Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Lagay ng transportasyon isang linggo mula ng ipatupad ang ECQ sa Metro Manila at iba pang tugon ng pamahalaan bilang pag-iingat po naman sa COVID-19 ang atin naman pong pag-uusapan ngayong araw ng Huwebes. Simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Maliban sa mga checkpoints at bakunahan ay mahigpit din na binabantayan ng pulisya ang bigayan ng ayuda sa ECQ area. Sa katunayan nga, kaninang umaga ay nag-inspeksiyon si PNP Chief Guillermo Eleazar sa isang payout site sa Las Piñas City. Ang sitwasyon doon alamin natin mula kay Kenneth Paciente. Good morning, Kenneth.

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Kenneth Paciente, sa ulat.

Simula pa lang ng pagharap natin sa pandemya, isa ang Philippine Red Cross na katuwang ng pamahalaan sa laban kontra-COVID-19. Upang alamin ang update sa kanilang mga programa at patuloy na pagtugon sa usaping [garbled], muli nating makakasama sa programa si Senador Richard Gordon, ang chairman at CEO ng Philippine Red Cross. Magandang umaga po sa inyo, Senator Richard Gordon.

SEN. GORDON: Magandang umaga sa’yo, Martin, at saka sa lahat ng nakikinig at nanunood sa inyong palatuntunan.

SEC. ANDANAR: Senator, unahin ko lang po muna kumustahin ang inyong kalagayan matapos magpositibo sa COVID-19 kamakailan. Are you fully recovered now, sir?

SEC. GORDON: Yes, alam mo nag-ingat lang tayo. Wala akong naramdaman; I was completely asymptomatic. But because my wife, ang asawa ko ay may autoimmune problem siya, siyempre iningatan ko iyong asawa ko, iyong mga katulong namin sa bahay, iyong aking mga kasama sa Red Cross at mga staff ko sa Senado, ayaw kong mahawa sila sa akin because nakakapagtaka na naturukan na ako, pero sinasabi ko iyon, kahit na naturukan tayo ay kailangan mag-ingat tayo [garbled] ay iyong Beta, iyong Beta virus.

But because of that, iyong aking mga kaklase na mga doktor, sinabi sa akin, mabuti na pumunta sa ospital para ma-check ka nang maigi, and they gave a very thorough check-up. Halos nakukonsensiya nga ako dahil because of the insurance that we have, natsi-check pati ang puso, baka tamaan nga ang puso; tamaan ang lungs; tamaan iyong mga legs mo, baka mayroon kang thrombosis; maaari kang magkaroon ng iba’t ibang mga sakit dala ng COVID. But really, I did not feel anything and I am very, very thankful sa mga doktor at nurses ng Makati at saka sa mga well-wishers na talagang nagdadasal, akala nila serious. And it was serious, as far as I’m concerned you have to take it seriously. Kapag hindi mo tinake seriously, doon ka talaga masasaktan.

That’s why lahat kayo, kahit na nabakunahan na kayo, follow the protocols: Kailangan naka-mask kayo; kailangan may distancing kayo; kailangan naghuhugas kayo ng kamay; at kailangan huwag siyang masyadong naglalabas; at huwag kakain sabay-sabay. At talagang gawin ninyo na nasa bahay kayo, may ginagawa kayo na makakabuti sa inyong hanapbuhay pagkatapos nitong tinatawag nating ECQ.

SEC. ANDANAR: Okay. Senator Richard Gordon, maiba lang ho tayo. May bagong bakuna center na binuksan ang Red Cross sa EDSA. Maaari ninyo po bang ibahagi sa amin kung sinu-sino lamang po ang mga binabakunahan doon? at bukod din po doon, saang mga lugar may bakuna center ang Philippine Red Cross?

SEC. GORDON: Well, let me just say na, unang-una, ang mga bakuna center natin nasa PRC, sa PLMC [PRC Logistics & Multipurpose Center] doon sa likod ng building namin. Ngayon may pinakabago, sa Boni, doon sa EDSA mismo, tabi ng kalye mismo kaya bababa na lang ang tao. At ang nababakunahan ngayon, nakikiusap sa akin ang DOLE na iyong Moderna na binigay sa atin ng gobyerno ay gagamitin talaga iyon para sa mga OFWs at saka mga maritime, iyong mga seamen na aalis kaagad so para makapasok [garbled] hindi sila mahaharang para makapasok sila.

And then iyong other bakuna centers such as in port area, marami-rami doon. At mayroon na rin dito sa [garbled], sa Letran College, sa Gotesco sa Quezon City, sa Negros Occidental, sa Gaisano, sa Iligan chapter mayroon tayo, sa Bulacan chapter mayroon tayo, Batangas, sa PRC Cavite, sa PRC Tarlac, sa Olongapo mayroon, at saka sa Arcovia at saka sa San Lorenzo Mall; at dadami pa iyan as we speak. In fact, right now, sa Cebu, nagbabakuna na rin kami roon. At sa Cebu nagbigay pa tayo ng mga body bags dahil maraming medyo namamatay doon, we gave about 300 pieces of body bags. At saka nakakapagbigay tayo ng J&J. Ewan ko kung dumating na iyong binigay ng gobyerno na 10,000 doses para sa mga senior citizens at saka sa may mga comorbidities.

So we are doing our share. Tayo ang naunang mag-testing, nangunguna tayo sa buong Pilipinas. Hindi ko naman pinagmamalaki iyon pero kailangan talaga iyon eh. Kapag hindi kayo nag-test, maaaring may magkalat doon sa ating bayan, at iyon ang pinipigilan natin.

At pangalawa, nangunguna tayo sa mga isolation centers. Mayroon tayong Ateneo; sa UP, sa Camia dorm; [garbled] at saka sa Makati; at saka sa Adamson at saka sa ibang lugar – iyan nakikita ninyo. At mayroon din tayong ospital doon sa Lung Center na ngayon ay ginagamit ng mga doktor doon at saka mga nurses, iyong mga tinatamaan ng COVID, nagiging isolation ward iyon. Dalawampu’t apat, at last message me, ang nandoon.

In fact, bubuhatin ko na sana iyon at ililipat ko, pero nakiusap sa akin ang Lung Center huwag muna dahil tataas nga itong surge. At nagbukas din tayo ng mga tents sa Cebu, isang malaking tent na puwedeng hundred people – kabubukas lang natin iyan. Mayroon tayong pito na mobile vaccination buses, mayroon tayong dalawa sa Cebu at dadalhan ko po ng tatlo doon. At magkakaroon din tayo ngayon, kumakalat tayo ng ating mga food trucks para iyong mga nagugutuman, pipila lang doon at bibigyan ng pagkain na mainit.

At hinahanda rin natin iyong mga naku-confine, magbibigay tayo ng kahon-kahon na one week supply of food para hindi na lalabas iyong mga kaanak. At tuluy-tuloy pa rin iyong ating plasma convalescent na ginagawa natin para sa ganoon ay makakatulong.

So, buong Pilipinas ang Red Cross ay nagti-test ng saliva test at saka swab test at tuluy-tuloy ang padala natin ng mga tents. We have about 60 tents, bumaba na from 92 pero puwedeng ibalik iyang tents na iyan na 92. Ang NKTI, punong-puno. Iyong NKTI tents natin.

And by the way, sa kabila ng earthquakes nakahanda tayo, sa kabila ng diarrhea doon sa Mindanao. Dalawang lugar sa Davao de Oro at saka Davao del Norte naglagay tayo ng mga dalawang tanker para hindi malalason ang tao sa tubig, hindi magkakaroon ng diarrhea.

So, tuluy-tuloy ang ating tulong. At this week magtatayo na tayo ng bahay doon sa typhoon Rolly, doon sa Legazpi, sa Guinobatan. 175 houses will be built at nalinis na rin natin iyong mga nalagyan ng putik, ng mga lupa sa Cagayan para makapagtanim na. Nagtatanim na sila noon pang isang buwan noong kanilang mga mani at saka corn.

Nakapagbigay na rin tayo ng pera sa buong kapuluan. Almost – if I’m not mistaken, I could be wrong of course – P180/190 million ang naibigay natin lalo na sa Kabisayaan at sa Metro Manila, sa Quezon, sa Legazpi, Bicol, at saka Cagayan at saka Isabela.

So far, iyon ang mga naaalala ko na naibigay na namin and we’re happy that we can help, hindi naman namin ipinagmamalaki. And we’re trying to do more for our people sapagkat dapat magsama-sama tayo sa mga problemang nagaganap sa ating bansa.

SEC. ANDANAR: Senator Richard Gordon, congratulations po at good job sa mga volunteers din po ninyo sa Red Cross. I believe dalawang milyon po iyong inyong mga volunteers at talagang hindi matatawaran ang kanilang serbisyo-publiko.

Now, magkakaroon ba muli ng karagdagang molecular laboratory ang Philippine Red Cross para makatulong po sa ating pamahalaan to get the real picture dito sa hinaharap nating Delta variant transmission?

SEN. GORDON: Kailangan natin. Malapit nang matapos iyong sa Cotabato, doon sa BARMM, sa Muslim area. So, sa Mindanao lang magkakaroon tayo ng limang molecular laboratories sa Mindanao. Mayroon tayo sa Zamboanga, sa Cagayan de Oro, mayroon tayo sa Siargao at magkakaroon tayo ngayon sa Cotabato on the 15th of this month ‘no.

So, more or less kumpleto tayo diyan. Davao del Sur magkakaroon din ng molecular laboratory, so, magiging lima lahat iyan. Bubuksan na iyong atin sa mga kapatid nating mga Muslim sa Cotabato para mabigyan natin. Bumili pa kami ng lupa doon at nagtambak pa kami kasama namin ang ICRC at matatapos na iyan at nagti-train na tayo ng mga hahawak doon.

Maglalagay rin tayo sa Bicol at sana maglalagay kami sa Palawan pero mababa naman ang transmission doon pero mayroon tayo sa Passi (Iloilo) of course, mayroon tayo sa Leyte, mayroon tayo sa Cebu. Sa Bacolod, sa Surigao, Davao, sa GenSan, maglalagay tayo sa GenSan. Bago iyon, iyong mga bagong sinasabi ko GenSan at saka dito sa Bicol at saka sa Leyte, magkakaroon tayo ng mga bago diyan.

Mayroon na tayo sa Batangas, sa Isabela, sa Clark, sa Subic, dito sa Manila napakarami natin diyan, magdadagdag tayo malamang. Pati sa Cagayan de Oro mayroon na doon pero sa Cavite baka magdagdag tayo at saka sa Laguna dahil malalaking areas iyan na kailangang hindi kumalat iyong ating mga disease.

Pero ang importante diyan, Martin, kapag nabakunahan, kapag na-test ka na, dapat sana marami tayong bakuna. Naiintindihan ko na mahirap magkaroon ng bakuna dahil [garbled] tayo sa buong mundo pero ang kailangan natin makakuha tayo ng bakuna.

And let me explain this, let me warn our countrymen about this: Magpabakuna na kayo. Magpabakuna na kayo kaagad because iyong third booster shot, iyong third na ginagawa ngayon ng mararaming bansa, inuuna nila iyong kanilang mga kababayan. Mayroon silang Pfizer at saka iyong Moderna. Sa Israel, may pangatlong bakuna na silang ginagawa at sa Amerika gagawin iyan.

That means kung iyong mga mayayaman na iyan ay nagbibigay ng ganiyan sa kanilang bansa, mahuhuli tayo. Kaya ako nananawagan din sa Estados Unidos at saka sa Japan, marami silang AstraZeneca na hindi nila ginagamit doon. Ipadala na rito – ang ginamit ko AstraZeneca, ginamit ng maraming mga kasama natin dito AstraZeneca – magagamit iyan at kung mayroon tayong makukuha pang bakuna sa iba’t-ibang lugar gamitin natin sapagkat iyan lang ang makakapagpigil, apart from testing and tracing and treatment. Iyan ang makakapigil sa ating problema para makaahon tayo by 2022 o 2023 at the latest.

SEC. ANDANAR: Senator Gordon, dumako naman tayo dito sa Senado. Mayroon pa po ba kayong mga panukalang batas na nais ninyong isulong? At pagdating po sa Bayanihan 3, ano po ang inyong stand dito?

SEN. GORDON: Sa tingin ko, ang nagawa ng gobyerno ay pinalawak iyong mga dating ospital pero hindi tayo gumawa ng bagong ospital. Ang tingin ko dapat kung magsa-suggest ako magdagdag tayo ng ospital. Iyong PGH, ilagay natin sa may lugar na may UP, sa Quezon City, sa Los Baños, sa Cebu. Unti-unti nating ilagay iyan.

At ang importante, palawakin natin ang mga doktor. Ang guma-graduate na doktor lang taun-taon ay about 2,600 doctors a year. Kulang na kulang iyang 2,800 doctors at kailangan talaga marami tayong doctors sapagkat kung nagkasakit iyan ay mahihirapan tayo.

Dapat pairalin natin iyong hazard pay ng mga nurses, iyong mga doktor natin sapagkat kung mawawalan tayo niyan, kaya tayo nagla-lockdown para hindi mabigatan masyado iyong ating mga ospital at para sa ganoon nakakapahinga iyong mga doktor natin at hindi nag-o-overload. Kapag nag-o-overload, delikado iyan dahil magkakasakit pati mga doktor natin. Kaya sinasabi ko dagdagan ang mga doktor, dagdagan ang ating mga nurses at sa ka mga nursing aide para talagang makatulong tayo diyan.

At kailangan dagdagan na natin ang bakuna whatever the cost, dapat unahin natin iyang bakuna. Kung wala tayong bakuna mahihirapan tayong makalabas dito sa pandemya na ito sapagkat ang bakuna ang first line of defense.

And finally, ang gusto ko ang mga kababayan natin talagang sumunod, huwag tayong pasaway at huwag tayong palaasa. Kung makakagawa kayo ng tulong sa inyong sarili, gawan ninyo ng paraan because kung hindi natin gagawan ng paraan eh talagang mahihirapan tayo na makaligtas dito sa pandemya.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Philippine Red Cross Chairman, Senator Richard Gordon. Mabuhay po kayo, Sir!

SEN. GORDON: Thank you Martin and congratulations to Channel 4, PCOO na naliliwanagan ninyo nang walang halong hidwaan at pulitika iyong pinag-uusapan natin dito. Kailangan talaga ang focus natin ay maiangat natin iyong tao, malampasan natin iyong hamon at tayo ay makabalik na sa talagang normal na buhay para hindi tayo nahihirapan, ang gobyerno natin hindi rin mahihirapan. Makapaghanapbuhay ang mga tao natin at maging normal na ang buhay natin.

Thank you very much and God bless you all!

SEC. ANDANAR: Salamat po, Sir.

Samantala, hanggang dito na lamang po muna ako at mayroon pa tayong iba pang mga responsibilidad sa opisina. Take it away, Usec. Rocky Ignacio. Ikaw muna bahala.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Secretary Martin at magkita po tayo ulit bukas.

Samantala, pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglabas ng pondo para sa pagsasaayos ng health facility sa Dinagat Islands, Cagayan at Batanes, ikinatuwa ni Senator Bong Go na siyang Senate Committee on Health Chairperson. Paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa nasabing malalayong komunidad, tiyak aniya na lalong mapapaganda. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa, base po sa report ng Department of Health as of August 11, 2021:

Umabot na sa 1,688,040 ang total number nang confirmed cases matapos itong madagdagan ng 12,021 na mga bagong kaso kahapon.
154 ang mga nasawi kaya umabot na po sa 29,374 ang total COVID-19 deaths.
Ang mga kababayan naman natin na gumaling na sa sakit ay umakyat na sa 1,577,267 matapos itong madagdagan ng 9,591 new recoveries.
Ang active cases naman natin sa kasalukuyan ay 81,399 – 4.8% po niyan ang kabuuang bilang.

Samantala pinaalalahanan po ng Department of Health na unang tatanggapin ang severe to critical cases para maiwasan ang punuan sa bed capacity. Batay po sa projection ng DOH, kung magkakaroon ng limang linggong ECQ, posibleng mapababa sa 15,000 ang COVID-19 cases sa NCR sa katapusan ng Setyembre. Ang ulat mula kay Mark Fetalco:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Isang linggo mula nang ipatupad ang ECQ sa Metro Manila, kumustahin naman natin ang sitwasyon sa mga pampublikong transportasyon kasama po si LTFRB Chairman Martin Delgra III. Good morning po, Chairman. Welcome back po sa Laging Handa.

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Magandang umaga po Usec. Rocky at salamat po sa imbitasyon muli na binigay mo po sa amin. Salamat at magandang umaga din po sa mga tagapakinig at nanunood ng inyong programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa muli pong pagsasailalim sa ECQ ng Metro Manila, kumusta po iyong pagsasagawa nang random inspection sa mga pampublikong sasakyan? May mga nasampolan rin po ba dahil lumabag sa health protocols?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Usec. Rocky, mayroon po ‘no. Marami tayong nahuhuli tungkol doon sa random inspection.

Mahigpit po iyong mandato ni Secretary Art Tugade ng DOTr na dahil nasa ECQ iyong NCR kasama na po iyong mga LGUs or rehiyon ng bansa, mahigpit po na pinapatupad iyong public health protocol na kailangang gawin.

Sa NCR may ginagawa na po together with the… iyong mga tauhan sa tinatawag na IACT, this is a composite team na kasama po iyong Coast Guard, LTO, LTFRB pati na rin po—kasama na rin po iyong [garbled] dito at saka HPG. So tuluy-tuloy po iyong inspeksiyon at sinisiguro na iyong public health protocol ay nasusunod.

Iyong sa ibang mga—kabilang dito sa mga violations po na nakikita iyong hindi pagsusuot ng face mask, face shield o kaya iyong kakulangan ng plastic barrier sa loob ng pampublikong sasakyan o kaya iyong overloading. Nakikita natin doon sa mga pictures sa social media mayroong overloading o kaya standing iyong ibang mga pasahero lalung-lalo na sa bus. Mahigpit po nating pinagbabawal [garbled] so that we’ll be able to maintain iyong reduced capacity ng ating public transport ‘no, 50% capacity. Dalawa po iyong ibig sabihin dito, Usec. Rocky. Iyong one seat apart at saka no standing policy sa loob ng pampublikong sasakyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, tanong lang po ni Llanesca Panti ng GMA News Online: May ayuda for PUV drivers po ba ulit ngayong ECQ at kung binuhay din po iyong programa na libreng sakay para naman sa mga commuters?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Opo. I’d like to look at it in two ways ano – ang alam ko mayroon pong—tuluy-tuloy iyong ugnayan namin sa Department of Budget and Management para mailabas na po iyong pondo na 3 billion pesos under the General Appropriations Act kung saan magsisimula muli iyong Service Contracting Program o iyong tinatawag nating libreng sakay doon sa mga ruta ng mga bus at saka mga modern jeepney. Hindi lang po sa Metro Manila kung hindi sa mga piling mga ruta sa ibang rehiyon ng Pilipinas.

Iyon po ang tugon natin dito kasi alam natin na mahirap din iyong kahit na pinayagan natin iyong pampublikong sasakyan under ECQ status, because if I may say this before po iyong ECQ, hindi po pinayagan iyong public transport. But under the current ECQ status, pinayagan na po iyong pagpapatakbo ng public transport ni Secretary Art Tugade, tugon na rin doon sa pangangailangan ng mga Authorized Persons Outside of Residence ‘no, iyong APOR na tinatawag at saka iyong mga healthworkers na kailangan pa rin na lalabas ng bahay, bibiyahe at magtatrabaho doon sa mga tinatawag na essential services.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Karen Villanda ng PTV: May mga driver po sa labas ng NCR na umaaray dahil apektado rin iyong kanilang ruta sa pagla-lockdown ng NCR. May aasahang tulong po ba from LTFRB kasi ang pasok lang daw po sa DSWD ay iyong mga taga-NCR?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Iyong sinabi ko ho kanina na Service Contracting Program, inaayos na po natin ito ‘no. Hindi lang po ito para sa NCR kung hindi sa buong—sa lahat ng rehiyon sa buong bansa po. Iyon po nang inaasahan natin na muling masimulan na naman. Hindi lang po ito ayuda para sa mga driver at saka mga operator apektado dito sa pandemya, kung hindi na rin maiangat natin iyong level of service na tinatawag natin doon sa mga pampublikong sasakyan. Kaya nga siguro minsan iyong iba, pinipilit na makakasakay ng [garbled] walang pasahero dahil kulang iyong kikitain. Pero hindi naman din puwede iyan otherwise mawawalang-bisa iyong paglalagay sa Enhanced Community Quarantine ng NCR. So iyon po.

As regards iyong mga ruta naman din po, we already have a capacity of 85% of the public transport in Metro Manila and all of those [unclear]. In fact noong nakaraang linggo nagbukas po [garbled] before po nag-declare ng ECQ status iyong NCR, nagbukas po tayo ng anim na ruta na UV Express comprising of 255 units. Ito po ay galing po sa iyong tinatawag nating NCR Bubble, ibig sabihin po mayroon iyong galing sa mga kalapit probinsya ng NCR papasok.

USEC. IGNACIO: Opo. May kaugnayan po iyong tanong diyan ni JP Soriano ng GMA News, Attorney, ‘no: Ayon po sa COA report 1% lang daw po ang nagamit sa 5.58 billion funds sa service contracting program ng DOTr as of December. Wala pa daw po sa kalahati ng 60,000 target drivers ang registered. Last June, more P1 billion na raw po ang na-distribute. Would you like to respond po or clarify the COA report?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Opo. Iyong sa Bayanihan 2 Recover As One Act, Usec. Rocky, mayroon pong pondo na ibinigay para dito sa tinatawag nating service contracting program na umaabot ng 5.58 billion pesos. So we have ran the program up to the last day of the Bayanihan 2, which is until June 30, 2021. So iyon pong nailabas na po natin na pondo, which was confirmed by Landbank of the Philippines, umabot na po halos 1.5 billion pesos, which is 26.55% of the budget allocation of 5.58 billion pesos.

Nevertheless, alam din po natin na kahit sinagad natin iyong programa hanggang June 30, iyon pong pagmu-monitor, pagkukolekta ng mga data, pagpi-prepare po ng mga payroll at saka iyong tinatawag na financial documents, hindi po natin maabot doon sa last day of June 30. We sought advice from DBM on how to go about it at nagpapasalamat din kami sa DBM na binigyan kami ng guidance on how to go about it.

Mayroon na po, actually about 3.4 billion ang inaasahan na mai-process po natin by way of a request for what we call Notice of Cash Allocation. Ang ibig pong sabihin nito, na ayon na rin po sa guidance ng DBM, iyong unspent amount po as of June 30 on the service contracting program, maibalik pero mayroon pong ibabalik ayon doon sa ni-request namin na amount na kailangan naming bayaran doon sa tinatawag nating pending payouts po.

USEC. IGNACIO: Attorney, may pahabol lang pong tanong si Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilang PUV drivers po ang magbi-benefits sa P3 billion budget for service contracting and for jeep lang po kaya ito? At ano po ang respond ng DBM sa request po nila na P3 billion budget for service contracting?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Klaruhin ko lang, Usec. Rocky. We are actually requesting for P3.4 billion for payment of what we call as pending payouts. Iba pa rin po iyong sinabi ko kanina na P3 billion na nakalaan sa General Appropriations Act, para maisimula muli iyong service contracting program. So as regards to number of drivers po, we actually have close to 50 or 47 or 48,000 drivers participated in the program and about 37 or 38,000 jeepney operators and bus operators all across the country which also benefited in the service contracting program under the Bayanihan 2 Act.

I just would like to say na ito po iyong kauna-unahang programa under the service contracting program in the history of public transport ano, kung saan iyong mismong gobyerno ang nagbabayad doon sa pagpapatakbo ng ating public transport doon sa mga operator.

Having said that, we are looking at improving the system once we received the P3 billion pesos under the General Appropriation Act, para masimulan muli iyong service contracting program. Itong P3 billion po, gagamitin po natin hanggang sa katapusan ng taong ito.

USEC. IGNACIO: Okay. Attorney, kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, LTFRB chairman Martin Delgra III. In gat po kayo, Attorney.

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Salamat din po at magandang umaga muli.

USEC. IGNACIO: Samantala, bilang bahagi ng pagpapabilis ng COVID-19 vaccine rollout, binuksan na ang bagong mega vaccination site sa Bagong Nayong Pilipino sa Parañaque City. Ito po ay isang drive thru vaccination facility na kaya pong mag-accommodate ng 3,000 hanggang 5,000 individual. Ang detalye niyan mula kay Louisa Erispe. Louisa?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, Louisa Erispe. Mag-ingat Louisa. Samantala, kayo po ba ay nakakaranas ng diskriminasyon kaugnay sa ipinatutupad na ‘no vaccine, no work policy’ ng ilang kumpanya? Naku, eh may paalala po ang DOLE kaugnay niyang usapin na iyan. Makakasama po natin muli si Undersecretary Benjo Santos Benavidez, mula po sa Labor Relations Social Protection and Policy Support Cluster ng DOLE. Good morning po, Usec.

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Magandang umaga rin po, Usec. Rocky at sa ating mga tagasubaybay. Magandang umaga po. Sana po ay nasa ligtas po silang kalagayan.

USEC. IGNACIO: Para masiguro po iyong kaligtasan ng mga manggagawa mula sa banta ng COVID-19, inilabas po ng DOLE ngayong taon iyong isang panuntunan para sa pangangasiwa po ng COVID-19 vaccine sa mga lugar ng paggawa. Usec, pakibahagi naman po sa ating publiko ito pong nalalaman ng Labor Advisory 3?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Tama po iyon, Usec. Rocky. Noong Marso nitong taon, bilang tugon at paghahanda po natin sa rollout ng National Vaccination Program nagpalabas po ang aming Kalihim, si Secretary Bebot Bello III ng isang labor advisory upang magbigay giya at linaw sa pagbabakuna sa mga pagawaan at opisina.

Alam naman po natin na may mga kumpanya na nabigyan ng permisong makapag-angkat ng bakuna at makapagbakuna ng kanilang mga manggagawa. Kaya binigyang diin po natin na dapat ang mga polisiya nila, mga polisiya ng mga kumpanya sa pagbabakuna ay naaayon sa mga polisiya at protocols na itinatakda po ng Inter Agency Task Force at ng National Task Force.

Nilinaw din po natin sa labor advisory na ang bakuna ay libre para sa mga manggagawa at hindi po dapat ipasa sa kanila ang anumang gastusin sa pagbabakuna. Hinikayat din po natin ang mga kumpanya na himukin ang kanilang mga manggagawa na magpabakuna at magsagawa ng mga information campaign patungkol sa bakuna at sa mabuting dulot po nito, hindi lamang sa kanilang sarili kundi sa kanilang kapwa manggagawa at sa kanilang pamilya.

Panghuli Usec. Rocky, ipinagbabawal po natin iyong anumang porma ng diskriminasyon at iyong mga naririnig nating ‘no vaccine no work policy,’ hindi po natin ito niri-recognize at ito po ay bawal.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., hinggil dito sa inilabas na labor advisory. So, ano po talaga iyong itinakda ninyo hinggil sa usapin ng pagbabakuna? Kasi po, may mga manggagawa na nagri-report po tungkol sa pagpapatupad ng kanilang mga pagawaan na ‘no vaccine no work policy.’ May mga natatanggap na rin po ba ang DOLE ng ganitong mga sumbong o reklamo?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Well, Usec. Rocky, wala pa po kaming natatanggap na pormal na sumbong o reklamo. Ang nakakarating lang po sa amin ay mga reports, ngunit wala pong pinangalanang kumpanya at dahil po dito kami ay nagkakaroon ng sarili naming pagsisiyasat bukod na rin sa inspections para alamin kung sino ba itong mga kumpanyang ito at kung nasaan po sila para mapapuntahan namin ito ng aming mga inspectors.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., paano naman po sinisiguro ng DOLE na naipapatupad ng mga pagawaan ang nilalaman ng nasabing labor advisory at mayroon po bang kakaharaping parusa ang mga mapapatunayang hindi sumusunod dito lalo na iyong nagpapatupad ng no vaccine no work policy?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Tuloy-tuloy naman po ang ating inspection. Alam ninyo po, ngayong taon parang 84,000 na establishment ang target namin na ma-inspect; bukod po ito doon sa minu-monitor po namin na kasama iyong Department of Trade and Industry.

Tuloy-tuloy po ang aming inspection sa mga kumpanya at pagawaan para tiyakin natin ang kanilang pagsunod sa occupational safety and health standard at of course iyong minimum health protocols kasama na rin iyong panuntunan sa pagbabakuna.

Pero Usec. Rocky, gusto ko lang bigyang diin na wala pong parusang nakapaloob sa labor advisory, subalit kapag hindi po pinapasok ang isang manggagawa na hindi pa nababakunahan, tuloy po ang kaniyang sahod at kapag siya naman po ay sinuspinde o kaya tinanggal, maaari po siyang magsampa ng kaukulang reklamo; ito po ay kasong illegal suspension o kaya naman ay illegal termination.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa iba naman pong usapin. Kumusta na raw po iyong status ng request ng DOLE para sa dagdag na 2 billion na gagamiting ayuda para sa muling pagpapatupad nito pong one time P5,000 financial assistance sa ilalim ng CAMP para sa mga manggagawang nasa formal na sector. Bukod po sa NCR, makakasama po bang makakatanggap ng ayuda iyong mga apektadong manggagawa sa Bataan, Laguna, Iloilo, Cagayan De Oro at ilan pong mga probinsiya na nasa ilalim ng ECQ?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Nakapag-request na po tayo sa DBM at kasalukuyan po itong inaaral ng kagawaran ng DBM at kailangan din po nito ng approval ng ating Pangulo. Pero bukod po dito Usec. Rocky, tuloy-tuloy naman po iyong implementation natin ng emergency employment sa pamamagitan po ng TUPAD.

Ito po iyong Tulong sa Panghanapbuhay para po sa ating mga Disadvantaged/Displaced Workers; at patungkol na rin kung anong lalawigan o rehiyon ang sakop po nito, sakop po ng tulong natin ng CAMP ang lahat po ng mga manggagawang nasa formal na sektor iyong nasa lugar po ng nasa ECQ. Tulad din po ito ng nakaraang pag-implement po natin ng camp noong nakaraang taon. So, sakop po sila lahat, apektado din po sila ng ECQ.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at muling pagsama sa amin, Undersecretary Benjo Santos Benavidez, ingat po kayo.

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Maraming salamat po at magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Samantala, upang alamin ang detalye kaugnay sa inihaing request para sa karagdagang financial assistance sa mga LGUs na nasa ilalim ngayon ng ECQ, makakausap po natin si Department of Budget and Management Undersecretary Rolly Toledo. Good morning po. Welcome back po sa Laging Handa.

DBM USEC. TOLEDO: Good morning Usec. Rocky, magandang umaga.

USEC. IGNACIO: Noong isang araw po nabanggit ninyo dito sa amin na naghain ang DBM na proposed additional financial assistance na 3.783 bilyon para po sa NCR at iba pang lugar sa ilalim po ng ECQ gaya ng Laguna at Bataan. Usec., ito po ba ay naaprubahan ng Pangulo?

DBM USEC. TOLEDO: Yes Usec. Rocky. Katatanggap lang po namin ng approval ng Presidente ngayong umaga at kasalukuyan pong inihahanda ng DBM ang mga kinakailangang budget documents para agarang mai-release ang cash aid natin para doon sa ating Bataan, Laguna at iyong additional para dito sa ating National Capital Region at inaasahan po namin na mai-release po ang pondo bukas sa Bureau of the Treasury (BTr).

Pagkatapos po nito ay ida-download o iki-credit ng ating BTr ang pondo sa mga authorized government servicing banks ng ating mga LGUs at kasabay po nito mag-i-issue rin po kami ng panibagong local budget circular para of course gabayan ang ating mga LGUs sa pag-release at pag-utilize ng pondo para sa ayuda.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, para lang po malinaw, dito po ba sa P3.783 bilyon, magkano po specifically ito pong nilalaan para sa karagdagang pondo sa NCR at bakit kailangan daw po iyong additional funding? Hindi po ba sapat iyong unang P10.8 billion?

DBM USEC. TOLEDO: Okay. Mula doon sa P3.783 billion na ang karagdagang pondo para sa NCR ay nagkakahalaga po ng P368 million. Okay. Ang karagdagang ayuda po na ito ay para sa mga, of course gaya ng ating mga nabanggit na iyong residente at listahan ng mga local government unit.

Iyong actual listahan kasi ng basehan po natin noong nagbigay tayo noong April noong 2021, ito po ay based doon sa report na natanggap namin mula sa Department of Interior and Local Government. Okay. So iyon po iyong ating basehan kung bakit—kasi iyong unang release po natin para sa NCR ay based po sa estimated population po; but mas maganda na po para walang magreklamo minabuti po natin na ang basehan po ay doon sa listahan ng nakaraang pagbibigay ng ayuda. So, sa Metro Manila o sa NCR, ang total po ng halaga po niyan ay 11.262 bilyon.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Usec., papaano naman daw po itong Tuguegarao, kung may allocated funding po ba para sa kanila? Ngayon po kasi nag-declare sila ng ECQ status. So, ayon po kasi sa mayor doon wala daw po silang natatanggap na ayuda mula sa pamahalaan?

DBM USEC. TOLEDO: Okay. Usec. Rocky, ang pagdeklara po kasi ng ECQ ay batay po sa datos iyan at ito po ay of course inaaprubahan din ng ating IATF, okay, bago natin i-declare na iyong isang lugar ay mailagay under ECQ status.

So ganoon pa man, kung halimbawa man ito ay madesisyunan, pero hindi po tayo ang magdi-decide. Kung madesisyunan po ito, siyempre naman as a policy kagaya ng iba, maghahanap po tayo ng pondo uli para dito kung kinakailangan tayong magbigay ng ayuda. So, ganoon po iyon, USec. Rocky. Although sabi nga namin, nasabi ninyo nga nagdeklara sila ng ECQ status but that is subject to, of course, evaluation and even approval by the IATF-EID.

USEC. IGNACIO: Opo. Aside from that Usec., so paano po ba daw iyong proseso na kailangang pagdaanan ng mga LGUs kung sila po ay magpu-propose na magdeklara ng ECQ status sa kanilang nasasakupan.

DBM USEC. TOLEDO: Kagaya po ng nabanggit po siguro, ang mangyayari niyan maghahanda po sila ng resolution ng nasabing LGU at isusumite po ito para doon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases for review and consideration at the same time sabi ko nga aprubahan po iyan.

Ngunit, linawin ko lang po na hindi po basta-basta puwedeng magdeklara ang mga LGUs ng ECQ status. Ito po ay dapat pag-aralang mabuti ng IATF-EID at tingnan po base sa kasalukuyang datos at impormasyon ng mga health experts, opo. Iyon lagi naman ang basehan po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., katatapos lang din po namin ma-interview iyong LTFRB at ito rin pong DOLE. So, ano po iyong update sa kanilang mga financial request para po sa financial assistance sa kanilang mga programa?

DBM USEC. TOLEDO: Okay. Actually naabutan ko, napakinggan ko po si Usec., ng DOLE. Opo, ito po ay pinag-aaralan po ng DBM kung papaano natin ito mapupondohan. Ngunit gusto ko ring sabihin po na as mentioned nga rin po ni Usec., kailangan pong patuloy po silang magbigay na manggagaling doon sa existing program nila o may balanse po sila.

Tapos titingnan din namin iyong kanilang utilization ratio if there is a need for us to augment iyong kanilang programa ay kailangan po nating hanapan pong muli ng pondo iyan at subject of course, again to approval by the President bago po tayo mag-release.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong magandang impormasyon, DBM Spokesperson Undersecretary Rolly Toledo. Mabuhay po kayo Usec.

DBM USEC. TOLEDO: Okay. Maraming salamat din Usec. Rocky, magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita, sa pagpapatuloy ng paghahatid ng tulong, pag-aagapay sa mga mahihirap na residenteng naapektuhan ng pandemya ang kabuhayan, mga mamamayan naman sa Cagayan Valley ang pinuntahan ng outreach team ni Sen. Bong Go. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw.

Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magkita-kita po tayo ulit bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center