Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao. Magandang umaga rin po sa mga kababayan natin sa iba’t ibang sulok ng mundo. Ngayon po ay araw ng Martes, May 25, sama-sama po nating muling talakayin ang napapanahong usapin na dapat ninyong malaman. Ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, una sa ating mga balita: Umapela na si Senator Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na bakunahan na rin ang mga Overseas Filipino Workers na nakatakda nang bumalik abroad ng mga bakunang tanggap sa mga destinasyon nilang mga bansa. Ang mga OFWs ay itinuturing din bilang economic frontliner na kabilang sa A4 priority ng pamahalaan. Narito ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Bagaman bumabangon na po ang ilang bahagi ng bansa laban sa banta ng COVID-19, may ilan naman pong tila lumalala ang sitwasyon, isa na po rito ang sikat na tourist destination na Coron, Palawan. Kumustahin po natin ang kasalukuyang sitwasyon doon kasama po ang kanilang punong-bayan na si Mayor Mario Reyes, Jr. Magandang umaga po, Mayor.

CORON MAYOR REYES: Magandang umaga, Usec. Rocky Ignacio. Magandang umaga sa ating mga kababayan dito sa Palawan. Good morning.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kumusta na po iyong laban ninyo kontra-COVID-19 diyan sa Palawan, Mayor? Pumapalo na po ba sa ilan iyong total cases at iyong active cases ninyo sa ngayon?

CORON MAYOR REYES: Well, actually, umpisahan ko lang doon kung saan kami nag-start, nag-lockdown kami ng walong barangay out of 23 barangay noong last May 12. Nag-umpisa lang kami sa 14 cases, at ngayon ay nasa 152 na kami.

Hindi po namin problema iyong paglobo, nama-manage po namin. Ang problema lang po namin ngayon ay kung saan galing iyong aming mga cases – iyon ho ang pinakaproblema.

USEC. IGNACIO:  Opo. Pero halos buong buwan po ng Mayo ay nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine o ECQ ng walong barangay ninyo, at bukas nga po ay magtatapos na ito. Puwede po bang paki-larawan sa amin kung gaano naging kabilis iyong hawahan sa inyong nasasakupan? At tingin ninyo po ba ay nakatulong kahit papaano itong ECQ? Kasi nga po sinasabi ninyo, hindi ninyo malaman ano po iyong dahilan ng pagkalat ng naturang sakit.

CORON MAYOR REYES: Well, actually, kung ang tanong mo ay nakatulong – yes. Nakatulong in a sense na na-contain namin, not hundred percent but mga 80% na-contain namin. At mamaya rin po, Usec., mayroon akong final meeting with the local IATF para pag-usapan namin iyong aming re-opening by tomorrow.

Iyong paglobo, na pagtanong ninyo, talagang lumulobo po. Talagang—actually, ang sign lang po ng decline ay kahapon. Nagkaroon lang po kami ng tatlo pero the rest of the day, from May 12 until yesterday ay masyadong mabilis iyong paglobo nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero nag-declare po kayo noon na COVID-free ang Coron, so ano po ang nangyari, Mayor, at dumami ulit ang mga kaso ng COVID-19? Puwede po ba nating sabihin na may kinalaman iyong surge dito po sa ano, sa turismo sa inyong lugar?

CORON MAYOR REYES: Well, ako iyong tao na ayaw ko nang puntahan iyong problema; gusto ko puntahan iyong solusyon. Pero kung ang tanong mo, kung mayroong kinalaman ang pagbukas ng turismo – Yes, mayroong puwang nang konti iyong pagbukas ng turismo. At hindi rin namin mapigilan iyong mga galing sa ibang lugar kasi po island kami, hindi ninyo na itatanong, so dagsaan kami ng mga tao.

Actually po noong isang araw, mayroon po kaming nahuli na galing sa ibang lugar, hindi po sa Palawan pero galing sa ibang lugar na nag-positive din na dalawa. Mabuti lang na-contain kaagad namin.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, sabi ninyo nga po ay pag-uusapan ninyo iyong posibleng pagbubukas muli ng turismo bukas, tama po ba ito? So sa tingin ninyo, ano po iyong—

CORON MAYOR REYES: Yes.

USEC. IGNACIO: Ano po iyong dapat ay mas mahigpit na health protocol na dapat ninyong ipatupad para po maiwasan iyong pagtaas pa ng kaso?

CORON MAYOR REYES: Well, taking from the history itself, unang-una iyong gathering eh. Iyong gathering dapat mahigpitan namin nang konti. Of course, mapag-usapan din namin iyong re-opening namin ng airport at iyong aming pier. Kasi sa ngayon talagang, to tell you frankly, wala akong sign na nakikita talaga na nagdi-decline, except kahapon na tatlo lang iyong aming naging positive.

USEC. IGNACIO: Pero paano raw po iyong mga sikat na tourist destination diyan sa Coron, Mayor, ngayon po ba ay masasabi natin na talagang totally ay bubuksan ninyo po ba kahit po sa kabila ng posibleng pagtaas po ng kaso?

CORON MAYOR REYES: Well, sa ngayon, iyong mga tourist destination, iyong hindi kasama doon sa walong barangay ay hindi naman sila naka-lockdown. Pero iyon nga, para ma-contain natin iyong pagkalat ng virus ay wala munang movement siguro at iyon din ang iri-recommend ko mamaya sa local IATF na puwede tayong mag-opening ng Coron itself pero iyong airport natin, we will maintain closed muna hangga’t mag-subside muna iyong ating COVID virus.

USEC. IGNACIO:  Opo. So, Mayor, sinabi ninyo may lockdown, ilang barangay po iyong naka-lockdown pa rin sa inyong lugar?

CORON MAYOR REYES: We have 23 barangays, ang naka-lockdown are eight barangays.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, noong nakaraang bumisita po iyong ilang miyembro ng National Task Force diyan sa Palawan, sinabi po mismo ni Contact Tracing Czar Benjamin Magalong na poor contact tracing din po ang posibleng dahilan sa pagkalat ng COVID-19 cases sa lalawigan ng Palawan. So ano po ang masasabi ninyo dito?

CORON MAYOR REYES: Well, actually, kung titingnan ko iyong sinasabi ni Mayor Magalong ay nasa Puerto Princesa iyon, hindi sa Coron. Kung dito man sa Coron, iyong tracing namin, actually for now, naka-98 contact tracing na kami. So hindi ko masasabing poor ang dito sa Coron. I cannot speak in behalf of Puerto Princesa City. And I think, again and again, iyong sinasabi ni Mayor Magalong ay Puerto Princesa City.

USEC. IGNACIO: Pero sa inyo po sa Coron, Mayor, paano po iyong prosesong ginagawa ninyo sa oras na may na-detect kayong nag-positive? Nahihirapan po ba kayong suyurin iyong komunidad o hanapin iyong posibleng na-expose po o nagkaroon na nga ng sakit?

CORON MAYOR REYES: Actually, the first step na once na na-detect na namin, antigen pa lang, ina-isolate na namin kaagad. Once na isolated, pagka-isolate na namin, pagka-medyo nag-severe ang isang pasyente o ang isang tao na may virus, dinadala namin kaagad sa Culion.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, kumusta po iyong isolation facilities at bed utilization rate sa Coron? Nakakayanan po ba ng inyong health care system ito?

CORON MAYOR REYES: Actually, to tell you frankly, maski hindi namin kakayanin dapat kayanin namin eh. Iyong aming main isolation for now is talagang puno na. Nagkaroon naman kami ng isang public school na mabuti ay pinayagan kami ni Ma’am Heidi na gamitin iyong isang school, at puno na rin iyon. Nag-request na naman kami sa… kay Ma’am [garbled] which is siya iyong main principal ng isa pang isolation center, at pinagbigyan na naman kami. Iyon, na-disinfect na in case na mag-positive today and sa mga susunod na araw, doon na po namin dadalhin.

Isolation-wise po wala tayong problema. Sa pag-manage po ng volume ng cases wala rin tayong problema. Ang problema lang po talaga iyong saan po galing. Saan po galing? Iyon po ang pinaka-problema namin eh. Hindi namin ma-detect-detect kung saan galing. Either sa pagbukas ng tourism or sa ibang lugar.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, dahil—

CORON MAYOR REYES: If I may—

USEC. IGNACIO: Go ahead po. Go ahead, Mayor

CORON MAYOR REYES: If I may, noong last time po, nag-lockdown din po kami eh. Noong – If I’m not mistaken it was September to October nag-lockdown din kami na mayroon kaming apat na cases na hindi rin namin alam kung saan galing. So, sa madaling salita, pag-lockdown namin, from lockdown to unlock, wala na pong positive in between. Ngayon naman ibang scenario. Ngayon nag-lockdown kami ang daming mga positive in between. Iyon po ang pinaka-problema.

USEC. IGNACIO: Ah okay. Opo. Pero, Mayor, dahil nga tumaas ang kaso sa lugar ninyo, mayroon po bang nagkaroon ng severe o – huwag naman po sana – na talagang hindi pinalad o namatay dito sa pagkakasakit ng COVID dito sa lugar ninyo?

CORON MAYOR REYES: Opo, nagkaroon po kami ng mga hindi po pinalad kagaya po ng sinabi ninyo. Mayroon po kaming five as of now. I don’t know about today, hindi pa nairi-report sa amin ang ngayon; at mayroon po kaming mga nasa ICU po. Opo.

USEC. IGNACIO: Mga ilan po iyong nasa ICU natin, Mayor?

CORON MAYOR REYES: Kung hindi po ako nagkakamali, 10 to 11 persons sa ICU, nasa Culion Sanitarium Hospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, pagdating naman po sa pagbabakuna, kumusta po ang vaccination rollout sa inyong lugar? Marami po ba ang nagpabakuna na ngayon dahil na rin sa nakikita nating surge of infections sa inyong mga kababayan?

CORON MAYOR REYES: Opo. Usec., sasamantalahin ko na itong pagkakataon na ito ‘no. Kailangan po namin ang tulong ni Senator Bong Go. Kailangan po namin ang vaccine dito po sa Coron. Ako po ay nananawagan kay Senator Bong Go na sana po mabigyan po kami ng vaccine.

Sa ngayon po, mayroon kaming 850 na vaccine available at by tomorrow, the next day, mag-umpisa na po kami mag-vaccinate. So, kulang po iyon sa aming populasyon at sana po mapagbigyan kami ni Senator Bong Go sa aming hiling sa kaniya. Maraming, maraming salamat po, kay Senator Bong Go at sa inyo po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ipaaabot din natin sa ating NTF iyong inyong request, Mayor. Pero mayroon din po daw kayong dalawang molecular laboratories diyan sa Palawan na pabibilisin iyong accreditation ng IATF. May balita po ba kayo kung kailan magiging fully operational ang mga ito at gaano po kahalaga na mapabilis iyong accreditation ng mga ito para po matulungan kayong i-contain ang pagkalat ng COVID-19?

CORON MAYOR REYES: Actually po, mamayang alas-tres ng hapon mayroon po akong meeting with provincial IATF, so, matatalakay po namin then we can update you kung ano pong mangyayari doon sa tanong ninyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kunin ko na lamang iyong mensahe ninyo sa inyong mga kababayan diyan sa Coron.

CORON MAYOR REYES: Actually po, huwag tayong mawalan ng pag-asa. There’s always hope, okay? Iyon na lang po ang natitira sa atin po, iyong hope, na one of these days na makakaraos din tayo. One of these days na malalampasan din natin itong kahirapan na ito. Pag-asa, sabayan pa natin ng prayers sa Panginoon na tulungan tayo. Siguro naman hindi tayo pababayaan ng Panginoon. And stop blaming, kalimutan na po natin iyong sisihan. Kalimutan na po natin ang sisihan. Kung mali po ako, tulungan ninyo ako, kung mali kayo, magtulungan tayo, kung mali tayong lahat, manalangin tayo para tulungan tayo ng Panginoon.

Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Mayor Mario Reyes Jr. ng Coron, Palawan. Mag-iingat po kayo, Mayor at sa ating mga kababayan diyan. Sana po ay sa mga susunod na panahon ay makabalik kami diyan dahil isa po iyan sa pinakamagandang tourist destination sa bansa. Salamat po.

CORON MAYOR REYES: Maraming salamat, Usec. Ignacio. Maraming salamat!

USEC. IGNACIO: Samantala, sa gitna po ng ating laban kontra pandemya, isa po sa mga mahahalagang pagtuunan ng pansin ay ang tuluy-tuloy na pag-aaral at pagtuklas sa mga mabisang panlaban o panggamot sa COVID-19 virus sa pamamagitan po iyan ng mga clinical trial na pinangungunahan ng Department of Science and Technology. Alamin po natin ang updates sa mga clinical trial sa bansa dito sa CHECK THE FAQs.

At para po makibalita sa mga ongoing clinical trials na isinasagawa sa bansa, makakausap po natin si Undersecretary Rowena Guevarra ng Department of Science and Technology (DOST). Magandang umaga po, Usec.!

DOST USEC. GUEVARRA: Magandang umaga, Usec.!

USEC. IGNACIO: Usec., sa ngayon po ay ano na iyong mga kasalukuyang pinag-aaralan sa clinical trials na pinangungunahan ng DOST?

DOST USEC. GUEVARRA: Sa kasalukuyan, iyong clinical trials na tinitingnan natin ay iyong tatlong ongoing, ito iyong private companies at ini-expect natin na mag-umpisa iyong sa WHO Solidarity Vaccine Trial, baka by June mag-umpisa na iyon.

Ang ginagawa natin dito sa vaccine clinical trials ay nagri-recruit tayo ng mga volunteers sa mga partikular na lugar na mataas ang kaso ng COVID-19 at sila ay mag-a-undergo ng protocol na inaprubahan ng Food and Drug Administration at ng ating Ethics Review Bard.

Ang gusto nilang malaman ay iyong safety at saka iyong efficacy nitong ating mga iba’t-ibang brands ng bakuna. Sa kasalukuyan, may tatlong approved na vaccine clinical trials ng private sector. Ito iyong Janssen, iyong Sinovac at iyong Clover.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec., napakahalaga pa rin pong malaman ng taumbayan kung ano iyong ipinagkaiba ng WHO Solidarity Trial sa ating clinical trials.

DOST USEC. GUEVARRA: Naku! Magandang tanong iyan. Iyong ating mga independent clinical trials, ito iyong sinabi ko kanina na may tatlong ongoing na at saka mayroong tatlong nag-a-apply na bago.

Ang nagku-conduct niyan ay iyong mismong kumpanya na may-ari noong bakuna. Pinag-aaralan noong isang kumpanya kung iyong kanilang bakuna ay effective at saka safe. Tapos, may partner iyan na tinatawag nating clinical research organization sa bansa natin na siyang mag-aasikaso ng recruitment, pagpapa-approve ng mga permit nila at mismong pagsasagawa ng clinical trial.

So, kami sa Task Group of Vaccine Evaluation and Selection, kami ang nag-a-assign sa kanila kung saan sila puwedeng gumawa ng kanilang trials. Iyong sponsor at saka iyong local na CRO (clinical research organization), sila iyong responsible sa pagmu-monitor ng independent clinical trial at sila ay nagsusumite ng progress report sa FDA.

Iyon namang WHO, na-decide na nila na imbes na ang tutulungan nila ang gagamitin na bakuna ay iyong galing sa mga malalaking kumpanya, nag-decide ang WHO na mas interesado silang tulungan iyong mga mas maliliit pa na companies na nagdi-develop ng vaccines. Dito sa WHO Solidarity Vaccine Trial, ang funding ay galing sa Philippine Government, tapos ang trabaho natin ay gumawa ng adaptive, rapid at community-based na clinical trial.

Ang WHO ay nakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan para sa pag-recruit ng mga kalahok sa clinical trials. Tapos ang mga trial sites ng WHO ay bibigyang-prayoridad sa pag-a-assign ayon sa guidelines ng ating IATF.

Sa pagmu-monitor naman nitong clinical trial, bubuo ang Task Group on Vaccine Evaluation and Selection ng isang data and safety monitoring committee upang i-monitor ang kaligtasan ng paggamit ng mga bakuna habang isinasagawa ang clinical trials.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano daw po ang benepisyo at epekto nito para sa ating mga kababayan?

DOST USEC. GUEVARRA: Para sa COVID-19 vaccine clinical trials, bukod sa pagbibigay kontribyusyon sa kasalukuyang inisyatibo ng iba’t-ibang bansa upang malabanan ang COVID-19, mahalaga ang pagsali natin hindi lamang sa WHO Solidarity Vaccine Trial kung hindi pati na rin sa ibang vaccine clinical trials upang:

Una, makapagbigay ng datos sa kaligtasan ng paggamit at pagka-epektibo ng mga bakuna na direktang nakaugnay sa mga Pilipino.

Pangalawa, makakuha ng kinakailangang datos ukol sa pangmatagalang epekto at kaligtasan ng paggamit ng mga bakuna. Kinakailangan rin ito kahit na may mga vaccine candidates na mayroon ng Emergency Use Authorization bago pa man sila mabigyan ng certificate of product registration.

Pangatlo, marami pa tayong kinakailangang alamin ukol sa COVID-19. Sa pamamagitan ng clinical trials, malalaman rin natin kung kinakailangan bang magsagawa nang follow up vaccination kada taon.

At pang-apat, alamin kung kinakailangang i-tweak ang vaccine candidates o ang kanilang dosing schedule upang ma-improve ang kanilang pagka-epektibo lalo na sa mga na-identify na bagong variants ng COVID-19 sa iba’t ibang grupo ng tao ukol sa edad, lahi, kondisyon ng kalusugan at iba pa.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec., ano daw po naman iyong findings na nakita sa clinical trials tungkol sa Ivermectin?

DOST USEC. GUEVARRA: Alam mo ang clinical trial sa Ivermectin sa kasalukuyan ay more than 50 ang mayroon sa buong mundo. May mga natapos na at saka mayroong hindi pa tapos. Ang problema natin, walang solid na conclusion. Mayroong nagsasabi na okay siya, mayroong nagsasabi na hindi siya okay.

Ngayon dito sa bansa natin, pinahintulutan ng FDA ang tinatawag na limited use nitong Ivermectin, iyong compassionate use na tinatawag. Kaso ang tanong natin ay, ano na nga ba ang datos na mayroon? Sabi ng Philippine COVID-19 Leading Clinical Practice Guidelines na nagsusuri ng current evidence sa Pilipinas at sa buong mundo, hindi pa rin sapat ang datos para mairekomenda ang paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa mga pasyente na may mild to moderate COVID-19. Hindi rin nila nirirekomenda ang paggamit ng Ivermectin para sa mga may severe COVID-19 o ang paggamit ng Ivermectin kasama ng Doxycycline para gamutin ang mga may COVID-19.

Iyan po ang rason kaya tayo sa DOH at sa DOST ay magsasagawa po ng clinical trial ng Ivermectin para sa tinatawag nating mild to moderate COVID cases sa ating mga centers dito sa Philippines para malaman natin sa Pilipino ano ba talaga ang dosage, ano ba talaga ang epekto nitong Ivermectin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano naman ang epekto ng clinical trials sa mga bakuna na dumarating sa ating bansa?

DOST USEC. GUEVARRA: Iyong mga bakunang dumarating sa ating bansa, mga pumasa na iyan sa Emergency Use Authorization. Ibig sabihin, kalahati na ng clinical trial phase 3 nila ay natapos na. Ngayon baka sasabihin mo ay mayroon na pala tayong ginagamit, eh bakit maggagawa pa tayo ng clinical trial? Kasi nga gusto nating malaman kung ano ba epekto niyan sa Pilipino, tapos gusto rin nating malaman gaano katagal ang effectiveness niyang vaccine na iyan.

Kasi wala pang clinical trial phase 3 natatapos sa buong mundo. Ibig sabihin, hindi pa natin alam kung tatagal ba iyan ng 6 months, isang taon o labingwalong buwan – hindi natin alam. So iyan po iyong mga gusto pa nating aralin dito sa ating clinical trial. At bukod diyan, gusto rin nating malaman kung mayroon bang vaccine na 1 dose lang ay puwede na, so iyan po ‘yung ating ginagawa.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bigyang-daan ko lang po iyong tanong ni Jayson Rubrico ng SMNI News: May update na raw po ba regarding po dito sa tinatawag nating vaccine mix and match? Kailan po ba isasagawa ang trial nito at gaano po katagal bago makuha iyong resulta ng trial?

DOST USEC. GUEVARRA: Ay, magandang tanong iyan. Ang DOH at ang DOST ay nag-agree na mag-conduct ng clinical trial na tinatawag na mix and match. Dalawang klase po ito: Iyong isa po, iyong first brand mo sa first dose ay iba doon sa second dose brand mo, so iyon ‘yung una. Iyong pangalawa naman, nabigyan ka kunyari ng first at second dose nang parehong brand, titingnan kung puwede bang magkaroon ka ng booster na ibang brand.

So itong mga trials na ‘to gagawin natin doon sa mga available na vaccines sa ating vaccine rollout at gagawin ito sa matagal na panahon ano, labingwalong buwan. Pero after 3 months into the study, mayroon tayong magiging initial results para ma-advise din natin iyong ating National Task Force on Vaccine.

So ang ating expected ay mag-uumpisa tayo siguro sa mga end of June or sa July kasi ngayon, kailangan munang pumasa ng ating protocols sa Food and Drug Administration para magkaroon ng permit to conduct the clinical trial at kailangan din po silang makapasa sa ating tinatawag na Ethics Review Board para puwede na po silang magsimula ng kanilang study.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec. if magsasagawa na po ng trial, paano naman daw po masisiguro iyong safety ng ating mga participants who will undergo the tests?

DOST USEC. GUEVARRA: Magandang tanong iyan. Alam mo dito sa mga clinical trials na ito, ilang beses ti-testing-in iyong ating mga pasyente. Bago pa sila ineksiyunan, magti-test, gagawa ng baseline information tapos sunud-sunod na follow ups ang gagawin sa kanila ng ating mga clinical trialist.

Iyong safety, iyan po ay ie-explain sa ating mga participants dahil volunteers sila. Explain sa kanila kung ano po iyong risk at ano po iyong benepisyo. At iyong mga volunteers ang magdi-decide kung magpa-participate sila o hindi. Ngayon kasama sa protocol na isa-submit ng ating mga researchers sa FDA ay iyong ano ang gagawin nila in case of emergency, kung magkaroon ng adverse event at iba’t iba pang posibleng sitwasyon. Kaya asahan ninyo po na kung mag-participate kayo dito, sisiguraduhin po natin ang inyong safety.

USEC. IGNACIO: Opo. Huli po niyang tanong: Maliban po sa Pilipinas, may mga bansa na ba na nagsasagawa ng vaccine mix and match trial or nakagawa na at anu-ano po daw iyong lumabas na resulta if mayroon na sa ibang bansa?

DOST USEC. GUEVARRA: Ay, nag-uumpisa pa lang ang mga ibang bansa. Iyong kasabay natin na mag—well kakaumpisa pa lang nila actually, sa United Kingdom. Tapos iyong ibang bansa sumusunod na rin sila sa pagsasagawa ng mix and match.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tama po ba na sisentro iyong clinical trial na ito sa paggamit ng Sinovac bilang unang dose at iba namang brand ng bakuna para sa second dose o sa booster shot at bakit po kaya ganito ang magiging setup?

DOST USEC. GUEVARRA: Doon sa mga bakuna na ginagamit sa vaccine rollout ng Philippines, mapapansin ninyo na iba’t ibang platform sila – mayroong mRNA, mayroon inactivated virus at saka mayroon iyong pinakamaraming bibilhin ng Philippines dahil iyon ‘yung naging available for our procurement. Since iyon pong Sinovac siya po ay iyong inactivated virus, siya po iyong pinaka-classic na—or traditional technology platform for vaccines, napag-decide-an po noong ating proponents na siya iyong gagamitin na baseline vaccine. Pero nabanggit ko nga po kanina, subject pa rin po ito sa approval ng FDA for the protocol.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong ibinigay na impormasyon, Undersecretary Rowena Guevarra ng DOST. Mabuhay po kayo!

DOST USEC. GUEVARRA: Salamat.

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang pinakahuling tally ng COVID-19 cases sa bansa. As of 4:30 P.M. kahapon, pumalo na sa 1,184,706 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 4,973 sa mga ito ay mga bagong tala; 48,970 sa mga ito ang mga aktibong kaso sa kasalukuyan; 6,666 naman po ang nadagdag sa mga gumaling kahapon kaya umabot na sa 1,115,806 ang total recoveries. Sa kabilang banda, 39 naman po ang nadagdag sa mga nasawi; ang total deaths ay may kabuuan nang bilang na 19,983.

Patuloy po ang aming paalala sa inyo na sumunod tayo sa ipinatutupad na standard na health protocols. Ugaliin po nating magsuot ng face mask at face shield kung tayo po ay lalabas ng bahay ngunit kung hindi naman po ay kailangan ay stay at home muna tayo, ibayong pag-iingat po ang ating gawin laban sa COVID-19.

Samantala, sa Senate hearing na ginawa kamakailan tungkol sa naging misencounter ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng Quezon City Police Department noong Pebrero, mariing iminungkahi ni Senator Bong Go ang pagkakaroon nang maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga law enforcement agencies para maiwasan ang anumang uri nang hindi pagkakaunawaan sa hinaharap. Panoorin po natin ito:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Marami pa po tayong pag-uusapan sa pagbabalik ng Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO:  Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, puntahan natin si Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas para sa iba pang balita.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat, Ria Arevalo, mula sa PBS Radyo Pilipinas.

Kumustahin naman natin ang sitwasyon diyan sa Cordillera, ang balita hatid sa atin ni Eddie Carta.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Ria Arevalo mula sa PBS Radyo Pilipinas. Kumustahin naman natin ang sitwasyon diyan sa Cordillera, balitang hatid sa atin ni Eddie Carta:

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Eddie Carta ng PTV-Cordillera. Abangan ninyo pa ang ibang balita sa pagbabalik ng Public Briefing #LagingHandaPH. 

[COMMERCIAL BREAK] 

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Alamin naman natin ang pinakabagong balita diyan sa Davao hatid sa atin ni Jay Lagang: 

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Jay Lagang mula sa PTV-Davao. Samantala, puntahan naman natin si John Aroa para sa mga kaganapan sa Cebu. John:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat John Aroa mula sa PTV-Cebu.

Samantala, apat na taon na ng nakalipas mula ng maganap ang tinaguriang Marawi Siege pero hanggang ngayon may ilan pa rin sa ating mga kababayan ang sinusubukan pa ring makabangon mula sa trahedyang dulot ng bakbakan ngayong sumabay pa ang kalbaryo dulot ng pandemya.

Kumusta na ba ang rehabilitasyon ng pamahalaan sa Marawi City, kaugnay niyan  makakausap po natin si Department of Human Settlement and Urban Development at Task Force Bangon Marawi Chief Secretary Eduardo Del Rosario. Magandang umaga po Secretary?

DHSUD SEC. EDUARDO DEL ROSARIO: Magandang umaga Usec. Rocky. 

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumusta na po iyong mga proyektong ginagawa ng Task Force para sa rehabilitasyon ng Marawi City?

DHSUD SEC. EDUARDO DEL ROSARIO: Usec. Rocky mula ng nagsimula tayo ng vertical saka horizontal infrastructures last year, we started last August, lahat ng ating public infra na pinapagawa is now 65% complete. So, iyong ang accomplishment rate natin, 65%, and we are on track with our stated deadline of December of the year na 100% lahat ng ongoing projects ay matatapos natin.  

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pero nananawagan po ang Maranao leaders at ilang civil society organizations na iprayoridad daw po ng pamahalaan ang reconstruction ng war torn Marawi City. So, ano po ang tugon ninyo dito? 

DHSUD SEC. EDUARDO DEL ROSARIO: Well, actually four years ng first priority ng ating gobyerno ang rehabilitation but we have to take the methodology na kailangan na magawa natin at hindi puwedeng in an instant tapos agad ang rehabilitation. It has to undergo three phases: Ang first phase natin iyong early intervention activity that took us almost one year para mabigyan ng attention iyong immediately need ng mga internally displaced persons at i-revive natin ang economy, bigyan natin ang health services, palakasin ang educational system na bumagsak noong panahon ng pagtama ng Marawi siege. 

Now, after that nag-conduct tayo ng debris management that in effect we have to remove millions of tons of debris and remove thousands of bombs in the most affected area na tinatawag natin ground zero and that took us one year and four months. Even before, ang siege ongoing, priority na ng gobyerno, nagpapatayo na tayo ng mga temporary shelter, nagkaroon tayo ng land development, kaya iyong sinasabi na nanawagan sa gobyerno, ay I think off tangent sa totoong nangyayari sa rehabilitation ng Marawi City. 

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumusta naman daw po iyong pondo para dito? Totoo po daw na ipapaubaya na ng pamahalaan sa pribadong sektor ang pondo para sa rehabilitation at paano po ang mangyayari dito, Secretary?

DHSUD SEC. EDUARDO DEL ROSARIO: I think that is not accurate, still the government has the funds at ito ay ibinibigay sa ating mga implementing agency kamukha ng DPWH, NHA, local government unit, the LWUA. So, lahat ng ahensiya na kaniya-kaniyang mandato ang ipinapagawa, sila ang kumukuha ng mga pondo at nagku-conduct ng bidding process at ina-award naman ito sa mga private contractors.

USEC. IGNACIO: Opo. So Secretary, parang magiging private-public partnership ito kung ganoon ano po. Sino-sino po iyong nakakausap ninyo para mag-sponsor kung mayroon man po?

DHSUD SEC. EDUARDO DEL ROSARIO: Actually, it’s not a public-private partnership, talagang the normal bidding process ang ginagawa natin kaya pagka napuntahan ang pondo para sa construction ng pabahay, ibibigay ang pondo sa NHA. Ang NHA ang magka-conduct ng public bidding, the normal bidding process at iyong mga private contractor ang magpapagawa but being closely supervised in accordance with the standard sa implementing agencies just like the National Housing Authority.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may iba’t-ibang opinyon po tungkol sa ginagawang rehabilitasyon dito sa Marawi. Secretary, ang sabi po ng Marawi Advocacy Accompaniment, tila napakabagal daw po ang rehabilitasyon; pero ang Marawi Sultanate League ay satisfied naman daw po sa naging progress nitong proyekto. So, ano po iyong masasabi ninyo dito?

DHSUD SEC. EDUARDO DEL ROSARIO: I will favor iyong sinasabi ng legitimate organizations na ang sa kanilang puso at damdamin ay ang kapakanan ng Marawi City. The Marawi Sultanate League is composed of the traditional leader ng Marawi City at sila ang nagka-conduct ng tamang assessment. Every month nagpupunta sila sa ground at tinitignan nila iyong progress ng development na ginagawa ng different implementing agencies.

Iyong isang grupo na CSO, ang ginagawa lang naman nila ay puro batikos but on the ground wala naman silang ginagawa para makatulong sa rehabilitation. But we are doing our best to ensure na ang rehabilitation ay matapos natin by December, substantially matapos natin iyong rehabilitation and completely within the term of the President. 

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, unahin ko na lang iyong tanong ng ating media partners. Mula po kay Sam Medenilla ng Business Mirror: What is the housing target of your department for the next 20 years and how much is needed annually to meet these targets? 

DHSUD SEC. EDUARDO DEL ROSARIO: Actually we have to address iyong housing needs na 6.5 million until 2022 and sinasabi natin kapag hindi ito na-address until 2040 it will balloon to 22 million na housing needs. So, ang target natin, at least makagawa tayo ng 100,000 informal settler housing unit o socialized housing and we need at least 50 billion a year for housing production.

So, over the period of 20 years, we can address the need of the informal settlers but for the open market that will be addressed by the financial mechanism na ginagawa ng Pag-IBIG at ng private sector.

So, if we will be given 50 billion a year starting next year, we are confident that the 20 year housing strategy para ma-address natin ang housing need in the next 20 years ay magagawa natin. 

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Celerina Monte: How much have so far been spent by the National Government for the Marawi Rehab; how much iyong galing sa loan and grant, iyong bulk of the budget saan daw po nagpunta? 

DHSUD SEC. EDUARDO DEL ROSARIO: Well, actually lahat ng budget coming from the national government ito ay napupunta sa mga implementing agency. Ang mga grants naman, kung merong grant na ibinigay just like the government of Japan,  ibinigay ito sa Department of Finance and the Department of Finance naman ay makikipag-coordinate sa implementing agency just like DPWH or our department para sa paggawa ng mga bahay.

Iyong grant na ibinigay para sa mga bridges at road construction, ibinigay naman iyan sa DPWH at iyan ay ginagawa ng mga implementing agencies and these is being audited by COA. Iyong mga na ibinigay naman ng other development partners, ito ay ibinibigay nila sa kanilang private NGOs just like the United State that provided about 2 to 3 billion assistance for Marawi, walang napunta diyan sa gobyerno. Ito ay ibinigay sa mga NGOs na partner NGOs ng USA at sila ang nag-i-implement ng kanilang project on the ground. 

USEC. IGNACIO: So Secretary, tanong pa rin ni Celerina: Wala na pong obstacle na mararanasan at talaga pong confident tayo na ma-meet natin iyong target by December 2021 na ma-complete na po iyong Marawi Rehab?

DHSUD SEC. EDUARDO DEL ROSARIO: Yes, by December substantially completed ang mga projects natin and for the total completion everything will be completed within the term of the President. 

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario, mabuhay po kayo and stay safe. 

DHSUD SEC. EDUARDO DEL ROSARIO: Mabuhay kayo Usec. Rocky at maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas o KBP at dito po nagtatapos ang isang oras nating tapat na pagbabalita.

Ako po si USec. Rocky Ignacio ng PCOO, magkita-kita tayo muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)