Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong Huwebes ng umaga, mga impormasyon at maiinit na isyu na dapat ninyong malaman ang ating hihimayin kasama pa rin ang mga kawani ng pamahalaan na laging handang sumagot sa tanong ng bayan. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa sina AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo; Dr. Jaime Montoya, Executive Director mula po sa DOST; at si Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco ng DOLE.

Kung kayo po ay may mensahe o tanong na nais iparating, maaari po kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa Facebook at YouTube accounts.

Sa ating unang balita, dumating na po sa bansa kaninang umaga ang mga karagdagang doses ng mga bakuna mula sa Sinovac. Lulan ng Flight 5J671 lumapag sa NAIA Terminal II bandang alas siyete y media kaninang umaga ang one million doses ng CoronaVac vaccine mula sa China. Hindi lang iyan, mamayang alas nuebe naman po ng gabi ay darating na rin ang mahigit two million doses ng Pfizer vaccine – donasyon ito mula sa COVAX Facility na inaasahang ilalaan para sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 tulad ng Cebu, Davao at Metro Manila. Ito na po ang pinakamalaking bulto ng bakunang nai-deliver sa bansa sa loob ng isang araw.

Samantala, ika-118 na Malasakit Center binuksan sa Maramag, Bukidnon; Senator Bong Go hinikayat ang mga pasyenteng mahihirap at maliit ang suweldo na mag-avail ng tulong mula sa pamahalaan; mga senior citizens at iba pang nasa priority groups pinayuhang na magpabakuna na agad ng anti-COVID-19. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, kumustahin natin ang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pagsabog ng landmine kamakailan sa Masbate na ikinasawi ng dalawang sibilyan, makakausap po natin ngayon si AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo. Magandang araw po, General.

AFP SPOKESPERSON MGEN AREVALO: Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky at sa lahat ng nanunood sa atin.

Nagpapatuloy po ang ating ginagawang pursuit and law enforcement operation laban dito sa mga kriminal na miyembro ng teroristang grupong NPA na nagpasabog nga po ng landmine diyan sa Masbate City na ikinasawi ng dalawang katao, magpinsang Absalon, at ito pong pinsan din po nila na nasugatan.

Ayon po sa mga initial na imbestigasyon na nakuha natin, na impormasyon, ay bukod sa pinasabugan po ng landmine itong kawawang mga biktima ay pinagbabaril pa po ito ng mga teroristang grupong ito. Kung kaya nga po, ang ating pangako sa pamilya, kamag-anak at sa ating mga kababayan, hindi tayo titigil sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pagtugis at paghahatid ng hustisya dito sa mga naging biktima at sa kanilang pamilya. Katulong po natin ang miyembro ng Philippine National Police at iba pang ahensiya ng ating pamahalaan kagaya ng Department of Justice.

So ang isa pong magandang bunga ng ating isinagawang pursuit at law enforcement operation ay noong maingkuwentro po natin ang pinaniniwalaang nating bahagi ng grupo na nagsagawa ng karumaldumal na krimen na ito kung saan napatay ang tatlo sa mga teroristang grupong ito, at nakumpiska natin ang tatlong matataas na kalibreng armas – M-16 at M-14 rifles. At hindi iyon doon nagtapos, Usec. Rocky, dahil po sa galit ng mga Masbateño doon sa ginawa nitong mga teroristang ito, itinuro pa po nila sa ating mga operating security forces ang isang kubo kung saan natagpuan naman ang labindalawang matataas na kalibreng riple diyan sa Masbate City.

Magpapatuloy ito, Usec. Rocky, at ang ating hamon sa mga grupo na humihingi diumano ng paumanhin sa pangyayaring ito at nangangako na naman na sila ay magbabayad o magbibigay ng kompensasyon, isuko nila itong mga involved sa pagpatay na ito, sa murder na ito. At hindi lamang ito dapat hihinto sa mga mismong nagpasabog nito kung hindi sa kaniyang mga pinuno; dapat kasama sila, ang mga miyembro at pamunuan ng CPP kagaya ni Ginoong Sison at saka ni Ginoong Jalandoni. Sapagka’t sa ilalim po ng batas, Republic Act 9851 ang karumaldumal na krimen na ito ay hindi lamang nakatuon sa kung sino ang gumawa nito kung hindi maging sa kanilang mga superiors na silang nag-atas, nagplano at nag-utos na isagawa itong krimen na ito.

USEC. IGNACIO: General, binanggit mo na may tama ng baril itong mga biktima, ibig sabihin tinambangan po sila? Papaano po sa tingin ninyo ang nangyari base na rin sa inisyal na resulta ng imbestigasyon?

AFP MGEN. AREVALO: Ang lumalabas po dito ay talagang pinasabugan nila ito at pinaputukan pa nila. Ang atin lamang inaalam dito sa naka-survive sa insidenteng ito ay kung alin ang nauna: Binaril muna sila bago pinasabugan ng landmine o pinasabog muna ang landmine bago sila pinagbabaril at tiniyak na sila ay patay ano.

Kaya patuloy ang ating pakikipag-ugnayan sa ating mga kasamahan sa Philippine National Police upang sa ganoon ay malaman pa natin ang ibang detalye na ito, Usec. Rocky, sapagkat napakahalaga nito upang maisulong ang imbestigasyon na kasalukuyang ginagawa at maisampa ang kaukulang mga kaso.

Patung-patong na kaso ito, Usec. Rocky. Sa Revised Penal Code, it’s a crime of murder, ito ay paglabag din sa Anti-Terrorism Law and again iyong binabanggit natin kanina, Republic Act 9851 or an Act Defining and Penalizing Violations of International Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity.

USEC. IGNACIO: General, sino po ba talaga ang target ng NPA sa inilatag nilang pampasabog sa panahong iyon? May puwersa ba tayo na may mission talaga sa area noong panahong iyon?

AFP MGEN. AREVALO: Iyan ay kasama sa mga inaalam natin ano, Usec. Rocky, subalit hindi malayo na talagang—kaya nga po ipinagbabawal ang paggamit po ng landmine sapagkat ang kasabihan nga po nito eh to whom it may concern ano po. Kapag ito ay pinasabog, kahit sino, kahit sundalo o kahit sibilyan na walang laban or non-combatant na kagaya nila Keith Absalon eh talaga pong madidisgrasya ano.

At kaya po ito ay na-ban sa Ottawa Convention sapagkat alam po natin na kapag landmine ang ginamit kung sakaling mabubuhay po kayo ay malamang wala ang mahahalagang bahagi ng katawan mo at kung kayo ay madisgrasya eh talaga naman pong grabe ang tatamuhing pinsala na magiging sanhi ng kamatayan ng kaniyang mga biktima.

USEC. IGNACIO: Opo. General, ulitin lang natin ano, sa kaso po ng paggamit ng improvised explosive device kagaya ng anti-personnel landmine, ano po ang mga batas na nalabag dito?

AFP MGEN. AREVALO: Unang-una po diyan, ito ay krimen na murder under the Revised Penal Code; Ikalawa, ito po ay malinaw na paglabag sa kapapasang batas pa lamang, itong Anti-Terrorism Law; At ang ikatlo, paglabag sa Republic Act 9851 or an Act Defining and Penalizing Violations of International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po sa nangyari noong Linggo, may iba pa po bang insidente na natukoy ang AFP kung saan ginamit itong ganitong uri ng bomba?

AFP MGEN. AREVALO: Marami na tayong pagkakataon, Usec. Rocky, na nai-record natin so far ano, iniharap ng ating Law of Arm Center/AFP Center for Law of Armed Conflict and record sa lokal at international – UN organizations, ang mga insidente ng pagpatay gamit ang landmine or improvised explosive device na tinatawag nila.

Kasama na diyan iyong kabuuang 141 incidents ano ng paggamit nga ng manufacture, stockpiling, transportation and use of anti-personnel mines. Sa 141 cases na iyan, 224 ang casualties ano. Umabot sa 29 ang mga sibilyan at lima sa mga sibilyan na iyan, sa kabuuang bilang na 29, lima ang namatay.

So, makikita dito na malinaw ano, Usec. Rocky, na talagang itong teroristang grupong ito ay malinaw na lumalabag sa Ottawa Convention na nagbabawal hindi lamang sa military kung hindi sa katulad nila na teroristang grupo ng paggamit ng landmine at itong mga kasong ito na tingin namin ay madaragdagan pa kapag ating tinotal na o sinuma ang mga insidente ngayong taon na kasalukuyan nating kinakalap at niri-report.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon naman po sa CPP-NPA ng Masbate, magsasagawa sila ng imbestigasyon sa pagkakamaling nagawa ng kanilang grupo at kung may pagkakasala man ay ire-reprimand daw po nila ang gumawa. Tama po ba iyong ganoong uri ng aksiyon? Ano daw po ang dapat gawin ng grupo sa puntong ito para mabigyan ng hustisya ang pamilya Absalon?

AFP MGEN. AREVALO: Ang ginawa nila, Usec. Rocky, ay isang malinaw na krimen. Tatlong batas ang kanilang nalabag. Iyan ay naglalaan ng mabigat na kaparusahan commensurate to the degree of the crime that they have committed. Dapat ho isuko nila iyan, hindi po maaari na reprimand lamang. Kailangan pong managot sila sa batas ng ating bansa at hindi po sa kanilang sariling regulasyon.

For all we know, sabihin lamang po nila na reprimand iyan. Alam mo, malinaw dito, Usec. Rocky ano, sa unang statement na inilabas nila ay minamaliit nila ang ginawa nilang pagpapasabog at pagpatay dito sa magpinsang Absalon at sinasabi nila na ito ay poor man’s bulb lamang ano subalit nakita nila ang indignation, ang ngitngit ng sambayanang Pilipino at nakita natin ano at nagkakagulo sila ngayon kung paano nila dedepensahan itong ginawa nila at ang kanilang ginawang pag-amin sapagkat nagkataon na kilala si Keith Absalon bilang isang promising na football player at isang bata na sinasabi nating napakalaki ng kaniyang kinabukasan subalit namatay siya at nasawi dahil dito sa dastardly act na ginawa ng mga teroristang grupo.

Kaya ganoon na lang ang galit at kamalayan ng ating sambayanang Pilipino kaya there was a public uproar because of this at dahil dito binago nila ang kanilang statement at sinasabi nila ngayon eh sila ay humihingi ng paumanhin at iyan namang paumanhin na iyan ay kagyat na tinanggihan ng pamilya Absalon at sinasabi nila, hindi dapat magtatapos sa paghingi lamang ng sorry at hindi dapat—kung magbibigay man sila ng sinasabi nilang indemnification ay hindi nila tatanggapin, ng pamilya Absalon, ang anumang tulong na manggagaling dito sa kagawad ng mga teroristang grupo na ito.

At iyan din ang paninindigan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas kaya magpapatuloy ang ating ginagawang pursuit and law enforcement operation, pagtulong natin sa pangangalap ng mga ibang ebidensiya upang sa ganoon ay masampahan ng kaukulang kaso ito at higit sa lahat ano, dapat makita natin iyong veiled attempt ano ng mga Makabayan solon na pagsasabi na dapat isangguni or isumbong sa Joint Monitoring Committee. Wala na pong Joint Monitoring Committee sapagkat ang Joint Monitoring Committee (JMC) ay kaugnay lamang po iyan sa isang peace negotiation na ongoing.

Matagal na pong tinapos ng ating pamahalaan at ng ating commander-in-chief ang usapang pangkapayapaan dito sa mga teroristang grupo na ito at iyan po ay lubos na sinusuportahan at wini-welcome ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sapagkat sa napakaraming pagkakataon po ngayon higit kailanman makikita natin na itong teroristang grupong ito ay hindi na karapat-dapat pang pagbigyan ng pagkakataon na naman ng usapang pangkapayapaan upang i-violate lamang ang karapatang pantao, pumatay pa ng sibilyan, magpatuloy pa sa kanilang stockpiling, manufacture and transportation and of use nitong mga landmines na ito at higit sa lahat, maipagpatuloy ang kanilang gagawing extortion lalung-lalo na malapit na naman po ang eleksiyon.

Inaasahan natin na itong mga teroristang grupong ito ay gagala na naman upang kikilan at gatasan ang mga negosyante, hihingan na naman nila ng pera, ng mga tinatawag nila na permit to campaign at permit to win. Hindi na po iyan dapat mangyari, lalung-lalo na po ano sa pangyayari ng insidenteng ito, Usec. Rocky, mabibigyang-diin natin sa pamamagitan ng inyong programa na at ng malaganap na media na ang atin pong mga kababayan ay dapat magising sa katotohanan na sila po ay pinuprotektahan ng batas dito sa ilalim ng RA 9851 sapagkat anuman po na pagpatay sa kanila bilang mga non-combatant civilians ay nagba-violate sa batas na ito at ano man pong ginagawang paninira ano, hindi lamang sa buhay ng tao kung hindi sa mga kabuhayan at property ay sakop ng umiiral na batas.

Kung kaya nga po napakahalaga na kung mayroon po sila na mga reklamo at insidente na sila ay inabuso o pinatay ang kanilang mga kamag-anak o sinunog ang kanilang mga kagamitan o cell sites, ito na po ang pagkakataon na dalhin nila sa hustisya ito, hindi sa Joint Monitoring Committee, kung hindi sa ating mga hukuman upang masampahan ng kaso at usigin sa hukuman itong mga teroristang grupong ito.

USEC. IGNACIO: Opo. General, paano ninyo rin po tinitiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan sa lugar at maging sa ibang panig ng bansa upang hindi na po o wala nang maulit na ganitong insidente?

AFP MGEN. AREVALO: Well, una sa lahat ano, napakahalaga ng pakikipagtulungan ng ating mga kababayan sa bawat mithiin ng ating pamahalaan hindi lamang ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas hinggil sa pagpapaunlad. Kung mayroon po silang nakikita na mga grupo na gumagawa ng ganiyan, paglalatag ng mga anti-personnel mine, pagtitipun-tipon upang mangalap ng kanilang gagamitin na mga armas, bala at iba pang mga logistical requirements upang labanan ang ating pamahalaan, eh hinihimok natin sila na ipagbigay-alam nila ito kagaya ng kanilang ginagawa sa ngayon umpisa nang magkaroon na sila ng kamulatan at kamalayan at matanggalan ng mga maskara ano itong mga grupo na sumusuporta dito sa teroristang grupong ito. Mahalaga po na maipaalam ninyo ito sa amin, magkatulungan tayo para sa kaligtasan na rin po ng ating mga mamamayan at ng sambayanang Pilipino na patuloy na binibiktima ng teroristang grupong ito mahigit nang limampung taon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pasensiya na po, General, may pahabol pong tanong sa inyo si Leila Salaverria ng Inquirer: So, paano daw po masisiguro ng AFP na hindi magbabayad ng mga permit to campaign sa NPA ang mga kandidato?

AFP MGEN. AREVALO: Unang-una, ipinararating natin sa kanila at binibigyang-linaw na hindi sila dapat gagawa ng ganito sapagkat ito ay tuwirang pagsuporta sa isang teroristang grupo. Sila ay lalabag sa batas kung gagawin nila ito. Ikalawa, makikipagtulungan po tayo at patuloy na makikipag-usap sa pamahalaang lokal lalo na iyong ating mga frontline units sa ating mga kasamahan sa Philippine National Police upang sa ganoon ay patuloy nating mamanmanan ang mga developments na ito doon sa mga lugar kung saan lalung-lalo na identified natin na mayroon pa ring mangilan-ngilan o grupo na kumikilos na ganito ang hangarin. At higit sa lahat, ipagpapatuloy po natin ito, lahat ng mga paghahandang ito lalung-lalo na sabi nga natin parating na po at palapit na ang eleksiyon.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Major General Edgard Arevalo, ang Tagapagsalita ng AFP. Ingat po kayo. Salamat po.

AFP MGEN. AREVALO: Maraming salamat, Usec. Rocky. Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Senator Bong Go namahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Metro Manila. Bukod sa tulong ni Go, nagbigay din ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ng ayuda sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Narito naman ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base sa report ng Department of Health kahapon, June 9, 2021:

  • Umabot na sa 1,286,217 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 5,462 na mga bagong kaso;
  • 126 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na ito sa 22,190 ang total COVID-19 deaths.
  • Ang mga kababayan naman natin na gumaling sa sakit ay nasa 1,210,027 matapos makapagtala ng 7,854 new recoveries kahapon.
  • Ang total active cases naman po sa kasalukuyan ay saktong nasa 54,000.

Samantala, masusi po ang ginagawang pag-aaral ng mga eksperto sa bansa para makatuklas pa ng mga posibleng panlunas sa COVID-19. Iyan ang ating aalamin dito sa Check the FAQs.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Isa nga po sa mga tinututukang pag-aaral ngayon ay ang paggamit ng Virgin Coconut Oil para makapagpagaling ng mga suspect at probable COVID cases, kumustahin natin ang update sa isinasagawang clinical trials na iyan, muli po tayong sasamahan ni Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health, Research and Development, DOST para sa detalye. Welcome back po, Dr. Montoya.

DR. MONTOYA: Yes. Magandang umaga po Usec. Rocky at sa lahat ng inyong mga tagasubaybay/tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Doc base po sa inyong pag-aaral, maari na po bang magamit ng ating mga kababayan ang Virgin Coconut Oil bilang home remedy for COVID-19; pinapayagan na rin po ba natin ang pagbili at pagbibenta nga nitong VCO?

DR. MONTOYA: Well unang-una po, ang VCO ay aprubado na as a food supplement ng Food and Drug Administration so talagang iyan po ay nabibili na. Pero po para gamitin iyan sa COVID-19, although mayroon na po tayong pag-aaral na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute na ito po’y nakatutulong para mas mabilis gumaling ang ating mga pasyente na may COVID-19 at maiwasan ang paglala ng kanilang sintomas at pagkakaroon nang severe disease, kailangan pa po nating gumawa nang karagdagang pag-aaral para maunawaan kung paano ginagawa ito ng VCO. At kailangan din po nating ma-update iyong aplikasyon sa Food and Drug Administration.

So ito po ay available na, nabibili na pero huwag lang po tayo didepende muna sa VCO para sa COVID-19; kailangan ipagpatuloy po natin lahat pa ng ibang dapat gawin para maiwasan ang covid-19. Karagdagan lang po ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc sa loob po ng ilang buwan na obserbasyon ninyo sa epekto ng VCO, ano po iyong nakita ninyong significant findings sa isinagawang clinical trials?

DR. MONTOYA: Well unang-una sabi ko nga, katulad po doon sa unang pag-aaral na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute sa isang komunidad sa Sta. Rosa na tinitingnan ang mga mild or non-severe cases ng COVID-19, nakatulong po ito para mas mabilis mawala iyong mga sintomas at hindi sila lumalala at maging severe disease. So tayo po ay natutuwa sa resulta at ito po ay natanggap na po ng International Journal of Functional Foods na katunayan na kinikilala niya iyong resulta ng pag-aaral na ito.

Bagama’t ang sinasabi ko nga ay para ito ay gamitin talaga ng mas malawakan. Kailangan pong tingnan pa natin ito sa iba pang mga indikasyon katulad ng mayroon po tayong matatapos na pag-aaral for the severe cases naman po sa PGH. Ginagamit din po ang VCO.

So, lahat po ng mga pag-aaral na ito ay ating iipunin ang datos at ito po ay isusumite natin sa FDA para po maging additional na indikasyon ang paggamit ng VCO para sa mga mayroong COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, para lang po sa kaliwanagan ng publiko, masasabi po ba natin parehas lang iyong hatid na benepisyo ng paggamit ng VCO at pagbabakuna kontra COVID-19?

DR. MONTOYA: Ay ano po, kailangan po linawin natin, magkaiba po iyan. Ang bakuna po ay ibinibigay sa mga wala pang sakit at ibinibigay iyan para hindi sila magkasakit. Ang VCO po ay sa kasalukuyan pinag-aaralan natin kung may maitutulong siya sa paggaling kaagad ng mga mayroon ng COVID-19. So hindi po iyan pareho. Ang pagpapabakuna ay mahalaga at kailangang itaguyod at gawin. Iba po iyong sa VCO na tinitingnan natin kung ito ay makatutulong para sa mga mayroon ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Pero, Doc, paano naman daw po makakaapekto itong paggamit ng VCO sa COVID-19 response at vaccination efforts natin?

DR. MONTOYA: Well, sabi ko nga unang-una, ito pong VCO ay produkto natin; ito po ay base sa ating mga pag-aaral at mayroon na tayong industriya na puwedeng makinabang kapag ito po ay napatunayan na talagang magagamit para sa COVID-19. Bukod pa dito, ito po ay mura at madali pong magamit ng ating mga kababayan, kaya ito ay malaking tulong kung ito po ay patuloy po ang magagandang resulta na makukuha natin sa ating mga clinical trial at pag-aaral na makatutulong sa ating mga mayroong COVID-19. So malaki po ang maitutulong nito, dahil ito po ay atin talagang produkto. Tayo po ang nag-aral at tayo po ang nag-develop at ito po ay hango rin sa ating mga coconut plantation at coconut industry na mayroon po tayo sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo, Doc, bigyan daan ko lang po iyong katanungan ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi po ng DOH na hindi pa muna gagawin ang pagbabakuna sa mga bata dahil gusto raw pong makita ang experience sa ibang bansa. Sa panig po ng PCHRD naisipan din po ba ang paggawa ng clinical trial ng mga bakuna ng COVID sa mga bata at sa [inyong] pananaw bilang infectious disease specialist, ano po ang inyong palagay sa pagbabakuna ng mga bata laban sa COVID?

DR. MONTOYA: Well, unang-una po kailangan nating isipin na kung tayo man ay gagawa ng polisiya at rekomendasyon na puwede nang bakunahan ang mga kabataan gamit ang mga bakuna na available. Ito po ay base po sa resulta ng mga isinasagawang pag-aaral. Mayroon na pong mga bakuna, naaprubahan na po ng FDA sa Amerika para po gamitin sa kabataan, katulad po ng Pfizer at tingin ko po susunod na rin po iyong iba pang mga bakuna. So, ongoing na po iyong mga pag-aaral. Pero kami po ay open na kung kinakailangan ay pag-aralan din po ito para makita natin kung ang response ng mga ibang bansa ay tulad din po ng mga Pilipino, kapag binakunahan ang ating mga kabataan. So puwede po nating gawin iyan, kung iyan po ay didesisyunan ng ating Department of Health at ng ating IATF kung kailangan po itong gawin.

USEC. IGNACIO: Opo. tanong naman po ni Mark Fetalco ng PTV News: May reports daw po on country such as Bahrain, Mongolia, UAE na nakaka-experience po ng surge ng COVID-19 cases, hence questioning the efficacy of Sinopharm vaccine. What’s your reaction on this considering na nabigyan na rin po ito ng EUA ng FDA?

DR. MONTOYA: Well, katulad po ng aming sinasabi sa iba pang katulad na katanungan, para sabihin po natin na ito ay dahil lang doon sa bakuna ay marami po tayong dapat ikonsidera. Halimbawa po iyong pagtaas po ng mga kaso ay hindi lang po nakadepende sa bakuna. Ito rin po ay nakadepende rin sa pagsasagawa at pagsunod ng mamamayan natin sa minimum public health standards at iyong pagkakaroon po ng mga variants na alam naman po natin na bagama’t puwede pa rin pong gamitin iyong ating mga bakuna ay nakababawas din po sa pagiging epektibo ng ating mga bakuna. So marami pong mga dahilan kung bakit po maaaring tumataas ang mga kaso doon sa mga bansang naturan hindi lang po dahil sa bakuna. So dapat ikonsidera po natin lahat ito.

USEC. IGNACIO: Ang follow up question po ni Mark Fetalco: With this reports po, are we inclined to include or prioritize Sinopharm vaccine sa gagawing pag-aaral sa booster shots?

DR. MONTOYA: Iyong booster shots po ay ibang usapin iyon. Ito pong booster shots ay karagdagang bakuna na ibibigay para sa mga nakakumpleto na ng dalawang doses ng bakuna. So patuloy pa po ang pag-aaral diyan, iyong iba’t ibang kumpanya po, mga vaccine developers ay nagsasagawa na rin ng kanilang mga trials at pati po tayo ay magsasagawa rin ng mga pag-aaral kung talagang kinakailangan ang booster at kung ito ay makakadagdag sa proteksiyon na naibibigay na ng mga nakakumpleto na ng pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Panghuli na lang po, ano po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan habang nagpapatuloy pa rin po ang pag-aaral sa VCO bilang panggamot sa COVID-19?

DR. MONTOYA: Maraming salamat po sa oportunidad na ito. Gusto ko lang ipaalam sa ating mga kababayan na patuloy po ang pananaliksik para tayo po ay makadiskubre ng mga gamot at mga pamamaraan para makontrol po natin ang kinakaharap nating problema ngayon na pandemya ng COVID-19. Pinag-aaralan po natin iyong ating mga sariling gamot na tayo po ang nakadiskubre katulad ng VCO pati rin po ang Lagundi, ang Tawa-Tawa. Patuloy po ang pag-aaral na iyan at hinihiling po namin ang inyong suporta at kung maaari lang po ay mag-antabay kayo sa ating magiging resulta ng ating mga pag-aaral ay kayo po ay makialam lang sa mga tamang impormasyon na maibibigay ng DOH, ng DOST at ng mga iba pang ahensiya ng pamahalaan para kayo po ay malinawan kung ano po ang dapat nating gawin para masagot natin at maharap itong problema natin ng COVID-19. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa pagsama ninyo sa amin, Dr. Jaime Montoya mula sa DOST. Mabuhay po kayo.

DR. MONTOYA: Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Bilang bahagi ng pag-iingat sa sektor ng paggawa at unti-unting pagbubukas ng ating ekonomiya, ang DOLE po kasama ng ibang ahensiya ng gobyerno ay nagpapatupad ng safety seal certification para po sa mga establishment. Upang pag-usapan ang programang ito, makakasama po natin si Assistant Secretary Teresita Cucueco, Regional Operations Labor Standard and Special Concerns Cluster ng DOLE. Welcome back po, ASec.

DOLE ASEC. CUCUECO: Good morning po, Usec. Rocky at sa lahat ng nakikinig ngayon sa Laging Handa. Good morning po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Asec., upang masiguro po ang pagsunod ng mga establishment, kabilang ang mga lugar na sa paggawa sa itinakdang minimum public health standards laban sa COVID-19, ipinapatupad kamakailan ng pamahalaan ito pong safety seal certification program. So ano daw po ang layunin nito at anong mga industriya rin ang sakop ng nasabing programa?

DOLE ASEC. CUCUECO: Alam po ninyo mula ng magsimula ang COVID parati nating sinasabi sa lahat ng tao at lahat ng kumpanya na sumunod sa minimum public health standards. Sa ganitong kadahilanan po at sumusunod naman po at nakikita natin ang lahat ng mga efforts na ginagawa lalo na ng mga kumpanya para lang malagay sa kaligtasan at iyong mga manggagawa nila ay hindi malagay sa panganib.

Nandoon na po tayo na kapag ma-inspect po itong mga kumpanyang ito mayroon na po silang mailalagay sa labas, para ma-boost ang consumer confidence. Mayroong maidi-display na safety seal certification na nagsasabi itong lugar namin, itong kumpanya, itong workplace naming na ito ay na-inspection na ng gobyerno, compliant po kami at iyong panganib po ninyo na baka magkaroon po kayo ng COVID ay talagang mababa dahil sumusunod po kami sa mga minimum public health standards, sa mga ibang kaukulang kailangang gawin ng pamahalaan at mayroon pa pong digital contact tracing application na iyan ay isa sa mga requirements po ng safety seal certification.

So, kapag nakita po ninyo at marami na pong mga lugar ang mayroong safety seal, iyong may check mark at sinasabing safe dito, iyan ay pang-consumer confidence na, “Puwede akong pumasok diyan. Mababa na po ang panganib ko na magkaroon ng COVID dahil kami ay compliant sa lahat ng reglamento laban sa COVID-19.”

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., anu-anong mga ahensiya nga po itong inatasan na magpatupad ng programang ito o iyong maaring mag-isyu ng Safety Seal Certification?

ASEC. CUCUECO: O sige, Department of Tourism, alam naman po natin iyong hotels, iyong restaurant na nasa loob ng hotel at mga tourism and services. DTI, nandoon po iyong mga groceries. convenience stores, iyong mga barber shop and salon, iyong hardware stores, iyong mga repair shops, groceries, pharmacies.

Iyong mga DOLE po, construction, manufacturing, utilities, pati iyong warehouses, and iyong mga news and information kasama po kayo. Then we have the DILG, ito iyong mga malls, markets, wet markets, iyong mga restaurants outside hotels, iyong mga zoo’s, museum, other amusement areas, entertainment parks and—iyong mga hindi nabanggit na nasa loob sila ng ating ibang ahensiya, nandoon po sila sa LGU, DILG tapos in addition iyong mga DILG po at ang PNP iyan naman sa public offices and government offices like iyong including the jails, included the municipal halls.

So, ito po iyong nakasama sa isang joint memo circular on the Safety Seal Certification. May mga kasunod po ito tulad ng mga ibang health care facility na titingnan na po iyong mga eligibility nito ng DOH at saka sa transportation titingnan, maglalabas pa rin po ng advisory ang Department of Transport pero sa ngayon wala pa po iyon. So, iyong mga nabanggit ko earlier iyan po ang mga issuing authority para sa safety seal.

USEC. IGNACIO: Opo ASec., bilang sakop po ng DOLE ang mga lugar ng paggawa. So, ano daw po iyong magiging benepisyo nito sa kanila sakaling maisyuhan sila ng DOLE ng Safety Seal Certification at ito po ba ay nari-renew?

ASEC. CUCUECO: Okay. Ang Safety Seal Certification talagang—unang-una, sa DOLE kasi di ba construction manufacturing. So, hindi naman ito usually may consumer o customer na pumapasok pero sa mga manggagawang kailangan pumasok, sinasabi din sa mga empleyado na ito ay ginagawa nating lahat magiging ligtas at walang panganib ang pagpasok ninyo. Kaya please feel free, we are assuring you that you can enter our work space.

Ngayon tingnan ho ninyo iyong mga restaurants, iyong mga malls, pag nakita ninyo po iyan although hindi DOLE ang may sakop pag nakita ninyo po na may safety seal, maiengganyo po kayong pumasok.

Tulad ho ako senior citizens na… hindi naman ako 65 kaya puwede pa akong lumabas pag nakita ang isang restaurants na may safety seal nandoon na po iyong confidence ko, okay na akong pumasok dito. Of course liban pa sa bakunado na ako nandoon, iyong panganib ay mababa na para ako ay mahawaan ng COVID papasok na po ako.

So, in between dalawang, dalawang establisyimento na may safety seal at wala di nandoon po ako sa mga nagko-comply. And iyong mga may safety seal may karagdagang insentibo na rin po sila. Kaya nga po ang isang work place ay may safety seal, nadagdagan din iyong mga puwedeng pumasok, kasi di ba may limited capacity like sa restaurant, sa hotels pero kung may safety seal, sa ngayon po nadagdagan ang restaurants ng in house ng 10 percent.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano naman po daw iyong mga requirements para maging eligible ang ating pagawaan sa nasabing certification, gayundin ang mga kaparaanan kung papaano sila makakapag-apply nito?

ASEC. CUCUECO: Hindi naman mahirap ang requirements, ito ho talaga ay mga dati ng reglamento – mayors permit, alam naman ho natin iyan, mga SEC-DTI registration, sa DOLE din iyong registration po, depende po ano iyong sector nga ho na sinasakop nitong mga kumpanya.

Next, iyong digital contact tracing application, importante po iyan dahil alam naman po natin na importante na ma-contact trace lalo kung may biglang isang pumasok na positibo gusto natin mapaalam kaagad sa mga naging close contact niya na mag-obserba na kayo, wag na kayong lumabas pa at baka makahawa pa kayo kung maging positibo pa kayo.

So, there is very important iyong digital contact tracing app, tapos iyong ibang minimum public health standards nakasaad po lahat iyan sa guidelines, alam naman po natin lahat iyan, iyong face mask, face shield, disinfection, physical distancing nandoon din, kasi kumpanya po ito may health assessment check, iyong non-contact temperature check at iyong mga regular disinfection.

So, lahat ho iyan nasa loob at ito’y minimum public health standards na dapat sundan ng mga kumpanyang eligible na mag-apply at eligible for the safety seal at lahat po nitong impormasyon na ito nasa web site ho namin ng mga issuing authority.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa inyo pong datos ilan daw po iyong mga lugar ng paggawa sa bansa iyong nabigyan na ng DOLE ng Safety Seal Certification at anong mga industriya po ang mga ito?

ASEC. CUCUECO: Well sa DOLE, nationwide po may mga 36 na po ang nagbigay ng intention, isinagawa na po namin iyong inspection and in the coming days, iyan na po ay titingnan natin kung compliant para mabigyan.

May tanong nga po kayo kung renewable, valid lang po itong six (6) months and there is a reason kung bakit six months lang. Kasi alam naman ho natin pag nag-isyu na o usually kasi sa inspection pag na-inspect minsan iyong mga kumpanya nagiging… hindi naman sa pabaya pero nagre-relax na.

Ang safety seal kasi talagang nandoon ang consumer confidence kaya dapat parati nandoon iyong effort na nagko-comply. So in six months they can renew and i-inspect ulit at kung, compliant ulit bibigyan po ulit ng validity for the next six months. So ganoon po ang validity ng safety seal – renewable; ang tourism po one year po validity noon. So, iyon yun mga procedures for all of these.

USEC. IGNACIO: Pero, maari po bang ma-revoke iyong mga naisyung certification sakaling hindi makapag-comply na hindi pa natataon na within dito sa loob ng anim na buwan at may mga kaparaanan pa rin po ba para muling maibalik in case na na-revoke iyong kanilang certification?

ASEC. CUCUECO: Yes, naman. Tandaan ho natin, lahat ng publiko nakikita ang kumpanya at puwede silang mag-complaint kaya nga sinasabi namin sa mga gusto talagang mag-safety seal—voluntary po ito ha, hindi mandatory. That’s why iyong nag-e-effort ho talaga bibigyan ho iyan—they will do everything para mag-comply.

Ngayon kung may complaint doon ho mag-i-inspect uli, kung totoo naman ho na may pagkalabag doon sa public health standards di kaya may… iyong sa tanong sa regulations ng issuing authority may problema doon ho puwedeng ma-revoke ang safety seal. Isa pa, kung tumaas ang kaso ng COVID sa isang lugar na may safety seal puwede rin pong ma-revoke ang safety seal.

Ngayon ang gagawin ho may mga pamamaraan para ma-reinstate naman, siyempre ipapakita ulit iyong compliance na ginagawa ng kumpanya ang mga dapat na mga gagawin nila para hindi na maulit itong hindi pagkasunod sa mga public health standards.

USEC. IGNACIO: Opo, pero saan daw po maaari naman i-report ng ating publiko iyong mga pagawaan na hindi sumusunod sa itinakdang minimum public health standards?

ASEC. CUCUECO: Iyon mga safety seal complaint center nandoon iyong hotline po namin. Sa DOLE 1349, sa DTI nandoon po din, bisitahin ninyo lang ho maski sa DOLE Website nandoon na po iyong safety seal banner sa aming bureau website www.dwc.dole.gov.ph makikita ninyo iyong banner complaint and hotlines.

Makikita ninyo na po doon ang lahat ng puwede ninyong i-report na complaint sa isang kumpanyang lumalabag sa public health standards at may safety seal para matingnan ulit maigi kung dapat matuloy ang kanilang Safety Seal Certification.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po sa inyong oras, Assistance Secretary Maria Teresita Cucueco ng Department of Labor and Employment.

Samantala, makibalita naman tayo sa pinakahuling pangyayari sa mga lalawigan. Puntahan natin si Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

Mula naman po sa PTV-Cordillera may ulat si Jorton Campana.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jorton Campana.

At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap.

Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center