Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Usapin kaugnay sa programa para sa mga kababayan nating nagbabalik bansa at paghahanda sa digital vaccination certificate ang laman ng ating talakayan ngayong Huwebes, August 19, 2021; ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Makakasama po natin ang mga opisyal ng pamahalaan na handang magbigay-linaw sa mga tanong ng bayan; hatid din ng PTV News at Radyo Pilipinas ang balita sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Good morning, Rocky. Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Target ng pamahalaan na bumili ng mga karagdagang COVID-19 vaccines mula sa Pfizer at Moderna. Una rito, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na na-hold o hindi natuloy ang ilang multiparty agreement sa pagbili ng bakuna dahil nais ng mga kumpaniya sa gobyerno lamang magkaroon ng kasunduan. Ang detalye po mula kay Mela Lesmoras:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Habang patuloy ang isinasagawang vaccine rollout sa bansa, puspusan din po ang paghahanda ng pamahalaan para sa nalalapit na rollout ng digital vaccination certificate para sa mga Pilipinong nakatanggap na ng kumpletong bakuna, para pag-usapan iyan, makakapanayam po natin si Undersecretary Manny Caintic ng Department of Information and Communications Technology. Magandang umaga po sa inyo, Undersecretary.

DICT USEC. CAINTIC: Maayong buntag, Secretary Andanar and Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Usec., anu-ano po ba iyong mga impormasyong lalamanin nitong certificates of VaxCertPH?

DICT USEC. CAINTIC: Iyong laman po ng vaccine certificate are the following: Iyong pangalan, iyong kumpletong pangalan ng tao na dapat sana ay parehas doon sa kaniyang passport para makalayag siya nang maayos. Kasama rin po ang datos tungkol sa kaniyang first and second dose, kung saan siya nabakunahan, anong bakuna ang itinurok at kung kailan po ito itinurok sa kaniya.

SEC. ANDANAR: Para po sa kaalaman ng ating mga kababayang nabakanuhan, paano nila gagamitin itong VaxCertPH?

DICT USEC. CAINTIC: Ito pong VaxCertPH ay makukuha ninyo through a portal na ibibigay namin, accessible sa ating mga mamamayan. Doon po nila ilalagay ang detalye ng mga pangalan nila at saka kung kailan po iyong petsa ng kanilang pagbakuna para ma-check at ma-look up natin sa ating vaccine information database. Kapag nag-match, agad-agaran niya pong makukuha iyong kaniyang vaccine certificate; kung hindi man, may contact center na tatawag sa kanila at aalalayan sila para makuha ito.

At kung sakaling hindi pa rin mahanap ang kanilang record, posibleng hindi pa naipadala ng LGU ang kanilang record, huwag mag-alala kasi tinuturuan po natin ang mga LGUs ngayon kung paano matulungan ang kanilang mga constituents sa pagkuha at pag-rectify at pag-aayos ng kanilang mga datos.

Ngayong kasalukuyan po, tinuturuan po namin ang mga LGUs, lalung-lalo na sa tulong ng ating mga kaibigang mayors sa NCR at other LGUs, tinuturuan po natin sila kung paano matulungan ang ating mga mamamayan.

SEC. ANDANAR: Paano naman po mapuproteksyunan ang data privacy ng ating mga kababayan dito sa VaxCertPH?

DICT USEC. CAINTIC: Iyong datos po na ito, Secretary, nasa pangangalaga po ng Department of Health sa tulong ng Department of Information and Communications Technology.

Iyong atin pong vaccine information data ay talagang iisa lang ang source at ito’y pinuproteksyunan natin sa pagtutulungan namin. At ang pag-issue po ng vaccine certificate ay private key encrypted at ito’y hawak na hawak lang po ng Department of Health.

SEC. ANDANAR: Usec., kailan po ba iyong target na maisapubliko itong digital vaccination certificate at paano po kayo nakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensiya gaya ng DOH para sa implementation ng VaxCertPH?

DICT USEC. CAINTIC: Ang target po namin ay first week of September. Pero ngayon po, ang aming inaalala lang is gusto namin magkaroon ng sapat na training muna ang ating mga LGUs para hindi sila mabulaga kung biglang dagsain sila ng mga tanong at mga tulong ng ating mga mamamayan. Kasalukuyan, nasa pangatlong linggo na po kami sa aming training. So hintay-hintay lang konti.

Okay na ang system, handa na siya sana at naka-integrate na ito sa World Health Organization countries kaso lang, gusto lang natin ng sapat na panahon para magkaroon ng kumpiyansa ang ating mga LGUs. Iyong pakikipagtulungan po namin ay hindi lang kay Department of Health, Secretary Martin. Ang amin pong pakikipag-unayan ay through a technical working group, kabilang po dito ang Department of Tourism, Department of Transportation, at lalung-lalo na rin sa Department of Interior and Local Government. Thank you po!

SEC. ANDANAR:  Tama ho ba na isa ang Pilipinas sa mga unang magpapatupad ng mga ganitong uri ng digital certificate based na rin o base na rin sa WHO’s standards

DICT USEC. CAINTIC: Tama po kayo, Secretary Martin. Noong pinag-iisipan pa lang po ng World Health Organization ang panibagong standard ng digital certificates on COVID-19, isa po tayo sa mga unang bansa na nakipag-ugnayan agad-agad kung kaya ginawa natin ang ating sistema na alinsunod na kaagad dito sa panibagong standard called DDCC – Digital Documentation on COVID Certificate.

So noong July 27, kalalabas lang nila nang pormal iyong kanilang standard, eh tayo naman ay handa na, naka-program na. Ang atin na lang ngayon nga sabi ko, pagturo na lang ng ating mga LGU.

SEC. ANDANAR:  Sakaling magsimula na po ang pag-release ng digital vaccination or vaccine certificate ang DICT, ito po ba ay maaari na ring gamitin ng mga kababayan nating lalabas ng bansa o kailangan pa rin nila ng yellow card mula sa Bureau of Quarantine?

DICT USEC. CAINTIC: Ang panibago pong standard na ito ay iyong isinaad ng World Health para nga magamit sa iba’t-ibang bansa. Ang kagandahan po ng digital certificate eh makakasigurado ang ibang bansa na ito ay issued by the country’s ministry of health. Agad-agaran po ito at ito naman po ang panibagong standard ng World Health.

SEC. ANDANAR: Alam naman po natin na sa panahon ngayon ay kahit RT-PCR result o vaccination cards ay pinipeke po. Paano natin masisiguro na authentic o talagang validated ang mga ilalabas na digital vaccination cards?

DICT USEC. CAINTIC: Napakagandang tanong, Secretary Martin. Ang kaibahan po doon sa mga PCR results is iisa lang po ang ating issuer nito, walang iba kung hindi ang Department of Health. Sila lang po ang mismong nag-iisyu ng certificate na ito, sila lang po ang nag-sign. Digitally signed po itong certificate na ito base sa records na na kay DOH. Wala pong ibang sources of data kung hindi iyong datos ng tao at kung ano iyong datos ng kaniyang pagbabakuna/estado ng kaniyang pagbabakuna.

SEC. ANDANAR: Sa ngayon po, aling mga LGUs na po ang nakapagsumite ng kanilang vaccination list at ilan pa pong mga LGUs ang hinihintay natin na makapag-submit ng kanilang listahan bago simulan itong vaccine certificate o certification na tinatawag ngayon na “VaxCertPH”?

DICT USEC. CAINTIC: Ang mga LGU po simula’t sapul noong Marso pinasu-submit po ng oine list. Pero naghahabol po sila sa bilis din ng ating pagbabakuna. Dito po sa Metro Manila, ang atin pong mga NCR Mayors eh maganda po ang submission rate.

Understandably, doon sa mga LGUs na kakaumpisa pa lang o kaka-ramp-up lang kanilang pagbabakuna, nagkakaroon pa po ng kaunting adjustment pero makasisigurado po kayo, Secretary Martin, na karamihan na po talaga ng mga LGUs ay nakakapagsumite ng 100% every day.

Ibig sabihin, kapag nagbakuna sila ng isang libo, isang libong records din po ang talagang naipapadala nila. Ang iba po, medyo 70/80% pero dito po sa Metro Manila at sa mga karatig na mga LGUs, maganda po ang submission rate.

SEC. ANDANAR: Once na ma-launch itong digital VaxCertPH, paano ito makakatulong po sa pagpapabilis po naman ng ating vaccination rollouts?

DICT USEC. CAINTIC: Secretary Martin, iba po ang solusyon ng ating DICT para diyan. Ang amin pong sistema para sa mismong vaccination administration ay tinatawag na “D-VAS” (DICT Vaccination Administration System). Marami na pong mga LGUs na walang system na ginagamit na po ang D-VAS. Ito po iyong mga nakikita ninyo sa San Juan, sa Pasay, sa Caloocan at marami pang NCR cities, kung kaya nakakapagpabilis sila ng halos 5 to 7 minutes mula registration hanggang vaccination, hanggang adverse event. Hihintayin na lang.

Ginawa po natin itong systema na ito para hindi po maging cumbersome ang magiging pagbakuna at saka pagkatapos ng araw uuwi na po kaagad ang vaccination team at agad-agaran nasa vaccine database na kaagad. Ginawa po natin ito – una – para bumilis at hindi po masyadong mapahamak at mapagod ang ating mga vaccination teams para araw-araw po silang makakapagtuloy sa ating pagbabakuna.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa impormasyon, DICT Undersecretary Manny Caintic. Mag-ingat po kayo, Sir.

DICT USEC. CAINTIC: Kayo din po, Sir. Good morning.

SEC. ANDANAR: Samantala, hanggang dito na lamang muna ang ating pagsasamahang talakayan ngayong araw, mga kababayan. Ingat po kayo at magkita po tayong muli bukas. Go ahead, Usec. Rocky Ignacio.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. [TECHNICAL DIFFICULTIES]

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa harap ng tumataas na kaso ng COVID-19, inirekomenda ng Department of Health sa publiko na huwag munang magsuot ng face mask na gawa sa tela sa halip ay gumamit ng surgical mask. Ito ay batay na rin umano sa interim recommendation ng World Health Organization.  May report si Mark Fetalco.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Isang araw bago magtapos ang ECQ sa Metro Manila, kumustahin naman natin ang naging pagpupulong ng Metro Manila Mayors kaugnay sa susunod na magiging quarantine status ng NCR.

Makakausap po natin ngayon si Pateros City Mayor Miguel Ponce III. Magandang umaga po, Mayor at welcome back po sa Public Briefing.

PATEROS MAYOR PONCE: Good morning, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon po ay ipinauubaya na lang ng Metro Manila Mayors sa IATF ang susunod na quarantine classification ng NCR. Hati po ba ang mga alkalde sa posisyon kung itutuloy o hindi na ang ECQ?

PATEROS MAYOR PONCE: Actually, iyan naman ay gumagawa kami ng recommendation ano, Usec. at ito ay pinaparating natin sa IATF, dahil ang mga Mayors naman ng Metro Manila ay palaging kokonsultahin tungkol dito. Dahil kumbaga sa army ay kami iyong mga general on the ground ano. Tayo iyong nagpapatupad, tayo iyong nakakakita kung ano iyong kailangang ng tao, kung ano iyong mga problema sa pagpapatupad nito ano.

Pero siyempre ang final say nito, ang IATF dahil sila naman iyong nakakakita ng mas malaking picture at ito ay nirerekomenda naman nila sa ating Pangulo. Ngayon pagdating doon sa paghahati-hati, hindi naman talaga hati ‘no, kung hindi kami naman ay nag-usap, dahil ang Metro Manila ay isang malaking bubble, ang mga kababayan natin naglilipat-lipat lang ng siyudad para magtrabaho, para kumuha noong kanilang mga pangangailangan.

Iyong aming mga opinyong sari-sarili ay nagpapakita iyon ng mas malawak na litrato o it portrays and it shows us the bigger picture. So nai-evaluate ng lahat, pero at the end of the day, nagkakaisa rin kami na ang makabubuti sa National Capital Region ay ito, iyon ang isusulong natin. Ganoon lamang iyong proseso na pinagdadaanan niyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Mayor kung kayo po ang tatanungin, puwede po ba naming malaman kung kayo po ay—ano po ang binoto ninyo, gusto po ba ninyong ma-extend pa ang ECQ or sa tingin ninyo ay puwede ng pumunta sa MECQ?

PATEROS MAYOR PONCE: Usec., ang aming tagapagsalita at authorized na magsalita tungkol dito ay si Chairman Benhur Abalos ano. Pero ako, sa ganang akin ay talagang medyo hirap talaga tayo, hirap na talaga tayo, dahil alam mo naman ang ECQ, kapag sinabi nating ECQ, ang kasunod naman niyan ay ayuda para sa ating mga kababayan. Hindi lamang national government ang nahihirapan—hindi lamang local government, kung hindi pati national government ay nahihirapan natin ano.

Ako sa akin lang,  kung ako ang tatanungin mo at I don’t speak for the other Mayors of the National Capital Region, ay tingin ko mas maganda siguro na luwagan natin ng kaunti para lang lumuwag iyong  para sa economy, pero pagdating po sa pag-o-observe noong PDITR na sinasabi natin, iyong PREVENTION, DETECTION, ISOLATION, TREATMENT, REINTEGRATION ay ito ay paigtingin natin, dahil tingin ko ito talaga ang solusyon natin eh, iyong mapag-ingat natin ang bawat isang kababayan natin at talagang mapasunod sila na sila ay mag-observe ng minimum health protocol.

USEC. IGNACIO: Pero Mayor, base po sa assessment ninyo, kung sakali lang po ha, ma-extend ng panibagong dalawa o tatlong linggo ang ECQ sa Metro Manila ay kakayanin pa po ba ng inyong lugar?

PATEROS MAYOR PONCE: Actually, matagal ng hindi naman kaya eh. Ang pinag-uusapan na nga namin dito sa aming level ay iyong mag-loan ano for additional  funds to support itong  ating lahat ng programa para labanan itong pandemyang ito, dahil kung hindi mahihirapan kami diyan. At hindi lang kami, pati ibang local government unit dito ng mayayamang siyudad ay mahihirapan na rin, dahil alam naman natin na napakaraming pondo ang ginugugol natin para itaguyod ang lahat ng programang ginagawa natin para sa pandemya.

Kaya talagang mahihirapan tayo kung mag-i-extend pa iyong ECQ, unang-una, wala tayong ibibigay na ayuda sa ating mga kababayan. Even iyong granular lockdown eh mahihirapan tayo dito, kung hindi natin palalabasin iyong mga nagtatrabaho, iyong mga APOR na tinatawag. Dahil wala tayong pang-sustain sa kanila ano, pang-suporta sa kanila. Kung ang pagbabatayan lang natin o aasahan natin ay iyong pondo ng bayan natin, napakahirap talaga nito.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kung kayo iyong TATANUNGIN natin, ano po, kasi alam natin na magkaiba iyong ECQ ng nakaraan. Pero sa posisyon ninyo, okay lang po ba sa inyo na katulad ng ECQ last year ang ipatupad, para po mas mapababa pa iyong kaso?

PATEROS MAYOR PONCE: Kung tatanungin mo ako, iyon siguro talaga dapat ang maging object ng ECQ eh ano. Iyon talaga ang pilitin natin at talagang ipatupad natin iyong policy na ang kababayan natin ay nasa loob lamang ng kanilang mga bahay.

Kaya lang ito learning process sa ating lahat eh. Ibig sabihin nakikita natin, noong una ay tinatago natin iyong ating mga kababayan sa loob ng kanilang mga bahay, dahil bawal lumabas dahil mahahawa sila ng virus sa labas; pero lately mayroon namang mga pag-aaral na mas safe sa labas, kaysa naka-confine sila sa loob ng kanilang bahay.

Kaya napakahirap eh, sabi ko nga eh, ito ay learning process natututo tayo rito ano.

Pero, ang importante rito, Rocky, kung titingnan natin ay hindi na ngayon usapan na lamang ng pagpapatuipad ng gobyerno, kasama na rin dito at isinasama na rin natin sa equation iyong willingness ng ating mga kababayan na tumupad dito sa ating mga pinapatupad. Ang kaibahan noong ECQ last year at saka ECQ ngayon. Last year takot ang tao, isang salita mo lang sa tao, magtatago ang tao; pero ngayon, hindi na takot ang ating mga kababayan, siguro mas marami ng kino-consider na ibang bagay, una iyong buhay, kung papapaano sila kakain. Kaya nagiging mahirap na rin para sa ating mga local government, sa ating national government iyong ipatupad iyong ECQ na pinapatupad din natin ngayon.

Kaya nga po,  halimbawa magkakaroon tayo ng ECQ ngayon, ang nakikita natin ay napakahirap i-implement, the way we  have implemented it last year, iyong original na ECQ na ginawa natin. Bagama’t siyempre nakikita pa rin natin na mas makakabuti iyan para sa lahat kung talagang matutupad natin.

Pero unlike before, napakarami nating mga ikino-consider ngayon, especially iyong economic side na kailangang mabuhay na rin ang mga kababayan natin dahil wala namang maitulong na rin na ganoon kalaki ang ating pamahalaang bayan at maski ang national government.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor kumusta po iyong kaso ng COVID sa inyong lugar, ito po ba ay bumababa na po?

PATEROS MAYOR PONCE: Ano ito eh fluctuating, tumataas, bumababa. Noong isang araw ay medyo mababa na kami, pero ngayon ay tumaas na naman. Kahapon lang ay nasa mahigit 60, kulang-kulang 70 iyong ating nakuhang positive cases. Kaya iyong ating ginagawang pagbabantay, pag-i-isolate, pagko-contact trace ay talagang ganoon pa rin kaigting, hindi naman tayo nagbaba ng policy rito o nagluwag. Talagang ganoon pa rin kahigpit at lalo na nga at mayroon tayong variant of interest o variant of concern ay talagang pinapaigting pa natin lalo ito, para hindi tayo mahirapan.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit na nga po ninyo iyan, Mayor, pero iyong  extra measures na ginagawa ngayon ng Metro Manila Council dahil sa pagkakadiskubre na rin na bukod po sa Delta, may Lambda variant po sa Pilipinas na sinasabi po – na possible lang po ha – na vaccine resistant daw po ito?

PATEROS MAYOR PONCE:  Alam mo magmula noong lumabas iyang mga Alpha, Beta na iyan, iyang Delta variant na iyan, iyong iba-ibang iyan ay talaga namang hindi tumigil ang DOH ano at saka iyong MMDA na tayo ay talagang bantayan, lahat ng local government doon sa ating ginagawang paghihigpit ano, especially pagdating doon sa contact tracing. Dahil tayo hindi naman natin alam kung anong variant iyong positive case na nakuha natin sa ngayon o a day ago, kaya lahat iyan ay tine-treat natin na variant on concern, variant of interest ano. So, katulad nga ng sinabi ko, Usec. ay kung ako iyong paghihigpit natin noon ay ganyan pa rin iyong paghihigpit natin.

Sadyang napakahirap lang talagang bantayan dahil ito iyong kalabang hindi natin nakikita, hindi rin natin puwedeng pigilan iyong ating mga kababayan na maglipat-lipat ng iba’t ibang LGU para magtrabaho. So dito nagkakaroon ng problema pero kung ano iyong magagawa natin para talagang pigilan ito ay talagang nakatutok po tayo rito at hindi po tayo nagpapabaya.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Mayor Miguel Ponce III ng bayan ng Peteros. Muli po kaming makikipag-ugnayan sa inyo, Mayor ha sa mga panibagong sitwasyon po sa inyong lugar at update pa rin po sa Metro Manila Council. Salamat po at ingat po kayo! 

PATEROS MAYOR PONCE: Yes po, Usec. Rocky, sa amin po ang karangalan at pasasalamat na nabibigyan po kami ng pagkakataon na ganito. Maraming salamat po at mag-ingat din kayo, magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Samantala, Department of Interior and Local Government nag-inspeksiyon sa pamamahagi ng ayuda sa Laguna na nasa ilalim din ngayon ng Enhance Community Quarantine. Ang sitwasyon doon mula kay Patrick De Jesus. Patrick!

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Patrick De Jesus.

Samantala, inaasahan naman ang patuloy na pagdating sa bansa ng karagdagang doses ng bakuna sa mga susunod na araw. Kaya naman Sen. Bong Go, muli nagpaalala sa publiko na magpabakuna na. Hinimok din niya ang mga lokal na Pamahalaan sa bayan ng Lapinig at Laoang, Northern Samar naman ang tinungo ng kaniyang outreach team para mamahagi ng ayuda. [Inaudible] upang makamit ang population protection. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling pangyayari sa iba’t-ibang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Czarina Lusuegro, mula po sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas. Samantala, aabot naman sa 2,500 na bantay-bayan at mangingisda sa Macabebe, Pampanga ang tinulungan ng tanggapan ni Sen. Bong Go. Ang DSWD, namahagi rin ng tulong financial para sa mga kababayan nating apektado ng pandemya. Narito ang report: 

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Sitwasyon naman po sa Cordillera Region ay ihahatid naman ng ating kasamahan na si Alah Sungduan, mula po sa PTV-Cordillera. 

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Alah Sungduan.

Itinanggi ng Pambansang Pulisya na maluwag ang pagpatupad ng community quarantine sa Metro Manila. Giit ni PNP Chief Guillermo Eleazar, dahil sa mahigpit na pagbabantay, umabot sa 9,000 kada araw ang nahuling health protocol violators sa NCR sa loob lamang po ng halos 2 linggo. Si Karen Villanda sa report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Patuloy po ang repatriation efforts ng pamahalaan para sa mga naapektuhan ng pandemya sa iba’t-ibang mga bansa, pati na rin po ang nangyayaring kaguluhan sa bansang Afghanistan. Mula sa mga chartered flights, pagsailalim sa quarantine hanggang sa muli nilang pagsisimula sa bansa nakaagapay ang mga programa ng Labor Department para sa OFWs. Para pag-usapan iyan, muli po nating makakasama sa programa si OWWA Administrator, Atty. Hans Leo Cacdac. Magandang umaga po Attorney.

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Magandang umaga Usec., at sa inyong mga tagapakanig, tagapanood, magandang umaga po, Ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Alam kong abalang-abala kayo Attorney. Ang mahigpit pong pagbabantay sa ating borders ay isa sa mga hakbang na isinasagawa ng pamahalaan para maiwasan po na makapasok sa bansa iyong mga mas malalang covid-19 variants. Para po sa kaalaman ng publiko, ano na po ang umiiral nating protocols para sa  ating mga nagbabalik o umuuwing OFWs, bakunado man o hindi? 

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Okay. Unang-una, mayroon na tayong mga 654,546 na napauwi. 654,546 na napauwi sa kani-kanilang mga home regions. Pangalawa, iyong quarantine protocols, sa ngayon the general rules is sampung araw ang ilalagi ng returning OFWs natin sa hotel quarantine protocol facility.

Okay. Iyong exceptions to the 10 day rule is: Una, iyong mga galing ng mga tinatawag nating travel restricted countries. Anu-ano iyong mga ito? UAE, Oman, Malaysia, Indonesia, India, Sri Langka, Bangladesh, Nepal. Okay. Kapag galing ang OFWs sa mga bansang iyon, 14 days ang ilalagi sa kuwarantina.

Ang isa pang exception, kapag fully vaccinated and belonging to the green list ng IATF of 36 countries, iyong pagbakuna ng OFW ay galing doon sa green listed countries, 7 days lang, 7 days lang ang ilalagi sa kuwarantina. Iyong mga nasa 10 days, sa pang-7 araw ang kanilang swab test kapag negative makakaalis na sila on the 10th day. Iyong sa mga 7 araw lamang dahil fully vaccinated doon sa 36 green list countries, sa pang-5 araw ang kanilang PCR-Test para sila ay makaalis na kung sa 7th day ay negative sila sa PCR-test, iyon po. 

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, hinggil naman po sa repatriation efforts na nasa ilalim naman ng one country approach. Gaano na po karaming OFWs ang ating napauwi noong magsimula ang pandemya noong nakaraang taon at ano iyong mga bilang sa ngayon noong mga nasa hotel quarantine facilities?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Okay. 654,546. 654,546 ang napauwi na natin sa mga kani-kanilang mga home regions na OFWs na nakarating ng Pilipinas; at sa mga hotel quarantine facilities natin, mayroon tayong 9,656 in 175 hotels. 9,656 in 175 hotels. 

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, kaugnay po ng nasabing usapin may datos na po ba tayo kung ilang mga kababayan nating OFWs ang apektado ngayong kasalukuyan pong kaguluhan sa bansang Afghanistan at mayroon din po ba tayong schedule para sa kanilang repatriation?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Okay. We are closely coordinating with the DFA, sa team ni Secretary Locsin at sa DFA. Ipinag-utos ni Secretary Bello, na we coordinate and partner with the DFA kung kakailanganin ang tulong natin sa pagpapauwi, Kasi walang Filipino overseas Labor Office sa Afghanistan.

Sa ngayon, ang bilang ng DFA ay 135 ang mga OFWs sa Afghanistan, nagkaroon na ng first repatriation flight two days ago ang paglapag nila o may 3 days ago, I’m sorry and iyon na nga nagkaroon ng arrival ng 35 Afghanistan OFWs at they are now safely billeted in a hotel quarantine facility. In fact, dinalaw ko sila doon kahapon. Kinumusta ko sila at okay naman sila.

Ngayon, ang naiiwan na lang sa Afghanistan ay around 100 na kailangang ilikas at sa pagkakaalam ko mayroon nang isinasa-ayos, Usec., na second repatriation flight. Ang sa tingin ko, iyong 100 na iyan mga tatlo or apat pa iyan na repatriation flight. 

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po si Sherry [unclear] ng SMNI news: May naulat pang 80 pang nakalista na uuwi mula sa Afghanistan. Ano daw po ang update doon? Bukod sa mga umuwi kahapon, makakatanggap po ba daw ng tulong mula sa OWWA ang mga ito at pati daw po iyong mga susunod na batch na uuwi mula po sa Afghanistan? 

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Okay. Magandang tanong iyan. Ipinag-utos ni Sec. Bello, na gawin ang lahat para tulungan, i-assist ang mga nanunumbalik nating OFWs from Afghanistan and nagsimula kahapon iyong pagdalaw ko sa hotel quarantine facility ang briefing na sa kanila, in-inform ko na rin sila kung ano iyong mga benepisyo nila.

Magri-revolve iyan around financial assistance, livelihood assistance at saka scholarship assistance lalo na doon sa mga collegiate level dependents: Nandidiyan iyong DOLE-AKAP Program ni Secretary Bello, nandidiyan iyong TABANG OFW Program, iyong P30,000 cash assistance ni Sec. Bello at Chair Popoy De Vera ng CHED kung saan may P30,000 one of cash assistance sa mga college dependents ng returning OFW displaced due to this pandemic.

And then mayroon tayong livelihood. Mayroon tayong individual livelihood, iyong P20,000 kung active OWWA member; P10,000 kung inactive OWWA member and then mayroon tayong group livelihood from 100,000 to P1 million kung nagsanib puwersa ang mga OFWs para magbuo ng negosyo. So iyon po, umiikot sa livelihood, scholarship and cash financial assistance. 

USEC. IGNACIO: Opo. Admin., tungkol naman doon sa kinu-question daw po ng Commission on Audit na pagbili ng nasa P1.2 worth of hygiene kit? Personal ninyo po bang nakausap iyong tauhan ninyo na may kinalaman sa procurement na ito at may initial na po ba siyang paliwanag? 

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Okay. Yes, nakausap ko na si Deputy Administrator Faustino Zabares III, ipinag-utos din ni Sec. Bello na tingnan ko itong sitwasyon na ito. At pinangangatawanan naman ni Deputy Administrator Zabares, na maa-account, there will be a proper accounting of the expense, iyong P1.2 million at 986,000 sa mga supplies, hygiene supplies and then the rest sa food.

So, pangangatawanan niya ito, mayroon pang panahon pa para mag-explain sa COA process, hindi pa final itong COA finding at pangalawa, ako rin mismo ay magbibigay rin ng rekomendasyon kay Sec. Bello. Inatasan niya ako para mag-conduct ng investigation sa aking level at by next week magbibigay na rin ako ng recommendation.

So, ongoing ang process ng reconciliation ng documents para makapag-submit si Deputy Administrator Zabares, at ako na rin sa aking recommendation kay Sec., makita ko mismo kung ano nga ba iyong proper accounting nitong halaga ng pera na ito. Let me say, Usec. Rocky, na iyong P1.2 million is just part of an P8.9 billion full audit conducted by the COA on the OWWA for the first four months of the year. 

P8.9 billion ang total gastusin na in-audit, 99.9% nakapasa sa COA kaya’t unqualified opinion, the highest standard audit rating ang nakuha natin sa COA and we were even commended – not me, but my people on the ground, my financial administrative teams, specially – were commended. Iyan iyong exact words doon sa COA findings. Ito lang, naiwan lang itong P1.2 million at rest assured ay magkakaroon po ng sapat na paliwanag patungkol dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Admin, kahapon pinuntahan daw po ng ilang media ang address ng nasabing hardware store na pinagbilhan diumano ng sanitary napkins at lumalabas na walang tindahan doon. May paliwanag na po ba tungkol dito?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, sa ngayon hintayin natin iyong full explanation ni Deputy Administrator Zabares. Pero, ang masasabi ko diyan, tinanong ko siya? Sabi ko anong, una nabili ba iyong supplies? Yes. Pangalawa, saan sinource (sourced) iyong supplies? Tatlong establisiyemento ang binanggit niya, iyong groceries, drug stores at trading supply firms.

So, ang pinapalagay niya ay doon pumapasok sa kategorya ng trading supply firms iyong hardware na nababanggit. kaya’t ang ipinag-utos ko sa kaniya ay i-explain mo iyan, explain mo iyong aspeto na iyan at kung bakit nagbigay ng address na wala doon. Okay, so antabayanan na lang po natin. Patience and understanding ang hinihingi ko po at magkakaroon po ng paliwanag tungkol dito. 

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac. Ingat po kayo, alam po namin na abala kayo. Salamat po sa inyong panahon. 

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Salamat Usec. It’s good to see you at ipagdasal po natin ang isa’t-isa.

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayon araw.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magkita-kita po uli tayo bukas dito lamang sa Public Brieifing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center