Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa buong mundo. Nandito po muli kami upang maghatid sa inyong ng mga napapanahong balita’t impormasyon na dapat ninyong malaman. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Kagabi sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte ipinahayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang kanilang recommended quarantine classification sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa buong buwan ng Hulyo. Ang rekomendasyon na ito ay subject to appeal pa ng mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay IATF at Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa listahan na kasama na ng NCR at Bulacan ang Lalawigan ng Rizal sa GCQ with some restrictions hanggang sa a-kinse ng Hulyo.

Manatili pong nakatutok dito para sa pinakahuling update kaugnay sa balitang iyan.

At bilang katuparan sa naging pangako ni Pangulong Duterte na magkaroon nang mas safe at secured na paglalagakan ng perang pinaghirapan ng mga Overseas Filipino Workers noong nakaraang taon ay inilunsad po ang kauna-unahang digital-only branchless bank sa bansa para po sa kanila, ang Overseas Filipino Bank o OF Bank na nagdiriwang din ng kanilang unang anibersaryo ngayon. Pero gaano nga ba kasigurado ang digital banking na gaya nito?

Kaugnay niyan sa mga usapin na ito ay makakasama po natin ngayong umaga ang President at ang CEO ng OF Bank na si Ms. Leila Martin. Magandang umaga po sa inyo.

OF BANK PRES/CEO LEILA MARTIN: Maraming salamat po sa pagbati. And good morning, Usec. Rocky Ignacio and to all the viewers of the Laging Handa Public Briefing. Thank you for this opportunity to share with you and our fellow Filipinos here and abroad about OF Bank’s fully digital banking services.

USEC. IGNACIO: Opo. Makakasama rin po natin ang President ng Opal Portfolio Investments, Inc. at board of trustee ng FinTech Alliance Philippines na si Ms. Ida Tiongson. Good morning po, ma’am.

OPI PRES. IDA TIONGSON: Hi! Magandang umaga, Usec. Rocky. And thank you so much for the invitation here. And, yes, Happy Anniversary to OF Bank!

USEC. IGNACIO: Opo. Unahin na po nating itanong kung ano nga ba itong Overseas Filipino Bank o OF Bank, Ma’am Leila, at paano ito nabuo o nagsimula?

OF BANK PRES/CEO LEILA MARTIN: Yes, Rocky. Ang Overseas Filipino Bank is a digital-only and the fist branchless government bank. It is a hundred percent subsidiary of the LANDBANK of the Philippines and it caters to the banking needs of Overseas Filipinos, OFWs and their beneficiaries.

Ang OF Bank po ay ang kauna-unahang bangko sa bansa na nabigyan ng digital banking license ng Bangko Sentral ng Pilipinas nitong nakaraang Marso lamang po. Layunin po ng ating bangko na makapaghatid ng accessible, secure at mas convenient na banking products sa ating mga kababayan abroad. Kaya naman po ang ating mga produkto at serbisyo ay tunay na fully digital po, mula po sa pag-open ng account hanggang sa pagpapadala po ng pera sa Pilipinas and even, Rocky ngayon, even in investing in government securities. OF Bank utilizes digital banking technology, ibig sabihin lang, kahit nasaan po tayo, saan man panig po ng mundo tayo naruroon, maaari na nating gawin ang lahat ng ito online sa OF Bank mobile banking app po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am Leila, anu-ano naman po raw iyong mga produkto o serbisyo na ino-offer ng OF Bank para sa ating mga kababayan abroad at paano po masisiguro na safe ang savings ng mga OFW natin sa OF Bank?

OF BANK PRES/CEO LEILA MARTIN: Yes. Mayroon po tayong tatlong major na produkto o serbisyo ika nga.

Ang una po dito, ang tinatawag nating Digital Onboarding System with Artificial Intelligence (DOBS-AI), ito ay basically isang online account opening facility na ma-access through the OF Bank mobile banking application and downloadable po sa ating mga smartphones. Gumagamit po ito ng tinatawag na image recognition technology kung saan puwedeng kumuha at mag-upload ng “selfies”, ito iyong mga gusto nating ginagawa, Rocky, ‘di ba, ang mag-selfie at mag-upload ng valid ID ng isang aplikante.

Kapag ikaw ay may account na sa OF Bank, puwede ka nang mag-fund transfer from your OF Bank account or LANDBANK account free of charge and vise versa. Via OF Bank, puwede na rin tayong magbayad ng bills sa iba’t ibang private and government merchants sa app. Also through the app, puwede na ring mag-invest directly in the Philippines ang ating mga kababayan abroad. Puwede na silang mag-invest sa government securities. Sa pakikipag-ugnayan po ng OF Bank sa Bureau of Treasury, nailunsad po natin ang Premyo Bonds noong Nobyembre 2020 at nitong February kasalukuyang taon po ang tinatawag nating retail treasury bonds. So ang ating mga kababayan na nasa abroad po, natututo na rin pong mag-invest.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am Ida, gaano naman po ka-safe ang digital banking sa bansa? Kasi ang ating mga OFWs po, siyempre talagang pinaghirapan nila iyong mga kinikita nilang pera sa ibang bansa. Safe po ba at walang dapat ipag-alala ang paglalagay ng ating mga pinaghirapang pera sa digital banks kagaya po ng OF bank?

OPI PRES. IDA TIONGSON: Okay, magandang tanong iyan. Representing FinTech ‘no, my first comment, unang-una, alamin dapat ng mga kababayan natin totoo ba iyang pinaggagamitan nila? When I say totoo ba iyan, maramin kasing fly-by-night operators, so itsek nila both with Bangko Sentral and with SEC. Makikita mo naman kapag in-open mo iyong site ng SEC, madaming lumalabas na mga fly-by-night operators. So kailangan nating itsek din iyan.

Now, ang importante nito, ang maganda sa OF Bank, ito ay part ng LANDBANK of the Philippines and because it’s powered by LANDBANK of the Philippines, sovereign risk iyan eh. So iyong tanong mo ‘kung safe ba ang digital banking?’ Safe ang digital banking sa tama at may lisensiya, at ang kauna-unahan na nabigyan is of course OF Bank.

Ang ikalawa, safe ba iyan? Part ng safety ay nasa sa atin ‘no. So kailangan pag-ingatan iyong mga passwords, iyong mga—we should be, ang tinatawag nga human firewall para hindi lang basta-basta nananakawan dahil napaka-loose natin sa password. But, bottom line, safety as long as it’s within the purview of Bangko Sentral, yes, ang OF Bank is certainly on top, safe po iyan.

USEC. IGNACIO: Ma’am Ida, bakit po mahalaga na mag-shift na rin tayo sa digital banking ang marami sa ating mga kababayan lalo ngayon pong panahon ng pandemya?

OPI PRES. IDA TIONGSON: Naku, isa pang magandang tanong iyan. Unang-una, iyong shifting sa digital banking is hindi lang dahil mabilis at nakakarating iyong pera, most of all, diba ang hirap ngayon kasi iyong pera tapos iyong contact. The contactless transactions or contact light or cash light transactions, iyan iyong pinag-uusapan ngayon dahil mas maganda na hindi tayo nagpa-pass and literally ng pera sa isa’t isa ‘no.

And this is where, with the OF Bank, kahit iyong mga tuition fee, iyong mga bayaran sa … well, apart from eskuwela, sa ospital, nakakadiretso iyan eh so magandang gamitin ang digital banking, like OF Bank, dahil nga contactless ito.

USEC. IGNACIO: Ma’am Leila, anu-ano naman daw po ang mga digital services na puwedeng i-avail ng ating mga kababayang OFW kahit na wala sila dito sa Pilipinas?

OF BANK PRES/CEO LEILA MARTIN: Yes, Rocky, dito po sa OF Bank, puwede pong mag-open online ng account. You can open your own savings account without any opening deposit requirement at wala rin po itong maintaining balance requirement. Hindi po kayo matatakot na pumunta over the counter kasi po lahat ay through your cellphone na lang po.

With an OF Bank account, you can also do multiple fund transfer to your beneficiaries, OF Bank or LANDBANK account, at no cost. And you can pay directly katulad ng sinabi ng aking kasamahan si Ida, you can pay bills directly to more than 700 merchants available in the app.

Also, the app was designed to enable OFWs access to investment facilities katulad ng nabanggit ko na Premyo Bonds at saka iyong Retail Treasury Bonds. At iyong mga kababayan po natin na nag-invest na po sa treasury bonds, mayroon po silang mga napanalunan na po, kasi ho may mga quarterly draws cash prices kaakibat po ang pag-i-invest ngayon sa treasury bonds.

Nakakasiguro po—Iyong kanina mong katanungan, Rocky, about how safe and secure, idagdag ko lang doon sa mga nabanggit ni Ida, nakakasiguro po ang ating mga kababayan na safe and secure ang kanilang savings sa OF Bank as we have embedded security protocols in our system. Isa na rito ang proteksiyon ng user ID and password na nominated mismo ng ating account holder.

Kasama rin po ang paggamit ng tinatawag nating one-time password or OTP which is valid for only one log-in section or transaction. So, kada gamit po ng app, kada debit po or credit sa ating account, makakasiguro po tayo na naka-monitor po ang OF Bank at nagpapadala po ang sistema ng one-time PIN para po ma-validate na kayo mismo ang nagta-transact ho sa ating bangko.

USEC. IGNACIO: Ma’am Leila, may tanong lang po si Sam Medenilla ng Business Mirror. Ang una po niyang tanong: May funds po ba from OWWA na naka-deposit sa OF Bank? If yes, magkano po kaya ang nasabing funds?

OF BANK PRES/CEO LEILA MARTIN: Ang OF Bank po, wala pong funds sa ngayon ang OWWA. Wala pa po. We hope that OWWA will soon provide some funds to the OF Bank.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Ilan na po ang current depositors na Overseas Filipino ng OF Bank?

OF BANK PRES/CEO LEILA MARTIN: Rocky, allow me to give more information on the account opened as well as the e-banking transactions that has been coursed through for the last twelve months because we’re one year form the launch last year.

The total inflows from our e-banking and remittance transactions amounted to more than P1.5 billion already as of May 31, 2021. 37,000 accounts were opened from 113 countries. So, the digital reach po ng OF Bank, malawak na. We are accessible in 113 countries already at ang total savings pong napa-park na ng ating mga kababayan is more than 250 million.

Pagdating naman po sa investing, nagkaroon po ang ating mga kababayan ng oportunidad para makapag-invest sa Bureau of Treasury. Doon po sa Premyo Bonds, umabot po ng mahigit P40 million ang na-invest ng ating OFWs. At doon naman po sa tinatawag nating Retail Treasury Bonds, mayroon po tayong P8.2 million investments sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang pangatlong tanong po niya: Ano po ang naging impact ng pandemic sa number of clients ng OF Bank, tumaas po ba o bumaba po ito?

OF BANK PRES/CEO LEILA MARTIN: Definitely tumaas po. Nakikita na po natin ang trend ng mga Pinoy ngayon na ini-embrace na po natin ang e-banking dahil na rin po sa pandemya at ayaw ho nating lumabas nang madalas at ngayon naman po ang teknolohiya ho talaga hong expansive na at talagang lahat ho tayo kayang-kaya na ho nating i-navigate ang ating cellphone.

Noong mga nakaraang taon hindi ho ba ang sabi natin tayo ho eh hindi ganoon ka-techie katulad ng mga millenials at mga anak natin but during the last year or so, eh mukhang mas magaling na ho tayo sa ating mga anak sa paggamit po ng smart phones.

So, definitely po tumaas po ang e-banking transaction, three-folds po ang itinaas sa OF Bank.

USEC. IGNACIO: Para naman po kay Ma’am Ida: Nabanggit ninyo po kanina na malaking tulong ito para po masiguro ang contactless services na napakahalaga po sa panahon ngayon ng pandemya. Pero sa panig naman ng mga negosyo, ano po ang naitutulong ng digital banking sa kanila at kahit na anong online processes sa mga government at ating mga private services?

OPI PRES. IDA TIONGSON: Ang digital banking and the way that it is structured kasi, habang ginagamit mo nagkakaroon ka na ng credit scoring. I’m sure, Usec. Rocky, narinig ninyo na rin iyong credit scoring ‘no, kapag nagbabayad ka ginagamit mo itong digital banking, nagkakaroon ka ng trace kung ano iyong mga payments na ginagawa mo, of you’re paying on time and nagkakaroon ng trace ng deposits. So, ang ibig sabihin noon, nagkakaroon ka ng build-up ng credit rating mo.

Kapag nagkakaroon ka niyan, even as little as six months iyong mga institution nati-trace nila ito at iyong iba diyan nag-o-offer kaagad ng pautang, loan for the businesses. This is good for businesses because it’s not only handy to do transactions, it gives you your credit rating, it provides also mechanism for you to be able to transact quickly and with that good credit rating you will be able to build-up your score which in effect makakatulong for you to be able to borrow especially in this pandemic kailangan mo to make ends meet and sometimes kailangan mo may pantakip, this is either temporary or long term loans it will be able to help and digital banking will be able to do that.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am Leila, mayroon din bang initiative ang atin OF Bank kasama ang ilang government agencies para daw po isulong ang financial literacy sa mga OFWs, tama po ba ito? At bakit po mahalaga na maturuan sila ng tamang paghawak ng pera at sa anu-anong mga ahensiya po kayo nakikipagtulungan sa pagsasagawa nito?

OF BANK PRES/CEO LEILA MARTIN: Magandang i-highlight ito, Usec. Rocky. We facilitate financial literacy webinars in account opening online session for overseas Filipinos and OFWs in partnership with LandBank, the Department of Trade and Industry, Philippine embassies and consulates, the Philippine Overseas Labor Office, the various OFW groups and Filipino community groups worldwide.

As of May 31, 2021, we have conducted a total of 176 financial literacy trainings kung saan naibabahagi po natin ang importansiya ng pagsi-save and that financial literate people are able to manage money with more confidence and at the same time, able to handle the ups and downs of their financial lives.

Alam naman ho natin ang buhay ng OFW, medyo ngayong araw na ito may trabaho ka, bukas baka wala na. So, kailangan pong maintindihan ng ating mga kababayan how to prevent and manage issues as they arise.

Maidagdag ko, Usec. Rocky, OF Bank also conducts pre-departure orientation seminars at the third floor of POEA headquarters in EDSA, Monday to Thursday and mayroon din po tayong ATM card generation and issuance desk sa ground floor. So, as soon as the account has been open online, puwede ng magamit at makuha ng ating OFW bago pa man siya lumipad palabas ng bansa.

Na-experience natin at nakausap din natin ang mga kababayan natin kapag nag-a-attend sila ng PDOS, the next day palabas na sila, there were even those na noong gabi ding iyon palipad na sila. So, mas maganda po makakuha na sila agad, mag-open-up at makakuha na ho sila kaagad ng kanilang ATM card on site.

USEC. IGNACIO: Ma’am Leila, para naman po sa mga interesado, paano po ba makakapagbukas daw ng kanilang OF Bank accounts ang ating mga OFWs at ang kanilang pamilya?

OF BANK PRES/CEO LEILA MARTIN: Puwedeng magbukas ng OF Bank accounts ang overseas Filipinos, OFWs at kanilang beneficiaries kahit ilan po ang beneficiaries nila via the OF Bank mobile banking app. I-download lamang ang app from the Google Play store or Apple App Store and make sure na mayroon ko kayong matatag at secure na internet connection.

I-ready ang active email address, active mobile number and valid ID tulad ng passport, UMID or PRC ID kung kayo po ay overseas Filipino or OFW. Para naman po sa mga benepisyaryo natin, kailangan pong ihanda ang company ID, driver’s license o kahit na ako pong ID na legally at validly issued at tinatanggap po dito sa ating bansa. Sundin lamang po ang simpleng instruction na makikita sa OF Bank mobile banking app na dinownload po ninyo at sagutan ang mga kinakailangang katanungan para makapagbukas ng account.

Kasama sa account application ang pag-upload at pag-verify ng inyong selfie at napiling valid ID gamit po ang shown or SIM identity check verification na imbedded po sa ating sistema. In five minutes or less matatapos ninyo ang account opening process at makakatanggap po kayo ng inyong notification na successful po ang account opening po ninyo. Muli po wala po itong nire-require na opening deposit requirement at maintaining balance requirement.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa mga impormasyon at kaalaman na ipinarating ninyo Miss Leila Martin ang President and CEO ng Overseas Filipino Bank at kay Miss Ida Tiongson mula naman po sa Fintech Alliance Philippines. Mabuhay po kayo and stay safe.

Samantala, patuloy pa rin po ang pagtulong si Senator Bong Go na lubhang naapektuhan ng pandemya ang pamumuhay. Kamakailan lamang ay hinatiran ng kanyang outreach team ng tulong ang mga kabataan nawalan ng kabuhayan sa Dingalan, Aurora, alamin po natin ang report

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mula po sa herd immunity naging population protection ang naging vaccination target ng ating pamahalaan bago matapos ang taon. Ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa at ano ang mga pagbabagong ipinatutupad dahil dito. Iyan po ang sama-sama nating alamin dito sa check the FAQs.

Ngayong umaga po ay makakausap natin tungkol diyan ang Infectious Diseases Expert na si Dr. Rontgene Solante, mula po sa Vaccine Experts Panel ng pamahalaan, good morning po, Doc?

DR. SOLANTE: Good morning, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Doc, baka po puwedeng pakilinaw lang ulit po kung paano daw po nagkaiba ang herd immunity at ang population protection?

DR. SOLANTE: Iyong herd immunity ay isang immunity na makukuha ng mas malaki ang population, dahil sa bakuna, kapag mas marami ang mabakunahan natin. So, ang tantiya natin diyan sa mga eksperto, kung mabakunahan, 70 to 80% of the population ang coverage, makukuha natin iyong herd immunity o mas maganda pa kung mas mataas pa diyan.

Dahil sa limited ang supply ng mga bakuna ngayon, pumunta tayo doon sa population protection.

Ano ang population protection? Ito iyong proteksiyon ng mga population, high risk for hospitalization, high risk for death. So, sila iyong pina-prioritize naman natin, kagaya ng mga senior citizens at saka mga comorbidities. Dahil kapag sila iyong mabakunahan, mas mataas ang kumpiyansa natin na hindi mapupuno iyong mga hospital natin. Pero ang tugon pa rin natin, ang magiging target pa rin natin, eventually kapag maging normal na ang supply ng bakuna at marami na tayong mga bakunang matatanggap ay itong herd immunity pa rin.

USEC. IGNACIO: Opo, Doc. Pero bakit daw po kailangan nating ibahin iyong ating vaccination target mula sa herd immunity para sa population protection?

DR. SOLANTE: Ginagawa ng gobyerno iyan dahil, iyon nga mga sa sinabi ko limitado ang supply ng bakuna na dumarating sa atin; hindi tayo makapagbakuna in as fast as we can and as more people as we can. So, pupunta tayo doon, protektahan natin iyong population na mas mataas ang risk na ma-hospitalized at magiging severe ang COVID.

USEC. IGNACIO: Pero, Doc, hindi naman ito nakaapekto, itong pagbabagong ito sa ating initial target na maabot iyong herd immunity sa buong bansa?

DR. SOLANTE: Hindi naman, USec. Rocky, kasi ang target talaga ng gobyerno natin na the soonest possible time na makakuha tayo ng maraming bakuna, lahat dapat mabakunahan in a short period of time.

USEC. IGNACIO: Opo. Isa raw po sa mga rason kung bakit magsasagawa ng mga ganitong pagbabago ay para protektahan ang mga nasa vulnerable population, gaya po ng health worker, senior citizens at persons with comorbidities. Ibig sabihin po ba nito ang recalibration po ay naka-focus para lang sa mga grupong ito, kaysa po dito sa nasa A4 at A5 group pataas?

DR. SOLANTE: Hindi naman sa nagpo-focus lang tayo sa at risk population ‘no. In fact naumpisahan na rin ng Department of Health iyong recommendation ng IATF ng vaccine clusters na talagang bakunahan na rin iyong mga economic frontliners. Pero ganoon pa man, ang pinakaimportante pa rin, itong mga economic frontliners, habang nagbabakuna tayo sa mga population na ito, mas paigtingin natin ang pagbabakuna sa mga high risk at vulnerable population.

USEC. IGNACIO: Doc, mababago rin po ba ang strategy na ito, iyong pag-prayoridad natin sa nine regions na nasa high risk?

DR. SOLANTE: Sa tingin ko ang pag-usapan lang dito kung mas marami lang tayong mga bakuna, dapat lahat ng regions mabibigyan natin ng bakuna, para wala talagang mga surge of cases. But as of this moment siguro dahil kaunti pa rin ang mga dumarating na bakuna, kaya naging priority ang NCR bubble at saka iyong mga ibang regions na tumataas at nagi-increase na rin ang mga kaso, para at least makakuha tayo ng proteksiyon doon sa mga vulnerable population.

USEC. IGNACIO: Ngayon po na target natin iyong 50% ng ating populasyon, masasabi po ba nating safe na asahan na ang herd containment ay maabot natin sa maikling panahon?

DR. SOLANTE: Yes, kasi kung 50% ang target natin. So depende iyan sa mga bakunang dumarating, mas mabilis iyan kaysa doon sa 70 to 805. Pero siguro ang pinaka-ano dito na kung maa-achieve natin iyong 50% then we still have to target the more percentage of the population na babakunahan in a short period of time.

USEC. IGNACIO: Doc, may tanong lang po si Aiko Miguel ng UNTV: Ano raw po ang update ng mix and match trial dito sa bansa? Lumabas din po kasi sa pag-aaral sa ibang bansa na ang mixed and matched ng Pfizer at AstraZeneca can boost immune response. Anu-ano rin daw po ang vaccine combination na gagamitin sa trial dito sa Pilipinas?

DR. SOLANTE: Doon sa protocol natin sa mix and match, lahat ng mga bakuna na available ngayon sa Pilipinas, kagaya ng Sinovac, Astra, Pfizer, Moderna, Sputnik, J & J na nabigyan na ng EUA, ay kasama doon sa mix and match. So nandoon na iyong protocol, na-approve na ng PCHRD. So it is just a matter of time na mauumpisahan na natin itong mix and match and hopefully in a few months matatapos na natin, para at least mayroon na tayong karagdagang data kung ano ang mga bakuna na puwede nating i-mix and match at anong itong mga mix and match ang mas mataas ang proteksiyon at immunity doon sa population.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Vivienne Gulla ng ABS-CBN News. Pansamantala daw pong inihinto pati iyong second dose vaccination gamit ang bakuna ng Sinovac sa Taguig, dahil hinihintay pa ang Certificate of Analysis para sa natitirang supply nila. Ano daw po ang epekto sa efficacy ng COVID vaccine kapag may ilang araw na delay sa pagtanggap ng second dose?

DR. SOLANTE: Okay, so alam natin na itong mga bakuna natin ngayon na dumarating kagaya ng Sinovac, dapat dalawang dose ang ibibigay natin in a specified interval in terms of first dose and second dose ‘no. So, kagaya ng Sinovac, dapat four weeks ang interval. Now, kung made-delay man iyan, hindi pa rin iyan makaapekto doon sa efficacy. Dahil mayroong mga pag-aaral before sa iba’t ibang mga bakuna, na maski ma-delay ang interval, ibibigay pa rin iyong second dose, basta ang importante, maibibigay iyong second dose.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Llanesca Panti ng GMA News Online: For the record, are all COVID-19 brands equally effective against all variants of coronavirus, as told by Secretary Roque yesterday? I understand daw po DOH and FDA previously said, efficacy rates of most COVID-19 vaccines against coronavirus variants are still under study except for Pfizer and AstraZeneca which record around 93% and 66% efficacy rate on coronavirus variants?

DR. SOLANTE: Okay, so linawin natin ‘no. Iba’t ibang bakuna, iba’t iba rin ang efficacy against the variant. At alam natin na maski wala pang mga studies noong ibang bakuna kagaya noong ibang mga bakuna na narinig na natin na wala pang studies, so far, against the Delta variant ang mayroon lang study na actual na nakikita sa UK na mataas pa rin ang protection with Astra and Pfizer vaccine. So, hindi nangangahulugan na walang study hindi na tayo magpapabakuna. Because we highly believed since the target of this vaccines, lahat itong bakuna, isa lang ang target spike protein ‘no. And alam naman natin na iyong mutation sa spike protein, hindi naman ganoon ka-major mutation na apektado ang bakuna. Mayroon pa ring efficacy iyan, mayroon pa ring bisa ang mga bakuna. Ang importante na magpabakuna tayo at hindi dahil sa variant natatakot tayong magpapabakuna, dahil kapag hindi tayo magpapabakuna mas lalong tumataas ang variant, mas lalo ang hawaan, kaya mas less ang proteksiyon.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat po sa inyong impormasyon at panahon, Dr. Rontgene Solante, mabuhay po kayo at stay safe.

DR. SOLANTE: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa pinakahuling tala ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. As of 4 PM kahapon, umabot na sa kabuuang bilang na 1,403,588 ang mga nagka-COVID-19 sa bansa, kung saan 5,604 dito ay mga bagong kaso. Nanatili namang mas mataas nang bahagya ang bilang ng mga gumaling kahapon ay nasa 6,154, kaya umabot na ito sa 1,327,103 total recoveries. 84 naman po ang nadagdag na nasawi na umabot naman sa 24,456 total deaths. 52,029 sa kabuuang kaso ay nanatiling aktibo sa kasalukuyan.

Paalala lang po, hindi pa po tapos ang pandemya. Kaya patuloy pa rin tayong sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols. Manatiling magsuot ng face mask at face shield at mag-observe po tayo ng social distancing. Magpabakuna na rin po tayo, para mas mabilis makamit ang population protection sa buong bansa.

Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, ibabalita po iyan ni Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, pinag-aaralan pa rin hanggang sa ngayon ang planong paglahok ng mga atletang Pilipino sa darating na Tokyo Olympics, dahil sa banta ng Delta variant sa buong mundo. Ayon sa Senate Committee Chair on Health and Sports na si Senator Christopher Bong Go, dapat pa ring unahin ang kalusugan ng mga manlalaro. Ang buong report, narito po.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dahil po sa mataas na naitatalang ng kaso sa Rehiyon Onse, binabantayan bilang high risk areas ang ilang lugar sa Davao Region. Base nga sa rekomendasyon ng IATF kagabi sa Pangulo. Nais ipanatili sa MECQ status ang Davao City, Davao Oriental, Davao De Oro, Davao Del Sur at Davao Del Norte. Sang-ayon kaya rito ang mga lokal na pamahalaan? Atin pong kumustahin ang kanilang sitwasyon doon. Kasama po natin ngayon si Dr. Annabelle Yumang ang Region XI Director ng Department of Health. Good morning po Doc.

DR. ANNABELLE YUMANG: Hi, good morning po Usec. Rocky, good morning po sa lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., nalagpasan na ng Region XI ngayong Hunyo iyon pong dami ng kaso na narekord ninyo nitong nakaraang buwan. Na-identify na po ba natin ang clustering ng mga cases sa rehiyon?

DR. ANNABELLE YUMANG: So, base po sa mga report ng—naririnig po ninyo ako, Ma’am?

USEC. IGNACIO: Opo. Yes Ma’am, go ahead po.

DR. ANNABELLE YUMANG: Okay. Base po sa report na nakuha po natin galing sa mga different LGUs natin through our contact tracing efforts sa mga kaniya-kaniyang LGU, nakita po natin na isa sa mga pinaka-common na clustering of cases na nangyayari dito ay sa mga work places, sa mga opisina both in particular sa mga government offices.

Tapos pinapatuloy pa po natin na pinaalalahanan ang ating mga publiko na kung may nararamdaman silang mga sintomas ng COVID-19 kailangan po na i-report nila ito kaagad sa kanilang mga BHERTs para mabigyan ng karampatang aksiyon.

So, hindi lang po natin dapat paigtingin ang prevention strategic natin ngayon which is our minimum public health standard but also iyong detect natin na strategy. So, test, test, test talaga po ang isa sa pinakamabuting strategy ngayon na ginagawa naman dito sa buong region para makita po natin kaagad kung sino-sino pa po iyong posibleng mga magiging carrier ng virus at saka ma-isolate o ma-quarantine kaagad sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, kumusta na rin po iyong kalagayan ng mga nagpositibo at mataas po ba iyong target ratio natin na ma-contact trace?

DR. ANNABELLE YUMANG: Okay. So, base naman po dito sa mga nag-positive natin sa buong region, umabot na po tayo ng 10,250 active cases. So base dito, mayroon tayong 92.6% na mga asymptomatic, 6.2% naman po ang mayroong mild symptoms ang kanilang nararamdaman and mayroon tayong 1.1% na sa kasalukuyan ngayon na may severe symptoms and 0.1 % naman po iyong nasa kritikal na kalagayan.

So, kung titingnan naman po natin doon sa contact tracing na ginagawa, ang ating ratio is 1:10 no, so in every one positive mayroon po siyang sampu na nako-contact trace ng ating mga contact tracers sa buong region. So, mayroon din tayong mga factors bakit hindi po natin naabot natin iyong mga 1:15 as recommended by our IATF no.

So, base sa mga report ng contact tracers natin mayroon po tayong mga nag-positibo na limited lang po iyong mga information na binibigay ng mga contact tracers no. Minsan hindi din sinasabi kung sino-sino talaga iyong mga close contact nila and later doon na lang natin nalaman na close contact pala siya doon sa naging positive. So, ito iyong mga challenges na nakikita po natin sa ating mga contact tracers.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., base sa huling report may Alpha at Beta COVID-19 variants sa Davao Region. Tama po ba ito, natukoy po ba natin kung saan po nila posibleng nakuha itong mga variants at maaari bang nagkaroon ng community transmission diyan kaya tumaas daw po iyong kaso, Doc?

DR. ANNABELLE YUMANG: Totoo po iyan Ma’am ‘no, na mayroon tayong na-report na Alpha at saka Beta cases no. So, ito naman po iyong 14 cases po natin ay fully recovered na po sila as of yesterday. So, base naman po sa pinakaunang imbestigasyon na ginawa ng ating mga Epidemiology Surveillance Units sa kaniya-kaniyang munisipyo at saka sa city, wala po silang history of localor international travel itong 14 na patients.

Kaya nga patuloy pa iyong investigation nito kung mayroon ba talaga silang link doon sa mga gatherings ‘no, na nangyari or sa mga clustering. So, ito po iyong ginagawa natin ngayon para matukoy din talaga kung mayrooon ba silang, may nakukuha ba sila doon, may exposure ba sila doon sa mga galing sa labas. Kasi sa ngayon, nakita natin na wala talagang history of local or international travel ang apat na ito.

USEC. IGNACIO: Opo, sa kasalukuyan po ba, ilang variants na ng COVID-19 iyong naitatala diyan sa Region XI at ilan po ba sa ngayon iyong pinadala natin na samples para sa genome sequencing?

DR. ANNABELLE YUMANG: Sa ngayon po mayroon tayong dalawang variants, iyong Alpha at saka Beta. So, nakapagpadala na tayo ng total of 1,141 specimen sa Philippine Genome Center and patuloy pa rin po tayong nagpapadala ng mga specimens to the Philippine Genome Center para din mapaigting din natin ang ating surveillance sa mga variants.

USEC. IGNACIO: Doc., may ilang hospital po kagaya ng Southern Philippines Medical City sa Davao City iyong napuno na po iyong COVID wards at halos puno na rin po daw iyong ICU beds nitong mga nagdaang linggo? Nagpapatuloy po ba iyong sitwasyon sa ngayon? Ganito pa rin ba ang lagay sa labas ng lungsod ng Davao, Doc.?

DR. ANNABELLE YUMANG: So, sa loob ng Davao City ngayon po, talagang may ano pa po, hundred percent occupied na po iyong Southern Philippines Medical Center. Kaya lang po iyong private hospitals naman po ‘no, so mayroon din pa silang available beds for COVID beds.

However, sa labas naman sa Davao City or sa Tagum City, kasi nandoon iyong isang malaking Hospital din ng government, ang Davao Regional Medical Center ay hindi naman po siya gaano kapuno but the ICU beds po iyong nauunang napupuno ngayon. So, tinitingnan natin ngayon iyong dalawang malaking hospital natin ng Department of Health – Southern Philippines Medical Centers at saka Davao Regional Medical Centers, malapit na po silang aabot sa 50% ng authorized bed capacity nila.

Sa Southern Philippine Medical Center nasa 40% na po iyong authorized bed slot. 40% ng COVID beds niya ngayon na inilaan para sa COVID at saka si Davao Regional Medical Center na po umabot na po siya ng 40% din po. So, patuloy pong nag-i-improved or nagko-convert ng mga beds ang ating dalawang hospitals para to ensure po na maabot talaga natin iyong 50% ng kanilang authorized bed capacity for the COVID beds.

USEC. IGNACIO: Opo, Doc. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at information, Doc. Annabelle Yumang, Regional Director ng DOH – Davao Region. Stay safe po.

DR. ANNABELLE YUMANG: Ma’am, thank you so much Ma’am also, for the invitation and pasensiya na po kung natagalan po.

USEC. IGNACIO: Opo, okay lang po Ma’am salamat po.

Mamayang hapon naman po ay inaasahang darating sa probinsiya ng Cebu ang ilang miyembro ng National IATF para pag-usapan ang testing at quarantine protocols na ipatutupad sa lalawigan at sa buong bansa. Narito ang report ni John Aroa ng PTV-Cebu.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Aroa ng PTV-Cebu.

Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga nasawi sa Cordillera Region ng dahil sa COVID-19. Ang detalye hatid ni Breves Bulsao ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Breves Bulsao ng PTV-Cordillera.

Samantala, binuksan na ang ika-122 Malasakit Center sa Masbate City. Inaasahan itong magbibigay ng tapat at maayos na serbisyong pangkalusugan sa mga tagaroon. Panoorin po natin ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO: At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #Laging HandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center