USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Mula po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
Ngayong araw ng Sabado muli ninyo kaming samahan para pag-usapan ang mga napapanahong issue sa bansa direkta pong sasagutin ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga tanong ng bayan sa paksa ng seguridad at kalusugan. Kaya simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar; Dr. Anna Ong-Lim mula po sa Technical Advisory Group; at si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Kung may mensahe po kayo sa ating mga panauhin, mag-comment lamang po sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube accounts.
Sa ating unang balita: Tiniyak ng National Task Force na pabibilisin ang proseso para sa accreditation ng mga itatayong molecular laboratory sa Puerto Princesa City sa Palawan. Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at limitadong testing capacity sa probinsiya. Aasahan sa susunod na linggo ay maaprubahan na ang pagtatayo ng dalawang molecular laboratories na kayang magsagawa ng RT-PCR tests.
Ayon kay Deputy Chief Implementer at Testing Czar Secretary Vince Dizon, magpapadala ang pamahalaan sa probinsiya ng sampung libong antigen test kits, GeneXpert cartridges at karagdagang supply ng bakuna para sa mga lugar na may pinakamaraming naitatalang kaso habang hinihintay ang nasabing approval. Hinikayat naman ni Health Undersecretary and Treatment Czar Dr. Leopoldo Vega na mas palakasin pa ang Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration strategy ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa.
Tumungo rin ang mga opisyal ng NTF sa Zamboanga City kahapon upang i-turnover ang [garbled] thousand antigen test kits, mga PPEs at ventilator sa lokal na pamahalaan upang mapigilan rin ang pataas kaso ng COVID-19 sa lungsod. Nakatakda ring matapos ng DPWH ang konstruksiyon ng 280-bed isolation facility para sa mild at asymptomatic patients ng siyudad sa kalagitnaan ng Hunyo. Nakakasa na rin ang pagtatayo ng 22-bed modular hospital para naman sa moderate at severe cases.
Sa iba pang balita: Senator Bong Go hinimok ang mga otoridad na i-deploy na ang military reservists para tumulong sa pagpapabilis ng vaccination rollout sa bansa. Umapela rin si Senator Go na magkaroon nang karagdagang vaccination sites. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Puspusan po ang isinasagawang cleansing sa hanay ng pulisya sa ilalim ng bagong talagang Hepe ng PNP, para kumustahin ang progreso ng kaniyang krusada, makakausap po natin si PNP Chief General Guillermo Eleazar. Welcome back po sa Laging Handa, General.
PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes. Magandang umaga sa inyo Usec. Rocky pati na rin kay Sec. Martin at siyempre sa lahat ng mga nakikinig at nanunood sa inyong programa sa umagang ito.
USEC. IGNACIO: General, ilang linggo po mula nang maupo po kayo bilang PNP Chief, kumusta po ang assessment ninyo sa organisasyon; ano po ang pinakamalaking problema na para sa inyo ay talagang dapat agad-agad ayusin at linisin?
PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Well Usec. Rocky, ang atin naman pong kapulisan is mayroon tayong roadmap at ang ginagawa lang natin, pinagpapatuloy natin iyong mga programa na nakalatag na diyan – binibigyan natin nang diin at siyempre tinututukan. Sa akin, eh ito’y nakapaloob ito doon sa intensified cleanliness policy. Pumili ako ng mga programa na bibigyan ko ng focus at ito’y nahahati sa tatlo:
- cleanliness in the offices,
- cleanliness in the ranks
- at cleanliness in the community.
Sa cleanliness in the offices, iyan iyong sinisiguro natin na lahat noong ating mga police station at mga police community precinct ay malilinis. Alam mo kasi Usec. Rocky, iyong ating mga kababayan ‘pag mayroon silang mga concern o idudulog, hindi naman dito sa Crame pupunta iyan eh, hindi rin sa mga regional headquarters, district o provincial headquarters – napakagaganda at laging naaayos. Doon sila pumupunta sa presinto at police station at gusto natin na laging malinis iyan, presentable para iyong respeto ng mga pulis natin at magandang pag-asikaso is nandoon.
Doon naman sa cleanliness in the ranks, iyan iyong ating internal cleansing program – nakalatag na iyan. Pero bibigyan ko ng pansin ngayon itong recruitment. Alam mo next week magsisimula na iyong aming recruitment for this year. Natapat naman sa akin itong recruitment na ito at gusto nating tutukan iyon na walang padrino at walang palakasan. Kaya nga lalagyan natin ng QR codes o Quick Response Codes sa lahat ng mga phases sa lahat ng—sa prosesong ito nationwide para doon sa 17,000 na aming iri-recruit kung kaya sa taong ito.
And then doon sa cleanliness in the community, palalakasin natin iyong ating mga programs, campaign natin for peace and order like anti-criminality, insurgency, terrorism at siyempre isama na rin natin iyong cybercrime. So all in all, ito iyong mga tinututukan natin kasama na siyempre din iyong iba pang mga programa ng dating mga administrasyon na kailangan nating bigyan din ng pansin.
USEC. IGNACIO: Opo. General, nabanggit mo iyong sinabi na kailangang-kailangan po iyong recruitment na magsisimula na kayo. So, magkakaroon po ba ng susunod na balasahan na mangyayari sa inyong hanay.
PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Well Usec. Rocky iyon kasing sinasabi nating balasahan or movement, kung mayroong nag-retire. Noong pag-retire kasi noon ng ating dating Chief PNP na si General Debold Sinas, definitely malaking movement iyan kasi nawala ang 4 star so mayroong isang umakyat – ako iyon – then isang 2 star naging 3, 1 naging 2 star at colonel naging general at puwedeng sabayan natin ang pag-ikot.
Pero kung titingnan natin, very minimal iyong aking movement dahil hindi naman talaga ako naggalaw dito at pagbabasehan natin iyong retirement. But I have that discretion or authority para gawin iyon, so inuobserbahan ho natin at ina-assess natin. Sa ngayon naman, bahagi naman ako ng Command Group ng dating Chief PNP noon kaya iyong mga naka-assign ngayon na mga senior officer natin doon ay nakonsulta naman ang Command Group. At iyon, patuloy natin silang ina-assess at gaya ng sabi ko nga kung kinakailangan ay magkakaroon tayo ng movement. Pero hindi po natin nakikita iyon sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. General Eleazar, nagsasagawa po kayo ng surprise inspection sa mga police station. Dati ninyo na rin pong ginagawa ito noong hepe pa kayo ng NCRPO ano po. Pero base po doon sa mga napuntahan ninyo, masasabi ninyo ba na ang kalidad po nang pagsiserbisyo na ginagawa ng mga pulis ay pasado o hindi at ano po ang dahilan nito?
PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes. Usec. Rocky, sa akin pong pag-i-inspect last week ay may nadaanan akong mga PCP at saka mga station at ako po ay, well, nakita ko po maayos lalo na sa loob nitong mga PCP na ito. In fact dahil nga doon sa announcement natin at noong una nga ginawa na natin sa NCRPO iyan, ay talagang malinis sa loob. Ang aking obserbasyon lang sa labas, mayroong doon sa mga plant boxes for example, may nakita tayo na mga upos ng sigarilyo o balat ng candy. At inatasan naman natin ang ating mga commanders sa lahat ng level na mag-inspect dito kasama na rin ang Internal Affairs Service.
Alam mo ito ay anchored on the broken windows theory, itong intensified cleanliness policy particularly sa ating mga opisina na sinasabi nga na maliit pa lang na problema dapat inaaksiyunan na, para hindi ito lumaki at maging problema pa. So, doon tayo nagpu-focus at inaasahan natin na nationwide, ito pong mga police station natin na ito, kahit luma, kahit hindi kumpleto ang gamit, pero presentable at maayos para magandang puntahan at nandoon po ang magandang pagsiserbisyo ng ating mga kapulisan sa ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: General, napulido na rin po ba ng liderato ng PNP iyong guidelines upang maiwasan itong misencounter, lalo na po sa PDEA kapag may operasyon at ano po ang lalamanin nito?
GEN. ELEAZAR: Usec. Rocky, nag-usap kami ng chief ng PDEA, Director General Wilkins Villanueva at napakaganda po naman ng aming relasyon. Kasi kung matatandaan natin noong ako po ay director ng QCPD siya ang chief ng PDEA sa NCR at kami nga iyong talagang sabay na nagtatrabaho diyan sa Quezon City and Metro Manila. At ngayon nga, because of that situation eh talagang inalam natin bakit nangyari iyan. Ano ba talaga ang problema? So ang basic dito, is dapat hindi magsasabay iyang operatiba ng PNP at PDEA sa isang lugar at any given time at iyon mas klinaro natin iyon.
In the case of Quezon City, dati kasi ang koordinasyon, kapag mayroong operasyon ang PNP, sinasabi Quezon City lang. Ngayon hinati na natin iyan doon sa mga areas corresponding doon sa mga jurisdiction ng mga police station natin. Ganoon din ang gagawin sa Manila. Maglalabas kami ng unified operational guidelines base na rin sa pinag-usapan ng mga directorates for operation ng PNP at PDEA.
Alam mo Usec. Rocky, basic lang naman iyon eh. Para lang iyang vehicular accident o nagkaroon ng banggaan. Bakit ba nagkakaroon ng banggaan? Kasi dalawang sasakyan, eh sabay na nag-occupy ng isang space. So ganoon din ang gagawin natin, sisiguraduhin natin na ang mga operatiba ng PNP at ng PDEA pati na rin ang NBI ay hindi mangyaring pumunta doon. Alam po ninyo ang control ay nasa PDEA.
Kasi lahat ng operation namin, planned police operations, with regard to anti-illegal drugs operations, iyan po ay nagpapaalam kami sa PDEA. So that kapag nagpaalam ngayon ang PNP at mayroong operation na pinayagan nila, hindi papasukan iyon ng PDEA. In the same manner, kung mayroong impending operation ang PDEA ay hindi niya papayagan o ide-delay na muna niya ang pag-approve sa operation ng PNP, that is as simple as that. Pero ang kailangan lamang is tutukan para sigurado na hindi magpapanabay itong mga operatiba na ito sa iisang lugar.
USEC. IGNACIO: General, ano naman daw po ang marching order ninyo sa hanay ng pulisya kaugnay naman po sa isyu ng red-tagging, kagaya po sa mga community pantry?
GEN. ELEAZAR: Usec. Rocky, alam po ninyo ang red-tagging naman ay ang CPP-NPA-NDF ang nakaimbento niyan, di ba, nang si Joma Sison noon, noong una pinangalanan niya itong mga grupo na sumusuporta or front organization nila, at well, it was referred eventually by authorities based on that declaration of Joma Sison ay iyon na po iyong nangyari. Pero inuulit natin, para wala na lang tayong misinterpretation, walang miscommunication at iniisip na harassment, na kung tutuusin namin trabaho naman talaga ng mga pulis kapag nasa labas inaalam ang nangyayaring sitwasyon, nagtatanong kami, kasi kung may mangyari diyan eh kami rin naman ang sisisihin, di ba?
Kaya role ng pulis iyon, pero para wala na lang pong misinterpretation, miscommunication at sinasabing perceived harassment, binilinan natin ang ating mga police, para sa mga community pantries, pagpunta ninyo diyan, lumapit lang kayo, magsabi kayo nandito po ang pulis ninyo, kung mayroong mga concern, nandito kami para kayo ay tulungan at bigyan namin ng assistance. So as simple as that, wala na po tayong mahabang discussion pa. Ang pulis ay nandiyan para tulungan po kayo at tatandaan po ninyo, kapag nagkaroon ng problema naman diyan, sa amin po kayo tatakbo. Kaya dapat alam ninyo na nandoon kami at alam namin na nandoon kayo at kung ano ang nangyayari sa kapaligiran ng community pantry.
USEC. IGNACIO: General, makikiisa na rin po ang PNP sa paghahatid ng mga bakuna sa mga probinsiya. So ano po iyong assistance na gagawin daw po ng PNP sa DILG at sa Department of Health?
GEN. ELEAZAR: Usec. Rocky, bago po dumating iyong unang bakuna noon ay talagang nakahanda na ang PNP dahil we were tasked by the IATF para mag-provide ng security. Alam nga ninyo ang ating konsepto nga ng security deployment dito is parang eleksiyon eh. Kasi we consider ito pong mga bakuna na ito na mga ballot boxes na mula sa airport papunta sa warehouse, from the warehouse to the airport at kung saan man, nakabangka man iyan o kung ano ang gamit na means of transportation, ang pulis po ay nakatutok.
Nakalatag na iyan, pero dahil na rin sa renewed instruction ng ating SILG, Secretary Ed Año ay talaga pong naka-standby na even helicopter natin at saka pati ang ating sea, water vessels po kung kinakailangan para gamitin sa pagdadala ng mga bakuna na ito saan man manggagaling iyan at kung saan ang pupuntahan. Ang pulis po natin ay naka-deploy all over the Philippines at nakahanda na magbigay ng security kagaya ng ginagawa natin on the very first day of the deployment of our vaccines.
USEC. IGNACIO: Kumusta naman po iyong dami ng mga lumabag sa protocol nitong nagdaang mga linggo? Doon po ba sa monitoring ng PNP sa tingin po ba ninyo mas dumami po ba iyong violators sa NCR Plus simula noong gawin na po o ibinaba na iyong GCQ with heightened restrictions?
GEN. ELEAZAR: Iyong GCQ with heightened restrictions kasi ito lang iyong nakaraan, itong mga nakaraang mga araw. Pero iyong last week natin ay 51,000 po iyong ating mga violators compared with the previous week of 63,000. So nakita po natin na even though bahagyang lumuwag kasi nga from the MECQ naging GCQ but with heightened restriction, pero dahil nga po sa well, patuloy na pagbibigay ng paalala natin at deployment ng ating mga pulis sa tulong na rin ng mga force multiplier at mga report ng ating mga kababayan sa mga nangyayaring violation at agad na aksiyon, nakatutok lahat ay nakita po natin iyong pagbaba ng 19% noong magkaibang linggo na iyon.
So maganda po iyon na habang tayo ay, sabihin nating lumuluwag ng kaunti in terms of the restriction on travel movement, so patuloy na bumababa naman iyong ating naaresto. Meaning to say eh in effect nagku-comply po sila at iyon naman ang gusto natin, lumuwag, gumanda ang ating ekonomiya, pero patuloy na sumusunod ang ating mga kababayan at iyan po ay maganda na senyales na nakikita natin sa development sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. General kabilang po ang mga pulis sa A4 priority list na mababakunahan. So kumusta po iyong pagsasaayos ng PNP sa listahan at ano po iyong patakaran na ipaiiral ng PNP kung anong bakuna po ang nandiyan ay iyon po ba ang ituturok sa ating mga pulis o may kalayaan pa rin po silang mamili ng brand?
GEN. ELEAZAR: Usec. Rocky, kami po ay nagpapasalamat sa ating Pangulo at sa IATF na ang A4 is malapit na at ako po ay unang-una sa amin sa PNP, dahil ako ang Chief PNP, kapag ito ay dumating na.
Alam po ninyo, out of the 220,000 naming kapulisan, mayroon kaming 13,000 pa lamang na nababakunahan, kasi nga po itong mga pulis na ito na nabakunahan, hindi dahil sila ay pulis, kung hindi dahil sila ay A1, A2 at saka A3 category. Napag-usapan nga natin, iyan po iyong health care workers, mga senior citizen para sa non-uniformed personnel natin at saka pati doon sa mga may comorbidity.
Ngayon na kami po ay para sa pulis na iyan ay kami po ay nakalatag na ang mga priority list natin. Ang hinihintay lang namin ilan ang ibibigay sa mga areas. For example NCR ilan ang ibibigay dito ngayon, nakahanda kami; ilan ang ibibigay sa ibang region, nakahanda po kami. In fact ang amin pong mga vaccination teams ay naka-train na iyan. Sa ngayon nga since wala kaming binabakunahan ay kami po ay nandoon sa Quezon City araw-araw at mayroon kaming tatlong vaccination teams doon na siyang nag-a-administer ng bakuna sa ating mga kababayan sa Quezon City.
In fact, nag-coordinate po sa atin si Chairman Benhur Abalos ng MMDA para nga po sa availability ng ating mga vaccination teams. Handa po kami and we are conducting their first training para po sa more than 400 namin na mga members ng medical reserve force dito sa Metro Manila para tumulong doon sa iba’t ibang LGU na nangangailangan. Pero siyempre kapag dumating na po itong ating mga bakuna, iri-recall namin, para sa amin.
So iyong aming priority list naman ay nakalatag na diyan, Usec. Rocky, since pare-pareho ng A4 iyan, mga pulis kami, siyempre uunahin namin iyong mga naka-deploy doon sa atin na mga frontliner and then susunod ngayon iyong mga supervisors and eventually iyong gumagawa ng admin work. Pero inasahan po namin na ito ngayon is mabilis nating mababakunahan iyan dahil all over the Philippines, with our regional and provincial offices through our medical reserve forces ay nandiyan po iyan para tugunan itong pagbabakuna sa aming mga kasamahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero General, may kalayaan po ba ang ating mga pulis na pumili ng brand?
PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Alam ninyo Usec. Rocky ay alam namin na kung anong available, iyon po ang ibabakuna sa amin. Well base sa aking latest survey, kasi mayroon kaming online continuing ongoing survey. Na-check ko lang, 84% ng aming kapulisan out of the 220,000 ay willing magpabakuna. Mayroong iba may choice sila pero alam ninyo po ay given the preference pero alam naman natin lahat kung ano available, iyon po ang ia-avail natin just like anybody else dahil iyon naman po talaga ang ating proseso at patakaran. At kami po ay nandito para sumunod sa mga guidelines na iyan ng ating IATF.
USEC. IGNACIO: Opo. General, bigyang-daan ko lang po iyong katanungan ng ating mga kasamahan sa media ano. May tanong po sa inyo si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: With only 6 months as the head of the PNP, can the public expect substantial reforms in the PNP in so short a time? What will your reform measures focused on?
PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes, Usec. Rocky. Salamat kay Ma’am Evelyn. Actually po nasabi ko nga, nandiyan iyong programa natin – pumili na ako noong bibigyan ko ngayon ng focus. At iyong pinili ko ngayon is iyong itong tingin ko na makakatulong para patuloy na manumbalik ang tiwala at respeto at dignidad namin galing sa ating taumbayan.
Alam ninyo po kung iyon within my short stint ng 6 months natin ay iyon po iyong aking makamit – improvement on the image and the operational capacity and capability of our police force, napakalaking bagay na po iyan na maging accomplishment ko sa tulong ng buong organisasyon ng PNP. At iyon naman po ay para rin ibalik sa ating mga kababayan na siyang unang makikinabang sa pag-improve ng aming image and operational capability and capacity.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Rida Reyes ng GMA News: May we get daw po an update on the investigation conducted by the PNP on reports of under the table sale of government purchased COVID vaccine? May mga nahuli na po ba at ano po ang kaparusahan dito?
PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Salamat Rida sa katanungan. Actually kahapon nagbigay tayo ng direktiba sa CIDG and for that matter all commanders on the ground na mag-conduct ng investigation base sa report na ito. Well bina-validate po natin iyan at sa ngayon maghihintay tayo ng development kung magkaroon sila ng lead na ito. At tayo’y nananawagan po sa ating mga kababayan, kung mayroon kayong impormasyon, ibigay ninyo po sa amin iyan.
Actually nag-launch tayo nitong isumbong natin – iyong Sumbong Mo, Aksyon Ko – at puwede pong ipadala iyan sa mga telephone number 0919-1601752 at sa Globe naman ay 0917-8475757. So mayroon din po tayo na—nandiyan po iyong email address natin pati na rin po iyong Facebook account natin.
Alam ninyo po Usec. Rocky, dati na po itong mga hotline na ito—by the way ito pong hotline na ito ay para po sa SMS lang, i-text ninyo. Ang ginawa natin diyan ay ginawan natin ng sistema, mabilis na pag-screen, mabilis at maayos na pag-refer sa police station or unit na concerned at aming active na monitoring dito para siguraduhin na talagang maaksiyunan iyong dapat maaksiyunan at maimbestigahan iyong kinakailangan ng imbestigasyon.
Kaya nga po ukol dito sa sinasabing mga fake vaccine na ito or mga vaccine na binibenta allegedly, tulungan ninyo po kami. Ang impormasyon ninyo ay kailangan ninyo – Sumbong Ninyo, Aksyon Ko. Magtulungan po tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Alam po namin General kayo po ay napakaabalang tao ano po pero napaunlakan ninyo pa rin po itong aming panayam at imbitasyon kaya kami po ay nagpapasalamat sa inyong inilaang oras, PNP Chief General Guillermo Eleazar. Congratulations pong muli at ingat po kayo.
PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Maraming salamat Usec. Rocky. Mabuhay po tayo. Magandang umaga po sa ating lahat.
USEC. IGNACIO: Pag-usapan naman natin ang proteksiyong maibibigay ng mga bakuna kontra COVID-19, makakasama po natin si Dr. Anna Ong-Lim, member po ng Technical Advisory Group ng DOH. Good morning po, Doktora.
Babalikan po natin si Dr. Ong.
Sa iba pang balita: Patuloy po ang pamamahagi ng tulong ng tanggapan ni Senator Bong Go sa mga kababayan nating naapektuhan ng pandemya ang ikinabubuhay. Kamakailan umagapay si Senator Go sa pangangailangan nang mahigit isanlibong TODA members sa Pila, Laguna. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Balikan po natin si Dr. Anna Ong-Lim. Good morning po, Doktora.
- ONG-LIM: Good morning, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, puwede ninyo po bang ipaliwanag kung gaano katagal po bago magkaroon daw nang complete protection mula sa severe COVID-19 ang individual na nakatanggap na ng una at ikalawang dose ng bakuna?
- ONG-LIM: Karaniwan ang epekto ng bakuna, mararamdaman natin iyan makatapos ang dalawang linggo and particularly kung dalawang doses dapat iyong bakuna bago makumpleto, we can only expect iyong quoted efficacy rate to start being felt 2 weeks after the second dose.
USEC. IGNACIO: Opo. At anong uri daw po ng proteksiyon ang maaaring makuha nang fully vaccinated person?
- ONG-LIM: Actually Usec. Rocky, iyong tinatanong ninyo has to do with what is called the clinical endpoints ‘no. Ang karaniwan kasing nasa isip natin ‘pag nagtatanong tayo, gaano ba iyan kabisa; dapat dinudugtong natin iyong bisa against what? Ano ba iyong proteksiyon na gustong ibigay noong bakuna.
So ito ay bisa laban sa malubhang sakit so moderate, severe and critical illness and efficacy against or protection against death. So iyon ‘yung mga endpoints or resulta na hinahanap natin at iyon ‘yung gusto nating maging proteksiyon matapos tayong mabakunahan kontra sa COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc sakali daw pong makaligtaan ng isang tao ang schedule ng kaniyang ikalawang dose, may epekto po ba iyon sa proteksiyon na maibibigay ng bakuna sa ating katawan; at kung may prescribe grace period lang ba iyan talaga na puwedeng lumampas ka sa date ng iyong second dose, Doktora?
- ONG-LIM: Well siyempre kung hindi natin makumpleto iyong takdang doses, talagang hindi natin maaasahan iyong kabuuan noong proteksiyon na gusto sana nating asahan galing doon sa bakuna. Pero siguro iyong assurance is kahit nakaligtaan mo iyong schedule or hindi ka talaga makarating doon sa schedule na iyon, kailangan lang na ihabol iyong ikalawang doses para maabot mo pa rin iyong proteksiyon na inaasahan. Hindi na kailangan ulitin pa iyong unang dose na natanggap.
USEC. IGNACIO: Oo. Basta Doc hindi naman ganoon na nakaligtaan mo na makabalik, mga ilan iyong araw o linggo na puwede ka pa ring makapagpabakuna ng second dose?
- ONG-LIM: Well siyempre we want people to come back as soon as possible. Pero hindi naman—wala namang actual dates ‘no, ibig sabihin hindi dahil nakatatlong linggo ka na ay hindi na dapat ibigay iyong second dose. We still give the second dose. So basically the sooner you can come back after the missed schedule, pinakamaigi para mas maabot mo na kaagad iyong proteksiyon na dapat mong matanggap.
USEC. IGNACIO: Doc, kamakailan po ay naglabas ang Department of Health ng mensahe na safe ang bakuna sa mga naninigarilyo at gumagamit ng contraceptives. Ito po ay matapos i-ugnay nga po ito sa blood clotting incidents ng isang bakuna kontra COVID-19. So, ibig sabihin, hindi sila dapat mangamba sa pagpapabakuna, Doc?
- ONG-LIM: Tama iyon, Usec. Rocky, iyong mga pag-aaral kung sana tiningnan iyong risk factors regarding development of blood clots sa mga grupo na tumanggap noong bakunang tinutukoy natin hindi naman na-identify iyong smoking or use of oral contraceptives as risk factors. So okay lang silang mabakunahan.
USEC. IGNACIO: Doc, bigyang-daan ko lang po iyong katanungan ng ating mga kasamahan sa media ano po. Mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Sa ngayon po ay wala pang nairi-record na isyu ng blood clotting sa mga bakuna ng AstraZeneca dito sa ating bansa at ito po ba ay naka-confine lang sa mga bansa kung saan majority ng population ay mga puti. Sa tingin po ba ninyo ay may kinalaman ang lahi sa isyu ng blood clotting?
- ONG-LIM: Maaari, Red, kaya nga ganoon na lang iyong trabaho ng ating Philippine FDA. Kasi minsan nabanggit iyan eh, bakit na lang hindi natin tanggapin iyong rekomendasyon noong other regulatory authorities ng ibang bansa tutal mayroon naman silang capacity and expertise. Ito mga precisely iyong reason, kasi may mga effects na naka-confine sa particular ethnic population. So tulad na lang nitong observation na ito, it seems like marami sa Caucasian population sa ibang mga bansa sa Asya na gumagamit ng bakunang ito parang wala rin tayong naririnig ano. So that’s good news for us, but we continue to monitor para siguradong wala talagang magiging problema.
USEC. IGNACIO: Opo, sunod pong tanong ni Red Mendoza: Bilang isang pediatric infectious disease specialist, ano po iyong inyong puwedeng maipayo kung sakali daw pong payagan ang pagturok ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa mga batang edad 12 to 15. May special precaution po ba na dapat gawin?
- ONG-LIM: So, magandang tanong, Red. Actually kahit na mapayagan na iyong 12 to 15 age group na mabakunahan, kailangan pa rin nating tandaan, ano ba iyong overall objective ng ating vaccination program, hindi ba iyon iyong mabigyan natin ng lunas iyong pagtaas ng kaso at matataas na mortality rates? So doon sa age group na 12 to 15, pipiliin pa rin natin iyong siguro may mga comorbidities, sila muna ang uunahin natin. Hindi natin ito ibibigay sa lahat ng 12 to 15 kasi mababa naman ang risk na magkaroon sila ng malubhang sakit.
USEC. IGNACIO: Pero Doc, iyong mga may comorbidity ba ay kailangan pang manghingi ng medical clearance sa kanilang mga doctor bago po magpabakuna?
- ONG-LIM: Mayroon tayong updated guidance galing sa ating Department of Health na iyong mga specific conditions lang ang hinihingan natin ng medical clearance. So maganda siguro na i-check ng ating mga kababayan kung papasok doon sa mga grupong iyon iyong kanilang kondisyon, otherwise puwede silang pumunta na lang doon sa vaccination centers at iyong ating medical staff na nandudoon ay maalam naman kung papaano sila interbyuhin at eksaminin para masiguradong bagay sila doon sa bakunang binibigay natin.
USEC. IGNACIO: Doc, mapupunta daw po sa end of the line iyong mga nasa list na tatangging magpabakuna. So gaano katagal po iyong possible nilang hihintayin bago po iyong kanilang next turn o chance na makapagpabakuna pa?
- ONG-LIM: Usec. Rocky ang understanding ko tungkol diyan sa first right of first refusal o iyong pinapayagang pumili ay iyong ating mga healthcare professionals. Kasi nga iyong panahon na iyon, iyong bakunang ipinamamahagi natin ay hindi siya iyong sinasabi nating angkop talaga para sa grupong iyon. Everybody else, we encourage na kung ano iyong available ay tanggapin na kaagad, kasi nga ang problema natin, patuloy ang pagkalat ng sakit.
Although nag-improve na iyong ating rate, hindi pa nating sinasabing talagang babang-baba na siya tulad noong naramdaman natin noong October. So mataas pa rin ng tsansa na magkaroon ng sakit ang isang tao. So kung titimbangin natin iyong risk na magkaroon tayo ng sakit, mataas pa rin iyon at habang naghihintay tayo lalong tumitindi iyong risk na iyan. Kaya I would encourage na sana iyong mga may opportunity nang mabakunahan, huwag na nilang tanggihan iyong pagkakataong ito, dahil nga maaring sa kakahintay maunahan tayo ng sakit at ayaw naman nating mangyari iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung pagbabasehan po iyong naging successful vaccination rollout sa ibang bansa. Ano po sa tingin ninyo iyong paraan o hakbang na maaaring applicable na gawin din po sa atin?
- ONG-LIM: Well, nabalitaan natin na may mga bansang gumawa ng 24/7 vaccination, isa sigurong puwedeng paraan iyon lalo na sa mga facilities na mayroon naman talagang operations araw-araw at 24 hours, tulad ng mga ospital for example ‘no, kung gagamitin natin iyan as centers. Maganda rin siguro i-explore natin iyong public-private partnership. Lately may mga nababalitaan tayong nakakatuwang mga incentives na ibinibigay ng mga state government, so maaari din natin i-explore siguro iyon. Actually dito lumilitaw iyong creativity noong ating mga programa and I think dito natin dapat pairalin nang husto iyan para lalong maengganyo ang lahat ng taong magpabakuna na kaagad.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Bianca Dava ng ABS-CBN News, is brand preference the major reason for vaccine hesitancy among Filipinos? If yes, how will the non-announcement of vaccine brands address this or will this just further bid to more Filipinos not getting the jab?
- ONG-LIM: That is a very interesting question Bianca. But I would say it’s a factor ‘no, hindi naman natin puwedeng ipagkaila iyan na mayroong iba talaga na mas confident for a particular brands and there are others na it doesn’t really matter to them. So I think one thing that we have to realize is that if our basis for preferring a brand is because we heard that efficacy is like this and it has better protection for example. Tandaan natin na itong mga vaccine efficacy numbers na pinagbabasehan, maaari ng preference ng mga tao, they are very fluid. In fact, iyong mga numbers na kinu-quote noong primero, medyo bumababa na ng bahagya ngayon iyan, kasi dumadami na iyong database, lumalaki ang database at siyempre nag-a-adjust.
Pangalawa, tandaan din natin iba-iba iyong mga circumstances over which these trials were done. Lately naiisip ko nga siguro isang madaling paraan para maintindihan ito, kunwari may bakuna tayong sinubukan dito sa Pilipinas, dineploy initially sa Batanes na alam natin halos walang kaso tapos dineploy natin dito sa NCR na alam natin napakarami, siyempre kapag nag-claim ng mataas na efficacy doon sa Batanes, kasi sinabi na 100% iyan na efficacious, hindi ba iisipin din natin eh siguro kaya ganoon kasi kakaunti ang kaso doon. So parang ganoon din iyong situation nitong mga numbers na nakikita natin from the different studies. May influence talaga kung kailan, saan at sino iyong mga nabigyan ng bakuna, kaya mahirap i-compare. Therefore kung iyon lang ang pinagbabasehan ng brand preference medyo hindi siya magandang basehan, kasi hindi stable, the numbers are fluid.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasi Doc, alam ninyo noong nakaraang taon, noong ini-interview din namin kayo lagi nating pinag-uusapan, sana magkaroon na tayo ng bakuna, bakuna tayo ng bakuna noong nakaraang taon na talagang kasagsagan ng COVID. Pero noong nandito na iyong bakuna, iyan naman ang nagiging tanong, ano po ang pipiliin, ano po.
Doc, tanong ko lang po may pahabol pong tanong si Faith Del Mundo ng TV 5, itanong ko na rin daw po sa inyo ito: According to Mayor Anthony Reyes of Camarines Sur (Camsur) he was advised not to be inoculated in the arms with tattoo, instead he received his jab on his behind. Can a skin with tattoo when vaccinated can cause an infection? What are the other possible risk involved and what is the Department of Health protocol for vaccination with tattoo? Safe po ba ang COVID vaccine maging sa pregnant ang breastfeeding?
- ONG-LIM: Medyo nakakaaliw iyang situation na iyan Usec. Rocky kasi wala naman talagang contraindication – unless siguro bagong tattoo po si mayor na baka medyo sari-sariwa pa iyong ginalaw doon kaya nag-aalangan siguro si doctor na irekomenda sa braso ibakuna, maaring ganoon nga iyong situation. Pero wala pong contraindication, hindi po bawal mabakunahan ang may mga tattoo kahit doon pa po mismo sa braso kung saan nakalagay iyong tattoo puwede naman po.
Maybe siguro ipahabol ko, maaring iyong isang reason ni doctor kung bakit niya inirekomenda na sa ibang lugar na lang iturok eh baka inisip niya mahirapan silang i-assess iyong reaction doon sa area. Baka naman napakalaki iyong tattoo doon sa area na iyon, hindi na nila halos makilala kung mamamaga man o mamumula, puwede pong isang dahilan iyon ‘no.
Iyon namang question about doon sa buntis at nagpapadede/nagpapasuso, ang mga buntis pinapayagan po natin silang mabakunahan after matapos ang kanilang first trimester and iyon pong mga nagbi-breastfeed puwedeng-puwede pong magpabakuna. Ang dahilan po kasi dito, tatandaan natin itong mga bakunang ito hindi naman po sila buhay na mikrobyo. So kahit naman ‘no dumaan na sila sa katawan ni mommy, lumabas pa sa breast milk or let’s say makapasok sa katawan ni baby na pinagbubuntis pa, wala namang dahilan na maging source ito nang any harm for the baby.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Dr. Anna Ong-Lim. Salamat po and stay safe, Doktora.
- ONG-LIM: Thank you, Usec.
USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita naman tayo sa mga lalawigan, puntahan natin si Aaron Bayato mula sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Yes. Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.
Update po sa vaccination rollout at iba pang issue sa sektor ng kalusugan ang atin pong pag-uusapan kasama pong muli si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Good morning, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., mainit na usapin ngayon iyong hindi pagdideklara ng vaccine brand na ibibigay sa mga LGU. Kasabay niyan iyong paglabas po ng bagong SWS survey kung saan 35% of Filipinos are unsure of getting a vaccine, while 30% do not want to get vaccinated. Unahin ko na po itong tanong ni Bianca Dava ng ABS-CBN News: How is Department of Health planning to address vaccine hesitancy?
DOH USEC. VERGEIRE: Ganoon pa rin Usec. Rocky ‘no, we would be intensifying our dissemination of information. Ito naman pong aming naisasagawang mga townhalls, nakikita namin talaga that the more information we give to the public, mas nagkakaroon tayo ng convincing power ‘no – nakukumbinsi po sila na sila po ay magpabakuna. Another thing would be we are now trying to deploy our experts so that they can be the ones to explain ‘no to the public kung ano po iyong kahalagahan ng mga bakuna at kung gaano ito kaligtas.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Bianca Dava, naitanong na rin po ito ni Bianca kay Doc Anna kanina pero gusto po rin niyang makuha ang pahayag ng Department of Health: Is brand preference the major reason daw po for vaccine hesitancy among Filipinos? If yes, how will the non-announcement of vaccine brand address this or will this just further lead to more Filipinos not getting the jab?
DOH USEC. VERGEIRE: Actually ma’am noong tiningnan natin ‘no itong mga preference na sinasabi natin, sa tingin namin kasama ng aming mga eksperto na nakaapekto ito sa kumpiyansa ng mga tao sa bakuna. Kailangan pong maintindihan ng ating mga kababayan na ang mga bakunang mayroon tayo ngayon dito sa ating bansa ay dumaan po sa stringent regulatory process na nasiguro natin lahat ay ligtas at saka effective po sila. ‘Pag tiningnan ho natin ngayon ang real world data, makikita ho natin na iyong mga bakunang nasa bansa natin ngayon ay have good performance against [garbled] infections, preventing hospitalizations, preventing deaths.
So ito pong preference for a vaccine, kailangan maintindihan ng mga kababayan natin na mayroon tayong race against time ika nga na sinasabi ng ating mga eksperto. Kailangan sa araw-araw na tayo ay nagbabakuna, tumataas po ang mga numero ng mga nababakunahan natin so that we can be able to reach the end na bababa po talaga ang mga kaso ng mga nauospital at namamatay dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: May we get feedback from the ground on the new policy to only inform the recipient of the vaccine brand on the vaccination day; have there been many refusal upon learning the brand of have they been receptive?
DOH USEC. VERGEIRE: Well kakaumpisa pa lang ho ‘no noong ating naging patakaran at advise sa ating mga local government na ito nga pong brands na ‘to ay hindi natin ia-announce. Pero kailangan din po nating i-inform ang mga tao na hindi po porke hindi in-announce ng ating local government ay hindi na nila malalaman ang itinuturok sa kanila. Pagdating po nila sa vaccination site, they will be counseled, sasabihin sa kanila kung anong brand iyon at sila po ay bibigyan ng inform consent if they will consent to being vaccinated. So, iyon pong mga past days na nasabi na nga po natin na wala ng announcement ng brand, mataas pa rin naman po ang nakita natin pagbabakuna, specially within NCR plus bubble, nakita pa rin natin na talaga pong pumupunta pa rin po ang ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Evelyn Quiroz ng Filipino Mirror: Recently stated daw po that the non-disclosure of vaccine brand was intended only to prevent crowding at places where particular vaccines preferred by more people were to be administered. There is nothing to prevent people from swarming vaccination centers once the first ones vaccinated disclosed the brand injected into them. Have you considered this scenario?
DOH USEC. VERGEIRE: Well yes! Opo, kasama po iyan sa mga pinag-uusapan pero kailangan maintindihan din natin na nagbigay din tayo ng abiso that only those master listed ang kailangan pumunta doon sa vaccination sites para hindi po tayo nagkakaroon ng crowding. So, alam po ng ating mga kababayan that local government have their process na kailangan naka-master list po sila at naka-schedule bago sila pumunta sa vaccination site. So, this is another safeguard that we can prevent crowding in the vaccination site.
USEC. IGNACIO: Opo. Question po ni Red Mendoza mula sa Manila Times: Sinasabi po ng mga alkalde na maaaring unfair daw iyong pagpa-prioritize ng bakuna sa NCR plus habang ang ibang mga lugar daw po ay naiiwan habang nagkakaroon sila ng matataas na kaso. Ano po ang palagay dito ng Department of Health?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, kasama po sa prioritization framework natin kung matatandaan ng ating mga kababayan na iyong burden of COVID-19 ay kasama doon sa ating SAP priority 2. So, kapag tiningnan po natin talagang ang NCR plus bubble ay binigyan ng ganiyang focus because of that burden of the COVID-19 cases here. Pero ngayong nakikita natin na tumataas din doon sa ibang mga lugar, gagamitin pa rin iyang framework na iyan para mabigyan sila ng mga mas karagdagan na bakuna. So that they can also have that kind of focus kasama na, katulad po ng sa NCR Plus Bubble.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Analou de Vera ng Manila Bulletin: Reaction daw po ng Department of Health regarding doon sa alleged selling of government procured vaccine and ano raw po ang posibleng sanction para dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, pina-iimbestigahan na po natin iyan, Usec. Rocky. Actually nakakuha na po tayo ng statements coming from the local government officials from these local government na ito o cities na nabanggit diyan and ito po kapag ating napatunayan, unang-una they have violated ito pong ating mga batas na mayroon tayo sa ngayon dahil EUA pa lang ho ang bakuna, hindi pa puwedeng i-commercialize at ipagbenta sa mga tao.
Pangalawa, hindi po dapat binibenta ang mga binibili ng gobyerno. So, that’s another sanction. So, these people will be penalized kung saka-sakaling lumabas po sa imbestigasyon na talagang nangyari ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Red Mendoza: May isang study po na nagsasabi ang mga aso daw po ay maaaring makaamoy ng mga may COVID na may bisa na kahalintulad ng PCR-Testing. Ginagawa na po ito ng ilang establisyimento, pero hindi pa po ito official sa Department of Health. Maaari ba itong maikonsidera ng DOH kapag may sapat na batayan para dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, lahat naman po ng mga bago, innovations ay ating pong tinitingnan kung ito po ay magiging beneficial para sa gobyerno at sa publiko. Pero, kapag tiningnan po natin ang RT-PCR test, ang ginagawa po ng test na ito ay tinitingnan kung ikaw ay may virus o kung ikaw ay walang virus.
Kung saka-sakali po na mayroon nga pong mga aso or whatever method that we have na by just sniffing they can detect the virus, kailangan pong bigyan iyan ng sapat na ebidensiya at pag-aaral dahil nga po katulad ng sabi ko, ito pong RT-PCR test na ginagamit natin ngayon, they can really detect no itong virus diyan po sa ating mga specimen. So, pag-aralan po nating maigi iyan para makita natin kung ano pong puwedeng maging gamit iyan dito sa ating response.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pasensiya na po, naghabol lang po si Johnson Manabat ng DZMM, may binanggit na po siyang lugar kasi dito: Kung may imbestigasyon na po ba ang Department of Health sa alleged COVID vaccine slot for sale sa San Juan at Mandaluyong?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Ma’am, iyan po iyong binabanggit natin kanina at tayo po ay nakipag-ugnayan na sa ating mga local government officials. Sila rin po gumagawa ng kanilang imbestigasyon and at the same time, ang DOH together with the DILG ay gumagawa na rin ng imbestigasyon. So, hintayin po natin kung anong makakalap natin na resulta dito sa investigation.
But definitely, kung iyan po ay mapatunayang totoo, makita natin iyang mga taong gumagawa nito, they will be penalized base on the sanctions that are provided in our existing laws.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Rida Reyes ng GMA news: May mga reported cases po na individuals na sabay nagkaroon ng dengue at COVID-19. Ano daw po ang impact ng simultaneous co-infection ng dalawang magkaibang virus sa katawan ng tao?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, hindi pa ho tayo nakakakuha ng maraming information tungkol dito. These are just anecdotal report na nakakarating sa atin, but of course ito po ay pinag-aaralan ng ating mga eksperto. When you have simultaneous infections katulad po nito, siyempre mayroon pong magkaibang mga sintomas at magkaibang epekto sa katawan mas nagkakaroon po ng epekto sa immune system at katawan ng tao. Pero pag-aaralan po natin ito and we will see how it will affect, ito pong response natin sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang ikalawa po niyang tanong, still on COVID-19 and dengue: Paano daw po made-distinguish ang manifestation ng bawat isa lalo pa’t historically tumataas ang dengue cases kapag panahon ng tag-ulan.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Ma’am. So, kapag tiningnan natin ang mga sintomas ng dengue, mayroong kaunting similarity with COVID-19, parehong naglalagnat, parehong masakit ang kasu-kasuan, masakit ang ulo. So, madi-differentiate natin through a test. So gagawin natin ang COVID-19 test, gagawin din po natin ang mga dengue test.
Mayroon din pong mga peculiar o iyon pong sintomas na makikita lang natin sa COVID-19, mayroon din naman mga sintomas na makikita lang natin sa dengue. So, our clinician are very good already in diagnosing these diseases. So, hindi naman ho tayo nangangamba na magkakaroon tayo ng misdiagnosis dahil dito.
USEC. IGNACIO: Panghuli na lang po Usec.: Bakit hindi pa rin daw po nakikita ang steady nang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa? Minsan po kasi 4,000 pa rin po, minsan 6,000 naman. Wala pa po ba iyong epekto ng mga nagdaang mahigpit na restriction lalo na sa NCR Plus?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, nakita na ho natin iyan Usec. Rocky. Nakita natin bumaba nang patuloy na pagbaba ng mga kaso dito sa NCR Plus Bubble. Nakita na ho natin from, dati po we are ranging 3,000 to 4,000 cases here, ngayon po nasa 1,500 plus na lang po ang mga kaso sa NCR plus bubble.
So, nakikita na ho natin ang epekto, kaya lang nakikita rin natin na tumataas naman po ang mga kaso sa ibang lugar dito sa ating bansa. Kaya po we are continuously monitoring and trying to give them assistance para sila naman po ang bigyan ng focus at ma-prevent din po natin ang patuloy na pagtaas ng mga kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may suggestion din po si Rep. Mikey Romero na gawing 24/7 ito pong vaccination rollout para daw po mas mabilis na maabot ang herd immunity. Gagawin na po ba ito ng DOH at kung sakali po, kailan po?
DOH USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po, iyan po ay hindi pa po nasa prayoridad ng mga strategies na gagawin natin ngayon. Ang priority po natin ngayon is our partnership with our private sector, kung saan magbubukas din po sila ng malalaking vaccination site. They will deploy their own health care workers and they will help us in the vaccination.
So, tingnan po natin sa pagbubukas nitong huge vaccination sites kung ito po ay mas makakapagpabilis ng ating pagbabakuna. Siguro kapag nakita natin na marami na talagang supplies at kailangan na talagang pag-ibayuhin ang pagbabakuna at saka po natin pupuntahan iyong istratehiya na iyan.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
DOH USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.
USEC. IGNACIO: Tumungo na po tayo sa pinakahuling datos sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, May 21, 2021, umabot na sa 1,171,103 ang total number of confirmed case matapos makapagtala ng 6,258 ng mga bagong kaso; 141 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na ito sa 19,763 ang total COVID-19 deaths. Ang mga kababayan naman po natin na naka-recover sa sakit ay umakyat na sa 1,096,109 matapos itong madagdagan ng 2,586 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman sa kasalukuyan ay 55,531.
At iyan po ang ating mga balitang nakalap ngayong araw. Ang public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Mga kababayan, tuluy-tuloy lang po nating gawin ang pag-Mask, Hugas, Iwas at tayo po ay magpabakuna na.
Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita tayo muli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center