Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque during the Ceremonial Vaccination for A4 workers of Subic Bay Freeport Zone


Event Press Briefing
Location Subic Bay Freeport Zone

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas ‘no. Narito po tayo ngayon sa Subic Bay Freeport sa premises po ng NIDEC kung saan nagkaroon po tayo ng symbolic vaccination ng ating mga A4 na mga manggagawa.

Importante po na mabigyan ng bakuna ang mga manggagawa sa freeport gaya ng Subic dahil alam ninyo po mga industriya rito hindi po nagsasara ‘no dahil sila po’y export oriented at maski mayroon po tayong ECQ, patuloy po ang pagtatrabaho ng ating mga manggagawa dito.

Ang kanilang mga mina-manufacture po dito ay ini-export natin at dahilan para kumita po ng foreign exchange ang ating bansa na ginagamit naman natin pambili ng mga napakadami nating inaangkat kasama na po ang gasolina at ang mga gamot.

So ang ating pagbibigay po ng bakuna ngayon dito sa Subic Freeport, ito po’y pagkilala sa kabayanihan ng ating mga manggagawa sa export-oriented industries gaya po ng Nidec dito po sa Subic Bay Freeport.

Kasama ko po ngayon unang-una ang ating Vice Governor, Vice Governor Khonghun. Kasama rin po natin ang SBMA Chairperson and Administrator, si Attorney Wilma Eisma; siyempre po ang ating Deputy Chief Implementer and Testing Czar, Secretary Vince Dizon; ang Presidente po ng Nidec na siyang ating host, sir, thank you for hosting us – si Mr. Kiyoshi Satosan. At kasama rin po natin ngayon si Usec. Roger Tong-an ng DOH; at ang ating matalik na kaibigan, Asec. Francine Laxamana.

Now, simula na po natin sa pagbati. Naku po Pilipinas, matapos po nang napakahabang pag-aantay mayroon na pong ginto ang Pilipinas sa Olympics. Ito po ang kauna-unahang ginto na ating napanalunan ‘no. Naku po sigurado ako kung napanood ninyo po iyong laban ni Hidilyn Diaz, ang ating kauna-unahang Olympic gold medalist eh hindi lang po siya ang naiyak, para bagang buong Pilipinas ay bumaha ng luha sa tuwa dahil mula po nang nagkaroon tayo ng Olympics, ito lang po talaga ang kauna-unahang nagkaroon tayo ng ginto.

Congratulations, Hidilyn Diaz! Congratulations sa lahat ng kaniyang mga trainers and coaches! Congratulations sa kaniyang mga kababayan diyan sa Zamboanga City! And congratulations, Philippines, dahil talaga namang ang istorya po ni Hidilyn ay istorya ng mga ordinaryong mamamayan nagkaroon ng pangarap, nagpursige at nagtagumpay.

Ang tagumpay po ni Hidilyn ay tagumpay ng buong sambayanang Pilipino. Congratulations, Hidilyn Diaz! And congratulations, Philippines!

Kahapon po ay nagkaroon po ng State of the Nation Address ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte. Inumpisahan ng Pangulo ang kaniyang talumpati sa kaniyang pangarap at vision para sa isang mas mabuting buhay para sa lahat ng Pilipino na ipinatupad sa pamamagitan ng mga reporma at pagbabago kung saan binangga ng Presidente ang mga mayayaman at mga maiimpluwensiya.

Pagkakataon rin ang SONA para magpasalamat ang Punong Ehekutibo sa ating health workers at iba pang mga frontliners sa pribadong sektor sa paglaban sa COVID-19, sa local chief executives at sa ating international development partners.

Inisa-isa rin ng Presidente ang kaniyang accomplishments ng kaniyang administrasyon ‘no. hayaan ninyong banggitin ko ang ilang mga accomplishments na ito ‘no, Unang-una po iyong pagtaas ng suweldo ng ating uniformed personnel, iyong patuloy na upgrading ng ating defense capability, ang pagsuko ng 17,000 former communist rebels sa pamahalaan sa pamamagitan po ng Enhanced Community Local Integration Program or ECLIP, ang kampanya laban po sa kontra iligal na droga, ang paglikha ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at iyong tagumpay po natin laban sa mga bandido at terorista sa Marawi.

Kasama rin sa accomplishments niya ay ang mga imprastraktura ‘no sa ilalim po ng Build, Build, Build. Bumili na po tayo ng mga bagong tren at inayos na ang serbisyo ng mga tren tulad ng MRT 3. Napakadami po nating mga bagong highways, roads at skyways at siyempre po ‘no nandiyan iyong ating bagong Clark International Airport na kailan lang po ay binisita natin.

Sa aspeto naman po ng governance, in-extend ang validity ng Philippine passport sa sampung taon at na-address po ang backlog sa pag-i-issue ng mga driver’s license. Pinirmahan din bilang batas ang Ease of Doing Business Act, ang Philippine Identification System, ang Salary Standardization Law at ang Freedom of Information. Kasama na rin po rito iyong mga batas na isinulong natin noong 17th Congress, iyong Universal Healthcare na talaga naman pong napakatagal na nagkaroon ng katuparan ang ninanais natin na libreng gamot at libreng pagamot at iyong libreng patubig sa mga maliliit na magsasaka hanggang limang ektaryang lupain.

I beg to disagree po ‘no, sabi po ng ibang kritiko ay hindi naman dapat ipagyabang itong mga ganitong batas. Eh bilang awtor po masasabi ko po, kung wala pong political will ang ating Presidente, hindi po sana naisabatas itong Universal Healthcare at saka ang libreng patubig dahil ang tanong naman kung ordinaryo lang iyang produkto ng Congress, bakit kinailangan maging presidente pa ang Pangulo para maisabatas ito?

Nagkaroon din po tayo ng Presidential Anti-Corruption Commission at sinibak ang mga tiwaling tauhan sa Immigration dahil nga po doon sa tinatawag na ‘Pastillas’ scheme ‘no at iba pang mga ahensiya ng gobyerno.

Sa larangan ng foreign policy, naibalik na sa atin ang Balangiga Bell, nanawagan ang Pilipinas para ma-dismantle ang kafala system at in-assert natin ang arbitration ruling. Ito po ay kabahagi ng bagong independent foreign policy ng ating Pangulo kung saan itinataguyod natin ang pangnasyunal na interest natin at kung saan lahat ay kaibigan at wala tayong kalaban.

Naipasa rin po sa ilalim ng administrasyon ng ating Pangulo ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act at Rice Tariffication Act. Sa wakas po ‘no, iyong 75 billion na mga coconut levy ay mapapakinabangan na po ngayon ng mga magsasaka ng buko. At iyong Rice Tariffication Act, iyan po ngayon ang nagbibigay sa atin nang steady at murang supply ng bigas.

Nagkaroon po tayo ng bagong water concession agreement na talaga naman pong sa mula’t mula ay sinabi ni Presidente na hindi po sang-ayon sa interes ng ating mga mamamayan. Harinawa naman po dahil po sa pagkukuwestiyon ng Pangulo, lahat po iyong mga probisyon na agrabyado ang mga mamamayan ay natanggal na po sa bagong concession agreement na napirmahan na po ng ating gobyerno.

Nagbigay ng pautang po tayo sa mga micro, small and medium enterprises sa pamamagitan ng Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso Program. Mayroon din po tayong libreng edukasyon sa mga college students at sa ating mga state universities. Again, kung ordinaryong batas lang po ito eh bakit kinailangan pang magpresidente ang Pangulong Duterte? Bakit hindi po iyan napatupad nang mas maaga?

Samantala, sa COVID-19 response ng pamahalaan, nailunsad natin ang extensive social protection program sa kasaysayan ng Pilipinas at ito nga po iyong 660 billion na ating pinamigay bilang ayuda at assistance sa ating mga mamamayan sa panahon ng pandemya sa ilalim po ng Bayanihan 1 and 2.

Libu-libong enterprises ang natulungan sa ilalim ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises or CARES Program.

Mahigit isang milyon naman po or 1.2 million ang kumuha ng free online training program ng TESDA.

Nagkaroon din po tayo ng 260 accredited labs kung saan at least 50,000 tests ang naisagawa araw-araw – ito po iyong ating mga RT-PCR labs. At nagkaroon po tayo ng mga 9,000 temporary treatment and monitoring facilities para nga po mabigyan ng serbisyo iyong mga nagkakasakit ng COVID. Nagtayo rin po tayo ng mga modular hospitals at quarantine facilities sa buong bansa.

Pagdating naman po sa usaping bakuna, mayroon na po tayong dumating na mahigit-kumulang 30 million doses ng COVID-19 vaccines at nakapagturok na po tayo ng 17.5 million na doses.

At sa estudyante na naapektuhan ng pandemya, nagbigay po tayo ng Basic Education Learning Continuity Program.

Pumunta naman po tayo sa ating kapaligiran ‘no. Unti-unting naibalik na po ang dating ganda ng Manila Bay. Ang sabi nga po ng Presidente, bagama’t tatlong dekada na ‘ata ang lumipas mula noong nag-order ang Supreme Court na linisin ang Manila Bay eh nasimulan na po ang proseso sa kaniyang administrasyon.

Samantala, hiniling ng Pangulo ang pagpasa ng ilang mga panukalang batas – ilan po sa panukalang batas na ito ay ang Foreign Investments Act, ang Public Service Act, ang Retail Trade Liberalization Act, ang E-Governance Act, ang pagtatayo po ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos and ang Center for Disease Prevention and Control at kasama rin po iyong Virology and Vaccine Institute of the Philippines nang sa ganoon eh mas mapalakas po iyong ating kakayanan na harapin ang mga pandemya na gaya ng COVID-19.

Hiningi rin po niya ang isang batas para magbuo ng Department of Disaster Resilience at magbigay po ng mandatory establishments of Evacuation Centers Protection Modernization Program.

Usaping bakuna po. Kagaya ng sinabi ko po, 17, 515,376 na po ang mga nabigyan ng bakuna sa ating bansa as of July 26, 2021. Mahigit anim na milyon na po o 6,311,060 ang fully vaccinated. Tuluy-tuloy lang po tayo ng pagbabakuna, gaya ng ginawa natin dito po sa Subic Bay Freeport, dito po sa Nidec. Wala pong bayad ha, ang first dose at ang second dose ng ating mga bakuna. Magpa-schedule na po tayo, dahil sa panahon po ng Delta variant na mas nakakahawa at nakakamatay, talagang bakuna lang po ang magbibigay proteksiyon.

COVID-19 updates naman po tayo. Well, ito po ang ranking ng Pilipinas sa mundo. Kaya po namin ito isinisiwalat, kada mayroon tayong press briefing, para nga po ipakita sa inyo ang katotohanan na kaya naman po nating i-manage ang COVID-19 sa ating bansa, bagama’t patuloy pong binabato ng mga kritiko.

Sa katunayan, tingnan po natin ha. Pagdating sa total cases, number 24 lang po tayo sa Pilipinas. Pagdating ng mga aktibong cases, number 30 na lang po tayo ‘no. At kung titingnan po natin iyong kaso per 100,000 eh, number 132 po tayo sa buong daigdig. Pagdating po sa case fatality rate na 1.8%, tayo po ay number 86 sa buong daigdig. Dito po sa South East Asia, nananatili po tayong number 6 pagdating sa total active cases.

Mayroon po tayong mga 6,664 na mga bagong kaso sang-ayon po sa July 26 datos ng DOH.  Mataas pa rin po ang ating recovery rate na nasa 94.7. Mayroon na tayong 1,473,009 na mga gumagaling, samantalang malungkot po nating binabalita na 27,247 ang mga nabawian na po ng buhay. Nakikiramay po kami.

Ito naman po ang kalagayan ng ating mga hospital ha. Tumataas po ang nagagamit nating ICU beds, ngayon po sa Metro Manila ay 46% na po ang ating ginagamit na ICU beds, 41% po ang ginagamit nating isolation beds, 36% ang ginagamit nating ward beds at 37% po ang nagagamit nating ventilators. Sa buong Pilipinas, 58% na po ang ginagamit nating ICU beds, 47% na po ang utilized na isolation beds, 44% po ang ginagamit natin sa ward beds at 39% po ang ginagamit natin sa mga ventilators.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Unahin ko na muna po si Administrator Eisma ang ating host dito sa Subic Bay. Ma’am, ano po ang reaksiyon ng mga manggagawa dit0 sa Subic Bay ng nagkaroon po tayo ngayon ng symbolic vaccination ng ating mga A4 dito sa Subic Bay Freeport?

ADMINISTRATOR EISMA: Unang-una po, mula sa the men and women of the Subic Bay Freeport, malaki pong pagpapasalamat natin sa A4 vaccination program, of course as supported by the President and of course our Vaccine Czar. Isa po itong malaking relief at masayang-masaya po kami na sinisimulan na nating gawin ito, because it will mean that our economic frontliners will not be scared to come out and do their work. Pumasok po at hindi masyadong nangangamba na kung magkakasakit ay maaaring magkaroon ng malubhang COVID. Iyon po ang napakaimportante.

Napakalaki pong agam-agam, hindi lamang po sa mga manggagawa pati na rin po sa mga may-ari ng mga negosyo, sa mga mangangalakal sapagkat malaki pong hindrance sa tuluy-tuloy na negosyo or ng economic life namin dito sa Subic Bay Freeport.  This is a very, very welcome step and we are very, very happy at nagpapasalamat po akong muli sa ating Pangulo, kay Sec. Vince, sa DOH sa kanilang walang sawang suporta.

May commitment po sila sa amin, Presidential Spokesperson na weekly, may dadating pong bakuna sa amin, para sa A4. So, very excited po kami to go back on track and of course mahigpit po tayo dito sa Subic sa pagsusuot ng mask, sa health protocols. And with the bakuna and the health protocols, I think we are on the right tract at very excited po kami. Marami pong salamat.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Administrator Eisma.

Puntahan naman po natin si Deputy Chief Implementer ng National Task force at Testing Czar. Secretary Vince Dizon, 15.5 doses administered so far. I stand corrected po ha, naku, 2 million makes a big difference! 17.5 million administered doses already sa Pilipinas. Makakamit ba ho natin ang population protection kagaya ng ating ninanasa pagdating po ng Disyembre? The floor is yours, Secretary Dizon.

SEC. DIZON: Magandang umaga po, Spox Harry, thank you, Ma’am Amy, Vice Jeff, President Kiyoshi Sato-san. First of all congratulations to Nidec and to SBMA for the commencement nang vaccination ng A4.

Tama po Spox, as of yesterday 6:00 PM ang Pilipinas po ay nakatala na ng 17.515 million doses administered at ang maganda pa doon, Spox, ang ating fully vaccinated individuals ay 6.3 million Filipinos na. Ito ay lumaki mula sa halos tatlong milyon lang noong umpisa ng buwan ng Hulyo, ng July, at ngayon mahigit doble na ito doon sa three million natin noong katapusan ng June. So napakalaking bagay po nito, lalung-lalo na sa nakikita nating pangamba natin sa delta variant.

Alam naman natin lahat ng eksperto sinasabi, kung ikaw ay bakunado, mas maliit ang tiyansa na ikaw ay malubhang magkakasakit o maoospital dahil sa Delta variant. Kaya tuluy-tuloy lang po tayo, Spox Harry at ang maganda pa noong nakaraang linggo, noong Huwebes, nagtala tayo ng pinakamataas nating daily jab rate na halos limandaang libo.  Umabot po tayo ng 472,000 at malapit na malapit na ito doon sa 500,000 target natin. Pero bumabagyo pa noon, Spox.

Ang importunate lang ngayon is tuluy-tuloy lang ang pag-jab natin at ngayon naman medyo dumadami na ang supply, medyo nagka-delay lang ng kaunti dahil sa mga dokumentong kailangan para sa Sinovac at sa Pfizer. Pero ngayon lumabas na iyong mga dokumentong iyon kahapon, kaya tuluy-tuloy na po tayong makakapagbakuna ulit. Salamat po, Spox.   

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Vince Dizon.

Puntahan naman po natin si Zambales, Vice Governor Jeff Khonghun. Sir ang malaking bahagi po ng Subic ay kabahagi ng inyong probinsyang Zambales. Ano ba ho ang sitwasyon ng COVID dito sa Zambales at ano iyong mga hakbang na ginagawa ng lokal na pamahalaan ng Zambales?

VICE GOV. KHONGHUN: Una sa lahat, nagpapasalamat po ako, in behalf po ng probinsiya ng Zambales sa unang distrito ng aming probinsya, dahil sa napakagandang proyekto na ginawa ng ating gobyerno. Una sa lahat, talagang ginawa nila ito upang maging ligtas ang ating mga manggagawa. Pangalawa, upang maging ligtas din ang kanilang mga pamilya at napakalaking bagay na ito ay ibinibigay natin ng libre sa ating mamamayan. S

a Zambales naman po mababa po ang ating COVID cases ng Zambales, isa sa mga pinakamababa sa buong Region III, dahil siguro sa pakikipagtulungan na rin ng ating mga lokal na pamahalaan sa ating gobyerno at saka sa napakagandang pagpapatupad ng mga protocols ng ating national at saka local government.

Nandito lang po ang pamahalaang lokal ng Zambales sa pangunguna po siyempre ng ating Governor at ni Congressman Jeffrey Khonghun na patuloy na sumusuporta sa mga proyekto ng administrasyon. At alam naman natin na isa sa mga pinakaimportante na lugar, lalung-lalo na kay Secretary Roque, ang Zambales kaya maraming-maraming salamat at kay Secretary Vince Dizon dahil tinututukan nila iyong para masiguro na ma-lessen iyong cases lalung-lalo na iyong pagpasok ng Delta variant dito sa ating lugar, sa ating lalawigan.

Thank you very much, Sec. Harry. Sec. Vince, thank you very much po at saka kay Pangulong Duterte.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Vice Governor Khonghun. Kasama rin din po natin ang DOH Regional Director si Ms. Cora Flores. Ma’am, kumusta po ang mga probinsiya dito sa Region III ‘no? Alam ko po ang aking sariling bayan na Bataan ay MECQ pero dito po sa Zambales na karatig-probinsiya lang ay nasa MGCQ po tayo ‘no. At ano po ang balita, mayroon na po bang Delta variant na nadiskubre dito sa Region III?

The floor is yours, Director Flores.

DOH 3 DIR. FLORES: Magandang tanghali po sa ating lahat. Maraming salamat po, Secretary Roque. Dito po sa Central Luzon of course ngayon po pinaiigting po natin iyong ating Prevent, Detect, Isolate, Treat, Reassess natin na PDITR strategies po natin.

Dito po napansin po natin na sa kabuuan po, ang Central Luzon ay nasa low risk ang category but of course iyon pong Bataan naibalita po noong nakaraang linggo mayroon po tayong anim na Delta variant.

It was announced through the post of our Governor at masasabi po natin na nakipagtulungan na po ang DOH together with the province, aktibo po ang ating Governor, Governor Garcia at ang ating local government units; mga health workers. Active contact tracing po na ginagawa up to the third generation po.

And of course, iyon pong napakahalaga na ginagawa po natin, iyong pong minimum public health standard na kinakailangan iyong pagsusuot po na pinapaalala po natin sa lahat ng nanood na iyong atin pong mask huwag po nating iiwasan, lagi po natin dapat isuot para po ma-reduce natin iyong tinatawag nating transmission po.

Kung may mga sintomas iyan po ay atin pong pinapaalala na magpa-report kaagad sa atin pong mga Barangay Health Emergency Response Team, local health experts. Nakikipagtulungan din po ang lahat ng regional agencies.

Dito naman sa Zambales, of course, mayroon po tayong nakikitang mga ilang clustering sa barangay. Iyan po ay kaagad namang nirerespondehan ng ating mga municipal, city and provincial surveillance team.

Iyon po ang aming maiuulat po. Salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Director. Pumunta na po tayo ngayon sa ating open forum, I’m sure maraming tanong ang ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Mga tanong na dapat kahapon pa nasagot, dahil doon sa State of the Nation Address. Simulan na po natin, USec. Rocky, go ahead please.

Okay, habang inaantay natin ang koneksiyon kay Usec. Rocky, puntahan muna natin ang local media no. Yes, go ahead Subic media. Sino ang unang mayroong katanungan? Magpakilala lang po tayo, bago po tayo magtanong.  Question from the local media, please?

MODERATOR: Let’s call on sir Henry Empeño for Subic based media?

SEC. ROQUE: Yes, please, Henry, go ahead.

HENRY EMPEÑO: Good morning po. I have here a question from Dante Salvaño of I Orbit News online. The first question is: What percentage is the government target for vaccinating those under the A4 category? And number two question: would this include agricultural workers and fisher folk?

SEC. ROQUE: Sino ang gustong magsagot noon, ilang porsiyento na ang A4 na nababakunahan sa ngayon? Mayroon bang figure, si Asec? Sa Zambales? Okay, bigyan ng mic si Asec, please.

DOH ASEC. LAXAMANA: Magandang umaga po sa ating lahat. Sa A4 po ngayon pa lang po tayo nag-umpisa sa SBMA. So, as of now, ito pong NIDEC pa lang ang nag-umpisa sa A4. But for the entire Zambales po, mayroon na po tayong mga percentages/coverage for A1, A2, A3, kumpleto po na po tayo dito ng mga coverage’s, pero may mga mangilan-ilan na lang po ang kailangang mabakunahan sa entire Zambales.

But for the specific for the question A4, ngayon pa lang po tayo nag-umpisa, kaya po wala pa po tayong nailalagay. Iyon kung ilan lang po ang naumpisahan ngayon, which is 300 personnel ng ating NIDEC, ito po ilalagay na po natin as our first dose for the A4. Thank you po.

SEC. ROQUE: Ma’am, what about dito po sa karatig probinsiya ng Bataan, do we have the figures po?

DOH ASEC. LAXAMANA: Sasagutin po ni Director Flores iyong for Bataan. Mayroon na po tayong data.

DIR. FLORES: Sa kabuuan po, ang atin pong A4 na nabakunahan na first dose dito po sa Central Luzon is 5,000 po—

SEC. ROQUE: 5,000, pero iyong total vaccinated po sa Bataan, ilan na?

DIR. FLORES: Ang total po sa Bataan. So sa A1 po ang nabakunahan po sa A1 ng Bataan is first dose 15,000 sa A1; tapos po sa A2 is around 33,000; sa A3 is 38,000; A4 is 5,000. So iyan po ang total ng   mga nabakunahan po natin, salamat.

SEC. ROQUE: Okay, siguro po unahin na muna natin ang lahat ng tanong para kay Secretary Vince, because Secretary Vince has to do an interview for the New Clark Airport, so aalis siya ng maaga ‘no. so lahat ng tanong po muna as of now, para kay Secretary Vince, kung mayroon po. Can we have Trish Terada on Zoom please?

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Good afternoon, Spox Harry and to all our guests. Sec. Vince, sir, first, alam mo rin siguro and I think Sec. Vince can answer this because OCTA is saying that they are seeing an emerging surge in NCR. Ganito rin po ba iyong inaasahan natin sa IATF or NTF or could this mean another lockdown? Are we ready for another surge?

SEC. DIZON: First of all, we always have to be ready, Trish ‘no. Clearly, just looking at the experiences of countries all over the world, who are experiencing Delta variant infections.  We have to be ready all the time and this is what we try to do. After the last surge, we built more isolation facilities. We expanded our ICU beds in key areas of the country. We ramped up our vaccination that is why right now, as you can see, if you look at our numbers, from March to June, we hit 10 million. In July, we are already—July alone, we are already 7.5 million additional doses administered in July alone.  And hopefully, if the weather improves, especially, we will hit anywhere between 9 to 91/2 million by the end of July. So, we have effectively doubled our vaccination nationwide, in only one month, so napakalaking bagay noon. So, we always have to be ready.

Now, as to the numbers, we are seeing some increases in numbers all over the country, including NCR. However, it is not yet at the level of the surge that we saw in end of the first quarter. But we need to be ready We cannot over-emphasize that and I think, this is the main reason why the IATF inunahan na niya at nag-declare na ng GCQ with heightened restrictions sa NCR and other key areas.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, dumating na po ba IATF or NTF at a point where you are already in the worst-case scenario? How do you see a worst-case scenario? Do we see something like an Indonesia-India like situation in the Philippines in case of a surge or are we optimistic na kaya nating iwasan iyon?

SEC. DIZON: Huwag naman sana mangyari iyon, pero like I said, paulit-ulit nating sasabihin, kailangan maghanda tayo for any eventuality.

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po bagama’t tumataas iyong mga namo-monitor nating kaso ng Delta variant ay hindi pa po masyadong ganoong tumaas ang mga kaso ng COVID-19.

Pero kung mapapansin po ninyo noong huling Talk to the People, sinabihan na po ng IATF ang Presidente na ang ating classification will now be every 15 days, kasi we need to be able to move quickly kapag talagang sumipa po ang kaso ng Delta variants. Kasi ganiyan po iyong anyo ng delta variant, bigla na lang sumisipa.

So, kung dati po ay nasasanay tayo na monthly ang ating quarantine classification, ngayon po ginagawa nating at least every two weeks, pero every week po mino-monitor po natin and we will not hesitate to impose stricter lockdowns. Dahil alam naman natin iyan lang po ang sagot. At the same though we realized na what we are seeking or aiming for is the total health of the population, controlling the spread of the new Delta variant, at the same time preventing po iyong pagkagutom ng ating mga kababayan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, doon po sa SONA speech ni Pangulo. At the earlier part, sinabi niya po that the country can no longer afford another lockdown or else we will be to a point of a repairable damage? And then later part, the President warned of a possible lockdown in case nga po mag-rampage daw iyong cases kung bumalik tayo sa situation ng early days ng COVID? Paano po iyong mangyayari doon, Spox? Are we still capable of having a lockdown, kaya pa po ba ng pondo natin?  Or is it out of the picture?

SEC. ROQUE: You know, I stress na ang objective natin is total health, pabagalin ang pagkalat ng COVID. At the same time, iwasan iyong pagkagutom ng ating mga mamamayan. Kaya nga po pinapalakas po natin ngayon ang ating prevention, detection, isolation and reintegration sa mga lokal na pamahalaan, dahil iyan lang po talaga ang tried and proven tested formula para mapabagal ang pagkalat ng COVID.   Iyong ginawa po nating precaution, hindi naman natin completely isinara ang ekonomiya, dahil kinakailangan magtrabaho pa rin ang mas marami sa ating mga kababayan. Pero at the same time, nag-iingat din tayo na alam nating mas nakakahawa ang Delta variant, kaya ayaw nating umabot na maging mala-Indonesia at India tayo. So, binabalanse po natin palagi iyan, ang objective is total health.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Spox on another topic lang, doon po sa endo? Bakit po kaya hindi na-mention ng Pangulo iyong tungkol diyan sa SONA kahapon?    

SEC. ROQUE: Well, alam ko po na talagang isang pangunahing pangako iyan ng Presidente. Ang naging problema po diyan ay nagpasa po ng anti-endo bill ang Kongreso, pero mayroong mga objectionable portions po doon sa bill na iyon, kaya naging dahilan ibi-veto ni Presidente. Pero hindi na po na-mention iyan dahil it continues to be a promise and I think the administration will continue to work with congress para doon sa final anti-endo bill that would be acceptable to all stakeholders.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So hindi pa naman po siya close, kumbaga may chance pa naman po iyong anti-endo bill?

SEC. ROQUE: Well, I think, you and I and the whole nation know na isa siya sa mga campaign promises ng Presidente, and we continue to reach a compromise na acceptable po sa lahat ng stakeholders.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, siguro panghuli na po, iyong win po ni Ms. Hidilyn Diaz, the government is celebrating it; everyone is celebrating it. But what commitment can the government give now to all athletes in terms of support? Kasi kung maaalala po natin, hindi naging madali iyong journey ni Ms. Hidilyn and it came to a point that she even had to ask for financial help.

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, I don’t think mayroong makakasabi po na walang commitment ang administrasyon ni Presidente Duterte sa ating mga atleta. Unang-una, nandiyan po iyong New Clark City. Sa kauna-unahang pagkakataon ay mayroon po tayong mga world-class facilities na pupuwedeng gamitin ng ating mga atleta sa kanilang training. Bagama’t titingnan po natin dahil alam ko po na nakakakuha po ng kaunting assistance sa gobyerno ang ating mga atleta dahil full time po ang kanilang mga training, titingnan po natin kung pupuwede pa nating maitaas iyang mga nakukuha nilang mga allowances at mga benepisyo for being part of the national team.

Ako po ay aktibo rin sa isang sports ‘no – pencak silat – at palagi po naming pinaglalaban nga na ang mga atleta natin ay sana kung pupuwede po, taasan iyong mga allowances na naibibigay.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Spox Harry. Thank you, Sec. Vince and to our guests.

SEC. ROQUE: Thank you. Punta naman tayo kay Mela Lesmoras, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi, Secretary Roque. Hi, Secretary Vince and sa ating mga guests. Unahin po natin iyong kay Secretary Dizon, question from Ian Cruz of GMA: Secretary Vince, kumusta po ang occupancy ng hospital and quarantine facilities? Makati, Las Piñas and Valenzuela ay kasama na raw po ba sa high-risk areas? Spox Roque can also answer din daw po.

SEC. DIZON: Yes ‘no. Unang-una ‘no, ito tinitingnan ko iyong latest na datos. Ang NCR ay nasa 40% occupancy sa ating mga ospital ‘no. In general, considered iyon as low-risk pa; hindi pa iyan mataas. Pero ang Makati ay mataas ang kanilang occupancy ng ICU beds. So titingnan natin, imu-monitor natin nang mabuti ito ‘no kagaya nang ginawa natin noong nakaraang March-April. So babantayan natin nang maigi ito. Pero sa ngayon, nasa green pa ang NCR overall.

Sa isolation facilities naman, maraming available na beds lalung-lalo na ngayon na nagdagdag tayo ng madaming mga isolation facilities kasama na ang moderate at mild at asymptomatic facilities. At mayroon ding mga ginawa ang mga iba’t ibang LGU tulad ng napakalaking facilities sa Luneta, sa City of Manila.

So right now, okay pa tayo. Pero kagaya nga nang sinabi natin kanina nang paulit-ulit, kailangan handa po tayo dahil nakita natin ang bilis ng pagtaas ng mga kaso kapag Delta variant ang kumalat kaya dapat handa tayo.

SEC. ROQUE: Well, iyan po ang datos ‘no. Kaya naman po tayo nag-heightened restriction dahil kinakailangan nating iparating din ang mensahe sa ating mga kababayan na ibang klase po talaga itong Delta. So ngayon po kung dati ang ating mga classification ay depende lamang sa daily attack rate at saka sa two-week average daily attack rate at saka hospital care utilization rate, iyan pa rin ang formula natin, pero by imposing heightened restrictions, sinasabi po natin talaga pong ibang anyo itong Delta variant, parang three times more infectious ito than iyong nauna nang UK variant at kinakailangan pong paghandaan.

Ang mensahe po natin: Mask, hugas, iwas; at sa ating mga lokal na pamahalaan, paigtingin po natin ang ating PDITR; at siyempre po, pagbabakuna. Good news naman po ito na in this month of July alone ay naka-ten million tayo. [Indistinct voices] Oo nga, pero for one month alone, naka-ten million tayo.

So sa tingin mo ba, Sec. Vince, ngayong nag-i-stabilize na ang supply natin, sa mga susunod na buwan ay kaya natin ang 20 million a month?

SEC. DIZON: Iyon po ay pipilitin natin. Ang importante po talaga ay supply, iyon po ang pinakaimportante. Tandaan ninyo po, Spox, noong unang dalawang linggo ng July, kapos tayo ng supply noon. May dalawang linggong halos walang dumating na Sinovac – iyon ang pinakamadami nating supply – mayroon lang paunti-unting dumating na Pfizer, kaunting Moderna. Pero iyong bulto ng supply for July ay nagsidatingan third week at fourth week ng July. Pero kahit na kinapos tayo ng supply noong unang dalawang linggo, mukhang aabot tayo ng halos, siguro ha, aabot tayo ng sampung milyon; siguro mga 9-9 ½ aabot tayo ng July.

Ibig sabihin noon, kung mayroon supply ay kaya nating magbakuna nang mabilis at nang madami.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. My question lang to Secretary Dizon and Secretary Roque: From NTF and IATF side, given the current COVID-19 situation, ano po kaya iyong nakikita ninyong magandang maging bagong quarantine classification para sa buong bansa specifically sa NCR ngayong darating naman na August? At kailan po iyong next Talk to the People?

SEC. ROQUE: Wala pa po tayong datos. So, Mela, sa susunod na meeting po ng IATF ay baka iyan na po ang talakayin kasi linggo-linggo ang pagbabantay natin. Pero sa ngayon po, wala pa po kami talagang indikasyon kung ano ang magiging quarantine classification. Pero noong binasa po ni Sec. Vince, bagama’t tayo po ngayon ay nasa low-risk ay pinag-iingat na po natin ang lahat dahil sa anyo na mas nakakahawa at mas nakakamatay ang Delta variant.

MELA LESMORAS/PTV4: May sked na po ba, Spox, ng next Talk to the People?

SEC. ROQUE: Ang next Talk to the People po ay bukas, kung hindi po ako nagkakamali, being a Wednesday.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. And now si Sir Henry Empeño naman po ulit from local media.

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

HENRY EMPEÑO: Ang tanong po na ito ay para kay Secretary Vince. Iyon pong pagbabakuna ng A4 o economic frontliners, kasama po ba rito iyong mga agricultural workers and fisherfolks o may separate program para sa kanila?

SEC. DIZON: Kasama po sila. Kasama po ang mga fisherfolk natin sa A4 ‘no, kasama po sila diyan. So importante po talaga, dumami lang ang bakuna natin, kailangan mas maging agresibo po tayo sa pagbabakuna ng ating mga essential economic workers. Kasi kagaya nang sinasabi natin paulit-ulit, sila po ang lumalabas, sila ang kailangan magtrabaho para sa kanilang pamilya kaya dapat bigyan natin sila ng proteksiyon.

SEC. ROQUE: Kasama po lahat ng mga manggagawa sa A4 iyong mga manggagawa sa mga industriya na hindi po natin sinasarado kapag tayo po ay nasa ECQ, at kasama po diyan ang agrikultura at ang mga mangingisda.

Okay, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes, good afternoon, Secretary Roque and Secretary Vince at saka po sa lahat pa rin ng ating mga bisita. Magandang hapon po sa inyo.

Ang unang tanong from Kris Jose of Remate/Remate Online: Reaksiyon daw po ng Malacañang na binatikos ng oposisyon ang SONA ng Pangulong Duterte at tinawag pa itong joke of the nation address? Nabigo umano si Pangulong Duterte na talakayin ang problema ng Pilipinas kagaya ng poverty sa gitna ng pandemic. Bakit mas binigyan pa raw ng priority at importansiya ni Pangulong Duterte sa kaniyang 3-hour speech ang iligal na droga habang trabaho, hanapbuhay, dagdag na kita ang solusyon sa gutom ang gustong marinig ng mamamayan na wala pa yatang limang minutong pinag-usapan?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, hindi po namin inaasahan na pupurihin ng oposisyon ang SONA. Kayo naman, hindi naman bago ang SONA. Wala namang pumupuri talaga sa SONA kapag ikaw ay nasa hanay ng oposisyon. Siyempre, eh wala kang gagawin kung hindi ookrayin iyong sinabi ng Presidente dahil oposisyon ka ‘no. Eh inaasahan na po natin iyan.

Pero ang katotohanan po ay, unang-una, kakaiba po itong ating SONA kasi. Bago po mag-SONA ang Presidente ay mayroon na pong pre-SONA kasama na po diyan iyong ginawang pre-SONA ng ating economic team kung ano talaga iyong plano para po tayo ay makabangon dito sa pandemic na ito. Kasama po diyan iyong paggamit po ng ating tinatawag na fiscal stimulus, iyon atin pong pantaunang budget at saka iyong kaban ng bayan para po ma-stimulate ang ating ekonomiya; iyong monetary stimulus, iyong paggamit po ng interest rates at saka ng money supply para ma-stimulate ang ating ekonomiya; iyong pagpapabilis po ng bakuna dahil ang bakuna po talaga ang nagbibigay kumpiyansa para mabuksan natin ang mas malaking bahagi ng ating ekonomiya ‘no; at saka siyempre, iyong pag-iingat na hiningi natin sa taumbayan dahil ang tanging pamamaraan talaga para tayo po ay makabangon ay kung mabubuksan natin ang ekonomiya bagama’t nandiyan po ang banta ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Komento po sa SWS survey na 48% ng pamilyang Pilipino ay itinuturing na mahirap ang kanilang sarili.

SEC. ROQUE: Well, siyempre po nalulungkot tayo diyan pero iyan po ay dahil na rin po sa nagaganap na pandemya. Gaya po nang sinabi ng Presidente, bagama’t mahirap po ang buhay dahil nawawalan ng trabaho ang ating mga kababayan, eh sa kauna-unahang pagkakataon naman po sa ating kasaysayan ay nagbigay po tayo ng 660 billion-worth of social amelioration ‘no, iyong ayuda at iba pang tulong sa pamamagitan ng mga pautang at mga outright grants sa ating mga pinakamahihirap.

Magpapaalam na po ngayon si Sec. Vince Dizon. Thank you very much, Sec. Vince Dizon. Siya po ay pabalik po ng Clark dahil mayroon pong interview ang isang pahayagan tungkol po sa bagong Clark International Airport.

So kinalulungkot po natin iyan, pero asahan po natin na habang nagbubukas ang ekonomiya ay mas kakaunti po iyong mga Pilipino na nag-iisip na sila po ay mahirap; pero talaga pong inaamin natin, mahirap po talaga ang buhay. Kinalulungkot po natin iyan pero huwag po kayong mawalan ng pag-asa dahil nandiyan na rin po ang bakuna, nandiyan na po iyong pangako na makakapagbalik-buhay tayong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Third question from Christian ng Bagong Saksi: Reaksiyon ng Malacañang sa mababang grado na ibinigay ng National Union of Students Philippines dahil sa mahinang pagpapatupad umano ng distance learning program ng pamahalaan, maging ang umano’y kuwestiyonableng kalidad ng edukasyon. May mga guro ang nagsasabing hindi nakakatulong ang mga self-learning modules. Bukod dito, binigyan-diin din ng grupo ang problema ng mga guro at mag-aaral sa isyu ng internet connection na mahalaga sa online classes ng mga ito.

SEC. ROQUE: Hindi po natin sinasabi na perpekto ang ating blended learning. Pero gaya po ng mga kritiko na talagang inuokray iyong SONA ng Presidente, inaasahan din po natin na itong NUSP, bilang isa talagang bukal na kritiko ng administrasyon, ay magsasabi ng ganitong bagay. Hindi po kritiko ang ating blended learning, but we need to find a way na ipagpatuloy po ang pag-aaral ng mga kabataan. Sa panahon po ng pandemya, ang alternatibo ay itigil completely ang pag-aaral na hindi po katanggap-tanggap sa ating Pangulo. Kaya nga po minabuti natin na mag-blended learning tayo, combination of computer-aided learning at saka sa mga modules ‘no para ipagpatuloy po ang pag-aaral ng ating mga kabataan.

Again po, ang solusyon pa rin: MASK, HUGAS, IWAS, PAGBAKUNA nang sa ganoon ay makabalik po tayo sa normal at magkaroon po muli tayo ng face to face classes.

Mr. Henry Empeño po ang susunod ng SBMA.

HENRY EMPEÑO: Tanong po galing kay Mr. Jun Dumagoy ng Ang Pahayagan. Sa SONA kahapon ng Pangulo, nabanggit niya na … humingi siya ng pasensiya sa mga Filipinos na waiting for COVID-19 vaccine. Ano po ba ang timetable ng gobyerno para ma-attain iyong herd immunity?

SEC. ROQUE: Hindi naman po nagbabago iyong ating population protection. Bago na po ang termino natin dahil ang herd immunity kinakailangan lahat mabakunahan kasama ang mga kabataan. At alam po natin na ang ating tinatarget ngayon ay 50 to 70% ng ating adult population, kung hindi sa buong Pilipinas then dito sa Metro Manila Plus kung saan nanggagaling po talaga itong COVID-19.

Hindi po nagbabago, at gaya po nang sinabi kanina ni Secretary Vince Dizon, itong buwan ng Hulyo ay halos sampung milyon po ang nabakunahan natin. At hindi na po siguro bababa iyan sa 10 million a month, at inaasahan natin magdoble pa sa 20 million a month.

So at the rate na inaasahan nating ipatupad itong pagbabakuna, hindi po malayo na maa-achieve natin iyong 50 million vaccinated individuals by December na sa mula’t mula po ay ang ating goal.

HENRY EMPEÑO: Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Alvin Baltazar, Radyo Pilipinas please.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, magandang tanghali po.

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Alvin.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Opo. Secretary, how confident po ang Palace na bago matapos iyong term ng Pangulo, maaksiyunan ng Kongreso iyong mga priority legislative measures na binanggit kahapon ni Presidente? Kakayanin po ba, Secretary, kasi hati na marahil iyong atensiyon ng mga mambabatas natin eh sa darating na eleksiyon?

SEC. ROQUE: Well, ang parehong kapulungan naman po ay naglabas na rin ng kanilang mga priority bills at kabahagi naman po ng priority bills nila ay karamihan priority bills talaga po ng Pangulo. So kampante po kami na dahil sa malakas na suporta at kooperasyon ng ating Kongreso ay kaya naman pong makamit iyan bago magkampanyahan ang lahat.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary may mga impormasyon na dinala daw sa ospital kagabi si Pangulong Duterte—

SEC. ROQUE: [Laughs]

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Wala pa kaming naririnig mula sa inyo. Pero kay Pangulo sinabi niya na kumain lang daw sila sa restaurant. Pero kumusta na po si Pangulong Duterte, Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Wala hong problema kay Presidente. Natagalan si Presidente kahapon po dahil ang dami niyang chinika ‘no, I mean kinausap at nakipagkuwentuhan ‘no. Marami siyang mga pinatawag na mga kongresistang mga kaibigan niya at doon nga po sila nagpulung-pulong sa tanggapan ng PLLO sa Batasan.

In fact, umalis po ako ng Batasan kahapon alas otso y media mahigit na dahil nga po hindi kami makalabas habang nandoon pa si Presidente. So kung natapos po iyong kaniyang talumpati ng mga 6:30 or 7:00 ay mga 8:30 na po siya umalis ng Kongreso dahil mukhang nag-enjoy po sa kaniyang bidahan sa mga miyembro ng Kongreso at ng Senado.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, for the record lang po. Natapakan po ba si Pangulong Duterte kaya medyo natalisod siya based on footages na nakita namin?

SEC. ROQUE: Wala po, nadulas lang po iyon ‘no. Talaga naman pong kung nandoon kayo sa Kongreso bagama’t carpet iyan ‘no, siguro dahil linis na linis iyan ay madulas nang konti iyong carpet lalo na kung ika’y naka-leather shoes. Wala naman pong problema sa kalusugan ng ating Presidente, nadulas lang po iyon.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Thank you po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Okay. Usec. Rocky, again please.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. From Leila Salaverria ng Inquirer: What are the Palace’ plans for the country’s first Olympic gold medalist Hidilyn Diaz? Will the President meet with her? How will the appearance of Diaz’ name in the ‘oust Duterte’ matrix released by the Palace earlier factor in to the picture?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano iyong sinasabi ninyong matrix kasi sa tanggapan ko po at iisa lang po ang opisyal na spokesperson ng gobyerno – ako lang po iyon – eh wala po kaming ganiyan ‘no.

Pero iuukit po natin sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalan ng Hidilyn Diaz at ayaw ko munang ianunsiyo dahil baka mapalaki pa. Pero milyun-milyon po ang pinangako ng Presidente para doon sa makakakamit ng gintong medalya at ang pribadong sektor ay naglaan din ng milyun-milyon. Ayaw ko lang pong sabihin ang exact figure dahil nais ko pang tumaas kaysa bumaba doon sa figure na alam ko ‘no dahil Hidilyn truly deserves it. Kung anuman iyong pagkukulang sa training, I’m sure na mababawi po lahat iyan doon sa generosity hindi lang po ng pamahalaan kung hindi ng pribadong sektor dahil she truly made us proud.

At siyempre po kasama na doon sa paghamon ay iyong katunayan na gaya ng buhay ng ordinaryong Pilipino na araw-araw ay talaga pong nagsusumikap para manatiling mabuhay, eh ganiyan po talaga ang kuwento ng ating mga mamamayan; kaya nga po ‘pag sila’y nagtagumpay, tagumpay ng lahat ng Pilipino po iyan.

Hindi po mababayaran ng salapi ang tagumpay ni Hidilyn pero hayaan naman nating ipakita ang ating pagmamahal sa kaniya sa pamamagitan nang pagbigay ng hindi lang po ng congratulations kung hindi pabuya sa kaniyang mga nakamit.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya: Diaz had sought help from the private sector for her Olympic bid which indicates the inadequacy of government support. What changes, if any, does the government intend to initiate for the country’s sports programs?

SEC. ROQUE: Well, hindi ko po sasabihin na talagang sapat ang binibigay nating financial support. Gaya ng sinabi ko po ‘no, na aktibo po ako doon sa sport na Pencak Silat at alam ko po talaga kulang. Para nga pong minimum wage nga lang ang nabibigay nating allowance doon sa mga atleta natin.

Titingnan po natin kung paano natin mababago ito dahil napakita natin na kung kulang—na ganoong kulang talaga ang suporta natin eh nananalo pa rin ng ginto, siguro mas maraming mananalo ng ginto ‘no kung medyo itataas natin iyong tulong na ibinibigay natin sa mga atleta.

I think itong victory na ito is also a game changer for Philippine sports. Ito po iyong dahilan siguro kung—dahilan para pag-isipan ng ating mga policymakers na kinakailangan talaga maglaan nang mas malaking suporta sa ating mga atleta dahil iyong kanila namang mga panalo ay panalo ng buong Pilipinas at hindi lang ng ating mga manlalaro.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question ni Leila: President Duterte did not mention Bayanihan 3 in his SONA. Does this mean the provision of additional financial aid to sectors and workers affected by the pandemic is out of the picture and the government will rely on existing programs to help them? And what is the assessment on this? Can the government no longer afford to give another round of assistance?

SEC. ROQUE: Unang-una po, consistent po ang gobyerno. Titingnan po natin kung kakailanganin pa natin ng supplemental budget kasi mayroon pa po tayong 2021 budget at buwan pa lang po ng Hulyo so mayroon pa pong natitira talaga sa budget na iyan. Now kung magkukulang, imbes na humingi po ng supplemental budget, pupuwedeng ipasok na po iyan sa 2022 budget na tatalakayin ng Kongreso. Pero kung talagang kakailanganin eh madali naman pong humingi ng supplemental budget; kung kulang ang oras pupuwede ring humingi po ng special session. Pero sa ngayon po, tinitingnan natin kung mayroon talagang pangangailangan.

Now uulitin ko po ha, bagama’t naghihintay ang ating mga kababayan na nasa ECQ, huwag po kayong mag-alala – ang Presidente isa lang ang kaniyang talagang inuulit-ulit sa aming mga taga-IATF – huwag kayong mag-i-ECQ nang hindi magbibigay ng ayuda. Darating po ang ayuda, hindi ko lang po maanunsiyo ngayon bagama’t alam ko po nagsimula na iyong proseso. Mayroon na po diyang recommendation ang DBM, hinihintay lang po natin iyong gulong ng papel. Huwag po kayo sanang mainip.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay. Mr. Henry Empeño of SBMA, please.

MODERATOR: Last question na ito, sir, from the local media. It’s from Headline Zambales: In yesterday’s SONA, President Duterte gave the assurance that the government will exert all effort to restore lost livelihood and increase employability. Would these measures include the reopening of the Hanjin Shipyard here in Subic?

SEC. ROQUE: Malapit na po iyan. Natapos na po ang mga pag-uusap at siguro po si Administrator Eisma can give us more updates on this. Pero ang pagkakaalam ko po malapit na po iyan, mayroon nang kausap na mangangapital. A matter of time na lang po iyan.

But Administrator Eisma, can you please give us a briefing on the former Hanjin Shipyard?

SBMA ADMINISTRATOR EISMA: While I am not allowed to disclose the principals at the moment, I just want to confirm what the statement of Secretary Roque. Halos tapos na po ang diskusyon tungkol sa takeover ng Hanjin Shipyard ng ating ‘white knight’. Liwanagin ko lamang po ang ‘white knight’ ay hindi taga-Asia kung hindi galing po sa North America sapagkat alam naman po ninyo na iyan ay naging malaking issue noong kasagsagan or noong unang umalis ang Hanjin.

Talaga pong 99.99% na tapos na ang diskusyon, the final details are just being finalized as we speak. Umaasa po kami na sa mga susunod na araw at hopefully hindi na matapos ang taon na finally mai-announce na namin ang pagbubukas muli ng Hanjin Shipyard.  We are very excited because it means jobs will be back. Magkakaroon na naman po muli ng buhay itong lugar natin sa kabilang ibayo because this is located in the Subic Bay Freeport side in Subic town.

So, iyon pong mga nawalan ng trabaho, it will still be open to you because part of the facility will still continue to be a shipyard and ship repair facility. Mayroon din pong mga iba-ibang industriyang papasok. Bottom line: We are back in business. Idagdag ko lamang po na patuloy po ang interes ng napakaraming mga mangangalakal dito sa Subic Bay Freeport. At patunay lamang po ito ng suporta at pananalig sa Administrasyon ng ating Pangulo because otherwise they will not continue to come and invest in Subic and in the Philippines if they were not confident in the economic direction of the country.

Marami pong salamat.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Administrator Eisma. Pumunta tayo ulit kay Usec. Rocky, please.

SEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. From Einjhel Ronquillo of DZXL-RMN: Reaksyon sa sinabi ni Renato Reyes ng Bayan na nagsimula sa droga, nagtapos sa droga. Paliguy-ligoy ang huling SONA ni Duterte at nauwi sa pagiging pagtatanggol ng Pangulo sa kaniyang madugong giyera kontra droga na tila aniya nagpapaliwanag sa ICC kung bakit naging talamak ang patayan sa kaniyang termino.

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, walang masama doon sa sinabi ni Presidente dahil iyan naman po ang kaniyang pangako sa taumbayan, so, kinailangan mag-report siya sa kaniyang pangako

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Reaksiyon sa sinabi ni Renato Reyes ng Bayan na dalawang oras bago natalakay ng Pangulo ang pandemic response pero wala aniyang malinaw na direksyon paano iaahon ang bansa mula sa pagkakalugmok. Wala rin itong malinaw na pahayag kung paano susuportahan ang mga health workers pero marami siyang pangakong tulong para sa pulis at sundalo.

SEC. ROQUE: Well, nakikita naman po ng taumbayan kung anong ginagawa natin sa pandemya. Unang-una, bakuna. Kaya nga po minamadali natin ang proseso ng pagkuha ng bakuna at kung susundin ninyo iyong mga kritiko ng Presidente, wala po tayong 17.5 million na nabakunahan na ngayon dahil sa totoo lang po, limitado talaga iyong mga nakukuha nating bakuna galing doon sa mga western countries na siyang gustong gamitin nang una ng ating mga kritiko.

So, sa akin po, alam na po natin ang ating tatahaking daan para makabangon sa pandemya. Importante po ang pagbabakuna nang tayo po ay makabalik sa normal at habang naririyan po ang banta ng mas nakakahawa at nakakamatay na Delta variant, pinalalakas po natin ang ating health care capacity at pinag-iingat ang lahat. Mask, hugas, iwas at mas pinaigting na prevention, detection, isolation, treatment. Para na po akong sirang-plaka, pero iyan po talaga ang ating roadmap towards normalcy.

USEC. IGNACIO: From Maricel Halili ng TV 5: Malacañang refused to apologize to Hidilyn Diaz before, after wrongly included her in the matrix after winning the first gold medal in the Olympics. Is there a need for an apology or should this issue be swept under the rug? Same question with Ivan Mayrina of GMA News.

SEC. ROQUE: Wala po ano. As spokesperson, wala po akong kahit anong ibinintang kay Hidilyn Diaz.

USEC. IGNACIO: Opo. From Sam Medenilla ng Business Mirror: Na-report ng Department of Health an additional Delta variant cases in NCR and other parts of the country. May recommendation na kaya ang IATF for a hard lockdown sa mga naging areas with incidence of the said variant?

SEC. ROQUE: Wala pa pong recommendation for hard lockdown dahil ang importante po total health. Binabalanse po talaga natin iyan. Iwasan natin ang pagkalat pero ngayon po, mas importante iyong prevention.

Huwag na po nating hintayin mawalan tayo uli ng hanapbuhay. Mag-ingat na po tayo ngayon nang sa ganoon magpatuloy po tayo ng ating hanapbuhay at siyempre po, magpabakuna na.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Hindi nabanggit ni President Duterte during his last SONA ang Anti-Endo Bill as part of the legislation to be passed by Congress. Ibig bang sabihin nito hindi na ito iiendorso ni President Duterte as part of his priority bill?

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan kanina. Natanong na po iyan at nasagot na po.

USEC. IGNACIO: From Ian Cruz of GMA News: Kumusta daw po ang occupancy ng hospital at quarantine facilities?

SEC. ROQUE: Nasa low risk pa naman po hanggang ngayon except doon sa mga lugar na nasa ECQ.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Makati, Las Piñas and Valenzuela ay kasama na daw po sa high-risk areas.

SEC. ROQUE: Ang alam ko po iyong latest datos ay Makati po ano, dahil binasa naman ito kanina ni Secretary Vince pero hindi pa naman po dahilan para magtaas pa further ng ating quarantine qualification.

USEC. IGNACIO: Opo. From Einjhel Ronquillo of RMN-DZXL: Suggestion ng OCTA Research na magpatupad ng two-week lockdown as circuit breaking restriction dahil sa pagtaas ng kaso dahil sa Delta variant. Mas maagap mas ganda daw kaysa matulad tayo sa ibang bansa. Susundin ba ito ng pamahalaan?

SEC. ROQUE: Napakadami pong eksperto na nagbibigay po ng advice sa ating IATF at sa ngayon po, hindi pa po natin niri-recommend ang ECQ dahil nga po ang ating ninanais, total health. Bawasan din po natin ang hanay ng mga magugutom na nagreresulta kapag tayo po ay nag-ECQ.

USEC. IGNACIO: From Ivan Mayrina ng GMA News: Kumusta po ang kalusugan ng Pangulo? Yesterday, there were moments that he seemed to have almost lost his footing. Nagtanong kung may ambulansiya sa Kamara. Iba na ba ang tibok ng kaniyang kasing-kasing (puso)? What is the state of the President’s health?

SEC. ROQUE: Kagaya ng sinabi ko po, wala pong problema sa kalusugan ng ating Presidente. Medyo nadulas lang po siya kasi kung titingnan ninyo po iyong tape, lumingon din siya ‘no. So, madulas po talaga iyong carpet doon sa Kongreso.

USEC. IGNACIO: Opo. Sinabi ng OCTA Research that Metro Manila if officially experiencing a surge in COVID cases at 1.33 reproduction number and nanawagan sa government to go early and go hard, meaning impose preventive circuit breaking lockdowns. Ano daw po ang response ng government dito?

SEC. ROQUE: Pinag-aaralan po iyan ng eksperto ng gobyerno, so, hintayin na lang po natin ang rekomendasyon ng eksperto ng gobyerno. Napakadami po ng eksperto ng gobyerno, so, I can assure OCTA po that we are employing the whole government approach but we welcome their recommendations pero hindi naman po na parang hindi may mga ganitong recommendation within government itself. Mayroon naman po, pero binabalanse po natin iyan. Total health is the objective as I have repeatedly said.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Okay! Wala na po tayong mga katanungan. So, maraming, maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating press briefing.

Maraming salamat kay Administrator Eisma. Maraming salamat kay Vice Governor Khonghun. Siyempre po kay Secretary Vince Dizon na umalis na. Maraming salamat din po sa ating naging host dito po sa Nidec sa Subic Bay Freeport, si President Kiyoshi Sato-san, sir! Maraming salamat po kay Usec. Roger Tong-an, kay ASec. Francine Laxamana, at kay Director Flores ng Region III, DOH.

Mga kababayan, muli po binabati po natin si Hidilyn Diaz na siyang nagbigay ng kauna-unahang ginto para sa ating bayan diyan po sa Olympics. Kung mayroon po tayong natutunan sa panalo ni Hidilyn, pupuwede pong mangarap, pupuwede pong magpursigi at minsan magtatagumpay.

Magandang araw po sa inyong lahat! Mabuhay po ang Pilipinas!

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)