SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Good news muna po tayo dahil Lunes ‘no. Binabati natin si Nesthy Petacio ng Women’s Featherweight Boxing at Eumir Marcial ng Men’s Middleweight Boxing. Sigurado na po silang mag-uuwi ng silver para kay Nesthy, at bronze medal para kay Eumir. Mayroon pa po silang laban at pupuwede pang maging ginto itong dalawang boksingero natin. Pero alam naman natin na hindi po sila titigil ‘no hanggang hindi nila nasusungkit nga po ang gintong medalya. Ganyan ang Pilipino, may determinasyon.
Kasama ni Nesthy at Eumir ang buong Pilipinas sa pagdarasal sa kanilang tagumpay pati na rin po ang ibang atletang lalaban sa Tokyo Olympics tulad ni Carlos Yulo na magpapakitang gilas po mamayang hapon, alas kuwatro. Go for gold, Pinoy medals! Go got gold, Pinoy athletes!
Mahigit dalawampung milyon or 20,863,544 na po ang total doses ng COVID-19 na na-administer natin. Ito po ay sang-ayon po sa National COVID-19 Vaccination dashboard. Samantala, mahigit siyam na milyon or 9,115,963 ang fully vaccinated na po ‘no mula kalahati lamang po ‘no, 4,000,104 noong buwan ng Marso o pagkaraan lamang ng apat na buwan. Kaya magpabakuna na po tayo. Wala pong bayad ang first and second dose. Magpalista lamang po sa inyong LGU.
At tuloy pa rin po ang pagbabakunahan kahit sa mga lugar na nasa ECQ at MECQ. Siguradung-sigurado po iyan dahil sasamantalahin natin ang ECQ para mas maparami pa ang mababakunahan. Pinayagan po ang ganitong klase na pagtitipon o gathering dahil maituturing ito na essential activities; serbisyong pangkalusugan po ito. At tiwala tayo na magpapatupad ang mga lokal na pamahalaan nang mas maayos na pagbabakuna na may social distancing sa ating mga vaccination sites.
Pagdating naman po sa supply ng bakuna, walang humpay po ang dating nito ‘no. Inaasahan ngayong araw, August 2, darating ang 415,000 doses ng AstraZeneca na donasyon ng UK government. Maraming salamat po sa UK government. Bukas, August 3, inaasahan naman na darating ang 3,000,060 doses ng Moderna na donasyon naman po ng US government. Inaasahan din natin na sa ngayong first week of August ay darating ang isang milyong doses ng Sinovac.
Ito po’y mga darating na bakuna sa unang linggo pa lamang po ng Agosto. Bukas po ay sasabihin namin sa inyo kung ilan iyong inaasahan natin sa buong buwan ng Agosto.
Naka-flash naman po sa ating screen ang final community quarantine classifications para sa buwan ng Agosto. Ang nagbago lang naman po so far ay, unang-una, nadagdag po ang mga lugar ng Laguna at Aklan, kasama po ang Lapu-Lapu City at ang Mandaue City sa MECQ. Dati naman po—ang Apayao rin pala po ay nadagdag. So tatlo po iyong lugar na nadagdag sa MECQ: Apayao, Laguna at Aklan.
Sa GCQ naman po, naibaba ang klasipikasyon ng Cebu Province nga po galing MECQ to GCQ with heightened restrictions. Wala pong pagbabago doon sa mga lugar na nasa ilalim po ng GCQ. At lahat po ng mga wala sa listahan na pinapakita natin ngayon ay mga mapapasailalim sa MGCQ.
Lilinawin ko lang po ‘no, itong linggo na ito, hindi lang po under heightened restriction ang Metro Manila, mayroon pa po tayong additional restrictions.
Ano po ang ibig sabihin nito? Well, alam naman natin na bawal po ang outdoor non-contact sports dito sa Metro Manila ‘no. Alam din natin sa NCR iyong outdoor tourist attraction ay hanggang 30% po ‘no. Iyong ating personal care services hanggang 30%. Wala po tayong indoor at wala tayong al fresco dining. Iyan po talaga ang malaking pagkakaiba ‘no. Take-out and delivery lamang. At saka wala pong mass gathering, so magkakaroon lang po tayo ng virtual religious gatherings. Now, wala rin po tayong interzonal travel kasi baka naman dahil alam nating mag-i-ECQ ay mag-alisan ng Metro Manila lahat eh maikalat iyong Delta variant sa iba’t ibang parte na pupuntahan nila ‘no. So bawal na pong lumabas at pumasok ng Metro Manila unless kung essential po iyan. Sa intrazonal dapat stay home na rin po tayo dito sa Metro Manila. Kung hindi kinakailangang magtrabaho, stay home.
Ang dahilan po kaya tayo nagkaroon ng ganitong klasipikasyon ay nagkaroon po ng dalawang opsyon ang IATF – outright ECQ or mayroong isang one week na palugit pero mas istrikto kaysa sa GCQ with heightened restriction. At mamaya po sasabihin ni Dr. Salvaña na this is a preemptive response dahil nga po mas nakakahawa at mas delikado itong Delta variant.
Now, lilinawin ko po: Hindi naman po ganito ang patakaran sa GCQ with heightened restrictions sa Cebu. So, ano lang po sila, GCQ with heightened restriction. Ibig sabihin po, sa Cebu, mayroon pa po silang outdoor tourist attractions na 30%; mayroon din po silang personal care services na 30%; allowed pa po ang specialized markets ng DOT gaya po ng staycation at saka iyong mga DOT-accredited accommodations. So bukas pa po ang mga hotels sa Cebu Province. Ang indoor dining ay allowed pa po sa Cebu province pero ito po ay 20% of venue or seating capacity; at ang outdoor dining po ay 50% of capacity. Sa religious services, puwede po sa Cebu Province hanggang 10% na pupuwede pong mataasan ng LGU hanggang trenta porsiyento. Ang interzonal travel po from Metro Manila, subject to restriction po ng pupuntahang LGU sa Cebu. Pero intrazonal sa Probinsiya, kung pupuwede po mga intrazonal ay mga APORs lang po at kung lalabas ay para po sa mga pangangailangan lamang. At siyempre po, lahat ng ating mga kabataan at ang mga 65 years old na hindi pa bakunado, homeliners po muna tayo.
Pero gaya ng napagkasunduan po sa IATF, iyong mga fully vaccinated seniors ay pupuwede naman pong lumabas ng bahay. Pero pakiusap na rin po, kinakailangan mask, hugas, iwas at kung hindi naman talaga kinakailangan, iwasan na rin po natin ito.
COVID-19 updates naman po tayo. Ito po ang ranking ng Pilipinas sa mundo sang-ayon po ito sa Johns Hopkins:
- Number 24 po ang Pilipinas pagdating sa total cases
- Number 29 po ang Pilipinas pagdating sa active cases
- Number 132 po tayo pagdating sa cases 100,000 population
- Number 86 po tayo sa case fatality rate na bahagya na pong umakyat ha at 1.8% bagama’t ang world average na acceptable po ay 2.1%
Dito po sa Pilipinas ay nasa 8,735 na mga bagong kaso ayon sa August 1, 2021 datos ng DOH, bahagya na rin po at unit-unti na ring umaakyat ‘no. Mataas pa rin po ang ating recovery rate na nasa 94.3%. Mayroon na po tayong 1,506,027 na mga gumagaling. Samantala, malungkot po naming binabalita na nasa 28,060 na po ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.75% nga po ang ating fatality rate ‘no.
Kumustahin naman natin ang lagay ng ating mga ospital dito po sa Metro Manila na one week before ECQ. Well, maluwag-luwag pa naman po ang ating mga ospital ‘no. Ang ICU beds po natin, 51% po ang na-utilize – umakyat na po iyan. Ang isolation beds natin, 49% po ang utilized; ang ating ward beds, 42% ang utilized; ang ating ventilators ay 39% utilized.
Sa buong Pilipinas po, naku, tumaas po ang ating ICU beds utilization ‘no nasa 59% na po ang ginagamit nating mga ICU beds. Ang isolation beds naman po, 51% ang ating nayu-utilize; ang ating ward beds ay 48%, at ang ating mga ventilators ay 40% utilized.
Sa ibang mga bagay: Pinirmahan po ni Presidente Rodrigo Roa Duterte noong Biyernes, July 30, ang Republic Act # 11572, an Act Establishing the Philippine Energy Research and Policy Institute, Defining Its Objectives, Powers and functions and providing funds thereof. Ang Institute ay magiging isang independent agency attached sa Pamantasan po ng Pilipinas.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon ‘no. Makakasama po natin ngayon ang MMDA Chair Benhur Abalos, at Infectious and Disease Specialist Dr. Edsel Salvaña; unahin po muna natin si MMDA Chair Benhur Abalos.
Sir, marami pong tanong: Kinakailangan ba hong mag-isyu muli ang mga LGUs ng quarantine passes? A kailan po nila iisyu ito? Iisyu na ba ho nila ito nitong linggong ito o aantayin pa ang ECQ sa a-sais? MMDA Chair Benhur Abalos, the floor is yours. Go ahead, please.
MMDA CHAIR ABALOS: Magandang tanghali po, Spox Harry. At magandang tanghali po sa lahat po ng nanunood!
Sir, iyon pong tinatawag na quarantine pass, iyon pong kung ano iyong prinaktis (practiced) noong araw ng mga local government units, iyon na lang po muna ang gagawin namin ngayon because mabilisan po ito eh. We’re just talking of about five more days from now para mag-imprenta kami, mag-collate na naman kami ng mga pangalan, masyadong mabigat po.
So, sa ngayon, each LGU sa baba po ay magbibigay po sila ng mga instructions kung anong prinaktis noong araw as much as possible. Effective naman, napababa ang kaso, iyon na rin po ang gagawin pong practice, Spox. Harry.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat po! At paano naman po iyong ating mga border controls para hindi na po lumabas ng Metro Manila ang ating mga kababayan na posibleng maging dahilan para maikalat ang Delta variant? Mayroon na po ba tayong mga checkpoints? Ano po ang impormasyon natin galing din sa PNP?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, inaayos po ngayon ito ni Secretary Año. I think he’s now imposing certain controls outside of Metro. Pero pagdating po ng a-sais ng ECQ, ito pong border controls natin ay within NCR na po.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Chairman Abalos.
Puntahan naman natin si Dr. Edsel Salvaña. Dr. Edsel Salvaña, well, sasabihin ko na po in the interest of transparency, naging mainit po iyong debate noong IATF. Ako po iyong nag-move na magkaroon muna tayo ng isang linggong palugit at ang rekomendasyon nga po ng ating mga mayors ay agaran basta mayroong ayuda ay dapat mag-ECQ na. Ang una kong tanong po, mababa pa po ang mga kaso bagama’t tumataas na, ang tanong po, bakit kinailangang magdesisyon na mag-ECQ sa a-sais at bakit kinakailangan ng additional and heightened restrictions na GCQ dito sa Metro Manila? The floor is yours, Dr. Edsel Salvaña.
DR. SALVAÑA: Thank you very much, Spox Harry. The way we look at iyong mga models nga kagaya ng sinabi ninyo po is mayroon tayong options – iyong four weeks po na hard ECQ starting August 1 or iyong mayroon pong one week na palugit na kumbaga eh tightens and tightens po ang nangyayari.
So, iyong nakita naman po natin sa models, either of those options, will actually result in drastic decrease in the number of projected Delta cases, bagama’t mataas pa rin iyong mangyayari compared to kung two weeks lang iyong gawin natin or mas maikli, nakita naman po natin puwedeng iyong active cases pumalo sa mga 200 to 300,000. So, iyon po talaga iyong iniiwasan natin na sobrang taas.
Pero iyong dalawang options po katulad ng sinabi ninyo na ibinigay, malapit lang naman po iyong numbers and of course there is the consideration nga of being able to prepare. Ang nakita naman po natin, ang pinaka-important na action point dito sa ating ECQ is to vaccinate as many people as possible.
And the reason for that is kung umabot nga tayo doon sa point na tataas na iyong number of cases natin because of the Delta surge, kung karamihan sa ating mga kababayan ay nabakunahan na by that time, then 90% decrease ng mga kakailanganing iospital, 90% decrease in mamamatay.
So, ang makikita po natin is even if the number of cases goes up tenfold, the number of people who will have to be in the hospital goes down tenfold also, so, kakayanin ng current capacity po natin.
SEC. ROQUE: Okay. Gusto kong ipakita sana po iyong FASSSTER projection ‘no. Ito po ay mga consultants na ni-retain ng ating gobyerno para magkaroon ng mga mathematical models kung gaano karaming mga kaso kung tayo po ay mananatiling GCQ; kung mag-i-impose tayo ng dalawang linggong MECQ; or dalawang linggong ECQ. Pero maya-maya po iyan, ifa-flash po natin iyan at ie-explain ko ‘no habang hinahanap pa po natin dito iyong ating mga datos ‘no.
Pumunta na po muna tayo sa ating open forum. Simulan na po natin ang open forum at kapag handa na po iyong FASSSTER na graph, eh babalikan ko po iyan para i-explain ‘no. Go ahead, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes, good afternoon, Secretary Roque at sa atin pong mga bisita. Unang tanong from Leila Salaverria ng Inquirer: Are the NCR residents assured of aid and has the government identified a funding source? How soon can they get the financial assistance for the ECQ? Similar question with Llanesca Panti of GMA News Online, Daily Tribune News Desk, Sam Medenilla of Business Mirror.
SEC. ROQUE: Well, doon sa debate po kung talagang agarang mag-i-ECQ or mag-aantay ng isang palugit na isang linggo, ang sinabi ko po diyan ay kinakailangan paghandaan ng taumbayan iyong ECQ, iyong mga kinakailangang mangutang para may makain, kinakailangan makapangutang muna at saka siyempre para mabigyan ng pagkakataon iyong gobyerno na paghandaan iyong pamimigay ng ayuda. Dahil alam natin na marami pong isang kahig, isang tuka, hindi naman pupuwedeng magugutom sila ng tuluyan.
Kaya naman po ang assurance ng ating Presidente, hindi talaga tayo magla-lockdown kung walang ayuda. At nakumpirma ko na po ngayong araw na ito, siguradung-sigurado po, ibibigay nating ayuda na ibinigay din natin sa Cagayan De Oro, Iloilo province at Iloilo City, P1,000 per person, hanggang apat na libo kada-pamilya. Sigurado pong ibibigay iyan! Ang hindi lang sigurado, saan kukuning. Pero ang mandato ng Presidente, humanap kayo ng pera. Magkaka-meeting po ng 1:30 ngayon sa DBM, at malalaman natin kung saan nila kukunin iyan.
Pero ang siguradung-sigurado, walang ECQ na walang ayuda at ninanais po natin maibigay po itong ayuda sa lalung mabilis na panahon bago pa po mag-lockdown, kaya nga po nagbigay tayo ng isang linggong palugit, among other reasons.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: The Presidente earlier said the US must pay if it wants the agreement to be retained. And the Palace subsequently said, the Philippines must get military aid similar to what the US gives other countries. Did the US promise additional military aid in exchange for keeping the VFA?
SEC. ROQUE: Sa totoo lang po, wala pa akong alam, kasi naging mabilis din po ang desisyon ng ating Presidente matapos makipagpulong doon sa Secretary of Defense ng Estados Unidos. Pero kung mayroon man po, aalamin ko at sasalain po natin dahil hindi naman po lahat ng bagay na nakakaapekto sa ating diplomatic relations at diplomatic communications ay puwedeng isiwalat. Iyan po ay isang exception sa freedom of information ng mga mamamayan.
Bago po tayo magpatuloy, nasa screen na po natin ngayon ang FASSSTER projections. Iba-iba pong linya iyan. Ano ang ibig sabihin niyan? Well, iyong pinakamataas pong linya, nakikita ninyo ano ‘no, iyong pinakamataas na linya, iyan po ay iyong kulay orange, iyan po ay ang projection kung tayo po ay mananatili under GCQ. Makikita ninyo na ang projection ay aabot hanggang—ilan ba itong kaso … hanggang 525,000 cases on or before September 26, kung mananatili po tayo sa GCQ ng apat na linggo.
Iyong dotted line na marami po doon sa orange line na iyan, iyan po iyong bahagyang maliit na numero, kung tayo po ay magpapabilis ng bakunahan
Iyong susunod naman na kulay po na parang pink, iyan naman po ay kung tayo po ay mag-i-impose ng two-week ECQ, two-week MECQ, iyan pink. Makikita ninyo na iyan po ay aabot pa rin sa mahigit kumulang na 250,000 ang magiging kaso.
Iyong dotted line po ay iyong kakaunting …may deperensiya nang kakaunti kung mapapabilis natin iyong pagbabakuna.
Iyong blue line naman po ay two weeks na ECQ at two weeks na GCQ, at makikita po ninyo na aabot din iyan, ang projection nila by September 26, aabot din po iyan ng mahigit-kumulang mga 230,000 ang mga bagong kaso.
Iyong susunod na kulay po na parang purple, ito naman po ay two-week ECQ, two-week MECQ, two-week GCQ. So mapapababa po siya be end of September ng mga 135,000 new cases.
Now, iyong parang red line po o parang purple ay iyan po iyong kapag one-week GCQ and three weeks ECQ na walang pagbabago po sa bakuna. Mapababa po siya to siguro below 50,000 by the end po, pero malaki naman ‘no. Siguro aabot lang iyan ng mga 25,000 ang mga kaso.
Pero ang pinili po natin talaga, dalawa po iyan, iyong isang parang maroon—iyan po ang pinili natin, actually iyan po ang projection kapag one-week GCQ and three-week ECQ. Ito pong dahilan kung bakit naggawa tayo ng additional and heightened restrictions. Kasama po diyan iyong wala ng indoor dining, walang ng al fresco dining, wala ng interzonal at kung hindi naman po magtatrabaho, hindi essentials, stay at home na tayong lahat. Inaasahan po natin sa pamamagitan ng one-week additional and heightened restrictions and two-weeks ECQ, mapababa natin ang mga kaso by end of September ng mga mahigit kumulang 25,000 po siguro or even less.
Iyong green line naman po ay kapag tayo po ay talagang nanatili sa four-week ECQ. Pero makikita naman po ninyo, kung four-week ECQ bahagya, lang ang deperensiya doon sa option na pinili natin. So, lahat naman po ng ating desisyon naka-siyensiya.
Now, ang tanong: Bakit hindi pa natin kinuha pa ng isang linggo iyong additional and heightened restrictions eh mukhang sisipa naman ang kaso on or before August 15 ‘no? Bakit kinailangan paagahin natin ng isang linggo? Well, kasi nga po ang projection is para makamit natin iyong maroon line, eh kinakailangan ng three-weeks ECQ. So inaasahan natin na itong heightened and additional restriction, eh sana ay maging katumbas na ng isang linggo na rin ng ECQ.
Oo nga pala po, ang mga korte nagsabi na na from 2 to 20 ay skeletal force po ang mga hukuman. At naniniwala po ako na iyong ibang mga branches will follow suit dahil ang habol nga po natin ay makamit natin iyong purple line na iyan na hindi sana umabot ng 25,000 ang kaso natin pagdating po ng katapusan po ng Setyembre.
Okay, so tuloy na po tayo sa ating mga tanong.
SEC. IGNACIO: Secretary, mayroon lang pong last question si Leila Salaverria. Huling tanong lang po ni Leila Salaverria.
SEC. ROQUE: Go ahead.
USEC. IGNACIO: What if any other changes made to the VFA?
SEC. ROQUE: Wala pa po akong impormasyon. Si Secretary Del Lorenzana mentioned that there is an addendum of sorts, pero ang alam ko naman po nagkaroon ng desisyon without any signing of any addendum.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Mela Lesmoras, please.
MELA LESMORAS/PTV: Hi! Good afternoon, Secretary Roque, at sa ating mga guest, si Chairman Abalos at si Dr. Salvaña.
Secretary Roque, unahin ko lang po iyong tanong sa ECQ aid. For you, Secretary Roque and for Chairman Abalos. Secretary Roque, itatanong ko lang po kung kailan kaya iyong target start ng actual distribution ng aid hindi lamang sa NCR kung hindi doon sa mga naunang ECQ areas, sa Gingoog City, CDO at Iloilo at dito siyempre sa NCR? And kay Chairman Abalos: Paano po nakikita nating sistema ng safe and effective distribution ng aid po sa ating mga kababayan kapag ECQ na nga dito sa Metro Manila?
SEC. ROQUE: Sa una mong tanong, Mela, I think I mentioned in my Tuesday or Thursday briefing na na-download na sa local government iyong pondo para sa Cagayan De Oro, Iloilo province, Iloilo City at Gingoog. Ngayon, ang last information ko is, at 1:30, we will find out kung saan kukunin and they are able to transfer it to the LGUs within the week. The earlier the better para masimulan na kaagad ang distribution. Siguro si Chairperson Abalos naman po can discuss how fast they can give it out kung mai-transfer sa mga LGUs.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, salamat po, Spox Harry. Unang-una, hindi talaga namin alam, mabuti at na-clarify ni Spox Harry ngayon kung magkano ang ibibigay per family. Sa totoo lang, mahirap gumalaw nang hindi namin alam ang ibibigay sa aming pera kung magkano. So we were just assuming kung magkano ang ibinigay noong araw ganoon din, so that we could definitely make the final list here. Kasi there are questions about the list before, medyo talagang kinulang kami roon. But on the ground, we will have to discuss this with Sec. Año para ma-finalize namin ang listahan.
With reference dito sa procedure, well, siguro kung ano talaga iyong procedure namin noong araw, except that siguro ipa-fine tune na lang namin para huwag na lang pong magkaroon ng super spreader event dahil napakahirap ibahay-bahay po ito; sana maunawaan ng mga nanunood ngayon. Remember in that two weeks, magbabakuna kami at habang nagbabakuna ka, mayroon ka pang you take care of those who are sick. Ang isa pang problema namin dito, siyempre kung medyo mag-surge, iyong mga nagbabakuna mo, uunahin nila iyong sa ospital, so mawawalan ka ngayon ng bakuna. So we also have to make a pool of doctors, reservists, ‘ika nga, reserved here. So medyo thin line talaga ngayon for the next two weeks, iyon ang pinagkakaabalahan naming mga mayors.
So in short, ang ginagawa namin ngayon, nag-usap kami about procedures, what we have implemented before during the last ECQ. Try to refine it, i-improve namin po ito so far. At salamat, Sec. Harry, for clarifying kung magkano ang ibibigay. Thank you po.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Thank you, Chairman Abalos. Secretary Roque, for my second questions, sa inyo naman po ni Dr. Salvaña. Paano pa po paiigtingin natin iyong government response? At nakarating po ba sa inyo iyong isang viral photo sa Cebu City kung saan even sa labas ng ospital ay may mga oxygen tanks na sa mga sasakyan? Paano po natin paiigtingin? At by means nga ng ECQ, gaano po kalaki iyong mababawas na kaso na dapat magkakaroon tayo, gaano kalaki po iyong mababawas at magiging epekto nito sa ating COVID-19 cases?
SEC. ROQUE: Well, sa una mong katanungan, nakita ko po iyong mga larawan na iyan ‘no. Pero hindi po tayo bagito pagdating sa laban sa COVID-19. Alam po natin may ilang mga ospital na mapupuno kaagad kaya nga po mayroon tayong mga lokal na One Hospital referral center para malaman ng taumbayan kung saan sila pupunta. Tawagan ninyo lang po kung ano iyong lokal na hospital referral center diyan po sa Cebu City nang hindi na kayo pumunta sa ospital na puno na. Kasi ang healthcare utilization rate naman po sa Cebu City, bagaman ay mataas, ay hindi pa naman po kritikal; mayroon pang mapupuntahan. Tawagan ninyo lang po ang inyong One Hospital Command Center diyan sa Cebu.
So ang sinasabi ko lang po, mas nakakahawa itong Delta variant pero halos dalawang taon na rin po tayong nakikibaka laban dito kay COVID-19, alam na po natin ang gagawin natin diyan ‘no – mask, hugas, iwas; prevention, detection, isolation and treatment, at siyempre iyong response ng ating DOH na One Hospital Center. Huwag na po tayong magpilitan pumunta doon sa ospital na gusto natin kung puno na. Pumunta po tayo doon sa mga ospital na pupuwede pang mag-accept.
Dr. Salvaña, would you like to add?
DR. EDSEL SALVAÑA: Yes po, Spox. I think it’s very important nga na ma-manage talaga natin iyong ating healthcare system. Kasi alam naman natin na kapag nagkakaroon ng surge ng cases na puwedeng ma-overwhelm iyong healthcare system, doon talaga nagkakamatayan iyong mga tao. So very important din na ma-spread natin iyong mga mild cases lang, puwede naman sila sa TTMF or Level 1 hospital. I-reserve talaga natin iyong mga high-level care, iyong mga severe, iyong mga kritikal na kailangan talagang i-hospitalize.
So as has been mentioned, I think we really need to work together para at least ma-maximize natin iyong healthcare system natin and at the same time, continue to prevent new infections po.
SEC. ROQUE: Siguro idadagdag ko lang, as far as Cebu City is concerned, hindi po kasi umabot doon sa meeting ng IATF iyong kanilang apela kaya hindi pa nakukonsidera. Pero ang isa pong napansin natin sa Cebu City ay nabawasan po iyong kanilang temporary treatment and monitoring facilities (TTMF), iyong mga isolation centers. Kasi iyong dalawang pinakamalaki po, iyong NOAH (New Normal Oasis Adaptation and a Home) isolation na isa po ako kasama doon sa inaugurate, ay naging vaccination center; at iyong isang facility na suportado ng Simbahang Katolika ay tinigil na rin po ang paggamit. So malaki po iyong binaba ng TTMFs.
Importante po ang TTMFs, kagaya nang sinabi ni Dr. Salvaña, kung maraming TTMFs, doon po natin papupuntahin iyong mga positibo na hindi naman po kinakailangang maospital, at marireserba natin iyong ating mga ospital para sa mga seryosong kaso at mga kritikal. Nandiyan din po iyong tinatawag nating ‘accordion approach’, na alam nating kulang ang ICU beds, pero kung kinakailangan ay iku-convert natin ang mga regular beds into ICU beds.
Next question please.
MELA LESMORAS: Opo. And panghuling tanong na lamang, Secretary Roque. May ‘Talk to the People’ po ba si Pangulong Duterte mamaya? At mayroon po ba siyang inaasahang mga announcements? Ano po kaya iyong mga topics?
SEC. ROQUE: Mayroon po, mamaya po, Talk to the People.
Thank you very much, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky please.
USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary Roque. Mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online for Chairman Abalos: Ano raw po ang magiging curfew hours sa dalawang linggong ECQ?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, nag-usap-usap na po ang mga alkalde ‘no. Napagbotohan po ito at unanimous po sila, starting August 6 ay magiging 8 o’clock PM up to 4 A.M. po ang curfew. At pagdating naman sa liquor ban ‘no, ito ay kaakibat ng liquor ban eh, ito ay ipinapaubaya na rin sa kanya-kaniyang LGUs. So far, may mga LGUs kasi na nagsasabi na wala silang liquor ban kamukha ng Makati, ng Taguig, Pasig at Las Piñas. At sa nakikita namin, ang Valenzuela, Mandaluyong, Parañaque, Pasay, Navotas, Pateros, Quezon City at San Juan may mga liquor ban.
So pagdating sa liquor ban, kaniya-kaniya po. Iyong iba ay kinu-collate pa lang ho namin sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Chairman Abalos. Iyong second and third question po niya ay nasagot ninyo na. Secretary Roque?
SEC. ROQUE: Punta naman tayo kay Pia Rañada of Rappler, please.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just to clarify, kasi doon sa IATF Resolution, it mentions that four million doses will be secured for Metro Manila during the ECQ period. Can I just know if this is assured already? Kasi may addendum doon na it says, “subject to supply”. So can we already say that we will be giving four million to Metro Manila?
And I guess for MMDA Chief Abalos, Sir, paano kaya mapapabilis iyong vaccination during ECQ?
SEC. ROQUE: Well, kagaya po ng sabi ng Resolusyon, eh kung subject to supply po, pagbibigyan naman po iyan. Pero ang alam ko po, nang huli kong tinanong si Secretary Galvez, ang siguradong-sigurado ay hanggang 2.5 million. Pero subject to supply, titingnan po nila kung maaabot nila iyong four million.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, 2.5 is for Metro Manila?
SEC. ROQUE: Yes, yes.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Just Metro Manila, all right. So MMDA Chief Abalos, paano po iyon, paano po natin papabilisin ang vaccination during ECQ?
MMDA CHAIR ABALOS: Yes, thank you, Pia, for that question. Actually, we’re prepared for it. Before we have done 200,000 jabs before, above 200,000. Probably, two weeks ago, we’ve only averaging 110,000, one hundred seven, depending on the supply. Our target is about 250,000 jabs. It’s quite a tall order right now. Actually sa totoo lang, tinitingnan namin iyong tag-ulan eh, with the typhoon, etc., malaking bagay iyon eh. So ngayon pa lang ay pini-pinpoint na namin iyong mga private [sector] na puwedeng tumulong. Iyong iba ililipat na namin sa mga malls, malaking bagay.
At of course, mayroon ding iba na kamukha ng Quezon City, kamukha ng Manila, mayroon silang mga drive-thru na doon ka na lang sa kotse mo, hindi ka na lalabas. So maraming innovations sa ngayon. But what is really important here, I think the most critical here is iyong habang nagbabakuna ka iyong surge eh. So kung makukontrol na, kasi if there will be a surge in the hospitals, our inoculators, uunahin nila iyong nasa ospital. So magkakaroon kami ngayon ng vacuum dito kung sino ang mag-i-inoculate.
So as early as now, I think si Dr. Vega, sa tulong ng DOH, gumagawa sila ng pool ngayon. Even the private [sector] ay nagpapatulong na rin kami so that we could really get this going. And if I would further add lang ‘no, sa sinabi kanina ni Spox Harry, kasi talagang nag-moved ang Metro Manila mayors for this two-week ECQ not only because of this report ‘no, kasi mabilisan itong nangyaring iyon eh. Because of the assessment that is happening on the ground. That day, sa Pasig from 17 nag-70. Sa amin sa Mandaluyong, from 5 nag-33. In one place, nag-300. At magugulat ka ‘no, natataranta talaga kaming mga mayors kaya that evening we’ve met, and the following day, sinabi kaagad namin dito.
And to further corroborate iyong sinasabi ni Dr. Edsel at ni Spox Harry, right now sa Manila, sa metro, hindi kami lumalampas ng 6,000. Five thousand six hundred, five thousand seven hundred, increments of 100-500 but in one day I think it was the other day, nag-1,500 increase—1,300. Talagang iba ito.
And to further elaborate on what Spox Harry is saying, iyong ginawa nila, this is if you’re going to go through what we are doing right now – GCQ and same vaccination, hindi mo babaguhin bakuna mo, iyong 8,000 na active cases ngayon magiging 28,000 by August 15; magiging 85,000 by August 31; magiging 234,000 by September 15 at magiging 500,000 by September 30.
That is why, sana maunawaan lang, ang hiningi lang naman namin is two weeks na ito plus of course iyong heightened one week ‘no. Sana lang maputol pero of course, nandiyan si Dr. Edsel, will bear me out, this would stop the ano of the virus for the meantime. Ang importante huwag tayong mapuno talaga sa ospital sa ngayon; sana maunawaan po ng mga tao ito.
Salamat po.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Then, sir, lastly for Sec. Harry. Sir, what was the reason why the President ultimately decided to keep the VFA? Was it something that Secretary Austin said during their meeting?
SEC. ROQUE: Hindi naman po ano. Talaga naman na kung gugustuhin ni Presidente ay talagang pinatuloy na niya iyong termination ng VFA pero naka-ilang beses siya na extension ng termination at siguro po iyong mga totality ng mga pangyayari recently at saka iyong thorough assessment of what constitutes the national interest prompted him to withdraw his earlier termination.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Would you say, sir, that the vaccine donations from the US was part of this—was one reason why?
SEC. ROQUE: I said, consider the totality of circumstances. There’s a good possibility po that that was also part of the equation.
PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, Sec.
SEC. ROQUE: Thank you very much. Punta tayo ulit kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. For Chairperson Abalos, may clarification lang po si Marichu Villanueva ng Philippine Star: If Metro Manila curfew daw po 8 P.M. to 4 A.M. during ECQ already approved by IATF?
MMDA CHAIR ABALOS: Hindi na po kailangang aprubahan this kind of regulation. This is left within the power na po ng mga mayors. Hindi na po kailangan ng IATF approval po ito.
USEC. IGNACIO: From Karen Villanda ng PTV for Secretary Roque: Ano po ang reaksiyon ng Malacañang sa suggestion na magkaroon ng transpo bubbles kung saan magkakaroon ng exclusive buses and other public transpo only for vaccinated individuals?
SEC. ROQUE: Pag-aaralan po iyan. Iyan po ay siguro pormal na isusumite sa IATF; pag-aaralan po ng Technical Working Group at pagdedesisyunan po.
USEC. IGNACIO: For Chairperson Abalos: May suggestion na ba ang Metro Manila Mayors sa DOTr kung dapat bang panatilihin ang public transportation during ECQ or hindi?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, dapat pong panatilihin. Number one, is for our frontliners; number two is for our essentials, iyong mga essential workers; ang most importantly number three, iyong mga magpapabakuna po dahil we’re going to make use of this two-week time na talagang i-ramp-up ang bakuna and mabilisan po. Importante po ang transportasyon ng mga tao rito. Pero of course kinakailangan din talaga maging istrikto din talaga tayo.
USEC. IGNACIO: For Secretary Roque, from Yellow ng China Central Television: The Foreign Ministry of China said on July 23 that the second phase of the work plan for the COVID-19 virus origin tracing proposed by WHO Secretariat has been seriously politicized. Earlier, the permanent representatives of 48 countries in Geneva sent a letter to WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus supporting global research on the origin of the virus and opposing politicization of the origin tracing. How does the Philippine Government comment on this?
SEC. ROQUE: Well, alam naman ninyo talagang itong COVID-19 is the common enemy po ng entire humanity ‘no., kalaban po ng lahat iyan. Kahit anong nasyonalidad mo, kahit anong kulay mo, kahit ang uri mo, anyo mo, kalaban natin ang COVID-19. Kinakailangan po eh magkapit-bisig ang buong daigdig para labanan itong COVID-19 na ito.
Ang problema po kapag pinulitika natin eh magiging hadlang po iyan sa ating pagkakapit-bisig. So, siguro po iyong posisyon ng 48 countries na huwag i-pulitika, well, iyan din po ang ating posisyon dahil dito nga po sa Pilipinas pati iyong ating mga response sa COVID-19 eh napupolitika ‘no, ganoon din po ang mangyayari in the international realm kung talagang ipupolitika natin kung saan nagmula itong COVID-19.
Iyong isyu po kung saan nagmula ang COVID-19 dapat malaman natin. Pero iwan na po natin iyan sa mga scientists, sa mga experts, hayaan nating siyensya ang sumagot; huwag po natin pong bigyan ng political answer.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Trish Terada, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Spox! Spox, question lang po with our new restrictions: Bakit po NCR lang iyong isinama doon, for example, one week of GCQ with heightened and additional restrictions at two weeks ECQ, bakit hindi po this time NCR Plus?
SEC. ROQUE: Because we’re data driven po. Alam ninyo naman po iyong formula natin ‘no, daily attack rate, two-week average daily attack rate, critical care at saka iyong hospital care utilization rate ‘no.
So, alam nating one geographic unit iyan pero mas matindi po talaga iyong, number one, frequency ng Delta variants dito po sa Metro Manila at siyempre po dahil nga mas infectious siya mas mataas iyong nagiging daily attack rate at two-week average attack rate.
Pero kung mapapansin ninyo po, ang probinsiya ng Laguna po ay nasama na rin sa MECQ ngayon na mas mataas pa po kaysa dito sa heightened and additional restrictions. Pagdating naman po doon sa ECQ, well, iyon nga po ay sang-ayon na rin sa projection ng FASSSTER kasi ang projection na ipinapakita natin sa screen ay NCR projection po.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, ano po iyong chances that we have now more Delta variant carriers but remains undetected due to the limited capacity of the Philippine Genome Center? And sabay ko na rin, sir, speaking about foresight, I know I asked this a long time ago pero, sir, lumalabas na naman po siya that there could be a lack of foresight in terms of, you know, helping the Philippine Genome Center in terms of their capacity na makapag-test po sila ng mas maraming samples. Bakit hindi ito nagawa or nagkulang probably during the time na nag-ECQ in the past or in the length of time na may kakayanan sana tayong i-update ang PGC?
SEC. ROQUE: While I will agree with you na ang gobyerno talaga ay gumagawa na ng hakbang para ma-expand iyong ating genome sequencing capacity, I will probably disagree na there was lack of foresight. Unang-una, ang importante eh we have vigorous testing kahit ano pang variant iyan dapat alam natin kung sinong dapat i-isolate and that is something that we have been pursuing.
We are in fact the third highest as far as testing rates are concerned in our area of the world; so I don’t think there’s a lack of foresight because even we don’t know the specific type of COVID-19 that is infecting our people alam natin na who is at least infected at alam mo kahit ano pang variant iyan, pareho naman ang protocol – isolation, contact tracing, and treatment.
But having said that, as I said, I concede, talagang papalakasin pa natin ang ating kakayahan nang malaman natin kung anong variant iyan ‘no; pero hindi naman ibig sabihin na dapat 100% tini-test para malaman natin kung anong variant. Mayroon din naman talagang statistics na tinatawag. Eh, kung mga voters’ preference nga which is similar to the statistical approach na ginagamit natin eh napakaliit ng sample ‘no, hindi naman po balakid talagang malaki iyon na maliit iyong sample na nate-test, basta random po siya.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Pero, sir, what is the IATF’s thoughts about the possibility or kino-consider ba ng IATF iyong posibilidad na mas maraming undetected Delta variant na at least in Metro Manila?
SEC. ROQUE: As I said, what matters is we test. So, basta alam natin kung sinong mayroong COVID-19 kahit anong variant pa iyan pareho ang protocol, i-isolate at iko-contact tracing.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, as last a question for you then I’ll go to you again or to MMDA chief po—
SEC. ROQUE: Before you do, Dr. Salvaña, would you like to add anything?
DR. SALVAÑA: Yes, sir.
SEC. ROQUE: Would you like to add anything to what I said?
DR. SALVAÑA: Yes, sir. So, actually ang genome sequencing is really something that is retrospective, something that guides our response and as Spox Harry has said, we really want it to be … to cast as a random, a sample possible so that we have a wide net, we know where it’s spreading.
Of course, the way that in this sample, no country tests every single sample that they do; it’s too expensive and it’s not going to make a difference on an individual patient basis.
So, of course, there are more there if you think about [unclear] sampling but we get trend and we understand na while some countries pagpasok ng Delta tuloy-tuloy na agad, in the Philippines with our enhanced border controls we saw naman na it took a while before finally nakapasok sa community and the increase of Delta is actually linear, it’s not exponential which means that what we’re doing it slowing it down. We want to continue doing that but ultimately what will make a big difference talaga is if we can vaccinate as many people as possible.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, doc. Spox, there are talks or at least rumors circulating that Secretary Avisado has resigned from his post. Is this true or has the Palace accepted Secretary Avisado’s resignation?
SEC. ROQUE: As of now, those are rumors because I received a copy of the press release of the DBM and I have no basis to question the accuracy of that press release. He is on medical leave.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right, Spox. Spox, can I just please go to MMDA Chief Abalos po?
SEC. ROQUE: Go head, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Chief.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Good afternoon, Triciah, yes.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, classification lang po doon sa quarantine pass. Because you said earlier, kung ano na iyong prinaktis noong araw, noong local government unit, ganoon na lang po muna. Ibig sabihin po ba, sir, iyong quarantine pass na ginamit noon, puwedeng gamitin ngayon? Pero ultimately, mayroon pa ring quarantine pass, tama po ba?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Yes, Triciah ‘no. Siguro ang gagawin ng each LGU, it will really depend if they will use the old one or issue new ones through their barangay captains. They’ve got their own procedures here. Kasi if you are going to have one for the whole Metro, it might be too late – you only have five days to go, before ECQ?
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you, sir. Maybe final question for Spox or to you, sir. Patanong lang po ng kasamahan natin na si Llanesca Panti. Mayroon po kasing report na inilagay na sa Section 4, presentation of vaccination cards in public and private supermarkets, convenience stores and department stores are required effective August 25, 2021. Iyong mga vaccinated persons lang daw po shall be allowed to these establishments, totoo po ba ito?
SEC. ROQUE: Sir, ma’am, totoo po iyan pero inisyu po iyan sa Lapu-Lapu City. Now, hindi pa po natin sigurado kung mapapatupad ng Lapu-Lapu City iyan kasi nag-isyu po ng rule ang IATF na kapag kayo ay magpapatupad nnag mas istriktong mga restrictions, eh sasagutin po ninyo ang consequence niyan ‘no. Among others eh kapag kayo ay nag-impose nang mas strict na restrictions ay baka hindi kayo makakatanggap ng ayuda dahil kayo ay nag-impose ng stricter restrictions. Siguro po iyong LGUs ang dapat magbigay ng ayuda, iyong LGUs ang dapat maghatid ng mga groceries dahil hindi naman pupuwede na hindi sila makapamili ng kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.
Now, let me be very clear: I commend Mayor Ahong [Chan] of Lapu-Lapu for this innovation. Pero siguro po, hindi pa napapanahon. Kasi iyong mga ganiyang restrictions po ay pinapatupad ng mga bansang France at ilang parte ng Estados Unidos kasi nakabakuna na sila ng more than 50% of their population. Kumbaga, walang dahilan para hindi magpabakuna iyong mga bakunado at karamihan ay bakunado na at makakapamili na dahil mayroon silang bakuna. So, I commend that. Pero, Mayor Ahong, while we commend that move and while we actually recognize your innovation, siguro po hintayin po muna natin na at least 50% ng ating population ay mabakunahan. I hope you understand po kasi kung karamihan naman ay hindi bakunado, hindi makapunta ng mga pamilihan, eh paano sila kukuha ng kanilang kakainin. But of course, we respect and we commend Mayor Ahong nonetheless.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Spox, Chairman and Doc. Salamat po.
SEC. ROQUE: Usec. Rocky again, please.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Roque, may pahabol lang po si Pia Rañada ng Rappler: So, is public transportation allowed during ECQ given what MMDA Chief Abalos said?
SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po ang deklarasyon ng ating DOTr, it will remain in the current level which is 50%.
USEC. IGNACIO: Opo. From Sweeden Velado ng PTV 4 for Chairperson Abalos: Last year, when we had our ECQ lockdown, we didn’t have the vaccines available yet. Ngayon pong may mga bakuna na, ano po ang inaasahan ninyong epekto nito sa resulta ng COVID-19 cases sa susunod na dalawang linggo na naka-ECQ ang NCR? Ilang percent ba ang ibinababa ng mga kaso sa isang lugar kapag naka-lockdown?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, actually wala pa kaming data tungkol sa mga nabakunahan. But what I could share you right now, sa Mandaluyong, we have had 33 cases one time, pina-check namin ilan iyong vaccinated, unvaccinated. Of that 33, iyong dalawa doon ay two dose, iyong isa ay one dose, and the rest are unvaccinated. Sa two dose na nagkaroon, asymptomatic ‘no. So parang balewala, so ganoon ka-importansiya talaga ang bakuna ‘no. Kaya nga itong gagawin natin habang nag-ECQ, habang nili-limit na natin ang pag-ikot ng Delta variants, talagang we will be ramping up on the vaccines. Kamukha ng sinasabi ni Spox Harry, iyong sa Lapu-Lapu, if we have achieved that level [50%], puwede ka nang maging flexible, malalaro mo na iyong rules and regulations mo, about mobility rito ‘di ba kasi marami na ang nabakunahan eh. We could further discuss this thing. So iyon po talaga ang strategy ngayon – ECQ, stay at home muna tayo; bakuna nang bakuna tayo; tapos sa ospital, nili-limit natin ang paghahawa. Hopefully in two weeks, sana po mapababa po natin at magawa po natin nang husto in two weeks.
SEC. ROQUE: Sir, Dr. Salvaña can also answer that question. Doc, I note for a fact that we have vaccinated 30% of Metro Manila’s population. So iyong projection po ng FASSSTER already assumes 30% vaccination. Ano po kaya ang naging scenario kung wala tayo sa 30% vaccination level, Dr. Salvaña?
DR. SALVAÑA: Yes, Spox. Actually, sa ngayon, iyong 30% kasi, we already seeing decrease severity of infection to those people that are infected. If you look at the PGH experience ever since we had everybody there, at least more than 90% of our healthcare workers in PGH already vaccinated, walang namatay, walang severe cases among our healthcare workers in PGH. Iyong unang batch na binigyan ng Sinovac na 1.6 million healthcare workers, according to FDA only 33 people got COVID and all of them mild and not a single person died. So we know that the vaccines are already starting to protect us. And alam nga natin, kahit dumami pa iyong cases na iyan, kung karamihan ay bakunado, mababang-mababa talaga iyong kakailanganin na pumasok sa ospital. So we really have to keep vaccinating po.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: If I might add lang po, Spox. Sa ngayon po nakaka-8.2 million na bakuna na po sa Metro Manila, na doses given as of August 1. I’m making some projections, we are doing around 107,000, i-times four mo po ito before August 6 that is about 428,000. So i-add po natin dito iyong 4 million, kung makukuha namin iyong 4 million, that is about 4.4, tapos i-add natin itong 8.2 sa ngayon. That’s about 12.6. Siguro that’s about 45% more or less of people having two doses in Metro Manila. So malapit-lapit na po roon sa 50%.
USEC. IGNACIO: Second question niya sa inyo, Chairperson Abalos: Ano daw po ang game plan for vaccination in Metro Manila while it’s in ECQ? Do we have enough manpower and health workers to do house to house vaccination?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, sa ngayon po talaga, hindi po kaya ng house to house ‘no. Pasensiya na po dahil talaga sa pagbabakuna po namin, mas nasa vaccine center ka, mas marami kang maseserbisyuhan, diri-diretso po ang proseso, sana maunawaan ninyo. Pero ang ginagawa po namin ngayon, talagang tinitingnan namin iyong weather forecast for the next two to three weeks, iyong mga bagyo-bagyo, napakaimportante. And right now, we are soliciting the help of the private [sector], lalo na iyong mga malls, pero ang pinakaimportante, iyong mga pool of vaccinators. Iyon po ang ina-arrange po namin. Thank you po.
USEC. IGNACIO: For Dr. Edsel, tanong pa rin po ni Sweeden Velado ng PTV: Lockdown pa rin po ba ang mainam na solusyon para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant gayong tuluy-tuloy naman po ang vaccine rollout?
DR. SALVAÑA: Well, ang lockdown po kasi talaga is not a permanent solution; it’s a temporary solution. And the reason we are using a lockdown here as already mentioned by Spox is this is preemptive. Kasi gusto natin may oras tayong mag-vaccinate bago biglang umakyat talaga iyong cases. Katulad din ng sabi ni Chairman Abalos, siyempre madi-distract iyong ating healthcare workers na nagbabakuna, kailangan nilang mag-alaga ng nasa ospital. So what we are trying to do is maximize our resources para mas mabilis na mabakunahan lahat. Hopefully, if we play are cards right, this will be the last lockdown. So, I am keeping my fingers crossed and I think everybody is praying for that po.
USEC. IGNACIO: Thank you, Dr. Edsel.
From Kris Jose ng Remate for Chairman Abalos, nasagot na po ninyo iyong tanong niya sana doon sa ipinatutupad sa Lapu-Lapu City. Ang tanong naman po ni Llanesca Panti of GMA News Online for Secretary Roque: Sampung US senators are asking US President Joe Biden to condemn President Duterte over multi-year extra-judicial violent and inhumane war on drugs that has allegedly devastated communities and has been used as justification to target the independent press, political opponents, human rights advocates and compromise judicial due process. Is the call justified?
SEC. ROQUE: We leave that decision to President Joe Biden. Amerikano po iyan in the same way na ayaw nating mayroong manghihimasok sa gawain ng Kongreso ng Pilipinas; hindi po natin sila panghihimasukan. Iyan naman po ay personal na mga pananaw ng sampung senador na Amerikano; bahala na po sila kung anong gagawin nila.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: When are we going to release the P100 million budget for the satellite offices of Philippine Genome Center in Visayas and Mindanao so that they can conduct genome sequencing? Do we have funds for this in the first place?
SEC. ROQUE: Well, if I’m not mistaken po ‘no, that should be in the 2022 National Budget; but if it is not, gagawan po natin ng paraan dahil sisimulan pa naman po ang talakayan ng parehong Kapulungan ng Kongreso ang ating pantaunang budget for 2022.
Pero idadagdag ko na rin po ano, bagamat Secretary Avisado is on sick leave, nasumite po niya ang pinal na proposed budget natin at pini-print na po iyong ating National Expenditure Plan for submission to Congress; so, natapos po iyon.
USEC. IGNACIO: Mula po sa Daily Tribune News Desk: The IATF recently approved the shortening of detection to isolation of cases to less than five days. Ano po ang inaasahan nating impact nito? Is this realistic given the limited capability of our LGUs?
SEC. ROQUE: Realistic naman po iyan kasi ang testing natin napakalakas so as soon na lumabas iyong results dapat within five days mailipat po natin iyan sa isang TTMF kung ang pasyente naman po ay mild or asymptomatic. So, iyan po ay dapat makamit kung talagang nais nating bumaba ang numero ng COVID-19 kahit anong variant pa iyan.
USEC. IGNACIO: From Sam Medenilla ng Business Mirror, for Secretary Roque. Secretary Roque, hindi ko lang po alam kung ito’y may nabanggit na kayo dahil humabol lang po ako sa briefing, ang tanong po niya: May special rules ba na ilalabas ang IATF for the implementation of the ECQ in the NCR on August 6 or will it be by the existing rules stipulated in the Omnibus IATF Guidelines? If mayroong special rules, ano po kaya ang mga ito?
SEC. ROQUE: Wala pong special rules. Iyong Omnibus Guidelines po will prevail pero abangan po natin kung anong final decision po ng DOTr about transpo kasi diyan po nagkaiba iyong unang ECQ natin at iyong pangalawang ECQ. Iyong unang ECQ talagang, wala; iyong pangalawang ECQ, 50% ‘no. So, tingnan po natin kung anong maging pinal na desisyon.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: May naging aksiyon na po ba kaya si President Duterte sa proposed amendments sa VFA na submit ng DFA as previously mentioned by Philippine Ambassador to the US Jose Romualdez?
SEC. ROQUE: Binawi iyong pag-terminate po ng VFA without these additional requirements. So, sa pagkakaalam ko po and I could be wrong, but I will have to verify, wala po, walang naging amendments.
USEC. IGNACIO: From Hannah Sancho ng SMNI for Dr. Edsel: Is herd immunity achievable now that the Delta variant is in the country?
DR. SALVAÑA: Iyong herd immunity naman talaga actually malabo talaga iyan at start because we weren’t sure how well our vaccines prevented transmission. Nakita natin later on na mukhang nakaka-prevent siya ng transmission with the old variant but with Delta dahil bumababa iyong neutralizing antibody efficacy, baka mahirapan talaga.
But hindi lang naman herd immunity ang target eh, ang target mo talaga diyan is hindi na mamatay ang mga tao from COVID dahil it prevents severe infection. Parang flu, hindi pa naman natin nae-eliminate ang flu pero may bakuna tayo diyan. So, the important thing is, kung magkaroon tayo ng vaccines na nakaka-transmission blocking, then we can certainly go for herd immunity.
Pero hindi lang naman herd immunity ang target natin, ang makakabalik talaga sa ating economy and makaka-open up po tayo and we will have a good Christmas is if everybody is protected against severe disease, eh ‘di itong COVID na to magmimistulang sipon lang ito, so, hindi natin siya masyadong puproblemahin. So, herd immunity is aspirational but it is not necessary for us to have a good Christmas po.
USEC. IGNACIO: Opo. From Kyle Atienza ng Business World: With expected imposition of more lockdown measures to prevent the spread of the Delta variant, posible ba for the Admin to reconsider its stand on proposal calling for more relief measures or a bigger stimulus law? Will the ‘Build, Build, Build Program’ receive highest allocation under the 2022 Budget?
SEC. ROQUE: Kyle, let me explain that the National Budget is the stimulus package. Now, hindi pa natin alam kung anong nakasaad doon sa proposed 2020 Budget kasi hindi pa nasusumite sa Kongreso, it’s only being printed as we speak. Pero kung siya ay included na dito sa National Budget for 2022, hindi na kinakailangan ng supplemental budget. So, tingnan muna natin po kung anong nilalaman ng 2022 Budget.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Vivienne Gulla ng ABS-CBN for Chairperson Abalos: Ano daw po ang plano ng Metro Manila to ramp-up COVID vaccination during two-week ECQ? Dapat bang ibukas na ang pagbabakuna sa lahat at hindi lang sa priority sector? Ano ang guidelines para sa COVID vaccination?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, unang-una po, iyon po ang hiningi po namin sa IATF na hindi lamang bigyan ng allocation ng at least four million ang Metro Manila, ang hiling ng mga mayors ay baka puwedeng i-open na ang pagbabakuna sa lahat puwera po of course iyong edad 17 below; pero iyong sa lahat na ho para mas mabilis po naming mababakunahan.
Pangalawa, ano ho iyong ginagawa po rito? Of course, kamukha po ng sinabi ko kanina ay nagawa na po namin iyong 200,000 plus dati, ang pino-foresee lang namin kasi ngayon ay binabantayan lang namin na sana huwag magka-surge ‘ika nga para iyong aming inoculators ay huwag ng magalaw iyong numbers.
In any case, humihingi kami ng tulong, si Dr. Vega mayroon siyang ginagawa na additional na pool of inoculators. At mayroon pang ibang mga agencies like MMDA po, umiikot din po kami, we could do about 500 to about 800 jabs a day ‘no; ito iyong mga pagtutulungan and of course iyong mga private companies din po.
I think the 250,000 jabs a day it’s really very achievable, what is important ngayon pa lang fino-foresee na namin iyong puwedeng maging problema kamukha ng mga bagyo.
Salamat po.
USEC. IGNACIO: From Tina Panganiban-Perez ng GMA News, para po ito kay Spox Harry Roque and for Chairperson Abalos: Manila Mayor Isko Moreno today bared plans to conduct 24/7 vaccination in Manila. Ano daw po ang reaksiyon?
SEC. ROQUE: We commend him for that; pero iyon nga po, iyong four million is subject to supply. What Secretary Galvez told me was there is going to be the definite additional for this lockdown period is 2.5 million. So, baka naman po maubusan kung 24/7 ‘no. So, tingnan po natin ang availability ng supplies, but we commend him for this initiative.
MMDA CHAIR ABALOS: Well, maganda po iyong ganoon ano. In fact, marami rin diyan, iyong Bakuna Nights ng Taguig, ng Quezon City, they’re also doing ito. Maganda po iyan kaso ino-overstretch mo lang iyong manpower mo. Ang importante rito talaga is the manpower eh kaya malaking bagay sa amin iyong pool.
At magandang idea po iyan dahil hindi nagsisiksikan sa ganoong oras, sa ganoong [unclear] naii-spread mo rin iyong mga tao although it would mean more manpower. Pero kamukha ng sinabi ko, ang mga mayors ng Metro Manila, we’re preparing for it at nagawa na po dati ito at kaya naman sigurong gawin po ito ulit itong 250 na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina ng GMA News, kaparehong tanong po ni Maricel Halili ng TV5 pero nasagot na po ni Secretary Roque about Budget Secretary Wendel Avisado. Ang follow-up po niya: How will this affect government efforts to source funds for ayuda for NCR and other ECQ areas?
SEC. ROQUE: Wala pong epekto! Even if Secretary Avisado is on medical leave, mamayang 1:30 po, in a few minutes, they will have a meeting in DBM to finalize kung saan kukuhanin iyong pondo and at the end of the day we can have a definitive answer. So, bukas po sa ating press briefing may sagot na tayo kung saan manggagaling ang pondo.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po ni Ivan Mayrina ay nasagot na ni Secretary Roque about iyong ten US senators na sumulat po sa Secretary of State Antony Blinken to express continued concern about in—ang third question po niya: Ang City of Manila magkakaroon po ng 24/7, may maiko-commit po bang supply ng bakuna sa mga LGU to sustain 24/7?
SEC. ROQUE: Nasagot na po iyan?
USEC. IGNACIO: From Marice Halili for Secretary Roque: Clarification sa guidelines under GCQ with heightened restriction. Base sa pahayag ninyo last week, maghihigpit sa border ng NCR +, APOR lang ang puwede. Pero ngayon, may checkpoints na rin po kahit within the NCR + bubble. Ibig bang sabihin, APOR na rin lang ang puwedeng bumiyahe even within the bubble?
SEC. ROQUE: Opo. APOR lang po and essentials. So iyan po ang dahilan kung bakit umaasa tayo kung lahat ay makikipagtulungan na pagdating ng bente nuebe ng Setyembre ay mapapababa natin ang numero to more or less, around 25-26,000 ‘no. Otherwise po, lulubo iyan hanggang 520,000 ‘no.
USEC. IGNACIO: From Pia Gutierrez/ABS-CBN: In terms of numbers, what are our targets in the implementation of the two-week ECQ in Metro Manila since our goal is to prevent the surge of COVID-19 cases due to the spread of Delta variant? What are the indicators that would suggest that it is already safe to relax restrictions and that we are already in the clear as far as the Delta variant is concerned?
SEC. ROQUE: Gaya ng sinabi ko po, according to the projection ‘no, with our one week heightened and additional restrictions and two weeks ECQ, we are aiming po to achieve about 25 to maybe 30,000 cases by end of September ‘no. We will see. Kung hindi po tayo umabot doon, siyempre there may have to be longer lockdown. Pero kaya nga, mga kaibigan, ngayon pa lang ay homeliners na po tayo ‘no. Kung hindi kinakailangang lumabas ng tahanan, huwag nang lumabas. Alam ninyo, may magandang nasabi sa akin si Acting Mayor Rama ng Cebu City eh. The best way po to implement what we want to achieve is for the head of the family to declare family lockdown. Kada pamilya na po, kung hindi kinakailangang lumabas, iyong pinuno ng pamilya – tatay, nanay, lolo, lola at tiyo – mag-order: Walang lalabas unless bibili ng pagkain o gamot. Kung hindi kinakailangan, lahat manatili sa tahanan.
Alam ninyo po, huwag na tayong mag-rely pa sa mga ECQ-ECQ – family lockdown ang solusyon po dito. Nananawagan po ako sa lahat, ng hepe ng mga pamilya – hindi ko naman po masabing padre dahil marami tayong mga OFWs na marami ring mga madre de pamilya, mga lolo de pamilya ‘no – family heads, mag-declare na po kayo ng household lockdown. Huwag ninyo nang palabasin ang inyong mga mahal sa buhay dahil baka mamatay pa iyan dahil sa Delta variant – by order of the head of the family!
USEC. IGNACIO: Secretary Roque, may pahabol lamang po si Tuesday Niu ng DZBB: Paano po ang mga seniors na may trabaho at essential workers o APOR naman sila, puwede po ba silang lumabas at magtrabaho?
SEC. ROQUE: Siyempre po, APOR po sila. Mas mabuti po kung bakunado na sila dahil alam natin sila ang paboritong targetin ng COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. From Mariz Umali ng GMA News: Para po kay Dr. Edsel, may possibility po ba na ma-extend pa ang ECQ beyond August 30 po based on the data that we are seeing right now?
DR. EDSEL SALVAÑA: Yeah, itong mga models naman natin actually, these are constantly evaluated. So we will take a look at the data on the ground. It can be longer; it can be shorter pa nga depending on what our targets are. So hindi naman ito nakasulat sa bato at this point, pero ang alam natin kasi, at this point in time ay ito ang projections natin. But you know, if we do a really good job with vaccinating, tapos mas maganda talaga iyong adherence ng mga tao, baka nga magbago iyong projections. It might not have to be three weeks. It might not have to be four weeks.
Pero ang alam kasi talaga natin, kung wala tayong gawin ngayon, mao-overwhelm talaga tayo. So it’s more important na we are constantly recalibrating but at the same time, we’re already prepared for the worst para hindi po mangyari iyon.
USEC. IGNACIO: Ang follow up po niya: Ano raw po iyong factors na magku-cause ng extension ng ECQ?
DR. EDSEL SALVAÑA: Well, there are multiple factors: Kung bigla nating nakita na mas mabilis pala kumalat iyong COVID or kung hindi ganoon ka-adherent iyong mga tao sa ating lockdown tapos magkaroon pa rin ng super spreader event. Alam naman natin in some areas na kahit bawal ang mass gatherings, nagkakaroon ng mass gatherings. Iyong mga sinasabi natin huwag po kayo munang bumisita sa mga ibang household, kung ginagawa nila iyon, that will extend this thing. But at the same time, if we do our job right tapos mabilis, kasi remember, iyong graph na iyon, 50% increase in vaccination lang iyon. I know the mayors can do double or even triple, baka mas gumanda pa iyong numbers.
So I’m really hoping na kumbaga, what we are really doing is we’re preparing for the worst-case scenario para hindi mangyari iyon. And hopefully, if we do an even better job, baka mas maikli pa ito. So I’m keeping my fingers crossed po.
USEC. IGNACIO: From Johnna Villaviray ng Asahi Manila: Are small businesses allowed to make house to house deliveries from one city in Metro Manila to another city inside Metro Manila? Example, small bakeries making deliveries to customers.
SEC. ROQUE: Well, ang bubble po natin is NCR Plus. Iyon po iyong bubble. Although, ang ECQ po ay para sa NCR lamang. So puwede po iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Roque, may pahabol lang po. Concerned citizen lang po, pinapatanong lang niya: Paano po ang professional sports within NCR, papayagan po ba na mag-transfer sa probinsiya na mas maluwag ang quarantine?
SEC. ROQUE: Dapat po talaga silang lumipat kasi wala na po silang venue sa Metro Manila, even now po under GCQ heightened with additional restrictions ay hindi na po pupuwede. Kailangan talagang humanap sila ng ibang venue sa lugar na MGCQ or GCQ.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque
SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Medyo mahaba ang ating press briefing ngayon pero importante naman po ang mga impormasyon na ating siniwalat sa publiko.
Maraming salamat po sa ating mga naging panauhin – Chairman ng MMDA Benhur Abalos. Maraming salamat kay Dr. Edsel Salvaña. Maraming salamat sa iyo, Usec. Rocky. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.
Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry na nagsasabi: Huwag na po nating isiping ECQ ang mangyayari. Ang ECQ para magkaroon kayo nang kaunting financial assistance. Mga hepe ng pamilya, magdeklara na po tayo ng family household lockdown nang sa ganoon ay masalba po natin ang ating mga mahal sa buhay sa matinding pagkakasakit o sa kamatayan. At siyempre, kung pupuwede na po, pabakuna na po tayo.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)