USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas.
Mula sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Ngayong araw ng Sabado, samahan ninyo kaming muli para sa makabuluhang talakayan kaugnay sa mga isyu ng bansa. Makakasama natin ang mga kawani mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na handang sumagot sa tanong ng bayan kaya tumutok lamang po kayo dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa sina Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion; Department of Budget and Management Secretary Wendel Avisado; at si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Kung may tanong o mensahe po kayo sa kanila, mag-comment lamang po sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube accounts.
Para sa ating unang balita: Bilang pagkilala sa hindi matatawarang sakripisyo ng mga health workers at iba pang government frontliners ngayong panahon ng pandemya, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order # 42 at 43 na layong bigyan sila ng special risk allowance. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Alamin naman natin ang ginagawang paghahanda para sa isasagawang mass vaccination sa Lunes, June 7, ng ating mga economic frontliners, makakasama po natin si Secretary Joey Concepcion, ang Presidential Adviser for Entrepreneurship. Good morning po, Secretary.
SEC. CONCEPCION: Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa Lunes nga po ay magkakaroon tayo ng ceremonial vaccination ng mga nasa A4 sector. Ilan po ang inaasahan nating attendees dito? At saan-saang industriya po sila galing? At sila po ba ay pre-registered participants na?
SEC. CONCEPCION: Sa gaganaping [garbled] sa Monday, kami ni Chairman Abalos at ako na we will [garbled] to really implement iyong vaccination program namin sa private sector. Iyong mga ibang [garbled] I believe [garbled] from Zoom ‘no. So kami ni Abalos at si Sec. Galvez, we will be there physically. Pero preparado ang private sector matagal na pero dito sa ibang bakuna [garbled] may konting delay lang.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, alam na po ba nila kung anong bakuna iyong posibleng iturok sa kanila? At kung hindi pa, paano po kung may mag-defer daw pong mabakunahan sa kanila, may substitute po ba tayo?
SEC. CONCEPCION: Well, iyong darating na [garbled] ang AstraZeneca ‘no. Itong 1.17 million, darating ng mid-July at mid-August, so sigurado na iyan and then, tuluy-tuloy iyan. Almost 17 million doses, 5.5 para sa private sector at 11 million plus doses para sa 39 LGUs ‘no.
So nakalatag na iyan. Iyong provider namin, iyong logistics provider namin ay ang Zuellig. At [garbled] private sector, sila na ang kumuha ng mga private sector vaccine centers ‘no. Marami iyan, over 200 sa listahan. Iyong Ayala, iyong Unilab, sila ang mag-i-implement dito sa pagbabakuna ng mga empleyado namin.
So iyong [garbled] ng Moderna, dadating pa iyan ng third [garbled]. At iyong Indian vaccines, darating pa rin iyan ng third quarter. Pero karamihan ng mga vaccines para sa A4 na galing sa private sector ay iyong AstraZeneca starting July [garbled].
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, balik tayo sa mass vaccination. Paano naman daw po sinisiguro na hindi malalabag ang health protocols sa darating na Lunes dito nga po sa ating mass vaccination?
SEC. CONCEPCION: Well, alam ko itong programa [garbled] it’s by the National Task Force at iyong T3 ‘no. So isa sa ceremonial na gagawin dito sa Mall of Asia [garbled] mga representative at karamihan diyan na mag-a-attend dito ay mula sa Zoom ‘no. Ang primary concern lang namin sa private sector ay iyong [garbled]. Marami kaming mga programa for our employees to help them and make … help convince them to get the vaccine. Iyon ang importante kasi marami kaming binili at iyong [garbled] iyong government [garbled] kunin ang donation namin ‘no – sa amin na lang daw iyan sabi ni Secretary [garbled]. So mas maraming vaccine ang makukuha namin pero towards the end of the year ‘til next year ‘no.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, magagarantiyahan po ba kung saan makukuha naman iyong second dose sa pribadong sektor po?
SEC. CONCEPCION: So on Monday, itong grupo ng AstraZeneca, na bumili ng AstraZeneca almost over 530 [garbled] bumili dito. Well, scheduled [garbled] allocation per company. We will send it out by next week. So each one will have their own schedules. So the arrivals after August [garbled] we will furnish them those arrivals eventually. But for now, July and August, very clear that [garbled]. So easily over one million we’ll be able to implement the first dose ‘no.
And we will see if we have a better clarity, iyong quantity na darating sa September, October, [garbled] on August can be implemented as first dose. So iyon ang balak namin. So we just need more visibility for the AstraZeneca arrivals for the months of September and October then we can determine when does the second dose [garbled] ‘no.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, gaano po kalaki iyong maitutulong nitong pagsisimula na nga po o pagkakaroon natin ng mass vaccination tulad nito para mahikayat po ang ating mga economic frontliners na magpabakuna na? At siyempre sa pagsisimula po ng mass vaccination, ano po ang maitutulong nito sa ating ekonomiya?
SEC. CONCEPCION: Ito ang pinaka-solution at wala nang ibang solution para manalo tayo dito sa COVID-19 ‘no. Iyong ginagawa natin na social distancing at wearing of face mask and face shield nakakatulong iyan. Pero if you want to eventually win the war and itong infection natin talagang at dapat babagsak, nakikita natin dito sa ibang bansa – Israel, America only at 50% ‘no and they are now opening the economy. So the opening of the economy and continue to maintain iyong level of infection on a downward trend, iyong bakuna lang ang solusyon natin.
So talagang humihingi kami ng tulong sa lahat ng mamamayan dito sa Pilipinas that itong bakuna ang pinakaimportanteng armas natin panlaban sa COVID-19. At makikita natin na ang dami dito sa ibang bansa, nakita natin din sa India na mataas talaga iyong infection level, at a very huge levels. Pero when they start to launch iyong mga bakuna nila sa mga tao, you can see not it’s under control ‘no. At kaya nakikita natin rin dito iyong bisa ng AstraZeneca na ginagamit rin nila dito sa India, talagang 97% ‘no, effective against the Indian variant.
So, we really want to open the economy and have a merry Christmas, itong taon na ito but we have to achieve at least in NCR Plus a herd immunity. We are targeting at 70% pero even at 50% malaki na ‘yan ‘no.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary speaking of panghihikayat, marami pong establishment na iyong nagbibigay ng diskuwento at iba pang perks sa ating mga vaccinated individuals. Maaari ninyo po ba kaming bigyan ng update dito sa programang ito? Hanggang kailan po ba ito posibleng tumakbo o ma-implement?
SEC. CONCEPCION: Lahat ng mga company na nagbibigay ng promo sa kumuha ng bakuna ‘no – the Philippine Franchise Association, ang grupo ng mga restaurants diyan, ng Restaurant PH, Philippine Retailers, Retailers din sa mga malls. So halos lahat ng private sector talagang ini-encourage lahat ng mga tao na kunin ang bakuna at nagbibigay sila ng mga ganitong perks hanggang tumaas talaga iyong acceptance dito sa mga tao natin para kunin ang bakuna.
Ako, ang pinaka-biggest benefit sa kukuha ng bakuna – that he will be safe ‘no and he will not infect others. So nakikita natin that kung ma-infect ka rin, you will not have a severe illness ‘no dahil dito sa bakuna – iyon ang pinakamalaking benefit. And iyong mga mahal natin sa buhay, iyong mga nanay at tatay natin, mga grandparents maprotektahan din. Iyan ang importante, that they should be protected. So, that is to me, the biggest benefit [garbled]…
USEC. IGNACIO: Opo. Napuputul-putol ang linya ng ating komunikasyon, Secretary. Naririnig ninyo po ako, Secretary?
SEC. CONCEPCION: [Garbled]
USEC. IGNACIO: Babalikan po namin kayo.
Sa iba pang balita: Nasa animnapu’t walong milyong piso ang iniwang pinsala ng Bagyong Dante sa agrikultura at imprastraktura ng bansa. Ilang mga kababayan din natin mula sa Visayas at Mindanao ang lubhang apektado dahil sa pananalasa ng bagyo. Nakatakda namang hatiran ng tulong ng outreach team ni Senator Bong Go ang mga kababayan nating pansamantalang tumutuloy sa evacuation centers. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Muli po nating balikan si Secretary Concepcion. Secretary?
SEC. CONCEPCION: Yeah. Rocky, nandito na ako.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may panawagan nga po na gawing digital itong vaccination card para sa mas mabilis na validation sa mga establishment. Nakikipag-ugnayan na po ba kayo sa IATF tungkol dito?
SEC. CONCEPCION: Wala pa. I was able to talk to CabSec Nograles na magmi-meeting kami. Nag-organize kami ng grupo dito sa private sector, kasama dito sa PRA (Philippine Retailers Association), PFA (Philippine Franchising Association), iyong tourism group at iyong restaurant, lahat sila ‘no. Itong mga bakuna card dito sa LGU okay naman ito pero eventually kailangan maging digital ito at isang look ‘no para kung gamitin natin dito sa mga domestic at foreign travels ay madaling ma-verify kung fake or not ‘no. Pero iyong transition niyan importante.
Balita ko ang DICT ni Secretary Honasan ang hahawak dito ‘no. Pero sana dapat imadali natin ito kasi ang pinu-push ng private sector ay iyong mga kumuha ng bakuna ang dapat mabigyan nang greater mobility ‘no. At dito nakikita natin ngayon, pumayag na rin sila, ang IATF, na imbes na ang quarantine 14 days, ibaba nila ng 7 days sa may kumuha ng mga bakuna dito sa Pilipinas ‘no. At malaking bagay rin iyan ;no na iyong quarantine binaba at iyong hindi na kailangan ng PCR test, they will determine on the symptoms.
Pero dapat gawin natin ito eventually sa domestic travel, malaking bagay ito pagbukas ng economy. Iyong mga tao na kumuha ng bakuna, wala nang PCR test kasi pagbiyahe nila sa ibang tourist destinations, malaking savings rin iyan ‘no.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, panghuli na lamang po. On track daw po ang mga in-order ng pribadong sektor na mga bakuna sa kasalukuyan?
SEC. CONCEPCION: Well, itong AstraZeneca 1.17 million, darating sa July at August – sigurado na iyan. Dito naman sa Novavax at Covaxin, kahit may kaunting problema dito ngayon sa India, pinagbawalan nila iyong pag-export pero mukhang papayag na iyong Indian government na i-export. So ang tingin ng mga EUA holder na humahawak nito, iyong Faberco at Ambica baka dumating dito bandang 3rd quarter. Itong Moderna, 25% of the order of the private sector ay baka mag-uumpisa dito sa July, malaking bagay rin iyan, sa July/August ‘no. So iyong pinakabulto ng mga orders ng private sector darating mula July onward na iyan, marami na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion.
SEC. CONCEPCION: Salamat rin, Rocky. Thank you.
USEC. IGNACIO: Samantala, makakasama naman natin ngayon si Secretary Wendel Avisado ng Department of Budget and Management para bigyan tayo ng ilang updates kaugnay sa estado ng ating COVID-19 loans at preparasyon rin ng gobyerno para sa 2022 national budget. Magandang umaga po, Secretary Avisado.
DBM SEC. AVISADO: Magandang umaga Usec. Rocky at sa lahat ng mga sumusubaybay sa programa natin ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, inaprubahan nga po ni Pangulong Duterte ang extension ng Bayanihan Law II. Hanggang kailan na po iyong validity nito? At bakit daw po kinakailangan itong i-extend?
DBM SEC. AVISADO: Alam ninyo po, sa taong ito ay nag-allocate po tayo ng 82.5 billion for COVID-19 vaccination program. Of this amount, 70 billion po iyong ginamit natin para ipambilli ng mga COVID-19 vaccines, at iyong 12.5 billion naman ay para sa ancillary and logistical requirements. Subalit hindi po tayo natatapos dito dahil talagang kailangan pa natin nang mas marami pang vaccine, at nakikipag-unahan nga tayo sa ibang bansa. Kaya nga po itong lahat ng ito ay covered ng mga loan agreements – pupuntahan natin iyan maya-maya lang.
In the meantime, bakit kailangan kumuha nga sa contingency fund ay dahil nga po talagang kulang ang pondo natin. Ang totohanan niyan, kaka-approve lang ng ating Pangulo ng 2.5 billion, equivalent to US $56 million, chargeable against the 2021 contingency fund. Ang amount po na ito will cover the payment of around four million doses of vaccines and its corresponding logistical and administrative cost which is expected to be—na ma-deliver ngayong buwan.
Kaya po ako nag-release ng special allotment release order at saka notice of cash allocation sa Department of Health para po sa bagay na ito.
Ang contingency fund natin para sa taong ito ay nasa 13 billion, at ito ay puwede lang gamitin upon approval of the President. This will cover the funding requirements of new and urgent measures and activities or projects of national government, kaya kailangan din na ma-implement within the year at mabayaran this year. At saka ito, ang pondo ay iri-release directly sa mga ahensiya except iyong mga LGUs at saka GOCCs na idadaan sa BTr, sa Bureau of Treasury.
Madaling sabi, hindi lang po talaga 82.5 billion ang gagastusin natin ngayong taon para sa pagbili ng vaccines, Usec. Rocky, kaya nga ba pati contingency fund ay kailangan nang gamitin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, nasa magkano po ba iyong pinag-uusapan nating pondo na kailangan pang i-release under Bayanihan II?
DBM SEC. AVISADO: Under Bayanihan II po, ang na-allocate na ay 2.5 billion. Of this, 70 billion will be used for vaccine procurement at saka iyong sa logistical support naman. Sa ngayon po, out of the 70 billion allocation for vaccine procurement, 59.39 billion na po ang nari-release natin sa DOH. At ito nga po ay to finance the [unclear] loan agreements with multilateral institutions such as the Asian Development Bank, World Bank, and the Asian Infrastructure Investment Bank.
So mayroon na lang pong 10.61 billion ang hindi pa nari-release sa DOH, at iri-release namin once magkaroon ng special budget request from the DOH.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kamakailan din po ay inaprubahan ni Pangulong Duterte itong hazard pay para sa mga government employees sa mga lugar na nasa ilalim po ng ECQ at MECQ. Nandiyan din po ba iyong special risk allowance para po sa health workers na ibinalita po namin kanina? So may sapat po ba tayong budget para rito gaya po sa hazard pay na continuing po ngayon dahil maraming lugar sa bansa ang muli pong itinataas sa mahigpit na quarantine status?
DBM SEC. AVISADO: Sa funding ng hazard pay ‘no, nakapaloob iyan sa Administrative Order # 43 which authorized the grant of COVID-19 hazard pay to all government workers who physically report to work during the implementation of either Modified Enhanced Community Quarantine—qualified workers including regular, contractual, contract of service and job order positions shall receive an amount not exceeding 500 per day when they actually report for work.
Ang mga pondo po na panggagalingan nito ay for the national government agencies at saka mga state universities and colleges:
- Kung regular and contractual employees iyan, doon iyan kukunin sa kanilang personal services allotments.
- Para naman sa contract of service or job order, doon naman iyan kukunin sa maintenance and other operating expenses o MOOE allotments.
- Para naman sa government-owned and -controlled corporations, sa lahat ng mga empleyado nila, kukunin naman iyan doon sa kanilang respective approved corporate operating budget within the fiscal year.
- At para naman sa mga local government units, lahat po iyan, all local government employees including those in the barangays, kukunin naman iyan sa kanilang current years local government funds.
- So kung mayroon namang entity who will have insufficient funds to fully covered the COVID-19 hazard pay at the rate of 500 pesos per day per person, a lower but uniformed rate may be granted to all qualified personnel.
So ito pong newly approved administrative order effectively amends AO # 26 issued last year which covers only employees who report to work during the implementation of the Enhanced Community Quarantine.
So iyan po ang kabuuan ng sinasabi natin na sino pa ba at patuloy pa ang pagbabayad ng ating hazard pay.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumusta naman daw po iyong status ng ating mga loans sa mga financial institutions? Iyong mga nabalitaang loans granted sa Pilipinas, ibig sabihin po ba nito ay hindi pa natin iyan hawak?
DBM SEC. AVISADO: Wala naman po tayo talagang hinahawakang pera diyan dahil ang sistema po ng paggamit natin ng hiniram natin na pera ay direktang … kung galing iyan sa ADB, ADB mismo ang magbabayad doon sa pharmaceutical company na siyang nagbenta sa atin ng vaccine. Wala pong perang dumadaan sa atin po.
Ang memorandum of agreement diyan ay mismong iyong nagpapautang ang siyang magbabayad doon sa pinagmulan ng vaccine. Ganoon din sa Asian Investment and Infrastructure Bank of China.
Kaya po ang atin lamang ay sinisiguro natin na iyong inuutang natin ay mayroong counterpart na pondo na inilaan natin sa ating national budget. Kaya po masiguro natin na talagang kapag kailangan na bilhin, mabibili natin at gagamitin nga natin iyong loan agreements natin with the Asian Development Bank or the World Bank or with the Asian Investment and Infrastructure Bank po.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa unang buwan ng pandemic ay naging maganda po ang accountability at transparency performance natin base po sa isinasagawang assessment survey ng IBP o International Budget Partnership. Ngayon po kumusta na po ba ito? Confident po ba tayo na kung magkakaroon ulit ng survey ay parehas pa rin pong positibo ang magiging resulta?
DBM SEC. AVISADO: Maliwanag po na isa lang tayo doon sa apat na talagang substantive iyong ating budget process at iyong budget transparency na nakikita talaga ng taumbayan kung papaano natin ginagamit iyong perang inilaan natin para sa COVID-19 pandemic. At kasama natin diyan ang Peru, Australia, at tayo nga, at iyong isang bansa na nakalimutan ko lang. Basta apat lang tayo of all the 120 countries that were audited in terms of budget transparency. Kaya po talagang substantive ang ating ginawang paghahanda. Bagama’t sa mga unang panahon ay we were lagging behind dahil nga may proseso rin tayong ipinakita at kung papaano rin ang kahandaan na ginawa natin. [Garbled] sa pag-audit na po sa atin, nakita po nila na talagang—
Ngayon makita naman natin, tayo na ang nangunguna in terms of vaccine administration at iyong pagpabakuna sa ating mga kababayan the entire ASEAN nations. At dito, proud na proud po tayo dahil kahit na papaano nakilala po iyong ginawa ng ating pamahalaan sa COVID-19 pandemic.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Wendel, may tanong lang po si Reymund Tinaza ng Bombo Radyo: Sabi daw ninyo baka hindi lang 82 billion ang kakailanganin for vaccine this year. Any estimate kung magkano kaya aabutin lahat-lahat daw po?
DBM SEC. AVISADO: Ang Department of Finance po ay nagsabi na mayroon pang kakailanganin sigurong additional na 25 billion if I’m not mistaken dahil mayroon pang mga ano eh, kahit na papaanong kuwenta natin, mayroon pa ring mga kakulangan pa rin. Kahit na iyong ating Special Amelioration Program, sa kuwenta-kuwenta natin ay mayroon pa ring kakulangan. So iyon ay pinaghahandaan din naman ng pamahalaan iyon.
At ito nga, una vez, noong mayroon tayong in-order na 4 million doses ay talagang ginamit natin iyong ating contingency fund para diyan dahil kinakailangan talaga. Subalit we have to really determine the entirety of the amount that is still needed more than what we have already approved in the current national budget in tandem with the Department of Finance kasi sila naman po ang maghahanap o mangangalap ng source para po dito.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po ni Reymund Tinaza ng Bombo Radyo: Pasado na sa Kamara iyong Bayanihan 3 pero may issue yata kung saan kukunin ang pondo para dito. Naresolba na ba ito o may available funds dito para sa Bayanihan 3 implementation sakali pong pumasa?
DBM SEC. AVISADO: Kami po nakikiisa naman sa layunin ng Kongreso. Ang issue nga lang po ay do we have enough funds to support it. Kaya po magpapatawag pa po ng meeting si Secretary Sonny Dominguez at pag-uusapan po namin kung saan talaga makalikom o makakalap upang masuportahan iyang ipinasa ng Kongreso.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary dahil nagsisimula na po iyong tag-ulan, kailangan rin po nating pagtuunan ng pansin ang pondo para po sa mga maaapektuhan ng kalamidad at disaster. Sa kasalukuyan po ba ay sapat ang National Disaster Risk Reduction Management Fund para sa darating na mga posibleng sakuna o kalamidad lalo na po’t nagamit na rin po ito para sa COVID response?
DBM SEC. AVISADO: Sa awa ng Diyos mayroon pa naman po tayong pondo at kahit na papaano talagang inaayos natin ang pag-a-administer o pagdadala at pagma-manage ng pondo na iyan dahil alam naman natin na hindi lang ngayon tayo magkakaroon ng mga ganiyang klaseng natural calamities kundi sa mga darating pang buwan. Dahil toward the end of the year lalo pa, sobrang dami nang pumapasok na bagyo sa atin. Subalit nakahanda naman po iyong ating National Disaster and Risk Reduction Management fund para po diyan. Makakaasa po kayo.
USEC. IGNACIO: Secretary, ilang buwan po bago magtapos ang taon, kumusta daw po ang preparasyon ng DBM at mga ahensiya para sa 2022 national budget? Nasunod naman daw po ba iyong target schedule para sa mga kailangang gawin para po sa isasagawang budget deliberation? At kailan din po ito sisimulan?
DBM SEC. AVISADO: Hinihintay po natin ang submission ng fiscal year 2020 budget proposal for tier 1 at forward estimates nila at iyong tier 2, iyong bagong spending nila from other and several departments and agencies. Para po sa tier 2 programs and projects, ito po iyong strategic programs that will be prioritize for funding given the very limited space, kaunting-kaunti lang po iyong ating fiscal space dahil alam naman natin na the bulk of the national government taxes will now be shared by the local government units in view of the Mandanas ruling.
Kaya po dito talaga ang unang-unang bibigyan ng prayoridad, iyong vaccination program natin lalo pa iyong booster shots at saka iyong national government assistance natin to disadvantaged local government units dahil nga sa imposition or implementation ng Mandanas ruling. Ang establishment po ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines at iyong Research Center for Disease and dito pa rin po sa family planning kasama po iyong nutrition, lalo’t higit itong National ID and the integration. At iyong programa natin under the Department of Public Works and Highways dahil po kailangan natin ng mga labor-intensive programs and iyong support natin sa DTI para sa pangkabuhayan at kahit pa sa Department of Labor and Employment po.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nagpapa-clarify lang po si Leila Salaverria ng Inquirer kasi nag-choppy daw po kanina: 25 billion po ba or 25 million iyong add na kailangan for vaccination na sinasabi ng Department of Finance?
DBM SEC. AVISADO: Billion po, billion. 25 billion po.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, maraming salamat sa inyong panahon. Secretary Wendel Avisado ng Department of Budget and Management. Salamat po sa inyong panahon, Secretary.
DBM SEC. AVISADO: Maraming salamat din Usec. Rocky at sa lahat po. Maraming salamat. God bless us all po.
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin si Aaron Bayato mula sa PBS-Radyo Pilipinas para sa pinakahuling balita mula sa mga lalawigan. Aaron?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Aaron Bayato ng PBS Radyo Pilipinas.
Pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa, base po sa report ng Department of Health kahapon, June 4, 2021:
- Umabot na sa 1,255,337 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 7,450 na mga bagong kaso.
- 181 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 21,537 ang total COVID-19 deaths.
- Ang mga kababayan naman po natin na gumaling na sa sakit ay umakyat na sa 1,173,006 matapos itong madagdagan ng 2,382 new recoveries kahapon.
- Samantala, unti-unti naman pong tumataas ang ating total active cases na sa kasalukuyan ay umaabot na po sa 60,794 or 4.8% po iyan sa kabuuang kaso ng Pilipinas.
Bagong protocol para sa mga kababayan nating nakatanggap na ng bakuna at tumaas na naman pong kaso ng COVID-19 sa bansa, iyan at iba pang update mula sa Kagawaran ng Kalusugan ang atin pong pag-uusapan kasama po natin si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Usec., good Morning po.
DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kahapon nga po ay inanunsiyo na iiklian na iyong quarantine period sa mga inbound passengers galing abroad basta sila ay nakapagpabakuna na dito sa bansa. Bakit daw po ang kikilalanin lang pong vaccine persons ay iyong mga nagpabakuna dito sa atin? Ano po ang paliwanag dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky. Actually ito pong proposal na ito, isang buo po ito hindi lang po iyong talagang Pilipino mayroon din mga tourist na foreigners, iyon pong balikbayan natin galing abroad. Kaya lang may challenge pa ho kasi tayo sa systems natin ngayon kung saan humahanap pa ho tayo ng means to verify iyong pong vaccination na manggagaling po sa ibang bansa and these can be in the form of a bilateral agreements with specific countries o di kaya maari po nating gamitin itong sistema na ginagamit na ngayon ng Bureau of Quarantine which is internationally recognized.
Kailangan lang po nating ayusin iyong sistema because we need to have a form of verification kapag ang isang tao ay nabakunahan sa ibang bansa.
Pangalawa po, kailangan din po natin makita at ma-inform ang ating public na ginagawa po natin ito in a phased implementation. Ibig sabihin gradual lang po nating gagawin iyan dahil nakikita pa rin ho na medyo may pagtaas pa rin ng kaso sa ating bansa; at pangalawa, hindi pa rin po ganoon kadami ang nababakunahan.
So, unti-unti po natin gagawin iyan, iyong ibang sektor na hindi pa ho natin naibilang dito ay maaring sa mga susunod na linggo o buwan ay makasama na rin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. May kaugnayan po iyong tanong diyan ni Red Mendoza ng Manila Times: Marami daw po ang nagsasabi na dapat daw isama sa seven day quarantine ang mga vaccinated individual, ang mga balikbayan na nabakunahan na sa kanilang host country? Ano po ang mga balakid para ito ay ipatupad ng kagawaran at maari po bang itong maikonsidera?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky. As what I have said ang major challenge ngayon is verification of these vaccination cards. Mayroon ng mga proposal galing sa Department of Foreign Affairs, galing sa ibang ahensiya katulad nga ng bilateral agreements with other country kung saan doon manggagaling ang ating mga kababayan.
As the tourist iba pa hong usapan iyan dahil ang mga turista bago natin papasukin kinu-consider din po natin iyong ating quarantine status sa Pilipinas at saka iyong pong vaccination coverage natin kung maari na rin po tayong magluwag when it comes to these kind of sector.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pa ring tanong ni Red Mendoza: Maari po ba daw ikonsidera ng Department of Health ang paggamit ng WHO sa alpabetong Greek sa pagpangalan ng variant sa susunod nitong genome sequencing report at ano po ang naging tugon ng mga eksperto dito at ng Philippine Genome Center?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes ma’am. So, kasalukuyang pinag-aaralan ng WHO itong pagri-rename ng variant into this Greek alphabet dahil sinasabi nga po nila na nagkakaroon ng stigma ang mga bansa kapag napapangalan ito sa mga bansa nila.
Ngunit ngayon po pinag-aaralan din ng ating mga eksperto at ang isa nga hong challenge na nakikita diyan, this might lead to confusion at ang isa pa ho nating problema diyan ay iyong reporting, baka magkakaroon tayo ng mga kakulangan sa pag-reporting because of these change into Greek alphabet letter.
But of course if the WHO would reclassify or would rename according to this susunod at susunod naman po tayo diyan kailangan lang pong ihanda natin ang ating sistema at makapagbigay ng tamang impormasyon sa mga tao para hindi po tayo naguguluhan.
USEC. IGNACIO: Panghuli pong tanong ni Red Mendoza: Ano na po ang naging tugon daw ng evaluation ng DOH sa protocol na ginagawa ng Cebu? May mga nakita bang dapat baguhin sa sistema or sapat na po ito para i-retain ng probinsiya ng Cebu?
DOH USEC. VERGEIRE: Ito po ay pinag-uusapan sa kasalukuyan, Usec Rocky. They have presented to the Office of the President and the President requested the DOH to evaluate and to provide recommendations based on their presentation to the President. So we already have submitted our recommendation yesterday afternoon and it will be the Office of the President to announce these decisions.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., bagama’t patuloy po daw iyong pagpapaigting natin sa vaccination campaign, hinimok din po ng DOH iyong mga LGU na alamin ang dahilan kung bakit marami pa rin po sa hanay ng A2 at A3 list ang hindi pa rin po nakakapagbakuna? Na-determine na po ba natin ito USec. at ano po daw iyong inihahandang plano o tugon ng Department of Health ukol dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky. So, base doon sa initial naming mga nakalap na report at saka information:
- Primarily nagkakaroon ng problema sa access because some LGUs and of course some families do not have internet connectivity para makapagpa-master list sila.
- Pangalawa, iyong ating mga nakakatakda specially if they are not living with their family, hirap po sila na pumasok sa mga ganitong klaseng application. So, hindi na lang sila magpapa-master list.
- And pangatlo, iyong kalayuan po ng vaccination site doon sa kanilang lugar kung saan marami po sa ating nakakatanda ay mahina na po at hindi na po makalabas ng bahay para po pumunta sa vaccination site.
So, these are the three things the we have identified which are para bang opportunity naman para sa ating gobyerno para mabigyan ng tugon.
So, mayroon na ho tayong mga advisories at saka pakikipag-ugnayan sa local governments to do house to house visitation of our senior citizens, they can set up post for master-listing, hindi kailangang ang mga nakakatanda or iyong may comorbidities ang gumawa sa bahay nila maaring magkaroon ng accessible na post kung saan may gagawa ng pagma-master list sa kanila na malapit sa kanilang mga tahanan; and pangatlo of course, kung maaari lang may mga shuttle buses that can take our senior citizens for other illegible vaccinees doon sa vaccination site. Para mawala po itong mga challenges na ito at mas bumilis at dumami ang puwede nating bakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec., paano naman daw po itong or may gagawin po ba daw ang DOH na proseso para bumalik sa takdang panahon iyong ating mga kababayan na kailangang kumuha ng kanilang second dose? Magkakaroon po ba kayo ng mga tao na magsisilbi na parang magiging taga-remind po ng due date ng kanilang second dose or ipapaubaya po natin or makikipagtulungan tayo sa LGUs?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Ma’am, actually there are different advisories already na naipalabas. Nagpalabas uli ang kagawaran through the vaccine cluster kung saan mayroon ho tayong mga iba’t-ibang schedule ng monitoring for our vaccinees. Mayroon ho tayong on the first month, mayroon tayo on the third month, sixth month and one year, pinapaikli na po natin ito para nakikita natin kung sino po iyong mga hindi nakakabalik for their second dose.
Now, mayroon hong mga tao sa local government na naka-assign naman po to be calling up or to be coordinating with these specific families or individuals na kailangan nang bumalik for their second dose. Gusto ko lang hong sabihin sa ating mga kababayan na kapag tiningnan ninyo iyong vaccination card ninyo may nakalagay din pong date diyan para sa second dose ninyo so, huwag ninyo hong kakaligtaan. Ito po ay ilagay na ninyo sa kalendaryo ninyo para makapunta kayo ng maayos for your second dose.
USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Bianca Dava ng ABS-CBN news: Has DOH observed higher vaccine confidence for Sinovac after its inclusion in the World Health Organization Emergency Use List? How will this affect our vaccination program?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, for Sinovac Ma’am, ito naman po itong WHO EUL, noong lumabas po iyan, of course, nakita ho natin na mas naging receptive ang ating mga kababayan sa bakunang ito at sa tingin ko ay nawala iyong pag-aagam-agam dahil napatunayan naman ng bakunang ito na ito ay kayang pumasa sa standards ng WHO. That alone proves that this vaccine will be effective and it’s going to provide that protection to our citizens. So, kapag tiningnan ho natin iyong pang-araw-araw natin na mga nababakunahan, pataas na ho ng pataas ito pong Sinovac na recipients natin for vaccination.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Bianca Dava: How do we ensure daw po operations and vaccination centers and cold storage facilities will not be hampered by power outages and strong rains?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Ma’am. So, nasagot po natin iyan kahapon, actually nagpalabas po ng advisory muli ang ating DOH. I would like to tell everybody at ang ating public na simula’t sapul pa naman kasama na po sa contingency plan ng mga vaccination sites natin itong mga anticipated na mga pag-ulan at pagkakaroon ng mga brownout.
So, may mga plano na po ang ating local government for these, but again we reiterated our advisory na kapag halimbawa nagkakaroon ng power outages kailangan po ready ang ating vaccination sites for their generator set. Kung wala naman po tayong mga back-up power, mayroon ho din tayong ipinag-uutos na kailangan ay lumipat sa mas malaking vaccination sites para po ma-preserve natin iyong potency ng bakuna. Kapag naman po sa mga pag-ulan at saka iyong mga binabaha, hindi na ho natin hihintayin na lumakas pa iyong mga ulan, kailangan po mailipat na natin iyong vaccination site sa isang safer place para naman po hindi ma-hamper ang pagbabakuna natin.
USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Michael Delizo ng ABS-CBN News: Kumusta po ang trend ng daily average cases sa Metro Manila? Sa pagtaas ng mga kaso nitong nakalipas na mga araw, saan po daw galing ang karamihan ng mga kaso?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky. So, mapapansin natin for these past days, tayo ay nag-a-average muli ng mas mataas kaysa doon sa previous two weeks natin. Sa previous two weeks natin for the rest of the country, iyong buong bansa, nag-a-average na lang tayo ng 5,200 plus. But this week, we saw na tumaas po sa 6,691 ang ating seven day moving average, daily average dito sa buong bansa at kapag tiningnan po natin na-outpace na po ng Mindanao ang National Capital Region kung saan ang Mindanao contributes to about 25% of the cases right now.
So, nakikita ho natin nagsi-shift po iyong mga burden of cases sa ibang lugar. Aside from Mindanao, we are also seeing rising cases in some parts of the Visayas region, also in some part of the Northern Luzon. So, ito po lahat ay nakikita natin and we always see there are a multitude of factors kung bakit po tumataas ang mga kaso and number one of cause would be there would be mobility of the population, pangalawa iyong compliance po natin sa health protocol and pangatlo iyong pong response po ng ating gobyerno both national and local, baka mayroon ho tayong nakikitang mga deficiency in detection, isolation and treatment, and the last and I think it’s very important – iyong pong epekto ng variant dito po sa mga tumataas nating kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow up question pa rin mula kay Michael Delizo: Ano po iyong nakikita ninyong contributing factors sa higit isang daang namamatay kada araw nitong mga nakalipas na araw?
DOH USEC. VERGEIRE: Katulad po ng sinasabi ko, iyon pong ating cases and even death nag-shift po siya. Makikita po natin na bagama’t dito sa National Capital Region mayroon pa rin hong mga naitatalang namamatay because of COVID-19 but we are seeing a rise in the number of deaths in other regions of the country as well. So, ito po iyong ating binabantayang maigi lalung-lalo na po iyong capacity ng ating mga hospital dito sa mga piling lugar na ito and we are really providing at utmost assistance para po matulungan natin sila at hindi po ma-overwhelm ang kanilang mga lugar.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Job Manahan ng ABS-CBN Digital: For the past weeks, half or more than half of the newly reported deaths were initially classified as recovered but turned out as fatalities after the DOH’s final validation. May we know po the reason behind this? Is this still part of DOH synchronization of data with the PCA?
DOH USEC. VERGEIRE: Well hindi po, ito po iyong ating regular validation. Kailangan din lang po nating maintindihan and the public to understand na ang amin pong mga deaths, may dalawa po tayong sources diyan. Isa po ay galing sa mga hospital at isa galing sa komunidad. Iyong galing po sa hospital hindi na po namin kailangan masyadong i-validate because this are already validated so we just key-in at pumapasok na agad ang datos na iyan.
When it comes to the community, kapag nag-submit po sila sa atin or nakakuha po tayo ng report na ganiyan, ibinabalik po namin sa ating mga regional office and local government for them to verify ito pong mga deaths na ito. So, iyon pong ginagawa natin namang time-based tagging, ito po ay ginagawa araw-araw kung saan lahat po ng mga mild and asymptomatic na cases natin na nakatapos na ng sampu hanggang labing-apat na araw, atin na pong inilalagay iyan sa laundry list natin at ipinadadala po natin sa ating mga local government for them to validate.
Now, minsan na tag mo as recovered as initial, but upon checking at medyo na-delay iyong pagba-validate ng local government sina-submit sa amin na iyon palang isang na-tag nila as recovered, died already. Kaya po nagkakaroon ng mga ganitong datos and we have been very transparent about this for the longest time dahil gusto ho naming maintindihan ng ating mga kababayan kung ano ang ating proseso.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: May we confirm the statement of Ambassador Chito Santa Romana that another batch of one million COVID-19 vaccine doses from China’s Sinovac will arrive on Sunday? If yes where will this shots be deployed?
DOH USEC. VERGEIRE: Usec. Rocky, I lost you, parang medyo mahina po towards the end.
USEC. IGNACIO: Pinapakumpirma. Mula po kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Pakikumpirma lang daw po iyong statement ni Ambassador Chito Santa Romana na another batch of one million COVID-19 vaccine doses mula po sa China’s Sinovac darating daw po sa Manila sa Sunday? If yes, saan daw po ide-deploy ito?
DOH USEC. VERGEIRE: Usec. Rocky, ito pong mga bagay na ito, siguro po mas maganda po si Sec. Galvez ang makapag-confirm para sa ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Rida Reyes ng GMA News: Secretary Duque earlier said that the country is already in the middle of its second wave of COVID cases. Nasaang stage na po tayo ng second wave lalo at nag-uumpisa nang bumababa ang mga kaso sa NCR pero may pagtaas naman sa Visayas at Mindanao?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, kapag tiningnan naman ho natin ano, kasi ang ini-explain po ni Secretary would be iyong una kasi nating mga surge na tinatawag, iyong pagtaas ng kaso was July and August last year. At ito po ngayon, noong nangyari itong March and April na pagtaas ng kaso, ito po iyong sinasabi naming second one ‘no na major na pagtaas ng mga kaso dito sa ating bansa. So kapag tiningnan ho natin iyan, na gradually bumababa po ang mga kaso dito sa NCR Plus na mayroon tayo ngunit tumataas naman sa ibang lugar.
So hindi pa rin po natin masasabi that we are at that safe zone because other areas in the country still are having this increase in cases. Nasa moderate zone ngayon po ang NCR, and some of the areas outside of NCR are at that high-risk level.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Ano raw po iyong best time na magpaturok ng second dose kapag na-miss mo iyong second dose?
DOH USEC. VERGEIRE: Wala ho tayong binibigay sa ngayon ‘no, but we are encouraging everybody na kailangan kapag schedule ninyo na ay magpaturok na ho tayo. Ngayon, mayroon ho tayong mga valid na mga rason kung bakit sila hindi nakapagpaturok ng second dose like nagkasakit sila, na-expose sila o ‘di kaya ay may iba pang karamdaman na nagkaroon sila kaya hindi sila nakabalik.
So ang sinasabi po ng ating mga eksperto, you can give that allowance of two weeks to four weeks for you to provide the second dose ‘no ng isang tao. Pero ang sinasabi rin naman po ng ating mga eksperto sa bakuna, iyong mga existing vaccines natin ngayon dito sa bansa aside from COVID-19, kapag iyong second dose ay na-miss [unclear] up to one year naibibigay naman.
Pero gusto ho nating bigyan ng timeline itong second dose para hindi naman po masyadong ma-delay ang ating mga kababayan, so we’re putting this from two weeks to four weeks po at para sila ay makapagpabakuna pa.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong follow up po niya: Ano raw po ang mangyayari kapag hindi nakabalik nga sa—kung mawawala raw po iyong bisa ng first dose?
DOH USEC. VERGEIRE: Ito pong bisa na tinatawag natin, you only get the maximum potential of the vaccine if you get the two doses. So kung makikita po natin iyong mga resulta ng mga studies na ginagawa, makikita natin first dose, bibigyan ka ng – for example lang po, Usec. Rocky – 6o% tapos kapag nag-second dose ay nagiging 90 plus percent.
So halimbawa po, naka-first dose lang kayo, iyang ibibigay sa inyong proteksiyon ay mababa pa lang ho compared kung kukunin mo iyong second dose na makakakuha ka ng almost 100% protection from severe infections and dying and hospitalizations.
So we encourage everybody na dapat dalawang doses po ang makuha ninyo sa bakuna para makuha ninyo po iyong full protection nitong ibinibigay sa inyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Last question po ni Rida Reyes: Nag-recruit ngayon ng mga pasyente ang—umano’y nag-recruit ng mga pasyente ang Lung Center of the Philippines na trial site para sa oral anti-viral drug for mild to moderate COVID-19 patients. Treatment will be for five days and open daw po to patients who are at most five days symptomatic and has at least one risk factor. May we get your comment on this oral anti-viral COVID drug?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, that’s part of what we have endorsed and Lung Center is our trial site kung saan itong oral anti-viral drug na ito ay susubukan natin para sa mga pasyente na may COVID. At iyan na nga po iyong mga criteria na nabanggit ninyo na naipalabas na po ng Lung Center.
So as we always say we are open ‘no to trials and to trying ito pong mga bagong intervention para makatulong po sa pagpapagamot ng ating may mga COVID-19 na kaso.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
DOH USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.
USEC. IGNACIO: Hindi natutulog ang serbisyo, ika-170 na Malasakit Center sa bansa binuksan na sa publiko. Panoorin po natin ang detalye sa report na ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang lagay ng Davao City mula sa report ni Clodet Loreto.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Clodet Loreto.
Samantala, binabati po namin ang aming kasamahan sa PTV na si Mel Pangilinan ng isang Maligayang Kaarawan. Happy Birthday, Mel!
At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Hindi po kami magsasawang magpaalala sa inyo mga kababayan, na tayo po ay mag-mask, hugas, iwas at siyempre po ay magpabakuna na para sa mas malaking tiyansa ng proteksiyon mula sa virus. Ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO, magkita-kita muli tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center