Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Magandang balita po: Pinirmahan ni Presidente noong June 1, 2021 ang Administrative Order # 42 na nagpapahintulot nang patuloy na pagbibigay ng COVID-19 Special Risk Allowance or SRA sa pampubliko at pribadong health workers na direktang may contact sa mga pasyenteng may COVID-19 sa panahon ng State of National Emergency.

Ayon sa AO # 42, and I quote, “The grant of the COVID-19 SRA shall be prorated based on the number of days that the frontline health workers physically report for work in a month as certified by the head of hospital, laboratory or medical and quarantine facility or his/her authorized representative, reckoned from September 15, 2020 until June 30, 2021.” Maliit lang po itong pagkilala sa kabayanihan ng ating mga frontliners. 

Isa pang magandang balita: Nilagdaan din po ng ating Pangulo noong June 1, 2021 ang Administrative Order # 43 na nagbibigay ng hazard pay sa mga kawani ng pamahalaan na physically nag-report or pumasok sa trabaho habang nasa Enhanced Community Quarantine or ECQ at Modified Enhanced Community Quarantine or MECQ. Ito ay sa halagang hindi tataas ng limandaang piso kada araw kada empleyado – kasama po kami diyan. Magkakaroon kami ng 1,500 per week dahil tatlong beses po kaming pumasok isang linggo noong ECQ at MECQ.

Samantala, pinirmahan po ni Presidente ang Executive Order # 138 ukol sa Full Devolution of Certain Functions of the Executive Branch to Local Governments at ang pagkakaroon ng isang committee on devolution and for other purposes. Importante po ito dahil pinaghahandaan na natin ngayon pa lamang iyong pagdi-devolve ng mga katungkulan galing po sa national government papunta po sa mga lokal na pamahalaan. Ito po ay sang-ayon sa desisyon ng Mandanas ‘no versus Executive Secretary. Isa po tayo doon sa tumulong sa legal na prosesong iyan. At sang-ayon po sa desisyon, lahat pong nagkukolekta na mga buwis ng ating BIR ay makakasama na po sa pag-compute ng IRA ng mga lokal na pamahalaan dahil inaasahan po na tataas ang IRA ng mga lokal na pamahalaan ng 50%, hindi baba ng 50%, ay binibigay na po sa kanila ang mga katungkulan na dati-rati ay ginagampanan ng ating national government.

Sa nasabing EO 138, ipinaghahanda ang national government agencies or NGAs at lahat ng mga lokal na pamahalaan ng kanilang Devolution Transition Plans or DTPs na sumusunod sa guidelines na ipapalabas ng Department of Budget and Management at Department of the Interior and Local Government.

Kinakailangang magkaroon ng isang Devolution Transition Plan ang bawat departamento kasama ang mga ahensiya at GOCCs sa ilalim ng kanilang control at supervision. Ang DBM Secretary ang magtsi-chair ng Committee on Devolution or ComDev, habang ang DILG Secretary ay magsisilbing co-chair.

Ito ang magiging functions ng ComDev:

  • Unang-una po, iyong oversee and monitor ng implementation of administrative and fiscal decentralization goals.
  • Iyong evaluate the status and monitor the implementation of DTPs of the NGAs and LGUs, and ensure compliance of NG officials or employees and local chief executives
  • Iyong resolve issues and concerns that may arise in the implementation of this order, and ensure the elimination of any regulatory or fiscal controls on the automatic release of LGU shares on national taxes.

Mabuting balita po talaga ito dahil magkakaroon na po ng katuparan ang local autonomy na tinatawag natin.

Samantala, ang pangatlong magandang balita: Naglabas noong Martes, June 1, ng isang statement ang World Health Organization or WHO kung saan vinalidate nito ang Sinovac COVID-19 vaccine para sa emergency use. Ayon sa WHO, and I quote, “Vaccine efficacy result showed that the vaccine prevented symptomatic disease in 51% of those vaccinated, and prevented severe COVID-19 and hospitalization in 100% of the studied population.” Ang ibig sabihin ay ligtas at epektibo ang Sinovac vaccine dahil pumasa ito sa mataas na standards ng World Health Organization, hindi lang po ng standards ng ating Food and Drug Administration.

Dahil dito, tiwala kami na tataas pa ang kumpiyansa ng ating mga kababayan na nagpapabakuna o magpabakuna na gamit po ang Sinovac. Inuulit ko, libre ang una at pangalawang dose ng bakuna. At pinakamabisang bakuna ay ang bakunang naririto na po.

Usaping bakuna pa rin: Dumalo si President Rodrigo Roa Duterte kahapon sa Gavi COVAX Advance Market Commitment: One World Protected Summit. Ang Summit po ay co-hosted ni Japan Prime Minister Suga Yoshihide at Gavi Chair of the Board Jose Manuel Barroso.

Binigyan din ng ating Pangulo ang current clearing imbalance sa vaccine distribution. Dagdag ni Presidente, kailangang mai-correct ang imbalance na ito kung hindi, walang tunay at inklusibong pag-ahon na mangyayari. There will be no real and inclusive global recovery.

Kung inyong matatandaan, walumpung porsiyento ng global supply ay nasa mayayaman na bansa or developed countries. Nangako po ang Pangulo na magbibigay ang Pilipinas ng isang milyong dolyares bilang kontribusyon natin sa COVAX initiative.

Nagpaabot ng pasasalamat ang Presidente sa COVAX, sabay hinikayat ang ibang mga bansa na tumulong din. Patunay po ito na tayong mga Pilipino, talagang tumatanaw po ng utang na loob at nagpapasalamat.

Nag-usap po kahapon si Pangulong Duterte at Russian Federation President Vladimir Putin sa okasyon ng 45th anniversary ng establishment ng diplomatic relations ng Pilipinas at Russia. Nagpasalamat si Presidente kay Presidente Putin dahil sa ginawang available ang Sputnik V sa Pilipinas, at inulit ng ating Pangulo ang kahalagahan ng expeditious delivery ng mga inorder na bakuna. Sa kaniyang parte, sinabi ni Presidente Putin na tataasan ng Russia ang volume ng Sputnik V vaccine deliveries sa Pilipinas.

Pumunta naman po tayo sa datos tungkol sa bakuna na galing sa National COVID-19 Vaccination Operation Center. As of June 2, 2021, 6 A.M., mahigit walong milyon or 8,279,050 doses ng bakuna ang dumating sa bansa. Nasa 5,383,172 doses of COVID-19 vaccines ang na-administer as of June 1, 2021. Nasa higit isang milyon or 1,293,750 na mga Pilipino ang nakatanggap na ng dalawang doses ng bakuna kasama rito ang 713,429 na medical frontliners, 274,940 na mga seniors, at 301,716 na persons with comorbidities.

COVID-19 updates naman po tayo. Ito ang ranking ng Pilipinas sa mundo ayon sa Johns Hopkins:

  • Number 24 ang Pilipinas pagdating sa total cases
  • Number 32 po tayo pagdating sa active cases
  • Number 133 naman po tayo sa cases per 100,00 population
  • At Number 90 po tayo pagdating sa case fatality rate na 1.7%

Mayroon po tayong 5,257 na mga bagong kaso sang-ayon po sa June 2, 2021 datos ng DOH. Nagpapasalamat naman kami sa magagaling, masisipag at dedicated na medical frontliners dahil ang pagtaas ng mga gumagaling dahil 94.1 ang gumaling mula sa coronavirus. Nasa 1,167,426 na po ang bilang ng mga naka-recover.

Samantalang malungkot naming binabalita na nasa 21,158 ang binawian na po ng buhay. Nakikiramay po kami at sana nga po hindi pa po lumaki iyan. At kaya naman po nating gawin iyan kung tayo po ay magpapabakuna na. Ito po ay para sa ating sarili, para rin sa ating mga mahal sa buhay.

Kumustahin naman po natin ang kalagayan ng ating mga ospital sa Metro Manila at buong Pilipinas. Maganda po ang ating datos:

  • Sa katunayan, ang nagagamit lang natin ngayong ICU beds dito muna po sa National Capital Region ay nasa 50% lamang.
  • Ang ating mga isolation beds ay nasa 41% lamang.
  • Ang ating ward beds ay nasa 37% lamang.
  • Ang ating ventilators ay nasa 37% lamang.

Ang nagagamit naman natin sa buong Pilipinas:

  • ICU beds ay nasa 57% lamang
  • isolation beds – 48%
  • ward beds – 50%
  • ventilators – 38%

Sa ibang mga bagay, sa Tropical Storm Dante, as of 2nd June, 6 P.M., nasa 3,090 families or 12,071 persons ang nasa 94 evacuation centers sa Region XI at Caraga ayon po sa DSWD. Nasa 1,120,764 worth of assistance ang naibigay sa mga apektadong mga pamilya; 334,714 dito ay galing sa DSWD at 786,050 mula sa LGU.

Samantala, sang-ayon po kay DOTr Secretary Art Tugade, rumisponde ang Philippine Coast Guard sa pamumuno ni Commandant General Ursabia, Jr. sa mga lugar na binaha sa Agusan del Norte, Ormoc City, Maasin sa Southern Leyte at Albuera sa Leyte. Naka-heightened alert din ang mga Coast Guard districts sa Bicol at Northeastern Luzon na anumang oras ay handang rumisponde kung kinakailangan.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama po natin ngayon walang iba kung hindi the man of the hour, Energy Secretary Alfonso Cusi at siyempre the debonair, Labor Secretary Silvestre Bello. Unahin po muna natin ang man of the hour, Secretary Alfonso Cusi. Sir, magpapatuloy ba ho ang mga brownouts at mayroon na ba kayong initial information kung talagang nagkaroon ng sabotage kung saan ilang mga power plants ay sumuway doon sa pagbabawal ng pagsarado ng planta habang pinakamataas po ang demand para sa kuryente? The floor is yours, Secretary Alfonso Cusi.

DOE SEC. CUSI:   Magandang umaga, Sec./Senator Harry Roque and maganda ring umaga sa kasama ko sa Gabinete, another Sec./Senator Bello, and doon sa mga taga-media po, magandang umaga po sa inyong lahat. It’s a pleasure to be with you today.

Sa ngayon, ang maganda pong balita, una is normal na po ang supply ng kuryente for today. Ang supply po is more than sufficient to meet the projected demand today ano. Sa ngayon po, ang peak demand that is projected is from 10,300 megawatts and we have something like 11,600 megawatts of supply.

So, we have a normal supply today and I apologize for the last two days na nagkaroon po ng rotating brownouts dahil po iyon sa sabay-sabay po na nagkaroon po ng breakdown ng apat na plantang malalaki po na ang capacity po is 2,017 megawatts. Malaki po ang nawalang supply sa sistema – 2,017 megawatts po kaya ganoon po, nagkaroon po tayo ng kakulangan at sa init din po ng panahon tumaas po ang demand natin to more than 11,000 megawatts po ano.

So ngayon, sa araw na ito normal po tayo at iyon ang magandang balita po pero mayroon pa rin po tayong mga planta na tinitingnan dahil hindi pa rin po nakakabalik sa sistema ano, Mayroon pa rin tayong 1,372 megawatts capacity, apat na planta na still down po ano. Ito nga po tinututukan natin kung papaano maibalik agad sa serbisyo.

Iyon naman pong sinasabi, kung may kuwan po ng sabotage sa pangyayari, iyon po ay pinapatingnan na po natin sa ating mga tao at I have asked also po ang tulong ng ERC at ng Philippine Competition Commission to look into the allegation. Pero habang hindi pa po natin natatapos ang imbestigasyon hindi pa po tayo makakapagsabi kung ano talaga ang nangyari. Basta lang po sa ngayon hanggang kahapon po, 2,017 megawatts po ang nawala sa sistema at sa ngayon po, 1,372 na lang, so, dapat pong maibalik natin iyong mga planta na iyan.

Kung maituloy ko na rin lang po, kasi kahapon ko pa binabantayan ang tungkol sa bagyo, iyong pagdaan sa Samar po, sa ngayon naman po iyong lahat ng transmission line ng sa Samar re-energize na po kahapon pa. Isang feeder line na lang po ang tinatapos natin na iyon po ang nagsu-supply sa MacArthur and hopefully anytime this day that will be already in service. So, sa ilang lugar po naman na dinadaanan o sinasalanta ngayon ng bagyo, wala pa po kaming nakukuhang report.

Salamat po.

SEC. ROQUE:   Iyan po ang siguro isa sa pinakamagaling na Energy Secretary ng Pilipinas, Alfonso Cusi. Puntahan naman po natin ang ating debonair Labor Secretary Silvestre Bello. Partner, ang tanong po ng marami, ilan na ba ho ang mga OFWs na nakauwi, mayroon ba hong naghihintay sa kanila dito sa Pilipinas at mayroon na ba ho tayong update para doon sa mga hinihiling lalung-lalo na ng mga seafarers na makakuha ng mga western brands na bakuna nang sila po ay makabalik sa kanilang mga barko? Isisingit ko na rin po, mayroon na pong balita tungkol sa Saudi Arabia na nagri-require din ng western vaccines. The floor is yours, Labor Secretary Silvestre Bello.

DOLE SEC. BELLO:   Thank you, partner. Thank you. Magandang tanghali sa ating lahat, kay Sec. Al, Melo Acuña, nandiyan ah! Magandang tanghali sa ating lahat!

Partner, ang dumating na sa atin as of two o’ clock this morning ay 564,000 plus. Mayroon pang naiiwan na mga OFW natin, mga siguro umaabot naman ng 130,000. Pero partner, doon sa 130,000 na mga kababayan natin na natengga dahil sa COVID-19, mayroong 78 to 80,000 na ayaw nang umuwi.

They opted to stay especially those in Europe and that is very understandable partner dahil alam mo naman sa Europa iyong kanilang insurance benefits, umaabot ng one to one and half year, kampante sila.

Pero mayroon pa naman tayong mga around—siguro umaabot pa ng mga 50,000 na kababayan natin na naghihintay ng repatriation. At tuluy-tuloy iyan, partner ha. Every day, we are bringing in a minimum of 1,000 – 1,500. Actually, kung hindi lang doon sa IATF Resolution na they’re limiting the repatriation or the entry to 1,500 umaabot iyan ng mga around 2,000 – 3,000 everyday iyan partner. Kaya ganoon kahirap ng trabaho ng OWWA at ganoon kapuno ang ating mga hotels as a quarantine facilities of our OFWs.

Ngayon partner, siguro gusto ring malaman ng ating mga kababayan na iyong mga kababayan natin, mga OFW natin na natengga dahil sa COVID-19, binigyan sila ng ating Pangulong Duterte ng one-time cash assistance of $200 kung nandoon pa sila pero kung nakauwi na sila, kasama na sila doon sa 564,000, ang ibinibigay sa kanila ay P10,000 equivalent.

That is not to mention iyong ibinigay ng ating Pangulo. Ito partner ha, Sec. Harry, Sec. Al, ito ibinigay ng ating Pangulo without DOLE, without OWWA asking for it. Basta nagbigay siya ng five billion as repatriation expense. Kaya iyong ating mga kababayan kapag umuuwi sila libre pamasahe from their foreign destination, libre ang accommodation, mayroon diyan nakatira sa Manila Hotel, Diamond Hotel, hindi pa nga ako naka-check-in, hindi ko pa nasubukan iyang sa Conrad Hotel, Sofitel. Nandiyan po ang ating mga kababayan and sagot po iyan nang ibinigay ng ating Pangulong Duterte na five billion.

In addition, sagot natin iyong kanilang pagkain, iyong mga medisina nila, iyong mga vitamins nila, sagot po nang ibinigay ng ating Pangulo, including iyong transportation nila from the quarantine to their final destination, kapiling ng kanilang minamahal sa buhay.

So, iyon partner, ang status ng ating mga repatriated OFWs.

SEC. ROQUE:   Partner, tanungin ko lang. Kasi ang hiningi ng OWWA para bayaran iyong hotel at iba pang pangangailangan ng mga returning OFWs ay halos ten billion pero ang naibigay po ay five billion. Hanggang kailan po tatagal itong pondong ito para sa extended quarantine stays ng ating mga OFW?

DOLE SEC. BELLO:   Actually, nandito kanina si Administrator Cacdac, mayroong dalawang 200 na tseke, hindi niya pinipirmahan dahil hinihintay pa namin iyong release na ibinigay ng ating Pangulo. He gave another 5.2 billion, Sec. Harry, nagbigay pero naka-pending po yata kay Sec. Wendel Avisado iyong SARO, hinihintay iyon. Eh, alam mo naman hindi puwedeng magpirma si Administrator Cacdac kung wala pa ang pera. Alam naman nating darating iyan at nakakahintay naman iyong ating mga kaibigan na tumutulong din, iyong mga hotel owners.

SEC. ROQUE:   Okay. Maraming salamat, Secretary Silvestre Bello. Please join us for our open forum. At simulan na po natin ang ating open forum. Si Mela Lesmoras will act as our moderator.

Go ahead, Mela.

MELA LESMORAS/PTV4: Good afternoon, Secretary Roque. Gayun din po kina Secretary Cusi at Secretary Bello.

Unang tanong po mula kay MJ Blancaflor of Tribune: How does President Duterte plan to resolve the issues among members of PDP Laban? Will the President set a meeting with Senator Pacquiao and Secretary Cusi?

SEC. ROQUE: Well, as Presidential Spokesperson eh wala naman pong nakikitang problema ang Presidente. Nagpatawag po ang Presidente ng executive council meeting, natapos na po iyan; nananatiling presidente po si Senator Pacquiao. So sa ngayon po, wala naman pong problema.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Tanong pa rin po ni MJ Blancaflor: It seems that Senator Pacquiao is determined to run for president. What are the thoughts of President Duterte on this given that Mayor Sara will reportedly run as well in 2022?

SEC. ROQUE: Wala pa naman po talagang opinyon ang Presidente dahil maaga pa po ‘no at hindi pa talaga nagdedeklara rin kahit sino na sila’y tatakbo para presidente. Eh unang-una, pinag-iisipan pa po ni Presidente iyong nominasyon niya as Vice President at wala pa rin naman pong desisyon. Siguro konting antay na lang po dahil darating naman ang punto na kinakailangang magdesisyon ang lahat.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And pangatlong tanong po ni JM Blancaflor: There is no constitutional [garbled] which explicitly states that sitting president are barred from running for VP in the subsequent elections. But some are saying that it might go against the spirit of the charter since whoever is elected president can resign anytime and hand the power to the elected VP. Is there a constitutional impediment on the possible vice-presidential bid of President Duterte?

SEC. ROQUE: Well, nagturo rin naman po tayo ng constitutional law kasama ang international law sa UP nang mahigit labinlimang taon at mayroon po tayong constitutional construction rule na what is not prohibited is allowed. Kung pinagbabawal po ang Presidente na tumakbo ng VP, dapat sinulat po iyan ‘no, nagkaroon ng teksto sa ating Saligang Batas na nagpapabawal diyan. Pero since wala pong prohibisyon, it must be allowed.

MELA LESMORAS/PTV4: Salamat po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mela. Punta tayo kay Trish Terada, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Spox Harry. Good afternoon, Secretaries. Sir, first question: Si Manila Mayor Isko Moreno joins the call to take back or rescind the policy of requiring face shield citing na it only adds to daily expenses and tayo na lang po iyong bansa that is strongly advocating for this. Is this something that the IATF can consider? And also, kasi—and even before this, marami rin po talagang nananawagan na na ipatigil na iyong face shield because the people are not seeing the value of wearing this in terms of its efficacy po?

SEC. ROQUE: Well, kakabasa ko lang po ng sinulat ni Dr. Salvaña ‘no, talagang nirerespeto po na epidemiologists ‘no at ang sabi niya eh talagang nakakatulong po ang pagsusuot ng face shield ‘no. Statistically kapag ikaw po ay nag facemask, face shield at nag distancing halos equivalent po proteksiyon niyan sa bakuna ‘no. So sa akin po sa siyensiya may basehan po iyan, sa gastos bagamat nagastusan po ang ating mga kababayan, eh halos lahat naman po mayroon nang face shield so wala na pong extra gastos po iyan.

Pero ganoon pa man, nakikinig naman po ang ating IATF, I’m sure narinig ng IATF ang rekomendasyon ni Mayor Yorme at kung ito po ay magiging rekomendasyon ng lahat ng mga mayors sa Metro Manila eh talagang pinakikinggan naman po ang ating mga implementers dahil sila po ang nagpapatupad ng mga IATF policies.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, will a compromise such as iyong paggamit ng face shield be only applicable to hospitals and not for the general public. Is that doable? Is it something that can be considered?

SEC. ROQUE: Well, according to Dr. Salvaña ‘no and I’m not a doctor, eh it is a scientific fact that the wearing of both mask and face shields contributes substantially to the reduction of COVID-19 cases. So right now, parang walang kinakailangan na compromise because it is a scientific fact na nakakatulong po ang pagsusuot ng face shield.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, since papalapit na po iyong… at least iyong filing for the upcoming elections. Napapansin po ng marami na maraming nanliligaw kay Mayor Sara, maraming bumibisita sa kaniya. What is the President think of this? Is he now supportive of the presidential daughter running for president or does he remain firm sir doon sa sinabi niya na ayaw niya pong patakbuhin si Mayor Inday Sara?

SEC. ROQUE: Well, narinig ko po personally ang Presidente as of last Monday ‘no, may tumawag po sa kaniya – hindi ko na sasabihin kung sino – at ang sinabi po niya, hindi pa rin daw po tatakbo si Mayor Inday Sara ‘no. At ang rekomendasyon nga po daw niya ay huwag siyang tumakbo. So that’s the latest I heard from the President’s own mouth.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Pero sino po iyong gusto ng Pangulo na tumakbo if ever, not his daughter?

SEC. ROQUE: Ah, alam ninyo ho talagang noong kinausap ko siya diyan eh wala pa po siyang desisyon. Mayroon lang mga options talaga siyang sinabi ‘no at as of now, siguro nakatutok pa rin ang Presidente po dito sa pandemya, sa bakuna. Dahil pagka—ang importante naman ay mabakunahan ang pinakamarami nating mga kababayan nang sa ganoon magkaroon po talaga tayo ng eleksiyon kung saan ang mga tao at ang mga kandidato ay magkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng panayam at makaboto nang pinakamabuting mga kandidato ang ating electorate.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sino po iyong options niya, sir, or ilan, ilan po iyong tinitingnan?

SEC. ROQUE: Well, let’s just say that madaming options na nabanggit na ang Presidente and I will just repeat it ‘no. Ang mga options na pupuwedeng tumakbo includes also Mayor Sara Duterte, it includes Senator Manny Pacquiao, it includes former Senator Bongbong Marcos, it includes even Manila Mayor Isko Moreno ‘no – iyon ‘yung mga naririnig ko – and it includes also Senator Bong Go.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right, sir. Sir, thank you very much. Sir, can I at least go to Secretary Cusi?

SEC. ROQUE: Please, go ahead.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Secretary Cusi. Sir, many are asking dahil po sa recent power problema natin, ano raw po iyong nagawa ng DOE very briefly in the last 5 years to prevent situation that we are in? Bakit daw po parang hindi nakapaghanap nang enough supply in the last 5 years and what do you say of criticisms sir na sinasabi, particularly to you na in the middle of the problem with power or electricity, it seems na as Energy Secretary, you may or you’re being distracted with politics with your involvement sa PDP Laban po?

DOE SEC. CUSI: No. The last 5 years, this is the first time that this situation happened ‘no, that we had—in some areas, we had the rotational brownouts. And sabi ko nga, it is because iyong sabay-sabay na pag-breakdown noong mga power plants ‘no with the capacity of more than 2,000 megawatts. Now, all of these power plants are owned privately ‘no; they are of different owners and hindi naman gobyerno po ang nagpapatakbo noon.

So—and tinatanong mo po kung ano ang nagawa na ng administration na ito. We have built up capacity by more than 30% since we assumed our jobs. And we have planned our indicative power plants buildup ‘no up to 2040 to make sure that we have sufficient power ‘no, supply of power/electricity in the coming years.

Lahat ng aspeto po ng pagpaplano nagawa na po iyan and it is already online iyong mga ginagawa pong mga planta and then we have even invited foreigners.

So uulitin ko, 30% of the capacity increase have been already made and there are still plants that are being constructed. Nagkaroon po ng delay, nagkaroon po ng delay ang ibang planta na tapos na dapat nasa linya na because of various reasons ano po – transmission grid, pandemic, lahat po iyon, nandoon po lahat iyang considerations. It’s just sad na… nalulungkot po ako na nangyari nga po ito na nagkaroon in the last 2 days ng aberya dahil nga po sa breakdown noong mga power plants na may capacity na more than 2,000 megawatts.

So hindi po natin nakukuwan ‘yan ano, na pinababayaan na iyong pagbi-buildup ng capacity. And to assure, and to assure energy security – iyon nga po, in this administration iyong proper energy mix ano po na hindi tayo nagri-rely sa isang source of energy. ‘Yan, maririnig po ninyo siguro na sinasabi natin even ang nuclear ipasok natin sa mix natin and then even we are looking the energy source of the future, the hydrogen na kasama na rin po iyan sa pag-aaral natin to make sure that iyong secured ang energy in the future.

SEC. ROQUE: Kung idadagdag ko lang, Trish. Trish, kung idadagdag ko lang ‘no. Bilang taga-taal na taga-Bataan ‘no, in fact my province mates and I are very grateful to Secretary Cusi because he continues na ini-encourage niya iyong pagtatayo ng mga power generation facilities sa Bataan ‘no. We are now competing with Batangas to be known as the power center of the Philippines. At ang maganda pa, si Secretary Cusi has been very encouraging for renewable and LNG ‘no, which is less of a pollutant than current coal ‘no.

So maraming salamat po on behalf of my province-mates, kay Secretary Cusi.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, follow up question lang po kasi iyon nga po, there are criticisms na sa gitna nga raw po ng problema natin sa electricity, sa power, it seems that the Energy Secretary, you as Energy Secretary is getting distracted with politics with your involvement sa PDP Laban. What do make of these criticisms, Secretary?

DOE SEC. CUSI: Well, nagkataon nga po iyon ano na nagkaroon po ng aberya. Those powerplants broke down na nagkataon naman po, natiyempo na we have a meeting in Cebu. But it doesn’t mean na napapabayaan ko because I’m not the only guy that is running DOE, ano. And I trust my team. I trust my team; I trust the DOE people addressing the situation. At saka the policies have been laid out already, it’s just that this is a question of enforcement na lang po ‘no.

So wala pong relasyon iyong pagmi-meeting sa Cebu; that is another function. And I can do jobs, with all the technology that we have today, we can perform more. And that is the aspiration of all of us people, like you and me, we want to be able to accomplish and do more tasks, hindi po ba? So ganoon po iyon.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  All right. Thank you, Secretary Cusi.

Sir, just one last for Secretary Bello, please. Good afternoon, Secretary Bello.

DOLE SEC. BELLO: Good afternoon.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, sir! Good afternoon. Sir, just a phone-in question from my colleague, Paolo Barcelon. Ano raw po iyong assistance for contractual workers that are affected by the hazard pay disallowance by COA? Ano raw po iyong planong gawin ng DOLE about this issue?

DOLE SEC. BELLO: The same, the same din siya. Iyong contractual have the same privilege under iyong Administrative Order ni President, number 43. Whether you are contractual or regular, that is not relevant. Lahat sila ay entitled doon sa hazard pay of 500 a day.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Pero, sir, iyong recent memo po kasi, iyong pinapabawi po ng COA iyong hazard pay allowance na naibigay to some contractual workers. Paano po kaya ang mangyayari dito, sir? Paano maaasistihan ng DOLE iyong mga contractual workers na, technically, hindi naman po nila kasalanan na nakatanggap sila ng hazard pay tapos bigla pong babawiin?

DOLE SEC. BELLO: We can make a representation for them with the COA.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Kumbaga, sir, will you work towards preventing na iyong pagbawi, gagawan po natin ng paraan para hindi na bawiin?

DOLE SEC. BELLO: Yeah, looking forward to that possibility, Triciah.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish. Let’s go back to Mela Lesmoras, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Thank you, Secretary Roque. Puwede po itong sagutin ni Secretary Cusi. From Rose Novenario of Hataw: Albay Representative Joey Salceda said, tuloy ang kandidatura ni Davao City Mayor Sara Duterte as presidential bet sa 2022. At nagbubuo na siya ng political alliances sa ibang partido para isakatuparan ito. Sa tono ni Salceda, nasa likod ni Mayor Sara ang PDP-Laban pero ang posibilidad ng tandem niya kay Pangulong Duterte as VP ay malabo. Sang-ayon po ba kayo sa pahayag niya?

DOE SEC. CUSI: [OFF MIC] Sa akin po, kuwan naman iyan eh, wala naman pong problema, iyong sa pahayag ni Cong. Joey. Iyon naman pong sa PDP na resolution ng miyembro na nanghihikayat, really urging the President to run for vice president, iyon po ay kuwan ng national councils, mga members po ng PDP. At ang sinasabi nga po, bahala na si Pangulo ang pumili ng kaniyang magiging ka-tandem. So that is really up for the President to choose.

Kaya nga sabi ko nga po kahapon kay Cong Joey, eh baka mamaya ikaw pa ang piliin ni Pangulo eh ‘di ba. So pero ngayon naman, kung sasabihin natin na iyong Duterte-Duterte, that is something that we need to really study. We cannot answer whether it’s good or not good at the moment. What we need to do is find out who can really … iyon bang makakatulong, makakapagsulong sa pag-asenso ng ating mga mamamayan at ng ating bayan. Iyon ang importante.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Tanong pa rin po ni Rose Novenario ng Hataw: Bakit hindi napigilan ng DOE ang sabay-sabay na pagpalya ng sampung planta na nagresulta sa rotational brownout lalo na’t ipinagbabawal ninyo ang preventive maintenance sa Abril, Mayo at Hunyo?

DOE SEC. CUSI: Iyan pong preventive maintenance po, kailangan talaga iyan to maintain iyong ating mga planta ay maging talagang continuously running. Tapos of course, iyong ibang planta natin ay mayroon na pong edad. They need to be maintained better.

Ngayon, may mga sitwasyon po na bakit nagkaroon ng mga delays sa preventive maintenance, eh iyon nga pong mga dahil sa pandemic po ‘no. Makikita ninyo during the pandemic, we have not noticed, it has not been noticed that really, the Energy’s family has been working ‘no from oil industry, from the gas station, from the power, continuous po iyong working na iyan at saka nagmi-maintain.

Kaya lang po, nagkaroon din po ng mga delays iyong ibang arrival ng spare parts, iyon pong technical people na pumupunta. Every time po may darating ditong foreign technical consultants, humihingi po tayo ng clearance sa IATF. And following the protocol, ano po, hindi naman po natin binabalewala iyong mga health protocols, sinusunod po natin iyan. Nagkaroon po din talaga ng mga delays po sa pagdating dito ng mga technical people. Even po iyong national grid, sabi nga na-suspend iyong ibang trabaho. Iyon ang binigay nilang rason sa amin, hinahabol namin bakit hindi natatapos is because po iyong sa mga technical people nila na hindi nakarating ng tamang oras.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. At panghuling tanong na man po, Secretary Cusi, ni Rose Novenario, similar question with Jam Punzalan of ABS-CBN Online and Maricel Halili of TV5: Totoo po ba ang akusasyon ni Senator Manny Pacquiao na inuna ninyo ang pulitika kaysa sa trabaho ninyo sa DOE?

DOE SEC. CUSI: Nasagot ko na po, nasagot ko na po kanina iyan. Natanong ko na po iyan na sinasabi nga po natin na alam naman po ninyo, we are aware of our responsibilities and ginagampanan po natin iyan, nagagampanan po natin sa buo po ng ating kakayahan. At nakakalungkot nga po na nanggaling pa po iyon sa ating mga party-mates. Nakakalungkot din po iyon.

Anyway, siguro naman ay makikita po na hindi natin pinababayaan ang ating panunungkulan.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Salamat po, Secretary Cusi.

SEC. ROQUE:  Thank you very much. Punta naman tayo kay Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Hi! Good afternoon, Secretary, at sa ating mga kasama. May tanong po ako sa inyo, may kinalaman sa sinabi ni kababayang Joey Salceda tungkol sa pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte sa panguluhan. Mayroon din po ba kayong ganitong impormasyon?

SEC. ROQUE: Sa akin po, ang alam ko po ay wala pa pong desisyon ang atin Davao City Mayor at wala pa rin pong pronouncement na siya po ay tatakbo bilang pangulo. Bagama’t marami po ang nagnanais na siya nga po ay tumakbo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay po. May tanong po ako kay Secretary Cusi at kay Secretary Bello. Unahin ko muna si Secretary Bello. Secretary Bello, ano po ang chances na makabalik pa sa trabaho iyong OFWs, particularly seafarers, na gumaling mula sa COVID-19? Sapagka’t istrikto ang mga employer sa kalusugan ng kanilang mga tauhan? Ano po ang chances na magkakatrabaho pa silang muli?

DOLE SEC. BELLO: Thank you. Thank you, Melo, for that question; it’s very relevant. Kasi it’s high time that we Filipinos realize na iyong ating Filipino seafarers are the most preferred seafarers in the world. Hinahabol iyong ating mga seafarers, kaya iyong kanilang chance of re-employment ay napakataas. In fact, and I thank Secretary Galvez for thinking of a process na ang ating mga OFW eh one dosage na lang sila and that will facilitate iyong deployment ng ating mga OFWs especially iyong ating mga seafarers.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Opo. Mayroon kasi akong kababayan na kakauwi lang matapos gumaling sa COVID-19 sa Santos, Brazil. Ang worry niya, baka hindi na siya makabalik sa trabaho dahilan sa baka isama na sa tanong ‘kung ikaw ba ay nagka-COVID na?’

DOLE SEC. BELLO:   Ay, hindi po! Hindi po. Not to a least from my experience, ang ating mga OFWs, iyong mga seafarers natin kagaya ng sinabi ko, hinahabol. Hinahabol iyong ating mga seafarers just like iyong mga nurses natin, naku hinahabol. May pending request from the Germany, 15,000 nurses. Ganoon karami ang ano… how preferred our nurses and our seafarers. Don’t worry, Melo, iyong ating mga seafarers iyong kanilang employability at saka iyong kanilang upskilling level napakataas kaya hindi problema iyong kanilang employment opportunity.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Opo. Lumabas po iyong ILO report na World Employment and Social Outlook Trends of 2021 at ang sabi ay iyong COVID-19 will continue to slow jobs recovery and increase in equality. Ano po iyong concrete programs ninyo para malabanan itong trends na ito na nakikita ng ILO?

DOLE SEC. BELLO:   Well, the first step, the first major step is iyon ngang sinasabi ng ating Pangulo eh! The best anathema to cope to this problem is to fight frontally itong COVID – magpabakuna na tayo! The moment we achieve that level, we will be going back to normal situation and kagaya ng sinabi ng ILO, we will have a high employability for all our workers.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Thank you very much.

DOLE SEC. BELLO:   Thank you, Melo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Salamat po. Secretary Al, magandang tanghali po.

DOE SEC. CUSI:   Magandang tanghali, Ka Melo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Maiba naman iyong tanong. Malayo doon sa brownout. Ano po iyong chances na matuloy pa iyong joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng Tsina?

DOE SEC. CUSI:   That is kuwan—we have an ongoing discussion ano and that discussion is led by DFA for a possible joint development dito sa West Philippine Sea. Pero para maliwanag lang ‘no, tayo under this administration, under President Duterte, iyong moratorium dati na sinasabing itigil ang pag-explore sa West Philippine Sea, ni-lift na natin iyan ‘no, ni-lift na natin iyan and then we continue to explore.

And in fact, we have been issuing, we have made road show inviting exploration company to come to the Philippines and invest in exploration. And as we are talking now, I believe that we have four service contracts that are being processed already and then bring it to Malacañang for President’s signature for award.

So, tuloy-tuloy tayo diyan sa trabaho sa ating exclusive economic zone including the territorial sea.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Magpapatuloy po ito despite the protests launched by the Department of Foreign Affairs about incursions within West Philippine Sea?

DOE SEC. CUSI:   Iyong mga incursions na sinasabi ng mga about the incursions of China Coast Guard vessel or what vessels, kuwan naman iyon, separate naman iyon. Hindi naman kami naaabala tungkol doon sa kuwan ng exploration.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Okay. Maraming salamat po sa, Secretary Cusi; thank you very much, Secretary Bello and Secretary Roque.

DOE SEC. CUSI:   Salamat po.

SEC. ROQUE:   Okay. Thank you, Melo. Punta tayo ulit kay Mela, please.

MELA LESMORAS/PTV:   Yes, mga katanungan pong muli mula sa ating mga kasamahan sa media.

Secretary Roque, from Leila Salaverria of Inquirer: NEDA chief Karl Chua is pushing for the resumption of in person classes to minimize the long-term effects on learning and productivity that resulted from stopping of this? What is the Palace position on this and especially for elementary and high school?

SEC. ROQUE:   Sang-ayon po sa batas, ang magdedesisyon niyan ay ang Presidente pero upon recommendation ng Department of Education. Kung maaalala ninyo po, matagal nang nag-recommend si Secretary Briones na magkaroon ng pilot face-to-face sa mga lugar na mababa ang kaso at ang desisyon ng Presidente ay hintayin muna natin na mabakunahan ang marami sa ating mga kababayan.

So, it will really depend kung gaanong karami na po ang gustong makita ni Presidenteng nabakunahan na pero ngayon po, medyo marami-rami na rin po ang nabakunahan natin. Let’s just say that siguro tinitingnan lang ni Presidente kung mayroon ng enough confidence na magsimula na ang pilot.

Pero ulitin ko po, itong pilot naman pong ito ay doon sa mga lugar na sadyang mababa po ang mga kaso ng COVID-19.

So, hintayin po nating muli ang magiging rekomendasyon at ang aksyon ng Department of Education at ang magiging aksyon ng ating Presidente; pero uulitin ko po, ang sabi ni Presidente the last time, gusto muna niyang makita na magsimula ang pagbabakuna ng ilan ng ating mga kababayan.

MELA LESMORAS/PTV:   Opo. Follow-up lang po, Secretary Roque: Specifically, what percentage of the population has to be vaccinated for face-to-face classes to resume?

SEC. ROQUE:   Wala pong sinabi si Presidente ‘no pero ang sinabi lang niya gusto niyang makita na magsimula na iyong pagbabakuna ng ating mga kababayan at ang pinag-uusapan naman ay iyong pilot face-to-face sa lugar na sadyang mababa po ang mga kaso ng COVID-19.

So I’m sure in the next Cabinet meeting si Secretary Briones may again recommend the implementation nitong pilot face-to-face classes.

MELA LESMORAS/PTV:   Okay. From Rosalie Coz ng UNTV naman, Secretary Roque: Payag ba ang Malacañang sa suggestion ng Laban Konsyumer na i-refund na lang sa mga consumers iyong magiging penalty sa mga GenCos imbes na i-deposit sa Treasury para daw offset iyong itataas sa singil sa kuryente dahil sa blackout?

SEC. ROQUE:   Nasa batas po kasi iyan eh. So, kapag ginawa po iyan ng Executive baka mamaya ma-anti graft naman po ang Executive. Perhaps si Secretary Cusi can also comment. Tama ba ho ako na nasa batas iyan na kinakailangan dinideposito sa Treasury?

DOE SEC. CUSI:   Sorry, paki-ulit lang please.

SEC. ROQUE:  Iyong ano daw po, iyong penalties sa mga GenCos eh ibigay na lang po sa consumers by way of refund kaysa i-deposit sa Treasury.

DOE SEC. CUSI:   Thank you very much for that clarification. That is being studied by ERC and we’re just waiting for their findings, for their recommendations.

SEC. ROQUE:   Okay. Maraming salamat po. Punta naman tayo kay Ivan Mayrina, please.

IVAN MAYRINA/GMA 7:   Good afternoon, Secretaries! Sec. Harry, ang question ko po ia-address ko to Secretary Cusi, sir.

SEC. ROQUE:   Go ahead, please.

IVAN MAYRINA/GMA 7:   Secretary Cusi, good afternoon! Gusto ko pong balikan iyong sagot ninyo sa tanong ni Trisha kanina tungkol sa: Have you done or has the DOE done enough in the last five years para po ma-prevent itong nangyaring rotational brownout in the last few days? Kasi ho base ho sa mismong website ninyo, in 2019, itinaas po ang yellow alert nang 46 times at ang red alert nang 16 times.

DOE SEC. CUSI:   Tama po iyan ‘no, nagkakaroon po ng mga alert level but it doesn’t mean na you have issued an alert level, mayroon pong brownouts ano po or rotational brownouts. Ang alert level po, that is designed para pong mag-aabiso na nagkakaroon ng kakulangan sa reserve ano po. Kapag kulang po sa reserve, magkakaroon ng yellow alert level and then didiretso po sa red alert level. Kapag dumating po ng red alert level, that is then may possibility na po na magkaroon ng power interruption.

So, iyon lang po ang kinukuwan diyan ng alert levels po. Nangyayari po lagi iyan, nangyayari po sa lahat iyan pero it doesn’t mean na may brownout po.

IVAN MAYRINA/GMA 7:   Yeah, but Secretary, brownouts, in fact, happened in 2019 during these times na itinaas po ang mga alert levels na ito. May mga araw po – I’m reading an article from April 13, 2019 halimbawa ho, mas mataas iyong naging demand kaysa doon sa available supply like what happened yesterday.

DOE SEC. CUSI:   Kasi may mga nangyayaring pong ganoon iyon na sinasabi nga po natin na talagang tumataas ng ganoon pero iyong sa pangyayari po na sasabihin nating nawala dahil sa kakulangan ng kuryente dahil sa kapabayaan, hindi po nangyayari.

IVAN MAYRINA/GMA 7:   So, would you stand by your statement Secretary that the DOE has done enough? Kasi ho nangyari pa rin ho iyong brownout kahapon. In fact, Usec. Wimpy yesterday said gusto ho sana nating mag-comply itong ating mga power players pero may mga hindi ho nagko-comply at napeperhuwisyo ho iyong mga consumers.

DOE SEC. CUSI: Tama po iyon. Mayroon nga pong hindi nagku-comply, totoo po iyon, ano. Iyan po ang malaking problema, we need to have reserves ano po. Iyong sinasabi nga po ng mga reserba na power para po [kung] nagkakaroon tayo ng mga aberya, iyan po ang papasok. Napaliwanag na po, katulad po iyan ng spare tire ano, kapag na-flat-an ka mapapalitan mo, hindi ka na maghihintay na ma-vulcanize muna iyong gulong mo.

Iyong sinasabi nating mga 29 mga ganoon, nangyayari po iyon. Magkakaroon talaga ng mga brownouts, minsan tinatamaan ang linya ng kuryente, mapuputol ang grid dahil hindi po sa kakulangan ng supply ano po. Ang brownout po nangyayari hindi lang po dahil sa kakulangan ng supply but other technical reasons.

Ngayon po itong nangyari dito sa atin is kakulangan po ng supply ano po – hindi po dahil sa bagyo, hindi po dahil sa hangin, dahil may tumumbang poste, may pumutok na transformer and so on and so forth. This what happened the past 3 days or 2 days, it’s because of talagang nasira po iyong planta. Ina-identify na nga po natin kung ano po iyong mga nasirang planta.

And over the 5 years po, this administration, under this administration, 30% of the capacity has been increased. Tumatanda rin po iyong mga power plants ano, iyong mga tumatandang power plants nangangailangan din po nang mas mahaba-habang maintenance. Ngayon, ito po ang isang malaking problema at ito naman po alam ng Senado, alam po ito ng publiko. Matagal ko na pong sinasabi ito at I’m being demonized for raising this – kakulangan ng reserve ‘no, noong mga ancillary reserve and that’s what we are pushing ‘no.

Under our concession, we should have that 2,000 megawatts reserve. Ngayon kulang na kulang po iyan, nasa 1,000. Sinasabi ko nga po kanina na ang sistemang ito ay aggravated po ito. Iyong pagkawala ng mga planta na 2,000 megawatts aggravated pa rin po ito ng kakulangan po ng ancillary ‘no. Iyong papasok pa nag drop load – pasok itong isa, wala po iyon. So marami pong technical issue and it’s not that simple po.

Pero makakaasa po kayo ‘no na ang DOE is always on top of it and the policy has been laid down and the capacity buildup has been there – not only for the year-to-year kuwan, pero hanggang sa 2040 nakaporma na po iyon.

IVAN MAYRINA/GMA7: Okay. Panghuling punto po. Mangyari po iyong mga brownouts kahapon sa panahong hindi pa fully open ang ating ekonomiya at maraming negosyo ang hindi pa nag-o-operate at 100%. Ano ho kaya ang puwede nating maipangako sa mga kababayan natin for the next year? Halimbawa ho next year mag-i-eleksiyon po tayo, presumably mayroon pa rin tayong inaalala about COVID, presumably may mga vaccines pa rin tayo na kailangang alagaan. Ano ho kaya? Can we tell our people na may gagawin po tayo at may ginagawa tayo para hindi ho mangyari itong mga ganitong brownout?

DOE SEC. CUSI: Kanina rin po sinabi ko nga po ano, maraming planta na kuwan na po, nandiyan na, under construction na and ready to be commissioned ano po, ready to supply. In fact, there is one plant in Mariveles ‘no, Mariveles that is under testing and commissioning ‘no, undergoing. Hindi lang po sila makapasok pa sa linya because that is a grid issue ‘no, at pinarating na namin sa NGCP nga po at saka sa ERC.

Gusto ko nga po sana na iyong bagong planta na iyan na papasok na po ‘no, gusto ko na nga po sanang ipapasok eh, bigyan ko ng emergency order, papasukin. Kaya nga lang po hindi natatapos iyong mga technical works on testing and commissioning so ginagawa po iyon. So papasok po siguro iyon maybe in another 2 weeks pasok po iyon ‘no, so bagong planta po iyon.

So nandiyan po iyon, so you can be assured that there are enough supplies as far as policy and construction are concerned ‘no, na makakaasa po ang publiko na your DOE, na this government is on top of these things.

Ngayon iyong doon naman po sa COVID, sa vaccines ‘no, hindi lang po, ang redundancy po diyan hindi lang po isa – tatlo, apat ang redundancy po – na kapag nawala po itong isang ang supply, mayroon po iyan, patung-patong po ang redundancy po niyan – iyan po sinisigurado natin.

Kahit po doon sa election, ganoon din po ang ginagawa natin. We are aware, we are aware of the needs and we have been asking our industry players. And let’s not forget, let’s not forget that all of these ‘no, itong power, itong electricity po are all in the hands of the private sectors ‘no. We just lay down the policy, make sure that everything is addressed, iyon po ang ginagawa namin. Kaya iyong pagbagsak po nitong power plants na ito, iniimbestigahan po namin – ano po ang pangyayaring ito para to protect the interest of the public, the consumers.

IVAN MAYRINA/GMA7: Sec., salamat po. One last po for Secretary Bello, Spox, if I may?

DOLE SEC. BELLO: Hi, Ivan.

SEC. ROQUE: Okay, go ahead.

IVAN MAYRINA/GMA7: Sec., mayroon po bang guidelines na tayong ilalabas o inilabas para sa mga OFW at seafarer tungkol po sa kanilang pagbabakuna? I would assume may special arrangement po sa kanila dahil sila iyong sektor na puwedeng mamili ng mga bakuna.

DOLE SEC. BELLO: Well, unang-una, Ivan, iyong ating mga OFWs na who are about to leave within 4 months, naisama na sila sa A1. But I am asking Secretary Galvez na kung maaari, iyong colatilla na within 4 months ay alisin na kasi iba ang proseso sa deployment eh, you do not know when they will be called agad to be deployed. So kung maaari basta OFW ka sana, A1 ka na para sa ganoon ay mabakunahan ka na and anytime that you will be asked to be deployed, lalung-lalo na ito ng mga seafarers kasi anytime tatawagan sila noong mga—anong tawag doon sa mga barko na ano – iyong cruise ship, anytime kakailanganin sila and they have to go. Hindi sila puwedeng hintayin so always on the ready ang mga OFW natin lalung-lalo na ang mga seafarers.

IVAN MAYRINA/GMA7: So may special lane nga po ba sa kanila, Sec., at ano ho ang kailangan nilang iprisentang ebidensiya? Not just seafarers but OFWs in general.

DOLE SEC. BELLO: Wala naman. Actually, wala pa namang ano except for KSA, iyong Kingdom of Saudi Arabia na kailangan na mabakunahan nang gusto nila, wala pa namang ganoong incidents sa other countries. They are free go to there, ang only request nila, requirement nila is that pagdating nila doon, they will have to be swabbed and then they will be quarantined.

SEC. ROQUE: Okay. Well kung dadagdag ko lang ‘no, Ivan. Doon sa huling Talk to the People, nilabas ko po iyang issue ng ating mga seafarers, ang kanilang niri-request ay iyon nga po, ang hihingin nilang dapat sa mga seafarers ay iyong kanilang seaman’s book at saka kung pupuwede doon pa sa LGU nila kung saan sila nakatira ay doon na sila magpabakuna bago pa pumunta sa Maynila nang hindi magtipun-tipon dito sa Manila iyong mga magpapabakuna.

At iyong mga pabalik naman sa Pilipinas, ang request nila eh matapos ang quarantine ay kung pupuwedeng mabakunahan na sila. Tinalaga po ni Presidente si Secretary Galvez para i-implement itong mga request ng mga OFWs at saka mga seamen in particular kung ito po ay karapat-dapat na ma-implement.

Okay. Thank you, Ivan.

IVAN MAYRINA/GMA7: Thank you very much. Secretary Bello, Secretary Cusi sir, thank you.

DOLE SEC. BELLO: Thank you, Ivan.

SEC. ROQUE: Thank you, Ivan. Punta naman tayo kay Mela Lesmoras again, please.

MELA LESMORAS/PTV4:  Secretary Roque, for Secretary Cusi naman po ito from Kris Jose of Remate. Iyong unang tanong po ni Kris ay naitanong na, iyong supply sa Samar dahil nga sa Bagyong Dante. Iyong pangalawang tanong naman po niya, Secretary Cusi: Kumusta naman ang relasyon ninyo bilang PDP-Laban vice chairman sa PDP-Laban ni Senator Manny Pacquiao na acting president ng partido? May namumuo po bang tensiyon sa pagitan ninyong dalawa at tensiyon sa partido? At sa tingin ninyo po ba, aalis si Senator Pacquiao sa partido?

DOE SEC. CUSI: Napakahirap namang tanong niyan dahil hindi naman po ako mag—well I’m not the one—hindi ko masasagot iyong tanong na ganoon ‘no. Pero this is what I can say, iyong ginagawa namin sa partido ‘no, this is to strengthen the party and to have that unity and work together ‘no. Wala naman iyan, you have not seen me speak anything against anybody, wala po akong kinukuwan diyan. And everything that we have done, even this national council meeting is for the party, nothing more ‘no. Wala pong kuwan diyan, it’s not for anybody, it’s not for any personality but for the party.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. For Secretary Roque naman po from Kris Jose pa rin of Remate: Reaksiyon sa sinabi at naging panawagan ng ilang progresibong grupo, kabilang na ang isang dating miyembro ng Gabinete ni Pangulong Duterte, na dapat tutulan ang pag-usad ng Charter Change at pagka-nominate kay PRRD ng kaniyang partido upang tumakbo sa 2022. Nasa likod daw nito ang desperadong tangka ng Pangulo para mapanatili sa kapangyarihan.

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, iyong pagpo-propose ng amendments ay nasa hurisdiksyon at katungkulan po ng ating Kongreso ‘no dahil sila po ay bumubuo ng constituent assembly to propose amendments to the Constitution; trabaho po talaga nila iyon, wala naman pong kinalaman ang Presidente diyan. Taumbayan po ang magdidesisyon kung sila po ay papabor sa mga amendments na ipu-propose.

Pangalawa, wala pong proposal sa ngayon ang nagsasabi na palalawigin ang termino ng ating Presidente; ang nominasyon po ay para tumakbo bilang bise presidente ang ating Presidente. So wala pong basehan iyong sinasabi na mayroong desperadong tangka para mapanatili sa kapangyarihan. Hinding-hindi po mananatili bilang presidente si Presidente Duterte beyond his term of office in June 30 of next year.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. From Jam Punzalan of ABS-CBN Online naman po, Secretary Roque: There is a report that some volunteers are gathering signatures and seeking the help of barangay captains in the middle of a pandemic to urge of Mayor Sara Duterte to run as president. Is this okay with the IATF’s rules? Even if it is allowed, is it appropriate?

SEC. ROQUE: Well, ang masasabi ko lang po diyan, we cannot answer yes or no. Depende po iyan sa quarantine classification dahil alam naman natin na mas maraming movements na allowed sa mga MGCQ areas kung ikukumpara sa GCQ at definitely, hindi iyan pupuwede sa MECQ at ECQ. So depende po iyan sa quarantine classification at depende rin po iyan sa patakaran ng lokal na pamahalaan.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Secretary Roque, from Jam Punzalan pa rin po: There are some text messages encouraging people to get vaccinated. In the end, it says, “From President Duterte at Mayor Sara Duterte #safepilipinas #safedavao”. Does government have anything to do with this? What would you like to say to people who are responsible for this?

SEC. ROQUE: Well, ako po iyong in-charge sa communications pagdating po sa bakuna ‘no, at I can say na bagama’t ang Presidente po ang best communicator, hindi po kami nagpapakalat ng ganiyang text.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Ito naman, Sec Roque, puwede rin pong sagutin ni Secretary [garbled]. Israel has summoned our ambassador after the Philippines voted in favor of investigating alleged abuses in Palestinian territories. Why did we vote this way considering that historically, we have friendly ties with Israel? How will we make sure this doesn’t affect our OFWs?

SEC. ROQUE: Sagutin ko muna iyong issue ng foreign affairs ‘no. Alam ninyo po, the President does not micromanage ‘no. Although he is the chief architect of foreign policy, iyong paano po buboto ang ating delegasyon sa UN, sa UN Human Rights Council, ay pinauubaya po niya sa ating delegasyon. At ang delegasyon naman po natin ay mayroon po silang record na consistently naman po ang ating boto ay pabor po doon sa tinatawag na karapatan ng mga Palestino na magkaroon ng estado, in the same way na sinuportahan din po natin ang Israel noong binuo po ang Israel bilang isang bansa.

So we defer po to the decision of our Department of Foreign Affairs. At saka iyong boto pong iyan sa UN Human Rights Council does not in any way, or should not in any way affect our excellent bilateral relations with Israel. In fact, isa po sa napuntahang lugar ni Presidente na paborito niya ay ang Israel ‘no. At isa sa inaasahan ng Presidente na tumulong lalung-lalo na sa modernization ng ating Hukbong Sandatahan ay ang bansa ring Israel. Inaayos po natin iyong non-stop flight from Israel to the Philippines. So wala naman pong kinalaman iyan doon sa napakalapit na samahan natin with the state of Israel.

Siguro si Sec. Bello can answer the question on the OFWs.

DOLE SEC. BELLO: Okay. Mela, as far as our OFWs are concerned, wala namang negative effect. In fact, I just had a talk with their ambassador dahil mayroon tayong—remember, when I enforced iyong temporary suspension of deployment at saka iyong because of the infighting between the Israeli and the Hamas, nag-declare ako ng temporary suspension, hinihingi nila na i-lift ko na iyon. Pero sabi ko naman, we have to be very sure that if we deploy our OFWs, kailangan sigurado tayo sa kanilang kaligtasan.

And that is what I’m waiting for, an advice from Secretary Locsin and our labor attaché as to the security situation there. And the moment na maliwanag na na ligtas sa kapahamakan ang ating OFW, I will immediately issue the order deploying them. And they are very much needed. They are asking for five thousand caregivers and hotel workers, Mela.

SEC. ROQUE:   Now, because of the sensitivity of this issue, let me quote the statement of the Department of Foreign Affairs which we adopt as our own.

The Philippines’ traditional position in the United Nations has been to go with the Palestinian cause. Each year there are several of these recurring Israel vs Palestine resolutions that the UN normally passes these resolutions with the majority vote in favour of the Palestinians, so, usually it is the US and Israel who are traditionally voting against it.  In short, our vote has been consistent with the previous positions of the Philippines. Although we say that, at the same time we very much value our bilateral relations with Israel.

So, we adopt the position of course of the Department of Foreign Affairs.

MELA LESMORAS/PTV:   Okay. Maricel Halili of TV5 naman po, I think this is for Secretary Cusi: With the continuous veering of Senator Pacquiao against you, how will this affect the campaign plans of the party? Will this not cause a splinter?

SEC. CUSI:   Ayaw ko na po munang magsalita tungkol sa bagay na iyan and I’m sure they will [come to terms]. Magkakaintindihan din po iyan because we are not doing anything against anybody and it is for the party, so wala po kaming dapat pagtalunan doon.

MELA LESMORAS/PTV:   Okay. Follow-up lang po ni Maricel Halili: Is Duterte-Duterte tandem a wise for the party?

SEC. CUSI:   Ano po ang tanong? If Duterte-Duterte ang tatakbo?

SEC. ROQUE:   Is it wise for the party daw ho?

MELA LESMORAS/PTV:   Is the Duterte-Duterte wise for the party po?

SEC. CUSI:   Eh ‘di Spox can better answer it.

SEC. ROQUE:   Ikaw talaga, Secretary Cusi. Let’s just put it this way, nagkaroon na ng Duterte-Duterte in Davao and let’s ask the people of Davao if it was good for the city because that could also be a clue ‘no that could help us decide if a Duterte-Duterte tandem will be good for the country.

MELA LESMORAS/PTV:  Okay. From Llanesca Panti of GMA News Online naman po, Secretary Roque: Follow-up sa EO 138, why is there a need for a gratuity equity fund when the Mandanas ruling already increased the LGU share in collected taxes? How will that fund be distributed during an election year?

SEC. ROQUE:   Well, alam mo, ang katunayan po kasi although all LGUs will receive 50% more or less more IRA. Not all LGUs have the same IRAs – mayroong malaki, mayroong maliit. So, itong equity fund pong ito, gratuity equity fund ay para bigyan naman ng additional na tustos na pondo iyong maliliit pa rin na IRA maski mai-increase by 50% ang kanilang mga IRA.

MELA LESMORAS/PTV:   Okay. From Maki Pulido of GMA News para naman po kay Secretary Cusi: Do you suspect that a play was made to increase spot prices at the wholesale electricity spot market?

SEC. CUSI:   As I have said earlier, that matter is being investigated.

MELA LESMORAS/PTV:   From Catherine Valente of The Manila Times, follow-up lang din po, Secretary Cusi: Any contingencies for the vaccines? There are vaccines na kailangan ng cold storage, paano po kung walang kuryente?

SEC. CUSI:   Sinasabi ko na po na itong sa vaccine po – together with the IATF, with DOE, IATF, the cooperatives, the NEA, before even the vaccines arrived, we already planned how to handle it. Ang sabi nga po natin kanina, there’s a primary source, secondary source, tertiary source, fourth source and everything just in case there will be loss of power. So, may mga redundancy na po na nakahanda diyan.

MELA LESMORAS/PTV:   And another follow-up lang po, Secretary Cusi, mula pa rin kay Catherine Valente: Can we also get Secretary Cusi’s reaction on the statement of Senator Pacquiao that if he were the President, he would remove him over the power interruptions?

SEC. CUSI:   Well, just like the other secretaries, we serve at the pleasure of the President.

MELA LESMORAS/PTV:   Secretary Cusi, para pa rin po sa inyo from Einjhel Ronquillo of DZXL, follow-up din po, baka may maa-add pa po tayo: Bakit tuwing panahon na lang ng tag-init nagsasagawa ng preventive maintenance ang ilang planta ng kuryente? Kada taon nating problema ang power shortage at kada taon na rin po may rotational brownout. Ano po ang long term solution natin dito?

SEC. CUSI:   Ang solution po natin dito ‘no, una iyong sa brownout, sa preventive maintenance po that is programmed. There is a scheduled maintenance and that is being monitored and scheduled by NGCP, so that’s very transparent po ano, wala po tayong problema diyan.

Now, iyong kapag nagkakaroon po ito ng aberya, that is something na not within our control ‘no. So, papaano po natin maiiwasan po uli ito? Sabi nga po natin kanina, is to establish a required reserve.

We have a policy already na iyong atin pong tina-target po na reserve na excess from supply will be 20% from peak demand ‘no, from the determined peak demand plus 20%. So, ang kailangan po ang ancillary reserve na dapat po sinu-supply ng NGCP eh talaga pong mailagay diyan, nandiyan na po. Matagal na po nating kinukuwan iyan, kakapasok ko lang po sa DOE nahabol ko na po iyan.

MELA LESMORAS/PTV:   Opo. Thank you po, Secretary Cusi.

For Secretary Roque, from Kyle Atienza of Business World. I understand naitanong na po ito ni Trish kanina pero baka may ia-add pa po tayo: Even medical experts have been urging the government to have the implementation of face shield mandate [scrapped] saying there’s zero evidence of its benefit and it’s environmentally harmful. Ano pong masasabi natin dito?

SEC. ROQUE:   Well, nasagot ko na po iyan. As I said, iyong iginagalang kong dalubhasa at doktor, si Dr. Salvaña eh nagsabi na mayroon pa ring benepisyo po ang pagsuot ng face shield.

MELA LESMORAS/PTV:   Opo. I think, Secretary Roque overtime na raw po tayo. Iyong ibang tanong ng media isi-send na lang po sa MPC Viber group.

SEC. ROQUE:   Okay. Maraming salamat sa ating mga naging panauhin, Secretary Cusi at saka Secretary Bello.

SEC. BELLO:   Thank you.

SEC. ROQUE:   Maraming salamat sa iyo, Mela, for standing in for Usec. Rocky. Maraming, maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi: Ang WHO na po ang nagsabi na lahat ng bakuna na ginagamit natin ngayon sa Pilipinas ay ligtas at epektibo. Huwag na pong mag-alinlangan dahil sadyang mas nakakahawa po ang mga bagong variant. Habang nariyan po ang bakuna, magpabakuna na po tayo, protektahan natin ang ating mga sarili, protektahan natin ang ating mga mahal sa buhay.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)