Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Mga hakbangin ng pamahalaan sa gitna ng naitalang lokal cases ng Delta variant sa bansa kasama na ang pagsilip natin sa sitwasyon ng COVID-19 cases sa mga probinsiya ang ating pong pag-uusapan ngayong araw ng Sabado.

Mula sa PCOO ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH

Kahapon po ay may ginawang pagbabago ang IATF sa quarantine classifications ng mga ilang lugar sa bansa base sa naging rekomendasyon ng technical advisory group ng Department of Health at technical working group on COVID-19 variants. Mula sa Modified Enhance Community Quarantine hanggang July 22, itinaas na po sa ECQ ang Iloilo province at Iloilo City hanggang sa a-31 ng Hulyo.

Kasama rin po sa itinaas sa ECQ classification hanggang July 31, ang Cagayan De Oro City mula sa naunang naianunsiyo ng MECQ simula naman noong July 16 hanggang katapusan ng buwan. Isasailalim na rin po sa ECQ ang Lungsod ng Ginoong sa probinsiya ng Misamis Oriental. Pinalawig naman ang General Community Quarantine with Heighten restriction sa lugar ng Antique hanggang sa July 31st. Ang Misamis Oriental na nasa MGCQ ay itinaas naman sa GCQ with Heighten restrictions na tatagal hanggang sa katapusan ng buwan ng Hulyo.

Samantala, karagdagang 1.5 million doses ng bakunang Sinovac mula sa China ang dumating po sa bansa bandang alas-7:30 kaninang umaga. Matatandaan nitong Miyerkules lang din dumating ang 1 million doses ng Sinovac vaccine. Sa kabuuan nasa halos 15 million doses ng bakunang Sinovac ang nai-deliver sa bansa simula noong Pebrero.

Sa iba pang balita Sen. Bong Go, binigyang diin ang pangangailangan na mapabilis pa ang vaccine roll out para makamit ng bansa ang population protection para payagan ang face to face classes. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Isinailalim nga po sa mas mahigpit na quarantine status ang ilang lugar sa Region VI dahil sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 doon at sa anunsiyo pa ng DOH kahapon na dalawa sa bagong kaso ng Delta variant ay mula po sa probinsiya ng Antique. Paano nga ba hinaharap ng Western Visayas ang mga hamong ito, makakausap po natin si Dr. Maria Sophia Pulmones, ang Chief for Local Health Support Division ng Western Visayas Center for Health Development. Good morning po, Doc.

DR. PULMONES: Good morning po Usec.

USEC. IGNACIO: Opo Doc., isinailalim po sa ECQ na pinakamahigpit na quarantine status ang ilang lugar sa Region VI tulad po ng Iloilo province at Iloilo City. So, ano na po ba iyong nakikita nating sanhi ng pagtaas ng case o tumaas ba ang kaso sa probinsiya at bakit parang hindi ho humuhupa iyong pagiging high risk area nila?

DR. PULMONES: So, totoo iyan Usec. So based sa IATF resolution dated July 15, iyong Iloilo province and Iloilo City were placed under until July 31 of this year. So, base naman sa aming data na nakukuha bumababa na iyong average daily attack rate and then iyong COVID growth rate ng probinsiya natin and then sa totoo they are already classified as low risk.

Pero may mga munisipyo din, may mga municipalities, local government units sa mga probinsiya na considered natin as high risk pa rin dahil mayroong clustering of cases for the past two weeks and then iyong isang dahilan na itinaas or na-escalate ang quarantine classification is because mataas pa rin iyong health care utilization rate dito sa Region VI at moderate risk and then most especially sa Iloilo City na kung saan dito lahat iyong mga tertiary health facilities natin mataas, high risk ito ‘no at 84%. So, iyon ang reason why na-escalate siya into an Enhanced Community Quarantine, Quarantine Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ito naman pong dalawang pasyente na may Delta variant sa Antique, nalaman ninyo po ba kung paano nila nakuha iyong nasabing variant? May travel history ba sila sa labas ng Pilipinas?

DR. PULMONES: So, sa ngayon Usec., based sa aming coordination sa provincial health office ng Antique, iyong dalawang kasong ito considered as local cases. So walang history of travel outside of the Philippines so, posible na doon sila nahawa ng sakit mismo sa area nila.

USEC. IGNACIO: Kumusta na po ang kalagayan nila sa ngayon?

DR. PULMONES: Oo. So, base sa pinalabas na report, ang report from the Department of Health, itong dalawang ito ay na-identify as case Number 34 sa Delta variant. Iyong case Number 34, 78 years old female; and ang pangalawa case Number 35 is a 79-year old male. So, based naman sa pinadala na event based report ng provincial health office ng Antique, itong case Number 34 ay namatay last May 31 of this year and then iyong case Number 35 nakakumpleto siya ng kaniyang mandatory 14-day quarantine and then na-tag siya ng RHU as recovered last June 13. So, may isang recovered and may isang death.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., napag-alaman ninyo po ba na ang dalawang ito ay nabakunahan or fully vaccinated na po?

DR. PULMONES: So far, sa case investigation na nagawa and then iyong sa ipinadala naman nila sa amin na event base report, itong dalawang Delta variant cases ay hindi nabakunahan sa COVID-19 vaccine. So, no vaccination ang na-receive ng dalawang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. So far, ilan na po ang naku-contact trace sa mga nakasalamuha ng mga tinamaan na Delta variant na ito? May mga latest na po ba, naku huwag naman na nagpositibo rin sa COVID?

DR. PULMONES: Oo, sa ngayon kasi iyong recommendation and then iyong action na ginagawa is to intensify iyong case investigation and then iyong contact tracing. So the local government unit headed by the Provincial Health Office with the Epidemiology and Surveillance Unit ng munisipyo, they are doing the intensive contact tracing and then they are also doing the back tracing.

So the local government unit, headed by the provincial health office with the epidemiology and surveillance unit ng munisipyo, they are doing the intensive contact tracing, and then they are also doing the back tracings. So meaning, lahat nang nakasalamuha ng dalawang nag-positive na sa Delta variant, they are being monitored right now so we are still coordinating with the local government unit kung ilan na ba talaga ang nagawa nila na contact tracing sa mga close contacts, considered as close contacts ng dalawang Delta variant positive cases ‘no.

Iyong recommendation kasi, Usec., is to do up to the third-generation close contact, but iyong priority talaga is iyong naka-close contact nila and then iyong nag-exhibit ng symptoms ‘no. So we are still closely coordinating kung ilan na ba iyong na-contact trace nila sa mga it.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, may report ba kayo na natanggap na dito sa mga naka-close contact ng dalawang ito ay nagkaroon ng sintomas?

DR. PULMONES: Sa ngayon, Usec., we are still coordinating. Kanina tumawag kami, so hindi pa sila nakapagbigay sa atin ng data kung iyong mga na-identify na close contacts ay nag-exhibit talaga ng symptoms or nag-positive ‘no. Kasi based sa data na pinalabas, iyong dalawang ito were swabbed last May 28; and then iyong result was May 28, positive sila sa SARS COVID. Pero iyong sa genome sequencing, natanggap lang namin yesterday based sa report from the Department of Health.

So iyon nga, iyong back tracing na ginagawa ngayon ng local government unit for these two Delta variant positive cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, sa ngayon ay ilang samples po ba ang nakasalang sa genome sequencing mula po dito sa Region VI?

DR. PULMONES: So based naman sa record na binigay ng Department of Health, mayroong 109 samples na na-sequence na. So this is equivalent to 124%, and then iyong total samples na na-send for genomic sequencing is 357 samples as of July 15. So mayroon nang 357 and then 109 ang na-sequence na. So we are still awaiting the result of the other swabs na na-send for genomic sequencing.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, mali-link po ba natin na itong pagtaas ng kaso sa Antique ay dahil sa Delta variant?

DR. PULMONES: Posible, Usec., kasi we all know na iyong Delta variant is highly transmissible ‘no. So sabi nga nila, this is 40 to 60% more highly transmissible. And hindi lang itong Delta variant ang kinu-consider natin because marami pa tayong variants of concern na nandito rin ‘no, nakapasok na sa Philippines iyong Alpha and Beta variants ‘no. So posible na ito ay naka-contribute din sa mga increase of cases dito sa Antique.

USEC. IGNACIO: Opo. So paano naman po pinaiigting iyong monitoring para matiyak na hindi na po kakalat itong variants sa komunidad at iba pang kalapit-probinsiya.

DR. PULMONES: Oo, so kahapon may mga actions na na-recommend na tayo sa local government units so we had closely coordinated with the province and then the concerned municipality doon sa Antique. Iyong actions na na-recommend is to identify immediately kung may mga active cases pa doon ‘no, and then do immediate close contact.

So iyong recommendation is up to the third-generation close contact but i-prioritize muna iyong location ng mga close contacts. And then kung nakita na iyong mga close contacts, immediately isolate and quarantine these in a separate isolation unit. So one of the recommendations is mag-designate ang local government unit natin ng specific na isolation and quarantine facility for the close contacts of the Delta variants.

And then we are also helping, assisting our local government units na i-increase nila ang detection and immediate isolation ang quarantine of the close contacts. So quarantine plus RT-PCR testing. So lahat ng mga na-identify na close contacts nitong Delta variant positive cases will be subjected to RT-PCR testing and then immediately ilagay sa isolation and quarantine facilities ‘no.

And then iyong mga border controls natin, paigtingin din. So iyon ang mga ginagawa para to ensure na ma-monitor ng Department of Health and ng local government units, and hindi na mag-affect sa ibang areas dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa usapin naman ng vaccine rollout, Dok, prayoridad po ngayon iyong pagbibigay ng bakuna sa mga probinsiyang may mataas na kaso ngayon ng COVID as we speak. Nadagdagan na po ba ang supply ninyo? At gaano karami ang daily average jabs na nagagawa po diyan?

DR. PULMONES: So sa vaccination rollout naman dito sa Region VI, may natanggap na kami na mga ilang type of vaccines ‘no. So may 321,720 doses ng Sinovac; iyong AstraZeneca is 149,450 doses – ito ay first dose. May Pfizer din na first dose, mga 15,795. And then iyong Gamaleya is 4,800 doses.

So as of July 13 na vaccine arrival, so we are also recipients ‘no, ang Region VI is also a recipient of about 117,200 AstraZeneca vaccines as second dose. And then we are also awaiting the arrival of additional Sinovac vaccines.

So dito naman sa Region VI, we have already vaccinated 520,492 individuals ‘no na naka-receive na ng COVID-19 vaccines. So these includes iyong A1 natin, iyong mga healthcare workers, frontliners; iyong A2, iyong mga senior citizens; mayroon din kaming nabakunahan sa adults with comorbidities; and iyong A4 as essential frontline workers.

So iyong 7-day moving average namin, we recorded the highest vaccination doses or jabs last July 8. This is 21,408 doses. So mataas ang jabs na ma-implement ng local government units kung may mga vaccine arrival.

So yesterday, iyong jabs namin totaled 11,134 doses. So we are awaiting arrival of additional vaccines dito sa Region VI.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras. Ang programa pong ito ay bukas para sa inyo kung mayroon po kayong kailangan at kailangang maipaabot na impormasyon, sabihan ninyo lang po kami. Maraming salamat po, Dr. Ma. Sophia Pulmones ng DOH Region VI. Ingat po kayo, Dok.

DR. PULMONES: Thank you din, Usec.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa Central Luzon kung saan tinukoy ng OCTA Research ang Mariveles, Bataan as very high-risk area dahil sa mataas na infection rate sa nasabing bayan na ngayon po ay nakailalim na sa MECQ. Kumustahin natin ang sitwasyon doon, makakausap po natin si Mariveles, Bataan Mayor Jo Castañeda. Good morning po, Mayor.

Babalikan po natin si Mayor.

Samantala, ika-129 na Malasakit Center sa bansa inilunsad; Senator Bong Go patuloy na isusulong ang mas maayos na pagbibigay ng pangangailangang pangkalusugan lalung-lalo na sa urban poor communities. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa, base po ito sa report ng DOH kahapon, July 16, 2021:

Umabot na sa 1,496,328 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 5,676 new cases kahapon.
Dumoble naman ang bilang ng mga nasawi mula noong Huwebes – isandaan at animnapu’t dalawa po ito kahapon kaya umabot na sa 26,476 ang total COVID-19 deaths.
Ang mga kababayan naman natin na gumaling na sa sakit ay umakyat na sa 1,421,372 matapos madagdagan ng 2,617 new recoveries.
Ang total active cases natin ngayon ay nasa 48,480 o katumbas ng 3.2% ng kabuuang kaso sa Pilipinas.

Samantala, makibalita naman tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan. Puntahan natin si Aaron Bayato mula sa PBS-Radyo Pilipinas. Aaron…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.

Muli po nating balikan si Mariveles, Bataan Mayor Jo Castañeda upang pag-usapan ang sitwasyon ng kanilang lungsod. Good morning po, Mayor.

MARIVELES, BATAAN MAYOR CASTAÑEDA: Good morning po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor as of yesterday, ilan na po iyong active cases sa inyong lungsod o lugar? Ano rin po iyong natukoy na naging sanhi ng hawahan diyan sa Mariveles, Bataan? MECQ po kayo, Mayor, ngayon?

MARIVELES, BATAAN MAYOR CASTAÑEDA: Yes, po, Usec. Rocky, we are under MECQ. And marami hong active cases, as of this day nasa 563 po ang aming active cases and out of that po 372 po nasa ano po ‘yan, iyong amin pong tinatawag na Freeport Area of Bataan, iyong aming industrial area. And then ang sa community po nasa 190 cases.

USEC. IGNACIO: Opo. So Mayor, tinatanggap ninyo po ba iyong [overlapping voices] ng OCTA Research na isailalim po kayo o ituring kayo na very high risk area?

MARIVELES, BATAAN MAYOR CASTAÑEDA: Okay po. With regards po doon sa OCTA Research po, mayroon po kami doon in a way correction po dahil po sa OCTA Research po mayroon po silang report na in a single day alone ay mayroon po kaming something like 218 cases. Wherein mali po iyon dahil July 5 to July 11 nasa 197 po iyong aming kaso so medyo may pagkakamali lang po. So siguro po hindi naman kami very high risk pero po high risk pa rin considering the fact nga po na talaga pong tumaas iyong kaso namin mula po nang nagkaroon po ng mass testing.

Considering the fact nga po na talaga pong tumaas iyong kaso namin mula po nang nagkaroon po ng mass testing. Iyong isa pong company dito, malaki kumpanya po dito sa Mariveles under dito po sa free port area of Bataan.

Ito po iyong sitwasyon namin dito sa Mariveles ay very peculiar po dahil po host po kami ng isa sa pinakamalaking export area po dito, economic zone dito po sa Bataan. And of course, ang ginagawa naman po ng LGU ay talaga pong maigting po iyong aming contact tracing, we are coordinating with the free port area of Bataan and also the company itself upang magkaroon ng strict monitoring doon po sa nangyayaring pagtaas ng kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon Mayor masasabi ba natin na under control iyong capacity ng mga hospital diyan at maging ang sitwasyon sa mga quarantine facilities, Mayor?

MARIVELES, BATAAN MAYOR CASTAÑEDA: Yes po. Sa ngayon po, mayroon po kami ditong dalawang Hospital, iyon pong ating Mariveles Mental Wellness and General Hospital. Nagpapasalamat po kami kina Dra. Loi Evangelista, dahil talaga naman po na ina-accommodate nila iyong ating mga pasyente. Nagki-cater po sila ng mga Covid-19 positive and also iyong amin pong Mariveles District Hospital na kini-cater naman po iyon pong mga Covid-19 positive din dito naman po sa buong probinsiya, dahil po iyong binanggit kong una, national po ang kini-cater nila.

One of the reasons bakit po kami under MECQ, it is because medyo critical po ang sitwasyon ng mga hospital dahil po wala pong mga ICUs. Sa Mariveles alone ay wala pong ICU kailangan pa po naming dalhin sa Balanga, sa BGH kung severe cases po ang sitwasyon po ng aming mga pasyente. Kaya po iyon po ang pinaka-reason bakit ang Bataan ay under MECQ po.

USEC. IGNACIO: Mayor, ano naman po iyong hakbang na ginagawa ninyo para mapababa ang cases sa lugar ninyo lalo na at nag-anunsiyo po ang DOH kahapon ng local cases na Delta variant sa ilang lugar sa bansa. Ang isa po ay nasa Pampanga na kalapit probinsiya ninyo lamang po. So, paano po kayo nag-iingat ngayon para maiwasan po ang pagpasok at pagkalat nito sa inyong lugar?

MARIVELES, BATAAN MAYOR CASTAÑEDA: Okay po. Unang-una po sa aming checkpoint talagang po na kung wala po silang ipapakita na negative result ng swab test ay hindi na po pinapapasok iyong outside Bataan, iyong mga dumadayo po sa Mariveles. So, mahigpit po iyong aming checkpoint and also at the same time iyong contact tracing nga po, pinapaigting namin. If may nag-positive po doon sa isang area, inu-observe po namin ang protocol under MECQ like for example wala po munang social gatherings, ano po.

No allowed po ang religious gathering but only inside the place of worship lang po, bawal po outside. So, iyon po talaga pong naghihigpit po tayo at iyong mga na-isolate po nating mga pasyente binibigyan po natin sila ng ayuda, mga food pack para hindi na po sila lumabas ng bahay upang maiwasan na po iyong spread po, iyong pag-spread ng virus or nang contamination.

USEC. IGNACIO: Pero, so far tuluy-tuloy naman po ba ang bakunahan sa inyong lungsod at ilan rin po sa target population protection sa lugar ninyo ang nabakunahan na po?

MARIVELES, BATAAN MAYOR CASTAÑEDA: Okay po. As of this date po, ang population po ng Mariveles ano po ay 149,789. So, out of that po ang nabakunahan na po namin ay nasa, ano pa lang po 3,000 ano po, so malayo-layo pa po. Iyon nga po ang isa sa gusto ko sana po Usec. Rocky, na mapanawagan sa Department of Health na sana po ang Mariveles po, considering na, sabi ko nga po peculiar ang situation dito dahil nga sa kami po ang host ang pinakamalaking economic zone dito sa buong Pilipinas.

So, sana po magkaroon po ng sariling allocation ang Mariveles, outside of the allocation for the province dahil po ang nangyayari po dito we are 11 municipalities and one city in Bataan. Kami po ang pinakamalaki 149,789. So, meaning to say ang allocation lang po namin pagbaba po from national to province and then bababa sa LGU ay katumbas lang po ng maliit na mga population, mga bayan.

Like for example po no, sa isang bayan 30,000 lang sila, kami po 149 parang ang distribution po ay dini-divide lang po sa 11 municipalities. Well, I am not saying that it is unfair pero siguro po makikita po ninyo na kung sana po pro-rated po ang pagdi-distribute, allocation, baka po mapantayan po namin iyong kanilang rate ng vaccination and sana po sabay-sabay kami na magkaroon ng herd immunity.

Sa nakikita ko po, kapag lagi pong ganoon, kapag ang allocation po namin ay binabase lang po sa kung ilang municipality lang kami ay—kasi po ang city po may sariling allocation of Balanga City. So, sila po nasa something like 49% na, kami nasa siguro po 3%, nasa 3% pa lang or less.

So, nakikita ninyo po medyo mahirap po sa sitwasyon ng Mariveles dahil po kulang na kulang po. Sabi ko nga po as of this time, we know for a fact na kulang pa rin po talaga, insufficient ang vaccine pero kung iko-compare po namin sa ibang bayan dito sa Bataan na lang po medyo nahuhuli po ang Mariveles dahil ang distribution po per municipality, hindi po pro- rated sa population

USEC. IGNACIO: Opo. So bale ang sinasabi ninyo Mayor ay kailangang-kailangan ninyo po nang mga dagdag na bakuna para sa inyong bakuna sa bayan ng Mariveles.

MARIVELES, BATAAN MAYOR CASTAÑEDA: Equipped and capable po iyong ating mga bakunador, mga bakunador po namin mga beterano na nagbabakuna, 20 years na po sila na nagbabakuna. Kaya lang po maraming beses po na wala po kaming vaccines kaya po tengga po iyong aming nakaambang vaccination sites.

So, sana po mapakinggan ito ng national government, ng Department of Health. May letter naman na po kami kina ASec. Laxamana. Sana po kami po iyong mabigyan po talaga ng priority na madagdagan o magkaroon po ng sariling allocation. As of this date, sabi ko nga po iyong first dose muna ang ayusin. Iyong second dose po namin pala nasa, siguro naka-fully vaccinated na po nasa 2,194 pa lang po.

Iyong first dose po namin nasa 5,363 pa lang po. Kung tatargetin po natin 70% of the general population, tama po iyong sinabi ko ‘no, nasa 3 % pa lang po kami compared po sa ibang bayan na nasa 50% na yata po sila or 80%, pero kami po dito, malayo-layo pa po.

USEC. IGNACIO: Opo. So, mayroon naman po kayong kakayahan, iyong storage facilities para sa mga bakuna, Mayor?

MARIVELES BATAAN MAYOR CASTAÑEDA: Yes po. Mayroon po kaming, sa province naman po ang ginagawa naman po ng province dahil sila po talagang kumpleto sa mga storage facility, iyong mga temperature requirements ay nami-meet naman ng province. Puwede naman po daw iyon, kapag halimbawa kung Pfizer ang iyong binibigay sa amin mayroon pong three days na itinu-thaw kaya po kaya naman po.

Actually po, nakatanggap na kami ng Pfizer at iyon po, Sinovac at iba pa, Sputnik yata kami pa lang po. So, may paraan naman po para talaga pong makapagpadala po sila dito ng mas maraming bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at sana nga po ay madagdagan pa ang bakuna na kailangang-kailangan ninyo. Stay safe po Mariveles Bataan Mayor Jo Castañeda. Salamat po Mayor.

Samantala, ano nga ba ang nagiging epekto sa ating laban kontra COVID-19 ngayong nakapasok na ang Delta variant sa bansa? Para sa detalye ng labing anim na lokal cases ng Delta variant na naitala ng DOH, makakasama po natin si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Usec., welcome back po, good morning Usec.

Usec. Vergeire?

DOH USEC. VERGEIRE: Opo, good morning po.

USEC. IGNACIO: Ilan na po ang active cases na binabantayan natin dito sa mga naitalang Delta variant sa bansa at sila po ba ay vaccinated na against the virus?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am, no. So, ito pong ating 35 na total Delta variant cases in the country, wala na pong aktibong kaso. Lahat po noong 33 naka-recover, dalawa po iyong namatay. As to the vaccination status, ang nakuha pa lang ho naming detalye would be one case, iyon pong taga-Maynila na apparently ay bakunado pero kailangan pa rin po namin i-verify.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa ngayon natukoy ba natin kung paano nagkaroon ng Delta variant iyong ilang pasyente na wala naman daw pong travel history doon sa mga binabantayan nating mga bansa.

DOH USEC. VERGEIRE: Ngayon po, sa ngayon Usec. Rocky, we are doing the intensive contact tracing among all of these individuals who were positive for the Delta variant. So dito po sa pamamaraang ito, dito natin makikita kung mayroon ho tayo talagang mga link sa bawat kaso at kung saan po talaga nag-originate itong mga pagkakasakit na ito. So we will be informing the public in the coming days.

USEC. IGNACIO: Opo. So masasabi ba natin, Usec., na contained pa rin ang mga kaso ng Delta variant sa bansa at hindi pa po ba natin palalawakin pa ang mga bansang may travel restrictions matapos po iyong development na ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Well kung sinasabi nating contained, kailangan pa rin ho naming makita kung ano po ang kalalabasan ng resulta nitong ginagawang contact tracing. We are also looking at doing genome sequencing in those areas, most areas with surges para makita natin ang kabuuan, ang picture. We have to remember na itong whole genome sequencing po natin is purposive sampling at ganito rin naman po ang ginagawa sa ibang bansa na kinukuhanan natin iyong mga may high index of suspicion. Kailangan lang po natin i-expand so that we can see the full picture for this Delta variant.

As to the other countries being banned from the Philippines, tayo po ay makikipag-usap sa IATF. Pero noong huling usapan po kasi sa IATF, ang naging desisyon ay gawin na lang very strict ang ating border control para hindi naman natin ma-isolate ang ating bansa from the rest of the world.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kapansin-pansin po na noong nakaraang buwan pa sila tinamaan ng COVID ano po pero ngayon lang po ito na-detect. Hindi naman po ba daw ito makakaapekto sa pagsasagawa ng second and third generation contact tracing?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, hindi naman po ‘no. Mayroon ho tayong tinatawag na back tracing, iyan naman po iyong usual na ginagawa natin. And ito po nga, naka-identify na tayo—actually kahapon may mga reports na tayo na nakita naman natin iyong mga taong naka-interact nitong mga tao dito sa Metro Manila. Nakuha natin iyong report kahapon and we were able to guide already the local governments and the individuals concerned kung ano ang gagawin.

So siyempre gusto pa rin natin ideal iyon, iyong actual talaga at up to date na information. But as I’ve said, when we do whole genome sequencing po, nanggagaling iyan sa ating mga rehiyon, sila po ang mamimili sa mga clustering of cases. Sometimes these are biobank samples – ibig sabihin naka-store na iyong sample at ngayon lang po naproseso kaya minsan delayed po talaga. But in any case, we will still do the contact tracing that is needed para po makita natin talaga iyong extent.

USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko lang, Usec., iyong tanong ng ating kasamahan sa media ano. May tanong po si Michael Delizo ng ABS-CBN News: Saang lugar po nakapagtala nang pagtaas ng mga kaso at paggamit ng ospital sa nakalipas na linggo?

DOH USEC. VERGEIRE: Ganoon pa rin po iyong trends ng kaso natin ano. So we are still seeing increase in the cases or plateauing of cases. Mayroon pa rin tayong ganiyan sa Region VI, sa Region XI, mayroon pa rin po sa CAR, mayroon din po tayong nakikitang ganiyan dito sa Region IV-A, sa Region V po at sa Mindanao naman po nakikitaan pa rin natin ang Region XII at saka CARAGA. So tinitingnan ho natin, binabantayan nating maigi itong mga lugar na ito and titingnan ho natin in the coming weeks kung magtutuluy-tuloy para po makita natin how we are going to restrict further ito pong classifications.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Michael Delizo: Ano ang kailangan pang gawin ng national government at mga LGU para paghandaan ang posibleng surge ng Delta variant?

DOH USEC. VERGEIRE: Well katulad po ng sabi namin kahapon, we need to mobilize already our door 3 and our door 4 in our 4-door policy.

Ito pong door 3 kailangan pag-igtingin po talaga ng ating mga local governments ang PDITR response natin, doing active case finding and also they have to shorten the duration from the time that a person is detected na may sintomas o ‘di kaya ay positibo hanggang iyong mai-isolate natin sila o ma-quarantine para mas bumaba po ang mga kaso.

And para naman po doon sa door 4, this is improving health system capacity. Kailangan po lahat ngayon ay handa na to expand the number of beds in hospitals, we should do inventories of our oxygen supply, we should preposition logistics already like drugs and other supplies na kakailanganin po ng ating mga ospital para lahat po tayo ay handa.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Michael Delizo, parehas po sila ng tanong ni Katrina Son ng GMA News: Kailangan daw po bang i-reconsider ang pagpapalabas sa mga batal pag-aaralan po ba ulit ng IATF o DOH na bawiin ang resolution?

DOH USEC. VERGEIRE: Kailangan po nating pag-aralan of course because there is another factor that has to be considered kung saan naka-detect tayo ng Delta variant. Pero katulad ng lagi naming sinasabi, kapag tayo ay nagkakaroon ng easing of restrictions, there are safeguards in place. So kailangan lang talaga let us all follow the safety protocols so that we can be protected. Ito pong mga ganitong pagkakataon or mga restrictions na ito, pag-uusapan po iyan lahat and we will be monitoring closely and continuously assess para po makakapagrekomenda tayo sa IATF.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Michael Delizo: May update na po ba sa imbestigasyon ng DOH sa reported wastage of Pfizer vaccines sa Muntinlupa? Are they destroyed and beyond saving? How many doses were wasted and how will this affect vaccination program/vaccination rate? Why can’t the government already move ahead with next priority group?

DOH USEC. VERGEIRE: Well unang-una iyong tungkol ho doon sa Muntinlupa, nakapagpalabas na po ng mga pronouncements sila Secretary Galvez from the Vaccine Cluster na ito po ay patuloy na iimbestigahan. Sinabi rin po ni Secretary Galvez na kailangan din ma-identify kung sino ang accountable because bawat dose ng bakuna dito sa ating bansa ay napakaimportante at hindi dapat nasasayang.

Pangatlo po, nagkaroon na rin ng pronouncement si Secretary Galvez na kailangan i-monitor closely ang ating mga vaccination sites and kung nakikitang hindi capable to store this kind of highly technical vaccines, hindi na muna po sila bibigyan para wala tayong nasasayang.

So ngayon patuloy po ang imbestigasyon, may mga initial reports na po na na-submit sa Vaccine Cluster and maybe sila Secretary Galvez can inform the public by next week.

USEC. IGNACIO: Opo. So ang pahabol din niya: When can government already move ahead with next priority group?

DOH USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po kasi ‘pag tiningnan natin iyong ating mga priority groups, gusto muna po natin tutukan ang ating mga A2 at A3 – ito po iyong ating mga senior citizens at saka those with comorbidities.

‘Pag tiningnan natin ang ating talaan, ang ating senior citizens nasa mga almost 13% pa lang po ang nababakunahan sa kanila; and for those with comorbidities, almost 15% pa lang out of the targeted number.

So gusto muna nating makapagbakuna nang mas madami pa sa kanila, at least we reach about 50% bago po natin tingnan iyong ibang priority sectors na gusto nating bakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang, Usec., na tanong si Katrina Son ng GMA News: Ilan na po daw iyong namatay sa Delta variant sa Pilipinas? May datos na po ba at ilan na po ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Delta variant sa Pilipinas?

DOH USEC. VERGEIRE: Dito po sa Pilipinas katulad po ng nai-report natin, we have a total of 35 individuals detected with the Delta variant. Dalawa po sa kanila, dito sa 35, ay namatay at ito po ‘yung isang taga-MV Athens, iyong isa po naman ay taga-Maynila. Iyon pong isa, bini-verify pa ho natin, iyong taga-Antique na apparently namatay din. We are getting the complete information so that we can inform the public also. So iyong isa pong namatay hindi pa verified kaya dalawa pa rin po ang nasa talaan natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano na po ang reaksiyon ng DOH sa desisyon ng Malaysia na itigil ang paggamit ng Sinovac vaccine dahil sa ‘di umano ay mababang efficacy nito laban sa Delta variant?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am, ‘no. So narinig nga po natin iyan at naririnig din natin iyong mga ibang bansa na nagshi-shift sila ng kanilang mga bakuna. Unang-una, dito po sa Malaysia, they have this logistics na tiningnan ano. Nagdesisyon ang kanilang national government since they have enough supplies also of the other types of vaccines.

Second, kailangan pong maintindihan ng ating mga kababayan na lumabas na po ang mga real world effectiveness ng bakuna at pinakita naman na ito pong mga bakunang ginagamit natin dito sa atin bansa, the most commonly used ay talagang nagpakita nang effectiveness against severe infection and hospitalization and death.

So dito po sa ganitong ebidensiya, tayo po ay naninindigan na ito pong bakunang ginagamit natin ngayon ay makakaprotekta sa atin especially na ngayon na may variants, kailangan lang ho natin lahat magpabakuna with two doses para tayo ay maprotektahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa iba pang ASEAN countries po ay nakatakda ring magbigay ng booster shots for the same brand of vaccine. Bakit daw po dito sa Pilipinas ay hindi pa kumikilos sa issue ng Sinovac?

DOH USEC. VERGEIRE: Tayo po ay kumikilos ‘no. Actually every—we have regular meetings with all our experts at talagang halos araw-araw ang Vaccine Expert Panel po natin pinag-aaralan lahat ng datos na lumalabas all over the world. Kaya lang base po sa kanilang rekomendasyon, hanggang sa ngayon wala pa hong nakakapagpalabas nang kumpletong ebidensiya regarding booster doses. At ang gusto lang naman po ng ating gobyerno at ng ating mga eksperto, tayo ay sigurado at may sapat na ebidensiya para makapagrekomenda tayo ng booster shots sa ating population.

Pangalawa, iyon pong equity consideration kung saan alam po natin, marami sa ating mga kababayan ang hindi pa nababakunahan. So once we introduce these booster vaccines para sa mga tao, it will now again set aside those people who have not been vaccinated yet.

So ang rekomendasyon po natin galing sa ating eksperto, hintayin na lang natin iyong full evidence at saka po natin pag-usapan at irekomenda itong booster doses na ito.

USEC. IGNACIO: Sunod pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano po ang mga steps na ating ginagawa para maprotektahan po ang border sa Mindanao tulad ng Sulu at Tawi-Tawi lalo na at ito po ay malapit sa Malaysia na may spike na kaso doon ng Delta variant?

DOH USEC. VERGEIRE: Tama po iyan, Usec. Rocky. Actually, that was already raised in one of our IATF meetings in the previous weeks. At sa ngayon po, tayo po ay nakapagbigay na ng abiso ‘no, ang IATF ay in-instruct ang DOTr at iba pang concerned agencies to guard our seaports especially iyong mga local governments doon, kausapin kasi alam natin na may mga backdoor na mga pumapasok sa ating bansa. Iyan po ay masusing binabantayan ngayon ng ating mga officials diyan sa area na iyan.

Another thing, nagbigay na po nang karagdagang bakuna for these specific areas, at we want to protect the population who are residing in these areas so that kung saka-sakaling makapasok, sila po ay magiging protektado.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman po, Usec. Kahapon po ay nagprotesta sa harap ng tanggapan ng DOH ang ilang healthcare workers na nananawagan para sa mga benepisyo na hanggang ngayon po ay hindi pa rin umano nila natatanggap. Ano po ba ang nagpapatagal sa release ng kanilang allowances?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes po, Usec. Rocky, actually after the rally yesterday, pinatawag po natin iyong mga healthcare workers na nag-rally at kinausap po ng mga DOH officials para magkaintindihan tayo kung ano talaga iyong isyu.

And we were able to discuss it with them at nagkaroon naman po ng kalinawan. Unang-una, ang kanilang hinihinging performance-based bonus, ito po is 2018 ‘no, 2018 na performance-based bonus. Ito po ay kailangan po kasi mayroon ditong secretariat na nag-i-evaluate nito pong mga submissions nila for the performance para mailabas po ang benepisyo na iyan. So lahat po ng mga opisina ay hinihintay na makapag-submit ng kumpletong documentary requirement so that we can be able to facilitate these benefits. So iyan po ay naipaliwanag sa kanila at sinabi naman natin sa kanila na as soon as makumpleto, we will be releasing the said benefit.

Pangalawa po, iyong modification ng Nurses’ salary grade, ito po ay naidulog na natin sa DBM. Ito po iyong dapat ma-retain ang Nurse III to Nurse VII na position. At ang DBM naman po ay nakapag-commit na, agad-agad na ipapalabas nila ang policy issuance para maipatupad na ito.

And ang pangatlo, iyong kanilang hinanaing sa Special Risk Allowance, we explained to them na as of June 30 of this year, we were able to download already 9.7 billion pesos to all of our regional offices and hospitals so that they can already provide the SRAs to both public and private na nandoon sa jurisdiction nila.

Ngayon ang nakikita ho naming mga issues din, hindi nakakapag-submit ng maayos na requirements din ang ibang mga facilities kaya hindi po nari-release sa kanila ang pera. But definitely, DOH has done its part; naibigay ho natin iyong perang kaukulan, kailangan lang pong ma-process doon po sa mga kani-kanilang mga jurisdiction.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Salamat, Usec.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, bago pa man maisailalim ngayon sa pinakamahigpit na quarantine classification ang siyudad, pinadalhan na ng tanggapan ni Senator Bong Go ng ayuda ang mga Ilonggo artists at mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Alamin naman natin ang lagay ng Davao Region mula sa report ni Clodet Loreto. Clodet?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Clodet Loreto ng PTV-Davao.

Bago po kami tuluyang magpaalam, nais muna naming batiin ng advance happy birthday ang aming director ngayon na si Direk Leo Docto. Maligayang kaarawan, Direk. At siyempre, Happy Birthday din po sa aking butihing ina na si Belen Rodriguez-Tobias. Salamat po. Happy Birthday. Mahal na mahal ko kayo, Nanay.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at iyan po ang aming mga balitang nakalap ngayong araw. Magkita-kita po ulit tayo sa Lunes, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center