SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Well, good news po sa ating mga guro: Ma’am, sir, inaprubahan po ni Presidente ang pagbibigay ng World Teacher’s Day Incentive Benefit or WTDIB na 1,000 bawat public school teacher sa taong 2021. Ito ay bilang pagkilala sa mga mahahalagang papel ng mga guro lalo na sa panahon ng pandemya; maglalabas po ng guidelines ang Department of Education kaugnay ng nasabing incentive.
Balitang IATF naman po tayo. Pansamantalang sinuspinde ng inyong IATF ang protocol na pinaikling quarantine at testing para sa mga fully accredited individuals na close contacts ng probable and confirmed COVID-19 cases.
Kung inyong matatandaan, nakasaad sa isang IATF resolution na ang fully vaccinated individuals ay maaaring sumailalim sa mas pinaikling 7-day quarantine period kung sila ay walang pinapakitang sintomas or asymptomatic sa loob ng pitong araw. Babalik tayo sa dating protocol na lahat ng close contact ng probable at confirmed cases ay ilalagay sa 14-day quarantine period. Ang desisyon na suspindehin pansamantala ang nasabing protocol ay kabilang sa patuloy nating pinapatupad na proactive measures para mapabagal ang surge sa COVID-19 cases at mapahinto ang pagkalat ng variants.
Sa probinsiya naman po ng Cebu, pinirmahan po ni Governor Gwendolyn Garcia ang Executive Order # 38 kung saan itinaas sa Modified Enhanced Community Quarantine or MECQ with heightened restrictions ang mga City of Talisay, City of Naga, City of Carcar, Municipality of Consolacion, Liloan, Minglanilla, Sibonga, Argao, Samboan, Oslob, at Cordova.
Effective po ito kahapon, August 11.
Ang Lungsod naman po ng Tuguegarao sa Probinsiya ng Cagayan ay inilagay din sa Enhanced Community Quarantine or ECQ simula ngayong araw, August 12, hanggang August 21 ayon po sa Executive Order #98 na nilagdaan ni Mayor Jefferson Soriano.
Samantala, nagsimula na po ng pamimigay ng cash aid kahapon. Naging maayos at walang malaking aberya sa unang araw ng pamamahagi ng ayuda. Ito po ang ilang mga larawan: Dito po ito sa Valenzuela, tapos ito naman po ay sa Manila; susunod po ay sa San Juan at ito naman po sa Malabon; sa Pasay City po ito; sa Pasig City.
Sa usaping bakuna po: Dumating kagabi ang 813,150 doses ng Pfizer vaccine na binili ng pamahalaan. Samantalang 100,000 doses naman ng Hayat-Vax vaccine ang dumating din kahapon na donasyon ng pamahalaan ng United Arab Emirates – ito po yata ay Sinopharm.
Habang patuloy ang pagdating ng supply ng bakuna, patuloy din po naman ang bakunahan sa buong bansa. Nasa mahigit dalawampu’t anim na milyon or 26,127,502 na po ang total na nabakunahan, na na-administer natin as of August 11, 2021. Samantala, labindalawang milyon naman po ang fully vaccinated na.
Nagpapasalamat kami sa ating mga kababayan sa tumataas na kumpiyansa sa pagbabakuna. Maraming salamat din po sa ating mga vaccinators. Ito po ang ating depensa laban sa COVID-19 ha at mga variants kasama ang patuloy nating pag-MASK, HUGAS at IWAS.
COVID-19 updates naman po tayo. Ito ang ranking ng Pilipinas sang-ayon po sa Johns Hopkins world meter COVID-19 data:
- Number 23 po ang Pilipinas sa buong mundo pagdating sa total cases
- Number 26 sa active cases
- Number 133 sa cases per 100,00 population
- At Number 81 sa case fatality rate
Tingnan naman po natin ang bansa sa Southeast Asia ‘no. Panlima po ang Pilipinas – una po ang Indonesia, Malaysia, Thailand, Vietnam at Pilipinas. Four hundred twenty-six thousand ang kaso ng Indonesia, samantalang 81,000 ang ating kaso dito sa Pilipinas.
At dito naman po sa Pilipinas, nasa 12,021 ang mga bagong kaso ayon po sa August 11 datos ng DOH – napakataas po niyan ‘no. Pero bagama’t mataas po ang mga bagong kaso mataas pa rin po ang ating recovery rate ‘no. At doon naman po sa mga aktibong kaso, karamihan po ay mild – 94.8%; asymptomatic po ay 1.5%; ang kritikal ay one percent lamang po; at ang severe ay 1.8, iyon po iyong mga pinaghahandaan natin ng mga kama sa ICU at sa ating mga ospital. Mataas naman po ang ating recovery rate ha, nasa 93.4%, mayroon na po tayong 1,577,267 na mga gumaling. Samantalang malungkot po naming binabalita na 29,374 ang binawian na po ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.74 nga po ang ating case fatality rate.
Tingnan naman po natin ang kalagayan ng mga ospital. Naku po, tumataas po talaga ang utilization rate. Kung dati-rati po ay nasa low risk, mukhang nasa moderate risk na po tayo – one point na lang ‘no. Ang ICU beds na ginagamit po natin ngayon sa Metro Manila ay nasa 69% na; ang ating isolation beds na nagagamit ay 58%; ang ating ward beds ay mataas na rin – 62%; at ang mga ventilators ay 51% utilized.
Sa buong Pilipinas naman po ha, 68% na po ang nagagamit na ICU beds; 57% ang nagagamit na isolation beds; 59% ang nagagamit na ward beds; at ang ventilators ay 49%.
Uulitin ko po ha: Bago po pumunta sa ospital, unang-una, alamin po natin kung kinakailangan talagang pumunta ng ospital! Kung hindi naman po tayo nahihirapan huminga, kung tayo naman po ay parang mild at asymptomatic, pumunta po tayo sa mga isolation centers; kapag nahihirapang huminga at medyo seryoso talaga ang pakiramdam at saka po tayo pupunta ng ospital. Huwag po kayong dumiretso ng ospital dahil baka iyong ospital na pupuntahan ninyo ay puno na, mapu-frustrate lang kayo. Tawagan ninyo po ang 1555 o ‘di naman kaya ang 0915-7777777, iyan po ang One Hospital Command Center kung saan sasabihan kayo kung saan mayroon pong bakanteng ospital nang hindi na kayo paikut-ikot. Mayroon din pong numbers pa na ibang numbers – 0919-9773-333 at 02-886-50500, One Hospital Command Center.
Now, dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ang mga alkalde ng dalawa sa pinakamalaking mga siyudad sa Metro Manila. Unahin ko na po si Quezon City Mayor Joy Belmonte, ladies first; pero kasama rin po natin ang ating Caloocan City Mayor Oscar Malapitan.
Tatanungin po natin sa kanila, kumusta na po ang pagbabakuna sa Quezon City at Caloocan? Malapit na rin ba ho ang kanilang population protection? At kumusta po ang kanilang naunang araw ng pamimigay ng ayuda? Mayor Joy Belmonte, the floor is yours. Magkasama po kami kahapon ni Mayor Joy Belmonte sa inauguration ng 108-bed new modular hospital diyan po sa Lung Center sa Quezon City.
Mayor Belmonte, kumusta na po ang ating bakunahan at kumusta na po iyong pagbibigay ng ayuda diyan po sa Quezon City?
QC MAYOR BELMONTE: Magandang tanghali, Secretary Roque. Magandang tanghali rin po sa akin pong kapitbahay, si Mayor Oca Malapitan na nandito rin po,
At nais ko pong ipahiwatig ang vaccination status po ng Lungsod Quezon sa pamamagitan po ng isang maikling PowerPoint presentation kung pahihintulutan ninyo po ako.
SEC. ROQUE: Yes, ma’am.
QC MAYOR BELMONTE: At para mas lalo pang maunawaan ng atin pong mga mamamayan. So ang pangalan po ng amin pong kampaniya ay “QCProtekTODO sa bakunang sigurado!” at ito po ang ating update as of August 12, 2021. Next slide po.
So, as of today, mayroon na po tayong nabakunahang 1,191,251 individuals with their first dose and this represents 70.07% of our target population of 1.7 million adults ‘no.
And para sa kaalaman ng lahat, Quezon City has a population of 3.1 million people and our target is 1.7 million and that represents 80% of the adult population, given that until now we still do not have orders from the national government na magbakuna po ng mga bata.
Sa second dose naman po, we have already vaccinated 649,682 with second doses and that represents 40.44% po ng atin pong target population. [Next po]
So, again, 1,191,251 individuals have received their first dose at ang total vaccines deployed po – this is first and second doses – ay 1,840,933 na po at marami pong salamat sa bakuna. [Next po]
So, ito naman po, 742,974 are considered fully vaccinated citizens. Iba po siya doon sa bilang na binanggit ko kanina na 649,682 sapagka’t kasama na po sa bilang na ito ang mga nabakunahan ng Janssen which only requires one dose ‘no. Kaya kapag pinag-usapan ang fully vaccinated QC citizens, ito po ang tunay na bilang niyan – 752,974. [Next po]
So, ito lang po ang mga nabakunahan na based on priority group:
- Sa A1 po, 84,672 – first dose; second dose, 72,986;
- A2 or senior citizens, 188,200; at second dose po, 119,364;
- Ang Persons with comorbidities o A3, 265,938; at 207,871 naman sa second dose;
- Sa A4 po/essential workers, 423,090 for first dose; 182,023 for second dose; at
- A5 or indigent population, 229,361 – first dose; 67,438 ay second dose na po.
S0, ito po iyong vaccinations natin per brand para in the spirit lang po of transparency at alam po ng ating mga kababayan dito sa Lungsod Quezon. So, ang pinakamarami po naming natanggap na bakuna ay ang Sinovac which is 56.2% of our supply. Ang pumapangalawa po dito ay ang AstraZeneca with 17.2% of our supply. Iyong pangatlo ay iyong Pfizer with 11.9%of our supply, tapos po iyong Moderna with 8.8% ng supply po natin at iyong Janssen with 5.1% at iyong Sputnik po with 1%. So, nandiyan po iyong mga bilang ng mga iba-ibang bakuna na natanggap na po ng Lungsod Quezon since the beginning po noong nakaraang March. [Next po]
So, ito po ang doses administered per month. Napapansin naman po natin noong March, April ay mababa lang po nabakunahan natin tapos pataas po siya nang pataas.
So, iyong kulay red po, ito po iyong first dose, so, 92,809 versus 1,815 noong second dose sa April na po ito. Sa May naman, 184,807 for first dose; 79,603 second dose. Sa June, tumaas na po, 260,094 for first dose; 117,481 for second dose. Sa July po, iyan mataas na mataas na po tayo with 347,358 for first dose and 356,432 sa second dose. Ngayon pong August nakikita naman po natin kasisimula pa lang ng buwan ng August pero nakapagpabakuna na po tayo ng 289,908 for first dose at 93,251 for second dose. [Next po]
So, ito po ay very interesting graph. Kung mapapansin ninyo, may mga high points tapos bumababa po siya. Iyong high point po represents the number of sites that we have. At siyempre po, ang ibig sabihin nito, kapag mataas po ang graph, ibig sabihin noon ay marami pong sites ang atin pong nabuksan at ito po ay katumbas ng dami po ng bakuna na atin pong natatanggap. At ang bilang po na ito, iyong sixty, iyan po ang pinakamaraming sites na nabuksan na sa Lungsod Quezon.
Kaya ang aking mensahe kay Secretary Harry Roque bilang taga-Lungsod Quezon, ay mapapansin ninyo po, Sec. Harry, na kayang-kaya naman po ng Lungsod Quezon ang magpabakuna ng maraming-maraming tao at magbukas po ng maraming sites basta po’t mayroon po tayong steady supply of vaccines dito po sa Lungsod Quezon.
So, ito po ang highest single day vaccinations po natin para po sa kaalaman ng atin pong mga ka-lungsod.
So, July 14 we vaccinated 50,043; on August 5 – 43,966; on August 9 – 49,748; iyong champion date po namin was August 10 – 55,508 po ang aming nabakunahan; at August 11 ay 53,897.
Actually po, kung mas marami pa po ang supply ay na-plot na po namin na kakayanin po namin ang 60,000 per day. [Next po]
So, ito po ay isang ad lang po sa archive namin to show the people of Quezon City that we have achieved 55,508 first and second doses administered last August 10, 2021. [Next po]
So, here are some of our initiatives lang po. So, kung kayo po ay hindi pa po nagpabakuna, may apat po na paraan para puwede po kayong magpa-book sa amin po dito sa Lungsod Quezon. Iyong una po ay through online booking. Ito po ay sa pamamagitan ng Quezon City ‘Vax Easy’ online-assisted booking.
At marami pong trolls, Secretary Harry, na mahilig magsabi na, “Ay, nag-book na kami. Tatlong buwan na kami naghihintay pero hindi pa naman kami tinatawagan or tini-text.” Ito po ay fake news sapagkat sa kasalukuyan po ay batay po sa ‘first come, first serve’ na polisiya po namin ay nasa end of July beginning August na po ang aming binabakunahan, so, wala naman po kaming matinding backlog. In fact, mabilis po through the ‘Vax Easy’ online-assisted booking.
Kaya iyong mga may computers inaanyayahan ko po kayo mag-register through our online booking system. Kung wala po kayong computer, puwede rin po kayong pumunta sa inyong mga barangay at mayroon po tayong barangay-assisted booking kung saan ang bawat barangay ay bibigyan din ng mga vaccination sites at ia-assign sa kanila ito at kayo naman po kung kasama kayo sa barangay na iyan ay puwede po kayong magpabakuna on the scheduled date that we gave to you.
Mayroon din po tayong HOA registration. Ang atin pong partnership with the HOA is that if the homeowner’s association like Barangay White Plains, kung saan nakatira si Secretary Harry, ay gustong magpabakuna ay sagot po ninyo ang medical team, sagot po namin ang vaccinations at lahat po ng mga marshals at vax cards at supervision ay sagot po ng local government pati na rin po siyempre ang bakuna.
Kung kayo naman po ay A4 at nagtatrabaho sa isang kumpanya na may 100 ang above na workers, magsulat lang po ang inyong kumpanya sa amin pong tanggapan at ii-schedule po namin ang lahat ng empleyado po ng inyong tanggapan sa atin pong iba’t-ibang vax sites para ma-accommodate po kayo sabay-sabay na po ‘no. So, ito po ang kasalukuyan na mas madalas nating gawin dahil nasa A4 po tayo ngayon nagko-concentrate. [Next po]
So, here are our other ways of rolling out our vaccination. We have home service vaccination for bed-ridden residents and we have already administered 1,776 doses at 278 requests. May drive-thru na po tayo at SM Fairview and SM North EDSA at mayroon po tayong special drive –thru para lang po sa ating mga TODA at ito po ay matatagpuan sa Quezon City Hall compound. 12,301 na po ang na-administer namin through our drive-thru system.
Mayroon din po tayong bakuna all day and all night vaccine rollout at naging bisita po natin si Secretary Roque in one of our ‘Bakuna Nights’ at ang atin pong na-administer dito ay 76,961 na po ‘no. And then mayroon po tayong mga defaulters, those who missed their second dose. So, we also have special rollouts for them and at the moment we have rolled out 1,896 para doon sa mga na-miss ang kanilang second dose. At iyong mga homeowners’ association partnerships po natin, 45,540 doses administered in 188 homeowners’ association sites. [Next po]
So, ito lang po, gusto ko lang pong ulitin dahil mayroon pong kumakalat palagi na fake news na kung pumunta kayo sa ganitong site, ganiyang site ay puwede kayong mag-walk-in at bibigyan kayo ng bakuna ng Quezon City Government, gusto ko lang po i-reiterate, ang Quezon City Government po simula’t-sapul pa ay mayroon po tayong bawal ang walk-in policy. Hindi po tayo magpapabakuna ng mga walk-in pero ang ginagawa na lang po namin kung baka sakaling mag-walk-in kayo at hindi ninyo alam ang polisiya, we get your name and your phone number and we will schedule you for another day. [Next po]
So, ang targets lang po natin, ito po, gustong pakinggan ito ni Secretary Harry. So, ang remaining population na lang po natin na kailangang mabakunahan para maabot po ang population protection or 1.7 million vaccinated adults ay 508,749 na lang po and that represents 29.92% of our population. Kung tuluy-tuloy lang po ang atin pong pagbabakuna and we do this in an average of 40 sites with 1,500 people per site ay matatapos na po ang Quezon City by August 28, 2021.
So, sa buwan po ng Agosto, kaya pong matapos ng Quezon City ang pagbabakuna ng lahat po ng atin pong mga target vaccinees kung tuluy-tuloy lang po ang daloy ng bakuna sa atin pong lungsod. And of course, kung kasama ang second dose ay kakayanin po naming matapos way before the Christmas season ang ating pagbabakuna dito sa Quezon City, October 1, 2021 kaya na pong matapos.
Again, this is kung tuluy-tuloy po ang daloy ng bakuna sa atin pong lungsod ‘no. And in total, we would have achieved herd immunity or I would say population protection in 6.33 months ‘no starting March 22, 2021 when we first administered ang pinakaunang dose po sa Quezon City. So next po.
SEC. ROQUE: Congratulations, Mayor Joy Belmonte.
QC MAYOR BELMONTE: ‘Yan, oo. Thank you po, tapos na.
SEC. ROQUE: Opo, at I look forward to a commemoration event po ‘no when we reach complete date for first dose and complete date for second dose.
Sasabihan ko lang po ang ating mga televiewers, ang Quezon City po ay isa sa pinakamalaking siyudad sa Metro Manila at ang mabuting balita po eh end of the month, August, tapos na ang first dose ng lahat ng mga 70% of population at Oktubre matatapos na po ang lahat na dapat mabakunahan kung tuluy-tuloy nga lang po ang pagdating ng bakuna. Congratulations, Mayor Joy Belmonte!
Puntahan naman po natin ang isa pang napakalaking siyudad sa Metro Manila, ang Caloocan. Mayor Malapitan, kumusta na po ang ating bakunahan at ang pagdi-distribute po ng ating mga ayuda? The floor is yours, Mayor Oscar Malapitan.
CALOOCAN CITY MAYOR MALAPITAN: Maraming salamat Secretary Harry, Mayor Joy… Dito po sa Caloocan ngayong nasa ilalim tayo ng ECQ, mas pinaigting po namin ang trace, test, treat, vaccine – ang apat na pinakamahalaga nating isaalang-alang sa laban natin sa pandemyang ito.
As of yesterday, August 11, nasa 41,071 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 dito sa aming lungsod – 821 dito ang aktibong mga kaso; 110 naman ang mga bagong kaso; habang nasa 39,094 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling o naka-recover sa sakit.
Para sa aming contact tracing, nagbigay ako ng direktiba sa COVID-19 Command Center na mas palawakin pa ang ginagawang contact tracing efforts. Sa katunayan ay nagkaroon kami nang karagdagang 400 contact tracers sa pamamagitan ng TUPAD program na naging posible sa tulong ng DILG at ng DOLE. Sa ngayon ay mayroon na kaming mahigit 700 contact tracers sa buong siyudad.
Tuluy-tuloy din ang aming mass testing sa lungsod. Mayroon kaming libreng RT-PCR swab testing sa Caloocan People’s Part at Caloocan Sports Complex para sa mga residente at nagtatrabaho sa lungsod na nakararanas ng sintomas at mga na-expose sa positibo sa sakit.
Ang aming dalawang lokal na ospital ay nakahanda rin palagi upang umagapay sa mga nangangailangan ng serbisyong medikal. Tinitiyak natin na palaging mayroong sapat na medical supplies and equipment sa ating mga ospital higit na ang mga Personal Protective Equipment or PPE para sa ating mga bayaning medical workers.
At siyempre pagbabakuna ngayong ECQ ay mahigpit nating ipinatutupad ang no walk-in policy sa lahat ng ating vaccination sites maliban na lang kung senior citizen na agad nating pinaprayoridad upang mabakunahan. Katuwang ang aming mga barangay, prelisting na at may schedule ang aming sistema. Mayroon na rin tayong online appointment nang sa gayon ay maiwasan ang mahabang pila at dagsa ng tao bilang pag-iingat na rin laban sa banta nang mas nakakahawang Delta variant.
Tayo ay may binuksang dalawampu’t apat hanggang dalawampu’t anim na vaccination sites na nagbabakuna sa may humigit-kumulang na 300 to 500 araw-araw bawat vaccination sites. Karagdagan po nito ang dalawang ospital ng lungsod at ang sports complex kung saan nababakunahan ang may isanlibong tao araw-araw.
Sa huling datos mula sa aming City Health Department, nasa mahigit 938,503 na bakunang naiturok sa mga mamamayan ng Caloocan. Nasa 596,612 ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan na habang 341,891 dito ang fully vaccinated na.
Ngayong araw, mayroon po kaming dalawampu’t anim na strategic vaccination sites para sa first at second dose kabilang na dito ang malls, schools at barangay covered court.
On the daily average mula sa 6,000 noong mga nakaraang buwan, sa ngayon ay umaabot na po sa 15,000 to 18,000 ang nababakunahan natin araw-araw. At bilang isa po ang Caloocan sa may pinakamalaking populasyon na target na 1.2 million na mabakunahan, patuloy po kaming gumagawa ng mga paraan upang mas mapabilis pa ang aming programa sa pagbabakuna.
Bukod sa mall, nakikipagtulungan din sa amin ang Diocese of Caloocan at Diocese of Novaliches upang magamit ang ilan sa mga simbahan sa lungsod bilang vaccination site. Bukod pa ang kanilang mga medical team at volunteers na sila mismong nangunguna sa pagbabakuna.
Nakipag-ugnayan din po kami sa Philippine Medical Society, Philippine Dental Society at Philippine College of Physician na hindi na nag-atubiling magpadala ng mga volunteers upang makatulong sa aming vaccination program. Gayun din ang aming pakikipagtulungan sa Civil Society Organization o CSO collab na walang-sawang sumusuporta sa aming programa sa pagbabakuna.
Ilan sa kanilang mga naging tulong sa lungsod ay ang pagbibigay ng gasolina na siyang nagagamit ng ating vaccination team. At nito lang, sila ay nangakong magdu-donate rin ng dalawampu’t pitong laptop na ilalaan para sa ating registration sa ating mga vaccination sites.
Sa pagbabakuna naman, para sa mga essential workers na silang itinuturing na lakas ng ating ekonomiya, ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ng Business Permit and Licensing Office ay nakipag-ugnayan sa iba’t ibang kumpanya nang sa ganoon ay mabakunahan natin ang kanilang mga empleyado. Nagkaroon tayo nang exclusive vaccination schedule para sa kanila sa ating city hall.
Bilang tugon naman sa pangangailangan ng ating mamamayan, nagsimula na po kahapon ang pamamahagi ng ECQ ayuda sa Caloocan. Sa unang araw ng distribution, nasa mahigit 34,000 beneficiary o 86% ng target na nabigyan kahapon ang nakapag-claim ng kanilang ayuda.
Kami po ay taus-pusong nagpapasalamat sa national government dahil isa po ang Caloocan sa mga unang lungsod na nakatanggap nito. Nasa 410,000 pamilya ang inaasahan at target nating mabigyan ng ayuda mula sa 1.3 billion pisong pondo mula sa national government.
Samantala, sa kagustuhan natin na mabigyan din ng tulong ang lahat ng pamilya sa lungsod, tayo ay nagsimula noong Lunes na magpamahagi house-to-house ng food packs na mula naman sa inisyatibo at pondo ng pamahalaang lungsod. Target natin na makabuo ng 700,000 food packs nang sa ganoon ay matiyak na lahat ng pamilya sa Caloocan ay maaabutan natin ng tulong.
Sa kabuuan, kami po sa Lungsod ng Caloocan ay patuloy ang laban sa pandemya. Patuloy po kaming nakikiusap sa mga mamamayan para sa kanilang pang-unawa at kooperasyon higit sa patuloy na laban sa COVID-19. Higit sa lahat, hinihikayat po natin sila na magpabakuna na sapagkat ito ang pinakamabisang proteksiyon para sa ating sarili at komunidad.
Maraming salamat. Magandang tanghali.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mayor Oscar Malapitan ng Caloocan City and congratulations po dahil malapit na rin po tayong magkaroon ng population protection diyan po sa Caloocan.
Pumunta na po tayo sa ating open forum and I hope Mayor Joy Belmonte and Mayor Oscar Malapitan can join us ‘no. Usec. Rocky, go ahead.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque, at pati po kay Mayor Belmonte and Mayor Malapitan.
Ang first question mula po kay Jam Punzalan ng ABS-CBN Online: The COA flagged deficiencies in the DOH management of some 67 billion pesos in COVID-19 funds. Some purchase lack documentation, others were allegedly disadvantageous to government while some procured medical supplies remain unused. What will be the President’s instruction to the DOH? How soon can government account for the funds?
SEC. ROQUE: Well, ang instruction po ng Presidente, saguting mabuti ang mga observation ng COA. Iba kasi itong nature ng observation ng COA ‘no. Kung sa dati-dati eh mga pulitiko lang ang mga nagbibigay ng paratang, ang COA po kasi ay isang constitutional body at talagang trabaho niyan na bantayan ang kaban ng bayan.
So importante na sagutin nang mabuti ang mga obserbasyon na ito at ang Presidente naman is withholding judgment until after makasumite ng komento ang DOH doon sa kanilang tinatawag na exit conference ‘no at magkaroon ng final report ang COA.
Pero ang Presidente po bilang abogado at bilang naging alkalde, alam po niya na hindi lahat ng mga paratang o observation ay nasu-sustain after sumagot ang ahensiya. Pero alam din po niya na after sumagot ang ahensiya at nagkaroon ng final observation ang COA eh mabigat po iyon dahil iyan po ang pagbabasehan ng pagsasampa ng kaso.
Pero ngayon po, premature pa po ah – sasagot pa lang po ang DOH. ‘Antayin po natin ang sagot, the President is keen to read the answers dahil medyo mabigat po ang mga obserbasyon ng COA.
Ang nais pong mangyari ng ating Presidente, naglaan po tayo ng bilyun-bilyon para sa ating COVID response at ang inaasahan niya lahat po iyan ay magamit para mapakinabangan ng taumbayan; antayin po natin ang mga kasagutan ng DOH.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: How do you think this will impact Senator Pacquiao’s earlier pronouncement, DOH was on top of his list of corrupt agencies?
SEC. ROQUE: Iba po kasi ang lebel ng obserbasyon ng COA, constitutional body po iyan – iyan ang katungkulan niya ‘no; pero ang Presidente po walang sinasanto. There are no sacred cows in this administration, ‘antayin lang natin ang sagot ng DOH at ‘antayin natin ang final observations ng COA.
Now iyong naanunsiyo ko po kanina na P1,000 para sa DepEd teachers on National Teachers Day, ito po ay para sa buwan ng Setyembre at ang sumatotal na ipamimigay natin sa ating mga guro ay 910 million pesos.
USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: PNP Chief Eleazar admitted that data-gathering activities are being done in several barangays. Senator Lacson says this is alarming and he cannot allow the PNP to engage in partisan politics and be bastardized, worse, using public funds. Did President Duterte sanction these activities? What do you say to the allegation that public funds are being used for politics?
SEC. ROQUE: Unang-una hindi po ‘yan for politics ‘no, hindi po ‘yan for political purposes. Iyong tinatawag po nating active police community operations, matagal na po iyan pinatutupad. In fact, sa Japan po, iyan iyong cornerstone ng kanilang pagmi-maintain ng peace and order ‘no.
So matagal na pong pinatutupad ‘yan at hindi po ‘yan gagamitin sa pulitika. Importante po iyan dahil sa ngayon po talaga eh matindi ang laban natin hindi lang po laban sa mga terorista na nag-aaklas laban sa gobyerno kundi pati po doon sa mga drug interests ‘no.
Hindi po iyan gagamitin sa pulitika, matagal na pong ginagawa iyan ng pulisya – maski po iyong panahon ni Senator Lacson eh nagkakaroon na po tayo ng active police community cooperation ‘no.
Pero ang sinabi naman po ni General Eleazar eh ito po’y in the spirit of volunteerism. Wala pong sapilitan dito at lahat po ng impormasyon ay gagamitin lamang po para mapalakas iyong ating mga kakayahan ng pulisya na sagutin ang mga banta sa ating seguridad.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Yes. Punta naman tayo kay Mela Lesmoras, please.
MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque at kay Mayor Joy at Mayor Malapitan. Secretary Roque unahin ko lang, may ilang updates kasi na lumalabas about po sa COVID-19 situation sa inyong opisina. Kukumustahin ko lang po sana, kumusta po ang ating opisina sa gitna ng COVID-19 threat at paano po kayo nag-iingat sa gitna nga nitong Delta variant?
SEC. ROQUE: Okay. Mayroon po kaming apat na positibo sa aming tanggapan ‘no, apat lang naman po at isa lang po iyong—that required hospitalization at hindi siya fully vaccinated ‘no – isang driver po sa ating tanggapan ‘no.
Wala po akong kahit anong close contact sa kanila kasi skeleton workforce lang po kami dito sa Office of the Presidential Spokesperson. Sa ngayong araw po parang siyam na tao lang po ang naririto ngayon sa aking tanggapan.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, Secretary Roque, on other issues naman po. Sa ECQ po kasi hanggang Sunday, August 15 na lang iyong umiiral na ECQ sa Laguna, Iloilo City and CDO. Mae-extend po kaya ito at ano po ba iyong mga—para ma-refresh sa ating mga kababayan, ano po ba iyong mga basis natin? Dito po kaya sa NCR, paano po iyan mangyayari?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, mayroon na pong rekomendasyon ang inyong IATF kay Presidente, inaantay na lang po natin ang approval ng ating Presidente ‘no pagdating doon sa mga lugar na mapapaso na po iyong ECQ nila. So bago po dumating ng a-kinse, magkakaroon po tayo ng anunsiyo tungkol diyan ‘no; pero I’m not yet at liberty to say that.
Gaya ng dati, sinusundan po natin iyong formula na daily attack rate, two-week average attack rate at hospital care utilization rate para sa ating rekomendasyon na bagong quarantine classifications.
Sa Metro Manila, wala pa pong rekomendasyon dahil ito naman po ay hanggang a-beinte ng Agosto pa.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And for follow up lang, gamitin ko na rin po iyong pagkakataon. Kasi we understand, Mayor Joy and Mayor Malapitan, sa Metro Manila mayors lagi rin tayong nagkakaroon ng pulong at nagkakaroon ng rekomendasyon para sa community quarantine. Given the situation sa inyo-inyo pong mga lungsod, ano po iyong rekomendasyon ninyo? Sa inyo po ba sa Quezon City and sa Caloocan, para sa inyo mas mainam po bang palawigin pa iyong ECQ or ibaba na ito sa mas magaang quarantine?
QC MAYOR BELMONTE: Para po sa Quezon City, tingin ko masyado pang maaga para magbigay ng paspasya patungkol sa susunod na quarantine classification sapagkat as you know we started the lockdown early rather than later so natural lang naman na pataas pa rin lang ang bilang. Pero ang gusto nating makita ay iyong trend sana ay mabago na by next week ‘no.
At the good news of course is that dito sa Quezon City, ang amin pong napagmasdan ay konti lang po talaga ang namamatay – that means that the vaccinations are working. Tapos kung dati ay medyo steep ang pag-rise nang pagtaas ng kaso like in the previous ECQ, ngayon po hindi po ganiyan ka-steep. Actually, very manageable pa po para sa Lungsod Quezon ang pagtaas ng mga bilang namin ‘no. So I would prefer to wait another week before I make a recommendation to the Metro Manila Council sa amin pong weekly meeting po.
MELA LESMORAS/PTV4: How about Mayor Malapitan po kaya?
CALOOCAN CITY MAYOR MALAPITAN: Gaya ng sinabi ni Mayor Joy, makiramdam na muna tayo at tapusin natin itong dalawang linggong hard lockdown.
Ngayon naman kami sa Metro Manila Council na pinangunahan ni Benhur Abalos ay nag-uusap-usap kami kung ano ang magiging rekomendasyon namin sa IATF whether i-extend or tama na.
So antay-antay lang ho muna tayo ng ilang araw para mapag-usapan ho namin at mag-assess. As far as Caloocan is concerned, medyo tumataas at kaya nga lahat ng pag-iingat ay sinasabi namin sa mga tao.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Thank you po! And, Secretary Roque, panghuling tanong na lamang po. Kasi nga sa IATF protocols iyon nga, binalik na sa 14 days iyong doon sa mga fully vaccinated na close contact.
How about, Secretary Roque, doon naman po sa mga galing sa abroad, may chance din ba na gawing 14 days ulit iyong mga fully vaccinated? And, ano pa po iyong mga pinag-uusapan sa IATF na mga paraan para ibayo pang mapahigpit iyong mga patakaran versus Delta variant?
SEC. ROQUE: Wala pa pong ganiyang rekomendasyon pagdating sa mga fully vaccinated Filipinos na mag-a-abroad ‘no. So the protocol remains.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Thank you, Secretary Roque, at thank you po sa ating mga alkalde.
SEC. ROQUE: Salamat, Mela. Punta po tayo uli kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary Roque, iyong question ni Aileen Taliping ng Abante Tonite nasagot ninyo na, about doon sa World Teachers Day at iyong pagbibigay ng tig-1,000 pesos.
Ang second question from Kris Jose of Remate/Remate Online for Secretary Roque: Reaksiyon sa ginawang pagbatikos ng progressive group na Makabayan bloc kay Pangulong Duterte dahil sa malicious attacks daw nito kay Mayor Isko? Ang pag-atake raw sa alkalde ay may kinalaman sa usaping pulitika dahil posibleng presidential bet daw ang alkalde sa election 2022? Banta rin daw si Mayor Isko sa plano diumano ng Pangulo na Duterte dynasty sa 2022?
SEC. ROQUE: Wala po akong narinig na pagbabatikos laban kay Mayor Isko na nanggaling sa bibig ni Presidente.
USEC. IGNACIO: From Kris Jose pa rin po, para po kay Mayor Joy Belmonte, Mayor Malapitan: May mga problema na po ba kayong na-encounter sa pamamahagi ng ayuda? May mga naging pasaway po ba? Kailangan po ba na makatanggap ng confirmatory text ng schedule? Paano iyong mga taong nagpalit ng sim card, nawalan ng cellphone, paano sila makakatanggap ng confirmatory text? Mayor Joy?
MAYOR BELMONTE: Dito po sa Lungsod Quezon, awa naman ng Panginoon ay pinaghandaan po talaga ng ating lungsod ang pagkakaroon ng maayos na pagbibigay ng ayuda sa atin pong mga mamamayan. So, as of today wala pa po tayong narinig na mga reports na hindi kanais-nais patungkol sa ating rollout ‘no, number one iyon. Number two, iyong tanong po ninyo patungkol sa sa kung mawala ang sim card at hindi mai-text, hindi mo kailangang mag-alala, sapagkat pinapaskil po sa official Facebook page ng lungsod pati na rin ng barangay ang mga pangalan at schedules ng dapat makatanggap ng kani-kanilang mga ayuda, pati na rin ang venue at kung anong oras sila dapat dumating. So, hindi kailangang ikabahala po iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor Malapitan?
MAYOR MALAPITAN: So far, kahapon noong start, mayroon kaming mga kaunting problema, kagaya noong maagang pumupunta dahil mayroon silang oras kung anong dapat pumunta, maagang pumupunta iyong iba na hindi naman nakakapasok sa loob ng distribution site. Pangalawa, iyong mga nawala iyong mga cellphone nila na hindi sila matawagan, sinasagot naman namin iyon na tingnan nila sa barangay iyong kanilang listahan kung nandudoon sila. Basta sa amin, rest assured na iyong nabigyan natin noong nakaraan ng ayuda ay mabibigyan lahat ngayong bigayan.
USEC. IGNACIO: Thank you, Mayor Belmonte, Mayor Malapitan. Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Punta naman tayo kay Trish Terada, CNN Philippines, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Spox Harry and to our Mayors who are present po. Sir, follow up ko lang po doon question on Mayor Isko. So, if hindi po si Mayor Isko iyong, kumbaga, binabatikos ng Pangulo o iyong pinariringgan ng Pangulo, sino po kaya iyon, sir?
SEC. ROQUE: I will leave it at what the President said, Trish. As I said, I am only a Spokesperson. I cannot rise above my source, and the President is my source.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: And will the President eventually name the person or will it remain to be a blind item?
SEC. ROQUE: That’s up to him po.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Sir, doon lang din po sa COA ‘no. Although, sabi nga po ninyo, hihintayin ng Pangulo iyong result ng investigation. But what about, sir, doon sa part na binanggit ng COA na unobligated funds na binabanggit po nila na counter-beneficial to the department’s continuing efforts towards controlling the spread of COVID-19, what is the President’s thoughts about this? And could this be proof that DOH hasn’t done enough or that something was lacking?
SEC. ROQUE: I will just repeat what I said earlier ‘no. Matagal na po sa gobyerno si Presidente at alam niya hindi naman lahat ng observations ng COA eh dapat na paniwalaan kaagad. Kasi mayroon naman talagang pagkakataon para mag-explain iyong mga ahensiya. At noong siya ay naging napakatagal na mayor ng Davao, marami siyang ganiyang karanasan.
Ganoon pa man, hindi po namin minamaliit ang obserbasyon. Napakabigat na mga obserbasyon po ito at inaasahan namin ang komprehensibo at malinaw na kasagutan. Kasi alam na po ng lahat ng taumbayan kung ano ang initial observation, initial lang naman po ito, pupuwede pang ma-dispute, pero mabigat po, parang sinasabi, nandiyan ang pera, hindi nagamit para sa COVID. Napakabigat po niyan at inaasahan natin ang komprehensibo at malinaw na kasagutan galing kay Secretary Duque.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Does the President want, sir, a copy of the response personally sends to his office or does he have a timeline or a deadline for this?
SEC. ROQUE: Well, I hope DOH will furnish the President with their responses. Well, naging alkalde po at Presidente po ang ating Pangulo, abogado rin po. Alam po niya kung paano i-evaluate iyang mga ganiyang mga kasagutan. Pero sinasabi ko nga po, hindi lang pulitikahan po ito ha, this is COA observation, a constitutional body formed precisely to submit these kinds of observations. So, mabigat po ito at sana bibigyan ng sapat na panahon ang pagsagot ng DOH dito sa mga paratang na ito o mga observations na ito.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, on another topic. Si DTI Secretary Mon Lopez po said that DTI wants Metro Manila to shift to MECQ as soon as possible. Sir, is this possible given the changes, the improvements or if there is any that we are seeing right at this moment, kasama po ba ito sa tinitingnan ng IATF?
SEC. ROQUE: We all want a lesser quarantine classification nang mas marami pong taong makapagtrabaho. Pero ang desisyon nga po natin is total health ‘no. Hindi naman natin papayagan na tuluyang magkasakit ang ating mga kababayan na hindi tayo handang gamutin iyong mga seryoso o kritikal na magkakasakit. So, ang ginagawa po natin ay pinapadami natin iyong ating mga ICU bed capacity. Sana po nangyayari nga po iyan. At pangalawa ay titingnan naman natin ang mga datos sa takdang panahon. Pero matagal pa po, a-bente pa po ang katapusan ng ECQ dito sa Metro Manila.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Spox.
SEC. ROQUE: Salamat, Trish. Punta ulit tayo kay USec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Tanong ni Rosalie Coz ng UNTV: Kung may reaksiyon daw po ang Pangulo sa COA findings sa DOH sa P67.3 billion pesos na halaga ng pondo at kung dismayado ba ang Punong Ehekutibo dito? Sinabi daw po kasi ng Pangulo dati na huwag mag-alala ang publiko at lahat ng pera na nagastos sa COVID response ay maa-account and he will hold himself responsible.
SEC. ROQUE: Tama po iyan, kaya nga po hinihintay natin ang magiging kasagutan ng DOH sa mga obserbasyon. Pero kagaya ng aking nasabi, mahirap po talaga na balewalain ang obserbasyon na iyan. Pero kampante kami na sasagot at sasagot si Secretary Duque. Hintayin naman po natin nag kasagutan bago tayo magbigay ng posisyon.
USEC. IGNACIO: Ang third question niya: Kung tiwala pa rin ba siya sa pangangasiwa ni DOH Secretary Duque at bakit po?
SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po, wala pa naman pong pinal na obserbasyon ang COA. So, hintayin na lang po natin ang kasagutan at ang final observation ng COA.
USEC. IGNACIO: From Cresilyn Catarong ng SMNI News: Ayon po sa isang opisyal ng PDP-Laban, ang Go-Duterte tandem na iprinisenta ng grupo ni Secretary Cusi sa Setyembre ay hindi awtorisado sa simula pa lamang. Sinabi pa ng PDP official na ang tingin ng karamihan sa kanilang miyembro ay smokescreen lamang ang Go-Duterte tandem at kalaunan ay si Davao City Mayor Inday Sara ang papalit kay Senator Bong Go. Ano po ang masasabi ninyo rito?
SEC. ROQUE: Alam mo, sa usapin ng mga partido na may mga tagapagsalita po sila ‘no. So hahayaan ko na na iyong mga tagapagsalita ng PDP-Laban ng Hugpong ng Pagbabago ang sumagot diyan. Basta ang Pangulo, siya po ay nananatiling chairman ng PDP-Laban; at kung anuman ang mga disagreements sa loob ng PDP-Laban ang naging posisyon ng Presidente, eventually makakarating po iyan sa Korte Suprema.
USEC. IGNACIO: Ang second question po niya ay nasagot na ninyo about ECQ na posibleng pagpapalawig. From Rosalie Coz ng UNTV: Ano po ang tugon ng Palasyo at IATF sa panawagan ng Employees Confederation of the Philippines o ECOP na gawing mas agresibo ang pagbabakuna sa mga manggagawa? Sa datos po ng DOH, mga nasa working age group po ang mas madalas tinatamaan ng COVID sa nakalipas na ilang linggo.
SEC. ROQUE: Pinatutupad na po natin iyan, kaya nga po sinimulan na natin ang A4, ang mga economic frontliners. Bagama’t ang mga A2 at A3, mga seniors, may comorbidities, may prayoridad pa rin po kayo, magkakaroon kayo ng express lanes sa lahat ng bakunahan. Pero sa ngayon po, talagang binibigyan natin ng prayoridad ang mga A4s na rin dahil alam natin na para makapaghanapbuhay ang lahat, kinakailangan mabigyan ng proteksiyon ang ating mga manggagawa.
USEC. IGNACIO: Second question po ni Rosalie: Ano po ang bilin ng Pangulo kaugnay ng bilyung-bilyong utang ng PhilHealth sa private hospital? Ano na ang gagawin ng pamahalaan kung maaapektuhan ang operasyon at pagtugon ng mga ospital na ito sa pandemya dahil depleted na rin ang kanilang pondo?
SEC. ROQUE: Naku, paulit-ulit na itong sinasabihan si Atty. Gierran – kinakailangang bayaran iyang mga pagkakautang na iyan dahil kapag hindi natin binayaran iyan, hindi pupuwedeng magpatuloy ang mga pribadong ospital na gamutin ang mga nagkakasakit sa COVID at hindi po sapat ang ating pampublikong mga ospital.
So panawagan po uli ng Presidente, and I’m sure si Atty. Gierran will listen to this, kinakailangan bayaran iyan sa lalong mabilis na panahon. Hindi na po ako nag-a-attend ng pagpupulong na pinapatawag ni Executive Secretary sa PhilHealth tungkol dito, pero napakadaming pagpupulong na po iyan. We need to see results now.
USEC. IGNACIO: From Leila Salaverria ng Inquirer: Did the President give an actual order to the DILG and DSWD to lead the distribution of cash aid in one Metro Manila city because according to reports, this proceeded as planned and were handled by LGU personnel even in Manila?
SEC. ROQUE: Well, narinig ko pong sinabi ni Presidente iyon bagama’t hindi niya pinangalanan kung anong siyudad. So mayroon pong order, hindi lang niya isinapubliko kung anong lugar; nasa DSWD at DILG na po iyon kung ano iyong siyudad na iyon.
USEC. IGNACIO: Will the Palace support calls asking the Comelec to extend voter registration period? Proponents of the idea say, it is necessary because the lockdowns had prevented people from going out to register? But poll officials have said there might not be enough time for this as it has to prepare for the polls.
SEC. ROQUE: Well, gaya po ng COA, ang Comelec naman po ay isang constitutional body at sila po talaga ang mayroong hurisdiksyon para mag-conduct ng mga eleksyon. So nasa kamay po iyan ng Comelec.
Do we agree? Well, we leave it to the Comelec dahil ang Presidente naman and the Comelec Chairman and commissioners have the same access to the same information that we all know is happening – mayroon pong pandemya.
USEC. IGNACIO: Opo. Pasensiya na, Secretary, mayroon lang akong nakalimutan na isa pang tanong ni Leila: What is now the status of the President’s pronouncements on Monday that the DSWD, DILG and DND should lead the distribution? Has this been rescinded?
SEC. ROQUE: I do not know if it’s been rescinded. Please ask DILG and DSWD. But I can confirm that the President gave that order.
USEC. IGNACIO: From Kyle Atienza ng Business World: The US Senate recently passed a progressive budget blueprint, directing committee to craft a bill that would earmark up to [unclear] 3.5 trillion for climate initiative, paid leave, child care, education and healthcare. Are social safety net programs also the priorities of the Duterte administration in the 2022 spending plan which would be tackled by the Congress amid a prolong pandemic that has crippled the country’s economy and healthcare system or should we expect a higher anti-insurgency fund as predicted by Senator Drilon who warned that the NTF-ELCAC will seek an increase in its 2022 budget, and I quote, “Give away more funds to different barangays across the country in an election year.” What are the priorities of the administration in the budget bill which is also called by several lawmakers as an election budget?
SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam iyan. Lahat po iyan speculation kasi pini-print pa lang po iyong proposed budget. Iyong tanggapan ko po ay isa sa pinakaunang nakakakuha ng printed budget. Kapag nakuha na po natin iyan, masasagot po natin iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong question po ni Ace Romero about DTI pushing para sa Enhanced Community, nasagot ninyo na po. And tanong ni Llanesca Panti ng GMA News Online: DILG Undersecretary Malaya said that 3.4 billion worth of additional cash assistance for ECQ areas was approved by the President. Totoo po ba ito?
SEC. ROQUE: Yes, I confirm that ‘no. That’s … iyong pinangako natin na ayuda para sa Laguna at sa Bataan ay nai-release na rin po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Mhet Sanding Miñon ng SMNI. Mayroon daw po kasing nagsasabi na toxicologist na mas delikado raw ang vaccine kaysa sa virus.
SEC. ROQUE: Hindi po totoo iyan.
USEC. IGNACIO: Ano raw po ang reaksiyon ng Palace?
SEC. ROQU: Hindi po totoo iyan! Sa buong mundo po, kinikilala natin na lahat po ng bakuna na ginagamit natin, aprubado ng WHO at ng Philippine FDA at iba’t iba pang FDA ng iba’t ibang bansa ay ligtas at epektibo.
Huwag po kayong makinig sa mga nagsasabing hindi epektibo at hindi ligtas ang mga bakuna, iyan po ay mga pekeng eksperto. Nagkaisa po ang lahat ng mga dalubhasa na ang solusyon sa pandemya ay ang bakuna.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Okay, so wala na po tayong ibang katanungan. Absent po ngayon ang ating Usec. Queenie dahil birthday po niya – Happy Birthday, Usec. Quennie!
At maraming salamat sa ating mga naging panauhin – kay Mayor Joy Belmonte, kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan. Maraming salamat, Usec. Rocky. At maraming salamat sa ating lahat ng mga kasama sa Malacañang Press Corps.
Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito ang inyong Spox na nagsasabi: Pilipinas, ang pangako ng President, gagawin niya ang lahat para matigil ang korapsiyon. Wala pong sinasamba ang Presidente! Ang nais lang niyang makita, tunay na ebidensiya; at kapag naririyan po iyan, mayroon naman pong kaukulang aksyon na gagawin ang Presidente. Napatunayan na po niya iyan early on his administration, and he will keep on doing it until his very last day in office.
Magandang hapon sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)