USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa bawat Pilipino saanmang panig ng mundo. Usapang COVID-19 pa rin po tayo at ilan pang mahahalagang impormasyon na may kinalaman sa pandemya. Samahan ninyo kami muli ngayong araw ng Miyerkules, June 23, 2021, isang oras na makabuluhang talakayan. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa ating unang balita: Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang benepisyo para sa mga Indigenous Peoples Mandatory Representative o IPMR sa mga barangay. Ito po ay ang death and burial benefits para sa mga IPMR na pumanaw habang nasa serbisyo. Narito po ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, muli nating kumustahin ang COVID-19 situation sa labas ng Metro Manila. Ngayong umaga ay alamin natin ang kalagayan ng mga kababayan natin sa Bicol Region partikular sa lalawigan ng Albay, makakausap po natin si Albay Governor Al Francis Bichara. Magandang araw po, Governor!
ALBAY GOV. BICHARA: Magandang araw po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, konting update lang po muna sa latest count po ng COVID-19 cases diyan sa inyong lalawigan. Sa ngayon po ay ilan pa po ba iyong nananatiling active cases diyan?
ALBAY GOV. BICHARA: Ang active cases ngayon is 1,958.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, medyo nahihirapan po yata iyong ating audio ‘no. Pero problema ninyo aniya iyong turnaround time sa resulta sa swab test dahil iilan lamang daw po iyong accredited na molecular laboratory sa Bicol Region. So nakikipag-ugnayan na po ba kayo sa DOH tungkol dito? At sa tingin ninyo po ba ay mas marami pang carrier ng COVID-19 sa Albay ngunit hindi pa rin sila nati-test sa kasalukuyan, Governor?
ALBAY GOV. BICHARA: We have enough machines sa laboratory dito sa regional hospital, eh kaso nadi-delay lang ang paglalabas ng mga results.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Governor, masasabi ninyo po ba na manageable pa rin naman iyong mga COVID cases diyan sa inyong lugar kahit po nagkakaroon pa rin ng tinatawag na steady rise sa mga nadadagdag na kaso araw-araw?
ALBAY GOV. BICHARA: Okay, let me share this ‘no. Since March 2020, ang total cases namin is more than 4,000. Pero ngayon ay lumubo nang konti kaya out of 4,000, one thousand nine hundred plus ang positive, active. Ang recoveries namin ay 1,900 eh. Ang mga namatay is mga 119.
Ang problema namin, kukonti ang bakunang dumarating kasi ang dumating sa amin is 6,ooo plus – vials ‘no; pero ang dapat bakunahan namin ay 46,000 from A1 to A4 – 46,000.
USEC. IGNACIO: Opo. So ano po ang nais ninyong sabihin dito—sa tingin ninyo po ay kailangan ninyo po ay kailangan ninyo po nang mas maraming bakuna po ba iyong sinasabi ninyo, Governor?
ALBAY GOV. BICHARA: Yes, dahil ang nagkakaroon ng local transmission lalo na iyong mga government personnel at saka iyong mga sa mga bangko, iyong mga tellers, iyong cashier, iyong mga essential workers.
USEC. IGNACIO: Pero, Governor, sa tingin ninyo ay kailangan po ng karagdagang bakuna para sa inyong lugar?
ALBAY GOV. BICHARA: Definitely, kailangan para huwag nang kumalat.
USEC. IGNACIO: Opo. Kukumustahin ko naman po iyong hospital utilization rate sa ngayon, Governor. Ayon po kasi sa Albay Medical Society ay pila raw po, totoo po ba ito, ang mga pasyente na naghihintay na ma-admit sa ospital?
ALBAY GOV. BICHARA: Iyong ibang pasyente, gusto nilang pumasok sa ospital sa private hospital, eh kukonti lang naman ang mga allocation nila para sa COVID. So iyong iba naman ayaw pumasok sa mga quarantine facilities ng mga LGUs dahil siyempre iyong iba ay may kaya; gusto nila maganda rin ang serbisyo, hindi iyong ordinaryo.
So iyong nagpalabas na magiging India ito, exaggerated iyon. Hindi naman nagsabi iyong mga medical stations na magiging India ito. Eh gawa-gawa lang iyan ng media.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Governor, ang sabi ninyo ay iyong iba ay tumatangging pumunta sa isolation facility, tama po ba iyon? Kung hindi po sila makapasok sa ospital, ayaw nila sa isolation facility, sila po ba ay nagho-home quarantine?
ALBAY GOV. BICHARA: Oo nga, pero ang problema, kailangan itsek nila iyong bahay – may sariling kuwarto, may banyo. Hindi puwede dahil iyong iba naman ay maliit ang bahay eh mahahawa iyong buong pamilya. Eh kadalasan ganoon ang nangyayari, nagkakaroon ng family transmission kaya ubos iyong pamilya, nagpa-positive.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Governor, last week ay nagkaroon din po ng recommendation ang mga doktor at health experts sa Bicol Region na diumano itaas daw po sa ECQ ang inyong lalawigan diyan kabilang ang Albay. Kayo po ba ay sang-ayon dito? At masasabi ninyo po sa ngayon ay sapat naman po iyong pag-extend ng GCQ diyan sa inyong lugar?
ALBAY GOV. BICHARA: Compared sa ibang lugar, eh hindi naman ganoon kalala ang problema dito na mag-ECQ. Iyong mga tao, ayaw nang mag-ECQ dahil iyong mga nagtatrabaho, isang kahig, isang tuka, wala nang trabaho sila. Eh siyempre dapat—may mga limitations; sa bahay sila, hindi na makakapagtrabaho, babagsak iyong negosyo, mas maraming magugutom dito. Ubos na rin iyong pera namin para magbigay ng mga ayuda.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Governor, ano po ang mga paghihigpit na patuloy na ipinatutupad ninyo sa Albay para po maiwasan iyong pagdami ng mga hawahan po?
ALBAY GOVERNOR BICHARA: Ito na nga, nasa GCQ na, nasa GCQ kami. At nag-meeting kami ng mga mayors para higpitan nila iyong guidelines under the GCQ. At saka pinatigil muna namin iyong mga karaoke, may liquor ban, may curfew sa ibang bayan. Pero ang problema ay iyong mga sa transportation dahil sa tingin ko ay doon nagkakahawaan dahil tuloy pa rin iyong pagbibiyahe nila dahil naghahanapbuhay; hindi mo naman mapigilan iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Governor, kasi po ay may mga pagtaas din po talaga ng kaso sa mga iba rin pang lugar. Kayo po ba ay naghihigpit din dito sa border control na iyan pong papasok sa lalawigan ninyo para po maiwasang tumaas pa iyong kaso?
ALBAY GOV. BICHARA: Mula sa umpisa, mayroon kaming border control. Iyong iba kasi nandadaya, gaya ng mga galing Maynila, magri-rent sila ng mga private vans o private vehicles, bibiyahe sila at pagdating sa Naga, ipapa-washing ang mga sasakyan tapos sasabihin nila they come from Camarines Sur. Kasi hindi naman mahigpit ang within the region, iyong mga probinsiya. At saka hindi naman puwedeng pigilan namin bawat sasakyan eh, hahaba ang trapik sa highway. So may nakakalusot nang ganoon.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kami po ay nagpapasalamat sa inyong update diyan sa Albay, ano po. Kayo po ba ay may gusto pang iparating sa pamahalaan at maging sa inyo pong mga kababayan diyan sa Albay?
ALBAY GOV. BICHARA: Dito sa amin, madalas naming sinasabihan iyong mga kababayan namin, dapat i-observe iyong protocol – wear your ask at saka iyong social distancing. Ang kailangan namin ngayon dito para makumpleto namin at least iyong mga A1 to A4 especially iyong essential workers, we need at least mga 40,000 vaccines. Eh kung maraming darating, kailangan padalhan na kami ng mga 40,000 vaccines para ma-minimize, ma-reduce namin iyong local transmission.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Governor Al Francis Bichara. Stay safe po, Governor.
ALBAY GOV. BICHARA: Salamat din. Kayo rin, stay safe.
USEC. IGNACIO: Samantala, silipin naman natin ang pinakahuling bilang ng COVID-19 sa bansa:
- Nadagdagan ng 3,666 ang bilang ng mga nahawahan ng COVID-19 sa bansa na sa kabuuan ay umabot na sa 1,367,894.
- Mas marami naman ang mga naka-recover na nasa 6,810, dahil dito ay umabot na sa 1,291,389 na ang total recovery sa bansa.
- Animnapu naman po ang naitalang pumanaw dahil sa sakit kung kaya po 23,809 ang suma total ng mga namatay sa COVID-19 simula po nang mag-umpisa ang pandemya sa Pilipinas.
- Dahil sa mataas na bilang ng recoveries, bumaba sa 52,696 ang mga aktibong kaso ng COVID-19.
Ang amin pong paalala, maging kabahagi tayo ng solusyon laban sa pandemya. Bukod po sa paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield, at pagpapanatili po ng physical distancing, mahalagang magpabakuna na rin po para siguradong protektado laban sa malalang epekto ng COVID-19.
Samantala, naging mainit na usapin ang paglihis ng Cebu Province sa mga panuntunan na ipinatutupad ng national government pagdating sa quarantine protocols ng mga nanggagaling sa ibang bansa. Bagama’t binawi na po kahapon ni Cebu Governor Gwendolin Garcia ang kaniyang executive order, ipatutupad pa rin niya ang swab upon arrival policy sa mga incoming passengers sa probinsiya, iyan po at iba pang usapin sa mga lokal na pamahalaan ang atin pong pag-uusapan, kasama po natin ang Acting Spokesperson ng DILG, Assistant Secretary Odilon Pasaraba. Good morning po, Asec.
DILG ASEC. PASARABA: Usec. Rocky, good morning. Kumusta po kayo?
USEC. IGNACIO: Okay naman po. Asec., kahapon nga po ay binawi na ni Cebu Governor Garcia iyong kaniyang EO na kakasuhan ang sinumang susuway sa implementasyon ng protocols ng kanilang probinsiya dahil susunod na po sila dito sa patakarang ipinaiiral ng IATF. Pero sa ngayon po ba ay may direktiba na si Secretary Eduardo Año kung ano po ang hakbang na gagawin ng DILG tungkol kay Governor Garcia dahil sa nangyaring [unclear] natin sa Cebu sa mga nakalipas na linggo?
DILG ASEC. PASARABA: Ang ating mahal na Kalihim, si Secretary Eduardo M. Año, ay wini-welcome itong positive na development, at patuloy ang pakikipag-usap sa ating lokal na pamahalaan sa probinsiya ng Cebu through Governor Gwen Garcia.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Asec., ano naman daw po ang masasabi ninyo na may mga ilang senador na sumang-ayon at nagpakita ng suporta sa ipinatutupad ng Cebu Provincial LGU na mas maikling quarantine protocol?
DILG ASEC. PASARABA: Usec. Rocky, kailangan naming mapag-aralan at mapag-usapan ang mga bagay na iyan, so we will give you update on this matter.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., ano na po daw iyong naging turnout naman ng critic ng IATF sa naging polisiya ng Cebu Province kaya nasabing hindi pa napapanahon ang ginawa nilang pagpapabilis ng quarantine protocols sa mga nagbalik-bansa po?
DILG ASEC. PASARABA: Pinag-aralan ng IATF, ng miyembro ng IATF or the council [unclear] iyong kanilang resolution, so therefore it must be respected and at the same time, be implemented accordingly.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., nagpaalala nga rin po si Secretary Año sa mga LGU na paghandaan na po iyong pagdating ng malaking bulto ng Pfizer vaccine sa bansa. Pero paano naman po ang mga LGU na nauna nang sinabing walang kapasidad na makatanggap ng mga bakunang highly sensitive gaya po ng Pfizer? So paano po makakaabot sa kanila ang mga bakunang ito?
DILG ASEC. PASARABA: Ini-encourage ng ating departamento at ng ating pamahalaan in general ang pakikipag-ugnayan at pagsuporta sa ating pribadong sektor na may kakayahan for that purpose, particularly iyong storage requirement. And alam ko, naniniwala ako sa commitment, dedikasyon at kakayahan ng ating lokal na pamahalaan na once na darating ang Pfizer ay ready sila, prepared sila at nakipag-coordinate sila sa tamang ahensiya at pribadong sektor na makakatulong sa kanila. Point in case ay ang Probinsiya ng Quirino na mayroon na silang Pfizer na supply.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., nitong nakaraang po ay bumisita si DILG Undersecretary Marjorie Jalosjos sa vaccination site po sa Las Piñas City. Ito po ba ay nakatakdang gawin na talaga ng DILG sa mga susunod na araw, iyon daw pong pagbisita at mag-inspect sa mga vaccination sites para alamin kung nasusunod ang protocol at mga proseso?
DILG ASEC. PASARABA: Sa liderato ng ating Secretary Eduardo M. Año, may istratehiya siya na bawat Usec. at Asec ay may asignatura o may place of assignment for special projects such as vaccination rollout. And lahat ito, nagbibigay kami ng report every Friday sa kaniya for updates and mga rekomendasyon para ma-facilitate at mabigyan ng solusyon ang mga problema na dinulog sa representante ng DILG sa mga lokal na pamahalaan na binisita.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., ano po ang layunin nito, para atasan po ang mga opisyal din ng DILG na magpunta na po sa mga vaccination site?
DILG ASEC. PASARABA: Yeah, Usec. Rocky, alam mo naman kailangan iparamdam natin sa ating mga constituents na ang liderato, ang intent ng administrasyon ay totoo. Kailangang maramdaman that we really take the lead in terms of this vaccination [garbled]. And the presence of the DILG would not only strengthen the partnership, support with the LGU but at the same time, iyong trust and confidence ng mga taumbayan na tinututukan talaga natin itong mga vaccination rollouts.
USEC. IGNACIO: Opo. Speaking of vaccination site, Asec., si Mayor Isko Moreno po ng Maynila ay nag-order po na payagan ang walk-in kahit sinasabi po ng DOH na dapat daw po ay nagparehistro muna bago tumungo sa mga vaccination centers. Ano po ang stand ng DILG dito sa aksiyon na ito ni Mayor Isko? At nakausap ninyo na po ba ang Alkalde tungkol dito?
DILG ASEC. PASARABA: Wala pang report, hindi pa namin nakakausap ang butihing Alkalde ng Manila. But of course, Secretary Ed Año per our Memorandum Circular encourages local chief executives to develop strategies para ma-ramp and at the same time mapabilis talaga ang vaccination. Alam naman natin na ito iyong hinihintay ng taumbayan, napakahalaga nito at napaka-essential, at positibo tayo maging si Presidente na ito iyong paraan, susi na maging kampante at maging safe ang ating mga kababayan.
Henceforth, any strategy na makakatulong sa national government agency without offending our established health protocols and other essential protocols sa vaccination is a welcome strategy, it’s a welcoming strategy, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., nitong [garbled] ay nanghingi ng tulong ang Antique sa inyong tanggapan dahil mismong ang mga barangay daw po, barangay officials gaya po ng kapitan at barangay health workers ay nag-aalinlangan din pong magpabakuna. Ano po ang ginawa o gagawing aksiyon ng DILG dito?
DILG ASEC. PASARABA: Information dissemination is very vital. Hinihikayat namin ang aming mga barangay health workers, punong-barangays, mga municipal mayors, governors, city mayors at lahat ng local na opisyales na sila iyong maging leaders, sila iyong mangunguna at mag-encourage sa ating mga kababayan that our vaccines regardless of brand is safe because this had passed, I should say, itong mga tests na nirirekognisa ng ating health authorities.
USEC. IGNACIO: Opo. Doon po sa mga ayaw naman po daw na magpabakuna, sa palagay ninyo po ba ay seryosohin ni Pangulong Duterte ang naging banta niyang posibleng ipakulong daw po iyong mga ayaw talagang magpabakuna?
DILG ASEC. PASARABA: Sa ating mga kababayan, ang mensahe lamang ng ating mahal na Pangulo is seryosohin ang pagbabakuna. Do not take it as an opportunity na—I mean, huwag ninyong hayaang masayang iyong oportunidad na mapabakunahan. He’s just saying and ito ay sinusuportahan ng DILG na kailangang maki-cooperate ang ating mga kababayan na kung nasa priority list sila, kailangang magpabakuna sila.
It only shows that the message of the President is kailangan magiging committed ang bawat isa that vaccination is the solution to the pandemic.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., medyo nagdulot din po ng kalituhan sa ilan po iyong tungkol dito sa pagsusuot ng face shield sa outdoor places. Pakilinaw na lang din po iyong isyu na ito, Asec., para po sa mga kababayan natin at sa mga uniformed personnel nating nagbabantay sa mga pampublikong lugar?
DILG ASEC. PASARABA: Wearing of face shield remains to be mandatory, whether indoor or outdoor. And the provision ng IATF, rules and regulations and together with our issuances, remain to be enforceable. At hinihikayat natin ang ating mga barangay officials, maging ang ating mga kapulisan at mga other law enforcers, mga barangay tanod na i-ensure iyong enforcement ng wearing of face shield. We should not lower our guards. Ginamit na natin, we used this for more than a year at sana mas lalo nating seryosohin ang paggamit nito dahil alam naman natin na per health authorities, ang wearing of face shield is a control measure, preventive measure.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa mga paglilinaw ninyo ngayong umaga, Assistant Secretary Odilon Pasaraba, Acting Spokesperson ng DILG. Stay safe po, Asec.
DILG ASEC. PASARABA: Usec. Rocky, maraming salamat, isang karangalan.
USEC. IGNACIO: Samantala, personal naman pong bumisita si Senator Bong Go sa mga displaced workers at person’s with disabilities sa Tupi, South Cotabato para mamahagi ng tulong kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan na nag-abot din ng serbisyo sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. Panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Kamakailan po ay nakapagtala ang Department of Health ng dagdag na apat na kaso ng Delta variant sa Pilipinas. Delta variant po tawag sa mutation ng COVID virus na unang na-detect sa bansang India at ang itinuturong dahilan ng mabilis na pagdami ng kaso doon. Sa kasalukuyan, ito na rin po ang itinuturing na dominant variant hindi lang sa India kung hindi maging sa United Kingdom at Singapore.
At para po pag-usapan ang ilang pang mahalagang impormasyon na dapat nating malaman tungkol sa Delta variant, makakausap po natin si Dr. Karl Henson mula po sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases. Good morning po, Dok, at welcome po sa Public Briefing.
DR. KARL HENSON: Magandang umaga po sa inyong lahat. Magandang umaga, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Dok, ano po ba itong pinagkaiba mainly ng Delta variant sa iba pang mga variants na nag-evolve po mula sa SARS-CoV-2 virus? Ano po raw iyong feature or characteristic nito na nagdudulot nang mas mabilis na transmission ng virus?
DR. KARL HENSON: So I think ang kailangang maintindihan natin ‘no, ang viruses, naturally nagmu-mutate talaga iyan kasi nagkakaroon ng errors doon sa kanilang pag-replicate ‘no. So simula’t simula pa lang ay mayroon na iyang mga variants. Kaso minsan iyong mga errors in multiplication na iyon result in … parang nagkakaroon siya ng error na kumakapit, nagiging mas mabisa iyong transmission, for example, or mas madaling mabuhay iyong mga viruses.
So iyong Delta variant is actually may mga mutation siya na katulad din ng ibang … iyong three other variants, pero itong Delta variant na ito ay mayroon siyang additional mutation compared to the Alpha or iyong UK variant before na mas madali siyang kumapit doon sa airway, mas madali siyang ma-transmit ‘no, mas madaling mahawa ang ating mga tao because of the additional mutation na nandoon sa kaniyang genetic material.
USEC. IGNACIO: Opo. Dok, ipagpapatuloy natin ang ating discussion sa inyo po, Dr. Karl Henson, sa pagbabalik ng Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Balikan po natin ang ating talakayan kasama si Dr. Karl Henson.
Dok, may sapat na po bang ebidensiya para masabing mas nakakamatay o may mas malalang epekto ang Delta variant kung ikukumpara po sa iba?
DR. KARL HENSON: Iyong pinakamagandang datos on the Delta variant ay galing sa United Kingdom dahil napakarami nilang kaso at maganda iyong surveillance system nila doon. And according sa datos nila, mas maraming nao-ospital because of the Delta variant when compared to the Alpha variant ‘no. So, maaari natin kumbaga i-conclude from their data na, una, mas malala iyong mga nagiging sakit ng mga pasyenteng nagkaka-Delta variant — two times the hospitalization rate. Although, hindi well-established kung talaga bang mas nakakamatay iyong Delta variant. Ang alam lang natin so far is mas malala iyong sakit at mas likely na mag-lead to hospitalization o mas likely na ma-ospital kapag nagkasakit ka with the Delta variant.
USEC. IGNACIO: Opo. Dok, pero mas mabilis daw pong kumapit ang Delta variant sa mga mas nakababata kaysa mas nakatatanda, specifically sa 12 to 20 years daw po. Totoo po ba ito? Base sa isa pang pag-aaral sa UK [garbled] ay dapat din nating ipag-aalala ito dito sa Pilipinas?
DR. KARL HENSON: Actually po, ang datos natin … ang Delta variant ay mas madaling kumapit sa airway ng … iyong receptors ‘no nung sa lungs natin. Whether [garbled] or sa matanda, I think it’s more to do with dahil iyong mga bata ay mas lumalabas na ngayon and iyong mga matatanda is more nasa bahay ‘no, nasa bahay sila para to protect themselves so baka kaya mas marami tayong nakikitang mga kaso sa mas bata.
However, it’s possible din talaga na mas madali siyang kumapit sa mga bata. But the important thing is, kapag nagkasakit kasi tapos medyo iba iyong sintomas ng Delta variant, halos walang ubo raw ‘no, halos walang nawawala iyong panlasa nila, hindi iyan masyadong nangyari ngayon so mas likely na ma-ignore ng mga pasyente lalo na kung very mild iyong symptoms.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow up din po: Dapat din ba raw i-consider ng pamahalaan na paagahin ang pagbabakuna ngayon sa mga nakakabata?
DR. KARL HENSON: Sa palagay ko po – and this is a personal opinion ‘no – the more na mabakunahan natin ang population nang mas mabilis including the teenagers, the better po ‘no.
Ang problema lang po kasi, siyempre ang pagbabakuna po, we need also good data to show na gumagana iyong mga bakuna sa ating mga adolescents, mga teenagers. Mayroon na pong datos ang Pfizer, approved na po siya sa Amerika. Although, siyempre kailangan din nating i-balance iyon with the need naman to prioritize iyong mga groups natin, iyong priority groups natin that are also more at risk for COVID.
Ang palagay ko po, more and more vaccine manufacturers will be able to show na gumagana iyong mga bakuna nila sa mga mas bata. Pero in the absence of that data, baka hindi po natin agad magawa iyon. Kung ipapalabas iyong datos as soon as possible and it shows na effective siya, bakit hindi ‘no. Mas maganda na mabakunahan natin lahat ng at risk for COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. Dok, alam naman po natin na sa ngayon ay hindi pa gaano kalawak iyong kapasidad ng PGC para sa genome sequencing nang mas maraming sample. Pero sa palagay ninyo po ba ay posibleng ang Delta variant na rin ang dahilan kung bakit naging mabilis iyong surge ng COVID cases sa bandang Visayas at Mindanao?
DR. KARL HENSON: Alam ko ang PGC, they’re very … kumbaga, they run the samples and kung ano iyong ibinibigay sa kanila ‘no from the community, and they are doing a very good job. Pero totoo na hindi masyadong malaki ang capacity nila.
Iyong mga Delta variant na nadi-detect so far, lahat nanggagaling sa Metro Manila kasi dito pumapasok iyong mga galing sa ibang bansa. And I think na for now, at least all the evidence shows na iyong Delta variant sa Pilipinas ay mukhang imported pa.
Sa palagay ko iyong outbreak sa Visayas and Mindanao has more to do with iyong mga—kasi usually iyan iyong mga provinces, sumusunod sila sa Metro Manila ‘di ba. So nag-surge sa Metro Manila, tapos mga nagsiuwian sa probinsiya, so sa palagay ko iyon ang mas likely na reason for the increase in numbers sa probinsiya ‘no more than the Delta variant.
USEC. IGNACIO: Opo. Dok, totoo ba na ang mga bakunang mayroon tayo sa ngayon – hindi lang po sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo – ay mayroong less protection sa Delta variant kumpara raw po sa Alpha at Beta variants? Effective naman daw po pero hindi raw po kasing taas ng efficacy sa ibang variants lalo na po kung isang dose pa lang. So ano po ang masasabi ninyo dito? At may tanong din po si Haydee Sampang sa inyo na mabisa ba sa Delta variant ang lahat ng bakunang available sa bansa?
DR. KARL HENSON: Okay. So in terms of the vaccine ‘no, ang datos natin again is from the UK kasi sila iyong nag-publish ng very well-designed na investigation. At dahil ang pinakapangkaraniwan na bakuna nila doon ay AstraZeneca at Pfizer, iyon lang din iyong may maganda tayong datos ‘no. But that’s not to say that the other vaccines do not work against the Delta variant.
So according po sa datos ng UK, ang vaccine efficacy po ng Astra and ng Pfizer, kapag isang dose pa lang medyo mababa, less than 50%, nasa mga 33% daw po; and umaakyat po iyon for symptomatic COVID. Ibig sabihin whether mild, moderate, severe or critical, basta symptomatic, umaakyat iyong vaccine efficacy to around 60 to 88%.
More importantly po ay their data shows na Astra and Pfizer works to protect you against severe disease. Matataas po iyong numbers ‘no, nasa 90% paakyat. So even po if magkasakit man ng COVID pero nakadalawang bakuna and at least naka-two weeks na from the second dose, protektado po from severe infection and death.
So totoo po na mukhang the data from the UK shows na mas mababa po iyong efficacy ng mga bakuna sa Delta variant pero it is almost as effective in preventing severe disease po.
Like I said po, iyong alam po natin about efficacy of the vaccines against the Delta variant, we’re getting from the UK ‘no. Pero hindi po ibig sabihin noon na hindi effective iyong ibang mga bakuna natin na mayroon tayo dito sa Pilipinas – iyong Moderna, iyon pong Sinovac. Most likely po, most likely, they will also be protective especially po against severe disease, we just do not have the concrete data yet ‘no.
Kung titingnan po natin iyong datos from Indonesia, mayroon pong nabalitaan doon na parang 300 plus healthcare workers na nabakunahan ng Sinovac, mayroon po akong nabasa recently na report na almost of them po ay mild iyong naging kanilang mga infections ‘no. So mukhang iyon po iyong trend na nakikita natin ‘no: The vaccines will protect against the Delta variant, against severe disease ‘no caused by the Delta variant po.
USEC. IGNACIO: Opo. May mga cases din daw po sa India na kahit fully vaccinate na iyong isang tao particularly iyong mga health workers doon ay nagkakaroon pa rin po ng breakthrough infections dahil sa Delta variant. Ano po ang masasabi ninyo o reaksiyon ninyo dito, Dok?
DR. KARL HENSON: I think po that is expected ‘no. Kasi kagaya nga po ng sabi ko kanina, iyong vaccine efficacy po ng, for example, Astra or Pfizer against the Delta variant ‘no, nasa mga 60 to 80 percent. Ibig sabihin, nasa mga 20 to 40% ang puwedeng magkasakit ‘no. So iyon po ang resulta talaga ng bakuna being less efficacious.
Kaya po ang important parallel message dapat, aside from promoting vaccination, is dapat po hindi tayo magkulang or maging lax doon sa iba pang mga interventions na nagpo-protect against COVID. Alam na po, kabisado na po natin iyan. Ang HTAC mayroon silang APAT Dapat ‘di ba – iyong ventilation, masks, hand hygiene at saka physical distancing, kailangan pa rin po siyang i-practice on top of getting vaccinated para po mas mabisa; we increase iyong chances na hindi po tayo mahawa from any COVID variant.
USEC. IGNACIO: Opo. Dok, posible bang magkaroon ng isa pang booster shot na specific lang sa Delta variant?
DR. KARL HENSON: I think at this point po, anything is possible ‘no. Siguro the manufacturers are also now back to the drawing board. Ibig sabihin, pinaplano na nila kung paano nila babaguhin iyong kanilang mga bakuna. I haven’t really heard any concrete news about something like this ‘no. Pero sa simula’t simula pa naman po, narinig na po natin na may posibilidad na this will, you know, ang COVID will be with us for a long, long time and where we might need some booster shots ‘no depending on kung mayroon bang variant na mag-develop.
So posible po iyon, although wala pa po tayong nababalitaan na concrete news about any booster doses for any of the variants.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Ivan Mayrina ng GMA News, at TV5 News Desk: What do we do about the Delta Plus variant which is now a new variant of concern in India? What does this tell us about the virus? Is there a need to re-evaluate daw po our current border controls?
DR. KARL HENSON: Okay. So iyong Delta Plus variant po, that is parang sanga ‘no, nagkaroon ng additional mutation iyong Delta variant, at nangyayari po iyon kapag mataas iyong number of cases; the higher the number of cases po, the more likely na magkaroon ng additional variants.
So kagaya po ng sabi ko kanina, having additional variants, hindi po iyan kagulat-gulat ‘no. We do expect po that the virus will continue to mutate lalo na kung mataas iyong mga kaso.
Pero from what we know already, from the UK—sorry, iyong Alpha variant, Beta, Gamma and Delta ‘no, number one, vaccines work; number two, iyon pong mga minimum public health standards will also work ‘no. So kailangan po from the standpoint ng mamamayan, iyon ang kailangan nating gawin: Magpabakuna and then maging vigilant with our minimum public health standards.
I think from the side of the government naman po, we really need a very good border control. Right now po, alam natin na nahuhuli po ng gobyerno at naka-quarantine iyong mga nagkaroon ng Delta variant.
Mapa-Delta variant iyan or Delta Plus ‘no, I think as long as nasa labas sila ng Pilipinas at hindi pa sila nakakapasok, medyo okay-okay pa tayo ‘no. Dapat lang po mahuli sila or ma-capture sila at ma-quarantine nang maayos para po hindi magkakaroon ng community transmission sa Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po sa TV5: Senate President Tito Sotto said that most, if not all the countries, only requires wearing face and the Philippines is the only country daw po that requires wearing both mask and shield. He even asked who is the ‘genius’ who pitched the said ordinance to the government. What is your take daw po on this? And do you think the government requires face shield for profit?
DR. KARL HENSON: May datos po actually na nag-i-increase po iyong protection against COVID kapag may face shield. Mayroon po tayong available data on that; hindi po masyadong malaki iyong sample population pero mayroon po,
Dati po ako ay … admittedly, ako rin ay skeptic ng face shields. Kaso ho in the face of, you know, the Delta variant knocking on our doorstep, it is much more transmissible, mas madali po siyang ipasa, I think na we need to employ all the protection that we can get ‘no para po maiwasan na magkaroon ng community transmission ng Delta. Ayaw po natin na maging katulad ng India doon sa naranasan nila earlier this year.
So siguro po iyong comment ni Senator was made noong medyo tahimik pa or hindi tayo masyado nagwo-worry about the Delta variant. But ang alam ko po, ni-recommend ng PSMID [Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Inc.] at ng mga doktor na kaagapay ng IATF na i-maintain iyong use of face shields at least for now, habang po tayo ay nagwo-worry about the Delta variant.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong paglilinaw, Dr. Karl Henson ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases. Mabuhay po kayo, Dok! Stay safe.
DR. KARL HENSON: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa ating mga lalawigan, ihahatid iyan ng PBS Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Mogol mula sa PBS Radyo Pilipinas.
Bukas, June 24, ang inaasahang pagdating po ng dagdag pang dalawang milyong doses ng CoronaVac vaccine mula po sa Sinovac Biotech ng China kaya naman po siniguro ni Senate Committee on Health Chairperson Senator Bong Go na makakarating din sa mga lokal na pamahalaan ang dagdag na supply ng bakuna lalo ang mga ikinukonsidera bilang high-risk areas. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Pagbabakuna sa mga kabilang sa A5 category sa Baguio City, nagsimula na. Magbabalita si Debbie Gasingan mula sa PTV Cordillera:
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Samantala, nasa critical level pa rin ang hospital beds ng Southern Philippines Medical Center dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Davao City. Ihahatid iyan ni Regine Lanuza ng PTV Davao:
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Regine Lanuza ng PTV Davao.
Maraming salamat din po sa ating mga partner agencies sa kanilang patuloy na suporta sa ating programa, gayundin po sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Maraming salamat din po sa inyong pagtutok muli, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center