Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Biyernes makabuluhang diskusyon kaugnay sa mga mainit na usapin ngayon sa bansa ang ating pagsasaluhan, kasama pa rin ang ilang kawani ng pamahalaan; ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga sa ito, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Tunghayan din natin ang mga balitang nakalap ng PTV correspondents at ng Radyo Pilipinas mula sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Bayan’ ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH. Sa ating unang balita. Inanunsiyo ng IATF ang mga pagbabago sa quarantine classifications sa ilang lugar sa bansa. Ang NCR ay isasailalim na sa GCQ with heightened restrictions simula ngayong July 30 hanggang August 5:

  • Ipagbabawal na po ang indoor at al fresco dining sa panahong ito, ngunit papayagan pa ang operasyon ng mga restaurant ngayong araw.
  • Balik virtual lang din po muna ang mga religious gatherings hanggang Huwebes ng susunod na linggo.
  • Papayagan naman ang 30% capacity sa mga personal care services at outdoor tourist attractions.
  • Pagtuntong naman ng August 6 hanggang August 20, malalagay na sa Enhanced Community Quarantine ang buong rehiyon, ito ay para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa komunidad.

USEC. IGNACIO: Samantala, pinuri naman ni Senator Bong Go ang mga nasimulang hakbangin ng pamahalaan na layong mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga kapus-palad nating mga kababayan. Maging ang pagiging abot-kamay na edukasyon para sa lahat. Narito ang report:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Matapos ang matagal na paghihintay sa inaasam na Olympic medal, sa wakas nakuha na po natin ang kauna-unahang gold medal sa 2020 Tokyo Olympics, dahil sa tagumpay ni Hidilyn Diaz. Pati ang sitwasyon ng mga atletang Pinoy sa 2020 Tokyo Olympics, makakausap po natin ngayon si Commissioner Ramon Fernandez ng Philippine Sports Commission. Magandang umaga sa inyo, Tito Mon.

SEC. ANDANAR: Okay naman Tito Mon. Tama po ba ito, bukod sa P10 million na nakasaad sa batas ay magdadagdag po ang PSC ng another P5 million bilang incentive para sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz?

COMM. FERNANDEZ: Yes, Secretary Martin. In our board meeting yesterday, we decided na dagdagan namin ng P5 million. It’s in the incentive act, the amount depende na sa board ng PSC. So, we feel that P5 million should be enough extra incentive for Hidilyn; and aside from the medal of valor that we will be presenting to her also.

SEC. ANDANAR: Sa mga naiwan pa sa Tokyo para mag-compete, ano ang epekto ng pagkapanalo ni Hidilyn sa kanila at kumusta po sila ngayon?

COMM. FERNANDEZ: The Chairman is there right now, talking to them, visiting them. Maganda, na-i-inspire lalo sila, Martin, to perform at the highest level. Medyo na-motivate sila na kaya ng Pilipino. So, as I fearlessly forecasted before the Olympics na nagmu-multi medal tayo ngayon. And nangyayari na. So, nangyari na because assured na iyong dalawang boxer natin ng bronze, but we will continue, I still believe that they will move on to play and win some more games to play for the gold medals. And not counting our golfers and EJ Obiena and Caloy Yulo., they are still in the hunt for medals in Tokyo.

SEC. ANDANAR: Commissioner Mon, malaking bagay po itong first Olympic gold medal para sa ating sports industry lalo na sa mga atletang Pinoy.

COMM. FERNANDEZ: Ito only proves on thing, Martin, that we can really be at par with the best in the world. This was proven by several of our athletes, from 2018, 2019 when they won in the world championships in the different sports world championship, the world federations ‘no, napakita nila na mananalo tayo.

So, it’s really just a matter, I believe, in choosing our focused sports within pushing that we really concentrate on sports whom we have a chance and these are the individual weight categories like boxing, weightlifting and the other individual weight categories sports.

SEC. ANDANAR: Kumpara noong mga nakaraang Olympics, ano po iyong ang mga na-observe ninyo pagdating sa performance ngayon ng mga Pinoy athletes lalo pa ay nakakaranas tayo ng pandemya?

COMM. FERNANDEZ: In the last Olympics, in Rio, we sent 13 athletes, Sec. Martin; ngayon, 19 ang napadala natin. We could have sent a few more, but na-cancel iyong mga qualifying tournaments ng ibang sports ‘no. So hindi na nadagdagan. That only proves to show na nag-level up talaga, Sec. Martin, iyong mga atleta natin ever since the 2016 Rio Olympics.

And it’s not a secret formula, Martin, all we did was to really send all these athletes abroad to compete starting in 2017, 2018 and 2019 ‘no.

As the saying goes, Martin, that athletes are only as good as their competition. So, kapag isinabak natin sila iyan at the highest level of competitions; siguradong magi-improved iyang mga iyan. And that is what we did. In spite of the meager funding that the PSC got, PSC has, pinagkasya na namin. Hindi kami nag-atubili, hindi kami nagdalawang-isip to send all athletes abroad to compete in the top tournaments all over the world. It was shown, we were proven right, the PSC. The government was proven right in supporting these athletes in the 2019 SEA Games.

Comparing it to the 2017 SEA Games where we were in 7th place if I remember right, nag-overall champion tayo. And iyon lang ang ginawa natin, Martin, ang PSC send them all over the world to compete in the top highest level of competition in spite of the lack of budget. Kulang talaga, we have to accept that ‘no.

SEC. ANDANAR: Mayroon po kayong in-adopt na strategy sa PSC para tiyakin na may mauuwing karangalan ang mga atleta natin. Ang tawag po ng PSC dito ay ‘trial model’. Ano po ba itong trial system na tinatawag?

PSC COMM. FERNANDEZ: Right after Hidilyn Diaz won in the Asian Games, her first gold medal in the Asian Games, naisip namin nila Chairman, sinuggest (suggest) ni Chairman na gagawa kami ng team para sa mga atleta na mag-qualify sa Olympics. At we knew for a fact that Hidilyn will be one of them that will qualify even if she still had to play in the last qualifying tournament but alam namin na magku-qualify siya ‘no.

Ang pagpapanalo sa ganitong level na tournament, Martin, hindi na natin puwedeng pasuwerte-suwerte na lang or sa galing ng atleta ‘no. The sports scientist has to come in, so nandiyan iyong sports psychologist, nutritionist, physiologist, top level coaches, strength and conditioning coaches, masseur so kumpleto lahat ng mga qualifiers natin lalo na iyong mga nauna ay may mga teams sila of psychologist, nutritionist, strength and conditioning, physiologist, masseur and the coach and assistant coaches ‘no.

So nagbunga, Martin, ‘no. As I said, hindi na puwedeng ipaubaya natin sa luck, sa suwerte, sa buenas ang pagpapanalo lalo na sa larangan sa Olympics ‘no.

SEC. ANDANAR: [Garbled] kinakapos pa rin ang suporta sa mga atleta [garbled] potensiyal ng atleta [garbled]. Paano po natin mapapalakas pa ang ating sports industry, Commissioner Mon?

PSC COMM. FERNANDEZ: Well, Martin, it’s really about grassroots program, iyon ang kulang natin talaga. Since the inception of the PSC, wala talagang sustainable grassroots program, patigil-tigil. Ang mayroon lang ang PSC ay iyong Batang Pinoy which is once a year – Hidilyn is a product of the Batang Pinoy ‘no – nandiyan iyong Philippines National Games which we hold every 2 years ‘no. So we really need to have a sustainable, regular [grassroot sports program].

In fact ang ginawa ng PSC dito sa Visayas, Secretary Martin, noong 2018 ay nag-umpisa kami dito sa Visayas ng PSC Visayas Games. Mayroon kaming ginawang quarterly tournament in the whole of the Visayas ‘no. Ang mga bata 15 years old and below kailangan masabak sila diyan sa quarterly tournament for them to improve. As I said, competition gets them to improve in their abilities ‘no, in their athletic skills. So iyon talaga ang kailangan natin.

So it boils down to budget, Secretary Martin, because noong 2018 pumasok iyong Asian Games; 2019 nagprepara naman tayo ng hosting so hindi namin nasundan iyong PSC Visayas Games. Namili kami ng labinlimang sports – individual, Olympic weight category sports – at iyon ang pinaglaro namin sa mga bata. We were supposed to follow that up with the Mindanao Games and Luzon Games and a National Games but then again as I said kapos tayo sa budget, nag-prepare tayo sa SEA Games so that has to be shelved.

So iyon lang ang key I think, Secretary Martin, ‘no. Fund these programs on a regional basis ‘no, make them compete on a quarterly basis and we will definitely identify these talents because the PSC right now, we have program called ‘Smart ID’ – mga bata pa lang, 10, 11, 12 year olds pa lang nami-measure na iyong strength nila, iyong leaping strength nila, iyong stretchability nila, iyong height nila at puwede nang ma-suggest ng team of doctors natin, team of sports scientist natin kung anong mga sports dapat sila mapunta ‘no.

So if all these can be put in place, I think we are going in the right direction. Iyong first gold lang talaga ang mahirap and I believe mas marami pang maengganyo ngayon. Ang daming talents, Martin, in the provinces, in our towns ‘no, that’s why we are closely working with DepEd and the different LGU, encouraging them to come up, to put up their own sports programs.

USEC. IGNACIO: Comm. Fernandez, Usec. Rocky Ignacio here. Bigyan-daan ko lang po iyong tanong ng mga kasamahan natin sa media. Mula po kay Vic Tahod ng DZAR 1026 Sonshine Radio: Any update po daw sa mga magkakaroon pa ng chance ng medalya sa mga present delegation po natin sa Tokyo Olympics?

PSC COMM. FERNANDEZ: Yes. Pasok na sa quarter finals ang dalawang boxers natin – si Nesthy Petecio ng Davao and si Eumir Marcial of Zamboanga City, si EJ Obiena papunta na rin sa finals and the same with Caloy Yulo ‘no. Ang ating mga ‘golfers’ ay naglalaro pa sa ngayon as we speak – si Jovic Pagunsan and the same with Yuka Saso and Bianca Pagdanganan. So let’s all pray for them that they will be able to win some medals in their sports.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Vic Tahod: After po ng positive outcome sa 2020 Tokyo Olympics, nakikita na po ba natin iyong mas matagumpay at mas maraming delegado at medalya sa 2024 Paris Olympics?

PSC COMM. FERNANDEZ: Yes, I’m very confident and optimistic on that ‘no. On the line, mayroon nang kasunod si Hidilyn Diaz, si Elreen Ando, napakaganda ng performance niya, rookie. She’s I think – what? 19, 21 years old ‘no, bilib na bilib iyong International Weightlifting Federation sa kaniya. So nakasalang na iyan so tututukan na natin iyan with all the support kapag nandito na siya, nandiyan na sa quarantine sa Manila. And in several other sports – nandiyan si Yulo – si Yulo lang and si Ando, I think they will be qualified in the next 3 Olympics. Kayang-kaya nilang mag-qualify in the next 3 Olympics pa. So kailangan lang talaga ng suporta.

Thank God that I heard Spox Harry Roque a few days ago na parang iniengganyo, ini-encourage niya iyong mga kasamahan natin sa Congress na dagdagan pa ang budget ng PSC lalo na sa grassroots sports program because we have to find new talents all over the country. All over the country ang dami nating talents that was been proven, it’s just iyong continuity ng programa para sa improvement nila. We have to send them to the top laws na competition in the world, to the top level competitions in the world. If you want well to really improve in their craft.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong oras, PSC Commissioner Tito Mon Fernandez, mabuhay po kayo.

PSC COMM. FERNANDEZ: Maraming salamat Martin, as I’ve kept on saying Tito Mart, the athletes never hand so good Martin, I’m telling you. They never hover has it so good, this is the first time nakatikim sila ng ganitong suporta sa gobyerno. Maraming salamat sa pagkakataon Martin.

SEC. ANDANAR: Tito Mon, diyan sa Sugbo. Samantala, ako’y magpapa-alam muna ngayong araw na ito dito sa ating programa, magsama-sama po uli tayo next week mga kababayan. Undersecretary Rocky Ignacio, please go ahead ma’am.

USEC. IGNACIO: Thank you Secretary Martin. Sa SONA po ng Pangulo, isa sa nabigyan ng focus ay ang istratehiya ng pamahalaan para mawakasan na ang komunismo sa bansa. Ipinagmalaki niya ang pagkakabuo ng National Task Force to end Local Communist Armed Conflict or NTF-ELCAC dahil nagkaroon ng sustainable approach para puntiryahin ang totoong problema ng hidwaan – ang bigyang kaunlaran ang mga kanayunan.

At para po ipaliwanag pa ang naging tagumpay ng gobyerno kontra komunismo at terorismo, muli po nating makakasama sa programa si National Security Adviser, Secretary Hermogenes Esperon Jr, welcome back Secretary!

NSA SEC. ESPERON JR: Yes, good morning USec. Rocky. How are you? how is also Sec. Martin?

USEC. IGNACIO: Okay naman po, katatapos lang po, busy po si Secretary Martin, sa bahagi ng Mindanao.

Secretary, kumpara po noong nakaraang administrasyon, paano po naiba ang naging strategy ni Pangulong Duterte, pagdating sa pagsugpo sa terorismo?

NSA SEC. ESPERON JR: Well, as before a former Army officer who has been assigned to Mindanao several time, sampung beses ako na-assign sa Mindanao. Different positions, twice as Brigade Commander, of course I became Army Commander and the Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines; ang nakita ko kasi, iyong ating pag-address sa insurgency ay naging military centric or parang ipinabahala na sa ating Armed Forces, sa ating Philippine National Police at mga lawyers na involved.

So, it was not really of a whole of government approach neither was it full of government—whole of nation approach. Iyan ang pinagkaiba ng National Task Force ELCAC ngayon na involve na lahat ng government agencies. Sa katunayan dito sa istraktura ng National Task Force ELCAC, ang namumuno mismo diyan walang iba kung hindi ang ating Pangulo. Noong ating binuo ang National Task Force ay nagsabi siya, ako na mismo ang mag-Task Force Commander at tayo naman ay naatasan bilang Vice Chairman.

So, iyong ang mga pinagkaiba, it’s no longer military centric, hindi na lang military at PNP ang involved dito to address the insurgency. At least the whole of nation with the Presidente himself, no less as be chairman of this national task force.

Ang ating mga nakaraang Pangulo naman ang talagang may participation ng, mataas ang participation pero this one eh kay Pangulong Duterte, ay talagang more direct ang participation.

USEC. IGNACIO: Secretary, nabanggit rin po ni Pangulong Duterte, na nasa 17,000 surrenderee ito pong nagbalik loob sa gobyerno. So, ano po sa tingin ninyo ang dahilan sa likod ng malaking bilang na ito?

NSA SEC. ESPERON JR: Sa totoo lang, under stated pa nga iyong sinabi niyang figure, ang totoong updated figure niyan ay 18,344. But I just want to clarify na itong 18,000 plus na ito ay binubuo ng, mayroong regular NPA which is 3,844 at ang iba ay militia members, ang iba naman ay mga party members na nagpapatakbo ng mga tinatawag nating underground mass organizations.

Kasama rin sa 18,000 na iyan ay iyong mga direktang mass base dito sa tinatawag nating guerilla bases, iyong sentro de gravedad na kung saan ay dati-rati mahirap talagang pasukin iyan dahil pati iyong mga tao doon ang simpatiya nandoon sa mga NPA. Kaya, ngayon hindi na nangyayari ito kasi nakumbinsi na natin ang karamihan dito sa mga taga sentro de gravedad o iyong kanilang influenced na barangay ay nakukuha na natin.

Many of these were cleared in 2016 to 2019, itong mga ating mga barangays na ito. Parang ginawa namin Rocky, is kung sa isang bayan ay mayroon tatlong influenced barangays, dati-rati ay hindi nating dinidiretsong inu-operate-an; ngayon diniretso natin, key hole approach diyan sa 822 Barangays na iyan all over the country at ang naging unang emphasis natin ay diyan sa Mindanao dahil lumakas ang NPA diyan sa Mindanao dahil nakapag-recruit sila ng mga indigenous peoples, Iyong mga Netibo kung kaya’t ang NPA sa Mindanao ay umaabot na sa 75% mga indigenous people, dahil nagkaroon diyan ng mga eskuwelahan na itinatag ng kanilang front organization at doon nila tini-training iyong mga bata pa lang, from 10 years old to 15 years old and above diyan nanggagaling iyong kanilang mga recruit.

USEC. IGNACIO: Secretary, isa rin po sa nabanggit ng Pangulo, sa kanyang katatapos na SONA, iyong pong programa para sa kaligtasan naman ng mga Barangay mula sa mga rebeldeng grupo. Mayroon na kayong binanggit kanina tungkol sa Barangay, ito po iyong goal ng Barangay Development Program na pinupondohan ngayon ng pamahalaan.

NSA SEC. ESPERON JR: Yes, ang ginawa natin diyan kung ano iyong sentro ng kanilang operations, iyong nga sinasabi ko “key hole approach”, pagkatapos ng ating military, pagkatapos papasok na iyong retooled community support program na kinabibilangan na iyan ng hindi lang military kundi pati na ang kapulisan at saka local government units at ang mga mamamayan.

Inaalis natin, tinatanggal natin, iyong mga radical elements, iyong mga tao iyon na naging miyembro na ng partido, sangay ng partido at iyong kanilang mass base. Na-deradicalize natin sila para iyong simpatiya nila ay mapunta na sa atin. Diyan natin ilalagay ngayon iyong Barangay Development Program. May projects diyan at iyan ay inaprubahan ng Pangulo, kakaiba itong projects na ito dahil hindi naman natin ginagawa dati, ang mga projects ay napaparating sa mga hindi apektado ng insurgency.

Ngayon key hole approach, talagang kung ano iyong Apektado at natanggal iyong CPP-NPA doon natin ilalagay iyong farm to market road, iyong eskuwelahan, iyong health stations, iyong water at sanitation. Sa projects, livelihood projects, mayroon pa rural electrification, depende sa pangangailangan ng barangay, basta ang ceiling natin ay 20 million per barangay.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, itinuring na nga pong mga terorista ang CPP-NPA at iba pang extremist groups sa ilalim po ng Anti-Terrorism Act. So, ano po iyong naging proseso para makategorya sila bilang mga terorista at ano po iyong mga legal na hakbang na inyong ginawa laban sa kanila?

NSA SEC. ESPERON JR: Unang-una, babalikan ko po muna iyong Barangay, mayroong tinatawag diyan na influenced Barangay, iyong kanilang naging sentro at nandiyan iyong mga miyembro ng partido. Mayroon naman diyan na tinatawag na less influence, nagsisimula pa lang na magkaroon ng NPA government doon sa barangay. Mayroon naman iyong treated na talagang wala pa namang nabubuo at sa mga kategoryang iyan ay makikita natin kung sino ang ika-classify natin na terorista at bakit terorista? Inuuna natin iyong mga regular forces nila dahil sila ang nanakot sa mga tao upang ito ay bumigay at sumama sa kanila at mabuti na lang itong taon na ito, noong isang taon ay nailabas na ang tinatawag nating Anti-Terrorism Act.

At mabuti na lang itong taon na ito, noong isang taon ay nailabas na ang tinatawag nating Anti-Terrorism Act which was signed in July 2020. Ito ngayon ang nagsasabi na mayroong mga gawain na nagsasabing magiging terorista ka kung ang pakay mo, kung ang motibo mo ay upang takutin ang gobyerno, takutin ang tao, manira ng mga public properties or public services upang maipakita mo na ikaw ang naghahari doon sa lugar na iyon. In other words, you create fear by using violence. Diyan ngayon ang application ng ating tinatawag na Anti-Terrorism Act.

Ang sinasakop nito ngayon ay mga organisasyon na tulad ng Communist Party of the Philippines, News People’s Army at saka National Democratic Front na maraming underground organizations na listed din naman sa Unites States, sa European Union, sa United Kingdom, New Zealand, sa Canada bilang terrorists organization at kasabay nila iyong mga terrorists organizations na affiliated dito sa Daesh or sa ISIS, iyong Middle East affiliation na kasabay nila na terorista.

So, mayroon tayong mas magandang law ngayon na magdi-define kung paano natin sila ide-designate. I am also a member of the Anti-Terrorism Council, ako ang vice chairman diyan. Kaya nagkaroon na kami ng resolution against Abu Sayyaf, against Maute and several of their top personalities. Mayroon na rin tayong resolution for the designation as terrorist ng CPP-NPA at saka NDF at saka iyong kanilang miyembro ng central committee.

So, ganoon ang patakbo natin ngayon. We have legal means to address them. But indeed we have operations on the ground to go after them.

USEC. IGNACIO: Secretary, sa usapin naman daw po ng West Philippine Sea. Ano pong hakbang ang ginagawa ng pamahalaan para naman matiyak ang kaligtasan ng ating mga mangingisda doon? Bukod din po iyan diyan, binigyang-diin nga ng Pangulo sa kaniyang SONA na patuloy pong isusulong ang naging resulta dito sa arbitral ruling sa West Philippine Sea? So, ano rin po ang hakbangin ang isinasagawa natin para maisakatuparan ito?

SEC. ESPERON: Walang pinakamagandang ginawa ng Pangulo diyan, kung hindi noong September 2020 last year ay pumunta siya upang magsalita sa United Nations General Assembly, upang sabihin ang posisyon ng Pilipinas tungkol sa West Philippine Sea at saka sa arbitral ruling. Sinabi ng Pangulo doon sa UN General Assembly, that the arbitral award is now part of international law beyond compromise and beyond the reach of passing government to dilute, diminish or abandon.

So, iyan ang talagang posisyon ng ating Pangulo tungkol sa West Philippine Sea at saka mga iba pang maritime domains natin. Sa gana naman ng National Task Force West Philippine Sea, where I served as chairman, what we are doing now is, we have an operations matrix where we are able to deploy our resources, iyong kung ano iyong mga gamit namin sa Navy, sa Air Force, sa Marines, sa Philippine Coast Guards, sa Philippine National Police, Bureau of Fisheries upang mapatrolyahan natin iyan, iyang mga lugar na iyan.

Gusto ko lang ipakita sa iyo, iyong kung mayroon diyan, iyong mapa ng Pilipinas na maipapakita natin iyong Kalayaan Island Group. Ito, iyong mapang ito, pinapakita natin diyan iyong ating Exclusive Economic Zone, which was given to us by virtue of the United Nations Convention on the Law of the Sea. Mayroon ding Kalayaan Island Group. Ito na lang ang tingnan natin. Makikita natin dito kung nasaan iyong ating mga puwesto diyan. Siyam ang puwesto natin diyan within the EEZ. At iyong Kalayaan Island Group, iyong nandoon sa labas pa. Iyong Kalayaan Island Group ay proclamation pa ng Presidente Marcos iyan noong 1978. Makita mo na siyam ang posisyon natin diyan.

Sa ngayon ay 21 ang positions ng Vietnam, nandito sila sa loob ng EEZ natin at sa KIG area. Ang China naman iyong mga bagong reclaimed nila na mga islands, iyong mga dati-rati ay lubog na isla ay ngayon tulad ng Mischief Reef makikita mo diyan sa gitna. Malapit lang iyan sa Pilipinas ay na loob ng EEZ ay natayuan na ng 580 hectares, dati-rati lubog iyan. Kaya mayroon ng 3 kilometer air strip iyan. Katulad din doon sa 3 kilometers na air strip sa Fiery Cross, doon sa pinakakaliwa at saka dito sa Subi dito sa kaliwang taas. Very fortified iyong kanilang positions diyan.

Mayroon ding position diyan, isa ang Taiwan na dati-rati ay siyang pinakamalaking isla diyan iyong Itu Aba 42 hectares. Iyong Malaysia may limang posisyon diyan at ang Brunei ay mayroon doon sa baba natin na kaunti na dalawa.

So, kung makikita mo diyan, may kaniya-kaniyang claim diyan, but we are not allowing that, we claim that, that is illegal. Well, sila din, sinasabi nila na hindi rin tayo dapat na nandiyan, eh sa katotohanan ay tayo ay nandiyan at sila ay nandiyan. Kaya mayroong dispute diyan. Ito ngayon ang kailangang i-solbar [resolbahin] natin. Ngunit ang pinakaimportante diyan iyong ating siyam na posisyon na nandiyan ngayon ay dapat alagaan natin, bigyan natin ng capability upang madepensahan nila ang sarili nila, samantalang iyong ating mga barko o eroplano ay kayang-kayang abutin ng mga ito upang magpatrolya. Kasama na doon sa itaas iyong Bajo de Masinloc, kasama ang Batanes, kasama na rin iyong ating Philippine Rise doon sa kanan ng Pilipinas.

So iyan ang itsura ng ating maritime domains. Kaya kailangan natin ng capability build up, dahil hindi naman sa paghahangad na makipaggiyera kung hindi kailangan madepensahan natin ang mga puwesto natin. At tayo din naman ay nakikipag-ugnayan sa ating matagal ng mga kasamahan o mga allies upang magtulungan sa isang sinasabi nating free and open South China Sea upang ito ay patuloy ang daloy ng kalakal. Kasi dito dumadaan sa South China Sea ang malaking almost 30% of world trade or even more. 5 trillion na worth of trade, 5 trillion worth of products ang dumadaan diyan. Kaya kailangan libre iyan, wala dapat nagko-control diyan at hindi dapat maging lugar na magulo. Dapat mayroong peace and stability dito sa West Philippine Sea at saka iba pang parte ng South China Sea.

Kaya ang ating Pangulo [ay nagsabi], ngunit tandaan natin, tandaan natin na ang South China Sea or ang West Philippine Sea ay hindi simula at katapusan ng ating relasyon sa ibang bansa. Lalo na sa China at lalo na rin sa ating mga matagal ng kaalyansa tulad ng Estados Unidos, ng Japan, ng Korea, Canada – rather Australia, Malaysia, iyong ASEAN. Tuloy pa rin ang ating relasyon diyan.

Halimbawa nakita ninyo kanina, 21 positions ang Vietnam diyan, mayroon bang paraan upang tayo ay mag-usap? Isa na diyan ang tinitingnan nating paraan ay ang Code of Conduct na ngayon ay under negotiation. Para alam natin kung paano ang dapat na correct actuation and behavior of all the claimant-countries and of other nations that have interest in the international seas. Kasi ang South China Sea is supposed to be for mankind. Hindi pag-aari iyan ng isang country lang. At dapat iyan ay daluyan ng buong mundo. Diyan din dumadaan ang mga produkto ng buong mundo. Dapat libre na nakakadaan diyan.

USEC. IGNACIO: Secretary Esperon, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong araw. National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, Jr., salamat po sa oras ninyo Secretary.

NSA SEC. ESPERON: Maraming salamat, Rocky, sa pagkakataon at muli alam mo maraming nasabi ang ating Pangulo sa kaniyang SONA at tayo ay talagang masaya at nabanggit niya iyong mga malalaking programa at iyan ay makikita lahat sa National Security Policy na pinapatupad ng National Security Strategy. At talaga namang mahaba iyong kaniyang SONA pero napakaganda para sa akin dahil nabigyan ng detalye ang mga ginagawa ng gobyerno, naintindihan ng ating mga kababayan at nasabi rin niya na bukod dito sa nangyari na at nagawa na ay marami pa tayong gagawin na nakasentro para sa welfare and well-being of the Filipino people.

In other words, iyong programa ng Presidente ay para talaga sa ikabubuti ng mga Pilipino at ng Pilipinas. Iyon ang kaniyang sinasabi sa ating SONA at talaga naman alam ko pinanood mo. Ako’y nasa Congress din, talagang ganado ako na manood at ini-record ko pa for prosperity at ako’y nag-take notes pa at ngayon ay talagang inaalagaan ko iyong mga notes ko na iyon. Napakaganda na pagpapahayag ng State of the Nation sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Well said, Secretary. Maraming salamat po sa inyong oras.

Samantala isa po sa mga tinalakay ng Pangulo sa kaniyang huling SONA ang pangangalaga sa mga uniformed personnel kabilang na diyan ang pagpasa sa pension reform at libreng legal assistance para sa mga pulis at sundalo na isa rin po sa isinusulong ni Senator Bong Go. Narito po ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan, puntahan naman natin si Czarinah Lusuegro mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala hindi bababa sa tatlumpung katao ang mahigpit na minu-monitor ngayon ng Bacoor City LGU dahil sa posibleng kaso ng Delta variant. Para kumustahin ang sitwasyon sa gitna nang puspusang contact tracing efforts ng lungsod, makakausap natin ang Alkalde ng Bacoor City, Cavite na si Mayor Lani Mercado-Revilla. Magandang araw po, Mayor.

BACOOR MAYOR REVILLA: Magandang umaga Usec. Rocky at sa inyong tagapanood at tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor as we speak, ilan po ang active cases ngayon sa inyong lugar at ilan po diyan iyong nakitaan ng Delta variant?

BACOOR MAYOR REVILLA: So far sa loob ho ng buwan ng July—today na hindi pa natatapos ito, July 30 pa lang tayo – umabot na ho kami ng 911 na kaso na natala araw-araw. So nag-a-average ho kami ng mga 30 mahigit. Pero ang alarming po lately ay iyong pag-surge po ng COVID cases po namin. The other day 51, kahapon po 92 – biglang-bigla po ito.

Ang usual number ho kasi namin ay 27, 28, 29, 30. Pero very alarming po iyong pagtaas po ngayon dito po sa Lungsod ng Bacoor. So far, kaya po dahil sa surge na ito, plus the declaration of DOH for two index Delta variant cases dito po sa Bacoor, nagdeklara na ho kami as early as 12 midnight kagabi na GCQ with heightened restrictions po kami hanggang August 15. Nagdesisyon po ang Task Force COVID-19 Bacoor na ito na po ang gawin dahil medyo nakakaalarma po itong sitwasyon na ito, plus kami po ang una pang nagkaroon ng Delta variant sa Lalawigan ng Cavite.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, so far ilan na po iyong nati-trace hanggang third generation itong close contacts ng mga nagpositibo sa Delta variant? At ilan po iyong na-test na sa kanila? At naipadala na rin po ba iyong mga samples nila for genome sequencing?

BACOOR MAYOR REVILLA: Dito po sa location ng Addas II-C kung saan mayroon po tayong dineklarang ECQ na po ang phase na ito, ang Addas II-C sa Molino II, first to third generation, 124 ang na-contact trace po namin dito. At so far, doon po sa Addas II-C, ang nagpositibo na po sa PCR testing ay 27. So far, ang na-genome test lang po diyan ay isa. So hindi po namin alam sa Department of Health kung lahat po ng 27 na ito ay ipapadala po nila sa genome testing centers sa UP.

Sa El Grande naman po, ang first to third generation ay 26. At ang isa po diyan sa 26 na related po doon sa index patient ay nagpositibo na, pero ito po ay hindi pa rin po dumaan sa genome testing. Lahat po, prerogative na po ng DOH kung ito pong mga PCR tests na ito ay ipapadala ko sa Genome Center.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, paano naman daw po iyong sistema ninyo for quarantine para sa mga minu-monitor nating mga COVID patients lalo na doon sa close contacts ng Delta variant patients?

BACOOR MAYOR REVILLA: Noong Friday po last week, noong una ho naming nalaman itong dalawang index patients, agad-agad po naming in-isolate sila at ang kanilang mga pamilya, at minu-monitor po namin sila. Iyong na-test po namin ng antigen na nagpositibo sa mga areas na ito, ang El Grande at saka Addas II-C ay agad namin pong hinihiwalay at dumadaan din po sa proseso, after antigen ay pini-PCR test din po namin upon the recommendation of the Department of Health.

Sa ngayon nga lang, Usec., medyo napupuno na po iyong aming isolation center sa Lungsod ng Bacoor, at humingi na po kami ng tulong sa DOH IV-A at tayo po ay nakikipag-coordinate sa Calamba para kung sinuman ang magpositibo sa antigen o sa PCR dito ay madala na namin po sa mga NTF isolation centers na malapit po sa Lungsod ng Bacoor.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero iyong ating mga ospital naman diyan, Mayor Lani, at pati na rin po iyong pagbabakuna sa inyong mga residente, kumusta naman po?

BACOOR MAYOR REVILLA: Ito po, sa mga ospital namin medyo nagpupunuan na rin po. Ang kagandahan lamang po dito sa lungsod namin, nandito po iyong Southern Tagalog Regional Hospital that acts as the One Command Center for the Province of Cavite kaya natutulungan ho kami. Kung saka-sakaling hindi na ho namin kaya sa mga ospital namin ay napapadala namin sa iba pang mga ospital na medyo maluwag pa pero halos mapupuno na ho kami sa capacity ng mga ospital.

Sa bakuna naman po, so far, ang nakakakumpleto na ho sa amin ng second dose ay 49,307. We have reached the ten percent of our target number which is 420,000, at ang naka-first dose po ay 87,211. Iyon po.

USEC. IGNACIO: Mayor Lani, nitong nakaraang linggo, wala ring tigil iyong pagbuhos ng ulan, ano po. Isa po kayo diyan sa Cavite na talaga namang nakakaranas ng mga malalakas na pag-ulan na nagriresulta sa pagbaha. Hanggang sa ngayon ba po ay may mga kababayan tayong nasa evacuation areas? At paano ninyo naman po tinitiyak na hindi magiging sanhi ito nang lalo pang pagkalat ng virus?

BACOOR MAYOR REVILLA: Usec., bale noong mga nakaraang araw, simula nang sunud-sunod na apat na araw na pagbaha at pagbagyo dito po sa amin, ang mga nalikas lang po namin ay nag-a-average from 80 to 85 families. Pero saglit lang po sila na nag-stay sa aming evacuation centers.

Nag-declare din po kami ng state of emergency sa Lungsod ng Bacoor dahil out of 73 barangays, 64 po ang naapektuhan ng pagbaha. And we have identified around 62,000 families na naapektuhan po ng pagsunud-sunod na pagbaha dito po sa Lungsod ng Bacoor.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kunin ko na lamang ang inyong mensaheng nais iparating sa inyong mga kababayan sa Bacoor City.

BACOOR MAYOR REVILLA: Sa aming mga kababayan dito po sa Lungsod ng Bacoor, tayo po ay nagdeklara na, na tayo po ay under GCQ with heightened restrictions simula kaninang alas dose ng gabi hanggang 15. At mayroon ho tayong isang area kung saan nagkaroon ng ECQ po tayo na declaration hanggang August 9, iyan po ay sa may Addas II-C. Tayo po ay may Delta variant na dito po sa Lungsod ng Bacoor kaya hinihiling ko po ang lahat to please stay home, lalabas lang po ang kailangan ng essential goods at mga immediate na pangangailangan. Ang mga APOR lang sana po ang lumalabas at kung maaari lang ay iyong mga nagtatrabaho.

Reminder lamang po doon sa mga taga-Addas II-C, kayo po ay under ECQ. At doon po sa El Grande naman, mini-maintain po natin ang lockdown area from July 26 hanggang August 9. At ang sa Addas II-C, ECQ status po kayo dahil may 27 active cases po kayo sa loob ng inyong village hanggang August 15 po kayo ECQ diyan sa area na iyan.

So sa ating mga kababayan sa Bacoor, mag-ingat po tayo. Stay healthy. Stay strong. Magpabakuna po tayo. At for the meantime, as much as possible, please do stay home. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Mayor Lani Mercado-Revilla. Ingat po kayo. Salamat po.

Samantala, mga nasunugang residente sa Maynila at mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay sa Parañaque ang binisita at binigyan ng ayuda ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kasama ang outreach team ni Senator Bong Go. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, ongoing po ang isinasagawang imbestigasyon ng lokal na pamahalaan ng Baguio City kaugnay sa ilang individuals na namimeke umano ng mga dokumento para makapagpabakuna. Ang iba pang detalye ng balitang iyan ay ihahatid sa atin ni Florence Paytocan ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mula naman sa PTV-Davao, may report ang aming kasamang si Julius Pacot.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Julius Pacot.

Narito naman ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa, base po sa report ng Department of Health kahapon, July 29, 2021:

Umabot na sa 1,572,287 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 5,735 na mga bagong kaso.
176 na katao naman ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 27,577 ang total COVID-19 deaths.
Ang mga kababayan naman natin na gumaling sa sakit ay umaakyat na sa 1,488,407 matapos itong madagdagan ng 4,069 new recoveries kahapon.
Ang active cases naman ay nasa 56,273.

Samantala, naglabas muli ang Department of Health at Philippine Genome Center ng datos sa mga kaso ng variants of concern sa bansa. Noong July 28, 97 new Delta variant cases ang na-detect sa Pilipinas kaya may 216 cases na ngayon sa kabuuan. Ayon sa Health Department, karamihan dito ay recovered na at tatlo ang nasawi; 127 naman ang new Beta variant cases, 83 sa Alpha, at 22 naman sa P3 variant. Ito ay matapos makapag-sequence ang PGC nang halos sampung libong samples.

Samantala, bukas po, sa ‘Ani at Kita’, itatampok natin ang Young Farmers Challenge, Kabataang Agribiz. Isa po itong programa ng Department of Agriculture para hikayatin ang kabataan na pasukin ang sektor ng pagsasaka. Abangan po iyan bukas sa ‘Ani at Kita’.

At dito na po nagtatapos ang ating programa. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magkita-kita po ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center