SEC. ANDANAR: Pilipinas kapag nababalita ang NTF-ELCAC, madalas ang kuwento ay nagmumula sa mga pananaw ng mga kumukontra dito; mga pananaw na siyempre kailangan din namang sagutin ng ating pamahalaan. It is this focus on criticisms and on perspective problems that is preventing us from appreciating what NTF-ELCAC is already doing on the ground as we speak which is to bring to the country together to address societal problems in areas affected by the local communist armed conflict.
Oo! Ang buong bansa nagsasama-sama na ngayon upang bigyang-pansin at lunas ang mga malawakang suliraning panlipunan sa mga lugar na apektado ng local communist armed conflict. Kaya ngayong gabi, kilalanin natin nang mas lubusan pa ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at alamin ang mga ginagawa nito upang masolusyunan ang mga suliraning panlipunan – nagdala sa atin sa puntong ito.
Makakausap natin mula sa NTF-ELCAC ang kanilang Vice Chairman na si National Security Adviser Hermogenes ‘Jun’ Esperon, Jr. Para naman sa pananaw mula sa mga lugar na tinututukan ng NTF-ELCAC, mula sa Barangay Mabuhay, General Santos City, ang isang tribal chieftain at leader ng Indigenous Peoples Alliance Movement – Datu Fulong Dan Alim; at upang mabahagi sa atin ang kanilang naging karanasan sa malawakang tutok ng pamahalaan sa problemang panlipunan, mula sa lalawigan ng Leyte, si Governor Leopoldo Dominico ‘Mic’ Petilla.
Ang NTF-ELCAC at ang whole-of-nation approach nito ang paksa natin ngayong gabi. Ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar; welcome to the Cabinet Report.
***
SEC. ANDANAR: This is The Cabinet Report at kasama natin ngayon mula sa NTF-ELCAC ang kanilang Vice Chairman, si National Security Adviser Hermogenes ‘Jun’ Esperon, Jr. Good evening, Secretary Jun.
NSA SEC. ESPERON, JR.: Sec. Martin, babati lang ako sa mga tagasubaybay mo sa programang ito but I must add baka hindi tayo magkita sa Sabado, babati na rin ako. Happy Birthday sa iyo at sana ay lalong magpatuloy itong mga ginagawa mo dahil sa ating dalawa, lalung-lalo na dito sa National Task Force ELCAC ay magkasama tayo dito. Pareho tayong Regional Commanders dito – ikaw sa Region X, ako sa Region I ‘di ba. So, Happy Birthday! More work for us, Sec. Martin.
SEC. ANDANAR: Naku, salamat sa inyong pagbati Secretary Jun! Magpapadala ako sa’yo, ng lechon mamaya pero okay lang ba na lechon manok? I’m sure okay lang.
Sec. Jun, sa pangalan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ay ang katagang ‘local communist armed conflict’. Gaano ba kahalaga na matapos na natin ang local communist armed conflict?
NSA SEC. ESPERON, JR.: Iyong title mismo ay iyon ang ating objective – end the local communist armed conflict kasi 53 years na ito na insurgency – longest running insurgency in the whole world. At ang epekto nito, habang mayroong ganiyang insurgency at may mga violence sa countryside or even sa urban centers, ay nagiging black eye sa atin ito. Ang pagkakilala ng mga foreigners sa Pilipinas ay mayroong hindi ma-solve-solve na insurgency at dinadagdagan pa noon, noong mga ISIS, iyong mga Abu Sayyaf so dalawa na.
Ang nangyayari niyan, iyong ating mga kanayunan o countryside ay hindi maka-takeoff, walang development dahil nga conflicted. Geographically isolated na nga iyong mga ibang lugar na pinamumugaran nitong NPA tapos conflicted pa eh ‘di sino naman mag-i-invest doon? Ang totoong patutunguhang nila ay sila ang mag-takeover ng ating gobyerno and they want to impose upon us what they call a ‘centralized dictatorship’. Ikumpara mo iyan sa ating democratic form of government kaya dapat labanan talaga natin ito. Hindi bagay iyong kanilang isinusulong na centralized dictatorship, hindi iyan ang way of life ng ating mga kababayan – mas gusto natin ang democracy as we enjoy it now. Dapat lang na mawala sila.
SEC. ANDANAR: Sec., bakit nga pala natin sila tinatawag na local communists?
NSA SEC. ESPERON, JR.: ‘Pag sinabi nating local communist – local communist because they operate within the Philippines so local. Mayroon kasing foreign communist eh na—in fact may mga communist party sa Europe, sa America, sa South America pero wala silang armed rebellion na component kaya legal sila sa Europa. Pero dito sa Pilipinas, sila ay communist party pero mayroon silang armed component, iyong NPA. Magiging iligal sila dito dahil mayroon silang armed component.
So, how do we address this? Ano ba ang mga isinusulong nila? Ano ba ang mga sinasabi nila? Mayroon tayong mga tinatawag na social ills dahil sa kung saan nanggaling ang Pilipinas dahil ‘di ba, maraming hacienda dito noon na kung saan ay naaapi iyong mga farmers. So feudal, hindi naman natin kagagawan ‘yan kundi kagagawan iyan ng mga nanakop sa atin na pinauso nila iyong mga hacienda-hacienda.
Mayroon ding tinatawag silang imperyalismo dahil tayo nga ay nasakop ng ibang bansa at sinasabi nila na tayo daw ay ginagamit ng ibang bansa na wala tayong sariling panuntunan kaya nagiging issue sa atin ang imperialism. Sa ngayon ang sinasabi nila ay US imperialism pero iyong colonization are of course in general, imperialism.
Ang issue din nila na isa ay pasismo – fascism. May mga ibang estado noon sa mga ibang bansa na pasista talaga, dictator. Eh hindi naman tayo pasista na ngayon, tayo ay democratic sa Armed Forces o sa Philippine National Police – they are under a civilian Commander-In-Chief or the President himself.
Marami pa silang issue tulad ng bureaucrat capitalism. So sinasabi nila iyon daw mga appointed sa gobyerno ay sila ang nagsasamantala – corruption in other words. Sasamahan nila ngayon ng mga issues ng injustice, disease, illiteracy, lack of economic benefits. So iyan ang kanilang mga issue na ginawa upang magkaroon sila ng mga kaalyado at mayroon silang mga front organizations na ginagamit na napakaganda ng mga programa pero ganoon pala ay ginagawa nilang pang-recruit lang.
Iyan ang ating nilalabanan nang 53 years na. Iyan ang mga nandiyan sa kalsada na gumagamit ng activism, ginagamit ang mga kabataan. Ngunit sa kalaunan dahil wala namang masama sa activism dahil ako mismo ay activist din naman noong high school ako, kasama pa nga ako sa first quarter storm; pero iyong mga aktibistang ‘yan, diyan sila kumukuha ng mga recruit at later on ay nagiging cadre.
So tandaan natin, marami silang isyung ginagawa – parang sinasabi nilang sila lang ang may solusyon sa lahat ng problema ng Pilipinas. Ngunit ang kanilang pakay pala ay kunin ang poder, they want to take control of government. Ito ngayon ang nilalabanan natin ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict at ang Pangulo noong pinirmahan niya ang Executive Order No. 70 ay siya na mismo nagsabi na siya ang magiging Chairman – siya ang magiging Chairman.
Biro mo ‘yun, the President, no less than the President saw the problem itself. Pagkatapos na pinagbigyan niya ang triad ng CPP-NPA-NDF na mag-peacetalks ay nakita niya na hindi pala puwedeng daanin sa usapan ito dahil ang ginagawa naman ng CPP-NPA-NDF ay ginagamit lang nila ang peacetalks upang makapuntos sila o ma-recognize sila ng ibang bansa. At sa kalaunan bago ipatigil iyong peacetalks na ‘yan, sinabi ng Pangulo sa kanila, “Ang gusto pala ninyong mangyari ay coalition government dahil lahat na ng gawain including land reform ay gusto ninyong kayo na ang magpatupad.” Ipapatupad daw ng NPA sa interim peace agreement.
So sabi ng Pangulo, “Hindi ko puwedeng ibigay sa inyo ang mandato na ibinigay sa akin ng ating mga kababayan. Ibinoto nila ako bilang Presidente, hindi ko puwedeng ibigay sa inyo ngayon ito sa coalition government.” “So wala nang peacetalks, huwag na tayong mag-usap. Basta gagawin namin ang aming mga programa upang mawala ang mga rason kung paano na sinasabi ninyo sa mga tao na dapat palitan ang gobyerno.” So ito na ngayon ang National Task Force ELCAC na binuo niya, siya na mismo ang naging chairman.
SEC. ANDANAR: Ang solusyon natin sa pagwakas sa problemang dulot nila ay nasa ilalim ng isang whole-of-nation approach to attaining inclusive and sustainable peace. Sec. Jun, ano po itong whole-of-nation approach and how does the whole-of-nation approach to the local communist armed conflict bring about inclusive and sustainable peace?
NSA SEC. ESPERON, JR.: Simulan muna natin sa whole-of-government – ibig sabihin lahat ng ahensiya ng gobyerno ay tutulong dito. This is in recognition of the fact na ang insurgency na ito ay hindi ito responsibilidad lang ng military na kasama ang pulis. Ganoon kasi ang nangyari eh, masyadong military-centric ang nangyari sa mga solutions. Pero, nasu-solve ba ang mga issue na ginagamit ng CPP-NPA-NDF pagkatapos ng military operations? Hindi! Ang mga solution nito ay social, political and economic – hindi lang military so whole-of-government, ano.
Pero hindi ka rin puwedeng kayo lang gobyerno, kailangan mayroong private sector partnership kaya magiging from whole-of-government, maging whole-of-nation na. Doon sa private sector, nandiyan na rin ang public na mga local populace kasi ultimately sila ang magiging ka-partner natin doon sa baba. Sa organization natin ngayon, aside from the National Task Force main, dito sa taas, mayroon tayong 17 joint regional task forces. Sabi ng Pangulo, “I want the Regional Peace and Order Council and the Regional Development Council to meet jointly.” Dati-rati hindi ginagawa. Nagmi-meeting na iyan under the CORDS. So peace and order plus development at kasama na lahat ng government agencies. ‘Di ba, maganda ang pagkagawa?
At ang ating provincial task force commander ay no other than the governors. Iyong munisipyo naman, ang task force doon iyong mayor; sa barangay, iyong barangay kapitan. Kaya from national all the way down to the barangay, organisado tayo at ang private sector, mayroon tayong mga kasama dito sa national; sa region mayroon tayong mga kasama din na private sector. Kaya hindi lang whole-of-government kundi whole-of-nation na ito dahil ito nga ay isang problema hindi lang ng gobyerno, kundi ng lahat ng Pilipino.
SEC. ANDANAR: Patuloy ang ating panayam kay Secretary Jun Esperon matapos ang ilang paalala. Keep it here, this is The Cabinet Report.
***
SEC. ANDANAR: Welcome back to The Cabinet Report. Kausap pa rin natin ang NTF-ELCAC vice chair, Secretary Jun Esperon. Secretary Jun, pinag-usapan natin ang konsepto ng whole-of-nation approach. Paano po ang pagpapatupad nito at pakipaliwanag po sa amin itong Barangay Development Program at kung ano ba talaga ang layunin nito, Secretary?
NSA SEC. ESPERON, JR.: Dito sa national, gumawa tayo ng 12 lines of efforts – 12 clusters. Mayroon tayong intelligence or situational awareness, knowledge assessment – iyon ang intelligence, iyon ang ating information-gathering. Mayroon tayong legal cooperation cluster, takes care of our cases that we file against the CPP-NPA-NDF triad. Mayroon tayong strategic communications, sectoral unification – ito iyong labor, IP, women – basta sectoral unification that should become sympathetic to government programs and to the community, hindi para sumama sa CPP-NPA-NDF.
Mayroon tayong basic services sector cluster – ito iyong health, education – mga ganoon. Mayroon din tayong poverty reduction and livelihood, sa mga regions ay iyan ang ginagawa, poverty reduction. Mayroon tayong infrastructure and resource management, dito pumapasok infrastructure, dito pumapasok itong Barangay Development Program na mamaya ay pag-uusapan natin. Mayroon tayong localized peace engagement na pinapangunahan ng DILG at saka Office of the Presidential Adviser for Peace Process na kung saan ay mayroon nang localized peacetalks but directed from the national level. Kausap natin diyan ang mga—tulad ng RPA-ABB (Revolutionary Proletariat Army-Alex Boncayao Brigade). Kausap natin diyan iyong mga iba pang pag-uusapan tungkol sa Cordillera at mga iba pang grupo, provincial level o mga armadong grupo. Iyan ang ating localized peace engagement.
Mayroon tayong peace, law enforcement and development support – ito, ang nangunguna dito ang Armed Forces/Defense at nandito ngayon ang military at saka police at saka security forces. Out of the 12, iisa na lang ito kaya makikita mo, Sec. Mart ‘di ba, out of the 12 clusters, isa lang ang talagang purong military. Mayroon pang isa siguro na matatawag mong military pero may kasamang mga civilian ito tulad ng housing etcetera. Ito iyong tinatawag nating Comprehensive Local Integration Program, para ito sa mga returnees, iyong mga surrenderers.
Alam ninyo ba na mayroon tayong international engagements dahil ang problemang ito ay hindi lang nangyayari dito – dito nangyayari itong kaguluhan pero ang nagpapatakbo nito ay nandoon sa ibang bansa. Si Sison, iyong Communist Party ay nandoon sa Netherlands. Nandoon sila at mayroon silang mga kaalyado na ibang mga organisasyon na nakabase sa abroad at isang purpose niyan ay diyan sila kumukuha ng pondo. So mayroon tayong national organization, mayroon tayong regional task force at mayroong 12 lines of efforts.
So, ano iyong Barangay Development Program? Ito ngayon ay siyang magbibigay nang kaukulang capacity-building. Iyong barangay kung titingnan mo, kung walang kalsada ‘yan, walang eskuwelahan, walang health station, walang water and sanitation, walang livelihood ay walang mangyayari. Diyan pa rin mamumugad/magpupugad ang mga NPA. Iyan ang tinatawag nilang centro de gravedad ang mga barangay na iyan at na-clear ito ng ating operating forces. Operating forces dahil kasama ang military, kasama ang PNP ay mayroong ginagawa diyan na programa – una ay ang community support program tapos kapag nandiyan na iyong local government at saka police, iyon na ang retooled community support program para kasama na ang civilian. Diyan natin nakikita kung anong kailangan ng mga barangay kaya ito ngayon ang tugon natin – Barangay Development Program.
Alam mo noong iprinesenta ko ito sa Cabinet, tumayo ang Pangulo. Hindi ko naman alam kung saan siya pumunta dahil siyempre nakatutok ako sa briefing ko. Ganoon pala tumayo siya, lumapit talaga sa screen at sabi niya, “Iyan ang hinihingi ko sa iyo.” “So anong mga programa?” sabi niya. “Ito, sir, marami na tayong Build, Build, Build. Marami tayong inter-regional, mayroon tayong inter-provincial na mga project.” Napakadami niyan, napakadami niyan pero doon sa conflicted at saka geographically isolated ay hindi natin naaabot kaya ito ang tugon – Barangay Development Program. Eh pagkatapos mong alisin iyong NPA doon, kung wala kang ilalagay doon na barangay security system, kung wala kang mailalagay na projects, babalik-balikan lang iyan ng NPA.
Iyan ang ating Barangay Development Program – 822 barangays iyong na-clear natin noong 2016. Biro mo 2016 to 2019 may mga na-clear ka ng barangays pero wala ka namang inilalagay na development. So iyan na, 2020 nailagay natin sa budget natin ng 2021 kaya ongoing na ngayon iyong Barangay Development Project – 20 million for all the 822 barangays. At ito na – farm-to-market roads, eskuwelahan, patubig at sanitation, health station, electrification. Alam mo ngayon instant na ang electricity ngayon kasi solar powered. Lagyan mo iyong kalsada ng 500-meter stretch ng solar lights at iyong mga bahay naman, mayroon namang sistema na magkakaroon na ng ilaw, dalawang ilaw at saka puwede nang mag-charge ng telepono. O ‘di bigla silang nagkaroon ng kuryente ‘di ba, connected na sila.
So iyan ang mga inilalagay natin diyan. Iyan ang Barangay Development Program na tinututulan ng sinasabi nilang progressive bloc sa Congress; paano sila naging progressive eh tinututulan nila ang development. Ang tawag sa kanila dapat ay ‘regressive,’ hindi rin sila Makabayan Bloc kung hindi Kamatayan Bloc, dahil sa kanila ang daming namamatay.
Tinututulan iyan at unfortunately, mayroon silang naaakit na mga ibang legislative officials na sabi nila—mayroon pang nagsabi na hindi legislative official eh, hindi ko na sasabihin kung sino. But sinabi niya na iyong pondo ng ELCAC, ilagay na lang iyan sa ayuda, kailangan natin ngayon iyan. Teka muna, iyong ayuda ay ibang programa iyan, ito kasi ang nangyayari dito eh, alam natin, sabi ko, alam natin na ang COVID-19, talagang iyan ang clear ang present danger na talagang inaatupag natin. Pero huwag nating kalimutan mayroon pang ibang mga problema na kailangang pagtuunan ng pansin. Isa na rito, ang pinaka-number one, political security threat ay ang Communist Party of the Philippines, NPA, NDF itong insurgency na ito.
Iyan ang ating Barangay Development Program, talagang tumututok sa mga barangays na apektado at iyong mga barangays din na geographically isolated and disadvantaged. Kaya iyan na ngayon, nandiyan na ang programa. Ginagawa na iyong mga kalsada at saka mga ibang proyekto. Kung sasabihin ngayon ng Kamatayan Bloc na wala tayong Malasakit; eh sila, anong ginagawa nila, panay criticism lang, creating hatred, iyon ang kanilang puhunan eh – criticism and hatred. Oh, iyan ang ginagawa nila, kaya dapat mawala ang mga iyan; ito ngayon, kailangan alisin sila, kaya mayroong National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict.
SEC. ANDANAR: Sec. Jun, maaari mo ba kaming bigyan ng overview kung ano na po ang mga nagawa ng NTF-ELCAC tungo sa pagwakas ng local communist armed conflict; so far ano na po ang mga milestone achievements natin, Secretary?
NSA SEC. ESPERON: Isa, alam mo bang umaabot na sa 88% ng local government units ang nagdeklara ng persona non grata against the CPP-NPA-NDF. Hindi iyan nangyayari dati, nawawala dati, nawa-wallop din iyong mga so-called regional guerilla fronts, dahil naki-clear ang mga barangays kung saan sila magpupugad pa… saan sila magpupugad? Kaya kung wala silang pagpupugaran at nalalagyan natin ng development itong mga lugar na ito na conflicted ay mawawala itong NPA. Asikasuhin na lang natin later on, itong mga front organizations, dahil mawawalan na rin sila ng saysay eh, Congresswoman Cullamat, indigenous people, siya daw ang representative.
Eh ang ginagawa naman niya ay hinihikayat niya ang mga IP doon sa Surigao para sumama sa NPA; pambihira, iyong anak nga niya namatay sa engkuwentro. Para akong nalulungkot doon eh, dahil namatay na nga iyong anak niya, parang hindi pa niya binisita. Di ba? Mayroon siyang anak na namatay sa engkuwentro eh, so iyan ba ang ano… alam mo itong NPA na ito, masabi ko lang ay anti-family ito – pinaghihiwalay ang asosasyon ng magsasaka, asosasyon ng kababaihan, asosasyon ng kabataan. Bine-break up nila iyong pamilya, may hatred, itong anak hindi na kailangang sumunod doon sa magulang.
Iyon ang kanila, basta lang masunod iyong gusto nila na dapat itong tatlong grupo na ito ay sumuporta sa NPA. Iyan ang hatred na ginagamit nila tapos sasabihin, ‘ito ang kulang sa inyo, wala kayong kalsada dito, hindi kayo pinapansin, huwag na kayo sa gobyernong iyan. Pagdating ng araw, bibigyan namin kayo ng lupa, bibigyan namin kayo ng kabuhayan.’ Ganoon pala, ang dami-dami nilang nakukolektang pondo ngayon, sino ang nakikinabang? Iyon si Jose Maria Sison, namamayagpag doon sa Europa. Namamayagpag sila sa lifestyle nila, may mga anak sila na naka-enroll sa mga Universities abroad, iyong si Zarate, iyong mga lider nila na iba pa.
Iyan ba ang dapat na sundin ng kanilang mga small time fighters sa baba? So naipapakita na natin ngayon, Mart, maraming salamat sa iyo, dahil sa iyo ang strategic communications eh. Naipapaliwanag na natin sa tao ngayon kung ano talaga itong CPP-NPA. Dati-dati mukhang takot ang gobyerno, maraming takot sa gobyerno na lumaban diyan, pero ngayon nagkakaisa tayo at napakalaking bagay na ikaw, Sec. Mart, ang Cabinet Officer for Regional Development diyan sa Region X.
Pangalawa, ngayon ay talagang natanggal natin iyong mascara, we have unmasked the CPP-NPA-NDF, how? Through intelligence and strategic communications; through information to the public, through information to the public, hindi ito red-tagging, kung hindi informing the public kung sino talaga sila. Na mayroon silang underground mass organization na nagku-control sa mga front organization na open. Ano iyong mga underground mass organization? Iyan ang Kabataang Makabayan sa youth; Kaguma, Kapisanan ng mga Gurong Makabayan; iyan ang nagkukontrol sa Alliance of Concerned Teachers; at iyong nagiging party list na Congressman diyan ay galing doon sa underground mass organizati9n. In other words, we are informing the public na hindi lang sila innocent civilians kung hindi member sila ng communist party, iyong mga nandiyan sa House of Representative na Party list na makabayan daw pero Kamatayan Bloc.
Ano pa ang mga nagawa natin? Iyong local government empowerment – ibig sabihin ang mga kailangang gawin sa gobyerno upang maganda ang patakbo ay ginagawa na sa mga local governments. Mayroon kasing kabilin-bilinan ang ating Pangulo na hindi tayo mananalo dito kung hindi natin gagawin ang good governance. Eh, siyempre ang DILG niyan ay tinitingnan, sinisita ang mga local government.
Pero alam mo ang napakaganda ngayon, dahil ang provincial task force mismo ay mga gobernador, municipal task force, talagang pinag-iigihan din nila ang governance, ginagawa nilang example iyong kanilang governance, kasi kung wala silang credibility, eh mananalo iyong NPA. Kaya ngayon, napakaganda ng arrangement sa baba, iyong army commander eh madali niyang kasama kaagad iyong gobernador at saka municipal mayor, kasi member sila ng task force, magkakasama sila. Member sila ng Regional Peace and Order Council o kaya ay sa development council, so, ang isang accomplishment natin diyan ay harmonization, coordination, iyan ang mga accomplishments.
Alam mo bang iyong mga Task Forces sa baba ay mayroong ginagawang mga serbisyo caravan? Na binibisita nila, pinupuntahan nila iyong mga barangay habang kini-clearing iyan at nabibisita na rin iyong mga katabing barangay. Dahil mayroon namang pondo talaga ang provincial, mayroon ding mga pondo sa region na puwedeng dalhin sa mga barangay na iyan.
Kaya habang ginagawa iyong malalakihang project na highways ay mayroon ding ginagawang mga project doon sa mga kanayunan. Iyan iyong poverty reduction cluster ay nagti-training sa mga barangays, iyan na rin ang nagti-training para mag-install ng solar lights para sa… kung paano mag-alaga ng kahayupan, iyan ang gamit ng poverty reduction na employment.
Mayroon tayong tinatawag na peace law enforcement and development support ng military. Eh nakikita mo ngayon, na iyong military ngayon, nakakapag-concentrate sa kanilang core competency – military and police operations. Kaya nakita mo iyong engkuwentro sa Samar, mahirap mangyari iyon, kung ang military lang ang umiintindi ng ating insurgency; pero ngayon sila ang nagli-lead at sila ang nagli-lead ng operations, pero malaki ang support nila sa civilian, kay Governor Evardone, siya ang Regional Peace and Order Committee Chairman. Nandoon ang DSWD, inaalagaan kaagad kung kailangan ng relief operations at nandoon na naman ang DTI at iba pang mga ahensiya upang tingnan kung ano pa ang kailangan ng mga taga roon, kaya whole of government talaga at kasama ang mga civilian and private sectors.
Alam mo ayaw ko sanang ikuwento sa iyo, pero iyong sa engkuwentro sa Samar ang nagbigay ng tip doon ay ang mga civilian mismo na mayroong namumugad na mga NPA doon. Pagkatapos pumasok na ang operating troop sa ground. Noong mai-set up na iyon, pumasok na ngayon ang artillery at saka air strike, kaya gulantang sila doon. Napakagandang execution noong operation na iyon. So kung babalikan mo iyong ating mga cluster, pumupunta na iyan, ang nagli-lead—mga cluster ba, lines of efforts pero kapag sa probinsya kumukuha sila ng—ang nagku-command noon ay ang gobernador.
Kaya makikita mo na itong National Task Force ay talagang sentro ito ngayon ng coordination, harmonization and cooperation. Napakaganda! Sabi nga sa akin ng mga locals – dahil Cabinet Officer for Regional Development and Security ako ng Region I, parang ikaw, Sec. Mart, Region X – makita mo naman kung paano gumalaw ang mga agencies ngayon. Alam natin kung ano ang target natin na barangays at doon natin nilalagay ang puwedeng ilagay na trabaho o serbisyo. Kaya iyan ang masasabi kong accomplishment ng NTF-ELCAC.
SEC. ANDANAR: Nabanggit ninyo nitong nakaraang buwan na matatapos na ang NPA sa darating na 2022. Pakipaliwanag po ito, Secretary Jun?
NSA SEC. ESPERON: Alam mo naman, Sec. Mart na talagang self-imposed deadline natin iyan. Ngunit nakikita na natin ngayon na talagang on the brink of collapse itong CPP-NPA-NDF. Sa mga armado nila, nakikita mo iyong casualties nila sa Samar. Alam mo ba ang isang rason kung bakit nandoon sila? Eh mukhang hindi na sila binibigyan ng pagkain ng mga dating kinukunan nila ng pagkain, galit na sa kanila iyong mga tao eh. Persona non grata na nga sila eh. So sinumbong na sila sa military, iyan na, iyan na ngayon.
At all over the Philippines, napakaraming nagsu-surrender – 18,400 plus ang nag-surrender na for the Comprehensive Local Integration Program. Ang regular na NPA doon sa 18,000 na iyon ay umaabot sa mahigit na 3,000. Kaya paunti sila ng paunti, mabilisan nga ito, kung hindi sila mamamatay sa engkuwentro ay nagsu-surrender naman. Salamat naman at sana, sabi nga ng Division Commander, si General Deñoso doon sa Samar, sana nag-surrender na lang sila kasi Pilipino naman sila. ‘Di sana nakabalik sila at nabigyan natin ng livelihood na lang or resettlement or housing, kasi may housing benefits na ang mga bumabalik sa folds of the law, naasikaso natin sila.
Sana unahan na nila ng pagbabalik-loob sa atin. Sa halip na mamatay pa sila sa engkuwentro, dahil habang nandoon sila sa bundok. Kawawa din iyong mga pamilya nila, wala naman naibibigay sa kanila. Mayroon silang programang SUPAMIL o suporta sa pamilya. Pero magkano iyon? Eh ang suporta naman ninyo sa NPA napupunta naman sa mga matataas na lider ninyo, lalo na iyong mga nakatira sa Europa na talaga namang namamayagpag at nasasarapan sa buhay. Eh, mabuti pa magsama-sama na tayo dito at alisin na natin ang gulo sa mga barangay, upang tayo ay makapagtanim, makagawa ng hanapbuhay, makapag-aral ang mga bata ng sa ganoon ay ang tingin ng mga investors ay maganda nang bumalik sa mga kanayunan o sa countryside para i-develop o mag-invest, hindi ganitong paano ako magi-invest, eh iyong construction equipment eh sinusunog pa rin ng NPA. Kaya ano itong NPA, bakit sila na nanununog ng equipment? Ibig sabihin anti-development sila. Iyan ba ang magiging gobyerno natin balang araw? Parang hindi ko yata maintindihan.
Sabi ng isang founder ng CPP-NPA, si Ruben Guevarra. Sabi niya, kung talagang gusto ng tao itong ating rebolusyon – of course, that’s the rebellion – eh di sana nanalo na tayo! Eh umabot na tayo ng 52 years, hindi na tayo, hindi magki-click, hindi tayo tinatanggap ng Pilipino. Kaya tigilan na natin ito, sabi niya.
SEC. ANDANAR: Iyon po ang NTF-ELCAC vice chair, Secretary Jun Esperon ng NSA.
Patuloy po ang Cabinet Report, tungkol sa whole of nation approach. Tutok lang.
Nasa Cabinet Report pa rin kayo at kausap naman natin ngayon ay mula sa isang area na tinutulungan ng NTF-ELCAC. Mula sa Barangay Mabuhay, General Santos City, ang isang tribal chieftain at lider ng Indigenous People’s Alliance Movement, si Datu Fulong Dan Alim. Magandang gabi, Datu Fulong.
DATU FULONG: Yes, Sec., magandang gabi rin. Dito sa tribal dialect namin (dialect). Ibig sabihin, Sec. Martin na sinasabi ko na magandang gabi sa lahat ng mga kasamahan kong mga katutubo mula Sarangani Province, South Cotabato, Sultan Kudarat and North Cotabato na kung saan may mga Tribong B’Laan sa mga lugar na binanggit ko.
By the way, Secretary, birthday mo pala noong Saturday. Happy birthday sa iyo. Hopefully sa mga sumusubaybay sa programa mo, alam namin na maganda at maraming information kaming nakikita, naririnig at mga magagandang bagay na mapagkunan namin ng magandang halimbawa or susundin namin, kasi ang ganda ng programa mo, Secretary Martin.
SEC. ANDANAR: Salamat sa inyong bati, Datu Fulong. Mabuhay ka! Ano po ang inyong naging karanasan sa NPA diyan sa inyo sa Barangay Mabuhay. General Santos City, Datu Fulong?
DATU FULONG: Barangay namin mismo, iyong maliit pa ako hanggang sa nagkaroon ng ‘Masa’, iyong para bang saturation na iyong mga tao bigyan ng orientation para magiging miyembro ng mga New People’s Army, pero hindi ganoon ka-sitwasyon ng kagaya ng ibang lugar na mayroong bakbakan o mayroong giyera. But iyong parang orientation o ‘Masa’ itong tinatawag natin na i-Massive Campaign or invite sila na pumasok doon sa New People’s Army. In the intelligence report ng Army, 7 out of 10 surrenderees and killed ng mga NPA ay belongs to the indigenous peoples. So very alarming, very alarming on that situation. Kung walang interventions coming from us mismo, na kaming private leaders ng indigenous peoples ay talagang unti-unting mawawala kami at malilihis ang landas ng aming mga kasamahang katutubo. It’s because kakulangan nga ng pagpaabot ng mga interventions ng ating government.
SEC. ANDANAR: Datu, ano naman po ang naging pagbabago sa inyong community hatid ng tulong ng pamahalaan?
DATU FULONG: Kami bilang mga katutubo, katutubong B’Laan sa General Santos City and not only General Santos City, marami ang nabigyan ng mga tulong ng ating government. Una, farm to market road, noon ang hirap daanan, kasi kapag umulan, talagang babaha ang daan, doon na ang magiging highway ng tubig, kasi may kalayuan iyong lugar dito sa community ng barangay hanggang doon sa amin, mga aabot siguro ng almost 7 kilometers at ang area na madaanan natin ay very productive pero ang problema is iyong daan, iyong farm to market road.
Mayroong programa ang ELCAC na talagang tuluy-tuloy, kahit na sabihin nating mayroong mga pandemic, mayroong mga situation ng virus, hindi tayo huminto na gumawa o mag-coordinate sa iba’t ibang sangay ng ating gobyerno, para mabigyan ng interventions ang ating community. Kaya isa sa naisulong natin, isang Indigenous People’s [Kaspala hall?]. Ang ibig sabihin noon is a tribal dialect, a gathering place or a place of settlement, conflict resolutions. So iyon ang tawag sa amin doon, [Kaspala hall?], so that is a term ng building.
Itong long time desire ng mga katutubo na magkaroon man lang ng isang identity para sa kanilang tribo na mayroon silang lugar na pagtipun-tipunan. The Mayor itself decided that this project will be put within the government center of General Santos City. At isa sa materials na in-endorse ngayon ng DepEd and in partnership with the Department of Agriculture and the National Dairy Authority ay iyong fresh milk na mismo. Hindi iyong mga soya milk, hindi iyong iba-ibang mga materyales, but it is a fresh milk coming from the goat, the cow and the carabao. So, that is a very big opportunity on the farmer side considering that the demand and supply of that particular project is a very far, malayo masyado, Secretary.
Kaya noong nai-present sa atin ng Department of Agriculture na ito iyong opportunity ng mga indigenous peoples, sila iyon malawak ang area, sila iyong may mga ancestral domain, sila iyong nanirahan sa bundok at saka iyong direct consumer natin ay ang mga public school students and pupils, mga mag-aaral.
So, masasabi natin, if this government tinitingnan talaga. If this government will coordinate each other together with the community, particular on the indigenous peoples, hindi malayo, hindi impossible na magkaroon ng tatlong aspeto ang maa-address nitong Republic Act 11037. Una, noong nakita ang opportunity una is, magkaroon ng employment ang mga magsasakang katutubo. Why? Kasi habang ang gobyerno open sa kanilang pamimigay ng orientations.
Ano ang dapat gawin sa baka, carabao; anong pag-aalaga at paano magkuha ng gatas? So, magkakaroon na ng employment dahil malaki nga ang demand ng ating gobyerno – DSWD, sa mga Day Care at saka sa DepEd. ‘Pag nagkaroon na ng gatas ang pamilya, halimbawa cluster claim, magka-cluster tayo. Ito 10 pamilya aalagaan iyong kambing, aalagaan iyong baka. So, 10 pamilya, sa 10 pamilya hindi ibibenta lahat, mag-iwan kayo para sa inumin ninyo, for daily consumption ng inyong mga bata. So, sa bahay pa lang nagkaroon na ng good health, healthy ang bata.
So, pangatlo, masu-solve natin ang insurgency. Why? Bakit pa ako pupunta doon sa NPA? Bakit pa ako pupunta doon sa recruitment ng lawless elements na ang ganda ng buhay ko dito, iyong mga anak ko mapakain ko, may trabaho na ako.
So, meaning ang ganda ng kaniyang cycle, ang resulta nagiging healthy ang mga estudyante, nagiging maganda ang memory ng kanilang mga pag-iisip kasi ngayong mga junk foods mostly kasi hinayaan natin na bibili lang kung anu-ano na lang kasi walang programa ng feeding program na mismo. So, meaning pag nagkaroon ng ganitong sistema ang gobyerno natin in collaboration with the IP community, the Department of Agriculture and the National Dairy Authority. If funds is available ang dami ma-a-address na concerns ng ating community, ng ating problema ng ating Pilipinas.
So, aside from that, mayroon tayong mga interventions na mga baka, on the next batch, by next year, aayusin lang namin iyong aming goat house kami ang another recipient ng next program nila na 100 dairy goats para sa continuous dairy production or in support doon sa Republic Act 11037 signed by his Excellency President Rodrigo Roa Duterte.
Kasi, nasa upland kami, upper area, wala kaming irrigation. But iyon nga sabi ko sa sarili ko at sa mga kasamahan ko, hindi malalaman ng ahensiya ng gobyerno na sakit ang tiyan natin kung hindi natin sabihin may sakit kami at nagkaproblema kami.
Jennifer Sibug Las, our Commissioner in the Central Mindanao, friend kami sa Facebook. Sabi ko Comm., baka puwede mo kaming mapagbigyan, hingi kami ng tulong sa inyo sa NCIP kahit na water pump lang. Kahit na water pump kasi iyon ang pinaka-basic na pangangailangan sa mga magsasaka, iyong tubig, iyong sustainable water to sustain the productivity of the farmer, lalung-lalo na sa mga katutubong nasa upland area.
Pumunta siya at nakita niya na very needy talaga, nabigyan kami, ang daming pagbabago kasi ang community namin noon masasabi natin na deprived community. Kung titingnan mo nga noon parang takot ang mga tao pumunta doon dahil iyon nga maraming pag-iisip but for now dahil nga unang-una nakita nila ang kaibahan ng situation na ng community namin at ang Barangay, kasama ang barangay council, in partnership sa ating barangay council na ang dami na ng tao at ang tao nag-enjoy sa kanilang mga ginagawa, nag enjoy sila. Iyon ang importante sa akin, iyong happy sila sa kanilang ginagawa not necessarily gaano kalaki ang magiging income mo, gaano kalaki ang magiging production mo. Gaano kaliit. It’s not a matter, but the very matter, the very importance sa akin at sa aming lahat is iyong masaya kami.
SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong pangarap ngayon para sa inyong community Datu Fulong?
DATU FULONG: Ang Barangay Council, ang Barangay Mabuhay mismo mayroong idle building na malaki, 30×60 ang dimension niya at malawak ang area. So, kinausap ko si Barangay Captain na kung puwede gamitin namin, magkaroon ng memorandum of agreement sa organization ng IP para lahat ng produkto natin sa bundok mai-launch natin doon as a bagsakan center. Doon mag-consolidate ang lahat ng produkto then mayroon akong kausap na isang businessman na siya ang magsi-ship ng mga produkto. As from local market mayroon tayong proposed shipping products doon sa Manila and other areas from the Philippines.
So, ang ganda ng situation kasi mabi-busy na ang mga tribu, hindi lang tribu, ang mga tao, ang mga magsasaka dahil tuturuan tayo ng hindi lang raw materials ang ima-market natin but they teach us, through the government agencies, DTI, packaging para magiging high end products na iyong ibibenta natin. Finished product na gaya ng mga baka, gaya ng kambing, i-cha-chop na siya, ayusin na ilagay sa cellophane, ang ibibenta mo iyong mga naka-ready for eat na at ganoon din sa mga ibang produkto ng gulay kailangan nakuha na natin iyong ibang mga sira kailangan quality na, naka-package na pag-order, pagbenta mo diri-diretso na siya.
So, iyon ang pananaw namin towards this program and then, for your information, Sec., Barangay Mabuhay is already declaring adopting that persona non-grata for the NPA na mayroon ng resolution ang Barangay Council. So, meaning kami we are aiming na pag-usapan din namin, kausapin namin kung mayroon pang mga umiikot dito na sana huwag na nating ituloy at pagtulungan na lang natin itong gobyerno para magkaroon ng isang mapayapa at maunlad na lugar ang ating community.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat tribal Chieftain at leader ng Indigenous Peoples Alliance Movement Datu Fulong Dan Alim. Ipagpapatuloy natin ang Cabinet report matapos ang ilang paalala.
[AD]
SEC. ANDANAR: Nasa Cabinet report pa rin kayo, ilan taon pa lamang ang NDF-ELCAC, ngunit ang konsepto ng whole of nation approach ay subok na sa isang limitadong konsepto na panlalawigan lamang. Ito ay ginagawa na rin ng Leyte Province kaya kinausap natin si Leyte Governor Leopoldo Dominico ‘Mic’ Petilla, upang makakuha ng kaniyang pananaw base sa kanilang karanasan. Good evening po Gov. Mic, welcome back to the Cabinet Report.
GOV. PETILLA: Yes, magandang gabi Sec. Martin, at saka iyong mga nanunood at nakikinig ngayon, iyong mga fans ninyo ang dami-daming fans ninyo ang nanunood ngayon. So, magandang gabi sa inyong lahat. Ay oo pala! Sec. happy birthday, happy hindi ko alam kung ilang taon ka na, hindi ko na lang maitanong. So, sabihin na lang natin—I don’t know hulaan ko na lang, happy tfourth birthday, tfourth or tfive, iyon na lang. So happy birthday Sec!
SEC. ANDANAR: Ginagawa na ninyo ang whole-of-nation approach pero limited sa probinsiya ninyo Governor. Ano ang inyong naging karanasan dito?
GOV. PETILLA: Honestly, during my first term, parang kinakabahan ako kasi parang… or kahit noong nangangampanya pa lang ako sa first term ko parang sabi ko pag nakaupo ako diyan anong gagawin ko? That was my first time to run for public office and then sa kakaikot ko, punta ako sa mga liblib na barangays, inikot ko rin doon, there are going to be my constituents ‘no and then marami silang nakuwento.
Marami silang kuwento na sabi ko iyong iba sa kanilang mga NPA. Sabi ko ‘ba’t kayo nag-NPA, ano ang problema ninyo?’ So sila nag-explain sa akin na ‘ganito ho kasi mahirap kami, nilalakad ng apat na oras ang barangay namin,’ walang kalsada, wala silang tubig, pag may nagkasakit wala ng mapuntahang hospital tapos pag-aaral ng mga bata hindi makapag-aral kasi maglalakad ng mga 4 na oras, paano mag-aral iyon?
So marami silang—there are lots of ano… number na reklamo nila iyong kahirapan nila. So sabi ko, kung mahirap kayo bakit sumali kayo, ba’t nagrirebelde kayo? Kasi hindi kami tinulungan ng gobyerno, parang ganoon. So, instead of magalit tayo sa—magalit ang gobyerno sa kanila parang I think tutal mandate naman ng gobyerno na tulungan sila.
So, when I entered my first term, actually before pa nag-starts-starts na kami sa una livelihood program.
Ang pinaka-common nila na problema iyong kahirapan. Pangalawa, iyong tubig. Pangatlo karamihan nito sa mga pinuntahan kong barangays, pangatlo iyong kalsada, iyong roads and bridges. So, those were the three main talaga, three main na problema nila.
So, noong umupo ako, gumawa ako ng program to solve poverty by Barangay by Barangay. So, siguro kung if there is difference lang sa Leyte, ang tawag ko sa program “Leyte Economic” at saka doon sa ELCAC. Kung mayroon ng pag-iba iyong point of view, ang Leyte Economics ang point of view is poverty reduction, di ba?
Ang ano naman, ang ELCAC is ending communist armed conflict tapos gumawa kami ng master plan, ang tinatawag namin na Marshall plan. So, iyon barangay by barangay iyon. So, in the end parang in-implement namin lalo na natamaan kami ng Yolanda… tuluy-tuloy ang implementations. It’s still the best response from Yolanda, ang Leyte Economic.
So, it solve a lot of problem. So, iyon tuloy-tuloy na. Ngayon naging national programs through the ELCAC. I know it will work. Anong epekto sa barangay, iyong first barangay, since 2015 zero ang malnutrition rate, zero ang crime rate, zero ang incidence ng insurgency tapos ang poverty rate nila dati when we started mga 70 out of mga 98 households, 76 ang 4Ps by 2015 ang 4Ps nila 7 na lang.
So, kung iyon iyong basehan ng poverty rate, that’s a 7% poverty rate from 76% poverty rate. So, parang ganoon tapos ang birth rate nila bumaba. Ang birth rate there was a year, I think 15 or 16 na zero ang birth rate nila walang nanganak. Pero, sabi ko huwag ninyo naman sobrahan na zero, lagyan naman ng kahit kaunti. Tapos, parang ganoon ang ano.
Tapos now, the children are studying in college, sila ang nagpapaaral, sila ang nagpapadala sa schools, iyong iba daw nagwu-work na, parang ganoon. I am hoping pa na some of their children now kaya nilang papag-aralin ng medicine, kaya nilang papag-aralin ng engineering, kaya nilang papag-aralin ng law, accountancy, iyong mga high end na mga courses. Pag mga ganoon, ang children will sustain the development ng barangay.
So, para ganoon, so, its a convergence. Tapos later on when, noon din when we started long time ago, years back, ang number one partner lang namin na sumasama sa amin sa bundok iyong Philippine Army at saka Philippine National Police. Sumama sila sa akin dahil gusto nilang protektahan ako or ano, parang ganoon and then eventually naging close na rin sila, mag-BFF na sila sa Army at saka iyong barangay.
So, kung may pumupunta diyan na mga armado kahit hindi armado na hindi nila kilala tumi-text kaagad sila sa mga BFF nila, iyong Army. So, marami sa barangay kaagad nagti-text parang ganoon at eventually, hindi na sila binabalikan ng mga galing sa kabila, iyong mga NPA, hindi na sila binabalikan.
Kudos din naman sa NPA, salamat din sa panawagan ko na huwag nila ng guluhin, nanawagan ako dati huwag ninyo nang guluhin. So, hindi naman nila ginugulo talaga ang mga barangays na ito. So, sabi ko iyan din naman ang pinaglalaban natin na bigyan ng magandang buhay itong mga taga barangay natin, di ba. So now, later on pumasok ang mga national agencies na iba like TESDA, like PCA kahit ano pasok na rin sa mga livelihood programs natin.
Pati DA pumapasok, Department of Tourism even, even ang DOST. Parang may mga programs sila na pinapasok doon. Tini-technologized na ang mga farmers natin, nagiging high tech na rin sila. So, parang ganoon, I think it’s very sustainable and iyong ELCAC ngayon na si President, ang National Government, you now have a vehicle, an instrument to do that all over the country, di ba?
Kaya nga mataas ang hopes ko, mataas ang pagdasal ko na sana mag-succeed talaga iyong ELCAC kasi hindi naman, halimbawa kami sa Leyte, we will not be able to grow or the Philippines, we will not be able to grow as a country kung mayroon tayong mga probinsiya na nandoon na lublob sa gulo, lublob sa kahirapan, parang ganoon. We can never grow as a country. Kahit masarap ang buhay mo sa Manila, apektado pa rin ang buong bansa kung mayroon tayong mga naghihirap dito sa ating mga kanayunan.
SEC. ANDANAR: Governor, may isang tanyag na success story diyan, ang Villa Consuelo sa Jaro, Leyte na puwedeng tingnan na modelo na kaya ring gawin ng LTF-ELCAC. Tell us about Villa Consuelo, Governor?
GOV. PETILLA: Well, dati ang description, lalo na iyong mayor, kausap ko si Mayor dati diyan hindi pa ako governor, parang nangangampanya pa lang ako sa first term, ang description niya diyan ay ‘no man’s land’ iyan. Talagang walang pumapasok, tapos ang biyahe papunta sa barangay ay kabayo, kalabaw. Tapos kapag umakyat ka noon doon sasabihin sa iyo, basta pagdating ng alas3:00, alas-4:00 bumaba na kayo kasi delikado na, parang ganoon.
So ganoon, now Villa Consuelo, iyon iyong dinescribe (described) ko kanina na barangay na zero crime rate, zero iyong, pati pala PSWDO natin may ano doon, sa VAWC, sa violence against women and children. Pinasok na natin iyong mga program noon kaya ano na, wala ng crime doon, tapos zero malnutrition.
So, ang ibig sabihin ang mga children are very, very much educatable, kaya nga madali na silang i-educate kasi hindi na sila masakitin dahil sa malnutrition. Okay so, ang kanina mga description na ibinigay ko, that was really about Villa Consuelo which is ang ating pilot program. Sabi nga ni Kapitan doon, sabi nga niya ang barangay namin is the birth of the Leyte Economics Program.
SEC. ANDANAR: How has this impacted on Leyte province as a whole?
GOV. PETILLA: Ngayon so many barangays sa probinsiya na pinasok natin sa program lalo na iyong mga liblib, iyong mga mahihirap na barangays, alin ang kasuwerte-suwertihan pa natin dito sa Leyte talagang malaki rin ang tulong ni President through Senator Bong Go. Halimbawa, hirap na hirap kami kasi mayroon ditong 12km na road paakyat ng bundok tapos iyan iyong site ng dating center ng insurgency tapos sabi ko saan tayo maghahanap ng pera nito pang ayos ng kalsada?
All of the sudden magpa-pop-up si Sen. Bong Go. Gov., anong kailangan mo? Kung hindi nakakahiya, hingin ko ito sa iyo, iyon pinondohan kaagad tapos ngayon palakpakan iyong mga tao doon, very excited iyong mga tao doon. So, parang ganoon. In general, because it’s a massive implementation hindi ito nagtayo lang tayo ng model, kung hindi talagang minassive natin iyong implementation, massive din ang effect sa economy.
May mga nakita sa mga reports ng NEDA na over the years since after Yolanda, we have malaki ang rise ng disposable income. Kapag sinabing disposable income, iyon iyong income mo labas sa panggastos mo sa necessity. Total income mo bawas mo iyong necessities, gastos, ang natitira panluho kumbaga, iyan iyong disposable income. So, they have a steep rise sa disposable income ang mga farmers natin.
Dati noong inaano namin, dito muna tayo sa malalapit sa siyudad, pina-feasibility study natin ang mga businesses, iyong mga investors natin, challenged natin, hala mag-feasibility kayo sa town na ito malapit sa siyudad, tapos pumasa sa feasibility nag-invest sila, ayun dinumog! Now, let’s go to the next town, the next to next town.
So, parang all over Leyte makikita mo na dinudumog siya, parang kumikita dahil may pera ang tao. Parang nag-match doon sa report ng NEDA na may mataas ang disposable income. So, in-encourage naman natin iyong mga businesses. Mayroon kaming mga liblib na mga munisipyo dito, mga remote na munisipyo na mayroong mga 7/11 may ganoon, multi-national na investments, pagpunta ko doon one time, aba pinipilahan!
So, ibig sabihin iyong business, win-win din ito, win-win din sa mga businessman kasi doble ang sale nila since before Yolanda. More than double ang increase ng sales, then they invested more, created thousands more of jobs tens of thousands more of jobs ang na-create. Parang ganoon ‘no, may mga naglalagay dito ng mall, ayon ang daming tao kahit ngayong pandemic, ang daming tao and then contributing a lot sa ano, sa growth ng economy talagang mataas.
In fact in 2017, Region VIII, nag-post ng growth ang Region VIII ng mga 12.4% GDP growth. That was the fastest in the country and seldom does a region have that growth na umaabot ng 12. So, ganoon kalakas ang ano, imaginin ninyo, kasi buong region iyon na data, kung buong region na-implement natin itong program. That’s why ang sarap pakinggan ng ELCAC ini-implement sa Samar, ini-implement sa Southern Leyte parang ganoon. Imagine mo pag isama mo pa iyon, imagine mo iyong overall impact sa regional economy ng Leyte.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Leyte Governor Leopoldo Dominico ‘Mick’ Petilla.
Pilipinas, ang aming day job sa pamahalaan, ang aking araw-araw na responsibilidad ay bilang inyong Kalihim sa Presidential Communications Operations Office. Ngunit kagaya na rin ng nabanggit ni Secretary Jun Esperon, kanina ako rin ay itinalagang Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) para sa Region X o Northern Mindanao at dahil dito personal ko na napupuntahan ang mga lugar sa Region X kung saan umaabot ang tulong natin ng NTF-ELCAC at masasabi kong talagang iba ang sense of mission mo kapag nandoon ka na sa mga lugar na malayo at mahirap abutin.
Sa mga barangay na ito, damang-dama ang hatid nating mga kalye at tulay na access sa mga mamimili at manggagamot, ang hatid nating pailaw, ang hatid nating tulong sa pagsasaka, ang hatid nating dagdag na kaalaman dahil sa totoo lang ilang dekada silang naiwan ng pamahalaan. Napakalaki ng pagbabagong hatid ng whole-of-nation approach, napakalaki ng pagbabagong hatid ng nagkakaisang pamahalaang tumututok sa mga lugar na napabayaan.
Napakalaki nang pagbabagong hatid ng sambayanang nagkakaisa sa malawakang tulong sa mga panlipunang problema sa mga barangay na hindi nasasakop sa pananaw ng nakararami. At sana nga ang legasiya, ang pamanang ito ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ay maipagpatuloy sa mga taon pang darating. Sana nga isapuso natin ang sinasabi ng Presidente: Walang maiiwan, walang iwanan.
Para sa Cabinet Report, ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar. Mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang Pilipino!
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center