Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by PCOO Secretary Martin Andanar and Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao at sa lahat ng ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Isang linggo bago ang itinakdang ika-6 at huling State-of-the-Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngayong umaga po ay aalamin natin ang mga mahahalagang batas na naipasa at ipapasa ng Senado sa kaniyang huling taon bilang Pangulo. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Magandang umaga po sa inyong lahat.

Bukod po riyan ay tututukan din natin ang pinakahuling development sa naitalang local transmission ng Delta variant at ang posibleng epekto nito sa sektor ng edukasyon at sa healthcare system ng bansa.

Simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Senator Bong Go sinabing posibleng magkaloob si Pangulong Rodrigo Duterte nang mas maraming insentibo sa mga atletang Pinoy na makakakuha ng medalya sa 2020 Tokyo Olympics. Hangad din niya ang ligtas at matagumpay na paglahok ng ating mga atleta. Narito po ang report:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Magandang umaga po sa inyong lahat. Good morning, Undersecretary Rocky Ignacio.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary.

SEC. ANDANAR: Nagkaroon lang tayo nang konting technical problem. Anyway, kasabay ng State-of-the-Nation ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa darating na July 26, magsisimula rin ang 3rd and final session ng 18th Congress kaya naman alamin natin bukod sa mga priority bills na naisabatas na nitong mga nagdaang taon, ano pa nga ba ang mga batas na inaasahang ipapasa ng Senado sa huling taon ng Pangulo, kaugnay niyan ay makakapanayam po natin si Senador Juan Miguel Zubiri. Magandang umaga po sa inyo, Senator Zubiri.

SEN. ZUBIRI: Hello! Magandang umaga po, Sec. Martin. And of course, kay Usec. Rocky, good morning po.

SEC. ANDANAR: It’s good to see you once again. Senator, next week ay magbubukas na nga ang 3rd regular session ng Senado. As the Majority Floor Leader, ano iyong mga batas na ipa-prioritize ng Senado sa huling taon ni Presidente Duterte?

SEN. ZUBIRI: Well, Sec. Martin, Usec. Rocky, mayroon po tayong mga panukala na pending pa rin po sa Senado na hopefully by next month of August, matatapos na po natin. Iyan po ang mga pending economic measures, for example iyong Retail Trade Liberalization Act, iyong Foreign Investments Act at iyong Public Services Act. At iyan ay matatapos namin by next month, iyan po ang aming pangako sa ating mahal na Pangulo noong bumisita po kami sa Malacañang for the bills signed into law.

And mayroon din po tayong commitment din kay Presidente na hopefully by August and September ay matatapos na rin namin iyong Department of OFWs, iyong DOFIL ika nga, at doon po kami nakatutok. Of course, iyong mga iba’t ibang senador namin na kasamahan ay mayroon po kaming mga pet bills. For example, mayroon po tayong pinapasa rin, iyong Solo Parents and Children Act, benefits for solo parents and children, mayroon po kaming postponement of the Bangsamoro organic regular elections. And also, for example, may panukala po ako, iyong pagtaas ng statutory rape age from 12 years old to 16 years old.

Pero iyong pinakaimportante na mga priorities ay iyong binabanggit ko po, ito po iyong ating mga hinihingi ng ating Finance department which are the economic measures para lalong gumanda ang ekonomiya natin sa susunod na taon, lalung-lalo na natamaan tayo ng pandemya; and we’ll be working on that.

Of course, there are proposals for Bayanihan III. Tinitingnan lang namin po iyong fiscal capacity ng ating bansa, at pag-uusapan namin po ito in a caucus early next week right after the State-of-the-Nation Address of the President.

SEC. ANDANAR: Dahil sa COVID-19, Senator Zubiri, maraming na-highlight na social inequities at problemang nararanasan ng karamihan sa ating mga kababayan sa bansa tulad ng food and security at kawalan ng stable na hanapbuhay. Ang mga ganitong problema rin po ba ay naha-highlight naman sa mga batas na inihahain at ipinapasa ngayon diyan sa Senado?

SEN. ZUBIRI: Opo, Sec. Martin, dahil ito po’y mga batas na—iyong mga panukala na binanggit ko ay magdadagdag po sa ating ekonomiya dahil ito po ay makakapasok ng mga investments both local and foreign, at para dumami po ang mga negosyo na ilagay po dito sa ating bansa which means more jobs, more opportunities and of course, lower cost. Kasi itong Retail Trade nga eh—ang Retail Trade Liberalization Act ay magbibigay daan para sa iba’t ibang mga kumpaniya from abroad makapasok dito at makapagbenta rin ng kanilang mga goods and services at a lower cost ‘no, of course, without sacrificing Filipino MSMEs kaya naglagay po kami ng safeguards. Kaya tumanggal po siya, naglagay po ang Senado ng mga safeguards na dapat high quality na mga products and services ang ipapasok nila dito na hindi naman direct competition ang ating MSMEs.

Dito naman sa mga panukala natin katulad ng planned Bayanihan III, na magdagdag-ayuda po sa ating mga kasamahan, iyan ang pinag-uusapan din namin; it’s on the table. Mayroon pong bill na pinayl si Senator Ralph Recto, at titingnan lang po natin sa ating Gabinete at sa ating ehekutibo kung mayroon po tayong dagdag pondo para rito. Parating na kasi po, Sec. Martin, ang ating national budget. At excited na rin po ang mga senador na i-take up ito sa committee level ang ating panukala for the General Appropriations Act, at gusto na naming ilagay po doon iyong mga pangangailangan ng ating taumbayan when it comes to ayuda, of course, assistance to the different industries – tourism industry, iyong ating hotel and restaurant industry, iyong ating MSMEs (Micro, Small and Medium Enterprises) – kasi sila po ang bugbog na bugbog dito sa pandemyang ito.

At alam mo, ang Pilipinas ay napakalaki po, Sec. Martin, ang income ng ating bansa ay galing sa turismo, galing sa mga hotels, sa mga restaurants, galing po sa mga micro, small and medium enterprises na natamaan dahil sa COVID-19 na ito na hindi naman natin maiwasan dahil one of our quarantine measures is lockdowns; and lockdowns po, nagsya-shutdown po tayo ng mga mode of transports, nagsya-shutdown po tayo ng mga industriya katulad ng mga malls, mga pinupuntahan ng napakaraming tao. Kaya kailangan nating tutukan ito, at ang gusto po ng aking mga kasamahan ay ilagay na po iyan sa ating 2022 national budget which will be discussed by August, September. Magkakaroon na po tayo ng hearings tungkol dito para madagdagan po natin ang pondo ng ating gobyerno for assistance, financial assistance packages sa mga industries na natamaan nitong pandemya, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Senator Migz, SONA na rin po sa Lunes. Bukod sa COVID-19 response, ano pa pong inaasahan ninyo na mga babanggitin ng ating Pangulo sa kaniyang huling State of the Nation Address?

SEN. ZUBIRI: Well, Sec. Martin, of course, I’m sure babanggitin ng ating mahal na Pangulo ang kaniyang mga nagawa sa limang taon niyang panunungkulan bilang Pangulo. At makita naman po natin ang mga achievements niya and it would be nice to hear from the President the achievements of the Administration.

For example, iyong ating Free College Education Act – binanggit niya po iyan sa isang speech po niya noong isang araw – iyong ating Universal Health Care Program na itinuloy naman po ng ating mahal na Pangulo; iyong infrastructure program niya. Siguro magandang pakinggan iyan.

This is the time, Sec. Martin. This is the time na puwedeng i-highlight ng ating mahal na Pangulo iyong mga nagawa niya these last five years in terms of legislation, in terms of infrastructure, in terms of programs of government. At ngayon po ang sapat na panahon para ilabas po iyan.

And of course, ang kaniyang mga plans and wishes for the country for the next year, for the last year of his term and beyond because a good leader always focuses not only on the last year of his term but also beyond the term of the President.

So, magandang pakinggan po iyan sa ating mahal na Pangulo. Excited na po ang lahat ng mambabatas at ang mga kababayan natin na mapakinggan ang kaniyang SONA, because this will be his last State of the Nation Address before the elections.

Kaya ang maganda dito, pakinggan natin ang ating mahal na Pangulo and I’m sure he’ll be showing his achievements, iyong mga achievements po na nagawa ng administrasyon in the last five years.

SEC. ANDANAR: Magpapatuloy pa rin po ba ang hybrid session sa Senado o nakikita ninyo po bang posible na ring ibalik ang physical set-up anytime soon lalo’t para sa mga fully vaccinated na?

SEN. ZUBIRI: Alam mo, Sec. Martin, hirap na hirap po ako, Sec. Martin, as majority floor leader na mag-conduct ng sessions dahil nga kapag hybrid, kapag online, hindi natin minsan nasu-suspend iyong session at pinag-uusapan in a huddle ng mga senador kaya mas pabor po ako na maibalik po natin sa face-to-face.

Pero naiintindihan ko naman na may mga kasamahan po tayo na senior citizens, iyong mga super senior ‘íka nga, na over 70 years old na natatakot lalung-lalo na, Sec. Martin, dito sa Delta variant. Medyo mabagsik po itong Delta variant na ito, marami pa rin ang natatakot maski na po sila ay fully vaccinated ay puwede pa ring matamaan.

So, we will await, we will have an executive session with the members on Tuesday. Usually ganoon po iyan, Sec. Martin, after the State of the Nation Address Tuesday ng umaga or Tuesday ng hapon nagmi-meeting po kami lahat ng mga members, all member caucus, pag-usapan po natin iyong agenda for the next two months. Dahil realistically, Sec. Martin, dalawang buwan na lang ang naiiwan – August and September – break po kami ng October 1 dahil nga may filing of candidacies at babalik po kami ng November to December. Iyan na lang po, three months na lang po ang naiiwan sa amin.

So, maganda para sa akin kung face-to-face na po tayo but we will respect the majority of our colleagues kung hindi pa po nila gusto at gusto pa nila po ng hybrid. Pero ako po, Sec. Martin, ay papasok na po ako face-to-face araw-araw. Sasamahan ko po si Senator Tito Sotto, ang ating Senate President, para maipasa po namin iyong mga pangako namin po sa Administration which were the bills I mentioned, itong economic bills, Department of OFWs at marami pa pong ibang mga measures na kailangan po ng ating bansa.

SEC. ANDANAR: Sana po, Senator Migz, ay maisingit ninyo iyong Media Workers Welfare Bill na nandiyan na po sa inyong bulwagan sa Senado.

SEN. ZUBIRI: Iyong mga binabanggit ko, Sec. Martin, iyong mga pet bills ng mga members natin na non-controversial katulad po niyan ay mabibigyan po natin ng priority. Iyong mabibigat lang kasi, iyong mga major bills kasi iyong debate naka-focus doon. Pero itong mga bills na tinatawag ko pong ‘happy’ bills, ito po ay para sa mga industriya. Ito po ay nagbibigay po ng tulong sa ating mga kababayan. Maipapasa po natin iyan agad-agad, Sec. Martin. Paki remind lang po ako, Sec. Martin, linggu-linggo, i-text mo lang ako para mailagay po natin sa agenda palagi.

SEC. ANDANAR: Yes, sir! Kaming dalawa ni Congresswoman Niña Taduran at ni Usec. Joel Egco. Usapang eleksiyon tayo, Senator, ‘no. May definite plans na po ba kayo para sa Election 2022? I also heard na medyo mainit ang pulitika sa inyong probinsiya sa Bukidnon.

SEN. ZUBIRI: Well, alam mo, taga-Mindanao po tayo. Ako po ay taga-Bukidnon and yes, medyo umiinit na iyong local politics. I think everywhere naman, Sec. Martin, sa buong Pilipinas mainit na po iyong local politics. Ako naman ay of course tinututukan ko po iyong aking reelection, babalik po tayo muli sa halalan nitong 2022 at ibabalik po natin ulit sa taumbayan kung happy ba sila sa trabaho ko bilang senador at majority floor leader.

Ang akin lang naman, Sec. Martin, kung sa Bisaya pa, dili sulti ang pabuhaton, kung dili buhat ang pasultihon. In Tagalog po, hindi po iyong salita ang magkakampanya po sa akin kung hindi iyong nagawa po natin, achievements po natin sa Senado ang ating kakampanyahin at iyan ang ipapa-highlight po natin. Which is iyong action-oriented naman po iyong ating mga nagawa sa Senado kaya nga ang payo nila sa akin ako daw iyong ‘trabahador ng Senado.’

Pero tumatakbo ako bilang independent, Sec. Martin. Of course, independent but we have an alliance with the Administration, supportive naman po tayo sa mga Administration programs but ako po ay walang partido, Sec. Martin. Kaya doon sa mga bailiwick mo, Sec. Martin, sana matulungan mo ako, dahil I am an independent candidate and I’ll be running as an independent candidate.

Marami po kami, Sec. Martin, tatakbo sabay-sabay po kami. Pinag-usapan namin ito that we’ll run as a team, it’s a performance team. Nandiyan po si Senator Loren Legarda, Senator Chiz Escudero, myself – Senator Migz Zubiri, Senator Win Gatchalian, Senator Joel Villanueva and Senator Richard Gordon. Kami po ay tatakbo sabay-sabay, we’ll be running as a team and iyong performance po namin ang ipapakita sa taumbayan kung masaya po ba sila sa nagawa po naming mga batas at panukala para lalong gumanda po ang buhay ng ating mga kababayan dito sa Pilipinas.

So, hindi naman sa pagyayabang, Sec. Martin, wala pa po akong absent since 1998 noong pagpasok ko po bilang isang mambabatas as congressman of the third congressional district of Bukidnon hanggang ngayon wala po ako ni minsan nag-absent. Hindi po ako nag-absent, perfect attendance po ako. Hindi naman sa pagyayabang, ako lang yata ang may record na ganoon katagal na perfect attendance. Kaya it shows my commitment to the Filipino people na committed po talaga tayo na makatulong na umangat at bumangon ang ating bansa sa kahirapan at lalung-lalo na sa pandemyang ito, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Senate Majority Floor Leader, of course Senator namin sa Region X, sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental and of course Bukidnon, Senador Juan Miguel Zubiri. Mabuhay po kayo, sir, and stay safe all the time.

SEN. ZUBIRI: Maraming, maraming salamat, Sec. Martin. And mabuhay po tayong lahat and may God bless this beautiful country of ours! May God bless the Philippines. Salamat po.

SEC. ANDANAR: Iyan po muna ang balitang pagsasamahan natin ngayong Lunes ng umaga. Balik muna sa iyo, Undersecretary Rocky Ignacio.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin.

Samantala, gobyerno, nag-turnover ng karagdagang pondo para mapalakas ang kakayahan ng Southern Philippines Medical Center sa Davao City; Senator Bong Go, patuloy na ipinaglalaban ang mas maayos na serbisyo para sa pampublikong kalusugan sa buong bansa. Narito ang report.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Labis na nakakabahala iyong iniulat ng Department of Health tungkol sa umano’y local transmission ng Delta variant dito sa Pilipinas kaya naman ang ating pamahalaan naghahanda rin sa mga posibleng mangyari. Kasunod nito, alamin natin ang paghahandang ginagawa ng mga pribadong ospital sa bansa, makakausap po natin ang presidente ng Private Hospital Association of the Philippines Inc., Dr. Jose Rene De Grano. Good morning po, Doc.

DR. DE GRANO: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Doc, as per Usec. Vega ay naglabas na po ang mandato umano ang DOH sa mga private hospital na mag-allocate nga po ng at least 20% ng inyong bed capacity para paghandaan ang worst case scenario kung sakali pong mag-surge ang COVID cases sa bansa dahil sa Delta variant. So ano na po ang ginagawa ninyo dito? Kakayanin po ba? Iyan din po ang tanong ni Vic Tahod ng DZAR 1026, Sonshine Radio.

DR. DE GRANO: Nito pong nag-pandemic, talaga naman pong ang mga private hospitals nag-allocate na ng 20% ng bed capacity ng mga hospitals para sa COVID cases. At kapag nagkaka-surge po, talagang mina-mandato kami na mag-increase up to 30%. Ang limitasyon lang po ng mga private hospitals, of course, right now iyong dami, iyong availability po ng mga nurses namin at mga nursing staff.

USEC. IGNACIO: Doc, sinabi ninyo na wala kayong magiging problema doon sa dagdag na bed capacity na sinasabi nga po ng DOH, pero paano naman po ninyo tutugunan iyong sinabi po ninyo na kakulangan sa medical workers ang magiging problema? So ano po iyong hinahanda ninyong posibleng alternatibong gawin para dito?

DR. DE GRANO: Iyon nga po, kung ang mga kama po ay irereserba natin sa mga moderate, severe and critical cases at halimbawa po magkaroon ng surge ng Delta variant, 90% po ng nakikita natin, sana po ay asymptomatic at mild, puwede po sigurong magawan pa ng paraan pa ng mga hospitals iyan. Pero kapag dumami po ang kaso ng moderate at saka critical ay doon po magkakaproblema talaga, mahihirapan ang mga pribadong hospitals, kahit po ang mga government hospitals kasi ang kailangan po dito sa mga kasong ganiyan ay mga nursing staff na magma-manage sa ating mga COVID cases. Kaya ang mga ospital po, naghahanda kami. Pero sa dami naman po ng kaya ng hospital na i-provide ng dahil po actually noong magkaroon po ng surge noong April, after that, ang dami na rin po ulit na nag-resign at lumipat na mga nursing staff ng mga private hospitals kaya lalo pong kumonti ang bed capacity noong ibang hospitals at iyong iba po namang hospitals na talagang kakaunti ang mga nursing staff, nag-downsize na po sila.

USEC. IGNACIO: Okay, may follow up lang po si Carolyn Bonquin ng CNN Philippines, kasama na rin po ng tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Eh kumusta naman daw po iyong oxygen at ventilator sa mga pampribadong ospital?

DR. DE GRANO: So far, iyong mga oxygen supply, ayos naman po. Iyong mga ventilators, mga high-flow ventilators, sa ngayon ay ayos pa rin po. Pero iyon nga po, pag dumating ang point na talagang magkaroon ng surge ng critical cases, magkakaroon tayo ng problema again. Dahil alam naman po ninyo ang mga ICU facilities ng mga private hospitals, hindi naman po iyan basta nai-expand. Dahil bago po tayo makapag-expand ng ICU facilities ng isang private hospitals, napakalaking gastos po iyon. It will need additional equipment, additional space at saka mga highly trained nurses and doctors.

USEC. IGNACIO: Opo, sunod pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano po ang lagay ng mga ospital sa mga lugar na nasa ECQ katulad daw po ng Cagayan De Oro at Iloilo? May narinig ba kayong mga kakulangan sa ospital nila?

DR. DE GRANO: Sa ngayon po, talagang nandoon sila sa tinatawag nating critical ang kanilang situation right now dahil talagang puno po ang kanilang mga ICU facilities. Kaya umaasa po sila sa tulong ng ating government, kasi ang alam ko nagpadala na sila ng augmentation personnel sa ating mga hospitals sa Region VI, at saka sa mga area po ng Cagayan De Oro.

USEC. IGNACIO: Doc, sa palagay ninyo, paano natin mapipigilan na matulad ang sitwasyon ng Pilipinas sa nangyari po sa neighboring countries katulad po sa Indonesia at Malaysia lalo na pagdating sa kakulangan po sa medical facilities at ngayon nga po medical workers?

DR. DE GRANO: Iyon nga po talagang dapat po tutukan natin iyong prevention Ngayon po, kailangan po talaga natin mabakunahan halos ang lahat ng mga tao at iyon pong dating minimum health protocols, talagang itutuloy pa rin po natin. So, ang kailangan po ay strict implementation po nitong minimum health protocol – social distancing, ipagbawal na po muna ngayon ang mga social gatherings at iyon po ang ating emphasis right now ay iyong pagbabakuna ng mas maraming tao ng sa ganoon po ay tumaas ang immunity ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo, pero sa palagay ninyo, Doc, ay sumasapat naman po ba iyong preventive efforts na ginagawa ng pamahalaan na kahit papaano ay pigilan po iyong pagdami ng hawaan sa bansa?

DR. DE GRANO: Sa tingin naman natin, ginagawa lahat ng ating government ang kanilang magagawa ‘no. Ang mga local government units po sumusunod, as long as may mga supply po ng bakuna, talaga pong binibigay nila sa ating mga kababayan. Iyon lang po minsan, nagkakaroon talaga ng problema sa supply, pero iyon po ginagawa ng paraan po ng ating mga implementing agencies para ma-prevent po itong ganitong… sana situation na huwag tayong magaya sa Indonesia at sa ibang bansa.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa pagsama sa amin ngayon umaga, Dr. Jose Rene De Grano ng Private Hospital Association of the Philippines. Kung kayo po ay may kailangan, Doc, sabihan lang po kami ha. Kami po ay bukas para sa inyo.

DR. DE GRANO: Maraming salamat po, Usec.

USEC. IGNACIO: Samantala, pumalo na sa higit isa at kalahating milyon ang lahat ng mga nahawaan ng COVID-19 virus sa bansa. Sa pinakahuling tally ng Department of Health nasa 1.507,755 na ang total cases, matapos itong madagdagan ng 5,411 na kaso kahapon. Bahagya lang po itinaas dito ng mga bagong gumaling na nasa 5,439 dahil diyan, nasa 1,433,851 naman ang lahat ng mga naka-recover mula sa sakit. Sa kabilang banda po ay 117 naman po ang nadagdag sa mga nasawi, sa kabuuang 26,714 deaths. Sa kasalukuyan po ay 47,190 ang nanatiling active cases ng COVID-19 dito sa Pilipinas.

Walong taon na ang nakakalipas matapos mawalan ng tahanan ang marami sa ating mga kababayan dahil sa pananalasa ng Bagyong Yolanda. Kamakailan, daan-daan sa kanila ang tumanggap ng titulo mula sa National Housing Authority, kasabay ng pamamahagi rin ng outreach team ni Senator Bong Go ng dagdag na ayuda para sa kanila. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: September 13, 2021 ang inaprubahang araw ni Pangulong Duterte na magbabalik-klase ang mga estudyante para sa academic year 2021-2022. Pero dahil sa naitalang local cases ng Delta variant sa bansa, bumalik naman po ang agam-agam tungkol sa kaligtasan ng mga bata lalo’t kung sisimulan muli ang face-to-face learning. Para po pag-usapan iyan ay makakasama po natin mula sa Department of Education, sina Secretary Leonor Briones at Undersecretary Nepomuceno Malaluan. Good morning po.

DEPED SEC. BRIONES: Good morning, Usec. Rocky. Kasama ko rin si Undersecretary Alain Pascua kung sakaling may tanong man tungkol sa ating school facilities. First of all, congratulations sa successful nating pre-SONA event sa PICC, at naliliwanagan ang publiko sa mga maraming accomplishments at mga issues na magka-iba’t ibang version na lumalabas sa publiko. So congratulations for the successful pre-SONA.

Ngayon, gusto kong mag-clarify na iyong pag-approve ni President ng September 13, ang in-approve niya ay iyong opening ng classes, blended learning pa rin; hindi pa siya nag-approve ng face-to-face. Ang ating hinihingi, pinu-propose na ini-endorse naman ng IATF na i-pilot muna iyong face-to-face. So kung mag-umpisa tayo sa September 13 pag-open ng classes, hindi naman natin mailagay sa peligro ang mga bata dahil blended learning pa rin. Hindi pa rin natin pinapayagan ang face-to-face on September 13, depende iyan sa resulta ng pilot study natin kung aaprubahan ng Presidente dahil marami siyang tinitingnan na aspeto tungkol sa health situation natin ngayon.

So gusto ko lang iyan i-clarify: September 13 is still blended learning. What we are proposing is a pilot study for 100 schools na iyon ay nasa Presidente pa rin ang desisyon kung papayag siyang mag-pilot study tayo. So the children will not be endangered, the teachers will not be exposed because it’s still blended learning. Thank you.

USEC. IGNACIO: Secretary, kung September 13 na nga po iyong simula o pagbubukas ng klase, kailan naman daw po iyong inaasahang tapos ng susunod na academic year? May mga dates na po ba kayong nai-schedule para dito?

DEPED SEC. BRIONES: Usec. Rocky, ang ating end of school year is scheduled for June24 – St. John’s Day pa – 2022. Kasi sang-ayon sa batas, kailangan minimum of 207 days ang equivalent na kailangang i-undergo ng isang bata. And then after that, magkaroon tayo ng tinatawag natin na mga interventions kasi mayroon namang mga bata na maybe hindi kasing satisfactory iyong accomplishments, mayroon namang mga bata na advance na advance na sila. So itong summer period, gagamitin natin para sa pag-a-advance ng mga batang maayos na maayos na at saka pag-catch up naman, parang summer ano ito, iyong tawag nating remedial at saka enrichment classes during summer. Tapos balik na naman tayo sa September 13 kung hindi babaguhin ni Presidente, kasi nasa kaniya ang desisyon kung kailan talaga officially magbukas.

As of now, it is September 13, iyon ang pinili niya na date sa tatlong dates na sinadyest [suggested] namin at ito ay magtatapos sa June 24. Tapos during that period, magkaroon ng enrichment classes para sa hindi masyadong satisfactory ang accomplishment. Mayroon ding advancement classes, para sa maayos na maayos na pag-a-assess ng kanilang performance, and then back na naman to September if the President allows.

Pero lahat ito, Usec. Rocky, I want to emphasize, it’s still blended. The President has not approved or given the go signal for the pilot studies. Itong pilot study naman, Usec. Rocky, ang suggest namin – sa biruan namin, ang aming “suggestment” – ay 100 schools lamang. Subukan natin, tingnan natin kung makayanan natin ang limited face-to-face. So hindi pa mag-face-to-face on September 13, I want to make that very, very clear – it’s still blended. Dahil ang Presidente po ang mag-decide.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong po si Kenneth Paciente pa rin ng PTV, kung sino po ang puwedeng sumagot: Paano po pinaghahandaan ng DepEd iyong pagbubukas ng klase sa Setyembre?

DEPED SEC. BRIONES: Nandito si Usec. Nepo. Si Usec. Nepo siya ang ating chief of staff. Siya ang nag-o-oversee nitong lahat. Nandito rin sana, hindi lang makapasok si Usec. Dads ng curriculum group. Pero sobra isang taon na natin itong pinaghandaan, mula noong pag-open natin last October siyempre pinaghahandaan naman natin ang school year ngayon. Iyon nga lang, maraming bagay na wala sa control natin.

Maalaala natin, Usec. Rocky, na in-approve na sana ni President ang pilot study January pa, at saka ang Gabinete ay full support. Iyon nga lang, lumabas naman si UK variant so sinuspend muna ni Presidente. And ang commitment naman ng ating vaccination team, iyong ating anti-COVID team headed by Secretary Galvez, ang sabi naman niya, hahabulin nila na by August kung mas maraming bata na ang mabakunahan. But in the meantime, it’s still blended dahil wala pang sinabi ang Presidente kung magpi-face-to-face; pilot lang iyong hinihingi namin. 

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Kenneth Paciente: Kung sakali pong magbabalik ang face-to-face learning, 20 hanggang 30 students lang per classroom ang papayagan, tama po ba ito? At ganito pa rin daw po ba iyong ipapatupad kung sakali po?

DEPED SEC. BRIONES: Depende kasi iyan. Nandito si Usec. Alain, puwede siyang sumagot niyan. Depende sa level, kung halimbawa kindergarten, mas maliit ang number of students relative, for example, to senior high school. Ang importante ay iyong social distancing, importante iyong pag-wear ng mask, importante na mayroong washing facilities, may tubig, may supply ng gamut – iyan lahat.

Hindi basta-basta na magbukas kami automatically ng eskuwelahan for face-to-face. Na sasabihin natin, kasama sa 100 schools: Kailangan handa rin iyong facilities ng DepEd; pangalawa, papayag dapat ang local government; pangatlo, papayag din ang parents. Kailangan may written consent ang parents; pang-apat, iyong mga nagsi-serve, mga canteen, mga supplies, etc., susunod sila sa patakaran.

This time, Rocky, ang napakagandang development dito ay kami talaga ay nakikipag-ugnayan at nakikiisa sa Department of Health. At the end of the day, iyong kanilang advice, kanilang guidance mahalaga sa uri ng rekomendasyon na isu-submit natin kay Presidente. At saka sa IATF, ni-review ito lahat.

Hindi nag-iisa ang Department dito sa bagay na ito, dahil kailangan talagang maingat na maingat tayo at makinig tayo sa ating mga eksperto sa health.

So I would like to ask Usec. Alain to explain kung ano iyong ating expectations. Hindi daw siya makapasok; hindi makapasok iyong aking mga Undersecretaries.

Pero unang requirement iyan, kailangan kung mag-face to face, ang aming facilities ay appropriate at sumusunod sa patakaran ng IATF at ng Department of Health at saka sa expectations ng ating Presidente, kasi iyon ang basehan. At saka ang local government, kailangan din pumapayag sila dahil papasok sa bahay nila, sa kanilang teritoryo at saka sila tumutulong talaga. So, with their consent iyan.

Ang parent’s din, importante, mahalagang-mahalaga that they trust the school system. Mahalagang-mahalaga na we trust each other. Kasi alam naman natin na hindi lamang sa school. Actually, virtually zero iyong infection sa school level. Dahil hindi naman pumapasok iyong mga bata. So mahalagang-mahalaga iyong environment sa bahay, iyong mga public transport services, etc. So ingatan talaga natin, kaya nili-limit natin ito to only 100 schools kung magpa-pilot studies tayo. In the meantime, blended pa rin, Rocky

USEC. IGNACIO: Opo. Ang nakita ko Secretary na kasama po natin ay si Usec. Nepomuceno ano po. Kung hindi man daw po sa darating—            

SEC. BRIONES: Sige, papasukin natin siya.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung hindi naman daw po sa darating na September, kailan po ninyo nakikitang puwede ulit irekomendang ibalik ang face to face classes? Puwede pa daw po ba ito sa kalagitnaan ng school year kung maabot iyong population protection? Tanong po iyan ni Vic Tahod ng DZAR 1026 Sonshine Radio?

SEC. BRIONES: So Usec. Nepomuceno, puwedeng maka-contribute. Usec. Nepo, nakakapasok ka na ba?

USEC. MALALUAN: Yeah. Magandang umaga, Usec. Rocky, Sec. Martin and Secretary Briones.

Ito pong ginagawa ng Department of Education ay in-anticipation sa panahon na papayagan ng Pangulo iyong pilot at saka kung ma-expand man iyan. Pero hindi dahil wala pang approval ang Pangulo ay tumitigil ang Department of Education sa paghahanda to the eventuality of face-to-face classes.

At kasama nga po namin ngayon, napagkasunduan na ang guidelines diyan ay jointly ay idini-develop at i-isyu ng Department of Education, kasama ang Department of Health at nagkaroon na nga po ng pangunang page-share sa IATF noong isang araw ang DOH at saka ng DepEd nitong mga guidelines na ito na very, very stringent para maisuguro iyong proteksiyon ng mga mag-aaral natin at saka iyong kahandaan ng mga paaralan. Ito po ay pinagsama na mga education objectives at saka public health standards at iyan ay madaming aspeto, mula sa engineering controls at administrative controls kasama iyong social distancing nabanggit nga ni Secretary at limited lamang ito at parang kasama pa rin, blended pa rin ng distance learning, until such time na talagang ligtas ng makalabas ang ating mga bata.

Pero ang kadahilanan din kaya pinaghahandaan ito ay alam natin na iyong pag-combine ng face to face classes dito sa distance learning ay mahalaga para ma-address iyong mga challenges at limitations ng pure distance learning. Malaki po iyong maitutulong kung magkakaroon ng pagkakataon iyong mga guro na magkaroon ng pagkakataon na makita uli iyong kanilang mga mag-aaral at magbigay ng supplemental na pagtuturo sa mga bata directly. Kasama sa assessment ng mga bata iyong remedial measures, iyong pagtataas ng kanilang learning progress; iyong mga nahihirapan talaga sa tahanan at kakulangan ng kagamitan at saka ng facility for distance learning; iyong mga bata na walang gumagabay sa tahanan, iyon po iyong tutok nito.

But as mentioned by the Secretary, dahil doon sa public health concern, the decision whether we’ll be allowed even as we are preparing will be the decision by the President, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Usec. Nepomuceno, ang tanong lang daw po ulit ni Kenneth, so papaano daw po pinaghahandaan ng DepEd iyong pagbubukas po ng klase ngayong darating na September?

USEC. MALALUAN: Well, nabanggit ni Secretary kanina na malaki iyong naging karanasan at mga aral natin nitong pagsasagawa nitong katatapos lamang na school year 2020-2021. At iyong mga aral na iyan ang ating magsisilbing gabay para ma-improve natin iyong delivery. So sa papasok na taon, na school year, ay ang gagamitin pa rin ay itong streamlined na curriculum, iyong most essential learning competencies. Iyong mga naging problema natin halimbawa sa quality assurance ng mga learning resources natin ay inaasahan natin na iyan ay ina-address natin doon sa karanasan natin last year. Itong ating pagkadepende sa printed learning ay gusto nating mabawasan at the Department of Education.

Ngayon ang pinaghahalawan natin ng maraming best practices ay iyong mga karanasan ng mga paaralan at mga guro, at madami kami ngayong focus group discussions with the teachers para magkaroon sila ng positive feedback ng best practices dahil bagong karanasan itong pure distance learning na ginawa natin. At iyan nakikita natin iyong mga bata how it was done in the past and so we will see further improvements on how we deliver education batay doon sa best practices na nakita natin ngayon. So, there will be more improvements in how learning is delivered in this incoming school year 2021-2022.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pa rin pong tanong ni Vic Tahod ng Sonshine Radio: Ano daw po ang stand ng DepEd sa pagbabakuna sa mga bata kontra COVID-19 para maumpisahan ang face to face classes? Is it about time na bigyan po sila ng priority ang mga bata para hindi ma-hamper ang kanilang pag-aaral, Secretary Briones and Usec. Nepomuceno?

SEC. BRIONES: That question. Si Secretary Galvez, nag-commit na siya kasi in-upgrade iyong ranking ng Department of Education, iyong mga bata at teachers, dahil nga sa mga new developments. So may commitment si Secretary Galvez at ang kaniyang team na dapat by August, kasi the earliest na mag-open na sinagest (suggested) ay August 23 ‘no, so sabi nila by August dapat substantial na iyong pag-vaccinate ng mga bata at ng mga teachers.

Now, in the meantime, ang ginawa namin ay sinasabihan namin, ini-instruct namin ang aming mga teachers dahil napaka-aktibo ngayon ng mga local governments sa kanilang vaccination activities, kung qualified sila according to the priorities, dapat pumunta na sila sa mga local governments nila. As a matter of fact, more than 300,000 employees na ang nakapa-vaccinate sa 15 regions lang. Hindi kasama ang dalawang regions ng IV-B at saka ang BARMM kasi walang pang data. So mga 300,000 na ng ating mga teachers ang nakapa-vaccinate na on their own dahil sinabi namin, punta na kayo sa mga local governments ninyo kung comorbidities kayo, you have age requirement, etc., etc., dahil may mga standards ang local governments.

So iyon ang commitment na by August, ang kondisyon kasi about the vaccination is from the President himself.  So he has to be given that level of satisfaction and comfort that the children and their teachers are protected, so iyon ang situation at this time. Kasi hindi pa naman binago ni President iyong kaniyang kondisyon na kailangan lahat ng ma-involve dito sa education will be vaccinated.

Nangako ang ating COVID team na by August dapat maayos na lahat. Kung hindi pa, then we will have to wait on the President’s level of satisfaction with how we are preparing. Pero iyon ang target na end of August, dapat substantial na iyong pag-vaccinate ng mga bata at sa mga teachers.

Right now, as I said, more than 300,ooo na out of 15 regions na mga teachers na nag-vaccinate and taking the lead. Of course, we are taking lead kaming mga officials. Ako, I have been vaccinated already, absolutely no effect at all sa akin. But then cases always vary, iba’t ibang reactions on different physical systems ‘no, so ayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, makakasama na rin po natin si Undersecretary Alain Pascua. Usec. Alain, good morning po. Unahin ko na lang po iyong tanong ni Ina Hernando ng Manila Bulletin: How many schools are currently being used as COVID-19 isolation and vaccination areas? Kung sino po ang puwedeng sumagot. Secretary?

DEPED USEC. PASCUA: Hello, ma’am. Hindi pa natin [choppy audio/video] mga eskuwela [choppy audio/video] so kaya’t [choppy audio/video]—

USEC. IGNACIO: Usec., napuputol.

DEPED USEC. PASCUA: [choppy audio/video] inaayos pa namin iyan [choppy audio/video] within the day makakuha kami ng exact number na iyon. Ang ginawa lang natin ngayon ay nag-issue tayo ng memorandum na sinasabihan natin ang ating mga superintendents at saka mga regional directors na iyong mga eskuwelahan na may mga infrastructure projects katulad ng repair of classrooms, katulad ng pagtatayo ng new classrooms ay binigyan natin sila na hindi na sana gagamitin muna ang mga eskuwelahan na ito.

Binigyan natin sila ng instruction na hindi na dapat gamitin iyong mga eskuwelahan na ito para sa COVID-related activities kasi nga magtatayo na tayo ng mga proyekto at iyan ay kinakailangan natin isagawa bago mag-lapse iyong ating pondo within the year. Pero kung iyong paaralan naman ay malaki iyong space at puwede namang segregate lang iyong infrastructure area, iyong construction area, then puwede iyan, papayagan pa rin natin. Iyan iyong inilabas natin ngayon na guidelines sa ating mga principal, sa ating mga superintendent at saka sa ating mga regional directors.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya: Initial assessment on the implementation of distance learning. Kung sino po ang sinong puwedeng sumagot, Secretary Briones, Usec. Nepomuceno and Usec. Alain. Iyong question po ni Ina Hernando ng Manila Bulletin.

DEPED SEC. BRIONES: Siguro I can start off and the other undersecretaries can also contribute. Una, as I said, we developed a system which demands perfection from the public very immediate reactions, etc. In a very imperfect situation where the factors for planning, for adjusting cannot be predicted as in the case of the UK variant and now the Delta variant and hopefully, prayerfully, wala ng mga bagong variants na dumating.

So, it’s a very imperfect situation, so, kailangan talagang we have to react as quickly as we can. So, we are not saying that we came out with a perfect answer to an imperfect situation and perfect expectations from the public who want perfection from us. So, that has to be given emphasis.

Now, anong assessment natin? Mix ang results ‘no. First day pa lang ng pag-open ng classes natin sa blended learning we realized that face-to-face, limited as it is, has major contribution to the learning process of the child. Nakikita naman talaga natin because face-to-face is part of the blending of the learning.

Last night, I talked to a child who is a Filipino child who is studying in Singapore, tinanong ko how many days? Sabi niya – high school siya – ang sabi niya one day, two days at saka hindi full day. Hindi talaga the whole day ang bata nasa school nagfi-face-to-face, it’s still blended in many schools na aming ino-observe at tinatanong. Halimbawa, sa Southeast Asia, hindi full na face-to-face. So, iyon din ang mangyayari.

Now, the assessment, the result of course is mixed because our blended learning is not complete and we would be the first also to recognize that because the element of face-to-face is not there but it does not mean na 24-hours face-to-face ang bata.

Iyong sa kanila, halimbawa in Singapore, kapag sasabihin na one day or half day ang bata doon, one, they are strictly observed and monitored. They are not allowed to be going around with the school premises na pagkatapos ng session nila ng face-to-face they are instructed to go home immediately. So, culture plays an important part in the success of such an arrangement ‘no. So, hindi complete ang ating assessment.

The biggest challenge, and I have said this in many interviews, is the challenge of assessment Usec. Rocky: How do you assess if a child has learned or has complied with all our requirements? Sa dating paraan, magbigay ka ng exam, mag-submit ng written report, etc., etc., may homework, may project iyong bata and they are graded accordingly.

Pero under blended learning, that is not very easy and that is not convenient as well, so we are paying attention to the assessment side of a child’s performance. But at the same time, this summer, after the close of the academic school year, we are going to have enhancement sessions for those we think need more help or because they are also parents also need help.

Isang interesting factor na na-notice namin, that the Parent Teachers Associations for example or the local government as in the case of Valenzuela, I often mentioned Valenzuela and also in Region I and Region II they have the so-called Nanay Academies. Where they upgrade or facilitate helping the nanays or the lolas or the yayas or the tutors who help the children.

I know certain institutions who provide schooling for the Yayas, because they also recognized the fact that Yayas tutor the children if the parents are not available. So itong mga factors na ito, can help towards the learning process for the child.

Pero as said, it’s not perfect, and we have learned so much form this first experience. We have never done it before. This Department of Education has done many things, which has never been done before and we report, and so we report, we seek advice and we are given feedback. We take it very seriously, kasi learning process natin, hindi lang sa DepEd, but for everybody is well.

And kung maghahanap tayo ng area na challenging, for me it’s the assessment side, aside from many other factors which have come out because they were not predicted.

USEC. IGNACIO: Secretary Briones, panghuli na lamang po. Tanong po no Celerina Monte ng Manila Shimbun: Ilang mga bata po ba ang target na ma-vaccinate at anong mga edad nila by end of August? At iyon daw pong binanggit ninyong 300,000 na na-vaccinate sa education center, out of how many po ang target po ba?

SEC. BRIONES: Well, if you go by the expectations of the President, he expects all those who are involved in the education process to be vaccinated. And we encourage and of course we are also aware that the constitutional rights of our citizens are being claimed by them that it is a voluntary act on their part. Kaya what we try to do is to convince them. Narinig naman ninyo ang mga sinasabi ng mga hospitals, mga doctors, the various departments na ini-encourage, pero hindi sinasabing mandatory iyan. Because right now, it is the policy is that, it has to be voluntary ang ano. So we have that kind of campaign as well.

USEC. IGNACIO: Opo.

SEC. BRIONES: Si Secretary Galvez hopefully ma-cover on their own voluntarily ng mga teachers at saka iyong mga bata; saka the parents also, malaki ang papel ng parents and local government as well, because this is the subject of so-much debate, public debate in social media. We are all hoping na sila lahat magpa-vaccinate so that the children will not be harmed or they themselves will not be harmed.

USEC. IGNACIO: Secretary Briones, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, kasama na rin po si Usec. Nepomuceno Malaluan, Undersecretary Alain Pascua at maging si Usec. Diosdado na nasa kabilang linya din po, Secretary Leonor Briones. Maraming salamat po. Mabuhay po kayo at ingat po kayo!

SEC. BRIONES: Maraming salamat sa tulong. Maraming salamat sa tulong sa pag-inform ng publiko kung ano ang nangyayari sa edukasyon. Maraming salamat po!

USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala puntahan naman natin ang nakalap na balita ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni John Mogol mula sa PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogul ng PBS Radyo Pilipinas.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po muli si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)