Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas at sa buong mundo, isang oras ng makabuluhang talakayan na may kinalaman sa COVID-19 response ng pamahalaan ang ating muling pag-uusapan; ako po si Secretary Martin Andanar ng PCOO. Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Narito kami upang maghatid sa inyo ng mga impormasyon na tama at kapaki-pakinabang sa panahon ngayon; ako naman po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula pa rin po sa PCOO.

SEC. ANDANAR: Halina’t simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

National Patient Navigation and Referral Center inilunsad: Senador Bong Go pinuri ang patuloy na pagsisikap ng gobyerno na mapalakas ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa publiko. Narito ang report:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Sa dami ng mga kumakalat ng balita tungkol sa clinical trials na isinagawa para sa COVID-19, ang ilan sa mga ito kung hindi fake news ay kulang-kulang naman ang impormasyon. Kaya ngayong umaga ay muli nating pag-uusapan ang mga isinasagawang clinical trial sa bansa dito sa Check the Facts, para pag-usapan iyan ay makakausap natin si Undersecretary for Research and Development ng Department of Science and Technology, Undersecretary Rowena Guevarra. Magandang umaga po sa inyo, Undersecretary.

DOST USEC. GUEVARRA: [Garbled] mga tagapakinig.

SEC. ANDANAR: Usec., ano na ang latest information natin tungkol sa WHO Solidarity Vaccine Trials dito sa Pilipinas?

DOST USEC. GUEVARRA: Secretary, nagpirmahan na, pormal na po ang ating pagsasagawa nitong WHO Solidarity Trial on Vaccine. Nagpirmahan na ng letter of agreement si Secretary Duque, representative ng Philippine government, at saka po iyong WHO Chief Scientist, Soumya Swaminathan. Sinasabi po dito na makakadiskubre tayo ng pinakaepektibong COVID-19 vaccines na naaayon sa pangangailangan ng Filipino population na may epektibong bilang ng doses, may nilalaang [garbled] panahon ng proteksiyon, at madaling i-administer at i-manufacture sa ating bansa.

Nagbigay na ang WHO ng final clinical trial protocol, standard operating procedures at apat na investigational brochures na bakuna na aaralin sa trial na ito. Nagpasa na rin po iyong ating solidarity vaccine trial team sa ating vaccine experts panel para ma-evaluate, at ma-evaluate din ang tinatawag na “single joint research ethic board” para naman sa ethics review at nagpasa na rin po sila sa FDA para sa regulatory review.

SEC. ANDANAR: Ano naman ang kasalukuyang estado ng COVID-19 vaccine mixing and matching?

DOST USEC. GUEVARRA: Mula po noong June [garbled] nagsimula na preparasyon para sa implementation nitong mix and match vaccine trials. Nakikipag-ugnayan na ang DOST-PCHRD sa Department of Health. At sa [garbled] nakatakdang magpulong ang DOST, DOH at ang PSAAI sa ika-15 ng Hulyo upang mapag-usapan nang lubusan ang implementation ng ating mix and match vaccine trials.

SEC. ANDANAR: Usec., paano ba ang pinipili ang isasali sa COVID-19 vaccine mix and match studies; at ilang katao ang puwedeng sumailalim sa programang ito? Okay, nawala si Undersecretary. Siguro subukan nating i-establish ang ating connection.

Samantala, bakuna muna bago pulitika, ito ang pakiusap ni Senador Bong Go sa ibang pulitiko. Iginiit naman niya na ang kaniyang buong focus ngayon ay nakatuon sa COVID-19 response and vaccination efforts. Panoorin po natin ito:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Undersecretary, balikan po natin ang ating pinag-uusapan kanina. Usec. Guevara, can you hear me?

DOST USEC. GUEVARA: Yes, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Ma’am, paano ba pinipili ang isasali sa COVID-19 vaccine mix and match studies at ilan katao ang puwedeng sumailalim sa programang ito?

DOST USEC. GUEVARA: Secretary, dito po sa vaccine mix and match study, gagamitin po natin iyong mga vaccines na available sa Philippines tulad po ng AstraZeneca, Pfizer, Moderna, Sputnik at saka po iyong Sinovac.

Ngayon po, tungkol naman po doon sa sino po iyong mga puwedeng sumali at ilang katao, tatlong libo po na kalahok ang isasali sa buong pag-aaral ng mix and match at isasagawa po natin ito sa walong proposed site kabilang ang mga sumusunod – Manila, Pasig City, Antipolo, Marikina City, Makati, Pasay City, Quezon City, Muntinlupa City, Cebu City at Davao City.

Para masiguro ang consistency at uniformity sa trials, ang ilalahok lamang ay ang mga hindi pa nabibigyan ng COVID-19 na bakuna at ang mga volunteer ay ii-screen po base sa inclusion at exclusion criteria ng pag-aaral. Tulad po ng mga buntis hindi po sila puwedeng sumali.

SEC. ANDANAR: Sa kasalukuyan, Undersecretary, ay mayroong global scarcity of vaccine supply. Maaapektuhan ba nito ang supply ng bansa para sa mga isinasagawang clinical trials?

DOST USEC. GUEVARA: Secretary, iyon pong clinical trials kasi ay mga Phase 2 at saka Phase 3 kagaya po ng sa Solidarity Vaccine Trial natin at privately funded po iyong mga trials na iba. Ang mga ito ay hindi pa pupuwedeng gamitin talaga sa national vaccination program dahil hindi pa po sila pumapasa sa ating tinatawag na Phase 3 na satisfactory results.

Kapag ang mga bagong bakuna ay pumasa na sa Phase 3 na may satisfactory result, maaari na po silang isama sa pagpipilian ng Pilipinas at ibang bansa sa pag-deploy para sa kani-kanilang vaccination programs. Pero itong mga nasa clinical trials, hindi po makakaapekto sa global scarcity ng vaccine supply.

SEC. ANDANAR: Ano pang clinical trials ang ongoing ngayon sa Pilipinas?

DOST USEC. GUEVARA: Sa kasalukuyan po, mayroon tayong apat na FDA approved clinical trials sa Pilipinas. Isa na rito ay nagsasagawa na ng recruitment, samantalang ang isa naman ay natapos na ang recruitment at kasalukuyang nagmu-monitor na ng mga vaccinated participants. Ang ibang dalawang clinical trials ay hindi pa po nagsisimula sa kanilang pag-aaral.

At siya nga pala po, mayroon pong pitong bagong vaccine clinical trial application na nasa iba’t-ibang stages ng review ng Vaccine Expert Panel (VEP) ng Single Joint Research Ethics Review Board (SJREB) at ng FDA.

SEC. ANDANAR: At kailan naman uumpisahan ang mga clinical trials na hindi pa nasisimulan?

DOST USEC. GUEVARA: Secretary, ang pagsisimula ng mga clinical trial ay nakabase sa kanilang pagkukuha at pagbibigay po ng mga FDA, SJREB at VEP ng mga permiso na mag-umpisa na po sila.

SEC. ANDANAR: Usec., ano ang maaaring asahan ng publiko sa pagsasagawa ng clinical trials natin dito sa Pilipinas?

DOST USEC. GUEVARA: Secretary, ang clinical trials ay isasagawa para ma-assess o maimbestigahan ang safety, efficacy at immunogenicity ng mga bakuna. Ang positibong outcome mula sa mga pag-aaral nito ay hango sa datos at ebidensiya na kakailanganin sa registration at approval ng vaccines kapag iko-commercialize na ito at gagamitin na ng publiko.

Patuloy ang pagbabago kasi ng sitwasyon na nangyayari dulot ng COVID-19. Magkakaroon lagi ng mga panibagong pagsubok sa paglabas ng mga new variants at kakailanganin nito ang patuloy na assessment ng efficacy of COVID-19 vaccines sa bagong variant. At kung kinakailangan ay ia-update ang bakuna o gagawa ng panibagong bakuna. Lahat ng ito ay mangangailangan ng clinical trials.

SEC. ANDANAR: Okay, very well said. Let’s go to the questions from our friends in the media. Usec. Rocky, please go ahead

USEC. IGNACIO: Usec. Guevara, magandang umaga po. May clarification lang po si Leila Salaverria ng Inquirer kung puwede daw pong pa-clarify lang anong vaccine iyong included sa WHO Solidarity Trial.

DOST USEC. GUEVARA: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Sa kasalukuyan po, hindi pa namin puwedeng sabihin ang pangalan ng mga bakuna na gagamitin sa Vaccine Solidarity Trial with WHO kasi po – una – kailangan na muna na makuha natin iyong approval ng Food and Drug Administration bago po natin maanunsiyo kung ano iyong apat na bakuna.

SEC. ANDANAR: [OFF MIC] mga dagdag kaalaman ngayong umaga, Usec. Rowena Guevara mula sa DOST. Mabuhay po kayo, Ma’am!

DOST USEC. GUEVARA: Maraming salamat po!

SEC. ANDANAR: Mga kababayan, ako ay panandaliang magpapaalam muna sa inyo. Tayo po ay magbabalik sa ating programa para patuloy na himayin ang mga issues sa bansa. Huwag po kayong bibitiw dahil nandito pa rin po si Undersecretary Rocky Ignacio para sa pagpapatuloy ng ating mga usapin ngayong umaga.

Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Ingat po!

Samantala, narito naman po ang mga huling tala ng COVID-19 sa bansa.

May dagdag po tayong 5,204 na mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon kaya umabot na sa 1,478,061 ang kabuuang bilang sa Pilipinas. Patuloy namang bumababa ang bahagdan ng mga aktibong kaso kung saan 49,128 sa mga ito ang aktibo sa ngayon. Nasa 5,811 naman ang mga bagong gumaling para sa 1,402,918 total recoveries. Mababa pa rin po ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 kung saan nakapagtala ng 100 kahapon kung kaya’t naging 26,015 ang ating total deaths.

Ngayong linggo ay inaasahang iaanunsiyo muli ng Palasyo at ng IATF ang panibagong quarantine restriction na ipatutupad sa ilang mga lugar sa bansa kabilang ang sa NCR. Handa na nga ba tayo para sa mas maluwag na quarantine restriction?

Para pag-usapan iyan, makakasama natin ngayong umaga si Dr. Guido David at si Professor Ranjit Rye mula po sa OCTA Research. Magandang umaga po sa inyo.

Okay. Babalikan na lang po natin sina Dr. Guido David at si Prof. Ranjit Rye.

Samantala, tumungo naman ang outreach team ni Senator Bong Go sa Hagonoy, Bulacan upang asikasuhin ang mga ambulant vendors na hindi pa rin makabangon sa naging epekto ng pandemya sa kanilang kabuhayan. Namahagi rin ng assistance ang mga ahensiya ng pamahalaan sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan natin ang paksa natin kanina: Handa na nga ba tayo para sa mas maluwag na quarantine restriction? Para pag-usapan iyan, makakasama natin ngayong umaga si Dr. Guido David at Professor Ranjit Rye mula po sa OCTA Research. Magandang umaga po sa inyo.

PROF. RYE: Magandang umaga, Usec., saka sa lahat ng nanunood at nakikinig po sa amin.

  1. DAVID: Good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Kunin ko na lang po ulit iyong inyong palagay at suggestions sa kung anong dapat na quarantine restriction ang papairalin sa mga nasa high risk area ngayong second half ng July. Unahin ko po si Prof. Ranjit.

PROF. RYE: Well sa ngayon, Usec., alam mo kailangan tingnan natin iyong situation. So sa NCR I think we should continue with the GCQ. Puwede tayong magluwag doon sa mga business establishments. Kaya ko sinasabi ‘to, Usec., may banta tayo ng Delta, mayroon din tayong—although maganda ang sitwasyon ngayon sa NCR, kailangan ho ay tuluy-tuloy, ma-sustain natin ‘to habang sinasabayan natin ang pag-increase ng vaccination natin.

So para sa akin ha, mukhang we are not yet ready for MGCQ, definite na iyon. We do not qualify eh even based on government’s criteria for MGCQ, we won’t qualify pa as of now.

So what we need to do now is to in fact strengthen po iyong monitoring and enforcement po ng minimum public health standards kasi kahit na anecdotal lang, ang nakikita ho natin, Usec., marami na ho ang nagkukumpiyansa at nagpapabaya po lalo na dito sa minimum public health. Nandito pa ho ang COVID, buhay na buhay pa po siya at mahahawa po kayo kung hindi kayo mag-iingat.

So ito iyong panawagan namin sa OCTA, hindi pa tapos ang laban, napakatagal pa. Iyong vaccination drive natin ho kailangan natin i-accelerate iyan. Alam natin may challenges pero ang panawagan ng OCTA, let’s stick to the NCR Plus 8 – iyan ho ang solusyon para sa—hindi lang para sa NCR at Plus 8 pero para sa buong bansa. Kung magawa natin iyan between now and November po, ang laki hong achievement for the country at doon sa laban na… kolektibong laban natin against COVID po.

So doon sa NCR, nandiyan pa rin iyong dapat—and for the rest of the high risk areas, let us see po kung ano iyong sinasabi ng datos po.

Right now ho I’m inclined to suggest status quo for many places po eh. Professor David will give you the update po sa buong bansa ho.

USEC. IGNACIO: Opo. Dr. David…

  1. DAVID: Yes. Thank you, Usec. Sa ngayon masaya tayo kasi nakita natin nag-slowdown na iyong rate of infection in many areas outside NCR na dating binabantayan natin as areas of concern. So iyong iba nag-slowdown na, nag-plateau na or iyong iba bumababa na in many areas sa Mindanao.

Ang pinaka-areas natin of concern ngayon, may nakita tayong spike sa Mariveles in Bataan na nag-register sila more than 200 cases in one day. So we’re not sure kung ano iyan, anomaly siya—I mean, or just a clustering cases dahil sa late reporting.

And then may pagtaas din tayong nakikita sa Central Visayas ngayon. Hindi naman siya alarming because iyong numbers nila ngayon are still okay in terms of healthcare utilization, in terms of positivity rate, okay pa naman sila. Pero tumataas lang iyong cases so siguro magandang tutukan natin sila.

Hindi naman kailangan siguro mag-change pa ng quarantine classification kasi hindi pa naman urgent iyong situation sa Cebu City and sa Lapu-Lapu pero maganda i-monitor na lang closely iyong mga areas na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Prof. Rye, pero sang-ayon po ba kayo sa pagpayag na palabasin na iyong mga batang edad lima pataas sa mga GCQ at MGCQ areas; napapanahon bang gawin ito kahit hindi pa po sila nababakunahan?

PROF. RYE: Sa totoo lang ‘no, sa akin personal ‘no although OCTA may consensus kami na okay ‘tong idea na ‘to as long as may guidelines tayo na susundan across the city lalo iyong sa National Capital Region na ma-ensure iyong safety po ng ating mga kids po ‘no.

Ang importante po dito iyong siguraduhin na susundan natin, ma-monitor at ma-enforce iyong minimum public health standards.

So personally, akin, hindi pa napapanahon, personal sa akin iyon ‘no. Pero sa OCTA I think we all have agree now, let’s do this experiment now and see how it goes ‘no. Dalawang bagay ang importante dito – iyong guidelines po at iyong enforcement po ng guidelines ‘no.

Ang importante rin sa amin iyong pag-designate po ng safe spaces po at iyong safe spaces hindi lang dahil open area siya, dahil mayroon siyang handwashing facility, mayroon siyang mga—kunyari kung pupunta sa isang tourist area, may mga park or tourist managers doon na tutulong sa pag-enforce ng minimum public health standards. Ganoon pa man ang sinasabi namin sa mga parents, you know whenever we go to a certain place na hindi kayo vigilant sa minimum public health standards, laging may risk.

Pangalawa sa ating mga kababayan na walang mga sasakyan ‘no at sasakay ng public transportation, iyong health risk mataas talaga kung magsasama tayo ng mga hindi vaccinated na individuals gaya ng mga anak natin. Kaya importante ho susundin natin iyong ating face shield, face mask doon sa ating mga public utility vehicles po. Siyempre pupunta tayo sa park, pupunta tayo sa playground – iyong transportation from the house to the playground or to the park, iyan iyong risk factor diyan na malaki. Kaya kailangan natin paalalahanan iyong ating mga kababayan na nandito pa iyong COVID, kailangan tayong mag-ingat.

Yes, sinusuportahan ng OCTA as a group iyong hakbang ng gobyerno pero sinusuportahan namin ito with caution kasi nga kailangan ho talaga may mga iba pa tayong kailangan i-establish. Number one iyong safe zones and safe spaces, iyong green and go spaces natin na talagang dapat safe talaga siya. At pangalawa, sino po ang magmu-monitor ho, importante po iyong minimum public health standards. Whenever we take children and the elderly out, kailangan po iyong mga areas na ito and even though, mayroon po talagang nagbabantay at tumutulong sa pag-monitor at enforce ng public health standards. Iyon lang po.

USEC. IGNACIO: Dr. David, speaking of bakuna, target daw po ng DOH na mabakunahan ang 90% ng senior citizens o iyong mga nasa A2 priority sector by end of July? Pero sa ngayon po ay nasa 10.41% pa lang po sa kanila ang fully vaccinated? Realistic ba ang target na ito?

DR. DAVID: Well, Usec, it’s possible naman, kasi hindi naman ganoon karami iyong seniors, they comprised 10% of the population. So kung talagang ibuhos natin iyong vaccines natin and depende sa pagdating ng vaccines natin of course, kung makukuha natin iyong mga ini-expect nating vaccines. So, I haven’t done a calculation, pero mukhang possible naman siya, if not end of July, baka at least by August. Ang malaking tulong ito, because, if we protect the seniors, bababa talaga iyong case fatality rate natin, mas kaunti iyong mamamatay due to COVID, kasi iyong mga seniors iyong medyo mataas iyong fatality rate nila. About 5% of seniors died due to COVID.

USEC. IGNACIO: Opo, Dr. David may report nga rin po ang DOH, na nagkaroon po ng pagbaba iyong fatality rate ano po? Palagay ninyo, kailan po iyong earliest possible time na maisakatuparan ang 90% target na ito ng mga senior citizens na mabakunahan?

DR. DAVID: Well, depende sa deliveries natin iyan, Usec. We think it’s in possible July o baka August kaya naman iyan. Depende sa ano, siyempre sa NCR Plus 8, Plus 10 tayo naka-focus or kung nationwide natin i-administer iyong mga seniors natin sa buong Pilipinas. Kung sa buong Pilipinas medyo mas matatagalan iyan eh, pero kung sa NCR Plus 8, Plus 10, kaya talaga iyan by mga, siguro by around August.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor Rye, pero sa ngayon po ay nasa 3o million doses na ang naibakuna sa bansa at dito po sa NCR, natapos na po ang San Juan sa pagbabakuna sa kanilang populasyon? Masasabi bang on track pa rin tayo sa target na population protection bago mag-Pasko?

PROF. RYE: I think, we still have enough time to achieve iyong targets natin. Kasi alam mo artificial naman iyong Christmas. We could have said January, February. Ang totoo niyan, we have enough vaccines, ang kailangan natin ngayon ay citizenship leadership. Kailangan natin ngayon, lahat ng mga kababayan natin pag-isipan nang mabuti. Kung puwede na kayong magpabakuna, magpalista na po tayo. Kung gusto natin talagang magbukas before Christmas ng todo-todo at lalo doon sa NCR Plus 8 – kasi iyong priority dapat, hindi dapat mawala iyong priority na iyon – kung gusto nating magbukas dito at matulungan iyong buong bansa, eh kailangan pumila na tayo at magpabakuna.

Hindi lang sapat na mag-iingat tayo – magsusuot ng face shield, face mask, social distancing at hand washing. Importante po magdesisyon na tayo at pumila na tayo doon sa vaccination centers natin. May proseso at nag-improve ang proseso. Kailangang po, lalung-lalo na iyong A2 at saka A3 po, sila po iyong laging mataas ang mortality po eh. Kung gusto po ninyo talagang maging ligtas dito sa COVID, ang first step dito bukod sa pag-iingat, iyong pagsunod sa minimum public health standards ay iyong magpapabakuna.

So lalo na iyong mga lolo at lola natin, kung gusto natin kaagad magbukas ang eskuwelahan, magbukas ang ekonomiya, importante po iyong target na 90% lalo na dito sa NCR plus 8. Dito po iyong mataas ang mortality sa mga mahal nating mga lolo at lola eh. Kaya kailangan po kumbinsihin na natin sila. It’s an act of citizenship na ngayon ang magpabakuna po. Nirirespeto namin siyempre iyong mga ayaw magpabakuna for many reasons, kagaya ng health at saka religious or personal beliefs. Pero para sa karamihan po, sana po pag-isipan natin nang mabuti at saka ligtas naman at saka epektibo iyong mga bakuna natin, magpabakuna na po tayo.

Kasi mas marami tayong mabakunahan, mas makikita natin iyong pagbabago na inaasam natin eh. Makikita natin iyong heal ‘no, at saka you know, even before Christmas. Ang estimate nga namin ni Professor David, 30% lang dito sa NCR, makikita na natin iyong pagbabago, babagsak talaga iyong cases, iyong mortality po bababa at mas malaya tayong makalabas sa bahay at makapagtrabaho, hanapbuhay. So ang dami pong natatamaan, buhat at hanapbuhay ang nakasalalay dito, kaya iyong OCTA po, hindi po talagang nagsasawang manawagan sa ating mga kababayan, magpabakuna na tayo para makapunta na tayo sa new normal kaagad-agad.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung sino lang po ang puwedeng sumagot dito ano po: Patuloy na rin pong bumababa ang fatality rate ng bansa kaugnay sa COVID-19, pero plateau naman po ang linya na nadadagdag na kaso araw-araw. Masasabi po ba natin na tuluyan na nga pong nakapag-adjust ang ating gobyerno kontra sa COVID-19?

DR. DAVID: Usec., masasabi natin nakapag-adjust na tayo at ang making factor dito is wala pa tayong nakikitang evidence of community transmission ng Delta variant sa bansa natin. May mga nakapasok na cases, pero nakuha sila sa border, na-quarantine sila. So, this is a big factor and because of this, iyong adjustment natin, ngayon siyempre iyong mga tao doon, nag-adjust tayo, iyong pagsunod sa mga health protocols, patuloy pa rin iyong ginagawa natin. Iyong vaccination campaign, patuloy pa rin.

So, iyong pagpa-plateau ng cases o iyong pagiging flat ng trend, hindi naman siya necessarily masama, especially sa NCR, kasi we can live with 600 cases per day, hindi na siya ganoon kataas. In fact, iyong level na iyon is considered moderate. And hopefully, once na marami na tayong mabakunahan, bababa pa iyan as nasabi nga ni Professor Ranjit, kapag naka-20 to 30% vaccination na tayo, fully vaccinated, we expect na may effect din iyan sa numbers natin. Kasi sa other regions naman, nakikita natin nagsisimula na rin silang bumaba. So we expect na itong 5,000 cases per day natin, bababa pa rin iyan, baka within the next few weeks.

SEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko lang po iyong tanong ni Llanesca Panti ng GMA News online, kung sino po ang maaring sumagot sa inyo: Are you in favor of deploying Johnson & Johnson single vaccine in the provinces? How would this increase the coverage of our vaccination?

PROF. RYE: Unang-una, the key to success, a short to medium term success is to stick to a plan. Mayroon na tayong blueprint, iyong NCR Plus 8. Sana po hindi mabahiran ng pulitika ng mga iba’t ibang influences iyong ating plan. If we stick to that plan, the country will move forward. Iyon po ang ating tingin.

Iyong ibang vaccines na madadagdag iyan sa portfolio, siyempre J &J po ang laking bagay niyan, kasi isang dose lang iyan. Kung makakapasok man talaga iyan at ma-approved ng ating FDA dito that will be a welcome addition to our vaccine portfolio. Any additional vaccine added to our portfolio will always be good. Pero ang problema po natin is supply, iyan po ang key problem.

So kung kakaunti ang supply mo, dapat po we have to make very efficient not just the way we jab, but make each jab count. And iyong NCR plus 8 po – kasi po nawawatak – ang fear namin baka nawawala ang focus dito sa NCR Plus 8, po. Ang NCR Plus 8 po, kapag ginawa ng gobyerno, hindi lang niya tinutulungan ang NCR Plus 8, tinutulungan niya ang buong bansa, kasi babagsak ang COVID cases doon sa lugar na iyon, mabubuksan ang ekonomiya sa mga lugar na iyon. At iyong effect ng dalawang bagay na ito, will have impact all over the country, kasi ang pagkalat po ng COVID, nanggagaling po dito sa NCR Plus eh, so dito po ang majority of cases.

So, kung ma-vaccinate natin between now and August at least 20% – right now, I think it’s below 10% na ang fully vaccinated sa NCR. Imagine kung 20% iyan, we can even imagine MGCQ after that. So iyon nga iyong sinasabi namin, the faster we can get as many people vaccinated sa NCR alone, ang laki pong impact for the whole country. So, iyon po ang panawagan namin, ito po ay ipinaglalaban ng OCTA since January pa po eh. Kaya gusto sana namin i-reiterate – let’s stick to the plan, eyes on the ball and you will see, in just a few months po, ang laki ng impact na kaagad. And right now, we need to do it urgently, kasi nga may banta ng Delta.

Iyong Delta is not an ‘if’ na po, it’s a question of when. Okay? And that is why we need to be prepared. And one of the ways to be prepared aside from expanding testing, tracing and isolation is really to ensure that a many people in our communities where it’s prevalent are vaccinated po. So iyon po ang aming panawagan sa OCTA, stick to the NCR Plus 8 plan and we will get through it faster, this pandemic faster and we will have a better Christmas. Definite na po iyon!

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa impormasyon. Dr. Guido David at Professor Ranjit Rye mula po sa OCTA Research. Mabuhay po kayo at stay safe po.

PROF. RYE: Maraming salamat po, Usec. Thank you.

USEC. IGNACIO: Samantala, isa ang Baguio City sa mga agad na binisita ng mga local tourist ng bahagyang luwagan ang interzonal travel para tulungang makabangon ang ating ekonomiya kaya, alamin natin kung may mga naging pagbabago sa protocol na ipinatutupad ng siyudad para sa mga bibisita dito, makakausap po natin si Baguio City Mayor at Contract Tracing Czar Benjamin Magalong. Magandang umaga po Mayor!

MAYOR BENJAMIN MAGALONG: Good morning USec. Rocky, good morning po sa ating mga televiewers.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kumusta po iyong pagdating ng mga turista diyan sa inyong lugar nitong mga nakaraang linggo, totoo po bang below target pa rin ang bilang ng mga nagpunta diyan kahit po sa bahagyang pagluwag na sa restriction?

MAYOR BENJAMIN MAGALONG: Yes, mababa pa rin ano. In fact, for the month of June we were expecting na tataas kasi noong June pa kami nag-open. In fact—as early as first week of June nag-open na kami kaya lang we were expecting na tataas sana, kaya lang umabot lang kami sa mga 12,030 tourists arrivals lang kami, which is just about 10% noong pre-pandemic figure.

So, talagang ini-increase namin ang aming allocation that is about 3,000 a day pero during weekdays umaabot lang kami ng mga 700—500 to 700 o 700 meaning pagdating ng mga Thursday o Friday. Pagdating ng week end o gabi ng Friday hanggang Saturday umaakyat na iyan ng mga 1,500. So, mababa pa rin ang dating ng mga turista sa amin at the same time nararamdaman na rin namin na tumataas muli iyong aming mga cases.

So, medyo naghihigpit kami ngayon sa mga border control, tuloy-tuloy pa rin iyong aming pagsa-swab test. We’re averaging about 1,500 swab test, nag-a-average kami ng mga 8 to 9 or 8 to 10 positive antigen test and most of the time, positive antigen test kapag dinala mo sa RT-PCR, 99.8% nagiging positive din iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, noong sinabi ninyo pong medyo maghihigpit ulit kayo ibig sabihin po ay kailangan may negative RT-PCR result pa rin po iyong papanhik ngayon sa Baguio kahit fully vaccinated; papaano po ang gusto nating sabihin dito medyo maghihigpit ulit kayo?

MAYOR BENJAMIN MAGALONG: Well, dito sa aming mga checkpoints kailangan talagang—kasi maraming nakakalusot pa rin eh, maraming pa rin nag-a-apply sa—kunwari nag-a-apply ng HDF. Sa HDF kasi this are Baguio residence and visitors with official travel. Kung minsan lumulusot sila eh, nilalaro nila iyong aming dalawang sites, iyong Bisita.com for tourist and HDF for Baguio residents.

Nilalaro nila iyon, kaya hinihigpitan namin iyan o maghihigpit kami ngayon doon. Second is iyong aming policy pagdating doon sa vaccinated individuals, for Baguio residents who are fully vaccinated and vaccinated in the city of Baguio, hindi na namin sila pinapadaan sa triage, wala na rin sina-swab test but for Baguio residents or visitors who are fully vaccinated but were not vaccinated in the city of Baguio, they still have to go to triage. Pagdating sa triage, doon i-evaluate iyong kanilang vaccination card if they are fully vaccinated. If determined legitimate iyong kanilang dokumento then they don’t have to go through swab test.

USEC. IGNACIO: Mayor, mayroon po akong nakita sa news feed na kayo po ay nakiusap kay PNP Chief Gen. Eleazar, tama po ba ito, na medyo huwag muna ipahinto iyong training ng PNP dahil daw po sa surge; tama po ba ito Mayor?

MAYOR BENJAMIN MAGALONG: Yes, Usec. Rocky, actually pinahinto ko, pinahinto ko. Sabi ko sa kaniya, stop muna lahat ng training ng Philippine National Police dito sa siyudad ng Baguio dahil ang daming mga violations ng aming public health standards, nakita rin namin na walang maayos na physical distancing pagdating sa barracks, pagdating sa classroom pati iyong kanilang mga sports activities, pagkatapos ng sports activities, wala ng nagma-mask pagkatapos hindi rin nauobserbahan muli iyong mga distansiya.

So, it’s about time that we have to make a strong stand and strong message na if you cannot comply with the minimum health standard in the city of Baguio, we will never accept anything na nagti-training dito sa siyudad. We have to follow iyong policy namin dito sa Baguio, hindi sila separate na republic dito.

Second is, kahapon din tinawagan ko rin si Archie Gamboa, sinabihan ko na rin siya na isuspinde niya muna iyong mga training nila dito dahil ganoon din ang nangyayari, nagkakaroon uli cluster dito sa mga trainees nila dito sa Baguio. Kasi, ongoing din iyong kanilang training dito, about 130 trainees ng fire na nandito sa lungsod ng Baguio pero nagkaroon ng transmission doon sa training sites.

So, pinahinto ko na rin respectively both training sa PNP at BFP ihinto muna indefinitely hanggang makita ko talaga iyong kanilang ginagawa, if they are very compliant with the minimum public health standard.

USEC. IGNACIO: Opo, nagkausap na po kayo ni General Eleazar; ano po ang naging tugon niya Mayor?

MAYOR BENJAMIN MAGALONG: Yes, and immediately alam mo gumalaw kaagad agad si General Eleazar, ang bilis gumalaw. Alam mo iyan very efficient iyan si General Eleazar, and besides we went together before sa… at alam ko na iyong pag-uugali niya talaga rin pag-uugali ko, mainipin ako kaya immediately nag-comply siya, tumawag na rin iyong kanilang mga staff sa akin pati si General Alex Sintin, talagang nagbigay ng commitment that they will comply tapos magkakaroon sila ng series of inspection kakasuhan din nila iyong mga consistent violators. Ganoon din si General Embang, gumalaw din kaagad siya.

USEC. IGNACIO: Mayor, mapunta naman tayo sa contact tracing sa presensiya ngayon ng Delta at Lambda variant, aggressive contact tracing ang isa po sa nakikitang susi para hindi kumalat ang virus gaya po ng nangyayari ngayon sa ibang bansa. Pero paano natin gagawin ito kung hindi natin maabot iyong ideal ratio na sinet-up natin noon na 1 us to 37, kayo mismo po sa Baguio ay nasa 1 is to 15 tama po ba ito?

MAYOR BENJAMIN MAGALONG: Tama iyan USec. In fact kami 1 is to 15, there are several reasons kung bakit nangyayari iyon: one is, alam mo we are overwhelmed with daily number of cases pagkatapos, tapos significantly na na-reduce na iyong ating mga contact tracers. Dati rati we have about 75 contact tracers, now we bare down to about 40 na lang. Mabuti na lang nakakatulong din iyong ating Philippine National Police at nagbibigay sa amin ng contact tracer.

So, talagang totoo iyan Usec., very critical ngayon ang contact tracing lalung-lalo na mayroon tayong Lambda at mayroon pa tayong Delta. So, habang may off at mayroon pa tayong treat, na wala na tayong pondo para sa ating contact tracers kaya if you remember, iyong ating contact tracers dapat na-terminate na noong June 30, na-extend lang ng one month.

So, ngayon naghahanap pa ng pondo ang ating DILG para ma-extend sila sa December but for the mean time kailangan natin i-retroactive may foresight na tayo. So, what we are doing now, we are getting in touch with the BPO companies, nakipag-usap na tayo sa BPO kahapon, nakipag-usap na rin doon sa group representing the BPOs. So, nabigyan ng Alpha nina Mr. [unclear] Sila Mr. Butch Reilly (?) sina Veronica, there helping us now with—They’re helping us through source na mga contact tracers pa, our BPO companies. Free of charge, iyon ng kanilang corporate responsibility and the same manner dito naman sa Baguio, nakipag-usap kami sa mga BPO companies, gaya ng Concentrix, Teleperformance at iba pang mga BPO company and they are willing to help to provide support dito sa ating contact tracing.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, iyong ideal lead time ng DOH noon na five days from detection to isolation of cases ay nasusunod po ba natin at paano po natin ini-improve iyong contact tracing strategy aside po doon sa sinabi ninyong pakikipag-coordinate sa ilang private sector?

MAYOR BENJAMIN MAGALONG: Well, tuloy-tuloy iyong ating capacity building sa kanila. In fact, as of today we are doing ang training ng mga existing dati na mga 249,000 contact tracers nationwide. At ginagawa iyan through the help of our Local Government Academy ng Department of Interior and Local Government, ang ginawa nila during our initial trainings na ginawa sa mga training, ti-nape [taped] nila iyong aming mga lectures, mga resource person at iyon na ang mga pinapalabas nila sa mga ating contact tracers and at the same time on going pa rin iyong aming mentoring sa kanila, sa mga local government units na humihingi ng tulong.

In fact, this week may mga naka-lineup na naman month, mga local government units for training. So, these are the things that we are doing now and at the same time pinapabilisan pa rin natin ang ating digital contact tracing na effort.

We are now working on the [unclear] kontra COVID, this is warehouse platform para all the other digital contact tracing applications na nagawa na ang ating mga local government units through their own initiatives including that of stay safe will now be integrated into this central warehouse platform para iisa na lamang [unclear]. So, this time magkakaroon na tayo ng talagang isang [unclear] analyze on your contact tracing situational contact tracing efforts with each local government unit.

USEC. IGNACIO: Mayor, bago po tayo magtapos linawin lang po natin ulit iyong ating travel requirement kapag pupunta diyan sa inyo sa Baguio?

MAYOR BENJAMIN MAGALONG: Okay. Unang-una, kung kayo po ay turista at kailangan ninyo po or is ang intention ninyo po is leisure travel, all you have to do is register sa Bisita.Baguio.com.ph. And then you have the option either kung hindi po kayo vaccinated you can undergo swab test sa inyong sariling lugar, RT-PCR or Antigen test, para ho within 72 hours pagdating ninyo po dito ay puwede pong valid pa iyong inyong test result or you can have the option kung unvaccinated po kayo o kaya one single dose vaccination lang ho kayo, you can still have your swab test dito po sa siyudad ng Baguio.

So, you still have to go to the triage, after the triage you will be swab tested. 500 pesos lang po ang Antigen test dito and we are using iChroma. Second, Kung doon naman po sa mga returning Baguio residents o kaya iyong mga visitors that are on official travel, all you have to do is register sa HDF.Baguio.gov.ph.

Kung kayo naman po ay fully vaccinated, there are two options. Ulitin ko po iyong policy namin: Baguio residents who are fully vaccinated and vaccinated in the city of Baguio will no longer go through these triage and the swab test. But Baguio residents or visitors who were fully vaccinated but not in the City of Baguio will go to triage. Iyon po iyong aming general policy pagdating po sa pagpasok sa Siyudad ng Baguio.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Mabuhay po kayo at stay safe po, Mayor.

MAYOR BENJAMIN MAGALONG: Thank you very much Usec. Rocky, kayo din po.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan natin ang mga nakalap na balita ng Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni Ria Arevalo mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Ria Arevalo ng Radyo Pilipinas.

At mula sa Mindanao, alamin natin ang sitwasyon sa Rehiyon XI mula kay Jay Lagang. Jay?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Jay Lagang ng PTV-Davao.

Dumako naman tayo sa pinakahuling balita sa Norte. Farm tourism destination sa Benguet ilulunsad ng DOT-CAR, magbabalita mula sa PTV-Cordillera si Alah Sungduan.

NEWS CLIP:

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Alah Sungduan.

Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang ating talakayan at balitaan. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagsubaybay.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako pong muli ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center