na. At iyon po ay pupuwede na nating maproseso through our Local Government Units. Mag-apply po kayo, pumunta po kayo sa inyong mga LGUs, mayroon pong mga online application o iyong iba po ay may ibang pamamaraan, may umiikot or through your barangay or municipal city government ay makipag-ugnayan po kayo, ipakita ninyo ang inyong ID, employee’s ID. Kasi nga po ay gusto nating mauna rin siyempre ang ating mga guro, dahil we are preparing for the continuity of our learning.
USEC. IGNACIO: Opo, nasa linya na po natin si Usec. San Antonio. Usec, mayroon po kayong programa na tinatawag na “Back to school, ligtas sa bakuna para sa balik-eskuwela.” Kasama na rin po ba iyong inisyatibo nito na mabakunahan iyong ating mga estudyante?
DEPED USEC. SAN ANTONIO: Iyong mga estudyante wala pa tayong sapat na basehan para isama sila dito, USec. Rocky, kasi inaantay pa natin iyong mga sasabihin ng mga eksperto kung puwede na sila. Siyempre po kasama sa mga paghahanda iyong scenario na kung puwede sila. Pero sa ngayon po nauunawaan natin na hindi pa maliwanag ang mga guidelines para sa pagbabakuna sa mga mag-aaral na clients po natin sa Kagawaran ng Edukasyon, iyong mga mas batang mga mamamayan ng ating bansa.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Undersecretary Annalyn Sevilla at Undersecretary Diosdado San Antonio ng Department of Education.
DEPED USEC. SEVILLA: Maraming-maraming salamat din po.
USEC. IGNACIO: Ilang araw makalipas ibaba sa mas maluwag na community quarantine ang NCR Plus, muli nating kumustahin naman ang lagay ng pagninegosyo sa bansa. Muli po nating makakasama si DTI Secretary Ramon Lopez. Welcome back po, Secretary.
DTI SEC. LOPEZ: Hello, good morning, Usec. Rocky. Good morning po sa lahat ng nanunood at nakikinig.
USEC. IGNACIO: Secretary, naibaba na nga po sa GCQ with heightened restriction ang NCR Plus sa ilang araw ng pagpapatupad nito, kumusta naman daw po ang compliance ng ating mga establishments?
DTI SEC. LOPEZ: Sa compliance po, wala po tayong problema. Talaga pong sumusunod ang mga establisyimento at ito naman ay minu-monitor ng iba’t ibang ahensiya that arte covering the different establishment.
USEC. IGNACIO: Secretary, dahil daw po sa pagbabalik ng operasyon ng ilang mga establishment, may projection daw po ba daw ang DTI na magiging development sa economic activity sa NCR plus in the next two weeks?
DTI SEC. LOPEZ: Well, definitely the movement towards GCQ, although with heightened restriction, this in a way will help us on the way back to recovery. May mga nagbukas pa na sector at napalaki iyong operating capacity levels of sectors like even in the restaurants although it’s just 20% coming from 10%. At least po dahan-dahan tayong nagri-reopen. And there are other sectors that we reopened.
We believed that these are leading to bring more jobs. Mas maraming trabaho na maibibigay sa ating mga kababayan, so siyempre po mas aandar muli ang ating ekonomiya at ang importante dito may trabaho ang mga kababayan natin at mababawasan ang mga nagugutom. So iyon po ang talagang priority, kaya po ang IATF talagang supportive din na makabalik ang ating ekonomiya at talagang dahan-dahan nga lang dahil nga po everyone, alam na po nating lahat na nagkaroon tayo ng surge noong March at April. Kaya iniingatan lang natin ang pagbabalik, pero diyan po tayo patungo.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nasa magkano daw po ba iyong inaasahang kita na maibabalik kada araw dahil sa karagdagang capacity ng mga establishment na nabuksan na po?
DTI SEC. LOPEZ: Well, may computation po ang NEDA dito, in terms if iyong household income. Naalala ko dito ay during the ECQ may mga 60 billion na nawala, under MECQ around 30 billion ang nawala. Pero dito sa GCQ, inaasahan dito na halos mababalik lahat itong 30 billion, it’s just that nasabi ko nga because of heighten restriction, hindi pa rin binuksan ng kasing bukas tulad ng nakaraan natin GCQ.
So it is somewhere between about two billion to thirty billion, ganoon ho iyong range. So, it will be somewhere in the middle, kasi nga ho hindi lahat totally nabuksan, iyong dating bukas natin na GCQ. But at least po ay ito’y nakakabawas dito sa mga economic losses na na-experience ho natin under ECQ and modified ECQ.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kapansin-pansin din daw po na magkakaiba pa rin iyong contact tracing platform na ginagamit sa mga establishment. So, kailan daw po talaga magiging mandatory ang paggamit ng stay safe app?
DTI SEC. RAMON LOPEZ: So, ongoing ho iyon, kasi turn over—tinurn over iyong stay safe app digital contact tracing sa DILG at may mga laman pa iyon na mga programs na ongoing iyong turn over. Habang kinukumpleto iyon tumatakbo naman partially iyong stay safe and that’s the reason tuloy pa rin iyong iba-ibang digital contact tracing app ng iba-ibang LGUs.
Pero ganoon pa man, ito ho ay ma-integrate din sa stay safe kaya ho tuloy lang ho, we honor and we cooperate with these all different digital contact tracing apps. Like for example, the one in Metro Manila, I think the Pasig, the Mandaluyong, the Valenzuela and then another city ay sila po in a way interconnected naman kasi iisa lang ang developer niya. So, it’s a matter of connecting them to stay safe. Pero importante ho doon ay nagku-contact tracing na ho tayo ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumusta na po daw iyong update naman sa paghahanda ng para sa listahan ng mga babakunahan sa ilalim ng A4 priority list; kailan din po ito inaasahang makukumpleto?
DTI SEC. RAMON LOPEZ: Well, ongoing po ito, bale ang lahat po ng nasa A4 na dinescribe ng IATF, kailangan lang pong talagang mag-submit ho kayo ng inyong mga pangalan, mga listahan at para ho ito ay ma-include naman ho sa mga iba’t-ibang vaccination centers natin.
So, ongoing pa ho iyan and it will continue at lalo na ngayon na nabigyan ng go signal ang ating Pangulo, sa narinig po natin sa ating balita the other night I think. So, iyon na ho magiging ongoing na rin ho iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary anu-ano naman daw pong klaseng incentives ang inihahanda ng private sectors para po mahikayat iyong publiko na magpabakuna?
DTI SEC. RAMON LOPEZ: Well, nakarinig ho tayo ng mga proposals, mga like the restaurant group, sabi nila iyong iba pang miyembro nila will give different of levels discounts. I think, some maybe implementing these already, at iyon po it’s a private sector initiative para talagang mahikayat na magpabakuna na iyong hindi pa nagpapabakuna.
Pero siyempre, paalala natin sa ating mga kababayan, lahat ng benepisyong ito ay hindi ho dahil sa discount. Ang benepisyo nito ay para sa ating mga sarili na kapag nabakunahan tayo ay hindi tayo mamamatay, hindi tayo magkakaroon ng severe COVID case.
Iyon po ang pinaka number na benepisyo kaya ho kung ako po sa inyo pagka po kung anong available diyan huwag na tayong mamili ng brand at kunin na natin iyan dahil it will really save our life. Kaya ho—and then ano na lang daw, [unclear] na lang iyong mga iba pang-insentibo na ibinibigay ng iba’t ibang private establishment. Thank you rin sa mga private sector na nagbigay ng mga kaniya-kaniyang insentibo.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa ibang usapin naman po, kumusta na daw po iyong monitoring ng DTI sa mga pamilihan kaugnay naman sa pagpapatupad ng price freeze sa ilang basic commodities kasunod po ng pagdideklara ng state of calamity dahil sa African Swine Flu outbreak?
DTI SEC. RAMON LOPEZ: So, dito po sa—well, iyong sa state of calamity, pagdating naman dito sa manufactured foods, wala ho tayong price freeze kung hindi iyong SRP system natin and we continue to have a hundred percent compliance dahil ho ang kakampi natin diyan ang nag-i-implement at nag-i-insure ay iyong mga groceries and supermarkets.
So, nakasunod doon sa SRP na nakatakda dito sa mga basic necessity and prime commodities at pagdating naman dito sa mga wet market sa agriculture products gaya ng mga pork, chicken and beef, iyan po ay of course under the DA, nagtutulungan nga po ang DA and DTI, iba-iba ho iyong presyo, sa huling balita natin diyan tinanggal po ng DA ang SRP.
Kaya po ngayon po—basta inaasahan natin dahil po dito sa recent post po ng ating economic cluster pati ho iyong inisyu na EO ng Presidente, together with the Senate, nagkaroon po ng adjustment ang tariff for pork down to 10 and 20; imbes na 5 and 15% for in quota and out quota, respectively.
So, asahan natin na kapag dumating na po iyong importations na ito ay lalong bababa ang mga presyo sa mga bilihin dahil ang talagang naging problema dito sa mga pamilihan ng mga karne lalo na sa wet market, sa public markets ay iyong kakulangan ng supply and of course partly sino-solve din po ng DA iyan by also transferring stocks from surplus areas to deficit areas.
Kung saan maraming supply dinadala ho doon kung saan kulang ang supply, tulad ng Metro Manila, para nga ho gumanda ganda ang presyo. So, ongoing po iyon and ang pinaka-importante po iyong long term program ng DA na sila po ay sumusuporta at tinutulungan nila iyong livestock industry sa production, sa re-population at pagbigay ng ayuda doon sa mga tinamaan ng ASF.
So, iyon po ang importante para replenish iyong stocks po because ang importante dito ay para matulungan iyong industriya para mag-produce nang tuluy-tuloy para locally dito tayo magsu-source in the coming month. Iyong importation is a stop gap measure habang talagang kulang ang supply at para doon naman, maprotektahan naman ang consumer na immediately magkaroon ng supply at bumaba iyong presyo ulit nitong mga produkto na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bigyan daan ko lang iyong mga tanong ng mga kasamahan natin sa Media. Mula po kay Cresilyn Catarong ng SMNI News—
DTI SEC. RAMON LOPEZ: USec. Rocky naka-mute.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, naririnig ninyo na po ako? Bigyan daan ko lamang po iyong tanong ng aming kasamahan sa media.
Mula po kay Cresilyn Catarong ng SMNI News: Ilang establisyimento na daw po ang naka-secure ng Safety Seal Certification sa bansa at sa Metro Manila alone at para daw po sa kaalaman pa ng iba, ano po iyong proseso ng pag-a-apply nitong safety seal; limitado po ba iyong validity nito?
DTI SEC. RAMON LOPEZ: Okay. Dati ho ongoing pa ho iyong aming pagtanggap ng application diyan so, I don’t have the numbers yet kung ilan na ang may safety seal. Ito ho ay wino-work out ngayon at ginagawa kasi namin online para magkaroon ng mas mabilis na proseso at pati iyong inspection ay mapagtuloy-tuloy na ito.
Sa ngayon ho, wala pa ho tayong numero dito kung ilan ang nabigyan na ng safety seal. Pero iyan ho ang magiging sistema natin moving forward, magri-report po kami pagka nakumpleto ko na ho iyong mga numero.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: A recent report daw po ng UN showed that while the Philippines has average export performance in the Southeast Asian Region, it has among the highest export vulnerability. What can you say about this?
DTI SEC. RAMON LOPEZ: Well, masabi ko lang na lahat talagang naging vulnerable nitong pandemic, almost all countries. But you know recent performance ng ating export ay talagang nakaka-encourage because—because of the lockdown that we have you know kahit tayo ay tinawag na continue iyong lockdown, pero iba-iba iyong level. Di ba may mabigat, may ECQ, MECQ, may GCQ; but even at the height of GCQ we allowed the industry experts 100 percent operation.
We allowed the BPO, IT, BPF, Business Process Outsourcing, 100% operation although utilizing iyong work from home as a business model para less ang lumabas na mga empleyado o ng mga workers at dahil diyan ang ating exports growth ay umabot, nagtala ng 31% growth much higher than last year and still higher even than 2019.
So, hindi natin masasabi na kaya iyan nag-positive growth dahil mababa iyong 2020 dahil umpisa ng pandemic noong last year, pero even versus 2019 talagang nag-show, nagpakita ng growth ang ating exports. I mean nagpi-pick up na, nandiyan po iyong economic fundamentals ay solid kaya ho kami naniniwala na malakas ang pick up naman ng ating exports. Ang electronics for example that account of 60% of our exports ay—of course it’s part of the global value supply chain, ito po ay nagu-grow pa rin ang output for 2021, 7% growth. At so far they are still growing 5% year today.
IT-BPM they are still looking at 5% growth, at so far they are growing 2%. So, ito hong mga major sectors na ito, big dollar generator, ito po ay nagpapakita ng tibay, resilience ngayon kahit pandemic. Kaya ho, umasa tayo na ang ating mga sectors are still going very well or I would say doing well wag na nating very well kahit 31 % growth but I think iyon ho ang magandang pag-asa naman. Even our manufacturing index, dati nag-drop iyan noong height of ECQ, height of quarantine last year bumaba sa 30 as an Index.
But I think iyon ho ang magandang pag-asa naman. Even our manufacturing index, dati nag-drop iyan half noong ECQ, half of quarantine last year bumaba sa 30 iyong as an Index. You know anything, any number below fifty is contraction, pag above fifty positive growth. So, pumalo na po tayo noong umpisa ng taong na ito, bumalik na ho sa 52.5. Of course mayroong adjustment lang itong huling reading pero nasa 49 level so we are in that level already, naka-recover from the 30. So, basta magtuluy-tuloy lang ho ito at we should be okay on the way to recovery at sana huwag lang magkaroon uli ng surge. Kaya kailangan mag-ingat tayong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Last question po mula pa rin po kay Sam Medenilla ng Business Mirror: What has the government or DTI been doing to boost daw po the export industry amid pandemic?
DTI SEC. RAMON LOPEZ: Well, we continue to market our product abroad, we talk to invest, we talk to international stake holders, we always make sure na iyong pangangailangan ng expert sector, iyong kanilang supply chain ay hindi maapektuhan as I mentioned even during the height of the quarantine.
We assure na iyong cargo movements ay tuluy-tuloy, unhampered; iyong mga workers makakapasok beyond checkpoints. Iyong kanila pong mga shuttle services ay tuluy-tuloy din at saka talagang of course nandiyan po iyong usual incentives na ibinibigay natin sa export sector.
Ito pa napasa pa iyong CREATE, nagdagdag pa tuloy at nagpalakas pa ng incentives sa investors at saka lalo na dito sa export sectors. So, iyan po iyong ating suporta na ibinibigay sa export sector at sa ibang sectors that are part of what we call strategic investment priorities plan.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Secretary Ramon Lopez ng DTI. Ingat po kayo Secretary.
DTI SEC. RAMON LOPEZ: Salamat po, mabuhay po kayo at ingat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang update sa Davao Region, may report si Jay Lagang.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Jay Lagang.
At iyan po ang mga balitang aming nakalap.
Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Amin pong pabaong paalala sa inyo, mag-Mask, Hugas, Iwas at magparehistro na para sa COVID-19 vaccine.
Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center