USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa buong mundo, isang umaga na naman na puno ng tamang impormasyon at napapanahong mga balita ang ating pagsasamahan ngayon pong araw ng Martes, June 15, 2021, ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH
Inanunsiyo na ng Palasyo ang bagong quarantine qualification sa bansa simula bukas ang NCR plus at ang lalawigan ng Bulacan ay nasa GCQ ngunit may ilan pa ring restrictions na dapat ipatupad; ngunit ang Rizal, Laguna at Cavite ay mananatiling sa kategoryang GCQ with heightened restrictions.
GCQ rin mula June 16 hanggang June 30 ang:
- Baguio City
- Kalinga
- Mountain Province
- Abra
- Benguet
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Quirino
- Batangas
- Quezon
- Ilagan City
- Davao Del Norte
- General Santos City
- Sultan Kudarat
- Saranggani
- Cotabato
- South Cotabato
- Lanao Del Sur
- Cotabato City
Marami-rami naman ang napasama ngayon sa MECQ gaya ng:
- City of Santiago
- Cagayan
- Apayao
- Ifugao
- Bataan
- Lucena City
- Puerto Princesa City
- Naga City
- IloIlo City at probinsiya ng IloIlo
- Negros Oriental
- Zamboanga City
- Zamboanga Sibugay
- Zamboanga Del Sur
- Zamboanga Del Norte
- Cagayan De Oro City
- Davao City
- Butuan City
- Agusan Del Sur
- Dinagat Island
- Surigao Del Sur
At ang natitirang bahagi ng bansa ay mananatili sa Modified General Community Quarantine hanggang katapusan ng buwan.
Samantala naglabas na ng utos si Pangulong Rodrigo Duterte na dalhin ang mga bakuna kontra COVID-19 sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19, alamin ang buong detalye sa report na ito:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Isa ang Tacloban City sa pinangalanan bilang area of concern dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa lugar at idagdag pa ang pagtaas din ng care utilization rate sa kanila, kumustahin po natin ang lagay ng ating mga kababayan sa Tacloban City kasama po natin si Mayor Alfred Romualdez. Good morning po Mayor.
MAYOR ALFRED ROMUALDEZ: Good morning ma’am at good morning sa lahat ng mga nanunuod ngayon.
USEC. IGNACIO: Mayor, ilan po iyong active cases diyan sa Tacloban City sa ngayon?
MAYOR ALFRED ROMUALDEZ: Right now we have about 500 active cases now in the City of Tacloban and alam ninyo nagkaproblema kasi kami dito dahil ang napansin namin kaagad the same as last year noong nag-spike ang cases namin nag-umpisa sa health care workers and like in our case now we have about more than 100 health care workers na nag-positive at itong mga health care workers na ito halos 99% sa kanila ay nakapagtapos na ng second dose, so they were vaccinated already.
So, ang sinasabi namin talaga sa publiko ang critical diyan pag nabakunahan ka kailangan magpahinga ka ng at least 10 days. Magpahinga ka, palakasin mo iyong katawan mo kasi ang napansin namin immediately after mabakunahan sila mahina ang resistensiya, mahina ang immune system nila sa katawan nila doon sila nadadapuhan ng sakit. Ang mabuti naman dito ay most of them about 90% are asymptomatic, iyong nagkakaroon ng severe symptoms ay talaga iyong mga hindi pa nabakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, sabi ninyo nga iyong mga health care workers ninyo ang naapektuhan pero kumusta naman po iyong ating mga hospital kasi sila po iyong nangangalaga rin sa mga nagkakasakit sa inyong lungsod?
MAYOR ALFRED ROMUALDEZ: Okay. Ang nangyari dito, nag-umpisa ito about two weeks ago we augmented actually some health care workers sa NCR pero nakabalik na sila dito, we have about 30 to 40 nurses, so katatapos lang ng quarantine nila. So, they were now deployed to the different hospitals, kasi ang nangyari dito noong nag-positive maraming health care workers nagkaroon ng kulang na nurses ngayon sa mga hospital at doctor, because sa nangyaring ito nagkulang ngayon iyong mga lugar sa mga different hospitals.
But now I would say that we categorized also itong ibang mga hospitals, may level 1, may level 2, may level 3 para we can accommodate especially those in severe, iyong mga severe cases ‘no. So, kailangan pa rin ang ano—kasi ang problema dito ay the capital, itong Tacloban City were catering to 6 provinces.
So, lahat ng nagpa-positive halos dito ang takbuhan eh, lalo na sa hospital dito kaya marami kaming inaasikaso na mga taga labas. So, itong isa sa mga problema namin but iyong sa mga severe cases we have a few there na talagang nagkukulang iyong mga ICU pero dito sa mga mild cases and moderate lang we still have enough facilities for them.
So, I feel that in the next ano, sa tingin ko maybe by next week bababa na ng konti ito; kasi last week ay umabot kami ng 100 to 80 a day ngayon were down about 40 to 50 a day and were seeing a trend na bababa na ito. Importante kasi ginagawa namin dito na kapag kasama ka sa close contact ina-isolate na namin whether you are positive or negative close contact should be isolated.
After 5 to 7 days we test you, kung positive ka then you remain for another 10 days to 8 days; pagka negative ka that is where we release you and these is what we saw ito talagang epektibo iyong handling the situation.
USEC. IGNACIO: Opo, Mayor, anong quarantine classification niyo sa ngayon? Nabanggit ninyo nga po na talagang tumaas iyong kaso sa lugar ninyo dahil kayo iyong talagang takbuhan. Pero meron po ba kayong ginagawang hakbang like kailangan ninyo po po bang maghigpit ng border?
MAYOR ALFRED ROMUALDEZ: Naghigpit na kami, ang classification namin actually is MGCQ technically ano, but we are all following the GCQ guidelines because kailangan we have to act past no, so iyon ang ginagawa namin ngayon. Iyong mga social gathering last week pa I issued an executive order bawal na iyong mga social gathering, kasi alam ninyo po lalo na dito sa Visayas pagka Mayo at saka June ay lahat ng barangay dito halos, we have 138 barangays, may piyesta lahat iyan basta Mayo at saka June.
In fact iyong fiesta ng Tacloban City is June 30, so were really discouraging itong mga social gatherings na mga parties, whether reunions lahat yan talagang dini-discourage namin iyan and were monitoring it and ang hinihingi rin namin dito sa malalayong lugar talagang nakita namin the most effective way now of bringing down the cases would be of wearing a mask. Iyan ang problema kasi maraming ano, ako po halos every week nasasama ako sa close contact pero nagne-negative ako when they swab because I always wear a mask pag nasa labas ako.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Mayor iyong mga variants naman, may mga variants of concern or variants of interest po ba ang namonitor diyan sa inyong lungsod?
TACLOBAN CITY MAYOR ROMUALDEZ: Well, ang nakikita namin mabilis makahawa talaga ano. We see there, because halos iyong mga positive dito ay mga kakilala ko rin eh. At maraming government officials ang na-positive because maraming frontliners eh. Kaya talaga ako, buti na lang nag-i-A4 na itong sa PNP, dahil personally, I feel dapat eh frontliners ng city would be the traffic enforcers, would be the Philippine National Police, would be even the OCD, pati CDRM, lahat iyan eh mga frontliners iyan. Marani po ang nagpo-positive sa gobyerno, sa frontline services, kaya importante na mabigyan, mabakunahan na rin para sa safety lang nila.
Pero kailangan talaga, sabihin sa publiko na kahit nabakunahan po kayo, kahit dalawang dosage kayo, kahit sabihin na natin tatlo pang doses ninyo nakakahawa ka pa rin, puwede mo pa ring makuha iyong virus na iyon at ang mangyayari diyan sa iyo, most likely asymptomatic ka, pero nakakahawa ka. Kaya talagang sinasabi namin kapag nabakunahan ka, magpahinga ka ng isang linggo, minimum isang linggo para lumakas ang katawan mo puwede ka na naman mag-expose at lumabas provided you wear your PPEs, it’s very important, mas mask ka, kapag close contact ka lagi mag-face shield ka rin.
USEC. IGNACIO: Opo, nabanggit na ninyo Mayor iyong pagbabakuna. So kumusta naman po iyong rollout ng pagbabakuna sa inyong lugar especially iyong nasa A1, A2 natin, A3, kayo po ba ay natapos na diyan sa mga kategorya na iyan, Mayor?
TACLOBAN CITY MAYOR ROMUALDEZ: Halos matapos na ito, pero sige-sige pa rin kami. Alam mo kasi, ang Tacloban City, we are a transient city so maraming pumasok, maraming lumabas, marami dito ay nagtatrabaho sa labas dito nakatira. Marami naman nagtatrabaho dityo pero iba naman iyong tinitirhan. But I would say totally now, we’ve vaccinated about 15,300 Iyong mga naka-double dosage na is almost 9,000. So may dadating pa kaming additional vaccines. I think today, we have about 5,000 arriving, half of that, will be for the second dose and the other half will be for the first dose.
USEC. IGNACIO: Pero, Mayor, ayon po sa DOH, mababa daw po iyong turnout ng mga seniors na nagpapabakuna. Kayo po ba, ano po ang ginagawa ninyo para mabigyan naman ng proteksiyon iyong ating elderly population sa lungsod?
TACLOBAN CITY MAYOR ROMUALDEZ: Actually, ang nagiging problema talaga dyan, nakita namin ay natatakot hindi sa bakuna, natatakot sila na ma-expose. Kaya talagang pinag-aaralan namin dito na kung puwede i-door to door na lang itong pagbakuna sa mga senior citizen, kasi natatakot talaga sila na lumabas. In fact, even my father who is already 86, ayaw niya talagang lumabas, natatakot siya. So mahirap naman iyong mga doctor iisa-isahin sila, kaya ito ang nagiging problema lang, many of them are afraid to go out. They are not afraid of the vaccine, but they are afraid to go out in public.
USEC. IGNACIO: Mayor, may tanong lang po si Joseph Morong ng GMA News. Kasi nga nabanggit po ninyo MGCQ ang quarantine classification ninyo, pero kayo po ay tinukoy ng OCTA research ba, na considered na area of concern ang Tacloban City?
TACLOBAN CITY MAYOR ROMUALDEZ: Totoo iyon, we are always been area of concern, because tingnan ninyo, for example, we have a dialysis centers ng mga nandidito ano, and we have about 300 patients na mga nag-a-avail ng dialysis from outside of Tacloban. So, talagang ang nangyayari dito kapag tumaas ang iba’t ibang probinsya dito within the region then we are very concerned, because lahat iyan dumadagsa, pumupunta sa Tacloban to get a medical attention and almost every day 300 patients you know receiving to be dialyzed come in every day.
So talagang very concern kami dito ‘no. At it depends eh, kung ano ang nangyayari diyan sa mga kapitbahay namin, ang nangyayari diyan sa mga katabi namin na mga probinsya ay talagang concern ang Tacloban, kasi sentro kami. But I would say, within Tacloban, I would say it’s under control naman. But it will always be a concern, I agree with that. And that is why kami lahat dito talagang very concern kami, nakatutok. So we are really enforcing it, iyong wearing of a mask, you know and we have a very strict border controls now.
USEC. IGNACIO: Opo, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak, Tacloban City Mayor Alfred Romualdez. Mabuhay po kayo at stay safe po.
TACLOBAN CITY MAYOR ROMUALDEZ: Okay, maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang huling tala ng COVID-19 sa bansa.
As of 4:00 PM kahapon nakapagtala ng 6,426 ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Dahilan upang umabot na ito sa kabuuang bilang na 1,322,053.
59,096 sa mga ito ay mga akitibong kaso sa kasalukuyan.
Nakapagtala naman ang DOH ng 7,145 new recoveries kaya umabot na sa 1,240,112 ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19.
57 naman po ang mga bagong nasawi sa sakit kaya ito ay umabot na sa 22,845 total deaths.
Patuloy po ang aming paalala sa inyo: Hindi pa tapos ang pandemya, kaya naman lagi nating suotin ang ating face mask at face shield kung tayo po ay lalabas ng bahay at huwag ring kalimutang mag-observe ng physical distancing.
Kahapon po ay ipinagdiwang natin ang World Blood Donor Day at isa sa naging layunin nito ay hikayatin ang publiko na mag-donate ng dugo lalo ngayong panahon ng pandemya. At kaugnay niyan ngayong umaga alamin natin ang mga dapat na isaalang-alang kung tayo po ay magdo-donate ng dugo dito lamang sa ‘Check the FAQs’.
Makakusap po natin ngayong umaga si Miss Marites Estrella, ang Program Manager ng National Voluntary Blood Services Program. Good morning po sa inyo.
NVBSP MARITES ESTRELLA: Good morning po, Usec. Rocky at sa ating tagapanuod ngayong umaga. Magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Ma’am, mayroon bang kakulangan ang blood supply sa bansa ngayon? Gaano ba ka-critical na iyong sitwasyon?
NVBSP MARITES ESTRELLA: Okay, magandang tanong iyon, Usec. Rocky. So ikumpara po natin ang ating datos mula noong 2020 po ano at saka sa 2019. Ang atin kasing supply ng dugo dapat 1% of the total population. So ang atin naman nakolektang dugo po ay umabot sa mahigit isang milyon bawat taon, subalit noong 2020 ay mayroong tayong decrease na about 22% ng blood collection at sa partial data natin mayroon tayong 1,041,037 na blood collection ng 2020.
Ngayon critical po ba o bumaba po ba ang koleksiyon natin ng dugo? Bumaba po ang collection natin ng dugo mula po noong mayroon tayong mga lockdowns at mayroon po tayong mga restrictions, kaya po ang Department of Health ay nagkaroon po ng mga polisiya kung paano po ang gagawin ng ating mga volunteer blood donors o sa mga gusto pong mag-donate pa ng dugo para po ito ay ma-maintain pa rin natin iyong supply at ang ating blood service facilities o mga blood bank sa buong bansa ay nagtulung-tulong.
Ito po iyong ating tinatawag na blood services network na ang bawat isa pong blood bank sa hospital, sa Philippine Red Cross o sa Department of Health at LGUs natin ay nagkaroon po tayo ng sharing of blood resources. So kung wala pong Type A doon sa isang hospital at mayroong maraming Type A po doon sa pangalawang hospital, iyon po ay nagshi-share sila para lang po matugunan ang pangangailangan ng ating mga pasyente sa kanilang transfusion ng dugo bawat araw po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, mataas po ba iyong demand for blood ng mga COVID-19 patients; at ano rin po iyong epekto ng pagpasok ng panahon ng tag-ulan dahil nga po sa mga posibleng sakit na dumami at kasama na po diyan ma’am iyong dengue?
NVBSP MARITES ESTRELLA: Opo. So sa COVID-19 patients naman po natin, depende po sa ating mga pasyente, iyong may mga comorbidities po o ‘di po kaya iyong sabi nga kanina mayroon tayong mga pasyente na nagka-COVID na mayroong nagda-dialysis araw-araw, mayroon tayong mga bumaba ang hemoglobin at kailangan nilang salinan. Mayroon po tayong mga pasyente din na nagka-COVID na bumababa po iyong mga platelet concentrate nila at kailangan din pong salinan so depende po iyan. Subalit ito po ay natutugunan naman natin dahil nga doon po ay umiiral ang ating blood services network sa bawat blood banks sa Pilipinas at nagtulung-tulong po tayo.
Tungkol naman po doon dengue, yes, tag-ulan na ngayon. So ibig sabihin—sa mga magulang natin mag-ingat po tayo lalo na sa mga kabataan din po natin ano na dapat maglinis po tayo sa ating mga paligid at iyon po ay maiwasan natin iyong dengue. Subalit kung tayo man ay nagka-dengue, nag-i-start na silang magtawag sa atin ‘no, iyong iba na nangangailangan ng dugo. At usually ang niri-request po ng mga doktor nila, kung ito na po ay sobrang bumaba na iyong mga platelet concentrate. So ito po ay medyo konting tumaas na iyong pagtawag nila sa pangangailangan ng platelet concentrate.
Ngunit Usec. Rocky, mayroon kasi tayong bagong teknolohiya ngayon ‘no sa ating mga blood bank – ito po ‘yung tinatawag na apheresis donation. So itong apheresis donation po ang kagandahan nito ay bawat ikalawang linggo o every 2 weeks puwede po kayong mag-donate ng apheresis donation sa ating mga pasyente. So ito po ay hinihiwalay ang puting dugo sa ating pulang dugo through our apheresis machine. So sa isang donor, sa isang tao po ay equivalent na po sa anim o pitong units ng platelet apheresis. Samantalang noong una, noong wala pa po iyong teknolohiya na ito, ay kailangan natin mag-recruit o maghikayat na mag-donate ng dugo ng anim hanggang pitong tao. Ngayon po sa isang tao ay mayroon na tayong anim o 7 units po na platelet concentrate. Iyon po ang kaigihan po ngayon sa technology po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am ngayon pong panahon ng pandemya, niri-require po ba iyong negative RT-PCR result para po sa donors especially sa community-based blood donation drive ninyo?
NVBSP MARITES ESTRELLA: Ayon po sa polisiya natin sa Department of Health, naglabas po tayo as early as March 18 last year ano. So mayroon tayong mga interim guidelines in response to COVID-19 sa pagsagawa ng ating mobile blood donation activities at mga pagdu-donate ng dugo from our volunteer blood donors or potential blood donors.
Hindi na po natin kailangan ng RT-PCR test para po mag-donate ng dugo kasi unang-una po, ang mga nagdu-donate ng dugo ay iyong mga healthy individuals lang.
So, ano po iyong ginagawa natin sa ngayon ayon sa polisiya ng Department of Health? Unang-una, puwede po tayong tumawag sa ating pinakamalapit na blood bank o blood center. At iyon po ay mayroon na tayong tinatawag na prescreening po, ibig pong sabihin bago po kayo pumunta sa ating blood center o blood bank ay mayroon nang mga tanong na dapat natin sagutin para po maiwasan na po iyong pagpunta ng ating mga blood donor na hindi naman sila qualified pa mag-donate. So sinasala na po natin. And of course iyong mga health protocols po natin, kung ano iyong mga sintomas ng COVID-19 at exposure nila, tinatanong na rin natin diyan; so iyon po ‘yung pre-screening.
And then mayroon na rin po tayong advocacy o donor recruitment campaign, lahat ng impormasyon na ito kung sino lang pupuwede ang mag-donate ng dugo ay iyon po ay inilalabas natin through our social media at of course iyong through our donor recruitment officers na nagri-recruit po ng ating mga blood donors sa ating community.
So hindi na po natin kailangan ng RT-PCR result. Kailangan lang po maging responsable at honest po ang ating mga volunteer blood donor.
USEC. IGNACIO: Opo. Para po naman sa mga nais mag-donate ng dugo sa panahon ngayon, ano po ang dapat nilang gawin at ihanda at saan po nila ito maaaring gawin?
NVBSP MARITES ESTRELLA: So ang kailangan lang po nating gawin ay of course ‘no, ang basic requirements, ang pinaka-basic requirements:
- Of course dapat tayo ay healthy,
- ito po ay 18 to 65 years old po tayo,
- Wala po tayong mga sakit ‘no katulad ng high blood, diabetes at iba pa,
- Tayo po ay hindi tayo anemic
- Ang timbang po natin ay 110 pounds or 50 kilograms.
Ngayon kung ikaw po ay kuwalipikado doon sa mga sinabi ko, paano naman po sa pagpunta ninyo na sa ating blood service facilities or blood centers?
So bago po kayo magpunta doon ay:
- At least 6 to 8 hours po kayong may sapat na tulog,
- Well hydrated po kayo ‘no, umiinom po tayo ng tubig at least 500 ml.
- And then of course dahil ang new normal ngayon ay dapat mayroon kayong face mask, face shield, of course social distancing and then may mga disinfection pong ginagawa sa atin.
At iyon po ay ating mga blood bank or blood center ay of course with our staff at iyong mga facilities po natin at mga machines po natin ay of course disinfected po iyan everyday po. At sila po ay talagang handang i-receive kayo sa ating mga reception para po mag-donate po kayo ng dugo.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan tungkol sa ating blood donations sa NVBSP?
NVBSP MARITES ESTRELLA: Maraming salamat po. So sa ating mga kababayan, sa mga nanunood ngayong umaga, unang-una maraming salamat po sa lahat po na sumali sa atin celebration ng World Blood Donor Day yesterday po, June 14. And then ito po ay ipagpatuloy natin ang ating selebrasyon dito sa Pilipinas, mayroon naman tayong tinatawag na National Blood Donors Month so the whole month of July po iyan.
So atin pong hinihikayat ang ating mga volunteer blood donors o potential blood donors na mag-donate po ng dugo. At ngayon po dahil new normal tayo, more on sa social media na po tayo, maari po tayong pumunta sa ating Facebook at iyon po, i-click lang natin iyong ating icon menu at lalabas na po iyong blood donation. I-click ninyo po iyon, ‘pag klinik ninyo po malalaman ninyo na kung ano po ang pinakamalapit na blood bank o blood center na pupuntahan ninyo.
Ngayon po kung mayroon po kayong katanungan ay doon ninyo rin po malalaman kung ano po iyong mga contact details na inyong tatawagan po.
So ngayon po ng World Blood Donor Day at National Blood Donors Month natin ay ang atin pong tema ay “Give Blood and Keep the World Beating.”
So ang ating mga kabataan po ang focus natin ngayon, sa ating mga kabataan sabi nga ni Dr. Jose Rizal, “Ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan.”
Ngayon pong World Blood Donor Day at National Blood Donors Month, naka-focus tayo sa ating mga kabataan dahil kami ay naniniwala through our “DUGOYANIHAN: Sulong sa Pagtulong ang Dugong Pilipino.” So ngayon po ang National Voluntary Blood Services Program ay humihikayat po sa inyo na mag-donate ng blood sa ating mga blood banks, blood center – mapa-government, LGUs, private at saka Philippine Red Cross po natin.
Maraming pong salamat at magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ibinahagi ninyong impormasyon, Ma’am Marites Estrella ng NVBSP. Mabuhay po kayo!
Binuksan na ang ika-isandaan at labing siyam (119) na Malasakit Center na matatagpuan sa National Children’s Hospital sa Quezon City. Kasabay nito ay ipinangako ni Senator Bong Go ang mas abot kayang pagpapagamot sa mga mahihirap na pasyente. Ang detalye, sa report na ito:
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman po natin ang balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa ating mga lalawigan. Ihahatid iyan ni Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Ria Arevalo mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
Sinabi po ng World Health Organization at ng United Nations Children Fund (UNICEF) na dapat magkaroon ng safe reopening ng mga klase para sa physical and mental health ng mga bata. Alamin po natin ang reaksiyon ng Department of Education sa pahayag na iyan at pag-usapan na rin po natin ang iba pang mainit na balita tungkol po sa sektor ng edukasyon. Kasama po natin si DepEd Secretary Leonor Briones, Undersecretary Nepomuceno Malaluan, Undersecretary Josephine Maribojoc, at Usec. Alain Pascua – magandang umaga po sa inyo.
Secretary, ipinapanukala po ng World Health Organization at ng UNICEF ang agaran at safe re-opening ng mga paaralan. Ano po ang masasabi ninyo dito?
DEPED SEC. BRIONES: Ang sinasabi ng WHO at saka ng UNICEF ay advise iyan sa atin. Nagbibigay sila ng pinakahuling datos galing sa iba’t-ibang bahagi ng ating international community. The other aspect na tingnan natin sa kanilang advise ay iyong sinasabing safe reopening. Ang kailangan kung mag-open tayo ng halimbawa iyong face-to-face kasi wala namang ibang masyadong challenge sa kung other means ang gawin natin other than face-to-face dahil hindi naman magkikita-kita iyong mga bata at teacher ay iyong safe reopening.
Isang aspeto na dapat nating tandaan ay mayroon tayong mga batas na maliwanag na maliwanag na nagsasabi. Dalawa itong batas na ito which we have to comply with. Una, iyong unang batas ay nagsasabi na ang pinaka-latest na ano natin na puwedeng magbukas ng klase ay August, sa August, nandiyan iyan sa batas.
Pero last year mayroon din tayong isang batas na bago na ipinasa ng ating Kongreso at ang ating Senado na nagsasabi na ang Presidente in times of calamity or in times of emergency siya ang mag-determine kung kailan bubuksan ang klase upon the advice of the Secretary of Education. Makita natin sa batas na ito na very specific na ang Secretary of Education magbibigay ng advice sa Presidente.
So, ito iyong sitwasyon natin ngayon na ang Department of Education ay handa kasi alam naman natin ang advice ng international community, ang experience ng ibang bansa, pinag-aaralan din natin kung anong ginagawa ng ibang mga bansa sa Southeast Asia in the light in all of these developments pero ang bottom line is the law, this is RA 11480 na nagsasabi na ang Presidente ang magde-decide.
So, ang gagawin namin, gagawin namin iyong ginawa din namin last year, USec. Rocky. Last year, nagbigay kami ng three choices sa Presidente. Hindi naman na sabihin lang natin na dapat magbukas ka sa ganitong date, kailangan may choice naman dahil siya ang magde-decide. Bibigyan namin siya ng tatlong choices, iyong August na sang-ayon talaga sa existing law at saka kung mag-extend siya up to September first week or second week of September kung magde-decide ang Presidente.
Pero alam naman natin na at this time hindi natin mape-predict iyong behavior ng COVID-19. Maalaala natin na ang Presidente at ang Cabinet talagang ano iyan, 100% sila lahat unanimous mag-allow na sana ng ating sina-suggest/pino-propose na pilot studies sa mga piling eskwelahan pero lumabas bigla si UK variant. Ngayon, mayroon namang bagong variant, itong tinatawag nilang Delta variant na sinasabing napakalala, napaka-dangerous, so ang Department of Education kung siya ay magbibigay ng advise sa Presidente ay kailangan din kumunsulta sa IATF, sa Department of Health dahil ang expertise ng mga pag-aaral nila sa itong variant na ito na sinabing very dangerous at saka iyong advise din ng ating National Task Force kasi sabi ni Presidente na kailangan mabigyan siya ng assurance na ang mga bata ay safe at he’s looking forward to full vaccination ng children.
So, ito iyong mga aspeto na mag-i-influence sa desisyon, sa palagay ko, ng Presidente na amin namang isu-submit sa kaniya.
USEC. IGNACIO: Opo.
DEPED SEC. BRIONES: Pero alam natin ang advice, alam natin ang advantage, hindi nagbabago ang paninindigan ng Department of Education na sinabi ng Secretary mismo sa United National General Assembly na education must continue, that no one should be left behind. Ginawa natin ito sa rebelyon, sa nangyaring kaguluhan noon sa Marawi, hindi natin itinigil ang pag-aaral ng mga batang Marawi, more than 20,000.
So, palagi nating hinahanapan ng paraan na maka-respond but at the same time atin namang respetuhin ang batas na ipinasa ng ating Kongreso na ang Presidente ang magde-decide pero dapat bigyan siya ng lahat ng datos, lahat ng impormasyon na kailangan niya para makagawa siya ng wise or appropriate decision. So, iyon ang sitwasyon.
Right now, may choice siya – iyong existing law na August ang pinaka-latest at kung mag-extend siya, he can extend up to the first two weeks of September pero ang binabantayan nang husto, ang behavior nitong bagong variant.
Kung talagang mahirap i-control itong bagong variant, nandiyan naman iyong ating ibang paraan. Hindi na natin gagamitin iyong sinasabing face-to-face o sa biro namin ay ‘fes to fes,’ hindi na, ang gagamitin largely will be technology. Kaya nandito kasama ko si Usec. Alain, kasama ko si Usec. Nepo na siya naman ang nakikipag-usap palagi, nagkokonsulta sa private sector at saka si Usec. Jo Maribojoc, kung sakali man may tanong tungkol sa mga pang-pinansyal o tax issues ng ating mga private schools.
Thank you, USec.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pagdating naman po sa pagbabakuna sa mga bata, ano po ang stand daw ng DepEd patungkol dito? Posible ho bang isa ito sa mga ire-require kapag nagbukas na muli ang pasukan o mga paaralan?
DEPED SEC. BRIONES: Iyong mga unang pag-aaral na epekto ng COVID-19 sa mga bata, nagpapakita na ang mga bata posibleng maging carrier pero mataas ang resistensiya nila. Kitang-kita iyan sa lahat ng datos natin na strong ang resistance ng mga bata sa COVID pero they can be carriers. Pero may mga bagong pag-aaral na ipinalabas ni Secretary Galvez na itong pinakabagong variant na hindi pa natin masyadong kakilala kasi bigla na lang pumasok itong sinasabi nilang Delta variant, baka iba ang ugali.
Kaya ang advice sa atin ng Department of Health at saka ni Secretary Galvez ay pag-aralan nang husto kung kailangan bang bakunahan ang mga bata, kasi noon ang ating paningin ay ang mga bata puwedeng carriers at saka kailangan mag-ingat ang mga adults kasi mas malakas ang resistensiyas nila. Pero ngayon, nakikita natin na hindi pa natin sigurado kung anong ugali nitong bagong variant na sinasabi nila na dangerous; so, makikinig tayo sa advice ng Department of Health at saka ng ating advisers sa tungkol dito sa vaccination campaign.
Pero I want to emphasize na hindi ibig sabihin na magsasara tayo ng eskwelahan. Patuloy din ang pag-open ng schools pero walang face-to-face kung sakali mang considered dangerous talaga itong bagong variant na ito at saka kung mahabol natin halimbawa kasi iyon naman ang sabi ni Secretary Galvez na kung mahabol natin by August o September na ang mga bata mabigyan din ng proteksyon eh siguro magagawa natin on a limited basis.
But ang bottom-line kasi dito ay maliwanag kasi sa RA 11480 na ipinasa last year ng both Houses of Congress, ang President ang mag-decide but he’s entitled to get all the data, all the information, all the advice that is available worldwide or dito sa ating bansa. Iyon ang masasabi ko. Pero ang DepEd handa, whether face-to-face, whether online or whether hindi natin—radyo or TV, patuloy ang edukasyon. Ang paraan lamang ang mai-influence ng pagpasok nitong bagong klaseng COVID variant at ang Presidente ang magde-decide.
Thank you.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, inaasahan naman po na magkakaroon ng 150% increase sa corporate income tax sa mga private schools na magdudulot ng tuition hikes. May nakasalang pong panukala sa Kongreso para ayusin ito, mahaba-haba pa daw po iyong proseso na pagdadaanan bago ito maipatupad. Sa ngayon po, ano po ang pahayag ng DepEd tungkol dito?
DEPED SEC. BRIONES: Alam mo, Usec. Rocky, ang mga departamento ng pamahalaan kaniya-kaniyang trabaho sila. Ang pag-interpret sa aking paningin ng mga tax laws natin ay nasa Department of Finance iyan lalo na sa BIR at saka sa Presidente mismo. There was even a time na ang BIR directly under the Office of the President, na siya ang talagang gumagawa ng mga desisyon tungkol diyan.
Nagsalita na si Spokesperson Harry, nagsalita na ang pamahalaan. So, kami ang ginagawa namin continuous ang dialogue natin sa mga private schools kasi nandiyan naman sa Constitution na complementary ang ginagawa ng private schools at saka ng public schools, pero iyong mga desisyon hinggil sa mga taxes ay nakasalita na, nagsabi na ang Office of the President, ang Spokesperson nagsabi na ang Department of Finance tungkol sa isyu na iyan.
Pero sa ibang mga bagay, sa relasyon namin sa private sector, maayos naman dahil continually nagda-dialogue kami. Nandito si Usec. Nepo at saka si Usec. Jo Maribojoc sa legal namin na puwedeng magpaliwanag tungkol sa isyu na ito, taxes as well as continues dialogue with the private sector. Thank you.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kailan naman daw po inaasahang maibibigay itong cash allowance sa mga public school teachers? Kakayanin po ba daw ito bago magbukas ang klase?
DEPED SEC. BRIONES: As far we are concerned, five months iyong maalala ninyo na hindi tayo nagbukas ng klase, five months naman regular natatanggap ng teacher ang kanilang benefits. Walang utang ang Department of Education sa benefits ng mga teachers dahil alam namin na mahalagang-mahalaga at kailangang-kailangan iyan, bukas kung sarado ang eskuwelahan, iyong benefits ng teachers pati uniform allowance inaayos na namin.
Iyong uniform allowance gusto kong i-clarify hindi kami magbibigay ng uniform, ang ibibigay namin ay cash din at pera din ang ibibigay namin sa teacher, nasa teacher iyan kung bibili siya ng bagong uniform o kuntento na siya, happy na siya sa dati niyang uniform pero ang pera ibibigay namin sa kaniya.
Lahat ng entitlements ng ating mga teachers, binibigay natin at saka timely ang pagbigay ng mga allowances at saka compensation na ito sa ating mga teachers. So wala tayong pagkukulang dito, kagaya sa iba ding mga nagsisilbi dahil maliban sa teachers marami din ang nagsisilbi sa taongbayan. Thank you.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan partikular po sa mga nanay o mga magulang para po sa kanilang mga anak.
DEPED SEC. BRIONES: Una Usec. Rocky, ang gusto kong i-emphasize patuloy ang pag-aaral. Hindi natin ititigil ang edukasyon. Pangalawa, iyong ating sinasabi palagi sa UN General Assembly “No one should be left behind”, nagawa natin iyan sa instance ng Marawi, sa pagputok ng bulkan, binubuksan pa rin natin iyong pag-aaral. So, patuloy ang pag-aaral, ang paraan sa pagbigay o sa pag-share sa pag-develop ng ating mga learners at pagbukas ng eskuwelahan, ayon decision ng Presidente pero bibigyan siya ng lahat ng impormasyon at datos na kailangan niya.
So, gusto ko i-assure ang mga parents. This year 26.6 million na mga bata na nag-aaral and we look forward to having them back with us, we look forward to moving them on kasi hindi puwedeng maiwan ang ating mga bata. So, patuloy ang pag-aaral, medyo mag-a-adjust tayo sa paraan ng pagturo, medyo mag-a-adjust tayo sa contribution ng teachers, ng parents, ng local governments at saka iyong nagsisilbi sa education sector.
Pero ipagpapatuloy natin iyong pag-aaral, mawawalan lang, Usec. Rocky, ng isang taon ang isang bata na hindi makapag-aral, ang laki ng mawawala sa kanya in terms of iyong pangangailangan ng ating bansa at saka pangangailangan din ng mundo sa pagtrabaho nila in the world of work na pupuntahan ng ating mga kabataan. At saka isipin din natin ang future, ano bang klaseng society maging ang Pilipinas, ano bang pangangailangan ng ating bansa na kailangang i-provide sa ating kabataan? Kaya, tuloy ang edukasyon, walang maiiwan; siguro ang kombinasyon ang magbabago ang Presidente ang magde-decide. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo, kunin ko na lamang po iyong mensahe ng ating mga kasamahang Usec. Ilan po ba iyong ating inaasahang mga estudyante ngayong school year. Unahin ko po si Usec. Nepomuceno Malaluan. Usec?
USEC. MALALUAN: Kagaya ng nasabi ni Sec. Briones na sana ay matapatan natin kung hindi man mahigitan pa iyong current enrollment natin. Ngayon ay umabot tayo ng 96 plus percent noong enrollment noong 2019 – 2020, ang mas nabawasan ay iyong sa pang-pribadong paaralan at sana ay kung magkakaroon ng pagbubukas ng ekonomiya kung may pagkakataon ay tumaas iyong enrollment din sa private schools natin.
So, nabanggit ni Secretary na halos 26 million itong mga nag-aral natin, iyong sa public schools nga ay nahigitan pa natin ng kaunti. Iyong enrollment natin pre-COVID sana ay masustain natin ito dito sa dadating na pasukan.
USEC. IGNACIO: Opo. Si USec. Alain Pascua po, kayo po ba ay mayroong mensahe sa ating mga magulang?
Usec., audio po, naka-mute po yata kayo Usec. Okay babalikan ko po kayo ano, ayusin lang namin ang linya sa inyo.
Si Usec. Josephine Maribojoc po, ano po ang gusto ninyong mensahe sa ating mga magulang?
USEC. MAREBOJOC: Magandang hapon muna Usec. Rocky at magandang hapon din sa mga manunood.
Para po sa ating mga magulang sa usapin po noong pagtaas ng tuition nabanggit na po ni Secretary ay nasa ilalim po iyan ng ating Department of Finance ngunit sa ilalim po ng Department of Education mayroon naman po tayong mga regulasyon tungkol sa pagtataas ng tuition.
Bawat pagtaas po ay kinakailangang isangguni ng school administration sa student government at sa mga magulang ng mga mag-aaral. Kaya nababatay po rin sa mga konsultasyon na iyan kung anong kahihinatnan ng pagtaas ng tuition kung kinakailangan nga ba na magtaas ng tuition ang ating mga pribadong paaralan.
Kasi lahat ng ito po, tayo po ay nagtutulungan dahil ang mga bata ay may karapatan sa edukasyon maging pamdemya man po o walang pandemya. Ang kinakailangan po nating itaguyod ay ang tinatawag nating best interest of the child o iyong pinaka-makabubuti sa ating mga kabataan.
Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo, salamat po.
Si Usec. Pascua okay na po? Okay na po ba Usec?
Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga: DepEd Sec. Leonor Briones, Undersecretary Nepomuceno Malaluan, Undersecretary Josephine Marebojoc at si Undersecretary Alain Pascua, mabuhay po kayo at stay safe po.
Dumako naman tayo sa mga pinakahuling balita mula sa hilaga, magbabalita si Eddie Carta mula sa PTV-Cordillera. Eddie?
Okay, Eddie babalikan ka namin. Mukhang ayusin natin ang linya ng komunikasyon sa inyo.
Samantala, pinakahuling mga kaganapan sa Region XI ibabalita naman ni Regine Lanuza ng PTV-Davao.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza mula sa PTV-Davao.
Balikan po natin si Eddie Carta mula sa PTV-Cordillera. Eddie?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Eddie Carta ng PTV-Cordillera.
At dito na po nagtatapos ang halos dalawang oras nating makabuluhang talakayan. Maraming salamat po sa inyong pagtutok sa aming programa.
Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO at ito po ang Public Briefing #LaginghandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center