USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ngayong huling araw ng Hulyo, muli ninyo pa rin kaming samahan para talakayin ang mga usapin ukol sa lupang sakahan at ang lagay ng public health ng mga Pilipino at ano nga ba ang dapat asahan ng mga taga-Metro Manila sa nalalapit na pagbabalik ng ECQ. Aalamin natin iyan maya-maya lamang.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Makakasama po natin ngayong Sabado sina Department of Agrarian Reform Secretary John Castriciones; Dr. Hansel Ybañez ng USAID TB Platform Field Operation And Area Manager; National Task Force Against COVID-19 Spokesperson Major General Restituto Padilla, Jr.; at DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
At una po sa ating mga balita: Pursigido pa rin ang pamahalaan na sugpuin ang katiwalian sa nalalabing mga buwan ng Pangulong Duterte sa puwesto. Ayon po kay Senator Bong Go hindi natitinag ang gobyerno na linisin at patalsikin ang mga nananamantala sa kaban ng bayan. Narito po ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, kumustahin po natin ang ating mga kababayang magsasaka sa gitna po ng pandemya pati na rin po iyong estado ng ilang ektaryang lupain na matagumpay na naibahagi sa kanila ng pamahalaan. Ngayong araw po ay makakausap natin ang Kalihim ng Department of Agrarian Reform, si Secretary John Castriciones; welcome po sa Laging Handa, Secretary.
DAR SEC. CASTRICIONES: Magandang umaga sa iyo Usec. Rocky at sa mga libu-libo ninyong mga tagapakinig lalung-lalo na po iyong ating mga magsasaka. Magandang, magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bagama’t hindi po masyadong na-highlight sa huling SONA ng Pangulo ito pong repormang pag-agraryo, sa datos po ninyo nasa ilang ektarya na po ba ang lupain na naipamahagi na ng pamahalaan para sa ating mga magsasaka at ilan pa po iyong target nating mabigyan ng Certificate of Land Ownership Award o iyong tinatawag nating CLOA?
DAR SEC. CASTRICIONES: Usec. Rocky, doon po sa datos na isinumite po natin sa Malacañan para po sa State of the Nation Address ng ating Pangulo, mayroon po kaming nai-distribute na mga 229,000 hectares more or less. Ito po ay binubuo po ito ng mga new lands, iyong mga newly acquired lands, ganoon din po iyong mga re-documented mga lands, ito po iyong mga collective CLOAs at mayroon din po tayo iyong mga tinurn-over galing po sa Landbank kaya umabot po ng 229,000 hectares.
At mayroon pa po tayong mga dinistribute na mga lupa. Sa katunayan po ay mayroon po tayong mga 1.3 million hectares na collective CLOAs na ngayon po ay pina-parcialize po natin dito po sa ating programa na tinatawag natin na Project SPLIT o iyong Support to Parcelization of Land Individual Titles. At ganoon din po, mayroon pa po tayong tinitingnan na mga around 220,000 hectares of government-owned lands – ito po iyong mga idle government-owned lands na ipinag-utos po ng Pangulo na dapat na pong ipamigay sa atin pong mga magsasaka lalung-lalo na ‘pag hindi na ginagamit ng mga departamento o ahensiya ng gobyerno.
At ganoon din po, dito po sa ating universal balance ay mayroon pa po tayong natitirang mga around… mga 420,000 hectares at although karamihan po dito ay medyo problematic na dahil nagtapos na po iyong Notice of Coverage noong 2014 kaya’t ang ipinapamigay na lang po natin ay iyon pong may mga nabigyan ng Notice of Coverage, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kahapon nga po ay napag-usapan namin dito ni Secretary Hermogenes Esperon iyon pong mga ginagawa ng pamahalaan para matigil iyong impluwensiya ng mga komunista sa ating mga kanayunan. Sa bahagi po ng DAR, ano ho ba iyong naitutulong nang pagkakaloob natin ng lupang sakahan sa mga magsasaka para na rin po matapos ang problema ng insurgency?
DAR SEC. CASTRICIONES: Alam mo, Usec. Rocky, mayroon po tayong pag-aaral na ginawa at alam po natin na karamihan po ng mga lugar na marami pong mga problema tungkol sa insurhensiya, ito po iyong mga lugar na may mga problema sa lupa. Dahil mayroon pong ginagawa iyong mga kaliwang ideyolohiya, mga samahan, mayroon po iyong tinatawag nila na AgRev – Agrarian Revolution.
At ang ginagawa po natin dito ngayon ay pumupunta po ako personal sa mga liblib na pook. Mayroon po kaming programa, ang tawag po namin dito ay iyong ‘DAR to Door’. Hindi na po namin pinapapunta iyong mga magsasaka sa mga opisina, kami na po mismo ang pumupunta sa kanila; kumakatok po ako sa mga bahay nila at ganoon din po doon mismo sa kanilang farm, sa kanilang bukirin at doon ko po inaabot iyong mga titulo ng lupa.
At alam mo nakakatuwa kagagaling ko lang sa Tacloban, Leyte kahapon ano at ako po ay pumunta doon sa isa sa mga lugar na isang liblib na pook sa Hinunangan doon po sa may Southern Leyte at personal ko pong inabot ang ilang mga titulo ng lupa doon po sa bahay nito pong ating mga magsasaka. Kung natatandaan mo ba si Aling Evita at saka si Mang Frank pinuntahan ko mismo sa kanilang bahay at pagkatapos ako rin po ay nagkaroon ng pagkakataon na magbigay po nang maramihang mga titulo ng lupa kahapon sa may Southern Leyte – mga around 1,641 hectares po iyong ipinamigay ko pong lupa doon at may nakinabang po na mga around 575 na mga Agrarian Reform beneficiaries.
And before that, Usec. Rocky, kagagaling ko rin po sa Pampanga. Doon po mayroon po tayong mga idle government-owned lands and under Executive Order No. 75 at mayroon po kaming ipinamigay na mga around 174 hectares dito po sa may Pampanga State Agricultural University. Ito po’y bahagi dati ng unibersidad pero hindi na po nila ginagamit kaya ito po’y ipinamigay na po natin sa ating mga magsasaka.
At ito po ay alinsunod sa utos po ng ating Pangulo under EO 75. At ang pagkakaiba po kasi nito sa mga lupa na ipinapamigay natin under Republic Act 6657, iyon po ng under EO 75 libre po ito, Usec. Rocky, wala pong bayad pero iyon pong under Comprehensive Agrarian Reform Program mayroon silang binabayaran na mga amortisasyon pero mura lang po. This is because of our program under the concept of social justice.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, anu-ano naman daw pong hamon iyong kinakaharap ninyo para lang maibigay itong mga lupang sinasaka ng ating mga kababayan? Isa ba rito iyong sinasabi nating kawalan ng national land use plan kung kaya ang mga agricultural lands daw po ay mabilis na naku-convert to commercial o industrial use?
DAR SEC. CASTRICIONES: Well actually, iyan iyong mga issue na ibinabato sa atin ng mga makakaliwang mga organisasyon na masyado daw mabilis ang conversion natin. Pero alam mo, Rocky, kasi it’s a matter of balancing iyan eh kasi hindi naman puwedeng hindi bigyan ng pagkakataon ang mga local government units, ang atin pong mga businessman na umunlad para gamitin ang mga lupa sa commercial, industrial and residential purposes.
Pero kami po sa Department of Agrarian Reform medyo mahigpit po ang atin pong panuntunan para po sa atin pong conversion of agricultural lands. Kapag ito po ay isang irrigated land o kaya ay irrigable – ibig sabihin hindi pa irrigated pero puwedeng irrigable, iyong puwedeng lagyan ng irrigation – absolutely po iyan hindi pupuwedeng i-convert iyan, Usec. Rocky.
At ganoon din po marami pong panuntunan iyan dahil marami po tayong mga CARP implementing agencies na talagang kasama po dito katulad po ng Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources, Land Registration Authority, Landbank – lahat po iyan, mga inter-agencies na iyan, dadaan po lahat diyan, ito pong mga aplikante ng atin pong conversion application.
At siyempre kailangan sumunod din sila sa panuntunan nila. Katulad ng DENR, alam naman natin ang tungkol sa mga environmental issues. Ganoon din naman ang DA na dapat ito ay talagang hindi na puwedeng pakinabangan iyong lupa sa pamamagitan ng agrikultura. It ceases to become profitable for agricultural purposes.
Ganoon din po iyong Landbank. Ang tinitingnan po ng Landbank dito ay kung ito po ba ay talagang it is appropriate for agriculture purposes. Kung hindi, hindi kasi nila babayaran iyan. Kasi ang nagbabayad po dito ang Landbank. At ang Land Registration Authority naman, titingnan nila kung tama po iyong mga sukat, kung ito po ay naaayon po sa mga sistema na kung saan ay dapat pong ma-identify natin ng husto ang ating mga magsasaka na siyang ookupa sa mga lupa na ipinapamigay under the Comprehensive Agrarian Reform Program.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, plano rin po ba ninyong magkaroon ng murang pabahay para sa ating mga kababayang magsasaka? Napakagandang programa kung matutuloy iyan, ano po? At paano po ang magiging sistema para dito at ito po iyong tanong: Kakayanin pa po ba itong magawa lalo at ilang buwan na lang po matatapos na po ang termino ng administrasyon?
DAR SEC. CASTRICIONES: Mabuti at naitanong mo iyan, Usec. Rocky. Ang gusto ko lang pong ianunsiyo sa atin pong mga magsasaka na mayroon po talaga tayong programang pabahay sa ating magsasaka. Ang tawag po natin dito Balay Magsasaka. At sa katunayan po, Usec. Rocky, mayroon na po tayong ginagawang mga bahay ngayon doon po sa Umingan, Pangasinan.
At ako po ay natutuwa dahil siguro by the end of September, baka puwede na natin itong ipamigay sa ating mga magsasaka. Ngayon, overall, mayroon po tayong mga 159 na mga municipalities na nag-a-apply, para po dito sa ating Balay Magsasaka. At nagkaroon po kami ng pagpupulong ni Secretary Ed Del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development at naglaan po sila ng mga around P2 billion pesos para po sa tinatawag nating site development plan.
Kasi alam po ninyo, iyong pondo po na pinanggagalingan nito, ito po iyong tinatawag natin na iyong compulsory na dapat na gastusin ng mga Real Estate Developers para po sa tinatawag nating socialized housing. Ngayon, dahil ang bahay ng magsasaka ay classified under socialized housing, ito po ngayon ay mapipilitan po iyong ating mga Real Estate Developers na mag-contribute para po sa site development ng atin pong mga Balay Magsasaka.
At natutuwa po ako, dahil out of the 150 applicants na mga local government units for this housing program, mayroon na po tayong naaprubahan na mga 29 municipalities at nagpirmahan na po kami ng memorandum of agreement. Kasama po namin si Secretary Ed Del Rosario at ito po ay magpapatuloy at ang amin pong plano ay matapos po itong mga programang ito bago po magwakas ang termino ng ating Pangulo.
USEC. IGNACIO: Secretary, estimate lang po, ilan po ang mabibiyayaan nating mga magsasaka dito sa Balay Magsasaka Program?
DAR SEC. CASTRICIONES: Naku! Marami iyan, USec. Rocky. Lalung-lalo na po ngayon na siguro, estimate kung makakuha tayo ng 20% out of the 3 million, iyon po talaga ang target natin – 10 to 20%. Pero of course, because of the lack of material time, dahil magtatapos na po ang termino ng ating Pangulo, baka hindi natin matapos iyong 20% out of the 3 million agrarian reforms beneficiaries.
But considerably, marami po tayong matutulungan diyan at ako po ay talagang natutuwa dahil ito po ay makakatulong po sa ating mga magsasaka. Alam po ninyo ang mga magsasaka natin, whether we like it or not, sila po iyong nagko-consist ng ating majority of our population. Around 60 to 70% of our populace are actually involved in agriculture and definitely we have to look after them, because most of them belong to the so called poverty line of our society and if we uplift the economic lives of our farmers then definitely it will redound to the benefit of the society as a whole and we will be able to, well, solved a lot of our problems with regards to the poverty.
USEC. IGNACIO: Opo, Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahong ibinigay sa amin, DAR Secretary John Castriciones. Mabuhay po kayo, Secretary.
DAR SEC. CASTRICIONES: Maraming salamat, Usec. Rocky at mabuhay po ang lahat ng mga magsasaka bilang, sinasabi ko nga po, isa sila sa mga tunay na bayani ng ating bansa at nagpapasalamat po ako sa inyong lahat. Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Salamat po, Secretary. Sa usapin pa rin ng agrikultura, malaki ang maitutulong ng mga kabataan para po mapaunlad ang sektor ng pagsasaka. Kaya naman sila ang tampok sa Young Farmers Challenge, Kabataan Agri-Biz. Isa po itong programa ng Department of Agriculture para po hikayatin sila at pasukin ang agri-business. Iyan ang ipapaliwanag sa atin ni Department of Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista dito sa ani at Kita.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, paano nga ba naghahanda ang punong lungsod sa Metro Manila ngayon pong sunud-sunod na naitatala sa ilang siyudad ang mas nakakahawang variant ng COVID-19 at nakaamba pa po iyong mas mahigpit na quarantine restrictions dito ngayong Agosto. Kaugnay niyan, makakausap po natin ang National Task Force Against COVID-19 Spokesperson Major General Restituto Padilla, Jr. Magandang umaga po, sir.
RET. GEN. PADILLA: Magandang umaga, Rocky, at saka sa lahat po nang nakasubaybay sa ating programa ngayong tanghaling ito. Magandang tanghali po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: General, ngayong sasailalim na nga sa ECQ ang NCR by August 6, so paano ito pinaghahandaan ng bawat lungsod sa Metro Manila o bawat lugar sa Metro Manila? May expansion po ba ng mga quarantine facilities lalo na’t hindi iminumungkahi ang home quarantine sa Delta variant?
RET. GEN. PADILLA: Well, Usec. Rocky, alam ninyo iyong paghahanda na ‘to nagsimula na noon pa ‘no matapos na tayo’y nakaeksperiyensya ng spike nitong April, March at nakita natin ang epekto at halos ma-overwhelm na iyong ating healthcare system.
Iyong paghahandang sinimulan natin noong nakaraang taon ay pinag-ibayo pa natin so kasama na diyan ang mga karagdagang health facility at pinalakas natin ‘no sa ilalim ng DOH iyong One Health Command Center na nasa ilalim ni Usec. Vega na ngayon ay nasa… kung hindi ako nagkakamali naka-relocate na sila sa PICC at nabisita na rin ito ng ating mga bumisitang Israeli experts.
So magiging centralized na ang pag-manage at pag-utilize ng ating mga facilities sa mas mainam na paraan para nang sa ganoon matugunan natin iyong mga pangangailangan ng ating mga kababayan. So bukod dito, ang ating mga hepe rin at mga local chief executives sa NCR ay patuloy na nagmi-meeting upang maisagawa nila ang anumang klaseng tulong sa lahat ng ating maaapektuhan na mga kababayan kasama na diyan ang maaaring ayuda in kind or in cash so napag-uusapan na rin iyan.
At bukod dito rin magpapatuloy ang ating pagbabakuna, so hindi natin ihihinto ito kasi ito ang pinakaimportanteng bagay na dapat ginagawa natin habang hinaharap natin itong makabagong variant na tinatawag na Delta variant. So ito iyong pinaka magiging mainam na panangga at pangharap natin sa Delta variant; so ito’y magiging dalawang linggo lamang ‘no iyong ating ECQ, paghihigpit para nang sa ganoon mabigyan natin ng pagkakataon na mapababa iyong kaso at matigil natin iyong pagkalat at matulungan natin ang ating mga frontliners, ang ating mga ospital na hindi sila ma-overwhelm ng anumang pagtaas ng kaso.
At harinawa ‘no, hinihingi po namin ang kooperasyon ng ating mga kababayan sa NCR at mga karatig na lugar at for that matter ‘no sa buong Pilipinas na na patuloy pa ring sundin nang mas maigting ang pagpapatupad ng minimum public health standards. So iyon po ‘yung pagsuot ng mask, paggamit ng face shield, pag-iwas sa matataong lugar, paglabas ng bahay kung kinakailangan lamang kung hindi naman po kayo kasama sa APOR at patuloy na pag-iwas sa iba pang mga aktibidades na hindi naman dapat po ginagawa sa panahon na ‘to.
USEC. IGNACIO: Opo. General iyon nga po, mayroong mga hiniling ang Metro Manila Council nga kung isasailalim nga sa ECQ ang NCR for example, iyong ayuda nga po na ibibigay. Ito po ba ay—kasi may ilang araw pa po bago ipatupad ang ECQ. Ang tanong po ng ilan ay posible po bang maibigay ito sa kanila bago man lang or within dito sa ECQ period natin?
RET. GEN. PADILLA: Pinag-uusapan po ito at kaya nga po nagbigay ng palugit para bago magsimula iyong paghihigpit para mapaghandaan na pagpasok po ng paghihigpit na ito ay lahat ay mailagay sa maayos na kalagayan. So kasama na rin po diyan ang anumang klaseng tulong na maibibigay doon sa mga nangangailangan.
USEC. IGNACIO: Opo. General, hindi ko lang alam kung ito po ay napag-usapan ninyo pero may detalye po ba kung magkano aabutin nito, para pong ayuda na ibibigay sa mga residente ng NCR?
RET. GEN. PADILLA: Usec. Rocky, iyong halaga ay hindi pa po namin napapag-alaman, patuloy pa pong pinag-uusapan ito. Pero ang halaga naman po ay magbabase sa ating kakayahan at anumang klase nating ibibigay. So nakikipagtulungan din ang DSWD sa lahat ng mga ng ating mga local chief executives dito lalo na sa NCR at doon sa mga lugar na mailalagay sa ECQ para maibigay kung anuman ang maibibigay na tulong na manggagaling sa national government.
So iyong sa halaga, antabayanan po natin – ‘pag nagkasundo na po at nalaman na po natin ay ilalabas naman po ito at iaanunsiyo.
USEC. IGNACIO: Opo. General, sinabi ninyo nga na tuluy-tuloy pa rin po iyong bakunahan, hindi ito maaapektuhan. So kailan po namin inaasahan na magpapalabas po ng guidelines ang IATF o ang NTF para po sa magiging sistema nang pagbabakuna dito po sa loob ng dalawang linggong ECQ?
RET. GEN. PADILLA: Mayroon na hong initial na abiso, nanggaling po kay Presidential Spokesman, kay Secretary Harry Roque kahapon at sinabi nga po na hindi po natin ihihinto ang pagbabakuna at papayagan din po natin maaari ang pampublikong sakayan para maisagawa ang pagpunta ng ating mga kababayan sa mga vaccination center sa kanilang mga LGU. So iyong koordinasyon po na ito, iyong mga detalye po nito ay lalabas bago po mag-August 6 para malaman po ng ating mga kababayan.
Pero anuman po ang lumabas, ang atin pong isasagawang pagbabakuna ay magpapatuloy at hinihikayat po natin lahat lalo na po iyong mga hindi pa tapos sa ating mga priority sector na magpabakuna na po para nang sa ganoon makuha ninyo po iyong proteksiyon na hinahangad natin. At iyong mga pangalawang bakuna na po ang nakalaan sa panahon po ng ating paghihigpit, huwag ninyo pong kakaligtaan na kunin po iyong pangalawang bakuna sa inyong mga vaccination center.
At nakakatuwa, Usec. Rocky, ‘no dahil sa ating pag-ramp up o pagtaas ng ating vaccination sa kada araw, natamo na natin ang halos pinakamataas na bilang na ating tina-target na 700,000 ‘no. Noong July 27 naka-659,029 jabs na tayo sa buong kapuluan. At kung tayo’y magtutulungan at maiangat pa natin ito nang mas mataas pa diyan, mas mapapabilis po ang ating pagtamo ng ating proteksiyon sa lahat ng mga kababayan natin.
At harinawa iyong steady supply po na sinasabi at binabanggit ni Secretary Galvez ay makuha na rin natin, kasi kinakailangan pa po natin ng mga 20 to 25 million na bakuna na mai-deliver sa atin sa kada buwan para maging steady po at tuluy-tuloy ang ating pagrampa ng vaccination sa lahat ng ating mga siyudad at lahat ng ating kapuluan.
USEC. IGNACIO: General, basahin ko lang po iyong tanong ni Kris Jose ng Remate/Remate Online: Update daw po sa hinihirit ng Metro Manila mayors sa national government na 4 million doses na bakuna. Tama po ba na dalawang milyon ang maibibigay sa inyo, iyong two weeks na sinasabi po ninyo na ia-administer iyong pagbabakuna? Tama po ba na gagawin ninyo ito sa loob ng dalawang linggong ECQ? [Garbled] po iyan ni Kris Jose.
RET. GEN. PADILLA: Ang napag-alaman ko po ‘no kamakailan, hindi ko lang po alam ang eksaktong bilang. Ipa-prioritize po ang mga arriving vaccines para ho sa NCR para nang sa ganoon mapabilis po iyong pagpigil doon sa pagkalat ng—at maprotektahan po iyong ating mga kababayan.
So sa ngayon po sa tinalang report ni Secretary Galvez, tatlumpung porsiyento na po ang nailalaan na mga bakuna simula nang nagsimula tayo para sa NCR at ito’y dadagdagan pa; at ang distribution ay gagawin din para sa mga priority areas na nakakaeksperiyensya po nang pagtaas ng mga kaso.
So nagpapangalawa rin po diyan ang karatig lugar, iyong Region IV-A na siyang pumapangalawa sa bilang ng distribution at nasa halos 7.5% na ho ang kanilang nakuhang delivery. So makakaasa po, doon sa tanong po sa NCR, mayroon po – nakalaan po diyan at maaring humigit pa po doon sa sinabing bilang.
USEC. IGNACIO: Opo. General, kailangan pa rin po bang gumamit ng quarantine pass sa loob ng dalawang linggong ECQ?
RET. GEN. PADILLA: May abiso na po ang ating National Task Force at saka ang kapulisan at saka ibang LGU na siyang nagli-lead sa pagpapatupad ng mga paghihigpit na ito na sa simula po ng ECQ maaaring isa lang po ang hahayaan pong lumabas para makakuha ng kanilang mga pangangailangan sa mga bahay.
So ang atin pong hinahangad ay ilimita muna ang paggalaw ng ating mga kababayan nang sa ganoon iyong transmission po ng ating tinatawag na bagong mutation ng COVID-19 ay mapigil at ma-arrest.
Hindi po natin kaagad ito makikita sa panahon po ng ECQ, mararamdaman lang po natin ang epekto ng ating paghihigpit at ang ating pagtutulungan sa susunod na dalawa pang linggo kung saan makikita natin iyong pagbaba at harinawa po na magawa po natin ito.
USEC. IGNACIO: Opo. General, baka alam mo lang, papaano po ang media, iyong pass? Kailangan pa rin ba nilang kumuha kasi sinabi nga po kailangan na iisa lang ang lalabas? So, paano naman po iyong ating mga kasamahan sa media?
RET. GEN. PADILLA: Ang papayagan pong lumabas ay hindi pa rin po nagbabago. May listahan po tayo ng mga APOR. So kung anuman po iyong Nakalabas sa Omnibus Guidelines at iyong listahan ng mga APOR noong araw na inilabas natin, iyan pa rin po iyong susundin natin. At itong paghihigpit po ng panahon ng ECQ sa petsa ng Agosto 6 hanggang 20. Ang mga paghihigpit po dito ay naka-concentrate sa mga sumusunod:
Ito po iyong pagbabawal ngayon ng dine-in sa mga restaurants, sa mga ibang food establishment. So ang papayagan na lang po dito ay take out.
Doon naman po sa mga personal care services. Papayagan pa rin po ito, basta hindi po curfew at 30% lang po ng capacity nila. At paalala lang din po, lagi pong nakasuot din ng mga PPE. So mask at saka face shield kung kinakailangan.
Doon sa mga tourist attractions na binuksan na ng DOT, hindi muna ho ito sa panahon po ng ECQ.
So outdoor activities, 30% lang din po ng capacity nila ang papayagan. Pero iyong mga staycation, mga specialized na mga markets ng DOT, wala po iyan.
Doon sa indoor sports at saka iba pa hong venue, ititigil po muna ito.
Tapos iyong travel into and out of NCR Plus, iyon lang po, APOR lang, iyong sinasabi natin kanina, iyong mga Authorized Persons Outside of Residence. So karamihan po diyan ay essential, economic workers at saka iyong mga public service.
So, doon naman po sa mga religious gatherings, sa mga pagsisimba, hindi po muna papayagan sa panahon ng ECQ at hinihikayat po na mag-online po muna lahat.
So, iyong iba pong guidelines, gamitin po natin iyong nailabas na dati, iyong omnibus guidelines na inilabas noong araw, iyan pa rin po ang gagamitin natin na basehan.
USEC. IGNACIO: Okay. maraming salamat po sa inyong pagtanggap sa aming imbitasyon. Magandang umaga NTF against COVID-19 Spokesperson Major General Restituto Padilla. Magandang araw po ulit.
RET. GEN. PADILLA: Maraming salamat, USec. Rocky at ingat po tayo lagi at siguraduhin po natin na makuha po natin ang ating bakuna kapag panahon na po ng ating pagbabakuna. At habang naghihintay at maski nabakunahan na, patuloy po nating sundin ang pagsuot ng mask, paghugas, pag-iwas at pananatiling ligtas. Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Sa ibang balita, Senator Bong Go nanawagan sa pamahalaan na magpaabot ng ayuda sa mga kababayan natin na maapektuhan ng ipapatupad na Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila. Narito po ang report.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Kasabay po ng ating pagharap sa COVID-19 atin din pong patuloy na tinutugunan ang matagal na rin pong laban kontra tuberculosis. Dahil bago pa man po magkapandemya, 73 Pilipino po ang namamatay sa sakit na TB kada araw. Para talakayin iyan ay makakausap po natin si USAID TB Platform sa Field Operations and Area Manager Dr. Hansel Ybañez. Good morning po, Doc?
- YBAÑEZ: Yes po, Ma’am. Good morning.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito iyong laging tanong po dahil dito sa pandemya, kung may pareho po bang sintomas ang tuberculosis at itong COVID-19?
- YBAÑEZ: Mayroon pong ilang sintomas na kapareho po ng COVID na mayroon po sa tuberculosis. Actually po, kaya nga po di ba iyong pag-uubo, iyong hirap sa paghinga, ito po iyong mga sintomas na puwede po nating i-relate sa tuberculosis at puwede rin po sa COVID. Kaya kapag ang isang tao po ay mayroong ganitong sintomas sa ngayon, itong panahon po natin ng pandemya, siyempre po naiisip po natin na maaaring mayroong COVID. Pero at the same time po, puwede rin po nating i-consider iyong tuberculosis. Depende po ito kung gaano po katagal iyong sintomas na nararamdaman po ng isang pasyente po, isang tao.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa mga LGUs sa NCR, sino na po iyong may integrated COVID-19 at ang TB response, ano po ang kanilang target para sa programang ito?
- YBAÑEZ: Opo. Actually po sa panahon po natin ng pandemya, medyo nagkaroon po ng problema sa pag-screen po ng ating mga pasyente na mayroon pong sintomas pagdating po sa TB. Ito po iyong mga limitasyon na nagkaroon po tayo simula po noong nagkaroon ng quarantine, gawa po nga ng pagkalat po ng COVID. So, since nahihirapan na magkaroon po o mag-gather po ng mga tao para sa TB screening, nagkaroon po ng mga interventions po, kung saan para patuloy pa rin po ang mga TB services at pag-diagnose po, paghanap po ng TB cases, naisipan po ng National TB Control Program ng Department of Health na magkaroon po ng integration ng paghanap po ng TB o iyong TB screening sa responses po na ginagawa sa COVID. So isa nga po dito ay iyong pag-integrate ng TB screening sa ginagawa po ng mga LGUs sa COVID vaccination. So, mayroon lang pong mga—
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Ybañez, nawala po kayo sa ating linya.
Okay babalikan po natin si Dr. Ybañez para po ipaliwanag pa rin iyong mga maaaring kahalintulad po ng TB ang COVID-19.
Samantala, ilan pong mga bayan naman po sa Pangasinan, inikot ng outreach team ni Senator Bong Go para mamahagi ng tulong sa mga kapos ngayong may pandemya. Aabot sa halos 14,000 mga TODA members, market vendors and jeepney drivers ang naabutan ng ayuda. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman po tayo sa pinakahuling datos ng COVID-19 cases dito sa bansa. Base po sa report ng Department of Health as of July 30, 2021:
- Umabot na sa 1,580,824 ang total number of confirmed cases matapos uli makatala ng 8,562 ng mga bagong kaso kahapon.
- 145 naman po ang bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 27,722 ang total COVID-19 deaths.
- Ang mga kababayan naman nating gumaling sa sakit ay umakyat sa 1,491,182 matapos itong madagdagan ng 2,854 new recoveries kahapon,
- Ang active cases naman po sa ngayon ay umakyat na sa 61,920.
kaya po muli naming pinapaalala, huwag po tayong magkakampante lalo ngayong mas nakakahawa na ang kalaban nating sakit, magpabakuna na po tayo, magsuot ng FACE MASK at FACE SHIELD bakunado man o hindi; at kung wala namang importanteng lakad tayo po ay manatili na muna sa ating mga tahanan.
At bilang pag-iingat po sa mas nakakahawang Delta variant muli pong isasailalim ang Metro Manila sa pinakamahigpit na quarantine classification simula August 6. Ibig sabihin ba nito ay kumakalat na ang Delta variant sa bansa, muli po natin makakasama si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, para po sa paglilinaw. Welcome po sa Laging Handa Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, good morning po Usec. Rocky; magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Unahin ko na lang po itong itanong: Nakita na po ba ng DOH, kasi po may nag-viral na video dito sa sitwasyon sa Hospital dito sa Cagayan De Oro City, Usec.?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Ma’am, kami po ay nakapag-imbestiga na, we have coordinated with our Region pati na rin po iyong mga namamahala doon and even with DILG for us to check the situation.
So, kagabi po nai-report sa atin na naiayos po ng ating mga ospital doon ang kalagayan kung saan they were able to open up isang floor ng ospital doon sa Northern Medical Center para po ma-accommodate iyong mga taong nag-aantay doon sa labas ng ospital.
Pero, pag tiningnan ho natin talaga ang sitwasyon talagang tumataas ang bilang ng mga mamamayan diyan sa Cagayan De Oro na pumupunta po sa ospital because of COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., halos doble nga po daw iyong itinaas ng mga reported Delta variant ng Philippine Genome Center noong isang araw. Masasabi na po ba natin na mayroon ng community transmission ng Delta variant sa bansa?
DOH USEC. VERGEIRE: Well unang-una, Usec. Rocky, kailangan natin maintindihan, we need enough evidence for us to pronounce na may community transmission; may implikasyon din po kasi sa international health regulation natin.
So, kailangan po masusing pinag-aaralan iyan bago tayo makakapag-pronounce ng levels of transmission sa bansa. Sa ngayon po, we have the local transmission kung saan nakikita pa po natin ang pagkaka-link ng bawat isang kaso na mayroon tayong genome sequence na positive sa isa’t-isa.
Darating po tayo diyan sa pagdideklara ng community transmission if we are able to provide evidence already that we cannot link these individuals to each other anymore at saka nakikita na natin na talagang kalat na iyong extent nitong variant na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., kahapon nga po ay mayroon din tayong 8,000 kaso ng COVID-19 na naitala, epekto po ba ito ng Delta variant?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, we cannot really say na talagang epekto siya ng Delta variant kasi katulad nga ng sinasabi natin ang ating paggagawa ng whole genome sequencing is purposive, so we are not able to sequence lahat po ng mga nagkakasakit ngayon sa ating bansa.
Pero, pag tiningnan po natin ang datos, ito pong mga datos na naitala natin kahapon, 91% of them where recent cases. Pag sinabi nating ‘recent’, this were happened in the past 14 days at iyon lang pong 9% ay galing po doon sa ibang buwan nitong mga nakaraang buwan.
So, nakakita rin tayo ng mga clustering ng mga kaso dito po sa mga munisipyo or lugar na nakikita natin across the country na mayroon silang identified na Delta variant.
So, the assumption will be the Delta variant is part of those factors that we are now considering when it comes to increasing the number of cases.
USEC. IGNACIO: Real time data na po ba daw itong nari-report natin sa ngayon Usec; wala na po bang problema ang ating COVID Kaya system?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky. So, katulad ng sabi ko ito pong 91% nitong mga kaso na naitala natin kahapon ay from July 17 to 30 na mga sakit. Iyon pong naging problema ng COVID Kaya last week we have been able to resolve this already at ito pong mga naiwan natin na backlog ay pinilit natin ma-encode na mabilisan para po makahabol tayo doon sa real time data na binibigay natin sa ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Usec., muli na naman pong tumaas sa 16.2% iyong positivity rate natin. Huling naitala po iyong ganito kataas na positivity rate noon pong buwan ng Abril kung kailan tayo mayroon na sinasabing surge. Dapat po bang mangamba ang publiko dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Hindi naman po para mangamba, pero dapat talaga doble ang ingat natin ngayon. Paulit-ulit po naming sasabihin ito pong Delta variant na ito ay napaka-infectious, ibig sabihin madali po siyang makapanghawa. Dahil ang isang tao na nagkakaroon ng ganitong variant ay 1,000 mahigit compared to the other variant of concern ang kanyang viral load; so, napakabilis po niyan makapanghawa ng iba.
Currently, ang ating total positivity rate for this week is 13.8%, nakita rin po natin ang ginagawa na efforts ng ating local government na gumagawa sila ng active case findings sa ngayon. So, nakikita natin na talagang iyong mga nakukuha nila are positive cases that’s why isa po iyan sa contributory factors kaya tumataas itong positivity rate.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., inanunsiyo po ng IATF na isailalim na ang Metro Manila mula August 6 hanggang August 20. Sapat na po kaya itong dalawang ECQ o posible pa po itong ma-extend; ano po ba ang sinasabi ng ating data sa magiging scenario ng COVID dito sa NCR?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky, ‘no. So, we have our experts analyze and we have the FASSSTER [Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance using Spatio-Temporal Epidemiological Modeler] Group and the Autumn Group, ito po iyong mga tumutulong sa atin na mga modelers para makapagbigay sa atin ng forecast and they give us a forecast kung saan may mga scenarios.
Ang unang scenario na ipinakita kung mayroon tayong isang linggong GCQ with Heightened restriction at pagkatapos susundan ng tatlong linggo na ECQ.
Ang isang scenario rin na ipinakita rin ay apat na linggo na hard lockdown ‘no and dito po sa mga scenario nakakita po ng increase in the number of cases from 18,000 to 30,000 plus cases, iyan ay naka-ECQ na po tayo.
So, ang sinasabi lang po natin these lockdowns will have as prepare the system but it is not going to control the spread; kailangan pa rin po nating iprepara ang sistema, gawin po natin iyong mga dapat nating gawin para ma-prevent ang further spread ng Delta variant na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bigyang daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Michael Delizo ng ABS-CBN: Nagpahayag po ng pagkabahala ang WHO Philippines sa mababa umanong vaccination rate sa mga senior citizen, 25% pa lang umano sa kanila ang fully vaccinated. Ano po ang reaction ninyo dito at ilan na po ang nabakunahang senior citizen?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky. Sa ngayon po ang total vaccinated for the first dose among senior citizen is about 2.8 million. Ang fully vaccinated naman po sa kanila ay nasa 26%. So, kapag tiningnan po natin iyan ay talagang mababa pa ho. Ang gusto ho natin more than 50% at least for now para sa senior citizen.
Kaya ginagawa na ho natin ang pangmalawakang dissemination ng impormasyon. Ang kinakausap po natin ang mga local government. We had a series of town hall meetings already with the different local government units para po bigyan sila ng guidance kung paano pa natin mas mararating o maabot ang ating mga senior citizens.
So, we agree with WHO, kailangan po ang tutukan natin ngayon are those with comorbidities at saka iyong mga lolo at lola or mga senior citizens kasi sila po iyong pinaka-vulnerable lalung-lalo na dito sa Delta variant na ito. So, ito po ay isinasagawa natin ngayon at ito po ay isa ring gagawin ng ating vaccine cluster para makapag-encourage pa ng mas maraming senior citizens to get vaccinated.
USEC. IGNACIO: Opo. Hingi rin po kami Usec., naman ng update tungkol naman sa lagay ng mga vaccinees na nabigyan ng magkaibang brand ng bakuna. May mga na-report na po ba tayong adverse effect sa kanila?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky. So, we received this report early part of the week, iyong isa noong isang linggo. As to iyong isa po, ito po ay naimbestigahan na ng ating local government unit and ang kanilang report included na sinasabi iyong tao po ay pumila sa maling pilahan. So, ibig sabihin there were different lines for them to get vaccinated with different vaccines.
Ang nangyari, pumila siya doon sa pila na hindi naman po iyong pang second dose niya na bakuna, so nagkamali po. So, ngayon po ang kanilang local government ay iniimbestigahan itong supervisor nila diyan at saka iyong concerned vaccinator para lang malaman kung ano po talaga ang nangyari.
Doon naman po sa kanilang adverse reaction, hanggang sa ngayon po atin pong minu-monitor araw-araw, wala pa naman pong untoward adverse reaction na nairi-report. At to the other case naman po, ito po ay iniimbestigahan pa rin pero iyong report po sa amin na araw-araw, until now din wala pa ring reaction dito po sa isang LGU na nakapag-mix and match din.
So, we issued this advisory sa lahat ng vaccination sites para ipaalala lang po na iwasan po nila ang pagkakaroon ng mixing o iyong pagkakaroon ng dalawang klaseng bakuna sa isang vaccination sites in a specific day dahil prone po talaga tayo sa errors kapag ganiyan. Hindi man sila ang magkamali, maaaring ang malito ay iyong mga magpapabakuna. Kaya sana po, ang vaccination sites, let’s stick to just one type of vaccine every time that they do their vaccinations per day para we can minimize these kind of errors.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., iyong mga bakuna po ba laban sa COVID-19 ay maaari pa daw pong makapag-transmit ng virus lalo na itong Delta variant, at dito ba sa Pilipinas ang mga tinamaan ng Delta variant? Ilan po rito ang nabakunahan at kumusta po sila?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky. So, ito naman po ay palagian nating sinasabi, kasama ng ating mga eksperto, na ang isang bakunadong tao ay hindi pa rin po fully protected from symptomatic disease of this Delta or these variant of concerns.
So, ibig sabihin maaari pa rin tayong ma-infect kahit tayo fully vaccinated at maaari pa rin tayong makapanghawa. Ibig sabihin po nito, ang bakuna po natin nakapagbigay ng pangako that we will be protected against severe infections, hospitalizations and death.
Ibig sabihin, ibaba niya iyong tsansa na magkaroon tayo ng severe infection and therefore maospital o di kaya mamamatay. Pero, nagpakita rin po ng mga efficacy rate ang iba’t-ibang bakuna laban sa symptomatic disease at nakita po natin na naapektuhan po nito itong mga variant of concerns, specifically Delta variant. So, kailangan mag-ingat pa rin po tayo kahit tayo ay fully vaccinated, maaari pa rin po tayong magkasakit at maaari pa rin po tayong makapanghawa. So, ito pong bakuna, napaka-importante to protect us against severe infections.
As to the data kung ilan po dito sa mga may Delta variant, binubuo pa rin po natin ang ating mga datos, but we found already na 28 among the 200 plus individuals who got the Delta variant are not vaccinated.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Michael Delizo ng ABS-CBN: Nagdaos po ng forum ang Concerned Doctors and Citizens of the Philippines para talakayin ang ilan umanong panganib ng COVID-19 vaccines. Hindi raw ito dapat tinatangkilik dahil wala pang sapat na pag-aaral. Ang pagbabakuna ay dahil lang umano para kumita ang mga gumawa ng bakuna at para magkaroon ng kapangyarihan ang mga nasa likod ng lumikha ng crisis. Ano po ang reaction dito ng Department of Health?
DOH USEC. VERGEIRE: Napakalaking kamalian po ito pong ipinapakalat nila, lalung-lalo na po ngayon sa oras na nandiyan tayo, na may sitwasyon tayo which is very risky for everybody because of the Delta variant.
Napakita na po ng mga ebidensiya at pag-aaral all over the world na ito pong mga bakunang ito ay epektibo. Nakikita ho natin ang sitwasyon ngayon sa United Kingdom and Portugal kung saan pumuputok po ang kanilang mga kaso. Pero kapag tiningnan po natin iyong numero ng mga nauospital at namamatay, ito po ay konting-konti na lang dahil mataas ang kanilang bakunahan.
Ikukumpara po natin sa ibang mga bansa dito sa buong mundo, nakikita natin like in the African regions, dahil mababa po ang kanilang pagbabakuna, so pumuputok ang kaso. Pero ang kanilang pagkakamatay at pagkaka-hospital ay mataas pa rin dahil mababa ang kanilang pagbabakuna. Iyan lamang po ay isang ebidensiya na ang bakuna ay nakakaprotekta at nakaka-prevent ng severe infections and hospitalization.
So, sana po ang ating mga kababayan maging discerning po tayo. Iwasan po nating makinig doon sa mga unverified o iyong mga unofficial na mga impormasyon katulad nito dahil nakakapagpakita po naman ang ating gobyerno ng ebidensiya na ang bakuna po ay makakapagprotekta sa ating lahat lalung-lalo ngayon dito sa threat ng Delta variant na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Michael Delizo. Paano po ang bakunahan ngayong GCQ with heightened restriction at pagsapit daw po ng ECQ?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, isa po iyan sa gusto nating i-emphasize. Hindi po mapuputol or we will not discontinue ito pong pagbabakuna natin. Ito pong pagbabakuna ay isang magiging armas natin laban sa Delta variant kaya isa po ito sa paiigtingin ng ating gobyerno kahit tayo ay naka-ECQ.
Nag-uusap-usap na po ngayon ang ating mga officials and our operations person kung paano po natin isasagawa ito na tayo po ay magiging ligtas pa rin. So, we will have safe vaccination sites. Itutuloy pa rin natin at actually itataas po natin ang bilang ng dapat mabakunahan para po agad-agad tayo magkaroon ng protection laban sa mga variant na ito.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Kris Jose ng Remate, Remate online: Tama po ba na ang efficacy ng Sinovac ay hanggang anim na buwan? Kung ganoon po, kailangan po ba na magpabakuna o kumuha ng third dose ang isang taong bakunado ng Sinovac or puwede na po after ng two times ng bakuna ng Sinovac ay ibang brand naman po ang gamitin bilang third dose?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky, nasagot na natin ito ilang beses na pero gusto ko lang sabihin ulit hindi pa ho natin nirirekomenda ang booster doses dito sa ating bansa. Atin pong pinag-aaralan iyan at kausap po natin madalas ang ating mga eksperto at sa ngayon po, hindi pa rin po nila mairekomenda ang pagbabakuna ng booster doses although pinag-aaralan na kung kakailanganin ng mga immunocompromised individuals itong third dose or booster does.
Ito pong lumabas na artikulo ukol sa Sinovac na six months lang po, hindi pa po kumpleto ang ebidensiyang iyan. Kapag binasa ninyo po ng buo, it’s not even peer-reviewed. So, kailangan lang po tayo ay maghintay, magpasensiya, wala po ho tayong sapat na ebidensiya para po atin pong mairekomenda itong booster doses.
Pangalawa, kailangan po maintindihan ng ating mga kababayan ang objectives po ngayon ng ating gobyerno is to vaccine as fast all of those who are still not vaccinated. So, kapag in-introduce po natin ang booster doses it might have inequities ‘no. Ibig sabihin, hindi na naman mababakunahan iyong mga dapat mabakunahan sa ngayong ng kanilang first and second doses dahil hindi pa ho sila nakaka-receive and then yet we are going introduce another strategy of booster.
So, atin lang pong paghintayan iyan, pagpasensiyahan, huwag po nating gawin, wala pa ho tayong sapat na ebidensiya. Hindi ho natin masisiguro kung safe iyan, hindi rin natin masisiguro kung mayroon talagang adequate protection na maibibigay sa atin.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: A US CDC report says Delta variant is likely more severe than the other variants, spreads fast like a chickenpox and breakthrough transmission is as transmissible as the unvaccinated cases. It also noted that the risk of severe disease or death is reduced by 10-fold among the vaccinated.
Ang tanong po niya: So far are you seeing this trend too among the current Delta in the country?
DOH USEC. VERGEIRE: Well unang-una, Carolyn ‘no, ang nakikita natin most of those who are affected by the Delta variant ay ‘not vaccinated’ ‘no – so that’s one. Pangalawa, iyon pong proteksiyon na binibigay ng bakuna against the Delta variant ay nandoon katulad ng sinabi mo nga diyan sa article na sina-cite mo. Yes, the vaccines that we have currently in the country, lahat sila can protect you from severe disease and hospitalization.
So third, iyon pong sinasabing parang chickenpox siya – iyon pong chickenpox kasi, iyan ‘yung tinatawag na bulutong-tubig ‘no. So ito po iyong sinasabi na madali kasi ma-infect ang tao kapag chickenpox. So opo, ito pong Delta variant highly transmissible. Maari po tayong magkaroon ng fleeting moment lang at kaya ay puwedeng nang mahawa. Katulad ng sabi ko kanina, 1,000 more viral load ‘no than the UK variant itong Delta variant na ito.
So ‘pag tiningnan natin kahit na ang isang tao ay bakunado na, maari pa rin siyang makapag-transmit ‘no, hindi nali-lessen iyong chances na makakapaghawa siya ng ibang tao dahil ang taas noong viral load kapag ikaw ay may Delta variant.
So ito po ang mga pinapakitang datos ngayon sa atin. As to severity, no sufficient evidence yet so far na nakikita sa mga ebidensiya na mas severe ang dinudulot niyang impeksiyon; pero siyempre patuloy po nating pag-aaralan patuloy nating paghahandaan.
USEC. IGNACIO: Opo. tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano po ang puwede nating gawin para maiwasan ang siksikan ng mga tao sa mga bakuna center lalo na’t nandiyan na po ang threat ng Delta variant ng COVID?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Katulad ng sinabi ko nga sa iyo at sa ating mga kababayan, kapag tayo po ay nagkaroon ng ECQ, magkakaroon tayo nang mas maigting na pagpapatupad ng safety protocols dahil alam po natin ang threat ng Delta variant kaya nga po atin pong ila-lockdown ang mga areas.
Pero kailangan din alam natin ang importansiya ng pagbabakuna kaya gagawa tayo ng mga safe vaccination sites kung saan sisiguraduhin natin na hindi po tayo magkukumpul-kumpulan kapag tayo ay magpapabakuna na. There will be scheduling, we will be using bigger vaccination sites. Ang pinakamaganda po nito because naka-lockdown naman po ang ating lugar, mas madali po ang mobilization ng ating mga vaccinees and vaccinators para po mas makapagpabakuna tayo nang mas ligtas at saka mas madami.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Masasabi po ba ng DOH na late ang naging response nito sa pag-lockdown ngayong pumalo na ulit tayo sa 8,000 daily cases at masasabi po ba natin na itong pagtaas ay dahil sa Delta variant?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, Red, sinagot na natin kanina iyan ano. Hindi natin puwedeng tukuyin mismo na Delta variant talaga iyan dahil wala naman po tayong pinanghahawakang ebidensiya from genome sequencing that the extent of this spread of the Delta variant is there. Assumption po natin iyan that the—one of the drivers ngayon nang pagtaas ng kaso would be the Delta variant and the other variants of concern. ‘Pag tatandaan po natin, mayroon din pong Alpha and Beta variants na nakikita tayo dito sa mga iba’t ibang lugar sa ating bansa.
So as to the late—kung late tayo nag-lockdown, I think we are early on doing the preventive measures ‘no. Hindi man natin napatupad agad-agad ang lockdown pero nagkakaroon na tayo ng mga pag-iigting ng ating measures mula pa ho noong pumutok sa India itong Delta variant na ito.
At sa ngayon noong atin pong pinagdesisyunan sa IATF ito pong pagkakaroon ng GCQ with heightened and additional restrictions plus ECQ in the coming days, ito po ay preventive measures. This is an anticipatory move dahil hindi pa naman ho natin nakikita sa mga parameters natin na nandoon na tayo sa lebel na kailangan magsara na tayo pero sinasara natin na mas maaga so that we can prevent further spread and we can delay the spread of this variant.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Raya Capulong ng ABS-CBN, iyong ibang tanong po niya ay nasagot ninyo na. Ang follow up po niya: Ibang LGU ang sabi magha-house-to-house para magbakuna; advisable po ba ito sa kabila ng Delta variant?
DOH USEC. VERGEIRE: Well ‘pag tiningnan ho natin, sa tingin namin maganda po iyan na strategy ano. Unang-una, masisiguro natin na hindi magkukumpul-kumpol ang mga tao. Kung mayroon mang iikot, ang iikot po iyong team of vaccinators at hindi na kailangang pumunta pa ang mga kababayan natin sa isang lugar para doon mag-antay mabakunahan.
Pangalawa, mas maganda kasi masusuyod po natin bahay-bahay. Wala tayong maiiwan na hindi bakunado dito sa ating komunidad. So maganda po iyang strategy na iyan if LGUs have the resources, maari po nating gawin iyan. Pero kung mayroon naman ho tayong kasiguruhan that we can ensure a safe vaccination site for our citizens and then maari din po nating gawin iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may pahabol na tanong lang si Leila Salaverria ng Inquirer: Clarification lang daw po. Sabi daw po ng [garbled] tataasan ang pagbabakuna ngayong ECQ; may specific number ba na target vaccination during ECQ?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, sinasabi ng ating mga Metro Manila mayors ‘no na baka sana kakayanin nila between 180,000 to 200,000 per day itong pagbabakuna among all of the cities and the lone municipality here in Metro Manila.
By doing that, they will be able to achieve ‘no at least ito pong 70% noong kanilang populasyon by September. So ito po ay susuportahan naman ng ating national government at titingnan ho natin kung paano rin natin sila siyempre maga-guide on how we can better do this so that it can be something that can be used for us to protect our citizens from this Delta variant.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may pahabol lang pong tanong si Athena Imperial ng GMA-7: Totoo ba na may isang pamilya, family of 5 sa Bulacan na namatay dahil sa Delta variant; if yes, may you give us more details about this?
DOH USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po, Usec. Rocky, wala pa ho kaming natatanggap na impormasyon ukol dito sa Bulacan cases ‘no na if you’re saying that, kung namatay na limang magkakaanak with this Delta variant.
So amin pong titingnan iyan but for now iyon pong sa ating mga talaan, hindi naman po tayo nakapagpakita ng ganiyang numero sa Bulacan ‘no regarding this Delta variant. Pero titingnan ho namin iyan if that is at all true.
Pero sa ngayon po kasi ang mga namatay po at nai-report natin ay walo na dito po sa mga Delta variant at iyong iba po dito are returning overseas Filipinos ‘no. But as I’ve said, we will be checking on this and we’ll try to see.
Kasi ngayon po sa talaan natin, iyon pong sa Bulacan, wala ho tayo dito sa recent cases and sa pagkakatanda ko mayroon lang tayong isang taga-Sta. Maria, Bulacan in the recent or the previous runs; so tingnan ho natin iyan at imbestigahan.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa pagsama sa amin tuwing Sabado, Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Mabuhay po kayo, Usec.!
DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, muli po nating balikan si Dr. Ybañez. Doc, can you hear me? Okay, babalikan po natin si Doc. Ybañez.
Samantala, bago po tayo magpaalam, ang buong PCOO at PTV po ay taus-pusong nakikiramay po sa pagpanaw ni Ms. Arlene Sinsuat de Castro kaninang umaga. Siya po ang butihing ina ni GM Kat de Castro ng PTV. Muli po ang amin pong pakikiramay sa buong pamilya ni Ms. Arlene Sinsuat de Castro.
At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw, ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan po ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO, magkita-kita po uli tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center