Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Simulan po natin ang mabuting balita para sa ating mga kababayan na nangangailangan na naninirahan po sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ. Mayroon na po tayong matatanggap na assistance, at ito po ay galing sa DSWD, iyong programa nila na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Inaprubahan po ng Presidente ang pagbigay ng isanlibong tulong sa mga nangangailangang mga kababayan natin sa mga areas na nasa ilalim ng ECQ, at ito po ay hanggang maximum na apat po ‘no kada pamilya. Ang pondo po ay dina-download na po sa mga lokal na pamahalaan ng Iloilo Province, Iloilo City, Cagayan de Oro City at Gingoog City.

Now, ulitin ko po, nandiyan na po iyong assistance na sinabi ng Pangulo na kinakailangang ibigay kapag tayo po ay nag-ECQ. Ito po ay 1,000 kada tao or maximum na 4,000 kada pamilya.

Kaugnay nito, humarap po kagabi ang Presidente Rodrigo Roa Duterte para sa kaniyang regular Talk to the People Address. Inaprubahan po ng Pangulo ang rekomendasyon ng inyong IATF tungkol sa quarantine classifications para sa buwan ng Agosto. Ito naman po ay nakabase sa datos at siyensiya. Mamaya ay makakausap po natin ang isang tunay na eksperto, si Dra. Alethea de Guzman ng Epidemiology Bureau ng Department of Health para ipaliwanag ang naging quarantine classifications. Kasama na iyan sa kaniyang mga almusal, tanghalian, hapunan at sa pagtulog ang mga datos gaya ng daily attack rate, two-week average attack rate at saka ang healthcare utilization rate.

Mananatiling nasa Enhanced Community Quarantine po or ECQ ang Iloilo City, ang Iloilo Province sa Region VI; ang Cagayan de Oro City at Gingoog sa Region X. Ito ay magsisimula sa Linggo, August 1, at tatagal hanggang August 7, 2021.

Ito naman po ang mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine or MECQ mula a-uno ng Agosto hanggang a-kinse ng Agosto: Ilocos Norte sa Region I; Bataan sa Region III; Lapu-Lapu City at Mandaue City sa Region VII.

Samantala, in-extend ang General Community Quarantine or GCQ with heightened restrictions para po sa National Capital Region simula Agosto a-uno hanggang a-kinse ng Agosto. Naka-flash po sa ating screen ang mga lugar na nasa ilalim ng GCQ with heightened restrictions from August 1 to August 15, 2021. Ito po ang mga lugar na: NCR, Ilocos Sur, Cagayan, Bulacan, Laguna, Lucena City, Cavite, Rizal, Naga City, Antique, Aklan, Bacolod, Capiz, Negros Oriental, Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental at Butuan City.

Mapapasailalim naman po sa General Community Quarantine o GCQ ang Siyudad ng Baguio, ang Probinsiya ng Apayao, ang City of Santiago sa Isabela, ang Nueva Vizcaya, ang Quirino, ang Quezon, ang Batangas, Puerto Princesa, Guimaras, and Negros Occidental, ang Zamboanga Sibugay, ang City of Zamboanga, and Zamboanga del Norte, ang Davao Oriental and Davao del Sur, ang General Santos City po, ang Sultan Kudarat, ang Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, ang Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Island, and Surigao del Sur, kasama rin po ang Cotabato City.

Ang iba’t ibang parte na hindi po natin nabanggit ay mapapasailalim po sa MGCQ. Ang mga nasabing klasipikasyon po ay subject pa rin po sa mga apela ng ating local government units.

Tingnan naman po natin ang pupuwede o pinapayagan at mga bawal sa iba’t ibang klasipikasyon. Mapapansin ninyo po na talagang hindi po pinapayagan ang entertainment, ang recreational, ang amusement, pati po iyong traditional na sabong sa lahat po ng quarantine classification; pinapayagan po ang lottery at ang horse racing with off-track betting.

Pagdating po sa outdoor contact sports games, sa MECQ, ano lang po ang pinapayagan: Individual outdoor exercise kagaya ng jogging, running or biking.

Sa GCQ po, walang contact sports; ganiyan din po sa GCQ with heightened restrictions. Sa MGCQ, papayagan po ang non-contact sports din.

Paano naman po ang mga indoor sports courts and venues? Bawal po iyan sa MECQ at sa GCQ with heightened restrictions. Tataba na naman po tayo dahil wala pong mga gyms. Sa lugar na GCQ, 50% po iyan at allowed po sila sa MGCQ.

Ang mga indoor tourist attractions po ‘no, sa MECQ at sa GCQ, bawal po! GCQ with heightened restrictions ay bawal po! Sa ordinaryong GCQ – 15%. Sa MGCQ, 75% po ang allowed.

Iyong tinatawag nating MICE (iyong meetings, conferences and exhibitions) bawal po iyan sa MECQ at sa GCQ with heightened restrictions; 15% po sa GCQ, at allowed po hanggang 75% sa MGCQ.

Iyong mga personal care services (salons, parlors, beauty clinics ‘no), bawal po sa MECQ; 30% sa GCQ with heightened restrictions and additional 10% kung mayroong safety seal; sa GCQ – 50%; sa MGCQ – allowed.

Iyong outdoor tourist attractions, bawal po sa MECQ; 30% lang po sa GCQ with heightened restrictions; at 50% sa GCQ; 75% po sa MGCQ.

Iyong mga specialized markets ng DOT, staycations, bawal po sa MECQ; doon po sa GCQ with heightened restrictions, allowed po pero hanggang 30% with LGU oversight.

At iyong indoor dining po sa MECQ po, wala po iyan; sa GCQ with heightened restrictions, 20% lang po pero kung mayroon safety seal ay hanggang 30%.

Sa outdoor dining, sa MECQ, 50% po; sa GCQ with heightened restrictions, 50%; sa GCQ, allowed po kasama na rin po sa MGCQ.

Sa pagsimba po natin ‘no, sa MECQ, 10% lang po iyan pero iyong mga LGU ay pupuwedeng itaas hanggang trenta porsiyento. Ganoon rin po kapag GCQ with heightened restrictions, sampu hanggang trenta porsiyento. Kapag GCQ naman po, trenta hanggang singkuwenta porsiyento; sa MECQ ay 50%.

Sa interzonal travel po, hindi po allowed iyan sa MECQ; sa heightened GCQ, allowed pero kinakailangan pong itsek kung ano ang mga requirements ng pupuntahang LGU; at allowed din po siya sa GCQ.

Ang intrazonal, well, ang intrazonal po within NCR, well, allowed naman po iyan ‘no sa within NCR.

Okay. Lahat po ng mga menor de edad, homeliners, kasama po ang ating mga seniors.

Usaping bakuna naman po tayo ‘no. Mabuting balita na naman po ‘no, sa dalawang magkasunod na araw ay nalampasan na natin ang ating 500,000 a day vaccination target. Naka-659,029 jabs tayo noong Martes, July 27; at 534,612 kahapon, July 28. Binabati ko po ang lahat mula sa mga lokal na pamahalaan na nagpapatupad nang maayos, kombinyente at ligtas na bakunahan sa kanilang mga lugar, sa mga mamamayan sa kanilang kooperasyon; at sa ating mga medical frontliners na nagsisilbing vaccinators.

Mula 777,908 total doses administered sa buong buwan ng Marso, tingnan ninyo naman ang ating itinalon pagkaraan ng apat na buwan. Nasa 18,709,017 total doses na po ang ating na-administer as of July 28, 2021 ayon po iyan sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Samantalang nasa pitong milyon or 7,227,312 na ang fully vaccinated.

Ito ang paulit-ulit nating sinasabi ‘no, basta tuluy-tuloy ang dating ng supply ng bakuna, makakamit natin ang population protection target na 50 to 70% na mga populasyon bago matapos ang taon.

SEC. ROQUE: Kung inyong matatandaan, nasa 375,570 doses ng Pfizer ang dumating noong Lunes ng gabi, July 26. Samantalang nasa isa’t kalahating milyon na doses ng Sinovac ang dumating kaninang umaga. Inaasahan natin na may isang milyong doses pa ng Sinovac ang darating bukas, July 30.

COVID-19 updates naman po tayo. Ito pa rin po ang ranking ng Pilipinas sang-ayon po sa Johns Hopkins. Ito po iyong world ranking natin.

Nananatiling number 24 po tayo pagdating sa total cases; number 30 po tayo pagdating sa active cases; 132 po tayo sa daigdig pagdating sa cases per 100,000 population; 1.7% po tayo pagdating sa case fatality rate.

Tingnan naman po natin ang mga aktibong kaso dito po sa Southeast Asia.

Nananatili po tayong pang-anim. Nangunguna pa rin ang Indonesia, Thailand, Malaysia, Vietnam at Myanmar.

Dito po sa ating bayan ay nasa 4,478 ang mga kaso, sang-ayon po sa July 28 datos ng DOH. Mataas pa rin po ang ating recovery rate, ito po ay 94.8%. Mayroon na tayong 1,484,740 na mga gumagaling. Samantalang malungkot po nating ibinabalita na nasa 27,401 na po ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa lahat ng naulila.

Sa ibang mga bagay, mayroon po tayong inaasahang makukolekta na hanggang P41 bilyon. Ito po ay dahil nanalo po ang ating gobyerno dito sa kaso na nakabinbin sa Korte Suprema, ito po ang iyong Commissioner of Internal Revenues at ang Bureau of Customs laban po sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation.

Ang pinagmulan po nito ay 2012 pa po ay kinukolektahan na natin ng excise tax ang Shell dahil sila po ay nagpapasok ng alkaline. Ang sabi po ng Shell, hindi po daw dapat sila patawan ng excise tax dahil hindi daw po ito unleaded gasoline. Pero ang paninindigan ng gobyerno, ang alkaline po ay iba lang pangalan ng unleaded gasoline.

Nagkaroon po ng TRO ito sa korte, 2014 pa, at sa wakas matapos ang halos 20 taon [sic] eh na-lift naman po ang TRO. Now, nakabuti rin po siguro iyong pag-aapela nila ‘no dahil kung hindi po ako nagkakamali, P3 o 4 bilyon ang principal nito pero lumobo na po sa 41 billion kung isasama po ang mga penalties at interests.

Well, kagaya po ng sinabi ni Presidente Duterte kagabi, magagamit natin itong 41 billion sa ating mga pangangailangan lalung-lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Now, dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama po natin ngayon sina Dr. Alethea De Guzman ng DOH. Siya po ay taga-epidemiology bureau; at si Dr. Nina Gloriani ng DOST Vaccine Expert Panel.

Unahin po muna natin si Dr. Alethea De Guzman. Ma’am, you’re in the middle of a storm kumbaga, pero dahil kayo naman po ang gobyerno at mayroon kayong isang buong bureau na sumusubaybay sa ating mga numero, ano ba ho, talaga ba hong nagsu-surge tayo at kinakailangan na sang-ayon sa ating criteria na mag-ECQ dito sa Metro Manila? At kumusta rin po ang ating critical care capacity kasi iyan naman po ang ating tinitingnan kung kinakailangan na tayong mag-complete lockdown?

Ma’am, the floor is yours para mabigyan ng linaw ito po.

DR. DE GUZMAN: Salamat, Spox. At magandang tanghali po sa ating mga nakikinig at nanunood po.

So, let me start-off by sharing ‘no, kumusta na po, ito po iyong ating latest biosurveillance updates kung saan nakikita nga po natin na ang pinakamataas na porsiyento ng mga na-sample natin na may lineage ay positibo para po sa Beta at Alpha variant at ang ating pinakahuli na na-release na full genome sequencing ay nag-total na po tayo ng 119 Delta variant cases.

And this is the distribution po per regions. So, we already have seven regions where we already detected this Alpha variant and we have 77 local cases and we have verified po na of the 119, 42 po rito ay mga returning overseas Filipinos. 98 of these have already recovered but we have noted that five were fatalities po.

Ito po ay karamihan mga lalake pero po ang kanilang mga edad ay as young as less than one to as old as 79 years-old. At ang kailangan po nating makita doon, karamihan po sa kanila sa ngayon sa mga na-verify namin, 29 cases po nito ay mga hindi po bakunado. May iilan po tayo na naka-dalawang dose o hindi po kaya naka-isang dose pero sa ngayon mas malaking porsiyento po ay wala ni isang bakuna.

Ngayon, iyong tanong, ano na po ba iyong naging epekto ng Delta variant locally? So, tingnan po natin.

Tayo po kasi kapag nagmi-measure po tayo ng ating mga kaso, ng health care utilization, gumagamit po tayo ng metrics na sinasabi po natin. At para tayo po ay mag-escalate at de-escalate, mayroon po tayong iba’t-ibang metrics na ginagamit.

Halimbawa po para sa ating escalation, tayo ay hindi lamang nakadepende doon sa dami ng kaso o bilis na dami ng kaso. Tinitingnan natin at binabalanse po natin ang ating mga pagdami ng kaso doon sa kakayahan pa ng ating health system or health care capacity to accommodate these increases in cases. Kaya nga po kapag tayo ay nakaabot lamang to a certain health care utilization rate, doon tayo nagrirekomenda ng escalations.

So, halimbawa, para po tayo ay magrekomenda na ilagay sa ECQ, ang ating health care utilization rate ay umaabot ng 85% o higit o hindi po kaya kung MECQ, 70-84% of our health care utilization.

Sa ngayon, ang tinitingnan natin ay hindi nga lamang iyong total utilization ng ating mga kama para sa COVID-19 subalit sinasama din po natin, baka naman ang nauuna nga po kasing napupuno ay hindi iyong lahat ng ospital, kung hindi iyong ating mga ICU beds lamang. So, that’s for escalation.

And for the de-escalation, aside from our case metrics which are the average daily attack rate and two-week growth rate, tinitingnan din po natin kung sapat na po ba iyong kanilang public health capacity para sa surveillance, contact tracing and isolation para alam natin kapag sila ay dini-escalate (de-escalate) natin hindi na po sila seesaw pabalik to a higher community quarantine.

Ngayon, babalik po ako doon sa metrics. Naitatanong po sa amin is ano ba iyong surge? Paano ba natin masasabi na surge? At ang response nga po ng DOH, there is no definitive measurement and conclusion na masasabi natin na may surge. Epidemiologically, we don’t usually use the term surge because there is no one standard definition po para dito. Ang sinasabi lamang niya ay ito ang pagdami ng kaso.

Pero tayo, gusto natin na maging quantifiable, gusto natin objective ang pagmi-measure natin kapag sinabi natin na mataas at gaano ba kataas ang pagtaas ng ating kaso? Kaya po dito, ang Department of Health through the IATF approved resolution, are using two metrics and these are the two-week growth rate and the average daily attack rate.

The two-week growth rate shows gaano ba ang inilaki, ibinaba o naiwan [nanatili] ba iyong dami ng mga nari-report na kaso natin itong nakaraang dalawang linggo kumpara noong three to four weeks ago. So, it’s the rate of increase or decrease po.

Pero ang average daily attack rate naman po ay nagsasabi na gaano ba kalaki ng populasyon mo ang apektado? Posible nga po na malaki o biglaan ang pagdami ng kaso sa isang lugar pero kung titingnan natin, ilang porsiyento ba ng population ang affected? Posibleng malaki din pero nakikita natin iyong iba maliit lamang iyong affected na population.

So, binabalanse natin iyong pagdami doon sa laki din ng population na naaapektuhan and these are the quantifiable metrics that we’re using to determine if there are increases and how large ‘no, how high is the risk of transmission.

Base po doon, ibibigay ko po ngayon iyong mga datos. So, this was the data reported po yesterday, what I’d would like to point out are these: Number one, despite increases, we are seeing a low percent of active cases. It’s at 3.48%. Ikalawa po, ang ating case fatality rate also remains at around 1.75 and our recoveries is at almost 95%. Pero nakikita nga po natin ‘no, kasama na ang NCR, 4-A sa ating top regions at sila po ay dumadami ‘no. Nagiging top one na nga po uli ang National Capital Region at may nasasama tayong NCR areas ngayon sa top areas with new cases.

Ngayon, pagdating po sa ating epidemic curve, itong pagtaas na binabanggit natin ay evident po dito po sa nakaturo na bar ‘no. Pero ang pagtaas ay hindi lamang sa iisang lugar. Ito ay nakikita natin sa National Capital Region, sa katabi niya which is the blue bar; nakikita rin po natin siya sa Region VII, which is the orange bar; at hindi man ganito, ganoon kakita ay doon din po sa iba’t ibang rehiyon. Sa ngayon, tayo ay nag-a-average ng 6,029 cases versus the 5,576 the week prior.

Makikita din natin na ang pagtaas nga po ito ay nasa iba’t ibang lugar at hindi lamang naka-focus sa iisang lugar. Sa ngayon ang hindi lamang po evident ang pagtaas ay iyong sa Mindanao, which is the orange line, na parang medyo po nagpa-plateau na po ang kaniyang linya.

Ngayon, ito naman po nga ang ating ADAR at two-week growth rate, where nationally we saw at trend reversal from a -10% to a +1% ‘no at para nga po sa NCR at ito po ay naka-trend reversal din from a -6% and now at 19%. Pero ang kanya pong average daily attack rate ay hindi pa po kalakihan ang itinaas, it’s from 4.69 to 5.55; and right now, our health care utilization and ICU utilization rates remain at low risk levels.

The average daily reported cases have increased to 1,013 in the recent week versus the previous week, which is only 782. Ngayon kapag nakakakita tayo ng ganitong pagtaas, tinitingnan natin ano ba ang epekto niyan sa ating health system capacity at ito po ang nakita po natin. Across the National Capital Region there are no areas where the healthcare capacity is at high-risk critical risk levels ‘no; lahat po sila, less than 70%.

Mayroon tayong iilang lugar na kinakailangan pong dagdagan ang ICU beds, dahil umaabot ng high to critical risk ang kanilang ICU utilization. Nakita din po natin na sa National Capital Region, mayroon tayong labing-isang NCR areas na ngayon po ay nagpapakita ng positive two-week growth rate.

Ngayon pupunta po ako doon sa trend niya. Ito bang nakita natin na low-risk levels, ano po iyong trajectory niya? Low risk pero nakikita nga natin na unti-unting tumataas ang ating health care utilization at ICU utilization. Subalit, hindi pa po tulad noong nakikita natin dito over March na napakabilis; very stiff iyong increase ng ating mga utilization rates.

Ang isang tinitingnan din natin is overall, we look at the healthcare and ICU utilization are at low risk levels at each of the districts; the health care utilizations are also at low risk levels. Wala po tayong naka-moderate risk. Subalit nabanggit ko nga po, mayroon tayong ibang lugar na binabantayan natin dahil dumadami ‘no, umaakyat na nga po ang kanilang individual na ICU utilization rate. At ang ating tinututukan ngayon ay ang District 4 na ngayon po ay nasa 62% ang kanilang district ICU utilization rate.

So, madalas naming itanong, bakit tumataas ang kaso, pero low risk pa rin tayo? Actually, makikita natin na tayo ay nagsimula sa 8,095 COVID-19 dedicated beds lamang noong kalagitnaan ng Marso. Pagdating ng Abril, eh tayo ay napataas natin siya sa 9,300 at iyan po iyong peak ng cases natin. At iyan po ay isang dahilan kung bakit ngayon mababa pa rin ang ating utilization rate. Kasi kung anuman iyong dami ng COVID-19 dedicated beds natin noong tayo ay nag-peak, naiwan po tayo na ganoon pa rin karami ang mga kama po natin kaya naman ho, tayo ay naiiwan ng 42% utilization rate.

At pagdating naman po sa ating ICU beds from just 731 on March 15, we are now at 1,116. Kaya naman po noong March 15, 64% na iyong utilization rate ng ICU natin with only 468 admissions. Our admissions now are a bit higher at 513. But because we have a lot of ICU beds at naiwan iyong dami na iyon, mula ng tayo ay mag-peak, tayo ay nagkakaroon lamang ng 46% utilization rate; iyon ang ating binabalanse. Sa pagtaas ng kaso, kung tayo ay mayroong sapat na health care capacity, hindi po ma-o-overwhelm ang ating health systems.

So, sa atin namang plus areas, ang trend ng pagtaas ay nakikita natin na pareho po. Sa Cavite the brown line; at iyon pong yellow green line which is Bulacan; and of course, Rizal iyon pong pink line. So, ang huli ko na lang po is ang ating mortality data na after we peaked ‘no with 132 deaths per day last April, we are now at 46 deaths and this is more than 75% lower that our peak.

I just would like to end with this: Yes, we are seeing case increases. We haven’t seen our healthcare systems reaching critical or high-risk levels over all in NCR or at district levels. But it’s very important na para hindi nga tayo umabot sa punto na ma-o-overwhelm ang ating health capacity ay ang pagpapabilis ng ating detection to isolation. Ngayon na mayroon po tayong locally detected Delta variant cases, napakahalaga po ng facility, isolation and quarantine, ang patuloy na paghahanda ng ating mga healthcare capacity, ang ating mga sistema para nga po tayo ay prepared kung magkaroon man ng mas mabilis pang pagdami ng kaso. Ang pagpapabilis ng ating pagbabakuna at para hindi po magkaroon pa ng dagdag na introduction ng mga variant of concern ay ang pagpapaigting ng ating border control.

Gusto ko rin ipaalala na tayo ‘no the situation is very fluid and that is why we are continuously monitoring, we are doing not just weekly but daily monitoring so that we can easily, immediately flag signals ‘no to our decision makers. And the seventh is iyong having platforms such as this, so that we correct, we are ensuring that the correct information is relayed. And we are going to be countering ‘no misinformation, disinformation, and we are able to relay messages to the community that is actionable; something that they can do to help us in preventing and controlling the spread of COVID.

So iyon lamang, Spox. Salamat po!

SEC. ROQUE: Ma’am, thank you. Pero may lilinawin lang akong ilang bagay. Kapag sinabi ninyong epidemiology, ano po ang depinisyon niyang specialized field ng epidemiology?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Sige, sir, I will quote the definition po. It is the study, ito ay isang pag-aaral kung paano dini-distribute iyong dami ng mga kaso at ano ba iyong dahilan ng pagkakasakit at ito po siguro iyong diperensiya ‘no, I am a doctor, kung ako po ay isang clinicians, ang aking pasyente ay iyong individual cases.

As an epidemiologist, ang akin pong pasyente is the community; it’s the country; it’s the regions where I am taking care of and my responses and the management I am parang prescribing is for the improvement of the prevention and control of diseases in that locality po.

SEC. ROQUE: Ibig sabihin po hindi lang kayo doctor, pero pinag-aaralan pa ninyo iyong anyo ng mga sakit kung gaano kabilis kumakalat sa ating kapaligiran?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Tama po.

SEC. ROQUE:  Ma’am, doctor kayo mayroon ba kayong mga specialized na pag-aaral pa para maging epidemiologist, a specialist in the field of epidemiology?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Tama, sir. It’s actually a specialization. We underwent training. There are different kinds of epidemiology sir. So, I am a field epidemiologist, I underwent the field epidemiology training here in the Philippines, it a globally accredited training program po at ang pinagmulan po nito ay iyong US Centers for Disease Control. Sila po iyong parang founder ng ating mga field epidemiology training programs.

SEC. ROQUE:  Bilang kabahagi po ng Epidemiology Bureau ng Department of Health, gaano karami po iyong eksperto ng DOH alone diyan sa inyong Bureau?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Sir, lahat po ng ating division heads and most of the technical staff at the Epidemiology are field epidemiologists, po. In my unit, in the COVID-19 Surveillance and Quick Action Unit, my deputy for the data analytics is also an epidemiologist po. And our RESUs (Regional Epidemiology Surveillance Units),most of our RESUs are actually also headed by field epidemiologists.

SEC. ROQUE: So ilang utak pong matitinik iyang nagsasama-sama para magbigay ng mga report at rekomendasyon po from the field of epidemiology alone diyan lang po sa DOH, kasi mayroon pa tayong ibang mga consultants ‘di ba po? Ilang utak kayo na nagsasama-sama bago magbigay ng rekomendasyon?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Sir, dito po, in my unit alone for the COVID-19 surveillance, I have 300 staff who are all doing their best to generate all of these reports on a daily and a weekly basis.

SEC. ROQUE: Okay. So needless to say, Ma’am, iyong pagkalat, sa pagkakaalam ninyo po ‘no, mayroon ba hong ibang field of social science, kagaya ng political science, na mapapantayan iyong pag-aaral ng epidemiology mismo para pag-aralan iyong pagkalat ng sakit?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Tayo naman po, lahat naman po ng klase ng sciences, siguro sa akin, Spox, mayroon tayong niche na tinatawag ‘di ba. Dito po, kung gusto nating pag-usapan ang spread of disease, the trend of disease, we will look on our public health specialists and, in this instance, it will be our epidemiologist. They can be the field epidemiologist; they can also be clinical epidemiologist. But then, of course, tayo ay tinutulungan pa nga po ng ibang mga eksperto natin tulad ng mga infectious disease specialists po natin which are actually some of the members of our TAG (Technical Advisory Group),so that we are able to provide you with a situationer and recommendation na buo po iyong istorya. At ito po ay naikonsulta hindi lamang sa tulad naming epidemiologist pero other experts with related specializations po.

SEC. ROQUE: Bukod pa po sa inyo, mayroon pang mga sa labas na DOH na mga consultants po tayo, ‘di ba po, sa larangang ng epidemiology ‘no?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Tama po.

SEC. ROQUE: At kasama po diyan iyong Ateneo School of Medicine, tama ba ho iyon?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Tama, Sir. So, some of our partners are actually from our academe, some are from the private sector. But, yes, sina Dra. Reena, Dra. Elvie are from the FASSSTER team, with the Ateneo school. At sila po iyong tumulong sa atin mag-develop ng ating platform, at ngayon po sila po iyong, actually, tumutulong sa atin doon sa tinatawag nating disease projections po natin.

SEC. ROQUE: Eh ang UP po, tumutulong din po sa ating pag-aaral ng epidemiology tungkol dito sa COVID-19?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Ang ating engagement po with UP is more of coed with the College of Medicine for their infectious disease specialists. But a lot kasi po of our epidemiologists and our infectious disease specialists are coming din po from the University of the Philippines – College of Medicine. So our TAG core are actually graduates from the UP College of Medicine, Sir.

SEC. ROQUE: Ah, okay. Maraming salamat po ‘no. Siguro po sa susunod ay ilista natin ang lahat ng pangalan ng mga dalubhasa na nagtutulung-tulong po para iparating sa ating taumbayan iyong mga datos na nagpapakita kung gaano kabilis ang pagkalat ng COVID at kung anong paghahanda at community classification ang dapat nating i-impose sa iba’t ibang lugar.

Puntahan naman po natin ang next expert natin, isang vaccine expert panel naman po ‘no, miyembro ng Vaccine Expert Panel ng DOST, Dr. Nina Gloriani.

Ma’am, actually po may mga, I think it’s well-meaning suggestions naman po, na para maparami iyong mga nababakunahan ay pabilisan natin iyong pagturok ng second dose. Ano pong masasabi ng Vaccine Expert Panel tungkol dito?

DR. NINA GLORIANI: Spox, iyon pong very specific na-mention ‘no, iyong Sinovac gusto nilang maging 14 days. Actually, we have data ‘no, iyong 14 days versus 28 days, mas mababa po iyong mga antibody responses doon. Iilan iyong tinatawag nating nagkakaroon ng antibodies, zero conversion versus sa 28 days.

So iyong sa Sinovac naman, pasok naman iyong eight weeks doon sa aming nirekomenda before na one to three months ‘no, so four to twelve weeks po. So okay naman po iyon, pero actually ang data ngayon is showing, for most of these vaccines, mas mahaba-haba iyong interval, mas mataas iyong antibody levels. Not that we’re talking about antibody levels as iyong talagang protective correlate ng immunity, hindi naman po kasi mayroon pa rin tayong mga T-cells. Pero sa ngayon, iyon ang ating basehan.

Hindi po, hindi natin puwedeng bilisan. Maaaring mataas pero bababa rin po agad iyan; in the long term, hindi po siya mabuti.

SEC. ROQUE: So sa tingin ninyo po bilang miyembro ng Vaccine Expert Panel, hindi po solusyon sa Delta variant, na mas nakakahawa, ang pagbigay nang mas maaga ng second dose ‘no dahil hindi naman ganoon kataas ang magiging antibodies ng mga tuturukan?

DR. NINA GLORIANI: Hindi po, tama po kayo. We have very good data on that na hindi pupuwedeng shorter ang interval.

SEC. ROQUE: Oo, same question po: Ilan po ang miyembro ng Vaccine Expert Panel ng Department of Science and Technology? At ano po ang mga specialized fields of study ng mga miyembro ng Vaccine Expert Panel?

DR. NINA GLORIANI: Nine po kami. So mayroong microbiologist, virologist, immunologist. May infectious disease experts din po kami – iyong adult and pedia. Mayroon kaming biostatistician and epidemiologist, at may mga public health doctors kami na experts sa vaccine problems po – deployment, lahat po iyan – so nine members po kami.

SEC. ROQUE: Yes, iwan ko na po ang ibang tanong sa ating open forum. Pero bago po natin iiwan itong ating pag-uusap sa epidemiology at sa larangan ng vaccine expertise po ‘no. Alam ninyo po, we appreciate the concern of everyone – totoo po iyan – dahil lahat naman po tayo ay apektado. Pero sana po, isipin natin ‘no na bagama’t hindi natin kinukuwestiyon ang credentials ng kahit sino, eh iyong mga taong gobyerno naman po na marami naman po ay galing din sa UP ‘no, unang-una, napakadami po nila; number two po, sumumpa po sila bago sila pumasok sa kanilang katungkulan na susunod sila sa batas at sa Saligang Batas. Mayroon po silang pananagutan, siguro naman po, walang magsisinungaling sa kanila.

Sige po, siguro po totoo, wala talagang garantiya na ang mga rekomendasyon ay tama. Kaya nga po nagri-rely lang po tayo sa siyensiya dahil ang siyensiya naman po ay nagbibigay sa atin kung ano ang mga posibleng pinakamabuting mga desisyon na gagawin ng gobyerno.

Pero bukod pa po sa ating mga doktor, bukod pa po sa epidemiologist, eh sa IATF po na ginagamit ang whole of government approach, nandiyan din po ang mga economists, social scientists, political scientists na nagsasabi na ang desisyon na nakakaapekto sa COVID hindi lang po sa larangan ng pagkakasakit, kinakailangang tingnan din po natin iyong ibang aspeto ng buhay ng ating mga mamamayan; kung ikagugutom ba ho nila iyan, kung kaya ba natin silang bigyan ng ayuda para hindi sila magutom, at ano ba talaga ang total health na pangangailangan ng ating mga kababayan.

At saka siyempre, nag-iingat din po tayo na hindi natin dapat alarmahin ang ating mga kababayan unless it is absolutely necessary dahil tao lang po tayo. Sa panahon ng pandemya ay talagang lahat po tayo ay natatakot dahil ayaw nating magkasakit, ayaw nating mamamatay. Pero kaya nga po eksperto ang mga ginagamit natin ay para mabigyan ng kasiguraduhan ang lahat. Nakamamatay man siya, nakakahawa, naiintindihan na natin ang anyo ng kalaban at sa tingin natin iyong pinagsasama-samang talino ng mga eksperto sa gobyerno ay magriresulta sa pinakamabuting desisyon sa ating mga kababayan. Highlighting po, that we welcome the well-meaning suggestions of everyone. Huwag lang po sanang balewalain ang ginagawa ng mga taong-gobyerno rin.

So pumunta na po tayo sa ating mga katanungan. Usec. Rocky, go ahead please.

USEC. IGNACIO: Yes, good afternoon, Secretary Roque at sa atin pong mga bisita. Ang unang tanong mula kay Racquel Bayan ng Radyo Pilipinas: Doon daw po sa SONA ni Pangulong Duterte, he mentioned that he fired 43 Immigration personnel involved in pastillas scheme but the DOJ said that even though they are facing criminal and administrative charges, these personnel have actually reported back to work? Is President Duterte aware that these personnel were not fired nor dismissed because according to DOJ the investigation is ongoing? Does the President have any directive on this?

SEC. ROQUE: Siguro po, obvious ang sagot, hindi po siguro alam ni Presidente, hindi pa sila nasisisante; ang alam lang niya, nasuspinde. Pero siguro po ang epekto ng kanyang mga binitawang salita, iyan po ay mandato sa DOJ, sa CID gawin ninyo ang lahat para masisante iyan sa lalong mabilis na panahon. Hindi po katanggap-tanggap iyong ginawa nilang pastillas scheme; kinakailangan po talaga sibakin sila.

USEC. IGNACIO: Opo, question from Sweeden Velado of PTV for Dr. Nina Gloriani.

SEC. ROQUE: Go ahead.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang first question po niya: What’s the risk that COVID-19 poses to someone living with diabetes and why is it important for people with diabetes to get vaccinated?

DR. GLORIANI: Okay po. Hindi lang po iyong may diabetes ang may higher risk or the more severe form of COVID; lahat po ng mayroong comorbidities. Dahil alam po ninyo ang sinasabi natin, iyong virus na ito ay hindi lang naman ang naapektuhan niya ay iyong lungs, pati iyong mga kidneys, heart, so lahat, iyong may hypertension, iyong na-stroke, puwede pong pumunta din iyong virus doon at sila iyong mas higher risk talaga for the more severe form of COVID; so, hindi lang diabetes.

And relatively po, itong mga ganitong klaseng tao ay either medyo po, may edad na rin iyong iba diyan, although may mga bata, mas mababa po rin iyong kanilang immunity. Kaya we also have to consider them as also someone immuno compromised.

USEC. IGNACIO: Thank you, Dr. Gloriani.

SEC. ROQUE: Yes, punta naman tayo kay Ivan Mayrina please.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Hi, Sec! Good afternoon.

SEC. ROQUE: Good afternoon.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Yeah. Sir, bago pa ninyo i-announce kagabi iyong bagong mga quarantine classifications, naglabas po ng statement ang MMDA ay sinabing nagkakaisa ang Metro Manila Council na hihilingin nila na isailalim ang NCR sa may mahigpit na quarantine classification at handa na nga daw po silang mag-ECQ ng two weeks kung may ayuda at bibigyan ng 4 million doses ng bakuna na ia-administer free for all without prioritization. Ano po ang nangyari sa usapan na ito, Sec.? And possible po ba that by the end of the day magkaroon ng bagong classification, dahil may meeting ang IATF today?

SEC. ROQUE: Wala pong nangyaring diskusyon. Kasi iyan nga po ang inaasahan ko, kung napanood po ninyo kagabi, matapos ko po basahin ang rekomendasyon, eh ako na po ang nagsabi kay Presidente pakinggan po natin si Chairman Abalos. Eh noong nagsasalita noong una si Chairman Abalos, wala po siyang sounds. So hindi po namin narinig na ang sinabi ni Chairman Abalos ay something to the effect na handa silang mag-ECQ ‘no; hindi po namin narinig iyon.  Kaya nga po ang sabi ko, ay walang discussion, kasi hindi namin narinig iyong mensahe galing kay Chairman Abalos tungkol sa ECQ.

Ganoon pa man, unang-una, kaya po natin tinanong ng napakadaming tanong ang ating Doktora Alethea De Guzman, eh para i-assure hindi lamang po ang taumbayan, kung hindi ang ating mga Mayor na binabantayan po natin ang pagkalat ng COVID-19, despite the fact na nandiyan na po ang Delta variant. At kaya ko rin sinasabi po na we are employing the whole of government approach, is iyon nga po, ang sabi nila, okay mag-ECQ sa kanila, basta may ayuda. Ang isyu po: Mayroon ba talaga tayong maibibigay na ayuda? Dahil alam naman natin, kapag tayo ay nag-lockdown sa Metro Manila napakadaming magugutom at siyempre po 60% po ng ating GDP ay galing sa Metro Manila at iyong mga Plus 8 area.

So, complete closure of the economy, mawawalan ng trabaho, and ang katotohanan po, hindi ko po alam kung mayroon tayong pang-ayuda para sa another malawakang lockdown. Siguro po kung talagang kinakailangan, hahanap at hahanap tayo. Pero kung sang-ayon naman po sa ating criteria na wala pa po tayo sa moderate risk either on the basis of iyong ating average daily attack rate o iyong two-week attack rate or sa ating critical care capacity, eh siguro paghandaan na lang talaga natin iyong pagkakataon na talagang kinakailangan na mapabagal iyong pagkalat ng sakit.

Ganoon pa man, palagi po nating pinakikinggan ang ating mga alkalde dahil sila po ang magpapatupad ng mga polisiya. Kaya nga po ngayong hapon ay pakikinggan po ng IATF ang ating mga alkalde pero kung ang kanilang rekomendasyon po para sa ECQ ay kasama na ang pagbibigay ng ayuda. Hindi ko po alam kung mayroon tayong ayudang maibibigay.

IVAN MAYRINA/GMA 7: So, you said that unlikely po, Sec, na mapalitan pa iyong quarantine classifications, kahit ituloy nila iyong apela nila na mag-ECQ?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam, pero sa experience po ng ECQ sa Iloilo City, Cagayan De Oro, Gingoog, which affects about 1 million people halos dalawang linggo po silang napasailalim ng ECQ bago po makarating itong P1,000 per person, maximum of 4 persons per family ‘no. So this is only for 1 million na beneficiary. So ganoon po iyong ka-intricate iyong analysis natin at siyempre po kino-consider din talaga natin iyong total health, ilan ang magkakasakit versus ilan naman po ang mamamatay dahil sa pagkagutom.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Sec, more on this appeals process dito sa ating quarantine classifications, kung ika ninyo ay base ito sa siyensiya at datos at napakaraming eksperto na nag-iisip to come up with those recommendations.  Why is it subject to appeal? Doesn’t it undermine the science beyond the recommendation?

SEC. ROQUE: Hindi po, gaya ng sinabi ni Dra. Alethea De Guzman, mayroon din po tayong mga ibang criteria for de-escalation. Bagama’t mataas ang kaso, kung sasabihin naman ng LGU, mataas ang ating contact tracing ratio, mabilis iyong aming pag-i-isolate from the time na sila ay nag-test na positive at mayroon kaming sapat na isolation facilities. Iyan naman po ay kinukonsidera para doon sa tinatawag na ‘de-escalation.’ But the local government unit has to tell the IATF, kasi wala po kaming datos talaga na magpapakita how well and how soon they can isolate for instance iyong mga nag-test ng positive at saka kung ano iyong updated figures talaga ng kanilang isolation facilities; iyong mga bagay-bagay pong iyan.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Sec, tinanong kita the other day tungkol dito sa facility isolation versus home isolation, polisiya na po ba ngayon na bawal na ang home isolation?

SEC. ROQUE: Well, hangga’t maaari po talaga kinakailangan ay tayo po ay mag-facility quarantine. Sa mula’t mula po sinasabi po talaga natin iyan, dahil noong una iyan po iyong isa siguro sa dapat sinabi na natin sa ating mga mamamayan na talagang ang karanasan po ng halos lahat ng bansa ay hindi po epektibo ang home quarantine.

Pero depende nga po iyan sa lebel o numero ng mga quarantine facilities at pangalawa ay kung mayroon naman pong compliance with the requirements of the DOH for home quarantine, which is – mayroong separate kuwarto, separate banyo at walang kasamang senior or a person with comorbidities sa iyong tahanan.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Sec, ia-address ko itong next question sa ating mga experts, Dr. De Guzman and Dr. Gloriani. May nabanggit po ang Pangulo kagabi kapag bakunado na puwede ng magpasyal-pasyal. Baka po tingnan ito ng mga kababayan na free pass to do anything, go anywhere? Ano po ang masasabi ninyo sa statement na ito, tama po ba puwede ng magpasyal-pasyal ang mga bakunado na?

DR. GLORIANI: Hindi pa po, we are seeing ano—although sinasabi nating hindi naman talagang surge, pero iyong variants po ay nakaka-affect doon sa protection, doon sa bakuna na mayroon tayo, so magkakaroon ng breakthrough infection, iyong paglabas-labas, pagiging exposed sa kung sinu-sino especially iyong hindi po bakunado ay makakasama ‘no. Sabi natin ang mga bakuna ay puwede lang mag-protect ng higher, maybe 80, 90% against the severe form or critical illness, pero hindi siya makaka-protect doon sa iba na puwede ring mag-transmit ng infection. So iyon ang aking sagot doon.

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Siguro, ikonteksto lang po natin. Under the IATF resolution, we have allowed fully vaccinated senior citizens to go out. But they should also follow the minimum public health standards. So ibig sabihin, naka-mask, naka-face shield, nag-o-observe ng physical distancing.

So iyon siguro iyong konteksto na kailangan nating tingnan. These are some of the benefits sana that we want our fully vaccinated individuals to enjoy and hopefully as we scale up iyong vaccination coverage tayo ay mas kampante na talaga, na mas makapagpalabas, mag-allow ng mga fully vaccinated individuals across all age group to enjoy additional na parang benefits ‘no. Saan sila puwedeng pumunta? Ano ba iyong mga gatherings na puwede nilang ma-attend-an? Pero sa ngayon, we’re being very cautious doon nga dahil sa nasabi nga ni Dra. Nina, it protects from severe and critical disease but less protection from getting the infection.

IVAN MAYRINA/GMA7: Thank you, Drs. Gloriani and De Guzman. Sec., pahabol na lang po para sa kasamahan kong si Mark Salazar. Mayroon pong nag-o-organize ng contact sports sa YouTube at inu-open nila sa pustahan. Umaabot daw po ng milyones ang aggregate amount, may basketball at may boksing. Unang-una, allowed po ba ang mga ganitong contact sports? Aware po ba ang IATF sa mga ganito? At kung bawal, ano po ang sanctions sa mga organizers ng ganitong events?

SEC. ROQUE: Ang contact sports po ay allowed lamang sa MGCQ; number two, hindi ko po alam kung mayroon silang lisensiya sa PAGCOR para tumanggap ng pusta. So kung wala po iyang lisensiya sa PAGCOR, pinagbabawal po rin iyan dahil iyan po ay isang iligal na sugal.

IVAN MAYRINA/GMA7: Maraming salamat, Sec. Thank you.

SEC. ROQUE: Sige po. Maraming salamat, Ivan. Punta naman tayo uli kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Question from Leila Salaverria of Inquirer: How serious is the President’s statement asking barangay officials to keep the people who refuse to be vaccinated at home? How will they distinguish between those who refuse the vaccine and those who simply haven’t had access to the vaccine due to a lack of supply? Similar question with Llanesca Panti of GMA News Online.

SEC. ROQUE: Alam mo, ilalagay ko lang po sa konteksto iyong sinabi ni Presidente ‘no. Narito po iyong Delta variant. Naririnig ninyo naman iyong ibang nagsasabi na eksperto sila na kinakailangan complete lockdown. Napakahirap po ng desisyon kasi alam natin ayaw nating magutom ang ating mga kababayan, pero ayaw din nating kumalat ang COVID.

So ang ideya ng Presidente, kung tayo ay magla-lockdown, siguro pupuwede naman nating palabasin iyong mga bakunado para magtrabaho din; or kung tayo po ay maglimita ng mga negosyo kagaya ng indoor dining, siguro baka pupuwede na nating i-consider na iyong mga fully vaccinated ay pupuwedeng magtrabaho at maging parokyano nitong mga negosyong ito. So ang iniisip ni Presidente ay paano talaga mabubuksan ang pinakamalaking bahagi ng ating ekonomiya dahil kapag tayo po ay nagsara, ang ibig sabihin po niyan ay kagutuman.

So iyon po ang konteksto ng sinasabi ng Presidente na habang dumadami ang hanay ng mga nababakunahan, hindi po 100% guarantee ang pagbakuna na hindi tayo magkakasakit, pero at least the data shows na lahat po ng bakunang ginagamit natin ay garantiya laban po sa pagkamatay dahil po sa COVID-19. At ito po ay pag-asa na bagama’t nandiyan po itong banta ng Delta variant ay posible na iyong mga nabakunahan na na magpa-practice pa rin ng mask, hugas, iwas ay pupuwede nang maging aktibo pa rin sa ating ekonomiya.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Will it be fair to discriminate against the unvaccinated considering that the country does not have enough doses to keep up with the demand?

SEC. ROQUE: Siguro po tama po kayo ‘no. Pero sa report po ni Secretary Galvez, dito po sa Metro Manila, nasa 30% na po tayo ang fully vaccinated. And ating population protection po ay minimum 50% — malapit na po tayo diyan. So at least in Metro Manila, pupuwede na po nating makamit sa lalong mabilis na panahon ang population protection or containment. At kapag nangyari po iyon, kagaya ng ginagawa ng ibang bansa, kagaya ng France, ay baka pupuwede na nating limitahan nga ang movement ng mga hindi bakunado. Pero ang presumption po diyan ay aabot tayo sa punto na mayroon ng population protection or containment dahil kung wala po, wala rin talagang malakas na proteksiyon na hindi ka magkakasakit dahil ikaw ay bakunado na. So parating na po tayo diyan sa Metro Manila at the very least.

USEC. IGNACIO: Opo. Third question niya regarding vaccines: The President said, let’s give it to the people who want it. What is the implication of this? Does this mean, vaccination will now be opened to all categories and the prioritization set by the government need not be followed?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, mayroon pong partial compliance diyan sa direktiba ng Presidente, kasi binuksan na po natin ang A4. At ang sinasabi natin sa mga A2 at saka A3, pupuwede pa rin po kayong magpabakuna – mayroon ngang special lane para sa inyo – pero binubuksan na po natin iyan sa ating mga manggagawa.

So mayroon pong partial compliance at siguro po, kung tatagal pa ay hindi po malayo na talagang io-open na natin iyan for all ‘no, pero hindi pa po sa ngayon dahil mayroon pa tayong obligasyon po, lalo na doon sa mga donated na mga bakuna natin, na ipa-prioritize pa rin natin ang A1, A2 at A3. Ang A1 po ay halos tapos na tayo, 90% na po tayo diyan. So success po tayo sa ating mga health frontliners. So ang medyo talaga pong mababang nagpapabakuna ay ang mga seniors. Naku, lolo/lola, kayo po ang pinakadelikado dito sa Delta variant, sana po ay magpabakuna na po kayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong pahabol lang po niyang tanong: Does the Palace see the need to change its vaccine choices and plans given the threat posed by the Delta variant as suggested by some parties such as Dr. Leachon?

SEC. ROQUE: Naku, kahapon po, nagprisenta po ang ating FDA, si Dr. Domingo, at pinakita po niya sa pormal na pag-aaral na ginawa ng FDA na lahat po ng bakunang ginagamit natin ay epektibo laban sa seryosong pagkakasakit or pagkamatay dahil po sa COVID-19. Iyan naman po ay resulta ng pag-aaral; huwag po tayong makinig sa kahit kanino lamang, siguraduhin naman po natin na may pag-aaral at tunay na eksperto.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat. Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just to clarify doon sa order on unvaccinated people not being allowed to go outside. So barangay captains and police don’t implement this yet, don’t enforce this yet?

SEC. ROQUE: Not yet. I think ang iniisip ni Presidente is how to keep the economy going kung talagang kinakailangan na tayong mag-lockdown. In which, it will not be a complete lockdown; baka naman pupuwedeng payagang magtrabaho iyong mga bakunado.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So you’re saying, Sir, hindi pa siya i-enforce ngayon, pero is it—

SEC. ROQUE: Let’s just say that as we are able to vaccinate more and more of our people, we’re headed towards that direction.

PIA RAÑADA/RAPPLER: [OFF MIC] …possible for it to be enforced in geographic area?

SEC. ROQUE: Well, I think it is, kasi iyan naman ang ating istratehiya ‘no – to achieve population protection at least in Metro Manila and the Plus 8 areas kasi tayo naman talaga kumbaga iyong kuta ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And then, Sir, doon sa hard-lockdown, iyong possibility of that. Kasi, Sir, some groups like business groups and iyon nga, iyong mga Metro Manila mayors are saying, this is more of a preemptive measure. So while they agree that hindi pa critical capacity iyong healthcare capacity natin, they are saying we should do a lockdown now before we see a rise because nga nandito na iyong Delta variant.

So is the Task Force considering this as a preemptive option? And given that, will we see a decision going to that direction this week?

SEC. ROQUE: I think, your question does not have the correct context ‘no. Even the Metro Manila mayors made iyong kanilang rekomendasyon for ECQ contingent on ayuda. Walang nagsasabi na let’s just declare ayuda just to preempt. Mayroong mga kondisyones po iyan. Dahil kung magugutom naman iyong mga tao, mamamatay sa gutom dahil three weeks or two weeks na lockdown iyan eh hindi naman po dapat payagan iyon.

Wala pong nagsasabi na go ahead, just lockdown. Mayroon pong mga contingencies po iyan. And the mayors made it very clear, kinakailangan magbigay ng ayuda.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Oo nga, Sir. Because, take the business groups, they are saying, unlike before, they are willing to go into a hard-lockdown, yes, if there are conditions. But they are saying nga na compared to before, mas willing na sila for a hard-lockdown. So does this mean that the pandemic task force will consider that suggestion as a preemptive measure or talagang it’s off the table, a hard-lockdown in Metro Manila?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, I don’t think there is consensus amongst business leaders, kasi may narinig din akong ini-interview na head po siya ng isang business group, at tutol po siya. Ang sinasabi nga niya eh masyado namang alarmist itong sinasabi ng isang mga nagsasabi na sila ay eksperto ‘no. At kaya nga it was important for me to even ask Dr. De Guzman kung gaano kalaki at ilang utak ang nagsasama-sama para magbigay ng rekomendasyon sa IATF dito sa ating DOH alone, bukod pa doon sa ating mga consultants sa labas ‘no para naman ma-assure ang ating publiko na bagama’t we cannot absolutely predict the future, lahat po ng hakbang na ginagawa ng IATF is based on science, the most reasonable and the most scientific decision that we can take.

So iyon lang po iyan. Hindi po tayo sigurado na, number one, if there’s really a true consensus; mayroon po akong narinig disagreeing with the report of the group claiming to be experts. At saka pangalawa po, hindi ko po alam kung narinig na itong presentasyon ni Dr. De Guzman. Dahil kung napakinggan ninyo po ngayon ang discussion ni Dra. Alethea de Guzman, siguro naman po ay magiging mas malinaw ang usapin.

Having said that, yes, this is in the agenda of the IATF this afternoon. If there will be a decision to declare ECQ pursuant to the request of the mayors, it will be contingent on iyong ayuda na pupuwedeng ibigay. So, iyon po ang ating sitwasyon.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. May last question, Sec., is for Dr. Gloriani. Doktora, there’s a study po that has been published but not [unclear] by Chinese researchers showing that antibodies from Sinovac fade after six months. Are government vaccines experts making a decision about this on whether or not for example to recommend the government buy booster shots especially since some people who took Sinovac back in March magsi-six months na iyong kanilang shots in the next two months. So, mayroon po bang desisyon doon?

DR. DE GLORIANI:Actually, we’re studying it very closely. Galing ako sa ‘Kapehan’ kanina and we explained na ang correlate of protection against COVID ay hindi nakabase lang sa neutralizing antibodies ‘no. So, mayroon ding mga memory cells, may T cells, and so on, so, right now, we do not know which ones.

But you’re right, talagang bumaba at hindi lang naman Sinovac ang bumaba ang ganiyang antibody [garbled] iyong mga ibang bakuna ganoon din although mayroon tayong data for instance sa AstraZeneca, saka sa Janssen, mayroon silang data na 12 months after ng mga unang nabakunahan maganda para ang kanilang mga antibodies, ganoon din iyong Janssen, eight months. Iyong mga iba nasa six months lang pero mayroon sila kasing ginagawang mga third dose studies.

Ibig sabihin, binigyan nila ng third dose, the same vaccine ano, kunyari Sinovac, binigyan nila iyong nabakunahan one month after the second dose at iyong isa ay six months after the second dose. Nakita nila tumaas naman talaga iyong antibody pagbigay ng third dose kasi we expect that, may boosting effect dahil may memory cells ‘no.

Pero anong sinasabi doon? Hindi tayo kailangan magmadali. Kapag ibinigay mo ng one month after the second dose, mas mababa iyong title ng antibodies versus doon sa six months. So, ayaw mong—yes, totoo iyon, palagi kong ini-explain iyon. Papanhik talaga agad kapag ibinigay mo ang third dose pero bababa din agad iyan; iyon ang dynamics ng immune system natin.

So, we’re not in a hurry but of course iyong aming mga members sa VEP will be monitoring all of these and actually we want to come up with some recommendation soon siguro by next week, at least for some of our health care workers and iyong mga immuno compromised. So, may uunahin po tayo diyan pero hindi lang po Sinovac ang may problema diyan.

SEC. ROQUE: Dadagdagan ko lang, Pia, government is one step ahead. As declared by Secretary Dominguez, we have included in the proposed 2022 Budget a provision for a third dose for all Filipinos.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Thank you.

SEC. ROQUE: Thank you very much. Yes, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Secretary, iyong first and second question ni Rosalie Coz ng UNTV ay nasagot na, natanong na ni Pia about MMC recommendation sa NCR na ECQ. Ang third question niya: Ano ang tugon ng Malacañang sa panawagang additional four million doses ng vaccine for NCR?

SEC. ROQUE: Well, narinig po iyan ni Secretary Galvez. I think what he can guarantee for now is around two million or so ‘no kasi kinakailangan po na magkaroon din equitable distribution ng mga bakuna.

Pero I think, two million is not bad considering four million po ang hinihingi nila at marami naman pong darating pang dosage. So, alam po natin iyong importansiya na magkaroon na ng population protection sa lalong mabilis na panahon sa Metro Manila + areas.

USEC. IGNACIO: From Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror, question po niya kay Dr. Alethea De Duzman. Ang tanong niya: DOH Epidemiology Bureau believes that there could be more areas that are affected by the Delta variant hence the need to undertake quick case detection and isolation while subjecting samples to thorough genome sequencing to see if a variant is indeed infecting the areas. Mayroon ba daw capability ang DOH na magsagawa ng quick case detection nationwide?

DR. DE GUZMAN:Gusto ko pong iklaro na ang paggawa ng disease surveillance ay hindi nakadepende lamang sa DOH. Nagsisimula ito sa ating mga local government units kaya mayroon tayong tinatawag na local epidemiology and surveillance units. Kaya ito ang panawagan nga po ng DOH na maglaan ng sapat na tao, ng mga disease surveillance officers para po mabilisan nating magawa ang ating cases detection.

Ngayon po, tayo ay umaabot ng anim na araw bago natin makita ang isang kaso at sila ay ma-isolate ‘no. Pero ang DOH ay tumutulong po, tayo ay nagdi-deploy ngayon ng dagdag na mga disease surveillance officers para nga po ma-intensify ang ating active case find.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod niyang tanong para po kay Dr. Nina Gloriani pero nasagot na po ni Dr. Gloriani about iyong booster shot. Susunod na tanong from Sam Medenilla of Business Mirror: Nakapag-release na kaya ang national government for the financial assistance of people in areas currently under ECQ and MECQ? If yes, magkano ito and for what areas daw po?

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan sa aking presentation.

USEC. IGNACIO: May na-allocate na kaya na funds ang DBM para sa possible hard lockdown sa NCR and other areas? Nakaapekto kaya ito sa decision ng IATF not to recommend a hard lockdown sa NCR?

SEC. ROQUE: Wala pa po akong alam tungkol dito kaya nga po mahirap na magdesisyon kaagad at ang mga mayors, alam din nila hindi pupuwedeng mag-lockdown kung walang ayudas.

USEC. IGNACIO: Iyong third question po niya ay nasagot ninyo na rin about Pilipinas Shell, ang follow-up niya: for what purpose din kaya i-allocate ng government ang nasabing funds?

SEC. ROQUE: Siguradong-sigurado po pupunta po talaga iyan primarily sa COVID response po natin.

USEC. IGNACIO: From Maricel Halili of TV5: OCTA said GCQ in NCR may not be enough due to surge, it should be a harder lockdown. Will the IATF consider this?

SEC. ROQUE: Iyan po ay ang naging posisyon din ng Metro Manila Mayors, hindi ko lang po alam to what extent the mayors relied on the OCTA Research. Pero sabi nga po ni Dra. Alethea ano, we are making recommendations in IATF pursuant to established criteria ‘no, kasama po diyan iyong pag-atake ng virus at saka iyong ating critical care capacity.

Alam po natin mas nakakahawa ang Delta variant, so unless hindi po talaga tayo mag-ingat, mas paigtingin pa natin ang MASK, HUGAS, IWAS at iyong ating PDITR eh talagang lulobo po ang numero.

Pero habang ang ating mga numero ay wala pa po sa moderate risk, ang paninindigan po ng nakararami sa IATF, hayaan muna nating maghanapbuhay ang ating mga kababayan lalung-lalo na dahil hindi tayo sigurado kung mayroon tayong ayuda pang maipamimigay.

USEC. IGNACIO: Ang second question niya: For areas under ECQ, what will happen to the vaccination considering na bawal ang gathering of more than ten people at paano daw po ang proseso?

SEC. ROQUE: Kahit ano pong mangyari, tuloy ang pagbabakuna! Dahil alam natin ito ang pinakamalakas na sandata laban sa ating kalaban. Kung anong detalye, hintayin na lang po natin pero sigurado po ako kinakailangan mask, hugas, iwas at distansiya sa mga bakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question niya para po ito iyong kay Hidilyn Diaz and President Duterte: What does the President mean by bygones be bygones? Ano ang tinutukoy niya? Was he referring to the matrix?

SEC. ROQUE: Hindi ko po nasisigurado pero kung mayroon mang hinanakit si Hidilyn for whatever reason, ang sinabi nga ni Presidente, let bygones be bygones.

USEC. IGNACIO: Question from Kris Jose of Remate/Remate Online: Hihilingin ng Senado sa Bureau of Internal Revenue na i-exempt daw po sa buwis o gawing tax-free ang matatanggap na premyo ni Olympic Gold medalist Hidilyn Diaz. Sa tingin ninyo, mapagbibigyan ng BIR na gawing tax-free ang premyo ni Hidilyn lalo na ngayon na kailangan ng gobyerno ang pondo para patuloy na tugunan ang COVID-19?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, walang Pilipino na gustong buwisan ang mga pabuya na matatanggap ni Hidilyn pero alam ko rin po bilang abogado para magkaroon ng tax exemption, kinakailangan po ng batas. So, baka kinakailangan ng mga senador at mga kongresista ang gumawa ng ganiyang batas.

USEC. IGNACIO: Question from Alvin Baltazar or Radyo Pilipinas: Sino po ang napili ni Pangulong Duterte na next AFP chief-of-staff? General Sobejana is set to retire this July 31.

SEC. ROQUE: Alam ninyo naman po ang polisiya natin dito sa Office of the Presidential Spokesperson, hanggang walang papel we cannot confirm.

USEC. IGNACIO: From Maricel Halili ng TV 5: Fifty-one police officers deployed during SONA tested positive of COVID?  Who should be held liable? What is the directive of the President?

SEC. ROQUE: Unang-una i-isolate po lahat iyan at mag-contact tracing. As to liability, hindi po ako sigurado, kasi kaya nga po tinest (test) sila para malaman. Pero iyon nga po, dapat hindi po siguro lumabas habang naghihintay ng resulta ng kanilang PCR test, kasi kita nga ninyo iyan, biglang nagpositibo pala sila ‘no. So, I’m sure there will be some investigation made, dahil nga po ang isyu, it’s SOP, kapag ikaw ay nagpa-test, huwag munang lalabas hanggang walang resulta.

USEC. IGNACIO: From Greg Cajiles of CNN Philippines for Dr. Gloriani: Regarding po sa 82 policemen who tested positive for COVID-19 in Quezon City Police District Station 3, QCPD claims majority of them were already fully vaccinated and asymptomatic. What does that say in the efficacy of the vaccines?

DR. GLORIANI: Lahat po ng sinasabi ko, may mga breakthrough infections nangyayari doon sa hindi masyadong mataas ang kanilang antibody response, tapos may mga exposure sila. Marami pong asymptomatic na infection ngayon, so hindi natin alam, tapos nagkahalo-halo sila, nagsasama-sama sila. Maaaring doon nila nakuha, pero iyon nga kung maraming bakunado, iyong pag-iingat kasi nandoon pa rin and hopefully itong mga ito, either asymptomatic or magiging mild lang, hindi sila magsi-severe naman kahit sila mag-positive. So, imo-monitor po sila. Breakthrough iyan sa kanila.

USEC. IGNACIO: From Tristan Nodalo ng CNN Philippines for Secretary Roque: May update na po ba ang travel ban sa sampung countries? Will it be extended or most likely extended?

SEC. ROQUE: Nasa agenda po iyan mamayang hapon.

USEC. IGNACIO: From Celerina Monte ng Manila Shimbun: Some Filipinos, not necessarily OFWs, who are vaccinated with Asian manufactured vaccines such as Sinovac reportedly are not allowed to enter in some European countries.  How do you view this? Is the government considering to purchase more western vaccines in the future? If so, does that mean the government will stop procuring vaccines from Asia particularly Sinovac?

SEC. ROQUE: Gusto po nating bumili ng western, kaya nga hindi tayo makabili, iyon po ang problema natin.  Hindi po isyu ang kagustuhan; ang isyu, nasaan ang supply. Habang wala pong supply ng western, ibibigay po natin ang naririyang bakuna dahil hindi naman po iyan maaprubahan para gamitin ng ating FDA at ng World Health Organization kung hindi po iyan ligtas at epektibo.

USEC. IGNACIO: From Ace Romero ng Philippine Star: Magkano daw po ang total na ire-release na aid for ECQ areas?

SEC. ROQUE:  Well, it’s for one million, estimated one million beneficiaries at 1,ooo each. So that’s magkano iyon, P1,ooo time 1 million, ilang zero iyong idadagdag. Pasensiya na kayo ha, kaya ako nag-abogado eh. So, it will P1 billion. Kayo talaga magdadagdag lang tayo ng zero eh, hindi pa tayo nagkakasundo – P1 billion! Pero ganiyan po kalaki talaga iyong ayudang kakailanganin natin, this is only for 1 million in one province and three cities under ECQ.

USEC. IGNACIO: From Kylie Atienza ng Business World: Update daw po sa meeting ni President Duterte with US Defense Secretary Austin? Will VFA be discussed during the meeting?

SEC. ROQUE:  Hindi ko po alam. But I think Malacañang has already confirmed that the meeting will take place – today is Thursday ‘no – today.

USEC. IGNACIO: Okay, thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Since wala na po tayong mga katanungan, nagpapasalamat po muna tayo sa ating mga naging panauhin, Ma’am Alethea De Guzman at si Dra. Nina Gloriani. Maraming salamat, Usec. Rocky.

At siguro po, sa ngalan ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque ang nagsasabi:  Pilipinas, malaking karangalan po para sa kahit sinong Pilipino na matanggap para magtrabaho sa gobyerno. Hindi po madaling magtrabaho sa gobyerno; kinakailangan may napatunayan nang kakayahan. Kinakailangan manumpa na gagawin nila ang katungkulan sang-ayon sa batas at sa Saligang Batas. Sa panahon po ng pandemya na talaga namang pupuwedeng kahit sino ang magsasabi na alam nila ang tunay na anyo ng COVID-19, hinihingi lang po natin, kaunting tiwala.  Wala naman pong rekomendasyon na gagawin na alam nila ay makakasama sa atin. Kaunting tiwala lang po, kapit-bisig. We will rise from this pandemic as one.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)