USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, ngayong araw ng Huwebes, a-tres ng Hunyo, COVID-19 situation sa loob at labas ng bansa ang muli nating tatalakayin ngayong araw. Hihimayin natin ang ginagawang pagkilos ng gobyerno upang maprotektahan sa nakakahawang sakit ang mga Pilipino.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula po sa PCOO. Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Bago po tayo tumungo sa mga isyu ng bayan, kami po ay nagpapasalamat kay Manila Hotel Chairman Basilio Yap, Vice Chairman Emil Yap III, at president at dating Senador Joey Lina upang kami po ay makapag-broadcast mula rito sa makasaysayang Manila Hotel. Maraming salamat po sa inyo.
Sa atin pong unang balita: Sa gitna ng kakulangan ng supply ng kuryente na nararanasan sa ilang bahagi ng Luzon, Senator Bong Go nakiusap sa Department of Energy at mga lokal na pamahalaan na siguruhing may sapat na supply ng kuryente para sa mga bakuna na nasa storage facilities. Panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Pag-usapan naman po natin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa gamot at bakuna panlaban sa COVID-19 dahil ito ang magiging sandata para po makabalik na tayo sa normal na pamumuhay, kaya halina at tayo po ay mag-Check the Facts.
Ngayong araw po ay pagtutuunan naman natin ng pansin ang posibilidad ng mix and match of vaccines upang mapalakas pa ang proteksiyon natin sa COVID-19. Makibalita tayo sa isinasagawang clinical trials para rito kasama si Department of Science and Technology Undersecretary Rowena Guevara. Welcome back po and good morning, Usec.
DOST USEC. GUEVARA: Magandang umaga, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po iyong mga bakuna ang gagamitin sa clinical trial o pag-aaral sa mix and match of vaccines?
DOST USEC. GUEVARA: Ang gagamitin po natin ay iyong limang bakuna na mayroon tayo – iyong Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V, Pfizer at saka po Moderna.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano po iyong isasagawa nating pagma-match, ano pong proseso ang pagdadaanan nito?
DOST USEC. GUEVARA: Maganda po iyang tanong ninyo ‘no. Magkakaroon po tayo ng enrolment ng 3,000 participants, ages 18 and above. Ngayon po, mayroon po tayong labindalawang eksperimento na gagawin na tag-250 bawat isa.
Iyon pong tinatawag na same vaccine platforms, ito po iyong A4 priority group ang ating paggagawan na ang kombinasyon po noong una ay Sinovac at Sinovac, at iyong pangalawa po ay AstraZeneca at AstraZeneca; iyan po iyong ating magiging baseline.
Iyong comparator po natin diyan ay limang combination na mga A4 priority group:
- Ito po iyong kapag ang una mo ay Sinovac, ang pangalawa mo ay AstraZeneca.
- Tapos iyong pangalawa naman, Sinovac ulit tapos Sputnik V iyong pangalawa mo.
- Tapos iyong third ay Sinovac tapos Sputnik V na adeno 5 – dalawang klase po kasi iyong Sputnik, ano po.
- Tapos iyong pang-apat po ay Sinovac followed by Pfizer.
- At iyong panlima po ay Sinovac followed by Moderna.
Iyong lima pong huling experiment, iyong tawag ng iba ay booster. Dito naman po, gagawin po natin na Sinovac at Sinovac iyong first at second dose mo, tapos magkakaroon ka ng third dose na either AstraZeneca, Sputnik V adeno 5, Sputnik V adeno 26, Pfizer at saka Moderna.
Tapos malalaman po natin base dito sa mix and match kung saan po iyong tumataas iyong immune response ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ulitin lang natin: So kasama sa pag-aaral ninyo iyong booster dose?
DOST USEC. GUEVARA: Yes po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po daw iyong kahalagahan ng pag-aaral nitong mixing of different vaccine brands?
DOST USEC. GUEVARA: Dalawang bagay po iyong ating masasabing kahalagahan nitong paggagawa nitong mixing and matching ng vaccines. Iyong una po, gusto nating malaman kung puwede ba talagang gawin iyong mixing and matching. Ibig sabihin, iyon po bang efficacy noong ating vaccines eh mag-i-improve ba kapag nag-mix and match ka o pareho lang. Tapos pangalawa, gusto nating tiyakin ang kaligtasan ng paggawa ng ganitong klaseng mixing and matching kasi po sa ibang bansa tina-try din po nila kaso gusto nating malaman kung sa Filipino ethnicity ay epektibo ba itong ginagawang mixing and matching.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa gagawing clinical trial, ilan po iyong kakailanganing participants at ano po iyong qualifications para makasali sa clinical trials?
DOST USEC. GUEVARA: Magkakaroon po tayo ng 3,000 participants. Iyon pong ating gagawin, susundin po natin iyong ginagawa ngayon na prioritization ng ating National Task Force on Vaccine, ano po. A4 at saka A1 to A3 po iyong priority group na panggagalingan nitong 18 years-old and above na 3,000 participants.
USEC. IGNACIO: Pero Usec., posible bang makasali sa clinical trial iyong may edad na seventeen pababa?
DOST USEC. GUEVARA: Sa kasalukuyan, wala pa po tayo. Ang tawag natin diyan ay pediatric vaccination, pinag-aaralan po iyan. Although ang Pfizer po nakapag-apply na po siya ng variation doon sa kaniyang EUA na may inclusion na po ng mas bata. Sa kasalukuyan po, dito sa study natin eh hindi po tayo magsasama ng below eighteen.
USEC. IGNACIO: Opo. Alam naman po natin, Usec., na limitado pa iyong supply ng bakuna sa bansa, hindi po ba makakaapekto iyong isasagawang clinical trial sa ating supply ng bakuna?
DOST USEC. GUEVARA: Naku! Gusto ko iyang tanong mo na iyan, kasi marami hong nagtatanong niyan – “Nahihirapan na nga tayo sa supply gagawa pa kayo ng study?” Iyan naman pong gagawan natin ng study ay sila din naman po iyong priority dito sa ating vaccination program – A1 hanggang A4, so, hindi po mababawasan iyong supply kasi sila naman po talaga ay kasama sa babakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec., kailan po natin inaasahang magsisimula itong clinical trial?
DOST USEC. GUEVARA: Ang aming target, by July makapag-umpisa na sila. Ngayong buwan ng June ang gagawin nila ay iyong application po for FDA clearance to conduct the clinical trial at saka po iyong tinatawag nating Ethics Review Board Clearance.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong paliwanag, DOST Undersecretary Rowena Guevara. Stay safe po, Ma’am!
DOST USEC. GUEVARA: Kayo rin po, Ma’am. Salamat po!
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita, tuluy-tuloy po ang pamamahagi ni Senator Bong Go ng ayuda sa ating mga kababayan na apektado ng mga kalamidad sa bansa. Kamakailan, mga residente sa ilang bayan ng Quirino at ilang bahagi ng Davao ang hinatiran naman ng tulong ng kaniyang outreach team. Narito po ang report.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health, kahapon, June 2, 2021, umabot na po sa 1,240,716 ang total number of confirmed cases matapos makapagsumite ng 5,257 na mga bagong kaso ang mga laboratoryo. 146 katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 21,158 ang total number of COVID-19 deaths. Ang mga kababayan naman natin na gumaling na sa sakit ay nasa 1,157,426 matapos madagdagan ng 6,266 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman ay nasa 52,132.
Base naman po sa tala ng Zamboanga City Task Force Against COVID-19, noong unang araw ng Hunyo, may 75 bagong kaso na naitala ang lungsod ngunit bumaba pa rin ang bilang ng kanilang active cases. Bumubuti na nga ang lagay nila matapos ang intervention ng National Task Force.
Kaugnay diyan, alamin po natin ang balita mula po kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco. Magandang araw po, Mayor!
ZAMBOANGA CITY MAYOR CLIMACO: Buenas dias, Usec. Rocky! Paz de Dios y abrazo de Nuestro Señora La Virgen del Pilar y San Jose. Sa kasalukuyan po ang atin pong mga datos nagpapakita po na for the first time, that’s today, the second [third] day of June – 1,833 po iyong kaso ng COVID cases. Talaga pong bumaba from the 2,000 number, however mayroon o kaming 418 deaths.
Bago po sa lahat, ako po ay nagpapasalamat sa Panginoon, sa malaking tulong ni Presidente Duterte sapagkat prioritized po ang Zamboanga City sa vaccination. Tumawag po si Secretary Galvez at gusto niya rin pong ipaabot ang tulong hindi lang sa Zamboanga City pati rin na po sa Region IX sapagkat mayroon po kaming areas in Zamboanga del Sur, del Norte, Zamboanga-Sibugay, under MECQ.
At dahil po dito, kami po ay humihiling na para maipasok na rin po kami sa ating NCR Plus 8 upang mapabakuna na rin po ang mga A4 na sinabi po kanina sa interview ni Senator Bong Go at kami po ay nagpapasalamat din sa kaniya at kay Secretary Vince Dizon and most importantly also sa lahat ng pumunta ng N-IATF from the DOH Secretary, together with them si ASec. Romeo Ong and Dr. Ted Herbosa and team ng ating DOH at N-IATF at Mayor Benjie Magalong na nakatulong po dito sa ating contact tracing.
Sa kasalukuyan po, kami po ay ongoing ang aming preparasyon sapagkat bukas mayroon po kaming evaluation ng COVID?
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, na-detect daw po ang ilang kaso ng South African variant ng COVID-19 sa inyong lugar. Masasabi po ba natin na iyo iyong root cause kung bakit po sumipa o tumaas ang kaso po ng COVID nitong mga nakaraang linggo sa inyo?
ZAMBOANGA CITY MAYOR CLIMACO: Yes, Usec., sa kasalukuyan po, nabalitaan po namin ito lang Sunday, na nagkaroon po ng pagpasok ng beta variant sa Zamboanga City. Out of the 52 cases ng beta variant, may isang case na galing po sa Philippines and mayroon pong 15 na namatay.
So, nagpapagawa po kami ng study sa amin epidemiologist na tingnan paano po lumago iyong kaso sa Zamboanga City sapagkat iyong pagtaas ng kaso namin starting February 28, nakita po namin since the last interview with Secretary Martin, napakalaki po ng pagsugpo ng COVID sa Zamboanga City.
At ito na rin po ang sanhi ng pagtaas ng mga kaso, although nakikita natin na iba talagang variant ang tumama sa atin sapagkat po iyong dating mga kaso na one index per household, ngayon buong household. So ang problema ng lungsod, upang mapalagay sila sa ating mga tinatawag nating isolation facilities and to comply with the PDITR requirement of Zamboanga City.
Ako po’y nagpapasalamat kay Mayor Sara ‘Inday’ Duterte na nagbigay po ng RT-PCR upang umpisahan namin ang aming molecular laboratory sapagkat napakahalaga po ang testing. Once we are done with the testing, pinapadala po ito sa genomic sequencing test upang tingnan din nila kung ano bang mga variants but pareho pa rin ang requirement ng city health office at DOH – ang ating pangangailangan nang paggamit ng mask, face shield, hand sanitation and social distancing.
Sa sangay din po ng ating mga barangay, mayroon po tayong tinatawag na mga Barangay Information Network Officers, it is the work of the PIA at dahil dito po alerto po ang ating mga barangay at marami na rin po tayong mga BIOs, Barangay Information Officers na nagbibigay ng kanilang mga report with regards po sa COVID response and emergencies. At ang atin pong kapulisan ay susunod din po namin ang mga best practices katulad ng Manila, Davao upang gawin po ang aming mga Kontra COVID Task Force dedicated security enforcement personnel.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, matapos pong pumunta sa inyo ang IATF at nakatanggap ninyo ng mga paunang tulong, masasabi na po ba natin na manageable na iyong sitwasyon diyan o hirap pa rin po kayong ma-control iyong pagkalat ng virus?
ZAMBOANGA CITY MAYOR CLIMACO: I think, Usec. Rocky, sa pag-interview mo ngayon [garble] na ako po’y nagpapasalamat sa Panginoon na talagang nakita po namin ang improvement from one week that they came over. Nagbigay po kasi ng assurance sa atin ang IATF, Secretary Vince and the team and Asec. [unclear] na sinabi nila don’t worry, the cases will go down. Kaya lang kailangan din po namin magsagawa ng mga pangangailangan upang ma-isolate and the PDITR program for Zamboanga City at ang rekomendasyon po, lahat ng ating mga lungsod ay sumunod po sa Operation LISTO manual at ang ating Emergency Operations Center.
Mayroon po kaming kakulangan sa coordination at response sapagkat natatagalan po upang kunin ang ating mga patients ng ating ambulansiya. Kailangan din po natin as local government, makapagsagawa po ng mga efforts to really ramp up our response. However, we are very thankful, Usec. Rocky, na nakita po ng RIATF na ang Zamboanga City ay nakapag-report nang 100% compliance sa vaccination of A1, A2 and A3 at hinihiling po namin na masagawa na po ang pagbukas ng A4. Dahil din dito po nakita natin ang 100% accomplishment with 17 vaccination sites and 2 private institutions such as KCC Mall and SM Mindpro of Zamboanga.
Nakita rin po natin ang vaccine response ng ating mga mamamayan at kami po ay nagsasagawa na rin ng preparations upang mabigyan ng Pfizer. Lahat po ang assurance na binigay sa amin ni Secretary Galvez dahil po sa tulong ni Presidente Duterte. At kami po ay nagpapasalamat at sana po hinihiling namin na mas maisagawa ang ating mga vaccinations as promised by the national government hindi lang po para sa Zamboanga City, para na rin po sa Region IX at kasama na rin po iyong Isabela sapagkat mahalaga po ang ating mga vaccination for our people as a response sa COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, under MECQ ang lungsod po ngayon hanggang a-kinse ng Hunyo. Tingin ninyo po Mayor ay sapat na ang panahon na ito bilang circuit breaker?
ZAMBOANGA CITY MAYOR CLIMACO: Usec. Rocky, palagay ko po na ito po ay mahalaga na bigyan po ng pagkakataon ang ating mga frontliners lalung-lalo na po iyong mga ospital at doktor na humihiling nang karampatang tulong na bigyan sila ng panahon upang makapag-recover. Sapagkat po naging positive din ang ating mga hospitals, mayroon po ang kanilang mga OR na nag-positive at kailangan na mag-lockdown at ngayon po may mga pila sa ospital.
Ito po ay nakikita kong malaking tulong at kung malalaman natin kung sapat na ba ito, kailangan na magtrabaho talaga tayo lalung-lalo na ang ating mamamayan – Muslim, IP at Lumad na magtulungan upang sundin ang ating mga patakaran. Sapagkat paulit-ulit po ang DOH at ang city health, at kami po sa PIA- BIOs gawa na rin po ng office ni Secretary Martin at galing na rin po sa inyong sangay upang mabigyan ng mga paalala sa ating mga mamamayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa inyong mga kababayan kaugnay pa rin nitong hamon na ating hinaharap dala ni COVID-19.
ZAMBOANGA CITY MAYOR CLIMACO: Okay. [DIALECT] One nation, one city and one community.
Usec. Rocky, marami pong salamat. I’d like to say that I’m very inspired by your presence po for this interview and I’m very honored and thank you for being an inspiration po sa inyong lahat. Salamat po. Muchas gracias.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat din sa inyong oras, Mayor Beng Climaco. Ingat po kayo. Salamat po.
Samantala, alamin naman po natin ang sitwasyon ng mga kababayan natin sa Japan. Bakit nga ba in-extend ang state of emergency sa ilang lugar doon; makakausap po natin ngayong umaga si Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V. Magandang araw po, Ambassador.
AMBASSADOR LAUREL V: Magandang umaga po, Usec.
USEC. IGNACIO: Ambassador, muli nga pong in-extend ang state of emergency sa ilang lugar diyan sa Japan. Saang mga areas po ba ang sakop ng state of emergency at sa tingin ninyo po, ano po ang dahilan bakit hindi pa rin po nag-i-stable ang cases diyan?
AMBASSADOR LAUREL V: Well number one, tumataas ang mga COVID—well, nagkakasakit. Sa ngayon ay Tokyo, Osaka, Hokkaido, Aichi, Kyoto, Hyogo, Okayama, Hiroshima, Fukuoka at Okinawa ay tinaas ang state of emergency dito sa Japan.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Ambassador, kumusta po iyong lagay ng ating mga kababayan diyan sa Japan?
AMBASSADOR LAUREL V: Ano po iyon? Pakiulit lang ang tanong.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, kumusta po iyong kababayan natin diyan sa Japan? May datos po ba kayo kung ilang mga Pilipino ang nagkaroon ng COVID; at kung nagkaroon man po, ano po ang assistance na ipinaaabot ng ating embahada?
AMBASSADOR LAUREL V: Wala naman hong malaking datos ang nagkasakit na Pilipino sa Japan. Ang sa katotohanan, karamihan ay mga—itong seamen na nasa Diamond Princess Cruise na bapor at iyong isa ay sa Costa Atlantica. This has only roughly about 41 and in the case of the Diamond, 80.
Now, iyong mga Pilipinong nandito, we only have one mortality and in the case of Tokyo, 56 – isa lang ang namatay. Sa Osaka 82 and all have recovered except 2 who are still active cases. Ngayon, sa Nagoya kasi tatlo ho ang ating konsulado eh wala naman hong namamatay doon pati sa Osaka.
Beyond that, everybody is fine and mas magaling lang kayo dahil mas mabilis ang vaccination ninyo kaysa sa amin. Hanggang ngayon ako Ay hindi pa naba-vaccinate kasama ng aking mga staff at karamihan ng mga Pilipino na ang tinatawag ay Nikkei-jin or second generation or children of Japanese citizens.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Ambassador, ano po iyong nakikita ninyong dahilan kung bakit mabagal po ang vaccination program sa Japan? And kasama po ba, makakasama dapat iyong mga OFWs natin sa vaccination program ng Japan?
AMBASSADOR LAUREL V: Kasama ho. bakit mabagal? Eh masinsin sila. They are very, very meticulous and you know the Japanese, hindi ho nagbabago ang kanilang patakaran basta-basta. They really study the system, their system is very basic – bigyan lahat muna ang mga frontliners, mga medical people, mga caregivers LAHAT. Susunod ang mga matatanda, pagkatapos anyone below 70 susunod; ang pinakahuli ay ang mga talubata [sic], the younger ones – that is the real reason and talagang masinsin sila.
Ngayon, sa application ng vaccination, mayroon ho akong kuwan pero libre. Lahat ng kababayan natin dito, hindi binabayaran at sila ay kasama rin.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, bukod po sa mga variants na umuusbong dahil daw po sa slow vaccination rollout kaya raw po pinag-uusapan pa kung itutuloy iyong Olympic games diyan sa Japan. May update po ba kung kailan po magkakaroon ng pinal na desisyon at magpapalabas ng iba pang guidelines o dapat pag-aralan para dito?
AMBASSADOR LAUREL V: Sa ngayon tuloy ang Olympics dito sa Japan. Ang nakasalalay ay sampu o labing isang mga kandidatong atleta na magpa-participate at sila’y ginagawa natin ang lahat ng paraan para mabigyan ng tulong at maineksiyunan at mabigyan ng proteksiyon dito sa Olympics sa Japan.
Ngayon, ang may desisyon to uphold the Olympics is not the government – it is the Tokyo Olympic Committee na nananagot sa lahat ng gawain at siya ang nagbibigay ng desisyon sa lahat ng bagay. Sa ngayon ang dumating na ay ang Australian Women’s Softball at nagkakaroon na ng ugnayan sa mga pre-Olympic game training camps. Mayroon namang mga iba na naka-cancel kagaya iyong sa Kenya, iyong kanilang lugar ay masyadong sensitive, kinansel noong bayan o the town that there was surge making their pre-training a gapes.
However, lahat iyan tungkol sa Pilipinas ay ang sabi nga eh hindi kami puwedeng humarap sa mga athletes natin maliban kung hihingi ng special permission para talagang very restricted ang contact ng mga athletics people with the normal people. Manunood na lang ako sa telebisyon [laughs].
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, may tanong lang po ang ating kasama si Celerina Monte ng Manila Shimbun sa inyo: Does the deployment of Filipino health workers and household workers affected by the pandemic? Patuloy pa rin po ba ang pagpapadala sa Japan?
AMBASSADOR LAUREL V: Well sa ngayon, hindi ho puwedeng magkaroon ng pagbibiyahe o travel dito sa Japan galing sa Pilipinas. It’s been cancelled. The only ones that are being exempted are the people in the diplomatic service and government service if it is essential. Maski iyong iba ay hindi puwedeng pumunta rito and vice versa unless there is a special grant for exemption. And as of now, they still would like to have Filipinos as caregivers and you know, home makers for their aging population. Mayroon hong kuwan pero dahil ito ngang pandemya ay talagang napipindeho [sic] tayo, eh hindi pinapayagan magbiyahe.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan diyan sa Japan lalo na sa mga may concerns sa ating Embassy. Paano po kayo mari-reach out?
AMBASSADOR LAUREL V: Paki ulit [garbled] hindi namin narinig.
USEC. IGNACIO: Opo Kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan sa Japan, Ambassador?
AMBASSADOR LAUREL V: Wala ho naman akong special message. Ituloy lang ang pagsunod sa lahat ng ating mga inutos sa kanila kagaya nang gumamit ng maskara, wash your hands all the time and keep the two meters distance. Beyond that, we have completely serviced our kababayan sa lahat ng aming mga embahada at konsulado sa Nagoya at Osaka para matulungan ang mga pangangailangan ng ating kababayan.
Bukas po kami Lunes hanggang Biyernes at ang kanilang mga emergency ay makuha ang mga contact sa amin ng mga hotlines, email o social media accounts. Patuloy po rin ang aming mga efforts upang sila ay mabigyan ng pangangailangan para sa inyong kaligtasan. Kayo po ay mabuti namin na ipagpatuloy ang new normal policy hanggang sa lahat tayo ay makakuha o mabakunahan na. Yun lang po salamat.
USEC. IGNACIO: Ambassador, kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras. Ambassador Jose Laurel V, ingat po kayo Ambassador.
AMB. JOSE LAUREL V: Maraming salamat sa inyong panahon, mabuti kayo ay mukhang magaling at hindi nagkakasakit, sa amin dito kami’y maligaya na kayo’y very safe din.
USEC. IGNACIO: kami rin po. Salamat po at ingat po kayo Ambassador.
Halos isandaang libong individual na po ang nahuling walang mask, 1,697 naman ang nasita dahil sa mass gathering at halos 30,000 kaso ang kawalan ng physical distancing. Iyan po ang pinakahuling tala ng DILG quarantine violators sa bansa at ngayong lumuluwag pa ang restriction, paano babantayan ng kagawaran na hindi na aakyat ang bilang na iyan? Tungkol diyan makakasama po natin si DILG Spokesperson USec. Jonathan Malaya. USec. Good Morning!
USEC. JONATHAN MALAYA: Yes. Good morning USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., ano itong Joint Memorandum Circular na pinirmahan ng DILG at DOJ noong isang araw; anong klaseng pong paglilinaw ang inilagay sa memo na ito particular dito sa mga quarantine violators?
USEC. JONATHAN MALAYA: Yes. USec., mayroon pong inilabas na joint guidelines ang DOJ, DILG at Philippine National Police para po maging gabay sa ating mga kapulisan at sa ating local government units sa kanilang implimentasy0n ng minimum health standards and in compliance with the directive of the President na mas paigtingin nga po ang ating implementasyon nito. Ito pong joint guidelines na inilabas para maging kampante ang ating mga kababayan na ang lahat pong gagawing aresto o kaya naman po apprehension ng mga violators ay naayon po sa batas.
Si Secretary Guevarra po at si Secretary Ano ay sinisiguro na ang magiging aresto is in accordance with law at ang lahat po ng mga karapatan or rights ng ating mga kababayan will be respected. They just emphasized po ‘no na ang lahat po ng galaw ng ating kapulisan according to the joint guidelines have to be in accordance with law or applicable ordinances.
Kaya po mayroon pong karapatan na mag-fine muna, magbayad ng fine because ang nakalagay po sa ordinansa ay ‘first offense fine’ ay kailangan pong igalang iyan ng ating mga kapulisan at hayaang magbayad ng fine ang ating mga first offenders. Ngunit pag second offender na po ay kailangan na pong sundin kung anuman ang nakalagay whether it’s community service o kung magsasampa na po ng kaso para po may kasama ng kulong ang ating mga violators.
Ngunit inuulit ko lang po, we will respect all the rights of those apprehended and kung fine po ay fine lamang ngunit puwede po kayong damputin ng ating kapulisan, dalhin sa presinto para ma-book at ma-blotter and then doon na po kayo magbabayad ng fine and after that ire-release na po kayo kung di po kayo sasampahan ng mas mataas na kaso ng ating mga kapulisan.
Ito po ay warning din sa ating mga Kapitan na kung sila po ay mahuhuli na kasama sa mga nagba-violate ng mga minimum health standards, wala pong kapi-kapitan na mangyayari dito, hindi po kayo sasantuhin kasama po kayong dadamputin ng ating mga kapulisan.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., pinapayagan na nga po ang pag-travel ng mga nasa NCR plus papunta sa GCQ at MGCQ areas at wala pa pong age limit; so, papaano ninyo binabantayan USec at paano ninyo matitiyak na may negative result na nga po iyong bibiyahe at point to point lang ang lakad nila?
USEC. JONATHAN MALAYA: Marami nga pong nagtatanong USec., tungkol dito sa implimentasyon nito. Siyempre inaalala ng ating mga kababayan iyong proseso last year na mayroon pang mga travel pass. Ngayon po wala na pong mga travel pass requirement, ang kailangan na lang pong alamin ng ating mga kababayan ay kung ano iyong pamantayan ng LGU na inyong pupuntahan.
Again I must emphasize: Alamin ninyo po iyong pamantayan ng inyong LGU, kasi for example pupunta po kayo ng Baguio at ni-require ng Baguio ang RT-PCR test or Antigen test upon arrival in Baguio kailangan po tayong sumunod doon. Ngunit kung hindi naman po nire-require ang RT-PCR test then well and good puwede po kayong dumiretso but you must comply with the local government unit imposition.
So, again check first with the LGUs, ang DILG naman po with the Philippine National Police kami po ang nagbabantay sa mga check points natin. Ang LGU naman po through their own enforcers na sisiguraduhin po natin na masusunod iyong mga pamantayan implemented by the local government officials.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., pati resorts bubuksan na. Kung matatandaan natin USec, mga resorts din po iyong naging violators ng mass gathering noong mga nakaraang linggo; paano ninyo po itsi-check kung totoong 30% lamang po iyong kapasidad nila sa araw na iyon?
USEC. JONATHAN MALAYA: Opo. Depende po iyong resorts sa quarantine qualification, remember iba-iba’t po ang quarantine classification ng ating bansa. So, dito po sa NCR, since nandito pa po tayo sa heighten restrictions hindi pa po puwede ang mga resorts ngunit sa ibang lugar sa ating bansa na bukas na po they must comply with the operational capacity na prevailing in that area.
So ang mangyayari po diyan, tutulong po ang ating mga kabarangay sa implementation nito, kaya po may ipinalabas si Secretary Eduardo Año na Memorandum Circular No. 2021-058, na naglilinaw na may karapatan ang mga Barangay Kapitan at mga Barangay Tanod na pumasok sa mga resorts at mag-inspect. Kasama po sila sa monitoring and inspections and they have the authority to regulate public gatherings.
Ang mga pinababantayan po ni Sec. Año sa ating mga Barangay Officials ay iyong mga ipinagbabawal na Disco, iyong mga beach party, pool party, tupada, fiesta dahil marami pong lugar sa ating bansa na ito pa po ay ipinagbabawal. Ngunit balikan po natin iyong quarantine classification ng inyong lugar para po maliwanag sa atin kung ano iyong bawal at ano iyong hindi.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, paano naman daw po pinaghahandaan ng mga lokal na pamahalaan iyong pagbabakuna ng A4 priority list?
USEC. JONATHAN MALAYA: Yes. USec, napakaganda po ng paghahanda ng ating mga local governments. In fact, noong nakaraang linggo 1.1 million doses po ang naiturok natin sa loob lamang ng isang linggo. Ang Maynila po, Lungsod ng Maynila ang nanguna 22,000 doses ang naiturok nila sa isang araw; ang Quezon City naman po ay 19,000. So, kung susumahin po natin ito gaya po ng sinabi ko kanina, 1.1 million po iyan sa buong bansa.
So, nakahanda na po ang ating mga local government units sa nakaamba nating A4 na vaccination ng ating mga economic frontliners, dinadagdagan na po nila iyong kanilang mga vaccination centers, they are mobilizing additional vaccinators dahil nga po ang ating pong target for this month is umabot po tayo sa 4 to 5 million inoculation this month alone.
So, nandito na po tayo sa level ng mass vaccination at base po doon sa naging accomplishment ng ating LGUs, we are confident na kakayanin po nila iyong 4 to 5 million inoculations dahil may mga paparating po tayong additional Sinovac, Pfizer vaccines for now until June 11.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bigyang-daan ko lang iyong tanong ng ating kasamahan sa media, mula po kay Patrick De Jesus ng PTV: Manila Mayor Isko Moreno said na dapat daw ipatigil na iyong pagri-require sa general population iyong paggamit ng face shield at gamitin na lang sa mga hospital para makabawas sa mga iniintinding gastusin ng taong bayan?
Dagdag pa niya na tayo na lang daw po ang nagri-require ng face shield kahit nasa kalsada at dapat pag-isipang muli itong mabuti. May mga ilan pong nagsasabi bukod kay Mayor Isko na hindi daw po practical iyong pagsusuot ng face shield. Ano po ang masasabi ninyo na dapat daw po pag-aralan ang requirement na ito?
USEC. JONATHAN MALAYA: Usec., nakausap ko diyan si Mayor Isko kahapon tungkol diyan sa kaniyang suhestiyon and he clarified na ito ay suhestiyon lamang, he is not demanding of this. He is just suggesting na siguro panahon na para tanggalin ang face shield. Now I’m sure, ito pong suhestiyon na ito ay pag-aaralang mabuti ng IATF dahil it comes from the mayor of the principal city, the capital city of the Philippines with 2 million residents.
Ngunit ako po, kung tatanungin po kami sa DILG, hindi pa po siguro panahon para tanggalin ang face shield dahil hindi pa po tayo nakakalabas dito sa pandemya. Pangalawa, wala pa po tayo sa level na tinatawag nating herd protection or iyong tinatawag nating public protection na makukuha natin kapag umabot na tayo sa 50 million vaccination.
I think the face shield when that was implemented last year ay para pong may karagdagang lebel ng proteksiyon ang ating mga kababayan. So, kung tatanggalin po natin iyan, kailangan po may kapalit dahil nga po face shield muna, and then face mask and then social distancing, lahat po iyan ay mayroong dahilan – those are all levels of protection. Ngayon, kung tatanggalin natin iyong face shield kailangan pong mapalitan iyan ng something else which I think is vaccination.
So again, we will be guided by science in all of our decision, I am sure that the IATF and the Department of Health will study this very carefully. Kailangan pong pag-aralan natin ito ng mabuti dahil lagi lang pong nakaamba ang another surge sa atin. So, kung kami po ang tatanungin, let is keep our guards up and study this very carefully.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Asher Cadapan ng UNTV: Ano ang masasabi ng DILG sa nangyaring pagbabakuna ng celebrity couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales kasama daw po iyong dalawang anak? Naimbestigahan na po ba daw ito ng DILG kung sila daw po ay talagang kasama sa priority group? If yes ano po ang category?
USEC. JONATHAN MALAYA: Hinihintay pa po namin ang tugon ng, kung hindi po ako nagkakamali, Lungsod ng Muntinlupa sa kanilang vaccination but I am sure na kasama po sila sa isang kategorya. Marami na po tayong mga artista na nabakunahan because of comorbidities. I suspect that the reason they were vaccinated is precisely because may comorbidities.
But until now we have not yet heard from the Muntinlupa City government kung bakit at anong kategorya sila na-vaccinate. But you know, while we are investigating binibigyan naman po natin ng respeto ang Muntinlupa City government because of regularity of function. I am sure that they will be able to justify kung bakit nabakunahan na sila Aga.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Rose Novenario ng Hataw: Legal po ba ang pagpapasuot sa may 2,500 na empleyado ng Quezon ng unipormeng may nakatatak na “Serbisyong Suarez” considering po na clothing allowance nila ang ginagamit pambili nito at ilang buwan lang po ay campaign period na para sa 2022 election?
USEC. JONATHAN MALAYA: Well, mas maganda po siguro na ang tanungin natin ay ang Commission on Elections kung ito ba ay pasok na sa prohibited acts ngunit baka po mahirapan tayong sagutin iyan precisely because wala pa naman pong election period and the submission of Certificate of Candidacy is sa October pa naman at hindi pa po nakakarating din sa amin ang report na iyan. So, we need to get all of the details before we can give a more definitive comment on the matter, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong oras DILG spokesperson, Usec. Jonathan Malaya. Ingat po kayo Usec.
USEC. JONATHAN MALAYA: Maraming salamat, Usec at mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: Samantala, walang tigil po ang ating mga medical frontliners sa pagsiserbisyo sa publiko ngayong may pandemya kaya naman po ikinatuwa ni Sen. Bong Go ang desisyon ng pamahalaan na itaas ang salary grade ng mga Nurses II sa bansa. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At dito na po nagtatapos ang isang oras nating talakayan.
Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Muli po, nagpapasalamat kami sa pamunuan ng Manila Hotel. Bukas na rin po ang restaurant sa loob nito kagaya ng Cafe Ilang-ilang pero sa limited capacity lamang. Mahigpit naman pong ipinatutupad ang health protocols dito.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center