Interview

Interview with Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque by Weng dela Peña/DZBB – Buwenamanong Balita


WENG DELA PEÑA: Nasa linya ho natin Si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa umagang ito. Secretary Roque, magandang umaga ho sa inyo. Weng Dela Peña po, sa Buena manong balita.

SEC. ROQUE: Magandang umaga Weng, magandang umaga Pilipinas.

WENG DELA PEÑA: Opo, salamat Secretary. Radyo na, TV pa ho tayo live nationwide. Naku pasensiya na kayo at naabala namin kayo maagang-maaga ngayong araw ng Sabado, gawa nang naanunsiyo inyo ito Secretary, iyong pagpayag na ng Inter Agency Task Force sa limang taon pataas na makalabas na ng bahay. Puwede ho itong linawin, kailan ho siguro ito magiging epektibo, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, effective na po iyan. Na-publish na din po sa Official Gazette at sa tingin ko po na-publish na kasi ang publication naman po ay electronic system.

WENG DELA PEÑA: Depende kung nai-publish na. Sabagay iyong pag-a-announce ninyo po ba ay puwedeng sabihin official na iyon, puwede na simula na?

SEC. ROQUE: Puwede na po iyon, official na po iyon.

WENG DELA PEÑA: Secretary, pasensiya na po kayo medyo nawawala lang ho iyong signal. Sige babalikan natin, subukan natin balikan ang linya ho ni Secretary Harry Roque, para malinaw ho na nagkakaintindihan tayo, alas sais y nuwebe. Iyan opisyal na ho o epektibo na ho iyon. Alright, Secretary?

SEC. ROQUE: Yes, thank you, thank you.

WENG DELA PEÑA: So, again iyong pag-anunsiyo ninyo, opisyal na ho na puwede na hong simulan iyan, puwede na hong simulan ng mga LGU, wika ninyo?

SEC. ROQUE: Puwede po pero hindi naman po sa lahat ng lugar ay puwedeng magpunta ang mga bata. Ang rule po ay dapat sa mga outdoors area lamang ang mga bata ay pinapayagan, ito po iyong kagaya ng mga park, mga beaches, mga hiking trails, mga biking trail. So, ibig sabihin hindi po iyon nakakulob at kinakailangan mayroon pang kasamang adult or nakakatanda ang bata at siyempre magsusuot din ng mask at mag-oobserba pa rin ng hugas at iwas.

WENG DELA PEÑA: Opo, iyon pong nabanggit ninyong mga beaches. Ano iyan, kasi ‘di ba may mga resort-resort puwede bang pumasok doon iyong mga bata, iyong mga resort baka may mga pupuntang Batangas, mga lugar na ganiyan malapit po sa beach, paano iyan?

SEC. ROQUE: Pupuwede naman po, pupuwede po talaga at dahil basta ang ating layunin ay ito ay outdoor, hindi kulob, nang mabawasan po ang danger para doon sa ating mga bata.

WENG DELA PEÑA: Opo. Secretary ito lang, linawin din ho natin kasi ang papayagan lang example Metro Manila, GCQ tayo – NCR, pero may restriction eh with some restrictions ang sinasabi. Paano iyon sakop ba ang NCR, ang Metro Manila?

SEC. ROQUE: Sakop naman po iyan, ang hindi lang po pupuwede ay ang mga lugar na nasa MECQ at saka ECQ.

WENG DELA PEÑA: MECQ at saka ECQ.

SEC. ROQUE: Opo, opo. Ibig sabihin, iyong mga area na mayroon surge hindi pa rin po pupuwede kasi sila naman iyong mga nasa MECQ at ECQ.

WENG DELA PEÑA: Okay, pero iyong mayroong GCQ with heightened restrictions?

SEC. ROQUE: Well, puwede na po iyan dahil ang sabi po ng IATF, GCQ at saka MGCQ. Ang hindi lang talaga pupuwede ay ECQ at MECQ.

WENG DELA PEÑA: Okay. So, lilinawin iyan, Secretary: So, puwede ang mga GCQ kahit na mayroon kayong some restriction or heightened restrictions, puwede diyan lumabas ang mga bata?

SEC. ROQUE: Opo, opo.

WENG DELA PEÑA: Okay. Iyong mga hindi lang puwede, MECQ at saka ECQ.

SEC. ROQUE: Wait ha, ito po ha: Ang hindi po pupuwede ay iyong heightened restrictions. Iyong mayroong restrictions pupuwede, pero iyong heightened restrictions hindi po pupuwede – malinaw po iyan.

WENG DELA PEÑA: Okay. Ang Laguna at saka Cavite ay mayroong heightened restrictions pero naka-GCQ sila.

SEC. ROQUE: Hindi pa po sila kasama.

WENG DELA PEÑA: So, hindi sila kasama. Pero ang Metro Manila puwede – NCR?

SEC. ROQUE: Kasama na po.

WENG DELA PEÑA: Okay. Iyan malinaw. Secretary, ligtas na ba sa mga edad 5 pataas ang paglabas ng bahay?

SEC. ROQUE: Well, ligtas po kung ito po ay nasa outdoor at alam ninyo po kasi binabalanse natin dahil mahigit isang taon nang hindi pupuwedeng lumabas ang ating mga kabataan at mayroon pong impact sa kanilang physical at mental na kalusugan. So, ngayon kung baga ay binibigyan natin ng pagkakataon na makalanghap ng hangin, makita nila iyong iba’t ibang tanawin sa labas ng bahay. Kasi kahit sino man nakakulong sa bahay ng mahigit isang taon ay hindi po iyan okay sa magandang wellbeing.

WENG DELA PEÑA: Opo. May mga datos naman ho na binack-apan (backed-up) po iyan, nakaapekto sa mental health ng mga kabataan, ng mga bata itong pananatili ng mahigit isang taong sa mga bahay, Secretary?

SEC. ROQUE: Mayroon at tiningnan din natin ang siyensya, sa ngayon nga po outdoors naman ang pinapayagan sila at saka mayroon pa ring minimum health requirement ay talagang nababawasan naman po iyong banta na mahawa ng COVID-19.

WENG DELA PEÑA: Iyong mga LGU ho, papaano kapag sila ho ay may kaniya-kaniya silang decision baka ayaw nilang sumunod ho dito? Papaano po iyon, Secretary, dahil nag-aalala rin ho sila, lalo kapag hindi pa ho sila kumpleto sa pagbabakuna doon sa kanilang lugar?

SEC. ROQUE: Well, mayroon silang karapatan na itaas iyong edad ng mga bata na pupuwedeng lumabas. So, iyong 5 years hindi iyon ang mandatory. Puwede nilang gawing 8 years, puwede nilang gawin 9 years at ito naman po ay pagkilala na ang mga LGUs ang nagpapatupad sa mga polisiya.

WENG DELA PEÑA: Okay. Buti napapayag ninyo po ang Pangulo? Ingat na ingat ho ang Pangulo sa mga bata eh!

SEC. ROQUE: Ito naman po ay outdoor.

WENG DELA PEÑA: Outdoor, basta outdoor okay lang?

SEC. ROQUE: Oo. Iyong concern talaga natin din ay iyong physical and mental wellbeing ng ating mga bata.

WENG DELA PEÑA: Opo. Ito po ba ay tatagal o may period lang po ito, iyong pagpapayag sa mga batang edad 5 pataas na makalabas?

SEC. ROQUE: Sa ngayon po ay walang period. So, tatagal na po iyan.

WENG DELA PEÑA: Tatagal ito. Okay. Wala pa tayong bakuna sa mga bata. Ano bang plano ho Secretary pagdating sa bakuna sa mga bata?

SEC. ROQUE: Well, ngayon po mayroon ng isang bakuna na nag-apply ng amendment sa kanilang EUA, ito hong Pfizer. At naintindihan ko po na itong Sinovac ay mag-a-apply din ng amendment para mapayagang maiturok sa mga bata.

WENG DELA PEÑA: Okay. Kapag oras ho na may approval na ho iyon puwedeng mai-schedule na agad ang mga bata na mabakunahan, ano po?

SEC. ROQUE: Pupuwede po pero sinusunod pa rin ho natin iyong priority natin na sa ngayon po ay A1, A2, A3, A4 at saka iyong iba mayroon ng kaunting mga A5. So, depende rin po iyan sa dami mga bakuna.

WENG DELA PEÑA: Opo. Ito pong ating status ngayon, GCQ, MGCQ. Ang Metro Manila GCQ pagdating hanggang sa Huwebes po ito a-kinse (15th) ng Hulyo. May mga nagrekomenda na ba nang magiging quarantine status natin pagkatapos ng Hulyo 15, Secretary?

SEC. ROQUE: Wala pa po, kasi ang ating proseso naman sa IATF parang isang linggo bago magkaroon ng bagong certification ay nagkakaroon ng briefing sa estado ng attack rate at saka iyong health care utilization rate para magkaroon ng rekomendasyon kay Presidente.

WENG DELA PEÑA: Iyong pagpayag ho ninyo, ng IATF na ang mga batang makalabas na, mukhang senyales na talagang baka malapit na tayong bumalik kahit papaano sa, hindi naman normal pero at least kahit papaano ay malapit-lapit sa pagiging normal ulit natin?

SEC. ROQUE: Well, alam mo iyon talagang wellbeing ang naging konsiderasyon dito at saka siyempre ito ay sa mga areas na MGCQ at GCQ lamang. So, ibig sabihin talagang kinikilala natin na maraming lugar na mataas pa rin ang kaso, hindi pa rin puwedeng isapalaran iyong wellbeing ng mga bata. Pero, doon po sa mababa naman ang attack rate at mataas naman ang health care utilization rate, binigyan natin ng ganitong pagkakataon.

WENG DELA PEÑA: Opo, alam ninyo Secretary, iyong mga al fresco, al fresco dining, ito may nag-text ho, sa mall may al fresco bakit hindi puwede iyon doon ang mga bata? Sa mall daw? Hindi ba may mga al fresco dining ho doon?

SEC. ROQUE: Hindi pa po pupuwede sa mga mixed use.

WENG DELA PEÑA: Mixed use.

SEC. ROQUE: Talagang nilinaw po natin iyan na talagang pang-outdoors lang po ang ating mga bata.

WENG DELA PEÑA: Okay. Tapos ito pong mga 65 pataas kailan po makalalabas?

SEC. ROQUE: Iyong 65 at vacc full, iyong mga fully vaccinated ay pupuwede naman po silang lumabas, both intra-zonal and inter-zonal.

WENG DELA PEÑA: Okay. So, talagang mental health ang naging ika nga naging konsiderasyon. Sa simbahan, puwede bang isama ang mga bata, Secretary?

SEC. ROQUE: Indoors po ang simbahan, indoors po.

WENG DELA PEÑA: Ah indoor. Okay, okay. Indoor kahit na bukas ho lahat ng corner. Mga simbahan bukas lahat, Secretary ha!

SEC. ROQUE: Well, madali naman po ang distinction ng indoors at outdoors.

WENG DELA PEÑA: Okay. Salamat Secretary, sa inyong naibigay na paglilinaw. So, epektibo na ho ito depende na ho sa mga LGU. Sila ho ang maglalabas, ano ba iyan babaguhin ba nila iyong mga ordinansa ho nila doon sa kanilang mga lugar?

SEC. ROQUE: Ewan ko po kung mayroon silang mga existing na mga ordinansa, pero ang tingin ko naman po ay ang ordinansa ay nagsasabi lang na bawal ang mag bata. Pero ang IATF naman po ay may national application at ito po ay deemed as act of the President.

WENG DELA PEÑA: All right. Secretary Harry Roque Sir, salamat ho ng marami sa naibigay ninyong oras ngayong umaga na maagang-maaga sa amin dito.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po.

WENG DELA PEÑA: Thank you po Secretary Harry Roque.

Presidential Spokesperson po mga kapuso.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center