USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo. Mula sa mga usaping COVID-19 hanggang sa kakulangan sa supply ng kuryente, ngayong umaga ay tatalakayin natin ang mga pinamaiinit na balita sa bansa.
Ako po ng inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Samantala, patuloy naman pong nananalasa si Tropical Storm Dante sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong araw ng Miyerkules, June 2. Kaninang madaling araw ay nag-second landfall na ang bagyo sa Cataingan, Masbate na nagdala nang moderate to heavy rains at malalakas na bugso ng hangin. Inaasahan namang magla-landfall din ang bagyo sa Romblon na may taglay pa ring maximum sustained winds na 65 kilometers per hour.
Base po sa latest weather track ng PAGASA posibleng sa Sabado, June 5, humina ang bagyo at maging low pressure area bagong tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility. Manatiling nakatutok sa PTV News para po sa iba pang updates kaugnay sa Bagyong Dante.
Samantala, dininig ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang hiling ng mga kababayan nating seafarer na mabigyan sila ng mga bakunang angkop sa requirements ng mga destinasyon nilang bansa. Bagama’t tanging western brands lang ng bakuna ang umano’y tinatanggap sa ilang bansa, ang paglilinaw ni Senator Bong Go, mabisang pangontra sa COVID-19 ang lahat ng bakunang itinuturok ngayon sa bansa. Narito ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa inilabas na bagong quarantine classification ng IATF, labing apat na mga itinuturing bilang high risk areas ang ngayo’y isinailalim sa MECQ hanggang June 15 habang mananatili naman sa heightened GCQ ang NCR Plus sa buong buwan ng Hunyo. Ang tanong, sapat kaya ang hakbang na ito para ma-control at mapababa ang pagtaas ng COVID-19 cases sa mga high risk areas?
Kaugnay niyan, makakausap po natin si Special Adviser to the IATF Dr. Ted Herbosa. Good morning po, Doc.
DR. HERBOSA: Good morning Usec. Rocky at good morning sa mga nanunood sa Laging Handa.
USEC. IGNACIO: Opo. Parang may correction po ako doon sa—iyong heightened GCQ sa NCR Plus hanggang June 15 po, tama po ‘di ba; hindi po buong buwan ng Hunyo?
DR. HERBOSA: Tama. Opo, hanggang 15 and then most likely [garbled] we assess iyong situation [garbled] before matapos ang June 15.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, nakatulong ba iyong pagbisita ninyo, ng IATF, nito pong nakaraang buwan sa Palawan at Zamboanga para po mapagdesisyunan iyong kailangan muna nilang isailalim sa MECQ ngayong June?
DR. HERBOSA: Tama po ‘no. Bumisita kami sa Palawan noong Thursday last week at nagsabi sila na gusto nila actually mataas iyong antas ng kanilang community quarantine dahil puno na talaga iyong Ospital ng Palawan at ganoon din iyong naging request noong mga local leaders na Zamboanga. And true enough, naaprubahan naman ng IATF at ni Presidente iyong MECQ para doon sa lugar na iyan at marami pang lugar ‘no, katorse yata iyong mga lugar sa Pilipinas na pataas or padami iyong mga new cases na nilagay sa Modified ECQ.
USEC. IGNACIO: Opo. Sinasabi nga po dito sa NCR Plus bumababa iyong kaso pero sa ilang bahagi ng bansa, sa Visayas/Mindanao tumataas. So, ano po ba ang mga natuklasan ninyong dapat i-manage o dapat tutukan sa naging pag-iikot po ng IATF dito sa mga high risk areas?
DR. HERBOSA: Well ang nakita namin ay mabagal iyong response ng some of the areas na tinuro natin ano – iyong Prevent, Detect, Isolate, Treat and Reintegrate ‘no – ito iyong ating istratehiya sa National Action Plan.
Very important kasi na ‘pag may na-identify kayo na suspect or na-expose, ma-test agad. Iyong mga lugar na binisita namin, nakita namin may problema pala sa kapasidad ng kanilang testing facility so nagdala kami ng mga rapid antigen tests na dapat gagamitin natin dito sa Metro Manila, ibinigay natin sa kanila para makapag-test agad sila at malaman kung positive iyong mga may sintomas o iyong mga close contact.
Nahirapan din sila sa hospital capacity nila so napupuno agad. So we decided to help them ma-develop iyong ibang mga isolation facility na para sa mild at asymptomatic para ma-unload mo iyong kanilang healthcare system. So pareho noong ginagawa natin, Usec. Rocky, dito sa NCR na mga measures. Walang secret science dito ‘no, talaga test, trace, treat at saka talagang mabilis lang dapat iyong contact tracing. Nakita namin iyan din iyong isa sa mga kahinaan doon sa mga binisita namin.
So hopefully itong MECQ, ‘pag ginawa natin kasi ito, hindi naman ito ‘yung maghihinto noong transmission; iyong active na paghanap nila ng mga kaso by testing, iyong active na pag-isolate nila noong mga may sintomas at iyong pag-treat noong mga nagkasakit, ito iyong mga importanteng gawin habang nasa MECQ sila at ma-contain agad iyong mabilis na pagdami ng mga kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, bukod doon sa pagbibigay natin ng rapid antigen test, ano pang tulong iyong puwede nating ibigay dito sa mga high risk areas pagdating po naman sa—siyempre sa testing. And then doon sa tracing po, papaano po natin sila mabibigyan ng tulong para po mapalakas?
DR. HERBOSA: Ah, kasama namin si Contact Tracing Czar Mayor Benjie Magalong in two of our visits and maganda nga iyong usapan nila noong mga local leaders para mapaigting pa, kasi nag-training na pala sila, tinrain na sila ng team ni Mayor Benjie at pabibilisin pa iyong paghanap sa mga contacts. So ito talaga iyong science nang paglaban sa mga epidemic ‘no, very quickly identify all the contacts para ma-isolate mo sila kaagad. So diyan sa lugar na iyan, magti-train pa nang mas marami at magha-hire pa nang mas maraming contact tracers iyong local government at tutulungan ng [garbled].
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted may pinag-uusapan na rin po ba ang IATF kung dadagdagan iyong vaccine supply dito sa mga nasa MECQ areas ngayong inaasahan naman din pong pagdating noong mga dagdag na bakuna sa bansa ngayong Hunyo?
DR. HERBOSA: Yes ‘no, na-request nila ‘yan ‘no na dagdagan iyong kanilang mga allocation or quota ng bakuna at pumayag naman ang national government. In fact mayroon talaga tayong tinatawag na parang ano, buffer stock para sa mga lugar na ito. And medyo naubos nga iyong buffer stock natin, luckily may dadating pa tayong one million doses ng Sinovac. At iyon ang magandang magagamit natin para pag-distribute dito sa mga hotspots – sa Visayas ‘no, sa Iloilo mayroon ding pagtaas ng kaso; diyan sa Mindanao, iyong mga different areas ng Mindanao na dumadami iyong mga kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, nakasama na rin iyong Sinovac nga sa World Health Organization sa EUL nila. Ano po ang maitutulong nito o benepisyo or dagdag tulong para sa atin sa Pilipinas? Kasi karamihan po sa bakuna na ginagamit ng ating bansa ay Sinovac.
DR. TED HERBOSA: Well, malaking bagay iyan ‘no. Tuwang-tuwa nga ako noong nabasa ko sa news, sa international news at sa extranet.WHO.intna sinama na ang Sinovac BioNTech or CoronaVac, iyong ating pinakamaraming bakuna sa Pilipinas sa Emergency Use Listing. In other words, ka-kategorya na siya ng Pfizer, ng AstraZeneca, ng Moderna, ng J&J at iyong naunang Sinopharm, iyong naunang Chinese. So dalawang Chinese brands na po ang nasa Emergency Use Listing.
Dalawa po ang malaking advantage nito. Number one, iyong mga vaccine hesitant na medyo namimili ng bakuna base sa nanggaling sa ibang bansa, medyo mawawala iyan ano kasi pare-pareho lang ang effect nila. In fact, maraming reports ngayon doon sa iba’t ibang bansa na gumagamit nito na very effective iyong pag-decrease ng deaths at new cases sa paggamit ng Sinovac.
Ang pangalawang value niyan ay iyong mga multilateral partners natin, iyong mga nagpapautang sa atin para makabili tayo ng bakuna. Napakarami nang bibilhin natin eh ‘no. Seventy billion ang nilaan natin. Hindi lahat ng pera ay manggagaling sa atin, some ay uutangin din natin. At ang nagpapautang, gusto mayroong WHO EUL. So nasa listing ng WHO, so na-fulfil ang criteria na iyon at madali tayong makakabili nang mas marami pang dose ng Sinovac para sa ating bansa.
So napakaganda po iyang balitang iyan today na nailabas ng World Health Organization.
USEC. IGNACIO: Opo. Dito naman po sa NCR Plus, although heightened GCQ pa rin ang umiiral, unti-unti pang niluluwagan itong restrictions gaya nitong pagpayag sa leisure travel papunta sa GCQ areas with no age restrictions. Pati raw po sa resort, allowed na rin to operate with 30% capacity. Tayo po ba ay confident na hindi ito magdudulot ng panibagong pagtaas ng hawahan ng COVID?
DR. TED HERBOSA: Well, at this point na pababa iyong kaso natin ‘no, although mabilis iyong pagbaba at sabi ng ating mga epidemiologist parang nag-slowdown iyong pagbaba ‘no. So very important iyong issuance ng ating IATF na continue iyong GCQ. Yes, nag-lower sila ng restrictions, parang mas maluwag, pero nandudoon pa rin iyong additional restrictions. So iyong parang hindi siya GCQ na kagaya nang pinanggalingan natin noong December, January, February. GCQ with restrictions pa rin, mas maluwag kaysa sa previous natin na GCQ with heightened restrictions. So ang tawag sa kaniya, GCQ with restrictions.
At na-publish naman ano iyong mga pagluluwag kagaya ng religious activity, puwedeng itaas sa up to 30% and then binigyan pa ng authority iyong lokal na pamahalaan to increase it to as high as 50% with kung nagpa-follow talaga ng minimum public health standards. Ganoon din sa mga conferences or meeting, parang in-allow na 30% of the venue. Tapos doon sa mga gustong mag-staycation, in-allow po iyong staycation doon sa mga hotels at resorts. Pero siyempre ang advice ko diyan, kung nandoon ka staycation at maraming nagsi-swimming sa swimming pool, siguro huwag muna kasi iyon iyong risk natin, ano.
I think at this point, iyong ating mga mamamayan ang kailangan mag-observe talaga ng minimum public health standards. Naiintindihan na natin ito, pangalawang taon na natin dito sa COVID-19 na paglaban, alam na natin kung ano ang nagwo-work ‘di ba – iyong face shield, face mask, hugas ng kamay at iwas sa matataong lugar. So important na iyong individual’s compliance dito sa minimum public health standards para maging tuluy-tuloy na iyong pagbaba ng mga kaso dito sa NCR Plus.
USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol naman po sa issue ng magkaibang protocol ng national IATF sa Cebu. Sinabi po ni Pangulong Duterte na i-critique muna ng DOH ang mga ipinatutupad na quarantine restrictions sa lalawigan para po tingnan kung akma ang mga ito, kung may matututunan ba ang national government dito. Kayo po ba, personally, ano ang masasabi ninyo sa quarantine protocol nila?
DR. TED HERBOSA: Binabantayan ko at hindi naman ako privy doon sa napag-usapan nila at naging suggestions nila kay Presidente. I heard, si Governor at iyong ating mga experts doon sa Cebu ay nakipag-meeting ng almost two hours with the President ‘no, at pinakinggan naman sila. So I assume, ipapasa ito sa ating technical experts ng DOH. So titingnan natin base sa science, of course. Dito sa mga ginagawa nating procedures and policies, kailangan po ay evidence-based po tayo ay may basehan. So mahirap mag-ano ng risk ‘no, mahirap mag-release ng risk at magkaroon nang, again, another outbreak kasi nakita naman natin iyong nangyari sa India.
So kung magri-relax tayo ng restrictions, kailangan mayroon tayong safety nets na kailangan ma-provide para alam natin kung ano ang gagawin.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may tanong po sa inyo si Red Mendoza ng Manila Times: May mga nagrireklamo po na imbes gawing by age iyong prioritization sa A4, dapat daw po ay i-open na ito sa lahat dahil lahat naman daw po ng taong lumalabas sa bahay para magtrabaho ay at risk for COVID. Sinasabi po nila na baka makadagdag lang ito sa hesitancy ng tao kung ihihiwalay pa ito sa edad. So ano po ang masasabi ninyo rito?
DR. TED HERBOSA: Ang principle natin na ginawa ng Department of Health ay sinegment siya by age kasi nga napakarami ng miyembro sa A4, iyong kategorya niyan ay para almost 28 million yata iyan. Hindi naman natin matatapos lahat iyan itong June. That will go all the way until November, so tuluy-tuloy iyan. And importante iyong segmentation para walang gulo kasi para walang nag-uunahan.
And the reason, the scientific reason kaya inuuna mo iyong mga may edad, 40 to 50, eh sila rin iyong may comorbidity or may chance na mas maging serious kapag na-infect sila ng COVID. So iyong risks nila are higher. So kung medyo bata-bata ka, kayo iyong nasa recoveries eh. So kayo puwede naman maghintay talaga ng bakuna at mag-observe lang ng pagsuot ng mask, pagsuot ng face shield at mag-ingat.
So importante rito iyong protection talaga ng populasyon – Sino ba iyong at risk? Ano ba ang pini-prevent natin? Kung marami ang bakuna, okay sa akin iyong suggestion nila. Kung steady iyong supply at infinite at marami talaga tayong supply, puwede iyon. Basta kung gusto mo nang magpabakuna, punta ka na sa vaccination center. Pero habang medyo limitado pa ang supply, although dumadami na ‘no, gumaganda na lalo dito sa dadating na June parang ang dami nang committed ‘no na magdi-deliver ‘no. May one million na Sinovac na dadating, may two million na Pfizer at marami pa ‘no, pati iyong COVAX padating na.
So hopefully, ma-fulfil natin iyong almost ten million na available stocks. And then, ang bilis na kasi nating magbakuna, Usec. Rocky eh. Parang almost 200,000 a day ang nababakunahan na eh, so that’s in five days, nakaka-one million tayo in one week for the past two weeks. So haping-happy nga si Secretary Galvez kasi bumibilis na iyong pace ng pagbabakuna natin.
So huwag kayong mag-alala ‘no, lahat ng mga parang naiinip, mababakunahan din tayo. Tandaan ninyo, tatlong buwan pa lang tayong nagbabakuna, naka-5 million na tayo – four million ang first dose, one million ang naka-two doses na. So, very fast iyong ating progression from March 1 na nag-umpisa tayong magbakuna.
USEC. IGNACIO: Okay, Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Dr. Ted Herbosa, mula po sa IATF. Stay safe po, doc!
DR. TED HERBOSA: Stay safe, USec. Rocky! Thank you very much!
USEC. IGNACIO: Samantala, silipin naman natin ang pinakahuling bilang ng COVID-19 sa bansa.
Bahagya pong bumaba ang active cases sa bansa matapos makapagtala ng dagdag na 6,230 recoveries ang Department of Health kahapon. 1,161,252 na ang lahat ng mga gumaling sa buong bansa o katumbas ng 94% ng total cases na nasa 1,235,467 ngayon. 5,177 po ang mga bagong nadagdag na kaso sa bilang na iyan samantala 46 naman ang mga bagong nasawi dahil sa sakit sa kabuuang bilang na 21,012 at 53,203 ang bilang ng mga nananatiling aktibong kaso ng COVID-19.
Ngayong buwan po ay inaasahang darating ang mas marami pang mga bakuna mula sa iba’t ibang brands, kabilang ang Moderna mula sa Amerika kaya naman po nalalapit na rin po ang pagbabakuna sa mga nasa A4 category o iyong mga economic frontliners. At sa mga nasa A1 hanggang A3 category, magpabakuna na po kayo para sa kaligtasan ninyo at ng inyong pamilya laban sa COVID-19.
Samantala, nagbigay ng pahayag si Senator Bong Go sa mga panawagang siya ay tumakbo sa mas mataas na posisyon lalo pa’t kung tatakbo rin si Pangulong Duterte bilang bise sa darating na eleksiyon. Ang detalyeng iyan sa report na ito:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sa tindi po ng init ng panahon ngayon lalo na dito sa Luzon, marami dito sa atin ang tutok na tutok sa electric fan o kaya ay babad sa aircon. Pero nagbigay ng babala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil ang supply daw po natin ng kuryente sa Luzon grid ay numinipis na. Kaugnay niyan ay makakausap po natin si Department of Energy Undersecretary Felix “Wimpy” Fuentebella.
Good morning po, USec.!
DOE USEC. FUENTEBELLA: Good morning, USec. Rocky! Good morning po sa ating mga nanunood sa PTV 4.
USEC. IGNACIO: USec., gaano po ba kanipis o pagkaunti ng supply natin ng kuryente dito sa Luzon at kailangan na pong magpatupad ng rotational blackout o brownout sa ilang mga lugar?
DOE USEC. FUENTEBELLA: Nakakalungkot na ibalita natin na hindi lang siya manipis kung hindi negative na. ibig sabihin, mas marami na ang nangangailangan ng kuryente at mas kaunti na iyong puwedeng magbigay na generators. So, ito ay dahilan sa mga nasisira at hindi umaandar, na biglaang tumitirik na mga power plant.
So, makikita natin na negative na po tayo nang lampas ng 200 megawatts. So, dahil diyan, para mabalanse pa rin iyong sistema, ibig sabihin eh mabigyan pa rin ng kuryente iyung iba lalung-lalo na iyong ating mga ospital at iyong mga priority areas, may mga area pong magkakaroon ng deloading or manual load drop. Ibig sabihin, magkakaroon sila ng brownout dahil sa kakulangan ng ating mga capacity o ng generators.
So, ang Department of Energy tinututukan iyong generators, inisa-isa kung ano iyong facts ‘no, ano ang dahilan ng pagtirik na iyan. Pangalawa, binabantayan din natin ang system operator, iyung National Grid Corporation of the Philippines dahil hinahanap parati ni Secretary Cusi kung nasaan iyong reserba dahil ang power plant ay para pong gulong ng kotse, kapag napa-flat iyong iba eh dapat mayroon kang reserba ano or nandiyan sa likod na gulong na puwedeng ipalit habang nagpapa-vulcanize ka or nagpapaayos ka ng power plant. So, hinahanap din natin iyon.
At pangatlo, dahil nga panahon ng COVID ngayon at kailangan po natin na bantayan iyong refrigeration, iyong pagpapalamig, storage ng ating bakuna eh tinitingnan natin iyong distribution utilities kung nakatutok sila at napuproteksiyunan kung nasaan iyong mga vaccines at sinasabi rin natin na kung saan iyong mga vaccines, kung anong building iyan ay dapat mayroon din tayong sariling generator. Dahil iyong genset po ay tatlo po ang inilagay natin na proteksiyon:
Una, iyong NGCP, iyong back-up eh wala nga po, kulang iyong nakontrata nila kahit inilabas ng DOE iyong Department Circular noong two years ago, 2019, na hanggang ngayon hindi pa rin sila nakakapagkontrata or they failed to comply;
Pangalawa, iyong distribution utility eh mayroon bang proteksiyon doon sa facility na hindi siya magba-brownout or may kakayahan ba siyang maglagay ng genset;
Iyong pangatlo, ay iyong mismong lugar kung saang ospital iyan or kung saan facility na naka-store iyong ating vaccines eh mayroon din sariling genset.
Dahil patung-patong po ang nakita natin na puwedeng mangyari at pinaghandaan natin iyong instruction.
Now, the instruction will have to be implemented, so, iyon po ang tinitingnan ng Department of Energy.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., mayroon ba kayong mga partikular na lugar na tinitingnan na posibleng ipatupad itong rotational brownout dito sa Luzon?
DOE USEC. FUENTEBELLA: Opo. Bawat oras may inilalabas ang NGCP ‘no, a system operator siya ang magbabalanse. So, dini-distribute niya iyong puwedeng magkaroon ng rotational power interruption or karaniwan nating tinatawag na brownout.
So, every hour naglalabas po ng report at tinitingnan iyan ng Department of Energy iyan. So, minsan, dahil negative na ngayon, puwedeng—negative ibig sabihin mas malaki ang demand mas kulang iyong supply eh mas mahaba-haba iyong rotational brownout na puwede nating maranasan. Inilalabas po iyan ng Department of Energy araw-araw kung anong nangyari.
Sa ngayon po, ang instruction ni Secretary Cusi eh mayroon tayong briefer na nilalabas nang umaga at ganoon din sa hapon or sa gabi para maintindihan natin kung ano iyong nangyayari sa ating system. At nandiyan nga iyong pangamba pero hindi masyadong mangangamba dahil nabibigyan natin ng tamang impormasyon.
[choppy audio] sa ngayon—
USEC. IGNACIO: Opo. Usec.,—
DOE USEC. FUENTEBELLA: Yes, ma’am? Sorry?
USEC. IGNACIO: Sige, go ahead po. Go ahead po, USec.
DOE USEC. FUENTEBELLA: Iyon po ang mga mabibigay nating impormasyon para mabawasan iyong pangamba na nararamdaman ng ating mga kababayan.
May inaasahan din tayong planta na babalik this afternoon para madagdagan iyong supply pero at the end of the day, it’s an enforcement matter. Ibig sabihin, babantayan natin kung sino ba talaga iyong hindi nagku-comply sa kanilang responsibilidad sa mga power players.
Una, binabantayan natin iyong mga generator; pangalawa, iyong system operator, tinitingnan po natin kung nagku-comply sila dahil kahit anong galing ng mga engineers ng NGCP kung iyong contracting arm nila ay hindi naghahanap ng reserba, nakukulangan po sila ng paraan nang pagmamaniobra on how to make sure that the system is still working. At imbes na kumuha sila ng reserba para makakuha ng reserve eh nilalaglag nila iyong customer at iyon nga iyong ina-address ni Secretary Cusi noong inilabas niya ang Department Circular noong 2019. Pangatlo, iyong mga distribution utilities inatasan natin ‘no,
We have to protect the areas where the vaccines are. We also have to make sure that we have a good contact to our consumers para alam nila kung anong oras at kung anong mararanasan ng lugar nila ang power interruption.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., basahin ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media para po sa inyo. Mula po kay Rose Novenario ng Hataw: Ano daw po ang nangyari at sabay-sabay pumalya ang sampung power plants na nagresulta sa rotational brownout? May abiso po ba ang power plants na sabay-sabay silang magsasagawa ng maintenance o posibleng may sabwatan umanong naganap kagaya ng nangyari dati?
DOE USEC. FUENTEBELLA: Iyong sabwatan, maiiwasan na po iyon kasi wala silang kikitain. May dineclare tayong market intervention, ibig sabihin, hindi tataas iyong presyo, hanggang P6.25 lang iyan per kilowatt hour. So, malabo iyong sabwatan dahil iyong presyo nga ay nandoon, controlled, so walang kikitain.
Pangalawa, may nagpaalam pero sinasabi na bawal ang preventive maintenance sa panahon ng April, May at June or the second quarter of the year. Bakit bawal iyon? Dahil marami ang demand. So, mayroong inilabas na circular ang Department of Energy diyan at dapat sumunod ang lahat.
Noong umpisa, mayroong dalawang planta na nakapasok pa rin sa preventive maintenance nang April, May at June. Ang sabi ng Department of Energy, hindi na po namin hihintayin iyong Energy Regulatory Commission kung anong gagawin nila dahil isasama na rin po namin ang Department of Justice na kung hindi kayo susunod sa mga polisiya ng Department of Energy eh pinapaaral po namin kung ito po ay isang krimen that is tantamount to economic sabotage.
Pangatlo, tinitingnan din po natin, what happened to the required reserves dahil tama, may nasisirang mga planta. Does it happen? May nakikita ba tayong mga numero based on historical, sabi ninyo nga, nangyari na dati. Nangyari na nga po kaya hinahanap natin iyong level of reserve. Ibig sabihin, kung magkakaroon ng sira ang planta, nasaan iyong mga kapalit.
So, pinalitan ni Secretary Cusi iyong polisiya na sinasabi noon na puwede iyong “non-firm” or optional na kontrata with NGCP. Ang sabi natin, “NGCP, mangontrata ka ng sigurado or “firm” contract at ito ay dapat nandiyan ‘no, para pareho iyong programang ito, laging handa iyong ating sistema na kapag may pumalyang power plant mayroong papalit. At iyong mga plantang ikukontrata ninyo puwedeng forward contracting dahil kailangan natin ng dagdag na generator. Dahil iyong mga generator na luma or mayroon ng nasisira. So, iyon ang pangatlo ‘no.
Pang-apat, iyong distribution utilities din sinisiguro natin na ayusin ang sistema at maproteksiyunan nga dahil panahon ito ng COVID. So, we gave all these findings to the Cabinet last week of March at ito rin ang ini-report natin sa Joint Congressional Energy Commission that was chaired by Senator Gatchalian.
So, we had projections presented at iyong mga projections na iyon ay nakapako sa mga assumptions. Iyon ang assumption eh ito iyong mga plantang aandar at wala ng madagdag. We also told both Cabinet and Congress na kapag nadagdagan iyong pumalyang planta, dapat mayroong reserba at iyon ay in-emphasize din natin sa ating report.
So, iyong po ang nangyayari sa ngayon. We’re also monitoring it closely and coordinating with our enforcement and partners which includes the Energy Regulatory Commission, the Philippine Competition Commission, kung mayroon pang sabwatan na nangyayari tulad ng hinihinala ng nagtatanong.
At pangatlo, tinitingnan din natin from the Department of Justice kung ano ang nangyayari na puwede bang nagkaroon ng krimen dito sa mga hindi pagsunod sa polisiya ng Department of Energy dahil puwede na naman itong mangyari next year at anong mangyayari next year? Eh, may eleksiyon tayo tapos mayroon pa tayong inaasikasong COVID at marami pang puwedeng maging challenges sa atin. So, para tayo ay laging handa eh ngayon pa lamang eh lahat ng puwede nating makita for a room for improvement ay ina-address na po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pong tanong si Celerina Monte ng Manila Shimbun: Are we expecting filing of charges to any energy companies for possible economic sabotage?
DOE USEC. FUENTEBELLA: The instruction of Secretary Cusi is, our lawyers in the Department of Energy are exploring that and we are in the process of gathering pieces of evidence. Now, the rules given out with DOE makes it simpler para makita natin kung may nagba-violate o hindi.
Rule number one: Bawal mag-preventive maintenance dito sa panahon ng April, May at June except for hydropower dahil walang tubig ‘no. So, iyong mga hydropower plants puwede kayong mag-maintenance, kayo lang. All the rest hindi puwede.
Rule number two: Na ma-simplify, isa-submit ninyo lahat sa NGCP ang inyong preventive maintenance schedule at isa-submit ng NGCP sa Department of Energy sa October 31 iyong grid operating maintenance na schedule ng mga planta. So, iyong mga programang iyon GOMP (Grid Operating and Maintenance Program) ay isa-submit sa DOE, na-submit ba iyon on time dahil kapag hindi na-submit on time, kailangan pa nating aprubahan or i-check kung ito ay compliant sa ating mga rules.
Pangatlo, nandiyan ba iyong required ancillary services na sinisiguro nating mayroong reserba.
Pang-apat, tinitingnan din natin iyong distribution utilities kung nakikita na nga natin na mayroon tayong forecast or napu-foresee na mataas na demand, naghu-hold ba tayo ng pag-order, parang o-order ka ng pagkain, are we holding competitive process.
So, iyon ang mga dapat nating ayusin. Iyon ang mga dapat nating tingnan. So, whether all these were violated or complied with, we are gathering pieces of evidence because ano bang gusto ng Department of Energy? Penalty ba? Hindi, ang gusto natin compliance.
Pero kung patuloy ang hindi pag-comply, wala tayong magagawa kung hindi we have to impose the discipline that is necessary because at the end of the day, consumers are suffering.
We’re not only talking about money or collection of bills of electricity, we’re also talking about safety and health of our people. Mayroong mga nagda-dialysis na kailangan ng kuryente, mayroong mga may sakit na kailangan bantayan at gumaling at dagdag ito sa parusa na dinadaanan natin sa panahong may COVID nga tayo.
And we also want to send a signal to the international community even to China, to America, to the Europeans, to our Asian na mga katabi that we are serious in rebooting the economy and we have to have a reliable system.
USEC. IGNACIO: Opo.
DOE USEC. FUENTEBELLA: So, hindi ito biro-biro, medyo technical pero we are simplifying the rules so we make sure that it is easy to comply with the Department of Energy’s policies.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., mayroon kang tatlong tanong dito mula po sa ating mga kasamahan sa media. Ang follow-up po sa inyo ni Celerina Monte ng Manila Shimbun: How soon can you file charges para hindi masabing lip service lang?
DOE USEC. FUENTEBELLA: How soon? We are doing it already ‘no as far as the building up of cases. Kung mamadaliin natin baka mas lalong malala iyong—kaysa lip service eh nabenta naman and so mas magandang maayos, maayos ito.
Uulitin ko, we’re after compliance and not penalties. But if you force our hand, we will indeed pursue these cases.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilan po dapat ang energy reserve for Luzon at ano na po ang status ng inquiry ng DOE sa power suppliers tungkol dito?
DOE USEC. FUENTEBELLA: Okay. First of all ang 4% ng demand ang unang kakailangan nang dagdag na reserba ‘no, you call that the regulating reserve. So ‘pag 10,000 megawatts ang demand eh 4% of that. So ngayon, today ang demand is 11,515 so 4% regulating reserve. Nakontrata ba iyong lahat? Hindi – iyon ‘yung tinitingnan natin.
Pangalawa, from the 4% dadagdagan natin iyong pinakamalaking planta sa system. Sa Luzon it’s 600 megawatts plus ‘no, 620 more or less that figure. So dapat mayroong extra 600, you call that the contingency reserve. Nakontrata ba from contracts lahat iyon? Hindi rin.
Pangatlo, iyong second biggest non-dispatchable reserve ‘no. So ‘pag pumasok ka sa 4% ‘no, bumaba doon, red alert tayo or lalo kang bumaba ‘no so nagkakaroon ng rotating brownout. ‘Pag yellow alert, pumasok ka dito sa kakulangan ng 4% plus iyong biggest plant. So that is the technical explanation.
So Luzon grid, ganoon po ang hinihingi; sa Visayas more or less 2,000 megawatts po ang demand, 4% niyan ay iyong reserve mas maliit tapos biggest plant nila 150 megawatts – iyon ang contingency reserve.
So these are all the items na tinitingnan natin kasi at the end of the day, number won’t lie, madali siyang makita at iyon po ‘yung puwedeng maging basehan ng ating mga pagmu-monitor.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Ivan Mayrina ng GMA News; pareho po sila ng tanong din ni Rose Novenario ng Hataw tungkol dito sa dapat ay kahandaan po ngayong summer: What are our immediate term solutions with this current situation of our power reserve; may mapagkukunan ba tayo sakaling lumaki pa ang ating deficit?
DOE USEC. FUENTEBELLA: Pabalik na iyong ibang planta na tinitingnan natin. What the power bureau is doing is from the 8 o’clock in the morning – I have been monitoring their chat group – is they have been meeting with both the generators and the NGCP for the immediate solutions, kailan lang mabilis makakabalik.
Pangalawa, we are also looking at the weather because mayroon tayong rule ‘no – kung mas malamig ang panahon by 1 degree centigrade ‘no, kung tataas iyan may 100 megawatts na dagdag na kailangan kasi mas maraming nagbubukas ng appliances. ‘Pag nabawasan din ‘yan ‘no, lumamig… ‘pag lumamig iyan eh iyon din ‘no, bawas naman sa requirement ng 100 megawatts.
Pero ang talagang technical na ating binabantayan po diyan iyong heat index ‘no, hindi iyong degrees. But that’s the rule of thumb ‘no para mas madaling maintindihan natin.
So nandoon iyong immediate, sinasabi kasi nila eh maging maingat sa paggamit ng kuryente or maging energy efficient. Ang intindi ng iba sa energy efficiency eh magbawas kayo ng activity – hindi po. Ang sinasabi na energy efficiency as a way of life is huwag masayang iyong kuryente. Ibig sabihin niyan eh tuloy pa rin iyong trabaho kaya lang huwag masyadong buksan iyong refrigerator kung hindi kailangan kasi kung bukas ka nang bukas eh mas malaking kuryente iyong nagagamit. Kung hindi ginagamit iyong telebisyon, hindi lang sapat na pagpatay ‘no nang pag-off pero dapat ina-unplug para hindi nasasayang iyong kuryente.
Pangatlo, kung gumagamit ng aircon eh siguruhing nakasara ang bintana para hindi sumisingaw or nakasara iyong pinto. Dahil ang aircon po ay para daw po iyang seloso na karelasyon, ayaw niyang iyong pagmamahalan niya or iyong lamig niya ay nakakalusot sa iba. Parang may mga ganoong kampanya ang DOE for energy efficiency.
So dagdag pa diyan, pumunta tayo sa long term – iyong sinasabi natin is we need to add capacities and may nakikita tayong mga power players that really needs to comply. Ayaw naman natin nagsasabi sila na we have a difference in the fundamental understanding with the authority. Ibig sabihin noon ay iyong authority kasi tulad ng DOE or ERC ay mali kaya hindi po kami susunod – hindi pupuwede iyon.
We have to have order in our country so sinasabi natin, we have strategies that we have right now, we have to follow because we are responsible enough to make this country strong.
Iyong iba kasi nasa energy sector eh ang gagawin magdu-donate ng mga face mask, face shield – trabaho po iyon ng DSWD; sa DOE po ang trabaho natin mag-deliver ng kuryente 24/7 at reliable siya.
So hindi ko dinidiskuwento na mayroon tayong mga donasyon pero we have our main responsibilities. So iyon po ‘yung pinapaliwanag din natin kasi minsan nakakalimutan natin ‘no ‘pag nakakatulong tayo eh parang okay, but the main obligation remains. Ang teacher nagtuturo, ang pulis nag-i-enforce ng batas, ang energy sector nagdi-deliver ng produkto ng kuryente or produkto ng gasoline, diesel, kerosene that is available to the consumers 24/7.
At mayroon tayong mga forecasting, mayroon tayong mga numerong tinitingnan na dapat makita natin at mapaghandaan natin kung ano dapat ang mga gagawin so that in the future when there are [garbled] power plants or there are increases in the demand we’re able to cope.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Usec. Wimpy Fuentebella ng Department of Energy. Mabuhay po kayo, sir!
DOE USEC. FUENTEBELLA: Thank you very much Usec. And sa ating mga nanunood, huwag po tayong mangamba, mayroon po tayong pamahalaan na talagang tinitingnan kung papaano tayo maproteksiyunan. Maraming salamat po!
USEC. IGNACIO: Salamat po. Kabi-kabilang sunog po ang muling tumupok sa iba’t ibang mga lungsod dito sa Metro Manila. Sa dami ng mga pamilyang nadamay, muling sumaklolo ang outreach team ni Senator Bong Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan para mamahagi ng tulong sa mga biktima. Panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, kumustahin po natin ang vaccination rollout sa Lungsod ng Marikina kung saan po, kamakailan lang ay nag-hire ang lokal na pamahalaan ng dagdag ng mga doktor at nurse para mapabilis pa ang pagbabakuna sa siyudad. Makakausap po natin ngayong umaga, si Mayor Marcy Teodoro ng Marikina City. Kasama po niya ang presidente ng PharmaServ na si Ginoong Adrian Perez. Magandang umaga po sa inyo.
MARIKINA MAYOR TEODORO: Magandang umaga po, pati po sa mga nakikinig at nanunood po natin na kababayan.
PHARMASERV PRES. PEREZ: Good morning.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kumustahin muna namin iyong vaccination rollout diyan sa Marikina. So far po ay may latest count ba kayo kung ilan ang mula sa priority sector ang fully vaccinated na?
MARIKINA MAYOR TEODORO: [GARBLED-TECHNICAL PROBLEM]
USEC. IGNACIO: Opo. Aayusin lang po natin iyong komunikasyon natin kay Mayor Marcy ng Marikina City. Mayor, can you hear me? Aayusin lang po natin ang ating linya sa kanila.
Samantala, ihahatid naman po ni John Aroa ang pinakahuling balita mula sa Visayas. John, good morning.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Huwag po kayong bibitiw, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
DepEd Cordillera patuloy ang paghahanda at pagsusumikap upang maiabot ang edukasyon sa mga kabataan ngayong panahon ng pandemya. Magbabalita si Rachel Garcia:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Rachelle Garcia ng PTV-Cordillera. Balikan na po natin si Mayor Marci Teodoro upang kumustahin ang kanilang vaccine roll out diyan sa Marikina. Mayor?
MAYOR MARCELINO TEODORO: Magandang umaga ulit. Tuloy-tuloy ang vaccine roll out natin, sa ngayon ay may 61,700 Individuals tayong nababakunahan. Mayroon tayong nabakunahan na for second dose na 19,349, these will account to 6% of the 18% already vaccinated. Ayon na rin sa Pangulo at ito iyong target natin, kailangan natin na makapagbakuna ng hanggang 70 porsiyento ng ating populasyon and that would account for 219,000 individuals.
Tuloy-tuloy naman po tayo, on the average ay 3,000 to 4,000 individuals a day tayo na nababakunahan dito sa Marikina at kailan lang ay nagdagdag tayo ng mga vaccinators, mga Doktor, mga Nurses from 12 vaccination teams, ngayon ay ginawa nating dalawampu’t dalawa to [garbled] team. So, kayang magbakuna sa Marikina ng hanggang mga 6,000 ayon sa delivery o supply ng bakuna na dumarating.
USEC. IGNACIO: Mayor, ngayon pong June kung kailan po sinasabing sisimulan iyong pagbabakuna sa mga nasa A4 sector pero ang payo po ng IATF ay dapat din pabilisin iyong pagbabakuna sa A1 and A3 sector dahil sila po iyong pinaka-vulnerable sa sakit. May mga ginagawa po ba ang Marikina LGU para mapabilis po iyong pagbabakuna sa kanila?
MAYOR MARCELINO TEODORO: Ito po iyong ginagawa natin, iyong A1, A2 at A3. Una, iyong master list ay ipini-prepare natin, kung sakaling hindi pupuwedeng magpabakuna iyong nasa master list, mayroon tayong substitution list na nakahanda para hindi naghihintay iyong mga magpapabakuna at maging mabilis. May mga pagkakataon na ganoon, iyong mga nasa A1 hindi pa illegible silang makatatanggap ulit ng bakuna dahil halimbawa may comorbidities or may medical conditions sila.
Hindi natin ginagawang dahilan iyon at pinapaliwanag nga natin sa mga babakunahan ay huwag mamili ng mga bakunang gagamitin sapagkat lahat naman ng mga bakunang ginagamit natin ay ligtas at effective naman, ang mahalaga agaran ay makapagbakuna tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. As far as we know Mayor ay hindi po kayo pabor dito sa brand-agnostic policy ng DOH. Kumusta na po, hindi po ba nagkaka-problema so far sa pagdagsa ng mga tao iyon sa sinasabing cherry picking nila na particular na brand, specifically po iyong Pfizer?
MAYOR MARCELINO TEODORO: Hindi, wala naman tayong pinapayagan na mamili ng ganoon; ang ginagawa lang natin, mayroon tayong mga listahan ng mga magpapabakuna kaya ang naka-schedule kung sino iyong nais iyong ganitong bakuna ay naibabakuna sa kanila. Wala naman delay tayo na nangyayari, wala naman tayong announcement in advance kung ano ng bakuna ang gagamitin kundi sinasabi lang natin sa kanila during the period na magbibigay na sila ng kanilang formal, iyong tinatawag nilang informed consent ‘no, iyong ganoon.
So far, tuloy-tuloy naman on the average sabi ko nga, uulitin ko ay 3,000 ang nababakunahan natin araw-araw at hindi naman nagkakaroon ng mahabang pila o kaya iyong—walang pumupunta doon sa vaccination site na uuwi at babalik dahil hindi gusto iyong bakuna kundi bago pa man sila pumunta roon talagang ang isip nila ay nakapagpasya na.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kayo po Mayor pabor po ba kayo sa panukala ng ilan na magbigay po ng intensive sa mga fully vaccinated na; may plano ba ang inyong LGU na ganitong uri ng programa?
MAYOR MARCELINO TEODORO: Sa ngayon, lahat ng paraan talagang iisipin natin at gagawin natin upang sa ganoon mas higit pang dumami iyong makapagpabakuna. Sa ngayon ang totoo, ang challenge sa amin dito sa Marikina ay mas mapadami iyong bilang ng vaccination site at sana mas dumami pa. Dumadami naman at inaasahan natin na darating pa iyong mas maraming supply sapagkat doon sa aming master listing ay meron kaming hundred fifty individuals na nakapag-master list.
Ibig sabihin sila rin ay nakapag-online registration at may 60,000 na tayong nabakunahan dito, kaya we have approximately around 70,000 na naka-online registration ngayon na may scheduling, may queuing, iyon nga ang talagang ang hinihintay natin ngayon, alam ko naman na darating at dahil nga itong unang linggo o pangalawang linggo ng Hunyo ay padating na iyong malaking supply natin ng bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayroon din po nagsasabi na payagan ng lumabas ang mga fully vaccinated senior citizens at payagan na pong makapasok sa mga business establishment gaya ng mall o restaurants; ano po ang masasabi ninyo dito Mayor?
MAYOR MARCELINO TEODORO: Ako maghihintay ako ng opinyon at rekomendasyon ng mga eksperto, mahalagang makinig tayo doon sa marurunong, iyong mga medical experts dahil ang iniiwasan natin ay iyong pagkakahawaan at siyempre gusto rin natin masigurado, mag-decide based on the data available and based on the experts’ recommendation.
Kailangan din maihanda natin iyong ating environment, ibig sabihin iyong mga establishments, iyong lugar na pupuntahan na nakahanda na tayo para mapatupad natin iyong minimum public health standard tulad ng social distancing sa mga pasilidad na puwedeng gamitin tulad ng mga… iyung mga kailangan, iyong public transport natin.
Kaya tingin ko darating tayo sa panahon na iyan at kailangan talaga naman para iyong ekonomiya natin ay mapasigla natin. Pero iyong pag-iingat para hindi tayo bumalik doon sa dati na dumami iyong kaso. Sa Marikina ngayon, isang halimbawa one hundred one active cases na lamang tayo dahil mahigpit tayo sa pagpapatupad ng minimum public health standard at iyong proper infrastructure ay ginagawa natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, may tanong po sa inyong dalawa ni Ginoong Adrian Perez si Patrick De Jesus ng PTV: Ano daw po ang ginagawa ng PharmaServ at ano po ang tulong ng Marikina LGU for contingency plan sakali pong maka-apekto ang rotational brownout sa PharmaServ facility. Unahin ko po si Mayor, Mayor Marci?
MAYOR MARCELINO TEODORO: Una, itong PharmaServ, ito iyong cold management specialist natin, sila iyong nagha-handle ng mga… hindi lang storage ng bakuna natin kundi higit sa lahat iyong proper deployment sa ibang LGU.
Narito ako ngayon, kasama ko nga si Mr. Andrian, ang presidente ng PharmaServ, narito rin iyong mga kinatawan ng Meralco dahil humihingi tayo ng written commitment sa Meralco upang sa ganoon iyong mga area ng cold storage facility katulad ng PharmaServ ay hindi maapektuhan ng rotation brownout.
Pero tinitignan din natin iyong kanilang infrastructure dito, ibig sabihin tulad din nito isang cold storage facility mayroon silang uninterrupted power supply, may mga generator sila, backup generator na magagamit upang sa ganoon hindi maapektuhan iyong proper storage ng mga bakuna. Ito iyong ginagawa natin, tinitiyak natin at sinisiguro natin na maayos ang ating mga storage facility.
USEC. IGNACIO: Ano daw po ang contingency plan ninyo Sir Adrian?
ADRIAN PEREZ: Good Morning po! Tulad nga po ng nabanggit ni Mayor, in case of power interruptions mayroon tayong generators for—[signal cut]
USEC. IGNACIO: Sir Adrian?
USEC. IGNACIO: Okay. Babalikan po natin si Sir Adrian; pero si Mayor, Mayor Marci naririnig ninyo po ako Mayor?
USEC. IGNACIO: Opo, Sir Adrian go ahead.
ADRIAN PEREZ: Mayroon po tayong dalawang gen set at ang isa nito ay kayang i-power ang facility natin in case of a power failure. Ginawa namin na dalawa ang gen set dahil in the event na kung masira iyong gen set na isa habang tayo ay mayroon brownout puwede nating ilagay iyong isa ulit. So, pagdating po doon sa power interruption mayroon tayong contingency measures bukod doon sa mga iba pa na puwedeng nating gawin in the event magkaroon ng power outage dito sa Marikina.
USEC. IGNACIO: Sir Adrian, ano-ano daw pong bakuna ang nasa PharmaServ at kung may information po sa inyo kung ilang doses pa ang nakaimbak doon?
ADRIAN PEREZ: Currently may mga bakuna dito katulad ng Sinovac, ng Sputnik at ng Pfizer. In terms of quantity hindi namin masabi kasi laging gumagalaw ito eh, ang nangyayari dito kasi sa mga bakuna natin once lumapag ito sa facility natin, mabilis ang distribution nito. In term of two days, three days pagka may COA na po, dini-deliver na natin ito sa mga LGUs at mga vaccination sites.
USEC. IGNACIO: Kumusta po iyong pakikipag-usap ninyo sa Meralco, kasi sabi nga po ni Mayor Marci ay nandiyan iyong Meralco to ensure po na talagang magiging maayos kung sakaling dumating sa inyo yung rotational brownout. Kailangan talaga ay ginagarantiya na hindi maapektuhan ang ating mga bakuna, Sir Adrian?
ADRIAN PEREZ: Ang Meralco naman po [garbled] facility natin for vaccines, since ito nga po ay national concern kaya ang Meralco ay nakasuporta naman pagdating diyan sa pagsu-supply ng kuryente.
USEC. IGNACIO: Opo. So, naging maayos naman po ang lahat para tiyakin sa ating mga kababayan na iyong ating bakuna ay safe po diyan sa inyong lugar, Sir Adrian?
ADRIAN PEREZ: Sigurado naman po na ang ating contingency measures ay in place.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyo Sir Adrian Perez at ganoon din po kay Marikina City Mayor Marci Teodoro, mabuhay po kayo at stay safe po Mayor at Sir Adrian. Salamat po sa inyong panahon.
Samantala, puntahan na natin ang mga balita ng Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni John Mogol mula sa PBS Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat din po sa pagsama ninyo sa amin ngayong umaga, muli po ang aking paalala na mag-ingat pa rin po tayo lahat sa COVID-19. Ako po ang inyong lingkod USec. Rocky Ignacio magkita-kita muli tayo bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)