SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.Dumating kaninang umaga ang kalahating milyong doses ng Sinovac. Ito ang huling tranche ng COVID-19 vaccine na manggagaling mula Tsina ngayong buwan ng Mayo. Sa ating imbentaryo, nasa mahigit apat na milyon or 4,253,450 doses ang nai-deliver na po sa buwan ng Mayo – tatlong libo doses po mula sa Sputnik V, dalawang milyong doses mula Sinovac, mahigit dalawang milyong or 2,030,400 doses mula AstraZeneca, at 193,050 doses mula Pfizer.
May inaasahan pa tayong paparating na 2.2 milyong doses mula Pfizer at 1.3 million doses mula Sputnik V. Kung susumahin, ang doses na inaasahang mai-deliver sa atin sa buwan ng Mayo ay nasa mahigit pitong milyon or 7,753,450 doses na po ang ating inaasahan – halos doble po ito kung ikukumpara sa 4,025,600 doses na nai-deliver noong nakaraang tatlong buwan, mula February hanggang Abril. Kaya asahan din natin na lalong tataas ang mababakunahan habang dumarami po ang ating supply ng bakuna.
Sa ngayon, nasa 3,299,470 total doses na po ang na-administer as of May 18. At noong May 18 din nasa 191,113 doses ang na-administer natin, malayung-malayo na sa 771 doses na ating na-administer noong nagsimula po tayo noong March 1. Asahan natin na tataas pa ito habang ang kumpiyansa sa bakuna ay tumataas din.
Kaugnay nito, nakita po ni Presidente ang mga larawan ng mahabang linya ng Pfizer kung saan hindi na-observe ang social distancing. Napansin ng Pangulo na naging pihikan ang ating mga kababayan pagdating sa vaccine brand. Kaya nanawagan po tayo na huwag tayong mamili ng brand ng bakuna. Ito rin po ang sinabi ni Presidente, hindi pupuwedeng pumili ng brand ng bakuna. Ang pinakaligtas na bakuna ay ang bakunang nasa inyong braso, anumang brand po iyan. Dahil lahat naman po iyan ay dumaan sa masusing pag-aaral at lahat po iyan ay napatunayang ligtas at epektibo.
Ipinag-utos rin po ng Pangulo na ibigay ang Pfizer sa mga mahihirap or sa indigent population dahil iyan po ang patakaran ng COVAX. Dagdag ni Presidente, ilagay ang Pfizer hindi sa mga mall kung hindi sa vaccination sites ng mga barangays kung saan mababa ang take up ng vaccines. Ito ay ayon na rin sa naging unang direktiba ng Pangulo na mababakunahan ang mga Pilipino nang libre; walang maiiwan at walang iwanan dahil hindi tayo ligtas hangga’t hindi ligtas ang lahat. Inatasan niya ang Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, na siguraduhing maipatupad ang kautusang ito.
Samantala, nag-usap kahapon, Miyerkules, May 19, sa telepono si Presidente Rodrigo Roa Duterte at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na tumagal nang halos bente minutos. Nagpasalamat ang Pangulo sa bansang Hapon para sa kaniyang generous COVID-19 assistance sa Pilipinas kasama na rito ang 20 billion Yen approval out of the 50 billion Yen post-disaster standby loan at one billion Yen para naman sa cold chain development assistance.
Kinilala at sinuportahan ni Prime Minister Suga ang hakbang ng administrasyong Duterte para labanan ang pandemya. Inilarawan ng Pangulo ang bansang Hapon bilang unrivalled partner para sa peace and development ng Mindanao, at nagpasalamat sa bansang Hapon sa suporta rin sa Bangsamoro Autonomous Region in Mindanao Transition Process.
Nagpasalamat din ang Pangulo sa suporta ng Punong Ministro ng Hapon para sa ating Build, Build, Build na inilarawan ni Presidente bilang lasting legacy to be remembered for years to come. Both leaders reaffirmed committed to further strengthen bilateral ties and build on the achievements of 65 years of normalized relations and ten years of strengthened strategic partnership between the Philippines and Japan.
COVID-19 updates naman po tayo. Ito ang rankings ng Pilipinas sa mundo ayon sa Johns Hopkins ‘no: Number 24 po ang Pilipinas pagdating sa total cases; number 30 po tayo sa active cases; number 136 sa cases per 100,000 population; at number 92 sa case fatality rate.
Mayroon po tayong 4,700 na mga bagong kaso ayon sa May 19, 2021 datos ng DOH. Walang sawa kaming nagpapasalamat sa magagaling, masisipag at dedicated na medical frontliners dahil patuloy ang pagtaas ng mga gumagaling. Nasa 1,089,630 na po ang bilang ng mga naka-recover. Samantalang malungkot nating binabalita na nasa 19,507 na ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami. Nasa 1.68 po ang ating fatality rate.
Ito naman po ang mga kalagayan ng ating mga ospital, unahin natin ang Metro Manila: 56% na lang po ang utilized ng ating ICU beds; 41% po ang utilized sa ating isolation beds; 45% po ang utilized sa ward beds; at 41% po ang utilized sa mga ventilators.
Sa buong Pilipinas po, 58% po ang ating utilized na ICU beds; 45% po ang utilized isolation beds; 48% po ang utilized ward beds; at 39% po ang utilized na ventilators. At dito po nagtatapos ang ating press briefing.
Makakasama natin po ngayon si MMDA Chair Benhur Abalos at si ULAP or Union of Local Authorities of the Philippines national president and Quirino Governor Dax Cua. Unahin po muna natin si Chairman Abalos. Chairman, ninanais po natin na matapos ang pagbabakuna sa Metro Manila Plus on or before February 27 kung saan inaasahan natin na sana raw ay mga 50 to 70 percent dito sa Metro Manila Plus ay mababakunahan na. Ano po ang lagay natin ngayon sa Metro Manila at ano po ang kahandaan ng ating mga lokal na pamahalaan para nga po makamit natin iyong tinatawag na 50 to 70 percent na lahat ng mga residents sa Metro Manila Plus ay mabakunahan na? Chair Benhur Abalos, the floor is yours.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Magandang tanghali, Spokesperson Harry Roque. At sa lahat po ng mga nanunood ngayon at nakikinig, magandang tanghali po sa inyong lahat.
Alam ninyo ho, napakagandang balita ang sinabi ni Spokesperson Harry Roque na talagang napakaraming bakuna ‘no [unclear] Secretary Galvez and ating gobyerno. Isipin po ninyo kulang-kulang 4.2 million ang na-deliver na at aabot ng 7.7 million itong Mayo.
At kung hindi ako nagkakamali, ang karamihan dito ‘no, if I’m not mistaken, about 1.7 ay ito’y ilalagay po sa Kalakhang Maynila. If we are going to compare this, siguro mga kulang-kulang 700,000 noong Abril. So you’re talking of one million more. Kung kaya’t ang mga alkalde ng Kalakhang Maynila ay hindi lamang nakipag-ugnayan sa mga private. Ito pong grupo nila Bill Luz, nila [unclear], ng Jollibee, ng McDonald’s, sila Pepot ‘no at ng Ayala Land, sama-sama po ang pribado at ang public – maraming sites.
At hindi lang po iyon, iyong iba pong mga private ay magpo-provide pa po sila ng mga much needed medical frontliners, ang mga doctors, ang mga nurses na kinakailangan dito. Kaya sa Kalakhang Maynila talagang bayanihan.
Kung mapapansin po natin, despite the fact na talagang dumami ang bakuna sa Kalakhang Maynila, ang ating mga mayors po ay nakaka-cope up po rito. In fact, magmula kahapon hanggang ngayon ay minu-monitor po namin, talaga namang maganda ang performance ng bawat LGU. They are up to the challenge, Spokesperson Harry.
At hindi lang po iyon, hindi po sila titigil dahil talagang pinaghahandaan pa po nila hanggang sa June o July na kung sinasabing aabot pa tayo ng ten to fifteen million na bakuna. May target date din po tayo sa herd immunity, at ito ay kaya pong talagang ma-attain sa nangyayari po ngayon.
Pero gusto ko lang pong sabihin na doon po sa mga tinatawag nating procedure, usually po ang ginagamit po rito ay ang QR Code or iyong tinatawag na pre-registration; magpaparehistro po sa bawat local government unit. At pupunta ka lamang diyan kung ikaw ay naka-schedule. Pero ang ibang bakuna po ay kailangang buksan lamang at baka mapanis kung kaya’t ang ginagawa po ng iba ay nagkakaroon po sila ng tinatawag nating substitution o iyong mga naka-reserve nang sa ganoon ay hindi mapanis ang bakuna at hindi masayang.
At iyong iba pong LGU ay hindi po pumapayag ng walk-in, unless – at ito ay malaking unless – unless na talagang naubos na iyong substitution at kinakailangan talagang mabakunahan kaagad. Kaya kung ako po sa inyo, huwag kayong basta-basta pupunta sa isang center, huwag kayong umasa na mabakunahan hanggang hindi kayo narehistruhan o naimpormahan ng inyong LGU, otherwise, baka dumami ang mga vaccination centers at maging super spreader event po ito.
Makikinig po tayo sa mga advisory ng ating mga alkalde, ng ating mga LGU, napaka-importante po nito. Importante talaga ang bakuna nang husto pero importante rin na very orderly ang ating vaccination process.
Iyon lang po, Spokesperson Harry. Magandang tanghali po sa lahat.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Chairman Abalos.
Kasama rin po natin ang ating ULAP Chairman and Quirino Governor Dax Cua. Governor, bagama’t binibigyan ng mga kalahati po ng ating mga bakuna ang Metro Manila Plus dahil naririto po ang kaso, siyempre po sa ULAP, ka-miyembro ninyo rin po iyong mga Plus 8 na mga probinsiya at iba pang mga probinsiya ‘no. So ano naman po ang kahandaan ng ating mga probinsiya para po itong maramihang bakunahan na gagawin natin dahil naririto na po ang ating mga supply? The floor is yours, Governor Dax Cua.
GOV. CUA: Maraming salamat po, Secretary Harry Roque. At magandang araw kay Chairman Abalos. Sa lahat ng ating mga nanunood, nakikinig na kababayan at sa ating mga kaibigan sa media, magandang araw.
Nais ko pong iulat sa inyo, Secretary at sa ating Pangulo at sa taumbayan na ang inyong mga lalawigan, ang inyong mga gobernador, maging ang inyong mga mayor, mga munisipiyo at mga siyudad ay sa tulong po ng National Task Force at ng DOH ay mariin na ipinatutupad ang vaccine rollout. Ang lahat po ng gobernador, ang lahat ng LGU papunta po hanggang sa mga barangay ay talagang ginagawa ang lahat para maging maayos at maging epektibo ang pagbabakuna.
Hindi po talaga natin maiwasan at aaminin po namin na mayroon pa rin pong mga challenges. Nandiyan pa rin po iyong tinatawag na vaccine hesitancy sa iilang mga grupo ng ating mga mamamayan at sa tingin po namin, walang ibang gamot sa vaccine hesitancy kung hindi ang patuloy na pagshi-share ng transparent at real information from the DOH and from the experts that will guide us to our decisions.
Tama po ang inyong napansin na noon pong nagkaroon ng Pfizer ang iilang mga lugar ay nagkaroon po ng mga wala namang schedule at nagbakasaling pumunta sa mga vaccination posts at sinisegundahan po natin si Chairman Abalos na sana po huwag tayong maging mapili or maging brand conscious. Lahat naman pong inaaprubahan ng ating gobyerno ay masusing inaral at lahat ay epektibo.
Ganoon pa man po, sundin natin iyong mga pamamaraan ng mga LGUs, ang mga LGUs po ay nagbibigay ng kanilang mga booking systems so that you can try to book and reserve a slot kung kayo po ay kasama na sa priority list para maging maayos po at para hindi po magkaroon ng unintended na pagpupulong, dumadagsa sa mga vaccination post na wala naman pong schedule.
So, iyon po, suportado po ng mga LGUs ang ating National Government sa vaccine rollout na ito, Secretary Harry, at asahan ninyo po ang aming patuloy na support sa inyong mga adhikaing makamit natin ang herd immunity.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Quirino Governor Dax Cua, presidente rin po ng Union of Local Authorities of the Philippines.
Now, tumuloy na tayo sa ating open forum and I’m sure sasamahan po tayo ni Chair Abalos at saka ni Governor Dax Cua. Usec. Rocky, mga paunang katanungan please.
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. Paki-advise na lang po ako kung ito’y naging bahagi na ng inyong presentation. Ako po’y humabol lamang, Secretary. Paumanhin po.
From Rosalie Coz ng UNTV: What does Malacañang say about the newest policy po ng DOH na hindi po ia-announce sa LGU ang vaccine brand na iru-rollout po sa vaccination site? Hindi po ba ito nakakalabag sa right to information at bakit daw po?
SEC. ROQUE: Unang-una, si Presidente po ang nag-utos niyan dahil nakita nga po niya iyong kawalan ng social distancing doon sa ilang lugar kung saan in-announce ang pagbabakuna ng Pfizer ‘no. So lahat naman po ng bakuna ay pantay-pantay, dumaan po iyan sa masusing pag-aaral, lahat po iyan ligtas at epektibo. Kaya nga po ang pinakamabuting bakuna iyong ilalagay sa inyong mga braso.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: In line po ba sa panibago daw pong diplomatic protest na inihain ng DFA against China regarding sa fishing ban. What does Malacañang advise to our Filipino fishermen? Hihikayatin ninyo po ba silang mangisda sa traditional fishing grounds natin sa West Philippine Sea? Why? At ano po ang assurance na protected po sila ng government against possible Chinese confrontation?
SEC. ROQUE: Wala pong extraterritorial application ng mga batas ng mga dayuhang bansa ‘no. So diyan lang po kayo sa ating mga tradisyunal na fishing grounds at nandiyan naman po ang ating Coast Guard para pangalagaan din po ang interes ng ating mga mangingisda.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Cresilyn Catarong ng SMNI News: Reaksiyon po ng Palace regarding sa impeachment complaint laban po kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen? Nasa House Committee on Justice na po ang naturang impeachment case.
SEC. ROQUE: Sang-ayon po sa Saligang Batas, talagang hurisdiksiyon po iyan ng Kamara de Representante. Pinauubaya po natin iyan sa Kamara.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Punta naman tayo kay Mela Lesmoras, please.
MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque, at sa ating mga guest po – kay Chair Abalos at Governor Cua. Secretary Roque, puwede pong magtanong po muna sa ating mga guests?
SEC. ROQUE: Go ahead, please.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. To Governor Cua and kay Chairman Abalos, itatanong ko lang po sana mula sa inyong mga areas of responsibilities, ano po ba iyong talaga iyong sitwasyon nga sa pagtanggap sa bakuna ng ating mga kababayan? At kung kayo po mismo iyong tatanungin, pabor din po ba kayo talaga na huwag nang pangalanan iyong brand ng bakunang ibibigay? At if yes, kailan po ba ito ipatutupad sa inyong mga nasasakupan?
MMDA CHAIR ABALOS: Unang-una po ‘no, nakita po natin these past few days talagang nasa pahayagan talaga – noong isang western brand noong nilagay, talagang grabe po ang pila ‘no. In fact naging super spreader event pa nga sabi noong iba, noong nakalathala sa isang pahayagan. Ganoon po ang nangyayari on the ground ‘no and I share this with all Metro Manila Mayors, nakita po naman talaga namin ito. Kung kaya’t may basehan naman po ang sinasabi ng ating Pangulo na hangga’t maaari ay huwag na lang pong sabihin ‘no.
At para sa akin naman, ito’y pinag-aaralan ngayon as part of the guidelines sa NCR na ang puwede lang magsabi ay ang doktor mismo kasi siya mag-i-screen sa iyo eh, kung ano appropriate sa iyo. Kasi ang first stage po will screening ‘no, titingnan iyong edad mo, allergy mo, etcetera and then inoculation and then observation. So pinag-aaralan ngayon, ang puwede lang malaman mo ang brand mo as part of iyong sinasabing information, doon mismo on the spot na. Sasabihin sa iyo ng doktor na, okay ito ang tama o ito naaangkop sa iyo ‘no – iyon po ang pinag-aaralan ngayon at pinag-uusapan.
Again, sana maano po ng lahat, this is for the—ito po’y para sa lahat naman ito ‘no, para magkaroon tayo ng order po rito. Ito lang mashi-share ko sa inyo, isa po ako sa una sa tatlong ano ng pamahalaan na sinaksakan ‘no. Ito po ay Chinese brand, ako iyong una and I tell you now, nagpa-ECLIA test ako. Basta one, ikaw ay protektado 100%. Basta three, mataas ka na. Ang test ko, nagpa-test ako last week diyan po sa Medical City, ang aking ECLIA test ay 19, talagang napakataas, napaka-effective nitong brand na ibinigay sa akin. Ito pong Sinovac napaka-effective.
Sa mga nakikinig po, tama po si Spox Harry, pinakamabisang bakuna ang nasa braso po natin. Salamat po.
SEC. ROQUE: Governor Dax Cua?
GOVERNOR CUA: Thank you, Mela. Sec. Harry, thank you.
Segundahan ko lang po ang sinabi ng mga eksperto, hindi naman po tayo doktor pero sa aking experience noong bago din po ako nagpabakuna, nagtanong din ako sa mga doktor, ganiyan na ganiyan din po ang sagot na kung anong available kunin ninyo na po. Ang mas mahalaga ay nailagay na sa iyong braso at ikaw ay protektado na. Aanhin mo nga naman ang damo kung may COVID na iyong kabayo. So dapat iyon as soon as possible and kung ano available, basta sinabi po ng ating mga eksperto na ikaw ay candidate and eligible for this kind of vaccine ay wala po tayo dapat ikabahala.
So huminahon lang siguro at tulad ng sinabi ng mga mayors and governors na nakonsulta natin, more information sharing po – lalo na po doon sa mga kalibliban na mga lugar, ipamahagi pa po natin iyong information para masagot po itong vaccine hesitancy at saka iyong pagiging brand conscious ng ating mga kababayan.
SEC. ROQUE: Oo. Mela, excuse muna ‘no, mukha ‘atang nagkamali ako ng date na binanggit kanina. Ang aking ibig sabihin po ay ninanais natin na magkaroon na ng mass vaccination para magkaroon na ng population protection, mabakunahan na ang 70% ng Metro Manila Plus on or before November 27 of this year. I stand corrected po – that is on or before November 27 of this year.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And to my second question, Secretary Roque—thanks po kay Chair Abalos at Governor Cua. Secretary Roque, itatanong ko lang po iyong COVID-19 cases sa bansa kasi like sa Palawan, nagkakaroon nang pagtaas ng kaso specifically sa Puerto Princesa City. Ano po iyong nakikitang pagtugon dito ng national government? Paano natin masusolusyunan iyong sitwasyon? Are we eyeing to send national government officials dahil nga sa nangyayari?
SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko po papunta na roon ang National Task Force ‘no para i-assess kung anong pangangailangan ng Puerto Princesa City. Alam ko rin po na ang ating Vaccine Czar ay magpapadala nang mas marami pang mga antigen tests dahil kinakailangan talaga na habang tumataas ang mga kaso, mas paigtingin ang testing nang malaman natin kung sino ang mga dapat ma-isolate ‘no. So binabantayan naman po ng NTF ang mga pangyayaring gaya nito na nagaganap ngayon sa Puerto Princesa at iba pang mga rehiyon ng buong Pilipinas.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And panghuling question na lang po, Secretary Roque. Kasi kanina may statement po si Secretary Bello about nga sa mga pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers sa Israel dahil nga sa nangyayaring kaguluhan doon. Just for the record, sir, sa Malacañang, ano po ba ang ating posisyon? Kailangan po bang pigilan iyong ating mga OFWs na pumunta doon at may tiyansa po ba na magkaroon talaga ng deployment ban?
SEC. ROQUE: Well, suportado po ng Malacañang ang naging desisyon ni Secretary Bello na panandaliang itigil muna ang pagpapadala ng mga OFWs sa lugar ng Israel sa Gitnang Silangan dahil nga po sa tumitinding labanan ‘no doon ‘no, ito naman po ay para mapangalagaan nga ang kaligtasan ng ating mga kababayan. Siyempre habang naghahanda tayo na i-evacuate at i-repatriate ang ating mga kababayan doon eh bakit tayo magpapadala ng mga bagong mga OFWs doon din ‘no.
So suportado po ng Malacañang ang naging pahayag ni Secretary Bello.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque, at kay Chair Abalos at Governor Cua.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mela. Punta naman tayo kay Usec. Rocky muli.
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, tanong mula kay Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin, pareho po sila ng tanong ni Ace Romero ng Philippine Star: Will the IATF allow 30% capacity for religious gatherings in GCQ areas? How would the government ensure these gatherings won’t lead to coronavirus spread?
SEC. ROQUE: Well, noong huling nagpulong po ang IATF tungkol dito, ang desisyon nga po ay heightened GCQ at ito po iyong pagkakaiba ng heightened GCQ sa ordinaryong GCQ – kasi sa ordinaryong GCQ 30% pupuwede pero under heightened GCQ at ito po’y alinsunod sa polisiya na unti-unti nating buksan ang ating ekonomiya dahil hindi nga tayo sigurado kung gaano na iyong extent ng prevalence ng mga bagong variants lalung-lalo na iyong Indian variant eh minabuti natin na hanggang 10% muna po ang ating mga religious gatherings ‘no.
Huwag po kayong mag-alala dahil ito’y panandalian lamang, ito po ay intermediate ‘no between our transition from MECQ to GCQ. So unti-unting pagbubukas lang po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod pong tanong ni Genalyn Kabiling ay nasagot ninyo na, Secretary, about sa Filipino fishermen kung puwede silang magpunta pa rin, mangisda sa West Philippine Sea.
Tanong po mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online for Chairman Abalos: Bakit po nananatiling suspended ang number coding scheme? Hindi po ba kaya ibalik ang number coding scheme kahit po nasa General Community Quarantine with heightened restrictions na ang NCR? Reasons po ba maikonsidera na maibalik ang number coding scheme sa NCR?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Iyon pong number coding scheme kaya po ginagawa iyan dahil kung sobra po ang traffic natin sa Kamaynilaan. Ito ay aming inoobserbahang maigi dahil gusto rin naman naming mapagbigyan ang lahat na gamitin ang kanilang mga sasakyan at any given date. Sa ngayon po naman, manageable naman po ang mga traffic dito. Ang amin lang pong ipinagbawal ay iyong tinatawag na truck ban. May truck ban po tayo sa Kalakhang Maynila. Pero so far, okay pa naman ang trapik kaya we don’t see and the need for the meantime any reason para magkaroon po talaga tayo ng number coding. Pero of course kung lumala po ang trapik, baka po ibalik po natin.
SEC. ROQUE: Alam mo, Chair, sususugan ko iyong sinabi mo dahil araw-araw dumadaan ako ng EDSA. Talaga naman pong mula noong binuksan iyong connector, eh talaga wala po halos trapik araw-araw diyan sa EDSA.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Tama po.
USEC. IGNACIO: Thank you, Chair Abalos. Secretary Roque?
SEC. ROQUE: Okay, punta naman tayo kay Ivan Mayrina ng GMA 7, please.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Good afternoon, Secretary and Chairman Abalos, sir, and Governor Cua.
SEC. ROQUE: Good afternoon.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Sec., mariin po iyong pagtutol ng ilan doon sa anunsiyo ng DOH at ganoon ang DILG na hindi na po iaanunsiyo iyong brand ng bakuna o iyong tinatawag na brand agnostic na pamamaraan ng vaccination. Ito raw po ay labag doon sa principle ng informed consent, at imbes na makatulong ay baka daw po makasama doon sa ina-address natin na vaccine hesitancy?
SEC. ROQUE: Ang informed consent po ay sinasabi o sasabihan ang ating mga mamamayan na dumaan po sa proseso ang lahat ng bakuna na ibinibigay natin sa ating mga kababayan. Hindi lang po iyan dumaan sa proseso sa Pilipinas, dumaan din iyan sa proseso abroad dahil mayroon din pong WHO emergency use list na halos lahat naman po ginagamit natin ay dumaan din doon sa proseso ng WHO. So wala pong pagkakaiba ang mga bakuna. At ang ating panawagan po, napilitan naman tayong kumuha ng pitong brands kasi nga po napakahirap kumuha ng isa o dalawang brand lamang, para masiguro na lahat ng mga Pilipino ay maturukan nang magkaroon tayo ng vaccine protection o iyong tinatawag nating herd immunity.
So hinihingi po namin ang pagkakaintindi ng ating mga kababayan. Pero ako naman po maski ako po ay na-bash dati pa, talagang ang posisyon natin, wala naman po talagang polisiya na binibigyan ng pagkakataong mamili. Alam ko lahat halos ng kapatid ko nasa Amerika, dalawa po ang ginagamit doon, hindi rin sila nakakapili; kung ano iyong available iyon ang tinuturok po sa kanila.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Using the words of Governor Cua, kailangan daw po para matugunan itong vaccine hesitancy ay transparent and re-information that will guide us in our decisions kung ano pong bakuna ang maituturok sa atin. Hindi po ba kawalan ng transparency kung you will sign up for something na hindi ka fully informed kung ano iyong ituturok sa iyo?
SEC. ROQUE: Ay, hindi po! Kasi nga po lahat iyan ay dumaan sa common process at lahat po iyan ay nagkaroon nang masusing pag-aaral na ligtas at epektibo.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: If I may just add ‘no, just a rejoinder sa sinasabi ni Spox Harry. Kaya nga pinag-uusapan ngayon sa screening process pa lang, you will be informed by the doctor titingnan kung ano ang angkop para sa ito, kasi siyempre may mga prescriptions iyan, may ibang sinasabi ang doctor, baka pupuwede ito na lang ang gamitin ‘no. Iyon ang na-pick up ko with Director Balboa. So iyan, itong guidelines na ito, pina-finalized pa naman ito. So, iyong sinasabi nating baka mapahamak iyong pasyente, hindi naman dahil at the time that you are being screened that is the time you will be informed. Ang masama lamang siguro is iyong you will inform everyone na dito Pfizer, lahat magkakagulo na naman tayo, etc., etc. Iyon lang siguro ang ina-avoid natin. Pero ako, as far as informing that person is that, at the time na nagpapa-screen ka, it’s now being considered na you will also be informed. Hindi totoong mapapahamak ang pasyente.
And by the way, ito po iyong sinasabi ko kaninang test ko. If you will see, nagpa-test ako ng antibody ko against COVID, naku po, napakataas, it’s 19 and I used Sinovac. Ito inaano ko sa lahat, for the information of everyone here, hindi ako nagpo-promote or anything because I was one of the first na binakunahan nito. At that time may mga vaccine hesitancy, pero the test will speak for itself, napakataas po ng test ko rito against COVID. Thank you.
SEC. ROQUE: Ang importante, Ivan, sa transparency ay iyong katotohanan na kapag hindi tayo magpapabakuna, iyong mga bagong variant po whether be it Indian, UK or South Africa ay mas nakakahawa at ang ilan ay pinaghihinalaan na mas delikado. So, the full transparency is the best vaccine is the vaccine that will be given to you.
IVAN MAYRINA/GMA 7: On another topic, Secretary. Makuha ko po iyong reaksiyon sa inihain sa Senado na nagbabawi po sa pagpapababa ng taripa sa bigas. Ang dahilan po ay wala daw reasonable and sufficient basis to reduce the tariff rates in rice and it only cause more burden to our local farmers, furthering our import dependency and cost of government billions in forgone revenues?
SEC. ROQUE: Well, maraming salamat sa katanungan, Ivan. Ganito po iyan, noong Abril noong isang taon na nakalipas, noong tayo ay nag-lockdown din, eh tayo po ay hindi sapat iyong ating bigas at ninais po nating mag-angkat galing sa Vietnam. Nahirapan po tayong mag-angkat sa Vietnam. Noong una, nagkaroon ng polisiya ang Vietnam at ibang mga rice exporting countries na dahil nga sa pandemya, nais muna nilang unahin iyong kanilang rice security sa kanilang mga bansa.
Eventually, naka-import din po tayo pero ito ay matapos tawagan mismo ng ating Presidente ang Prime Minister ng Vietnam at sa presyong mas mataas. Ang iniiwasan lang po natin, bagama’t mayroon po tayong napakataas na ani ng bigas ngayon mayroon pa rin po tayong shortfall na mga 10%. Ang iniiwasan nga natin is iyong maapektuhan iyong ating rice security, kaya ibinaba po natin ng bahagya lamang, from 50% na most favored nation, binaba po natin to 35, 15% lang po iyan – hindi kagaya ng nangyari sa baboy na kalahati, hindi more than kalahati, halos binura na iyong taripa – ito ay 15% lamang.
Ito po ay para masiguro na iyong 10% na kakailanganin pa natin despite the bumper harvest this year ay makukuha natin sa mababang halaga kaya po bahagyang ibinaba ang taripa dahil kung tataas na naman po iyong presyo ng bigas, eh makakaapekto na naman iyan, magresulta sa mas mataas na inflation. So again po, paunawa po sa ating mga producers, pero hinding-hindi naman po tayo mag-aangkat sa panahon ng harvest. Hihintayin na muna natin na matapos ang harvest nang sa ganoon ay hindi maapektuhan ang presyo ng bentahan ng mga magsasaka sa merkado.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Thank you, Secretary. Thank you, Chairman Abalos, sir.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Ivan. Punta na tayo muli kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, tanong mula kay AC Nicholls ng CNN Philippines, pareho po sila ng tanong ni Sherie Ann Torres ng ABS-CBN: Former Senator Rodolfo Biazon personally went to the Senate on Wednesday to call for the convening of the National Security Council as he criticized the country’s confusing stand on the West Philippine Sea issue. Biazon said Congress could pass a resolution calling for the convening of the NSC to come up with a clear and united stand on the disputed territory. Ano daw po ang reaksiyon ng Palace?
SEC. ROQUE: Unang-una, wala pong confusing sa stand ni Presidente sa West Philippine Sea. Ang hindi pupuwedeng mapagkasunduan, isasantabi muna, isusulong ang mga bagay-bagay na pupuwedeng maisulong kagaya ng kalakalan at pamumuhunan. Pero hinding-hindi tayo mamimigay ng teritoryo at paninindigan at pangangalagaan natin ang pangnasyunal na soberenya at ang ating mga sovereign rights.
Pangalawa, actually nabanggit po sa akin iyan ni Presidente, ang problema doon sa National Security Council, wala naman pong nari-resolve doon sa mga pagkakataon na naka-attend siya. So, kung kinakailangan, iniisip niya imbitahin ang mga dating mga Presidente, ilang mga personalidad para magkaroon ng isang pagpupulong ‘no to discuss the issue. Pero ang tingin po niya, iyong mga karanasan nga niya sa National Security Council eh walang resolusyon na nangyayari, so parang bakit pa eh puwede naman po iyan through informal consultations.
Pero sa ngayon po, wala pong confusion. Ang confusion ay dahil pinapasukan ng pulitika ng kritiko ng administrasyon iyong isyu ng West Philippine Sea. Pero malinaw po, walang nawalang teritoryo sa panahon ni Presidente Duterte at patuloy na pinaninindigan ng ating Presidente ang soberenya at ang sovereign rights ng ating bayan.
USEC. IGNACIO: Question for Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror for Secretary Roque: There are reports of vaccine wastage which is now under investigation. With our vaccine supplies very limited, are those responsible for the wastage should be made liable? Has Secretary Galvez submitted his investigation to the Palace?
SEC. ROQUE: Patuloy pa rin po ang imbestigasyon at dalawa lang naman po iyan na nabalitaan ko ‘no – isa doon sa faulty refrigeration ‘ata po doon sa Cotabato at isa iyong lumubog iyong ilang vials diyan po sa Quezon pero ia-update po natin kayo kung ano po iyong resulta ng imbestigasyon.
Pero siyempre po, ang ating panawagan, sana po ay matuto tayo dito sa mga pangyayaring ito dahil importante nga po na makarating ang lahat ng inaangkat nating bakuna sa ating mga kababayan. Ganunpaman, ang ating aangkatin po ay sobra-sobra dahil nga nais nating i-consider iyong possible wastage.
USEC. IGNACIO: Question for Chairman Abalos mula pa rin po kay Evelyn Quiroz regarding border restriction between Metro Manila and the nearby provinces of Laguna, Bulacan, Cavite and Rizal: That issue has never really been tackled by the MMDA, are there plans to implement border restrictions?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Sa ngayon po, wala naman pong border restrictions ‘no from Metro Manila to Cavite, Bulacan, Laguna and Rizal ‘no. Siguro po ang magiging border restrictions ay labas po nito ‘no, labas like Pampanga, etc., ‘no, labas po of the bubble; within the bubble po ito ay interzonal naman po tayo po rito.
USEC. IGNACIO: Thank you, Chairman Abalos.
CHAIRMAN ABALOS: Thank you po. Thank you po.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Punta tayo ay Melo Acuña, please.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary! Binabanggit po ng Asian Development Bank na samantalang mayroong vaccine rollout, kailangan ng kaukulang reform measures to sustain the development or improvement of the economy. Would you have any idea which programs these are on the part of the Philippines?
SEC. ROQUE: Napakadami po nating programa ‘no. Unang-una, iyong unti-unting pagbubukas nga po ng ekonomiya. Pangalawa, iyong patuloy na subsidiya na ibinibigay natin sa pamamagitan ng ayuda at saka iyong mga cash for work na ini-implement po ng DOLE at iyong patuloy na pautang na ibinibigay po ng DTI, ng Small Business Corporation at ng Department of Finance.
At kung hindi pa po iyan sapat eh iyon na nga po, pinag-aaralan kung ano pang dapat gawin at ang Kongreso naman po ay pinasasalamatan natin dahil ang Kamara po ngayon ay pinag-uusapan iyong Bayanihan 3 ‘no.
So, lahat pong iyan ay dahil nga importante na gumawa tayo ng hakbang para mas mapabilis po ang pagbangon muli ng ating ekonomiya dahil nga po dito sa pandemyang ito.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Matanong ko po kayo, iyon ho bang nabakunahan nang dalawang beses ay maaari nang magtungo sa ibang bahagi ng bansa na hindi na kailangang sumailalim sa PCR test?
SEC. ROQUE: Wala pa pong ganiyang polisiya ‘no dahil—Well, unang-una ano, nagsisimula lang po iyong malakihang pagdating ng ating mga bakuna at pangalawa po, worldwide ay wala pa rin pong nabubuong consensus kung talagang magkakaroon na talaga ng lifting of restrictions para doon sa mga mamamayan na nabakunahan na pero inaasahan po natin na sa simula magkakaroon ng mga bilateral negotiations between counties and later on baka po magkaroon na multilateral treaty in this regard na sana po ay isulong ng WHO.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Iyan, maraming salamat po. Para po kay Governor Cua, matanong ko lamang. Governor, magandang tanghali po! Nagkaroon po ng report na nagkaroon ng spikes sa ilang bahagi ng Kabisayaan at Mindanao, do you have any idea which contributed to the spike in the COVID-19 cases and were you able to identify kung saan nagmula ito, Governor?
GOVERNOR CUA: Salamat po, sir Melo. Yes po, mayroon pong mga nag-spike na iilang probinsiya ang ibang lugar sa ating bansa. Pasensiya na po but ang datos po talaga ay nasa DOH at sila ang—ang IATF ang makakapagbigay ng more scientific explanation but iyon nga po, sa tingin po natin, na iyan po ay kasama sa pag-o-open natin ng ekonomiya at kailangan lang po talaga mas maging maingat pa rin po.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay. Iwan na po natin. Para po kay Chairman Abalos. Magandang tanghali po, Chairman! Ano po ang naging epekto ng COVID-19 sa maintenance or upkeep ng ating basic infrastructure in Metro Manila? May koordinasyon po ba between MMDA and DPWH para mapanatiling maayos ang ating mga lansangan? Dito kasi sa EDSA, mayroong isang bahagi nito sa may Trinoma na may hukay na nagiging dahilan ng traffic. Hindi ko po malaman kung ito ay patungo sa tunnel na hinahabol ng mga Israeli, baka gawa ng Hamas ito.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Nakakatawa naman iyong tanong po ninyo sa Israeli pero in any case po ano, kami po’y continuous na nakikipag-coordinate sa mga national agencies kamukha po ng Department of Public Works pagdating sa infrastructure at kailan lamang ang DOTr ‘no. Lahat po ng mga construction at ang construction ay tuloy-tuloy naman ngayon, ito po ay part of our quarantine ‘no. Niluwagan po itong construction para matuloy ang mga programa ng gobyerno.
Huwag po kayong mag-alala, iyong mga hukay po na sinasabi ninyo nakabukas naman po ang aming linya, sabihan ninyo lang kami so that we could coordinate at makapaglagay po kami ng mga tamang traffic enforcers.
By the way, we have already recruited 1,000 additional traffic enforcers just for the whole of Metro Manila po ito ‘no. Makikita ninyo po sila diyan at I think it was yesterday o kailan lamang nag-open-up itong EDSA concourse. Ito po iyong mga terminal na puwede kang bumaba sa bus lane at ito po ay tawiran na rin along EDSA. Ito’y malaking bagay sa mga pedestrian. So, habang ginagawa po ito, huwag po kayong mag-alala about traffic, we are continuously coordinating po with DPWH.
Salamat po.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Iyon po kasing warning sign, nandoon mismo sa harapan noong butas kaya baka delikado ito.
Thank you very much, Chairman!
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Salamat po. Aasikasuhin ko po iyan ngayon din po. Thank you po.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you very much, ganoon din po kay Secretary Harry at kay Governor Cua. Thank you.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Melo. Balik tayo kay Usec, Rocky please.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Tanong ni Maricel Halili ng TV5: Dr. Paz Corrales of DOH-NCR said that the A5 will be vaccinated first before the A4. Is this already the policy? What is the reason behind this decision?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, pangako po iyan ni Presidente, uunahin niya ang ating mga mahihirap na kababayan. Pangalawa po, requirement ito ng COVAX. Sa COVAX po, walang A4 – it’s A1, A2, A3 and A5. Ang A4 po, ang paggagamitan natin diyan ay ang binili po nating mga bakuna. So, alinsunod po iyan sa pangako ng Presidente at alinsunod din sa requirement ng COVAX Facility.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong follow-up niya, Secretary: If already approved by the IATF, how will this affect daw po iyong schedule ng vaccination? Ibig po bang sabihin nito iyong indigent po muna ang babakunahan sa June, at kailan po ang schedule ng A4?
SEC. ROQUE: Sabay na po iyan kasi po iyong A4 naman ang gagamitin ngang bakuna iyong binili natin at ang mga binili naman po natin, nandiyan ang Sinovac, nandiyan ang Sputnik V ‘no. Tapos inaasahan na din natin na darating na rin iyong binili ng private sector na AstraZeneca.
So, wala pong epekto iyan, ipagsasabay lang natin kasi ang naging consensus na talaga at ang naging utos na rin ng Presidente talagang palawakin na natin iyong mga pupuwedeng mabakunahan dahil marami na talagang gustong magpabakuna at naiinip na nga dahil hindi pa ang kanilang turn ‘no.
Pero ang panawagan po namin, A1, A2, A3, kinakailangan po magpabakuna na ho ngayon dahil kung hindi po eh ayan na po ‘no, napakadami ng iba pang mababakunahan at mawawala na iyong prayoridad ninyo. Sa mga A1 po bagamat puwede po tayong mamili ng ating mga bakuna ‘no eh sana po ngayon na kayo magpabakuna dahil lahat ng pagpipilian ay available na po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod pong tanong ni Maricel: Ano po ang tugon ng Pangulo at ng IATF sa rekomendasyon ninyo na gawing kondisyon ang bakuna sa pagbibigay ng ayuda? Did the President approve the idea?
SEC. ROQUE: Wala pa po ‘no. Iyan naman po ay idea that I broached ‘no, iyan po ay in case magkakaroon po ng vaccine hesitancy pero ang tingin ko nga po ngayon dito sa Metro Manila at least Plus eh baka naman po walang problema sa vaccine hesitancy.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, hindi ko po alam kung mayroon pa tayong nakalinya sa Zoom. Anyway, iyon pong tanong ni Leila Salaverria, iyong first question po niya ay nasagot ninyo na about iyong lower tariff rate sa imported rice. Ang follow-up po niya: How does it address concern that lowering the tariff on imported rice would bring down the amount that would go for programs to assist rice farmers since this is funded by excess of the ten billion tariff revenues collected from rice importation?
SEC. ROQUE: Uulitin ko lang po ‘no, unang-una, wala po tayong volume na ini-specify. Ibig sabihin, kakaunti lang po iyan na aangkat using minimally lower tariff from 50 to 35 dahil ang kinakailangan lang naman nating angkatin ay iyong kulang sa ating supply na 10% at hindi nga po natin ii-import iyan sa panahon ng anihan dito sa Pilipinas para po hindi makaapekto sa market price ng bigas, ng palay sa panahon ng harvest.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Rosalie Coz ng UNTV: Ano po ang masasabi ng IATF sa binanggit ni Presidential Adviser Joey Concepcion na iyong mga bakunang nakalaan po sa mga private employees na nakapagpaturok na sa LGU ay hindi masasayang dahil maaaring iturok sa mga kamag-anak ng worker pero may bayad na po?
SEC. ROQUE: Pag-uusapan po natin iyan ‘no kasi, iyon nga po ‘no, bagama’t ang intensiyon ay kumbaga ay cost-reimbursement, kinakailangang pag-usapan po iyan at linawin dahil ayaw nating magkaroon ng impression na binibenta po ang ating mga bakuna dahil hindi po talaga dapat ibenta dahil wala pa pong commercial use authorization ang ating mga bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Llanesca Panti ng GMA News Online. Iyong first question po niya, nasagot ninyo na about iyong sa hindi pagsasabi ng brand ng bakuna. Ang follow up po niya: What makes the government so sure that this policy will encourage people to get vaccinated when people will be somehow forced to go to vaccination site without knowing the vaccine brand?
SEC. ROQUE: Well, hindi po natin inaakala na itong virus na ito ay magmu-mutate sa mas nakakahawa at mas nakakamatay – iyan po ang katotohanan. Kaya nga po tingin ko, iyong katotohanan na nangyari sa India at sa iba’t ibang mga parte ng daigdig, pati po iyong mga lugar na kontrolado na nila ang COVID – Taiwan, Singapore – lahat po sila ay nagla-lockdown ngayon; at ang dahilan ay dahil nga po dito sa mga bagong variants.
So tingin ko naman, alam ng ating mga kababayan na mas matindi itong laban natin sa COVID dahil sa mga variants, at ang pinakamabuting proteksiyon ay pagbabakuna.
USEC. IGNACIO: Okay. Question from Kyle Atienza ng BusinessWorld: Has the President accepted PEZA’s request for him to lift AO # 18 which imposed a moratorium on the processing of application of eco-zones in Metro Manila?
SEC. ROQUE: Wala pa rin pong desisyon iyan dahil kung mayroon, nagkakaroon na ng EO or AO revoking the earlier one.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Sam Medenilla ng Business Mirror: May kinonsider na po kaya si Presidente Duterte na government property na ibibenta to fund the government’s response sa COVID-19? If yes, ano po kaya ang mga nasabing property?
SEC. ROQUE: Wala pa naman po.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: May plano na po kaya ang IATF na i-increase ang 5,000 deployment cap for health care workers this year?
SEC. ROQUE: Wala pa pong pinag-uusapan na ganiyan sa IATF sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Tina Mendez ng Philippine Star. I think nabanggit ninyo na ito, Secretary, pero basahin ko na lang po; hindi kasi ako sigurado dahil humabol lang po ako: During his phone conversation with President Duterte, Japanese Prime Minister Suga expressed his opposition to the continued and strengthened unilateral attempts to change the status quo in the East China Sea and the South China Sea. He also shared grave concerns about recent developments in China including the Coast Guard law. What was President Duterte’s response on this?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po kasi napakahirap kasi ang conversation sa telepono ay between two persons lamang ‘no. I did not hear the conversation. Pero according po to the official statement ay wala naman pong hindi pinagkasunduan ang dalawang lider. At siyempre po, ang pinagkasunduan nila ay kinakailangan lahat ng hindi pagkakaintindihan sa pag-aagawan ng teritoryo ay mariresolba sa mapayapang mga pamamaraan at sang-ayon po sa UN Convention on the Law of the Sea.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mula kay Jo Montemayor ng Malaya: Kailan po ang pinaplanong meeting o consultation with former President na nabanggit ninyo? Face-to-face po ba o virtual? At kasama po ba si former President Aquino?
SEC. ROQUE: Wala pa pong date. Kagaya ng aking sinabi, the President is considering the idea of an alternative to convening the National Security Council. Pero iyon po, still in the process of consideration. Kasi kaya lang naman po naging maingay ito dahil pinasukan ng pulitika. Pero consistent naman po ang polisiya ni Presidente Duterte pagdating sa WPS, at mukha naman pong gumagana dahil ang Tsina naman po ay nirirespeto ang status quo.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Secretary. Iyon po ang mga nakuha nating tanong ngayon.
SEC. ROQUE: Maraming salamat. Since wala na pong magtatanong din via Zoom, maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat po kay Chairman Abalos at kay Governor Cua. Huwag po kayong magsasawa mga suki. At maraming salamat po sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.
Maraming salamat sa inyong lahat, sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating presidential press briefing.
Sa ngalan po ng ating Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabi: Mga kababayan, ang sagot sa pandemya ay ang bakuna. At wala naman pong ibabakuna sa atin nang hindi siguradong ligtas at epektibo. Pabakuna na po tayong lahat.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)