Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Samahan ninyo kami ngayong huling Lunes ng Hunyo para sa panibagong balitaan at talakayan tungkol sa pinakamainit na isyu sa bansa. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, binuksan na ang ika-121 Malasakit Center sa Bontoc General Hospital kamakailan. Ang detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy ang mga ginagawang hakbang at pamamaraan ng Department of Tourism kabilang ang ilang ahensiya ng pamahalaan para ibalik sa dati ang sigla ng local tourism sa bansa. Bukod sa mga bagong tourism products na ilulunsad ng Kagawaran, magpapatuloy din hanggang sa katapusan ng taon ang 50% subsidy sa RT-PCR test ng mga lokal na turista. At para po pag-usapan iyan, makakausap po natin ang mismong Kalihim ng Department of Tourism, Secretary Bernadette Romulo-Puyat. Good morning po, Secretary, and welcome po sa Public Briefing.

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Good morning. Good morning sa lahat ng nanunood at nakikinig sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Secretary, bakit ninyo po napagdesisyunan na i-extend ang pagbibigay ng subsidy sa RT-PCR test sa mga local travelers? At kumusta po ba ang naging turnout ng una ninyong kasunduan with the PCMC?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Una sa lahat, marami kasing nag-avail nito. Noong June 1, pumayag ulit ang IATF na puwede na ulit ang tourism, iyong leisure travel from NCR Plus to MGCQ areas. So naisipan namin i-extend ito kasi lalo na wala nang age restrictions pero ang ang hiningi ng IATF na iyong below 18 at above 65, talagang stressed na dapat may negative RT-PCR swab. Naisip naming i-extend ito kasi talagang napakamahal pa rin ang [unclear] na swab. So naisip naming i-extend ito para makamura at makapagbakasyon na ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ilan po ba iyong nakinabang sa naunang subsidy effective January to June? Ilan naman po ang expected na makikinabang sa extended subsidy sa July hanggang December?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: As of June 23, na-approve na po ng Tourism Promotions Board ay 43,351 applications. So iyon ang nakapag-avail na ng [unclear] 50% na subsidy.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, why not all—qualified local tourists ang puwedeng maka-avail po nito?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Basta naman kunyari sila ay turista at sila ay naka-book sa isang DOT accredited, qualified naman. Pero siyempre, kunyari nakita naman namin naka-book sa isang 5-star hotel na 30,000 a night, hindi na namin binibigyan ng subsidy. Pina-prioritize namin iyong mga talagang nangangailangan, iyong kailangan lang ng subsidy.

USEC. IGNACIO: Ito po bang subsidized RT-PCR ay sa PCMC lang mai-extend o maging ang sa PGH daw po ba ay mai-extend din?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Well, we hope that it will be able to be extended, of course, this is up to the funds available. Sa DOT-TPB for the PCMC, mai-extend ito hanggang December 31st 2021. It depends also with the funds available. The same with the UP-PGH, pinag-uusapan naming mai-extend ulit iyong aming agreement with the PGH. The extension is up to December 2021. Pero based sa calculations namin dahil marami na na nag-a-avail, baka umabot lang ito ng July to August 2021.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero magkakaplano po kaya ang Department of Tourism at TPB na magkaroon din ng partnership na magkaroon din ng partnership sa iba pang ospital at accredited COVID testing centers para daw po, Secretary, mas pinalawak na subsidized RT-PCR tests?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Oo, open naman [unclear]. Ang gusto lang namin sana ma-match nila, like for example sa UP-PGH, 1,800 lang ang RT-PCR nila at sa PCMC ay 1,500 lamang at they are both government hospitals. As long as mabigyan kami ng the same rate at saka government [garbled] walang problema. [Garbled] government hospitals mag-G to G.

Like for example, dahil ang charge ng UP-PGH ay 1,800, sa 50% swab, ang babayaran na lang ng magbibiyahe, ang turista, ay 900 pesos na lamang. Sa PCMC naman dahil ang charge nila ay 1,500, ang babayaran na lamang ay 750 pesos.

USEC. IGNACIO: Pero, Secretary, speaking of swab test, hanggang ngayon po ba ay may mga napapaulat pa rin na namimeke raw po ng swab test. Ano po ang ginagawa raw ng DOT para po mapigilan ito ultimately at mapigilan nga itong ganitong pamimeke, Secretary?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Nagtatrabaho kami with the different local government unit kasi sila naman talaga iyong nakakahuli. Siyempre, ang DOT, mayroon na kaming mga nakasuhan na nalaman namin na nag-fake ng RT-PCR dahil positive pala sila pero gustong-gusto nilang mag-Boracay, pero ito talaga ay under the local government unit. Nakikipag-ugnayan din kami sa PNP at lately ang Department of Justice ay inutusan na rin nila ang NBI na hulihin hindi lamang iyong namemeke but iyong mga gumagawa ng fake RT-PCR certificates.

USEC. IGNACIO: Secretary, sinabi nga po ni Pangulong Duterte na immediate arrest agad gawin sa mga mahuhulihan ng pekeng swab test. Mayroon na po ba, nagkaroon kayo na ipinatupad na immediate o nagkaroon na ng report ng immediate arrest?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Wala pa kaming nakukuha as of now but nakikipag-ugnayan kami palagi with the LGU and the DILG regarding this. Pero talagang we agree with Pangulong Duterte kasi hindi ba kapag namemeke ka ng RT-PCR mo lalo na alam mo namang positive ka, talagang nakakabahala ito eh. Kasi baka dahil sa iyo ikaw pa ang mag-cause ng outbreak sa ating [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may mga ino-offer po kayong mga bagong tourism products, anu-ano po ito?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Pinu-push natin ngayon ang domestic tourism. Noong nagka-travel survey kami, ang hinahanap talaga ng ating mga gustong lumakbay ay open air, open space, culture at heritage. So, pinu-push namin iyong nature-based, cultural, farm –   naghahanap tayo ng farm – at culinary tourism.

Mayroon kaming mga inter-regional at intra-regional tourism circuit. So, minsan for example, gumagawa kami ng mga tourism products na sang-ayon sa gusto ng mga maglalakbay. Usually talaga, hinahanap nila outdoor at gusto nila iyong maliit lang na grupo kasi gusto lang nila kasama lang nila iyong mga small group lang.

USEC. IGNACIO: Secretary, how many tourists daw po have done domestic travels within the country before and during pandemic?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Naku! Wala pa kaming datos tungkol diyan pero noong 2019 mayroon tayong 110 million domestic trips. Though ang isang tourist destination, kung under MGCQ puwede na ang turista, mayroon tayong mga LGU na ayaw pa ring magbukas for tourism. So, inirerespeto naman natin ang ating mga LGU pero kinakausap pa rin namin sila na kung paanong ways na magbukas sila pero siyempre hindi mako-compromise iyong health and safety.

USEC. IGNACIO: Secretary, ngayon daw pong pababa na nga iyong mga kaso, may mga karagdagan po ba daw na pagluluwag kayong isusulong sa IATF para daw po mas mapalago ang turismo?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: May IATF meeting kami this afternoon. Ang pinag-uusapan kung paano, let’s say, kung fully vaccinated naman baka hindi na kailangan mag-RT-PCR pero iyon ay pinag-uusapan.

USEC. IGNACIO: Pero Secretary, ano daw travel trends ang parang tinitingnan ng Department of Tourism na gagawin?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Ang travel trends?

USEC. IGNACIO: Opo, travel trends.

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Well, ang hinahanap talaga ngayon ng mga tao talaga ay iyong trend na open air, open space so may sun and beach, nature, farm tourism, iyon talaga ang hinahanap. Pero noong nagka-travel survey kami, 96% hinahanap pa rin iyong health and safety protocol. Iyon talalaga.

Kaya talagang iyon ang niri-remind natin sa ating mga LGUs. Kahit na nagri-restart na tayo ng tourism talagang kailangan mahigpit pa rin sa pag-implement ng health and safety guidelines para tuluy-tuloy na ang pag-restart ng tourism at tuluy-tuloy na bababa ang ating mga kaso.

So far naman we are happy to note na walang outbreak because of tourism. Pero ito talaga pinapaalala natin sa mga LGUs at saka iyong mga hotels at mga resorts o iyong mga mabuhay accommodation na lagi nilang ipapaalala sa kanilang mga bisita na dapat sumunod talaga sa health and safety protocol kasi minsan nakakalimot eh, para tuluy-tuloy na ang pagbaba ng kaso at magkatrabaho na ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Pero Secretary, sa palagay po ninyo ay paano kaya makakatulong iyong pagkamit ng population protection sa NCR sa local tourism industry

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: I’m sorry, medyo choppy.

USEC. IGNACIO: Iyong papaano po makakatulong kapag nakamit na po natin iyong population protection sa NCR? Ano po ang magiging malaking tulong nito sa ating local tourism industry.

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Iyon na nga eh, masayang-masaya kami at least marami na, lalo na sa tourism sector napapabakuna. Iyon ang importante, the more people are vaccinated the more na we are protected, bababa ang kaso. So, the more people are vaccinated siyempre baka eventually hindi na natin kailangan magpa-RT-PCR swab. Iyong pinag-uusapan natin hindi na natin kailangan mag-subsidize kasi puwede na mag-travel all around the country at more and more people are vaccinated while at the same time hindi tayo nag-aalala na magkaka-COVID ang isang tao.

So, very important talaga na magpabakuna. Iyong aming mga tourism workers nasa A4 naman sila and as we speak lahat sila napapabakuna na. Iyong mga nagtatrabaho sa quarantine hotel, A1 na sila. So, iyon, masayang-masaya nga na napapabakuna. The more people are vaccinated the more tayo aahon at magri-restart na ang tourism.

USEC. IGNACIO: Secretary, ano naman daw po ang update sa pagbibigay naman ng safety seal sa mga tourism establishments?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Marami na. Marami na ang nag-a-avail. Mayroon kasi kaming safety seal with the DTI pero mayroon rin kami safe travel stamp na ibinigay ng WTTC (World Travel and Tourism Council). More than 100 na ang naka-avail nito and counting, so at least ang maganda dito sa safe travel stamp, iyong kanilang hotel ay hindi lang pumapasa sa local standard pero sa world standard.

USEC. IGNACIO: Secretary, nalalapit na rin iyong posibleng pagbago ng community quarantine, ano po, kasi magtatapos na ang buwan. So, sa panig po ng Department of Tourism, kayo po ba ay may isusulong na medyo pababain iyong edad na pupuwede na nga pong magpunta sa mga hotels at sa mga iba’t-ibang tourist destination?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Iyon age restrictions, noong June 1 tinanggal na ng IATF iyong age restriction, iyong June 1 pa lang. So puwede na from NCR Plus mag-travel sa MGCQ. So, noong June 1, puwede na mag-travel sa Bohol, sa Boracay. No age restrictions iyong above 65 and below 18 pero ang ipinaalala lang ng DOH ay dapat talaga mag-RT-PCR swab – so, noong June 1.

Tapos for example dito sa NCR Plus, kung naka-staycation hotel naman siya, accredited ng DOT iyong staycation hotel, walang age restriction rin. So, iyon naman ay continually pinu-push namin pero kailangan nga lang talaga balansehin ang pagbukas, not compromising health and safety. So, hopefully kapag MGCQ and more people are vaccinated, talagang wala ng age restriction kahit wala ng test.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa amin, Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat. Stay safe po, Secretary.

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Stay safe.

USEC. IGNACIO: Thank you.

Samantala po, sa latest data drop ng Department of Health kahapon, nakapagtala ng dagdag na 6,096 na kaso ng mga bagong nahawaan ng COVID-19 sa bansa. Dahil po diyan ay umabot na sa 1,397,992 ang mga nagkasakit, habang nasa 1,321,050 naman po ang mga gumaling matapos pong madagdagan ng 6,912 recoveries. 128 naman po ang naiulat na nasawi dahil sa virus kaya nasa 24,372 casualties ang naitala sa bansa. Dahil naman sa halos 7,000 recovery ay bahagyang bumaba sa 52,570 ang mga nananatiling aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Kaninang umaga naman po ay lumapag na sa NAIA Terminal 2 ang panibagong batch ng Sinovac vaccines na binili ng Pilipinas. Lulan ng Cebu Pacific Flight 5J-671 mula Beijing, China ang isang milyong doses ng CoronaVac at sinalubong naman po ito nina Secretary Carlito Galvez Jr., Secretary Francisco Duque III at Secretary Vince Dizon.

Sa taong 2022 po ay target ng Land Transportation Office na maimprenta na po at ma-distribute na ang nasa 18 milyong plaka po ng mga rehistrado at hindi rehistradong motorsiklo pero ang ahensiya, nagkakaproblema umano sa mismong pag-imprenta ng mga ito.

Alamin po natin ang buong detalye diyan, kasama po natin ang hepe ng Land Transportation Authority, Assistant Secretary Edgar Galvante. Magandang umaga po, ASec.!

LTO CHIEF GALVANTE: Magandang umaga sa inyo, Usec., at sa inyong mga tagasubaybay at tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., nito pong February ay inanunsiyo po ng LTO na nakapag-distribute na kayo ng 1.5 million motorcycle plates. Sa ngayon po, ilan na ang naimprenta ninyong plaka at naipamahagi na rin po?

LTO CHIEF GALVANTE: Sa ngayon ang na-manufacture na pong plaka for motorcycle is umaabot na po ng 3 million at this is already being distributed sa ating mga regions via the district offices at mga accredited dealers para mas madali ang pagbibigay ng mga motorcycle plates doon sa kanilang mga customer. Ginawa natin na sa pag-manufacture ng motorcycle plate, inumpisahan natin ito para sa motorcycles registered simula ng 2018 pataas. At iyon namang below 2018 – meaning 2017 and earlier – hinahangad po nating ma-manufacture a little later.

Bagama’t dahil sa dami po niyan, katulad na nga ng nabanggit ninyo ang projection natin diyan by 2022 eh ang kailangan nating mai-produce na motorcycle plate is around 18 million. Hindi po kakayanin sa natitirang panahon para matugunan ang pangangailangang ito. Kaya plinano po ng LTO at ng DOTr na iyong pababa po – from 2017 pababa – pagawa na po natin sa ibang mga manufacturers ng plate kung saan kakailanganin po namin ng halagang about 2.5 billion para matugunan po ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin lang natin, Asec., ano po. So nagkakaroon po kayo ng challenge dito sa pag-imprenta po?

LTO CHIEF GALVANTE: Totoo po iyon. Kasi iyong inaasahan po nating madadagdag na equipment, iyong robot, eh ini-expect po sana namin iyan earlier na ma-install. Bagama’t dahil sa pandemya, iyong mga inhinyero ang mag-i-install niyan manggagaling sa Germany at sa Netherlands eh hindi po nakarating. And ito po ay nag-cause ng isang malaking delay sa dami ng motorcycle plates na iimprenta ng LTO sa pang-araw-araw.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero. Asec., paano po kaya iyong target number na 18 million motorcycle plates by June 2022? Sa palagay po ba ninyo matatapos pa rin ito?

LTO CHIEF GALVANTE: Kung maibibigay iyong kaukulang pondo para ma-cover-an ito, sa palagay namin magagawa po iyon. Dahil hindi lang po ang LTO plate-making plant ang gagawa noong plaka kundi iyon na rin pong maaring manalo na mag-supply para dito sa ibang plaka. Ang estimate namin nito mga close to 10 million ang ipagagawa namin sa labas ‘ika nga.

USEC. IGNACIO: Opo. So, ano po iyong dapat gawin o ano po iyong alternatibong gagawin ninyo para po matugunan ito at saan po puwedeng kunin iyong sinasabi ninyong kailangan ninyong pondo?

LTO CHIEF GALVANTE: Nag-request po kami sa—iyong kasama sa budget ng LTO, isinama namin iyong pangangailangang around 2.5 billion. Hopefully maibigay ito para naman magamit natin iyong pondong iyon para i-contract out natin iyong number ng plaka na hindi magagawa dito sa ating sariling planta. So kung ito po’y maa-approve at maisakatuparan eh iyong iba pong supplier na nakakapag-produce po ng plaka according to the specification eh kumbaga maku-complement iyong ginagawa ng LTO sa pagpu-produce ng plaka dito sa planta.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., hindi naman po ba daw apektado ng problema ang plaka naman po ng mga -4-wheel motor vehicle?

LTO CHIEF GALVANTE: Comparatively iyong sa 4-wheel motor vehicle, hindi gaanong problema kasi almost current na po tayo dito ‘no except iyong mga replacement plate, iyong nag-i-sport pa rin ng green and white. Iyon, ginagawa po natin iyan na side-by-side with the production of the motorcycle plate.

Ang isa po sanang request namin doon sa mga wala pang plaka eh makipag-ugnayan po sila doon sa dealer nila or kung hindi naman sila masagot ng dealer, puwedeng diretso sa LTO. Kasi karamihan po niyan may plaka na, may plaka na at nagagawa po nga natin diyan mula noong pandemic na within 3 days lalung-lalo na dito sa Metro Manila, within 3 days na mai-forward sa LTO iyong kanilang application for registration, eh makukuha na po iyong registration with the plate, corresponding plate within that three-day period.

Bagama’t dahil sa pandemya medyo nagkaroon tayo nang pag-reduce ng workforce dahil kailangan mag-observe din po tayo noong mga physical distancing and the other, eh at least within 20 days nagagawa po iyan – assuming na iyong mga dealers nitong mga sasakyang ito ipinu-forward sa LTO kaagad iyong kanilang mga dokumento para i-effect natin iyong registration.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., mapunta naman po tayo sa lisensya ano po. Dahil ibinalik na nga sa MECQ ang mas maraming lugar sa bansa nitong nakaraan, in-extend din po ng LTO iyong validity ng mga lisensya? Tama po ba ito? At sinu-sino lang po iyong mga eligible dito at hanggang kailan po iyong extension?

LTO CHIEF GALVANTE: Tama po iyon, basta hindi po ito pare-pareho ‘no. Depende po kasi sa—kung minsan po nali-lift nang maaga iyong status ng quarantine at nag-a-adjust po tayo dito o kaya kahit nasa ibang—mayroong declaration na pagluluwag ng quarantine, may mga local governments na apektado nang mas serious kumbaga, serious na sitwasyon ng pandemya, nagkakaroon po sila ng declaration nang stricter quarantine period. Kaya automatic ho naman iyong LTO local, kumbaga iyong LTO local office doon eh nagri-report sa LTO Central office ng kalagayan kung saan pinapayagan po sila na mag-extend ng validity ng license. Hindi lang po lisensya, pati registration ng motor vehicle.

At kadalasan po, on the average mga 2 months ang binibigay na extension para hindi naman po magkaroon ng alalahanin ang ating mga license holder or iyong naghahawak ng registration ng vehicle. At again kung sakaling na-extend po iyong validity para sa pagri-renew nila ng kanilang lisensya o ng kanilang registration, wala pong penalty silang dapat bayaran.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., just in case lang po magkakaroon ng pagbabago sa quarantine classifications ngayong linggo, ano po ang magiging adjustment naman ng LTO?

LTO CHIEF GALVANTE: Kung ito po’y na-declare na, let’s say extended ano pagkatapos mayroon pang pagluluwag – ibig sabihin iyong quarantine eh medyo bumaba ang kategorya, hindi na po babaguhin iyon – kumbaga hindi na babaguhin iyong extended validity. Pero ‘pag nagkaroon po ng pagtataas ulit doon sa mga na-extend na validity dahil sa pagtataas ng sitwasyon ng quarantine eh magdadagdag po ulit tayo ng karagdagang araw noong validity ng lisensya man ito o registration.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., basahin ko lang po itong tanong sa inyo ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror ano po: You recently made a call to the public to refrain from patronizing fixers in acquiring fake driver’s license which have been proliferating online due to the ongoing coronavirus disease pandemic. What steps are being done daw po to address these issues?

LTO CHIEF GALVANTE: Yes, totoo po iyon. Maraming nagpu-post sa social media na nag-u-offer ng mga ganitong serbisyo. Caution lang po sa mga mamamayan, sana po ay huwag nilang patronize-in ito kasi wala pong sanction ito from any authorities ano. Ang processing po na hindi nagdaan sa LTO eh hindi po ito garantisado na genuine. At in fact lalahatin ko na po, kung hindi nagdaan sa LTO, hindi iyan genuine. Hindi po sila makakapag-print ng lisensya na tumutugma doon sa authorized form/format noong lisensya natin at even the quality of the materials.

Iyon nga pong nagkaroon ng operation ang PNP, iyong sa Anti-Cybercrime Unit nila kung saan mga anim po yata iyong nahuling tao na nag-u-offer ng ganito. At iyong nakumpiska po nilang lisensya eh dinala po ito sa aming tanggapan at pinakita, at doon lang po sa—even sa… kumbaga pagsalat lang doon sa quality noong lisensyang ginawa nila eh makikita ninyo na po, malalaman ninyo na fake kasi ito po’y mas makapal kaysa roon sa standard or genuine license.

At iyong mga security features po na nakapaloob doon sa ating lisensya eh hindi po tumutugma iyong kanilang produkto, ‘Ika nga eh very poor quality. And definitely makikita po sa pagsusuri, iyon pong naka-imbed na security features ng lisensya na hindi po nakikita by naked eye, ito po’y madi-determine sa LTO.

Mayroon po kaming aparato na kung saan iyong mga hindi makikita by naked eye na security features, madi-determine po namin kung mayroon ito o wala. At lahat po ng nakita naming lisensiya na sinabmit na, pinaghihinalaang fake, eh makikita talaga na tunay na hindi tumutugma doon sa ating valid or genuine license card. Kaya ako ay nanawagan, kapag kayo po ay mag-patronize sa mga nag-o-offer ng ganito, magkakaproblema po kayo, kasi kung kayo ay mahuli for example, iyong possession of fake license ay maaari po kayong makasuhan at hindi po kayo mapoprotektahan nitong fake license na ito.

USEC. IGNACIO: Opo, maraming salamat po sa inyong update, Assistant Secretary Edgar Galvante ng LTO. Mabuhay po kayo Sir, at stay safe po.

LTO CHIEF GALVANTE: Marami pong salamat din sa pagkakataon.

USEC. IGNACIO: Sa Pasay City, may ilang indibidwal diumano ang namimigay ng flyers na nagsasabing may nagtuturok ng pekeng bakuna kontra COVID-19. Pinahigpitan naman ni Senator Bong Go ang kampaniya ng awtoridad laban sa pekeng medisina upang hindi makompromiso ang kalusugan ng ating mga kababayan. Narito ang report.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Sa pagtatapos po ng buwan ng Hunyo ngayong linggo, alamin natin kung may napag-usapan na ba ang mga opisyal ng pamahalaan sa gagawing quarantine classification para sa July. Kaugnay diyan, makakausap po natin ang tagapagsalita ng National Task Force Against COVID-19, Retired General Restituto Padilla. Good morning, General.

NTF SPOKESPERSON PADILLA: Yes, magandang umaga po at sa mga tagasubaybay sa programa ninyo, magandang umaga rin po.

USEC. IGNACIO: General, sa ngayon po ba ay may napag-usapan na ang NTF na suggestion para sa quarantine classification sa bansa ngayong July?

NTF SPOKESPERSON PADILLA: May mga sinisimulan na na usapin pero hindi pa po ito naisasapinal. At ang ating Pangulo po ang siyang magdedesisyon dito sa mga magiging hakbang na ito. So hintayin lang po natin ang anunsiyo ng ating mahal na Pangulo tungkol sa mga bagay na ito at ipi-present naman po sa kaniya lahat ng mga pinaggagawa ngayon ng Technical Working Group upang ang ating mga restrictions ay mabawasan pa kung kinakailangan. Pero kung kinakailangan pa namang maghigpit dahil sa mga bagong variant na nakikita natin, maaari din po iyon ang gawin natin pero without sacrificing nga iyong economy. Kasi ang atin po talagang tina-target dito ay maibalik natin iyong sigla po ng ating ekonomiya matapos itong mga paghihigpit na ginawa natin para maka-aid tayo, makatulong tayo na wala na pong magkakasakit pa, madadagdag sa bilang ng mga nagkakasakit ng COVID.

USEC. IGNACIO: General, dito sa Metro Manila, sa palagay ninyo puwede nang pagaanin iyong quarantine classification natin kasi batay naman po sa mga report, bumababa na po iyong mga kaso sa NCR?

NTF SPOKESPERSON PADILLA: Tama po at nakita naman natin noong mga nakaraang linggo, may kaunti na po tayong pagluluwag na ginawa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga iba’t ibang negosyo na kung sakaling magbukas at maibalik nila ang sigla ng kanilang mga negosyo. Pero tandaan po natin, ito po ay depende rin po sa mga nagiging development sa mga nagkakasakit. Kung kaya po nating ibababa pa iyong bilang na iyan, mas magiging maigi at mas magiging mainam para sa lahat. So antay-antayin na lang po natin dahil tinututukan naman po ng ating mga dalubhasa itong pagkakataong ito para nang sa ganoon ang tamang datos po ay maibigay po sa ating mga decision makers.

USEC. IGNACIO: Opo. General, malaking consideration din po ba sa gagawing quarantine classification ngayong July iyong pagpasok ng Delta variant sa bansa?

NTF SPOKESPERSON PADILLA: Yes, tama. Mabuti at nabanggit ninyo iyan kasi ang main consideration ngayon kaya hindi natin maipaluwag pa ang pagpasok ng mga dayuhan, pagpasok ng ating mga sariling retuning overseas Filipinos at mga OFWs. Kaya ang patuloy na quota ng mga dumadating sa ating bansa ay nanatili pa rin sa bilang na nai-set natin ng ilang buwan na dahil nga po sa pag-iingat natin na itong Delta variant ay hindi na makapasok.

USEC. IGNACIO: General, ayon sa OCTA research posibleng makamit ang protection population dito sa NCR bago mag-Pasko, ano po ang reaksiyon ninyo dito?

NTF SPOKESPERSON PADILLA: Tama po. Very optimistic po ang National Task Force sa mga nangyayaring ito. Bagama’t may mga nagsasabi na mga ibang think tanks sa ibang bansa, na sabi nga ni Secretary Galvez noong kamakailan na we will prove them wrong sa sinasabi nilang mga predictions na hindi natin kaya ito. Pero sa naipamalas ng ating mga frontline workers sa mga vaccinations centers natin naiangat na po natin sa higit sa 300 kada isang araw ang pagbabakuna at kaya pa natin itong iangat doon sa target natin na half a million or 500,000 to 700,00 or more. So kung gumaganda na po ngayon, nakikita natin ang pagdating ng ating supply ng vaccine at nagiging stable na ito at gumaganda na rin ang pagtanggap ng bakuna ng ating mga kababayan lalung-lalo na nang kanilang nabalitaan na iyong mga western vaccine ay parating na rin. Sana tumaas pa iyong bilang ng ating mga kababayan na nagrerehistro at nagsasabi na sila ay bukas na sa pagkakaroon ng bakuna.

Para sa ganoon, makita po natin na ang ating mga kababayan ay open na sa mass vaccination na ito, dahil nakasalalay po talaga ang bilang na kapag mas maraming nabakunahan at umabot tayo ng 80% o mahigit, iyan po talaga ang ating inaasam-asam na mangyari ngayong taon.

USEC. IGNACIO: Opo. General, may kaugnayan po diyan ang tanong ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: The target of at least 50% of Metro Manila’s 14 million population being vaccinated can be attained by September. Is the vaccine supply available in sufficient numbers to achieve that target?

NTF SPOKESPERSON PADILLA: Yes, we are very confident that with the entry of stable supply na portfolio of vaccines from various pharmaceutical companies we will be able to get that number. For as long as that stable supply distributed equitably dito sa mga surge areas, to include iyong NCR Plus at alam naman po natin ang ating buhay at sigla ng ekonomiya ay naka-depende din sa mga lugar na ito, kasi karamihan sa mga bilang o kontribusyon sa GDP natin ay naggagaling din sa ating mga economic power house na areas na ito. So iyon din po ang pangalawang konsiderasyon na nabanggit na is iyong patuloy na umangat na willingness ng ating mga kababayan na magpabakuna at ine-expect nga namin na iyong bilang pa ng araw-araw na daily average ng ating vaccination jabs ay tataas sa pagpasok ng mga private sector procured vaccines, kasi may sarili po silang rollout plan na hopefully at optimistically predicted, mado-double pa natin itong mga bilang na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. So, General, sa palagay ninyo ilan iyong kaya na nating bakunahan sa araw-araw?

NTF SPOKESPERSON PADILLA: Ngayon nga po tulad ng nabanggit ko, nakahigit na po tayo ng 300,000 sa isang araw noong June 22, kung hindi ako nagkakamali. At ine-expect natin na habang dumadami ang mga bakuna natin, at ang ating mga kababayan ay nagiging mas bukas sa pagbabakuna, itong bilang na ito ay kaya nating doblehin.

USEC. IGNACIO: Opo. General, saan po kaya ide-deploy iyong mga dagdag na Sinovac at Moderna vaccine na dumating sa bansa?

NTF SPOKESPERSON PADILLA: Iyong sa Sinovac po, karamihan po nang natanggap natin, may parte po ng pribadong sector diyan so sa kanila po pupunta iyan. Pero iyong sa gobyerno po ay idi-distribute po doon sa mga priority areas, NCR at saka iyong mga surge areas plus doon sa iba’t ibang LGUs na nag-request pa ng karagdagang bilang ng bakuna.

Iyong sa Moderna naman, bahagi rin iyan ay private sector, so sa private sector pupunta iyan. At iyong bulk ng initial delivery na ito ay mananatili po doon sa mga common areas na malapit po sa mga lugar na kayang suportahan iyong temperatura ng kanyang storage. So hindi po ito kasing sensitibo ng Pfizer, pero iyong mga lugar na pupuntahan po nito sa rollout ay maaaring doon din po sa mga lugar na pinuntahan po ng Pfizer.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa pagdating po ng Moderna vaccines, aasahan na po bang magsisimula na rin agad iyong pagbabakuna ng private sector?

NTF SPOKESPERSON PADILLA: Opo. Nagsisimula na iyong ibang pribadong sector. Iyong unang private sector funded vaccines na natanggap natin comprising of about 400,000 Sinovac nasa pribadong sector na po ito at nagsisimula na rin sila sa aking pagkakaalam ng kanilang rollout. At ito po ay sa Filipino Chinese Chamber of Commerce.

At ngayon, iyong sa Moderna sa ICTSI po iyan dumaan, sila po ang nanguna sa pribadong sector sa pag-angkat po ng bakunang ito. Ang total na bakuna po na nabili na Moderna po ay halos 7 million for the private sector and the rest mga 13 million po ito at sa gobyerno po ito.

USEC. IGNACIO: General, so gaano kalaki iyong inaasahan iyong inaasahang magiging tulong into sa pagkamit ng population protection dito sa Metro Manila at sa bansa?

NTF SPOKESPERSON PADILLA: Malaki po, napakalaking tulong po ang pagdating ng mga bakunang ito, dahil iyong rollout plan po natin ay maaari na nating i-increase at i-expedite mas lalo na.

Katulad nga po nang nakikita natin sa ibang LGUs, nagbubukas na po sila ng may walk in.  So, mas madami po ang ating mga nakikitang pagdagsa ng ating mga kababayan. Kaya ang atin pong pinakikiusap, eh sana po tangkilikin din iyong online platform, para po sa ganoon maiwasan natin iyong mga mass spreader events at maiwasan natin ang pagkakasakit ng COVID sa ating mga kababayan na nagpupunta sa vaccination center.

At isa pa, iyong tina-target din po ng DOH at ng ating pamahalaan na mas maabot pa po natin at maibigay natin ang bakuna sa ating mga senior population na hindi po nakakapunta sa vaccination center ay gagawin na rin po ay maaari bagay-bahay na ito doon sa mga hindi nakakalabas na mga senior citizens.

USEC. IGNACIO: Opo, maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo NTF against COVID-19 Spokesperson Retired General Restituto Padilla.

NTF SPOKESPERSON PADILLA: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, nasa 200 youth workers na nawalan ng kabuhayan ngayong pandemya sa Lagawe, Ifugao inalayan ng team ni Senator Bong Go at ilang ahensiya ng pamahalaan. Tiniyak rin ng mambabatas na palalakasin pa ng pamahalaan ang distribution ng COVID-19 vaccines sa pinakamalalayong bayan sa bansa. Panoorin po natin ito:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa ating mga lalawigan, ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol mula sa PBS Radyo Pilipinas.

Dumako naman tayo sa mga pinakahuling balita mula sa hilaga. Good news dahil bumaba ang naitatalang bilang ng mga nasawi sa Cordillera Administrative Region dahil sa COVID-19 ngayong buwan ng Hunyo, ibabalita iyan ni Breves Bulsao ng PTV Cordillera.

Okay, babalikan natin si Breves Bulsao. Samantala nagpapatuloy naman ang rollout pagbabakuna sa Region XI, kabilang ng mga nasa A4 at A5 category. Ang detalye hatid ni Julius Pacot ng PTV Davao.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot mula sa PTV Davao.

Maraming salamat po ating mga partner agencies sa kanilang patuloy na suporta sa ating programa, ganoon din po sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Maraming salamat din po sa inyong pagtutok. Muli, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)