Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Ngayon po, Agosto 19, ay kaarawan ni Presidente Manuel Quezon. Happy Quezon Day po sa inyong lahat! Bago ang ating press briefing, ang inyong Spox ay nasa Probinsiya ng Quezon para sa selebrasyon ng kaniyang kaarawan.

Napapanahon na alalahanin ang sinabi ni Pangulong Quezon lalo na na tayo po’y nasa gitna ng pandemya. Wika po ng ating Presidente Quezon, and I quote, “I want our people to be like a Molave Tree, strong and resilient, standing on the hillsides, unafraid of the rising tides, lightning and the storms, confident of its strength.”

Tingnan natin ang ilang mga nasa larawan at video na kuha natin kanina kung saan kasama ko po si Governor Danny Suarez.

Umpisahan naman po natin ang ating briefing sa funding requirements para sa COVID-19 response efforts sa taong 2022. Ang suma total po ay 240,747,386,000 pesos. Paano po gagastusin itong halaga ‘no? Siyempre po, ang alokasyon ng DOH ay 93 billion.

Makikita ninyo po sa inyong screen kung para saan ito ‘no, ito po ay para sa health facilities ‘no. Unang-una, health facilities; prevention and control of communicable diseases; health facility policy; assistance to indigent patients; procurement of supplies; tapos locally funded projects; COVID-19 response laboratory commodities; COVID-19 HRH emergency hiring – ito po iyong para sa mga personnel ‘no; tapos mayroon po tayong mga Asian Development Bank Loan; health system enhancement to address and limit World Bank loan Philippine COVID-19 response projects.

Bukod po sa DOH, mayroon po tayong mga budget para po sa DOLE ‘no. Ito po ay 33 billion pesos ‘no. At ilan po sa mga proyekto na pupondohan ay iyong para sa TUPAD; iyong para sa government internship program; iyong DOLE Integrated Livelihood Program; at iyong adjustment measures.

Siyempre po, malaki rin ang budget ng OWWA dahil tayo po ang nagbabayad ng repatriation ng ating mga OFWs. Ito po ay 11 billion ‘no. Iyong sa emergency repatriation program, 11 billion po ang babayaran natin; at iyong reintegration is 52 million.

Ang DOST naman po ay makakatanggap din ng, well—ang DSWD po ay makakatanggap po ng 11,500,000,000 ‘no. Ito po ay para sa promotive social welfare program. At kasama rin po riyan iyong Kapit-bisig Laban sa Kahirapan na mapupondohan po ng at least two billion.

Pagkatapos po niyan ay sa DOST ‘no, mahigit isang bilyon po ang mabibigay. Ito po ay para sa research and development at saka para po sa research and development para sa national COVID-19 initiative. Kasama na rin po dito ang Philippine Council for Health Research and Development na makakakuha ng mahigit 139 million pesos.

Samantala, ang DTI naman po ay makakatanggap ng mahigit isang bilyong piso; habang ang Unibersidad ng Pilipinas ay makakatanggap ng 140 million, ito po ay para sa Philippine Genomic Information and Resource Hub Phase II ng UP System.

Okay, i-emphasize ko po: Ito ay preliminary ‘no. Ito po iyong nakasaad sa National Expenditure Plan. Pero ito po ay puwedeng baguhin po siyempre ng Kongreso – puwedeng dagdagan, puwedeng bawasan.

Now, ang DepEd din po ay makakatanggap ng 99 billion pesos. Ito po ay para pondohan ang flexible learning options ‘no. At kasama na po sa budget na ito iyong mga textbooks and other instructional materials, iyong mga MOE ng schools, iyong computerization program na kinakailangan natin sa hybrid learning.

Now, as of August 18, malapit na pong mag-30 million ang total doses administered, nasa 29,127,240 na po ang nabakunahan. Ito po ay ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Samantala, 12,877,197, halos 13 million na po ang fully vaccinated. Tara na po at magbakuna! Puwede kayong magparehistro online o mag-manual registration sa inyong LGU. Libre po ang first and second doses!

Sa mga nakakakumpleto na ng bakuna, nasa 0.23 ang nag-report na may reaksiyon sa bakuna at karamihan pa nito ay mild at nalunasan agad; hindi nila kinailangang maospital. Ibig sabihin po, iyong mga adverse reaction sa bakuna halos wala po at napaka-mild lamang. So wala pong dahilan para matakot kayo sa mga bakuna.

At doon naman po sa mga walang untoward reaction, huwag ninyong isipin na hindi po gumana ang bakuna ha dahil sa totoo lang po, lahat ng bakuna ay ligtas at epektibo. Pumasa sila sa ating Food and Drug Administrations at sa WHO dahil nakalista po sila sa WHO list of emergency, iyong tinatawag na WHO Emergency Use List.

Habang dumarami ang mga nagpapabakuna, patuloy naman ang pagdating ng mga bakuna sa bansa. Dumating kagabi, Miyerkules, August 18, ang 365,040 doses ng Pfizer na binili ng pamahalaan. Kasama sa bilang na ito ang 51,480 doses na unang binaba po sa Cebu. So, Mayor Mike Rama and Governor Gwen Garcia, marami-rami po ang bakunang naibaba na sa inyo.

Mamayang hapon ay inaasahan na darating ang tatlong milyong doses ng Sinovac na binili ng pamahalaan.

Samantalang inaasahan din natin ang pagdating ng 582,500 doses ng AstraZeneca bukas, August 20. Ito ay binili ng pribadong sektor.

Bukas, August 20 din ay darating naman po ang 739,200 doses ng Sinopharm na donasyon muli galing sa Tsina.

COVID-19 update naman po tayo. Ito po ang ranking sa Pilipinas sa mundo ayon sa Johns Hopkins:  Number 19 po tayo pagdating sa total cases; Number 23 po tayo sa mundo pagdating sa active cases; Number 131 po tayo sa cases per 100,000 population; at pinakaimportante po ha, Number 92 pa rin po tayo pagdating sa case fatality rate na 1.7%, 2.1 po ang average sa buong mundo.

Tingnan naman natin po ang COVID recovery index ayon sa Nikkei Asia. Tingnan ninyo po ito ha, ito po iyong COVID recovery index, at pinag-aralan po nila ang 120 countries. Bagama’t medyo mababa po ang Pilipinas na nasa Number 101 eh tignan ninyo naman po, isa tayo sa nangunguna sa Southeast Asia. Ang bansang Laos lamang ang nakadaig sa atin pero pinangunahan po natin ang mga bansang Cambodia, Indonesia, Malaysia, Vietnam and Thailand. Iyan naman po ay isang international survey at pag-aaral, siguro naman po ay hindi maidi-deny natin na talaga naman pong ginagawa natin ang ating lahat na magagawa para ma-manage nang mabuti ang COVID-19; at nangunguna nga po tayo sa ating rehiyon.

Nasa 11,085 na po ang mga bagong kaso sang-ayon po sa August 18, 2021 datos ng DOH. Mataas pa rin po ang ating recovery rate ha, 92.4%, mayroon na tayong 1,640,725 na mga gumaling. Samantala, malungkot naming binabalita na nasa 30,623 ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila – 1.72 po ang ating fatality rate.

Tingnan naman po natin ngayon ang kalagayan ng ating mga ospital. Sa buong Pilipinas nasa 68% ang utilized ICU beds; 60% utilized isolation beds; 66% utilized wards beds; at 53% utilized ventilators.

Samantalang sa Metro Manila, pansinin ninyo po, bumaba po ang ating utilization. Bakit po? Kasi nadagdagan iyong ating mga ICU beds. Dati po, 1,300 lamang ang ating ICU beds, nadagdagan po ng 100, ngayong po ay 1,400 sa Metro Manila na. Kaya bumaba po ang utilization rate natin to 61%, iyan po ay moderate risk lamang. 58% po ang utilized isolation beds; 69% ang utilized ward beds; at 59% ang utilized ventilators.

Okay. Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama natin ngayon po ang ating NTF Deputy Chief Implementer at Testing Czar, Secretary Vince Dizon. At kumustahin din natin ang bakunahan at pamimigay ng ayuda sa siyudad ng Marikina at kasama po natin si Mayor Marcy Teodoro.

Unahin na po natin si Secretary Vince Dizon. Sec., eh sinabi ni Vice President dapat pa raw paigtingin ang ating testing. Bilang Testing Czar, pakisabi nga po kay Vice President na iyan naman po ay ipinatutupad na ng Administrasyon ni Presidente Duterte. Secretary Vince Dizon.

SEC. DIZON: Maraming salamat, Spox. Maraming salamat sa ating mga tagapanood, mga kababayan natin.

Siguro po kung maipakita ko lang po iyong slide ko on testing natin na kahuli-hulihan. [We can go to the last slide siguro]

So, right now po, ang average natin nitong nakaraang pitong araw ay 60,000 tests per day. Ito ay tumaas na nitong mga nakaraang mga linggo. Noong una po ay nag-a-average lang tayo ng mga 50,000 per day, ngayon po nasa 60,000 tayo, seven-day moving average at umabot po tayo ng 67,000 sa isang araw.

Kulang pa rin po ito, Spox, pero marami tayong mga hamon ngayon. Alam naman natin na kapag nagsu-surge marami pong nagkakasakit, marami pong mga laboratoryo na bumabagal dahil sa mga nagkakasakit nating mga medical frontliners and medical personnel sa mga laboratoryo pero pinipilit po nating itaas ito nang itaas.

Pero ngayon po, ang nagiging malaking challenge po natin is kailangan po tayong makipag-ugnayan sa ating Philippine Health Insurance Corporation dahil kailangan din pong mai-reimburse ng ating mga laboratoryo iyong kanilang mga tini-test lalo na sa mga kwalipikadong mga kababayan natin na libre dapat ang testing at ang sasagot niyan ayon sa ating mga regulasyon ay ang PhilHealth.

So, ngayon po naiintindihan natin ang hirap ng ating mga financial resources ngayon, sabay-sabay po ang mga gastos, pagpapa-ospital, testing, pagbabakuna, pagbibigay ng ayuda. Pero makikipag-ugnayan po tayo sa mga susunod na araw sa PhilHealth para naman po eh mai-reimburse po ang ating mga laboratoryo para mas mabilis silang makakabili ng mga supplies at mabilis silang makakapag-test,

So, iyon po at kagaya din po ng ginawa natin noong nakaraang surge, ino-augment din po natin ang ating PCR testing with antigen tests para po mabilis na mati-test ng ating mga LGU iyong mga kababayan nating may karamdaman at maa-isolate po agad.

Spox, mapunta naman po ako ‘no, sususugan ko lang po iyong ni-report mo kanina tungkol sa ating pagbabakuna. Tama po kayo, Spox, as of August 18, mahigit 29 million na po ang nabakuna nating mga doses at ina-anticipate po natin na dito po sa end of the week, ngayong Friday, August 20, eh aabot na po tayo ng 30 million doses/jab.

Ang ibig pong sabihin nito, sa loob lamang po ng 20 araw ng buwan ng Agosto ay naka-sampung milyon po tayo. Ngayon po, as of today, mga mahigit nine million na po ang na-jab natin as of August 18 pero pagdating po ng August 20 eh umaasa po tayo na aabot na po tayo ng 30 million jabs. Ibig sabihin po noon, na-equal na po natin sa 20 araw ng Agosto lang iyon pong total na na-jab natin sa buong buwan ng Hulyo na nagkaroon tayo ng ten million jabs noong July. Eh, from August 1 to 20 mukhang aabot na po tayo ng ten million. At tingin ko po iyong target po ni Secretary Galvez na 50 million jabs for August ay maaabot po natin with an average jab rate for August of roughly 500,000 per day.

Kung titingnan po natin ang ating mga nadya-jab naman sa NCR dahil alam ko ngayong nag-ECQ tayo gustong malaman ng mga kababayan natin kung kumusta po ang pag-jab natin sa NCR kahit po nasa ECQ – as of August 18, mahigit three million na po ang na-jab sa NCR. Tumaas po ang average jab rate ng NCR mula 130,000 jabs per day to almost 180,000 jabs per day at mayroon pong araw na umabot tayo ng 231,000 jabs in one day sa NCR. At dahil po diyan, ang tina-target po natin 50% of eligible population na fully vaccinated ay kampante po tayong maaabot natin iyan dahil ngayon po as of August 18, nasa 41% na po ng eligible population ng NCR ay fully vaccinated na. So, itutulak pa po natin ito, Spox.

Alam ninyo maraming mga hamon na hinaharap tayo ngayon sa ating vaccination program. Medyo napakabigat po ng ginagawa ng ating mga LGU at ating DOH at ng NTF ngayon dahil maliban sa pagbabakuna, namimigay po ang mga LGUs natin sa ECQ areas ng ayuda. Sila din po ay pinapaigting ang kanilang detection, ng tracing/contact tracing at sila din po ay nagpapaigting ng ability to isolate natin at siyempre po, marami pa rin pong mga kaso, marami pa rin pong naoospital, at iyong mga nagbabakuna natin sila din po ang nasa ating mga ospital ngayon. Sila din po ang nagsa-swab sa ating mga barangay kaya po mabigat po talaga ang hamon natin, pero pinipilit po nating paigtingin pa ang lahat ng ginagawa natin ngayon, ang ating PDITR pati na rin po ang ating pagbabakuna.

Maraming salamat po, Spox, at stay safe po tayong lahat.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Testing Czar Secretary Vince Dizon. Kasama rin po natin at kumustahin natin ang bakunahan at pamimigay ng ayuda sa siyudad ng Marikina, Mayor Marcy Teodoro.

Good morning, Mayor!

MARIKINA MAYOR TEODORO: Good morning, Spox! Secretary Vince, magandang umaga po.

Ipi-present ko po sa inyo iyong aming vaccination program. Of course, this is in coordination and under the direct supervision of the National Vaccine Operations Center. At the outset, Spox, we’re very happy that the supply of the vaccine now is not only steady but we have a very adequate supply of the vaccine.

And because on this premise, may supply na adequate at may supply na steady, nakakapagbakuna nang tuluy-tuloy ang mga LGU natin lalo na dito sa Metropolitan Manila area. Of course, with on mind na ang purpose natin kaya tayo nagbabakuna, una, para mabawasan iyong nagkakasakit galing sa COVID at iyong mga namamatay dahil din sa COVID at ma-achieve iyong tinatawag nating herd immunity.

And with this achievement makabalik na tayo, makapunta na tayo doon sa new normal na mas marami tayong economic activities at iyong hirap ng buhay ay mabawasan, iyong trabaho maibalik natin with the various economic activities that can be opened by having a lower quarantine classification.

Spox, ito po iyong aming vaccination program. We have six mega vaccination facilities. We call this mega facilities dahil on the average ang isang facility ay kayang magbakuna ng 2,000 katao sa loob ng isang araw hanggang 5,000 katao doon sa isang facility natin.

Ito po iyong breakdown namin: We have Marikina Sports Center with 5,000 vaccination, a capacity of 5,000; and the other vaccination sites with a capacity of 2,000 jabs per day or individuals per day. Nag-o-operate po itong mga mega vaccination facilities natin parang mga opisina po. Nagbubukas po ng alas-otso ng umaga, nagsasara po ng ala-singko ng hapon. Wala po tayong inaabot ng overtime dahil naka-schedule po ang mga nagpupunta sa vaccination site. Nagri-register sila online at pagkatapos silang mag-register, mayroon silang matatanggap na e-mail, text or … aside from e-mail, text ay mayroon din silang matatanggap buhat sa iba’t ibang barangay, iba’t ibang volunteer groups natin na nagdi-distribute ng mga stubs and invitation, nandoon iyong schedule nila – iyong araw, iyong oras. May appointed time po tayo, Spox, ng vaccination. Halimbawa, naka-schedule siya ng 8 o’ clock hanggang 9 o’ clock, so ganoong oras lang siya pupunta para sa ganoon ay maiwasan iyong sabay-sabay at congestion sa mga vaccination centers.

So we’re able to observe the proper and strictly the minimum public health standard on social distancing lalo na pati iyong observation period ay nagagawa natin. Hindi sila umaalis sa vaccination site nang hindi tumagal ng 15 to 20 minutes doon sa observation area na may doktor at tinitingnan iyong kanilang kalagayan for any adverse reaction, ito po iyong nangyayari, and this—ito po iyong litrato, ito po makikita po natin iyong kalagayan ng vaccination site. Ang lahat po ay nakaupo, walang nakatayo at may proper social distancing.

And while waiting in the observation area, we show a video of the PDITR strategy that we are implementing – the Prevent, Detect, Isolate, Treat and Reintegrate Programs that we have not only in the city but what we have at the national level.

Mayroon po tayong 75 teams of vaccinators, regular po ito, composed of personnel from the local government unit, from the barangay health. Ganoon din po iyong mga volunteers po natin, may mga volunteers po tayong doctors, nurses. Aside from the medical personnel na nag-volunteer ay mayroon din ho tayong mga non-health cadre, ito po iyong nag-aasikaso ng mga registrations, schedule of vaccination. The head of our … the head of the vaccination schedule is a volunteer of the city kaya may transparency rin at saka, at least, alam din nila kung paano iyong gagawin na efficient manner of programming the schedule.

So, this is our vaccination report, we have a population of 488,000 more or less, and 70% of that population is 342,200. Ito po iyong target natin for herd immunity, at we have an eligible population. Ang definition po namin sa city ng eligible population, ito po iyong 18 years old and above that can receive the vaccine. So in totality, iyong mga qualified to receive vaccine in terms of demographic – less po dito iyong mga pediatric natin – ay 336,195. At ang report po namin, ang current status namin, the total number of individuals vaccinated is 315,276 against po doon sa target natin ng 342,200, iyong 70% of the population. So out of the 342,200, nakapagbakuna na tayo ng 315,000 po dito. At ito po ay would account for 92% of that 70% of the population. Ito ho iyong nasa third row ng report natin ho. Ang na-second dose ho doon ay 54% na at 38% po ay to be vaccinated for the second dose po.

With the eligible population, ito po iyong 336,000, we have achieved 94% of the target. But with the total population, ang na-achieve na po naming target ay 65%. Of course, hindi po kasama dito iyong mga batang maaaring mabakunahan in the future if there will be a policy on the pediatric vaccination, prospectively ano po.

So ito po iyong ang aming vaccination report. Nagagawa po ito because of the steady, again, I would repeat, the steady and adequate supply of the vaccines that the city is receiving. What we have committed to the National Vaccine Operation Center, with Sec. Vince, is that we could also help other municipalities and cities nearby Marikina so that we could also help the bubble, the NCR bubble, para po iyong target natin talagang herd immunity ay ma-achieve natin. Hindi po puwedeng mag-isip tayo ng sarili lang eh. Hindi pupuwede mag-isip na iyong city lang natin ang babakunahan natin eh. We also need to vaccinate those what we call daytime population, iyong mga nagtatrabaho sa city natin, iyong mga nag-aaral dito, iyong mga pumupunta po rito para mamalengke o kaya   po ay may mga kailangan pong gawin dito sa city natin coming from the different cities. And we are waiting for the policy of the National Vaccine Operation Center para po talagang magkatulung-tulong po ang lahat, and we could create a herd immunity not only for Marikina but for the whole of Metro Manila and also for nearby areas in Marikina po dahil ang Marikina nasa boundary po ng Rizal provincial area eh.

With regards to our ECQ financial assistance update, ito po iyong report po namin: Nakapag-distribute na po kami ngayon ng 58.89% po simula noong nakaraang araw hanggang August 18. At ang total target of beneficiaries po ay 96,016 individuals, ito po ay galing doon sa dating listahan na ginamit po natin noong nakaraang magbigay po tayo ng ECQ ayuda. Pero napansin po namin, marami pong nagpapalista po ngayon, nag-a-appeal dahil itong nakaraang lockdown ay marami sa kanila nawalan ng trabaho, kung hindi man po nawalan ng trabaho ay naging underemployed po, nabawasan iyong araw na ipinapasok kaya lumaki po iyong pangangailangan. Natatapat pa po iyong pagpasok sa eskuwelahan ng mga may pinag-aaral po sa kolehiyo. Kaya po last week po, buhat noong magbigay tayo ng ECQ [ayuda] mayroon pong nag-appeal na around to 5 to 6,000 individuals po and we hope that we could also provide assistance.

Kung kakasya po iyong galing from the national government ay gagawin po namin. Kung hindi naman po, we intend to allocate some funds coming from the local sources. Kailangan po talaga iyong whole of government approach eh, tulungan ang national at ang local. Hindi po pupuwedeng iasa lamang sa isang bahagi po ng pamahalaan eh. Ganoon din po iyong iba naming mga kababayan na kung wala man po silang naitutulong na pinansiyal o material, tumutulong po sila sa distribution staff, distribution ng pagma-man ng mga distribution centers natin dito. Bayanihan pa rin po, similar to what we are having po doon sa mga vaccination center natin.

Mayroon rin ho rito tayong mapapansin sa report na unclaimed. Mayroon mga 5.60% po na unclaimed, hindi po nakukuha, kapag hinahanap din po iyong tao ay wala nasa probinsya o kaya po may sakit o kaya ay hindi na makita doon sa address. Dahil po siguro ano, highly mobile naman po talaga ang mga tao lalo na kapag may mga ganitong panahon. Pero, still with the variants, itong variants pong ito, inuulit po namin, we try to allocate another day or separate day for the purpose na iyong mga hindi nakakuha ay ma-schedule po ulit. Dahil kailangan po naman talaga nila itong mga perang ito. Kaya pinipilit po nating mapasabi at maiabot sa kanila ito sa lahat ng paraan na pupuwedeng magawa po natin.

Ito lamang po marahil iyong aming gustong i-report, milestone po dito sa Marikina pagdating po sa pagbabakuna at pagdi-distribute ng ayuda na galing po sa national para po sa ating mga kababayang nangangailangan nito. Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mayor Marcy Teodoro, and congratulations. We note po that, I think Marikina had one of the very first RT-PCR lab funded by the local government unit. Pumunta na po tayo sa ating open forum.

Usec. Rocky, go ahead, please.    

USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary Roque. Good afternoon din po kay Mayor Marcy at kay Secretary Vince.

First question galing po kay Jam Punzalan ABS-CBN Online: Atty. Jake Cimafranca, who led the COA Team that came up with the report of DOH deficiencies, has died of a heart attack. Is there anything that the Palace would like to say to his family and colleagues at COA?

SEC. ROQUE: Dahil tayo po ay mga Pilipino, we, of course, condole with the family and the friends of the late COA Auditor ‘no. We understand nag-heart attack po yata si Panyero ng August 4 and the COA report was released, kung hindi po ako nagkakamali, around August 16. But nonetheless, we condole with the family at in anyway that we can help, please let us know po.

USEC. IGNACIO: Seconds question po niya. COA has also flagged the OWWA for buying 1.2 million worth of sanitary napkins, water and snacks at a construction store. Meanwhile, the PPA daw po is facing questions for its P10 million infinity pool and guest rooms? What is President Duterte’s instructions to these two agencies? Has he received initial explanation from them?

SEC. ROQUE: Again, ito po ay initial observation, sasagutin pa po iyan ng mga ahensiya. Pero ang makukomento ko lang po iyong sa OWWA, dahil ang OWWA lang po ang nakipag-ugnayan sa atin.

Unang-una po ang sabi ng OWWA, ang report po ay hindi pa po pinal iyan. Iyan po ay sasagutin pa ng ahensiya ‘no at hindi po iyan galing sa OWWA trust fund, iyan po ay galing sa General Appropriations Act. But in any case, sabi po ng OWWA, eh mayroon naman po silang unqualified opinion na ang OWWA people fulfilled their fiscal responsibilities for 99.9% of the time in fiscal year 2020.

Pagdating po sa PPA, ilang beses ko na pong tinawagan si GM Santiago, hindi po ako sinasagot, siguro po, mga sampung beses na akong tumawag sa kanya. Nais ko pong depensahan ang kanyang infinity pool, pero kung hindi po niya ako sasagutin, wala po akong   magagawa. Sumangguni na po ako kay Secretary Tugade, para sagutin ang tawag ko ni GM Santiago. Siguro po sabi ni GM Santiago, hindi niya karadapat-dapat sagutin ang mga tawag ko, dahil hamak lang akong Presidential Spokesperson.

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: Following issues based against various agencies, how would you like to assure Filipinos that government is using their taxes properly during this pandemic?

SEC. ROQUE: Well, lahat po ng nakikipag-ugnayan sa ahensiya, wala pong kaduda-duda. Sa atin pong opisina, eh wala pong kaduda-duda, eh ginagamit sa tama po ang pondo, kasi iyan po ang marching order ng Presidente.

At sa dami po ng mga nasibak na ng Presidente dahil po sa korapsiyon, wala naman pong kaduda-duda na kung mayroon talagang ebidensiya, sibak, sibak, sibak po iyan. So, huwag po kayong mag-aalala, iyan po ay pangako ng Presidente tinupad niya, maaga pa ang termino niya, tinanggal niya ang pinakamalalapit na mga opisyales na kanya noong kampanya at hindi po siya mag-aatubili na tanggalin kahit sino man kung mayroon pong bahid na korapsiyon.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Yes, Mela Lesmoras please.

MELA LES MORAS: Hi! Good afternoon, Secretary Roque, kay Mayor Marcy at kay Secretary Dizon. Secretary Roque, iyong una ko lamang pong tanong: Marami kasing mga kababayan natin ang nagtatanong na kailan kaya malalaman iyong bagong quarantine classification para sa NCR? Magkakaroon po kaya ng second Talk to the People this week si Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Well, pag-uusapan po mamayang hapon ng IATF ang quarantine classification at mayroon pong tentative na Talk to the People ang Pangulo sa Biyernes, pero tentative pa lang po iyan.

MELA LES MORAS: Opo. And, Secretary Roque, just to manage the expectation din ng ating mga kababayan: Anu-ano po ba iyong nakikitang options ng IATF at maaari po ba ninyong isalarawan lang kung ano iyong mangyayari by August 21 kung i-extend ang ECQ o ibababa sa MECQ?

SEC. ROQUE: Dalawang option lang naman po iyan, mananatili ang ECQ in which case ang tanong, mayroon bang pang-ayuda, or ibababa po sa MECQ. Dalawa lang po iyan. Pero ang nais kong sabihin sa ating taumbayan, pangatlong ECQ na po natin ito at nakikita po natin ito na matapos ang ECQ, hindi po kaagad bumababa ang numero. Siguro po mga isang linggo pa bago tuluyang bumaba dahil nga po delayed iyong reaction, because it takes 14 days iyong cycle ng hawaan sa sakit na ito.

So, hindi po ibig sabihin na kung matatapos na ang EQ eh bukas bababa – hindi po. Never na naging ganoon ang ating karanasan sa naunang ECQ na dalawang beses na nating in-impose.

MELA LES MORAS: Opo, and maybe Secretary Dizon can also add, sir. Sa ibang lugar po kasi like sa CALABARZON and Central Luzon nagkakaroon din ng pagtaas ng cases, paano po kaya ito tinutugunan ng pamahalaan? At may chance kaya, Secretary Roque, na hindi lamang NCR or may iba pang lugar o kaya madagdagan pa iyong ECQ areas sa bansa?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, Mela, hindi lang po iyan chance, nangyari na po iyan. Kasama pong na-ECQ ang probinsya ng Laguna, ang probinsya ng Bataan ang ang probinsya ng Iloilo, ang Iloilo City, ang Cagayan De Oro City at Gingoog City. So makikita po natin na minsan kung may panahon, dini-discuss iyan ng buong IATF. Pero ang nangyari doon sa Iloilo Province, and Iloilo City and Cagayan De Oro and Gingoog, talagang tumaas ang numero and there was no item to spare, so nag-ECQ na po ang mga probinsiyang iyan upon recommendation of the NTF, recommendation to the President as approved by the President.

So mabilis pong gumalaw ang ating IATF at ang ating NTF. So kung sa ibang mga probinsiya ay iyong two-week average attack rate at daily attack rate and hospital care utilization rate ay lahat maging critical, hindi naman tayo mag-aatubili na mag-impose ng ECQ. Secretary Vince Dizon?

SEC. DIZON: Yes, Spox. Mela, nakikita natin na paulit-ulit sinasabi ni Spokesperson Harry na ang solusyon sa ating mga hamon ngayon ay, unang-una, kailangang paigtingin natin iyong ating ginagawa natin last year – iyong prevention, detection, isolation at treatment.

Pero ngayon, nakikita din natin, kagaya noong pinakita ni Mayor Marcy kanina, napakalaki at napakapositibo ng epekto ng pagbabakuna. Kaya iyong limang iyon, tuluy-tuloy nating ginagawa – nagpapasalamat tayo sa mga LGU tulad ng leadership ni Mayor Marcy sa Marikina – dahil kahit na napakabigat at napakahirap nitong ginagawa natin. Sinabi nga natin sabay-sabay po iyan – pagbabakuna, pagko-contact trace, pag-a-isolate, pag-aalaga ng mga may nagkakasakit, pagbibigay ng ayuda. Sabay-sabay pong ginagawa po natin iyan ngayon sa NCR at sa iba pang mga area. Pero pinipilit nating magtulung-tulungan para talagang masugpo na natin ito.

Ngayon, doon sa nasabi mo kanina, Mela about CALABARZON, napakaimportante ng CALABARZON, ng Region III, kaya nga kasama sila sa NCR Plus, pero kagaya ng sinabi namin. Kapag ang isang area ay nagsi-surge ‘no at dumadami ang mga kababayan nating naoospital ay nahihirapan din tayo gawin iyong iba nating kailangang gawin tulad ng pagbabakuna, dahil iyong mga nurse, iyong mga doctor na dati-rati ay nandoon sa mga vaccination site natin, eh ngayon kailangan naman sila sa ating mga ospital.

Kaya nga gusto kong magpasalamat sa ating mga LGU, kasi hindi sila tumitigil, pero ang ginagawa ng national government ngayon ay naghahanap ng iba’t iba pang mga puwede pa nating maitulong sa ating mga LGU. Halimbawa, magpapakita sana ako ng mga litrato ng mga iba’t ibang organizations tulad ng Philippine Red Cross na sa kasalukuyan ay nagpapadala ng mga vaccination teams sa pamamagitan ng mga vaccination buses tulad nito sa Region IV-A sa CALABARZON. Sa pamumuno ni Senator Gordon ay nagpapadala po ng mga vaccination buses at sa aking pagkakaalam, sampung vaccination buses ang pinapadala sa iba’t ibang mga lugar sa Region IV-A sa pamumuno ni Senator Gordon.

Mayroon pa nga yata tayong mga picture na ipapakita para tulungan ang CALABARZON. Ang Cavite, Laguna, Batangas at Rizal pati na rin ang Quezon, pati ang Lucena City para ano—may isa pa yatang litrato na binabakunahan po ang ating mga kababayan sa CALABARZON, para matulungan sila, dahil napakalaki po ng pagtaas ng kaso ngayon sa CALABARZON.                    

MELA LES MORAS: Okay. Thank you, Secretary Vince. And panghuli na lamang po, Secretary Roque, from Karen Villanda ng PTV: Reaksiyon lang po ng Malacañang sa suggestion ni Secretary Joey Concepcion na magkaroon ng transportation bubble sa mga vaccinated at hindi para hindi na maapektuhan itong [unclear] habang nag-iingat tayo sa Delta variant?

SEC. ROQUE: We appreciate the suggestion po, pero siguro pag-usapan natin iyan kapag mayroon na po tayong population protection. Kasi ngayon po, papunta pa lang tayo sa population protection na 50%. Siguro po kapag naabot na natin ang 50 puwede na nating pag-usapan iyan pero sa ngayon po eh minorya pa lang po ang fully vaccinated.

Sandali na lang naman po ito ‘no, siguro after this week ay maaabot na ng Metro Manila ang 50% at mayroon na tayong kahit papaanong population protection, we can then explore how we can resume normal life given na kalahati ng populasyon ng Metro Manila ay bakunado na. But point well taken po.

MELA LESMORAS/PTV:   Okay. Salamat po, Secretary Roque, Secretary Vince.

SEC. ROQUE: Salamat, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Question from Maki Pulido ng GMA News para po kay Secretary Vince: Ano daw po ang vaccination rate sa NCR during this ECQ? Kung na-reach daw po ang four million jabs?

SEC. DIZON: As of August 18, umabot po tayo ng 3.2 million jabs sa NCR. Ang rate po natin diyan ay mga 180,000 on average ngayong buwan ng Agosto. Kagaya ng sinasabi ko, pinipilit nating itaas iyan. Pero ang target natin na 50% ng eligible population fully vaccinated, kampante tayo na maaabot natin by August 31.

Pero uulitin ko lang ‘no, sa mga areas na nagsu-surge tulad ng NCR, ng Region IV-A, Iloilo, Cagayan de Oro, at iba pang mga area, hindi po madali ang sitwasyon ngayon lalung-lalo na sa mga healthcare personnel natin. Masisegundahan iyan ni Mayor Marcy ‘no. Pero ang ginagawa natin ngayon, magpo-provide tayo ng dagdag na personnel, ang national government, kasama ngayon. In fact, mayroon tayong meeting mamaya o sa mga susunod na araw kay CHED chairman De Vera, para mapag-usapan kung maaari nating i-deploy ang ating mga medical students para mag-serve as vaccinators lalo na sa mga areas na nagsu-surge dahil marami sa ating mga nurse at doktor lumilipat mula vaccination site papunta sa mga ospital dahil kailangang-kailangan din sila doon.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya: Ano daw pong LGU ang mga patapos na at which LGU ang malayo pa sa target?

SEC. DIZON: Siyempre, iyong mga mauunang LGU, iyon iyong mga LGU na mas maliliit ang populasyon. Nag-announce na ang San Juan, ang Pateros, Mandaluyong, kasama ang Marikina ‘no, sa mga mas mauuna. Hindi lang dahil kaunti ang populasyon nila pero napaka-efficient ‘no. Nakita natin na napaka-efficient halimbawa ng Marikina sa kanilang pagdya-jab. In fact, ang target ng Marikina noong una ay nasa mga 6,000 jabs lang per day pero umaabot ng 15,000 ang Marikina. So, kino-congratulate natin ang mga mayors natin katulad ni Mayor Marcy kasi talagang nag-step-up po sila.

Pero ang importante ding malaman natin na sinabi na rin ni Mayor Marcy kanina at sinabi na rin ni Chairman Benhur Abalos na hindi ibig sabihin na kapag natapos ang isang LGU sa NCR ay hihinto na siya dahil kailangan tulungan din niya ang mga karatig na siyudad at naniniwala kami – pati ang mga karatig na probinsiya ng NCR tulad ng Bulacan; Rizal na malapit kay Mayor Marcy, katabi lang niya ang Rizal; Cavite; Laguna – eh dapat tumulong din ang NCR dahil nandiyan na ang imprastraktura para magbakuna nang mabilis kaya dapat tulong-tulong po tayo sa mga susunod na araw para mas mabilis tayong makapagbakuna hindi lang sa NCR kung hindi sa mga surrounding provinces.

Siguro, Usec. Rocky, baka puwedeng mag-comment si Mayor Marcy.

USEC. IGNACIO: Mayor Marcy?

MARIKINA MAYOR TEODORO: Tama si Secretary Vince. Ang preparasyon ng mga LGUs sa Metro Manila ay hindi lang para ma-achieve iyong herd immunity ng partikular na LGU niya o iyong jurisdiction dahil in reality ang mga tao ay highly mobile eh. Maaaring nakatira sa isang lugar pero nagtatrabaho sa kabilang probinsiya o kabilang siyudad.

At iyong mga ospital halimbawa, iyong ating binakunahan iyong mga hospital staff, in order to protect the institutional integrity of the hospital and to sustain iyong operations nila, iyong mabawasan iyong maaaring magkasakit, binakunahan natin lahat iyong buong hospital population hindi lang iyong mga residente ng partikular na lugar.

Tungkol ito sa sustainability at tungkol ito sa viability noong pagbabakuna natin. Maiintindihan ng lahat na hindi puwedeng maging makasarili at ang iniisip lamang ay iyong lugar niya o kaya ay sarili lamang niya. There should be solidarity in the vaccination at ito iyong gustong ipakita ng Metro Manila.

Ang Marikina in particular, that’s true iyon sinabi ni Secretary Vince, na nang una kaming mag-simulation ang target namin ay 6,000 lamang pero nakita namin iyong pangangailangan that we need to hasten the process dahil nga may surge at pumasok iyong Delta variant, so, we were able to improve on the target saka iyong output capacity.

Of course, this is with the help of the National Vaccine Operation Center, of course, under the leadership din nina Secretary Vince na araw-araw, tuwing umaga may mga coordination meeting na ginagawa to coordinate supply of the vaccines. Iyon ang ano eh, na-regularize nila iyong supply, naging steady at naging sufficient iyong number. So, they supply the vaccine to a particular LGU based on the capacity, output capacity na magbakuna.

Ngayon, tulad sa Marikina ngayon iyong mga naka-online registration namin naubos na namin ngayon eh. Bukas parang 1,000 na lang eh, so, para hindi matigil iyong pagbabakuna we’re asking nearby areas now if they have people working in Marikina, daytime population, hospitals, we are talking here of family of police personnel, families of teachers teaching in Marikina, para mabakunahan sila. We’re doing this not only on online but physically asking them, personally asking them.

Talagang tulung-tulong buong komunidad. There should be a whole-of-community approach para sa pagbabakuna. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Mayor Marcy. Balik po ako kay Secretary Vince. Iyong third question po: Iyong rate daw po ng testing and contact tracing, kung nag-improve during this ECQ?

SEC. DIZON: Malaki po ang in-improve. Kagaya ng sinabi ko noong bago mag-ECQ at bago mag-surge, ang testing natin mga nag-a-average ng 40,000, ngayon, siya ay 60,000 na. Pero kulang pa rin po iyan, kailangan talaga paigtingin pa rin natin ang ating detection kaya nag-o-augment tayo at makikipag-ugnayan tayo kagaya ng sinabi kanina, sa PhilHealth, para naman matulungan ang ating mga laboratoryo lalo na sa mga surge areas dahil kailangan din nilang mai-reimburse para sa kanilang mga expenses.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Roque, question from Maki Pulido. Iyong first question po niya, nasagot ninyo na kung magiging effective iyong ECQ pero ang follow-up po niya: Ano daw po ang projection if we end ECQ, will cases increase if we extend? When do we see improvement?

SEC. ROQUE: Well, ewan ko po kung we can flash the FASSSTER projection bilang kasagutan kay Maki ‘no. Maki, mayroon po tayong projection na ginawa ng FASSSTER, isang consultant ng ating gobyerno ‘no. At iyong advise po nila ang kinuha natin na kapag tayo po ay nag-impose ng two-week ECQ at saka ang ginawa nga po natin, iyong GCQ with heightened and additional restrictions at siguro isa pang classification after the two-week ECQ ay hindi po naman aabot doon sa worst case scenario na 525,000 ang magiging kaso ng COVID by September 28.

Niri-retrieve lamang po namin iyong slide na ito pero ang projection po talaga, kung hindi po ako nagkakamali, is slightly above 20,000 cases by end of September kung mapapatupad nga po natin itong ipinatupad natin na ECQ. Ang problema po dito sa kalaban nating COVID-19, hindi talaga nagriresulta nang agaran iyong ating mga lockdowns because of the two-week cycle. At kung titingnan ninyo, this is our third ECQ, iyong mga first two ECQ natin hindi bumaba kaagad as soon as ECQ ended, it took another five days or so, before the numbers decreased.

Now, kahapon po or noong ilang araw eh—Ito po ‘no, ito iyong slide if we could look at the slide. Ito po iyong slide ni Dr. Alethea. Makikita ninyo naman po na during ECQ ng August 10 eh bumaba po iyong numero natin dahil ito po iyong ating mobility na bumaba iyong mga nagpupunta ng grocery, bumaba iyong pumunta ng parks, ng workplaces. So makikita ninyo po na with decreased mobility ay bumababa naman po talaga iyong ating mga kaso ‘no. Pero according to the FASSSTER projection, hindi naman po biglaang bagsak po ang mga magiging kaso natin after ECQ ‘no. It will take not only the end of the 14-day period, but a further siguro four, five days bago po natin makita iyong pagbaba ng mga kaso.

Now, ito po iyong FASSSTER projection natin—well, siguro ang ipakita na lang muna natin is itong mga epidemiological curve—ayan, ayan. So ewan ko if you can zoom it ‘no, if you can expand the graph. Makikita ninyo po what we’re aiming is the orange line na iyon after the green line, that’s what we’re aiming for na mapababa po natin ang kaso below 25,000. At kung titingnan ninyo po iyong petsa—anong petsa na ba ho ngayon? Today is August 19. Kung titingnan ninyo ang pinakamalapit na petsa sa graph na ito ay August 22. At sa August 22, more or less, ilang ang recorded number natin ng kaso? It is below 20,000 ‘no. So it’s below 20,000 and we are below 20,000; in fact, 11,000 tayo as of the last data.

So we seem to be on track po dahil hindi naman po sumipa beyond the projections of FASSSTER. And if we continue with our planned course of action, it will always be below 20,000. Iyon po ang ating goal, I hope that answers your question, Maki. Go ahead, please.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may clarification si Ace Romero ng Philippine Star kung we expect daw po the President to announce the updated quarantine classification on Friday?

SEC. ROQUE: Yes, because there’s a tentative Talk to the People on Friday, I think we expect the President to announce it. Unless, he will give authorization to have it announced earlier ‘no, kasi matatapos iyong quarantine classification for Metro Manila on the 20th or tomorrow.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Raymund Antonio ng Manilla Bulletin for Mayor Marcy po: Mayor Marcy, how is the ongoing vaccination in Marikina amid the ECQ? Nagkaroon ba ng sobra o ekstrang bakuna na dinadala sa mga LGUs from PharmaServ sa inyo citing the assessment made by Vaccine Czar Carlito Galvez, the vax program has slowed down due to ECQ? Ano raw po ang process on this since the cold storage facility is under your jurisdiction?

MARIKINA CITY MAYOR TEODORO: Totoo po iyon, iyong PharmaServ ay narito sa Marikina at dito po nanggagaling iyong supply chain, dito po nagsisimula. There’s a principle of equity sa pagbibigay po ng bakuna po at binabahagi po ito ayon doon sa pangangailangan doon sa isang area. Kung may nakikitang surge, ganoon po iyong ginagawa, they receive more.

Isa pa pong basis ay iyong capacity output po, iyong kakayahan ng LGU na magbakuna para walang nasasayang pong bakuna. Kapag binigay po iyong bakuna po sa LGU, expected po within a day or two-day period ay naibabakuna na po namin ito eh. Kaya ang allocation pong natatanggap namin ay weekly allocation ho eh.

So kapag kayo ay nagpunta po sa PharmaServ, I regularly inspect the area or the premises para lang itsek ho iyong orders at saka iyong halimbawa po iyong mga kailangan ho doon sa logistics ho. Ang nakikita ko halos wala pong nakatagong bakuna roon dahil pagdating po, immediately they deploy it eh; within a period of several days, deployed na ho ito even to the far-flung provinces ho.

Iyon po iyong assurance natin sa lahat, wala hong paborito; wala hong nakakakuha nang sobra kung hindi depende po talaga sa condition on the ground and based on the capacity output.

Nakaka-receive po ang Marikina, we must admit, nang mas maraming bakuna, 15 jabs a day, minsan 10 to 15 doses a day dahil ho iyon po iyong capacity na nagagawa namin kaya nakakatapos kami agad.

One last thing, we would like to clarify with our people: Iyong iba kapag nabakunahan, huwag sanang masyadong maging malakas ang loob, and they no longer exercise precaution in the observance of minimum public health standards. We should be compliant to the minimum public health standards.

Secondly, we encourage more vaccination to happen. So we encourage people to convince their neighbors, their communities na magpabakuna po.

Pangatlo po, sa Marikina po, what we are trying to do is we improve on our healthcare capacity not only to increase the bed capacity in our hospitals – tertiary or secondary hospitals – but we improve our capacity on bed capacity sa mga treatment and quarantine facilities natin at saka napansin namin, kapag nabakunahan, either asymptomatic or very mild; wala nang kailangang ospital pa. Kaya ang hospitalization rate namin sa Marikina, because siguro we can attribute this to the high level of vaccination, ay nasa 55 to 60% ang aming hospital utilization rate compared to the other areas. Then iyong mga nagkasakit ng COVID na may bakuna, hindi kailangan dalhin doon sa ospital because asymptomatic sila or very mild.

USEC. IGNACIO: Thank you, Mayor Marcy.

From Leila Salaverria ng Inquirer for Secretary Roque: Base raw po sa mga COA findings, several departments failed to fully use its budget for pandemic assistance and promptly provide assistance to affected sectors. These were seen in the COA reports for the DA, DOH and DOTr. How concerned is the Palace about this and its effect on the government’s pandemic response? How seriously is it taking the auditor’s findings?

SEC. ROQUE: Well, narinig ninyo naman po ang reaksiyon ng Presidente. Unang-una, sa kaniyang karanasan po, iyong mga initial observation, nasasagot po iyan ng mga ahensiya. Sa karanasan nga ng Presidente, dalawang beses pa siyang dumulog sa hukuman ‘no para i-correct iyong maling konklusyon or observation ng COA. Eh sa ngayon po, preliminary pa lang po iyan, magsusumite ng komento pagkatapos po ay magkakaroon ng final report ang COA. Doon sa final report po, iyan ang pupuwedeng magamit na ebidensiya sa hukuman ‘no, pero hindi lang po iyan ang hihingiing ebidensiya ng hukuman – isa lang po iyan. Kinakailangan mayroon pang ibang mga testigo para mapatunayan kung mayroon nga pong paglabag doon sa ating batas on graft and corruption.

So sa ngayon po, ang aking advice: Cool muna po tayo dahil itong puntong ito ay pupuwede pa pong sagutin; at antayin po natin ang final reports.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya: Has Malacañang taken specific actions or will it take specific actions to make sure the funds are being spent promptly and properly in the wake of the COA reports?

SEC. ROQUE: Unang-una po, lahat po ng mayroong mga initial preliminary observations dapat po sagutin nang mabilis at nang detalyado iyong mga paratang nang magkaroon po ng linaw ‘no, nang magkaroon naman po ng final report.

Siguro po kapag may final report na, iyan po ang ikukonsidera ng ating Presidente dahil abogado naman po ang Presidente, alam niyang bumasa ng COA report. Pero sa ngayon po talaga ha, iyong mga preliminary observations, wala pa pong ibig sabihin iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. From Kris Jose ng Remate/Remate Online for Secretary Roque: Reaksiyon daw po sa datos ng Stop Asian American Pacific Islander na ang mga Pilipino ay pangatlo sa mga lahi sa Asya na nagiging biktima ng hate crimes sa Amerika.

SEC. ROQUE: Well, nakakalungkot po iyan at nakakaabala [nakakabahala]. Unang-una, halos lahat tayo ay mayroong kamag-anak sa Amerika at ayaw nating maging biktima ang ating mga kababayan. Pero siguro mas nakakaabala [nakakabahala] iyan kasi iyong mga kababayan natin, mga kamag-anak natin nagpunta sa Amerika kasi alam natin what drives America is the hopes and aspirations ng mga immigrants. So parang kapag pag-iinitan mo iyong mga immigrants ay pinag-iinitan mo iyong, kumbaga, kaluluwa ng Amerika mismo as the land of immigrants. So sana po ay matigil na ito at nakakalungkot po at nakakaabala [nakakabahala].

USEC. IGNACIO: From Llanesca Panti ng GMA News Online. Iyong first question po niya ay nasagot na ninyo about kung mag-isyu daw po ng further order ang Pangul0 sa COA to stop publishing annual audit reports?

SEC. ROQUE: Hindi naman po niya pini-prevent iyong annual audit report. Iyong preliminary reports pa lang po ang ayaw niya sanang ma-publish. Eh iyong final report po, talagang sinusumite po iyan sa Kongreso at sa Malacañang at sa buong sambayanang Pilipino. Pero iyong preliminary habang hindi pa po pinal ang mga obserbasyon, hinay-hinay po sana.

USEC. IGNACIO: Opo. I think iyong susunod po niyang tanong for Secretary Vince: We have around 41 million doses of COVID-19 vaccines? But only 27 million of those had been administered? Saan daw po iyong bottleneck coming from?

SEC. DIZON: Unang-una po, 29 million na at umaabot na tayo ng 30 million by Friday. Pero intindihin po natin na unang-una, iyong kailangan nating doses, first and second dose iyan. So, apart doon sa mga ina-administer nating first dose, kailangan lagi tayong may available na second dose. And base nga sa pag-aaral natin, efficient iyong pagdating ng ating mga kababayan for second dose. Halos 100% ang bumabalik para sa second dose. So, iniiwasan natin iyong mangyayari na kapag kailangan ng i-second dose ang mga kababayan natin ay wala silang makukuhang second dose, so iyon po iyong rason doon. Ang importante lang po, tuluy-tuloy ang pagdating ng bakuna, para mas mapabilis natin ang pag-a-administer natin, lalo na iyong ating mga first doses.      

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question niya: Ano daw po, Secretary, iyong current vaccine supply sa NCR Plus 8 areas which were the first areas identified as priorities?

SEC. DIZON: Itsi-check ko po ang numero ano, mahirap magbigkas ako ng numero ngayon. Babalikan po natin iyong tanong kapag eksakto iyong numero natin, itsi-check natin. Salamat po.

USEC. IGNACIO: For Secretary Roque from Joseph Morong of GMA News: By next week daw po, we will have a new community quarantine. Do you think the hospitals are ready for an influx again?

SEC. ROQUE: Well, Joseph, the figures are very encouraging, bumaba pa nga ang ating ICU utilization rate dito sa Metro Manila. Nasa moderate risk na lang tayo at 61. At under 60% pa nga ang ating isolation beds, ang ward beds natin ay 69%, ang ating ventilators ay 59. And even on a nationwide basis, nasa moderate risk pa po tayo, pati po sa ating ICU beds. So, sana po, sumipa nga iyong ating ECQ, magka-epekto nang lalo pang bumaba iyong ating utilization rates.  But I think the figures are encouraging as of today.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya: Ano daw po ang ginagawa para tulungan ang mga hospitals that are piling up? Should we have more time for hospitals to decompress by extending the ECQ?

SEC. ROQUE: Well, the data shows, hindi nga po nao-overwhelm ang ating mga hospital, nasa moderate risk lang po ang mga ICU beds natin dito sa Metro Manila. Ang by enlarge po, kung 60 po ay moderate risk, iyong lahat po ng kama natin, except ward beds ay wala pa nga po sa moderate risk. So, there is no need to decompress as of now po. Sana the figures remain the same at paulit-ulit ko pong sasabihin, bago po kayo pumunta sa ospital, tumawag po kayo sa One Hospital Command Center 1555, 0915-7777777 ng hindi na kayo magpunta sa punong hospital. May mga paborito tayong hospital na mabilis mapuno, kagaya siguro ng PGH. Pero kung tatawag naman tayo sa One Hospital Command Center, marami naman pong mga kama pa sa East Avenue, diyan po sa Tala o iyong Jose Rodriguez Memorial Hospital at iba pang mga ospital po.

USEC. IGNACIO: From Red Mendoza ng Manila Times. Para po kay Secretary Vince Dizon: May ilan po na nagsasabi na dapat daw po ma-integrate ang vaccine certificate application sa StaySafe app para iisa na lang ang tracing and digital vaccine certificate at hindi na magkaroon ng separate apps para dito. Ano po ang masasabi daw po ninyo dito?

SEC. DIZON: Sa aking pagkakaalam, pinag-uusapan na iyan ng DICT at DILG ngayon. So, siguro abangan natin iyong gagawin nila.      

SEC. ROQUE: If I may add. Ni-report po ito sa Talk to the People, iyong vaxcert.ph., iyon po iyong recommended ng WHO na lahat po ng mga digital registration or registry of vaccinated individuals should be inter-operable, para lahat po iyan ay magamit kahit anong mga iba pang computer apps.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya. For Secretary Vince: Nag-plan na ba ang government ng funds for 2022 for possible booster shots? Nakikita po ba natin na every Filipino will get booster shots in the next few years?

SEC. ROQUE: Can I answer that, Sec. Vince ‘no. Actually doon sa budget na diniskas ko—hindi ko po tuloy na-highlight ‘no. But in the 2022 budget we have budget entry for booster shots for all Filipinos. Ang halaga po ng booster shot, [napakaliit nga po, hindi ko masyadong mabasa], ang halaga po ng booster shot is P45 billion. This is for procurement of COVID-19 vaccine booster shots, kasama po iyan sa proposed 2022 budget.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question niya—Secretary Vince? May idadagdag po kayo, Secretary Vince?

SEC. DIZON: Wala po, tama po si Spox, nag-allocate na po ng budget ang ating national government para diyan.

USEC. IGNACIO: Secretary Vince, question po ito sa inyo: With the US approving boosters, after 8 months of inoculation, makakaapekto ba kaya ito sa delivery ng bakuna na gawa sa Amerika tulad ng Pfizer, Moderna at Johnson and Johnson?

SEC. DIZON: Hindi po natin masasabi iyan. Sana huwag! Dahil sabi nga ng WHO, sana naman po para sa mga bansang mayayaman, eh isipin naman din po nila iyong mga bansa tulad ng Pilipinas at ng iba pang mga bansa na kahit iyong unang shot pa lang ay wala pa. Sana po ay huwag mangyari iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Sam Medenilla for Secretary Roque or Secretary Dizon. According daw po sa vaccine expert panel, initial studies show na 6 months lang daw po ang effectivity ng Sinovac vaccine. Ano na po ang gagawin ng government sa mga healthcare workers na nakakuha ng nasabing jabs last March pagdating po ng September?  Will they be given booster shots or be just subjected to monitoring kung protected pa rin po ba sila ng COVID-19 beyond six months?       

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, wala pong isyu na sa 2o22 lahat tayo mabibigyan ng booster shot kasi nandiyan na nga po iyan sa budget. So wala na pong isyu ‘yan, hindi na natin pag-uusapan. Now, nagsimula naman tayo ng bakunahan ng March, so iyong pinakaunang nabakunahan at kaunti lang naman po iyan ay nagkaroon po sila ng kanilang second shot ng Abril. So, kung six months po iyan, that will expire – when? October ‘no or thereabouts. So titingnan po natin dahil ito naman pong procurement natin ay sisipa po iyan as early as January, but puwede nating bilhin na iyan earlier, if we need to. Dahil bagama’t nasa national budget po iyan, eh that is funded po from the multilateral lending agencies. So titingnan po natin kung mayroon talagang science that will require it, gagawan po ng paraan. Pero ang sinasabi ko nga po, hindi na po debate sa Pilipinas iyan dahil nagkaroon na po tayo ng budget for booster shots for 2022.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque, Mayor Marcy and Secretary Vince Dizon.

SEC. ROQUE: Maraming salamat sa ating mga naging panauhin: Secretary Vince Dizon – maraming salamat, our suki; Mayor Marcy Teodoro, congratulations again and thank you for joining us. Thank you very much, Usec. Rocky. At maraming salamat sa lahat po ng miyembro ng Malacañang Press Corps for joining our press briefing today.

Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ako po ang inyong Spox Harry Roque, muling bumabati ng Happy Quezon Day sa lahat lalung-lalo na sa siyudad ng Quezon kagaya ko, sa Probinsiya ng Quezon at Probinsiya ng Aurora. At tandaan po natin ang sinabi ni Presidente Quezon, dapat tayong maging kagaya ng punong Molave – matatag, malakas sa panahon ng paghamon.

Magandang araw sa inyong lahat.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)